Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 9

lOMoARcPSD|16313775

Kabanata-1-WIKA - ARALIN 1: Ang Wika Layunin: 1.


Naipapaliwanag ang kahulugan ng wika; 2. Natutukoy
Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan (University of Southern Mindanao)

Studocu is not sponsored or endorsed by any college or university


Downloaded by Abegail Dimaano (dimaanoabegail12@gmail.com)
lOMoARcPSD|16313775

Pahina 1 ng 8

ARALIN 1: Ang Wika

Layunin:
1. Naipapaliwanag ang kahulugan ng wika;
2. Natutukoy ang Pinagmulan ng Wika;
3. Nakikilala ang iba’t ibang tanyag na personalidad na nagbigay ng depinisyon sa wika;
4. Napag-iiba ang Teorya ng Pinagmulan ng Wika;
5. Napahahalagahan ang Pananaw hinggil sa wika; at
6. Naikukumpara ang Tungkulin ng Wika ayon kay Geoffrey Leech, M.A.K Halliday at ang Teorya ng
Speech Act ni J.L Austin.

Introduksyon
Ang wika, kultura, at lipunan ay magkaugnay. Wika ang pangunahing ginagamit ng tao bilang
instrumento sa kanyang pakikipag-ugnayan sa lipunan at kultura. Binanggit ni Hoebel (1966) na ang
isang lipunan o komunidad ay maaaring mabuhay nang walang wika ngunit walang maunlad na
kalinangan o kultura kung walang wika. Sinabi ni Eller (2009) na lahat ng mga nilalang, kahit
halaman, ay nakikipag-usap sa iba’t ibang paraan, sa kahulugan ng pagpapadala at pagtanggap ng
impormasyon. Kahit mga hayop ay nakagagawa rin ng kakayahan ng tao, isa na rito ang kakayahang
linggwistiko.
Ang wika ay isang simbolikong komunikasyon ng gumagamit ng mga tunog at/o kilos na
pinagsama ayon sa mga panuntunan na nagbubunga ng mga kahulugang napagkasunduan ng isang
lipunan at mauunawaan ng lahat na nakikibahagi sa wikang iyon (Haviland et al., 2011 at Eller, 2009).
Nakapaloob ang wika ng tao sa lumang-lumang sistema ng kilos-tawag (age-old gesture-call system)
na kung saan ang mga galaw ng katawan at mga ekspresyon ng mukha, kasama ang mga katangian
ng tunog tulad ng tono at lakas ng tunog ay may ginagampanang papel sa paghahatid ng kahulugan
(Eller, 2009).
WALANG TAONG NAMUMUHAY NANG MAG-ISA. Ang tuluyang pag-unlad ng tao ay dulot din sa
kanyang patuloy na pakikipagkapuwa gamit ang wikang alam niya. Hindi rin mahihiwalay sa
pag-unlad ng buhay ang kultura at lipunang kinabibilangan ng tao. Higit pa, ang wika niya ay
nakasalalay sa kultura at kanyang lipunan. Ang wika at lipunan ang dalawang salitang komplikado na
naging isang simbolo ng lipunan para makilala ang mga tao. Ang isang KULTURA ay binubuo ng mga
ideya at mga pananaw sa mundo na nagpapaalam at nasasalamin sa pag-uugali ng mga tao. Dahil
dito ang wika ay mahalaga sa pag-andar ng kultura ng tao. Ang mga panlipunang pagbabago-- tulad
ng edad, kasarian, at katayuan ng ekonomiya -- ay maaaring makaimpluwensya kung paano
ginagamit ng mga tao ang wika.
Ang WIKA ay isang espesyal na sistema ng komunikasyong oral at pasulat. Nailalahad ito sa
paraang berbal at di-berbal.

