Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 19

Panimula

Kaming mga nakakatanda sa Lalawigan ng Montalban Rizal ay nagkakaisang nagtatag

ng samahan upang pag-ugnayin at pagbuklurin ang aming mga samahan tungo sa

aktibong pakikilahok sa mga gawaing makapaglilinang sa aming ginintuang kaisipan at

kakayahan tungo sa pagiging aktibong mamamayan ng ating lipunan. Ibayong

palakasin ng aming mga samahan ang mga magagandang kultura ng ating lahi na kung

saan may pagkakapantay-pantay, may pagkalinga at kumikilala sa mga karapatan ng

mga nakatatanda.

Kusang-loob naming binuo itong samahan na sumasang- ayon sa batas ng Republika

ng Pilipinas.

Artikulo I

Pangalan, Sagisag o Logo at Tanggapan

MESSAI Montalban Elderly San Jose San Isidro Asso. Inc.

Seksyon 1- Pangalan ng Samahan

>Ang samahan ay tatawaging MESSAI

Seksyon 2 – Logo o Sagisag ng Samahan


>Ang sagisag (logo) ng samahan ay larawan ng tatlong nakatatanda na kung saan ang

dalawang nakatatanda ay umaakay sa isang nakatungkod pa nakatatanda rin.

Samahan

>Ito ay nagpapahiwatig na ang samahan ay instrumento para magdamayan,

magtulungan at magkaisa ang mga nakatatanda dito sa Lalawigan ng Montalban, Rizal.

Seksyon 3 – Tanggapan ng Samahan

>Ang pansamantalang tanggapan ng samahan ay matatagpuan sa BLK 17 LOT 101

Gitna PH-1-B-Sub-Urban , San Jose, Rodriguez, Rizal

Artikulo II

Misyon, Layunin at Prinsipyo

Sekyon 1 – Misyon

>Sama-samang pagkilos ng mga nakatatanda tungo sa kabutihan at kaunlaran ng mga

samahan ng Urban sa lalawigan ng Rizal.

Sekyon 2- Layunin

> Pagkakaroon ng mga angkop na programa na makatutugon sa mga pangangailangan

ng mga nakatatanda.

> Pagkakaroon ng nga pagsasanay tungo sa pag-unlad ng kaalaman at kasanayan ng

mga nakatatanda.
> Patuloy na ugnayan sa pamahalaan at sa iba pang mga ahensiyang makatutulong sa

sector ng mga nakatatanda samahan.

Sekyon 3 – Prinsipyo

> Bukas na ugnayan sa pagitan ng mnga samahan na may pagkakapantay pantay at

paggalang ng bawat samahan

> Papairalin ang mataimtim na pagsunod sa lahat ng mga itinakdang patakaran ng

buong samahan na may paggalang sa demokrasya at “transparency”.

Artikulo III

Kasapian ng Samahan

Seksyon 1 – Ang Kasapian ng Samahan

Ang Pederasyong ito ay mananatiling nakabuklod at di maaaring hati-hatiin sa isa o

hihigit pa para malikha muli ng isa

Pang samahan. “Clustering” ang ipaiiral.

Seksyon 2 – Katangian ng nagnanais sumapi

> Samahan ng mga nakatatanda na matatagpuan sa sa loob ng San Jose- San Isidro.

> Ang nagnanais sumapi sa samahan ay kinakailangan magbigay ng sulat –

kahilingang sumapi na kung saan

Nakasaad ang mga impormasyon tungkol sa samahan. Ito ay pag-aaralan ng

naaangkop na komite at kung sakop sa


Alituntunin ng pagsapi. Sila ay tatanggapin at bibigyan ng “application form”.

> sang samahan na may konkretong programa na isinasagawa para sa kagalingan ng

sektor.

> Rehistrado sa isang ahensiya ng pamahalaan tulad ng Securities and Exchange

Commission (SEC), DSWD,

DOLE, atbp.

