Professional Documents
Culture Documents
+söuthern high(0)
+söuthern high(0)
Synopsis:
Southern High School is probably one of the schools where cliques are a must.
Jocks, cheerleaders, nerds, and even those who are considered as geeks as Hallene
Rhias. She despise such people as Raymond Joseph Perez, Charles Orosco, and Riyan
Vincel Hetzer who were in this group who thinks girls are just for fun. Her life
totally flipped when the City School's Pre-Test came, and an unintentional mistake
had her phone exchanged with somebody. Fate has it that, that somebody would be
someone from the group that she hates the most. Would things go for the worst, or
maybe something as unexpected as to fall in love with one of them will happen?
Introduction
(introduction)
Ang sakit na naman ng katawan ko lalo na ng ulo ko. Paano ba naman pagkagising ko
kaninang umaga eh nagulat ako sa tunog ng alarm clock ko kaya nahulog ako sa kama.
At dagdagan mo pa ang swerte ng araw ko dahil tumama lang naman ang ulo ko sa side
table. Ang saya 'di ba? Pero ok lang, at least talagang nagising ang diwa ko.
Dahil tulog pa si Daddy, nagluto na ako ng sarili kong pagkain. Bacon lang ang
napagdiskitahan ko kasi yun lang ang nakita kong madaling lutuin sa fridge.
Pagkatapos kong kumain at nag-aayos na ng gamit, narinig ko na lang na may
kumakatok sa pinto.
"Oy, 'wag ka ngang maingay diyan, may natutulog pa eh." sabi ko na lang.
"Sorry, ang tagal mo kasi eh, ang init kaya dito sa labas."
Iyan nga pala si Joyz. Joyz Ann Arania ang buo niyang pangalan. Kaibigan ko siya
since 2nd year high school. Kung paano, saka ko na lang ikukuwento kasi hindi naman
ganun kahalaga. Madaldal yang si Joyz, may pagkagrade-conscious kung minsan pero
masarap yang kasama.
Naglakad lang kami hanggang sa sakayan ng jeep. Naghintay lang kami saglit doon at
nakasakay din naman kami. Eto na naman kami, kailangan ko na namang makinig sa
walang katigil-tigil na kwento ni Joyz. Kadalasan kasi ng kwento niya, hindi ako
ganun ka-interesado. Magkaiba kasi kami niyan minsan.
Pagdating namin sa school, ayun na naman ang usual spirit. Maraming nagkalat sa
corridor at nagdadaldalan. Dahil sa dulo ang room namin, marami pa kaming istasyon
na hinintuan bago makarating sa room. Panay kasi ang bati namin kung kani-kanino.
Iba na ang pintura ng room. Wow! Blue. Nakita kong nakaupo na si Ren, at tumayo
siya nung makita niya kami ni Joyz sa bintana.
"Ren, ano na? Bakit nag-gel ka yata ngayon? Pa-cool effect ha!"
"Cafeteria tayo..."
Nagpunta nga kami sa cafeteria. Buti na lang konti lang ang tao. Pero syempre,
mapapansin mo na naman kung sino ang nandun. Napatingin ako kay Ren, syempre..
tulala na naman siya.
"Oo nga.."
Naupo naman kami doon at syempre, tambay lang kami at hindi kakain.
"Grabe, talaga bang wala ka nang crush doon sa bro ko? Kainis ka naman eh. ANg
guwapo nun!"
"Oy, lapit na ang City Schools Pre-Test ah. Sa Wednesday yata. NAg-review na kayo?"
Nag-aaral kami sa SOUTH. Southern High School ang buo. Hindi ko alam kung saan ko
sisimulan lahat.
Southern High
***1***
"Sino yun?" sabi ko naman dahil hindi ko alam kung sino ang tumawag sa akin.
Paglingon namin, istorbo pala Ren ha? Eh si Mrs. Villarama yan eh. Kaya ayun,
mabuti na lang hindi siya narinig at lumapit naman sa amin si Mrs. Villarama.
Napansin ko namang tumingin si Mrs. Villarama kay Ren at Joyz. Oo nga pala, teacher
ko siya sa General Science nung first year.
"Mam, napansin niyo rin po ang new look ni Ren?" tapos tumawa si Joyz.
"Oo nga Warren, bakit parang basa yata ang buhok mo ngayon?" sabay hawak naman niya
sa buhok ni Ren. "Ang tigas pa."
Umarte naman akong parang nasusuka. Umalis din naman kaagad si Mrs. Villarama.
Dahil 10 mins na before ang bell, tumayo na kami at nag-ready umalis pabalik ng
room. Sina Aya naman at yung kasama niyang si Kristy eh mukhang wala pang balak
umalis sa cafeteria. Himala nga at wala yung dalawa pa niyang kaibigan.
Habang naglalakad kami, nagulat na lang ako nang bigla naman akong siniko ni Joyz
nung nasa tapat kami ng Math Garden. Nakaupo doon si Charlie at pati sina Raymond
at RV. Sikat sila sa school. Si Charlie, mabait yan. Si Raymond kahit 'di kami
close eh feeling ko parang si Joyz. Kaya rin siguro siya ang pantasya ng bruhang
yun. Si RV, wala akong alam sa ugali niya. Katabi nung room nila yung room namin,
kaya ang alam ko sa kanya eh matalino pero madalas daw na tulog sa room.
Unfortunately, kahit isa sa kanila wala pa akong nakakausap. Ang madalas nilang
kasama eh yung grupo ni Aya kasi alam ko siya ang girlfriend ni Charlie NGAYON.
Kaya naman pala medyo lumakas ang ihip ng hangin dahil sa kanilang tatlo. Hindi na
rin nakakapagtaka.
Medyo nairita lang ako. Hanggang ngayon kasi feeling nila crush ko pa rin si
Charlie. Eh hindi na nga eh. Hindi na nga ba?
Dumere-deretso lang ako ng paglalakad. Kasi naman, ayoko sa playboy no. Tama,
nakakainis nga at nagkagusto ako diyan ... playboy naman. Kaya nga ginagawa niya
rin sigurong advantage yun pati yung mga kaibigan niya. Ang alam ko nga, ang dami
na ring naging girlfriend niyan. EEEEHHHH!
Breaktime naman nung nangalikot ako ng cellphone ni Ren. Warren Telles nga pala ang
real name niya. May kaya yang si Ren, kaya ayun ok lang sa kanya na paglaruan ko
yung phone niya. Nagtext naman ako sa Daddy ko kung masusundo niya ako mamayang
uwian. At syempre ikinatuwa ko lang yung reply niya.
Galing ha! Hindi naman kami mayaman kaya rin siguro inabot ng ganito katagal bago
ako bilihan ng cellphone. Wala akong pakialam kung walang camera, basta maka-text
ka at maka-tawag ok na.
Wala namang espesyal na nangyari buong maghapon. Maliban na lang sa hindi magandang
view na nakita ko sa kabilang section. Si Raymond, kaibigan ni Charlie na parehas
niya ring playboy, eh nakikipag-dakdakan doon sa mga babae sa room 106. Haay naku!
Ang landi talaga nang lalaking yan!
Binigay naman na sa amin yung handbook para sa Pre-Test. Tinatamad pa nga akong
basahin yun, pero dahil kailangan para sa Wednesday napilitan na lang ako. Ayun,
wala namang pumasok sa isip ko. May sumisigaw pa nga doon sa bench sa tapat ng room
namin kaya na-distract lang ako.
Pero teka muna, let me explain kung ano ba ang City Schools Pre-Test?
Number 1: Test yun para sa mga natutunan mo last year at pati na rin sa mga hindi
mo alam na itatake-up mo this year. Kaya nga, PRE-TEST di ba?
Number 2: Dahil City Schools, lahat ng school sa buong city eh magtetest. Dahil
maraming students, ang kasabay namin eh yung mga taga-NORTH. Yupz, merong North.
Number 3: Hindi sa school namin ginaganap, sa convention.
Number 4: Alphabetical order yun, halo-halo kahit taga-South ka o taga-North. Tiyak
rin eh hindi ko kasama si Joyz at Ren sa iisang room dahil iba-iba kami ng first
letter ng last name.
Number 5: Tigilan na nga ang kahibangang ito at wala na akong masabi.. OK?
Hallene Rhias ang full name ko. Hally ang tawag sa akin kadalasan. Normal teenager
lang ako sa South. Varsity Volleyball Player ako ng school. Isa lang ako sa 3000+
students ng Southern High.
Gaya ng iba, wala rin akong alam na mangyayari sa akin sa mga susunod pang araw at
sa mga susunod pang taon. Hindi ko rin alam at wala ring makakapagsabi sa akin na
sa City Schools Pre-Test---
Southern High
***2***
Nung narinig ko na yung alarm ng end of school hours, dumeretso naman ako kay Coach
Gonia dahil na rin pinapatawag niya ako. As usual, kinausap niya ako para sa
players ng team dahil kailangan daw namin ng bago dahil grumaduate na yung dati
naming players. Napag-usapan na lang namin na magpatry-out at pipiliin nalang kung
sino ang pwede. Sa dami ba naman ng estudyante ng South eh tiyak na maraming magta-
try.
Umalis naman na ako pagkatapos doon. Sina Joyz at Ren ay hindi na ako hinintay
dahil sinabi kong susunduin na ako ni Daddy at bibilihan na rin ako ng cellphone.
Nakita ko naman kaagad siya at dahil wala kaming kotse, commute lang kami. Nagpunta
kami sa SWS at doon, hindi rin naman kami nagtagal.
"Ayos na po sa akin 'to Daddy..." sabay pinakita ko sa kanya yung Nokia 2100.
"Ok na yan sa 'yo? O sige." tapos ayun nga, binayaran din naman niya.
Masaya naman ako at may cellphone na ako. At least ngayon eh matetext ko na rin
sina Joyz pati yung iba ko pang classmate. Tinext ko naman na si Ren, at ayun nga
ayos daw.
Wednesday. Ang sakit ng leeg ko. Lagi namang may masakit sa akin tuwing magigising
ako. Kumain lang ako at dahil hindi naman sa school ang deretso namin ngayon,
kasabay ko naman na si Joyz papunta sa convention.
"Magkahiwalay na naman tayo ng room, 'A' ako ikaw naman 'R'. Asar naman! Si Ren 'T'
naman ang last name."
Pagkadating namin doon sa counter para tignan kung anong room number namin dahil
naka-post lahat ng names doon, nandito na naman ang dapat mong kainisan.
Nilabas naman na ni Joyz yung cellphone niya at nilabas ko rin yung sa akin.
Pinatay na rin namin dahil useless naman at wala rin namang gagamit noon at para
ma-avoid daw ang pagri-ring. Bawal kasi nag cellphone doon. Number 6 yung number
ko, 7 naman yung kay Joyz. Tumapat kami doon sa board at hinanap yung pangalan
namin.
"Room 3-A ako, 34-R ka" sabay turo naman ni Joyz doon sa pangalan namin.
Hahanapin? Alangan namang hanapin niya yung kay Ren. 39-T si Ren eh, pero hindi pa
namin siya nakikita dahil nasa loob na daw siya ng room at hindi na pwedeng
lumabas.
"Sino?"
Yeah right. Bakit ba hindi ko naisip yun? Raymond Joseph Perez. Nakakaloka naman
itong si Joyz!
"Bakit ba nag-aabala ka pang hanapin yung room nila? ANo namang pakialam natin
doon?"
Pero naghanap pa rin siya. Ayun, nakita niya yung pangalan ni Charlie. Orosco,
Charles (29-O). Syempre, sino pa ang huli niyang hahanapin? Si RV. Teka, hanggang
ngayon hindi ko pa rin alam ang ibig sabihin ng RV niya at last name niya.
"Ayun!" sabay turo naman niya doon. "Hetzer, Riyan Vincel (8-H)"
Ang weird naman ng pangalan niya. Ayun, umalis din naman kami doon. Naghiwalay din
kami ni Joyz dahil magkaiba kami ng daan. Pakanan ako, pakaliwa siya. Nag-usap
naman kami kung saan magkikita dahil maraming estudyante maya-maya lang. Ang dami
ngang mukha, hindi ko ma-distinguish kung taga-SOUTH o taga-NORTH yung mga yun. Mga
classmates ko nga, konti lang ang nakita ko.
Pagkadating ko doon sa room ko, wala akong kilala. Inayos pa nga yung upuan namin
at syempre... let the nightmare begin. Binigyan na kami isa-isa ng papel at inisa-
isa kung ano yung dapat ilagay.
Naunang test eh Algebra. Sa dami naman ng sisimulan nila, yung mapipiga talaga ang
laman ng utak mo. Sa susunod na test, tiyak wala na akong masasagot niyan. Mabuti
na lang at madali lang, I love Algebra more than Geometry. Kasi naman, Geometry ang
tinatake-up ko ngayon. At ayoko ng figures.
Next eh Biology. Napaisip naman ako doon simula sa simplest science na maiisip ko
hanggang sa makarating sa Flagellates. Kakapagod din itong Pre-Test na ito ah!
Nagpasalamat naman ako nung natapos ko yung dalawa. Nagkaroon ng break at bumili
lang kami doon sa teacher na nagbabantay sa amin. Habang kumakain eh nagtetest pa
rin kami. English, Asian History, at umabot sa kadulu-duluhan ng Music, Arts at
Health.
Lumabas naman na ako doon at ang hirap pang dumaan dahil ang daming estudyante.
Nakita kong nakatayo na si Ren at Joyz doon at hinihintay na ako. Ang aga naman
nila.
Lumabas naman na kami kaagad. Balak naming pumunta sa bahay nila Ren ngayon at
syempre sakto namang paglabas namin eh nag-para naman na si Ren ng tricycle na
sasakyan namin. Kasasakay ko pa lang ng may naalala ako.
Inabot ko naman na sa kanya yung number ko. Tumakbo naman na si Ren pabalik at
naghintay lang kami doon. Bago pa lang, iiwan ko na. Naku naman Hally!
"Nasaan na?"
"Nasa bag ko. Ibibigay ko na lang sa 'yo Hally sa bahay. Manong, sa Zalea po."
Dahil mabilis yung tricycle, nakarating din naman kami kaagad sa bahay nila Ren.
Nandun pa nga yung mommy niya, at nung maupo kami binigyan pa nga kami ng juice at
cookies para sa meryenda.
Naglabas ng DVD's si Ren para pagpilian namin na panoorin. Nilapag naman niya at
sinimulan ng tignan ni Joyz.
Cool? Baliw din itong si Ren eh. Sabagay ganyan naman talaga yan, kahit simple
lang, nagbibigay ng compliment.
Dinala niya yung bag niya sa sala nila. May dala pa ngang notebook si Ren na hindi
naman namin alam kung para saan dahil hindi rin naman magagamit doon sa test.
Pagkalabas niya, parehas kaming nagulat ni Joyz.
Southern High
***3***
Nagulat naman ako, hindi ko phone yung nilabas niya. Ang ganda nga, peor hindi ko
alam kung anong unit yun. Excuse me, 2100 lang ang phone ko...
"Wow! Ang cool ha, 3230? Patingin nga!" sabay inagaw naman ni Joyz kay Ren yung
phone.
"Hindi sa 'yo yan? Eh kanino pala yan? Nung binigay ko yung number mo, yan ang
binigay sa akin."
"Aba malay ko... panay third year at fourth year lang naman ang nandun kanina di
ba? Joyz akin na nga yan at tatawagan ko yung phone ko. Kapag nalaman 'to ni Daddy
patay na ako niyan."
Mabuti naman at nabuksan ko yung cellphone na yun. Hindi naman ako ignorante sa
phone no! At pinindot ko yung number ko, then CALL..
Pinakinggan ko lang. Ring ng ring. Ang tagal pang nag-ring tapos may sumagot. Ang
alam ko pinatay namin ni Joyz.
"Hello?"
"Excuse me? Hindi ko naman alam na nagkapalit tayo no. Ganito na lang, isoli mo
yung phone ko, isosoli ko yung sa 'yo at papatayin ako ng Daddy ko."
"Ano bang nangyari? Nung nag-claim ako, ito ang binigay sa akin. Ano bang number
mo,...Miss?"
"Number 6 ako."
"Kaya naman pala eh, number 9 ako. Bakit kasi hindi mo tinignan?"
"Hindi naman ako ang kumuha ng phone ko eh, yung kaibigan ko. Malay ko ba..."
"Hindi ako pwede bukas may try-out kami para sa volleyball team namin. Friday na
lang."
"Hindi naman ako pwede ng Friday... pati Saturday dahil may practice ako. Ok,
Sunday."
"Sunday? Kasama ko ang Daddy ko magsimba, malalaman niya na wala sa akin yung phone
ko. Magpapalusot na nga lang ako ngayon eh..."
Oo nga, ano ba yan? Kainis naman noh! Bakit kasi magka-salisi kami ng gagawin?
Pagkatapos nung walang kwenta naming pag-uusap, binaba ko naman na yung phone. Si
Joyz at Ren eh nakatunganga sa akin parehas. Naghihintay yata ng update.
"Anong sabi?"
"Ayun, nagkapalit nga kami. Number 6 ako 'di ba, nine naman siya. Napagkamalan
siguro nung babae doon sa convention. Nag-usap kami na magkita para ibalik yung
phone namin, Monday lang nag-fit."
"Eh may magagawa pa ba ako? Ganito na lang, kapag tinanong ako ni Daddy, kunwari
Ren phone mo 'to ah, nagpalit tayo... try lang. In case lang naman na tanungin ako,
I doubt naman na mapapansin pa yun ni Daddy."
"Anong oras?"
"Huwag mong sasabihin sa akin na hindi mo natanong kung sino yun? Paano mo
mababalik? Loka mo talaga."
"Ok fine.. harmless naman eh, e di tumawag ulit. Saulo ko naman number ko noh!"
Hay, ang tanga ko talaga. Makikipagkita hindi alam kung anong oras. Tapos hindi ko
alam kung sino yun, paano ko naman malalaman kung sino siya doon?
Da-dial pa lang sana ako ulit nang makita kong nagri-ring yung phone niya. Na-
realize din niya siguro yung sa akin.
"Ok. 5:30, sa bench sa likod ng convention. Ano nga palang pangalan mo?"
"Hally."
"Ok Hally, kita na lang tayo. Oo nga pala, ok lang ba na ito muna ang ibigay kong
number sa mga kaibigan ko pati sa Mama ko para dito muna nila ako i-contact?"
"Ei, ano bang pangalan mo para alam ko sa Monday kung sino ang hahanapin ko in case
na maraming tao?"
Southern High
***4***
Nilagay naman na ni Ren yung DVD pero hindi rin naman ako nakapanood ng maayos.
Silang dalawa naman, mukhang enjoy na enjoy naman yung palabas. Napansin naman ako
ni Joyz, at tinignan niya yung cellphone nung 'Ayan'.
Sabi niya, wala raw kwenta yung mga text. Wala man lang daw quotes, kung meron man
daw iilan lang. Ano bang malay namin kung binura niya 'di ba? Si Joyz talaga!
Nakaalis din naman kami doon medyo maggagabi na. Dahil magkalapit lang naman ang
bahay namin ni Joyz, dalawang kanto lang ang pagitan, eh nagsabay na kami. Nag-
offer pa nga si Ren na ihatid kami kaya lang 'di na kami pumayag para 'di na niya
kailanganin pang umalis ng bahay nila.
Pagkadating ko doon sa bahay, nagbihis lang ako at sinimulan ko na ang lagi kong
ginagawa. Ang magluto at magsaing ng aming kakainin. Wala pa si Daddy, at plano ko
namang hintayin na lang siya bago kumain.
Bandang 8:00 na ng gabi nang marinig kong dumating si Daddy. Mukhang pagod siya
kaya naupo siya kaagad doon sa upuan sa dining area.
"Dad, mukhang pagod ka ah... kain na tayo." niyaya ko na siya dahil naka-ready
naman na yung mga pinggan.
"Hindi pa po."
Umupo naman na ako doon sa upuan sa harap ni Daddy. Kaabpt ko pa lang sa kanya nung
kanin eh nagtanong na siya kaagad sa akin.
"Sino yung sumagot kanina? Binigay pa sa akin yung number na 'to.." sabay labas
nung maliit na papel "0921*******, diyan daw kita maco-contact. Lalaki pa yung
sumagot."
Hay Hally, sabihin mo na lang ang totoo para hindi pa lumaki ang ikapapahamak mo.
Kaya mo yan...
"Kasi po Dad... kanina po sa convention... eh..."
What a relief! Mabuti na lang pala hindi ako nagsinungaling, dahil kung
nagkataon... Oh never mind! That's my Dad! Ayos talaga, akala ko naman papagalitan
na ako.
Pagkatapos naming kumain, niligpit ko na yung pinagkainan namin dahil kaunti lang
naman yun. Naglinis na ako ng katawan at pumasok na ako sa kwarto ko. Tinignan ko
yung phone nung 'Ayan'. Siguro nga curious lang din ako, maliban kasi kay Ren at sa
Daddy ko hindi pa ako nakakapag-explore ng cellphone ng isang 'guy'.
Sa totoo lang, wala naman talagang makikita sa phone niya. Tinignan ko yung folders
niya para sa photos, wala namang makikita kundi panay downloaded anime pics. Sa
videos naman, panay music videos lang. Wala rin masyadong messages, ang mababasa mo
nga lang eh 'Ayan, 'wag mgpagabi' , 'hnggang anong ors ang prctice niyo?' o kaya
naman 'drting si Freelie @ Roland sa Sat, alagaan m c Justin'...
Hindi ko naman sila kilala. Wala ni isang message doon ang may sense sa akin.
Tinignan ko nga rin yung memory status ng sim card niya, 47 lang ang laman. Nakita
ko rin yung picture messages, maliban sa default, yung picture message lang na ang
nakalagay eh 'NORTHERN HIGH' ang nakita ko. Siguro student siya ng North.
Dahil gabi na, inaantok-antok ako ng marinig kong tumunog yung phone niya.
Nakakainis nga eh dahil nagulat ako at papikit na yung mata ko. Akala ko kasi may
tumatawag yun pala, text lang. Asar ha!
Sender:
+63920*******
Hi Hally, gcng k p?
Hay feeling! As if naman, hindi naman kami close. AYun, nastext pa ng gabing-gabi
dahil wala lang magawa? Pwede naman niya itext yung friends niya no...
Nakatulog din naman ako kaagad. Nagsabay na naman kami ni Joyz. Pagdating namin sa
school, naghihintay si Ren sa gate. Baliw din 'to eh.
"Mukha kang Aya! Kaya mo bang ipag-tanggol yan? Baka kay Hally ka na naman kakapit
ha!"
O siya, issue nga sa amin yung tatlo. Laging si Ren ang sabit. Bakit nga ba nasabi
ni Joyz yun? Ok, yun din ang reason kung bakit kami siguro naging magkaibigan.
Uso nun sa school namin ang PANGINGIKIL (yun yung parang holdap sa students.
haharangin ka para ibigay mo yung pera mo). Pinuno ng gang nun si Leo, kasama niya
yung mga kabarkada niya na member ng gang niya at araw-araw na lang yata nilang
kinukuha yung pera ni Ren. ANg nangyari nun, nung time na hinarang nila si Ren at
naglalaro ako sa bola ng volleyball, pagkatira ko eh tinamaan si Leo. Naoperahan na
pala dati yun sa ulo, kaya nahilo nung tinamaan ko. Akala nila sinadya kong gawin
yun para kay Ren, pero hindi naman talaga. After that, hindi na sila bumalik.
Kinabahan pa nga ako baka balikan nila ako pero hindi naman na. Ganun ko naging
kaibigan si REn.
Si Joyz naman, paano nga ba? Yeah, last year. Member ako ng theater club at the
same time player na ako ng volleyball. Dahil kadalasan ako nung wala sa klase,
nami-miss ko na yung lesson. Feeling ko nga wala na akong alam nun at natapat pa
ako na may test kami. Syempre, konti lang ang nasagutan ko nun. Then, naawa sa akin
si Joyz. To the rescue nga siya eh. Nagbigay siya ng hints, kaya nasagutan ko.
Pinahirapan pa nga ako mag-isip hindi na lang ako pinakopya!
"Hally, anong nangyari sa theater club mo? 'Di ba sabi nila ikaw na ang president?"
"Ewan, wala pa silang sinasabi eh. Gusto ko ngang i-drop, baka matulad na naman sa
dati."
Pagtingin namin, there's Charlie and I'm sure it's not Raymond dahil kilala ko na
yun dahil crush ni Joyz. It's RV. Tawa sila ng tawa na dalawa.
Umalis din naman kami kaagad doon. Nung hapon na kami nagpatry-out para sa
volleyball. Napagod lang ako ng konti.
Wala namang espesyal na nangyari. Friday naman ng hapon nung magtext yung Ayan sa
akin. Ang chaka nga eh, wala na naman siguro siyang magawa kaya ibaling ang
atensiyon... sa AKIN. Tama ba yun?
Nung weekend naman, na-bored naman ako. Wala man lang magawa sa bahay dahil si
Daddy eh may overtime. Ngayon ko na-realize kung gaano ka-boring yung phone niya.
Akalain mo yun, wala man lang makaalala na mgtxt sa kanya. May nastext nga, yung
Freelie.
Sender:
Freelie
Ayan, dlhin k c Justin ha..
Nag-explain naman ako sa kanya. Nagulat pa nga siya eh. Hindi ko rin naman siya
kilala.