Fil 1 (Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan)

Downloaded by Abegail Dimaano (dimaanoabegail12@gmail.com)


lOMoARcPSD|16313775

Pahina 2 ng 8

1.1 Wika
Ang pinakamahalagang interes sa pag-aaral sa wika ay hindi ang wika mismo kundi ang gamit
nito - kung paano ang wika nagpakilala sa tao, ang sosyal niyang kaligiran, mga pangarap at mithiin,
persepsyon sa bawat isa, at ang sitwasyon sa lipunan na kung saan siya kasapi (A.D Edwards, 1979).
Bawat wika ay may perpektong sistema, kaya walang sinumang makapagsabi na nakahihigit o
mas nangunguna ang wika niya kaysa sa iba. Kung may pangalan o simbolo ang isang bagay sa mga
Amerikano, ganoon din ito sa mga Pilipino. Sa mahigit na 6,000 wika sa buong daigdig, walang
nakalalamang o superyor na wika.

1.2 Pinagmulan ng Wika


Mula sa aklat nina Fromkin, V. & R. Rodman (1983) ay sinasabing ang lahat ng kultura ay may
kani-kanilang kuwento ng pinagmulan ng wika. Kung minsan, ang mga kuwentong ito ay walang
kabuluhan ngunit kinawiwilihan at pinaniniwalaan dahil parang may katotohanan nga para sa kanila.
Sa aklat naman ni Darsna Tyagi (2006), sinasabing sa China, naniniwala sila na ang Son of Heaven na
si Tien-Zu ang nagbigay ng wika at kapangyarihan. Sa Japan naman, ang manlilikha nila ng wika ay si
Amaterasu. Ang ibang teorya ay nagsasabing ang wika ay kasama na ng pag-anak o paglikha ng tao.
Ang Genesis Story/Divine Theory ay nagpapaliwanag din na ibinigay ng Diyos sa tao ang wika.
Binigyan ng Diyos ng kapangyarihan ang tao para sa magpangalna sa mga bagay-bagay. Sa mga
Babylonian, ang nagbigay raw ng wika sa kanila ay si God Nabu at para sa mga Hindu, ang kakayahan
nila sa wika ay ibinigay ng babaeng Diyos nila na si Saravasti na asawa ni Brahma, ang tagalikha ng
sangkatauhan.
Totoo man o hindi ang lahat ng ito, dahil wala pang wika, may iba’t ibang paraan ng
komunikasyon noong unang panahon. Ayon parin kay Hoebel (1996), walang makapagsasabi kung
saan o kung paano ba talaga nagsimula ang wika. Maaaring ang tao noon ay
nakikipagkomunikasyon sa pamamagitan ng pag-iyak, paghiyaw, pagkilos o paggalaw, pagkumpas
ng kamay hanggang ang mga senyas na ito ay binigyan ng mga simbolo at kahulugan.
***Tandaan na ang pahapyaw na pag-aaral na ito sa wika ay makatutulong sa pag-unawa kung
bakit ang bawat indibidwal ay kakaiba hindi lamang sa pisikal na kaanyuan kundi maging sa kanyang
pananalita na isa sa batayan kung bakit kakaiba sa lahat. Ang wika bilang isang kultura ay malaking
aspeto sa pagkilala sa kapuwa.

1.3 Depinisyon ng Wika


1. Edward Sapir (1949) - isang likas at makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan,
damdamin at mithiin.
2. Caroll (1954) - isang sistema ng mga sagisag na binubuo at tinatanggap ng lipunan. Ito ay
resulta ng unti-unting paglilinang sa loob ng maraming dantaon at pagbabago sa bawat henerasyon,
ngunit sa isang panahon ng kasaysayan, ito ay tinutukoy na isang set ng mga hulwaran ng gawi na
Fil 1 (Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan)

Downloaded by Abegail Dimaano (dimaanoabegail12@gmail.com)


lOMoARcPSD|16313775

Pahina 3 ng 8

pinag-aaralan o natutunan at ginagamit sa iba’t ibang antas ng bawat kasapi ng pangkat o


komunidad.
3. Todd (1987) - isang set o kabuuan ng mga sagisag na ginagamit sa komunikasyon. Ang
wikang ginagamit ng tao ay hindi lamang binibigkas na tunog kundi ito ay sinusulat din. Ang tunog at
sagisag na ito ay arbitraryo at sistematiko. Dahil dito, walang dalawang wikang magkapareho
bagaman ang bawat isa ay may sariling set ng tuntunin.
4. Buensuceso - isang arbitraryong sistema ng mga tunog o ponema na ginagamit ng tao sa
pakikipagsapalaran.
5. Tumangan, Sr. et al. (1997) - isang kabuuan ng mga sagisag ng panandang binibigkas na sa
pamamagitan nito ay nagkakaunawaan, nagkakaisa at nagkakaugnay-ugnay ang isang pulutong ng
mga tao.

