God the Mother 1

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 19

GOD THE MOTHER

Assigned to: B. Jerome Adonis

🌞Founder: Ahn-Sahng-Hong.
🌞Itinoong 1964, sa South korea.
🌞Ang Pangalan ng Church: The World Mission Society
Church of God. That Believes in God the Mother.

🌞Ang Paniniwala sa kaniya: Ang tawag sa Kaniya, ay Christ


Ahn-Sahng-Hong. ang paniniwala nila na siya ang Jesus na
babalik, sa Second Coming- Revelation 3:12.

Revelation 3:12
[12]Ang magtagumpay, ay gagawin kong haligi sa templo ng
aking Dios, at hindi na siya'y lalabas pa doon: at isusulat ko sa
kaniya ang pangalan ng aking Dios, at ang pangalan ng bayan
ng aking Dios, ang bagong Jerusalem, na mananaog buhat sa
langit mula sa aking Dios, at ang aking sariling bagong
pangalan.

🌞Ang bautismo na ginagamit: Ang bautismo na ginagamit nila


sa Pangalan ni Christ Ahn-Sahng-Hong.
🌞New Covenant, Passover:
Sa pamamagitan lamang ng pag-aaral ng Bibliya makikilala
natin ang Ikalawang Pagdating ni Hesus at malalaman ang
Kanyang bagong pangalan. Sa maraming mga gawa ng
Ikalawang Pagparito ni Kristo, dapat Niyang ipaalala sa atin
ang lahat ng itinuro ni Jesus sa Kanyang unang pagparito (Jn
14:26)

John 14:26
[26]Datapuwa't ang Mangaaliw, sa makatuwid baga'y ang
Espiritu Santo, na susuguin ng Ama sa aking pangalan, siya
ang magtuturo sa inyo ng lahat ng mga bagay, at
magpapaalaala ng lahat na sa inyo'y aking sinabi.

at ibalik din ang Bagong Tipan ng Paskuwa (Heb 9:28).


Nagawa ito ni Christ Ahnsahnghong sa pamamagitan ng
muling pagtatatag ng New Covenant Passover at pagtatatag ng
World Mission Society Church of God bilang ang tanging
simbahan na tumutupad sa lahat ng turo ni Jesus at ng
Sinaunang Simbahan.

Hebrews 9:28
[28]Ay gayon din naman si Cristo, na inihandog na minsan
upang dalhin ang mga kasalanan ng marami, sa ikalawa'y
pakikita na hiwalay sa kasalanan, sa ikaliligtas ng mga
nagsisipaghintay sa kaniya.
-Christ Ahn-Sahng-Hong restored Passover, at ang passover
ay kailangan sa salvetion

👉History ni Ahn-Sahng-Hong:
🌞Kapanganakan: 1918 in South Korea
🌞Unang Relihiyon: Sumali siya sa 7th day Adventist Church at
doon nabautismohan

🌞Nagpakasal: April 5, 1958 kay Hweng Wong Son na May


tatlo silang anak

🌞Pag alis sa 7th Day Adventist: Hindi niya gusto ito pero
nakick out siya dahil sa weird o kakaibang turo niya sa taong
1962

🌞May nahikayat siya: 30 members


🌞Unang pag tatag ng relihiyon na itinayo niya: Pag uumpisa
ng itinayo niyang relihiyon The witnesses of Jesus Christ
Church of God sa taong 1964

👉History ng pamilya niya: Nagpakasal April 5, 1958 kay


Hweng Wong Son na May apat silang anak.

- Iniwan niya ang kaniyang asawa dahil nagkaroon siya ng


kabit pero hindi siya nakipag divorce sa legal wife, Hweng
Wong Son
-Walang record na nakipag divorce siya
🌞Pangalawang asawa: Zhang Gil Jaw, tinawag niya ang sarili
niyang mother of God

🌞Kamatayan: Namatay si Ahn-Sahng-Hong sa taong 1985 at


doon na nagsimulang mahati ang itinayo niyang relihiyon

🌞Paghahati: Nahati ang relihiyon na itinayo niya sa dalwa


-New Covenant Passover Church of God
-The World Mission Society Church of God

🌞Ang namuno sa dalawang grupo:


-New Covenant Passover Church of God,
Namumuno, Ahn- kwang-Sup, pinagpatuloy niya ang mga turo
ng kaniyang ama na si Ahn-Sahng-Hong.

