Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

Panimula

Kaming mga nakakatanda sa Lalawigan ng Montalban Rizal ay nagkakaisang nagtatag ng


samahan upang pag-ugnayin at pagbuklurin ang aming mga samahan tungo sa aktibong
pakikilahok sa mga gawaing makapaglilinang sa aming ginintuang kaisipan at kakayahan tungo
sa pagiging aktibong mamamayan ng ating lipunan. Ibayong palakasin ng aming mga samahan
ang mga magagandang kultura ng ating lahi na kung saan may pagkakapantay-pantay, may
pagkalinga at kumikilala sa mga karapatan ng mga nakatatanda.

Kusang-loob naming binuo itong samahan na sumasang- ayon sa batas ng Republika ng


Pilipinas.

Artikulo

Pangalan, Sagisag o Logo at Tanggapan


MESSAI Montalban Elderly San Jose San Isidro Asso. Inc.

Seksyon 1- Pangalan ng Samahan


 Ang samahan ay tatawaging MESSAI

Seksyon 2 – Logo o Sagisag ng Samahan

 Ang sagisag (logo) ng samahan ay larawan ng tatlong nakatatanda na kung saan ang
dalawang nakatatanda ay umaakay sa isang nakatungkod pa nakatatanda rin.
Samahan
 Ito ay nagpapahiwatig na ang samahan ay instrumento para magdamayan, magtulungan at
magkaisa ang mga nakatatanda dito sa Lalawigan ng Montalban, Rizal.

Seksyon 3 – Tanggapan ng Samahan


 Ang pansamantalang tanggapan ng samahan ay matatagpuan sa BLK 17 LOT 101 Gitna
PH-1-B-Sub-Urban , San Jose, Rodriguez, Rizal

Artikulo II
Misyon, Layunin at Prinsipyo

Sekyon 1 – Misyon

 Sama-samang pagkilos ng mga nakatatanda tungo sa kabutihan at kaunlaran ng mga


samahan ng Urban sa lalawigan ng Rizal.

Sekyon 2- Layunin

> Pagkakaroon ng mga angkop na programa na makatutugon sa mga pangangailangan ng mga


nakatatanda.
> Pagkakaroon ng nga pagsasanay tungo sa pag-unlad ng kaalaman at kasanayan ng mga
nakatatanda.
> Patuloy na ugnayan sa pamahalaan at sa iba pang mga ahensiyang makatutulong sa sector ng
mga nakatatanda samahan.

Sekyon 3 – Prinsipyo

> Bukas na ugnayan sa pagitan ng mnga samahan na may pagkakapantay pantay at paggalang ng
bawat samahan
> Papairalin ang mataimtim na pagsunod sa lahat ng mga itinakdang patakaran ng buong
samahan na may paggalang sa demokrasya at “transparency”.

Artikulo III
Kasapian ng Samahan
Seksyon – Ang Kasapian ng Samahan
Ang Pederasyong ito ay mananatiling nakabuklod at di maaaring hati-hatiin sa isa o hihigit pa
para malikha muli ng isa
Pang samahan. “Clustering” ang ipaiiral.

Seksyon 2 – Katangian ng nagnanais sumapi

> Samahan ng mga nakatatanda na matatagpuan sa sa loob ng San Jose- San Isidro.
> Ang nagnanais sumapi sa samahan ay kinakailangan magbigay ng sulat – kahilingang sumapi
na kung saan
Nakasaad ang mga impormasyon tungkol sa samahan. Ito ay pag-aaralan ng naaangkop na
komite at kung sakop sa
Alituntunin ng pagsapi. Sila ay tatanggapin at bibigyan ng “application form”.
> sang samahan na may konkretong programa na isinasagawa para sa kagalingan ng sektor.
> Rehistrado sa isang ahensiya ng pamahalaan tulad ng Securities and Exchange Commission
(SEC), DSWD,
DOLE, atbp.

