Unang Kabanat1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 36

Unang Kabanata

Mapanglaw na Gubat
Sa isang madilim at mapanglaw na gubat na kung saan
hindi nasisinagan ng araw dahil sa mga naglalakihang
puno ay may nakataling isang binata sa isang puno ng
Higera. Ang kanyang mga kamay, paa at leeg ay
nakagapos. Siya ay si Florante, isang mandirigma ng
kahariang Albanya na kanyang pilikmata’t kilay ay may
arko, may makinis na balat, kulay ginto ang buhok at ang
katawan ay matikas.
Inilalarawan din na sa gubat na iyon, ang huni ng mga ibon
ay nakakatakot at ang mga hayop na gumagala dito ay
mababangis karamihan ay sierpet basilisco, tigre at Heina na
handang manila. Malapit ito sa ilog Cosito na may
makamdag na tubig. Doon ay walang makikitang
naggagandahang diyosa, kundi diyosa na ang kahawig ay
ibon ngunit mukhang dalaga na may baluktot na mga kamay,
may matutulis na kuko at may pakpak na parang paniki.
Tinanong ni Florante ang langit kung nasaan ang kanyang
bangis sapagkat ngayon ang kanyang bayan ay sawi at sa
kasinungalingan ay naghahari.
Ikalawang Kabanata
Laura,BakitkaNagtaksil?
Sa pagitan ng mga paghihirap at paglilitis ng nakataling si Florante
nakakintal sa kanyang alaala ang napakagandang kasintahang si
Laura. Ipinagkaloob niya ang karangalan upang ipagtanggol ang
kahariang Albanya na pinamumunuaan ni Haring Linceo na butihing
ama ni Laura. Ipinagkaloob din niya ang karangalan at kayamanan
ng kanyang Dukeng ama. Subalit sa kabila ng lahat ay nanaig ang
kasamaan ni Adolfo. Paulit-ulit na nananalangin sa Diyos upang siya
ay kahabagan at bigyan ng katarungan sa sinapit.
Makailang ulit na siyang pinanawan ng ulirat at kulang na lang ay
panawan na rin siya ng bait dahil sa labis na paghihirap. Sa tuwing
magmumulat ng mata, si Laura ang nakikita sa kanyang harapan.
Naaalala niya ang pangako ng kanilang mga puso bago pa siya
tumulak patungong digmaan. Pinababaunan siya ng mga luha at
pinapahiyasan ang kanyang turbante na pinalamutian ng perlas,
topasyo, rubi at pinalilibutan ng batong diyamante ang sagisag na
letrang L.
Halos madurog ang puso ni Florante sa labis na pagdaramdam.
Subalit patuloy siyang nanawagan at nananghoy na tanging si Laura
na lamang ang makapagbibigay ng lunas sa kanyang kaluluwa’t
pusong sugatan. Matinding panibugho ang kanyang nararamdaman
sapagkat tuluyang naagaw ng taksil na si Adolfo ang sintang si
Laura. Hanngang tuluyang magupo ng paghihirap ang kanyang
katawan at nagmistulang bangkay na napayukayok.

Ikatlong Kabanata
Pag-ibig na Makapangyarihan
Nagkataong pagdating sa gubat ng isang gererong bayani ang galaw,
na may pananamit na Persyano. Tumigil sa paglalakad ang moro at
naghanap ng punong mapagpapahingaan. Umupo sa isang puno at
doon nagmuni-muni ng kanyang nakaraan.
Umiyak ang moro ng sumagi sa kanyang isip ang kasintahang si
Flerida, kasabay nito ay ang nakatatakot na huni ng ibon. Labis ang
pagdaramdam sa naging kataksilan ng sukab na ama dahil inagaw
ang pinakamamahal niyang babae. Sa isip kung iba ang umagaw kay
Flerida at hindi ang kanyang ama na dapat niyang igalang ay
gagawin niya ang lahat makuha lamang siya sa iba kaya’t hindi alam
ang gagawin.
Ikaapat na Kabanata
Ang Gererong Bayan
Ang gererong moro ay walang iba kundi si Aladin na isa sa ring
sawi sa pag-ibig. Sa kanyang pagmumunimuni ay may narinig
siyang tinig na nananghoy. Hinanap niya ang pinagmulan nito at
natagpuan na may nakatali sa puno na isang mandirigma. Narinig ng
moro lahat ng daing ni Florante, nalaman niya ang ginawang
pagtataksil ni Konde Adolfo. Natiyak ng moro na pareho sila nang
sinapit na kapalaran ng lalaking nananaghoy.