Dahil hindi ko makaya sa sobrang boring nung Sunday ng umaga, pinapunta ko na muna
si Joyz sa amin. Napasama sa usapan yung nakapalitan ko ng phone. Ang dami na
namang side comments ni Joyz. Paano daw ba kung cute? Nyekz. Nabanggit ko kasi na
dancer siguro yun.
Monday na...
Southern High
***5***
Monday na nga pala ngayon. Ang ganda ng araw at syempre naunahan ko ang alarm clock
ko ngayon. Simple lang naman ang dahilan kung bakit 'start the day right' ako, This
is the day na makukuha ko na ang phone ko! Ang saya talaga.
"Bakit Ren, malay mo kung masamang tao yun! Mabuti nang kasama niya ako, 'di ba
Hally?"
"Tama nga lang na kasama ka, tiyak makita ka lang nun lalayo na siya." sabay tumawa
naman si Ren.
"Of course I'm talking about Aya! Palibhasa tinalo ka lang ni Charlie eh."
"Anong tinalo? Sabihin mo yung playboy na yun lahat yata ng babae gusto niyang
ligawan!"
"Order in the court! Please lang. Araw-araw na lang yata ganyan tayo eh. Give it a
break ok?"
Ganyan kami. Laging nag-aaway yang dalawang yan. Pabiro lang pero personal. Ako
laging umaawat sa kanila. Sanayan na lang din siguro.
After nung class namin ng World History, lumabas naman ako dahil wala pa yung
teacher namin sa Music. Ano naman kaya ang topic? Music of Thailand last week, baka
kung ano namang bansa ngayon.
Kaparehas namin, yung ibang estudyante galing sa katabi naming room eh nasa labas
din. Classmate ko dati yung isa doon, si Jen.
Pinakilala niya sa akin yung classmate niyang isa. Nandun din kasi sa labas.
"Sino?"
"Si Raymond."
Parang gustong sumakit ng ulo ko. Ano namang bago doon? Kung hindi si Charlie, si
Raymond o kaya naman si RV.
"Crush mo yun?"
"Cute kasi eh, nakakatawa pa. Crush ko dati si Charlie kaya lang may girlfriend na
eh."
"Crush naman nito si RV." tapos tumingin ako doon sa classmate niya. Mukhang
mahiyain dahil tahimik.
"RV?"
Napatingin naman ako sa loob ng room nila. Doon sa upuan sa likuran medyo bandang
dulo eh may nakasandal sa desk. Ang hilig talaga matulog niyan sa klase, hindi na
nahiya.
"Hinahayaan na lang. Kadalasan kasi school activity din naman kung bakit puyat yan
eh. Madalas din namang nakikinig yan. Kapag tulog naman, gigisingin lang ni Charlie
kung may test o kaya group activity."
Pumasok naman na sila dahil dumating na yung next teacher nila. Kami naman, absent
yata. Wala namang substitute na dumating kaya nagdaldalan lang kami buon period.
Values Education ang huli naming subject kaya nung narinig ko na yung alarm ng
5:00, nagmadali na ako sa labas. Humabol pa sa akin si Joyz at si Ren naman eh
nauna na sa amin dahil hindi naman siya sasama. Dumaan pa kami sa locker namin para
iwan yung iba naming gamit at malayo din yun dahil sa dulo ng hallway ang nakuha
kong locker. Naramdaman ko na lang na may nag-vibrate.
"Ewan ko din, siguro. Kasi yung picture message niya na isa logo ng Northern High
eh."
Sumakay naman na kami ng jeep papunta ng convention. Dahil kami lang ang sakay,
kanta ng kanta si Joyz. Nakakaloka nga eh. Pero ayun, bumaba din naman kami.
Nag-stay muna kami doon sa isang store. Tinignan namin kung may tao na doon sa
bench. Hindi naman kami na-disappoint, may nakaupo na doon. Hinila ko na si Joyz.
"Tara na!"
"Sino?"
"Samahan mo na ako..."
Dahil hindi ko na mapilit si Joyz, ano pa nga bang magagawa ko kundi lumapit. For
the sake of my phone, kaya ko 'to! Malayo pa lang ako, nakita kong nakalapag yung
cellphone ko doon sa table. Nakita niya rin ako.
Nilapag ko yung phone niya at kinuha ko yung phone ko. Wala akong balak
makipagchat-to-chat sa kanya kaya sinabi ko na lang eh 'Thanks' at umalis na ako.
Narinig ko na lang na tumatawag siya ng'Miss sandali lang' pero hindi na ako
lumingon.
"Akala ko rin no!" sabay hinga ko naman dahil hingal na hingal ako.
"Hindi ko rin alam. Teka nga, ang gulo. Kailan pa naging palayaw ni Charles Orosco
ang 'Ayan'? Ha? 'BRO' mo siya 'di ba?"
"Ewan ko. Charlie lang talaga ang alam kong palayaw niya. Baka pinalitan niya dahil
hindi ka naman niya kilala no! Naku naman..."
"Eeeh! Bakit ganun? Hindi ko ma-imagine na ka-text ko yun for four days! Phone niya
ang boring eh samantalang playboy siya. Tapos yung 'Ayan' effect pa na yan, ang
layo ha!"
Sender:
Ayan (aba, tama bang i-save ang sariling number?)
Hally, bkt umliz k kaagd?
OMG! Ito na nga ba ang sinasabi ko. Dapat talaga noon ko pa tinanong kung taga-
South ba siya o Taga-North. Bwisit! E di sana nagpalit na lang kami ng phone sa
school.
Hindi ko naman na nireplyan. Ang kulit nga eh, panay ang text. Ang weird talaga ng
araw na ito. Hindi ko ma-take. Idagdag mo pa sa mga weird na bagay na dumating sa
buhay ko eh nangyari...
KINABUKASAN...
Southern High
***6***
"Ayokong dumaan diyan, dito na lang tayo sa kabila Ren!" tapos hinila ko siya.
"Ano bang problema mo Hally? Kanina ayaw mo sa cafeteria, ngayon ayaw mo diyang
dumaan."
"Ano?"
Nagpabili lang ako ng pagkain sa kanila. Breaktime ng hapon nang maisipan kong
lumabas dahil nakita kong nasa Math Garden si Charlie. Safe na kasi eh! Out of
sight naman si Ren at Joyz, siguro nasa cafeteria. Kapag mamalasin, kailangan
talagang dumaan sa tapat ng Math Garden. O siya Hally, tumakbo ka na lang at 'di ka
na mapapansin niyan. Bilisan mo lang. 1... 2... 3... Go!
Nakatakbo naman ako pero hindi pa ako nakakalayo may tumawag sa akin kaya napahinto
ako. Talaga naman!
"Hally!"
"Bakit?"
"Tara dito, hindi ka naman namin kakaining dalawa ni Charlie eh." Yun nga yung
dahilan... yung kasama mo.
Pumasok naman ako. Ano bang magagawa ko? Ayos lang naman siguro.
"Oo."
"Topic ka namin lagi, hindi namin alam na taga-South ka rin pala. Akala namin taga-
North."
Pangiti-ngiti lang doon si Charlie pero hindi nagsasalita. Nabaling naman yung
atensiyon ko sa kanya.
Bigla namang tumawa ng malakas si Raymond. Hindi mo alam kung nang-iinsulto o ano,
ang sarap sakalin.
"Hay naku, hindi ko pa rin alam kung bakit binigay niya yung pangalan niy sa 'yo.
Umalis ka kasi kaagad kahapon eh."
It's RV.
Southern High
***7***
Ok gusto ko na talagang umalis dito. Paano ba naman, baka kung ano na namang ka-
weirdohan ang mangyari at matuklasan ko. Ayun, lumapit naman sa amin si RV. Take
note, tumayo pa siya sa tabi ko pero hindi naman niya ako napansin. May hawak
siyang softdrinks at saucers na tingin ko ay kakainin nilang tatlo. Napahawak naman
ako ng mahigpit sa bag ko.
"O ito na yung softdrinks niyo, mukhang nagugutuman ka na naman Raymond." sabay
abot nung pagkain kay Raymond tapos inabot din naman niya kay Charlie na nakaupo
doon sa bench.
Narinig naman namin na may sumigaw doon sa gate. Sina Aya. Tumayo naman na si
Charlie.
Mukha na naman akong ewan dito. Para akong hangin na sila lang ang nag-uusap. Kapag
umalis na sila, libre naman na akong umalis na para bang walang nangyari.
"Nice meeting you Hally, Charlie nga pala." sabay nakipagkamay siya sa akin. Umalis
naman na siya at tumakbo papunta kay Aya. Sumunod naman si Raymond.
Dahil umalis na sila, ako rin dapat umalis na. Pero, may humawak sa braso ko.
"Saglit lang..."
"Bakit?"
"Kung tama yung narinig ko kay Charlie at Raymond... ikaw ba talaga..." humawak sa
strap ng bag "si Hally?"
"Err-- yeah."
Parang nagulat siya sa akin. Ngumiti pa siya. Infairness, ang cute ng ngiti niya.
"Yup."
Binaba naman niya yung bag niya. Tapos nag-sign siya na umupo kami. Wala naman na
akong balak umupo eh. Ang gusto ko lang, hanapin sina Ren.
"I'm Ayan nga pala. Grabe, 'di ko inasahan na taga-South ka rin pala. Akala ko
taga-North ka."
Bigla akong may naalala na dapat kong itanong. Bakit nga ba Ayan?
"Ahh, yun ba? Well, it's from my first name Riyan. Supposed to be, Iyan dapat. KAya
lang, ang pronounciation nila eh letter 'I' plus an. Kaya naging Ayan."
"It's kinda' weird. Hindi ako kilala ng Ayan sa school. Ayaw ko kasi na tawagin
nila akong Ayan. Close friends lang at relatives ang tumatawag sa akin nun."
"Oo."
"Aalis ka na kaagad?"
Biglang inabot niya sa akin yung softdrink niya saka yung saucer.
"Para saan?"
"I insist. Hindi naman ako gutom eh. Hally ba ang real name mo?"
"Nope. Hallene."
"Tawagin na lang kitang RV ha, kasi 'di ba sinabi mo na close friends and relatives
lang ang tumatawag sa 'yo nun?"
"Ayokong tinatawag akong Ayan ng ibang tao maliban na lang kung sinabi ko...
"RV na lang, RV rin naman tawag ng mga tao dito sa 'yo eh... sina Charlie at
Raymond lang naman ang hindi."
"OK, I'm going to call you Hally and I wanted you to call me Ayan. Formal kasi para
sa akin ang RV. I guessed, ok naman yun sa 'yo."
Pigilan niyo ako, I want to kill this guy. Ang tagal ko na rin siyang schoolmate
hindi pa rin niya alam kung saan yung room ko? Magkatabi na nga lang... Hay naku!
Samantalang silang tatlo alam ko. Palibhasa kasi big deal sila sa school. Palibhasa
kasi, crush ng bayan... at palibhasa kasi... mga playboy. Ito kaya?
"Niloloko lang kita, katabi lang namin yung room niyo di ba? Tara sabay na tayo."
Ayoko sanang sumabay sa kanya kasi medyo naiilang ako. Parang nakakahiya isipin na
dati eh kinakalikot ko yung phone niya na tipong anime at music videos lang ang
laman. Nagtetext sa 'yo dahil walang magawa, tapos ngayon... kasama mo na.
"Hi RV..." sabi nung mga babae na ang alam ko eh mga sophomore. Nag-hi lang din
naman siya pero hindi ko alam kung kilala ba niya yung mga yun. Salamat naman at
malapit lang ang room dahil hindi ko na kayang sumabay dito.
Pumasok naman na ako sa room, ayun nagulat ako nung biglang sumalubong si Joyz at
nagtatatalon sa harap ko.
"Hally! Grabe! Bakit kasama mo si RV? Ikaw ha may hindi ka sinasabi! Nakita ko kayo
sa Math Garden kausap mo siya!!! Kasabay mo pa!"
"Hindi ba? Ngayon oo na eh kasi siya si 'Ayan'." umupo naman ako doon sa upuan ko.
"Ok..."
Dumating naman na yung teacher namin. Dahil tatlo na lang yung natitira kong klase,
ayos lang naman dahil mabilis na lang yun. Inaatok na naman ako sa World History
class dahil ang dami na namang dates na naririnig ko. Nagulat na lang ako sa
intercom..
Ano na naman?
"Oo nga eh, teka, bakit naka-red yung mga yun na kausap nila Kathleen?"
"Ewan ko kay Mrs. Reyes, kasama niyang dumating yung mga yan eh. Ang saya nga eh!"
Paano namang magiging masaya, eh nakakainis nga. Yung isa nandun sa sulok at
nakataas pa yung paa na hindi mo alam kung anong ginagawa dahil nakaharap sa
dressing rooms. Hay Salamat! Nandiyan na si Mrs. Reyes.
"Mrs. Reyes, uhmm, bakit po may mga naka-red? New members po ba sila?"
"Sila ba? Oo. Dahil Sing/Dance ang Theater ngayon, kailangan natin ng dancers.
Marami namang magaling kumanta sa inyo, kokonti lang dancers."
"Sinabi ko nga rin sa kanila eh, parang ayaw rin nila pero wala silang magagawa."
Tinawag naman na yung mga naka-red nung nakaupo na ang lahat doon sa gitna para sa
meeting. This isn't right...
"Mrs. Reyes naman bakit kami nadamay sa Theater Club, tiyak ang mga sasayawin eh
classical! Ang baduy!"
"Alam ko Marco modern dancers kayo pero member pa rin kayo ng Dance Club. Kailangan
namin ng dancers. Hindi ko kailangan ng exhibition niyo sa practice. Kung sinabi ko
lang na oo, saka lang kayo magtata-tumbling-tumbling. Kanina panay ang talon niyo
diyan."
"Saka na kayo magreklamo. Kapag nakita niyo kung ano yung gagawin niyo dito tiyak
gugustuhin niyong maging member ng Theater Club."
Narinig namin na parang nagrereklamo sila. Yung isa pa nga eh sinabing 'Yuck,
never!' pero hindi naman siya narinig ni Mrs. Reyes. Parang alam ko na talaga
'to... wag naman sana...
Nagsalita lang si Mrs. Reyes hanggang sa nagli-lo naman na yung mga dancer. Wala
naman silang magagawa dahil ilalaban yung play namin. Inexplain niya na 'Big ni
Lam-ang' yung gagawin at syempre matrabaho rin yun. Nagulat na lang ako nang...
"RV, lumapit ka nga dito at nandiyan ka na naman nakaupo sa sulok." sabi ni mrs.
Reyes.
Sinasabi ko na nga ba, siya yung nakaupo kanina na nakataas yung paa. Teka, may
sinabi nga ba ako? Wala naman. Oh come on Hally!!
"Sandali lang po." tapos umupo siya doon sa tabi nung isang dancer na hindi ko
naman kilala.
Pagkatayo niya, nakita kong may binato siya. Naka-ear phone ang loko? Mabuti na
lang nakakarinig pa siya. Baliw din eh!
"Bago kayo magreklamo patapusin niyo muna ako. Marami kayo ngayon. Sobra-sobra kayo
at sinadya ko yun. Magtatanggal pa tayo kung saka-sakaling hindi kaya."
Biglang nagtayuan yung mga dancers na parang ang gusto nilang sabihin eh sila na
lang ang matanggal.
"Hanggat maaari ayoko sanang magtanggal sa dancers dahil kokonti lang kayo. Dalawa
lang yata ang sobra sa inyo."
Over all, ayaw muna niyang magtanggal. Pinatagal lang niya eh.
Tumingin sa akin si Mrs. Reyes. Naman! Alam ko na ang gustong iparating nito eh,
Hallene... ikaw ang in-charge sa bunutan.
Dahil hindi pa tapos ang 4th period ng hapon, kinailangan muna naming maghintay sa
labas ng mga room namin dahil hindi pwedeng mag-interrupt. Dahil ako lang ang mag-
isa na galing sa klase namin, mag-isa lang akong naupo sa bench sa tapat ng room.
Pagtingin ko doon sa kabilang room, pakiramdam ko bigla na lang kikidlat. Nagsama-
sama ba naman ang mga nakapula. Yeah right, dancers.
Napanood ko naman kung anong ginagawa nila. Hindi ko alam kun practice ba yun o
pasikatan lang. Pero kung nagpapayabang ba sila, may karapatan naman dahil ang
gagaling nila. Gusto kong atakihin sa puso nung may biglang nag-backward. Si Ayan.
Akala ko talaga babagsak siya na parang tatama yung ulo... bwisit!
"Nice one RV..." sabay tinatapik-tapik pa siya sa balikat. Gumaya naman yung iba sa
kanya.
Tawa siya ng tawa doon. There's really something with his smile. Tapos nilang
magsabay-sabay doon na tipong sa gitna pa ng hallway huminto naman siya. Hindi mo
rin maintindihan ang buhok niya, minsan magulo... minsan maayos naman. Ngayon medyo
magulo pero bagay din. Saka naman siya...
LUMINGON. Iniwas ko na lang yung tingin ko. Kapag mamalasin ka nga naman, ngayon
pa.
Maya-maya pa, naririnig kong nagpapaalam siya sa mga kasama niya at umupo doon sa
bench ng room nila. Akala ko nga uupo lang siya doon tapos biglang nagsalita pero
hindi nakatingin sa akin kundi sa sahig.
Para sa akin ba yung tanong na yun? Siguro naman dahil yung sahig diyan lang naman
parati yan at hindi sumasagot. Marahil ako nga ang tinatanong niya dahil ako lang
naman ang nasa labas.
"A-ako ba?"
"Yup."
Kainis na 'to. Obvious ba galing ako ng auditorium katulad mo? Alam naman niya
tinatanong pa.
"Sa auditorium? Kasali ka sa Theater Club? Galing ako doon eh." this time, tumingin
na siya sa akin.
"Hindi naman talaga ako interested sa Theater eh... pero ayun, wala naman kaming
magagawa. Classical o modern dance, pare-parehas lang din naman sigurong kaya
namin."
"Tingin ko nga kaya niyo, may pa-backward backward pa nga kayo doon eh."
Ano namang alam ko sa moves nila no? Care ko? Basta sa paningin ko backward yun,
may tawag pala.
"Baka kasi hindi ko kayanin, may volleyball practice ako... ayoko nang mag-miss ng
maraming lessons. "
"Sayang naman. Lessons lang ba ang problema mo? Ako nga halos araw-araw yata nami-
miss ako ang discussion namin. "
Dahil tulog ka. Ok fine, alam ko na yun no. Nakita pa nga kita dati eh.
Dahil alarm na naman, lumabas na yung teacher namin. Lumabas naman sina Charlie at
Raymond galing sa room nila. Pumasok na lang ako.
Pagkatapos ng dalawa naming klase, Arts and Values, uwian na. Kasabay ko si Ren sa
locker ko at si Joyz naman ay hindi namin makakasama dahil sinundo siya ng Mommy
niya at pupunta raw sila sa Tita niya. Hindi naman na ako pumayag na ihatid ni Ren
dahil layo ng bahay nila (sa Zalea kasi sila) at kami naman eh sa Ridge.
Mabilis naman akong nakauwi dahil nag-tricycle ako. Ang tamad ko ngang maglakad eh.
Wala pa rin si Daddy kaya ako na naman ang nagluto.
Nung mga sumunod na araw eh ganun pa rin naman ang mga nangyari sa akin. Wala
namang espesyal. Medyo pinagalitan pa nga ako ni Mrs. Reyes nung sinabi ko na gusto
kong mag-quit nung Friday. Sinabi ko na lang na tutulong-tulong na lang ako kung
kailangan.
"Pasyal tayo..."
"Sure, wala naman akong gagawin eh, maboboring na naman ako. Saan tayo pupunta?"
"Ewan ko kay Charlie, pupunta kasi siya sa bahay eh... sabi niya yayain daw kita
kung gusto mong sumama.."
Ganun?!?
Southern High
***10***
"Don't you get it Hally? Waaa! Gusto kang isama ng bro ko? Ang saya di ba? Yung
crush mo isasama ka!"
"Stop it Joyz. Hindi ko na crush si Charlie no!"
Nung nakauwi na ako ng hapon, ginawa ko na yung homeworks ko. Nagpaalam na ako kay
Daddy na aalis ako bukas at pumayag naman siya.
Nanood ako ng cartoons sa kwarto ko. Yup, I'm already 15 pero nanonood ako ng
cartoons. Wala namang masama doon ah! Kahit nga ang Daddy ko kasama ko rin
minsan... even my-- ... oh, never mind.
Gabi na rin ako nakatulog. Umaga pa lang nagpunta na ako sa bahay nila Joyz kahit
na hapon pa naman yun. Kilala naman na ako sa kanila eh.
"Alin?"
"Wuthering Heights."
"Ang sabi ko, ayoko yun dahil ang daming hindi ko maintindihan. Old English yun.
Binasa mo talaga?"
Tama naman si Joyz, wala pang isang oras nung dumating si Charlie. Nginitian lang
niya kami ni Joyz.
"Tara na pala."
Umalis naman na kaming tatlo. Sinabi niya, ililibre niya raw kami sa Shakey's.
Nakakapagtaka nga daw na nagyaya si Charlie kasi sabi ni Joyz hindi naman daw siya
nagyaya dati maliban na lang kung kasama yung parents nila.
Pagdating namin sa Shakey's, pinauna na niya kaming umupo at siya na lang daw ang
oorder. Tinanong lang niya kung anong gusto namin. Bumalik din naman siya kaagad
dala yung pagkain namin.
"Matagal na ba kayong magkakilala ni Joyz?" tapos inabot niya yung inumin sa amin.
"I see. Kababata ko si Joyz eh, magkaibigan kasi ang Mommy namin."
"Si Raymond? Nagbiyahe si Raymond eh bukas pa babalik. Si Ayan naman--- wait Hally,
you're welcome to call him Ayan. Bihira lang yun magpatawag ng Ayan. Anyways, busy
siya eh... may practice kasi."
"Oo."
"Ok naisipan ko lang... gusto niyong sumama sa practice nila Ayan? He's a really
good dancer."
"Tara na pala.. ngayon na.." hinila naman ako ni Joyz at tumawa naman si Charlie.
Nakarinig na naman kasi ng Raymond ang babaeng 'to.
Sa tingin ko, it took us 15 minutes bago kami nakarating sa Sealey. All right,
Sealey is a subdivision. So, may kaya sina Raymond.
Pagdating namin doon, malayo pa lang eh may naririnig na akong tugtog. Hindi ko
alam kung saan sila, biglang tinuro ni Charlie yung clubhouse. Siguro may mga 8 tao
ang nanduduon... and to my relief hindi naman sila nakapula.
Lumapit naman kaming tatlo. Halat rin na kilala si Charlie kasi sinalubong siya
nung mga lalaki na hindi naman namin kilala.
"Friends? Uso pala yung salita na yun sa 'yo Charlie?" tapos tumawa naman yung iba
na hindi naman na pinansin ni Charlie.
"This is Joyz, kababata ko and Hally. Hally, Joyz, Southern High Dance Club
members."
Nakipagkilala lang naman kami. Medyo nasaulo ko naman sila. No Ayan around. Hindi
ko nakikita ang anino niya ngayon. Akala ko ba nasa practice eh bakit wala?
Umupo naman sila. Nung nakita ko, hindi naman yata breakdancing ang practice nila
dahil wala man lang akong nakikitang mga exhibition na kung ano man maliban na lang
sa mabibilis na steps nila. Mabuti na lang naunahan ako ni Charlie.
"Hindi eh... lalaban kasi kami. Sa susunod na lang daw ang showdown."
Nanood naman kami. Napapabilib na naman ako. Sabi nga nila kapag ang isang lalaki
ay may talent, lalo na kung may kinalaman sa music or dancing, malakas daw ang
appeal. I guessed, totoo yata.
"Oo nga pala... mga dalawang kanto mula dito. Gusto mong makita?"
Tumayo naman na silang dalawa. Ako naman eh walang balak umalis kasi napagod na rin
ako kakalakad.
Umalis naman sila at ako naman eh nakaupo lang doon at nanood ng practice. Ang
bilis talaga nila kumilos.
Balak ko sanang sumunod kay Charlie at Joyz at kaya lang nung nandun na ako sa daan
eh may nakita akong dalawang aso. Medyo takot na kasi ako sa aso lalo pa dati at
muntik na akong makagat. Kaya ayun, napaatras na lang ako bigla nung biglang
kumahol yung aso. Kaya lang may naapakan yata ako. May humawak din sa dalawang
balikat ko. Ang bango naman...
Ako ok? Hindi ko alam. Humarap naman ako sa kanya. Magkakamali pa ba ako? Kanino
bang boses yun? Syempre kay RV.. este Ayan.
Ngumiti naman siya sa akin. Naka-loose pants naman siya dahil naisip ko na
mahihirapan siyang kumilos kung denim ang suot niya sa practice. Simple shirt...
that's him. Medyo contrast lang kay Charlie ngayon.
"Hindi ka ok? Anong maitutulong ko para maging ok ka?" hindi ko alam kung nanloloko
ba siya o nang-iinsulto na hindi mo maintindihan. Bakit ko nasabing nang-iinsulto?
I got the feeling kasi na yung ngiti niya kanina eh para doon sa pag-atras ko sa
dalawang aso LANG.
"Nagulat ba kita?"
Ay hindi po. Sa katunayan nga eh para ka lang namang bula na biglang nawala, kabute
na biglang sumulpot at sing-bilis ng kidlat kung kumilos. Nyakz! Naisip ko ba
talaga yun? Naiimpluwensyahan na yata ako ng mga novel na binabasa ko.
"Sort of." tapos naglakad na lang ako pabalik sa club house kasi hindi rin naman
ako makakadaan doon.
