Teenage Greek gods Book III The Fall of Olympus

You might also like

Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 96

BOTHERED si Amber, matapos niyang makatanggap ng isang propesiya na malapit na ang

katapusan ay agad siyang nagpadala ng mensahe sa mga gods.

Ilang linggo lang ang makalipas ay tumugon sila. At muli ay nakasama ni Amber sila
Zeus, Poseidon at Hades, ang tatlong Greek gods.

Sa isang hindi inaasahang pagkakataon, isang matinding lagim ang bumalot sa buong
Maynila, at soon sa buong Pilipinas at buong mundo.

Ngayon, si Amber at ang tatlong Greek gods ay nahaharap sa mas matitinding


challenges, choices at revelations. Kasama ang isang eccentric na teenage
enviromentalist at ang buong army ng Olympus ay tatakbo at gagawin nila ang lahat
para lang mapigilan ang pagbagsak ng home of the gods. Kahit pa buhay at karangalan
ang kapalit nito...

The home of the gods shall fall

Until nothing's left except rubble

Three beings will take the challenge

Of something that will break their knowledge

The foe will come from the same loins

And someone will fall like coins

A startling revelation might break them all

A new chess piece that will respond with the call

Chapter 1 - My visit to the world of the Dead

Sa panaginip ko, ako ay tumatakbo. Tumatakbo nang walang walang tigil. Di ko alam
kung bakit ako tumatakbo, hindi ko alam. Pero matindi ang kabog ng aking dibdib,
ramdam ko ang dugong dumdaloy sa aking ulo.

Ang aking tinatapakan ay basa --basang lupa, pero ang kakaiba ay nasa gubat ako.
Ang buong gubat ay nilalamon ng apoy. Ang bawat halaman at branch ay natutupok at
ako'y wala pa ring tigil sa pagtakbo.

Nakakalagpas ako sa matitinding kurtina ng apoy...nang walang sugat...nang walang


takot. Para ban mayroon akong kailangan gawin at hindi ako mapipigil nang isang
nasusunog na kagubatan.

Hinawi ko ang isang bush at ako'y nasa ibang lugar na...semento na ang aking
tinatapakan. Wala nang apoy sa kahit saan. Nakatayo sa Luneta Park. Tumingin ako sa
paligid...ang monumento ni Rizal ay nakabagsak na. Ang buong paligid ay itim, para
bang kakatapos lang masunog ng lugar.

Tumingala ako at nakitang makulimlim ang langit, acidic, parang may napakalaking
bagyong darating. Walang laman ang Maynila, walang mga sasakyan o mga buhay na
nilalang.
Tumingin ako sa mga building sa di kalayuan, may mga usok na lumalabas mula
rito...ang mga establishments ay walang laman. Isolated. Paang aftermath ng giyera.

"Wala kang magagawa...KATAPUSAN NA!"

Isang matinis na boses ng babae ang nagpalingon sa akin. At nakita ko ang isang
puting pigura, walang mukha pero alam kong makapangyarihan siya...ngunit grabe rin
ang kasamaan.

Biglang nawala ang kinakatayuan ko at ako'y nabalot ng itim...nalaglag ako sa


animo'y isang balon...nalalaglag ako nang walang katapusan...

At doon ako nagising. Ito lagi ang panaginip ko. Halos kabisado ko na nga eh.
Dumating ito matapos kong matanggap ang propesiya mula kay Oracle...si Oracle...ano
na kaya ang nangyari sa kanya?

Matagal na rin simula noong pinadala ko ang sulat para sa mga gods pero hanggang
ngayon ay wala pa ring reply. Mga busy siguro. Pero hindi ba nila agad papansinin
ang mga nakakagimbal na propesiya na isang babala na katapusan na ng mundo?

Tumayo ako at tinignan ang orasan: 7:15 na. Shepherd! Alas siyete ang pasok ko!
Hindi ako ginising ng kapatid kong si Johnny (ang stepbrother kong star player ng
school) na walang pasok ngayon. Agad akong tumayo para maghanda...habang naliligo
ako ay napapaisip ako...mabigat sa pakiramdam ang propesiyang iyon, hanggang ngayon
ay nakatatak pa rin sa isip ko.

The home of the gods shall fall

Until nothing's left except rubble

Three beings will take the challenge

Of something that will break their knowledge

The foe will come from the same loins

And someone will fall like coins

A startling revelation might break them all

A new chess piece that will respond with the call

Ilang beses ko nang sinubukang idecipher ang mga ito, pero nagbrabrainbleed lang
ako eh. Matapos kong maligo aya gad akong nagbihis at kinuha ang aking bag,
painting tools at canvas. 3rd year college na ako ngayon at thankfully ay maganda
naman ang momentum ng academics ko.

Lumabas ako nang kuwarto at nakita si Johnny sa sofang hindi siya kasya, mahaba
kasi ang mga binti niya, lanky. Nanunuod siya ng balita.

"Johnny!", sigaw ko sa kanya. "Hindi mo man lang ako ginising!"

Tumingin siya sa akin at napakamot ng ulo.

"Eh kakagising ko lang din, ate eh."

Napahinto ako sa pinapanuod niya. Isang aksidente, mga atake daw ng "mababangis na
hayop". Marami nang mga bangkay ang natatagpuan sa Maynila na para bang inatake
sila ng hayop. Pero alam kong hindi ito basta lang hayop. Nagsisimula na ang kung
ano man ang sinabi sa propesiya.

Kumuha ako ng tinapay sa mesa at hinalikan sa pisngi si Johnny na binatukan ako ng


remote.

"Ate, huwag nga --"

"Bakit? Sa girlfriend mo lang ikaw magpapahalik? PBB Teens?"

"Ate talaga."

Matapos noon ay tumakbo na ako palabas nang bahay, dala pa rin ang malaking canvas.
Tumingin ako sa mga tao sa paligid, wala silang alam sa kung ano pa man ang
magaganap. Ako nga itong alam eh hindi alam ang gagawin, sila pa kaya? Sana
magbigay man lang ng signs ang mga gods na natanggap nila ang pinadala kong sulat.

Sumakay ako ng dyip, at matapos ay LRT. Napahinto ako dahil dito ko unang nakilala
si Nathan, ang lalakeng nakabangga ko noong bumalik ako mula sa Mount Olympus.

Napakamisteryoso niya, dahil ilang beses ko na rin siyang napapaginipan. Pero hindi
siya nakakatakot sa panaginip ko, nakangiti lang siya...hindi ko alam kung ano bang
meron sa kanya.

Pagkarating ko sa school ay si Nathan agad ang bumungad sa akin. Yeah, right.


Classmate ko siya. Sinalubong ako ng kanyang matingkad na berdeng mga mata at
mahinahong ngiti. Nakasuot siya ng T-shirt na may print ng halaman.

"Good morning, Amber!", sabi niya sa akin.

Nasa booth siya ngayon, ang Youth for Environment Club. Okay, enviromentalist si
Nathan at sumasali sa mga Fun Run at mga missions para sa kalikasan. Mahilig din
siyang gumamit ng flute at nakakahalina ang kanyang boses.

"Oh, Nathan. Di ka pa papasok?", tanong ko.

"Mamaya. Environment muna."

Kumuha siya ng flyer at binigay ito sa akin, isa na namang campaign sa tamang
disposal nang basura. Tumingin ako sa kanya at nakangiti pa rin siya. Ang iba
niyang mga kasama ay nagbibigay na rin ng mga flyers sa buong campus.

"Oh sige, thanks. See you in class.", sambit ko.

"See you! Love the nature!"

"Okay!", balik ko.

Napakalaking coincidence. Ang unang taong nakabangga ko pagkabalik ko sa Olympus ay


kaklase ko pala. Kahit ako nagulat noong una. Pero mapagmatyag pa rin ako...baka
merong kung ano sa kanya.

Habang papaakyat ako gamit ang stairs ay hindi ko mapigilang isipin ang iba ko pang
step siblings, si Kim ang pangatlo sa amin at ang bunso namin as of now na si
Angel. Gayun din ang paparating ko palang na kapatid sa side ni Mama, on due na
siya ngayong month at laking kaba ko na baka madamay sila sa mga kapahamakang
paparating...hindi ko maatim na masaktan sila. Ang pamilya ko.

Sa klase ay hindi ako nakinig, halos lagi naman, napakadistracted ko ngayong mga
panahon. Ang prof ay walang tigil sa pagsasalita nang makaramdam ako ng mahinang
huni.

Tumingin ako sa tabi ako at nakitang kumakanta si Nathan, nakatingin siya sa akin.
Napangiti ako, dahil napakaganda ng kanyang boses at ang kanyang kinakanta ay
parang panghele. Medyo gumaan ang aking loob.

Matapos ay nagsalita siya.

"Ayos ka lang? Noong simula palang ng semester ay ganyan ka na. Gusto pa sana
kitang makilala eh pero lagi kang tulala. May magagawa ba ako?", sabi niya ng
sobrang calm.

"Wala, Nathan. Okay lang ako. Siguro stress lang."

"Stress? Hmm, siguro wala ka lang masyadong connection sa environment. Gusto mong
dalhin kita sa gubat mamaya?"

Gubat. Nanginig ako. Naalala ko ang gubat sa panaginip ko. Napalunok ako at
tumingin sa kanya.

"Next time. Medyo busy kasi ako eh."

"Oh sure."

Nakinig na lang siya sa guro. Naiinis ako. Bakit ganoon ang pakikitungo ko?
Kailangan kong mawala ang bigat na ito sa kalooban ko...ang pakiramdam na kahit
anong oras ay maaring magsimula na ang apocalypse.

Pagkaring ng bell para sa aming klase ay lumabas na ako pero bigla akong napahinto
nang hawakan ni Nathan ang aking kamay.

"Basta nandito lang ako."

Tumango ako at nagpasalamat at lumabas na para pumunta sa C.R. Once there ay agad
agad akong naghilamos. Tumingin ako sa salamin at matapos ay pinilit ngumiti. Hindi
ako nagmamake-up na tao. Mas ayos kung natural ang lahat. Matapos ay tumungo ako sa
cubicle para umihi, sinara ko ang pinto at uupo na sana ng biglang animo'y
naggurgle ang tubig sa may indoro!

Yucks! Nagtaka ako. Anong meron? Nagsisimula nang bumula ang tubig. Pero parang
wala na sa akin ito, kahit supernatural man ito dahil sanay na sana na akong
makakita ng weird na bagay. Tinitigan ko pa ito, nang biglang may tumama sa mukha
ko, mula sa indoro, hindi ito tubig ah.

Kundi papel.

Hindi ito basa, kinuha ko ito at binuklat. May sulat! Tumigil na ang paggurgle
gurgle ng tubig.

"Sulat?", nakita ko ang pangbungad.

Ito ang sulat:

Dearest Amber,

We have received your letter but currently the gods are extremely busy right now.
We'll give you options for you to discuss the matters that you expressed on your
letter. The letter has been dupicated has been sent to the Big Three. This is the
Underworld Post Office and we are informing you that the only way to meet the gods
is to go directly into them. Sir Hades is conducting some dead traffics right now
and he's welcome to have you on his palace any day.

Yours Truly,

The Underworld Post Office

Signed by

Mr. Bang Kay

Underworld Head Office

Napatigil ako. Paano ako pupunta ako sa Underworld? At bakit hindi makapagbigay ng
oras ang mga gods sa matter na ito? Sa matter na pwedeng tumapos sa mundo?!
Pupunitin ko na sana ang papel nang biglang napansin kong nawala ang sulat rito.

"Ha? Teka?"

Pero hindi ito nanatiling blanko, may bagong sulat na lumabas dito. Para ba akong
nakatingin sa monitor habang may nagtytype. Ang sinulat ay:

The only way to the Underworld from the mortal world is through the Underworld
Inidoro Transit or UIT. Please dip your finger on the toilet bowl water and say the
world "UIT, Let me pass through."

Ha? Teka nga? Ako? Ididikit ko ang kamay ko sa maduming inidoro? Napahesitate ako.
Kadiri naman ata ang transit nila Hades. Pero para ito sa mundo, para makausap ko
si Hades at ang iba pang gods, isa isa ko silang "susunduin". Hindi na ako
nagpatumpik. Tinabi ko ang sulat sa aking bag at naghanda, nakapikit kong dinikit
ang index finger ko sa tubig. Yakidoodles.

"UIT, let me pass through."

At pagkadikit na pagkadikit ko ay parang nahigop ako ng mismong inidoro. Parang


pinipilipit ang aking buong katawan. Basa, basa ang pakiramdam ko at
madilim...siguro ilang segundo lang iyon. Pagdilat ko ay nasa ibang lugar na ako.

Nakatayo ako sa isang animo'y tulay, itim na tulay. Madilim ang paligid at sa tulay
ay may iba pang mga tao, teka, transparent sila at lumulutang. Mga kaluluwa.
Nanginig ako. Nasa teritoryo ako ni Hades. Tumingala ako at nakakita ng tatlong
higanteng half bat/half human na mga nilalang. Alam ko kung sino sila, ang Furies.

Nagpatuloy ako sa paglalakad, sinusundan ang mga multo, kung saan man sila papunta.
May nadaanan akong animo'y traffic enforcer. Zombie siya pero may pito siya at
sumbrero.

"Dito, dito ang daan sa Fields of Asphodel, Elysium sa right."

Huminto ako at nilapitan siya. Nagulat naman siya.

"Hello?"

"Whoops! Teka, isang buhay?"

"Oo. Gusto ko lang sanang itanong kung saan ang patungo sa palasyo ni Hades?"
"At sino ka?", tanong sa akin ng Zombie.

"Amber. Amber Ramirez. May appointment ako, siguro. May sulat ako na --"

"Amber Ramirez? Right. Right. Hinihintay ka na ni Sir Hades. Kailangan mong pumunta
kay Charon, ang aming ferryman, to cross the River Styx patungo sa palasyo ni Sir."

"Charon? Charon Cuneta?", sambit ko.

Katahimikan. Nakatingin lang siya sa akin, ang mga kamay niya ay nasa bewang niya.

"Last na yun ah.", sabi niya. "Oh siya, kailangan mong bumalik patungo sa
pinakaunahan ng Underworld. Nandoon ang desk ni Charon. Sabihin mo lang ang
pangalan mo."

Nagpasalamat ako sa kanya at naglakad na pabalik, kung paabante ang mga kaluluwa ay
ako ay pupunta naman sa kanilang pinanggalingan. Naglakad ako, na parang walang
katapusan.

Pero lahat ay may katapusan din. Pagkalabas ko nang tulay ay may nakita akong
dalawang pinto, ang isang pinto ay nilalabasan nang mga kaluluwa at ang isang pinto
ay ang EXIT. Obviously. Pumasok ako sa exit.

At nahanap ko ang sarili ko sa isang animo'y reception area. May mga kaluluwang
nakaupo sa mga upuan, may ibang nagsisign sa mga papel. At sa pinakapinto nang
"reception area" ay may mga bagong kaluluwang pumapasok. Tinitignan ako ng mga
kaluluwa, minsan ay hinahawakan ako. Marahil inggit na buhay pa ako.

Pumunta ako sa desk at nandoon ang isang lalakeng nakaponytail, mukha siyang
nagadik sa gym. Kasing tigas ng mesa ang kanyang mukha at siya'y nakashades, may
tattoo siya na CHARON LOVES CUPCAKES.

"Ah, sir Charon?"

Tumingala siya.

"Yes, who are this?"

"Uhm, Amber Ramirez?"

Mukhang naging interested siya.

"Miss Amber Ramirez? What is the business of you?"

Barok ang grammar. Pinilit kong hindi tumawa.

"Nandito ako para kausapin si Hades."

"Wait. I am to checking the list of records."

Gusto ko nang humalakhak. May tinignan siyang clipboard.

"Yes, you will has an appointment. To the ferry!"

Pinasunod niya ako sa isa pang pinto, pagkalabas namin ay nakarating kami sa isang
maliit na pier, may nakadaong na canoe o maliit na bangka. Tumingin ako sa paligid,
puno ng torches na may kulay berdeng apoy at mga abubot na mga kalansay.

Sumakay sa bangka si Charon at kumaway sa akin.


"Sakay na."

Parang familiar. Charon. Charon Cuneta. Ferry.

Sumakay rin ako, pinipigil ang aking tawa. Nagsimula siyang magrow habang kumakanta
nang "Mr. DJ". Ilang minuto pa ay bumungad sa amin ang napakalaking palasyo. Parang
Medieval pero nakakagimbal. Amoy na amoy ko ang patay. Feeling ko ay mamamatay na
rin ako.
Dumaong ulit kami sa tabi ng palasyo ni Hades at ako'y bumaba. Tumingin siya sa
akin.

"Sir Hades is in the inside of the castle. See you for later?"

Tumango na lang ako at tumingin sa napakalaking mga pintuan. Nakita kong may
doorbell, pinindot ko ito at laking gulat ko na ang tunog ng doorbell ay AWOOOO ng
wolf. Ano bang trip ni Hades?

Naghintay ako. Wala pang minuto nang bumukas ang pinto, nakakangilo ang tunog mga
nagiiswing na hinges. At bumungad sa akin si Hades.

Adult form siya ngayon. Matangkad, matipuno. Nakasuot siya ng black sweater at
black pants. Rugged ang kanyang buhok at siya'y may bigote. Parang tatay.

"Ha-hades.", yun lang ang nasambit ko.

Ngumiti siya nang napakawarm, pero kahit gaano pa kawarm ito ay alam kong may
kabigatan ito, alam niya na ang propesiya. Magsasalita na sana siya nang may boses
na nagpahinto sa kanya.

"Hades, darling. Sino iyan?"

Napatigil din ako. Hindi kaya, si Persephone iyon?

Huminga ng malalim si Hades at tumingin sa akin.

"Amber, we need to talk."

Chapter 2 - Fetching the gods

Kaya mo bang iimagine na magdinner sa depressing na mundo na tulad ng Underworld?


Kung saan laging mainit at maalinsangan ang pakiramdam. At may kung anu-anong mga
sigaw at iyak ang naririnig mo kung saan. Well, huwag mo na iimagine dahil hindi
maganda sa pakiramdam.

Pero kailangan kong maparito.

"Kumain ka na ba?", iyan ang bungad sa akin ni Persephone.

Ehem. Okay. Si Persephone ang goddess of spring growth at siya lang naman ang asawa
ni Hades. Nakabraid ang kanyang buhok, nakasuot siya ng simpleng itim na shirt at
jeans. Kahali-halina ang kanyang kagandahan, makinis at siya'y matangkad.

Agad akong pinapasok ni Persephone at Hades sa kanilang animo'y haunted house na


tirahan. Para bang ang buong mansyon ay hindi pa naaabot ng Meralco, dahil parang
puro kandila lang ang nagpapailaw sa napakalaking lugar.

Actually, ineexpect ko na hahablutin ni Persephone ang buhok ko, o sampalin niya


ako o gawin niya akong palay o bigas o kung ano pa man, instead, winelcome niya ako
ng kanyang magandang ngiti at inviting na presensya. Pero ramdam mo pa rin ang
lungkot na nagrereflect sa kanyang mga mata...may kabigatan.

Pinipilit niyang maging masaya, dahil si Hades ay hindi gaano. Sa buong dinner ay
parang detached siya sa amin, pati si Persephone ay hindi niya pinapansin,
nakasalumbaba lang siya at nakatingin sa malayo habang ako'y kumakain ng Pasta Ala
Embalsamo na thankfully ay hindi laman ng tao ang sangkap.

Nasa likod ng upuan ni Hades si Persephone at pinapanuod niya rin ako.

"Madami akong narinig tungkol sa iyo."

Napatingin ako sa kanya.

"Talaga po? Sana magaganda."

"Oo naman! Mahilig magkuwento si Hades tungkol sa iyo."

Teka, alam naman siguro niya na si Hades...ay well...may gusto sa akin, hindi ba?
Pero bakit? Bakit nakangiti pa rin siya at kinakausap ako? Obviously, isa lang ito
sa nagpapatunay na wala sa katayuan ang kabuuan ng tao, este, god (example: si Zeus
at Hera ay mga aroganteng gods kahit sila ang nasa higher state. Pfft.)

Pinunasan ko ang sauce sa aking bibig at inusog ng kaunti ang dinner, ayos na ako.
Tumingin naman ako kay Hades habang si Persephone ay nakangiti pa rin.

"Hades? Natanggap mo ba ang sulat?"

Nasa adult form siya ngayon kaya mas malala pa ang kanyang pagiging mukhang
sinakluban ng mga ulap. Mga ilang segundo bago siya magrespond sa akin.

"Ah? Oo.", sabi niya na para bang kakasalita ko lang. "Oo. Actually natanggap namin
ito right away, matapos mong isend ito. Natagalan ang aming response dahil
naghahanda kami."

"Naghahanda?"

Si Persephone ang sumagot sa akin, "These past few months ay busy ang mga gods sa
paghahanda, sa kung anong sinabi sa propesiya. Inaassemble na ang mga army at ang
mga major at minor gods ay nagiikot at naghihikayat ng mga maaring masama sa ating
army."

"Persephone. Hindi mo kailangang sumingit.", sabi ni Hades, cold.

Nagtaka ako. Napakagat ng labi si Persephone at tumiklop na parang makahiya.

"Pasensya na.", balik ni Hades.

Pero hindi na sumagot si Persephone, tumango na lang siya. Oo, mukhang may quarrel
ang magasawang ito. Awkward... Napaubo ako at nagsalita.

"Si Zeus at Poseidon?"

"Ganoon rin, naghahanda. Ang forges ay nasa kaharian ni Poseidon so basically ay


naghahanda sila ng mga armas. Si Zeus ay sinisigurado ang forces ng Olympus.",
sambit ni Hades.

"Malaki ba ang threat? Hindi pa natin alam kung sino ang kalaban --"
Bigla niya akong pinigil at nagsalita.

"Si Hera. Alam na nating lahat iyon. May malaki siyang balak sa Olympus, upang
pabagsakin ito."

"Pero bakit? Kahit pa maaari niya ring ikapahamak ito?"

"Ganun si Hera, lahat gagawin niya para masunod ang layaw niya, kahit pa masira ang
karangalan niya. Kung kakailanganin niyang sirain ang pamilya niya ay gagawin
niya."

Napasuntok ako sa mesa. Ano bang iniisip ni Hera? Dahil ba sa akin ito? Huwag naman
sana.

"Si...si Oracle. May alam na ba tungkol sa kanya?"

"Ayun nga, mga ilang linggo matapos mong umalis sa Olympus nang hindi nagpapaalam
ay bigla siyang nawala mysteriously.", sabi ni Hades.

Nagblush ata ako. Naalala ko na hindi nga pala ako nagpaalam ng umalis ako sa
Olympus. Napabuntong hininga ako at tinignan sila.

"Saan niyo tingin siya dinala? O sino ang may hawak sa kanya?"

"Marahil mga kampon ni Hera, about Hera, hanggang ngayon ay hindi pa rin namin siya
nahaharap. About Oracle, hinahanap na siya ngayon ng isang searching party, kasama
si Laelaps."

Pero hindi pa rin ako secured. Kapag may nangyaring masama kay Oracle ay hindi ko
alam kung kakayanin ko ba. Marahil ay umiiyak ngayon si Delphig.

"So, ano nang plano natin?", balik ko.

"Kahit ano mang oras ay maaaring atakehin ang Olympus, alam namin iyan,
nararamdaman namin. Pati ang mga kalamidad at mga aksidente sa mortal na mundo ay
hindi lang basta natural phenomena, may kagagawan ang mundo namin sa mundo ninyo.
Everything affects everything."

Bigla kong naalala ang aking pamilya, ang aking Mama at Papa, ang aking mga step-
siblings, hindi sila pwedeng madamay sa kahit ano.

Nagpatuloy si Hades, "Sasama ka sa amin Amber, sa Olympus Army. Magiging kang


leader. Kailangan nating protektahan ang home of the gods."

Napalunok ako pero agad kong isinet sa aking isip na hindi pwedeng maging duwag.
Magiging leader ako kung kailangan, para sa Mount Olympus at sa mga taong mahal ko.

Tumayo si Hades at sumunod ako.

"Maghanda ka, pupuntahan natin si Poseidon."

"Si Poseidon? Saan? Sa ilalim ng dagat?"

"Saan pa ba?"

"Sure ka?"

Hindi sumagot si Hades, umalis na lang siya at pumunta sa isang kuwarto marahil
para maghanda. Ang weird niya ngayon, para bang nabalik siya sa dati niyang ugali.
Napatalon ako nang biglang may basa at madikit na bagay na lumapat sa aking mga
kamay, napatingin ako sa baba at nagulat sa aking nakita.

Isang aso.

Hindi.

Three headed na aso.

Itim ang isa nitong katawan. Ang tatlong ulo nito ay may beady at pulang mga mata.
Nakakagimbal, tumahol ito at nagwag ang tail, umikot ikot siya sa akin. Kakaiba,
nakakagimbal ang kanyang itsura pero napakasweet niya. Kailagan ko na talagang
icancel ang aking stereotypical views.

Nakita kong lumuhod si Persephone at hinagod ang tatlong ulo ng aso gamit ang
kanyang mga payat na daliri.

"Si Cerberus."

"Cerberus? Teka, bakit parang ang liit niya?"

"Kaya niyang magtransform sa kahit anong size na gusto niya."

Tumayo si Persephone at lumapit sa akin, ang aso ay nakaupo na at kinakamot ang


tatlong tenga.

"Pagpasensyahan mo na si Hades, disturbed lang talaga siya."

Nakatingala ako sa kanya, dahil sobrang tangkad niya.

"Ayos lang po. Marahil ay stressed lang siya dahil sa mga nagaganap."

"Hindi. Alam kong nahihiya siya sa iyo, na makita mo ako. Magkasama kami ni Hades
pero alam kong hindi niya ako mahal, ikaw...ikaw ang nasa kanyang puso. Kinidnap
lang ako ni Hades dati para patunayan sa kanyang mga kapatid na may taong
magmamahal sa kanya. Isa lamang akong instrumento. Pero minahal ko na siya. Kaya
nandito ako kahit pa hindi pareho ang aming nararamdaman para sa isa't isa."

Nanginginig ako.

"Hindi totoo yan.", hinawakan ko ang kanyang balikat. "Persephone, alam kong
matimbang ka sa puso ni Hades, hindi niya lang ito narerealize. Uulitin ko, hindi
totoo yan, ikaw ang mahal ni Hades. Nahihiya lang siya dahil sa kanyang nagawa sa
iyo dati."

Ngumiti na lang siya, pansin kong mahamog na ang kanyang mga mata.

"Sana nga."

Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin. Ang kanyang Cup D na dibdib ay
humahampas sa aking mukha. Niyakap ko siya pabalik, ang sarap sa pakiramdam.

"Good luck, Amber. Iligtas niyo ang Olympus."

"I will.", prinomise ko.

"Amber?"
Tinigil namin ni Persephone ang pagyayakapan at pagtingin namin sa aming gilid ay
nandoon na si Hades, tila kinuha niya lang ang kanyang itim na dagger sa kanyang
kuwarto.

"Aalis na tayo."

"Ngayon na?"

"Oo.", pagfinalized ni Hades.

Tumango ako kay Persephone habang si Hades ay nagsisimula nang maglakad patungo sa
pinto ng kanilang mansyon. Sumunod kami ni Persephone, tumingin ako sa hallway na
aming dinadaanan, puno ng torches bilang ilaw, ang carpet ay malinis pero may mga
design ng mga bungo at kung ano pang macabre. May mga skeleton na parang mga guards
na kumaway sa akin. Amoy patay ang lugar, hindi literal, parang bleak at walang
buhay ang kahit ano.

Dumating kami sa pinto, binuksan ito ni Hades.

"Pinatawag ko na si Charon. Hindi tayo pwedeng magteleport paalis dito dahil kung
gagawin natin iyon ay masusunog ka in the process.", paliwanag ni Hades sa akin.

"Gets.", sambit ko na lang.

Tinuro ni Hades ang labas at ako'y nagmartsa patungo doon. Umapak ako sa wooden
dock, winelcome na ako ng River Styx. Lumingon ako at nakita kong hinawakan ni
Persephone ang kamay ni Hades.

"Magiingat ka. Dala mo na ba ang kailangan mo?"

"Oo."

"Magiging maayos ka lang ba? Paano yung --"

"Persephone."

"Hades, kung may kailangan ka --"

"PERSEPHONE!"

Tumindig ang aking balahibo, ang animo'y buong Underworld ay nayanig. Parang naging
yelo ang kinatatayuan ko sa loob ng ilang segundo. Ngayon ko lang nakita at narinig
si Hades na ganito, cold. Tunay na god of the Underworld.

Pero tila napagtanto niya ang kanyang ginawa, agad siyang napayuko at bumulong.

"Pasensya na."

"Magiingat ka, darling.", yun lang ang sinabi ni Persephone, matapos ay sinara niya
na ang pinto.

Marahang lumapit sa akin si Hades, nakatingin lang siya sa kawalan ng River Styx,
ang mahina at creepy na ilaw ng Underworld. Nakatayo lang kami doon, nagiisip,
hindi alam kung ano ang aming tatahakin.

"Hades, ayos ka lang ba?", finally binasag ko ang katahimikan.

"Amber. Pasensya na. Hindi lang ako masaya, sa mga mangyayari, may kakaiba akong
pakiramdam. At si Persephone, naaawa na ako sa kanya, hindi ko maintindihan ang
nararamdaman ko sa kanya."

"Hades, mahal ka ni Persephone. Ngayon ko lang siya nakita pero alam ko iyon. Kung
nandyan pa ako sa puso mo, huwag na Hades. I don't deserve your love.", napasqueeze
ako ng aking fists.

Sobrang odd na kausap ko ngayon ang isang adult god tungkol sa love. Hinihingal ako
sa loob, walang tigil ang pagtibok ng aking puso, sa kaba, sa takot. Parang mas
balot ng pangamba ang aking puso ngayon.

"Pero...ikaw ang gusto ko. Nadama ko yun almost 3 years ago. Nadama ko na ginamit
ko lang si Persephone at ako ang hindi niya deserve."

"Hindi mo alam ang sinasabi mo."

Katahimikan. Nakita kong tinakpan ni Hades ng kanyang kamay ang kanyang mukha. May
sasabihin pa sana ako sa kanya ng iinterrupt kami ng naghihingalong grammar.

"Sir Hades, Ma'am Amber, this is me I come now."

Sa tabi ng dock ay dumating na si Charon at ang kanyang canoe, nakatayo siya, hawak
ang kanyang sobrang habang paddle. Kumakaway siya. Tumingin sa akin si Hades.

"Halika na, wag tayong magsayang ng oras."

"Sige."

Sumakay kami. Sa buong paglalakbay ng amin bangka ay tahimik lang kami. Nakatingin
si Hades sa gilid, parang ayaw niyang magtama ang aming mga tingin. Galit ba si
Hades sa akin dahil nandito ako? At dahil nandito ako ay nagtatalo ang kanyang
damdamin? Ayaw niya bang makitang magkasama kami ni Persephone? Nahihiya ba siya sa
akin?

O galit lang siya sa sarili niya?

Napakagat ako ng aking labi.

Ilang minuto ang lumipas ay narinig ko na si Charon.

"We're here! Coming down now!"

Bumaba na kami ni Hades at kami'y pumasok sa animo'y reception area ng Underworld.


Nang makita ng mga multong naghihintay sa linya si Hades ay nagkagulo sila,
pinipilit siyang hawakan para magmakaawa, pero isang hagip lang ng kamay ni Hades
ay nagtalsikan silang lahat.

"Handa ka na ba?", tanong sa akin ni Hades.

Tumango ako, tumungo siya sa pintuan ng reception. Si Charon ay umupo na sa kanyang


desk at nagsimulang maglaro ng Left 4 Dead. Hinawakan ni Hades ang handle ng itim
na pinto at pagkabukas niya nito ay dilim din ang bumungad sa amin, mula sa pinto
ay pumapasok ang mga kaluluwang galing sa mortal world. At sasalubungin namin sila.

Niyakap na ni Hades ang kawalan, nanginginig naman akong pumasok. At ang namalayan
ko na laman ay wala na ako sa Underworld.

Pagkatingin ko sa paligid ay halos matumba ako. Maaliwalas na ang pakiramdam, nasa


isang parke kami. May mga taong dumadaan, may mga nagdadate, may mga nagtitinda ng
mga ice cream, balloons at kung anu ano pa.

Sumulyap ako sa aking gilid at nakita si Hades, nasa kanyang teenage form na niya.
Ang kanyang pulang buhok ay shiny at tila mas tumagkad pa siya, hanggang balikat na
lang talaga ako. Tsk, unfair.

"Teka, bakit nagtransform ka?"

"Awkward naman siguro kung makikita tayo ng mga tao na nasa adult form ako, baka
isipin nila pedophile ako."

"Hoy!", sigaw ko.

Ngumiti siya at tila nang umalis kami sa Underworld ay nawala din ng bahagya ang
aming mga kabigatan. Sa harap namin ay isang fountain, green at black ang tiles at
ang sarap panuorin ng mga lumilipad na tubig sa kung saan.

"Isa iyan sa mga entrance ng kaharian ni Poseidon."

"Iyan? Ang fountain na iyan? So maaaring marami nang mga mortal na pumunta doon."

"If only they know how."

Tumungo kami malapit doon at tinignan namin ang crystal clear na tubig, ang daming
mga coins na tahimik na nakahimlay sa mga tiles.

"Ano na?"

"Kukuha tayo ng isang coin at lulunukin natin."

"Ano? Lulunukin? Okey ka lang?"

"Ayaw mo?"

"Ah bahala na! Teka, baka naman malunod tayo sa kaharian ni Poseidon."

"Huwag ka magalala. Meron silang trackers kung hindi mga isda ang tutungo sa
palasyo nila.", paliwanag niya.

Dahan dahan kaming kumuha ng coins, ten peso ang sa kanya at 25 cents lang sa akin.
Hinarap namin ang isa't isa.

"Ready?", tanong niya.

"Paano ako makakasiguro na hindi mo ako niloloko?"

Nilabas lang ni Hades ang kanyang ngiti, matapos ay tinapon niya ang coin sa ere at
sinalo ito na para lang itong Clover chips at sa isang kurap ng mata ay nakita kong
naging literal na tubig si Hades at siya'y tumutungo sa fountain! Tumingin ako sa
paligid, baka kasi may mga nakakita pero wala, clueless at busy silang lahat.

Nang mawala na si Hades ay napanatag na ako. Mabilis kong nilunok ang coin na
parang tablet at unti-unti kong nararamdaman na para akong nagiging gulaman. Ang
aking paningin ay nagiging distorted, ang baliw lang sa pakiramdam!

Nakita ko ang tubig sa fountain, unti-unti akong lumalapit doon, para akong
hinihigop. At ang sunod ko na lamang nakita ay dilim at rinig ko ang gurgle ng
tubig.
Pagkabalik ng aking paningin ay mukha agad ang nakita ko. Maaliwalas na mukha, may
glow na nagraradiate. Isang lalake, siguro mga nasa early 20's. Brown ang buhok at
matindi ang ngiti.

Si Poseidon.

"Guardian Amber!!!!!!!!!", sigaw niya sa mukha ko.

Doon ko namalayang nakahiga pala ako. Agad akong tumayo at napansing parang may
thin plastic na nakabalot sa ulo ko. Hinawakan ko ito, malambot.