Ang bayang pinagmulan nito ay pinagtaksilan ng isang Konde at
inagaw ang kasintahan samantalang siya ay biktima nang pagseselos
ng sariling amang umagaw sa kanyang tanging kaligayahan. Muli
niyang narinig ang pananaghoy ni Florante na sinasambit ang
pangalang Laura. Napatda si Aladin ng may makitang dalawang leon
na handang kainin ang lalaking nakagapos sa malaking puno ng
Higera.

Ikalimang Kabanata
Paalam, Bayan ng Albanya
Nang makita ni Florante ang dalawang hayop ay noon niya
nasabi na katapusan na ng kanyang buhay kaya’t tuluyan
nang nagpaalam sa pinakamamahal na bayang Albanya.
Nanambitan at tinawag ang kanayang mahal na ama para
humingi ng awa sa gitna ng kanyang pag-aalala sa masayang
nagdaan ng kanilang buhay.
Nagpaalam din sa kasintahang si Laura na pinaniniwalaang
nagtaksil sa kanilang pag-iibigan. Nagpaalam din sa malupit
na Konde Adolfo na nasa trono at puso ng kanyang
minamahal. Lalo sa bayan na kanyang ipinagtanggol sa mga
digmaan na ngayon ay magdiriwang na sa kanyang sinapit.
Ngunit sa kabila ng kanyang pagdaramdam ay namumutawi
pa rin kay Florante ang labis na pag-ibig kay Laura at sa
bayang tinubuan.
Ikaanim na Kabanata
Ang Kaligtasaan ni Florante
Sa narinig ni Aladin, lubos niyang napagtanto na kailangan niyang
iligtas si Florante sapagkat nadudurog ang puso ng gerero sa labis na
habag. Hinanap niya ang nanananghoy na tinig at napatigil ang moro
nang makita niyang may umaaligid na dalawang leon at handa nang
kagatin ang nakagapos na si Florante. Labis na nahahabag si Aladin
sa naging kalagayan ni Florante na walang lakas ipagtanggol ang
nakagapos na sarili laban sa dalawang mababangis na leon.
Doon din ay hinarap ang mabangis na hayop para iligtas si Florante.
Pinagtataga ni Aladin ang dalawang leon hanggang sa mapatay ang
mga ito. Nang matiyak na patay na ang dalawang leon ay saka niya
kinalagan ang gapos ni Florante. Inalalayan niya ang nanlulupaypay
na si Florante at dinala sa ligtas na lugar. Pinagmasdang mabuti ng
gerero ang matikas na anyo at maamong mukha ng bayani ng
Albanya at di nagtagal ay unti-unting nagkamalay si Florante at
dinilat ang kanyang mga mata.
Ikapitong Kabanata
Ang Kristiyano at ang Muslim
Sa unang pagmulat ng mga mata ni Florante ay una niyang binigkas
ang pangalan ni Laura. Hinanap niya ang kasintahan sa gitna ng
kahabag-habag na kalagayan na patuloy pa rin ang pananambit kayat
pinayapa ng gererong moro ang kanyang kalooban. Napatda si
Florante nang makilala ang naging tagapagligtas natiyak niyang
isang kaaway ang kanyang bayaning tagapagligtas, isang morong
maraming ulit na niyang nakaengkuwentro sa gitna ng mga labanan
sa digmaan. Ipinaliwanag ni Aladin ang naging pakay ng pagtulong
kay Florante. Nagawa niya itong iligtas dahil sa matinding habag at
dahil na rin sa nakaambang kamatayan sa mga gutom na leon.
Nag-alangan si Florante sa pagtulong sakanya ni Aladin dahil alam
niyang sa ayos at pananamit ay magkaiba silang dalawa. Pero
tiniyak ni Aladin na hindi sa kinabibilangang sekta nakasalalay ang
pagtulong sa kapwa kayat tinulungan niya si Florante, dinala niya si
Florante sa isang malapad at makinis na bato, doon niya pinahiga at
ginamot. Binigyan din niya ito ng kanyang baon na pagkain upang
maibalik agad ang lakas nito. Sa kabila ng maraming pag-alangan ay
nagpatuloy ang moro na kupkupin at alagaan si Florante, nakatulog
ito habang patuloy ang pagbabantay. Sa paggising ni Florante ay
nanumbalik muli ang kanyang lakas labis-labis ang kanyang
pasasalamat kay Aladin na naging kanyang tagapagligtas.