Seksyon 3 – Bayarin (Monthly Dues)

Ang samahan na matatanggap sa samahan ay magbabayad ng Non-refundable

Membership Fee sa halagang anim na daang Piso (Php 600.00)

Php 20.00 Monthly Dues

Php 120.00 ID

Seksyon 4 – Mga Tungkulin at Pananagutan

> Pagsapi at pagdalo sa lahat ng mga nakatakdang gawain.

> Pagdalo sa mga pagpupulong na itinakda ng samahan regular man o espesyal.

> Pagsunod at pagtupad sa Saligang Batas o alituntunin na pinagkasunduan sa

samahan.

> Pagbayad sa anumang kaukulang bayarin na itinakda ng samahan.

Seksyon 5 – Mga Karapatan ng mga Samahang Kasapi

> Makilahok sa mga gawain ng samahan


> Magbahagi ng mga opinyon para sa ikauunlad ng samahan

> Tumanggap ng ano mang serbisyo nauukol sa mga miyembro na maibibigay ng

samahan.

Seksyon 6 – Pagbibitiw ng Isang Kasamahan sa Samahan

> Awtomatikong Pagbibitiw – kusa o agarang titigil ang pagkakasapi ng isang samahan

kung ito ay nabuwag at hihinto na ang kanilang pag-iiral.

> Kusang-loob o Boluntaryong Pagbibitiw (Resignation) -Magbibigay ng nakasulat na

pahayag (written – notice) sa Board of Directors ng samahan tatlongpong (30) araw

muna bago sa araw ng tuluyang pagbibitiw.

> Pagpapaalis o di Boluntaryong Pagbibitiw (Expulsion o

Pagpapatiwalag) – Kung may kadahilanan sa pagpapatiwalag ng isang kasaping

samahan, kailangan

Dadaan sa proseso ng pagpapatunay sa mga akusasyon o bintang. Binibigyan din ng

pagkakataon ang mga kasapi

Na mapakinggan ang kanyang panig. Pagkatapos ng pagsusuri, ang Board of Directors

(BOD) ay magpupulong

Upang pag-usapin at desisyunan ang kaso. Ang pasya o boto ng nakakaraming Board

of Directors ang masusunod.

Artikulo IV
Pangkalahatang Asembliya o General Assembly

Seksyon 1 – Pangkalahatang Asembliya (General Assembly)

Ito ang pinakamataas na sangay ng samahan sa usaping pagpapasya (highest decision

making body).

Seksyon 2 – Komposisyon

Ang Pangkalahatang Asembliya ay binubuo ng lahat ng kasaping Area ng samahan

Pagdalo sa pulong, ang komposisyon ng mga kinatawan ay ang mga opisyales ng

bawat samahan. Representasyon ng bawat organisasyon ay di tataas sa limang (5)

katao.

Seksyon 3 – Mga Gawain, Tungkulin at Kapangyarihan ng Pangkalahatang Asembliya

> Magpatibay at magsusog sa Saligang Batas ng Samahan

> Maghalal, maghirang o magtanggal ng pinunong bubuo sa Board Of Directors (BOD)

> Magrepaso, magsuri at pag-aralan ang mga ulat ng Board of Directors at komite.

Magrepaso, magsuri at pag-aralan ang mga patakaran ukol sa pananalapi at

pangangasiwa ng samahan.

Seksyon 4 – Pagpupulong ng Pangkalahatang Asembliya

Ito ay ginaganap tuwing taon bago gawin ang Pangkalahatang Asembliya ng COPAP.

Seksyon 5 – Korum (Quorum)


Ang Pangkalahatang Asembliya ay maituturing na may bisa – ang mga pagpapasya o

decision na magaganap kung may dadalo na kasapi na may karapatang bumoto na

limampung porsyento at isa (50% + 1).