Seksyon 3 – Bayarin (Monthly Dues)

Ang samahan na matatanggap sa samahan ay magbabayad ng Non-refundable Membership Fee


sa halagang anim na daang Piso (Php 600.00)
Php 20.00 Monthly Dues
Php 120.00 ID

Seksyon 4 – Mga Tungkulin at Pananagutan

> Pagsapi at pagdalo sa lahat ng mga nakatakdang gawain.


> Pagdalo sa mga pagpupulong na itinakda ng samahan regular man o espesyal.
> Pagsunod at pagtupad sa Saligang Batas o alituntunin na pinagkasunduan sa samahan.
> Pagbayad sa anumang kaukulang bayarin na itinakda ng samahan.

Seksyon 5 – Mga Karapatan ng mga Samahang Kasapi

> Makilahok sa mga gawain ng samahan


> Magbahagi ng mga opinyon para sa ikauunlad ng samahan
> Tumanggap ng ano mang serbisyo nauukol sa mga miyembro na maibibigay ng samahan.

Seksyon – Pagbibitiw ng Isang Kasamahan sa Samahan

> Awtomatikong Pagbibitiw – kusa o agarang titigil ang pagkakasapi ng isang samahan kung ito
ay nabuwag at hihinto na ang kanilang pag-iiral.
> Kusang-loob o Boluntaryong Pagbibitiw (Resignation) -Magbibigay ng nakasulat na pahayag
(written – notice) sa Board of Directors ng samahan tatlongpong (30) araw muna bago sa araw
ng tuluyang pagbibitiw.
> Pagpapaalis o di Boluntaryong Pagbibitiw (Expulsion o
Pagpapatiwalag) – Kung may kadahilanan sa pagpapatiwalag ng isang kasaping samahan,
kailangan
Dadaan sa proseso ng pagpapatunay sa mga akusasyon o bintang. Binibigyan din ng pagkakataon
ang mga kasapi
Na mapakinggan ang kanyang panig. Pagkatapos ng pagsusuri, ang Board of Directors (BOD) ay
magpupulong
Upang pag-usapin at desisyunan ang kaso. Ang pasya o boto ng nakakaraming Board of
Directors ang masusunod.

Artikulo IV
Pangkalahatang Asembliya o General Assembly
Seksyon 1 – Pangkalahatang Asembliya (General Assembly)

Ito ang pinakamataas na sangay ng samahan sa usaping pagpapasya (highest decision making
body).

Seksyon 2 – Komposisyon

Ang Pangkalahatang Asembliya ay binubuo ng lahat ng kasaping Area ng samahan Pagdalo sa


pulong, ang komposisyon ng mga kinatawan ay ang mga opisyales ng bawat samahan.
Representasyon ng bawat organisasyon ay di tataas sa limang (5) katao.

Seksyon 3 – Mga Gawain, Tungkulin at Kapangyarihan ng Pangkalahatang Asembliya

> Magpatibay at magsusog sa Saligang Batas ng Samahan


> Maghalal, maghirang o magtanggal ng pinunong bubuo sa Board Of Directors (BOD)
> Magrepaso, magsuri at pag-aralan ang mga ulat ng Board of Directors at komite.
Magrepaso, magsuri at pag-aralan ang mga patakaran ukol sa pananalapi at pangangasiwa ng
samahan.

Seksyon 4 – Pagpupulong ng Pangkalahatang Asembliya

Ito ay ginaganap tuwing taon bago gawin ang Pangkalahatang Asembliya ng COPAP.
Seksyon 5 – Korum (Quorum)

Ang Pangkalahatang Asembliya ay maituturing na may bisa – ang mga pagpapasya o decision na
magaganap kung may dadalo na kasapi na may karapatang bumoto na limampung porsyento at
isa (50% + 1).
Seksyon 6- Natatanging (Espesyal) Pangkalahatang Asembliya

Maaaring magpatawag ng espesyal o natatanging asembliya ang mga Board of Directors (BOD)
kung may mahalagang paksa o usapin na dapat harapin subalit kailangan na ito ay inaprobahan
E sinang-ayunan ng nakararaming miyembro ng Board of Directors.
60 members = 30+1

Seksyon 7 Pag-aabiso na magkakaroon ng Pulong (Notice of Meeting)

Ang kalihim ng Pederasyon ay kailangan magpadala ng nakasulat na abiso sa lahat ng


kailangang dumalo. Maaari ring by
Means of cellphone.