Ikawalong Kabanata
Ang alaala ng kamusmusan
Labis na nagalak ang gererong moro dahil sa panunumbalik ng lakas
ni Florante, sinabi ni Aladin na narinig niyang lahat ang mga
panaghoy nito kayat ikinuwento ni Florante ang kahabag-habag
niyang sinapit bunga ng isang kataksilan. Sinimulan niya ang
pagkwekwento sa alaala ng kanyang kamusmusan. Siya ay anak ni
Duke Briseo mula sa bayan ng Albanya at ang kanyang ina ay si
Prinsesa Floresca na mula naman sa bayan ng Crotona. Sanggol pa
lamang siya ng unang manganib ang kanyang buhay sa isang
dambuhalang buwitre habang siya’y natutulog, nasaksihan ng
kanyang ina ang nakaambang panganib at dahil sa malakas nitong
tili ay agad nakasaklolo ang pinsan niyang si Menalipo na noon ay
may dalang pana at panudla.
Agad nitong natudla ang buwitre at siya’y nakaligtas sa kamatayan.
Isang araw naman habang siya’y nasa gitna ng salas, isang alko
naman ang sumila sa kanyang suot na kwintas na may palawit na
kupidong diyamante. Nang sumapit na siya sa edad na siyam,
nakagiliwan naman niyang magpunta sa burol para mamana at
manghuli ng hayop, sa batis naman ay nawiwili siyang pakinggan
ang lagaslas ng tubig na tila may mga nayadas na umaawit.
Ikinuwento din ni Florante kay Aladin ang kanyang masayang
paglaki at kabataan sa piling ng inang kalikasan.
Ika-siyam na Kabanata
Ang Pag-aaral sa Atenas
Ipinadala ni Duke Briseo sa Atenas si Florante upang doon mag-aral.
Lumuha ang kanyang ina dahil sa kanilang paghihiwalay ng
kanyang anak at labis din itong ipinagdamdam ni Florante. Ang
mabait na gurong si Atenor ang tumulong sa kanya upang mawala
ang lumbay sa loob ng ilang buwang pananatili sa Atenas. Ilang
buwan siyang hindi makakain at madalas na umiiyak dahil sa
matinding kalungkutan.
Isa sa kanyang kababayan ang doon din nag-aral. Si konde Adolfo
na anak ni Konde Silano, labing tatlong taong gulang na si Adolfo
samantalang siya naman ay labing isa pa lamang. Mabait at
marunong makisama si Adolfo sa mga kamag-aral kayat labis siyang
kinagigiliwan. Mahinhin ang asal nito at hindi marunong
makipagtalo. Hindi rin siya kakitaan ng kagaspangan ng ugali o
pagiging lapastangan. Si Adolfo ay larawan ng isang huwarang mag-
aaral. Subalit sa kabila ng lahat maging ang mga guro nila’y hindi
malaman ang lalim ng pag-iisip ng malihim na si Adolfo.
Ikasampumg Kabanata
Ang Pagbabalatkayo
Sa kabila ng lahat ay hindi lubusang mapaniwalaan ni
Florante ang uri ng kagandahang asal na ipinapakita ni
Adolfo. Lalo’t may tagubilin sa kanya ang ama tungkol sa
bait na di paimbabaw. May kung anong lihim na gawi si
Adolfo na naririmarim si Florante at sa tingin niya’y may
ganun ding pakiramdam sa kanya nito. Lumipas ang mga
araw at naging bihasa si Florante sa kanyang pag-aaral
sapagkat sa loob ng anim na taong pag-aaral ay naging
dalubhasa siya sa pilosopiya, matematika at astrolohiya
dahilan ng kanyang pangunguna sa klase.
Napag-iwanan niya si Adolfo at kumalat sa buong Atenas
ang kanyang katalinuhan. Kaya naging popular siya sa mga
guro at maging sa kanyang kapwa kamag-aral. Dito lumabas
ang tunay na anyo ng nagbabalatkayong si Adolfo, napuno
ng inggit at galit ang puso niya sa tagumpay na nakakamit ni
Florante. Marami ang siyang nakakahalata sa unti-unting
pagbabago ni Adolfo at marami ring nagsasabing ang
pagiging mahinahon niya ay hindi bukal sa kanyang
kalooban.