1.4 Iba’t ibang Teorya sa Wika


1. Bow-wow - pinaninindigan ng teoryang ito ang pangggagaya sa mga likas na tunog gaya ng
ngiyaw ng pusa at tilaok ng manok.
2. Pooh-pooh - naniniwalang ang wika ay galing sa instinktibong pagbulalas na pananalitang
nalikha ay mga padamdam na nagpapahayag ng biglang sulak at masidhing damdamin.
3. Ding-dong - kilala rin sa tawag na teoryang natibisko na may ugnayang misteryo ang mga
tunog at katuturan ng isang wika at bagay-bagay sa paligid.
4. Yum-yum - nagsasaad na ang tao ay tumutugon sa pamamagitan ng kumpas sa alinmang
bagay na nangangailangan ng aksyon.
5. Yo-he-ho - naniniwalang ang wika ay nagmula sa mga ingay na nalikha ng mga taong
magkatuwang sa kanilang pagtatrabaho sa puwersang pisikal.
6. Tarara-boom-de-ay - mga tunog mula sa ritwal ng mga sinaunang tao na naging daan upang
magsalita ang tao. Ang mga sayaw, sigaw, o ingkantasyon at mga bulong ay binigyan nila ng
kahulugan at sa pagdaraan ng panahon, ito ay nagbago.
7. Tore ng Babel - Batay sa istorya ng Bibliya, iisa lang ang wika noong unang panahon kaya't
walang suliranin sa pakikipagtalastasan ang tao. Naghangad ang tao na higitan ang kapangyarihan
ng Diyos, naging mapagmataas at nag-ambisyong maabot ang langit, at nagtayo ng pakataas-taas na
tore. Mapangahas at mayabang na ang mga tao, subalit pinatunayan ng Diyos na higit siyang
makapangyarihan kaya sa pamamgitan ng kaniyang kapangyarihan, ginuho niya ang tore. Ginawang
magkakaiba ang Wika ng bawat isa, hindi na magkaintindihan at naghiwa-hiwalay ayon sa wikang
sinasalita (Genesis kab. 11:1-8).
8. Sing-song - Iminungkahi ng linggwistang si Jesperson na ang wika ay nagmula sa paglalaro,
pagtawa, pagbulong sa sarili, panliligaw at iba pang mga bulalas-emosyunal. Iminungkahi pa niya na
taliwas sa iba pang teorya, ang mga unang salita ay sadyang mahahaba at musikal, at hindi maiikling
bulalas na pinaniniwalaan ng marami.

Fil 1 (Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan)

Downloaded by Abegail Dimaano (dimaanoabegail12@gmail.com)