Aktikulo V
Board of Directors (BOD)

Seksyon 1 – Depinisyon

Ang Board of Directors ng samahan ang kinikilalang Ikalawang pinakamataas na balangkas pang
kasamahan. Ito ang
Pangunahing sangay ng tagalikha at taga pinal na taga bigay diwa (interpretation) ng mga
polisiya at patakaran ng samahan, labas sa Pangkalahatang Asembliya.

Seksyon 2 – Komposisyon

 Ang Board of Directors ay binubuo ng labing-limang (15) miyembro. Mula sa kanila,


pipili ng pitong (7) opisyales na
May sumusunod na katungkulan: Taga-Pangulo (Chairperson), Pangalawang Taga-Pangulo (Vice
Chairperson of Internal at External Affair) na katuwang ng
Taga-Pangulo, Kalihim (Secretary), Ingat-Yaman (Treasurer), Taga-Suri (Auditor), Public
Relation Officer (PRO) – at ito rin ang tinatawag Execom / Executive Board of Directors at
walong (8) Board Members / Cluster Area Head.

 Ang paghalal / pagpili ng Pangulo ng Samahan ay magmumula lamang sa mga


Rangkasalukuyang Pangulo ng mga Areang kasapi ng MESSAI (RGE).

Seksyon 3 – Panahon ng Paglilingkod (Term of Service)

Ang panahon ng Panunungkulan ng mga bumubuo sa Board of Directors ay tatlong (3) taon at
maaaring maihalal muli (re-elect) ang pinuno sa isa pang tatlong
(3) taon, ngunit hindi hihigit sa dalawang (2) termino o taning na panahon. Maaari ding
makapanungkulan muli sa ibang uri ng posisyon.

Seksyon 4- Katangian na Maaaring Mahalal sa BOD

> Kasapi siya ng isang Samahang Area ng nakatatanda.


> May kaalaman at karanasan sa pamamahala ng samahan.
> May magandang asal (good moral character) ibig sabihin hindi makasarili, kaunti sa salita,
hindi naghahanap ng
Kapangyarihan, maunawain at mapagkakatiwalaan (trustworthy).
 May panahon sa pagkilos at aktibo sa mga gawain ng
Samahan.

Seksyon 5 – Mga Tungkulin ng Board of Directors

 Magbalangkas ng polisiya ng samahan

> Magpatupad ng patakaran o polisiya


> Manguna sa pangangalap ng pondo na kinakailangan sa pagpapatupad ng mga gawain ng
samahan.
> Pagsubaybay (monitor) sa mga gawain ng mga komite, programa at proyekto.

Seksyon 6- Pagpupulong

Ang Board of Directors ay magkakaroon ng pulong kada ikatlong Sabado ng bawat buwan sa
ganap na ika-apat ng hapon. Ito ay gaganapin sa pagpapasya at itatakda ng nakararaming
miyembro.