Ikalabing-isang Kabanata
Ang Dula-dulaan
Sa isang dula-dulaang trahedya kabilang sa mga tauhan si
Florante sa papel na Etyokles, Polonese para kay Adolfo,
samantalang ang matalik na kaibigan ni Florante na si
Menandro na gumanap sa papel ni Reyna Yokast. Sa isang
bahagi ng kanilang pagdudula tinotoo ni Adolfo ang
ginawang pakikipaglaban kay Florante at pati ang dayalog na
sinusundan niya ay naiba na rin kayat marami ang nagtaka.
Kaya naman bumagsak sa entablado si Florante nang
daluhungin ito ni Adolfo, nawalan nang kahandaan si
Florante, akmang tatagain siya ni Adolfo nang salagin ito ng
espada ni Menandro. Nabigla ang lahat sa itinakbo ng dula
sapagkat batid nilang naging totohanan iyon, pati ang
kanilang maestro ay umawat na rin at walang kibo kibong
umalis si Adolfo sa entablado. Kinaumagahan hindi na
nakita si Adolfo dahil tumakas na siya ng gabi ring iyon
sapagkat batid niyang siya ay lilitisin sa ginawang
kapangahasan kay Florante. Siya’y bumalik sa kahariang
Albanya.
Ikalabindalawang Kabanata
Ang Pangungulila ni Florante
Isang taon ang lumipas nang makatanggap ng sulat si
Florante mula sa kanyang ama na namatay na ang
kanyang inang si Prinsesa Floresca. Nawalan ng malay
si Florante pagkabasa sa nilalaman ng sulat at halos
dalawang oras bago magkamalay. Halos gabi-gabi ay
lumuluha siya dahil sa kanyang pangungulila sa
pumanaw na ina.
Pilit siyang tinulungan ng kanyang maestro upang
aliwin sa gitna ng kapighatian subalit patuloy pa rin
ang kanyang naging pagdurusa. Dalawang buwan
siyang nanangis hanggang sa dumating ang ikalawang
liham mula sa ama, ipinapasundo na siya kayat babalik
sa kahariang Albanya. Nagpaalam si Florante sa
kanyang maestro at pinagbilinan siya na mag-ingat kay
Adolfo sapagkat natitiyak niyang ito’y nagbabadya ng
paghihiganti.
Ikalabing tatlong Kabanata
Ang tagubilin ng guro
Binilin ng Maestro si Florante na mag-ingat sa tiyak na
kapahamakan na kakabakahin sa oras na makaharap si
Adolfo. Huwag siyang magpahalata na batid niyang sila’y
magkaaway, ang mahalaga’y ang gagawin niyang
paghahanda sa napipintong labanan nila ni Adolfo.
Nagpaalam na rin si Florante sa matalik niyang kaibigan na
si Menandro na labis naman ang kalungkutan dahil sa
kanyang pag-alis. Napansin iyon ng Maestro na tumatayong
amain ni Menandro kaya’t pinahintulutan niya itong sumama
kay Florante sa Albanya. Nang makarating ang dalawa sa
Albanya, si Florante ay dali-daling binagtas ang daan
papasok patungo sa kanilang tahanan. Dinatnan niya ang
may sakit na ama na lubha pang lumala dahil sa pagpanaw
ng kanyang ina. Hinagkan niya sa kamay si Duke Briceo at
saka sila nagyakapan ng mahigpit. Siya namang pagdating
ng embahador ng Crotona dala ang sulat mula sa kanilang
hari na humihingi ng saklolo.
Ikalabing-apat na Kabanata
Ang pinakamamahal na bayan ng albanya
Nasa gitna ng panganib ang bayang Crotona na pinagmulan
ng kanyang inang si Prinsesa Floresca. Sinasalakay sila ng
mga hukbong pinamumunuan ni Heneral Osmalik ng Persiya
at ang bantog na morong gererong si Aladin kaya’t lumapit
si Duke Briseo kay haring Linceo na Hari ng Albanya upang
sa kanya humingi ng tulong. Isinama ni Duke Briceo si
Florante papunta sa palasyo at agad ipinakilala.