Seksyon 6- Natatanging (Espesyal) Pangkalahatang Asembliya

Maaaring magpatawag ng espesyal o natatanging asembliya ang mga Board of

Directors (BOD) kung may mahalagang paksa o usapin na dapat harapin subalit

kailangan na ito ay inaprobahan

E sinang-ayunan ng nakararaming miyembro ng Board of Directors.

60 members = 30+1

Seksyon 7 Pag-aabiso na magkakaroon ng Pulong (Notice of Meeting)

Ang kalihim ng Pederasyon ay kailangan magpadala ng nakasulat na abiso sa lahat ng

kailangang dumalo. Maaari ring by

Means of cellphone.

Aktikulo V

Board of Directors (BOD)

Seksyon 1 – Depinisyon

Ang Board of Directors ng samahan ang kinikilalang Ikalawang pinakamataas na

balangkas pang kasamahan. Ito ang


Pangunahing sangay ng tagalikha at taga pinal na taga bigay diwa (interpretation) ng

mga polisiya at patakaran ng samahan, labas sa Pangkalahatang Asembliya.

Seksyon 2 – Komposisyon

> Ang Board of Directors ay binubuo ng labing-limang (15) miyembro. Mula sa kanila,

pipili ng pitong (7) opisyales na

May sumusunod na katungkulan: Taga-Pangulo (Chairperson), Pangalawang Taga-

Pangulo (Vice Chairperson of Internal at External Affair) na katuwang ng

Taga-Pangulo, Kalihim (Secretary), Ingat-Yaman (Treasurer), Taga-Suri (Auditor), Public

Relation Officer (PRO) – at ito rin ang tinatawag Execom / Executive Board of Directors

at walong (8) Board Members / Cluster Area Head.

>Ang paghalal / pagpili ng Pangulo ng Samahan ay magmumula lamang sa mga

Rangkasalukuyang Pangulo ng mga Areang kasapi ng MESSAI (RGE).

Seksyon 3 – Panahon ng Paglilingkod (Term of Service)

Ang panahon ng Panunungkulan ng mga bumubuo sa Board of Directors ay tatlong (3)

taon at maaaring maihalal muli (re-elect) ang pinuno sa isa pang tatlong

(3) taon, ngunit hindi hihigit sa dalawang (2) termino o taning na panahon. Maaari ding

makapanungkulan muli sa ibang uri ng posisyon.

Seksyon 4- Katangian na Maaaring Mahalal sa BOD

> Kasapi siya ng isang Samahang Area ng nakatatanda.

> May kaalaman at karanasan sa pamamahala ng samahan.


> May magandang asal (good moral character) ibig sabihin hindi makasarili, kaunti sa

salita, hindi naghahanap ng

Kapangyarihan, maunawain at mapagkakatiwalaan (trustworthy).

>May panahon sa pagkilos at aktibo sa mga gawain ng

Samahan.

Seksyon 5– Mga Tungkulin ng Board of Directors

>Magbalangkas ng polisiya ng samahan

> Magpatupad ng patakaran o polisiya

> Manguna sa pangangalap ng pondo na kinakailangan sa pagpapatupad ng mga

gawain ng samahan.

> Pagsubaybay (monitor) sa mga gawain ng mga komite, programa at proyekto.

Seksyon 6- Pagpupulong

Ang Board of Directors ay magkakaroon ng pulong kada ikatlong Sabado ng bawat

buwan sa ganap na ika-apat ng hapon. Ito ay gaganapin sa pagpapasya at itatakda ng

nakararaming miyembro.

Seksyo7 – Pagkakaroon ng Bakante sa Pwesto ng Pamunuan

>Kung magkakaroon ng pagkabakante sa pwesto dahil sa pagkamatay, pagkakatanggal

o kusang loob na

Pagbibitiw, ang maiiiwang mga miyembro ng Board of Directors ay maaaring magpasya

kung sino ang ipapalit sa


Pwestong nabakante; subalit, kung ang nabakante ay pwesto ng Pangulo (Chairperson)

ang gaganap ng tungkulin ay ang Pangalawang Pangulo (Vice Chairperson). Kung ang

dalawang (2) pwesto ang nabakante ang Kalihim ang tatayo bilang pansamantalang

kinatawan ng samahan habang hindi pa naitatakda /nagaganap ang Espesyal na

halalan.