lOMoARcPSD|16313775

Pahina 4 ng 8

9. Hey you! - Hawig ito ng teoryang pooh-pooh. Iminungkahi ng linggwistang si Revesz na bunga
ng interpersonal na kontak ng tao sa kanyang kapwa tao ang wika. Ayon kay Revesz, nagmula ang
wika sa mga tunog na nagbabadya ng pagkakakilanlan (Ako!) at pagkakabilang (Tayo!).
Napapabulalas din tayo bilang pagbabadya ng takot, galit o sakit (Saklolo!). Tinatawag din itong
teoryang kontak.
10. Coo Coo - Ayon sa teoryang ito, ang wika ay nagmula sa mga tunog na nalilikha ng mga
sanggol. Ang mga tunog daw na ito ang ginaya ng mga matatanda bilang pagpapangalan sa mga
bagay-bagay sa paligid, taliwas sa paniniwala ng marami na ang mga bata ang nanggagaya ng tunog
ng mga matatanda.
11. Babble Lucky - Ayon sa teoryang ito, ang wika raw ay nagmula sa mga walang kahulugang
bulalas ng tao. Sa pagbubulalas ng tao, sinuwerte lamang daw siya nang ang mga hindi sinasadya at
walang kabuluhang tunog na kanyang nalikha ay naiugnay sa mga bagay-bagay sa paligid na
kalaunan ay naging pangalan ng mga iyon.
12. Hocus Pocus - Ayon kay Boeree (2003), maaaring ang pinanggalingan ng wika ay tulad ng
pinanggalingan ng mga mahikal o relihiyosong aspeto ng pamumuhay ng ating mga ninuno. Maaari
raw kasing noo’y tinatawag ng mga unang tao ang mga hayop sa pamamagitan ng mga mahikal na
tunog na kalaunan ay naging pangalan ng bawat hayop.
13. Eureka! - Sadyang inimbento ang wika ayon sa teoryang ito. Maaari raw na ang ating mga
ninuno ay may ideya ng pagtatakda ng mga arbitraryong tunog upang ipakahulugan sa mga tiyak na
bagay. Nang ang mga ideyang iyon ay nalikha, mabilis na iyong kumalat sa iba pang tao at naging
kalakaran sa pagpapangalan ng mga bagay-bagay (Boeree, 2003).
14. La-la - Mga pwersang may kinalaman sa romansa. Ang salik na nagtutulak sa tao upang
magsalita.
15. Mama - Ayon sa teoryang ito, nagmula ang wika sa mga pinakamadadaling pantig ng
pinakamahahalagang bagay. Pansinin nga naman ang mga bata. Sa una’y hindi niya masasabi ang
salitang mother ngunit dahil ang unang pantig ng nasabing salita ang pinakamahalaga diumano, una
niyang nasasabi ang mama bilang panumbas sa salitang mother.
16. Wikang Aramean - Believes that all languages originated from their language, Aramean or
Aramaic ng Syria. May paniniwalang ang kauna-unahang wikang ginagamit sa daigdig ay ang
lenggwahe ng mga Aramean. Sila ang mga sinaunang taong nanirahan sa Syria (Aram) at
Mesopotamia. Tinatawag na Aramaic ang kanilang wika.

1.5 Iba’t ibang Pananaw sa Wika


Sinabi ng Virgilio Almario na, “Kung ano ang wika mo, iyon ang pagkatao mo”. Natumbok nito
ang ugnayan ng wika, kultura at lipunan. Bagaman pamilya ang unang may malaking ambag sa
paghubog ng pagkatao ngunit patuloy na pakikisalamuha sa lipunan ay magdudulot din nang higit na
ambag sa pagiging tao. Maaaring manatili ang ilang kinagawian at pwede ring may mababago hindi
lamang sa ugali o paniniwala ngunit posible ring sa wika na sinasalita (hal. ASEAN).
Fil 1 (Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan)

Downloaded by Abegail Dimaano (dimaanoabegail12@gmail.com)


lOMoARcPSD|16313775

Pahina 5 ng 8

Ayon na kay Trudgill (2000) na may panlipunang tungkulin ang wika (Hal. OFW). Dagdag niya,
may dalawang aspekto ng gawi sa wika na mula sa panlipunang punto de bista; (1) ang tungkulin ng
wika sa pagbuo ng panlipunang relasyon, at (2) ang papel na ginagampan ng wika sa paghahatid ng
impormasyon tungkol sa pagsasalita. Ayon naman kay Tumangan, Sr. et al (1977) sa pamamagitan
ng wika ay nagkakaintindihan ang isang pulutong ng tao. Mungkahing kaisipan naman ni Malinowski
(nasa Geller 1998), ang wika ang pangunahing instrumento pagkakaisa at pakikipagtalimtiman.

1.6 Gamit ng Wika sa Lipunan


Ang lipunan ay malaking pangkat ng mga tao na may karaniwang set ng pag-uugali, ideya,
saloobin at namumuhay sa tiyak na teritoryo at itinuturing ang mga sarili bilang isang yunit.
Ang wika, pasalita man o pasulat, ang instrumentong ginagamit ng mga tao sa loob ng lipunang
ito upang makipag-ugnayan sa isa’t isa.
Gumaganap ng napakahalagang papel ang wika sa buhay ng tao kaya naging isang panlipunang
penomenom ito. Isa sa pangunahing tunguhin ng wika ay gamit sa pakikipag-ugnayan at
pakikipagtalastasan sa kapwa upang magkaunawaan sa isa’t isa. Ginagamit niya ang wika at
nakikipag-usap siya sa kapwa upang magpahayag ng marami at iba’t ibang dahilan gaya ng
pagpapahayag ng mga damdamin, pagkuha ng impormasyon, paghahanap ng mga bagay, paghingi
ng kapatawaran at iba pa.
Makabuluhan ang paggamit ng wika sapagkat gumaganap ito ng mga tungkulin na pagbuo at
pagpapatuloy ng relasyon sa loob ng isang lipunan. Ang paggamit naman ng wika sa lipunan ay
nangangahulugan ding kahusayan sa pagpili ng mga salitang tumutugon sa mga pagnanais ng tao sa
kanyang pakikipagtalastasan.