Ayon naman sa Hari ay nakita niya sa kanyang panaginip na
ang makisig na lalake ang magmamana ng kanyang setro at
kahariam. Noon din ay ginawang heneral ng hukbo si
Florante na mamumuno sa pagsaklolo sa bayan ng Crotona
na kinukubkob ng moro. Ipinabatid rin kay Florante na nuno
niya ang hari ng bayang Crotona na kailangan niyang iligtas
at katungkulan niyang ibalik ang dangal at kapayapaan dito.
Tinanggap ni Florante ang malaking hamon ng hari na siya’y
gawing heneral ng hukbo. Pinagplanuhan nila ang mga dapat
gawin at pinag-usapan din ang mga pinagdaanan niyang
karanasan sa Atenas sa panahon ng kanyang pag-aaral.
Ikalabinlimang Kabanata
Pag-ibig sa unang pagkikita
Sa gitna ng pakikipag-usap ni Florante sa hari ay
nakita niya ang isang dilag na tila Diyosa at may mala-
Venus na kagandahan. Mahaba ang nakalugay nitong
buhok at ang kanyang mga mata’y mahinhing nakatitig
sa kanya. Nabighani agad si Florante sa kagandahan ni
Laura nang ipakilala ni haring Linceo ang anak.
Pakiwari ni Florante ay ikasisira ng kanyang isip ang
labis na kagandahan ni Laura. Agad niyang ipinagtapat
sa hari ang kanyang matapat na pagsuyo at ang pag-
aalinlangang siya’y nababagay sa puso ng dalaga.
Pinahintulutan ng hari ang kanyang paninikluhod at
ipinangakong hindi magiging talusira ang anak na si
Laura sakaling ibigin siya ni Florante.
Ikalabing anim na Kabanata
Ang pangako ng puso
Sinabi ni Florante na nangungulila pa rin siya sa kanyang ina subalit
ang lumbay na iyon ay pinawi ng pag-ibig na ukol niya kay Laura.
Ipinangako ni Florante ang kanyang tapat na pagsuyo bagama’t wala
siyang maiaalay na kahit anumang yaman at kamaharlikaan. Tatlong
araw siyang nanatili sa palasyo ng Albanya hanggang sa dumating
ang takdang araw ng kanyang paglisan patungong digmaan sa
Crotona.
Bago siya umalis ay nagkaroon siya ng pagkakataon na makausap si
Laura. Muling nanikluhod si Florante ng kanyang pag-ibig kay
Laura kasabay ng pamamaalam ng binata sa dalagang nililiyag.
Tinugon ni Laura ang pag-ibig ni Florante sa pamamagitan ng
kanyang pabaon na luha. Labis na nanlumo si Florante sapagkat
iiwan niya ang kanyang sinisinta na lumuluha upang tumungo sa
digmaan kaya ang mga luha ni Laura ang naging lakas at tapang
niya. Dumating sila sa Crotona at nakipagdigma, batid ni Florante na
kung hindi sa pabaong pag-ibig ni Laura ay baka nasawi na siya sa
labis na pagdurusa.
Ikalabim pitong Kabanata
Ang magiting na mandirigma
Nilusob ng hukbo nina Florante at Menandro ang mga kuta ng
kalaban. Maging si Menandro ay bihasa rin sa pakikipaglaban.
Nasaksihan ni Heneral Osamalik ang kakayahan sa pakikidigma ng
hukbo ni Florante sapagkat ang bawat hanay na sumusugod ay
mistulang mga kawayan nilang tinatapyas.
Napasok na nila ang siyudad at sinimulan na nilang tugisin ang mga
tumatakas na kaaway at agawin ang mga itinayong kampo.
Sinalubong sila ng hari ng Crotona matapos ang kanilang malaking
tagumpay sa digmaan. Nagsigawan ang mga tao sa ginawang
pagpapalaya sa kanila ng apo ng Monarka.
Pumanhik sa palasyo ang hukbo ni Florante at doon sila nagpahinga.
Muling nanariwa ang mga ala-ala ng ina ni Florante nang makaharap
niya ang lolo niyang hari na ama ng kanyang inang si prinsesa
Floresca. Limang buwang nanatili ang hukbo ni Florante sa Crotona
upang tiyakin na hindi na ito sasalakayin ng hukbo ng mga moro.