Hindi naman siya gumalaw doon sa pagkakatayo niya. Napalingon na lang ako nung
sinabi niyang...
"Huh?"
Dahil nakatalikod siya, lumapit na lang ako sa kanya. Nagsimula na man kaming
maglakad. Saka ko lang na-realize, there's nothing wrong with dogs basta hindi mo
lang sila iinisin.
"So, bakit napunta ka dito sa Sealey? Paano mo nalaman na may practice kami?"
"Actually, hindi ko alam na may practice kayo at hindi ko rin intention na pumunta
dito sa Sealey. Kasama ko si Charlie and Joyz. Pinakita kasi ni Charlie yung bahay
ni Raymond kay Joyz. Susunod sana ako kaya lang..."
"Naku ha, hindi ka pa sigurado. How about... singing or anything related to music?"
"Magaling ka ba kumanta?"
Nice answer. Napangiti naman niya ako doon. Lakad pa rin kami ng lakad.
"Ano yun?" sabay napahinto naman ako dahil tinali ko yung sintas ko. Napansin ko
naman yung sapatos niya, black and white with blue strips.
"Kung papapiliin kita kung ano ang mas gusto mong kainin, cheeseburger, potato
chips o macaroni salad?"
"Kung isa lang sa tatlo, I'll choose cheeseburger. Pero in nature, gusto ko lahat.
Teka, bakit mo naman natanong yan?" walang koneksiyon ha?!?
"Next question please. Ang hirap naman sagutin ng tanong mo" ngumiti na naman siya
tapos binilisan niya ng kaunti yung lakad niya.
Bakit ba parang may kakaiba sa kanya na hindi ko malaman kung ano? Ang gulo niya
ha. Hindi niya masagot yung tanong ko kung bakit niya tinanong yun e samantalang
siya naman ang nagtanong. Haay! Panay tanong, nakakalito!
Ano ba yan? Ang layo na ng nalakad namin pero hindi pa rin kami nakakarating doon
sa bahay ni Raymond? Akala ko ba malapit lang.
"Ei R--, Ayan, saan ba yung bahay ni Raymond? Ang layo na ng nalakad namin"
"Bakit hindi mo sinabi? Kaya pala nakakapagtaka na kanina pa tayo lakad ng lakad."
Nabibingi na naman ako. Sinabi ba nya talaga yun o ano? SIguro nga pagod na siya sa
practice nila...
"Ano?"
Hinila naman niya ako nung nahawakan niya ako sa kamay. Oh well, hindi ko na lang
iintindihin yun. Pero siyempre, hindi ko rin maiwasan....
Hindi ko na lang siya pinansin. Habang naglalakad kami at hila-hila pa rin niya
ako, tatlong kanto yata ang nalagpasan namin. Nakita ko naman doon sa tapat nung
green na bahay na papalabas ng gate sina Joyz at Charlie. Siguro naman, yun na.
Tumabi naman ako kay Joyz at nagsama naman si Charlie at Ayan. Nauuna sila sa amin
kaya nandun kami sa likuran nila. Ngayon ko lang napansin na mas matangkad pala si
Ayan kay Charlie. Nagulat na lang ako kay Joyz.
"Ha? Ano ulit yung sinabi mo?" Kung may sinabi man si Joyz, hindi ko talaga
narinig.
"Ahh..."
Nakayuko naman si Ayan at nakatingin doon sa daan dahil may sinisipa siyang lata.
Tahimik lang din siyang nakikinig kay Charlie pero paminsan-minsan eh tatawa.
Hinintay naman nila kaming dalawa at sumabay din naman sila sa amin.
Nakarating din naman kami sa clubhouse. Nalaman ko na kaya pala wala si Ayan nung
dumating kami eh dahil siya na naman ang bumili ng pagkain nila. Siyempre dahil
hindi kami kasali sa nabilihan, wala kaming pagkain. Pero ok lang dahil busog pa
naman kami sa kinain namin sa Shakey's.
6:00 na yata nung naisipan naming umuwi. Sabi ni Charlie, ihahatid daw niya kami
hanggang sa bahay nila Joyz. Syempre kasama rin niya si Ayan.
"Ok lang, sanay naman naman na kami ni Charlie na umuwi ng gabi. Si Charlie syempre
laging may hinahatid.." sabay binatukan siya ni Charlie "ako naman kadalasan dahil
rin sa practice."
"Ay ganun?"
Wala lang naman sa akin yung sinabi ko. Tumingin naman siya sa akin.
"Isa pa Hally, gabi na. Lalaki kami kaya ayos lang, pero kayo babae, kaya ihahatid
namin kayo."
Bumaba din naman kami. Madilim na nga. Naglakad lang naman kami ng kaunti at
nakarating din naman kami sa bahay nila Joyz. Syempre, ako naman eh lalakad na lang
papunta ng bahay namin mula dito.
"RV, Ayan, thanks sa paghatid. Ingat kayo sa pag-uwi. Ikaw din Hally." sinabi ni
Joyz nung nasa tapat na kami ng bahay nila.
Nag-bye naman na ako kay Joyz at kumaway naman yung dalawa sa kanya. Tatlo na lang
kaming nakatayo doon.
"Syempre hinatid niyo kami kaya tama lang na magpasalamat noh!" Nakita kong
nakangiti si Charlie kahit na madilim. Tumingin siya sa side ni Ayan.
Ako naman, ready to go home na. Mabuti na nga lang at uuwi na ako mag-isa dahil
ayoko namang magpahatid sa dalawang 'to. Nakakahiya kasi kapag wala na si Joyz.
"Sige pala una na ko. Ingat kayo sa pag-uwi niyo." tapos naglakad na ako pero may
humawak na naman sa akin.
"Hally, ok lang sa amin. Gabi na... baka mamaya kung mapano ka niyan."
"Ako mapapano? Hindi no. Kaya ko na ang sarili ko. Isa pa, dalawang kanto lang
naman yung pagitan nung bahay namin mula dito." Goshh, sinabi ko ba talaga yun?!?
Natakpan ko na lang yung bibig ko. Ang daldal ko kasi eh.
Isa na rin siguro sa dahilan kung bakit ayokong magpahatid eh si Daddy. Honestly,
hindi ko alam kung may pagka-strict ba ang Daddy ko pagdating sa ganyan. Maliban
kasi kay Ren na bestfriend ko naman, wala nang ibang guys na naghatid sa akin.
Ngayon... ewan ko na. Wala na akong magagawa kasi talagang hindi sila aalis kung
hindi nila ako maihahatid. Kung mauuna naman akong maglakad, ganun din naman at
susundan nila ako.
Kaya nakasama ko nga sila. Habang naglalakad kami panay na lang ang sabi ko ng:
'Sana bahay na... sana bahay na... sana bahay na...' Kasi naman medyo naiilang ako
sa kanila. Hindi ko naman sila ka-close eh. Siguro kung nandito si Joyz medyo ok
kasi kababata naman niya si Charlie. Pero ako? Wala lang. Ni-hindi nga nila ako
kinakausap at pinapansin dati. Nakilala lang naman nila ako dahil doon sa
nakakainis kong cellphone!
Idagdag mo pa sa ikahihiya ko eh nasa gitna nila ako. Hindi naman siguro tama yun.
Pwede naman silang magtabi at ako eh nasa gilid, kailangan pa talagang igitna ako.
Para pa silang twin tower dahil parehas mas matangkad sa akin.
Sinabi ko na dati yung buo kong pangalan ah, bakit uulitin na naman. Ahhh, kay Ayan
ko pala inabi yun.
Tumawa naman ng malaks si Charlie. Ngayon ko lang yata siya nakitang tumawa ng
ganyan. As in TAWA talagang maituturing.
"Iba pa yung history ng Ayan sa history talaga ng name niya. Riyan Vincel, hindi ba
weird sa 'yo?"
"Not really.." pero naaalala ko nung unang beses kong narinig kay Joyz na Riyan
Vincel ang meaning ng RV niya, naisip ko may pagka-weird.
Hindi naman ako interesado kung bakit naging ganun yung pangalan niya. Nakarating
din naman kami sa bahay. Bukas na yung ilaw kaya alam kong gising na gising pa si
Daddy.
Nung nakapasok na kami pare-parehas sa gate, kumatok naman na ako. Ayoko namang
lumabas na bastos o ano pa man pero gusto ko na sana silang umalis parehas.
"Hally..." sabi na lang niya tapos natigilan siya nung makita niya na may kasama
akong dalawang asungot.
"Hi Dad, sorry po ngayon lang. Si Charlie nga po pala at Ayan, schoolmates po namin
nila Joyz at Ren."
Bumati rin si Charlie. At isang malaking relief talaga nung ngumiti si Daddy.
"Gabi na po kasi kaya hinatid na namin siya. Nanood pa po kasi sila ng practice
namin kaya ngayon lang."
"Ahh ganun ba, salamat sa paghatid. Baka gusto niyong tumuloy muna?"
Nung papaalis na sila, papasok na sana ako ng bahay pero parang sinasabi ng
konsensya ko na magpakabait naman ako dahil hinatid nila ako. Nag thank you ako at
sinabayan ko naman sila sa gate.
Tinapik naman ni Charlie si Ayan tapos sinabing... "Bro, kaya nga 'Hi Dad' yung
sinabi niya di ba? Pasensya ka na Hally dito, ganyan lang talaga yan."
"Naninigurado lang ako. Napansin ko lang kasi, you and your Dad have the same eyes.
Sige pala ah, una na kami. Good night Hally."
"Oo nga good night Hally. See you on Monday." at umalis na rin sila.
Hindi ko na sila nakitang umalis. Ako naman, parang nawala sa sarili ko habang
pabalik ako ng bahay. Madilim na pero napansin pa rin niya yun...
Monday. Another ordinary day. After nung Saturday, wala namang nangyari sa akin sa
bahay dahil kami lang naman ng Daddy ko ang nandoon. Pero ngayon, nakaupo lang ako
dito sa field at nanonood ng soccer practice. May puno naman dito kaya ok lang na
tumambay. Binabasa ko yung libro na inabot sa akin ni Joyz kanina, sabi niya
maganda naman daw. Nasa cafeteria silang dalawa ni Ren dahil bumibili sila ng
pagkain at ako naman eh nagpaiwan na lang at sinabi kong ibili na lang nila ako ng
pagkain. Pero may tumabi sa akin.
"Ok lang."
"Ano ba yan?"
"Not really. Depende kung ano yung babasahin. Kapag mga old english o kaya old
tagalog, hindi mo ako maasahan doon."
Inayos niya yung sintas ng rubber shoes niya, at ngayon ko lang napansin na naka-PE
uniform pala siya.
"Hindi. Nakiki-feeling lang. PE time kasi namin kanina, eh dahil naka-PE uniform
naman ako sumali na lang ako sa kanila kahit hindi ko sila kilala."
"Nasaan si Raymond at Charlie? Hindi mo yata sila kasama ngayon." tapos sinara ko
na yung binabasa ko dahil hindi ko rin naman mabasa kung may kausap ako.
"Medyo. Kapag nandun kasi kami, walang gumugulo sa amin. Kapag nasa corridor naman,
bati lang kami ng bati sa kung kani-kanino."
Bigla namang may bolang napunta sa direksiyon namin. Kapag minamalas ka nga talaga,
tinamaan pa ako sa balikat malapit sa dibdib. What the---?!? Ang sakit naman nun!
"OUCH!" napahawak na lang ako doon sa tinamaan nung bola. Kinuha naman ni Ayan yung
bola.
"Pare, paabot naman nung bola." sabi nung lalaki na sumipa ng bola.
"Ito ba? Sige ibibigay ko 'to sa 'yo, mag-sorry ka muna." tumayo na siya at
inapakan yung bola sa damo.
"Talaga? Babae yan pare. Sinadya mo man o hindi, tinamaan mo pa rin siya kaya dapat
ka lang mag-sorry." seryoso na naman yung mukha niya. Ngayon ko lang nakitang
seryoso yun mukha niya dahil sa galit.
"Hindi ako magso-sorry. Alam naman niyang field dito, dito pa kasi uupo. Kung
inaabot mo na lang kaya yung bola---"
"Anyone can sit here kaya 'wag mong sasabihin kung saan kami dapat o hindi dapat
umupo. O sige, kung gusto mong makuha yung bola na 'to..." sabay turo niya doon sa
bola na inaapakan pa rin niya... "ibibigay ko." sinipa niya ng malakas at dahil
nasa harap niya yung lalaki, tumama ba naman sa mukha.
Gusto ko sanang tumawa dahil napatumba yung lalaki. Tumalikod na si Ayan at hinila
ako.
"Tara na."
"Teka--"
Tumayo na lang ako at naglakad na kami. Pero huminto siya at tinignan uli yung
lalaki...
"Oo nga pala pare, aksidente yung nangyari kaya hindi kami magso-sorry. Nakatayo ka
kasi sa field eh!"
This time, hinila na niya talaga ako para tumakbo. Baka kasi mag-cause pa yun ng
away. Grabe, iba rin pala siya. Nung nasa tapat na kami ng Music Room malapit sa
cafeteria, hinihingal na ako kaya mabuti na lang at huminto siya.
"Kailangan kong pumunta sa men's locker room sa gym para magpalit ng damit."
Naglakad naman na siya pakaliwa papunta ng gym. Saka ko naman nakita si Joyz. May
naalala ako.
"Ayan!"
Lumingon naman siya dahil hindi pa naman malayo yung nalakad niya.
Nginitian lang niya ako tapos ng slight bow na para bang sinasabi niyang..
'Anytime'.
"Thanks para saan?" sabi na lang ni Joyz habang iniinom yung ice tea niya.
Pabalik naman na kami ng room. Kinuha ko na yung pagkain ko kay Joyz. Nung malapit
na kami sa Math Garden, nakita namin na papalabas si Raymond at Charlie.
Una kaming napansin ni Raymond kaya huminto para hintayin kami. Feel na feel ko na
parang gustong magwala ni Joyz sa tabi ko.
"Balita ko hinatid kayo ni Charlie at Ayan sa bahay niyo nung Sabado ah!"
Naubos ko naman na yung kinakain ko. Hindi ko alam kung saan papunta itong dalawa
na ito pero kami ni Joyz eh sa room.
"Saan nga pala kayo pupunta?"
"Sa swing."
Ahh, doon kasi ang tambayan ng grupo ni Aya. Hindi pa naman nagsasalita si Charlie.
"Nakita niyo ba si Ayan? Isasama sana namin siya kaya lang hindi namin makita
kanina pa."
"Ganun ba?" tapos tinignan niya si Charlie. "Bro, bakit bigla ka yatang tumahimik?
Kanina lang ang daldal natin ah."
"Huwag niyo nang pansinin 'to. Ganyan lang talaga yan kapag kaharap ang crush
niya." at ang kinagulat ko, tinapik ba naman ako sa balikat.
Naghiwalay naman na kami ng daan. Hindi totoo yun. Tama. Hindi nga niya alam na
nag-eexist ako dati 'di ba??? Malabo.. hindi pwede.
"Nagbibiro lang ako kanina, baka maniwala ka!" sinabi ko bang naniwala ako?!
Southern High
***16***
Hindi ko alam kung bakit medyo nadisappoint ako kay Raymond nung binawi niya yung
sinabi niya. Sabagay kasalanan ko naman at naniwala ako. Teka nga, naniwala ba ako?
Hindi naman ah! Tama, hindi. Nakakainis talaga.
Si Joyz naman pagkatapos nun, tinutukso naman ako kay Charlie kahit naring naman na
niya na hindi totoo.
Nung mga sumunod na araw, wala naman ako masyadong ginawa kaya dumadaan ako sa
auditorium para makita yung mga nagpa-practice para sa Thater Club. Grupo-grupo
sila kung mag-practice, kaya alam mo kung sino yung mga dancers.
As usual, naabutan kong tulog si Ayan habang yung iba eh nagpa-practice. May pagka-
batugan din ito eh. Tulog na nga madalas sa klase nila, tulog pa rin hanggang dito.
Hindi mo malaman kung bakit para bang puyat na lang siya parati.
"Psst Hally! Baka matunaw si RV niyan ah..." sinabi ni Arnold na kasmahan niya sa
Dance Club.
"Huh?"
"Ay ang kapal nito! Tinitignan ko lang kasi nagtataka lang ako kung bakit tulog
siya."
"Tutulong sana ako eh, kaya lang nagbago yung isip ko. Manonood na lang ako." sabay
nginitian ko sila para malaman nila na nagbibiro lang ako at naupo ako doon sa
hagdan ng stage.
Tinignan ko naman yung script nila, tapos binasa ko yung line ni 'Namongan', yung
nanay ni Lam-ang na asawa naman ni Juan. Bakit ba ganun kapag luma yung babasahin
mo, corny!
"O siya babasahin ko. 'Pero Juan, hindi mo na kailangang umalis. Magiging masaya
tayo dito. Ipangako mong...' "
Naputol naman yung sasabihin ko nung may humawak sa balikat ko sa likuran ko.
Familiar smell, kaya may naalala ako.
Southern High
***17***
"Oo nga eh, nag-vibrate kasi yung phone ko kaya nagising ako. Gusto ko pa sanang
matulog. Hally, napadaan ka yata ngayon?" tapos umupo siya doon sa tabi ko sa
hagdan.
"Wala naman, nakikigulo lang. Hindi kasi dumating yung teacher namin sa Social eh."
Tumabi naman ako sa gilid dahil magpa-practice na sila. Dahil tulog si Ayan kanina,
tinuturuan pa siya ng steps ngayon. Medyo nakakalimutan lang niya nung simula pero
ilang ulit lang nila, nakuha na rin niya.
Nung sumunod na mga araw, naging busy naman ako lalo na after school. Nagsimula na
kasi yung practice namin para sa Volleyball team. Minsan kapag maaga kami,
hinihintay pa ako ni Ren o kaya ni Joyz para magsabay umuwi. Pero kapag ginagabi
naman, pinapauna ko na sila kasi nakakahiya naman sa kanila para hintayin pa nila
ako.
May practice game kami sa gymnasium ng Northern High. Malaki rin ang Northern High,
maganda rin ang gym nila. Nung nagsimula yung laro, nanalo kami ng first set 20-25.
Nung second set, natalo kami ng two points. Third set naman, nanalo kami. At ang
hindi ko inasahan, malaki yung naging lamang namin. 11-25.
Kinagabihan nung araw na iyon, nagtext sa akin si Ayan. 'gud game! congrtz.'[/i]
Hindi ko alam kung paano niya nalaman na nanalo kami sa practice game sa North.
Hindi naman siya nanood. Nagreply lang ako ng thanks sa kanya.
Last Friday naman, nagpunta ako sa bahay nila Joyz dahil sabay kaming gumawa ng
homework. Dumating pa nga yung mama ni Charlie na kaibigan ng mommy ni Joyz.
Unfortunately, hindi kasama si Charlie. Naalala ko pa nga nung araw na yun na nag-
knock ako sa ulo ko sakaling natutulog na naman yung utak ko at bakit ko siya
hinahanap.
Kadalasan naman tuwing lalabas ako ng room, kung hindi si Charlie ang makikita ko
na may kausap na girl eh nandiyan naman si Raymond. Si Ayan? Sus tinatanong pa ba
yan? Anong ginagawa?!?
"Sabi nila pupunta daw sa National Museum, Fort Santiago, Bahay Tsinoy, saka
syempre mawawala ba ang SM?"
"Aba himala yata, educational yata ngayon. Dati kung hindi Enchanted Kingdom, sa
mga resort pumupunta ah!"
"Ano sasama ka nga? Balak namin ni Joyz sumama eh, 600 yata ang bayad."
"600? Tatanungin ko muna si Daddy. KApag pumayag syempre sasama ako. Baka kasi wala
kaming pera no! Kailan ba yun?"
"Thursday na." tapos nilabas niya yung phone niya sabay sabing "2:30 pa lang pala"
Kung hindi si Ren ang magtatanong sa akin kung sasama ba ako ng field trip, si
Joyz, yung iba pa naming classmate at kasama na roon si Raymond. Iisa lang naman
ang sinasagot ko 'hindi pa ako sure'.
Sa school naman, dahil tinanong uli ako ni Raymond sinabi ko na sasama na ako. Ewan
ko ba kung bakit tanong siya ng tanong.
Nagpaalam naman na si Raymond at babalik na daw siya sa room nila. Nakita ko naman
na tumayo siya doon sa bintana ng room nila at mukhang may kinakausap. Bigla siyang
nagthumbs-up. Nawala naman yung concentration ko nung tumunog yung phone ko. 1
message received. Pinindot ko yung read. Sino na naman kaya 'to?
Opening...
Opening...
Sender:
+63919*******
Hally!
Nyek, ano kaya yun?!? Hally lang? Magsayang daw ba ng text. Sino naman kaya 'to.
>eow, hu r u?
Sender:
+63919*******
Lukaret! Si Joyz 2 no. Save mo na 2ng #. Kay Charlie 2! Ngssyng lng ako ng load...
Nagpakaarte pa ako, pero sinave ko rin naman yung #. Maasahan mo yang si Joyz
pagdating sa pag-alam ng #. Dati nga may naging crush siya na hindi naman namin
kilala, nung hapon lang ng araw na iyon eh alam na niya yung #. Pero ang kaibahan
lang ngayon, mas madali sa kanya dahil magkakilala naman sila ni Charlie. Ewan ko
nga ba sa kanya kung bakit ngayon lang niya naisipan na ibigay sa akin yung # ni
Charlie, kung noon pa sana baka nagka-interest pa akong mag-text.
Sender:
Charlie
>d2 me s rum 101.
Nung weekend naman, nag-sorry sa akin si Daddy dahil sinabi niya sa akin na hindi
na daw ako makakasama sa field trip. Sa tingin nyo na disappoint ako? Nah. Sabi
kasi ni Daddy sa akin na hindi raw niya nakuha yung sweldo niya. Delayed kasi. Isa
pa, hindi naman talaga ako ganun ka-interesado sumama sa field trip. Nakita ko
naman na yung Fort Santiago, National Museum, lalung-lalo na ang SM. Ang magiging
bago lang naman sa akin eh Bahay Tsinoy.
Monday. 3 days before ng field trip. Sinabi ko naman kay Ren at Joyz yung sinabi ni
Daddy. Balak pa nga sanang sagutin ni Ren yung pambayad at saka ko na lang daw
bayaran. Pero hindi ako pumayag. Ayos lang naman.
Nakatulong din naman yung hindi ko pagsama. Sinabi kasi ni Coach Gonia, yung coach
namin sa volleyball team, na napaaga daw ang first game namin. Dapat kasi next week
pa kaya lang sinabi nila na na-move this friday.
Tadtad naman kami ng practice. Lalo na nung Tuesday and Wednesday. Sumasakit na nga
yung katawan ko eh pero kaya ko pa naman.
Nung dumating ang thursday, araw ng field trip, tinext ako ni Ren bago umalis yung
bus nila. Sinabihan ko sila ng 'ingat' at bumalik ako ulit sa tulog. Wala na nga
pala kaming pasok dahil maraming sumama a field trip sa South. Konti lang ang hindi
sumama. Ok lang na tanghali na magising.
Past-9 na ako bumangon. May note si Daddy sa fridge: 'yung pancake mo nasa
microwave, para mainit pa.' Kumain lang ako doon. Syempre ano pa ba ang ginawa ko
kundi manood ng TV. Movies, then cartoons.
Nagsimula naman akong mabored. Nagpaalam ako kay Daddy kung pwede ba akong pumunta
sa mall at gusto kong manood ng sine. Ayaw nga niya akong payagan nung una, pero
nung na-realize niya siguro na hindi ako nakasama nung field trip, pumayag din
siya.
Mag-2pm na ako nakarating sa mall. Umakyat ako sa Movie Theater sa 3rd floor at
namili ng papanoorin. Mag-isa lang ako pero ayos lang. Dati ko naman nang ginagawa
'to. Kapag wala akong kasama, nakakanood ako ng sine mag-isa. Sabi sa schedule,
3:00 pa ang next showing. Bibili na lang muna ako ng ticket tapos iikot muna ako
siguro hanggang mag-3. Lumapit ako sa ticket booth.
"Miss, isa nga pong ticket." at may nakasabay pa akong bumili. Tinignan ko naman na
tipong napatingala ako ng konti.
"Akala ko--" hindi naman natuloy yung sasabihin niya nung inabot nung babae yung
dalawang ticket. Hinawakan naman niya.
"What's up with your hair?" medyo magulo na naman yung buhok niya. Ewan ko ba,
kahit bagay sa kanya, hindi ko alam kung bakit gusto niyang ganun palagi.
"Bakit? Anong meron?" tapos hinawakan niya na tipong nakatulong umayos. Hindi naman
magulung-magulo yung buhok niya. Siguro, ngayon lang ako nakakita ng guy na hindi
masyadong conscious sa pag-aayos ng buhok. Sa pagkakaalam ko, dalawang beses ko pa
lang siya nakitang nag-gel.
"Wala. Medyo magulo kasi eh, medyo natatakpan yung mata mo."
Tinalikuran ko naman na siya dahil kakain pa ako. Pero tinawag niya ako.
"Saan ka pupunta?"
"Kakain."
Kasama ko naman siyang naglakad papunta ng second floor. Akala ko nga kasama siya
sa field trip kasi sinabi ni Raymond. Tapos ngayon, nandito siya. Kapag mamalasin
ka nga naman, nakasabay ko pang bumili ng ticket sa movie theater. Teka, isa lang
yung binibili niya kanina, ibig sabihin ba nun eh---? Never mind.
"What?!?"