>At kung hihigit sa tattong (3) matataas na tungkulin ng samahan ang nagkusang loob

na nagbitiw, natanggal o namatay, ang nabakanteng pwesto ay pupunuan sa

pamamagitan ng Espesyal na Halalan (Special Election).

Seksyon 8 – Pagtanggal ng mga BOD o Komite

Ang isang miyembro ng Board of Directors (BOD), o Komite ay maaaring matanggal

kung may sapat na dahilan; halimbawa –

Paglabag sa Patakaran ng Saligang Batas, pag-abuso sa kapangyarihan,

pagkasangkot sa kriminalidad, paglustay ng kaperahan, pag-abuso sa karapatang

Pantao at paglabag o salungat sa interes ng samahan. Pagkaraan ng isang masinop na

proseso, maaaring tanggalin ang nasabing kasapi kung ito ay napagpasyahan ng

Majority Vote ng mga opisyales (BOD) ng Samahan

Seksyon 9 > Pataw na Penalty sa Pagliban

Ang mga Board of Directors o Opisyales na lumiban ng tatlong (3) sunod na regular

meeting ay may penalty na P100 ngunit kung magtutuloy-tuloy sa pagliban na walang

PASUBALI siya ay aalisan ng karapatan na manungkulan bilang BOD ng

Samahan
Artikulo VI

Tungkulin at Gawain ng mga BOD

Seksyon 1 - Prinsipyo ng Pamamahala

Ang pagkonsulta at demokratikong pamamaraan ang ipaiiral sa pamamahala ng

samahan at gabay para sa lahat ng

Mamumuno.

Seksyon 2 – Mga Tungkuling Gagampanan

> Taga-Pangulo (Chairperson)

> Punong taga-pagpaganap sa pagpapatakbo ng mga programa at mga serbisyo ng

samahan.

> Pangunahing tagapagsubaybay kung nasusunod ang mga polisiya o patakaran ng

samahan.

> Pamumuno sa mga pagpupulong ng samahan.

> Nagpapasimuno sa proseso sa taunang pagpaplano at pagtatasa (planning and

assessment) sa mga programang

Gagawin ng samahan.
> Kinatawan ng samahan sa anumang usapin o ugnayan sa iba’t ibang sangay ng

pamahalaan at pribadong sektor.

>Nangunguna sa paghahanda ng mga ulat tungkol sa programa, serbisyo at ang

pangkalahatang kaayusan ng samahan.

> Pangalawang Taga-Pangulo (Vice-Chairperson for Internal-External Affairs)

- Kahalili ng Taga-Pangulo sa mga pagkakataong hindi niya maharap ang kaniyang

tungkulin. Ito ay maaaring pansamantalang pagliban, o pagbitiw sa anumang

kadahilanan, halimbawa nito ay mayroon siyang malubhang karamdaman.

- Pagganap ng iba pang tungkuling naitinakda sa kaniya ng Board of Directors.

Katuwang ng Taga-Pangulo sa anumang tungkulin, usapin o ugnayan sa iba’t ibang

sangay ng pamahalaan at pribadong sektor para sa kaayusan ng kasapian ng

samahan.

-Pamumunuan ang Komite ng Pagkakakitaan (Income – Generating Project)

> Kalihim (Secretary)

- Magtala ng lahat ng mga katitikan ng pagpupulong at

Pag-uusap ng samahan, at magbigay ng katitikan (minutes) sa susunod na

pagpupulong o sa kaninumang

Nangangailangan ng impormasyon, lalo na sa Board of Directors.


- Katiwala nang lahat ng mga dokumento at mga talaan ng samahan, tungkulin niya na

ito ay nasa maayos at ligtas na lugar.