Nagpasya siyang magbalik ng Albanya upang muling makita ang
kasintahang si Laura. Ngunit sa kanilang pagdating ay nakita nila
ang nakawagayway na bandila ng mga moro sapagkat lumusob ang
mga ito sa pamumuno ng gererong si Aladin. Natanawan ni Florante
na nasa paanan ng bundok ang hukbo ng mga ito.
Ikalabinwalong Kabanata
Ang bayaning iniibig
Nakita ni Florante ang isang babae na binihag at iginapos ng
mga moro. Laking pangamba niya na si Laura ang bihag na
pupugutan ng ulo. Hindi nag-aksaya ng panahon si Florante
at nilusob niya ang mga morong kaaway upang puksain.
Matapos iligtas ay tinanggal ni Florante ang takip sa mukha
ng babaeng bihag at laking gulat niya ng makita si Laura.
Agad na nasambit ni Laura ang pangalan ng kasintahang si
Florante. Maingat na kinalagan ni Florante ang gapos ni
Laura. Nakatakdang pugutan ng ulo si Laura dahil sa
pagtutol sa masamang balak ng Emir na si Aladin. Nalaman
ni Florante na bihag rin sina Haring Linceo at ang kanyang
amang si Duke Briceo kaya’t nagpasya siyang pasukin agad
ang palasyo upang tuluyang palayain ang Albanya sa mga
nanalakay na moro. Nabawi ng hukbo ni Florante ang
kaharian ng Albanya. Agad na tinungo ang bilangguan at
pinalaya ang nakabilanggong hari at duke. Kabilang sa mga
bihag si Konde Adolfo.
Ikalabinsiyam kabanata
Ang Mapanibughong Puso ni Adolfo
Matinding pagkatuwa ang naramdaman ng hari
dahil sa ginawang paglilitas ng hukbo ni Florante
sa kaharian ng Albanya. Habang nagdiriwang sila
kasama ng mga maharlika’t kamahalahan ay
lihim namang nainngit si Konde Adolfo dahil sa
tinamong tagumpay at kapurihan ni Florante.
Lalong tumindi ang galit ni Adolfo nang
ipagbunyi sa buong kaharian ang tagumpay na
iyon at tanghaling bayaning tagapagtanggol si
Florante. Sumidhi ang panibugho ni Adolfo nang
ianunsiyo ang pag-iisang dibdib nina Florante at
Laura at ang korona’y nakatakdang isalin kay
Florante. Ang galit ni Adolfo na nagmula pa sa
panahon ng kanilang pag-aaral sa Atenas ay
nagbunga na naman ng masamang balak na
ikapapahamak ng kahariang Albanya at ni
Florante.
Ikadalampung Kabanata
Ang pananalakay ng Moro
Ilang buwan ang lumipas na namumuhay ng tahimik at
payapa ang kaharian ng Albanya. Subalit muling
nagbanta ng digmaan ang hukbo ng mga Turkong
mananakop nang manalakay sila sa mga bayan-bayan.
Muling inatasan ang hukbo ni Florante na tugisin ang
mga morong nanghahasik ng lagim. Muling nangamba
si Laura sa pag-alis ni Florante lalo at naudlot ang
kanilang pag-iisang dibdib Lingid sa kaalaman ng
lahat ay pain lamang ni Adolfo ang lahat at ito dahil
nakipagsabwatan sa mga moro upang muling umalis
ng Albanya ang hukbo ni Florante. Nasupil ni Florante
ang hukbo ni Miramolin subalit nagbabanta naman ng
panganib ang hukbo ng mgga Turko para salakayin
ang Albanya.
Ikadalawamput isang Kabanata
Ang Muling Pakikidigma ni Florante
Nakipagtuos ang hukbo nina Florante at
Menandro sa mga Moro. Sund-sunod na
tagumpay sa digmaan ang kanilang natamo
sapagkat napapalayas nila ang mga kaaway na
Moro sa bawat bayan na kanilang dinadaanan.
Dumating ang hukbo nila sa siyudad ng Etolya at
doon nakatanggap siya ng sulat mula sa hari ng
Albanya na siya ay pinapauwi na. Iniwan ni
Florante ang hukbo sa paumuno ni Menandro.
Siya ay mag-isang naglakbay pabalik ng Albanya.
Madilim at malalim na ang gabi ng siya’y
dumating sa palasyo. Sa hindi inaasahan, nabigla
si Florante ng siyang hulihin. Nakita niya ang
may tatlumpung libong sandataan na kumubkob
sa kahariang Albanya.