Tungkulin ng wika sa Lipunan (Geoffrey Leech, 2013)


1. Nagbibigay-kaalaman. Ito ang pinakaimportante sa lahat ng tugkulin ng wika sa lipunan.
Nakatuon ito sa mensahe ng bagong impormasyon na ibinabahagi. Nakadepende ito sa katotohanan
o halaga ng kaasipan ng mensahe. Ang halimbawa nito ay ang pagbabasa ng balita at pagkilala kung
alin sa mga ito ang fake news o totoong balita.
Halimbawa: “May Martial Law sa Mindanao kaya marami ang namamatay rito.” May dalawang
impormasyon na dala ang balitang ito gaya ng pagkakaroon ng martial law at sa dami ng namatay.
Ngunit, ituturing ito ng mga Mindanaon na fake news kahit totoo pang may martial law dahil hindi
naman tama ang katuturan ng pahayag na marami ang namatay rito.
2. Nagpapakilala. Ginagamit o magagamit ang wika sa pagpapahayag ng damdamin o ugali ng
nagsasalita. Ang tagapagsalita o manunulat sa isang wika ay sinusubukang ipahayag ang kanyang
damdamin sa tungkulin ito ng wika sa lipunan. Ito ay nagbibigay ng malinaw na imahe ng pagkatao
ng tagapagsalita o manunulat sapagkat naglalahad ito ng kanyang impresyon at ang pagbago-bago
ng mga ito. Makikita natin ito sa mga akdang pampanitikan tulad ng tula at iba pang genre ng
panitikan.
Fil 1 (Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan)

Downloaded by Abegail Dimaano (dimaanoabegail12@gmail.com)


lOMoARcPSD|16313775

Pahina 6 ng 8

Halimbawa: Ang tungkulin na ito ay pumupukaw sa pagpapahayag ng tiyak na damdamin sa