"Huwag mo hawakan! Bubble iyan na nilagay ko sa ulo mo, para hindi ka malunod! Pati
si Kuya Hades meron din!"

Tinuro niya si Hades na nakaupo sa isang batong upuan, kagaya ko ay may transparent
orb siya sa ulo. Tumingin ako sa paligid, kulay blue ang pader, napakalaki, parang
kasing laki ito ng aming sala, 15 times. May isang malaking kama sa gitna, ang
bedsheet ay Spongebob Squarepants. May mga hanging mobiles na shells at corals ang
abubot.

Madaming shelves na puro libro ng National Geographic. Parang kuwarto ng isang


bata. Napaurong ako ng may dumaang swordfish sa ulunan ko, galing ito sa bintana,
at sa bintana ay kita ko ang ilalim ng dagat. Teka nga, ilalim na ba talaga ito ng
dagat? Gusto ko mahimatay!

"Welcome Guardian sa aking lovely abode!"

"Teka, kuwarto mo ba ito?"

"Yes! Ganda no!?"

Nasa adult form ngayon si Poseidon pero sobrang giddy pa rin niya.

"Nga pala! Nagpadala sa akin ng message si Kuya Zeus kani-kanina lang. Ito oh."

May kinuha si Poseidon na rolyo ng papel sa kanyang bulsa, ngayon ay nakabeach


shorts lang si Poseidon at walang pantaas, may necklace siya na may pendant na
ngipin ng kung anong dambuhalang isda. Napansin ko ding lumulutang kami, lumangoy
langoy ako.

Inabot sa akin ni Poseidon ang rolyo ng papel, lumangoy patungo sa akin si Hades
para tignan din ang mensahe. Binuksan ko ito ng parang scroll.

Sa gitna ay may mga matipid na words:

Starbucks Taft

4:00 P.M.

-Zeus.

"Ayos. Starbucks pa ah.", sabi ko.

Nagsalita si Hades, "Let's go. 3:30 na. Ayaw ni Zeus ng mga late."
BLURB: S.O.S. Chapter. Sort of Serious Chapter. Hoho, enjoy guys!

Chapter 3 - Ophiotaurus

Kakaibang makita ang dalawang gods (na nasa teenager form) na sumakay sa dyip.
Matapos naming mabasa ang mensahe ni Zeus ay agad agad kaming naghanda. Hindi na
kami nagkaoras na libutin ang palasyo ni Poseidon (wala silang mga hagdan sa
palasyo, puro slides, para bang nasa resort ka), ang kanyang may bahay na si
Amphirite ay busy daw sa pagkukumbinsi sa ibang minor gods na umanib sa side ng
Olympus.

Isang pitik lang ni Poseidon ay napunta kaming lahat sa may fountain, kung saan
kami nagawi ni Hades para tumungo sa kingdom ni Poseidon. Nakasuot na ng plain
white shirt at jeans si Poseidon, ang kanyang brown na buhok ay kumikinang na
lalong nagpapaaliwalas sa kanyang mukha.

"Kyaa! Nandito na naman ako sa mortal world!", iyak niya.

Tumingin sa akin si Hades.

"Anong oras na?"

Tinignan ko ang aking relo.

"4:01 na. Naku, dada ang aabutin natin kay Zeus nito."

At ayun na nga, agad agad kaming sumakay ng dyip patungo sa Starbucks Taft na
sinasabi ni Zeus. Malikot ang paningin ni Poseidon, kumakaway sa ibang pasahero,
ang ibang mga dalaga ay nagblublush dahil nga siguro good looking itong si
Poseidon.

Lagi siyang lumalapit sa aking tenga at nagtatanong, "'Ano itong sinulid na ito?"

"Hihilahin mo iyan para tumigil ang sasakyan."

"Ano ito?"

"Basurahan iyan."

"Ano iyon?"

"Rearview mirror."

Nagmumukha na nga kaming mga baliw eh. Si Hades ay tahimik lang sa isang tabi. Agad
akong dumukot ng pera sa aking bulsa at inabot kay Hades.

"Ibayad mo oh."

May kakaibang ekspresyon sa kanyang mukha, halatang nagpapanic. Nakakatuwang makita


ang mga gods na nalilito sa mga simpleng bagay sa mundo ng mga mortal.

"Iaabot mo lang doon sa driver. Sabihin mo 'bayad po!'"

Napalunok siya at inabot, nanuod ng maigi si Poseidon, naglabas pa siya ng notebook


para magtake notes sa mga gawain ng mga tao. Agad lumapit si Hades sa driver at
nagsalita.

"Bayad po!", pasigaw ang kanyang sabi, medyo napatalon sa gulat ang driver.
Napangiti ako at nagsalita na para sa kanya, "Vito Cruz ho."

Masaya ang journey sa dyip, si Hades at Poseidon ay hindi maiwasang tumingin sa


bintana ng dyip. Namamangha si Poseidon sa kung anu-ano, sa mga nagtitinda ng
fishballs, sa mga traffic enforcer na sumasayaw sa ilalim ng initan at sa mga
naglalakihang mga bus. Si Hades ay halata rin ang pagkagulat sa ibang mga bagay na
nakikita niya. Lahat ng tingin ay nasa amin na.

4:30 ay dumating na kami sa may Starbucks. Sa salamin pa lang ay kita na namin ang
teenager na si Zeus, nakaupo sa isa sa mga stool, may kape sa kanyang mesa at
siya'y nakapikit, hindi siya tulog, nanggagalaiti lang siya sa inis.

Pumasok na kaming tatlo, may nagwelcome sa amin na isang crew. Nagkatinginan kami
ni Poseidon at Hades at ako'y napalunok, lumapit na kami kay Zeus nang marahan.

"Zeus?", ako na ang nagsalita.

Dumilat ang kanyang mata, nakatingin lang siya sa amin.

"Akala ko hindi na kayo darating. Namuti na ang mga mata ko oh!"

"Sus, Zeus! Parang 30 minutes lang. Kuha mo iyon? 30 minutes!", napaurong ako at
bumulong. "6 months tayong hindi nagkita tapos sigaw ang aabutin ko sa iyo?"

"Whatever! Magorder na lang kayo at madami pa tayong paguusapan."

Umupo si Hades at Poseidon sa tabi ni Zeus, tumingin ako sa kanila at nagtanong.

"Anong gusto niyo?"

Marahang nagsalita si Hades, "Uhm, kape diba? Espresso na lang akin."

"Venti?"

Pagkasabi ko ng 'venti' ay napahiyaw si Poseidon.

"Venti! Diba storm spirits yun?"

Nagsalita si Zeus, "Hindi, stupid. Size yun ng cup ng kape."

"Ah...", sabi na lang ni Poseidon.

"Pareho na lang kami ni Poseidon. Venti.", pagfinalize ni Hades.

Nilagay ko ang kamay ko sa loob ng aking bulsa, matapos ay kinapa ang aking wallet,
nakatingin ako sa kisame. Magkano na lang ba ang pera ko?

"Oh bakit hindi ka pa umorder?", sigaw ni Zeus.

"Teka lang ah!", sabi ko, pinipilit pa ring isipin kung magkano na lang ba ang pera
ko nang biglang --

"Ito Amber oh.", si Hades iyon, tumayo siya at inabot sa akin ang isang makapal na
wad ng pera, malamang mga 10 thousand iyon. Nabigla ako.

"Hades! Ano ito?"

"Pambayad! Hindi ko alam kung magkano dito eh. Basta umorder ka na lang."
At doon ko naalala na god of riches din pala si Hades. Ngumiti na lang ako sa
kanya, binalik ang 9 thousand at tumungo sa may counter dala ang 1 thousand.

Lumingon ako at nakitang nagkukuwento si Poseidon nang kung ano sa kanyang mga
kapatid, kumpleto pa ng sound effects at body language.

"Welcome to Starbucks, Ma'am! May I take your order?"

Napatingin ako sa crew na nagwelcome sa akin at laking gulat ko. Ang kanyang itim
na mopped na buhok ay nakatago sa kanyang green Starbucks cap, ang kanyang lumot na
mga mata ay nakatutok sa akin. Si Nathan.

"Teka, Nathan? Dito ka nagtratrabaho?"

"Amber?! Bakit ka nandito? At yes, I work here after school. Anong healthy at
environment friendly na coffee ang iyong iiorder?"

Sinabi ko ang order ko at agad siyang kumuha ng cups at sinulatan ito. Matapos ay
bumalik siya sa akin at nagbayad ako.

"Kasama mo ba iyong mga young man na iyon?", tanong niya, tinuturo ang Big Three.

"Ah oo.", impit kong sagot.

Napahinto siya. "Mga ano mo sila?"

"Mga pinsan ko.", matagal na naming cover ito. Sana bumenta sa kanya.

Ngumiti na lang siya. "That's awesome! Bonding time? Sana bumisita kayo sa La Mesa
Eco Park!"

"Sa susunod siguro."

"Okay, Amber. Idedeliver ko na lang doon, especial."

"Oh sige."

Matapos ay bumalik na ako sa tatlong gods na nagkwekwentuhan pa rin, umupo ako sa


tabi ni Hades.

"Bakit parang kilala mo iyong crew na iyon?!", bulaga sa akin ni Zeus.

Napakunot ang aking noo.

"At bakit parang galit na galit ka?"

"Kilala mo nga iyon o hindi?!"

"Oo, classmate ko siya!"

"Classmate...classmate. Sigurado ka?", balik ni Zeus.

"Pakialam mo ba?", hirit ko naman.

"Guys, chill. Para kayong mga bata.", paginterrupt ni Hades.

Napatigil naman kami ni Zeus. Umurong pa nang kaunti si Hades malapit sa mesa at sa
amin. Umubo siya at nagsalita.

"Nandito tayo para pagusapan ang mga paparating. Kaya mabuting magsimula na tayo.",
sabi niya.

Tinaas ko ang kamay ko, "First off, paano natin proprotektahan ang mga inosenteng
tao? Ang pamilya ko?"

"Hindi lang sila ang nanganganib, Amber! Pati na rin ang mundo namin!", sabi naman
ni Zeus. "Ano mang araw o oras ay hahasik na ang lagim. Kapag maayos na ang army ay
magiging officially ready na tayo."

May strain ng sakit sa boses ni Zeus. At doon tumama sa aking puso, si Hera, si
Hera ang aming kakalabanin. Kahit pa gaano kagalit si Zeus sa kanyang asawa ay
asawa niya pa rin iyon. Period. Napalunok na lang ako at nagsalita, kahit sensitive
topic pa ito ay kailangan naming pag-usapan.

"Si Hera. Si Hera ang ating kalaban ngyaon, hindi ba?"

"Hindi lang siya, mga demigods at monsters na galit sa amin. Nagkumpulan na sila.
Lahat ng aming naparusahan at lahat ng aming mga nagawa ng 'kamalian'. Aba,
kasalanan lang nilang lahat iyon!", sabi ni Zeus.

"Matuto ka ngang magpakumbaba, Zeus. Kakainin ka ng pride mo."

Hindi na siya nagsalita.

"Kumusta ang forges, Poseidon?", tanong ni Hades. Napatingin kaming lahat kay
Poseidon na dinidilaan ang tissue, akala niya siguro ice cream ito.

"Huh? Ah! Everything's smooth. Nung huling inventory ay meron na tayong 890,456 na
weapons para sa invasion.", sagot ni Poseidon.

"Mabuti.", nagpatuloy si Hades. "Ang Dead Army ng Underworld ay naghahanda na rin.


Ang mga minor gods na sina Hypnos, Aeolus, Asclepius at madami pa ay nasa side na
natin, pati na rin ang nagdala ng Golden Apple sa atin dati sa atin na si Eris. Ang
Mount Olympus ay heavily guarded na rin sa ngayon. Zeus?"

Nakatingin lang si Zeus sa mesa habang nagsasalita, dignified, may authorty.

"Ang langit, ang paligid ng Olympus ay secured ng pinakamataas na porma ng isang


magical barrier. Tatlong araw simula ngayon ay dapat nakatipon na ang lahat sa
Olympus para sa atakeng magaganap?"

"Teka, paano kayo nakasigurado na one of these days ay aatake sila?"

"Katulad na lang ng sinabi ko ay nararamdaman namin. Si Hera, may link pa rin kami
sa kanya, kahit pilit niyang tinatanggal ito. Nalalaman pa rin namin ng bahagya ang
kanyang mga kilos at handa na sila. Isang batalyon ng kadiliman ang maaring
magwasak sa Olympus.", paliwanag ni Hades.

"Eh si Kronos? Ang mga Titans? Hindi ba sila tutulong?", singit ko ulit.

"Ang aming Ama ay matinding karamdaman sa ngayon. Unti-unti na siyang humihina,


dahil na rin sa kawalan ng kaalaman tungkol sa kanya, dahil wala siyang masyadong
naambag sa sibilisasyon. May tendency kaming mga deity na magfade kapag wala nang
dahilan upang mabuhay kami.", napahinto si Hades at umubo ubo. "Pero alam naming
maghohold-on pa siya, para sa amin, para sa mga tao. Ang ibang Titans namin ay
siguradong pinagtatawanan lang kami. Wala silang pakialam, natutuwa silang
nagclaclash ang magkakapamilya."

Nakakarinding katahimikan ang sumunod na bumalot sa aming lahat. Ang tanging


naririnig lang namin ay ang "Call Me Maybe" ni Carly Ray Jepsen sa speakers ng
Starbucks at mga pindot ng ibang customers sa kanilang mga cellphones.

Nabalik lang kami sa ulirat nang dumating na si Nathan, dala ang isang tray na
merong tatlong cup ng kape. Agad niyang nilapag ito sa amin at nagsalita.

"Hello!"

Nagsimula akong magsalita, "Ah, Nathan --"

"Ako nga pala si Nathaniel Ureta! Klasmeyt ni Amber Ramirez! Mga pinsan niya kayo?
Kung ganun, alam kong kasing bait niya kayo. Pahiram naman ng 5 seconds niyo at
magsign kayo sa petition to Anti-Mining sa Palawan!"

Nakatingin lang ang Big Three sa kanya.

"Wala kaming oras. Umalis ka na.", sabi ni Zeus, coldly.

Pero ngumiti lang si Nathan at nagbow.

"Okay lang! Alam kong kakailanganin niyo rin ako balang araw!" at bigla siyang
umalis.

"Zeus! Ano ka ba?!", tumayo ako at hinawakan si Nathan sa balikat, lumingon siya,
nakangiti pa rin. Hindi sarcastic na ngiti, totoo, ang warm ng kanyang balat. Para
bang may tumutubong mga fresh na flowers at bushes sa kanyang likuran.

"Nathan, pasensya na! Kulang lang talaga sa turnilyo ang pinsan ko na iyon!

"

"Ayos lang. Naistorbo ko ata kayo.", nagwave siya sa akin at umalis habang
kumakanta ng isang classical opera music. Pinanuod ko siya habang nagsisimula
siyang magtrabaho muli para bang walang nangyari.

Bumalik ako at umupo.

"Pinagtatanggol mo pa iyong gungong na iyon? May sira ba siya sa tuktok?"

"ZEUS!"

Totoo na ang inis ko at tila naramdaman ito ni Zeus dahil nagshrink-back siya
pabalik ng upuan. Napabuntong hininga at tila narealize din ang aking pagsigaw.

"Pasensya na --"

"Stop apologizing, Guardian Amber! It's a sign of weakness! Isa pa si Kuya Zeus ang
may kasalanan!", pangaalo ni Poseidon.

"Hoy!", hirit ni Zeus.

"Guys!", tinaas ni Hades ang kanyang mga kamay, humigop siya sa kape at nagsalita.
"Pagusapan natin ang tungkol sa Ophiotaurus."

Ophio? Ano daw?


Nakita kong tumango si Zeus.

"Okay. Anong plano mo doon?"

"Diba may theory ka doon na gagamitin naman ni Hera iyon this time para tapusin
tayo?", sabi ni Hades.

Nakakalito. Agad kong hinawi ang aking kamay sa ere para sa atensyon.

"Teka nga! Anong Ophiotaurus? May kuneksyon ba iyon sa Opthalmologist?", tanong ko.

"Gunggong.", pangaasar na naman ni Zeus.

Sa inis ko ay nasipa ko ang tuhod niya, hindi niya ito ineexpect dahil nga nasa
ilalim ng mga mesa ang aming mga paa. Napahiyaw ito at hinawakan ang kanyang tuhod.

"Aray! Sheesh! Ikaw talaga!"

"Ang Ophiotaurus ay isang half cow at half serpent. Isang magican ancient creature.
Ang entrails nito o lamang loob ay minsan nang muntik gamitin ng mga Titans upang
tapusin ang mga Olympians. Pagsinunog ang entrails na ito ay may mangyayaring
masama sa mga Olympians. At tingin namin susunugin na talaga ni Hera ito for
real.", paliwanag ni Hades.

"At nasaan na ang Ophiotaurus?"

Si Zeus ang sumagot sa akin. "Wala na! Entrails na nga lang siya eh! Nung
sinubukang sunugin ito ng mga gods ay agad ko itong dinagit, ako'y nasa eagle form,
at itinago sa isang lugar na alam kong walang makakaalam kung saan, until now. Tila
pinaghahanap na ni Hera ang pinagtaguan ko noon. Wala akong sinabihan kung nasaan
ba ang mga lamang loob na ito."

"Hindi pa ito bulok? Kung susunugin eh baka maging corned beef at baka may Mad Cow
Disease!", sabi ko.

"Magical nga eh.", hirit nilang tatlo, sabay.

"Saan mo nga ito tinago?", tanong ko kay Zeus.

"Sa --"

Magsasalita na sana siya nang mainterrupt kami ng tunog ng aking cellphone.


Nagmamadali akong hinablot ito mula sa aking bag, nakita kong tumatawag ang aking
stepfather. Ano kayang meron?

"Kailangan ko itong sagutin."

Tumayo ako at pinindot ang 'answer.'

"Hello?"

"Amber...Amber ikaw ba yan?"

"Oh Tito Ronald, bakit?"

"Nandito kami sa ospital ng mama mo!"


"Ano? Anong nangyari?"
Lumingon ako at nakita ang Big Three na nakatingin lang sa akin. Napansin ko rin na
si Nathan na sumusulyap ng tingin sa amin habang nagpupunas ng isang mesa.

"Nalaglag siya sa hagdan! Hindi ko alam ang nangyari! Baka daw may miscarriage
siya! Ang kapatid mo!"

Nanigas ako sa aking kinakatayuan. Maselan ang kalagayan ng mama ko ngayon at


pinabayan lang niya na malaglag siya sa hagdan. Huminga na lang ako ng malalim at
nagsalita.

"Sige, saan ba iyan?"

Pagkatapos niyang sabihin kung saang ospital ay agad ko na itong binaba. Tumingin
ako sa tatlong gods.

"What's the matter, Guardian?", jovial na tanong ni Poseidon.

"Tila kailangan nating iabort ang meeting na ito at kung ano pa mang misyon ang
ating gagawin ngayon araw. May importante lang akong pupuntahan."

"Importante? Mas importante pa sa --"

Pinigilan ni Hades si Zeus, "Zeus. Kahit ngayon lang."

Ngumiti ako ng bahagya kay Hades. Matapos ay tumayo na silang lahat sa mesa.
Lumapit ako kay Nathan at nagpaalam, tinanong niya kung okay lang ba ang lahat o
kailangan ko ba ng yoga dahil mukha daw akong stress, pero nagsinungaling ako na
maayos lang ang lahat.

Tumungo kami ng Big Three sa isang eskinita na malayo sa mga tao. Puro tambak ng
basura, may mga pusang naghahabulan at may mga sasakyang nakapark na parang mga
walang may-ari.

"Sigurado ka bang hindi mo na kailangan pang ihatid?", tanong ni Hades.

"Oo. Okay lang ako.", balik ko.

"Bye Guardian! See you later! Madami pa tayong missions!", niyakap ako ni Poseidon.

"Okay, Poseidon. Ingat."

"You too."

Lumapit sa akin si Zeus, medyo reluctant, bumubuhol ang kanyang mga paa, napakamot
siya ng ulo.

"Uy sorry na. Sorry sa pagiging insensitive."

"Sorry din, Zeus. Sige, kailangan ko nang umalis."

"Magiingat ka.", sabi ni Zeus. Matapos ay ngumiti siya.

Napaurong ako dahil alam kong oras na para umurong. Nakatayong magkahilera ang mga
gods, kumaway si Poseidon, si Hades ay tumango at si Zeus ay nakatingin lang sa
akin, para bang marami siyang tanong at sa isang iglap at isang matinding ilaw na
para bang tinapatan ako ng flashlight sa mata ay nawala na sila.

Nagbuntong hininga ako at nagsimulang tumakbo, para harapin ang isa ko pang
responsibilidad.
BLURB: Pasensya na sa matagal na paghihintay. I hope you enjoy :)

Chapter 4 - The Beginning of the End

Kumakabog ang dibdib ko nang ako'y naglalakad sa mala-gatas sa kulay na hallways ng


ospital. Napakagat ako sa aking labi. Agad akong tumungo sa may reception at
tinanong sa Head Nurse kung nasaan ba si "Agnes Vega", Vega dahil ito ang apelyido
ng kanyang bagong asawa, si Ronald. Wala naman akong masasabi sa kanilang relasyon,
ayos lang sa akin, though minsan ay naiinis ako kay Tito Ronald dahil parang ang
dumb niya.

Pero kung saan masaya si mama ay masaya na rin ako. Kahit gaano pa kacliched ito.

"Sa Room 8B po siya.", sabi ng Head Nurse.

Nagpasalamat ako at unti-unting naglakad papunta sa Room 8B, hindi ko alam ang
ieexpect ko. Sa may pintuan ng kwarto ay nakita ko na si Tito Ronald, matangkad ito
at 5 years na mas bata kay mama. May kausap siya phone.

"Oo...ayos na siya, huwag kayong magalala."

Binaba niya ito at siya'y nagpaikot-ikot sa hallway. Lumapit ako at tinapik ang
kanyang balikat, umikot siya.

"Oh, Amber! Nandito ka na rin."

"Si Mama? Ayos lang ba siya?"

"Oo, ayos na siya. Ayos na ang kapatid mo. Nagpapahinga na siya ngayon.", sabi
niya.

Napabuntong hininga ako, halatang relieved. Niyaya niya ako sa loob. Pagkapasok ko
ay nakita ko si mama, nakahospital gown, nakahiga, parang hinigop ang kanyang dugo
sa sobra niyang putla. Tumakbo ako sa kanyan at hinawakan ang kanyang nanginginig
na mga kamay.

"Amber...anak.", mahina niyang tugon.

"Ano na? Ayos lang po ba kayo?", tanong ko. "Ang kapatid ko?"

Ngumiti siya at hinimas ang kanyang malaking belly.

"Mabuti na ang lahat. Malakas ang kapit niya. Parang ikaw dati."

"Ano? Muntik na rin ba akong malaglag noon?", nagwonder ako.

"Hmm, oo. Pero malakas ka anak. Alam ko yun. Para kang isang matingkad na ilaw sa
loob ng aking tiyan, mainit, nagaapoy."

Ngumiti na rin ako sa wakas. Ilang taon prior to this ay galit ako sa kanya, pati
na rin sa aking papa. Dahil pakiramdam ko iniwan nila ako noon, pero wala silang
choice. Sadyang kailangan nilang gawin iyon. Dahil hindi pwedeng pilitin ang
kanilang relasyon, ang kahit anong bagay na hindi maaari, nagbabago ang tao at
nagbabago ang panahon. Ang oras ay hindi titigil para sa kahit na sino.

Matapos ay hinayaan ko na siyang magpahinga. Pumunta ako sa canteen para bilhan


siya ng pagkain dahil ang pagkaing niroronda sa ospital ay parang karton lang ang
lasa. Pagkabalik ko ay kumain siya at nagusap kami ng kaunti, pati na rin kami ni
Tito Ronald.

"Anak, huwag mo na sasabihin sa papa mo ito ah."

"Opo."

"Baka kasi magalala iyon. At mainlove na naman sa akin."

Natatawa ako sa sinabi niya. Imposible na iyon. Hindi na ako nakapagpaalam pa kay
mama noong gabi na, dahil nakatulog na siya. Nang paalis na ako ay hinawakan ni
Tito Ronald ang kamay ko.

"Oh?", sambit ko.

"Salamat ah. Salamat sa pagpunta. At sorry. Salamat na rin at hindi ka galit.",


giit niya.

"Actually galit ako. Pero ano namang mararating ng inis ko, hindi ba? At tsaka
kapamilya na rin kita. Aalis na po ako."

"Hahatid na kita."

"Ah hindi na po!"

"Sige na. Napakadaming masasamang loob ngayon, nababalitaan mo ba yung mga atake ng
animo'y hayop daw?"

Napahinto ako at naalala ang mga balita na iyon, maraming nawawala at marami ring
natatagpuan na mga patay, para silang ginut, ang kanilang mga katawan y mangled at
labas ang kanilang mga lamang loob. Nakakagimbal. Napalunok ako at hinarap siya.

"Kaya ko na po."

"Sigurado ka?"

Tumango ako. At hindi na siya nangulit pa.

***

Nagtaxi na lang ako pauwi. Para makasigurado din. Pagkauwi ko sa bahay ay


naghahanda na silang lahat na kumain. Masaya ako sa side ngayon ng aking papa,
dahil marami kami, sobrang masaya. Agad akong sinlaubong ni Johnny ng noogie, o
yung kokotongan ka ba habang nakalock yung arms niya sa leeg mo.

"Good evening! Ate, where have you been?"

"Aray! Johnny!"

Nang binitawan niya ako ay ako naman ang bumatok sa kanya.

"Baliw ka!"

"Buti naman at nakauwi ka nang maayos. May bago na namang biktima at malapit lang
sa atin, diyan lang sa may bayan."

Inalis ko ang tingin ko sa kanya. Papalapit nang papalapit ang kapahamakan. Hindi
maaari ito. Kailangan kong iligtas ang buo kong pamilya, pero paano? Paano ko
ipapaliwanang ang tungkol sa lahat sa kanila? Ano nang gagawin ko?
Napahinto ako sa pagiisip ng bigla akong nakaramdam ng yakap sa aking binti,
pagkatingin ko sa baba ay nandoon na si Angel, ang aking pinakabatang kapatid sa
side ng aking papa.

"Ate Amber! Kain na tayo!"

"Okay, Angel."

Lumuhod ako at niyakap din siya. Kiniis niya ang aking pisngi at kiniss ko din
siya. Ang isa pa naming kapatid na si Kim, ang isa na laging nakatago sa likod ng
kanyang malaking horn-rimmed glasses ay nakatingin lang sa amin.

"Good evening, Kim."

"Good evening.", bored niyang sagot.

Sa mga ganitong pagkakataon ay mas lalo akong nagaalala. Hindi lingid sa aking
kaalaman na maaari silang madamay sa paparating na giyera. Ang inosente kong mga
kapatid. Shinake ko ang ulo ko at pilit inalis ang thought na iyon.

Kumain kami ng matiwasay, pinilit kong huwag mabulalas ang tungkol sa kahit ano
(tungkol sa pagpunta ko sa Underworld, sa palasyo ni Poseidon at pagmemeeting namin
sa Starbucks ng Big Three at siyempre ang tungkol sa almost miscarriage ni mama)

Noong gabi, ay as usual ang panaginip ko ay ganoon pa rin. Si Nathan, habang


nagfluflute, tumatawa, ngumingiti at bigla siyang nawawala. Ako'y tumatakbo sa
gubat na nilalamon ng apoy at nakikita ko ang isang Manila na dumaan sa giyera, sa
apocalypse.

Ang tanging naiba lang ay isang mensahe ni Oracle.

Lumabas ang kanyang mukha mula sa itim na pit,

although si Oracle ito ay kinikilabutan ako. Bumubulong siya, ang kanyang mata ay
paiba-iba ng kulay. Unti-unti siyang lumalapit sa akin.

"Amber...Amber...Amber..."

"Oracle?", bulong ko.

Para kaming nasa underwater. Ang aming boses ay malabo, parang nasa loob ng isang
globo.

"Maiksi lang ang oras, Ambe. Ako'y hawak pa rin ng mga kalaban -- paparating na
sila! Naghahanda na! Parating na sila."

Nanginginig ako sa takot, alam ko iyon, kahit ako pa ay tulog.

"Anong gagawin namin? Kailan sila aatake!"

"Amber! Mapuputol na ang kuneksyon! Nakikita ko ang isang pangitain, may isang
nilalang ang makakatulong sa inyo, vital ito! Malaki ang kanyang magiging
responsibilidad para mailigtas ang Olympus!"

"Ano? Sino?"

"Kailangan niyo siyang hanapin, ka--", napuputol na ang animo'y kuneksyon, nagiging
static minsan at minsan bumabalik ang kanyang boses at mukha. "Amber -- wala na sa
akin kung hindi niyo ako iligtas. Hanapin niyo -- si -- siya -- hanapin niyo ang
god --"

At doon siya nawala. At doon rin ako napatalon mula sa aking kama. Ang aking pajama
ay basa sa aking pawis, ang aking paghinga ay sobrang bilis, para bang nagtreadmill
ako. Huminga ako ng malalim, kinalma ang sarili ko at humiga ulit sa aking kama.
Ano man ang sinasabi ni Oracle ay hindi ito maganda.

Tunay ngang malapit na sila umatake, ang army ni Hera. At sino ang god na kailangan
naming hanapin? Sino itong makakatulong sa amin? Sa aking pagiisip ay hindi ko
namalayan na nakatulog na pala ako ulit.

Kinaumagahan, as usual ay tuloy tuloy pa rin ang buhay. Nagmadali akong tumungo sa
school dahil medyo malalate na ako, wala nang tao sa bahay. Si Johnny, Kim at Angel
ay pumasok na sa eskwelahan. Si papa at aking stepmother ay tumungo na rin sa
trabaho. Habang naliligo ay patuloy pa rin ang pagtakbo sa aking isip nang sinabi
ni Oracle. At kumusta na kaya siya ngayon? Sana wala silang ginagawa sa kanya, wag
lang nila siyang gagalawin. Mananagot sila.

Sino ba ang god na kailangan naming hanapin? Sino itong makakatulong na ito? At
kailan darating ang kalaban?

Namalayan ko na lamang na sobrang tagal ko nang nagiisip at wala sa ulirat nang


humapdi ang aking mata, umabot na pala ang shampoo dito. Napatili ako at agad nang
nagbanlaw.

8:33 na nang nakaalis ako sa bahay. 9 a.m. ang pasok ko. Sa dyip ay tulala pa rin
ako, nagiisip. Narinig kong kumulog, at kumidlat pa. Ano kayang trip ni Zeus? May
mga narinig akong dumaan na mga ambulansya, siguro mga tatlo iyon. Pero masyado
akong nagiisip para pansinin pa iyon.

Dumating ako sa school ng 5 minute late para sa aking klase. Tumakbo ako sa
hallway, halos makapalitan ko na ng mukha ang mga estudyanteng nasa daan, ang iba
ay napamura pa dahil naapakan ko sila sa paa at nabangga ang mga balikat.
Hinihingal akong huminto sa pinto ng aking classroom, sumilip ako dito, dahil ang
pinto ay may salamin at nakita ko sa loob ang isang prof na hindi ko kilala. Sino
ito? Tama ba ang classroom na napuntahan ko.

Tama naman. Dahil nandoon ang iba kong classmate, si Myra, si Jake at si Nathan,
nakita nga ako nito, kumaway siya sa akin. Malamang substitute teacher. World
History ito, at iba ang teacher, magiging mahirap ito. Sana hindi ito magtagal.
Marahan kong binuksan ang pinto at ang lahat ng tingin ay tumapon sa akin, para
silang mga nakuryenteng ibon dahil sa kanilang mga tingin.

"Ah, good morning, Sir. Sorry, I'm late."

Pero tumingin lang siya sa akin. Nakasmirk siya, isa siyang matandang lalakeng
nakasalamin, kulay ulap ang kanyang buhok at siya'y nakukuba na.

"Just sit down."

Bago ako umupo ay nakita kong parang kuminang ang kanyang mata. What the heck?
Hindi naman kaya...

Pagkaupo ko ay agad akong sinitsitan ni Nathan, tumingin ako sa kanya.

"Hi, Amber! Good day, isn't it? Kahit may mga aksidente at parang babagyo.
Everything's fine. Be positive.", matapos ay tumawa siya. Para akong binabalot ng
kanyang lush na mga mata, ang kanyang jet black na buhok ay nagcocompliment sa
kanyang fresh at blooming na mukha.

"Sino iyang bagong professor?"

"Ah. Subsitute. Mawawala daw muna si Ma'am Mendoza. I hope she's doing okay.",
marahang sabi ni Nathan.

Napahinto kami nang makarinig kami ng tunog mula sa unahan. Ang substitue teacher
ay hinahampas ang kanyang kamay sa mesa, napatingin ang buong klase. Inayos niya
ang kanyang salamin at tumingin sa isang folder.

"Ichecheck ko ang attendance. Itaas ang kamay ng aking mga tatawagin. Is that
clear?"

Umubo ubo siya at habang umuubo siya parang may sumasabog sa kanyang lalamunan.
Weird.

"Abrueva, Nicole?"

Nagtaas ng kamay ang aking classmate. Tumingin muna ako sa labas dahil malayo-layo
pa ang apelyido ko. Nasa tabi ako ng bintana kaya kita ko ang lahat, ang ibang mga
klase sa kabilang mga buildings, ang mga nagmamadaling professors at mga naglalakad
na mga estudyante sa courtyard. Kumukulo na ang mga ulap, gumuguhit ang kidlat,
madilim na.

Napahinto ako nang isang batalyon ng ibon ang dumaan sa kalangitan, lalong umitim
ang paligid. Para silang lilikas sa sobrang dami. Hindi na maganda ito. Grabe na
ang kabo ng aking dibdib. Patuloy pa rin sa pagtawag ng pangalan ang substitute
teacher.

"Galiente, Mark Joseph?"

Hinawakan ni Nathan ang kamay ko, mabilis akong tumingin sa kanya.

"Amber, ayos ka lang? Mukhang kailangan mo ng relaxing tea. Namumutla ka."

"Nathan."

Nilapat ko ulit ang tingin ko sa mga ulap at laking gulat ko sa aking nakita. Ang
simbolong O, dambuhala ito, kumikinang sa ulap, parang gawa ito sa diyamante. Ang
katapusan...narito na.

"Ramirez, Amber?"

Napatingin ako sa teacher at agad akong napatayo. Hindi ko alam kung bakit, dahil
na rin siguro sa panic. Ramdam kong naweiweirdohan sa akin ang lahat ng aking mga
kaklase.

"Ikaw ba si Ms. Ramirez?"

Tumango ako nang mabagal. Gusto kong tumakbo patungo sa pinto, paalis dito. Upang
iligtas ang aking mga mahal sa buhay. Ako lang ba ang nakakita ng simbolo? Agad
tinanggal ng substitute teacher ang kanyang salamin at ngumiti.

"Nakita rin kita."

Napaurong ako. Sabi na nga ba. Mabilis nagtransform ang aming substitute teacher.
Unti-unti siyang lumalaki, surreal, dumapa siya na parang isang aso. Ang aking mga
kaklase ay tumayo na rin, ang iba ay tumatawa at ang iba ay sumisigaw. Nagiba ang
kanyang itsura, ang kanyang buong katawan ay agad natabunan ng fur, golden fur.
Nagkaroon siya ng mane, ang kanyang mga kamay at paa ay naging paws at nagkaroon ng
claws. Nagkaroon siya ng buntot na parang sa scorpion.

