Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

ASSEMBLYWOMAN FELICITA G.

BERNARDINO
MEMORIAL TRADE SCHOOL

PAKSA:

Ang mga dahilan ng labis na pagpupuyat ng kabataan at masamang dulot ng mga


ito sa kanilang kalusugan

PANGALAN:
Barcelona, Bea
Boncodin, Kristelyn
Martinez, Karlene
Jovero, Jerome
Panlilio, Prince
Francisco, John Philip

ARIANE JOY P. GUEVARRA


SHS Guro II
ASSEMBLYWOMAN FELICITA G. BERNARDINO
MEMORIAL TRADE SCHOOL

KABANATA 2

MGA KAUGNAY NA LETERATURA AT PAG-AARAL

Ang Pananaliksik na ito ay naglalayong magbigay ng kaalaman sa mga mambabasa


kung ano ang tungkol sa pagpupuyat, ang sanhi, at ang dahilan nito.Gayundin upang
malaman ang mga masasamang dulot nito sa ating kalusugan, para kung saka-sakaling
may proyektong gagawin at kailangan itong matapos ng maaga

MGA LITERATURANG LOKAL

Batay sa ulat ng Research Center noong 2015, ang mga kabataan ay gumagamit ng higit
sa isa ng electronic device ng sabay-sabay, kadalasan tuwing gabi. Ang ilan sa 72% ay
dinadala ang kanilang cellphone sa kanilang mga kwarto at ginagamit ito hanggang sila’y
makatulog, at 28% naman ay iniiwang bukas ang kanilang mga cellphone habang sila’y
natutulog. Yun nga lang, nagigising sila ng dahil sa text, tawag o email, ayon sa National
Sleep Foundation poll on electronic noong 2011.

Ayon kay Edilberto Gonzaga, isang propesor sa Department of Psychology ng College of


Science, bukod sa panghihina ng katawan, may dalawang epekto ang kakulangan sa
tulog. Ito ay pawang sikolohikal at pisyolohikal. Sa sikolohikal na aspekto, naaapektuhan
ang haba ng atensyon, konsentrasyon, tamang pag-iisip at nagiging sensitibo at sa
pisyolohikal na aspeto, naapektuhan ang pangangatawan ng isang indibidwal.

Batay naman sa Australianang mananaliksik na si Ann Williamson, “Pagkatapos ng 17


Hanggang 19 na oras na walang tulog, ang pagtugon [ng mga kasali] sa ilang
eksperimento ay katulad o mas malala pa sa pagtugon ng isang taong may 0.05%
[alkohol sa dugo].”

Ayon kay Chris Hocking (2016) ang epekto ng kakulangan sa pagtulog ay maaaring
maayos ng isang indibidwal kahit sa isang gabi na kulang sa tulog. Ang kakulangan sa
pagtulog ay karaniwang kilala na may epekto sa pag-iisip ng isang at tao. Ang
pisyolohiya pansamantalang epekto nito ay ang pagkalimot, pagkalito, pagkairita at
ASSEMBLYWOMAN FELICITA G. BERNARDINO
MEMORIAL TRADE SCHOOL

kakulangan sa motibasyon. Ang iba pang epekto ng kakulangan sa pagtulog ay


masamang epekto sa kalusugan.

Sa pahayag ni Alano (2016), ang kakulangan ng tulog ay nakapagdudulot ng problema sa


kalusugan tulad ng sakit sa puso, atake sa puso (matinding kadahilanan. Ng pagka-atake),
dyabetis at mabagal na paglaki.

May ay dalawang pangunahing dahilan ng kakulangan ng pag tulogayon sa pag-aaral ni


Doktor Blunden (2016) at ito ay ang sosyal napagbabago at pagka-humaling sa pag gamit
ng gadyets. Maraming mag-aaral naman. Ang nagsabi na ang kadalasang asal nila ay
inaantok o hindi kaya’y nahuhuli sa klase at maraming mag-aaral ang naniniwala na ang
solusyon sa pag-pupuyat ay ang pag- set ng oras ng pagtulog.

Sa pag-aaral naman ni Doktor Stanley Coren (2018), ang kakulangan ng pag tulog ay
nakapagdudulot ng mabagal na tugon, mabilis na pagkalimot, kawalan ng enerhiya, at
pagka-wala ng pokus.