-World Mission Society Church of God,


Namumuno, na si Joo-Cheol-Kim,
Bigla nalang siya lumitaw at namuno sa world mission society
church of god, ang kasama niya yung pangalawang asawa ni
Ahn-Sahng-Hong, na si Zhang-Gill-Ja, na itong babaeng ito
ang nagsasabi na siya ang the mother of god, iniba ang mga
turo ni Ahn-Sahng-Hong, ng namumuno dito

👉Ang katuruan ng God The Mother


🌞Ang makalangit na pamilya, at ang makalupang pamilya:
Hebrews 8:5
[5]Na nangaglilingkod sa anyo at anino ng mga bagay sa
kalangitan, gaya naman ni Moises na pinagsabihan ng Dios
nang malapit ng gawin niya ang tabernakulo: sapagka't sinabi
niya, Ingatan mo na iyong gawin ang lahat ng mga bagay ayon
sa anyong ipinakita sa iyo sa bundok.

-Na nangaglilingkod sa anyo at anino ng mga bagay sa


kalangitan

ang sistema ng pamilya at isang tipikal na halimbawa, na


nagpapakita ng ugnayan sa pagitan ng isang totoong bagay at
sa anino nito.

🌞Ang katotohanan yung sa langit


(Tumutukoy sa diyos ama at diyos ina)

(Humahalimbawa sa pamilya sa langit)

🌞ang anino yung sa lupa, pamilya sa lupa


-may ama at ina

(Ang ama at ina sa lupa ay isang anino sa langit)

(Kung May ama dapat May ina, at kung May ina dapat May
ama
Ang katotohanan yung pamilya sa langit, ang anino yung
pamilya sa lupa.
(Kaya May diyos ina)

👉Tumutukoy sa Ama sa langit.


Hebrews 12:9
[9] Bukod dito, tayo'y nangagkaroon ng mga ama ng ating
laman upang tayo'y parusahan, at sila'y ating iginagalang: hindi
baga lalong tayo'y pasasakop sa Ama ng mga espiritu, at tayo'y
mabubuhay?

Matthew 6:8-9
[8]Huwag nga kayong magsigaya sa kanila: sapagka't talastas
ng inyong Ama ang mga bagay na inyong kinakailangan, bago
ninyo hingin sa kaniya.

[9]Magsidalangin nga kayo ng ganito: Ama namin na nasa


langit ka, Sambahin nawa ang pangalan mo.

-may Ama sa espirituwal na mundo, walang iba kundi ang


Diyos Ama.

👉Hindi siya pwdng tawaging Ama kung walang Anak.


🌞ang mga anak na lalaki at babae
2 Corinthians 6:17-18
[17]Kaya nga, Magsialis kayo sa kanila, at magsihiwalay kayo,
sabi ng Panginoon, At huwag kayong magsihipo ng mga bagay
na marumi, At kayo'y aking tatanggapin,

[18]At ako sa inyo'y magiging ama, At sa akin kayo'y magiging


mga anak na lalake at babae, sabi ng Panginoong
Makapangyarihan sa lahat.

🌞ang mga anak, yung naniniwala sa diyos ina.


Romans 8:16
[16]Ang Espiritu rin ang nagpapatotoo kasama ng ating espiritu,
na tayo'y mga anak ng Dios:

(kung may Ama, at anak na lalaki at babae, meron ding ina)

-kung merong ama at anak na lalaki at babae meron ding ina,


para mabou ang isang pamilya.

👉ang diyos INA


Galatians 4:26
[26]Nguni't ang Jerusalem na nasa itaas ay malaya, na siyang
ina natin.

-kung merong ama sa espirituwal, meron ding ina sa


espirituwal

-ang tinutukoy na diyos ina yung Jerusalem, na tinutukoy sa


Galatians 4:26, ito ang ina sa espirituwal.
🌞Kung babasahin natin ang buong Chapter, malalaman natin,
kung ano ba ang ibig-sabihin ng verse na yan

-Ang buong Chapter na yun tumutukoy yun sa pagkaalipin, at


sa tagapagmana,

Galatians 4:6-8
[6]At sapagka't kayo'y mga anak, ay sinugo ng Dios ang
Espiritu ng kaniyang Anak sa ating mga puso, na sumisigaw,
Abba, Ama.

[7]Ano pa't hindi ka na alipin, kundi anak; at kung anak, ay


tagapagmana ka nga sa pamamagitan ng Dios.