"Wala."
"I like chocolates, kung yun ba ang tanong mo."
Hindi ko naman gustong itanong yun. Pakialam ko naman kung mahilig siya sa
chocolates.
"Yeah, kaya kumakain ako dito ngayon." tapos kinagat ko yung doughnut.
"Bakit?"
"Ayoko eh."
"Long story."
Tinignan ko naman siya. Tama bang gayahin ako? Tapos tumawa siya.
"Honestly, ayoko dahil nakakapagod lang yun. Isa pa--" biglang humina yung
pagkakasabi niya."Nagbabysit ako kaninang umaga."
"Huwag mo na akong tawanan. At least ako sinabi ko kung bakit hindi ako nakasama.
And, I like kids."
"Nope."
Magtatanong sana ako ulit pero may dalawang babae na tumayo sa gilid ng table
namin.
"Vince?"
Huh?!?
"Yeah."
"Bakit naman ako pupunta doon? If you don't mind, may kasama ako."
Umalis naman yung dalawang babae. Infairness, may pagka-mataray din pala si Ayan.
Medyo badtrip yata yung mukha niya.
"Galing sa Vincel."
"Kilala mo ba sila?"
"Hindi."
"Eh bakit kilala ka nila?"
Nginitian naman niya ako. Ang dami ko kasing tanong eh. Kasi naman, hindi ko alam
kung bakit curious ako. Asar talaga.
anong...'Tayo???'
Wala. Blackmail talaga ang nangyari. Nung nagulat ako nung sinabi niyang 'Tayo',
parang nahalata niya ako. Kaya ayun, sinabi niya na, 'nasa akin yung ticket mo..'
Naman talaga oh! Bakit ba kasi kinalimutan ko pa yun?!?
Pumayag akong kumain kasama siya dahil nakonsensya ako kanina. Pero 'di ko naman
inaasahan na pati sa movie eh sabay pa rin kami. Kapag may nakakita pa sa akin nito
eh baka isipin na boyfriend ko siya o kaya naman nagda-date kami. Pero kahit na
namomroblema ang isip ko, here I am sitting in this dark and cold movie theater
eating popcorn with... Pretty Sleeping Boy. Urrgh! Sinabi ko ba talagang 'Pretty?'
I admit it. He's pretty naman talaga just like his two friends. Not pretty in the
sense of being 'gay', pretty na... alam niyo na yun.
Oo nga pala baka natanong niyo kung anong pinapanood namin. It's not horror ok.
Wala akong balak manood ng horror mag-isa. It's not a romantic movie either. Tingin
niyo naman bibili si Ayan ng ticket sa movie theater para manood mag-isa ng isang
romantic movie? Try and make sense of it. He's a guy. Maliban na lang sana kung may
kasama siya. We're watching a filthy fantasy movie. Ewan ko ba kung bakit ito ang
napili ko, wala siguro ako sa matinong pag-iisip kanina.
May part na nakakatawa yung movie. Kapag nagtatawanan yung mga tao, ako hindi.
Hindi ko kasi alam kung bakit sila tumatawa. Nawawala paminsan-minsan yung
concentration ko sa movie. Buti pa si Ayan, naiintindihan niya yung takbo ng
istorya at kahit na madilim nakita kong tumatawa din siya. Sana nga lang 'di niya
ako napapansin na tumitingin sa direksiyon niya. Nasabi ko na 'to dati pa, ewan ko
ba kung bakit uulitin ko na naman. What's with his smile na parang nanghihina ako?
Bwisit talaga.
"Ha?"
"Ano, kasi, medyo, ah... wala lang." ang tanga ko talaga kahit kailan!
Madilim doon pero medyo nakita ko yung expression ng mukha niya na parang sinasabi:
'Baliw yata itong babae na 'to'...
Nung natapos yung movie, a little past-5, syempre asahan mong lumabas kami ng movie
theater. Uuwi na ako at ayoko namang magpagabi.
"I'll drop you then..." tapos hinila niya ako pero hindi ko gustong umalis sa
kinatatayuan ko.
"Teka lang.."
"Anong problema?"
"Kung papapiliin mo ako kung ihahatid mo ako o hindi, hindi ang pipiliin ko. Kaya
ko namang umuwi. Hindi naman madilim."
"Para saan?"
"Alright. A."
"Ang daya!"
Nag-smile siya sa akin ng nakakaloko. It's my fault. Dapat hindi ako pumili in the
first place.
"Ayan, sumasakay ako ng jeep pauwi ng bahay. Nag-tricycle lang ako para hindi
maglakad. Ang layo ng mall sa Ridge. Mahal ang babayaran natin."
"Pero--"
Nagulat naman ako sa kanya dahil bigla siyang nagsalita after a long moment of
silence.
"Ganito lang talaga ako kapag malamig" hindi naman ako nagsinungaling doon.
Namumula talaga ang mukha ko kapag malamig.
Wait a minute. Napansin niya na namumula yung mukha ko? Ibig sabihin, he's staring
at me!
Feeling ko naipon lahat ng dugo ko sa mukha ko. Ngayon hindi na siya sa lamig
namumula, biglang uminit. Hay Hally! Libreng mangarap. Ituloy mo lang yan, diyan ka
naman magaling.
Mabuti na lang maaga pa at tiyak wala pa si Daddy sa bahay. At least, hindi niya
ako makikita na hinahatid ni Ayan.
"Hally"
"Dad,"
Medyo nangangapa ako. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin sa kanya.
"Hally, hindi ba kita tinuruan ng manners at hindi mo papasukin yung kasama mo."
Bumati naman si AYan kay Daddy gaya ng ginawa niya dati tapos pumasok din siya sa
bahay. Sabi niya busog pa daw siya kaya tumanggi siyng kumain nung inalok ni DAddy.
"Dad..." baka kasi kung ano na ang iniisip niya. "Remember Ayan? Siya yung
schoolmate namin nila Joyz. Eh nagkataon na---"
Tinignan ko si Ayan. Nakaupo lang siya doon at nakayuko habang tumatawa. Kainis na
yun. Hindi man lang ako tulungan na mag-explain na hindi naman yun date. Tama yan,
tumawa ka.
Hindi naman ako nanalo kay Daddy kaya naupo na lang ako doon sa upuan ng dining
table. Silang dalawa sa upuan sa sala.
"Foxmoore po."
Asus ngayon pa? Dapat kanina eh. I just rolled my eyes. Kung may sasama pa sa akin
na tinutulungan na nga, ewan ko na. Hindi naman talaga ako galit sa kanya. siguro
may habit lang talaga ako na ipakitang maypagka-mataray ako kahit minsan hindi
naman talaga.
Pumasok naman ako sa kwarto ko. Naiirita kasi ako eh. Yung Daddy ko kasi.
Nagbihis lang ako ng damit. Nakuha ko yung discman ko at nakinig. Maya-maya lang,
narinig kong tumatawa silang dalawa. How nice?! Buti pa sila masaya.
Hindi ko alam kung gaano sila katagal nag-usap nun dahil hindi ko naman napansin
yung oras nung kumatok si Daddy sa pinto ko at uuwi na daw si Ayan. Pero ang alam
ko lang, matagal din yun dahil marami na akong nagawa sa kwarto ko para libangin
ang sarili ko.
Sa wakas.
"Ganun ba?Ok."
Lumabas naman ako at nakatayo na si Ayan malapit sa pinto. Ang lamig pa rin nung
nabuksan yung pinto. MAdilim na. Kanina lang maliwanag pa.
"Hay naku! Nagkwento lang siya sa 'yo ng mga nangyari sa akin dati, mga pictures
ko... cool na?"ngumiti naman ako dahil alam ko naman talaga kung ano ang pinag-
usapan nila. At kung bakit tumatawa si Ayan kanina? I'm sure ako yun.
"Pinakita niya yung mga pictures niyo. Pati yung, mommy mo."
"Oh, sorry."
"It's alright. Tanggap ko naman na matagal na. She died when I was eight. Cancer.
Brain Cancer. hindi pa rin ako makatingin ng diretso sa kanya. Kapag ito yung
usapan, malakas ang impact sa akin.
"Daddy mo lang pala ang nakasama mo all these years. I'm sure you're not lonely."
"Kung nalulungkot ka, nandito lang ako. I can be your company. Kailangan mo ng
kaibigan sa tabi mo, tawagan mo lang ako. Good night Hally, see you tomorrow." nag
smile siya then, slight tap siya sa balikat ko.
Naglakad na siya papalayo ng bahay. Parang bumaliktad yung sikmura ko. Hindi yata
ako makakatulog nito...
Southern High
***20***
Tama nga ako, hindi nga ako makatulog nung gabi. Nakakainis naman talaga si Ayan,
sana lang 'di niya ginawa yun. Ngayon ginugulo tuloy ako, at hindi ko makalimutan
yung tingin niya kanina. 11:46 pm na nga pala, pero gising pa rin ako. Daig ko pa
yung mga sumama ng field trip.
Hindi ko alam kung hanggang anong oras ako nagmumuni-muni. Pero ang alam ko, good
morning Hally na ng maknock-down ako at makatulog. Tiyak puyat na naman ako nito.
"Hally..." si Daddy tinatawag ako. Panaginip na naman. "Hally, gising na.." aba
umulit pa. Alam ko namang nananaginip lang ako, hindi naman gawain ni Daddy na
gisingin ako tuwing umaga. "HALLY! BUMANGON KA NA DIYAN!" Gosh it's a nightmare!
sinigawan pa ako ng Daddy ko, kaya ayun nahulog ako sa kama ko.
"Kanina pa kita ginigising tulog mantika ka diyan. 6:20 na, baka gusto mong kumilos
at mala-late ka na sa school."
"Ha? 6:20 na?" tinignan ko naman yung alarm clock ko. 6:20 nga. Bakit ganun? Hindi
yata tumunog. Alam ko sinet ko 'to kagabi. May sira na yata.
"Dad, may sira ba yung alarm clock ko? Bakit hindi tumunog? Hindi tuloy ako
nagising."
"Hindi yan sira. Kanina pa yan tunog ng tunog kaya nagpunta na ako at tinignan ko
kung bakit hindi mo pinapatay. Anong oras ka na ba natulog at puyat ka?"
Hindi ko naman na nasagot yung tanong ni Daddy dahil lumabas na siya ng kwarto ko.
Binilisan ko naman na yung kilos ko dahil mala-late nga ako. 7:00 kasi yung time
namin. MAtapos ng mga seremonyas ko sa pagligo, pagbihis, kumain at pagtoothbrush
na talagang madali... I'm off to school."Bye Dad" sabi ko na lang.
Alam kong hindi masyadong marami ang papasok ngayon sa South. Syempre yung mga
sumama sa field trip eh puyat. Nadisappoint ba ako? Hindi. Konti nga lang ang
pumasok. Kapag ordinary day, maraming taong nagkalat sa corridor. Pero ngayon,
konti lang. Sa room nga namin, yung usual na 50, 20+ lang ang pumasok. Pinag-
uusapan pa ang field trip.
"Oo nga, parang totoo yung pancit na kinakain nung intsik sa Bahay TSinoy noh! Ang
galing talaga!"sabi nung classmate ko.
"Si John nga eh tinulak pa ako doon sa hagdan ng underground sa Fort Santiago!
Muntik pa tuloy akong mahulog." si Rica.
Hay naku, tiyak nito 'di makakarelate ako sa pinag-uusapan nila. Oh well...
Actually kahapon pa nga ako nandito ngayon mo lang ako nakita!?!? Naupo naman ako
doon sa upuan ko kung saan sila nagdadaldalan.
Tama yan, inggitin niyo ako. Yun nga lang, 'di effective.
Nakinig naman ako sa kwento nila. Ako lang yung walang masabi sa topic. Walang ring
sign ni Joyz at Ren. Marahil naghihilik pa yung dalawa na yun sa kama nila.
Oh God help me! Dudugo na yung ilong ko dito. Sumasakit na yung tenga ko makinig sa
mga nangyari sa field trip. Buti sana kung alam ko, kaso hindi eh. Wala bang
magliligtas sa akin? Naman oh!
Attention students, all varsity volleyball players please report to the gymnasium,
all varsity volleyball...
For the first time in my life, ngayon lang ako natuwa sa pagtawag ng intercom para
sa volleyball. Savior! At least may valid reason ako para umalis sa torture room
namin.
Umalis naman na ako sa room at naglakad papunta ng gym. Nakakapanibago talaga, ang
konti ng estudyante sa corridor. Ewan ko ba, nasanay lang siguro ako na maraming
nakaharang sa dinadaanan ko.
Nakasabay ko naman yung dalawang Junior na ka-team ko papunta doon. Hindi ko sila
ka-close pero pwede na rin. Bakit ba nakalimutan ko yun?! Sa dami ng kakalimutan eh
yung mahalaga pa. First game nga pala ngayong araw na ito tapos kinalimutan ko.
MAbuti na lang mamaya pa yun.
Si Coach Gonia, coach ng volleyball team, ay nagkaroon ng small meeting bago kami
pinagpalit ng pang-practice. Kenell Catholic School ang kalaban namin. Excuse na
kami sa klase. Ang saya.
12:00. Mainit pero masaya dahil lunch break. Hindi na ako nagpalit ng PE uniform sa
regular uniform dahil gutom na talaga ako. I wonder kung amoy pawis na ako.
Pakialam ba nila.
Nagpunta ako sa cafeteria at pumila. Dahil konti nga yung tao, mabilis naman akong
nakabili at naupo ako mag-isa doon sa mga table. Dumami-dami na rin yung mga
estudyante. Nakita ko rin yung grupo ni Aya. How I wish nandito si Ren.
Bumalik muna ako sa room bago ako magpalit ng uniform para sa laban. Pumasok na rin
sina Joyz. Hindi na sila umattend ng morning classes at sabi nila papanoorin daw
nila yung volleyball game.
"Hay naku yang si Joyz, pagdating ko sa bahay nila natutulog pa. MAbuti na lang
pala inagahan ko. Papanoorin ka namin Hally."
"Puyat nga kami eh. Wala namang kwenta yung field trip!"
"Hinahanap ka nga ni Raymond, nung sinabi namin na hindi ka nakasama, umalis na din
kaagad."
Maingay pa rin sa corridor dahil mas lalong dumami ang nakakalat sa daan. Hindi pa
rin ako nagpapalit ng damit. Amoy pawis na nga siguro ako. Dahil maingay, nagulat
kaming tatlo nung biglang tumahimik. Tapos nagtinginan lahat. PAti kami nila Ren.
Ano bang meron?
Nagulat yata sa kanya lahat nung sumigaw siya. Wala pa yatang nakakakita na galit
siya eh.
Tinignan ni Ayan yung babae na nagtanong. Yun din ang gusto kong itanong, ano bang
problema at galit siya? Huminto siya doon sa harap nung classmate niya, at
sasabihin yata niya kung bakit.
"DON'T CALL ME AYAN! SINABI KO BANG TAWAGIN MO AKONG AYAN?! SUMASAKIT YUNG TENGA
KO!"
Sabi ko nga hindi niya sasabihin eh. Pumasok siya doon sa classroom nila. Yung
pagkakabukas pa niya ng room, padabog pa. Tahimik pa rin lahat. Grabe, nakakatakot
naman siya. Napahiya tuloy yung babae kaya ayun, umalis.
Hindi naman nagtagal nung nakita naming tumatakbo si Charlie kasunod si Raymond.
Ewan ko ba sa tatlong yan, parang ang lalaki ng mga problema. Pero aaminin ko,
curious talaga ako.
Dumaan din sila doon sa dinaanan ni Ayan.
"Nasaan si Ayan?"
Tinuro lang nung nakaupo doon sa bench yung room nila. Natakot na yatang magsalita
at baka matulad doon sa babae kanina. Katulad ni Ayan, pumasok din yung dalawa.
Dahil 1:00 na, nauna na akong umalis kina Joyz dahil magpapalit na ako ng uniform
para sa laban. Dahil katabi lang nung room namin yung room nila, lumingon ako
sakaling makita ko kung anong ginagawa nila.
Bandang 3:00 nung nagsimula yung game. Napuno rin naman yung gym. Naglaro naman ng
maganda yung players ng Kenell Catholic School, pero sa kadulu-duluhan, nanalo
kami. Panay congratulations lang ang natanggap namin.
Bago nag-start yung game, hindi ko alam kung bakit hinahanap ko sila. Nakita ko si
Charlie and Raymond, nginitian pa nga ako ni Charlie at nagthumbs-up naman si
Raymond. In the end, medyo nalungkot lang ako.
Southern High
***21***
"Ngek Joyz, first game pa lang yun. Marami pa kaming makakalaban na magagaling.
Pero thanks ha."
Nakita ko naman na nasa gilid si Ren. Nakakatawa nga yung itsura niya paano ba
naman parang tinataktak yung tenga na para bang napasukan ng tubig.
"Ren ano ka ba! Anong ginagawa mo sa tenga mo?!" tapos tinabihan ko siya habang
naglalakad.
"Paano yang si Joyz, sigaw ng sigaw kanina habang nakaupo kami. Sumakit yung tenga
ko. Kung maka-cheer akala mo wala nang bukas. Nabingi na yata ako." sabay tulak
niya kay Joyz pero pabiro lang.
Dahil marami pang tao sa gym na papalabas, nag-merge naman nung nandun na sa
pintuan at naipon yung tao. Nasa kanan ko si Ren, nasa kaliwa naman si Joyz. In
short, nasa gitna ako. Dahil yung iba nagtutulakan, may nakabanggaan pa si Ren.
Hindi ko naman napansin si Ren nung una pero pagtingin ko wala na siya sa tabi ko.
Paglingon ko, ayun tinutulungan pa niya yung nabangga niya dahil natumba. At kapag
dumating nga naman ang swerte niya...
"Sorry ha, 'di ko naman sinasadya. Nagtutulakan kasi sa likod. Sorry talaga."
"Ok lang yun, thanks. I'm Aya nga pala, Aya Ventura." nilabas ni Aya yung kamay
niya para makipag-kamay.
"Matagal na--" siniko ko naman si Ren dahil kung ano na naman ang naisip nitong
sabihin na walang kakwenta-kwenta. "Aray ko naman, Ren nga pala... Warren Telles."
"Ito nga pala yung bestfriend ko, si Hally." sabay patong ni Ren nung kamay niya sa
kaliwang balikat ko.
Ngumiti naman si Aya. "Nabanggit ka kasi nina Raymond at Charlie dati. Ikaw yung
nakapalitan ng cellphone ni RV 'di ba?"
Medyo nag-lift nga yung spirit ko. Hindi ko alam kung bakit natuwa ako doon sa
huling sinabi ni Aya. RV ang tawag niya kay Ayan. Isa lang ang ibig sabihin nun,
kahit alam kong may pagka crush ng bayan si Aya, hindi sila close.
Ano bang nangyayari sa akin? Pakialam ba niya kay Ayan? Si Charlie naman ang
boyfriend niya.
"Sige pala ha, una na ko sa inyo. Thanks ulit Ren. Nice meeting you Hally."
"Anong 'so' ka diyan, cloud 9 yun! Baka hindi ko na hugasan yung kamay ko."
"Oo huwag mo nang hugasan para tubuan ng kamote yan. Anong drama ng bruha na yun
Hally?"
Kinuwento naman ni Ren kay Joyz. Detalyadong-detalyado pa. Ngayon ko lang nakita na
ganyan kasaya si Ren. I mean, nakita ko na siyang masaya dati. Pero iba yung reason
ngayon. Irritated naman si Joyz kasi hindi niya masyadong feel si Aya.
Nakita namin na tumatakbo si Raymond papunta sa field. Hindi niya kasama si Ayan o
kaya naman si Charlie.
"Haha, bravo Ren! Papasa ka nang tape recorder!" ito na naman po sila, nag-aaway.
Nakabalik naman na kami sa room. Sabi nung iba naming classmate, wala na raw klase
kahit past-4 pa lang. Pumasok ako doon sa CR ng room namin para magpalit. Ngayon
lang ako gumamit dito, sa CR kasi sa labas ako gumagamit. Nagpalit uli ako ng
uniform.
Hindi ko alam kung ano yung sinasabi nila pero nung lumapit ako, saka ko lang
naintindihan. Si Ayan, nakaupo lang doon sa upuan ng auditorium. Bandang dulo na
naman. Hindi ko nga siya napansin kasi madilim.
"Kanina pa nga yan diyan eh, bago magsimula yung game. Siguro yung nangyari
kanina..."
Tumaas naman yung dalawang balikat nung isa. Hindi rin nila alam. O siya, lalapit
na lang ako. Kung mapapahiya man ako, e di mapapahiya.
Nagpunta ako doon sa dulong upuan. Napansin ko naman na nakataas na naman yung
dalawang paa niya doon sa isang upuan sa harap niya.
"Ayan..."
"Hindi ka ba magpa-practice?"
"Hindi naman sa nakikialam ako, pero ano bang problema? Baka kasi makatulong ako."
"Yeah right. You offered me company when I'm lonely and I accepted it. Now I'm
offering you help, now you're rejecting it."
"Kung may kinalaman yun kanina, hindi ko alam kung bakit pero galit ka."
"Yun na nga eh, galit ka pero hindi ko naman alam kung bakit. Kung isha-share mo,
baka makatulong ako. Kung hindi, ok lang... pero mas mabuti sana..."
"I just had a row with someone...a stupid guy. That's all."
"A row with a guy, yun lang? Tingin ko hindi naman yun lang kasi ganyan ka ka-
affected."
"Yeah affected ako! I had enough. Kung hindi lang ako pinigilan nila Charlie
kanina, baka kung ano na ang nagawa ko sa kanya."
"Kagaya nga ng sinabi mo, stupid guy." alam ko walang sense yung sinasabi ko, pero
baka makatulong at ikwento niya kung ano ba yung nangyari.
"Apektado ako kung concern na ang family ko, alam mo ba yun! HA?!? especially my
parents.. most of all when my mother's in it!!"
"Tama lang na nilabas mo yan. MAs magandang nilalabas mo yan. Dahil kapag hindi,
baka sumabog ka na lang. And I understand the feeling. He insulted your mom."
Tumayo naman siya doon sa pagkakaupo niya. Hindi ako magaling sa mga advice sa mga
ganyan na bagay. Wala akong alam sa ganito eh. Moral support lang ang marami ako.
"Saan ka pupunta?"
Naglakad na siya doon sa gitna ng mga upuan sa auditorium. Ngayon naman aalis siya.
"Sabi mo may practice kami 'di ba?" sinabi niya yun habang nakalingon... Anyways,
thanks Hally. At oo nga pala bago ko makalimutan...
congratulations sa game..." tapos tumakbo na siya papunta ng stage
Southern High
***22***
Natuwa naman ako sa pag-congratulate niya sa akin. Ang alam ko hindi siya nanonood
dahil hindi ko siya nakita kanina, ewan ko kung paano niya nalaman. Siguro
nagtanong siya doon sa mga classmate niya na nanood ng game.
Naupo naman ako doon sa pinakaharap na upuan at pinanood sila. Sama-sama na sila
lahat kaya mas nakabuti. Dati kasi, kanya-kanya silang grupo. Mas lalo naman akong
napabilib sa mga dancers. Kahit kasi anong genre ng music, ang galing pa rin ng
moves nila. Ngayon nga classical, kung hindi mo sila kilala hindi mo aakalain na
modern dancers sila. To be precise, breakdancers.
Nung nag-alarm na, sign ng uwian, nauna naman akong bumaba sa kanila dahil dadaan
pa ako sa locker ko para kunin yung PE uniform ko dahil amoy pawis na yun at para
na rin malabhan. Ilang minuto lang, kasama ko na naman sina Ren at Joyz.
"Oo, dadaan nga sana ako sa room kaso nandito naman na kayo kaya hindi na pala
kailangan."
Umuwi naman na kami pagkatapos nun. Dahil weekend naman na, natuwa naman ako dahil
wala kaming homework. Plano ko namang hindi umalis ng bahay, paano ba naman
nakakahiya na kay Daddy at panay ang alis ko ng bahay lalo na kung walang pasok.
Nagtext naman si Ayan sa akin nung Saturday, quote lang tapos nireplyan ko siya.
Pasimple namana ako na tinanong kung sino yung nagsabi sa kanya na kami yung nanalo
sa game. Ito yung reply niya:
Hindi naman ako naboring nun. Si Ren naman kasi dumaan ng bahay at sinamahan ako
buong maghapon. Ang nakakainis lang, tinulugan naman ako nung umaga.
Monday naman nung nakaupo ako sa bench katatapos ng breaktime nang lumapit si Ate
Lea, senior, at tinanong ako.
"Hally, gusto mong tumakbo para sa student council? Kailangan namin ng 3 pang
juniors para sa senator."
"Huh? Sorry, ayoko. Matrabaho yan eh. Isa pa Ate Lea, busy rin ako sa volleyball.
Wala na kong time sa campaign niyan" flattered naman ako, kinukuha niya akong
senator para sa party niya, kaso ayoko eh.
Hindi ko nga pala nasabi, yun yung sinabi ni Ren sa akin last week na bagong
announcement. Malapit na naman ang election para sa student council.
Eksakto namang sinabi yun ni Ate Lea eh papadating sina Raymond, Charlie at Ayan
kagagaling yata sa cafeteria. Parang alam ko na yung mangyayari, oh please!
"Hey, Charlie, Raymond, RV, gusto niyong tumakbong Senator para sa student council?
Sige na please."
"Kayo?"