Isa siyang dambuhalang leon (kasing laki ng isang van) na may mukha ng tao. Kundi
lang siya nakakasindak ay malamang matatawa ako. Isa itong Manticore.

Agad nagpanic ang aking mga kaklase. Nagtakbuhan kung saan saan, umiiyak,
sumisigaw, stampede sa may pintuan.

"HALIMAW!", sigaw ng iba.

Parang nanigas ako sa aking kinakatayuan. Ang namalayan ko na lamang ay sumusugod


na siya, tumatalsik ang mga upuan sa mga pader. Ang kanyang matalas na mga ngipin
na parang sa pating ay sasakmalin na sana ako nang may kahoy na tumama sa ulo niya.
Napahinto ang Manticore, tumingin ito sa gilid kung saan nanggaling ang kahoy.

"Hey, strange creature. You should not harm a precious being.", si Nathan, may
hawak pa siyang kahoy na galing sa mga upuang nasira.

"Nathan! Takbo na!"

Tumawa ang Manticore. Nakakasindak pakinggan.

"Mga mortal! Wala na kayong magagawa!"

Sumakmal ito sa akin pero agad akong nakailag. May experience na kaya ako sa mga
ganitong bagay, belat sayo. Gumulong ako sa lapag at tumayo, ang Manticore ay
nadulas pabangga sa pader. Hinablot ko ang kamay ni Nathan at hinila siya sa
palabas.

"Tara!"

"Manticore yun, diba?", tanong niya.

Malamang nagbabasa siya ng Greek myth pero wala na akong oras pang magtanong. Ang
mga estudyante ay nasa isang uproar. Nagtatakbuhan. Ang mga professor ay nasa labas
na rin ng hallway, nagtataka sa kung anong nangyayari.

Tumakbo ako ng tumakbo, si Nathan nasa likod ko pa rin, kailangan kong makaalis
dito.

"Amber! Amber!"

Napahinto ako sa isang parte ng hallway, sa gilid ay isang bintana. Sumilip ako at
napalunok sa aking nakita. Mga skeleton warriors, mga nilalang na nakabangga ko
noon sa CSS Hesperus, inaatake nito ang mga tao. Ang ibang mga estudyante ay
nakahandusay na. Pagtingin ko sa kalangitan ay mga Harpies, sila ang nagbabagsak ng
mga Skeletons, tulad na rin nang naencounter namin dati.

"Hindi maaari.", bulong ko.

"Oh no. What in the sunflower is happening?", bulalas ni Nathan.

Halos mabingi kami sa aming sunod na narinig. Ang alarm ng school. Hindi na maganda
ito.
"Everyone out! Everyone out!", sigaw ng isang prof.

Nakita ko ang Manticore sa hindi kalayuan, may sinusugod na ibang estudyante. Wala
pa ring tigil ang pagiging anxious ng mga estudyante. Ito na ba ang invasion?
Nasaan na ba ang Big Three?

"Katapusan na, Nathan. Umuwi ka na!"

"Umuwi?"

"Sa pamilya mo! Sa bahay mo!"

"Wala na akong pamilya at wala na akong bahay! Sira na! Sinira na ng mga mortal!"

"Ano?"

May sumabog kaming narinig mula sa labas. Hindi ko na tinignan pa si Nathan,


tumakbo na lang ako. Pagkalabas ko sa courtyard ay parang gusto kong maiyak. Ang
mga puno sa aming school ay sunog na. May mga nakabagsak ng mga parte ng ibang
buildings. Ang mga Skeleton Warriors ay walang tigil sa pagsaksak sa mga estudyante
at mga staff. Ang mga Harpies ay dumadagit ng ilan.

"Hindi!", sigaw ko.

May ibang mga estudyante na nakabangga sa akin. Napadapa ako, agad akong tumayo,
tinulungan ako ni Nathan.

"Nathan! Bakit nandito ka pa?"

"Wala akong pupuntahan! Ano bang nangyayari?"

"Mahirap ipaliwanag.", tugon ko.

May nakita akong isang Skeleton Warrior na nagiisneak sa likod ni Nathan. Umikot
ako patungo sa likod ni Nathan at tinuro ang Skeleton.

"Huwag kang lalapit."

Tumaas baba ang jaw ng Skeleton, para bang natatawa siya sa akin. Mabilis akong
nagisip, may nakita akong paso sa isang tabi at hinampas ito sa ulo ng Skeleon, big
time. Natanggal ang skull at umikot kung saan.

Chaos na ang nangyayari sa courtyard. Halos maubos na ang mga tao sa school dahil
either nasaktan sila o tumakbo na sila palabas ng school. Ang mga Skeleton Warriors
at Harpies ay wala pa ring tigil sa kakasira ng mga bagay na gusto nilang masira.

"Nathan, kailangan na nating umalis dito."

"Where are we going?", tanong niya.

"Kailangan kong iligtas ang pamilya ko."

"Paano tayo aalis dito?"

"Huh?"

"May horrorific monster sa gate."

Tumingin ako sa gate ng campus, ang tanging gate. Ang dalawang security guards ay
nakahandusay na sa basang semento, may dugong dumadaloy mula sa kanilang mga ulo.
May ibang estudyanteng wala na ring buhay, mauled, mutilated. Ang ibang parte ng
kanilang katawan ay nakahiwalay sa kanila. Umikot ang aking sikmura. Ang halimaw na
nasa gate ay isang halimaw na matagal ko nang hindi nakita, at ayaw ko nang makita.

Malamang nasa 15 feet ang taas niya. Ang kanyang damit ay parang pinagsamasama lang
na sako. Wala siyang sapatos, ang kanyang knobby na tuhod ay puno ng ugat at buhok.
Kalbo siya at iisa ang mata. Ang kanyang ngiti ay nakakasulasok. Parang isang libo
ang kanyang sungki. Isang Cyclops.

"Haha!", tawa niya.

Kami na lang dalawa ni Nathan ang tao rito. At trapped kami. Sa paligid ay mga
Skeleton Warrios at Harpies na nagkakagulo at sa tanging aming pathway palabas ay
isang Cyclops.

"Isang Cyclops.", sabi ni Nathan.

"You don't say.", seryoso kong bulong.

Naglakad papalapit sa amin ang Cyclops, nakangiti ito, may hawak siyang isang
napakalaking spear, naiimagine ko na magigi kaming BBQ ni Nathan. Parang may mighty
bond sa ilalim ng aming mga sapatos dahil hindi kami makagalaw. Parang gumagalaw
ang lupa sa bawat tapak ng Cyclops.
"Kilala kita!", nagsalita ang Cyclops. "Ikaw patay sa aking kapatid, si Roger!
Hindi kita mapapatawad! Wala na akong kalaro ng Peek-A-Boo dahil ayo! Patay mo
siya! Ngayon ikaw patay ko pati kaibigan mong amoy kambing!"

Inamoy ni Nathan ang sarili niya.

"Hey one eyed monster, isang all natural organic soap ang aking gamit. Hininga mo
lang ata ang mabaho."

"Tapang ka ah. Kain kita mamaya."

Iniswing ng Cyclops ang kanyang spear sa amin, hinawakan ko sa damit si Nathan at


agad siyang hinila pababa. Tumakbo kami. Ang Cyclops ay nasa aming likod,
kumakalabog ang bawa bagay.

Huminto ako ng makakita ako ng Fire Extinguisher sa may labas ng guardhouse, kinuha
ko ito at tinapat sa mukha ng Cyclops na patungo na sa amin. Inispray ko ito sa
kanyang mukha at siya'y naubo.

"Pweh! Baho!", iyak niya.

Naubos na ang Extinguisher pero parang walang epekto sa kanya, hinagis ko na lang
ito sa kanyang ulo. Napa"aray" siya.

"Aray! Mas malakas palo ko sa yo mamaya! Kain din kita!"

Sa hindi namin inaasahang pagkakataon ay hinampas niya ako ng kanyang kamay at


ako'y tumalsik. Kakaiba sa pakiramdam, halos masuka ko ang lamang loob ko noong
tumama ang kanyang backhand sa aking katawan, napakasakit at napakabigat. Lumipad
ako at humampas sa isang pader. Narinig kong sumisigaw si Nathan.

"Bitiwan mo ako! You vile beast!"

Nakita kong hawak na ng Cyclops sa kanyang dalawang dambuhalang kamay si Nathan.


"Haha! Amoy kambing ka talaga. Ikaw sarap. Ihawin kita, okay lang?"

Sumisipa sipa si Nathan. Tumayo ako para sumugod pero napahinto ako nang may
humarang na Harpy sa harap ko, nagscreech siya. May ilan ring Skeleton Warriors na
gumawa ng pabilog na porma sa paligid ko. Pinopoke nila ako ng kanilang espada at
mga axe. Ang Manticore ay gumawa ng magandang entrance mula sa isang basag na
bintana. Bumagsak din ito sa harap ko at nagsalita.

"Well, well. Cornered. Ang mortal na pinahahalagahan ng Big Three. Ano kayang
mararamdaman nila if we will rip you to shreds."

"Subukan niyo lang.", giit ko.

"Talaga? Unahin na kaya natin ang kaibigan mo."

Sumalyap ang Manticore sa Cyclops na ngumiti at hinigpitan ang kanyang grip kay
Nathan na napaiyak sa sakit.

"Ah! Ang bones ko!'

"TAMA NA!", sigaw ko, parang sasabog ang aking ugat sa leeg.

Rinig ko pa rin ang alarm ng school, ang apoy na tumutupok kung saan. Ang sigaw ng
mga Harpies, sigaw ng triumph. Nagsimula na. Marahil mas grabe pa ang nangyayari sa
labas ng school.

"Tapusin siya.", utos ng Manticore.

Napatalon ang Harpy sa saya, ang kanyang chicken feet ay unti unting umuusad
patungo sa akin.

"Hihihi. Lagot ka ngayon, magigi kang isang pellet! Ipaghihiganti ko lang naman ang
ilang mga kapatid kong pinatay mo noon!"

"Nararapat lang sa inyo yan. Mga halimaw! Halimaw."

"Aba!", nakita kong nanlaki ang mata ng Harpy. Hinawi niya ang kanyang claws (na
nagsisilbing kamay) sa aking mukha.

Mahapdi. Hinawakan ko ang aking pisngi, may mainit na liquid. Dugo.

"SUGOD!", sigaw ng Harpy.

"Hinde!", rinig ko si Nathan.

Ang mga Skeleton Warriors ay pasugod na sa akin, ilang inches na lang, ilang
segundo na lang ay sasaksak na sa akin ang kanilang mga armas...at magiging
katapusan ko na.

Pero tila hindi pa ata. Dahil may kakaibang nangyari. Pagsabog sa paligid ko.
Matinding ilaw. Narinig kong tumili ang Harpy. Dumilat ako mula sa pagkakapikit at
nakitang puno ng usok. Ang mga Skeleton Warriors ay sunog na at kalas kalas. Ang
Manticore ay nakabagsak, umuusok. At ang Harpy...well, isang friend chicken.

Mula sa usok ay lumabas ang tatlong pigura.

Ang isa ay may hawak na kumikinang na mahabang bagay, kuryente. Ang lightning bolt.

"Amber, ayos ka lang?"


Sa wakas. Nagstep-out si Zeus, hawak ang kanyang famous lightning bolt. Si Poseidon
ay seryoso ang mukha, mahigpit ang grip sa kanyang trident. At si Hades ay vigilant
na tumitingin sa paligid.

"Guardian!", determinadong tawag ni Poseidon.

"Zeus! Poseidon! Hades!", sigaw ko, puno ng pagasa.

Lumapit sila sa akin. Si Nathan ay sumisigaw pa rin, marahil hawak pa rin ng


Cyclops. Tumingin sa akin si Hades at nagsalita, grim.

"Amber, it's time for war."

Chapter 5 - I wrestle with a goddess

In a matter of seconds ay agad naubos ng Big Three (na nasa teenager form) ang
lahat ng monsters sa buong loob ng school. Nailigtas namin si Nathan mula sa
Cyclops. Happy na ang lahat! Wrong. Dahil mas maraming dumarating na Harpies, at
habang dumadami sila ay mas malalaki na ang kanilang mga dalang monsters. Isang
dosenang Harpies ang hirap na hirap na nagbagsak ng isang higante sa aming harapan.

Pinapunta ako ni Hades sa isang tabi, at sumunod na lang ako, akay akay ang half
unconcious na si Nathan, sino ba naman ang hindi halos mawalan ng ulirat kapag
pinisil ka ng isang Cyclops.

Masaya at siyempre nakakatakot na makita ang Big Three in action. Si Zeus ay


nagpriprito ng mga new arrivals na Skeleton Warriors. Si Hades ay mabilis, biglang
nawawala sa ere, siya'y nagbleblend sa mga anino, matapos ay sasaksakin niya ang
monsters gamit ang isang mahabang iron blade.

Isang pitik lang ni Hades ng kanyang daliri ay may mga ghouls at zombies na lumabas
mula sa lupa, upang kalabanin ang kanilang mga pinsan na Skeleton Warriors.

Si Poseidon ay ang mga higante naman ang tinira, ang ibang mga higante ay binalot
niya sa yelo. Ang iba ay binigyan niya ng isang napakasarap na mumog sa bibig. Ang
iba ay simple niya lang tinusok ng kanyang trident.

Nakita kong sumigaw si Zeus at lalong dumilim ang mga ulap, ZAAPPP! Napakaraming
stream ng boltahe ang bumagsak sa lupa, pinatay ang mga halimaw sa dark side.
Nagkaroon ng thunderstorm. Si Poseidon ay para namang isang fireman na nagiispray
ng maitinding tubig sa mga nagrarally. Ang mga higante, mga Skeleton Warriors at
mga dracnaes (mga babaeng ahas) ay tumitilampon sa kung saan-saan, may nagsurfing
pa nga eh.

Tinignan ko si Nathan at sinampal sampal siya.

"Nathan! Nathan! Gumising ka!"

"Ahhh...", nakita kong dumilat ang mata niya.

"Hindi ito panahon para matulog! Gumising ka na! Nasa panganib tayo!"

Nagimbal ako nang nakarinig ako ng pagsabog, pero hindi ito mula sa aming school.
Mula ito sa labas, sa city. Sa kung nasaan ang mga tao. Maraming tunog ng sirena
akong narinig: sa mga pulisya, mga ambulansya at firetrucks. Naku, hindi.

WHIRR! WHIRR! Tumigil na muna ako sa paggising kay Nathan, sumulyap ako sa langit
at nakita ang dalawang helicopters na umiikot ikot, malamang reporters o army. May
dalawang Harpies ang sumugod sa isang helicopter hanggang nawala na ito sa aking
paningin.

Patuloy pa rin ang courtyard apocalypse. Mas tumitindi ang laban. Hindi lang ito
basta isang laban, alam ko ito, kumakabog ang aking dibdib, simula pa lang ito.
Lutang ang aking pakiramdam, totoong giyera. Puro matinding ilaw, pagsabog at mga
iyak ang aking nakita at narinig. Tumingin ulit ako kay Nathan, paano ko siya
iaalis sa lugar na ito?

Teka, ang pamilya ko. Hindi maaari. Inabot ko ang bag ko, pero wala, naiwan ko sa
classroom dahil sa panic. Nandoon ang cellphone ko. Umiikot ang aking paningin, si
mama, ang aking buntis na mama at aking kapatid. Ang aking papa at mga step-
siblings, kailangan ko silang malayo sa gulo. Pwede kayang...pwede kaya sila sa
Olympus?

Sa tindi ng aking emosyon ay nakaramdam ako ng init sa aking loob, masakit.


Kailangan kong kumilos. Hindi na ako nakapagisip, sinampal ko na lamang si Nathan
at doon siya nagkamalay tao.

"Ah -- teka, anong nangyayari?"

"Nathan, ayos ka na ba?"

"What in the Greenpeace?", napansin kong nakatingin siya sa nangyayaring laban sa


likod ko lang.

"Kailangan mo nang umalis!"

"Saan ako pupunta?"

"Wala ka ba talagang mapupuntahan?"

"Wala! I support myself."

Napahinto ako. Somehow, nakikita ko ang sarili ko sa kanya. 3 years ago, nang ako'y
nakatira lang magisa. Noong mga panahong sinusuportahan ko ang aking sarili,
partially sa financial pero mostly sa emotional, then these Olympians came...

"Ano nang gagawin natin?", yun na lamang ang nasabi ko.

"Ano ba ang mga ito? Bakit puro monsters? Anong ginagawa niyo sa Earth?!", bulahaw
niya.

"Ito na ang katapusan. Simula na ng giyera."

"Ano?", pinilit niyang tumayo.

"Mahirap ipaliwanang. Gigiyerahin ang Olympus! Totoo ang Greek myth."

Hindi na siya nagsalita, nakatingin lang siya sa akin. Para bang ang mga nakikita
niyang laban at mga halimaw ay sapat na para maniwala siya sa akin. Dinampi ko ang
aking palad sa kanyang noo, baka sakaling inaaapoy siya ng lagnat, pero hindi.
Ginala ko ulit ang aking mga mata sa school grounds, ang mga bintana ng bawat
buildings ay basag basag na. Ang aming flagpole ay nakabagsak na. Nasusunog ang mga
coconut trees at iba pang mga puno.

Ang admin office ay winawasak ng mga Skeleton Warriors. Ang ibang Harpies ay
iniiscrape ang bubong nito, hanggang masira ito. Ang apoy ay unti unting lumalawak,
kinakain ang mga buildings. Naisip ko ang Arts Laboratory, ang aming mga canvas,
mga paintings...

"Ah skata!", napatingin ako kay Zeus na nagcurse. Umiilag siya sa mga sapak ng
isang higante. Si Hades naman ay pinalilibutan ng mga babaeng kalahating ahas, may
hawak silang mga espada at hinahagip sa kanya ito. Si Poseidon ay patuloy pa rin sa
pagburst ng tubig mula sa kanyang mga kamay.

Tubig. Alikabok. Apoy. Kidlat. Dugo.

Sama-sama. Hindi ito masarap sa pakiramdam. Tumayo ako at tinignan si Nathan na


pinapanuod pa rin ang kaganapan, hindi ko mapagtanto ang kanyang emosyon, basta
nanunuod lang siya tulala. Kailangan ko na bang tulungan ang Big Three? Pero paano
naman itong si Nathan?

Isang mabili na bagay ang dumaan sa aking tenga, pagtingin ko sa aking paanan ay
may isang pana na nakatusok sa semento, napakalakas nang tumira nito. Tumingin ako
sa itaas at nakita sa rooftop, ilang mga teenagers, naka Greek armor. Mga half-
bloods. Bakit kasama din sila sa side ni Hera? Kung gayong galit si Hera sa mga
half-bloods? Teka nga, wala na ba talagang pinipili si Hera, lahat na gagawin niya
para lang sa kanyang sarili? Ano bang motibo niya? Para makapaghigante?! Ang alam
ko lang ay tumungo siya sa dark side nang hindi siya ang piliin ni Paris, ang
maliit na dahilan lang na iyon! Naiinis ako, gusto kong makita si Hera at masuntok
siya sa mukha.

Tinulungan kong tumayo si Nathan, may isang ulo ng Skeleton Warrior ang gumulong sa
amin. May mga salaming tumalsik sa aming mga ulo. Pumasok kami sa loob ng isang
building at umupo sa isang hallway. Wala pang mga kalaban dito...sana.

"Nathan? Ayos ka lang ba?"

Tumango lang siya.

"Bakit parang tuliro ka?"

"Katapusan na ba talaga? Bakit suddenly ay umaatake ang mga nilalang na ito?"

"Mahirap nga ipaliwanag. Basta kita mo naman na totoo ang Greek myth, hindi ba? Ang
mga nasa dark side ay lumulusob na, matagal silang nagplano, nagipon"...bigla kong
naalala si Prometheus? Ang kanyang pagatake noon sa aming bayan, hindi kaya mga
panahon iyon ng unti-unting paglaki ng bilang ng mga kalaban? Tingin ko noon din ay
may plano na si Hera...

"Ang Earth! It's crumbling!", biglang nagsalita si Nathan. "Paano ang mga hayop?
Ang mga gubat? Baka masama sila!"

Naisip ko bigla ang aking madalas na panaginip...ang nasusunog na gubat.

"Nathan, mas matimbang ang humanity sa ngayon."

"Paano? Paanong naging mas matimbang ang humanity? Ilang decades! Ilang eons! Ilang
oras inabuso ang kalikasan! Tapos sa panahong ganito kakalimutan na lang natin
sila!", matapos ay huminahon siya at impit na nagsalita. "We just deserve this."

Napahinto ako. Talaga bang deserve namin ito? Pakiramdam ko ba kailangan akong
kumampi sa Big Three dahil kilala ko sila...at kaibigan? O dahil sila ang tama?
Gusto kong lumuha pero walang oras, patuloy pa rin ang init sa loob ng aking
katawan. Para akong nagkakaheartburn nang hardcore.
"Guardian!"

Napatingin ako sa dulo ng hallway, mula sa pinto ay pumasok ang Big Three,
disheveled, halatang galing sa giyera. Tagaktak ang kanilang mga pawis. Ang
kanilang mga damit ay butas at ripped. Pero wala silang sugat...dahilan na rin
siguro nang pagiging makapangyarihan nila.

Tumakbo sila sa amin, hinawakan ni Poseidon ang aking kamay. May pagsabog sa labas.

"Kailangan na nating umalis!", sabi ni Hades.

"Teka, ano?", tanong ko.

"Patungo sa Mount Olympus!", balik ni Poseidon.

"Ayoko mang aminin pero we're outnumbered. At mas marami pang lugar na kailangan ng
tulong. Nagsisimula na ang invasion sa buong mundo.", sabi ni Zeus.

Nanginig ako, may kung anong boses nang takot ang lumabas mula sa aking bibig.
Buong mundo?

"Pero...pero...wag kayo maoffend, pero gods kayo siguro isang pitik niyo lang ay
ubos na yang mga kalaban?!", sabi ko.

"We gods have limitations. At sabi ko nga, masyado silang marami...at nadadagdagan
pa. Sadyang may mga bagay na kailangang mangyari. We're powerful, yes. Pero
imposible ang sinasabi mo na isang pitik lang ay ubos sila. Kailangan din namin
nang gawa. Alam mo ba na hindi kami ang gumawa ng universe? Ang universe ang gumawa
sa amin, so, ang laws of nature pa rin ang masusunod.", paliwanag ni Hades.

Nakarinig kami ng hiyaw ng mga sama-samang halimaw. Nakakagimbal. Iba-ibang boses


nang mga otherworldy creatures. At papalapit na sila sa aming building.

"Kailangan na nating umalis!", iyak ni Poseidon. "Olympus needs us now!"

"Pero ang pamilya ko.", hindi ko maialis na i-bring up ito. Syempre, mas mahalaga
pa rin sila.

"Amber, kailangan na nating umalis. May magagawa tayo diyan. Isa pa, alam ko kung
sino ang mamamatay, sa pakiramdam ko ay ayos pa ang pamilya mo.", sabi ni Hades.

Tinulungan kong tumayo si Nathan. Nasa pinto na ang mga halimaw...closer.

Inispread ng tatlong gods ang kanilang mga kamay at pinagpatong patong ang mga ito,
para bang sila'y maglalaro ng taya-tayaan. Tinignan ko sila ng kakaiba.

"Amber! Weird boy! Ilagay niyo na ang kamay niyo!", utos ni Zeus.

"Pero! Magteteleport tayo patungong Olympus? Masusunog kami kasama niyo! Sa


kapangyarihan niyo!", iyak ko.

"Magtiwala ka, Amber.", bulong ni Hades.

Dinagdagan pa ito ni Zeus, "Proprotektahan ka namin."

Naassured ako. Nagtitiwala ako. Pinatong ko ang aking kamay. Sumunod si Nathan. At
ang tangi ko na lang naaalala ay sobrang tinding ilaw parang masusunog ang aking
mga mata...at ang battlecry ng minions ni Hera.
***

Pagkawala ng matinding ilaw at ang pakiramdam na parang ako'y mababali in half ay


dinilat ko na ang aking mga mata. Nasa throne room na kami ng Mount Olympus. Sa
tabi lang ng matinding bornfire sa gitna, ang hearth. Ang 13 Olympian seats (pang
13 si Hades) ay equidistant sa amin o bumubuo ng pormang pa C. Wala itong laman.

Magkakapatong pa rin ang aming mga kamay. Puno ng mga nilalang ang Olympus.
Nagbreak off kami sa paghahawak hawak ng kamay. Tumayo ng gumegewang gewang si
Nathan. Ang hapdi ng aking mukha, doon ko naalala na kinalmot pala ako ng pesteng
Harpy na iyon.

May mga minor gods na tumatakbo takbo sa loob ng napakalaking tahanan. Ang iba ay
may hawak na armas, ang iba ay may hawak na mga scrolls, malamang mga reports at
announcements. May ibang mga naguusap sa tabi. Napansin ko na lahat nang nandito ay
nakasuot ng golden Greek armor. Pero mas innovative ata. Mas edgy ang design, may
helmet na rin.

Hindi pa napapasok ang Olympus...at sana hindi na.

"Guardian Amber, we'll see you. May mga gagawin pa kami.", sabi ni Poseidon.

"Magiingat kayo. Babalik na muna ako ng Underworld. Si Persephone...at kailangan


kong icheck ang status ng army.", si Hades iyon.

Hinalikan lang ni Zeus ang aking noo.

"Salamat at hindi kami nasunog.", sabi ko.

Ngumiti lang sila. Matapos ay nawala na naman sila sa matinding ilaw.

"That was awesome!", sabi ni Nathan. "Pero teka, you told me pinsan mo sila?"

"Obviously, kasinungalingan iyon.", sagot ko.

Tinignan kami ng mga nilalang na nandoon. Nakita ko si Artemis at Apollo na


nagaargue, may hawak silang blueprint, malamang naguusap tungkol sa istratehiya.
Seryoso sila. Kakaibang makita ang maligalig na si Apollo na ganito kaserious.
Tumingin lang sa akin si Artemis, ang bow at quiver sa kanyang likod, at tumango sa
akin. May minouth siyang mga salita... "Good to see you."

Tumango ako sa kanya. Nakita ko rin si Demeter na nagteleport paalis, malamang may
gagawin din siya.

"Nasaan ba tayong lugar? Is this heaven?", tanong ni Nathan, tila nabalik na niya
ang sigla niya.

"Hindi. This is Olympus."

Pagtingin ko sa paligid ay parang nawala ang pagkaengrande nito dahil sa paparating


na panganib. Ang lahat ng mga tao at gods at creatures ay either takot, galit o
nakasimangot.

"Sa tingin ko dito na muna tayo.", sabi ko. Magsasalita pa sana ako nang napahinto
ako nga hiyaw.

Tumingin ako sa likod ko at nakita sila.


"Amber! Nandito ka!", isang matangkad na binatang blondie ang sumalubong sa akin.
NakaGreek armor siya. At ang fierce niya tignan. Tila tumagkad pa siya ng kaunti,
halos sa kili-kili na lang ako.

"Paris.", sabi ko. "Good to see you!"

Hindi na ako nagisip, agad ko siyang niyakap. Baka kasi huli na namin itong
pagkikita. Hindi natin alam.

"Oink!"

"Arf!"

Tumingin ako sa baba at nakita si Delphig, nakacustomized armor ang baboy. Mas
malaki na siya ngayon, at tila malungkot, dahil nga wala ang kanyang amo, si
Oracle. Si Laelaps ay nakacustomized armor din tulad ni Delphig, nagwhimper ito,
ang kanyang buntot ay pabalik-balik.

Tumigil ako sa pagyakap kay Paris at nakita ang mukha niyang sobrang pula. Natawa
na lang ako. Nagkneel ako at niyakap ang dalawa kong alaga. Well, kinoconsider ko
na silang alaga.

"Miss na miss ko na kayo! Ayos lang ba kayo?"

Si Paris ang sumagot, at bago siya sumagot ay umubo ubo siya. "Ah oo naman."

Ngumiti ako sa kanya.

"Akala ko ba kasama itong si Laelaps sa paghahanap kay Oracle?", tanong ko.

"Kasama din ako doon, pero wala kaming nahanap. Kailangan naming tumigil dahil mas
nagiging mapanganib.", paliwanag ni Paris.

"Oinkiee...", malungkot na iyak ni Delphig. Niyakap ko siya ulit.

"Makikita natin siya at makakabalik siya dito. Huwag kang magalala, Delphig."

"So, you're here.", sabi ng matining na boses.

Tumingin ako sa likod nila at nakita si Monsieur Picasso, nakasuot din ng armor ang
unano. Nakakatawa siya tignan, para bang isang mamahaling ceramic vase.

"Monsieur! Kanina ka pa diyan?"

Tila kanina pa nga siya diyan dahil naging pula ang kanyang mukha, malamang
natakpan nang matangkad na si Paris.

"Masaya akong makita ka ulit, Monsieur."

"Well, I don't!", hirit niya. Matapos ay umalis siya patungo sa isang hallway.

"Hayaan mo na tumatanda na eh.", sabi ni Paris.

Natawa ako. Matapos ay tumawa rin siya. Lumingon ako kay Nathan at nakita siyang
tameme sa aking likod, tila nagugulat siya at hindi niya kinakaya ito. Pinakilala
ko sila sa kanya at vice versa, naging maayos naman.

Tumitig ako kay Paris at nagtanong.


"Ikaw lang ba ang nandito?"

"Ah, hindi.", napakamot siya ng ulo. "Dinala ko ang buong army ng Troy, para rin
makatulong sa Olympus army."

"Teka, nasaan ba ang Olympus army?", tanong ko pa.

"Tayo. Ang iba ay nasa baba ng bundok. Doon sila nakaalerto, dahil paparating na
ang mga aatake.", sabi niya. "At ikaw, ang aming chief in command."

"Ano? Ako?"

"Oo, ikaw. At ngayon, kailangan mo nang magpalit at maghanda. Inday?", sigaw ni


Paris.

Dumating ang isang mukhang bored na babae, nakasuot ng chiton at nakaBeats by Dr.
Dre. Kilala ko siya, siya yung katulong doon sa kastilyo ng Troy! Dinala rin siya
ni Paris dito?

"Hey, wazzup.", pagbati niya.

"Ayos lang."

"You two. Follow me."

Nagpaalam ako kay Delphig, Laelaps at Paris at sinundan namin ni Nathan si Inday.
Dinala niya kami sa tig-isang kuwarto. Ang unang humiwalay ay si Nathan. Huminto
kami ni Inday sa isang pintuang gawa sa gold.

"Here. Ito ang pinakafabolous na kuwarto rito. Enjoy. Nakahanda na diyan ang
lahat."

"Salamat."

Hindi na siya nakasagot, dahil na rin siguro sa rock music sa kanayng tenga.
Naglakad siya paaalis na nagheheadbang. Lumunok ako at tinulak ang pintuang ajar.
Pagkapasok ko ay sobrang bango ng amoy. May isang mahinang classical music ang
tumutugtog mula sa isang record player. Ang kuwarto ay three times ng aming bahay.
May malaking bintana. May statues at mga paintings sa pader. Ang carpet ay mabango,
at halatang sobrang linis. Madaming pinto kung saan at may napakalaking kama. Sa
taas ng bedframe ay isang picture.

Si Zeus at Hera.

Hindi sila nakasimangot, hindi sila masaya. Para bang bored sila sa isang picture.
Nakatayo lang sila, suot ang kanilang armor. Napalunok ako sa sight ng picture ni
Hera. Ang uncomfortable. Ito ang kanilang kuwarto. Feeling ko ay napakalaki kong
outsider.

Tumingin pa ako sa ibang mga paintings at laking gulat ko sa nakita ko. Ang isang
painting ay may tatlong lalaking mga baby, inosente...naglalaro, nakangiti. Ang Big
Three. Kumirot ang aking puso. Sana ganito na lang ang lahat, inosente, cute. Sa
tabi ng painting na ito ay sila pa ring tatlo, malamang mga 8 years old na.
Nakasuot silang tatlo ng armor, si Hades at Zeus ay nakatitig sa isa't isa, ang
kanilang mga wooden swords ay nakatutok sa isa't isa. Si Poseidon ay nasa isang
tabi, nakawacky face.

Para itong timelime ng kanilang buhay. Dahil ang pangatlo at huling painting sa
hilera ay picture nila 3 years ago, alam ko iyon, dahil ganito ang kanilang itsura
nila na naaalala ko noong una naming pagkikita. Scarlet red ang buhok ni Hades,
nasa gitna siya at itim ang paligid ng mata, wala siyang emosyong nakatingin sa
"camera", si Zeus ay nakasimangot at nakalock ang mga arms. Si Poseidon ay ganoon
pa rin nakawacky face. Doon ko napagtanto kung gaano sila nagbago, sa mukha, sa
relasyon...sa kanilang mga emosyon.

"Reminiscing?"

"Ah!"

Napalingon ako at nakita ang isang matandang nakasuot ng emerald robe, kumikinang
ito. Meron siyang puti at mahabang beard na umaaabot na sa kanyang chest. Ang
kanyang mga mata ay tila nakita na ang lahat. Ang kanyang balat ay animo'y
natutunaw sa katandaan. Si Kronos.

"Kronos?"

"Ah, kumusta, Amber?"

Lumapit siya sa akin at niyakap ako ng mahinahon. Hindi ako nabastos. Para ko lang
siyang lolo. Matapos ay tumingin siya sa akin at hinaplos ang aking mukha.

"Ayos ba ang lahat sa iyo?"

"Oo naman po. Kayo po?"

"Mabuti naman. Nanghihina, oo. Pero ayos. Maayos."

"Tinitignan ko lang po ang mga litrato ng Big Three. Natatawa ako kung gaano na
sila nagbago."

"Yes. Alam ko iyan. At dahil iyan sa iyo, natulungan mo sila."

"Hindi ko po alam kung paano ko sila natulungan."

"Simple lang. Binigyan mo sila ng will upang mabuhay, upang magmove on, upang
umibig."

"Pero, hindi ko po alam ang nararamdaman ko sa kanila.", giit ko.

"Naiintidihan kita, Amber. At sa huli mararamdaman at maiintindihan mo rin kung


sino ba sila sa iyo. Kung bakit sila dumating sa buhay mo."

Naglakad siya at sinundan ko siya patungo sa bintana.

"Paano po kung makapasok ang kalaban gamit ang kalangitan?", mahinahon kong tanong.

"Don't worry, child.", umubo siya. "Sealed ng matinding magical barrier ang lugar.
Gawa iyan ng anak kong si Zeus."

Napatalon ako nang nakakita ako ng mga lumilipad na mga kulay sa ulap. Tinignan ko
nang maigi at nakitang mga kabayo ito, na may mga pakpak! Mga pegasus, may mga
nakasakay sa kanilang mga taong nakaarmor.

"Mga nagpapatrol.", sabi ni Kronos.

Tumingin siya sa akin, ang kanyang lamlam at lubog na mga mata ay parang may
gustong sabihin.

"Noon napakasama kong Ama. Nabulag ako nang kapangyarihan. Ginusto kong maangkin
ang lahat. Gusto kong walang papantay sa aking kapangyarihan. Walang magpapabagsak
sa akin. Kinain ko ang aking mga anak. Imposible? Hinde. Pero to tell you,
rheotircal lang iyon, inubos ko ang kapangyarihan ng aking mga anak, pinatay ko
sila. Hanggang si Rhea, ang aking pumanaw na na asawa ay itinago si Zeus. Paliwanag
niya na namatay ang bata nang siya'y nanganak. Pero hindi ko alam, lumalaki si
Zeus, gusto akong pabagsakin."

