Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

ST. JOSEPH HIGH SCHOOL OF LALIGAN, INC.

Laligan, Valencia City Bukidnon


IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT
FILIPINO 7
Taong Panuruan: 2023˗ 2024
Marso 13-14, 2024

Pangalan:___________________________________Seksiyon:_____________Iskor:_________
PANGKALAHATANG PANUTO:
 Basahin nang mabuti ang bawat panuto sa aytem at iwasan ang pagbubura.
 Kung may katanungan, magtanong sa guro at huwag sa kaklase.
 Sagutan ang pagsusulit ng buong katapatan.

I. PAGKILALA
A. PANUTO: Unawaing mabuti ang sumusunod na mga pahayag at tukuyin ang mga hinihingi sa bawat bilang. Itiman
ang titik ng tamang sagot.
1. Ito ay ang tawag sa paglalakbay sa isa o pangkat ng tao sa labas o loob ng bansa na ang layunin
ay makapaglibang, makapagnegosyo, o iba pang gawain na may sariling pakay.
a. turismo b. turista c. turismong proyekto d. proyektong panturismo
2. Isang programa na ang layunin ay makapanghikayat ng mga turista sa pamamagitan ng
paglalarawan at pagpapakilala ng isang lugar.
a. turismo b. turista c. turismong proyekto d. proyektong panturismo
3. Ang tawag sa isang manlalakbay sa isang lugar.
a. turismo b. turista c. turismong proyekto d. proyektong panturismo
4. Ito ay isang dokumentaryo sa pamamagitan ng pagbibidyo ng kagandahang taglay ng isang
lugar.
a. blog b. vlog c. poster at slogan d. proyektong panturismo
5. Ito ay ang mga patalastas na lumalabas sa mga website sa internet na ang layon ay itampok ang
isang lugar.
a. blog b. vlog c. patalastas sa internet d. proyektong panturismo
6. Idinidisenyo ito upang magsilbing gabay na naglalaman ng iba-ibang impormasyon sa paglalakbay sa
pook na pupuntahan gaya ng kabuoang gastusin, mga maaaring kainin, kultura, pista at ipa ba.
a. blog b. travel brochure c. patalastas sa internet d. proyektong panturismo
7. Ito ay ang pamamaraan kung saan ipinakikilala ang isang lugar gamit ang radyo.
a. blog b. travel brochure c. patalastas sa internet d. patalastas sa radyo
8. ito ay maaaring magtagtaglay ng tekstwal o grapikal na elemento ng disenyo na kapansin-pansin at
nakapagbigay- kaalaman o ideya hinggil sa isang lugar.
a. Poster o slogan b. travel brochure c. patalastas sa internet d. patalastas sa radyo
9. Ito ay tumutukoy sa pagwawangis ng dalawang magkaibang bagay at gumagamit ng mga panandang
tulad ng, kawangis ng, animo’y, anikay kagaya ng at marami pang iba.
a. Pagtutulad b. pagwawangis c. pagsasatao d. pagmamalabis
10. Ito ay ang pagpapalubha ng isang pahayag o eksaherasyon.
a. Pagtutulad b. pagwawangis c. pagsasatao d. pagmamalabis
11. Ang tawag sa karaniwang ginagamit sa kalye kaya’t madalas na tinatawag ding salitang kalye o kanto.
a. balbal b. kolokyal c. lalawiganin d. colloquial
12. Ito ay madalas ginagamitan ng pagpapaikli o pagkakaltas ng ilang titik sa salita.
a. balbal b. kolokyal c. lalawiganin d. slang
13. Mga salitang karaniwang ginagamit sa mga lalawigan o probinsiya o kaya’y partikular na pook kung
saan nagmula o kilala ang usang wika.
a. balbal b. kolokyal c. lalawiganin d. slang
14. Nangangahulugan itong gusto, nais, ibig, puwede, maaari o kailangan? Halimbawa nito ay puwedeng
sumali?
b. modal b. padamdam c. panawag d. sambitla
15. Nagpapahayag ito ng matinding damdamin, isa sa mga halimbawa nito ay ang salitang bilis!.
a. modal b. padamdam c. panawag d. sambitla
16. Ito ay naglalaman ng iisahin o dadalawahing pantig na nagpapahayag ng matinding damdamin.
Ilan sa mga halimbawa nito ay ang Naku!, Aray!.
a. modal b. padamdam c. panawag d. sambitla
17. Ito ay ang mga pagbati, pagbibigay-galang, at iba pang nakagawian sa lipunang Pilipino. Ilan sa mga
halimbawa nito ay ang makikiraan, magandang araw at salamat.
a. modal b. padamdam c. panawag d. pormulasyong panlipunan
18. Isang tuwirang paghahambing na hindi ginagamitan ng mga salitang tulad ng, para ng, kawangis ng,
animo at iba pa.
a. Pagtutulad b. pagwawangis c. pagsasatao d. pagmamalabis
19. Nagsasalin ng talino, gawi at katangian ng tao sa bagay na walang buhay.
a. Pagtutulad b. pagwawangis c. pagsasatao d. pagmamalabis
20. Naipapahiwatig dito ang kahulugan sa pamamagitan ng tunog o himig ng mga salita.
a. Pagtutulad b. pagwawangis c. pasintunog d. pag-uulit
PANUTO: Piliin kung dapat o di- dapat ang mga pahayag ay nagsasaad ng tamang konsepto ukol sa proyektong
panturismo. Itiman ang titik ng tamang sagot 21-30.
a. Dapat b. di-dapat
21. Naglalaman ng mahahalagang impormasyon tungkol sa isang lugar.
22. Walang suportang natatanggap mula sa pamahalaan ang mga rehiyon para sa turismo.
23. Ipinapakita dito ang magagandang tanawin sa pamamaraang bidyo o litrato.
24. Isang paraan upang lumakas ang ating turismo sa ating lugar.
25. Ipinakikita dito ang kultura, tradisyon at pamumuhay ng mga tao sa isang lugar.
26. Ang turismo ay isa sa bumubuhay sa ekonomiya ng isang bansa.
27. Maipalalaganap ang mga proyektong panturismo sa pamamagitan ng salin-dila.
28. Hindi mahalaga ang wika sa proyektong panturismo.
29. Turista ang tawag sa mga naglalakbay sa iba’t-ibang lugar.
30. Turismo ang paglalakbay ng isang tao o pangkat sa loob at labas ng bansa.