Pinilit nila si Ayan bago nila napapayag. Alam ko naman na yung mangyayari, tiyak
naman mananalo silang tatlo. Hindi dahil sa marami silang magagawa para sa students
ng South, it's the other way around. Marami nagkaka-crush sa kanila. Enough para
maging Senator sila ng student council.
Binalita ko naman kay Joyz yung nangyari kanina. Sinabi niya sigurado na niyang
iboboto yung tatlo. See? Kay Joyz palang may boto na sila. Paano pa kaya sa iba?
Sino kaya ang makakakuha ng pinakamataas na boto sa kanilang tatlo? Gusto ko rin
yatang malaman.
Mabilis naman kumalat yun. Kahit saan nga ako magpunta, naririnig ko yung balita na
tatakbo yung tatlo na senator. Yung mga bagay na may kinalaman sa kanila, asahan mo
balita ng bayan.
Hindi ko naman na sila nakakausap nung sumunod na araw dahil lagi na silang wala sa
klase nila para sa campaign ng room by room sa South. Maraming naka-post sa pader
ng South yung pangalan nung mga tatakbo.
Unang nag-campaign sa room namin yung party na kalaban nila Charlie. Kadalasan sa
mga tumakbo na Senator eh mga classmate ko nung second year. Wednesday yata nung
nag-campaign naman yung party nila sa room namin. Ang lakas talaga ng impact nila.
Nagpakilala sila isa-isa. Sigawan naman yung mga classmate ko nung dumating kay
Raymond. Sino ang kasama sa sumisigaw? Si Joyz syempre.
"I'm Raymond Joseph Perez" nag-sign siya kay Charlie, "I'm Charles Orosco" tapos
yung last "Riyan Vincel Hetzer"...
Pagkatapos nilang magpakilala, sinabi nila yung mga plano nilang gawin na pagtulong
sa students. Asus! Parang totoo. If I know porma lang ang meron sila. At syempre
gusto rin nilang tumakbo para lalong sumikat sa school. Lahat naman ng yan...
publicity.
"Sana po iboto niyo kaming lahat." tumingin siya sa pinto, "Here's our president,
si Ate Lea."
Palakad naman na si Ate Lea kasi silang dalawa nung vice president niya ang last na
magsasalita. Kaya lang may pahabol pa si Raymond.
"Oo nga pala nakalimutan naming sabihin, red ang color ng party namin. So, kapag
umattend kayo sa Dance, wear something na may red."
Yung Dance na tinutukoy nila, Dance yun bago ang botohan. Hindi siya kasing formal
ng Prom, event lang yun para makilala pa ng students yung mga tatakbo. Syempre
kunwari lang yun. Hindi gowns ang sinusuot, dress lang na simple at polo sa mga
lalaki ang sinusuot.
"Psst!"
Si Charlie.
"Bakit?" para naman akong aso, Psst daw ba ang itawag sa akin.
Medyo malayo siya dahil nasa kabilang dulo siya ng corridor kaya sumigaw naman
siya...
Umuwi naman na ako. May kung ano naman ang pumasok sa isip ko. Baka naman...
Southern High
***23***
Hindi ko naman na pinansin kung ano yung sinabi ni Charlie. Pero kung tutuusin, may
kung ano rin na pumasok sa isip ko. Asa pa ko! May girlfriend yun eh. Saka ayoko
namang umasa tapos di naman pala mangyayari. Madi-disappoint lang ako.
Nung sumunod na araw, thursday, nagklase naman kami. Proud nga ako sa sarili ko
dahil nakuha kong makinig talaga sa lessons. Hindi ko nakita sina Raymond buong
araw, siguro umiikot pa rin sila sa campus para sa campaign. Idagdag mo pa na nag-
practice na naman ang volleyball players, kaya yung sinabi ni Charlie na may
itatanong siya sa akin ngayong araw, eh hindi na natuloy.
Balak ko sanang tanungin si Joyz kung nabanggit ni Charlie sa kanya, pero hindi ko
na lang tinuloy.
Sa Monday nga pala yung Dance. Next wednesday naman ang election. Walang exact
party ako na susuportahan, ang alam ko lang, iboboto ko yung mga classmate ko na
tumakbo. Marami kasi sila.
Eksakto naman nung nakasakay na ako pauwi ng bahay, saka naman nag-text si Joyz sa
akin.
>ei Hally, hnahnp k n charlie d2 s skul, d k nia mkta knina p. sv k umuwi k n. bkt
b?
Hindi ko naman nareplyan si Joyz dahil wala akong load. Pero ayun, sorry na lang
siya kasi nakauwi na ako. Bukas na lang siguro.
Maaga akong pumasok nung Friday. Masaya nga kasi last day of the week na. Napansin
ko naman na bukas na yung room namin, kaya pumasok ako sa loob at doon ako nag-
stay. Nung nagsidatingan naman na yung mga classmate ko at umingay sa loob ng room,
lumabas ako at umupo sa bench sa tapat ng room namin.
Hindi pa naman time nun. Kinuha ko yung notebook ko sa TLE para mag-review dahil
may test kami ngayon. Tapos, may tumabi sa akin.
"Ei Hally.."
Si Ayan.
"Elow.."
"So do I." sinara ko na yung notebook ko, dahil katulad nga ng sinabi ko dati,
hindi ko maintindihan yung binabasa ko kapag may kumakausap sa akin.
"Pwede magtanong?"
Tumingin siya doon sa sahig. Hindi sa sapatos niya yata. Ay ewan, basta tumingin
siya pababa.
"Yup."
Ano yun? I thought-- , yeah right Hally! Kung anu-ano kasi yung iniisip mo.
Tinignan ko siyang lumakad pabalik doon sa room nila. Lumabas naman si Charlie.
Hindi ko alam kung may sinabi ba siya dahil nakatalikod siya sa akin. Inabot ni
Charlie yung hawak niyang bola ng basketball kay Ayan. This time, si Charlie naman
ang umupo at tumabi sa akin.
"Hay salamat, nakita rin kita." sabi niya yun habang papaupo.
"Huh?!"
"Hindi. Hindi yun ang ibig kong sabihin..." tapos humarap ako sa kanya. "B-bakit
ako? Bakit hindi mo yayain yung girlfriend mo? Si Aya..."
Nagtataka naman ako sa kanya. MAy girlfriend siya pero ako yung niyayaya niya.
Parang ang sakit naman nun para sa part ni Aya.
"Oh yeah, good point Hally! May girlfriend nga pala ako." tama bang kalimutan na
may girlfriend siya? ano bang nangyayari dito.
Tumingin naman ako sa garden kung nasaan si Aya. Tawa pa nga siya ng tawa tapos
lumingon naman nung tinawag ni Charlie.
"Bakit?"
Huwaaat? Ganun lang yun? Nakita ko yung expression ng mukha ni Aya, this time...
hindi na siya ngumingiti.
Napaisip naman ako. Hindi ko tuloy alam kung dapat ba o hindi. Pero alam ko na ang
isasagot ko.
"Alright, I'll go with you."
"Thanks Hally!"
"Wala pa."
"Ok."
Nag-bye lang sa akin si Charlie tapos sabay na silang umalis na dalawa. Ang gulo
nila parehas. Si Charlie, kakaiba yung style makipag-break. Si Ayan, hindi ko alam
kung may habit na biglang binabato ang bola.
Teka nga, kilala ko yata yung niyaya niya sa Dance ah! Yun yung babaeng sinigawan
niya nung galit siya dahil tinawag siyang Ayan. Ang gulo naman nila. Siguro nga
parehas lang silang weird. Ngayon ko lang napansin...
Southern High
***24***
Parang gustong sumakit ng ulo ko sa nangyari nun. Hindi mo talaga maintindihan ang
mga guys. Siguro ganun talaga sila, o talaga lang na yung dalawa yun eh kakaiba sa
normal. Ewan ko.
Nung nag-alarm na, pumasok naman na ako sa room. Kinuwento ko naman kay Joyz kasi
ganoon din naman at malalaman niya. Ano yung reaksiyon niya? Ano pa nga ba!?
"Hally! Wow naman! Ka-date mo bro ko! Kailan ka tinanong? Kaya pala hinahanap ka
kahapon ha!!!"sa sobrang lakas nung pagkakasabi niya, tinignan kami nung mga
classmate namin.
"Pwede ba hinaan mo naman yung boses mo baka may makarinig naman eh!"
Ganun lang yung nangyari. Nag-stay lang ako sa classroom buong araw dahil walang
practice ng volleyball. Ngayon ko lang ulit naranasan maging normal students.
Hindi naman umattend kadalasan ng mga teachers namin. Nung malaman-laman namin,
busy pala sila para sa student council election. Natapos yung campaign kaninang
umaga, at yung mga tumatakbo eh hinihintay na lang ang Dance, pati yung election.
Maaga yung uwian dahil wala ngang klase. Naglakad na ako sa corridor papunta sa
locker ko at nakita ko may grupo doon. Dance Club members na naman. Ang nakakainis
lang, yung mga naharangan nila na lockers, kasama yung locker ko.
Nandun din si Ayan, nung una nakaupo tapos tumayo. Narinig ko pa ngang sinabi niya
na: 'Hand Spin's like this... dapat stiff kaya sumasakit yung kamay mo. Kapag mali
yan, baka madislocate yung wrist mo.'
Nakita ko rin siya saglit. Yung style, umiikot siya sa sahig na yung weight ng
buong katawan niya eh nasa iisang kamay. Paano kaya niya nagagawa yun?
Tumabi naman sila. Dahil kilala nila ako, yung iba nakuha pa akong lokohin.
Nung nailagay ko na lahat ng gamit ko sa locker ko, papauwi na rin ako. Nag-bye na
lang din ako sa kanila.
"Uuwi ka na?"
"Oo eh."
"Kasabay ko dapat kaya lang nasa office sila. Sabi ko mauna na akong uuwi sa
kanila."
"Sayang naman hindi kita masasabayan ngayon, may practice pa kami eh."
"Ngek, wag na no. Ok lang ako. Ang aga-aga pa. Bakit nga pala nasa corridor kayo
nagpa-practice?"
"Hindi, hihintayin kita makasakay.." tapos nilagay niya yung isang kamay niya sa
bulsa.
"Ok."
Saglit lang kaming naghintay, dumating naman yung isang jeep. Papasakay na sana ako
nung humawak siya sa kamay ko.
"Saglit lang..."
Huh?!?
"Bakit?"
Southern High
***25***
Nung sumakay na ako nung araw na iyon, nakauwi naman ako kaagad ng bahay. Naglakad
naman ako dahil wala na akong pera para sa pamasahe pang sumakay ng tricycle. PAst-
4 yata ako nakarating ng bahay. Wala naman akong gagawin buong weekend, wala namang
homework na binigay sa amin.
Ang problema ko nga lang, wala naman akong bagong dress na binili para sa Dance.
Siguro ang isusuot ko na lang eh yung ginamit ko sa anniversary ng tita at tito ko.
Isang beses ko pa lang naman nasuot yun.
Nagtext naman sa akin si Joyz nung Saturday ng umaga. Kainis nga eh dahil nagising
ako. Parang alarm clock tuloy ang dating ng phone ko.
>Ei Hally! sby tau mag-ayoz pra s dance ha! pnta k n lng d2 ng bhay...
>sure. loka k tlg! ang aga ng txt mo, ngcng 2loy ako.
Ayos din naman na nagyaya si Joyz. Kadalasan kasi kapag may program sa school, mama
niya ang nag-aayos sa amin. Hindi ko naman maaasahan ang Daddy ko sa ganyang bagay,
sana nga lang nandito pa yung mommy ko.
Hindi ko nga balak mag-make up. Iniisip ko lang, simple lang since hindi naman
talaga yun formal get together. Saka, I don't require make-up. Pero kung ano yung
gagawin sa akin ng mama ni Joyz, ok lang siguro.
Nagsimba naman kami ni Daddy ng Sunday. Nasa simbahan nga kami at habang nagsisindi
ng kandila eh nagulat ako sa tanong ni Daddy.
"Hally, hindi mo nababanggit sa akin na sa Monday na pala yung Dance niyo para sa
student council."
"Ahh yun ba Dad... ayos lang po yun. Katulad lang din ng dati."
"Yung dress po na sinuot ko sa anniversary nina tita may. Ok pa naman po yun eh."
"BAka maliit na sa iyo yun. Ibibili na lang kita bago tayo umuwi."
"Thanks Dad."
Tinignan naman ako ni Daddy ng nakakaloko. Ewan ko ba, may pagka-makulit din talaga
ang Daddy ko. Hindi ko naman na sinagot yung tanong ni Daddy. Wala lang naman yun
sa kanya. Ang gusto ko lang sa Daddy ko, open siya sa ganitong bagay. Ang reason
niya, napagdaanan din naman daw niya yun.
After naming magsimba... we bought a nice dress...
MONDAY. Siguro alas-12 pa lang ng tanghali eh nagpunta na ako sa bahay nila Joyz.
Mabuti na nga lang at malapit yung bahay nila sa amin dahil nahihiya na talaga ako
sa mga tao at tinitignan ako na may data akong malaking plastic. Hinanger ko kasi
yung dress, baka kasi malukot.
Sinalubong naman ako ni Joyz, kakaligo nga lang niya nung dumating ako.
Hindi pa naman kami inayusan kaagad dahil 6:00 pa naman yun. Ayoko namang mapaaga
kami. Mahirap na at baka maghintay lang ng matagal.
>ei kainiz kamo, kkhiya ma2ya. hndi bgay ung dress sa akin.
Tapos sinearch ko na yung pangalan ni Ren sa phonebook ko. Ang bilis nga ng pindot
ko then send. Maya-maya lang, may narinig kong tumutunog na yung phone ko.
Teka, bakit si Ayan ang nag-reply?? Naman oh! Nakakahiya! Si Ren yung tinext ko
kanina ah!
Tinignan ko naman yung phonebook ko. KAsi naman Hally! Ang bilis-bilis ng pindot
na-wrog send ka tuloy. Sa phonebook ko kasi...si Ren then RV. Yeah, sinave niya
dati sa phonebook ko eh Ayan. Pinalitan ko lang at ginawa kong RV.
>Ayan, wrng send me. kay Ren poH un! haha. ge, kta n lng tau mamaya. then SEND.
Hindi naman ako nawrong send ngayon.
Sinabi ko ba talaga yun? kita na lang tau mamaya? Naku Hally, wala ka na naman sa
sarili mo.
Southern High
***26***
'Hally, ang ganda mo naman!' yan lang ang narinig ko kay Joyz nung lumabas na ako
ng kwarto niya nung natapos na kong ayusan at magbihis. Wish ko lang totoo, feeling
ko kasi hindi bagay sa akin yung suot ko.
'Wag ka nga Joyz! nakakahiya nga eh!' yun na lang ang sagot ko. Pero naisip ko
lang, dapat maging confident ka sa sarili mo. Yun ang sabi sa akin ng mommy ko
noon. Hindi ang suot ang mahalaga, nasa pagdadala.
Yung suot ko nga pala? Uhmmm, paano ko ba idedescribe? Yung nabili namin ni Daddy
eh pink dress na ang design eh may mga flowers na blue and green. Hindi naman siya
pink overall, pink lang talaga ang dominant color. Slight off shoulder siya, tapos
yung dulo eh layered. Hindi ko alam na ganito pala kahirap ilarawan ang susuotin
mo.
Light make-up lang yung nilagay ng mommy no Joyz sa akin. Actually, hindi mo nga
mapapansin na may make-up ako. My hair was tied in a knot.
Narinig namin na sumigaw yung mama ni Joyz na nandun na daw yung sundo namin. Na-
excite naman ako dahil makikita ko si Ren. Kapag may mga ganitong okasyon kasi lalo
na nung second year kami, ang cute talaga ni Ren. Akalain mo talagang mukhang tao
siya.
"Ei, di mo sinabi sa akin na dadaan si Charlie dito. Akala ko ba si Ren ang susundo
sa atin."
"Lukaret! Date mo yan tapos hindi ka susunduin! Anong klase naman yun?"
Oo nga naman, may point siya doon. Honestly, hindi ko in-expect si Charlie.
"Nabubulag na ba ako o sadya lang na nagmukha kayong babae ngayon?" sabi ni Ren.
Ang suot niya e green polo.
Lumabas naman kami doon. Kapag sinuswerte ka nga naman, ihahatid pa kami ng Daddy
ni Joyz. Hindi na kami sasakay ng jeep. Hindi pa naman pwedeng mag-drive yung
dalawang 'to kaya wala silang kotse.
"Ang ganda mo nga eh, nga pala..." sabay binigay sa akin "para sa 'yo."
"Thanks."
Nung nakasakay na kami sa loob ng kotse, yung dalawang lalaki ang katabi ng pintuan
at nasa gitna kami ni Joyz. Pinipigilan ko ngang tumawa dahil kay Joyz, napakakulit
kasi at kung anu-anong sinasabi.
"Ang.Ingay.Mo."
"Asus matagal ko nang alam yan. Shut up Ren, may ininterview pa ako dito... Charlie
ano na? Kailan mo nga balak ligawan si Hally?"
Gustung-gusto kong batukan si Joyz. Nakakhiya naman kasi yung ganyan. Peo nasanay
na rin ako, pabiro naman kasi lagi yung mga sinasabi niya kaya yung mga sagot,
hindi rin seryoso. Kaya nga ang sabi ni Charlie:
'Di ba, nakakainis no! Kaya nga nung nakarating na kami sa school at maraming tao,
natuwa talaga ako. Kasama kasi ang freshmen at sophomores, kakaiba sa Prom na
juniors at seniors lang.
Nahiwalay na kami kina Joyz at Ren. Si Charlie na lang ang kasabay ko ngayon. In-
offer niya yung braso niya, kaya ayun humawak naman ako. Napansin ko lang nung
naglalakad kami, yung iba nakatingin sa amin. Anong mga reason? Una, sikat si
Charlie sa school. Pangalawa, candidate siya sa senator. Pangatlo, naiintriga sila
na kung sino namang maganda ang kasama ni Charlie. Nangarap? Libre naman eh.
Sa Little Theater ginanap yung Dance. Unlike sa auditorium, walang upuan dito na
fixed. Inayos nila yung mga upuan at tables na nakapaikot at may malaking alloted
space sa gitna. May mga band instruments sa stage. Aircon sa loob kaya hindi
mainit. Maingay na rin dahil maraming tao.
Nakita ko naman yung tinuturo niyang table. Nandun na si Raymond. Nag-sign siya kay
Charlie tapos nung malapit na kami binati naman niya ako.
"Nagpunta na siya..."
Nung nag-6:00 na, umakyat na yung dalawang Senior na emcee ng Dance. Familiar yung
mukha nila pero hindi ko alam ang pangalan nila. Pinatayo kami para sa opening
prayer. Tumahimik naman na lahat.
Pumapalakpak lang naman kami. Tapos nun, bigla na lang pinatay yung ilaw kaya nag
'ooowwww' lahat. Yung tugtog, medyo creepy. Naku naman! Medyo takot pa naman ako sa
dilim.
Biglang nag-highlight sa gitna. Tinatakpan nila yung mukha nila ng kamay nila.
Then, binuksan yung ilaw. Ang ganda nung sayaw nila. Kaya lang naka-polo sila.
Nakita ko yung naka-green na polo na tawa ng tawa, yung naka-black at yung nag-
tumbling sa gitna. Kapansin-pansin naman yung naka-blue na polo. Naka-gel yung
buhok niya. Underneath nung blue na polo niya, naka-long sleeves na siya na white
na napansin ko siya lang ang nakaganun. It looks good.
Mabilis yung sayaw. Saka ko lang napansin, mga dancers pala sila.
Pagkatapos nung mahabang sayaw na talagang nagpalakpakan lahat, naglakad yung naka-
blue sa amin. Nag-give-me-five siya kay Charlie at Raymond tapos sinabi
niyang..."Crap! Ang init!" tapos tinanggal niya yung polo niya kaya yung suot niya
eh yung long-sleeves na white na lang. "Mamaya ko na lang ulit isusuot yang polo."
Southern High
***27***
Hindi ko napansin na si Ayan pala yun. Kainis nga eh kung bakit 'di ko siya
nakilala. Paano ba naman, nasanay kasi ako na kapag nasa school kami eh yung style
niya na medyo magulo ang buhok. Nagge-gel din naman siya paminsan-minsan, pero iba
kasi yung style ng buhok niya ngayon. Pero sa totoo lang, bagay sa kanya.
Ang cute pa niya tignan. Ang galing kasi ng fashion sense niya. Kahit na lahat eh
polo ang suot, nakuha pa rin niyang mag-stand sa iba.
"Hi Hally.." sabi niya sa akin tapos umupo siya sa tabi ni Raymond dahil si Charlie
ang katabi ko.
"Hello."
"Hally, pinamimigay na nga pala ni Ayan 'to..." tapos inaabot niya sa akin yung
polo.
Panay disco music ang pinapatugtog. Wala akong balak na sumayaw kapag ganyan. Sweet
dance nga di na ako marunong, disco pa?
"Ei, hanapin ko lang si Shiela ha... 'ge pala. Teka, hindi ba kayo sasayaw?"
"Ikaw Hally?"
Umiling naman ako. Naku ha! Kung si Ayan ok lang, dancer siya eh. Umalis na siya at
hinanap yung Shiela. Siguro yun yung ka-date niya na hinarang niya sa pintuan nila.
"Ice tea na lang." pagkasabi ko nun, tumayo naman si Raymond para kumuha rin ng
inumin dahil dumating na yung isang babae na barkada ni Aya. Yun siguro ang ka-date
niya.
"Wala tanong ko lang. Oo nga pala, napanood ko si Ayan ha! Grabe na siya! Ang
galing niyang sumayaw tapos ang cute pa ng suot niya. Nasaan nga pala yun?"
"Nope. Bakit?"
"Hay naku bruha na yun! Ka-date niya si Fernando, yung cute na sophomore!"
Narinig naman ni Joyz yung sinabi niya kaya tinignan niya ng masama si Charlie.
"Sa labas syempre! Kung anu-ano iniisip mo!" sabi niya kay Joyz.
Lumabas naman na ako. Yung ibang estudyante nasa labas din at naupo sa bench. Ewan
ko kung paano sila nakakatagal doon, ang lamig kaya.
"Psst Hally!"
Paglingon ko, si Ayan. Bakiy ba may habit sila na tawagin ako ng pssst. Hawak naman
niya yung polo niya.
"Hindi ko makita si Shiela. Sabi ko hintayin niya ako sa pinto pagkatapos ng sayaw
namin, nawala naman siya. Saan ka pupunta?"
"sa CR."
Nung naglalakad kami, hinarang naman kami nung photographer. Ano na namang problema
nito? Nakipag-patintero pa sa amin.
"Kuhanan ko kayo ng picture. Magka-date ba kayo? P30 lang. Makukuha niyo rin
ngayon."
umakbay siya sa akin. Dahil ginawa niya yun, napalapit talaga ako sa kanya.
Naiilang na talaga ako. Pero at least, I managed to smile. Pagkatapos nun, binigay
na rin yung picture kay Ayan.
"Ang cute niyo, bagay kayo." tapos umalis na yung lalaki. Bading yata yun eh!
"What?!? May kasalanan ba ako?" tapos tinignan niya yung picture na para bang
kayamanan na kung ano.
Nginitian lang niya ako. Nagsimula na siyang maglakad tapos sinabi niyang...
Naghiwalay din naman kami ni Ayan dahil sa CR ang punta ko at siya naman eh nakita
na niya yung Shiela. Sinabi lang niya na kita na lang uli kami sa Little Theater
kapag nakabalik na ako.
Hindi naman ako nagtagal sa CR. Umalis din ako kaagad at umakyat na uli.
Pagkadating ko doon, eksakto namang magsisimula na ang main event. Ang goal kasi ng
dance eh makilala 'kuno' yung mga tatakbo sa student council. Napansin ko naman na
nakaupo pa rin si Charlie sa upuan niya.
"Hinintay lang kita para makapag-paalam ako. Ayoko namang umalis ng hindi ka pa
bumabalik."
Tinignan ko naman siya at medyo ngumiti ako. Ano ba 'to? Mabait o nagpapakabait?
Pero kahit ano doon sa dalawa, infairness bumenta.
"Ipapakilala na naman sila? Kilala na nga sila sa school eh. Hindi naman na yan
kailangan."
Tumahimik naman si Ren at nakita kong tumingin na siya sa stage. Nagsimula naman na
magsalita ang emcee.
"And now, we're about to start the main event. I am going to introduce to all of
you our candidates for the student council for this year. Let's start with, Thomas'
Party!"
Pumalakpak din naman. Yung Thomas ang running President ng kalaban na Party nila
Charlie.
"She's a senior from class 4-D, English Club Business Manager and class Orator,
here's Mylene Santos!"
Pumasok naman yung Mylene. Narinig ko naman si Joyz na bumulong sa akin na iboboto
daw niya yun dahil naging classmate niya yun dati. Palakpakan naman yung mga tao.
Bumaba naman na yung Mylene. Ipinakilala din nung emcee yung Kathleen, Benjamin,
Marybelle, Leonardo hanggang sa umabot sa pang-12 na senator. Pinakilala rin yung
Vice-President at finally yung President.
"...and he is the class Tenor. Ladies and Gentlemen, here's Aaron Reyes!"
Pagkatapos magpakilala nung Aaron na galing sa class 3-E, bumaba na rin siya.
"The next running Senator, oh, alot of people knew this guy! He is a member of the
JV team, class 3-B's Wordsmith champion, and school paper staffer... sino bang di
makakakilala kay Charles 'Charlie' Orosco!"
May kung anu-ano pang sinabi si Charlie na vote straight chuva. Kaya ayun,
nagsalita naman na uli yung emcee.