"At ano po ang nangyari?"

"At dumating ang Titanomachy. Ang giyera ng mga gods at ng mga Titans. Ang Great
War. Lumaki ngang malakas si Zeus. Nagawa niyang gumawa ng giyera laban sa akin at
sa isang pagkakataon ay napilitan akong ibalik lahat ng aking anak, pero hindi pa
rin nagtagumpay si Zeus! Natalo ko siya. Hindi tulad nang sinasabi ng mga myths.
Hindi napabagsak ang mga Titans ni Zeus. Kami mismo ang nagpabagsak sa aming mga
sarili. Unti-unti kong naramdaman ang katandaan, nagbago ang panahon, nawawala ang
kapangyarihan ng mga Titans...napapalitan ng mas bagong henerasyon...hanggang
kami'y nagtago, nawala, unti-unting napupunta na lamang sa likod. At doon nagreign
ang Olympians."

"Pwede po bang mawalan ng kapangyarihan ang gods? O Titans?"

"Certainly, child. Supreme beings kami, alam nating lahat iyan. Pero panahon at ang
lumang batas pa rin ng kalikasan ang magsasabi. Hanggang nawawala ang aming ambag
sa sibilisasyon, hanggang nawawala ang aming importansya...ay mawawala kami nang
tuluyan."

Katahimikan. Matapos ay hinaplos muli ni Kronos ang aking mukha.

"I'll see you, child. Alam kong magtatagumpay kayo sa giyerang ito. Nandito lamang
ako. Tutulong ako, siyempre.", tumawa siya at umubo pagkatapos. "Aaalis na ako,
alam kong maghahanda ka pa."

Paalis na siya nang tinawag ko siya.

"Salamat po."

"Salamat din."

At doon sa gintong pinto ay nawala siya. Naglakad ako patungo sa isang drawer kung
saan nakapatong ang aking mga gamit. Nandoon ang malamang Greek armor na aking
susuotin. Gold din ito, maganda, kumikinang kinang. Ang aking dagger ay nakita ko
rin, hinawakan ko ito at ngumiti. Sa tabi nito ay ang aking brown pouch, binuksan
ko ito at nakita ang mga vials at mga plastics na puno ng herbs, gamot, nectar at
ambrosia. Yes! At sa dulo ng drawer ay isang bow and arrows, gawa sa pirmeng kahoy.
Napangiti ako. Dagdag armas.

Huhubarin ko na sana ang aking damit para tumungo sa isang mainit na ligo nang may
isang boses na nagpahinto sa akin. Bumalik ba si Kronos? Pero hindi, boses ito ng
isang babae. Ito ang boses sa aking panaginip.

"Well, well."

Lumingon ako at nakita siya. Si Hera. Nakasuot din siya ng armor, ang kanyang buhok
ay nakapony-tail, exposed ang kanyang matigas at calculating na mukha. Para bang
hindi ito si Hera, malayo sa kanyang madalas suot na chiton at korona.
"Ang lakas din ng loob mo na tumungo sa aming kuwarto, disgrasyadang mortal!", tili
niya.

"Teka! Paano ka nakapasok dito?"

"Haha! Mga hunghang. Tila nakalimutan na Olympian pa rin ako at hindi tatalab ang
kanilang anti-teleportation barrier. Malakas ako at hindi ako mapapahinto ng
simpleng barrier. Masyado silang naging kampante, akala nila hindi na ako pupunta
rito!"

"Lumayo ka sa akin!"

"Ikaw ang dapat gumawa niyan! Kung lumayo ka noon pa ay hindi na magaganap ang
lahat ng ito! Sinira mo ang lahat!"

Tinaas ni Hera ang kanyang kamay at SPARK! May sumabog sa likod ko, parang paputok.
Agad akong gumulong sa lapag. Isa pa, may pumutok sa aking gilid, nabingi ako.
Tumayo ako at tumakbo, nakita ko ang pinto, kung tatakbo ako patungo roon ay
matatakasan ko siya at maaalerto ko ang lahat.

Nagsimula na akong tumakbo pero bago pa ako makalagpas ng ilang inches ay


tumilampon na ako, tumama ang aking likod sa pader, lumulutang ako. BANG! Bumangga
na naman ako sa pader, nakita ko si Hera na nakataas ang kamay, kinokontrol niya
ang katawan ko. Pinitik niya ang kamay niya at WOOSH! Lumipad ako patungo sa pader
patungo sa kanyang grip.

Sinakal niya ako, sobrang lakas niya, natataas niya ako, hawak lang ang aking leeg
na para akong isang helpless na kuting. Sinipa sipa ko ang aking mga paa sa ere.
Nachochoke na ako, unti-unti nang dumidilim ang aking paningin.

"Sisirain ko ang lahat. Panahon na para ako naman ang maghari! Para maayos ang
pamilyang ito! Hindi namin kailangan ng dugo mo!"

Iwinasiwas niya ako sa lapag, nahihilo ako. Nalalasahan ko ang metal, dugo ito na
galing sa aking ulo, dumagdag pa ang kalmot ng Harpy. Gumapang ako, kailangan kong
umabot sa pinto. Rinig ko si Hera.

"Matagal ko na itong plinaplano. Noon ay hindi pa ako seryoso, tinitignan ko,


minemeasure kung ano ba ang magiging outcome. Iba ang tingin sa akin ng pamilya ko,
nasa isa akong panira! Isa akong perfectionist?! Na isa akong demonyong maybahay!
Well, ito ang gusto nila, kaya ilalabas ko. Nagpatong patong ang bigat sa aking
puso. Kailangan ko lang ng revenge para sa lahat ng nangyari. Noong dumating ka
nasira lalo ang buhay ko. Inagaw mo ang lahat! Inagaw mo!"

Sinipa niya ako sa tagiliran. Napagulong ako, napahiga, kita ko ang kisameng parang
dumadagundong. Ang sunod kong nakita ay mukha ni Hera, nasa taas niya na ako.
Sinampal niya ako at siya'y tumawa.

"Hahahaha!", matapos ay naglabas siya ng isang dagger mula sa kanyang sheath.


"Amber, mathematics ba ako?"

"Ano...? Anong sinasabi mo?" at doon ko naisip na nakikipaglaro siya sa akin,


iniinis niya ako at kailangan kong sumakay. Makikipaglaro rin ako. "Bakit?"

"Kasi hirap na hirap sa akin! Haha! Sa akin ka babagsak!"

Ako naman ang nagsalita. Nilalaro laro ni Hera ang kutsilyo sa kanyang kamay.
"Ihi ka ba?"

"Bakit?", sabi niya, tumawa siya sarcastically.

"Amoy eh."

"The nerve!", umubo siya. "Anong pangarap mo, Amber?"

"Bakit?"

"Sisirain ko!"

Pilit kong umalis sa kanyang lock, natrapped niya na ako. Mabigat siya. Ang
kutsilyo ay dinadaan niya sa aking mukha. Kinakabahan ako na any moment ay isaksak
niya ito.

Pero hindi pa ako tapos makipaglaro. "Hera, asawa mo nga si Zeus?"

"Bakit?"

"Pareho kayo eh, mayabang!"

Hinawakan niya ang buhok ko at mas dinikit pa ang ulo ko sa malamig na lapag.

"Amber, Amber. Hindi mo alam ang sinira mo."

Sumigaw ako at dinuraan siya. Nadistract siya at gamit ang aking buong lakas ay
tinulak ko siya paalis sa akin. Nag half-run at half- crawl ako. Naramdaman kong
paparating na si Hera sa likod ko, sinakal niya ako mula sa likod at kami'y
bumagsak sa lapag. Umikot ikot kami, para kaming nagwrewrestling. Sinipa ko siya
papaalis sa akin pero nahawakan niya ang paa ko, nasa taas niya na naman ako, gamit
pa rin ang lakas na natitira sa akin, inalis ko na naman siya pero hindi siya
masyadong nadistract. Hinablot niya na naman ako at gumulong na naman kami,
pinipilit kong umalis sa kanya, sinasampal niya ako, sinusuntok. Mabilis kong
hinawakan nang mahigpit ang kanyang buhok at tinanggal ang ilan dito. Napahiyaw
siya sa sakit.
Nakatayo na rin ako, pagkalingon ko, patakbo na siya sa akin at SLAM! Bumangga siya
sa katawan ko at once again, nasa lapag na naman kami. Nahihilo na ako, paikot ikot
lang kami, nauubos na ang lakas ko. Minsan ay napin niya na naman ako sa ground,
nasa taas niya ako, binaba niya ang kutsilyo sa mukha ko pero nakailag ang ulo ko.
Lumaban ako, sinapak ko siya at siya'y nagsprawl sa lapag. Pero hindi pa tapos
bumagsak na naman siya sa katawan ko at this time ay nakatutok na ang kutsilyo sa
aking leeg, malalim ang kanyang dikit sa aking balat, kaunting galaw na lamang ay
magrurupture na ang aking mga ugat.

"Hindi na muna kita tatapusin, Amber. I want you to die a slow, painful death. See
you sa giyera. Oops, baka nga hindi na umabot doon eh. Alam ko na ang lokasyon ng
entrails ng Ophiotaurus, unahan na lang doon. At pakisabi sa aking asawa, I miss
him.", sabi niya.

"Get lost.", balik ko.

"Heh. See you..."

At ako'y bumagsak sa lapag. May mainit na sensasyon akong naramdaman mula sa aking
likod. May ilaw. Pagkalingon ko wala na siya. Dazed ako. Patuloy ang pagshower ng
dugo mula sa aking mga sugat. Pero kailangan kong maging matatag.

Tumayo ako, palimp ang aking lakad. Lumabas ako sa pinto, kailangan kong mahanap o
macontact man lang si Zeus o si Poseidon o si Hades.

Kailangan naming unahan si Hera.

Chapter 6 - Amalthea

Si Paris ang nakakita sa akin, halos pabagsak na ako sa lapag dahil sa aking mga
sugat, at sa hilong aking nararamdaman. Agad niya akong inakay at sinabing dadalhin
daw niya ako sa Infirmary ng Mount Olympus. Blurred lang ang nakikita ko, mabilis.
Kita ko ang mukha ni Paris habang sumisigaw sa akin.

"Amber! Amber, ayos ka lang?! Amber!"

Ang sunod ko na lamang naramdaman ay malambot sa aking likod. Kama. May iba pang
mga mukha akong nakita, si Nathan, si Monsieur, sila Laelaps, Delphig at ilang
taong hindi ko kilala. Nakatingin sila sa akin, may mga pagaalala sa kanilang mga
mukha. Hinawakan ko ang kamay ni Paris at nagsalita.

"Sila Zeus, ang Big Three...kailangan nilang maparito."

At ako'y nagblackout na.

***

Pagkagising ko ay mas maayos na ang aking pakiramdam. Mabilis akong nagsit-up sa


kamang aking hinihimlayan. Iginala ko ang aking mata sa paligid. Maraming kama,
hilehilera. At may napakalaking bintana. Walang tao. Malamang mga oras din akong
nakatulog. May mga nakarating na bang mga kalaban dito? Sana wala pa.

May kirot akong naramdaman sa aking lalamunan. Ang aking pamilya...napapabayaan ko


sila, ang kanilang kaligtasan. Mga ilang oras na rin noong nagsimula ang invasion.
Ano na ang nangyari sa kanila?!

Tinignan ko ang aking mga kamay at matapos ay ang iba ko pang parte ng mukha. Wala
nang mga sugat. Dinampi ko ang kamay ko sa aking mukha, wala na rin ang dugo at ang
kalmot ng Harpy. Masakit na lamang ang aking mga kalamnan, dahil siguro ito sa
pagatake sa akin ni Hera. Tumayo ako at tumungo sa pinto, bago ko pa mahawakan ang
door knob ay bumukas na ito nang magisa.

At bumungad sa akin ang mukha ni Zeus.

"Amber!"

Binalot niya ako ng kanyang mga yakap at tumama ang aking mukha sa kanyang dibdib.
Matapos ay inalog alog niya ako.

"Ayos ka lang ba? Anong ginawa sa iyo ni Hera?"

"Mabuti na ang kalagayan ko ngayon, Zeus. Tungkol kay Hera, wala na yun, tapos na."

"Pero --"

"Ang kailangan nating gawin ngayon ay unahan siya sa Ophiotaurus."

"GUARDIAN!", iyak ni Poseidon.

May nagshove kay Zeus pagilid at agad siyang nawala sa paningin ko, ang pumalit ay
si Poseidon, agad niya rin akong niyakap, may mainit na likidong tumutulo sa aking
balikat. Luha ni Poseidon.
"I hate Hera! Are you alright? Nang dumating sa amin ang balita ay agad naming
iniwan ang aming mga post at tumungo rito."

"Ayos na ako.", balik ko.

Habang niyayakap ako ni Poseidon ay nakita ko si Hades sa may pintuan, may lungkot
sa kanyang mga mata, para bang ineexpect na niyang mangyari ito. Pero ginawa niya
ang lahat para maglabas ng ngiti.

"Ayos ka na ba?", tanong niya.

"Oo, Hades."

Bumitaw na si Poseidon at tumingin siya sa akin.

"I will avenge you!"

"Poseidon --"

"Ako rin.", sabi ni Hades. "No offense, Zeus pero hindi na talaga maganda ang
ginagawa ng asawa mo."

Ngumiti si Zeus deviously.

"None taken. At isa pa, hindi ko na asawa si Hera at wala na akong pakialam sa
kanya. Ang kailangan lang natin gawin ngayon ay tapusin siya.", sa mga huling
kataga ni Zeus ay nakaramdam ako ng alinlangan, para bang pinipilipit ang kanyang
lalamunan. Asawa pa rin ni Zeus si Hera kahit anong mangyari...kahit anong
mangyari.

Napatingin ulit ako sa may pintuan at nakita ang isang itim na bagay sa balikat ni
Hades. Ngunit matapos ang ilang segundo ay napagtanto ko na hindi pala ito kung
anong bagay, buhok ito. Sumilip si Nathan.

"Nathan?"

Lumabas siya mula sa likuran ni Hades na napatingin din.

"Hey, Amber. You alright already?"

"Oo, Nathan."

"Good. I patched you up with herbs and some medicinal plants I found at the
garden.", balik niya.

"Garden?", tumingin ako kay Poseidon. "May garden ang Olympus? Parang puro semento
lang ang nandito ah."

"Meron. Artificial garden nga lang.", sabi ni Poseidon.

Biglang nagsalita si Nathan, "Yeah. Artifical. How bad.", tumingin tingin siya sa
amin. "Oh sige, Amber. Magpagaling ka."

"Umalis ka na nga dito! Hades, isara mo ang pinto! May paguusapan tayo!", sigaw ni
Zeus.

"Zeus, huwag ka ngang basto--"


Pinigil niya ako ng mahabang "shhhh..."

"Shut up, mortal. Hades?"

Tumango si Hades at tumingin kay Nathan, dahan dahan niyang sinara ang pinto at
nilock ito. Nilapat ko ang paningin ko kay Zeus na umupo sa isang higaan. Tumabi sa
kanya si Poseidon. Nagulat ako nang bahagya nang hawakan ni Hades ang balikat ko at
pinaupo ako sa kamang katabi nila Zeus. Umupo nga ako at umupo rin si Hades.

"Kumusta na?", bungad ko sa kanila.

"Ikaw ata ang kailangan naming tanungin niyan, mortal. Ano ba ang nangyari?"

"Mahabang kuwento. Actually, hindi naman talaga. Mabilis nga ang mga pangyayari eh.
Maghahanda na sana ako sa kuwarto niyo Zeus nang bigla akong inatake ni Hera. Para
kaming nagala WWE."

"Tingin ko mas kailangan pa nating patatagin ang barrier.", sambit ni Hades.

"Hanggang nanatiling Olympian si Hera ay maaari siyang makalabas masok dito. Pero
hindi imposible na pwede natin siyang pigilan gamit ang aming kapangyarihan.
Kailangan lang talagang madethrone siya.", paliwanag ni Zeus.

"Dethrone? Paano naman siya madedethrone?", tanong ko.

"Kung kusa siyang bababa sa kanyang trono. Through sworn oath spoken from her
mouth.", tugon ni Poseidon.

"Hindi naman natin siyang mapipilit, hindi ba?"

"Imposible iyon.", huminga nang malalim si Hades at nagsalita muli. "Ano ba ang
gusto ni Hera?"

Parang tumigil nang sandali ang aking puso. Nagyeyelo ang aking temperatura.
Pakiramdam ko ay binubugbog pa rin ako ni Hera. Tinignan ko sila isa isa.

"Gusto niya lang iparating na nahanap na niya ang lokasyon ng entrails ng


Ophiotaurus. At sa tono ng kanyang boses ay tila hindi siya nagsisinungaling.",
sabi ko, ang aking bawat salita ay may nginig.

"Kailangan na nating umalis ngayon. Tayong apat patungo sa Mount Aigaion" , may
dignidad na sabi ni Zeus.

"Saan? Mount Aigaion? Doon mo ba itinago ang entrails?"

"Oo. Kay Amalthea. Ang deity na nagpalaki sa akin."

"Teka nga, nagpalaki sa iyo? Hindi ko maintindihan."

Nagbuntong hininga si Zeus at tumingin sa akin. Mula sa bintana ay nakikita ko pa


rin ang mga lumilipad na mga pegasus, nakasakay sa kanila ang mga warriors na
nakaGreek armor, mga nagpapatrol. Malayo pa nga siguro sa amin ang mga kalaban.
Pero laganap sa labas ay laganap na ito...hindi lang sa Pilipinas o sa kinakatayuan
ng lugar na ito na Greece...pati na rin sa buong mundo.

"Noong mga panahon na 'kinain' ni Kronos ang aking mga kapatid ay tinago ako ng
aming inang si Rhea, upang ako'y hindi rin masama sa wrath ni Kronos. Itinago niya
ako sa isang bundok kung saan ako lumaki. Sa pangagalaga ni Amalthea, binigyan niya
ako ng lakas, tinuruan maging isang mandirigma...at maging isang god."

Habang naaalala ko ang "pagkain" ni Kronos sa kanyang mga anak at paghahari ng mga
Titans ay sumasakit ang aking ulo. Umiinit ang aking puso. Naiimagine ko ang dilim
ng mga panahong iyon, parang gusto kong umiyak sa takot. Hindi maaaring maulit ang
mga iyon.

"Tanong ko lang ah. Diba sagrado ang baka kay Hera?"

"So?", sabi ni Poseidon.

"Eh diba ang Ophiotaurus, kalahating baka? So kahit ang sagradong hayop sa kanya,
patay man ito o hindi ay babahiran niya ng kanyang kasamaan?"

BAG! Napatingin ako kay Zeus at nakitang nakabagsak ang kanyang kamao sa side table
ng kama, warak ang kahoy. Nagna-gnash ang ngipin ni Zeus. Nagsalita siya.

"Ganyan si Hera. Kahit ano ay kaya niyang sirain para sa sarili niya. Hindi niya
ginagawa ito dahil gusto niyang maging maayos ang lahat, upang maging pure ang
lahat, upang maging maganda ang sistema, ginagawa niya ito para sa kanyang sarili.
Selfish siya! Selfish!"

"Kuya Zeus, calm down. Mentos?", alok ni Poseidon.

Hindi na nagsalita si Zeus but as time pass by ay mas nagiging kalmado siya.
Tinanggal niya na rin ang kanyang kamay sa side table. Pero tila hindi pa tapos ang
aming paguusap dahil may siningit na naman si Hades.

"Tingin niyo oras na para idecipher natin ang prophecy?", sabi niya.

"Idecipher? May ilan akong teorya."

Tumingin sa akin si Hades.

"Kabisado mo pa ba?"

Umubo ubo ako at animo'y plinay ang boses ni Oracle sa aking isip at sinabi ko ang
propesiya.

"The home of the gods shall fall, until nothing's left except rubble. Three beings
will take the challenge, of something that will break their knowledge. The foe will
come from the same loins and someone will fall like coins. A startling revelation
might break them all. A new chess piece that will respond with the call."

Pagkatapos ay katahimikan lang ang nanaig. Parang may sariling mga mundo ang Big
Three, nagiisip sila, inaabsorb ang prophecy.

"Kahit si Apollo na god of the prophecies ay hindi maidecode ito.", piped in ni


Hades.

"Wala namang alam yang Apollo na iyan!", bulalas ni Zeus.

Gusto kong matawa dahil parang totoo. Pacool-cool si Apollo at tingin niya kaya
niyang gawin lahat. Pero pag nandyan na mismo ay nagbaback-out siya.

"The home of the gods shall fall, until nothing's left except rubble. Clearly, alam
na natin iyan, na may aatake sa Mount Olympus. Pero...shall fall? Until nothing's
left except rubble? ibig sabihin ba nito matatalo tayo?", teorya ni Hades.
"Pfft. Kalokohan! Barbero ba yang Oracle na iyan?", obviously si Zeus ito.

"Zeus!", hiyaw ko.

"Basta ang maganda ay gagawin na lang natin ang lahat to defend everything. Kung
hindi natin maligtas ang lahat ng tao ay at least mailigtas man lang natin ang
Olympus! Ang source ng lahat!", iyak ni Poseidon.

Doon nag-click sa isip ko ang aking pamilya. Determined ang mga gods na ito na
iligtas lahat, pero ang top priority pa rin nila ay ang Olympus at ang kanilang
buong pamilya.

Nagpatuloy si Hades.

"Three beings will take the challenge, of something that will break their
knowledge. Tingin ko ang three beings na iyon ay tayo."

"Huh? At anong challenge naman iyon? Na magbrebreak sa ating knowledge! How


gruesome!", sabi ni Poseidon.

"May kutob na ako diyan. Maaaring isa itong challenge kay Hera na maaaring
magpasira sa atin. Basta kahit anong mangyari, huwag kayong makikipagdeal kay Hera!
Kahit nga ang maliliit na bagay tulad nang kung sino ang maglilinis ng poopoo ni
Laelaps ay pinagdedealan pa namin.", giit ni Zeus.

"Pero paano kung ang challenge na iyon ay hindi naman specific? Paano kung ang
challenge na iyon ay ito mismo, ang kanilang invasion, ang kanilang pagsira sa
lahat? Technically ay kinuha niyo na ang challenge?!", singit ko.

"Eh anong gusto mo naming gawin? Pabayaan ang lahat? Kapag pinabayaan naman ang mga
mortal ay kami ang pagbubuntungan mo.", para akong sinampal ni Zeus.

"Anong sabi mo?", tatayo na sana ako para sipain siya pero hinawakan ni Hades ang
kamay ko.

"Hindi oras para sa mga kachildishan niyo.", sabi niya.

Napakagat na lang ako sa aking labi at cinontain ang aking sarili.

"Ehem. Let's continue. The foe will come from the same loins and someone will fall
like coins. Si Hera, ang foe, ay nanggaling mismo dito, sa loins. At someone will
fall like coins? Anong ibig sabihin noon?", nakatingin sa amin si Hades.

"May malalaglag na may tunog coins? Hindi ko gets!", sabi ni Poseidon.

"A startling revelation might break them all. A new chess piece that will respond
with the call.", pagtatapos ni Hades.

"Wala akong ideya.", sabi ni Zeus.

Gusto kong sumigaw ng "Kailan ka ba nagkaideya?!", but I knew better. Sinabi ko na


lang ang tingin ko.

"Masyadong general ang huling mga lines. Mahirap sabihin kung ano ang mga
mangyayari.", pero ang totoo ay may mga umiikot na sa aking utak na parang soup.
May mga kutob na rin ako. Pero mahirap pa rin sabihin.

"LET'S GO!", biglang tumayo si Poseidon.


"Amber, maghanda ka na. This time ay pababantayan na namin ang buong kuwarto. Do it
fast. Dahil aalis na tayo.", utos sa akin ni Hades.

Tumango ako at lalabas na sana nang may naalala ako na magpapainis kay Zeus. A
little payback naman sa mga inis na idinulot niya sa akin.

"Ah Zeus?"

Napatingala ang nakasimangot na god of the sky.

"Sabi ni Hera miss ka na daw niya."

"Tsk.", ang tanging sagot niya.

Tumalikod ako at ngumiti, hinawakan ko ang door knob at lumabas na ng Infirmary.


May apat na mga lalake ang sumalubong sa akin. Sila daw ang maghahatid sa akin sa
kuwarto kung saan ako magpapapalit. At ang isa sa mga lalake ay si Paris.
Binulungan ko siya.

"Kumusta na ba?"

"Ha? Ako? Okay lang naman ako. Nagsisimula akong magsulat ng libro. Yung mga
adventures natin noon. Tingin ko magandang - -"

"Ah. Paris. Kumusta na ba ang Olympus?"

Naging kulay rosas ang kanyang mga pisngi, matapos ay sinapok niya ang sarili niya.

"Ah. Ayos naman ang lahat. Nakaalerto pa rin ang buong army sa paanan ng bundok."

"Eh ang outside world?"

Nagpatuloy kami sa paglalakad. Kumaliwa kami at umakyat sa isang napakahabang


hagdanan.

"Patuloy pa rin ang invasion. Ang ibang Olympians ay pilit pinipigilan ito. May
namataang Sphinx sa Roxas Bouelvard. Ang Shanghai naman sa China ay inaatake ng mga
Harpies. Ang Malacanang ay puno na ng mga higante, ang Eiffel Tower, well,
napatumba na ng mga tropa ng mga Cyclops. Terible, Amber. Terible.", nanginig siya.
"Ah nandito na tayo."

Huminto kami. Tumingin ako sa kanya at nagpasalamat. Ibang kuwarto na ang aking
pinagpalitan. May dalawang babaeng guards ang nasa loob ng napakaengrandeng
kuwarto. Ang aking gamit: ang armor, bow and arrows, dagger at pouch ay nakalatag
sa kama.

Agad akong naligo at nagpalit na sa armor. Tama lang ang bigat at tila mas
naenhance nito ang aking agility. Nilagay ko ang dagger sa kanyang sheath, nilagay
ang pouch sa aking belt at pagkalagay na pagkalagay ko nito ay bigla itong nawala!
Nagpanic ako, kinapa ko ito at nahawakan ko. Ano bang nangyayari? Hinila ko ang
invisible pouch patanggal sa belt at nagappear na ito sa ere. Binalik ko ulit sa
belt at naging invisible siya. Gets ko na. Nagiging invisible ito pag nilagay sa
belt para sa proteksyon nito. Sinukbit ko ang quiver na puno ng golden arrows at
dinala ang ang aking bow at lumabas na ako ng kuwarto.

Pagkalabas ko ay dahan dahang lumapit sa akin si Paris. Ang ibang guards ay nasa
tabi pa rin.
"Amber, hinihintay ka nila Zeus sa may throne room."

"Salamat."

Palakad na sana ako nang marinig kong bumulong si Paris ng "Good luck." Lumingon
ako sa kanya at nilabas ang napakatamis kong ngiti.

"Salamat ulit, Paris. Nakakagaan ng loob."

Ngumiti siya na parang dinodoubt niya pa ang sinabi ko. Ginulo ko ang buhok niya at
naglakad na nga palayo, hindi na lumingon pa.

***

Pagkarating ko sa throne room ay para akong artistang hinihintay. Halos kumpulan


ang lahat ng inhabitants ng Olympus doon. Sa tabi ng hearth ay ang Big Three,
nakaarmor din. Makisig, kumikinang. Sila Monsieur, Laelaps, Delphig at ang sullen
na si Nathan ay nasa harap ng isang pillar, nanunuod. Ang ilang satyrs, centaurs,
nymphs ay mga warriors ay nanunuod din, tense. Nagbubulungan. Napansin kong walang
ibang Olympians rito o mga minor gods, malamang mga busy. Walang ingay akong tumabi
kay Hades na ngumiti sa akin.

"Amber."

"Hades."

Nang makita ako ni Zeus ay nagstep out ito at tumingin sa lahat nang nandoon. Si
Poseidon ay kumakaway-kaway sa akin. Napatalon ako sa bulahaw ng boses ni Zeus.

"Olympus Army! Isa lamang maliit na ekspedisyon ang aming tatahaking apat, pero sa
maliit na ekspedisyon ito maaaring nakasalalay ang fate ng Olympus. Huwag kayong
magalala, gagawin namin ang lahat. At kami'y babalik rin. Sa inyo namin pinapatong
ang panandaliang pagdepensa sa ating tahanan, ang Olympus."

Tumango ang Olympus Army at matapos ay naglabas ng napakalakas na palakpakan.


Ngumiti ako, ang sarap sa pakiramdam na naguunite ang lahat. Nagsasama para sa
kaayusan. Kaya namin ito, kaya namin.

"Bye! Alis na kami!", sigaw ni Poseidon.

Nakita ko si Kronos sa hindi kalayuan, pumapalakpak, tumango siya sa akin at


nagthumbs up na para bang "LIKE!" niya ang status ko. Nakita ko ring hinipan ni
Zeus ang hearth sa harap namin, tumatama sa amin ang warm na init na nagraradiate
mula rito. Matapos ng kanyang pagihip ay nagkaroon ito ng uwang, isang lagusan. Ito
ang aming gagamitin patungo kay Amalthea? Sa foster mom ni Zeus? Biglang
nagflashback sa akin ang paggamit ng hearth na ito bilang lagusan. Nostalgic.

Tumingin muli si Zeus sa paligid at matapos ay pumasok na sa loob ng hearth. Ilang


moments lang ay nilamon na rin ng apoy si Poseidon. Tinapik ni Hades ang balikat ko
at siya'y lumusot na rin sa apoy. Kumakabog ang aking puso, hindi namin alam ang
aming haharapin. Pwedeng isang batalyon ni Hera o ano pa man.

Naglakad ako, parang pinupunit ng init ang aking balat. Pumikit ako, rinig ko pa
rin ang cheers ng buong Olympus at ako'y nagdive na sa matinding init.

Pagkadilat ko ay parang gusto ko nang pumikit muli. Napakaliwanag. Nang magadjust


na ang aking mata ay nahanap ko ang sarili ko na nakatayo sa isang mabatong burol.
Kita ko ang napakagandang view sa paligid, ang mga puno, ang dagat, ang kalangitan.
Nasa Mount Aigaion na kami. Kakaiba, dahil sa valley na ito ay puro bato at lupa
lamang. Walang bulaklak o isang simpleng sprout ng halaman. Parang disyerto. May
umuusok pa nga galing sa lupa, para bang nasa isang volcanic island kami.

Nakita ko si Hades sa harap ko, si Poseidon at Zeus ay nauuna na. Tinaas ni Zeus
ang kamay niya at humiyaw.

"Hurry up!"

Tumakbo kami ni Hades, tinalunan ang mga bato, inapakan ang alikabok, hanggang
makarating na kami sa tabi ni Zeus at Poseidon. Madaling tinuro ni Zeus ang kanyang
kamay sa isang kuweba, hindi ito kalayuan, malamang mga tatlong minutong lakaran.
"Doon. Nandoon si Amalthea. Tara na."

Naglakad na nga kami, matindi ang pawis naming lahat. Kailangan naming bilisan sa
lahat ng aming makakaya. Matapos nga ang ilang minuto ay nakarating na kami sa loob
ng kuweba. Hindi naman ito kalakihan. Kasing laki lang ng isang sala. Pero parang
itong isang bahay. May upuan, mesa, kama, mga cabinet, mga gamit pang kusina at
kung anu-ano pa. Yari sa organic na bagay, straw, kahoy, bato. Parang probinsya.

At sa harapan namin ay isang babaeng parang sa lumang litrato mo lang makikita.


Auburn hair, nakasuot ng gray chiton, napakaganda ng balat, mamula mula pa. Ang
kakaiba lang sa kanya ay imbis na paa, ay may hooves siya. Teka, kalahating kambing
siya? Pero hindi naman siya completely mukhang satyr? Nagtratrabaho siya sa isang
higanteng mortar and pestle. Napahinto siya ng makita kami.

"Zeus. Alam kong magbabalik ka."

"Amalthea.", sambit lamang ni Zeus.

Binitawan niya ang kanyang ginagawa at lumapit kay Zeus. Niyakap niya ito, matapos
ay nagkatinginan sila ng matagal.

"Bakit kayo naparito?"

"Siguro nabalitaan mo na.", sabi lang ni Hades.

"Hmm. Oo, god of the Underworld. Kailangan niyong magmadali."

"Nasaan na ang entrails?", tanong ni Zeus.

Magsasalita pa sana si Amalthea nang manigas kami dahil sa isang matinding rumble
mula sa labas. Nagtataka akong sumilip sa labas ng kuweba at nagumbal sa aking
nasaksihan.

Isang army. Hindi namin army. Army na puno ng nakakatakot na mga nilalang. Ang army
na umatake sa amin sa school. Hindi naman sila karamihan pero menacing sila. At
lalo pa akong nagulat sa kung sino ang namumuno sa kanila.

Ang fire thief at dati naming nemesis, ang Titan na si Prometheus.


Previously...

Matapos ang isang atake sa kanilang university, si Amber at si Nathan ay tumungo sa


Olympus na naging kanilang refuge.

Naging pagkakataon ito ni Hera para mag-sneak in, bugbugin si Amber at sabihing
nahanap niya na ang lokasyon ng entrails ng Ophiotaurus.

Agad tumungo ang Big Three, kasama si Amber sa Mount Aigaion, kung nasaan si
Amalthea, ang foster mom ni Zeus at kung nasaan ang entrails.

Tapos, epal na dumating si Prometheus (na buhay ulit) at ang kanyang army.

Kanino kaya mapupunta ang entrails na maaring maging katapusan ng Olympus?

Chapter 7 - The moment I saw you cry

"Magmadali kayo!", hiyaw sa amin ni Amalthea.

Sinunod namin siya. Tumingin ako sa Big Three at sila'y tumango. Handa na, maabutan
man nila kami o hindi. CLOP! CLOP! Naglakad si Amalthea patungo sa isang chest,
binuksan niya ito at hinablot ang isang Ziploc bag at sa loob nito ay pulang laman.
Ang entrails ng Ophiotaurus!

Teka, nasa Ziploc bag? Ineexpect ko pa naman na nasa isang engrandeng jar o
ginintuang containter na kailangan mong sayawan para bumukas.

Pero ayos na ito, mas handy.

Lumapit si Amalthea kay Zeus. Rinig ko na ang kalabog ng mga nagdaratingan na army,
parang aluminum na kinakaskas sa semento. Nakakagimbal. Hinawakan ni Amalthea si
Zeus sa mukha.

"Magiingat kayo, anak kong Zeus. Malalagpasan niyo ito.", sabi niya gamit ang
kanyang napaka tranquil na boses, para bang hindi siya nagalit sa talang buhay
niya.

Tumango si Zeus at matapos ay hinalikan sa pisngi si Amalthea. Napalunok ako, tila


nga mahal ni Zeus itong foster mother niya. At dahil doon ay pumasok sa isip ko ang
aking mama, ang aking buong pamilya...pero agad ko silang sinipa paalis sa aking
utak, kailangan maging positibo ako.

"Huwag ka magalala. Gagawin namin ang lahat. Si Zeus ata ito, ang batang uminom ng
iyong sagradong gatas.", pagmamayabang ni Zeus.

Ngumiti na lang si Zeus. Umubo si Hades.