Seksyo7 – Pagkakaroon ng Bakante sa Pwesto ng Pamunuan

 Kung magkakaroon ng pagkabakante sa pwesto dahil sa pagkamatay, pagkakatanggal o


kusang loob na
Pagbibitiw, ang maiiiwang mga miyembro ng Board of Directors ay maaaring magpasya kung
sino ang ipapalit sa
Pwestong nabakante; subalit, kung ang nabakante ay pwesto ng Pangulo (Chairperson) ang
gaganap ng tungkulin ay ang Pangalawang Pangulo (Vice Chairperson). Kung ang dalawang (2)
pwesto ang nabakante ang Kalihim ang tatayo bilang pansamantalang kinatawan ng samahan
habang hindi pa naitatakda /nagaganap ang Espesyal na halalan.
 At kung hihigit sa tattong (3) matataas na tungkulin ng samahan ang nagkusang loob na
nagbitiw, natanggal o namatay, ang nabakanteng pwesto ay pupunuan sa pamamagitan ng
Espesyal na Halalan (Special Election).

Seksyon 8 – Pagtanggal ng mga BOD o Komite

Ang isang miyembro ng Board of Directors (BOD), o Komite ay maaaring matanggal kung may
sapat na dahilan; halimbawa –
Paglabag sa Patakaran ng Saligang Batas, pag-abuso sa kapangyarihan, pagkasangkot sa
kriminalidad, paglustay ng kaperahan, pag-abuso sa karapatang Pantao at paglabag o salungat sa
interes ng samahan. Pagkaraan ng isang masinop na proseso, maaaring tanggalin ang nasabing
kasapi kung ito ay napagpasyahan ng Majority Vote ng mga opisyales (BOD) ng Samahan
Seksyon 9 > Pataw na Penalty sa Pagliban

Ang mga Board of Directors o Opisyales na lumiban ng tatlong (3) sunod na regular meeting ay
may penalty na P100 ngunit kung magtutuloy-tuloy sa pagliban na walang PASUBALI siya ay
aalisan ng karapatan na manungkulan bilang BOD ng
Samahan

Artikulo VI
Tungkulin at Gawain ng mga BOD

Seksyon – Prinsipyo ng Pamamahala

Ang pagkonsulta at demokratikong pamamaraan ang ipaiiral sa pamamahala ng samahan at


gabay para sa lahat ng
Mamumuno.

Seksyon 2 – Mga Tungkuling Gagampanan

> Taga-Pangulo (Chairperson)


> Punong taga-pagpaganap sa pagpapatakbo ng mga programa at mga serbisyo ng samahan.
> Pangunahing tagapagsubaybay kung nasusunod ang mga polisiya o patakaran ng samahan.
> Pamumuno sa mga pagpupulong ng samahan.
> Nagpapasimuno sa proseso sa taunang pagpaplano at pagtatasa (planning and assessment) sa
mga programang
Gagawin ng samahan.
> Kinatawan ng samahan sa anumang usapin o ugnayan sa iba’t ibang sangay ng pamahalaan at
pribadong sektor.
>Nangunguna sa paghahanda ng mga ulat tungkol sa programa, serbisyo at ang pangkalahatang
kaayusan ng samahan.
> Pangalawang Taga-Pangulo (Vice-Chairperson for Internal-External Affairs)
- Kahalili ng Taga-Pangulo sa mga pagkakataong hindi niya maharap ang kaniyang tungkulin. Ito
ay maaaring pansamantalang pagliban, o pagbitiw sa anumang kadahilanan, halimbawa nito ay
mayroon siyang malubhang karamdaman.
- Pagganap ng iba pang tungkuling naitinakda sa kaniya ng Board of Directors.
Katuwang ng Taga-Pangulo sa anumang tungkulin, usapin o ugnayan sa iba’t ibang sangay ng
pamahalaan at pribadong sektor para sa kaayusan ng kasapian ng samahan.
- Pamumunuan ang Komite ng Pagkakakitaan (Income – Generating Project)

> Kalihim (Secretary)


- Magtala ng lahat ng mga katitikan ng pagpupulong at
Pag-uusap ng samahan, at magbigay ng katitikan (minutes) sa susunod na pagpupulong o sa
kaninumang
Nangangailangan ng impormasyon, lalo na sa Board of Directors.
- Katiwala nang lahat ng mga dokumento at mga talaan ng samahan, tungkulin niya na ito ay
nasa maayos at ligtas na lugar.
- Magpaabot sa mga kasapian ng mga gaganaping pagpupulong na malinaw ang detalye tulad ng
takdang lugar, araw, oras at mga paksang tatalakayin.