"Like Charles Orosco, sino bang 'di makakakilala sa isa sa mga bestfriend niya?
Also a junior from class 3-B, he excels in chess, Science Club Vice President,
whoa! I din't know that! and according to his friends he is the class clown. Let's
welcome, Raymond Joseph Perez!"
Wala na akong narinig sa sinabi ni Raymond dahil sa sobrang daming sigaw at tili na
naririnig ko. Isama mo pa sa nanggugulo sa akin si Joyz.
"Tama na yan Joyz, di naman bulag si Hally para di niya makita na nasa stage si
Raymond no."
Dinilaan lang ni Joyz si Ren. Dahil hindi na masyadong maingay, narinig ko na ulit
yung emcee.
"Syempre, kung nandiyan si Charlie and Raymond, makukumpleto ba silang tatlo kung
wala itong susunod kong tatawagin? Another junior from class 3-B, he plays drums
although he chose not to be a part of the school band, a member of the Dance Club
Breakdancing Division, the class Math wizard even if according to his friends he
loves sleeping in class! (nagtawanan naman yung mga tao.. kilala na kasi kung sino
eh..) And currently he is a part of the school play 'Biag ni Lam-ang! Also known as
Vincel, Vince, Riyan or simply RV, here's Riyan Vincel Hetzer!"
Hindi pa tapos basahin yung pangalan niya, nagsigawan na. Tuluyan na yata akong
nabingi. Oh God help me!
Sa isip-isip ko naman, kulang yung binanggit nilang nickname. Nakalimutan nila yung
'Ayan'. Sabagay, di naman yata nila alam yun. Pumasok naman si Ayan sa stage habang
nakangiti. Suot na naman niya yung polo niya na tinanggal niya kanina. Pagkatapos
niyang magpakilala, umupo din siya kung saan naupo sina Charlie sa harapan.
Pinakilala yung mga sumunod pa na mga senator, then sa pinaka-finale eh yung
President at Vice President ulit. Pagkatapos ng pagpapakilala ng mga running
candidates, pinatay na naman yung ilaw.
we are inviting the candidates to lead the first dance followed by the students of
Southern High...
"Oo nga pala alam ko! 'wag ka namang sumigaw lalo lang akong nabibingi."
Sumigaw si Ren kasi hindi na kami magkaintindihan. Maya-maya lang may lumapit sa
akin.
Tumayo naman na ako. Sa totoo lang, nahihiya ako. Kasi naman nakakainis, may
nalalaman pa na yung mga candidates ang unang sasayaw. Hindi ko na makita yung mga
mukha nung mga nakatingin at yung mga sumasayaw. Mas ok na rin yun, at least may
privacy.
"Hindi naman kailangan na magaling kang sumayaw, we're just going to move right and
left..." sabi niya sa akin. Oo nga naman!
Katulad nung traditional, nilagay ko yung kamay ko sa balikat niya at sa siya naman
sa waist. Nakangiti pa siya sa akin, parang pakiramdam ko hindi totoo. Dati-rati
crush ko siya na hindi ako pinapansin at mukhang 'di pa ako kilala, tapos ngayon
kasayaw ko na. Tingnan mo nga naman ang buhay, hindi mo talaga masasabi kung anong
susunod na mangyayari.
"Hally, I just want to thank you for being with me tonight." seryoso naman yung
mukha niya.
"Sus wala yun. Dapat nga ako yung mag-thanks eh. Saka dapat di ka muna
magpasalamat, enjoy mo muna yung Dance!"
Matagal din kaming sumayaw ni Charlie kasi napansin kong nagsimula na yung mga
estudyante na hindi candidates. Nakita ko rin sina Ren and Joyz, ang cute din nila.
Kung hindi ko lang sila kilala na mag-bestfriend, inisip ko na sila na.
Marami rin kaming napag-usapan ni Charlie, na dati pa raw niya akong nakikita kaya
lang di niya ako makausap nun dahil lagi ko raw kasama si Joyz. Nahihiya daw siya
kay Joyz. Nalaman ko rin na matagal na silang magkakaibigan nila Ayan at Raymond.
Sa kanilang tatlo, si Raymond ang pinakamakulit, si Ayan ang pinaka-busy palagi at
siya naman daw ang happy-go-lucky. Naku! Halata!
Nung natapos yung kanta na hindi ko nama alam kung pang-ilan, dinala na niya ako sa
upuan. Nagpaalam siya kung pwede niyang isayaw yung iba niyang classmates. Syempre
pumayag naman ako, sus! Alangan namang bawalan ko siya.
Maya-maya lang, niyaya rin ako nung mga kaklase ko. Sumakit nga yung paa ko eh.
Sunud-sunod kasi kaya hindi ko na rin nakita si Joyz at nakausap. Sinayaw rin ako
ni Ren.
"Akalain mo yun Hally, ang tagal na kitang bestfriend ngayon ko lang napansin cute
ka pala!"
"Takot na akong isayaw si Joyz, paano ba naman eh sakalin daw ba ako!" sinabi ni
Ren yun habang tumatawa.
"Bakit naman?"
"Nakita niya kasi si Raymond na kasayaw yung iba yata nilang classmate. Bakit daw
siya hindi isayaw. Sinabi ko sa kanya hanggang panaginip lang yun mangyayari, tapos
nun sinakal ako."
"ha? Ah--eh--"
"Never mind!"
Umupo naman ako pagkatapos akong isayaw ni Ren. Nakita kong kasayaw ni Joyz yung
isa naming classmate. Tawa pa ng tawa ng bruha. Niyaya naman ako ni Eric, yung
classmate ko na naging crush ko dati. Wow Hally kauupo mo lang, ang benta mo ha!
Napagod talaga ako kakasayaw. Siguro, nagkainan na rin kami matapos ng mga sweet
dance. Hindi ko alam kung anong oras na, ang alam ko lang gabi na. Dapat nga siguro
inaantok na ako sa ganitong oras, pero hindi eh.
Si Charlie na naman ang kumuha ng pagkain namin kaya sabay kaming kumain. Ayos pala
kapag may ka-date eh, para kang may alalay. Nagkwento na nama si Charlie, kung ano
yun... saka ko na lang sasabihin.
Next dito sa kainan, 5 last songs na lang. Ibig sabihin nun, last dance na rin.
Nagpahinga lang kami saglit, una sa last 5 songs eh si Raymond ang nakasayaw ko.
Napansin ko lang, kapag si Raymond talaga ang kasama mo, hindi ka maboboring. Yun
nga lang, masisira talaga poise mo kakatawa.
"Hally, kailan mo balak sagutin ang bro ko?" sabi niya sa kain habang sumasayaw
kami.
Pangalawa sa last five songs na nakasayaw ko ulit eh si Ren. Sabi niya, mahalaga
daw ang last five songs kaya gusto daw niya kasama siya doon.
Then, si Charlie ulit. Ngayon, alam ko siya na talaga ang last dance ko. Hindi na
kasi ako sasayaw sa 2 pang natitirang kanta, kasi naman pagod na rin ako. Isa pa,
natutuwa na rin ako, first and last dance ko si Charlie.
Tumabi na uli ako sa gilid. Yumuko ako at hinawakan ko yung kanang paa ko dahil
masakit na talaga. Hindi ko naman inaasahan na habang nakayuko ako eh may nag-abot
ng kamay sa harapan ko. Pag-angat ng ulo ko...
si Ayan.
Hindi naman ako nakasagot kaagad. Sa totoo lang, ayokong maging kasayaw siya. Hindi
dahil sa ayoko lang talaga. Anong reason? Medyo nahihiya ako o parang natatakot na
'di ko maintindihan. Parang ang hirap kasi niyang maging kasayaw. Dancer siya, ako
parehas kaliwa paa.
"Ano kasi--?"
Nakangiti pa rin siya sa akin. Hindi na yata 'to nauubusan ng ngiti eh!
"Ah.. alam mo Hally, gusto ko lang sabihin sa 'yo na may 8 things na mag-prove na
your a good dancer."
Habang sinasabi niya yun, hinihila na niya ako sa gitna para sumayaw. Pero hindi
yung hila na harsh, basta nile-lead niya ako.
"This is my rules."
"Number 2, you must put you hands on my shoulder and my hands on your waist." nung
sinabi niya yun, nilagay niya yung kamy ko sa balikat niya at yung kamay niya sa
baywang ko.
"Number 3, it doesn't matter whether we move right or left.. kahit tumayo lang tayo
dito sa ganitong position, I consider it a dance."
Gusto ko siyang tawanan. Saan naman niya kaya nakuha yung mga sinasabi niya? Walang
sense. Yumuko naman ako at tinignan ko yung paa ko habang sumasayaw.
"Number 4, dapat hindi ka tumitingin sa baba. You must look into my eyes."
"Eh kasi baka maapakan ko yung paa mo... saka ang hirap tumingin sa 'yo, ang
tangkad mo kasi eh.."
"Pero--"
"Number 5, dapat hindi ka matakot sumayaw kung dancer ang nagyayaya sa iyo. Mas
natutuwa ang dancer na turuan yung partner nila. At hindi ka dapat matakot... sa
akin."
Hindi naman ako natatakot sa kanya. Bakit naman? Nahihiya ako kasi.. ah basta!
"Number 6, you must feel the music. A person who knows how to listen to the music
while dancing is considered a good dancer even if how bad he or she is doing."
"Feel the music. Yeah, I know that. Sinabi na sa akin ng mom ko yan dati."
"Number 7, last dance is more important than first dance. Uulitin ko Hally, this is
me. Hindi ko alam kung sa iba ganun din, pero sa akin oo. That's why, ikaw ang last
dance ko ngayon."
Nagulat naman ako doon sa sinabi niya. Last Dance niya ako?
"And lastly but the most important of all, you must learn how to dance by..." sabay
tinuro niya yung dibdib niya kung nasaan yung puso niya.
"Kailan pa?"
"Those are the eight things that makes a good dancer. Kapag nagawa mo lahat yun...
e di ayos."
Ang alam ko lang, yung natirang 2 kanta eh si Ayan ang kasayaw ko. Di ko alam kung
magugulat ba ako sa kanya. Pero sa totoo lang, humanga ako sa mga pinagsasasabi
niya kahit na kung ibang tao ang makakarinig nun eh walang sense.
Pagkatapos namin sumayaw, hinatid niya ako ulit sa upuan. Tinignan ako ni Joyz na
para bang sinasabi na 'magkwento ka mamaya...' tapos nun nagpaalam na si Ayan. Kaya
lang bago siya nakaalis ng tuluyan sinabi niya sa akin...
"Oh yeah Hally, nalimutan kong sabihin... you passed the test!" tapos ngumiti siya
bago umalis.
Pagkatapos nung Dance, ayun, wala naman kaming pasok nung Tuesday. Puyat kaming
lahat eh, asahan mong may masipag na pumasok pa ng school. Ewan ko ba, dumagdag pa
siguro sa hindi ko pagtulog nung gabing yun eh yung nangyari, grabe naman kasi.
Asahan mo na ganun talaga... basta iyon ang naramdaman ko eh.
Wednesday na nga pala ngayon. Nandito pa rin ako sa kwarto ko at nagaayos ng aking
gamit. Nandito rin si Joyz at hinihintay ako kaya lang nasa sala siya at nanonood.
Ngayon na nga pala ang botohan para sa student council, alam ko na rin naman na
yung mga iboboto ko. Nabilang ko lahat ng mga classmates ko dati na ibobotoko... 11
silang lahat. So, isa na lang ang idadagdag ko.
"Bakit kasi hindi ka na lang magtanggal diyan sa mga classmates mo dati at iboto mo
yung tatlo!"sabi ni Joyz sa akin.
"Hindi naman ako tulad ng iba na bumoboto kung sino yung crush nila, parang ikaw.
Kung may iboboto man ako sa kanila, isa lang. Ang hindi ko lang alam eh, sino."
Oo nga. Ganyan naman yang si Joyz. Sa totoo lang, nakakapagod na ring makinig sa
kanya.
Pagkadating namin sa school, marami na ring tao. Pumunta na kami sa room namin at
nakita na rin namin si Ren. Katulad ng iba, mga nag-uusap na rin sila kung sino
yung mga iboboto nila. Hindi ko na nga nabilang kung ilang Raymond, Charlie at RV
ang narinig ko. Alam ko na talaga na mananalo silang tatlo. Ang lakas ng hatak eh!
Nagsimula naman na yung klase. Hindi ko naintindihan yung lessons. Bakit? Nag-iisip
ako ng walang kwentang bagay. Ewan ko nga kung bakit ko iniisip yun. Last slot.
Sino ba? Si Raymond iboboto naman na siya ni Joyz kaya hindi na siya. Si Charlie,
mabait naman siya sa akin. Si Ayan din naman ganun din! WaaaaaH! Ayoko na talaga.
Tinatawag na ang freshmen, tapos kami nakaupo pa rin. Hindi ko pa nakikita yung mga
candidates, malay ko ba kung saan sila tinago ng mga teachers.
Nasa cafeteria ko nung nabuo na yung decision ko kung sino ang iboboto ko. Tama,
SIYA ANG IBOBOTO KO. Hindi ko naman na kailangang problemahin pa yun. Mababaliw
lang ako. Saka bakit ba pati yun problema pa... asus!
Sophomore na. Next niyan... kami na. Ayos lang yan, kaya ko yan! Matatapos din 'to.
Pagkagaling sa cafeteria, paupo na sana ako doon sa bench sa harap namin ng marinig
ko yung boses ni Ayan.
"Ayoko doon! Bakit ba kailangan doon pa pumunta? Bahala nga sila, pupunta na lang
ako sa field at doon ako matutulog." sabi niya habang nakatayo diya doon sa pintuan
nila.
Kasunod niya sina Charlie at Raymond. Dahil nauna siyang lumabas, lumingon siya sa
akin. Nanlamig ako. Pagkatapos, nginitian niya ako... iba talaga siya ngumiti...
then...
Binati rin ako nung dalawa. Nawala na naman ako sa sarili ko nung nakaupo ako doon.
Kung hindi ko lang narinig yung boses ni Joyz na sinabi niyang tinatawag na daw ang
Juniors, siguro di ko na talaga alam ang gagawin ko.
Pagdating sa auditorium, nanguha na ako ng papel at syempre may dala na rin akong
ballpen. Sinulat ko na yung mga pangalan nung mga dati kong classmates at sa pang-
12 na slot... tama.. pumili na ako sa dalawa at sinulat ko na yung pangalan...
Pagkatapos ng araw na iyon, nanahimik na lang ako. Inabot din ng ilang araw yung
bilangan lalo na sa Senators. Sa dinami-dami ba naman nila at ng estudyante ng
Southern High, ewan ko lang kung gaano karami ang nabilang. Ang alam ko nung
Thursday, nangunguna si Ate Lea sa President. Sa Senators... naghahabulan yung
tatlo.
Friday. After 2 days tinapos din nila yung botohan. Narinig ko si Joyz na sumisigaw
kasama si Ren. Sa totoo lang, medyo nawawala na rin sa isip ko yun.. pero ayan na
naman at bumabalik.
Senators:
1. Charles Orosco - 1, 876
2. Riyan Vincel Hetzer - 1,875
3. Raymond Joseph Perez - 1,866
so on...
isang boto lang yung pagitan nila??? hindi naman na kapani-paniwala yun! naku
naman... lalo lang akong naguluhan...
Southern High
***30***
Hanngang ngayon, hindi ko pa rin pinaniniwalaan yung result ng botohan. Sino namang
matino ang maniniwala? Sa dami ng nag-aaral sa Southern High isa lang ang pagitan
nila? Hindi talaga normal.
"Oi, bakit nanahimik ka? Nagulat ka rin no! Ako rin eh! Isa lang kasi pagitan nila
Charlie at Rv."
Nagsimula naman na akong maglakad. Sinabayan ako ni Joyz. Paano kaya kung...
"Ako? Si--"
Nag-bye naman siya sa akin na kita na lang kami mamaya. Wala kaming klase dahil
hindi pumasok ang mga teachers. Busy raw sila. Eksakto namang nag-alarm. Breaktime
na. HOW LOVELY?!?! Kung kailan wala akong kasama saka pa nag-break. Oh well, better
be lonely than hungry! Loko lang!
Nagpunta naman ako mag-isa sa cafeteria. Dahil wala ngang klase, napakaraming
tambay. Pumila pa rin ako para bumili ng pagkain. Sa room na lang siguro ako kakain
at tiyak wala naman nang bakante dito.
Pagkabiling-pagkabili ko, lumabas naman na ako kaagad. Bumili lang naman ako ng
coke at saucer. Narinig ko na lang na may tumatawag sa akin.
"Hally! Ey!"
"Hally dito!"
Tumingin ako ulit. Ayun, si Raymond pala. Kasama niyang nakaupo si Charlie at Ayan.
Mukhang tulog na naman siya kasi naka-lean yung braso niya sa wooden table. Sa
labas kasi ng cafeteria namin, may mga wooden benches and tables pa na pwedeng
upuan. Square yung table kaya pang-apatan yun. Dahil tatlo lang siya, obvious na
bakante yung isa.
"Tara dito, sabay ka sa amin kumain. May bakante pa, walang nakaupo dito." sabay
tinuro niya yung upuan.
"Asus! Nahiya ka pa. Kung sabihin kong babae ang katauhan ko ngayon uupo ka dito?
Tara na kasi dito!" nangungulit?
Napilitan naman akong umupo. Wala naman sigurong masama. Inupuan ko yung wooden
chair sa tapat ni Raymond, nasa kanan ko si Charlie, at sa kaliwa ko naman si Ayan
na mukhang tulog pa rin. Nagulat na nga lang ako nung binatukan siya ng malakas ni
Raymond.
"Ouch! Para san yun? Natutulog yung tao..." sabi niya habang hinihimas yung
binatukan ni Raymond.
"Sa susunod nga Ayan, mag-quit ka na nga para hindi mo nagiging habit ang
pagtulog."
"Eh kahit naman hindi ako kasali dati pa naman natutulog na ako sa klase."
"Oh, Hi Hally." sabi niya na parang ngayon lang niya ako napansin.
Sabay-sabay naman silang nagthank-you sa akin. Ang kukulit din pala nila. Hindi ko
rin naman inaakala eh.
"Charlie! Go!"
"Bakit ako?"
Nagturuan pa sila. Naku, hindi rin naman natapos. Huminto lang sila nung napansin
nila na nakatingn ako at medyo nahiya yata sila.
"Anyways.." iniba ni Raymond yung usapan. "May nalaman ako tungkol kay Hally."
"Sa a-akin?"
"and... Ayan."
"Sinabi sa akin ni Dennis, 'di ba hindi siya sumama sa field trip, nakita daw niya
kayong dalawa sa mall. Kayo ha nagda-date hindi namin alam."
"Date?!?Hindi ka--"
"Huwag kang naniniwala diyan kay Raymond. Hindi yun date. Nagkataon lang na nagkita
kami sa mall. So, it was more like an encounter... or whatever term you may call
it."
"Walo."
"Ok lang.."
"Mas ok nga yung sinabi mo eh, hindi naman talaga yun date...."
"Thinking what?"
Tumingin siya sa sa malayo sa likuran ko. Kaya ako naman, lumingon din.
"Bakit?"
"Uhmmm, hindi."
"Tingin ko makaka-goal siya. Ganito na lang, kapag nanalo ka... libre ko ang
pagkain mo tuwing breaktime for one week."
"Huh?"
"Ano.. deal?"
Napaisip naman ako. Hally, one week yun! Sigurado namang hindi makaka-goal yung
sophomore na yun.
Nginitian lang ako ni Ayan. Baliw na 'to. Tumingin ako sa likuran ko para panoorin
kung makaka-goal ba yung lalaki. Sa sobrang tagal, nangawit na yung leeg ko
kakalingon.
"Aba, naka-goal si Arnold ah!" tumingin din siya dahil tinignan niya yung
tinitignan ni Ayan.
Nakaalis naman ako doon. Laking pasasalamat ko nga nung nakalayu-layo naman ako.
Pagkadating ko sa room at naupo ako, saka naman dumating si Joyz. At ang unang
tanong sa akin eh...
Habang nakikinig ako sa pagtili ni Joyz, naramdaman kong nag-vibrate yung phone ko
sa bulsa ko...
Dahil Friday na, wala naman na kaming pasok dahil weekend. Natalo ako, so ganun na
nga... kailangan kong sumama kay Ayan. Pumunta naman si Ren dito sa bahay, si Joyz
maysakit kaya hindi nakarating. Nandito kami ngayon sa kwarto ko.
"Bakit ba ang kwarto ng mga babae kailangang may mga stuff toys? Kailangan ba
talagang meron sa kama niyo?" sabi niya habang hinahawakan yung Pooh ko na stuff
toy.
"Ren, ganun talaga! Magulat ka kung action figures ang nasa kama ko..." sabi ko sa
kanya habang nakaupo malapit sa bintana.
"Ano?"
"Ano bang ginawa mo at sasama ka kay RV bukas?"
"Pustahan?"
"Game..."
"Ren!" tapos binatukan ko siya. "Hindi no. Friends lang kami. Plain friends."
Ginaya naman niya ako kung paano ako magsalita. "Plain friends. Mukhang interested
eh. Si Charlie rin... "
Hindi ko alam kung moral support ba ang meron si Ren o ayaw niya akong maging
malapit doon sa tatlo. Hanggang hapon siya sa bahay, lumabas lang kami at dinalaw
si Joyz tapos hinatid niya ako ulit. Umuwi na rin siya 7:00 pm na siguro.
"Dad.."
"Oh?"
"Saan ka pupunta?"
"Sa ano po.. hindi ko po alam eh. Hindi ko po natanong kay.. Ayan."
"Ah, si Ayan ba kasama mo? Akala ko si Ren at Joyz. O sige, basta huwag ka lang
uuwi ng gabing-gabi. Aalis din naman ako mamayang ala-1."
"Sa ninong mo. Birthday niya ngayon. Sasabihin ko na lang na hindi ka makakasama at
may pupuntahan ka."
"Ano yun?"
Magandang excuse yun kay Ayan para hindi kami matuloy ngayon. Sasabihin ko may
pupuntahan kami ni Daddy... tama. Kaya lang, ganu din naman. Mamo-move lang naman
'to sa ibang date. Naman!
Pupunta na lang ako. PAra yun lang naman. Dahil 2:30 pa naman yun, 1:00 pa lang eh
umalis na si Daddy sa bahay. Maliligo pa lang ako nung mga oras na yun.
Pagkatapos ko ng maligo at nagbibihis na ako, narinig kong tumutunog yung phone ko.
Pinakinggan ko kung saan nanggagaling yung tunog, nalumutan ko kasi kung saan ko
nailagay. San na ba yun?
Calling... RV
"Hello?"
"Hey Hally."
"Hindi. Nandito pa ako sa bahay. Gusto ko lang sana... kasi nama eh! Hey stop it!"
narinig kong sinabi niya. "Sorry, hindi para sa 'yo yun. Gusto ko lang sana... mag-
sorry para mamaya."
Kanina naisip ko, kapag hindi natuloy ang "date" na to, magli-lift yung spirit ko.
Pero medyo nakakalungkot din pala.
"Hindi. Hindi yun. Tuloy pa rin. Ouch!! Gusto ko lang sabihin na may kasama ako. I
mean, may kasama tayo."
Hindi yata ako narinig ni Ayan. Ang ingay kasi sa line niya. Sinabi na lang niya..
"See you later Hally."
Binaba ko na rin yung phone. Ang weird naman niya. Sorry para saan?
Dahil jeans at shirt lang ang suot ko, mabilis naman na akong nakapagbihis. 2:00 pa
lang yata tapos na ako. Hinihintay ko na lang siya dumating. Nanood na naman ako ng
cartoon, mahilig ako sa cartoo. That's right.
Nung 2:20 na yata, nag-vibrate naman yung phone ko. Naka-silent na ulit. Ang ingay
kasi kapag tumutunog eh. As usual, sino ba?
Lumapit naman ako sa bintana. Nandun nga siya at nakatayo doon gate. Pagkabukas ko
nung pinto...
"Anong problema?"
Umalis siya doon sa kinatatayuan niya. Nakahawak doon sa T-shirt niya yung kasama
niya.
Hindi ko napansin na nasa likod pala niya yun. Ang liit sobra. Ang cute talaga.
Kung ako tatanungin, siguro 1 or 2 years old pa lang yun.
"Kuya bakay mo na ko!" narinig kong sabi nung bata.
"Ayan! Ang cute-cute naman niya! Who is he?" sabi ko nung lumapit ako.
Nakahawak pa rin yung bata sa T-shirt ni Ayan. Tinignan naman niya ako. Si Ayan
naman, yumuko.
"Ate?"
"Yeah."
Tumingin naman si Ayan sa akin. Hindi ko alam kung ngingiti ba siya o ano.
Nakakatawa talaga yung itsura niya na nakadikit sa kanya yung bata.
"Wala akong magawa eh. I'm stuck with him. This is Justin, my nephew."
Southern High
***32***
Justin pala ang name nung pamangkin niya. Parang familiar sa akin yung name,
narinig ko na yata dati. Siguro nung nakikialam ako ng phone niya dati.
"25."
"Sa katunayan, wala naman talaga akong plano kung saan. Siguro kung saan na lang
tayo dalhin. Hanggat may pera sige. Pero, ok lang ba sa 'yo kung pumunta muna tayo
sa park? Favorite kasi ni Justin yung palaruan doon."
"Oo naman."