"Ayoko sana kayo guluhin pero kailangan na nating umalis dito. Zeus?", sabi niya.

Tumango si Zeus, buti naman hindi siya ngumanga para magbunganga kundi aabot itong
arrow sa aking bow patungo sa kanyang mga labi.

"Paano tayo aalis dito?", tanong ko.

"Simple lang. Ang fireplace. Magiging konektado ito sa hearth sa Olympus sa


simpleng pitik lang.", paliwanag ni Hades.

"Let's go.", impit na salita ni Poseidon.

Nagmadali naming sinamahan si Zeus at Amalthea na malapit sa fireplace. Napatalon


ako sa battlecry ng mga halimaw, malapit na sila...si Promtheus, nabuhay ulit siya?
Ang alam ko nasa Tartarus na siya.

Hawak na ni Zeus ang entrails na nasa Ziploc. Humarap kaming lahat sa fireplace,
tila nagiiba ang kulay na ito at lumalaki. Ayan na naman, ramdam ko na naman ang
init at halos pagpunit sa aking mukha.
Tumingin si Zeus kay Amalthea.

"Magiingat ka. Babalikan ka namin."

Ngumiti na lamang si Amalthea. Pumikit ako, handa nang malamon nang apoy nang
makarinig kami ng malamig na boses sa aming likuran.

"Walang aalis!"

Dumilat ako dahil nawala na ang init, pagkatingin ko sa fireplace ay abo at kahoy
na lamang ang nakita ko. Wala nang apoy. Lumingon ako at nakita ang Big Three na
nakatingin na rin sa Titan na nakapasok na sa kuweba, nakasakay siya sa isang
chariot, hawak niya ang reins ng mga kabayong pula ang mga mata at may matatalas na
ngipin.

Kumikinang ang balat ni Prometheus, nakasuot siya ng isang puting long sleeves,
slacks, boots at tila bagong gupit siya, ang problema lang para bang dinaanan ito
ng hindi makontrol na razor.

Sa puting gloves sa mga kamay ni Prometheus ay umiikot ikot ang apoy hanggang sa
mawala ito. Doon ko naalala, kaya niyang magconjure ng apoy at tinanggal niya ang
apoy ng fireplace bago pa kami makaalis.

Narinig kong pumigil nang tawa si Poseidon.

"Nice haircut.", bulong ni Zeus.

Tila namula si Prometheus.

"Hoy! Pakialam niyo ba sa buhok ko. Si Medusa may gawa niyan!", huminga siya ng
malalim.

"Anyway, long time no see, Big Three at Amber. Sa tingin niyo ba huli na nating
pagkikita yung halos, ano, three years ago?"

"Heh. Gusto mo bang maging agila ako ulit?", panakot ni Zeus.

Pero ngumiti lamang deviously si Prometheus. "Nang buhayin ako ni Hera, nagkaroon
ako ng therapy sessions with Hecate. Hindi na ako takot sa agila, Zeus. Wala nang
talab yan.

Nang pagkakataon na iyon ay dumating na ang halos isang dosenang army ni


Prometheus. May mga drakainas, empousais, hellhounds at asong sobrang laki. Meron
ding mga bear na may hawak na mga maso.

"Hindi mo ba kaming kayang harapin ng magisa? Kailangan mo pang magsama ng mga


pipityuging mga halimaw?", sabi ni Zeus.

"Tila mas lumaki ang ulo mo, Zeus. Magiingat ka baka sumabog yan."

"BOOM!", sabi ng isang drakaina.

"Basag siya!", dagdag pa ng isang harpy.

"Tsk!", galaiti ni Zeus.

Nakatayo lang kami doon, naghihintay, sa kung sino ang unang susugod. Pero tila may
ibang plans pa si Prometheus, mas gagawin niyang mahaba ito...mas agonizing...mas
mahirap.

Tumingin si Zeus sa entrails na nasa Ziploc bag.

"Hmm, well, it seems like naunahan niyo kami. Ang bagal kasi ng mga gunggong na
ito!", tumingin si Prometheus sa mga kampon niya.

May isang drakaina na bumulong. "At kami pa ah?"

Narinig ito ni Prometheus at naiinis na bumulong pabalik. "Lam mo yan."

Biglang nagsalita si Zeus.

"Kung sa tingin mo ibibigay namin itong entrails eh --"

Pero tila hindi papayag itong si Prometheus na maunahan.

"Zeus, alam ko iyon! Hindi lang dahil sa matigas ang ulo mo, kundi dahil may pride
pa kayo, hindi ba? Dignidad? Pfft. Anong magagawa ng dignidad niyo, kung gayong
alam naman nating lahat na in the end, kami ang magtatagumpay!"

"No, you won't!", hiyaw ni Poseidon.

"Poseidon...Poseidon...ganun ka pa rin ba kaisip-bata? Sa tingin mo may naitutulong


ka, wala? Lalo mo lamang pinapalala ang lahat dahil sa pagiging childish mo. Isa
kang annoying, spoiled brat!", sabi ni Prometheus.

Nakita kong napagalaw nang hindi komportable si Poseidon. Hindi ko mapapalampas


ito.

"Diyan ka naman magaling, Prometheus! Sa satsat! Bakit hindi mo na lang patunayan?!


Pag sinunog niya ang entrails ay kayo rin ang mahuhulog sa sarili niyong mga bitag.
Mamatay si Hera, katulad ng ibang Olympians.", pasok ko.

Kumikinang ang mga mata ni Prometheus nang tumingin ito sa akin, ang kanyang ngiti
ay facework, sarcastic, nakakainis.

"May paraan si Hera, once na manalo kami ay hindi na siya magiging Olympian, gagawa
siya ng bagong sibilisasyon! A new age! At mortal, nakakabiglang nandito ka pa rin.
Kasama ang Big Three! Espesyal na espesyal sa kanila! Tingin mo anong nararamdaman
ng mga half bloods na hindi pinapansin! Na wala silang pakialam!"

Napatingin ako sa isang batang kahoy ang kulay ng buhok, mestizo, European siguro.
Half blood ito, na nasa side nila Hera. Nginitian ako nito ng ngiting parang gusto
niyang ibaon ang kanyang sword sa akin. Unti-unti kong ni-load ang aking bow.

Pinakiramdaman ko ang dagger ko sa aking sheath. Napatingin ako sa mg gods, anak


kaya ng isa sa kanila ang batang nandito?

Tama nga siguro sila, hindi ko deserve na mapasama dito. Ano ba ako? Isang mere
mortal na binibigyan ng pabor ng mga gods? Dahil ba mahal nila ako? Pero ang
kanilang mga anak...bakit napunta sa maling daan? Hindi ba nila sila mahal? Mas
pinili nila ako? AHHH! Hindi ko na alam ang aking iisipin!

Nabasag ang aking iniisip nang marinig ko ang kalmadong, parang gitarang tinig ni
Amalthea.

"Titan at iyong mga kampon. Inuutusan ko kayong maglaho mula sa aking kuweba! Mula
sa Mount Aigaion!"
Malamig na tawa ang natanggap namin kay Prometheus, sumunod din ang tawa ng mga
kabayo niya sa chariot at ng kanyang army. Kating-kati na akong gamitin itong bow
and arrow na ito.

"At bakit? Sino ba ang pinagmamalaki mo, Amalthea? Ang foster son mong si Zeus?
Hunghang! Hindi mo alam nagpalaki ka ng isang arogante, malaking ulo at puno ng
kayabangan na isang nilalang? Inubos mo ang pagod mo para palakihin ang isang tulad
niya!", pangungutya ni Prometheus.

Hindi ko maiwasang tumingin kay Zeus na parang napupuno na ng kuryente sa katawan


dahil sa galit. Napalunok si Amalthea at nagstep forward.

"Wala akong pakialam kung ano man ang sabihin mo, magnanakaw. Teritoryo ko ito at
bilang isang 'matalinong' nilalang na gaya mo, siguro alam mo naman ang ancient
laws patungkol sa mga limitasyon, hindi ba?", balik ni Amalthea.

"Haha!", bumaba si Prometheus mula sa karwahe, inalalayan siya ng isang Skeleton


Warrior. Naglakad lakad ang Titan at animo'y naguunat-unat. "Limitasyon? Teritoryo?
Tingin mo nasa isip pa rin namin yan sa panahong ito? Panahon na ng invasion!
Katapusan na!"

Tumawa muli si Prometheus, para kaming mga clown na makita niya lang eh hahalakhak
siya. Habang siya'y nanginginig dahil sa tawa ay hinawi niya ang kaliwa niyang
kamay sa ere at animo'y nagkaroon ng isang monitor na gawa sa hamog ang lumabas.

"Tignan niyo kung gaano na kami nananalo! Tignan niyo ang progreso! Sandali na
lamang ay maabot na namin ang mumunti niyong Mount Olympus!"

Tinutukan ko ang lumalabas mula rito: apoy, mga taong tumatakbo, mga halimaw, mga
lumuluhang mga magulang, mga bangkay...ang pagkawala ng buhay. Nakita ko ang mga
Harpy na dumadagit ng mga inosenteng mga tao. May army, nagpapaputok ang mga
sundalo sa mga halimaw na umaatake.

Nakita ko rin ang iba't ibang cities ng mundo, ang London ay punong puno ng
Skeleton Warriors, may mga pagsabog. Ang mga streets ng New York ay halos wala nang
laman, may mga naglalakihang reptiles ang mga gumagala, may mga sigawan, chaos.

Tumigil nang sandali ang aking puso. Ang aking pamilya...siguro naman pwede akong
magpadala ng isang minor god para hanapin at gawin silang ligtas...pero sa dami ng
tao sa mundo...magiging makasarili ba ako?

Hinawi muli ni Prometheus ang kanyang kamay at nawala na ang mga imahe.

"Nakita niyo na naman siguro na hindi niyo na kami mapipiglan. So, bakit hindi niyo
pa ibigay ang entrails para matapos na ang paghihirap niyo?", giit ni Prometheus.

"Over our immortal bodies.", hirit ni Poseidon.

"Oh really? Tignan natin kung gaano kayo ka-immortal.", balik naman ni Prometheus.

Ang sunod ko na lamang namalayan ay pagsigaw ng isang babae. Pagtingin ko kay


Amalthea ay nakabagsak na siya, isang higanteng aso ang nakadagan sa kanya, may
dugo sa paligid...

"HINDI!!!!!", sigaw ni Zeus.

Lumabas ang lightning bolt sa kanyang kamay at agad niyang kinuryente ang aso na
humiyaw at bumagsak. Nakahandusay si Amalthea, mahina ngunit buhay pa.

"Hindi, hindi.", dumapa si Zeus kay Amalthea. Matapos ay tumingin siya kay
Prometheus. "Pagbabayaran mo ito!"

"Heh." ang tanging lumabas mula sa bibig ni Prometheus.

Tinapat ni Zeus ang kanyang lightning bolt, nakita ko ang kuryenteng bumulusok
patungo kay Prometheus, agad umilag ang Titan at ang chariot ang natamaan.

"YAAAH!", hiyaw ng army ni Prometheus.

Sumugod sila, binagsak ang mga mesa at halos sirain ang lapag ng kweba. Nilabas ni
Poseidon ang kanyang trident at si Hades ay hawak na ang kanyang itim na dagger.
Right in the corner of my eye ay nakita ko si Zeus at Prometheus na nagduduel, apoy
laban sa kidlat.

Binitawan ko ang string ng aking bow at pinanuod ang isang Harpy na bumagsak at
umiyak sa sakit dahil sa arrow na tumama sa kanyang dibdib. Si Poseidon ay
pinupugutan ang mga Skeleton Warriors gamit ang kanyang trident. May pasugod na mga
babae at lalaking may mga pangil at katutwang pares ng mga binti, ang isa ay metal
ang isa ay hairy na parang sa satyr: mga empousais. Isang slash lang ni Hades gamit
ang kanyang dagger ay ubos ang empousais.

Nagsomersault si Hades, bumagsak sa likod ng isang hellhound, tumakbo siya ng


panandalian dito. Napaiyak sa inis ang hellhound, bumagsak si Hades sa lapag at
sinaksak ang hellhound sa jaw. Lumabas ang tip ng blade sa ulunan nito.

"AAAAH!"

Pagtingin ko sa gilid ko ay nakita ko ang half blood na nasa army. Imbis na ulo ko
ang tamaan ng kanyang espada ay sa bow ko bumaon ang blade. Tinanggal ko ang bow ko
at umurong ng kaunti.

Hinablot ko ang aing dagger at tinutok ito sa kanya. Sumugod siya, hinahawi hawi
ang espada sa akin pero umuurong lang ako at tumatalon.

May pagsabog sa aking kaliwa, parang nabasag ang aking eardrum. Sumaksak muli ang
half blood at sa pagkakataong ito ay nakaramdam ako nang isang paguhit na sensasyon
sa kamay. Pagtingin ko ay duguan na ang aking palad, natamaan niya ang kamay kong
may hawak ng bow.

"KATAPUSAN MO NA! HINDI KA NARARAPAT NA MABUHAY!", iyak ng half blood.

Pero bago pa siya maka-advance ay mabilis akong kumilos. Kailangan kong protektahan
ang aking sarili. Kahit masakit ang aking kamay ay umabot ako ng arrow, niload ang
aking bow at nagfire.

Ang arrow ay tumusok sa kanyang tuhod.

Napaiyak siya sa sakit at bumagsak sa lapag. Mabilis ko namang sinipa ang espada
niya paalis sa kanyang kamay.

"Hindi...pagsisisihan mo ito...mortal...humanda ka...argh!", bulong ng binata.

"Pasensya na. Ikaw ang pumili ng maling landas kaya wala akong pananagutan."

Hindi na siya sumagot.


"Walang gagalaw!", sigaw ni Prometheus.

Napatingin ako sa gitna ng kuweba. Pumipiglas si Poseidon sa grip ni Prometheus,


may kutsilyong nakatutok sa kanyang leeg. At may nakabalot sa kamay ni Poseidon,
kadena, pero hindi ito basta kadena, kumikinang ito. Tila isa itong kadenang
napakahirap kalasin.

Si Zeus ay nasa isang gilid, hinihingal, hawak ang kanyang lightning bolt.

Si Hades ay pinakawalan ang isang Harpy na tinututukan niya ng kanyang dagger.

"Walang gagalaw o lalaslasin ko ang leeg nito!"

"Kuya...kuya Zeus...", sakal na sabi ni Poseidon.

"Ang kutsilyong ito ay ginawang perpektosa forges ni Oceanus at nilublob sa


katubigan ng Lemnos! Hindi ito basta basta! Kaya ibigay niyo ang entrails kung ayaw
niyong mabawasan ang Big Three!"

"Kuya Zeus, kahit anong mangyari, huwag niyong ibibigay!", iyak ni Poseidon.

Lumapit ako kay Hades at tumingin siya sa akin, tahimik lamang kami. Pinanuod namin
si Zeus na hawak ang Ziploc bag, nanginginig siya at matindi ang pawis.

"Kung ibibigay ko ba ang entrails na ito ay ibabalik mo si Poseidon?", dahan dahan


at pinong tanong ni Zeus.

"Oh certainly yes, tumutupad ako sa usapan. Ngayon, ihand over mo na ang entrails
at

ibibigay ko sa inyo ang earthshaker na ito.", sabi naman ni Prometheus.

"Kuya Zeus! Huwag! Mas mabuti nang masakripisyo ako kaysa ang buong Olympus. At
mahirap akong mamatay! Isa akong imortal!"

"Hmm? Talaga lang ah? Hindi mo pa nakikita ang kakayahan ko! At ang darating pa sa
inyong mga Olympians!", panakot ni Prometheus.

"Kuya Zeus, kuya Hades, guardian Amber, kahit anong mangyari. Magiging maayos lang
ako! Umalis na kayo!"

"Tahimik!", mas hinigpitan ni Prometheus ang hawak niya at mas nilapitan ang
kutsilyo.

Wala akong masabi. Tumingin sa amin si Zeus, umiwas ako ng tingin.

"Umalis na kayo! UMALIS NA KAYO!", pagmamakaawa ni Poseidon.

"Babalikan ka namin.", tanging sabi ni Zeus na mabilis na dumapa para halikan si


Amalthea, napasin kong may sugat siya sa leeg, ang kagat ng halimaw. At tila wala
na siyang buhay...

Sinilaban ni Zeus ang fireplace gamit ang kanyang lightning bolt.

"Mga duwag! Duwag! Good luck sa mga plano ninyo. Hayaan niyo lamang sila umalis.",
sabi ni

Prometheus.
"Alis na!!!", sigaw ni Poseidon.

Hindi na ako lumingon. Hinawakan ni Hades ang kamay ko. Umiling iling si Zeus na
pumasok sa apoy. Sumunod na kami at ang huli kong narinig ay ang pagmamakaawa ni
Poseidon na iwanan na siya.

Gumugulong akong bumalik sa Olympus. Pagkatingin ko sa paligid ay nakatayo si


Hades, nakatingin kay Zeus na hinagis ang entrails sa makinang na floor ng throne
room. Bumukas ang Ziploc at tumulo ang dugo at tumalsik ang lamang loob.

"Dahil sa walang kwentang lamang loob na iyan!"

Dumapa si Zeus at gusto kong umiyak dahil umiiyak na rin siya, humahagulgol, hindi
niya na mapigilan ito. Ang kanyang mukha ay nakahandusay na sa lapag, ang luha niya
ay walang tigil ang pagdaloy.

Tila ang pagluha niya ay may kasabay na mga hikbi. Parang iyak ng isang bata.
Namalayan ko na lamang na foggy na ang paningin ko at naiyak na rin ako.

Tumungo si Hades sa kanya at inalo alo siya, hinihimas ang kanyang likod.

"Hindi ko na kaya ang responsibilidad na ito! Hindi ko na kayang gawin ang kahit
ano! Pa--pagod na ako!", humagulgol siya.

Nababasag ang puso kong makita siyang ganito. Ang isang matapang, matikas na
nilalang na tulad ni Zeus, umiiyak ng ganito.

"Wasak na ang pamilya ko. Si Amalthea...si Poseidon..."

Tumayo ako at nilapitan siya. Tinaas ko ang mukha niya, ang kanyang mga mata ay
mugto, ang luha ay dumadaloy, halos may sipon pa nga ang leader ng mga Olympians na
ito. Hinalikan ko siya sa pisngi. Nagbigay nang mababa ngunit masayang ngiti si
Hades. Si Zeus ay nakatingin lang sa akin, humuhikbi.

"Kaya natin ito, Zeus."

Umeecho ang aking boses sa walang laman na throne room. Teka, tila ang buong
palasyo ay walang nilalang. Nasaan na sila? Mga yabag ang nagpahinto sa amin.

"Punasan mo ang luha mo. Gusto mong makita ka nilag ganyan?", sabi ko kay Zeus.
Parang may sipon siyang sumagot, "Shut up, mortal."

Mula sa isang pillar ay lumabas si Paris, halatang nagmamadali siya, hinahabol ang
hininga.

"Nandito na sila. Sa dagat at sa mga ulap. Malapit na sila! Ang army ni Hera!"

Chapter 8 - Panic

Parang nagdilim ang mga ulap dahil sa mga pilit bumabasag sa barrier. Nagmamadali
kaming lumabas ng Mount Olympus, papunta sa brick stairs. Ang mga nagpapatrol na
nakasakay sa mga pegasus ay mas mabilis na ang lipad.

"Invaders!" sigaw ng iba.

Walang tigil ang pagtunog ng Olympus alarm, parang may napakalaking panganib ang
parating. Parang may humingang malamig sa aking batok.
Mga harpy ang pilit bumabangga sa barrier ngunit bumabanda lamang sila at
nasusunog. Hindi lamang mga harpy, merong mga uwak at paniki na kasing laki ng
dyip. Masakit sa tenga ang kanilang mga iyak, gustong makapasok ngunit napipigilan
sila ng magical barrier. Sinundan naming tatlo si Paris pababa ng stairs, si Hades
ay inilabas ang kanyang dagger at si Zeus ay hawak na ang kanyang lightning bolt.

"Kumusta ang army? On-set ba ang lahat?", tanong ni Hades.

"Yes, sir!", sigaw ni Paris.

Napappikit ako at napakagat ng labi, nandito na sila, pipilitin nilang makapasok


pero tila wala pa dito ang aking isip, na kay Poseidon pa. Nasa kalaban siya. Ang
tangi ko lang iniisip ay makukuha namin siya or better yet, makakatakas siya.
Malakas siya at matapang.

Lumingon ako kay Zeus, pula ang kanyang ilong at mugto ang mata pero other than
that ay tila handa na siya to kick some monster-butt.

"Kailangan na nating tawagin ang ibang Olympians!", sabi ni Hades kay Zeus.
Papalapit na kami nang paplapit sa paanan ng bundok.

"Hindi lahat makakarating. Busy rin ang lahat makipaglaban sa ibang dako ng mundo.
Kakayanin natin ito. Kasama niyo si Zeus." sabi niya.

"Si Zeus na iyakin?", hirit ko.

Namula si Zeus.

"Hoy, aba!"

"Ano?", nalilitong tanong ni Paris.

"Wala. Inside joke.", tugon ni Hades.

Napalunok si Paris. "Inside joke", siguro pakiramdam niya ay outsider siya.

"Tama na ang satsat. Humanda na tayo.", sabi ni Zeus.

Nagpatuloy kami sa pagbaba ng hagdan, nagmamadali, sumilip ako sa baba pero


nahaharangan pa ito ng hamog at ulap. Ano na kayang nangyayari? Nakapasok na ba ang
kalaban? Pero hindi naman sira ang barrier dito sa taas so obvious lang na hindi pa
rin sira ang nasa baba.

Dinama ko ang dagger sa aking sheath na nasa belt at plinuck ang string ng aking
bow, chinecheck ito. Ako ay nakasuot ng armor pero si Hades at Zeus ay normal
clothes lang, tila ang kanilang pagiging malakas ang kanilang tanging Kevlar.

Habang pababa ay tinignan ko ulit si Zeus, sa kanyang pagiging seryoso ay nagtatago


ang isang napakaemosyonal na tao. At lumabas iyon kanina. Si Amalthea...bakit
ngayon ko lang nalaman ang tungkol sa kanya? Nawala rin siya nang bigla! Wala akong
oras para kilalanin siya! Napakamalihim ni Zeus...lalo na pagdating sa family
matters. Doon ko rin naalala si Hera, mabuti na lamang at nasa amin na ang entrails
ng Ophiotaurus (tinago namin ito sa isang sagrado at puno ng magic na vault).

Ilang minuto pa ay nakikita ko na ang dulo ng hagdan, ang lupa.

"Dali! Dali!", ang sigaw ni Zeus.

Bumagsak kaming lahat sa may marketplace, pero tila hindi na ito marketplacce,
naging kampo na ito. Ang pinakamalaking kampo ng army na makikita mo. Tumingin ako
sa paligid, ang gubat, ang parang nagagambalang gubat, may mga hiyaw ng mga hayop
at nagliliparan ang mga ibon. Tumingala muli ako at sa slits ng mga ulap ay
sumisilip ang istraktura ng Mount Olympus.

Puno ng mga tent sa dating marketplace at hindi lang ito basta basta mga tent,
malalaki ito. May mga torches sa gilid kahit maliwanag pa. Puno ng mesa sa paligid,
dito ay nakahimlay ang mga scrolls, blueprints at mga reports. Wala nang laman ang
marketplace.

"Nandoon na ang lahat sa dock.", habol na sabi ni Paris.

Tumakbo kaming apat nang mabilis. Pagkarating namin sa napakalaking beach ay


nandoon na ang napakalaki ring Olympian Army. Nakahilera ang lahat, may hawak na
spears at shields. May mga ginawang watchtower sa mga gilid at mayroon doong mga
taong may hawak na bows and arrows. Pati mga satyrs, centaurs at mababait na harpy
ay handa na ring gumiyera.

"Ito na ba ang army?", tanong ko.

"Hindi. Paikot ang army sa isla. Bawat beach ay may halos isang daan na
mandirigma.", paliwanag ni Hades.

Wow. Ngayon ko lamang nakita at nalaman ito. Paikot sa isla ay bawat tropa ng
warriors? Siguro nga may malaki kaming tsansa.

Sa harapan ng daang warriors ay may sumisigaw na lalake. At napanganga ako, si


Monsieur Picasso? Teka, diba unano siya pero tila natatangkaran niya na ang bawat
isa?

"Maghanda! We don't need puny warriors here! Take heart, be brave! This is it!",
sabi ni Monsieur.

Nang makita ako ni Monsieur ay agad niya kaming tinawag. Napakalinaw ng mata niya
dahil nasa dulong dulo kami.

"Oh finally, nandito na sila. Ang tagal ah! Halika kayo dito!"

Tumango ako at sinundan si Hades at Zeus, dumaan kami sa gilid ng mga nakapilang
mga warriors. Halos mga bata pa ang mga nandito. May ilan ding minor gods at
satyrs. May isang batang lalake akong nakita, pamilyar siya dahil nakita ko siya
noon nang last na punta ko dito sa Olympus. 10 years old lang ata siya and yet,
sasabak siya sa giyera? Umikot ang aking tiyan.

Nang makarating kami sa harapan ay halos matawa ako, pero alam kong inappropriate
ito sa sitwasyon. Kaya pala tila matangkad si Monsieur ay dahil nakasampa siya kay
Laelaps na nakasampa rin kay Delphig. What a scene.

"May masasabi ka ba, Amber? Isa ka sa mga leader dito!", sabi sa akin ni Monsieur.
"Hurry, girl."

Lumingon ako sa may dagat, sa may dock. Pero tila wala pang paparating na kalaban
pero ang kalangitan ay pinuputakte na ng mga kalaban.

"Nasaan na ba ang kalaban? Ano ang kanilang lokasyon sa dagat?", tanong ko,
nagstep-in sa harap.

Parang sasabog ako sa pula. May stage fright ata ako dahil napakaraming nakatingin
sa akin.

"Limang minuto ay maaninag na natin sila. Nakasakay sa kanilang mga sasakyang


pandagat." Wow. Lalim ng tagalog ni Monsieur, ganito ba siya pag nahaharap sa
giyera.

"Paano ang Olympus? Paano kapag unang nasira ang barrier sa itaas? Paano natin
dedepensahan iyon? At sino ang nagbabantay sa ibang army sa ibang parte ng isla?"

Nagsalita si Paris, "May army na rin tayo sa bubungan ng Olympus pero hindi ito
sapat. Magpapadala na rin kami ng army para bantayan ang loob nito. Ang ibang mga
parte ng isla ay binabantayan nina Hypnos, Aeolus at iba pang minor gods."

Tumingin ako sa mga sasabak sa giyera. At binuka ang aking bibig.

"Sa totoo lamang ay pangatlong beses ko pa lamang itong sasabak sa giyera, ang una
ay hindi pa makokonsiderang giyera, isa lamang itong maliit na banggaan sa isang
maliit na construction site. Ang pangalawa ay sa Trojan war, maaaring narinig niyo
na ang tungkol rito pero hindi rin naman ako masyadong lumaban roon. Kaya...kaya
hindi ko alam ang sasabihin ko. Tapangan lamang natin ang loob natin, magkakaroon
din ng kapayapaan.

Pagalabin natin ang ating mga puso. Para ito sa ating kapakanan, maaring meron
tayong iba-ibang pinaglalaban at sana maging instrumento ang giyerang ito para
mailabas ang hinanakit ng inyong mga puso. Yun lamang at kaya natin itong lahat!
Olympus Army!"

Halos matumba ako nang sumigaw ang lahat, "OLYMPUS ARMY!" at tinaas nila ang
kanilang mga spears at espada. Parang sasabog ang aking damdamin sa takot at
antispasyon. Parang kailanngan ko ng Gaviscon dahil ako'y nagheheart-burn.

Speaking of burn, parang masusunog ang aking likuran sa init na aking naramdaman.
May pagsabog. Nayanig ang buong isla. Tumingin ako sa may beach. At may nakitang
nagiispark sa ere, ang barrier! Anong nangyayari?

Bumaba si Monsieur sa lupa. Sila Zeus at Hades ay nakatingin sa parang


nagmamalfunction na barrier.

"Oinkiee...",iyak ni Delphig.

BOOM! May matinding ilaw, napapikit ako, inakala kong tatama ito sa amin, sa akin.
Galing ito sa dagat pero naharangan ito ng barrier. Nawala ang pagsabog pero
matindi ang damage sa barrier, nagcracrack na ito. Ang pula at blue na barrier ay
unti-unting bumabagsak.

Marami pang pagsabog ang dumating. Sa bawat seksyon ng barrier.

"Hindi!", sigaw ni Zeus.

"Anong kapangyarihan ang nagamit nila rito?", tanong ni Hades. "Ang highest form ng
barrier ay nasira nila!"

"MAGHANDA!!!!!!", anunsyo ni Monsieur.

Naghanda nga ang army. May tumunog na naman na parang conch horn. Si Laelaps ay
nagaalalang tumahol.

Sa pagkakataon ng mga pagsabog ay hindi ko alam ang gagawin, nanginginig ako.


Tumingin ako sa paligid, hinahanap ang mukha ni Nathan...o ni Kronos man lang.
Nasaan na sila? Kailangan namin ang tulong ng kahit na sino! Si Nathan, isang
mortal na biglang napunta sa ganitong lugar, sa ganitong mundo...nasaan na ba siya?

Tinaas ni Hades at Zeus ang kanilang mga kamay, may mga ilaw na lumabas rito, para
bang may mga flashlights sa mga palad. Pilit nilang nirerem!edyuhan ang barrier.
Pero walang tigil ang pagdating din ng mga pasabog na galing sa dagat. Maaaring
galing sa isa sa mga warship ng mga kalaban.

"Nasaan si Poseidon? Hindi ba niya kayang pitikin ang kamay niya at iwash away ang
kalaban?", tanong ni Monsieur habang hinahanda ang hawak niyang espada.

"Wala si Poseidon! Nasa kamay siya ng kalaban!"

"Ano? How in the Underwo--"

"Mahabang kuwento!", tugon ko.

"This is it! Makakapasok na ang kalaban. Masyadong maliit ang oras para
maremedyuhan pa ang barrier.",sambit ni Monsieur pero hindi sumusuko s Hades at
Zeus, ang ibang minor gods na nasa grupo ng warriors ay tinaas na rin ang kanilang
mga kamay para tumulong.

"Amber, tignan mo!", sabi sa akin ni Paris.

At nakita ko nga, kung saan siya tumuturo. Isang speedboat, malapit na sa dock. At
sakay nito ay si Hera, nakaarmor at suot pa rin ang kanyang matulis na mga ngiti.
Sa likod niya ay ang iba-ibang halimaw na hindi ko na mapaliwag. Marami pang
speedboat, sakay ang variety ng mga kalaban: demigods at monsters.

Nakita kong tinaas ni Hera ang kanyang kamay, may lumabas na ilaw rito, tumama sa
barrier at sumabog! Sa kanya nanggagaling ang mga pasabog! Sa likod ng mga
speedboats ay mga ironclad, mga barkong gawa sa metal!

Marami sila pero kaya namin sila.

Patuloy pa rin sila Hades at Zeus pero patuloy din ang pagsira sa barrier. Kaunti
na lamang ay mawawala na ito. Parang may fireworks sa ere, purp pagsabog at
pagkinang. Nakakamangha pero nakakagimbal.

Kasalukuyan akong nakatingala sa taas nang ako'y makaramdam ng matinding puwersa,


ang aking katawan ay parang papel na nilipad. Bumagsak ako sa paanan ng unang linya
ng Olympus Army. Tumayo ako at nakita si Zeus at Hades na nasa lupa, ang lightning
bolt ay nasa ulunan ni Zeus. Si Hades ay pinipilit tumayo. Si Monsieur ay nakadapa,
ganun na rin si Delphig, Laelaps at Paris.

Anong nangyari?

Nakita ko ang mabilisang pagkawala ng natitirang barrier, wala na. Dahil sa malakas
na pagsabog na iyon galing ay Hera ay tumalsik aming lahat at nasira ang tanging
pader namin laban sa kalaban. Ito na ba iyon?

The home of the gods shalll fall, until nothing's left except rubble? Huwag naman
sana. Mananalo kami.

Tatapusin namin ito.

Ang speedboat ni Hera ay huminto sa dock, sunod na rin ang dose-dosena pang
speedboats. Nagsibabaan ang kalaban. Tumakbo sila, nagtipon tipon. Magkaharap na
ang Hera's Army at Olympus Army. Mabilis akong tumalon patungo sa dalawang gods at
hinila sila pataas, buti na lamang at gising na sila. Tumayo kami. Tinulungan ko si
Monsieur na halatang hilo at si Paris na inayos ang kanyang helmet.

Nasa gitna si Hera ng kanyang army. Hawak ang dagger na pinilit niyang isaksak sa
akin.

"Walang oras na dapat sayangin.", sabi ni Hera.

Tinignan ko si Zeus, nakagat siya sa kanyang labi. Damang-dama mo ang matinding


inis sa kanyang buong katawan.

"Traydor ka!", hirit ni Hades, hindi ko akalaing bigla niya itong sasabihin.

"Heh. Speak for yourself, Hades. Army? SUGOD!", tinaas niya ang kanyang dagger at
nagpour-out ang army sa kanyang gilid. Patungo sa amin. Tumingin ako sa likod at
tinaas din ang aking kamay.

"SUGOOOOOOOOD!", mataas kong tinig na sinabi. At least mas maganda ang aming
battlecry.

Naghihiyawan na sumugod ang Olympus Army. Matindi at mabilis ang pangyayari. Puro
tunog ng mga nagtatamang espada, spears, shields at ibang weapons ang iyong
maririnig. Para bang shaky-cam ang aking paningin at para bang may naginjection sa
akin ng adrenaline.

Puro labanan, paghagip ng espada, pagbagsak, pagiyak ang aking nakikita. Pinanuod
kong sumaksak si Hades ng ilang mga drakaina. May usok sa kanyang paligid at
lumalabas ang mga skeletons, zombies at ghouls. Si Monsieur ay kinakalaban ang
isang hellhound. Si Delphig at Laelas ay pinagtutulungan ang isang harpy.

Ang Olympus Army ay wala ring tigil sa pagkalaban sa kanilang makikita.

Patuloy lag ako sa pagsurvey sa nangyayari. Nakatayo lang doon, ang aking paa ay
parang nabubuhol, hindi ko alam kung saan ako unang susugod o tutungo.

At sa gilid ng aking mata ay nakita ko si Hera at Zeus, magkaharap, hindi


nagsasaksakan ngunit nagsisigawan, tila nagsusumbatan. Pero bago ko pa matuon ang
akign mismong pansin doon ay may mabigat na katawan na bumagsak sa akin.

Napatingala ako at namalayang nakabagsak na ako. At may mukha ng isang babae sa


likod ng isang helmet ang bumungad sa akin. Tinutok niya ang espada niya sa mukha
ko at akmang sasaksak. Pero agad ko siyang tinulak paalis sa akin. Tumayo ako at
tumakbo pero hinawakan niya ang aking paa, humarap ako at nakita siyang patakbo sa
akin, nakakulubot ang kanyang mukha. Pero agad ko siyang shinoot ng arrow, hindi ko
alam kung saan tumama ito. Ayoko na tignan. Bumagsak siya, may dugo sa labi. Tumayo
ako at tumakbo nang tumakbo palayo sa kanya. May spear na dumaan sa aking tenga. At
may hellhound na kakagat sana sa aking lalamunan pero mabilis kong inabot ang aking
dagger at sinaksak ito sa lalamunan.