BANYAGANG LITERATURA

Ayon sa librong inilathala ni Dr. Willmore isang Medical Director sa BYU Student
Health Clinic. Mayroong koneksyon sa kakulangan sa tulog o pagpupuyat sa pagbaba ng
academic performance. Karamihan sa mga mag- aaral ay napupuyat. Isa sa mga hindi
magandang resulta ng pagpupuyat ay pagbaba ng marka ng mga mag-aaral, nagkakaroon
ng academic failure, hindi maayos na pagkatuto sa mga aralin, paiba-iba ng nagiging
mood at minsan pa ay ito ang nagiging dahilan upang maaksidente ang mag-aaral. Ang
mga mag- aaral na mas mahaba ang tulog ay mas mataas ang markang nakukuha. Ang
mabisang solusyon rito ay magkaroon ang mag-aaral ng sleeping schedule. Iwasan ang
pag-inom ng kape at matutong mag-ehersisyo. Kadalasan nahihirapan ng makatulog ang
mag-aaral kapag ito ay lumagpas ng 30 minutos na hindi makatulog maaaring mayroon
ng insommia. Mahalaga na matutuhan ang tamang disiplina ng pagtulog dahil masama ito
sa kalusugan at maaaring makakuha ng malalang sakit at pagbaba ng academic
performance ng mga mag-aaral.

Batay sa pag-aaral na isinagawa ni Chiang, et al. noong (2014). Ang hindi pagkakaroon
ng sapat na tulog ay karaniwan sa mga mag-aaral. Ang pagpupuyat ay nagdudulot ng
hindi magandang epekto sa academic performance ng isang mag-aaral. Ang pagtulog ay
may malaking epekto sa mag-aaral . Ang mag-aaral ay kailangan bigyan pansin ang
kahalagahan ng pagtulog para sa magandang resulta sa academic performance.

Ayon naman sa website na tinatawag na Sleep Foundation, ang pagtulog ay kailangan


upang gumana ng maayos ang ating isipan. Kaya kung kulang ito, masasabi natin na
ASSEMBLYWOMAN FELICITA G. BERNARDINO
MEMORIAL TRADE SCHOOL

maaaring maapektuhan ang akademikong aspeto ng isang kabataan na nag- aaral. Sa


makatuwid, ang pagpupuyat ay isang malaking salik sa ‘pagkatuto’ ng isang mag-aaral
kung kaya’t minsan ay humahantong ito sa pagtulog niya sa klase na maaaring maging
sanhi sa pagbaba ng kaniyang grado. Dahil dito, nais malaman ng mga mananaliksik ang
epekto ng pagpupuyat sa akademikong aspeto ng mga mag- aaral mula sa Senior High
School upang matukoy ang mga salik na nagiging dahilan ng kanilang pagpupuyat
gayundin ang magiging epekto nito sa kanilang akademiko kung ito ay lagi nilang
nararanasan. (Sleep Foundation, 2015).

Ayon naman kay Marisse Gulfireca (2020), ang pagiging puyat ng isang tao ang isa sa
maaaring dahilan ng pagkabalisa, iritable, at ang malala ay depresyon. Ang maayos na
tulog ay malaking bagay at napakahalaga sa kalusugan ng isang tao, subalit hindi na bago
pa sa atin ang pagpupuyat, alam naman nating ito’y mayroong hindi magandang dulot sa
ating katawan.

Maraming pagsusuri ang ginawa tungkol sa epekto ng kakulangan sa tulog sa akademikong


pagganap, subalit may kakulangan pa rin sa mga pag-aaral na nagtatakda ng partikular na
mga salik na nagdudulot ng kawalan ng tulog sa mga mag- aaral. Maraming mga pag-aaral
na isinagawa hinggil sa mga epekto ng kakulangan sa tulog sa akademikong pagganap,
ngunit mayroon pa rin puwang para sa pananaliksik upang matukoy ang partikular na mga
salik na nagdudulot ng kakulangan sa tulog sa mga mag-aaral. Ang mga kadahilanan tulad
ng sobrang trabaho sa paaralan, oras na ginugugol sa social media, at mga ekstrakurikular
na aktibidad ay maaaring magkaroon ng mahalagang papel sa kakulangan ng tulog ng mga
mag-aaral.

Maraming dahilan ang nag reresulta sa Pagpupuyat ng mga mag aaral. Ayon sa Rayodman
Manila (2018), bilang mga dahilan ng puyat, nariyan ang home works, requirements,
deadlines at social media. Sa dalawamput apat (24) na oras na may roon ang isang tao sa
isang araw napapaghati-hati niya ang ng oras sa iba’t ibang aktibidad.

REFERENCE:
https://www.scribd.com/document/673122481/Papel-Pananaliksik
https://www.studocu.com/ph/n/21136836?sid=01714478772
https://www.scribd.com/document/416656085/Epekto-ng-Sleep-Deprivation-sa-
Academic-Performance-ng-mga-mag-aaram-baitang-11-ng-Centro-Escolar-University
https://www.scribd.com/document/666900537/Sanhi-at-Epekto-Ng-Kakulangan-Ng-
Tulog-Sa-Mga-Mag-Aaral
ASSEMBLYWOMAN FELICITA G. BERNARDINO
MEMORIAL TRADE SCHOOL

You might also like