"Ouch!" sabi ni Ayan. Tapos tumingin siya sa akin. "Lagi niyang pinaglalaruan yung
buhok ko."
Siguro saglit lang, bumaba na rin kami para pumunta doon sa park. As usual,
nanghihila si Justin. Dahil sabi nga nila ang Sunday eh family day, maraming tao.
Naglakad kami papunta doon sa padulasan. Dahil bata pa si Justin, hindi pwedeng
siya lang mag-isa. Ni-hindi pa nga yata makakaakyat ng hagdan yun eh.
Natawa naman ako doon sa sinabi niya. Maya-maya lang, nakita ko na silang dalawa
nagpadulas. Kung makikita mo lang yung mukha ni Ayan, parang hiyang-hiya na bored
na hindi mo maintindihan. Naka-tatlong slide pa lang sila...
"Ayoko na Justin.."
"Ano ka ba, ang cute nga eh! Alam naman nila sinasamahan mo siya. O sige, ako na
nga lang sasama sa kanya."
Sumama naman sa akin si Justin. Si Ayan, natuwa yata sa suggestion ko. Naku Hally,
nagkamali ka yata ng sinabi.
Dahil ang liit nung padulasan, yumuko pa ako para makandong si Justin. Buti nga
nagkasaya si Ayan dito, ang tangkad kaya nun. Gosh! Parang walang naka-kandong sa
akin. Ang gaan ni Justin.
Infainess, ilang taon na rin akong hindi nakakapag-slide. Hindi ko alam, nakakamiss
din pala. Masaya rin. Nakakapagtaka lang, tuwing mag-slide kami, ngumingiti si Ayan
o kaya tatawa. Siraulo yun! Kanina siya yung tinatawanan ko tapos ako naman ngayon.
"Anong nakakatawa?"
"Wala. Sige tuloy niyo lang..." pero pinipigilan niya yung tawa niya.
"Justin iba naman, doon tayo sa swing ha! Hayaan mo si UNCLE AYAN!"
"Hey! Bakit naman Uncle?! Kuya tawag sa akin niyan. Hally! 'wag mong tuturuan si
Justin, mabilis matuto yan."
Dumating din naman kami sa swing. Hanggang doon, pinipilit pa rin ni Ayan na
palitan yung uncle na natutunan ni Justin. "Kuya Ayan. Ku-ya A-yan. Justin, call me
Kuya." Pero ang laging sinasabi ni Justin eh "uncle.. uncle..."
"Yeah right Hally. Tumawa ka lang. At least ako walang picture sa phone mo na nag-
slide!"
"1... 2... 3... 4.. Apat pala yung picture mo kanina Hally!"
"Akin na nga yan! I-delete mo na! Mukha akong ewan diyan! Nakakainis ka naman!"
Uh-oh.
"Nasaan na si Justin?"
Kakatakbo namin, napagod ako kakahanap. Tinignan namin sa slide, wala. Sa mga
bench, wala. Naku naman! Highway pa man din yung katabi ng park. Baka nakalabas na
yun... o kaya... Hally! 'wag ka ngang ganyan.
Maya-maya lang, hindi ko na alam kung saan nagpunta si Ayan. Dahil pagod na ako eh
naupo na lang ako doon. Nasaan na ba yun?
May dumating naman na isang lalaki. Teenager pero mukhang mga punkista. Basta!
"Miss anong pangalan mo?" at ang kapal ng mukha! tumbi pa sa akin!
"Oo bakit?"
"Wala naman akong nakikitang kasama mo eh. Baka gusto mong sa akin ka sumama."
Sa isip-isip ko naman, kahit sabihin ko naman sa kanya yung pangalan ni Ayan kilala
ba niya? Bwisit na 'to...
Ngek. Boyfriend daw? Pagtalikod ko, nandun si Ayan sa likod din nung lalaki buhat-
buhat si Justin.
"Baka gusto mong umalis, nag-iinit yung ulo ko kapag nakikita kita."
Tumakbo naman yung lalaki. Tapos tumawa na naman siya. Ako naman, nakatayo pa rin
doon. Speechless.
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Para naman akong tanga. Naramdaman ko na
lang na hinawakan ako sa kamay ni Justin.
"Ate, Ice cream!" pagtingin ko sa kanya, saka ko lang napansin na kumakain siya ng
ice cream. Kaya ayun, ang lagkit tuloy ng kamay ko.
"Pumunta doon sa nagtitinda ng ice cream, humihingi. Hindi daw makaalis yung
tindero dahil hindi niya alam kung nasaan daw yung nagbabantay sa kanya. Kaya
binilihan k na lang. Teka, kilala mo ba yung lalaki kanina?"
"Tingin ko, kailangan nating pumunta ng mall para bumili ng damit ni Justin. Saka,
panay ice cream na yung mukha niya."
"Oo nga."
Dahil malapit lang yung mall sa park, lalakad na lang kami. Narinig kong may
sumigaw sa amin. Yung lalaki pala kanina.
Grabe talaga. Parang ang hirap-hirap tignan ni Ayan. Paano ba naman eh hila-hila
niya ako sa kaliwang kamay niya, buhat-buhat naman niya si Justin sa kabila. Nung
nakalayo na kami, huminto rin naman kami. Ako naman, hindi ko rin naiwasang
magtanong.
"Girlfriend?!?"
"Huh?"
"W-wala lang. Yung sinabi mo kasi--" kainis naman siya, hindi pa niya
naintindihan... ayoko na namang ulitin yung sinabi ko.
"Ah, yun ba? Yun kasi unang pumasok sa isip ko eh. Effective naman eh, naniwala
naman siya."
Yun pala yung reason, akala ko naman... Hay naku! kung anu-ano kasi iniisip ko. ASa
pa ko!
Pagdating namin sa mall, pumunta kami sa bilihan ng damit. Ako pa nga ang pumili ng
damit ni Justin dahil si Ayan eh mukhang walang talent sa ganun. Sinamahan ko si
Justin sa bathroom, kaya nilinisan ko na. Puro ice cream na yung mukha niya, pero
cute pa rin tignan.
Nung lumabas na kami, binuhat ko na si Justin at nakita kong nakaupo si Ayan doon
sa bench ng mall. Medyo nakayuko siya pero tumingin din nung lumapit kami.
"Bata pa siya kaya ganun. Paupo nga, pagod na rin ako." tapos umupo ako at nasa
gitna namin si Justin.
Kanina lang napaka-energetic ni Justin, pero ngayon mukhang napagod yata. Ang
tahimik eh.
"Oo nga pala, bakit ang layo ng agwat niyo ng kapatid mo?"
"Si Freelie? 5 years old na siya nung kinasal yung mama namin at papa ko. She's my
half sister."
"Ahh, kaya pala. Unusual yung name niya ah, saan nakuha?"
"Nope."
"RV na talaga ang plano nila dati pa. Kaya lang di nila alam kung anong ibig
sabihin. Kaya nung nasa hospital na yung mama ko at kinukuha na yung name ko sa
registration, naisip nila dapat Ryan Vincent. Kaya lang dahil matanda na yung
kumukuha ng name ko, laging nagkakamali sa Vincent. Ang pagkakarinig niya, Vincel.
Sabi ni papa ok lang daw, at least yung Ryan tama. Pero nung nakita nila yung nasa
registration form, Riyan ang nakalagay. Sabi nga nila Charlie baka daw napagpalit
ako. So far, ako lang naman ang RV nung araw na yun."
Kaya lang habang nakikinig kami ng mass, may naririnig pa rin ako. Yung mga nag-
uusap sa likod.'ang babata naman nila..' saka 'kabataan talaga ngayon, bata pa lang
nabubuntis na..'
WHAT?!? Lilingon na sana ako sa likod at medyo nakakapikon na. Kaya lang, bumulong
sa akin si Ayan.. 'Hayaan mo na lang, nasa simbahan tayo.'
Nakakainis talaga. Tama bang isipin na anak namin si Justin?!? Bwisit. Hindi naman
kami ganun no. Arrrrggghhhhh!
Pagkatapos nung misa, lumabas na rin kami at kinuha na ni Ayan si Justin sa akin.
Nakakangawit rin pala.
"Kain tayo..."
"Saan?"
"Jollibee."
Pumunta kami sa Jollibee at kumain doon. Binilihan lang namin si Justin ng pagkain
at yung Jolly Kiddie meal kahit na tulog. Pagkatapos doon, dahil medyo gabi na eh
hinatid na rin ako ni Ayan sa bahay. Wala pa si Daddy. Alam ko namang gagabihin
siya dahil tiyak may kung anu-anong gagawin pa yun.
"Sorry din..."
Lumapit naman ako para mag-goodbye kiss kay Justin. Tulog na tulog na talaga siya.
Kiniss ko siya sa noo. Pakiramdam ko nakatingin si Ayan nun, pero nung tinignan ko
siya, parang iniwas niya yung tingin niya. All right.. I'll do it...
Nagulat yata si Ayan sa ginawa ko. Paano ba naman kung titignan mo siya, nakatingin
lang siya sa akin, hindi nagsasalita, at nakatayo lang doon. Kung hindi pa nga ako
nag-snap sa harapan niya tingin ko hindi talaga siya magsasalita.
"Sige.."
Yun na lang ang huli kong narinig sa kanya hanggang sa makaalis na sila.
"Anong nangyari kahapon?" sabi ni Ren sa akin nung nasa school na ako.
"Ayun, kasama namin si Justin." sabi ko sa kanya habang naglalagay ako ng gamit ko
sa locker.
"Oo nga delikado nga! Syempre kapag 2 years old ang kasama namin may mangyayaring
masama!"
"2 years old ba? Hindi mo naman sinabi. Sana sinabi mo kaagad." yumuko naman si Ren
"Ano, pupunta ba tayo kina Joyz mamaya? Hindi pa rin magaling ang bruha na yun."
Pumasok naman na kami sa classroom ni Ren. Dahil hindi pa naman time, niyaya ko
siyang lumabas dahil napakaingay sa loob. Umupo kaming dalawa sa bench.
Hiniram ko uli yung phone ni Ren. Namimiss ko na rin kalikutin yung phone niya.
Kaya eto, nagagalit na naman sa akin at inuubos ko na naman daw yung battery niya.
Kaya lang natigilan na namana ko nung sinabi niyang...
"Anong sabi mo?" tanong ko naman sa kanya kahit narinig ko naman yung tanong niya.
"Hindi. Bakit naman?" sa totoo lang, hindi naman talaga. Siguro hindi na rin bagi
na may bagong pinopormahan si Charlie.
"Asus Hally, 'wag ka nang malungkot, niloloko lang kita. Nananahimik yung tatlo sa
garden. Tignan mo pa."
Hindi ko naman tinignan kahit sinabi ni Ren. Ayoko na kasing magpahalata na gusto
ko rin namang tignan. Nandun kaya siya? Siguro. Sabi ni Ren tatlo eh. Sila naman
lagi ang magkakasama. ANo ba naman yan?! Bakit ba hinahanap ko sila? Este, siya
pala. Tigilan mo na nga yan Hally...
Nagklase naman kami. As usual, yung essence eh boring pa rin. Hindi naman kasi ako
mahilig sa klase. Nasanay na talaga ako na wala sa klase. Kaya nga nung sinabi nung
teacher ko sa Physics na pinapatawag daw ako sa gym, umalis na kaagad ako. Syempre,
volleyball na naman. Ayos lang, kaysa naman maupo ako doon.
Tumingin ako sa kabilang room. Hindi ko rin nakita kasi nakababa yung mga kurtina
nila. Kainis naman.
Meeting lang naman yung nangyari. Sinabi sa amin ni Coach Gonia na ang susunod na
naming kalaban eh North. Next week yata. Away game kaya pupunta kami sa kanila.
Saglit lang kaming nag-practice kasi late naman na nilang sinabi. Nag-alarm na para
sa uwian. Inuna ko nang pumunta sa locker at maya-maya lang eh katabi ko na uli si
Ren.
"Oo nga, pakisabi sa kanya get well soon. Hindi ako makakadalaw eh."
"Bading ba si Charlie? Bakit naman sinabi niyang ang cute ng bag ko?"
"Hally, kapag sinabihan ka ng lalaki na ang cute ng bag mo hindi ibig sabihin
bading na siya. "
"Ganun?"
"Compliment yun."
Pinaniwalaan ko naman si Ren. Mas alam naman niya ang guys kaysa sa akin. Hindi ko
naman nakita si Ayan na kasama nila Charlie. Papalabas na nga kami nung gate nung
narinig kong may tugtog sa Bldg. A and B. Sa pagitan pala nagpa-practice yung mga
Dance Club Members. Gusto ko rin sanang manood, kaya lang dahil nandito si Ren...
nagbago na yung isip ko.
"Sino yan?"
"Wala."
"Patingin.."
"Wag na! Ren!" ayun, inagaw sa akin yung phone ko. "Ren naman!"
"HINDI!"
"Shut up.."
Hanggang sa nakarating kami sa bahay nila Joyz, niloloko pa rin ako ni Ren. Tumawag
lang kami sa harapan ng bahay nila at pinapasok naman kami ng mama niya. Nakangiti
pa nga yung mama ni Joyz sa amin, mabuti daw at dumating kami at kanina pa daw
bored na bored si Joyz. Pagpasok namin sa loob, may isang babae rin na nakaupo sa
sofa nila. Maganda rin siya kahit na sa tingin ko eh kasing edad na ng mama ni
Joyz. Pinakilala naman kami. 'Marianna, ito nga pala si Ren at Hally, mga kaibigan
ni Joyz...' Tumayo naman siya at nakipagkamay. Inuna niya si Ren.
"Ikaw ba si Hally?"
"Opo."
"Puntahan lang po namin si Joyz sa kwarto" sabi ni Ren. Sumunod naman na ako sa
kanya.
Umakyat kami sa hagdan nila at pumunta kami sa kwarto ni Joyz. Nananahimik pa rin
ako. Hindi ko naman kilala yung babae na yun, bakit kilala niya ako? Ah, siguro
kinuwento ni Joyz. Kamag-anak naman yata nila yun eh.
"Hindi eh."
"Ewan ko..."
"Joyz!!"
"Buti dumating yung kamag-anak niyo Joyz. Tita mo ba yun?" sabi ko naman habang
tinitignan yung isa sa naka-display.
"Kamag-anak?"
"Yung babae sa baba. Ikaw ha, ang daldal mo.. kung anu-ano kinukuwento mo tungkol
kay Hally. Bakit ako hindi mo kinukuwento"
"Ahh, si Tita Marianna? Hindi ko tita yun literally. Tita lang tawag ko dun pero
hindi namin siya kamag-anak."
"Hindi niyo kamag-anak? Kaanu-ano mo siya? Saka, bakit kilala niya ko?"
"Oo nga."
Tumawa naman si Joyz. Lukaret talaga 'to. Parang walang sakit eh. Tapos sinabi
niyang...
"Mama ni Charlie?"
"Uuuy! Crush ka yata ng Bro ko eh! Kinukwento ka na yata niya sa mama niya!" sabi
ni Joyz sa akin.
"Wala na naman kayong magawa kaya napapagdiskitahan niyo na naman ako!! Tigil nga
kayo."
Nung sumunod na mga araw, medyo nakakalimutan din naman nila Joyz ang pang-aasar sa
akin. Pero minsan kapag tinotopak sila, maghapon akong inaasar. Gumaling na rin
naman na si Joyz. Ako naman, tadtad na ng practice. Dahil sa kalaban namin ang
Northern High sa susunod.
Nung nakatali na yung buhok ko at naka-shorts na ako, lumabas ako ng room namin.
Breaktime na kasi. Naupo ako doon sa bench at inaayos ko yung knee pad ko.
Nakakainis nga, blue yung suot ko ngayon. Hindi ko kasi makita yung black na knee
pad ko.
"Blue yata ang knee pad mo ngayon." nakita ko si Ayan na nakatayo sa harapan ko.
"Paano mo nalaman?"
Tinaas lang niya yung dalawang balikat niya. Oh well, as if I care paano naman niya
nalaman.
"Oo nga pala, hinahanap ka ni Justin nung nagising siya. Umiyak nga eh."
"Kausapin?"
"Teka lang.."
Nag-dial naman siya doon sa phone niya. Sabi ko nga eh, tatawagan niya.
"Hello Ma, si Justin po pwedeng makausap?" sabi niya nung naka-dial na yata siya.
"Hello Justin, I'm Kuya, not uncle." Tumingin naman si Ayan sa akin. "Kumain ka
na?" nag-pause siya saglit tapos tumawa. "Naaalala mo si Ate Hally? Oo yung sinabi
ko sa 'yo? Ito siya, kausapin mo."
Nakinig naman ako kay Justin sa phone. Naku! Ang daldal pala nito. Nagkwento ng
kung anu-ano. Yung iba nga eh hindi ko na naintindihan kasi yung ibang words
nabubulol na siya. Narinig ko pa nga na kumain daw siya ng hotdog, kalaro daw niya
si Bob the Builder na hindi ko naman kilala kung sino, mabait daw siya at natulog
siya kahapon, at natutuwa daw siya kay 'Uncle Ayan' dahil binigyan siya ng bagong
laruan.
Pagkatapos nung tawag, in-end ko na. Dahil nakalingon si Ayan sa room nila, may
napansin ako doon sa phone niya.
What the--? Anong ginagawa nito dito? Nung lumingon siya, nag-kunwari ako na wala
akong nakita.
"Ang daming sinabi eh.. na may kalaro daw siyang Bob the Builder, at binigyan daw
siya ni Uncle Ayan ng bagong laruan."
"Ganun talaga si Justin. Sinasabi niyang binigyan ko siya ng bagong laruan kahit
apat na araw na yung lumipas."
"Aalis ka na?"
"Practice eh."
Tumakbo naman ako hanggang doon sa hallway malapit sa Garden. Tinawag naman ako
Ayan.
"Hally!"
"Yep?"
"Wala lang. Ok lang naman sa akin kung nakita mo..Sige, practice ka na"
Hay naku.. yun lang pala ang sasabihin niya. Tinuloy ko na uli yung pagtakbo ko.
Kaya lang..
"Hally!"
"Yeah?!?"
"Hally!"
"Baka naman may idadagdag ka pa... baka kasi tawagin mo na naman ako."
Dahil sabi niya wala na raw siyang sasabihin, talagang tumakbo na ako. Narinig ko
pa nga siyang sumisigaw uli ng 'Hally! Binibiro lang kita!'
Pagkadating ko sa gym, nakangiti pa rin ako hanggang doon. Ang kulit kasi. Para na
rin siguro akong baliw.
Kaya lang... may gumulo na naman sa isip ko tungkol sa nakita ko kanina sa phone
niya.
Ang nakakainis lang, bakit naman kung anu-ano yung nakikita ko. Baka naman
namalikmata lang ako doon sa phone niya. Siguro nga. Baka mamaya nangangarap na
naman ako hindi naman pala. Saka, ano namang pakialam niya sa akin? ANg kapal ko
naman kung ganun. Hindi ko na dapat iniisip yun. Tama.
Normal lang naman ang nangyari sa akin pati sa practice. Medyo nagsisisigaw ako at
tawa ng tawa. Yung mga kadalasan kong ginagawa. Mabuti nga nawala sa isip ko yung
ginawa ni Ayan kanina. Nakakabaliw kasi yun.
Sumakit naman yung paa ko. Feeling ko nabigla yata. Sa lahat kasi, ako lang ang
hindi nag warm-up. Mali yata yung naging bagsak ko nung nag-spike ako kanina.
Natumba pa ako nun na naging sanhi pa para maging out ako sa game.
Nung natapos yung practice, nagpalit na ako ng damit. Dumaan ako sa locker ko.
Napansin pa nga nung teacher ko sa Science na nag slight limp ako. Sa totoo lang,
ang sakit na talaga ng paa ko. Siguro na sprain or what. Umuwi na raw sina Ren,
kung kailan naman hindi ako makalakad ng maayos saka pa ako walang kasabay.
Nakasalubong ko naman si Charlie. Naka-jersey nga siya. Cute din tignan. Sabi niya,
nagpa-practice siya ng basketball. Nag-bye lang siya sa akin at ako naman eh
lumabas na ng gate. Napansin din niya na medyo pilay ako kaya nag-offer pa na
maghatid, sabi ko naman 'wag na.
Nung nakalabas na ako ng school, saka ko naramdaman na masakit na talaga yung paa
ko. Hindi ako nakadaan ng clinic para naman malagyan sana ng support. Kung kailan
naman malapit na yung laban sa North, saka pa ako nagkaganito. NAman!
Tatawid na sana ako para sumakay na lang ng tricycle. Hindi ko na kaya pang
magpalipat-lipat ng sasakyan. Hinintay ko na kumonti yung sasakyan, tapos tumawid
na ako. Saka ko lang napansin kung gaano ako kabagal maglakad.
Narinig kong may bumubusina. Oh-My-God!!! Hindi na ako makatakbo. Hindi pa ako
nangangalahati ng pagtawid. I'm going to die at this very moment..
'God, let my Dad know how much I love him.. and I am really sorry for all the bad
things I have done...'
'Mommy, tulungan mo ko... please.. natatakot na talaga ako.'
AAAAAHHHHHHHHHHHHHHH!!!! Malapit na. Kaya mo yan Hally.
Sa sobrang takot ko, ang bilis na talaga ng tibok ng puso ko. Sobrang lapit na
talaga. Pinikit ko na lang yung mata ko at hinihintay na mabunggo ako ng sasakyan
na dumarating. Wala na akong magagawa... 3...2......
Kaya lang yung hinihintay ko hindi dumating. Naramdaman ko na lang na nakahiga ako
sa gilid ng daan at ang tigas ng semento. Idagdag mo pa yung mabigat na nakadagan
sa harapan ko. Saka ko lang napansin, lumuluha na pala ako. Dinilat ko naman yung
mata ko.
Nung dumilat ako at nakita ko siya, hindi ko ma-explain yung expression ng mukha
niya. Parang galit na worried na.. basta! Ako naman, umiiyak pa rin nun. Kaya nga
nung medyo kalmado na ako, nakuha ko na ring punasan yung luha ko.
"Hindi ko po alam. Lumabas ako dahil pupunta ako sa Sealey para sa practice namin.
Kaya lang nakita kita, pinanood pa nga kita eh. Kaya lang nung nakita kita na hindi
ka gumagalaw, I thought you have gone mad! Kaya tumakbo na ako." sabi niya sa akin.
"Pasensya po. Hindi po kasi ako makatakbo kasi yung paa ko po eh napilay yata of
some sort. So sorry! My bad!"
Parang ngumiti siya na pero hindi masyado. Tumahimik na rin siya at hindi
nagsalita. Ang lapit pa rin ng mukha niya sa akin. Tinignan pa niya ako.
"Ayan..."
"Pwede bang?"
"Tumayo ka na. Ang bigat mo kasi eh!"
Tumayo naman na siya at nagpagpag ng damit niya. Nag-offer din siya ng kamay niya
kaya nakatayo din naman ako. Napansin ko lang nakatingin yung ibang tao. Paano ba
naman, makikita ka na nga lang sa ganung posisyon pa. Excuse me! Walang ibig
sabihin yun. Nakita niyo naman, accident.
"Mark, hindi na ako aatend ng practice. Bye!" tapos tumingin siya sa akin. "Wala na
akong practice, ihahatid na kita."
"Tricycle naman ang sasakyan ko, diretso na yun sa bahay namin, ok lang talaga
ako."
Tumingin naman ako doon sa pilahan ng tricycle. Naman! Yung last na tricycle
nasakyan na nung babae. Ayoko naman nang maghintay dito.
"Ibig sabihin ba niyan eh sasakay na tayo ng jeep?" sasagot pa nga lang sana ako
kaya lang sabi niya "Ok, tara na."
Ang kulit din nito. Kahit anong sabihin ko, hindi rin siya pumayag. Dahil nasa
gilid naman na kami ng daan, mabilis din naman kaming nakasakay. Inalalayan lang
niya ako. Tahimik lang siya at hindi nagsasalita. Ewan ko ba, ganun lang siya
siguro. Hanggang sa bababa na kami sa kanto namin, hindi pa rin siya nagsalita.
Patayo na ako ng jeep at mauunang bumaba kaya lang humawak siya sa kamay ko.
Sige po ITAY!
Nauna naman siyang bumaba sa akin. Yun naman pala eh, aalalayan uli akong bumaba.
Pasensya, malay ko ba!
Dahil nasa kanto pa lang kami, kailangan pa naming maglakad papunta ng bahay. Kasi
naman kung nag-tricycle na lang sana. Kapag masakit kasi ang paa mo, feeling mo ang
layo ng lalakarin mo at gusto mo ng makarating.
"Ilagay mo yung isang kamay mo sa balikat ko, para hindi ka mahirapang maglakad."
Ginawa ko rin naman. Dahil gusto ko na rin naman na makarating na sa bahay. Ayun,
saka ko lang napansin na ang bagal pala namin. After 68 years pa yata kami
makakarating kapag ganito eh.
"Ano?"
AT NAKU NAMAN!! PAPATAYIN KO 'TO! Binuhat ba naman ako. Ako naman, parang
nagwawala.
"No."
Nainis lang ako. Naglakad na kasi siya. Sa positive part, nagkaroon ako ng
pagkakataon na matignan uli yung mukha niya ng malapitan.
"Baka matunaw ako niyan." sabi niya sa akin pero diretso pa rin yung tingin niya.
Kainis na 'to, alam niya?
"Feeling ka."
Ayun, naglakad naman na kami. Siguro nga ang bigat ko na. Siya naman may kasalanan
eh, wala naman akong sinabi na buhatin niya ko.