- Magpaabot sa mga kasapian ng mga gaganaping pagpupulong na malinaw ang

detalye tulad ng takdang lugar, araw, oras at mga paksang tatalakayin.

> Ingat-Yaman (Treasurer)

- Tungkulin ng Inggt-Yaman ay ang mangasiwa sa mga pondo ng samahan sakop sa

mga sumusunod na gawain.

- Mamuno sa pangangalap ng pondo.

Responsible na ang pondo at pag-aari ng samahan ay nasa maingat na lugar at

kinalalagyan.

- Mamuno sa pagpagawa ng planong patakarang pampinansiya.

- Mamuno sa pagpagawa ng,planong pampinansiya (budget planning) para sa

samahan, na tutugon sa mga layunin at mga nakaplanong gawain.

- Magtitiyak na ang patakarang pampinansiya ay masusunod

- Magtitiyak na ang paggamit sa pondo ay naayon sa layunin at plano ng samahan

- Magtitiyak na ang lahat ng gawaing pampinansiya o transakyon ng samahan ay

nakatala nang maayos sa mga nararapat na “Libros de Cuenta”.

- Magbigay ng ulat pampinansiya buwan-buwan sa BOD, kada taon sa Pangkalahatang

Asembliya, at sa iba pang


Dapat bigyan ng ulat katulad ng SEC, mga nagbigay ng suportado o donasyon at mga

taga-tangkilik (sponsor).

>Tagasuri (Auditor)

- Tagasuri sa mga ulat pampinansiya na nagpapakita ng tunay na kalagayan

pampinansya ng samahan.

- Tagasuri kung nasusunod ng maayos ang mga pamamahala ng pagtatala ng lahat ng

transaksyon ay may katibayan.

- Magbilang ng pondong hawak ng Ingat-Yaman kada buwan (cash inventory) at suriin

ang “Libreta de banco” o passbook kung tugma sa ulat panpinansiya.

- Pagtiyak kung ang mga pag-aari ng samahan ay nasa maingat at ligtas na lugar.

- Makilahok sa mga gawaing paglilikom ng pondo.

>Public Relation Officer (PRO)

- Magpaabot ng opisyal na impormasyon galling sa pamunuan para maipapbot sa lahat

ng PRO ng area na mga kasapi ng ating samahan.

- Mamuno sa paggawa ng plano para sa lahat o pang madla (general public) at

mamuno sa pagpapatupad ng mga plano.


- Makipag-ugnayan sa ibat-ibang ahensya, grupo at pamahalaan upang magkaroon ng

kaalaman tungkol sa kalagayan ng nakatatanda at magkaroon ng pagtutulungan at

suporta sa isa’t-isa

> Tungkulin ng Board Menbers / Cluster Area Heads

- Mamuno at mangasiwa sa ugnayan ng lahat ng lokal na samahan ng mga

nakatatanda sa pagpapatupad ng mga

Programa ng samahan.

- Mamuno sa pagbubuo ng mga lokal na samahan. (Municipal / City level) katuwang

ang mga Pangulo ng lahat ng lokal na samahan ng mga nakatatanda.

- Makikipag-ugnayan sa pagpapatupad ng mga programa para sa nakatatanda sa mga

pamahalaan lokal (LGU’S).

Artikulo VII

Mga Komite

Seksyon 1 – Mga Komite

Ang samahan ay magkakaroon ng mga Komite batay sa pangarngailangan nito. Ang

bawat kornite ay pamumunuan ng


Sang I) miyembro ng Board ot birectors na siyang gaganap sa tungkuling taga-pangulo

(Comnittee Chair).

(ADVOCACY, ORGANIZING, HEALTH, LIVELIHOOD, EDUCATION, DRRM)

Seksyon 2 – Komposisyon ng mga Komite

Ang bawat Komite ay binubuo ng Taga-Pangulo (Committee Chair), Kalihim (Secretary)

at isang (1) kasapi.

