REVIEWER MATH MODULE 1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

1. Ang bilang na 23,857 ay mayroong ilang 100?

2. Ang bilang na 45,803 ay mayroong ilang 1000?


3. Ano ang kabuuang bilang ng limang 1000, dalawang 100, at siyam na 1?
Number Place Value Value
4. 4 sa 341 602
5. 8 sa 59 835
6. 0 sa 40 912
7. 6 sa 54 672
8. 5 sa 87 452

9. Ibigay ang expanded form ng 26,523.


10. Ibigay ang expanded form ng 2 652.
11. Isulat ang salitang bilang ng 5 008.
12. Isulat ang salitang bilang ng 9 999.
13. Isulat ang simbolong bilang ng apat na libo, anim na daan, apatnapu’t pito.
14. Isulat ang simbolong bilang ng anim na libo, limang daan at dalampu.
15. I-Round-off ang 879 numero sa pinakamalapit na sampuan.
16. I-Round-off ang 879 numero sa pinakamalapit na sandaanan.
17. I-Round-off ang 2354 numero sa pinakamataas na place value.
18. Paghambingin gamit ang >, < at =: 8,172______ 5,618
19. Paghambingin gamit ang >, < at = 8000 +70 + 5 _______ walong libo apatnapu’t
lima.
20. Pagsunod-sunurin ang mga bilang ayon sa (least to greatest) 9, 456 6, 648 7, 498.
21. Pagsunod-sunurin ang mga bilang ayon sa (greatest to least) 9,934 7,943 8,843.
22. Anong bilang ang dapat ilagay sa patlang ayon sa pagkasunud-sunod 68th, ____,
____71st , 82nd , ____.
23. Si Gng. Reyes ay may 42 mag-aaral sa kaniyang talaan. Si Loren ay nakatala bago
sa pinakahuli. Si loren ay pang-ilan sa talaan?
24. Si tatay ay 63 taong gulang ngayon. Sa susunod na limang taon ipagdiriwang niya
ang pang-ilan niyang kaarawan?
25. Ako ay perang papel, kulay dilaw at ang mukhang nakalara-wan ay sina Corazon
Aquino at Benigno S. Aquino Jr. Ano ako?
26. Paano isinusulat sa simbolo ang anim na raan, tatlumpung piso at sampung
sentimo?
27. 5180 idinagdag sa 5814. Ano ang kabuuan?
28. Ano ang kabuuan ng pinagsamang 9288 at 960?
29. Ibigay ang tinantiyang ka-buuan ng 2491 + 3947.
30. Ano ang sum kapag pinagsama ang pinakamaliit at pinaka-malaking digit na
mabubuo sa 6,7,8?
31. Nais ni Mang Pedring na magbigay ng donasyong tsinelas sa mga bata sa kanilang
probinsya. Kung mayroong 5672 na mga batang babae at 943 na mga batang lalaki.
Ilan lahat ang tsinelas na kaniyang ibibigay?
32. Bumili si Mario ng ₱ 825 na isda, ₱ 463 na manok, at ₱ 2194 na pusit sa palengke
para sa gaganaping handaan sa kanilang baranggay. Magkano lahat ang kaniyang
nabili?
33. Nakaipon si Rey ng ₱ 565 mula sa kaniyang buwanang baon. Binawasan niya ito
upang bumili ng sapatos sa halagang ₱ 145. Magkanu ang natira sa kaniyang pera?
34. Ibigay ang eksaktong sagot at natantiyang kinalabasan 6586-437.
35. Ang mananahing si Gng. Mila ay may 490 butones sa kahon. Kung ang 234
butones ay ginamit niya sa pagtatahi ng mga damit parasa kaniyang mga apo, ilang
butones ang hindi niya nagamit?

You might also like