> Ingat-Yaman (Treasurer)


- Tungkulin ng Inggt-Yaman ay ang mangasiwa sa mga pondo ng samahan sakop sa mga
sumusunod na gawain.
- Mamuno sa pangangalap ng pondo.
Responsible na ang pondo at pag-aari ng samahan ay nasa maingat na lugar at kinalalagyan.
- Mamuno sa pagpagawa ng planong patakarang pampinansiya.
- Mamuno sa pagpagawa ng,planong pampinansiya (budget planning) para sa samahan, na
tutugon sa mga layunin at mga nakaplanong gawain.
- Magtitiyak na ang patakarang pampinansiya ay masusunod
- Magtitiyak na ang paggamit sa pondo ay naayon sa layunin at plano ng samahan
- Magtitiyak na ang lahat ng gawaing pampinansiya o transakyon ng samahan ay nakatala nang
maayos sa mga nararapat na “Libros de Cuenta”.
- Magbigay ng ulat pampinansiya buwan-buwan sa BOD, kada taon sa Pangkalahatang
Asembliya, at sa iba pang
Dapat bigyan ng ulat katulad ng SEC, mga nagbigay ng suportado o donasyon at mga taga-
tangkilik (sponsor).

>Tagasuri (Auditor)
- Tagasuri sa mga ulat pampinansiya na nagpapakita ng tunay na kalagayan pampinansya ng
samahan.
- Tagasuri kung nasusunod ng maayos ang mga pamamahala ng pagtatala ng lahat ng
transaksyon ay may katibayan.
- Magbilang ng pondong hawak ng Ingat-Yaman kada buwan (cash inventory) at suriin ang
“Libreta de banco” o passbook kung tugma sa ulat panpinansiya.
- Pagtiyak kung ang mga pag-aari ng samahan ay nasa maingat at ligtas na lugar.
- Makilahok sa mga gawaing paglilikom ng pondo.

>Public Relation Officer (PRO)


- Magpaabot ng opisyal na impormasyon galling sa pamunuan para maipapbot sa lahat ng PRO
ng area na mga kasapi ng ating samahan.
- Mamuno sa paggawa ng plano para sa lahat o pang madla (general public) at mamuno sa
pagpapatupad ng mga plano.
- Makipag-ugnayan sa ibat-ibang ahensya, grupo at pamahalaan upang magkaroon ng kaalaman
tungkol sa kalagayan ng nakatatanda at magkaroon ng pagtutulungan at suporta sa isa’t-isa

> Tungkulin ng Board Menbers / Cluster Area Heads


- Mamuno at mangasiwa sa ugnayan ng lahat ng lokal na samahan ng mga nakatatanda sa
pagpapatupad ng mga
Programa ng samahan.
- Mamuno sa pagbubuo ng mga lokal na samahan. (Municipal / City level) katuwang ang mga
Pangulo ng lahat ng lokal na samahan ng mga nakatatanda.
- Makikipag-ugnayan sa pagpapatupad ng mga programa para sa nakatatanda sa mga pamahalaan
lokal (LGU’S).

Artikulo VII
Mga Komite

Seksyon 1 – Mga Komite

Ang samahan ay magkakaroon ng mga Komite batay sa pangarngailangan nito. Ang bawat
kornite ay pamumunuan ng
Sang I) miyembro ng Board ot birectors na siyang gaganap sa tungkuling taga-pangulo
(Comnittee Chair).
(ADVOCACY, ORGANIZING, HEALTH, LIVELIHOOD, EDUCATION, DRRM)
Seksyon 2 – Komposisyon ng mga Komite

Ang bawat Komite ay binubuo ng Taga-Pangulo (Committee Chair), Kalihim (Secretary) at isang
(1) kasapi.