[8]Gayon man nang panahong yaon, sa hindi ninyo pagkakilala


sa Dios, kayo'y nasa pagkaalipin ng sa katutubo ay hindi mga
dios:

-sabi ng bible hindi na tayo alipin, tayo ay tagapagmana na,


ibig-sabihin tayong mga nabautismohan, at naglilingkod na sa
Diyos yun ang mga tagapagmana.

-tayo noon ay alipin, na walang pagkakilala sa Diyos, yung mga


alipin yung mga hindi nakakilala sa Diyos

🌞Nagbigay ng talinghaga si Pablo!


Galatians 4:22-25
[22]Sapagka't nasusulat, na si Abraham ay nagkaroon ng
dalawang anak, ang isa'y sa aliping babae, at ang isa'y sa
babaing malaya.

[23]Gayon man ang anak sa alipin ay ipinanganak ayon sa


laman; nguni't ang anak sa babaing malaya ay sa
pamamagitan ng pangako.

[24] Ang mga bagay na ito'y may lamang talinghaga: sapagka't


ang mga babaing ito'y dalawang tipan; ang isa'y mula sa
bundok ng Sinai, na nanganganak ng mga anak sa pagkaalipin,
na ito'y si Agar.

[25]Ang Agar ngang ito ay bundok ng Sinai sa Arabia, at ito'y


katulad ng Jerusalem ngayon: sapagka't ito'y nasa pagkaalipin
kasama ng kaniyang mga anak.

🌞Si Pablo nagbibigay ng halimbawa, kay agar, at kay Sara


-si agar ay isang alipin, at nagkaanak, kaya tinutukoy siya, na
anak ng alipin.

-si Sara naman asawang totoo ni Abraham, na nagkaanak si


Sara, kaya yun ang tagapagmana.

-kaya hinahalimbawa ang mga anak ng Diyos, kay Isaac na


isang tagapagmana

-at ang anak naman ni agar, ay hinahalimbawa, sa mga hindi


kumikilala sa Diyos na sila ang anak sa pagkaalipin.
👉Ito ang pinanghahawakan nila na verse, about sa diyos ina.
Galatians 4:26
[26]Nguni't ang Jerusalem na nasa itaas ay malaya, na siyang
ina natin.

-itong Jerusalem na ito, ito ang tinutukoy nila na diyos ina na


ikakasal sa Coldero.

-basahin natin ang verse, kung ano ang tinutukoy Jan na


Jerusalem.

👉Ang ikakasal sa Coldero,


Revelation 21:9-10
[9]At dumating ang isa sa pitong anghel na may pitong
mangkok, na mga puno ng pitong huling salot; at nagsalita sa
akin, na nagsasabi, Halika, ipakikita ko sa iyo ang babaing
kasintahan, ang asawa ng Cordero.

[10]At dinala niya akong nasa Espiritu sa isang malaki at


mataas na bundok, at ipinakita sa akin ang bayang banal na
Jerusalem, na nananaog mula sa langit buhat sa Dios,

🌞Halika, ipakikita ko sa iyo ang babaing kasintahan, ang


asawa ng Cordero.
-may nabanggit na babaing kasintahan, na asawa ng Coldero,
so ito daw ang ikakasal sa Coldero, at ang babae na yun daw
ang Jerusalem.

🌞sabi naman sa verse 10


at ipinakita sa akin ang bayang banal na Jerusalem, na
nananaog mula sa langit buhat sa Dios,

-so ang tinutukoy dito bayang banal na jerusalem, hindi ang


babaing ikakasal

-nanaog mula sa langit buhat sa Diyos,


Yung Jerusalem na yun bayang banal yun na nasa itaas, kaya
hindi natin pwdng sabihin yun ang diyos ina, mali yun.

-ang Jerusalem ang bayang banal, yun ang nasa itaas.

🌞May sinasabi sila na ikakasal sa Coldero.


(Sino ang ikakasal?)

Revelation 3:10-13
[10]Sapagka't tinupad mo ang salita ng aking pagtitiis, ikaw
naman ay aking iingatan sa panahon ng pagsubok, na darating
sa buong sanglibutan, upang subukin ang mga nananahan sa
ibabaw ng lupa.
[11] Ako'y dumarating na madali: panghawakan mong matibay
ang nasa iyo, upang huwag kunin ng sinoman ang iyong
putong.