Nakita kong napakaraming arrow ang lumilipad sa ere. May mga bangkay na sa lupa.
May mga shields at ilang weapons na nakabagsak. Kapag inikot mo ang paningin mo ay
puro saksakan at labanan ang makikita mo, meron akong nakitang demigod na kumagat
ng tenga ng isang Olympus warrior.

May nakita akong Olympus warrior na nakorner ng dalawang vicious harpy. Tinamaan
sila ng arrow ko, double shot. Tumayo ang warrior at tumango. Nakita ko si Paris na
tumumba at gumulong, isang baby Minotaur ang kanyang kalaban.
Si Hades ay tumatakbo sa mga ulunan ng ilang Skeleton Warrior at pinaubaya na lang
ito sa kanyang zombies. Nagsommersault si Hades at pinugutan ang isang hellhound.
Bumaba si Hades at pumito.

"ARF! ARF!", isang napakalaki at halos nakakatakot na tahol ng aso ang nagpayanig
sa amin.

At lumabas mula sa lupa ang isang higanteng aso, itim at tatlo ang ulo. Ang
Cerberus. Napatahol si Laelaps nang makita ito, pilit pa nga niyang amuyin ang
puwitan nito eh. Parang traktora itong bumangga sa mga army ni Hera, nagsitilampon
sila. Kumuha ng tatlong harpy ang Cerberus at inikot ikot ito sa kanilang
bunanganga na parang bola.

"AHHHHAWWWAGUBRUSKH", muffled na iyak ng mga harpy.

Napangiti ako. May isang Skeleton Warrior na humawi sa akin ng axe pero mabilis
akong umiwas bago pa mahiwalay ang ulo ko sa aking katawan. Binigyan ko ng isang
ultimate kick ang skeleton at nagkabasag-basag ito. May isang lalakeng kalahating
ibon ang muntik dumagit sa akin ngunit mabilis akong umiwas. Napatingin muli ako
taas, basag na rin ang barrier sa itaas, maaaring ang mga lumilipa na kalaban ay
nakapasok na. Pero sinabi sa akin ni Hades na kakampi namin si Aeolus, na keeper of
the wind, siya daw ang bahala sa mga balak magpenetrate gamit ang mga ulap.

Gumala muli ang aking paningin, patuloy pa rin ang labanan ng daan daang mga army
ni Hera at Olympus Army. BOOM! May pagsabog sa likod, sa may kampo, meron pa, sa
hindi kalayuan. Nanggagaling ito sa mga ironclad ni Hera.

At doon ko rin nakita siya, naglalakad sa gitna ng mga labanan, para bang may
shield sa kanyang katawan.

Nasaan si Zeus? Anong ginawa nito sa kanya? Nagpatuloy lang sa paglakad si Hera,
nagkatinginan kami pero ngumiti lang ito. May binabalak ang mokong...

Nang malagpasan niya ang nagaaway na good satyr at bad satyr ay bigla itong nawala.
Nagteleport siya! Naku hindi! Isa pa ring Olympian si Hera at tutungo siya sa Mount
Olympus! Ganun lang kadali sa kanya iyon!

Hindi ko alam kung ano ang ginagawa ko. Basta tumakbo lang ako nang tumakbo. Ang
kagubatan ay nasusunog na, ang mga tent ay nagbagsakan, ang mga mesa ay warak. Para
bang walang nakapansin sa akin sa gitna ng labanan. Parang may puwerng nagpapadaan
sa akin. Grabe ang tibok ng aking puso, nagiinit ang aking dugo, para bang
masusunog ang katawan ko sa matinding takbo.

Umakyat ako sa hagdan papaakyat ng Olympus. May isang dosenang army ang nakabantay
roon. Pinadaan nila ako. Tumakbo ako, hindi pinapansin ang layo ng aking tatahakin.
Ang aking paa at tuhod ay kumikirot na. Pero tumakbo pa rin ako, tumakbo nang
tumakbo para bang kaunti na lang ay magdedetonate na ang bomba sa aking baga.

Namalayan ko na lamang na marmol na ang aking inaapakan. Nasa pintuan na ako ng


Olympus! At tama nga, ang mga pilit lumipad patungo rito ay tumitilampon lang.
Salamat kay Aeolus. Untouched pa ang Olympus.

Pero magiging na dahil nandito na si Hera.

Pagkapasok ko ay nakatayo siya sa tahimik na throne. Ang kanyang mga kamay ay nasa
kanyang baba, para bang iniisip niya kung paano sisirain ang lahat ng ito.

Sumugod ako habang nakatalikod siya, wala akong pakialam kahit alam niyang
paparating ako basta dapat maunahan ko siya. BAM! Hinablot ko siya at pareho kaming
bumagsak malapit sa hearth na matindi ang apoy.
"Sumuko ka na, Hera! Bumaba ka na sa pagiging Olympian!"

"So tough, huh? Tingin mo kaya mo na ako, ha? Maliit na mortal?!", tumawa siya.

"Tapusin na natin ito. Tila naudlot ang ating huling laban."

"Oh iyon? Noong halos mamatay ka na? Sino bang niloloko mo, Amber?", tumawa muli
siya.

Magsasalita pa sana ako nang nayanig ang buong Olypus at natahimik. Nawala ang
ingay ng giyera. Napalitan ito ng sigaw, sigaw na para bang lumalabas sa ilang
libong amplifier. At tila galing ito sa baba, kung nasaan mismo ang labanan.

Ano iyon?

Mawawala na si Hera, magteteleport na siya, nagisip ako nang mabilis. Hinawakan ko


ang kamay niya at parang mapupunit ang buo kong katawan. Nasama niya ako sa
teleportation!

Sinalo ko ang aking hininga at dumilat. Nasa baba na kami, sa gitna ng laban.
Napaiyak ako sa sakit na pumasok sa aking tenga, para bang sasabog ang aking
eardrum. Para itong tunog na galing sa pinakamalaking barko sa mundo at napakatinis
nito. Kumabog ang aking puso.

Bumagsak ako at nakita si Hera na nakatakip ang tenga. Sa aking malabong paningin
ay nakita ko rin ang iba, nakahandusay, nakahawak sa kanilng tenga. Ano ba ang
nangyayari?!

At sa wakas natapo din ang tunog. Agad tumayo si Hera.

"RETREAT!", iyak niya.

Unang beses kong makita si Hera na ganun, takot, nagmamadali. Dumaan ang mga
kalaban sa tabi ko, hindi ako pinansin, lahat sila ay tumungo sa kanilang mga
speedboats, ang iba ay lumipad, ang ilan ay nawala na lamang nang bigla.

Pinanuod ko na mawala ang mga speedboat patungo sa malayo na ironclad. Nagretreat


sila, for now. Pero hindi pa sila aalis.

Tumingin ako sa paligid, si Zeus ay nakabagsak pa rin. Si Hades ay tumayo, ganun na


rin sina Monsieur, Paris, Delphig, Laelaps at iba pang Olympus warriors.

"What is that?", tanong ni Monsieur.

Nakatingin si Hades sa likuran ko. Lumingin ako at nakita sila.

Si Kronos at si Nathan.

Nakahawak si Kronos sa balikat ni Nathan.

"Nagawa mo, Nathan.", sabi ng Titan.

Tumango si Nathan.

"Hindi ko akalain. After ilang eons, nagawa ko muli ang Panic."

Utal-utal akong nagsalita.


"Nathan?"

"Hindi. Forget Nathan. I am Pan."

Chapter 9 - Choices

Ngayon ko lang napagsama sama ang animo'y jigsaw puzzle na buhay ni Nathan, ehem,
Pan. Ang kanyang pangalan,

Nathaniel Ureta. Nat Ure. Nature. Siya si Pan, god of the nature, god of the wild.

Bakit ngayon ko lang napagtanto? Siya ang god na makakatulong sa amin! Ang Panic na
inihatid niya sa kalaban ay hindi basta basta. Hindi ko mapigilang ngumiti.

Sa ngayon ay natigil pansamantala ang giyera. Ang army ni Hera ay nasa kanilang mga
barko, nagmamatyag. Ayon sa mensahe ni Hermes ay natigil din ang pagatake sa bawat
parte ng mundo. Hindi ko maimagine ang takot at gimbal na nararanasan ng mga mortal
na tao ngayon. Ang buong isla ng Olympus ay muling tinakpan ng mas matigas at mas
makapal na barrier. Pero hindi pa rin maaalis na makakapasok si Hera kahit kailan
niya gusto, dahil isa pa rin siyang Olympian, pwera na lamang kung bumaba siya sa
trono.

Ngayon ay nagiisip ng paraan si Zeus at Hades kung paano mapipigilan si Hera.


Matapos ang pagretreat ng mga kalaban ay agad kaming tinipon ni Kronos sa throne
room. Ang Olympus army ay nagsimulang maghanda muli, mas tinatalasan ang mga armas,
nagpupush-up, naggagamot ng mga sugat at naguupdate sa facebook.

Hindi maiwasan na may ilang mga buhay ang nawaldas. Habang paakyat kami sa hagdan
patungo sa Olympus ay nadaanan namin nila Zeus, Hades, Kronos at Pan ang mga
nakahandusay na mga katawan, duguan, ang iba ay wala na ang ibang parte ng kanilang
katawan. Nakita kong ayaw tumingin ni Zeus.

Ang iba ay nilalagay na sa stretcher, ang iba ay tinatakpan na ng kumot upang


iburol. Mabuti naman at walang nasaktan sa malalapit sa akin. Ang tangi ko na
lamang pinagaalala ay ang aking pamilya sa mortal na mundo at si Poseidon, ano na
ba ang ginawa nila sa kanya? Si Nathan, este, Pan ba ang makakatulong sa amin?

Muli nang nagkaroon ng magical barrier ang taas ng Olympus. Patuloy pa rin ang
pagpapatrol ng mga warrior at mga pegasus sa ere.

Tahimik lamang si Pan, ang kanyang usual self. Pag tinitigan ko siya ay para bang
may tumutunog na flute at may vines na lumalabas sa kanyang likuran. At ang kanyang
mukha ay parang nagiging elfish.

"Halika kayo.", anyaya ni Kronos.

Pumasok kaming lahat sa throne room at nakita ang ilang warriors na tumatakbo para
magreport, para gamutin ang ilan at para magbigay ng nectar at ambrosia. Kaming
lima ay pumunta sa may tabi ng hearth. Sa aking paglingon lingon ay nakita ko si
Athena at Ares, wow, nandito na sila? Nasa harap sila ng isang mahabang mesa, may
hawak silang blueprint at tila naguusap ng stratehiya.

"Ngayon, sabihin mo sa kanila.", sabi ni Kronos kay Pan.


Umubo si Pan at nagsalita "Marahil ay naaalala niyo na ako ngayon."

"Oo nga, kakaiba, bakit noong dati kitang nakita ay parang wala man lang akong
naramdaman mula sa yo. Pero ngayon nang sinabi mo kung sino ka, bumalik ang alaala
ko tungkol sa iyo.", sabi ni Zeus.

Ngumiti si Pan, ang kanyang berdeng mga mata ay parang hinahalungkay ang iyong
buong pagkatao, breathtaking, kalmado.

"Ganun talaga ang epekto ng aking ginawa."

Nakatingin lang kami sa kanya.

"Noong binalita na patay na si Pan, ako, ay unti unti nang nalimutan ng kahit sino,
ng buong sibilasasyon, kung sino ako. Unti unti akong nawawala sa inyong alaala
hanggang sa completely ay mawala na talaga ako. Hindi niyo ba pansin ang pagkasira
ng kalikasan? Ang paglaganap ng giyera, ng walang katapusang holocaust? Tanging
babalik lamang ako, ang alaala ko sa inyo, sa oras na sabihin ko kung sino ako.
Pinili kong mawala, magtago sa inyong mga isipan.", paliwanag niya.

Agad akong nagtanong, "Pero bakit mo ginawa iyon? At paano mo nagawa?"

"Dahil sa tao. Dahil sa karumihan sa kalikasan, dahil sa pagkawasak nito. Ito ang
aking buhay at kapag pinapatay ito ay namamatay rin ako. Kaya ko piniling mawala,
dahil pagod na ako, ayoko na, namuhay ako bilang isang mortal at habang lumilipas
ang panahon ay nawawala na rin ang alaala ko kung sino ba ako, hindi ko alam na ako
si Pan until nang nakabangga kita sa LRT.", sabi ni Pan, nakatingin siya sa akin.

"Huh? Ako?", tanong ko.

"Oo, noong pagkabangga ko sa iyo ay bumalik sa akin kung sino ako. I still need an
anchor, kailangan ko pa rin ng side ni Pan, hindi ako pwede maging tunay na mortal.
May matindi kang aura, pwersa at pagkauwi ko ng bahay ay nalaman ko kung sino ako.
At nalaman ko ang tungkol sa propesiya at naisip ko na panahon na para ako'y
magbalik. Nakita ko ang araw araw na pagsira sa kalikasan, pero inalis ko iyon sa
aking isip dahil gusto kong tulungan ang mga mortal. Nagpanggap akong walang alam
sa mga kaganapan. I followed you, Amber dahil alam kong may alam ka sa mga
nangyayari, dahil mukha pa naman akong bata ay pumasok ako bilang kolehiyo para
pagmatyagan ka. And I confirmed it."
Napahinga ako ng malalim pati na rin sila Zeus at Hades.

"At ano naman ang alam mo tungkol dito?", tanong ni Zeus kay Kronos.

Ngumiti ng bahagya ang matanda at binuka ang kanyang bibig, "Marami akong
nalalaman, child. Una ko pa lamang nakita ang batang ito ay alam ko na kung sino
siya, kaya kinausap ko siya at sinabing hindi niya na kailangan maghintay pa ng
mahabang oras para ipakita kung sino siya."

"Actually, nahirapan ako sa paglabas muli ng Panic. Mukhang corroded na ang aking
voicebox.", sabay tawa ni Pan.

"Effective naman ah.", hirit ni Hades.

"Yes. At sana magamit ko pa ito muli."

Katahimikan na ang mga sumunod na kaganapan. Pero sa mga oras na iyon ay alam kong
nakatingin sa akin si Pan. Hindi ko alam kung bakit, peor ngayong alam kong god
siya ay parang nahiya ako. Alam mo iyong pakiramdam na may nakatitig sa iyo at ayaw
mo tumingin dahil baka mamula ka sa hiya?
Buti na lamang at hinakawan ni Hades ang kamay ko.

"Ayos ka lang?", tanong niya.

"Ah -- oo naman. Bakit hindi?"

"Namumula ka."

"Sa adrenaline lang siguro."

Nakita kong lumapit ang mg satyr kay Pan, pati na rin si Laelaps at Delphig.
Hinihimas ni Pan ang kanilang mga ulo, nakangiti. Ang mga satyr ay umiiyak na sa
tuwa.

"IKAW NGA! IKAW ANG NAKALIMUTAN NAMIN! IKAW ANG DAPAT NAMIN HANAPIN! HUHUHUHU!",
iyak ng isang satyr.

May ilan pang nagpapicture na para bang si Pan ay isang artista.

"Tingin ko kailangan mong magpahinga ng kahit papano.", sagestsyon ni Hades.

"Hindi na kailangan.", balik ko. Ayaw kong magpahinga hangga't hindi natatapos ang
giyerang ito. Nagsisimula pa lamang kami.

Hindi ko inaasahang biglang hahawakan ni Hades ang kamay ko, tinaas niya ito at
tinignan. Doon ko napansin na may pahaba akog sugat at dugo ito nang dugo.
Hinawakan lamang ito ni Hades at nawala ang sugat.

"Salamat.", giit ko.

Ngumiti lamang si Hades at ginulo ang aking buhok.

"Sige, may aasikasuhin lang ako."

Matapos noon ay naglakad siya patungo sa hallways ng Olympus, hindi ko alam kung
ano ba ang kanyang aasikasuhin.

Matapos noon ay naglakad siya patungo sa hallways ng Olympus, hindi ko alam kung
ano ba ang kanyang aasikasuhin. Tumingin ako sa paligid. Si Monsieur at Paris ay
nakaupo sa mahabang upuan saisang tabi, may hawak na bulak at gasa si Monsieur
Picasso at pinapahid niya ito sa duguang ulo ni Paris. Napakagat ako ng aking labi.
Agad ko silang nilapitan at ako'y lumuhod.

"Paris? Ayos ka lang ba?"

Hinawakan ko ang kanyang ulo. Nanlaki ang mata niya, tinitigan ko siya, ang kanyang
mga mata ay malikot, para bang ayaw niyang tumingin sa akin.

"A--amber.", sabi ni Paris.

Napasigh ako.

"Pati ba naman ngayon naa-awkwardan ka pa rin sa akin?"

Hindi siya sumagot. Lumunok na lang.

"Pssh. I have no time for your sappy romance. Gamutin mo na lang siya kung gusto
mo.", bunganga ni Monsieur.
"Opo, tanda.", sabi ko.

"Ano? Aba!"

Tumawa ako, gayon na rin si Paris. Kumuha ako ng dahon mula sa aking brown pouch na
nagigng invisible kapag nakasabit sa aking belt. Nilagay ko sa tabi ang aking bow
and arrow at tinago ang dagger sa aking sheath.

Dinampi ko ang dahon sa kanyang noo na may sugat, mataops ay kumuha ako ng vial na
may blue liquid.

"Inumin mo ito.", sabi ko.

"Salamat.", ang tanging sagot niya.

Binigyan ko si Monsieur ng tablet na pangpawala ng hilo. Habang ginagamot ko si


Paris ay tinanong ko siya.

"Sabi mo sa akin nagsusulat ka?"

"Ha? Ah, oo. Tungkol iyon sa mga ekspedisyon natin. Iniba ko lamang ng kaunti."

"Malapit ka na matapos?"

"Ah, hindi pa. Actually, nahihirapan ako."

Nginitian ko siya.

"Madalas din akong nagaka artist block kapag ako'y may iguguhit. Matatapos mo iyan.
Makakaligtas at mananalo tayo kaya magiging maganda ang ending niyan.", sabi ko.

"Sana nga.", ang tanging sagot niya.

Matapos ay kiniss ko siya sa cheek. Hindi ko alam kung gaano ba siya kapula. Wala
naman ito sa akin, hindi ko naiisip ang bagay na ito sa ganitong panahon. Naririnig
mo si Monsieur na nanggagalaiti sa inis, marahil ay walang lovelife ang pagong.

Nginitian ko na lamang si Pari, ako'y tumayo ay lumapit sa isang nurse at inabot sa


kanya ang aking brown pouch.

"Gamitin mo ang laman niyan sa lahat ng sugatan."

"Salamat po. Kahit marami pa kaming supply."

Nginitian ko na lamang siya. Nakita ko si Pan na papasok ng isang kwarto, kasama


niya si Kronos at naglock ang aming mga tingin bago pa sumara ang pinto. Ang mga
satyr ay naghintay sa labas. Hindi ko alam pero dahil nandito si Pan ay tila mas
may pagasa. May nakita akong ilang warriors na nagbrebreak at nagtatawanan, ang iba
ay pinaguusapan ang nangyaring "Panic" at kung paano tumakbo si Hera na parang
natatakubets.

Tinignan ko ang sarili ko, wala namang masyadong damage ang armor. May putik sa
aking mga tuhod. Nakita ko ang itsura ko sa napakakinang na marmol, napakagulo ng
buhok ko, para bang sinugod ako ng mga galit na ibon. Hindi namin alam kung kailan
ba susugod ulit ang army kaya kailangan handa ang lahat, pero tila kailangan kong
marefresh ng kaunti.

Naglakad ako, maghahanap ng isang kuwarto. Ang Olympus ay parang naging evacutaion
center, kakaiba tignan. Ninavigate ko ang halos maze na hallways at sa isang
pagliko ko ay nakita ko si Zeus, papasok sa isang kuwarto.

Parang maga ang kanyang mukha, para bang siya'y umiyak na naman muli. Oh Zeus,
hindi ako sanay na ganito ka. Bago pa siya makapasok sa kwarto nila ni Hera ay
tinawag ko siya.

"Zeus!"

Lumingon siya at tumingin lang sa akin nang walang emosyon, pero huminto lang siya
doon. Naglakad ako patungo sa kanya.

"Ayos ka lang ba?"

"Mukha ba akong okay?"

"Ugh. Obviously hindi. Sorry. Si Amalthea..."

"Bakit ba kailangan ang mabubuting tao pa ang masaktan? Ang mapahamak? Ang mamatay,
huh, Amber? Bakit?"

Katahimikan. Hindi ko alam ang aking isasagot. Ramdam ko ang katahimikan ng


corridor na kung nasaan kami. Ang bawat tibok ng aking puso ay dama ko. At ayan na
naman, ang init sa aking loob at ang sakit ng aking ulo.

Nagpatuloy si Zeus. "Si Amalthea, si Poseidon...at ang mga namatay. Bakit? Bakit
hindi na lang si Hera? O ako? Ang mga nilalang na tulad namin?"

"Zeus. Huwag mong sabihin yan."

"Bakit? Masama naman talaga ako, diba? Hindi ko na maatim na may mamamatay. Dahil
ito sa akin, dahil sa akin ay nagkaganito si Hera at ang mga demigods na may galit.
Lahat ito ay dahil sa akin."

"Huwag mong iako ang lahat. Ang bawat isa ay may parte sa kung anong nangyayari. At
isa pa, hindi ka masama, Zeus. Napatunayan ko na yan."

Nakatayo lang kami doon na parang mga tuod. Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig
ko. Talaga bang concern si Zeus? Teka, bakit ba ganito ang tingin ko sa kanya?
Nakakaramdam din si Zeus. May puso din siya.

"Kailangan ko lang magpalit. Magiingat ka.", sabi niya matapos ay sumara ang pinto
sa aking mukha.

Nakahinga ako nang malalim. Nagpatuloy ako sa paglalakad, punong puno pa rin ang
aking isip...ang giyera...ang Big Three...ang aking pamilya...si Oracle...si
Pan...ang sakit sa aking ulo...

Umiikot ang aking paningin, ang aking lakad ay nabubuhol. Ano ba ang nangyayari sa
akin? Dala ba ito ng lahat ng nangyayari? Nawala ang aking hilo nang may nakabangga
akong mga pigura. Tumingala ako dahil matatangkad sila.

Si Artemis, Apollo at Athena.

Pautal-utal akong nagsalita, "Ah -- pasensya na po!"

"Yow, Amber? Musta?", tanong ni Apollo.

Nakasuot si Apollo ng suit at shades na parang hindi match sa giyera. Si Artemis ay


naka-armor ang kanyang luma pero napakapirmeng bow ay hawak niya. Si Athena ay
naka-armor din at may hawak siyang mga nakarolyong papel.

"Anong meron sa suot mo, Apollo?"

"Uso to 'no!"

Matapos ay nagsayaw sayaw siya na parang nakasakay sa kabayo at kumanta "Eh...sexy


lady". Hindi ko alam kung ano ba ang latest sa pop culture dahil dito sa mga
nararanasan ko.

"Don't mind him. You look pale, Amber. Ayos ka lang ba?", tanong ni Athena na agad
hinawakan ang aking noo.

"Oo nga, maiden. May sugat ka ba?", tanong naman ni Artemis.

"Ah, hindi, ayos lang po ako. Medyo hilo lang. Kayo po? Saan kayo pupunta?"

"Right now ay nakatigil ang labanan. Hindi magtatagal ay muli silang susugod once
na magawan nila ng paraan ang tungkol kay Pan. Hera has many tricks up her sleeve,
I know her. And judging from the prophecy, tila hindi magiging madali ang lahat.",
sabi ni Athena. "We were just planning. Olympus isn't the only place that needs
saving. Hati ang mga gods sa iba't ibang lugar. At wala pa si Poseidon."

"Kayo lamang ang inaasahan namin, maiden." Hinawakan ni Artemis ang aking balikat.

Tumango ako. "Hindi ko po kayo bibiguin. Makikita ni Hera."

"Well, that's the stupendous spirit!", cheer ni Athena. "Oh well, we should bounce.
Kailangan pa naming icontact si Aphrodite at Demeter tungkol sa pagsara nila ng
Tartarus."

Umalis na sila, ginulo pa lalo ni Apollo ang buhok.

"You're still pretty.", ang sabi niya.

"Wag mo siyang hawakan nang walang permiso!", biglang sinapak ni Artemis si Apollo
na napahiyaw sa sakit. "You are violating female rights!", iyak ni Artemis.

"Ah okay lang po."

Piningot na lamang ni Artemis si Apollo at kasama si Athena ay sila'y umalis na.


Napangiti ako. Kasama namin sila sa laban kaya hindi ko kailangan magalala.

***

Hindi ko alam kung paano ako nakatulog. Ang tanging naaalala ko bago ako managinip
ay pumasok ako sa isang kuwarto at lumusong sa isang hot tub. Sa aking panaginip ay
kita ko ang bawat hallway, bawat kuwarto, ang mga dining area, ang garden, ang
bawat lugar sa Mount Olympus. Walang laman. Tahimik. Madilim. Kinikilabutan ako.
Naglalakad ako sa dilim. Hindi ko alam pero may ilaw na hindi ko alam kung saan
nanggagaling kaya nakikita ko ang daan.

May naririnig akong umiiyak. Lumingon ako at may nakitang isang batang babae.
Nakatayo siya at may tumutulong luha sa kanyang mukha. Si Oracle. Tumingin siya sa
akin at umiling iling.

"Oracle!", tatakbo sana ako patungo sa kanya ngunit bigla siyang nawala.
Napalitan si Oracle ng dalawang bukas na pinto. Hindi ko alam ang nangyayari. Bigla
akong may narinig na nagsasalita sa aking utak.

"Choices...Amber...Choices..."

May narinig akong mga sumigaw mula sa di kalayuan. Nagimbal ako dahil nakilala ko
ang iba sa mga may ari ng sigaw. Nandoon ang Big Three, at ang iba pang gods.

Tumakbo ako nang tumakbo, hindi ko alam kung saan ba ako tutungo. Alam kong
panaginip ito at gusto kong makawala. Napahinto ako nang sa dulo ng hallway ay
nakita ko si Prometheus, nakatayo, nakangiti. At sa kanyang paanan ay may mga
nakahandusay na katawan. At hindi ko mapigil ang sigaw sa nakita ko. Ang aking
papa, ang aking mama, ang aking step-siblings at step-parents, lahat sila walang
buhay. May hawak si Prometheus sa kanyang mga kamay. Isang sanggol, tahimik na
sanggol. Teka, ito ba ang kapatid ko?

"HINDE! HINDE!"

At doon ako nagising. Agad akong tumalon palabas ng tub. Basa ang paligid. At hindi
ko na mapigilan ang humikbi. Agad akong nagbihis muli at lumabas. Tila hindi pa
naman ganoon kahabang oras ang lumipas. Nagigimbal ako sa mga napaginipan ko. Ano
ba iyon? Ano ba ang mangyayari?

Oras ba ito? Tinatanong ba sa akin ng panaginip na ito kung ano ang aking pipiliin?
Kung sino ang uunahin kong iligtas? Hindi ko maintindihan!

May mali sa akin. Hindi ko lang alam kung ano iyon.

***

Pagkarating ko sa throne room ay wala nang mga tao. Pwera sa isang warrior na
tumatakbo patungo sa gates ng palasyo.

"Teka, nasaan ang lahat?"

"Ah! Nasa baba po, naghahanda na para sa susunod na atake. At may burial po doon.
Kaya nandoon ang lahat. Sige po! Mahuhuli na ako."

Tumakbo siya palabas. May guards sa labas ng gate. Nakita ko ang mga Nurse na
pumasok sa Infirmary. Other than them ay empty ang bawat sulok. Doon ako napatingin
sa hearth. Ilang beses ko nang nagamit ito bilang isang portal o lagusan patungo sa
ibang lugar.

Kapag ninais ko ba at humingi ako ng tulong sa hearth ay sasagutin ako nito?


Lumapit ako rito, ang apoy ay halos mas matangkad pa sa akin. Mainit, masakit.
Pumikit ako.

"Nais kong mailigtas ang pamilya ko."

Lumuhod ako. At tumingin sa hearth, walang nangyari, hindi naman ito bumuka o kung
ano. At natatakot ako na biglang lumusong dito at baka matusta lang ako.

Pumikit muli ako at bumulong bulong. "Pamilya ko...mama, papa, Johnny, Angel,
Kim..."

At doon halos tumalsik ako dahil parang nagroar ang apoy. Tumayo ako at bumuka ito
sa gitna, hindi ko makita kung saan ba ito tutungo pero ang nasa isip ko ay sa
pamilya ko. Hindi ko nga alam kung nasaan sila ngayon o kung magkakasama sila.
Lumingon ako. Hindi pa naman siguro susugod sila Hera. Pumikit ako muli at dumikit
sa apoy. Pagkadilat ko ay iyak agad ang pumasok sa tenga ko. Ilang segundo bago ko
mapagtanto na nasa puti akong kuwarto. Pagkatingin ko sa paanan ko ay nakita ko si
Johnny, nakapikit, may dugong dumadaloy mula sa kanyang bibig.

"Johnny!", sigaw ko.

"Ate!"

May biglang lumapit sa akin. Si Kim at Angel.

"Ayos lang ba kayo? Nasaan sila?"

"Ate! Papatayin niya si papa!", iyak ni Kim.

"May monsters!", hikbi ni Angel.

At nakita ko nga sa dulo ng kuwarto. Si Prometheus, hawak sa kanyang magkabilang


kamay ang aking mga magulang, tunay na magulang. Maga ang mga mata ng aking papa,
tila binugbog, ang aking mama ay tila nanganak na, mahinang mahina siya.

Doon ko napansin ang baby, ang aking kapatid, natutulog nang mahimbing sa hospital
bed. Hahantung sa kung anong nangyari sa aking panaginip kung hindi ko ito
pipiglan.

"Bitiwan mo sila!"

"Haha. Poor Amber. Maililigtas mo kaya ang pamilya mo? O mas uunahin mo ang Big
Three? Sino ang mas mahalga sa iyo, Amber?"

"Tigilan mo na ito!"

Hindi ako nagpapigil, agad ko siyang shinoot ng aking arrow. Tanging binaba lamang
ni Prometheus ang kanyang ulo para hindi siya matamaan ng aking arrow. Sumugod ako.

Umurong siya, dala dala pa rin ang barely conscious na aking mga magulang. Siguro
kung pre-occupied siya nang ganito ay makakaisa ako sa kanya.

Tinaas ko ang dagger ko at hinagip siya nito pero amazingly ay sinipa niya lamang
ang kamay ko at tumalsik sa kama. Inches na lamang ay matatamaan na ang baby.

"Mahinang mahina.", ang sabi ni Prometheus.

"Ganito ba ang stratehiya niyo? Kayo ang mahihina! Ganito? Ang walang kalaban laban
ang sinasaktan niyo!"

"Aww, come on, Amber. Maganda namang istratehiya ito, hindi ba? Tamang tama,
nadeceive kang pumunta dito. Dahil sa pamilya, how sweet."

Agad kong niload ang bow ko.

"Wala nang magagawa iyan.", sabi niya.

Yun ang tingin niya. Dahil imbis na siya ang itarget ko ay ang fluorescent lamp na
nasa ulunan niya. Sumabog ang ilaw at nadistract si Prometheus, ang mga bubog at
pagsabog ay tila tumama sa kanya.
"AHH!", hiyaw ng Titan.

Nabitawan nito ang akig magulang. Tumakbo ako nang mabilis at gamit ang buo kong
lakas ay hinila ko ang magulang ko palayo sa kanila. Nang madala ko sila malapit
kila Angel ay kukuhanin ko na sana ang baby pero bigla akong bumagsak sa lapag.
Gumulong ako at nakita si Prometheus, hawak ang aking paa, sa kabila niyang kamay
ay hawak niya ang kutsilyong tinutok niya kay Poseidon.

"Masyado ka nang panggulo, Amber! Say bye!"

Pero bago pa niya masaksak ito sa akin ay napatigil siya dahil may lumabas na blade
sa kanyang noo. Napaalis ako ng tingin. Bumagsak ang Titan, nakadilat at tila wala
nang buhay at sa oras na ito official na ata.

Tumayo ako at nandoon si Hades, hawak ang kanyang itim na dagger.

"Mas lamang ang kutsilyo ko sa iyo.", sabi niya kay Prometheus.

"Hades!", hindi ko na alam ang gagawin, niyakap ko siya at niyakap niya ako
pabalik.

"Ayos lang ba kayo?", ang tanong niya.

"Paano mo nalaman --"

"Ate Amber! Buhay pa siya!"

"ARGH!", iyak ni Hades.

Para akong nagyelo doon. Sa likod ni Hades ay si Prometheus, buhay pa nga, arte
niya lang ang lahat ng iyon. Ang sugat sa kanyang noo ay unti unting sumasara. May
tumalsik na dugo sa aking mukha na galing sa bunganga ni Hades. Tinaggal ni
Prometheus ang kutsilyo mula sa likod ni Hades.

"Siguro hindi ka nga mapapatay nitong kutsilyo ko, Hades, pero magiging malaking
damage ito. Mahirap akong mapatay, imposible na ata. See you around, Amber." at
nawala ang Titan.

Bumagsak si Hades at sinalo ko siya. Umiiyak na ang aking mga kapatid. Lumapit sila
sa akin. Nasa lap ko si Hades at patuloy ito sa pag-ubo ng ichor.

"Hades! Hindi -- Hades!"

"Matindi...ang saksak...hindi basta-bastang kutsilyo...meron itong mataas na


kapangyarihan."

"Pero...teka, paano tayo tutungo sa Olympus? Mag -- magteleport ka muna! Hades!"

Hinang hina siya, hindi ko alam kung ano bang meron sa mg armas ni Prometheus
ngayon pero hindi ito maganda.

"Hearth, I need...you.", sabi ni Hades.

Bago pa ako makapagsalita muli ay lumiwanag ang kapaligiran at halos ako'y mabulag.
Pagtingin ko sa paligid ay nasa throne room na kami. Si Angel at Kim ay tumigil sa
pagiyak at manghang mangha sa paligid. Pati si Johnny, ang aking mga magulang at
ang baby kong kapatid ay naroon rin.
Shinake ko si Hades pero hindi ito gumagalaw. Teka, sabi ni Prometheus, hindi siya
mapapatay nito, hindi ba? Nagpatuloy ako sa pagsigaw at tila iiyak na ako. Marahan
kong tinignan ang saksak, masama ito, patuloy ang pagdurugo nag-iswell at tila
kumikinang ito ng berdeng ilaw.

"Hades! Hades!"

Dumilat siya sa wakas at hinawakan ang mukha ko.

"Hades?! Hades!"

At pumikit siya muli. Bumilis ang takbo ng puso ko. Hindi naman siguro, diba? Hindi
pwede, Hades.

Hindi pwede.

BLURB: I suggest na kung ayaw niyong makabasa ng SPOILERS, iwas-iwas muna sa


comments section. Pagkatapos na lang magbasa! Hehe. Enjoy!

Chapter 10 - Challenge

Thankfully, yeah, thankfully ay nagattend agad sa amin ang mga Nurses. Nanginginig
ang buo kong katawan nang kuhain si Hades ng mga Nurse at nilagay sa isang
stretcher. Malabo ang paningin ko, ang aking puso ay walang tigil ang pagtibok, may
iba ibang kulay ng mga dugo sa aking mga palad, gold at pula.