Ikadalwampu’t dalawang Kabanata
Ang Tagumpay ng Kataksilan
Sa loob ng palasyo ay hinuli na si Florante ng mga kawal na
pinamumunuan ng taksil na si Adolfo. Ni hindi nagawang
bunutin ni Florante ang hawak na sandata dahil agad siyang
iginapos. Dinala siya sa Karsel at doon ibinilanggo. Hindi
makapaniwala si Florante nang matuklasan niyang pinatay ni
Adolfo si haring Linseo at ama nitong si Duke Briseo.
Labis-labis ang naramdaman niyang lumbay at pighati dahil
sa kinahantungan ng kahariang Albanya sa pagtataksil ni
Adolfo. Nalaman din niya ang nakatakdang pagpapakasal
nina Adolfo at Laura na lalong nagpalungkot sa kanyang
nararamdaman. Labing walong araw siyang ibinilanggo at
pinarusahan. Minabuti ni Florante na siya’y mamatay na
lamang subalit higit na pagapapahirap ang nais ipadanas sa
kanya ni Adolfo. Hanggang sa isang gabi, nagising siyang
nakagapos sa isang malaking puno sa gitna ng madawag na
gubat. Dito siya nanaghoy at nanambitan nang mapait na
sinapit ng kanyang buhay, ang pagnloloko ni Laura at pag-
iimbot ni Adolfo na naghasik ng lagim sa Albanya.
Ikadalawampu’t tatlong Kabanata
Ang Sawimpalad na Moro
Si Aladin naman ang nagkwento kay Florante nang
mapait niyang sinapit. Siya ay taga-Persya, anak ni
Sultan Ali-Adab. Nakarating siya sa gubat kung saan
natagpuan niya si Florante sapagkat tumakas siya sa
amang sukab at sa taksil na kasintahang si Flerida.
May limang buwan siyang naglakbay hanggang sa
mapadpad sa gubat na iyon upang aliwin ang sarili.
Ikinuwento ni Aladin ang kanyang kagitingan
pagdating sa pakikidigma dahil hindi siya kayang
talunin ninuman. Subalit labis siyang nalumbay at
lumuha dahil sa kasintahang si Fleridaa. Ipinadala siya
ng amang sultan sa mga digmaan upang ilayo kay
Flerida. Nang matalo siya sa digmaan laban sa
Albanya ay agad siyang ipinabilanggo ng ama at
pinapupugutan ng ulo. Sa takdang araw na siya ay
pinapatawad siya subalit kailangan na niyang lisanin
ang Persiya. Mapait sa kalooban na sinunod niya ang
utos ng amang sultan at mula noon ay nagpalaboy-
laboy na siya.

Ikadalwampu’t apat na Kabanata


Tapat na Pagsuyo
Itinakda ang araw nina Sultan Ali-Adab at Flerida
kasabay nang paggayak sa buong palasyo. Hindi
maatim ni Flerida ang gagawing pagpapakasal sa ama
ng lalaking iniibig kaya’t nagpassya siyang takasan ito.
Tumakas si Flerida sa pamamagitan ng bintana ng
palasyo.
Nagkubli siya sa dilim na suot ang damit mandirigma
upang siya’y hindi mapansin ninuman. Mula nang
siya’y makatakas kay Sultan Ali-Adab ay hinanap na
niya si Aladin. Kung saan-saang pook siya napadpad,
kung ilang gubat na ang kaniyang napuntahan
hanggang sa makarating siya sa kagubatang iyon at
nasaksihang pinagtatangkaang halayin ng isang
lalaking sukab si Laura. Hindi nagdalawang isip si
Flerida na iligtas si Laura sa kamay ng buhong na si
Adolfo.

Ikadalwampu’t limang Kabanata


Sanga-sangang Landas ng Puso
Natigilan sa pagsasalita si Flerida nang makita ang
pagdating nina Florante at Aladin. Lumantad ang
dalawang mandirigma matapos makilala ang dalawang
boses ng dalawang babaing pinakaiibig at marinig ang
buong katotohanan. Labis ang kaligayahan ng apat ng
magkandaupang palad sila.
Hindi makapaniwala si Florante na pagkatapos niyang
dumanas ng laksa-laksang hirap ay muli niyang
masisilayan ang walang kupas na ganda ni Laura.