Seksyon 3 – Panahon ng Paglilingkod ng mga Komite

Ang taning na panahon ng paglilingkod ng Taga-Pangulo ng komite ay sabay o coterminous sa


panahon ng kanyang
Pagkahalal sa Board of Directors. Ang mga Kalihim at kasapi ay maaaring maglingkod sa komite
kung siya ay di nahalal sa
Anumang tungkulin o walang anuman mga katiwaliang kinasangkutan sa samahan.

Seksyon 4- Mga Gawain ng Komite


Ang BOD ang siyang magtatakda ng mga gawain at responsibilidad ng isang komite kasama nito
ang mga partikular na mga patakaran na naaangkop sa kanyang gawain.

Artikulo VIII
Pondo at mga Bayarin

Seksyon 1- Ang Pondo

Ang pondo ng Samahan ay maaaring mangaling sa Membership Fee, mga donasyon at kita sa
mga gawaing
Pangangalap ng Pondo (fund-raising activities) tulad ng raffle, bingo sosyal, atbp.
Seksyon 2- Patakaran

Ang malilikom na salapi ay ilalagak sa bangko na napagkaisahan ng BOD (RURAL BANK) at


tatlong (3) signatories ang maatasang mag-iingat nito. Kasama ang Pangulo, Ingat-Yaman at
Kalihim. Ang Pangkalahatang Asembliya ay magkakaisa kung saan gagamitin ang pondo, batay
sa isang planong pinagkasunduan nila.

Artikulo IX
Halalan

Seksyon 1 – Proseso ng Halalan

Ang halalan ay gaganapin tuwing ika-tatlong (3) taon sa Pangkalahatang Asembliya, upang
ihalal ang labing limang (15) kakatawan sa Board of Directors, at ang pitong (7) opisyales na
bubuo ng Executive Committee at walong (8) Board Members.
 Ang peoseso ng halalan ay bukas na nominasyon (open nomination) sa lahat ng mga
katungkulan at gagawin ang
Paghahalal sa pamamagitan ng balota (secret balloting).
> Ang patakaran ng paghalal ng isang kasapi isang boto (one man, one vote) at hindi kikilalanin
ang kahalili (no proxy vote allowed).
> Ang kinatawan nula sa Confederation of Older. Persons Association of the Philippines
(COPAP) ang magsisilbing
Election Committee, upang magpatunay na may bisa ang naganap na halalan.

Artikulo X

Pagsusog, Pagpanukala, Pagpapalit sa Saligang Batas

Seksyon 1

 Maaaring susugan, baguhin o pawalang bisa ang Saligang Batas na ito o anumang bahagi
sa pamamagitan ng pagsang-ayon ng dalaya’t ikatlong boto (majority votes)
Ng kasapi ng samahan sa isang regular o espesyal na gaganapin para sa layuning ito.
> Unang pagsusog ng Saligang P at yhes na pinagtibay ng kasapian, noong ika- 01 ng Hunyo
2024 sa pangkalahatang Asembliya na ginanap sa Ph 1B Sub Urban, San Jose, Montalban, Rizal.
> Pangalawang pagsusog ng Saligang Batas at lubos na pinagtibay ng kasapian, noong ika- 10 ng
Hunyo 2024, sa isang Pangkalahatang Asembliya, na ginanap sa Brgy San Jose, Montalban,
Rizal (Senior Citizen Building).

Seksyon 2

Ang Saligang Batas na ito ay nagkaroon ng pagpapalit at pagdaragdag na pinagsang-ayungn ng


Pangkalahatang Asembliya noong ika- 10 ng Hunyo taong 2024 na naganap sa Senior Citizen
Building ng Brgy. San Jose, Montalban, Rizal. At ang Saligang Batas na ito ay inaprobahan at
nilagdaan ng mga bagong
Pamunuan ng MESSAI group.

You might also like