fil

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Ang napili kong pangyayari sa tinalakay nating akda ay ang pag bugbog ni Don Pedro at

Don Diego sa kinababata nilang kapatid na si Don Juan. Makikita ang pagiging makasarili ni

Don Diego dahil ginusto nya na makuha ang Ibong Adarna para sa sarili niyang karangalan.

Si Don Diego rin ay nainggit kay Don Juan dahil ang masbata nyang kapatid ay ang

nakahuli ng Ibong Adarna. Makikita rin natin ang pagkakaroon ni Don Diego ng utak

talangka sa pag gusto niyang ipakita sa mga tao na hindi nahuli ni Don Juan ang Ibong

Adarna. Ang mga suliraning ito ay makikita rin sa ating lipunan, maari itong makita sa

eskwela, sa ating pinagtratrabuhan, kahit na sa sarili nating mga bahay! Hindi tayo

makakaiwas sa pagiging inggit sa ating mga kaklase o katrabaho, hindi rin natin

matatanggi na hindi tayo napapagisip na gumawa ng bagay para panira ng ibang tao. Sa

ating pinanood at pinakinggan na kwento ng Ibong Adarna, ang mga suliranin na ito ay

atin ring makikita. Sa pag bugbog nila Don Diego kay Don Juan, pinakawalan ang Ibong

Adarna habang tulog si Don Juan, ang iba sa mga problemang nakasalubong sa ating

napakinggan na kwento at ang lahat nito ay nag-uugnay sa mga suliraning panlipunan na

ating inaral. Hindi na natin ganap na matatangal ang mga isyung panlipunan sa mga

nakakatanda saatin dahil nasanay na sila ng sobra sa mga ugaling ito. Pero, ang pwede

nating solusyonan ay ang mga kabataang katulad ko, kami ang kinabukasan ng ating

lipunan at may oras pa kaming magbago ng aming mga kilos at matuto ng mga

magagandang ugali. Sa aralin nating ito, ating makikita at matutuklasan ang mga isyung

panlipunan na maari pa nating mabago para sa kinabubuti ng kinabukasan natin at lalo na

sa susunod pa na henerasyon natin dito sa Pinas.

You might also like