mga halimbawang pahayag na: “Masaya akong nakadalo ka, hindi makukumpleto ang araw ko kung
hindi kita nakasama.” Ang pahayag na ito ay damdamin ng nagsasalita na maaaring magbago o hindi.
Halimbawa rin nito ang pagtawa o pag-iyak mo dahil sa pinanonood mo.
3. Nagtuturo. Ito’y may layuning magbigay ng impluwensya sa pag-uugali ng iba. Malinaw itong
makikita sa mga pahayag na nag-uutos o nakikiusap. Ang tungkuling ito ng wika sa lipunan ay
nagbibigay ng diin sa tumatanggap ng pahayag kaysa sa nagbibigay ng mensahe. Gayunpaman, ito
ay nagpapahayag ng tungkulin ng wika na hindi gaanong mahalaga dahil hindi ito pwersahan o may
dalang kapangyarihang sundin. Ekspresyon itong may halong konotatibong kahulugan o
pagpapahiwatig kaya kung hindi makukuha ibig sabihin, hindi matutupad ang kahulugan ng
mensahe. Sa kabilang banda, ipinapahayag din ito nang may paglalambing o di kaya’y pagpapahayag
na may halong pagpaparinig.
Halimbawa: Ang nanay niya ay nagsasabing “Ang init” ay parinig o pahiwatig na
ipinapabubukas/saksak niya ang bentilador sa anak o kausap. Ito rin ang sitwasyon sa mga
magbabarkada na naiihi at nagyaya sa pamamagitan ng pagsasabing “Naiihi ako”. Sa pag-uutos
naman, magagawa ito sa pamamagitan ng pakiusap gaya ng “Pakiabot nga iyon”.
4. Estetika. Ito ay gamit ng wika para sa kapakanan ng paggamit/paglikha ng wika o linguistic
artifact mismo at wala ng iba pa. Tuon ng tungkuling ito ang ganda ng paggamit ng wika. May
pagdiriin din tungkol sa paraan ng pagpapahayag ng isang mensahe kaysa idyolohikal na halaga nito.
Halimbawa: Maaaring mabighani ka sa iyong manliligaw dahil sa husay at galing niya sa
pagbigkas ng mga salita sa spoken poetry.
5. Nang-eenganyo. Mahirap tumbasan sa wikang Filipino ang phatic na tungkulin ng wika sa lipunan.
Ito ay nagsasabi ng pagiging bukas o mapagsimula ng komunikasyon sa kapwa kaya tinumbasan ito
ng nang-eenganyo. Maaaring ito ay berbal o di-berbal na pakikipagtalastasan na nagbibigay ng
palatandaan ng pagiging laging handa o bukas sa pakikipagtalastasan na nagbibigay palatandaan ng
pagiging laging handa o bukas sa pakikipagtalastasan at pagpapanatili nang maayos na relasyon sa
inyong lipunan. Sa kulturang Pilipino, ang pagtatanong kung saan ka pupunta ay isang hudyat ng
pagsisimula ng komunikasyon at anyo na rin ng pangungumusta sa kaibigan o kakilala. Hindi ito
palatandaan ng pagiging mapang-usisa o tsismosa. Mapapansin rin ito sa isang lugar na wala kang
kilala ngunit nakikipag-usap ka sa isang tao ng kahit ano bilang simula ng inyong komunikasyon na
hahantong naman sa pagiging magkaibigan.

Pitong Tungkulin ng Wika (M.A.K Halliday)


1. Regulatoryo - ito ang tungkulin ng wikang tumutukoy sa pagkontrol ng ugali o asal ng ibang tao.
Ang pagbibigay ng direksyon o panuto o hakbang sa paggawa ng gawain.
2. Personal - ang tungkuling ito ay tumutukoy sa pagpapahayag ng sariling opinyon o kuro-kuro sa
paksang pinag-uusapan. Mga halimbawa nito ay ang pagsusulat ng talaarawan (diary) at kritismo o
opinyon hinggil sa isang bagay o isyu.
Fil 1 (Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan)

Downloaded by Abegail Dimaano (dimaanoabegail12@gmail.com)


lOMoARcPSD|16313775

Pahina 7 ng 8

3. Heuristiko - tumutukoy sa pagkuha o paghanap ng impormasyon na may kinalaman sa paksang


pinag-aaralan. Halimbawa nito ay pagbabasa ng iba’t ibang sanggunian, pananaliksik, balita, atbp.
4. Instrumental - ito ang tungkulin ng wikang tumutugon sa mga pangangailangan ng tao gaya ng
pakikipag-ugnayan sa iba. Ang halimbawa ng tungkulin na ito ay ang pagbibigay ng mensahe
(pasulat man o elektroniko).
5. Impormatibo - kabaliktaran ng heuristiko. Ito ay may kinalaman sa pagbibigay ng impormasyon sa
paraang pasulat at pasalita. Kung ang Heuristiko ay pagkuha ng impormasyon, ang impormatibo
naman ay pagbibigay ng impormasyon. Halimbawa nito ang panayam, presentasyon, at pagtuturo.
6. Interaksyonal - pakikipag-ugnayan ng tao sa kanyang kapwa; pakikipagbiruan, pagkukwento,
debate, at iba pa.
7. Imahinatibo - malikhaing paraan ng pagpapahayag ng imahinasyon. Halimbawa nito ang
pagsusulat ng akda tulad ng maikling kwento, pabula, dula, nobela, at iba pa.