"Fatal ang kanyang sugat. High kind of magic.", sabi ng isang Nurse.

"Hindi...", ang sambit ko.

Dinala nila si Hades sa isang kuwarto. Gusto kong sumama ngunit hinarangan nila ako
at sinara ang pinto. Nagpace ako, hindi mapakali. Humihinga pa rin ba si Hades bago
siya kuhanin ng mga Nurse? Ano? Hindi ko maalala!

Pero imortal naman si Hades...diba...pero matindi ang ginawa ni Prometheus. Umiling


iling ako, hindi ako kailangan magisip nang ganito. Ang init sa aking dibdib ay
patuloy ang pagikot. Tumakbo ako at niyakap si Angel at Kim, patuloy pa rin silang
lumuluha, pinisil ko sila sa aking katawan at hinalikan ang kanilang mga noo.

"Ate, anong nangyayari?", tanong ni Angel.

"Mahirap ipaliwanag, baby. Pero magiging okay na ang lahat." Pero nagsinungaling
ako, hindi pa sigurado ang lahat.

Pinuntahan ko ang aking magulang na nakahandusay, shinake ko sila, ginigising,


chineck ko ang kanilang pulse at hininga. Mabuti naman. Si Johnny, pinuntahan ko
siya at pinilit din gisingin, matindi ang tama niya sa ulo, umungol siya.

"Johnny! Magpahinga ka lang.", mabilis kong sambit.

Nilapitan ko ang umiiyak na sanggol kong kapatid. Kasama si Angel at Kim ay


nilapitan namin siya, ganitong mundo ang kanyang nilabasan. Isang warzone. Puno ng
sakit at takot. Kinuha ko ang kapatid ko at niyakap siya.

Bumukas ang mga pinto ng Olympus, parang slow motion ang lahat, nandoon si Paris at
Zeus, kasama ang ilang warriors. Tumakbo sila sa akin, napakalaking relief, para na
akong magcocollapse. Nakita ko ang mga Nurse at warriors na binuhat ang aking mga
magulang, pati si Johnny. Kinuha ni Paris si Angel at Kim, pati na rin ang aking
baby na kapatid.

Dumilim ang aking paningin, nakita ko si Zeus, nakatingin siya sa akin at sumisigaw
siya.

"Amber! Amber!"

At ako'y nawalan na ng ulirat.

***

Nang magising ako ay parang sasabog ang aking ulo, masakit ang aking katawan.
Nakahiga ako sa isang engrandeng kama sa isang napakalaking kuwarto. May mga benda
na ako at bago na ang suot kong damit, ang aking armor ay nakasabit sa isang tabi.

Tumayo ako at tumingin sa paligid. Tahimik. Hindi pa rin ba sumusugod sila Hera?
Ano na namang plinaplano nila? Pero they are beyond my concerns, ang daming nasa
isip ko ngayon: ang aking pamilya, ang buong Big Three, ang buong kalagayan ng
buong mundo.

Bumukas ang pinto at pumasok si Pan, may dalawang satyr sa kanyang likod. Naiwan
sila sa labas nang sinara niya ang pinto.

"You alright, Amber?"

"Pan. Ano nang nangyayari?"

"We don't know yet. Hindi pa gumagalaw ang army ni Hera. Naghihintayan ata tayo.
Sit."

Umupo muli ako sa kama at siya'y tumabi sa akin. Mukhang mas maaliwalas siyang
tignan, para bang fresh from the shower. Kumikinang ang kanyang mga balat, ang
kanyang mga berdeng mata ay napakaganda talaga this up close para bang siya'y
gulat.

Hinawakan niya ang kamay ko.

"You shouldn't worry, Amber. Ayos na ang pamilya mo. They are treated well, well, I
helped a bit."

"Talaga? Salamat!"

Napayakap ako sa kanya. Habang kami'y nagyayakap ay napatanong ako sa kanya.

"Eh si Hades? Kumusta na siya?"

Inabangan ko ang mga salitang lalabas sa kanyang bibig. Kinakabahan ako sa ano mang
sasabihin niya.

"Stable na siya."

Napangiti ako. Mabuti naman at ayos silang lahat.

"Pero, malaki pa rin ang kanyang sugat. Kakaiba ang ginamit na pangforge sa
kutsilyong nakastab sa kanya."

"At least."

Tumango siya.

"Muli nang binabalot ang buong Mount Olympus ng magical barrier at mas malakas
ngayon. So it should ward off the monsters."
"Pero hindi si Hera.", giit ko.

Tumango na lamang si Pan at nginitian ako, ngiting may halong lungkot.

"Sadly. Dahil Olympian pa rin si Hera.", napatigil siya at tinignan akong mabuti.
Napaurong ako dahil bigla niyang nilapit ang kanyang mukha sa akin. "You're so
pale."

"Ah. Pagod lang siguro."

Umubo ubo si Pan at muling umagaw nang tingin sa akin.

"Hope you'll like this."

Pinorma niya ang kanyang mga kamay na parang may hawak na flute at sa isang iglap
ay nagkaroon nga ng isang tunay na flute, gawa ito sa kahoy at may mga dahon dahn
pang nakatusok rito. Dinampi niya ang dulo nang flute sa kanyang mga labi at
nagsimulang tumugtog.

Hindi ko alam ngunit para bang gumaan ang pakiramdam ko. Parang naiimagine ko ang
mga imahe sa karaoke: hindi yung mga seksing babae ah! Kundi ang maaliwalas na
kalikasan, mga lumilipad na ibon, mga antelopes at zebras na tahimik na naggragraze
sa horizon. Para bang ako'y may sipon at nawala ang bara dahil sa tugtugin ni Pan.

Nakatingin lang ako sa kanya habang tumutugtog at siya'y nakatingin rin, ang
kanyang mga mahahabang daliri ay mabilis na nagpapalit palit nang butas sa flute na
tatakpan. Pagkatapos niyang tumugtog ay nawala ang flute at ako'y pumalakpak nang
mahinahon.

"Salamat, Pan. Ilang beses ko nang naririnig at nakikita ito sa panaginip ko. Ang
cool at ang gaan sa loob na makita ito sa personal.", sabi ko.

"You are dreaming of me?"

"Ah. Medyo -- pero mula ang iyon kay Oracle."

"At least."

Tumayo na siya mula sa pagkakaupo at naglakad patungong pinto. Lumingon siya bago
niya hawakan ang door knob.

"You can stay here as long as you want. Naghahanda pa rin kami para sa susunod na
atake. See ya."

Lumabas na siya. Hindi ako pwedeng mag"stay-here-as-long-as-I-want", kailangan kong


lumabas at tumulong sa abot nang aking makakaya. Isa pa, kailangan kong makita si
Hades at ang pamilya ko. Umalis ako sa higaan at lumakad patungo sa isang salamin,
matagal tagal na ring hindi ko nakikita ang reflection ko simula nang magsimula ang
giyerang ito.

Kaunting pimples, ang aking buhok ay parang pinaginteresan ng mga piranha at ang
aking mga mata ay sobrang lubog dahil na rin siguro sa puyat. Napabuntong hininga
na lang ako at aalis na sana sa salamin nang may makita akong pigura sa likod nang
aking reflection.

Mabilis akong umikot para makita kung sino o ano ang nasa aking likod, pero wala
naman, anong? Sigurado ako na may nakita ako, isang hugis ng tao.
At doon sumunod ang boses nang isang babae na parang nangaakit.

"Amber...oh Amber..."

Ano na naman ito? Mabilis akong tumingin sa paligid, hinablot ko ang dagger ko na
nasa taas ng isang drawer. Pero wala akong maaninag sa kuwarto. Ano ito?

"Amber..."

"Si-sino ka?", sigaw ko sa ere.

Biglang tumawa ang kung sino man, impit na tawa, parang mahinhin na babaeng
kinikiliti. Hindi ko alam ang gagawin. Tatakbo na ba ako sa pinto to warn the
others? O makikinig muna ako sa ano mang announcement ng mokong na ito?

"You probably don't know me. But I know you."

Nag-english pa ang loko.

"Hera?"

"No, no. I am miles better than her."

Matapos noon ay nakarinig ako ng isang tili at para bang may natumba, ano bang
nangyayari? At doon ko narinig ang boses ni Hera, thick at feisty.

"Hecate! Ayos ayusin mo!"

Si Hecate iyong kausap ko? Teka, sino ba si Hecate?

"Ahm, sorry about that. Ako na ito ulit. Si Hera iyon, hindi niya matanggap na I am
always better than her. Getting back, Amber. I have a proposition for you."

Binaba ko ang dagger ko at nakinig.

"Proposition? Anong sinasabi mo?"

"Tsk, tsk, tsk. Alam kong mahaba na ang pinagdaanan mo, Amber. But it's really
getting frustrating and exhausting, hindi ba?"

"Ano naman ngayon?"

"Ah! Well, kung gusto mo ay pwede nating padaliin ang lahat! Kung susunod ka sa
amin ay magiging ayos na ang lahat! No one will be hurt! Hindi mo kaya na makitang
masaktan ang pamilya mo, hindi ba? So --"

Pero agad ko siyang pinutol.

"Sinasabi mo bang sumuko na kami?"

"It's more complicated than that, Amber."

"Hindi! Hindi! Hindi kami susuko!", para akong baliw na sumigaw sa kisame.

"Heh. Talaga lang ah? What if I show you this?"

May gumalaw sa may salamin, tinignan ko ito at laking gulat ko sa aking nasaksihan.
Sa salamin ay kita ko ang gubat. Pamilyar ito. Teka, ito ang gubat sa ibaba! Gubat
ng Mount Olympus!

Nasa isang clearing ang view nang nasa salamin at doon ko nakita ang beaten to a
pulp na si Poseidon, parang napakahina na ng kanyang paghinga. Nakabagsak siya sa
putik, ang kanyang mga mata ay maga, putok ang kanyang labi, ang kanyang mukha ay
puno ng dugo at sugat. Nakadapa siya, ang kanyang mga kamay at paa ay binubuhulan
ng isang kumikinang na chain.

Nabasag ang aking puso.

Inuunti-unti nila ako.

Ang pamilya ko. Si Hades. At ngayon si Poseidon.

Napasigaw ako, gusto kong basagin ang salamin.

"Poseidon! Hindi!"

"See?", bumalik ang boses.

"If you don't want to see that little guy like that, better follow us. Hindi na
mapapahamak pa ng todo si Poseidon at si Oracle kung magiging obedient ka."

Oracle? Sinabi niya bang Oracle?! Hindi pa tapos, nakita kong bumagsak si Oracle sa
tabi ni Poseidon, nakatali din ang kanyang mga kamay at paa may dugo sa kanyang
noo.

"Amber! Amber! Huwag kang sumunod sa kanila! Ambe --"

"Tumahimik ka!" Nakita kong sinapak ng isang demigod si Oracle.

Nanginig ako. Walang pwedeng sumapak kay Oracle! Tama na! Nasaan ba ang Hera at
Prometheus na iyon? Bakit ayaw nilang magpakita! Mga duwag!

"See, Amber? All you have to do is to get down here without telling anyone. Yun
lang."

Nagtatalo ang aking puso at isip. Kapag bumaba ako roon, ano nang mangyayari?
Papahirapan din ba nila ako?

"Ano bang gusto niyo sa akin?!"

"Sumunod ka na lang kung ayaw mong makitang maging confetti ang katawan nang
dalawang iyan! It's your choice,Amber." Bumagsak ako. Pupunta ba ako roon? O
sasabihin ko sa iba?

Pero alam ko na malalaman nila kapag sinabi ko sa iba. Kailangan may signal o
secret gesture ako kay Zeus o kahit na kanino pa man! Pero magiging imposible ata,
nakapasok nga sila sa Olympus nang hindi alam nang kahit na sino kahit may magical
barrier, maitatago ko ba na hindi ko sinabi sa iba?

Huminga ako nang malalim. Kailangan kong puntahan si Poseidon at Oracle, whatever
it takes. Ililigtas ko sila! Tumitindi ang tibok ng aking puso, nagiinit ang aking
buong katawan. Sinuot ko ang armor ko, nilagay ang dagger sa sheath, sinukbit ang
quiver sa aking balikat at dinala ang bow. Lumabas ako nang kuwarto at nakita ang
ilang gods at warriors na naguusap, nagplaplano, ang iba ay nagpapahinga. Kailangan
hindi ako magpahalata.
Mabilis akong naglakad mula sa throne room, hanggang sa pinto, ninanais na hindi
ako makita nila Zeus o sinong malapit sa akin.

Si Laelaps lang ata ang nakakita sa akin na tinahulan ako. Nakalabas ako nang
Olympus at nakita ang kumikinang na barrier. Ang mga pegasus ay umiikot pa rin,
sakay ang kanilang respective na warriors. Bumaba ako sa may napakahaba at taas na
hagdan, may nasasalubong akong mga warriors na nagbobow sa akin. Pero para bang
wala ako sa katinuan, nakatingin lang ako sa isang sulok habang pababa.

Matapos ang ilang minuto ay nakababa na ako sa may marketplace. Nakaset-up pa rin
ang camp. Kita ko ang mga warrior sa watchtowers, ang iba ay nasa tent, ang iba ay
nagprapractice. May kaunting warriors na nakabantay na sa may beach. Sa aking
kaliwa ay ang gubat. Naglaad ako papunta roon, hindi pinapansin ang kahit na sino.
Malapit na...tahimik ang gubat kumpara sa labas.

Nagtrek ako, hinahanap kung nasaan ba sila. Tumalon ako sa mga nakabagsak na puno
at dinaanan ang maliliit na bodies of water.

Umikot ikot ako, hinahanap sila.

Siguro mga ilang minuto rin bago ko makita ang clearing, napaurong ako dahil doon
ay nakita ko si Hera, si Prometheus at ang tingin ko ay si Hecate, naka suot ito ng
itim na robe at may napakaraming alahas sa kanyang katawan. Ang kanyang buhok ay
itim at ang kanyang mga mata ay parang sa ahas, maganda siya.

Nang ako'y dumating na sa clearing ay tila natigil sila Hera, Hecate at Prometheus
sa kanilang paguusap. Marahan akong lumapit sa kanila, hindi nagsasalita. Tinignan
ko si Poseidon na halos di na makakita dahil sa basag niyang mga mata, may busal pa
siya sa bibig, umiiling iling siya. Si Oracle ay walang malay.

"I knew it.", sabi ni Hecate.

"Pssh. Hayaan mo siyang mahanap ang kanyang pwesto bago natin siya kausapin.",
tugon naman ni Hera.

Nahanap ko na ang pwesto ko, hindi kalayuan sa tatlo. Ang mga Skeleton Warriors ay
nanginginig na para bang excited silang saksakin ako. Ang hellhound ay nag-growl.
Ang higante ay kumaway sa akin sabay ngiti, tinusok siya ng babaeng demigod sa
tagiliran.

"Nandito na ako. Anong kailangan niyo?"

"Ayos. Ngayon, huwag kang papalag kung ayaw mong masaktan --", naglakad si Hera
patungo kay Poseidon at inapakan ang ulo nito. Hindi ako makapaniwala! Ang sarili
niyang kadugo nagagawan niya nang ganito dahil sa kanyan layaw! "-- itong kawawang
lamang dagat na ito."
"Tama na.", sabi ko. Tinutok ko ang aking bow.

"Ah! Ah! Kalagan siya!", utos ni Hera sa dalawang demigods na lumapit sa akin.
Hindi na ako nakapalag pa dahil nasasaktan si Poseidon at naglabas na ng kutsilyo
si Prometheus, nakangiti ito sa akin, marahil iniisip niya na wala na si Hades.

Kinuha ng dalawang demigods ang bow at mga arrows ko, pati ang dagger ko. Hinubad
din nila ang armor ko, nakasuot na lamang ako nang simpleng jeans at simpleng shirt
at ang marumi kong Converse. Bumalik ang mga demigods kila Hera na hawak hawak ang
mga ito.

"Poor Amber. Stripped off her armor and weapons! Nakahubad ka! Vulnerable! Mahinang
mortal!", pagtorment ni Hera.
Tinignan ko lang siya. Unti-unti nang lumapit si Hera at Hecate sa akin. Nakita
kong lumapit ang hellhound kay Poseidon at Oracle, marahil sasakmalin sila kapag
lumaban ako. Si Prometheus ay animo'y nanunuod ng isang laro. Pinalibutan ako ni
Hera at Hecate.

"Sigurado akong lalambot ang puso ni Zeus kapag nakita niya na kayong lahat na
ganito!" Nahilo ako. Nakakita ako ng mga kulay sa paningin ko. Ang huli kong
namalayan ay may kamaong patungo sa akin. Isa pa, may naramdaman akong sakit sa
aking batok, natumba ako at nakita si Hecate sa aking likuran. Teka,
pinagtutulungan ba nila ako?

"Hecate?", sabi ni Hera.

"Hmmm.", sambit naman ni Hecate.

May lumabas na kuryente mula sa mga kamay ni Hecate. Napasigaw ako sa sobrang sakit
habang ang kuryente ay dumadaloy sa aking katawan. Gumulong ako, sipa naman ang
inabot ko kay Hera. Isa pang kuryente, parang tinutusta ang aking utak sa sakit.
Nararamdaman kong tumatalon ang aking dugo, parang sasabog ang aking katawan
anumang oras. Nakadapa na rin ako tulad nila Poseidon, si Poseidon...umiiyak siya
habang nakatingin sa akin. Nalasahan ko ang metal, dugo sa aking bunganga.

"Ako ang reyna ng Olympus! At lilinisin ko ang anumang karumihan na nandito! Bubuo
ako ng bagong Age! Na ayon sa lahat ng aking kagustuhan! Ayaw sa akin ni Zeus? Ayaw
niyo sa akin? Mabuti lamang dahil mas tumatag ako! Ilang beses na akong
pinagtabuyan, ilang beses na lagi ako ang masama! Oh sige, ako na ang masama!",
iyak ni Hera.

"Hibang ka.", ang bulong ko.

Tumawa lang si Hera at gayun din si Hecate, Prometheus at ang army ni Hera na
narito.

"Oras na para tawagin si Zeus. In the meantime, sleep tight, Amber."

Pinitik ni Hera ang kanyang daliri at parang lumakas ang hangin, para bang bumigat
ang aking mga mata. At ayun na nga, hindi ko na napigilan, ako'y pumikit.

***

Mga sigaw ang narinig ko nang ako'y namulat muli. Ilang oras ba akong tulog?
Pinilit kong gumalaw pero hindi ko kaya.

Nakita kong tinayo ng lalakeng demigod si Poseidon na hirap na hirap na. At sa tabi
niya ay nakita ko sila: si Zeus at Hades. Anong? Halatang mahina rin si Hades pero
nakakatayo siya, napakapale niya, dahil siguro sa sugat. Si Zeus lang ang nakatayo
nang maayos at hawak niya ang kanyang lightning bolt, kaharap nang Big Three sila
Hera at ang kanyang mga kolokoys.

Sumipa ako pero hindi ako makagalaw, pinilit kong sumigaw pero walang lumalabas sa
bibig ko! Teka, paralyzed ako?

"Ano, Zeus?", ang tanong ni Hera, tila ba ako ay nagising na sa gitna ng kanilang
paguusap.

"Hera. Ano bang ginagawa mo?", sabi ni Zeus, alam kong pinipigilan niyang lumuha.

Papalapit sa akin ang hellhound, kailangan kong makagalaw pero walang nangyayari.
Iniikutan ako ng hellhound. Sinundan ko siya ng tingin.

"Ibaba mo ang bolt mo!", sigaw ni Hera at para bang may pumutok na paputok sa mga
kamay ni Zeus kaya nabitawan niya nga ang lightning bolt.

"Hecate? Sabihin mo ulit ang kundisyon."

"Very well. Titigilan na namin ang pagwasak sa Olympus, sa buong mundo. At hindi na
kami magwawaldas pa ng mga inosenteng buhay kung tatanggapin niyo ang aming
challenge! Bababa kayong Big Three, kasama ang ibang Olympians maliban kay Hera sa
pagiging god ninyo and you will all live as helpless mundanes! Through sworn
oath!", sabi ni Hecate.

Nagsalita pa siya, "I'm the goddess of crossroad and choices. You should decide,
there is always an option."

"Zeus...", nagsalita si Hades.

"Hindi ko -- hindi ko alam ang gagawin!", sigaw ni Zeus.

"Call the Olympians! Now!"

Dito nagclick sa isip ko ang linya sa prophecy na "Three beings will take the
challenge of something that will break their knowledge". Ito yun? Magiging mortal
sila?

Lumiwanag ang paligid. Napapikit ako at pagdilat kong muli ay nakita ko na ang
ibang Olympians. Si Athena ay marahang tumitingin, nagoobserba. Si Ares ay sumigaw
at pasugod na sana kay Hera pero pinigilan siya ni Apollo na mukhang sobrang
seryoso. Si Artemis ay tahimik pero matulis ang mga mata. Si Dionysus at Hermes ay
obviously kinakabahan. Si Demeter ay cool lang. Si Aphrodite ay kagulat gulat na
mukhang haggard. Nakalock ang arms ni Hepheastus at tila nagaabang nang magaganap.

"Welcome Olympians! Obviously alam ninyo na ang kundisyon na pinadala sa inyo ni


Zeus! At alam niyo na maraming masasaktan kapag hindi kayo sumunod!", sabi ni Hera
sa lahat.

"This is unacceptable!", hiyaw ni Athena.

"Shut up!", balik ni Hera.

"You shut up!", back to you ni Athena.

"Zeus? O hihintayin mo pang masakmal ang Amber na iyon? O unt-unting mamatay si


Poseidon?", giit ni Hera.

Gusto kong sumigaw. Chance niyo na! Pagtulungan niyo na! Nang biglang nagsalita si
Zeus.

"Kailangan na natin tapusin ito at tila dito na nagtatapos ang ating paghahari.
Olympians?" Nakita kong huminahon si Athena. Naghintay ako. Lahat ng Olympian,
maliban kay Hera ay tumango, ito na.

"I, Zeus, king of the Olympians. In behalf of the Olympians: Poseidon, Hades,
Athena, Artemis, Apollo, Aphrodite, Demeter, Hepheastus, Dionysus, Ares and Hermes,
we all bow down from our throne and will remain as mere mortals.", sinabi ito ni
Zeus nang may matinding hinanakit.
At tuwing nagsasalita si Zeus ay may animo'y usok na lumalabas sa kanyang bibig at
ang usok ay tumutungo sa pendant ni Hera na nasa kanyang leeg.

Nakakapanidig balahibo ang sumunod na nangyari. Kumulog, kumidlat, nagdilim ang


langit. Yumanig ang lupa, parang galit na galit ang kalikasan. Doon ko napagtanto
na may authority si Zeus sa bawat Olympian. Lumiwanag nang matagal. Ang current
Olympians ay nagbagsakan sa maduming lupa.

"This is my reign! Finally!", deklara ni Hera at tumawa siya nang tumawa nang
tumawa. Ang halos lahat ng mga Olympians ay walang malay. Si Zeus ay tahimik na
lumuluha, halata mong nawala ang kanilang mga kapangyarihan. Mas mukha silang
mahina, maliit at takot.

"Farewell, my family."

Tumingin si Hera kila Hecate at Prometheus. Nagsalita si Prometheus.

"Hera's Army! Attack!"

BOOM! May tumama na naman sa magical barrier nang Olympus. Parang may earthquake.
Nakarinig kami nang labanan, mula sa beach ito. Nagsisimula na ulit ang giyera...at
kami ay walang magawa.

Napakabilis nang pagtibok ng aking puso, ang aking dibdib ay parang sasabog dahil
sa init. Pinanuod kong magmartsa paalis ang army ni Hera na narito sa gubat,
hanggang sila'y mawala. Ganun lang kadali. At hindi nila sinunod na wala na silang
sasaktan, na wala nang giyera, pero tila expected na namin ito. Pero wala kaming
pagpipilian.

Nakita kong umuubo nang dugo si Hades. Hindi! Gamit ang aking buong lakas ay
gumapang ako, nang gumapang hanggang ako'y nakarating kung nasaan ang Big Three.
Nagform kami ng circle sa lapag, lahat kami nakabagsak, mahina, mga mortal.

Inabot ko ang aking kamay at hinawakan ito ni Zeus, nilagay din ng sobrang
nanghihinang si Poseidon ang kamay niya at ganun din si Hades. Siguro mamatay na
kami nang ganito. "Welcome...to mortal...life.", joke ko.

Ngumiti nang mahinahon si Zeus. "This is the fall of Olympus."

Umubo na naman si Hades nang dugo, nagbitawan na kaming lahat ng paghahawak-kamay,


gumulong si Hades, paharap sa kalangitan, tila pinapanuod niya ang pagkasira ng
barrier at ang pagakyat nila Hera sa taas.

"Si Kuya Hades...", nagsalita si Poseidon.

"Ang kanyang sugat, Amber. Hindi ito kakayanin ng kanyang mortal na katawan.",
sambit naman ni Zeus.

Hindi. Hindi. Yun lang ang sinasabi ng utak ko. Umupo ako sa tabi ni Hades,
tumingin siya sa akin. At hinawi ang buhok ko. Inurong ko siya at tinaas ang
kanyang damit, ang sugat sa kanyang likod ay mas malala na. Sobrang putla ni Hades,
nakakatakot.

"Salamat, Amber...iligtas mo...", utal utal at ubo ubo niyang sinabi.

"Hades, wag!"

"Iligtas mo ang...Olympus..."
Dumiretso na ang kanyang tingin. At bumaba ang kanyang dibdib at hindi na tumaas
muli. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Ang rawness, ang chaos sa paligid. Pumikit
si Hades.

"Hades, hindi!", iyak ni Zeus.

Umiiyak na ng sobra si Poseidon. Parang ang manhid ng buo kong katawan. Wala na si
Hades. Marahan ko siyang sinampal sampal. Ang kanyang dugo ay naging pula na.

"Ha -- hades! Hindi pa pwede...Hades."

Pero hindi na siya gumagalaw.

Grabe na ang pakiramdam ko sa aking dibdib, parang sasabog na talaga ito.


Nadagdagan pa ng ganitong kasakit na pakiramam. Hindi ko na kaya.

"HADES!", naglabas ako nang sigaw na hindi ko makakalimutan.

Sumabog na ang dibdib ko. Literal. At nagliwanag ang paligid ko, hindi, ako. Ako
ang nagliliwanag! Anong nangyayari?!

May nagflash sa utak ko: mga memorya. Mga memorya ko na hindi ko maalala, na ngayon
ko lang nakita. Naglalakad ako, nakasuot ng chiton, nakangiti. Kausap ko ang
Olympians. Katabi ko ang hearth. Anong? Iba ang Amber na nakikita ko.

Para bang may naiinject na matinding emosyon sa aking katawan, para bang lumalakas
ako. Naeenergize. At doon pumasok sa isip ko kung anong nangyayari sa akin.

Nakita ko ang sarili ko, nakasuot pa rin ng chiton. Kausap si Zeus, adult form. At
tila nakikita ko ang sarili ko, na isang adult?

"Bababa na ako sa aking trono.", sabi ko kay Zeus.

Marami pang dumaan sa utak ko. Mga pangyayaring ngayon ko lang nakita. Mga
pangyayaring nagpakita kung sino ba talaga ako.

Amber is a part of me.

But I am me.

I am Hestia.

Chapter 11 - Checkmate

Nakatitig ako sa electric blue eyes ni Zeus nang mga panahong iyon. Walang ingay sa
throne room, kaming dalawa lamang ni Zeus. Walang giyera. Matagal na panahon na
ito, alam kong matagal na.

"Hindi pwedeng basta basta ka na lamang bumaba sa iyong trono.", sabi ni Zeus puno
ng remorse sa kanyang mga mata.

Tumalikod ako at sa hearth ay kita ko ang reflection ong nagriripple, iba ang
itsura ko. Mas matanda at mas wise. Ang aking buhok ay nakabraid at ako'y nakasuot
ng isang puting chiton. Si Zeus ay nakasuot ng kanyang armor, tulad ko nasa adult
form din siya.
"Kaiangan, Zeus. Hindi ko kailangan nang ganitong karangalan.", sabi ko.

"Pero bakit? Dahil galit sa atin ang ibang mga mortal? Dahil tingin nila mali ang
ating ginagawa? Ayaw mo ng imahe na bilang isang mataas?"

"Partially ay tama ka, Zeus. Gusto ko maging equal nang mga tao, gusto ang lahat ay
in-harmony. At isa pa, sa estado ng Olympus ngayon ay tingin ko hindi ko na
maipagpapatuloy ito."

"Pero, pero hindi pwedeng basta basta ka na lang mawala nang bula! Mawala mula sa
aming mga alaala! Hindi ko alam kung kaya namin iyon, ang iyong pamilya! Hestia,
ikaw ang nagpapanatili sa aming 'humane', ikaw ang nagpapaalala sa amin ng
pasensya, ng mabuting kalooban, ng pagiging reasonable sa mga bagay.", hinawakan ni
Zeus ang aking kamay.

"Napagdesisyunan ko na ito, Zeus. Ako'y bababa na, para na rin sa inyo, upang
makita rin ninyo ang buhay sa ibang perspective kung saan wala ako. Hindi
permanente ang lahat, Zeus. Tingin ko dito na magtatapos iyon. Ibibigay ko na
lamang kay Dionysus ang aking trono."

Nakatingin lang sa akin si Zeus. Ang tanging crisp lamang ng hearth ang aming
naririnig. Huminga nang malalim si Zeus at tinignan ako nang malalim.

"Kung ito ang gusto mo, Hestia. I'll bestow it to you.", sambit ni Zeus.

Magkatinginan kami ni Zeus nang matagal, si Zeus na aking kapatid. At binuka ko ang
aking bibig.

"I, Hestia, goddess of the hearth, family and architecture bows down from my throne
and will remain as a mortal. My memory will be erased but my legacy will remain.
This is my oath."

"Pero alam mo naman, Amber. Hindi ka pwedeng maging kumpletong mortal. You still
have an anchor at maaaring dumating ang panahon na magbabalik-loob ka.", bulalas ni
Zeus.

"Alam ko iyan, Zeus. Iiwan ko ang hearth dito para kahit hindi niyo alam ay patuloy
akong magpapatnubay. Magbibigay init at kalinga sa mga panahon ng krisis. But in
the meantime, I shall be gone."

Nararamdaman kong parang nagiging buhangin ang aking balat. Unti-unti akong
sumasama sa hangin. Nakikita ko ang mukha ni Zeus, ang kanyang malungkot na mukha,
ang mukhang ihaharap niya sa ibang Olympians kapag sinabi niya ang naganap.

***

Ngayon ay nakatingin ako sa mahina at takot na mga mata ni Zeus. Sa ilalim nang
nayayanig na Mount Olympus.

Lumingon ako at nakita na wala na ang barrier. Ang ingay nang giyera ay patuloy pa
rin. Ilang minuto lang ay makakarating na ang Hera's Army sa Olympus.

Nanlalaki ang mga mata ni Poseidon at Zeus. Hawak ko pa rin ang kamay ng walang
buhay na si Hades. Nanginginig akong tinitigan siya. Ayaw ko umalis, parang gusto
lamang dito, upang makasama siya.

"Amber...ikaw."

Tumingin ako pababa kay Zeus na halos hindi makapaniwala. Marahil naaalala niya na
rin kung sino ako.

"Oo, Zeus. Ako si Hestia. Pero paanong?"

Tinignan ko ang katawan ko, kumikinang pa rin ako. At pakiramdam ko ang lakas ko,
parang wala akong sugat at parang hindi ako pinahirapan nina Hera at Hecate kanina.

"Naaalala ko na ang lahat. Ang tungkol sa iyo.", bulong ni Zeus.

"Guardian...Amber. Ikaw si...Hestia?" mahinang tugon ni Poseidon.

"Hindi ko maintindihan. Diba bumaba rin kayo sa trono tulad ko pero -- bakit hindi
kayo katulad nang sa akin? Bakit hindi nawala ang inyong mga ala--"

"Dahil pwersahan ito, Amber. Hindi tulad mo na bukal sa iyong puso, kung ganoon ay
malilimutan nang lahat kung sino ka at malilimutan mo rin kung sino ka ba talaga."

Binitawan ko na ang kamay ni Hades at ako'y bumangon. Pinanuod ko ang aking balat
habang ito'y kumikinang. Ang aking buhok ay parang sinuklay ng pinakamagandang
brush, nawala na rin ang aking mga sugat at dumi sa damit at katawan.

"Ililigtas ko ang Olympus. Natin. Tara --"

"I don't think I can even stand up.", giit ni Poseidon.

Tinitigan ko silang dalawa, nakadapa pa rin, hinang hina, katabi ang walang buhay
na si Hades. Ano nangyari kay Hades? Paano na ang Underworld? Paano na ang mga
ambag ng mga Olympians sa sibilisasyon ngayong mortal na sila?

"Gawin mo, Amber. Ikaw ang aming pag-asa. Ikaw ang makakatulong sa amin.", sabi ni
Zeus.

Kaya ko ba silang iwan dito? Nakita ko ang ibang Olympians at si Oracle na walang
mga malay. Ako lamang rito ang pwedeng lumaban. Kailangan kong magmadali.

Mabilis akong lumuhod at hinalikan ang Big Three sa noo, kay Hades ang
pinakamatagal. Matapos ay tinignan ko sila nang may buong dignidad. Lumapit ako sa
aking mga gamit, mabuti at nandito pa. Hindi ko na sinuot pa ang armor. Sinukbit ko
na lamang ang bow at ang quiver sa aking balikat at sinabit ang dagger sa aking
belt.

It's time to kick Hera's butt.

Lumapit mula ako sa Big Three, nginitian ako ni Zeus at Poseidon. Tinignan ko si
Hades na animo'y mahimbing lamang na natutulog. Nangangatog ang aking mga tuhod
pero kailangan kong maging matatag, para kay Hades, para sa buhay na sinakripisyo
niya.

"Hindi ko kayo bibiguin.", sabi ko.

At tumakbo na ako. Mabilis ang aking takbo, alam ko iyon. Kakaiba. Parang super
speed! Ang hangin ay bumubulusok sa aking mukha at ang bilis nang aking instinct na
umiwas sa mga puno. Napahinto ako nang may kung anong humarang sa akin.

Apoy.

Ang mga puno ay nasusunog. Wildfire. Nakita kong may mga magagandang dilag na ang
suot lamang ay gawa sa halaman na lumabas sa mga puno. Mga Dryads. Nagpapanic sila
dahil sa nasusunog ang kanilang mga tahanan.

"OMG! Ang bahay ko! Pan! Help us!"

Hindi na kumikinang ang aking balat at wala na ang init sa aking dibdib pero alam
kong malakas ako at kaya ko ito. Apoy. Ang hearth. Bigla kong naisip ang aking
panaginip. Ganitong ganito.

Tumakbo ako at dinaanan lamang ang kurtina ng apoy, wala akong sugat, nainitan
lamang ako ng kaunti. Malamang si Prometheus ang may pakana nang sunog na ito. Mas
nagrush pa ako nang mabilis, nakikita ko ang mga Dryads na gumugulong, umiiyak at
nagbrebreakdown na sa takot at panghihinayang.

Nang akoy makalabas nang gubat ay umubo-ubo ako. Siguro hindi porket na nalaman
kong isa pala akong goddess ay makaka-adapt na agad ako. Para akong isang baby na
unti-unting natututo muli. Sa beach ay patuloy ang laban. Pero mukhang nakakalamang
ang army ni Hera.

