Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 7

❖ Pagtitiyaga - tumutukoy sa matinding determinasyon at disiplina na

matapos ang isang gawain kahit nahihirapan

❖ Halimbawa:

Nagtitiyaga ka kapag patuloy mong ginagawa ang isang partikular na

gawain o tungkulin hanggang matapos ito ng hindi sumusuko.

1. Pagtapos ng mga takdang-aralin kahit marami at mahirap ang mga ito

2. Paghahanda para sa susunod na pagsusulit kahit hindi nakapasa sa

nakaraang pagsusulit
❖ Tandaan: Makinig sa mga payo ng nakatatanda lalo na ng mga

miyembro ng pamilya tungkol sa pagtitiyaga.

❖ Video: https://www.youtube.com/watch?app=desktop&v=hluqeGQHLlY

Mga gabay na tanong:

● Ano ang kahulugan ng pagtitiyaga?

● Bakit mahalaga ang pagtitiyaga?

● Paano mo maipapakita ang pagtitiyaga bilang isang bata?

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

❖ Kalinisan - tumutukoy sa lahat ng mga kinakailangang hakbang upang

matiyak ang malinis at malusog na pamumuhay; walang kalat o dumi sa

paligid

❖ Kapaligiran - tumutukoy sa mga bagay na

makikita sa ating paligid. Ito ay maaaring ang

ating tahanan, labas ng bahay, puno, halaman,

paaralan, at iba pa.

❖ Tandaan: Ang kapaligiran ay kinakailangang malinis upang ang mga tao

ay manatiling malusog at ligtas sa sakit.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
❖ Pagmamalasakit (caring or concern) - pagtulong,

pag-aalala o pag-aalaga sa iba (tao, hayop, o

kalikasan) ng walang hinihiling kapalit

Mga gabay na tanong:

● Paano mo maipapakita ang pagmamalasakit sa mga hayop na

nasa tahanan, paaralan o komunidad?

● Bakit mahalaga ang pagmamalasakit sa mga hayop?

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

❖ Karapatan - mga bagay na dapat maranasan o magkaroon ang isang

tao

❖ Mga Karapatan ng Bawat Bata

1. Karapatang Masuportahan ang mga

Pangangailangan - may karapatan ang mga

bata na mamuhay nang maayos. Dapat na

isaalang-alang ng mga magulang, pamayanan,

at pamahalaan ang pangangailangan ng mga

bata upang mabuhay at lumaki sa maayos na

kapaligiran.
Ang sumusunod ay tiyak na mga halimbawa:

● may makakain at matitirahan

● oras sa paglalaro

● mga damit

● sapat na edukasyon

● pangangalaga sa kalusugan

2. Karapatang Mapangalagaan - lahat ng

bata ay may karapatang lumaki nang

masaya at malusog. Ang lahat ng mga

karapatan ay may karampatang mga

hakbang at pagkilos upang

mapangalagaan ang mga batang tulad mo

laban sa pang-aabuso at pagpapabaya.

- Ang pang-aabuso at kawalang pagkalinga o atensyon ay maaaring

magdulot ng masama at panghabambuhay na epekto sa mga bata. Mahigpit

na ipinatutupad ng batas ang pagtulong sa mga naaabuso o pinahirapang

mga bata.

- Ang mga karapatang ito ay nagbibigay ng seguridad upang

mapangalagaan ang mga bata mula sa pang-aabuso ng masasamang tao.

Marapat na isumbong sa kinauukulan ang mga abusado at masamang tao

upang mapagbayaran ng mga ito ang kanilang mga kasalanan.


3. Karapatang Makilahok - tinitiyak ng mga

karapatang ito ang iyong pagkakataon upang

makilahok sa mga pagpapasya sa mga bagay

na makakaapekto at may kinalaman sa iyong

buhay. Habang ikaw ay lumalaki, kailangan

mong matutuhang pumili o magpasya kung ano

ang mga gusto at ayaw mo.

- Gayunpaman, hindi ito nangangahulugang ang mga batang tulad mo ay

maaari nang magdesisyon nang walang tulong o payo ng magulang.

Kadalasan, ang mga bata ay to nakagagawa ng pagkakamali dahil hindi pa

nila lubos na nauunawaan ang lahat ng bagay na nangyayari sa kanila. Bilang

bata, kinakailangan mo ang gabay mula sa iyong magulang at iba pang mga

nakatatanda sa pamayanan.

Ang mga batang kabilang sa mga pangkat ng mga katutubo ay may

karapatang makilahok, malayang kumilos mula sa mga nakamulatang kultura,

at magsalita gamit ang kanilang wika.

Ang sumusunod ay nagpapakita ng mga tamang paggabay at mga

halimbawa kung saan at paano isinasabuhay ng mga batang katulad mo ang

pakikilahok:

● pagpili ng mga kaibigan


● pagpapasya kung ano ang makatutulong o makabubuti sa iyo tulad ng

pagpili ng pagkain

● pakikilahok at paghingi ng payo sa pagpili ng gamit

Mga gabay na tanong:

● Bakit mahalagang matutunan ang mga karapatan ng lahat ng

bata?

● Paano natin dapat pakitunguhan ang isa’t isa?

● Bakit mahalagang igalang ang kapwa bata?

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

❖ Pagtitipid - hindi pag-ubos ng lahat ng perang mayroon ka; binibili lang

ang mga kailangan o mahalaga


❖ Pag-iipon - pagtatabi ng pera upang may mapagkukuhanan kapag

nangangailangan

● Tandaan: Kapag may isinuksok, may madudukot.

Mga gabay na tanong:

● Bakit mahalaga ang pagtitipid at pag-iipon?

● Paano mo magagamit sa pagtulong sa kapwa ang iyong naipon?

You might also like