Isa pa sa maglilinaw o dagdag pagpapaliwag sa tungkulin o gampanin ng wika ay ang Teoryang


Speech Act.
Teoryang Speech Act
Ang teorya ng speech act ay ikinokonsiderang wika bilang aksyon kaysa bilang instrumento
lamang sa pagpapahayag. Ito ay binuo ni J.L Austin, isang Britanong pilosopo ng wika, ipinakilala
niya ito noong taong 1975 sa kanyang tanyag na aklat na pimagatang “How do things with words”.
Kalaunan, nagdala ng bagong aspeto ng teorya si John Searle sa mas mataaas na dimesyon. Ang
teoryang ito ay madalas magamit sa larangan ng pilosopya ng wika. Si Austin ang kauna-unahang
nakabuo ng ideyang ang tao ay hindi lamang gumagamit ng wika upang maipaalam ang isang
bagay-bagay bagkus isinasagawa rin ito.
Ano nga ba ng teoryang ito?
 Nakabatay sa isang premis na ang wika ay isang mode of action sa paniniwalang kayang mabago
ng salita ang realidad.
 Isang paraan ng pag-convey (pagdala) ng impormasyon; ang pananalita o diskurso ay kaugnay
ng aksyon.
 Ayon sa mga naniniwala sa teoryang ito, ang yunit ng komunikasyong linggwistik ay hindi ang
simbolo, salita o ang pangungusap mismo, kundi ang produksyon o paglikha ng mga simbolo,
salita o pangungusap sa pagganap ng kanilang tinatawag na speech acts.
 Ang speech act sa paliwanag ni Searle (1971) ay sinasabing may iba’t ibang kasama o kaugnay
na kahulugan ang mga salita o pahayag na binibitawan ng tagapagsalita depende sa kanyang
layunin. Ibig sabihin, ang akto ng utterance ay kung paano at ano ang layunin ng pagkasabi.
 Ang pangunahing kraytirya ay hindi ang kung totoo ba o hindi ang sinasabi, kundi, kung paano
nagampanan ang “act” nang tama o apropriyet, may lugod at naaayon sa kombensyon,
tuntunin o regulasyon na kinikilala pareho ng tagapagsalita at tumatanggap ng mensahe.

Fil 1 (Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan)

Downloaded by Abegail Dimaano (dimaanoabegail12@gmail.com)


lOMoARcPSD|16313775

Pahina 8 ng 8

 Tumutukoy sa paniniwalang anuman ang ating sabihin, lagi na itong may kaakibat na kilos
maging ito man ay paghingi ng paumanhin, pagbibigay-babala, paghihimok at iba pa.
Halimbawa: BABALA! Madulas ang sahig. (Sinumang mapapadaan ay pinapayuhang
mag-ingat.)

May tatlong pangunahing komponent ang mga aktong linggwistik:


1. Aktong lokyusyonari o akto ng pagsasabi ng isang bagay. Hindi nangangailangan ng pagkilos ng
nagsasalita. Ito ay nagsasabi o nagpapahayag sa karaniwang pamamaraan. (May kahulugan)
Halimbawa: “May tao sa labas ng bahay” ani ni Bea.
2. Aktong ilokyusyonari o ang pagganap/perpormans sa akto ng pagsasabi ng bagay. Naaayon sa
tamang tono, atityud, damdamin, motibo o intensiyon. Pagsasagawa ng aksyon o akto sa pagsabi ng
anuman. (May pwersa)
Halimbawa: “May tao sa labas ng bahay!” napatayo at gulat na bulalas ni Bea.
3. Aktong perlokyusyonari o ang pagsasabi ng isang bagay na kadalasang nagpoprodyus ng mga
tiyak na konsikwensyal na epekto. Tinatawag na akto o kaganapang totoo. Pagsasabi ng anuman ay
lumilikha ng epekto sa damdamin, isipan, kilos ng nagsasalita, kausap at ng iba pang tao. (May
Konsikwens)
Halimbawa: “May tao sa labas ng bahay!” napatayo at gulat na bulalas ni Bea na naging dahilan
nang pagkagulat din ng kanyang mga kasambahay,

Mga Sanggunian:
Hufana, N. et al. (2018). Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan. 105 Engineering Road, Araneta,
University Village, Potrero, Malabon City: Mutya Publishing House Inc.

Aquino, W., et. al., (2019). Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan. Pamantasan ng Katimugang
Mindanao Kabacan, Cotabato: Multimedia Center.

Inihanda ng mga Guro sa Filipino

Fil 1 (Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan)

Downloaded by Abegail Dimaano (dimaanoabegail12@gmail.com)

You might also like