[12]Ang magtagumpay, ay gagawin kong haligi sa templo ng


aking Dios, at hindi na siya'y lalabas pa doon: at isusulat ko sa
kaniya ang pangalan ng aking Dios, at ang pangalan ng bayan
ng aking Dios, ang bagong Jerusalem, na mananaog buhat sa
langit mula sa aking Dios, at ang aking sariling bagong
pangalan.

[13]Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa


mga iglesia.

-itong sulat na ito sulat ito sa Iglesia ng Filderfia, at isinusulat


ito sa bawat mananampalataya.

[11] Ako'y dumarating na madali: panghawakan mong matibay


ang nasa iyo, upang huwag kunin ng sinoman ang iyong
putong.

[13]Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa


mga iglesia.

🌞ang mga ikakasal sa Coldero.


-ang ikakasal yung mga banal, o yung nagtiis kay Cristo, yung
mga lingkod ng Diyos o mga banal hinahalintulad sila sa isang
babaing malinis
👉Ang kausap ng Diyos nung nilikha niya ang tao.
🌞Ang verse na ginagamit nila para mapatunayan na May god
the mother daw, at yun ang kausap ng Diyos.

Genesis 1:26-27
[26]At sinabi ng Dios, Lalangin natin ang tao sa ating larawan,
ayon sa ating wangis: at magkaroon sila ng kapangyarihan sa
mga isda sa dagat, at sa mga ibon sa himpapawid, at sa mga
hayop, at sa buong lupa, at sa bawa't umuusad, na nagsisiusad
sa ibabaw ng lupa.

[27] At nilalang ng Dios ang tao ayon sa kaniyang sariling


larawan, ayon sa larawan ng Dios siya nilalang; nilalang niya
sila na lalake at babae.

-pinapatunayan nila na ang kausap ng Diyos dun, ay ang diyos


ina.

-pinapatunayan rin nila na nilikha ang tao ayun sa larawan nila,


sa Diyos Ama at diyos ina, dahil ang tao nilikha, na lalaki at
babae

🌞pero Kung babasahin natin ang verse 27.


-nilalang ng Diyos ang tao ayon sa kaniyang sariling larawan

-ayon sa larawan ng Diyos siya nilalang.

-nilalang niya sila na lalaki at babae.


🌞Ang kausap ng Diyos.
(Sino ba talaga ang kausap ng Diyos?)

-ang kausap ng Diyos sa Genesis 1:26, ay mga anghel.

Nehemiah 9:6
[6]Ikaw ang Panginoon, ikaw lamang; ikaw ang lumikha ng
langit, ng langit ng mga langit, pati ng lahat na natatanaw roon,
ng lupa at ng lahat na bagay na nangaroon, ng mga dagat at
ng lahat na nangaroon, at iyong pinamalaging lahat; at ang
hukbo ng langit ay sumasamba sa iyo.

-ang hukbo ng langit ay sumasamba sa Diyos.

-Hindi pa nililikha ang tao, kasama na ng Diyos ang mga


anghel.

Job 38:4-7
[4]Saan ka nandoon nang ilagay ko ang mga patibayan ng
lupa? Ipahayag mo, kung mayroon kang unawa.

[5]Sinong naglagay ng mga sukat niyaon, kung iyong


nalalaman? O sinong nagunat ng panukat diyan?

[6]Sa ano nalagay ang kaniyang mga patibayan? O sinong


naglagay ng batong panulok niyaon;
[7]Nang magsiawit na magkakasama ang mga bituin
pang-umaga. At ang lahat ng mga anak ng Dios ay
naghihiyawan sa kagalakan?

-habang nililikha ng Diyos ang langit at lupa nandun na ang


mga anghel, naghihiyawan sa kagalakan sila

-so ibig-sabihin ang mga anghel ay kasama na ng Diyos.

Genesis 3:24
[24]Ano pa't itinaboy ang lalake; at inilagay sa silanganan ng
halamanan ng Eden ang mga Querubin at ang isang
nagniningas na tabak na umiikot, upang ingatan ang daang
patungo sa kahoy ng buhay.

-noong inalis ng Diyos ang tao sa Eden May inilagay agad siya
na Querubin.

Kaya isang patunay na ang kausap ng Diyos sa Genesis 1:26


ay ang mga anghel.