PANUTO: Tukuyin at unawain kung anong uri ng tayutay ang bawat pahayag.
31. Ang tao ay gaya ng kandilang unti-unting nauupos.
a. Pagtutulad b. pagwawangis c. pasintunog d. pag-uulit
32. Ang ina ni Joshua ay bituing tanglaw niya sa landas ng buhay.
a. Pagtutulad b. pagwawangis c. pasintunog d. pag-uulit
33. Si Eugene ay isang ibong humanap ng kalayaan.
a. Pagtutulad b. pagwawangis c. pasintunog d. pag-uulit
34. Ang buwan ay nahiya at nagtatago sa ulap.
a. Pagtutulad b. pagwawangis c. pagsasatao d. pag-uulit
35. Lumuluha ang liham na natanggap ni Carlo.
a. Pagtutulad b. pagwawangis c. pagmamalabis d. pagsasatao
36. Nabiyak ang kanyang dibdib sa tindi ng pagdadalamhati.
a. Pagtutulad b. pagwawangis c. pagmamalabis d. pag-uulit
37. O tukso, layuan mo ako.
a. Pagtutulad b. pagwawangis c. panawagan d. pag-uulit
38. Si Raul ay hindi salawahan, tatlo lamang ang kanyang kasintahan.
a. Pagtutulad b. pagwawangis c. pasintunog d. pananggi
39. Kumalabog sa matigas na lupa ang bumagsak na kargamento mula sa trak.
a. Pasintunog b. pagwawangis c. pananggi d. pag-uulit
40. Siya ay katulad ng kandilang unti-unting nauupos.
a. Pagtutulad b. pagwawangis c. pasintunog d. pag-uulit

PANUTO: Tukuyin at unawain ang elemento ng Indie film sa bawat pahayag. Itiman ang titik ng tamang sagot.
41. Ito ay naisasagawa sa labas ng isang malaki at magarbong produksyon ng pelikula na siyang nagbubukas
ng pinto at nagbigay oportunidad sa mga naghahangad na maging filmmaker.
a. Indie film b. India Film c. Film of India d. Sinematograpiya
42. Ito ay isa sa mga elemento ng Indie film na tumutukoy sa daloy at pagkakasunod-sunod ng pelikula mula
simula hanggang wakas.
b. Balangkas b. Aktor o tagaganap c. direksyon o direktor d. tunog at musika
43. Tumutukoy ito sa background music na ilalapat sa bawat tagpo ng kuwento.
a. Balangkas b. Aktor o tagaganap c. direksyon o direktor d. tunog at musika
44. Ang mga pelikulang ito ay naging tanyag at nakilala noon sa kabisayaan.
a. “Gimingaw ako at pagbalik” c. “pagbabalik at pakikitungo”
b. “Makamingaw at pagbalik “ d. “patungo at pakikibaka”
45. Siya ay ang itinuturing na eskeleton o frame ng pelikula.
a. Balangkas b. Aktor o tagaganap c. direksyon o direktor d. tunog at musika
46. Nakatutulong ang elementong ito upang mapanatili ang atensyon ng mga manonood.
a. Balangkas b. Aktor o tagaganap c. editing at effects d. nakapupukaw ng pansin
47. Ito ay ang mga taong gumaganap sa loob ng pelikula.
a. Balangkas b. Aktor o tagaganap c. direksyon o direktor d. tunog at musika
48. Ito ay may kinalaman sa konsepto ng pelikula kabilang ang kasuotan, tagpuan, at anggulo ng kamera.
a. Balangkas b. sinematograpiya c. direksyon o direktor d. tunog at musika
49. Ang pinakakaluluwa ng anumang anyo ng kuwento o pelikula.
a. Balangkas b. Aktor o tagaganap c. direksyon o direktor d. iskrip o mga diyalogo
50. Ito ay tumutukoy sa pagkuha ng atensyon o interes ng mga manonood.
a. Balangkas b. Aktor o tagaganap c. direksyon o direktor d. nakapupukaw ng pansin

PANUTO: Tukuyin at unawain kung anong mekanismo sa pagbubuo ng bagong salita ang sumusunod.
a. Panghihiram c. pagpapaikli ng salita o clipping
b. pagtatambal d. paggamit ng akronim
51. CEO
52. Tapsilog
53. Balat-sibuyas
54. Softdrinks
55. Spaghetti
56. FYI
57. Ref
58. Demo
59. Ballpen
60. matapobre

Huwag kang tumingin sa iba, kung ayaw mong magkamali ka:)


--ma’am Abby
---Pagtatapos ng Pagsusulit---

You might also like