Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Adyenda

I. Gawain Bago ang Talakayan


Panuto: Ayusin ang mga sumusunod na titik para malaman kung ano-anong mga terminolohiya na
ginagamit sa pagpupulong ang tinutukoy ng mga sumusunod.

II. Talakayan

Adyenda
 Nagtatakda ng mga paksang tatalakayin sa isang pagpupulong.
 Ang maayos at sistematikong adyenda ang isa sa mga susi sa matagumpay na pagpupulong.
 Ipinababatid sa mga taong kabahagi bago isagawa ang pulong.
Kahalagahan ng Adyenda
1. Ito ang nagsaaad ng mga sumusunod na impormasyon:
a. mga pakasang tatalakayin
b. mga taong tatalakay o magpapaliwanag sa paksa
c. oras na itinakda para sa bawat paksa
2. Nagtatakda ng mga balangkas ng isang pulong tulad ng pagkakasunodsunod ng mga paksang
tatalakayin sa pagpupulong at kung gaano katagal pag-uusapan ito.
3. Ito ay nagsisilbing talaan o tseklist na lubhang mahalaga upang matiyak na ang lahat ng paksang
tatalakayin ay kasama sa talaan.
4. Ito ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga kasapi sa pulong na maging handa sa mga paksang
tatalakayin sa pagpupulong.
5. Ito ay nakakatulong nang malaki upang mapanatiling nakapokus sa mga paksang tatalakayin.

Nilalaman ng isang adyenda


1. Saan at kailan idaraos ang pagpupulong? Anong oras ito magsisimula at matatapos?
2. Ano-ano ang mga layuning inaasahang matamo? Dito sinasagot ang tanong na “Bakit tayo
magkakaroon ng pagpupulong?”
3. Ano-ano ang mga paksa o usapin na tatalakayin? Maaaring maikli lamang o detalyado depende sa
pangangailangan.
Adyenda
Mga Dapat Tandaan sa Pagsasakatuparan ng Adyenda
1. Tiyaking ang bawat dadalo sa pulong ay makatatanggap ng sipi ng adyenda.
2. Talakayin sa unang bahagi ng pulong ang mahahalagang paksa ng adyenda.
3. Manatili sa iskedyul ng adyenda ngunit maging flexible kung kinakailangan.
4. Magsimula at magwakas sa takdang oras ng napag-usapan.
5. Ihanda ang mga kakailanganing dokumento kalakip na rito ang adyenda

Dalawang Uri ng Adyenda (Magbigay pa ng mga halimbawa)


1. Adyendang Nagbibigay ng Impormasyon - layunin ng adyendang ito na magbigay ng mga
mahahalagang impormasyon tungkol sa isang paksa.
Halimbawa: Pinansyal na Ulat

2. Adyendang Nangangailangan ng Tugon - layunin ng adyendang ito na bigyan ng kaukulang tugon o


aksyon sa isang problema o pangangailangan.
Halimbawa: Pagsugpo sa Covid 19.

Ipakita at talakayin sa klase ang halimbawa ng adyenda sa ibaba

Mga gabay na tanong:


1. Anong ang paksa ng tekstong iyong binasa?
2. Kailan at saan gaganapin ang pagpupulong?
3. Ano-anong mahahalagang impormasyon ang tatalakayin sa pagpupulong?
4. Sino-sino ang mga inaasahang darating sa pagpupulong?
5. Ano ang layunin ng tekstong binasa

You might also like