👉Elohim.
🌞Ang Elohim ay madalas na ginagamit ng mga trinity.
-ginagamit ng mga trinitaryan para mapalitaw, ang Diyos Ama,
Diyos Anak, Diyos Espiritu, para mapalinawa nila sa Genesis
1:26 na kausap ng Diyos Ama, ang Diyos Anak, at Diyos
Espiritu.
-ito rin ang ginagamit ng god the mother, para mapalitaw nila
ang kausap ng Diyos Ama, ang diyos ina

🌞Ang paggamit ng Elohim.


-ang Elohim ay sa salitang Hebreo, plural, o pang maramihan,
kaya ito ang ginagamit ng mga trinity.

-ayon sa pagsearch ko pwd rin gamitin ang Elohim sa Diyos,


pero tumutukoy ito sa kapangyarihan ng Diyos,

-ibigsabihin pag plural ang paggamit ng Elohim tumutukoy siya


sa mga diyos.

-pero pag ang Elohim ginamit mo sa Diyos na


makapangyarihan, singular lang ito.

-ibigsabihin ang salitang Elohim depende sa paggamit, o kung


saan mo gagamitin para malaman kung ito ba ay singular, o
plural.

🌞Halimbawa ng mga verse


-plural

Psalms 97:9
[9]Sapagka't ikaw, Oh Panginoon, ay kataastaasan sa buong
lupa: ikaw ay nataas na totoong higit kay sa lahat na mga dios.

-singular
Genesis 1:1
[1]Nang pasimula ay nilikha ng Dios ang langit at ang lupa.

Deuteronomy 6:4
[4]Dinggin mo, Oh Israel: ang Panginoon nating Dios ay isang
Panginoon:

-kaya ginagamit ang Elohim dahil sa kapangyarihan ng Diyos.

Kaya tinatawag siya, na makapangyarihang Diyos.

Walang hanggang Diyos.

Ang Diyos nasa lahat ng dako.

Alam ng Diyos ang lahat.

Ang Diyos ay manglilikha.

-kaya ang paggamit ng Elohim sa Diyos ay singular, dahil


binabanggit ito sa kapangyarihan ng Diyos.

-ang salitang Elohim 2570 times itong binanggit sa bible.

🌞Ginagamit rin sa iba ang Elohim


-ang Elohim ginagamit rin sa mga anghel.

-ang Elohim ginagamit rin sa mga tao.


👉Ang Diyos lang ang lumikha ng lahat siya lang mag-isa.
Isaiah 44:24
[24]Ganito ang sabi ng Panginoon, ng iyong Manunubos, at
niyang naganyo sa iyo mula sa bahay-bata, Ako ang
Panginoon na gumagawa ng lahat na bagay; na naglaladlad,
na magisa ng langit; na naglalatag ng lupa;

Nehemiah 9:6
[6]Ikaw ang Panginoon, ikaw lamang; ikaw ang lumikha ng
langit, ng langit ng mga langit, pati ng lahat na natatanaw roon,
ng lupa at ng lahat na bagay na nangaroon, ng mga dagat at
ng lahat na nangaroon, at iyong pinamalaging lahat; at ang
hukbo ng langit ay sumasamba sa iyo.

👉Siya lang ang Diyos, at wala ng iba.


Isaiah 44:8
[8]Kayo'y huwag mangatakot, o magsipangilabot man: hindi ko
baga ipinahayag sa iyo nang una, at ipinakilala? at kayo ang
aking mga saksi. May Dios baga liban sa akin? oo, walang
malaking Bato; ako'y walang nakikilalang iba.

-wala na siyang nakikilalang ibang Diyos.

Isaiah 43:10-11
[10]Kayo'y aking mga saksi, sabi ng Panginoon, at aking
lingkod na aking pinili: upang inyong maalaman at
magsisampalataya kayo sa akin, at inyong matalastas na ako
nga; walang Dios na inanyuan na una sa akin, o magkakaroon
man pagkatapos ko.

[11]Ako, sa makatuwid baga'y ako, ang Panginoon; at liban sa


akin ay walang tagapagligtas.

-wala ng nauna pa sa kaniya, at susunod pagkatapos niya.

-wala ng tagapagligtas kundi siya lang

Isaiah 44:6
[6]Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Hari ng Israel, at ng
kaniyang Manunubos, na Panginoon ng mga hukbo, Ako ang
una, at ako ang huli; at liban sa akin ay walang Dios.

You might also like