Karamihan nang nasa Olympus Army ay either sugatan o...patay.

Tinignan ko ang gubat at huminga nang malalim. Nandoon ang ilang dryads pati na
rina ng Olympians. Pumikit ako at nagconcentrate. Nagisip ako. Inisip ko nang
malalim na mawawala na ang wildfire at ilang segundo lamang ay nawala na ang tunog
ng nagaapoy na gubat. Dumilat ako. Ligtas na ang gubat. Hindi ako makapaniwala!

Ako ang may gawa noon! How amazing!

Marahan akong lumingon. Pilit tinanggal ang ngiti sa aking mga labi. Ang first
blood ko ay isang baby Cyclops. Sinapak ko si Medusa at pumugot ako ng isang
hellhound. Marami rin akong binanggang mga kalaban. Nakita ko si Paris, kalaban
niya ang isang babaeng kalahating agila, pilit siyang dinadagit nito, sinasaksak
ito ni Paris gamit ang kanyang espada.

Sumugod ako at tinapon ang aking dagger sa babaeng agila, natamaan ito sa pakpak at
sumigaw sa sakit. Lumipad ito.

"Paris!"

Tumingin siya sa akin at inihagis ko ang aking bow at arrow. Mabilis niyang
naintindihan ang nais ko. Shinoot niya agad ang babaeng agila at bullseye! Bumagsak
ito.

"Samahan mo ako. Sa Olympus."

"Tama. Sila Hera ay pa-advance na doon. Napakahirap nilang pigilan."

Nilapitan ko ang ibon at kinuha ang dagger na nakatusok pa sa kanyang pakpak.


Inabot sa akin ni Paris ang bow at nang magdikit ang aming mga kamay ay para itong
nabigla.

"Teka -- may kakaiba sa iyo. Anong --", utal niya.

"Nalaman ko kanina lang na ako si Hestia."

Para siyang tutumba. Pagkasabi ko nang Hestia ay tumigil nang bahagya ang giyera at
lahat ay napatingin sa akin, ang iba ay gulat, ang iba ay takot. Matapos ay
nagresume ang laban. Madaming lumilipad na ulo ng Skeleton sa ere. May mga arrow na
nagwhi-whizz. At si Cerberus ay galit na galit na sinasakmal ang mga babaeng ahas,
malamang ay naramdaman niya ang pagpanaw ni Hades.
"Hestia?", bulong ni Paris.

"Mamaya na lang, Paris. We need to move!"

Patakbo na sana kami ni Paris patungo sa hagdan paakyat ng Olympus nang may boses
na nagpahinto sa amin.
"I'll join!"

Lumingon kami at nakita si Pan. Ang tanging hawak niya lamang ay kanyang flute.

"Pan. Sige."

"Salamat, Hestia."

Ngumiti na lamang siya at ako rin. Tumakbo kaming tatlo patungo sa marketplace kung
nasaan ang camp na nasusunog na at sira sira. On the way ay marami rin kaming
kalaban na naencounter, may mga leopard na binigkis at pinilipit ni Pan gamit ng
mga ugat na galing sa lupa.

Umubos si Paris ng mga Skeleton Warriors.

At sumugat ako ng ilang demigods.

Pagkarating namin sa may hagdan ay patay na ang mga guardiya rito, imbis dalawang
higanteng cobra ang nandito. Nagimbal kami but we can manage. Pinagtulungan namin
sila, ginamitan ni Pan ng kanyang mini-Panic ang mga'ahas, nagattempt ang mga ito
na tumakas pero sinaksak ni Paris ang dalawa gamit ang kanyang dalawang espada sa
mga buntot nito.

Hindi ko alam kung paano ko nagawa pero nasunog ang mga ahas nang inisip ko lamang.

"Let's go!", hirit ni Pan.

Mabilis kaming tumakbo sa hagdan. Lumingon ako at nakita ang kabuuan ng giyera,
nakakatakot. Madaming pagsabog at mga nakahandusay na bangkay. May mga sumasabog
rin sa iba't ibang parte ng isla. Hindi ko alam pero si Monsieur, Delphig at
Laelaps yata ang nakita kong lumalaban sa horde ng mga empousais.

Hindi kami nagpapigil sa mga sumasalubong sa amin sa hagdan, iba't ibang klase ng
mga kalaban: demigods, mga higanteng creatures at iba pa. Pero inubos namin silang
lahat. It's a pure adrenaline rush!

Isang pagkakataon ay may nakita kaming lumalabas mula sa dagat, isang higantenh
creature na hindi mo maintindihan kung ano ba talaga ang gusto niyang itsura, mukha
siyang octopus na pagong na dragon. Napalunok ako. Pumunta ito sa beach at bago ko
pa makita ang damage na idudulot nito ay hinila na ako nila Paris.

Matapos ang madami-daming kalaban at halos endless na hagdan ay nakarating rin kami
sa pintuan ng Olympus. Hingal na hingal kaming tatlo. Nakita ko ang mga pegasus na
kinakalaban ang ilang mga harpies. Ang mga higanteng mga ibon at paniki ay sinisira
ang exterior ng Olympus. Basag basag ang mga salamin ng palasyo at ang mga stained
glas ay stained na talaga ng dugo at alikabok.

Sa pinto ay may ilang katawan ng mga warriors ni Hera at warriors ng Olympus.


Nagkatinginan kaming tatlo.

"Ang Big Three? Ang Olympians?", tanong ni Paris.


"Mahabang kwento.", sagot ko na lamang.

Tila naintindihan naman ata nila at sabay sabay naming tatlong binuksan ang pinto
ng Olympus at tumambad sa amin ang throne room na hindi mo na makikilalang throne
room, bagsak ang ilang pillars at abo na lamang ang ilang mga upuan ng Olympians.

Puno ng rubble, mga nakabagsak na mga pader at mga patay ang paligid.

Nandoon si Hera sa throne room at nasa harap niya si Kronos.

"Hera, hindi mo ito kailangang --"

"Umalis ka sa harap ko, tanda!"

Hinawi ni Hera ang kanyang kamay at tumalsik si Kronos sa isang pader at natakpan
ng mga boulder.

Sumigaw ako nang buong lakas, "HERA!"

Lumingon siya at animo'y ngumiti. Naglakad kaming tatlo patungo sa kanya.

"Oh how surprising! Buhay ka pa talaga, no? Amber?"

"Hestia, you mean?"

At doon siya napaurong, tinignan niya ako mula ako hanggang paa, ang kanyang mukha
ay tila nanigas. Tinignan ko siya nang masama. Agad naman niyang tinaggal ang
kanyang gulat na ekspresyon.

"Oh! Hestia. So, you're back? Kaya pala pinapanigan ka ng Kronos na iyan! Ngayon ko
lang napagdugtong dugtong ang misteryoso mong pagkatao. Long time no see, Hestia?
Bakit bumalik ka pa?"

"Tama na ang satsat, Hera. Nasaan na ang mga kasama mo? Nagtago na sa ilalim ng
saya mo?"

"None of your business! Tatapusin ko muna kayong tatlo bago ako magpatuloy sa
pagsira at pagbago at pagpurify sa Olympus na ito!"

May nagmaterialize na staff sa kamay ni Hera, tinutok niya ito sa amin at may ilaw
na lumabas mula rito, ang ilaw ay naghugis higanteng peacock (hayop na sagrado kay
Hera) at tila hindi ito masaya na makita kami. Agad kaming umiwas na tatlo,
gumulong sa lapag. Ang ilaw ay tumama sa mga pintuan, sumabog ito at bumagsak.
Napirat yata ang mga katawan sa labas.

Nagpatuloy sa pagatake si Hera, nagtago ako sa pillar at tila duling si Hera dahil
kung saan saan tumatama ang kanyang mga tira. Nakita ko si Paris na nagtatago sa
kabilang mga pillar. Si Pan naman ay lumapit sa kung nasaan si Kronos.

Naramdaman kong tatama na ang kapangyarihan ni Hera sa pillar na aking tinataguan.


Mabilis akong umalis mula rito at sumabog na nga ang pillar. May nagbagsakan na
semento mula sa kisame ng Olympus, advantage, dahil tila hindi ako napansin ni
Hera.

Nagulat na lamang siya na nasa gilid niya na ako.

"Para ito kay Hades!"

Pinalaki ko ang apoy ng hearth na nasa likod ni Hera. Lumaki nga ito at animo'y
nagroar. Napa"aray ko po!" si Hera dahil sa init na nasa likod niya.

Bumagsak siya. Sinipa ko ang staff paalis sa kamay ninya pero mabilis siyang
bumangon at tumitili.

"AHHH!"

"Shut up!"

At sinuntok ko siya ng ubod lakas sa mukha. Knock out si Hera. Mabilis itong
bumagsak sa tabi ng hearth with matching hilik pa.

Ngayon, nasaan na sila Prometheus, Hecate at yun iba pa niyang army? Teka -- hindi
kaya? Ang Ophiotaurus! Kukuhanin nila ito upang itago! Dahil si Hera ay isa pa ring
Olympian! Tinignan ko si Paris.

"Paris! Pan! Bantayan niyo siya!"

"Saan ka pupunta?", tanong ni Paris.

Hindi na ako nakasagot. Nakita kong nakatingin si Pan sa duguang si Kronos, shinake
ko ang pakiramdam paalis sa aking utak at mabilis tumakbo sa mga hallways.

Parang isang maze. Madami akong nasalubong na mga bangkay. Nakakatakot. Sa isang
kwarto nakalagay ang Ophiotaurus, nakalakip ito sa isang transparent magical jar na
nasa loob ng iang vault. Kailangan ko silang maunahan pero nanghina na ang aking
loob, maaaring nasa kamay na nila ang Ophiotaurus.

Habang tumatakbo ako ay napaisip ako, one of these rooms ay maaaring nandoon ang
aking pamilya. Sana ayos lamang sila.

Nang makarating ako sa may kuwarto ay wala na ang pintuan nito. Sumilip ako nang
mabilis at nakita si Prometheus at Hecate na nakatalikod, pabukas na ang vault at
mukhang excited ang mga mokong. Dalawang Skeleton Warriors at ang lalakeng demigod
na lamang ang kasama nila. Marahil kinain ng giyera ang iba.

Tahimik akong kumilos at pinugutan ang dalawang Skeleton Warriors, nagclatter ang
kanilang mga bungo sa lapag. Malas! Dahil lumingon ang demigod, si Hecate at
Prometheus dahil sa ingay. Mabilis kong shinoot ng arrow ang demigod sa kamay,
tumusok ito sa kanyang palad, nabitawan niya ang hawak niyang espada at naimpale
ang kanyang kamay sa pader gamit ang arrow.

"ARGH!", iyak niya sa sakit. Napaiwas ako nang tingin.

"Oh! Look who's here!", sabi ni Hecate gamit ang kanyang mala-ahas na boses.

Ang kanyang mga mata ay para ring sa ahas, kulang na lamang ay ang labas masok
niyang dila. Agad hinablot ni Prometheus ang jar ng Ophiotaurus.

Hindi na ako nagsalita, tinaas ko ang kamay ko at hinayaang maglabas ng stream ng


apoy mula sa aking palad. Nabigla si Hecate na mabilis umiwas. Tinaas rin ni
Prometheus ang kanyang staff at nagtama ang apoy naming dalawa.

"How? Who are you?", tanong ni Hecate.

"I knew it. Ikaw si Hestia. Napakahusay.", sabi lamang ni Prometheus na parang
hindi nahihirapan.

"Oo. Ako nga. At oras niyo nang dalawa."


Niliko ko ang kamay ko at sumunod ang apoy, tumama ito kay Hecate, ang apoy naming
dalawa ni Prometheus, tumalsik ang goddess sa pader. Brineak ko ang aking apoy at
umiwas sa apoy ni Prometheus na patungo sa akin.

Mabilis kong dinambahan si Prometheus. Gumulong ang staff mula sa kanyang kamay.

"Ang pangit ng gupit mo!", tila nadistract naman siya dahil napataas ito ng kamay
at hinawakan ang kanyang ulo.

Kinuha ko nang mabilis ang jar at tumakbo palabas. Hinabol ako ni Prometheus. Pero
mas mabilis ako sa kanya. Naririnig ko siyang naririndi sa inis at may sumasabog sa
aking likuran, marahil galing sa kanya.

Pagkarating ko sa throne room ay gising na si Hera at sila'y naglalaban ni Pan,


gamit ang kanyang flute ay may mga ugat na pumupulot kay Hera na hinahawi naman si
Pan ng kanyang dagger. Si Paris ay nasa lapag, may sugat sa paa pero thankfully ay
gising siya.

Hindi alam nang aking paa kung saan ako pupunta, ang jar ay mahigpit kong yakap-
yakap. May naramdaman akong init sa aking likod at ako'y bumagsak. Mabuti at hawak
ko apa rin ang jar, nakita ko si Prometheus, papalapit sa akin.

"Sino ka para laitin ang gupit ko?"

Tinutok niya ang staff niya sa akin at nakita ko ang dulo nito, kumikinang na ito
at anumang oras ay lalabas na ang apoy rito. Pero hindi ito nangyari dahil biglang
tumalsik ang kanyang staff. Naguluhan si Prometheus at tumingin sa gilid at nandoon
si Persephone, nakasuot siya ng armor at napakaelegante niyang tignan.

Sinapak niya si Prometheus at siya'y bumagsak at tumama ang ulo sa batong galing sa
kisame.

"Para iyan sa aking Mommy Demeter at Hades!", sigaw niya.

"Persephone!"

"Amber, I mean, Hestia?"

Tumango ako nang marahan.

"Kasama ko ang asawa ni Poseidon, si Amphirite. May army kami at tumutulong kami sa
ibaba.", sabi niya.

"Maraming salamat.", tugon ko.

Inabot niya ang aking kamay at kinuha ko ito. Matapos ay tinitigan ko siya.

"Si Hades."

"I know. Ngayong wala na siya ay ako ang mamahala ng Underworld at naisip ko na
oras na para lumaban. Nakausap ko ang mortal na ispiritu ni Hades at sinabi niya
ang lahat nang naganap."

Gusto kong umiyak, "Hindi ba siya pwedeng ibalik?"

"Minsan ay kailangan nating sundin ang will ng mundong ito. Sa ngayon, ay may
problema pa tayo."
Nakita kong tumalsik si Pan, sobrang taas ng kanyang talsik! Bumagsak siya sa mga
pintuan! Tumakbo ako kay Paris at pinahawak sa kanya ang Ophiotaurus, hahawakan at
babantayan daw niya ito nang maigi. Sumugod kaming dalawa kay Hera, tinatanggal
niya ang ugat na nasa kanyang mga paanan. Nang makita niya kami ay tinaas niya ang
kanyang dagger.

Nagslash kami ni Persephone gamit ang aming mga kutsilyo, pinipitik ni Persephone
ang kanyang kamay at tinutubuan ng mga bulaklak si Hera kung saan saan,
nadidistract siya dahil dito. Sa isang pagkakataon ay natamaan ako ni Hera ng
kanyag armas, bumagsak ako at nakita sila ni Persephone na nagduduel.

"Ang galing! Lumabas ka rin sa kuta mo, Persephone, my dear sister in-law."

Pero hindi sumasagot si Persephone, patuloy lang ang laban nila. Nakita ko ang
pendant na nakasabit sa leeg ni Hera, dito pumasok ang oath na galing kay Zeus.
Teka, kapag nabasag ba ito --? Hindi masama kung susubukan.

Habang naglalaban sila ay tahimik kong niload ng pana ang aking bow at nakaluhod
akong tinutok ito sa pendant ni Hera, huminga ako nang malalim. Ang bigat ng bow ay
vinivibrate ang aking mga muscle. Gumagalaw si Hera dahil sa kanilang laban at
hindi ako makapagconcentrate.

Napatingin pa ako sa gilid ko at nakita si Prometheus, nakabangon na ito pero agad


siyang hinablot pababa ni Paris at sila'y animo'y nagwrestling sa makinang na kaoag
ng throne room. Teka, kung nandito si Paris, nasaan na ang Ophiotaurus?

Lumihis ako nang tingin at nakita si Pan, gumagapang, siya na ang may hawak nang
Ophiotaurus. Mabuti naman. Bumalik ako sa aking plano, binitawan ko ang string at
ang arrow ay hindi natamaan si Hera! Hindi! Nagload ulit ako ng pana at huminga
muli nang malalim.

"Hearth, I need you.", marahan kong bigkas.

At binitawan ko muli ang string, ang arrow ay tumama sa makapal na lace ng pendant
ni Hera. Natanggal ito mula sa kanyang leeg at tumusok sa isang pillar. Mukhang
napansin ito ni Hera, sumigaw siya at nabasag ang mga salamin, parang lumindol.
Nakakapanindig balahibo. Kumikinang siya dahil sa galit. Sinipa niya si Persephone
at tinutok dito ang kanyang staff.

Parang natigil ang oras, parang sobrang bagal. Kailangan na naming gawin ito.
Tumingin ako kay Pan na gumagapang papalapit sa hearth.

"Pan!"

Tumango siya sa akin at tila naintindihan niya. Tamang tama, si Hera na lamang ang
Olympian sa ngayon. Inihagis ni Pan ang jar kung nasaan ang Ophiotaurus patungo sa
aking hearth habang nagrarage si Hera.

Lalong sumiklab ang hearth nang bumagsak ito sa apoy. Ang sigaw ni Hera ay
napalitan ng sigaw ng takot, nang iyak, nang sakit.

"AHHHH! HINDI!!! ANONG GINAWA NINYO?!!!"

Bumagsak si Hera, gumugulong sa sakit. Parang nagkakaroon ng mga linya sa kanyang


buong katawan at ang linya ay parang baga. Umiiyak sa sakit sa Hera, hindi ko alam
kung anong nangyayari sa kanya. Tahimik lamang kaming nanunuod habang siya'y
marahang humihina.
Humagulgol si Hera.

"Hindi...ang tangi ko lamang...hangad...ay maging maayos ang...lahat.", nagpatuloy


siya sa pagiyak habang ang Ophiotaurus ang ay nasusunog.

Kumukulubot ang balat ni Hera at lumulubog ang kanyang mga mata. Malayong malayo sa
dati niyang itsura. Tumayo si Persephone at pinanuod siya. Gayun din ako, tumayo
ako. Nakita ko si Prometheus, stunned, hindi makagalaw, nanlalaki ang mata habang
nakatingin sa nangyayari kay Hera, hawak pa rin siya ni Paris.

Naglakad ako patungo kay Hera at nakatingin siya sa akin na parang kawawang puppy.

"Nagawa mo.", sabi ni Persephone.

"Hinde. Nagawa natin.", giit ko.

Nakaramdam ako nang magandang sensasyon habang nasusunog ang Ophiotaurus, dahil na
rin siguro sa akin ang apoy na ginamitan ng pagsunog nito.

Kaya pala ito ang ginamit ko papaalis sa Olympus nang una akong tumungo rito at
kaya pala ako nateleport gamit ito sa isa ko lamang pakiusap. Dahil sa akin ito.
Akin ang hearth.

Naglakad ako patungo sa pendant na nakasabit pa rin sa pader dahil sa arrow, kinuha
ko ito at nilapag. Lumapit sa akin si Persephone.

"Anong ginagawa mo?"

Tinaas ko ang aking dagger at sinaksak ang pendant, nakailang saksak pa ako bago
ito nabasag. At may kung anong usok ang lumabas mula rito, nagtravel ang usok
papalabas ng palasyo. Yumanig muli nang kaunti at lumakas ang hangin. Nagtataka
sila Persephone at ang iba pa sa nagaganap.

Unexpected ang naganap, lumiwanag nang sobrang lakas. Ilang segundo bago kami
makatingin sa kung anong nangyari. Ang mga Olympians, renewed, walang damage, suot
ang kanilang mga armor. Adult form. Nakanganga kaming lahat, doon ko napansin na
tila kumikinang na rin ako.

Tahimik na lumapit ang Olympians kay Hera, napansin kong wala nga si Hades, tila
panahon niya na talaga.

Si Hera ay marahang tumingin sa kanya. Nilabas ng mga Olympians ang kanilang mga
armas, si Zeus, ang kanyang lightning bolt, si Poseidon ang kanyang trident, bow
and arrow kay Artemis, mga espada kay Demeter, Hermes, Apollo, Dionysus at Athena,
spear at shield kay Ares, hammer kay Hepheastus at blower at suklay kay Aphrodite.

"Uh-oh.", sambit ni Hera.

Napangiti ako. Napakasaya nang aking nararamdaman, pero naroon pa rin ang takot at
pagod dahil sa mga naganap sa akin, dahil sa mga rebelasyon.

Sinalo siguro ako ni Persephone nang ako'y nawalan ng ulirat.

Chapter 12 - To a better future

Ang mga Furies daw mismo ang kumuha sa bangkay ni Hades at ummiyak daw ang mga ito.
Sayang at wala na akong panahon para makita pa ang bangkay ni Hades, mapasalamatan
siya ulit at makapagpaalam.

Si Hera, Prometheus at Hecate ay sinundo ng ilang Underworld guards na kasama ni


Persephone, nilagyan sila ng mga chains sa paa at kamay. Si Hera ay nakakasindak na
ang itsura at halatang hirap na hirap, si Prometheus ay tila nabaliw at si Hecate
ay nagmamakaawa, "peer pressure" lang daw.

Habang dinadala sila Hera pababa nang Olympus ay nakatingin si Zeus sa kanila, tila
may halo ring lungkot sa kanyang tingin.

Lumapit sa akin si Persephone at niyakap ako.

"Pasensya na, Amber. At nahuli kami."

"Ah! Hindi po! Napakalaki niyo pong tulong! Maraming salamat sa lahat."

"Salamat din, Amber. Magiging masaya si Hades dahil nagtagumpay tayo."

"Sinabi sa propesiya na ang Olympus ay babagsak pero hindi naman sinabi na


mananatili tayong ganun. Tayo'y babangon.", sambit ko.

Ngumiti muli siya at napakaganda niya.

"Kailangan na naming umalis."

Naglakad siya papalayo sa akin, nakangiti siyang tumingin sa Olympians at siya'y


sumunod na sa Underworld guards na hawak sila Hera.

Nang matalo na ang kanilang masters ay agad na ring nagsurrender ang Hera's army at
sama sama silang ipapatapon sa Tartarus. Nagulat ako nang makaramdam ako ng init at
balat. Pagtingin ko ay niyayakap ako ni Zeus at Poseidon. Yumakap na rin ako.
Matapos ay tinignan nila ako.

"Magaling, Amber. At maraming salamat.", sabi ni Zeus.

"May sakit ka ba, Zeus? Himala at nagpapasalamat ka!"

"Aba! Anong sabi mo?"

"Guardian Amber! Yee. Ikaw ba talaga si Hestia? Kaya pala! You're really my
sister!"

Niyakap muli ako ni Poseidon at nagsalita si Zeus.

"Oo nga. Kapatid ka pala namin. Muntik na tayong magcommit ng incest.", sabi ni
Zeus.

Tumawa kami nang tumawa. Pero biglang bumagsak ang katahimikan sa amin.

"Kung nandito lang si Hades.", giit ko.

"Hey, cheer up! Kuya Hades is sure happy! Plus we won! Yay!", hiyaw ni Poseidon.

Napangiti na ako dahil doon at hinawakan ni Zeus ang ulo ko at hinalikan ang aking
noo. Pilit naman siyang inaalis ni Poseidon na kumakapit sa kanya. Nakakatawa dahil
nasa adult form sila at ganito ang kanilang behaviour.

Nakita ko na rin sa wakas si Amphirite, nakasuot siya ng golden armor na may shade
na blue. Maiksi ang kanyang buhok at tila childish din siya dahil nakita ko silang
magusap ni Poseidon. Naghahabulan sila at nagkokotongan. Ang cute.

Pinasalamatan ako ng mga Olympians ng personal. Pero mas malaki ang gratitude ko sa
kanila, hindi lang ako ang dahilan ng aming tagumpay. Dumating na ang mga dose-
dosenang Nurses, may dalang mga stretchers at first aid kits. Ginamot nila si
Paris.

Dumadami na rin ang mga warriors sa loob ng Olympus, tinitignan kung anong
nagaganap. Hinahanap ang kanilang mga kakilala, pinapasalamatan ang Olympians etc.

Nakita ko si Pan at nakadapa siya malapit kay Kronos...na tinatakpan na niya ng


burial cloth. Lumuhod ako, dito ko naisip na maraming nagbuwis nang buhay. Si
Kronos...tumingala sa akin si Pan.

"He needs to go."

"Naiintindihan ko.", sabi ko.

"I'll tell them.", balik naman ni Pan, referring to the Olympians.

Naglakad-lakad ako at mas nakikita ko pa kung gaano kagrabe ang damage sa Olympus.
Halos ubos na ang ceiling, ang mga pader din. Pinalakas ko ang hearth, iniisip na
mas maganda kung mas warm ang paligid. Pumunta ako sa nakatumbang pintuan at
nakakita ng mga pamilyar na mga mukha: mga satyrs, nymphs, centaurs, mga demigod
warriors, minor gods, ang iba ay sugatan, duguan at ang iba ay nakangiti at walang
mga iniinda sa katawan.

Bumaba ako ng stairs at may mga umaakyat na mga warriors, may mga dala sa
stretchers. May mga bumati sa akin at nakipagkamay. Dahan dahan lang ang aking
pagbaba at mula rito ay nakikita ko ang creature mula sa dagat na nakita ko.
Nakahandusay ito sa beach at tila wala nang buhay. May mga warriors na naka-armor
na blue ang nakabantay dito, marahil mga army galing sa palasyo ni Poseidon.

Pagkababa ko sa may marketplace ay hile-hilera ang mga katawan ng mga fallen dahil
sa giyera. Naglakad ako, nababarag ang puso ko, matindi ang ganitong pakiramdam, na
makakita ka ng mga katawan ng mga nilalang na dati mong nakikitang buhay na buhay.

Napansin ko si Oracle na humahagulgol. Tumakbo ako patungo sa kanya at napahinto sa


aking nakita. Umiling iling ako. Hindi pwede! Sa tabi ni Oracle ay si Delphig, may
sugat sa kanyang tagiliran, tumutulo ang dugo at hindi siya humihinga.
"Delphig...Delphig ko...bakit mo ako iniwan?"

Niyakap ko si Oracle at yumakap din siya pabalik. Si Laelaps ay nandoon din,


nagwhiwhimper, dinidilaan niya si Delphig, parang pinipilit niyang gisingin ito.

Tumigil ang puso ko nang makita ko ang bangkay na katabi ni Delphig. Stubby arms,
weak ankles. Si Monsieur Picasso, may arrow na nakatama sa kanyang dibdib. Umiyak
na rin ako. Hinarap ko si Oracle sa akin.

"Namatay sila ng may honor. Mga bayani sila."

Tumango si Oracle pero patuloy pa rin siya sa pagiyak. Tumayo ako at lumapit kay
Monsieur, pinutol ko ang arrow na nakatama sa kanyang puso at matapos ay hinawakan
ang kanyang kamay.

"Sigawan mo naman ako, Monsieur oh. Okay lang kahit tadtarin mo ako ng inis.
Monsieur!"
Ang naaalala ko ay immortal si MOnsieur...immortal unless killed. Maybe kasama na
niya ngayon ang mga kapatid niyang higante at sana higante na rin siya.

***

Nang gabing iyon ay tinipon ang lahat ng pumanaw at sila'y binalot sa kanilang mga
shroud. Isa-isa ay pinarangalan.

Silang lahat ay mga bayani. Nakita kong lumuluha si Poseidon dahil kay Kronos,
ganun din si Athena na kilala kong matatag.

Sinunog ang kanilang mga bangkay sa aking hearth. Habang buhay namin silang
paparangalan. Matapos ng burial ay pumunta ang bawat Olympian sa kanilang mga
trono, pero hindi sila umupo dahil mga abo na lamang ang natira. Naalala ko na ako
ang goddess of architecture, may nagflash sa utak ko: kita ko si Athena at ako
nagplaplano para sa structure ng Olympus, dati pa ito.

Siguradong mapapalaban ako dito.

"Ngayong gabi ay pinaparangalan natin ang lahat ng lumaban sa giyerang ito, lahat
ng nagbuwis ng kanilang mga buhay para sa Olympus! Dahil dito ay mas lalo tayong
tatatag! At bubuo tayo ng bagong Age!", pagannounce ni Zeus.

Ang mga natira at mga nabuhay ay tahimik na nanunuod. Nakita kong tumingin sa akin
si Zeus.

"Ngayon, ay hindi natin magagawa ito kundi dahil sa kanila na bumalik upang
tumulong sa atin. Sila'y nagbabalik sa kanilang mga trono at karangalan! Si Pan,
god of the wild!"

Tumingin tingin si Pan sa paligid at nahihiyang kumaway kaway. Tinapik ko siya sa


likod. Ang mga satyrs at nymphs ay nagkakagulo na parang mga fanboys at fangirls.

"At siyempre, ang Olympian...na si Hestia!"

Pumalakpak ang mga tao. Ang sarap sa pakiramdam, pati ang mga Olympians ay
pumapalakpak at humihiyaw rin. Sa isang gilid ay nabigla ako dahil ngayon ko lang
nakita ang aking pamilya, nakabenda ang aking mga magulang at nakacast ang kamay ni
Johnny, si Angel at Kim ay buhat ang baby kong kapatid, tumatalon talon sila sa
tuwa. Teka, naiintindihan ba nila lahat nang nangyayari?

Patuloy lang sila sa pagpalakpak, gusto kong maiyak. Dumaan sa isip ko ang lahat
nang naganap sa buhay ko. Ang aking pagiging goddess of the hearth, ang pagbaba ko
sa trono, ang pagassume ko ng form ng isang mortal, nagsimula ako bilang isang
sanggol para sa magasawang naghahangad ng anak: ang mga magulang ko ngayon, at ang
mga problema na dumating sa aming pamilya, ang pagdating ng Big Three, ang lahat ng
adventure ko kasama sila that leads to here.

Ang sarap sa pakiramdam. Nakangiti kong naisip ang paparating para sa akin.

Isang mas magandang kinabukasan. At alam ko iyon.Epilogue

Apat na buwan na ang lumipas simula nang naganap na giyera. Mahabang paliwangan ang
naganap between me and my family dahil sobrang confused sila. Kung ako daw si
Hestia eh bakit kamukha ko sila? Alam kong namodify din ang aking features at pag
mahal mo at lagi mong kasama diba magiging kamukha mo na? Pero matapos ang lahat ay
naintindihan din nila.

Nag-agree sila na dito na rin tumira sa Olympus.


Speaking of Olympus, yes, inaayos na namin ang lahat. Kasama si Athena ay nagplano
kami, nagpupuyat kami kaharap ang blueprints, tumulong na rin ang aking passion for
arts.

Ang mortal na mundo ay nagimbal sa mga naganap, sino nga ba ang hindi magigimbal
doon? Mataos ang giyera dito sa Olympus ay natapos na din ang atake sa bawat parte
ng mundo. Ngayon puro newscasts, documentaries, tv shows, publications at kung anu-
ano pa tungkol sa "magical world, creatures and beings" ang makikita mo. Can't
blame them. Tinutulungan din namin sila umahon, lalo't mas matatag na kami ngayon.

Nagbobond kami lagi kasama ko ang aking brothers and family members, minsan
nagfoform sila bilang teenagers para kami'y makakain sa Burger King. Ewan ko ba,
tila naging trend na ata sa Olympians na maging teenagers, pauso kasi ng Big Three
eh. In case you're wondering, oo, nagform ako bilang adult isang beses at ayoko
nang ulitin.

Si Paris ay madalas dumadalaw sa Olympus upang tumulong magayos ng mga nasira.


Lahat ay nagtutulong tulong. At ayon kay Paris ay nasa final draft na siya ng
kayang librong sinusulat based sa aming adventures.

Si Pan, Oracle at Laelaps ay parang nadikit ng glue, lagi silang magkakasama. Isang
araw ay binigla ni Pan si Oracle ng isang bagong alaga: isang biik! At tatawagin
daw niya itong Berphig. Hango sa Amber at Delphig.

At si Hades. Napapangiti ako kapag naaalala ko siya.

Isang araw, isang normal na araw sa Olympus. Ang throne room at ang hagdan pababa
ay inaayos. Nakasuot ako ng simpleng jeans at t-shirt. At may dala ako sa aking mga
kamay: isang seed.

"Good morning, Guardian!", bungad sa akin ni Poseidon nang ako'y paliko patungo sa
garden.

"Magandang umaga rin, Poseidon!"

"Where are you going?"

"Sa garden."

"Huh?"

Binuka ko ang aking palad at pinakita ito sa kanya. Tumango siya at niyakap ako.

"He'll live on.", bulong niya sa akin.

Matapos ay tumakbo siya papaalis, nagmamadali.

"Uy, dahan dahan!"

"May date ako with Amphy! Don't want to be late!", pahabol niya.

Ngumiti ako at nagpatuloy sa paglalakad at guess what, kay Zeus naman ako bumangga.
Humampas ang ulo ko sa kanyang dibdib.

"Ow! Ambe-- Hestia."

"Zeus."
"Musta?"

"Ayos lang. Tutungo ako sa garden."

Tumango rin siya, tila alam ang aking plano. Katahimikan. Naisip ko kung paano mas
naging gentle si Zeus, kung paano siya mas naging maunawain. Binasag niya ang
katahimikan nang hinalikan niya ang noo ko, paborito niya itong gawin na para bang
lola ako.

"Mahal kita, Amber. Bilang kapatid at bilang kahit ano pa. Ingat ah."

Ginulo niya ang buhok ko at naglakad.

"See you at breakfast!"

"Sige!", hiyaw ko.

Inayos ko ang buhok ko at naglakad hanggang ako'y makarating na sa garden. Ito ang
pinakadulong lugar ng Olympus, walang bubong. Parang isang greenhouse, may gazebo,
fountain at mga upuan sa paligid. May mga ibong lumilipad at puno ng beds ng
halaman at bulaklak. Peaceful.

Lumapit ako sa cleared na parte ng lupa at nagbungkal, nilagay ko ang seed dito at
tinabunan. Ito ang buto na nakita namin sa mismong pwesto kung saan pumanaw si
Hades. Isa itong buto ng punong narra, mataas, matatag. Papanuorin ko itong lumaki
hanggang sa hindi ko na siya kaya pang tingalain at aakyatin ko ito nang may buong
sigla.

Matapos kong itanim ito ay umupo ako sa bench, nagisip. Napahinto ako nang makita
ko si Pan sa may gazebo, gamit ang kanyang flute, kailan pa siya napunta doon? At
habang tinutugtog niya ang kanyang flute ay nakatingin siya sa akin gamit ang
kanyang kahali-halinang mga green eyes.

May lumabas na sprout mula sa pinagtaniman ko, dahil siguro sa tugtugin ni Pan.
Huminto siya at tinignan ako at ngumiti. Ngumiti rin ako.

May napansin akong shape sa entrance ng garden, si Paris, nakasuot siya ng


napakaaliwalas na ngiti, ang kanyang kulay araw na buhok ay parang sumisiklab. At
may hawak siya sa kanyang mga kamay: stack ng papel. Ang kanyang final draft.

Naglakad sila pareho papalapit sa akin. Siguro panahon na para pagtuunan ko naman
ng pansin ang aking puso.

Diba?

-END-

You might also like