Pakiramdam niya’y naging paraiso ang gubat na iyon.
Nakalimutan na niya na sa pook na iyon ay muntik na
siyang abutin ng kamatayan. Naglaho ang lahat ng
kaniyang panibugo at pagdaramdam. Nalaman na ni
Florante ang buong pangyayari mula sa mismong bibig
ni Laura. Noong umalis si Florante kasama ang
kaniyang buong hukbo ay noon nanalakay ang mga
Turko at sinimulang sakupin ang buong kaharian at
palasyo ng Albanya.
Ikadalawampu’t anim na Kabanata
Ang Pagpapalaya ng Albanya
Sinalakay ng mga Moro ang palasyo at hiningi ang kamatayan ng
hari ng Albanyang si Haring Linseo. Pinapugutan ito ng ulo kasama
ang buong konseho. Umupo sa trono si Adolfo at nagsimulang
maghari-harian. Hinangad ni Adolfo na makamit ang puso ni Laura
kahit sa sapilitang pamaamaraan at pagbabanta ng kamatayan sa
prinsesa kung hindi tutugunin ang pag-ibig nito. Nagkaroon ng
pagkakataon si Laura na sumulat habang nasa Etolya si Florante at
kung hindi tutugon ang kasintahan ay mas pipiliin pa niyang
mamatay kaysa makasal kay Adolfo.
Lihim niyang ipinadala ang sulat sa isang tapat na kawal upang
makarating kay Florante. Ngunit nang dumating si Florante ay agad
naman itong hinuli sapagkat nag-iisa at walang kahandaan. Ang
sulat palang natanggap ni Florante na may huwad na pirma ng hari
ay galling kay Adolfo at siya’y pinauwing mag-isa upang linlangin.
Nang malaman ni Laura na ang nangyari kay Florante ay minabuti
niyang magpatiwakal subalit siyang pagdating ng hukbo ni
Menandro na nakatunog ng nakaambang panganib. Si Menandro ang
nakatanggap ng sulat ni Laura na naglalaman ng katotohanang
sinapit ng Albanya. Pinalaya ng hukbo ni Menandro ang kahariang
Albanya sa pamamgitan ng pagsalakay sa mga kaaway na
mananakop.
Ikadalwampu’t pitong Kabanata
Ang wakas ni Adolfo
Natalo ang mga kawal ni Adolfo sa hukbo ni Menandro kaya’t
nagpasya na itong tumakas. Isinakay nito sa kabayo ang nakagapos
na si Laura at dinala sa kagubatang madawag. Pagdating sa gubat ay
doon pinagtangkaang halayin ni Adolfo si Laura. Noon dumating na
si Flerida na nasaksihan ang nais gawing panghahalay ng buhong na
si Adolfo. Hindi nagdalawang isip si Flerida na iligtas si Laura sa
kapahamakan sa pamamagitan ng pagtudla ng palaso.
Tinamaan ng palaso sa dibdib si Adolfo na siyang naging sanhi ng
kamatayan nito. Natapos ang pag-uusap ng apat nang dumating si
Menandro sa gubat kasama ang kaniyang hukbo. Laking tuwa nito
nang makitang nakaligtas sina Florante at Laura at malamang ang
buhay ng buhong na si Adolfo ay nautas na. Mula sa kagubatan ay
ligtas na ibinalik ng hukbo ni Menandro sina Florante at Laura
kasama ang kanilang nagging tagapagligtas na sina Aladin at
Flerida. Nagsigawan sa tuwa ang buong kaharian sapagkat dumating
na ang kanilag tunay na hari at reyna. Pinabinyagan sina Aladin at
Flerida kasabay ang pagdaraos ng mabunying kasal sa apat.
Ikadalawampu’t walong Kabanata
Ang Hari at Reyna
Matapos maikasal ang apat ay nagbalik na sina Aladin
at Flerida sa Persiya. Namatay na si Sultan Ali-Adab at
si Aladin ang hinirang na bagong hari. Umupo naman
sa trono ng kahariang Albanya bilang hari si Florante
kasama ang kaniyang reynang minumutya na si Laura.
Nagbalik ang kapayapaan sa Albanya sa pamumuno ni
Florante. Nakabangon na ito mula sa pagkalugami at
nagbalik na ang tuwa’t kaligayahan sa buong kaharian.

You might also like