Pictorial Essay

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

PICTORIAL ESSAY

Ayon kay Amit Kalantri, isang nobelistang Indian, “A photograph shouldn’t be just a picture, it should be a philosophy: May
katotohanan nga naman, ang litrato ay isang larawan sa pisikal na anyo. Subalit, ito ay may katumbas na sanlibong salita na
maaaring magpahayag ng mga natatagong kaisipan. Kaya naman, kahanga-hanga ang mahuhusay kumuha ng mga larawan
dahil higit nila itong nabibigyang-buhay.

Ang larawan ay mahalagang kagamitan para sa isang guro dahil ito ay madalas niyang gamiting pantulong na kagamitan sa
pagtuturo upang mapadali ang pagkatuto ng mag-aaral. Kaya naman, hindi nakapagtatakang ang mga larawan ay gamitin din
bilang mga instrumento sa mga gawaing pagsulat tulad ng photo essay o larawang-sanaysay.

Ang larawang-sanaysay na tinatawag sa Ingles na pictorial essay o kaya ay photo essay na para sa iba ay mga tinipong larawan
na isinaayos nang may wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari upang maglahad ng isang konsepto.

Ang larawang-sanaysay ay gaya rin ng iba pang uri ng sanaysay na gumagamit ng mga pamamaraan sa pagsasalaysay. Sa
pagsasalaysay, maaaring gamitin mismo ang mga binuong larawan o dili kaya’y mga larawang may maiikling teksto o caption.
Malaki ang naitutulong ng larawang may teksto sapagkat nakatutulong ang mga ito sa mga ideya kaisipang ipinakikita ng
larawan.

Ang mahalagang katangian ng larawang-sanaysay ay ang mismong paggamit ng larawan sa pagsasalaysay. Layunin nitong
magbigay ng kasiyahan o aliw sa taong gumagawa ng salaysay, magbigay ng mahalagang impormasyon, at malinang ang
pagiging malikhain.

Makapagsasalaysay dito sa pamamagitan ng mga larawang may kronolohikal na ayos. Ibig sabihin, isinasalaysay ang mga
pangyayari ayon sa wastong pagkakasunod-sunod ng larawan. Kung pangkalahatang kaisipan lamang ng pangyayari ay maaari
nang gamitin ang isang larawang may natatanging dating. Ibig sabihin, sa isang kuhang larawan ay naroon na ang lahat-lahat ng
mga ideya.

Gayumpaman, nakasalalay pa rin sa husay at pagiging maiikhain ng isang tao ang paggamit ng mga larawan sa paggawa ng
sanaysay dahil nakabatay rito kung paano pag-uugnay-ugnayin ang mga larawan ayon sa kanyang mga naiisip na ideya. Ang
mahalaga, kailangang malinaw ang mensahe ng gagawing larawang-sa naysay.

Narito ang mga dapat mong isaalang-aiang sa pagsulat ng larawang-sanaysay:

1. Pumili ng paksa ayon sa iyong interes.


2. Magsagawa ng pananaliksik sa iyong paksang gagawin.
3. Isaalang-alang ang kawilihan at uri ng iyong mambabasa.
4. Tandaan na ang isang istoryang nakatuon sa mga pagpapahalaga o emosyon ay madaling nakapupukaw sa
damdamin ng mambabasa.
5. Kung nahihirapan ka sa pagsusunod-sunod ng pangyayari gamit ang larawan, mabuting sumulat ka muna ng
kuwento at ibatay rito ang mga larawan.
6. Planuhing mabuti ang gagawing sanaysay gamit ang mga Iarawan. Tandaan na higit na dapat mangibabaw ang
larawan kaysa sa mga salita.
7. Palaging tandaan na ang larawang-sanaysay ay nagpapahayag ng kronolohikal na salaysay, isang ideya, at isang
panig ng isyu.
8. Siguraduhin ang kaisahan ng mga larawan ayon sa framing, komposisyon, kulay, at pag-iilaw. Kung minsan, mas
matingkad ang kulay at matindi ang contrast ng ilang larawan kompara sa iba dahil sa pagbabago ng damdamin na
isinasaad nito.

Dalawang Uri ang Piktoryal na Sanaysay

1.Kronolohikal-ito ay nagsasalaysay ng isang istorya sa pamamagitan ng pagkakasunod-sunodng mga pangyayari.

2.Thematic – na nakapokus sa sentral na tema halimbawa na lang ay kapaligiran, isyung panlipunan o kaya ay tungkol sa pamilya.
Mga Elemento ng Piktoryal na Sanaysay

1.Ang kwento o ang istorya– Ang kwento ng ginawa mong piktoryal na sanaysay ay kayangmapag-isa kahit na walang mga tekstong
nakasulat para sumuporta rito.

2.A range of photo o saklaw ng larawan– Nangangahulugan na kailangan magkaroon ngbarayti ang mga kukuhain mong larawan.

2.1.The Lead Photo –Maihahalintulad sa unang dalawang pangungusap na mababasa mosa mga artikulo sa pahayagan kinakailangan
na dapat sa bahaging ito pa lamang makuhamo na ang atensyon o interes ng mga titingin dito. Sinasabi na ito ang pinakamahirap na gawin
sapagkat kailangang maingat na piliin ang larawan na nakabatay ayon sa tema.

2.2.The Scene –Ang lugar at ang paglalarawan sa lugar.

2.3.The Portraits– Kinakailangan na magkaroon ng kahit isang portrait nang sa gayon mailabas o makapagpakita ng masidhing
emosyon sa mga mambabasa

2.4.The Detail Photos– Sa bahagi ito mahalaga na ang kapsyon mo sa mga larawan ay kinakailangan impormatibo at kapupulutan
ng aral.

2.5.The Close-up Photos– Ang larawan naman sa bahaging ito ay “tightly cropped” at “simple shots” na makapagpapakita ng
ispesipikong element ng iyong istorya. Muli, sabahagi ito mahalaga na ang kapsyon mo sa mga larawan ay kinakailangan malinaw
atmaayos na naipahayag.

2.6.The Signature Photo– Nagbubuod ng buong sitwasyon.

2.7.The Clincher Photo– Pinal na larawan, na makapaglalabas ng emosyon ng iyong mgamambabasa, na kung gusto mo bang ang
emosyon na maiwan sa kanila ay pagiging masaya, malungkot, pagkakaroon ng pag-asa.

3.Organisasyon ng mga larawan– Mahalaga ang pagkakaayos ng mga larawan sa isang piktoryal na sanaysay nang sa gayon
maipapahayag mo ng epektibo ang nais mong iparating.

4.Impormasyon at emosyon– Dapat na may impormasyon at emosyon ang larawan upang lubusan mong mahikayat ang iyong mga
mambabasa.

5.Kapsyon– Ito ang iyong pagkakataon upang ilarawan ang nangyayari sa pamamagitan ng salita at dahil dito mas makakasigurado
ka na naintindihan ng mga mambabasa ang iyongginawang piktoryal na sanaysay

You might also like