Seksyon 3 – Panahon ng Paglilingkod ng mga Komite

Ang taning na panahon ng paglilingkod ng Taga-Pangulo ng komite ay sabay o

coterminous sa panahon ng kanyang

Pagkahalal sa Board of Directors. Ang mga Kalihim at kasapi ay maaaring maglingkod

sa komite kung siya ay di nahalal sa

Anumang tungkulin o walang anuman mga katiwaliang kinasangkutan sa samahan.

Seksyon 4- Mga Gawain ng Komite

Ang BOD ang siyang magtatakda ng mga gawain at responsibilidad ng isang komite

kasama nito ang mga partikular na mga patakaran na naaangkop sa kanyang gawain.

Artikulo VIII

Pondo at mga Bayarin


Seksyon 1- Ang Pondo

Ang pondo ng Samahan ay maaaring mangaling sa Membership Fee, mga donasyon at

kita sa mga gawaing

Pangangalap ng Pondo (fund-raising activities) tulad ng raffle, bingo sosyal, atbp.

Seksyon 2- Patakaran

Ang malilikom na salapi ay ilalagak sa bangko na napagkaisahan ng BOD (RURAL

BANK) at tatlong (3) signatories ang maatasang mag-iingat nito. Kasama ang Pangulo,

Ingat-Yaman at Kalihim. Ang Pangkalahatang Asembliya ay magkakaisa kung saan

gagamitin ang pondo, batay sa isang planong pinagkasunduan nila.

Artikulo IX

Halalan

Seksyon 1 – Proseso ng Halalan

Ang halalan ay gaganapin tuwing ika-tatlong (3) taon sa Pangkalahatang Asembliya,

upang ihalal ang labing limang (15) kakatawan sa Board of Directors, at ang pitong (7)

opisyales na bubuo ng Executive Committee at walong (8) Board Members.

>Ang peoseso ng halalan ay bukas na nominasyon (open nomination) sa lahat ng mga

katungkulan at gagawin ang

Paghahalal sa pamamagitan ng balota (secret balloting).


> Ang patakaran ng paghalal ng isang kasapi isang boto (one man, one vote) at hindi

kikilalanin ang kahalili (no proxy vote allowed).

> Ang kinatawan nula sa Confederation of Older. Persons Association of the Philippines

(COPAP) ang magsisilbing

Election Committee, upang magpatunay na may bisa ang naganap na halalan.

Artikulo X

Pagsusog, Pagpanukala, Pagpapalit sa Saligang Batas

Seksyon 1

>Maaaring susugan, baguhin o pawalang bisa ang Saligang Batas na ito o anumang

bahagi sa pamamagitan ng pagsang-ayon ng dalaya’t ikatlong boto (majority votes)

Ng kasapi ng samahan sa isang regular o espesyal na gaganapin para sa layuning ito.

> Unang pagsusog ng Saligang P at yhes na pinagtibay ng kasapian, noong ika- 01 ng

Hunyo 2024 sa pangkalahatang Asembliya na ginanap sa Ph 1B Sub Urban, San Jose,

Montalban, Rizal.

> Pangalawang pagsusog ng Saligang Batas at lubos na pinagtibay ng kasapian, noong

ika- 10 ng Hunyo 2024, sa isang Pangkalahatang Asembliya, na ginanap sa Brgy San

Jose, Montalban, Rizal (Senior Citizen Building).

Seksyon 2
Ang Saligang Batas na ito ay nagkaroon ng pagpapalit at pagdaragdag na pinagsang-

ayungn ng Pangkalahatang Asembliya noong ika- 10 ng Hunyo taong 2024 na naganap

sa Senior Citizen

Building ng Brgy. San Jose, Montalban, Rizal. At ang Saligang Batas na ito ay

inaprobahan at nilagdaan ng mga bagong

Pamunuan ng MESSAI group.

You might also like