"Nandun na ba tayo?"
"Wala pa."
"Hindi."
Totoo naman na yung sinabi niya. Saglit lang, nasa bahay na kami. Napabilis nga.
Kaysa yung kanina, aabutin kami ng siyam-siyam. Binaba naman niya ako doon sa gate
na namin.
"Sabi ko sa 'yo mas mabilis."
"Gusto mong pumasok sa loob?" niyaya ko lang siya, ang sama ko naman kung hindi.
"Sealey."
"Sealey? Bakit?"
"Practice."
Tinaasan ko naman siya ng kilay. Naka-sense yata ng danger kaya lumayo eh.
"Hindi naman talaga ako nag-dial kanina. Kunwari lang yun para pumayag ka."
"Alam ko na yan."
"But even if you are a crazy guy, I still owe you my life. Thanks talaga. Kung wala
ka dun..."
"You're welcome." tapos umatras na siya. "Sige pala, alis na ko. Siguro naman kaya
mo na hanggang sa pintuan niyo."
"Hally.."
"Hmmm?"
"May nakalimutan ako." nakita ko naman na seryosong-seryoso yung mukha niya. Ano ba
'to? Hindi ko malaman kung anong iniisip.
Lumapit siya uli sa gate. Nung una nakatingin lang siya.. nagulat na lang ako
nung..
Yumakap siya sa akin. Ang higpit. Parang ayaw na akong paalisin.
Saka ko lang naintindihan kung ano yung tinutukoy niya. Natakot siya? Siguro yun na
rin yung explanation nung expression nung mukha niya kanina. Ang bait naman niya.
Minsan makulit, minsan seryoso.
Ako naman dahil may pagka-baliw ako at walang masabi ang nasabi ko na lang sa kanya
eh..
"Ayan... ang higpit. Hindi na ako makahinga." Hay naku Hally! Batukan mo nga yung
sarili mo.
Tinotoo naman na niya yung pag-alis niya. Nung nakalayo na siya, saka naman ako
napaisip.
Nung niyakap ako ni Ayan, I felt something. Sa katunayan hindi ko nga ma-explain.
In-denial nga ako eh. Parang pinapakita ko sa kanya na biro-biro at wala lang sa
akin, pero sa totoo lang... he's really something.
Napansin naman ni Daddy na pilay nga ako. Sinabi niya sa akin na ipapa-check dw
niya. So far, hindi naman niy nalaman yung tungkol sa muntik-muntikan ko nang
aksidente. Ayoko rin namang malaman niya, kasi naman baka lalo lang akong pagalitan
or what. Siguro nga yung nangyari kanina, sa amin na lang yun ni Ayan at sa kung
sino mang mga witness.
Hindi rin naman ako makatulog nung gabi. Parang yung mata ko gusto nang matulog
dahil sa pagod pero yung brain ko ayaw pumayag. Kung anu-anong nakikita ko na
nangyari kanina.
Si Ayan na malapit yung mukha sa akin nung naligtas niya ko, Si Ayan nung tumatawag
siya sa phone, si Ayan nung bababa na kami ng jeep, si Ayan nung kaakbay ko siya
kahit hindi naman yun ang talagang meaning nun, si Ayan nung binuhat niya ako, si
Ayan na niloloko ako kanina at si Ayan na seryoso na yumakap sa akin.
WAAAAAA! Puro na lang ba Ayan? Hindi ba niya ako patatahimikin? Mapupuyat ako nito
eh! May pasok pa naman bukas. Tapos...
Narinig kong nag-vibrate yung phone ko. Tama, narinig ko kahit vibrate mode. Ang
lakas kasi nung contact sa side table ko. Hindi naman ako makatulog kaya tinignan
ko na lang.
>ei, gcng k p b?
Gabing-gabi na gising pa rin 'to. Parehas pala kami. Ewan ko ba, bakit kaya?
Siguro... asa ka Hally!
>huh? kttpos lng ng prctice niyo? grabe naman siya, kadarating lang niya? Anong
oras na ba? 11 na ng gabi.
>hndi. knina p kmi ntpos. my gnwa p k. naisip k lng mgtxt. kaw? bkit gcng k p?
nag-reply naman ako. Hindi ko alam kung hanggang saan aabutin ng load ko. Alam ko
kasi paubos na eh.
=)
Nagtaka naman ako kung bakit smiley lang ang reply niya. Magrereply sana ako kaya
lang check operator services na. Malas noh! Kaya ayun, siguro sleeping beauty na
lang dapat kong atupagin.
Ayan's calling..
"Bakit?"
"2 bars."
"Bakit?"
Matagal din yung inabot ng 2 bars ko. AYun nga, ok lang. Napuyat nga ako
kinabukasan. Ano yung pinag-usapan namin? Kailangan ko pa bang sabihin? Nah! Wag na
lang. Kapag nagbago yung isip ko sasabihin ko. Pero infairness, nakakatuwa rin.
Pagkagising ko...
Tumingin ako sa alarm clock sa side table. 7:30 pa lang pala eh. Teka, teka,
7:30?!? Waaaa! 7:00 ang time namin. Super duper late na ako.
"DAAaAADDDDYYY!"
Akala ko talaga na-late na ako ng walang dahilan. Ayun, ayos din naman. Nagpunta
kami sa docto ni Daddy at nilagyan ng support. Sprain nga. Sabi niya, gagaling daw
yun 1 1/2 week or 2. Naman! Isa lang ang ibig sabihin nun, hindi na ako makakasali
sa laban sa North. Inaabangan ko pa man di yun kasi North talaga ang pinaka-kalaban
namin kasi magagaling sila.
Hinatid din ako ni Daddy sa school Late na ako. Syempre nakakahiya. May kung anong
kulay puti pa na nakalagay sa paa ko.
Siguro past 10 na ako pumasok. Nagtinginan pa nga sila sa akin eh. Pero ano bang
magagawa ko? Eh ganun talaga.
Ilang araw din yung lumipas. Hindi pa rin ako magaling pero kinausap ko na si Coach
Gonia. Ayos lang naman sa kanya na hindi ako makakapaglaro. Pinayagan naman niya
ako na sumama at manood ng laban kahit na sa gilid lang ako. Yep, laban na. At as
usual, ang kaawa-awang si Hally eh hindi kasali.
Naupo ako doon sa gilid ng gym ng North. Dahil hindi pa nagsisimula, kasama ko pa
yung ibang players at ka-kwentuhan ko. Pero nung magsisimula na, ako na lang yung
natira doon sa bleachers.
May babae naman na tumabi sa akin. Hindi ko naman siya kilala pero dahil naka T-
shirt siya ng North Volleyball team, alam ko na kalaban siya.
"Hindi ka maglalaro?"
"Oh, sayang."
"Assistant coach."
"Wow, nice."
Narinig ko naman na tumunog yung phone niya. Sumimangot nga siya eh.
"Kapatid ko. Sabi niya sabihin ko daw sa kanya yung result ng game."
Nag-usap lang kami doon. Mabait naman siya eh. Nakakatuwa rin. Tunog ng tunog yung
phone niya habang nag-uusap kami. Sabi niya napaka-istorbo daw ng kapatid niya at
napakakulit. Interesado daw kasi yun sa game.
Hanggang sa natapos yung game, nagpaalam na sa akin yung babae. At least sinamahan
niya ako at hindi na-boring. Hindi ko man lang natanong yung pangalan pero ok lang.
Sumama na ako sa mga ka-team ko. Nakita ko siya na may kausap sa phone.
Tapos, tumingin siya sa direction namin. Kumaway na lang ako sa kanya at ngumiti.
Kaya lang parang nagulat siya.
"Err.. yeah."
"Huh?" nagulat naman ako. Alam ko nakilala ko siya at nakausap pero hindi pa naman
kami close.
"Alam na..."
Teka, Freelie? Hetzer? Siya yung sis ni Ayan?!? Mommy ni Justin? Yung kausap ko
kanina? Invite?! Nyikes!
Tumingin din yung ibang ka-team ko. Syempre naman, nakarinig ba naman sila ng
'Hetzer'. Kaya ayun, nagsilapitan kay Freelie. Tinanong pa nga siya ng, 'Hetzer?
Kaanu-ano mo si RV?', 'sis ka ba?', 'ilan ba kayong magkakapatid?' at kung anu-ano.
Si Freelie naman mukhang nagulat, kaya dinaan na lang sa ngiti. Nung nagyaya na si
Coach Gonia na babalik na daw ng South, pinaalam ako ni Freelie na isasama daw niya
ako. Hindi pa naman ako pumapayag, pero ayun nakapag-paalam na. Naku, magkapatid
nga sila.
"Uhmm, miss, hindi kasi ako makakalakad ng maayos eh. Baka kasi matagalan tayo kung
isasama mo pa ako."
"Freelie, call me Freelie or Freels. Tawag sa akin ng bro ko yan. Pinaglalaruan nun
kasi yung pangalan ko. Ok lang, may kotse ako. Hindi mo na kailangang lumakad.
Aalalayan kita hanggang sa parking lot." sinabi niya sa akin ng nakangiti at
inalalayan naman niya ako.
"Wala lang, gusto ko lang. Punta tayo sa bahay. Gusto lang kita makilala. Ayos ka
kasi eh. Tinawagan kasi ako ni Ayan kanina, tinatanong kung nakita ko daw ba si
Hally. Tinanong ko kung sino naman si Hally, sabi niya yung naka-ankle supporter.
Tapos ayun, naalala ko yung tinuro mo kanina nung nasa bleachers tayo."
Nakarating naman na kami sa parking lot. 5:30 na yata kaya uwian na rin naman na
nila.
"Ahh... teka lang, bahay niyo?" ayoko yatang pumunta ng bahay nila.
"Don't worry, wala roon si Ayan. Wala yung magulo. Ang kulit-kulit nun kapag
nakikita ko."
Nung nag-drive na siya, nagkwento lang siya tungkol sa sarili niya kung paano siya
napunta ng North. Kung anong course niya at kung anu-ano. Tinanong din naman niya
ako. I admired her alot kasi ni katiting wala siyang binanggit tungkol kay Ayan.
Pangalan pa lang daw kasi, sumasakit na yun ulo niya.
"Dito na tayo."
Nung nakababa na ako at tinutulungan niya ako uli, nakita ko may nakahawak doon sa
gate. Talagang yung mukha niya eh nakadikit doon. Mukha na ngang preso eh.
"Mommy!"
"Magkakilala kayo?"
"Sabi niya kasi eh. Ang gusto ko naman itawag sana RV."
Pumasok naman na kami sa loob ng bahay nila. Napakalinis. Naku naman, parang hindi
yata ako nababagay at baka madumihan ko. OA!
"Sayang 'di mo makikilala si Eugene, asawa ko. Gabi kasi siya umuuwi eh."
"May nagbaby-sit. Si Manang Rosy. Paalis na yun. Kapag hindi naman available si
Manang Rosy kasi hindi naman siya permanent stay sa amin, ginugulo ko si Ayan. Kaya
minsan, nagrereklamo na rin yun. Pero ayos lang din naman sa kanya, mahilig naman
yun sa bata."
Naghintay lang ako doon sa sala nila dahil nagpunta si Freelie sa kusina at
nagtimpla yata ng juice. Kaya ako naman, nilaro ko muna si Justin. At nakita ko na
yung pinagmamalaki nyang bagong laruan na regalo ni Ayan kahit na matagal na yata
yun.
"Classmate mo ba si Ayan?"
"What?!" yung expression nung mukha niya nagulat, tapos napalitan ng parang ok na
"Sabagay di na nakakapagtaka, may pagka-tanga naman talaga si Ayan paminsan-minsan"
Natawa naman ako. Kung may ate pa na sisiraan ang kapatid niya, ito na yun.
Narinig ko naman na nag-ring yung phone nila. This time, landline naman na. Tumayo
siya para sagutin yung phone. Nakikipag-agawan pa nga si Justin na akala mo naman
alam na niya yun.
Tinignan ko lang siya habang may kinakausap. Tapos nag whisper sa akin ng 'Si
Ayan'.
Naupo lang ako doon. Pinanood si Justin na naglalaro nung kotse niya doon sa
carpet.
"I'm not telling her anything!"sabi ni Freelie "Bakit natatakot ka na may sabihin
ako?"
Tapos sumunod na lang na ginawa ni Freelie, naririnig ko na si Ayan. Ang lakas nga
eh. Naka-speaker pala para marinig ko din yung sinasabi niya.
"Shut up!"
"Kaming magkapatid? Oo. AKala mo nag-aaway no, pero ganun lang talaga kami."
HIndi ko naman inisip na nag-aaway sila. Tingin ko nga ang cute eh. Wala naman kasi
akong kapatid.
"Nililigawan ka ba ni Ayan?"
"Pero kahit ganun yang si Ayan, sweet naman yun kahit papaano. Hindi ko lang
sinasabi sa kanya. Alam mo na, ayokong nanggagaling sa akin."
"Yan talaga ang fact na hindi ko talaga mapaniwalaan. Yung unang sim card niya
pinalitan niya kasi ang daming nagtetext na hindi niya kilala. Kaya ayun, bago na
yung ngayon. Sumobra naman sa seryoso. Wala na yatang ibang nagtetext kung hindi
ako, sina mama at papa o kaya si Raymond at Charlie. Siraulong yun."
"Yeah. Pero papa na rin turing ko sa stepdad ko. Sa kanya ako lumaki eh. Sabay rin
kami ni Ayan, kaya close kami."
Kumuha naman ako nung cookies na nilabas nya at kumain na rin ako.
"Maraming hilig yang si Ayan. Kahit anong sports kahit di naman siya magaling,
minsan music. Drums siya magaling. Pero pinaka-favorite niya breakdancing. Buti nga
di pa niya nababali ang mga buto niya..." tinignan niya si Justin "Bata pa lang yun
mahilig na sumayaw. Lalo na nung nasa states kami."
Tumira pala sila ng States. HIndi ko alam yun ah! Kaya naman pala kapag kausap ko
si Ayan minsan English yung sinasabi. Akala ko talagang ganun lang, yun pala
nasanay na.
Tumahimik naman kami parehas. Tapos iba naman yung nagsalita. Napatingin kami doon
sa nakatayo doon sa pinto.
Nung nakita ko si Ayan na nakangiti doon sa pinto, hindi ko alam kung ako lang ba
yun o ano pero ang cute niya talaga tignan noon.
"Bakit illegal ba na pumunta dito?" sabi niya tapos pumasok na siya at umupo sa
carpet katabi ni Justin. Natumba pa nga siya kasi niyakap siya ng mahigpit ni
Justin. Tawa pa siya ng tawa.
"Ang bilis mo naman nakarating dito, kanina lang kausap kita ngayon nandito ka na?"
"Superman eh."
"Malapit na kasi ako dito nung tumawag ako." tapos parang nandiri yata. "Justin,
that's nasty!"
Tinignan ko naman si Justin kung anong ginagawa. Ayun, kinakagat niya yung isa sa
laruan niya kaya panay laway na yata.
"Justin stop it! Ang dumi-dumi niyan! Kapag ikaw nagkasakit..." Inagaw naman ni
Freelie yung laruan."Halika nga, maghugas ka doon." tapos umalis na sila papunta ng
CR yata.
"Oh.." parang ewan talaga 'to. "Yeah. Ang ganda nga eh."
"Nakilala mo pala yung sister ko, si Freels. Huwag mo na siyang pansinin, ganyan
talaga yan."
"Oo naman."
"Naku, naglaro pa 'to sa tubig..." binuhat na niya si Justin "Papalitan ko lang 'to
ng damit. Dyan muna kayo. Ayan, baka kung anong gawin mo kay Hally!"
Tinignan naman niya yung ankle supporter ko. Ewan ko kung anong meron sa kanya.
"Kailan ka ba gagaling?"
Lumapit naman siya doon sa sofa kung saan ako nakaupo. Hinawakan niya yung paa ko.
Kakagulat nga eh.
"Pwedeng tanggalin?"
"Ako na lang."
Dahan-dahan kong inangat yung paa ko at tinanggal yung ankle supporter. Ang init
nun! Kaya nung naramdaman ko na nalamigan yung paa ko, feeling ko ang tagal na
nyang hindi nasisilayan ang hangin. Sa umaga kasi kapag maliligo ako, mainit na
tubig yung pinangbabasa ko. Tapos tatakpan nun. Kaya ang init talaga.
Hindi naman niya ako kinakausap. Basta seryoso lang siyang nakatingin doon. Ewan ko
ba kung para saan yung ginagawa niya, kaya hindi ko na lang pinansin. Tapos,
ngumiti na siya.
"Secret. Akin na nga, ako na maglalagay." baliw na naman 'to. Siguro hindi ko na
rin pagdududahan si Freelie sa naging kwento niya kanina.
Hindi ko naman tinignan yung ginagawa niya. Kundi, tinignan ko siya habang seryoso
siyang nakatingin doon. Bakit ba hindi ko siya napansin dati?
"Ha? Saan?"
"Binabalik ko yung ankle supporter niya. Ano namang mga story ang kinuwento mo
kanina?"
"Oh yeah! Hindi naman ako mahuhulog kung hindi mo ko tinulak sa sobrang takot mo."
"Eh nung 8 years old ka, kasalanan ko ba nung nalunok mo yung piso? Hindi mo kasi
tinitignan."
"Eh ikaw rin naman, muntik na akong mabingi nung nilagay mo sa tenga ko yung
lapis."
"Niligtas kita nung grade six ka. Nasamid ka doon sa kinakain mong pulboron!"
Teka, ano bang nangyayari sa dalawang 'to? Ang kulit ah. Ngayon nagtataka na talaga
ako kay Freelie kung 25 years old na siya eh childish pa rin.
"Ay, sorry Hally." tawa naman siya tapos nag-wink sa akin nung tumalikod sa kanya
si Ayan.
"Anong...anong..."
"Anong...?"
Tumawa naman ng malakas si Freelie. Tinignan naman siya ni Ayan ng masama pero
pabiro lang. Tumingin siya pabalik sa akin. Aba! Gusto ko yatang malaman.
"Stop laughing Freelie. Ayun, hinawakan ako ni Daddy sa paa at tinaktak ako. Mabuti
nga lumabas pa yun eh."
"Teka lang, alam ko may picture ako nun. Hahanapin ko nga." lumakad naman na siya
pero di ko alam kung saan pupunta.
Tinignan ko naman na yung orasan nila. 6:30 na. Kailangan ko ng umuwi. Gabi na rin
at baka pagalitan na ako ni Daddy.
"Sasama ako."
"No." tapos nilipat ni Freelie si Justin kay Ayan. "Aalagaan mo si Justin hanggang
sa bumalik ako."
"Anong koneksiyon?"
"Sabi nila kapag past-6 na at ilalabas daw ang bata, nagkakasakit daw ng cancer.
Kaya bantayan mo siya."
"Bye. Ingat."
Nagsimula naman ng mag-drive si Freelie. Medyo malayo rin yung bahay nila sa bahay
namin ni Daddy. Natagalan lang kami ng konti. Medyo na-traffic pa kasi may kung ano
na naman yata sa daan.
Kung ano ginawa ni Freelie? Nagkwento lang ng nagkwento. Ang daldal din nga eh,
pero ok lang. Masaya naman kasi siyang kasama. Nag-ring pa nga yung phone ko tapos
nakita ko yung pangalan ni Ayan, tumingin si Freelie sa akin.
"Ayan."
"Freelie, give the phone to her" tapos yung ibang sinabi niya, hindi ko na
naintindihan.
"Ayan, mag-alaga ka na lang. Huwag ka nang tumawag, sayang ang load ako lang din
ang sasagot. Saka pagbalik ko, umuwi ka na nga kina-mama. Ang kulit mo. Bye!"
7:00 na yata kami nakarating ng bahay. Niyayaya ko pa nga siya kung gusto niyang
pumasok kpero hindi na siya pumayag at uuwi na rin daw siya kaagad. Baka daw kasi
kung anong kababalaghan ang ginawa ni Ayan sa anak niya. Kinuha naman ni Freelie
yung number ko.
Hinintay ko lang siya hanggang sa makaalis. Nauna na si daddy sa akin. Nakita niya
babae yung naghatid kaya medyo ok lang sa kanya. Tinanong lang niya kung sino. Nung
sinabi kong si Freelie na kapatid ni Ayan, hindi na nagtanong.
Maya-maya lang, naramdaman ko na nag-vibrate yung phone ko. Si Freelie pala. Binasa
ko lang yung text niya. 'Ang bagal talaga ni Ayan!'
Hindi ko naman na nireplyan si Freelie doon sa text niya. Wala naman akong
sasabihin eh. Ang kasunod ko namang naka-text eh si Ren. Sinabi lang niya sa akin
na next week na pala ang exams. Hindi ko nga alam. Lagi kasi akong nawawala sa
klase. Tapos ang nakakainis pa, kulang pa yung notes ko sa Chemistry, Physics, TLE
at Values.
Siguro dapat nga hindi ko na problemahin yung Values. Tiyak konti lang naman ang
rereviehin doon. Problemahin ko na lang yung tatlo. Sa TLE kasi, nakakainis at
Electricity pa ang topic. Ano namang alam ko sa mga electrical symbols?
Nahihiya naman akong pumunta sa bahay nila Joyz bukas at hiramin yung notes niya.
Tiyak kasi magrereview rin yun. Siguro nga sa Sunday na lang ako pupunta para
manghiram. Tiyak naman siguro tapos na niya yung mga yun.
Nung nagising ako ng Saturday, isa lang ang nasa isip ko... REVIEW. Feeling ko kasi
papalpak ang grades ko kasi naman hindi na ako nakakapag-aral masyado. Wala ka na
nga sa klase kulang pa yung notes. Naman!
Inuna ko na yung English dahil madali. Wala namang masyadong rereviewhin doon dahil
hindi naman nagtuturo yung teacher ko doon. Ang mahirap na part lang siguro ng
English eh yung mga old engligh poetry na pinapabasa niya sa amin. Kaya ako naman
kahit may pagka-bookworm eh naboring din.
Sa Geometry naman ako tumagal. Ang hirap yatang magsaulo ng mga Axioms, Postulates
at Theorems. Bwisit nga eh! Naaalala ko pa yung sabi ng teacher ko dito: 'Geometry
is really important. Remember the Egyptians used it to build the pyramid.' Ewan ko
naman kung totoo. At kung totoo man, wala naman akong pakialam eh.
Dahil hindi ko pa rin tapos yung Geometry ko at talagang dalawang oras na rin
siguro ako doon, nagpahinga na lang ako saglit. Parang purgang-purga na yung utak
ko sa kakasaulo. Tinignan ko naman yung cellphone ko, no text messages, walang
calls. No new stuff at all. Kakalungkot nga eh, wala man lang nakakaalala. Siguro
katulad ko busy rin sila sa pagrereview. Sabay-sabay naman kasi ang buong South.
Sunday. Naisipan kong puntahan na si Joyz sa bahay nila. Ayos lang naman kay Daddy
dahil kilalang-kilala naman na niya si Joyz. Sabi ko hindi ko alam kung matatagalan
ba ako o ano dahil kapag nagakaroon ng kung anong pag-uusap pa eh tiyak... oras ang
aabutin.
Pagkadating ko sa bahay nila, seryoso daw si Joyz sa taas. Seryoso talaga kami
pagdating sa mga exams, may maintaning grade kasi kami sa school. Umakyata naman
ako sa kwarto niya at nakita kong nakaupo siya doon sa study table.
"Hey Hally! Buti dumating ka. Boring na boring na nga ako eh. Wala na ngang
pumapasok sa utak ko sa Noli. Kakabwisit naman kasi bakit ganito yung pagka-makata
ni Rizal!"
"Syempre yung mga first day exam. Monday, Wednesday. Friday ang exam eh. Hindi mo
ba nakopya?"
"Huh! Bakit naman ganyan! Sa first day English pa lang narereview ko. Kulang pa
yung notes ko sa Physics and Chemistry. Filipino, hinid ko pa nababasa yung Noli.
Patay na ko nito!" sabay humiga ako doon sa kama niya.
"Thanks Joyz. Maaga na lang siguro akong papasok bukas para mag-last minute review
sa Physics."
Bumalik na ako sa bahay at nireview ko yung Filipino. Pagkatapos nun, yung kalahati
eh chemistry. Pumunta pa kasi kami sa church ni Daddy. So far, si Charlie at Ayan
lang ang nakita kong nandun.
Nung Monday na, kabadong-kabado naman ako. Physics. Kailangan kong reviewhin yun
dahil napakalaking unit nun sa amin eh. Maaga talaga akong pumasok para
makapagreview nga. Yung mga classmate ko naman ang dadamot at binabasa pa raw nila
yung Physics nila. Lumabas na lang ako at naupo doon sa bench. Dinala ko yung
Chemistry notebook ni Joyz. Patay na talaga ako nito. Unang-una pa man din yun.
May lumabas naman doon sa kabilang room. Si Charlie. Kinausap niya yung classmate
niya na nasa labas din tapos tumingin sa akin. Nagpaalam yata saglit doon at umupo
sa tabi ko.
"Ready ka na sa exams?"
"Bakit?"
"Paano ba naman sa dinami-dami ng hindi ko marereview yung una pang exam. Physics.
Kulang kasi notes ko doon eh."
"Really? Pahihramin kita ng notes ko. Kumpleto yun. Parehas naman tayo ng teacher."
Pumasok siya ulit doon sa room nila. Lumabas na may dalang notebook. Plain green
nga lang at walang design. Inabot niya sa akin.
"Bakit naman?"
"Puyat na naman yata yun. Natutulog sa classroom namin ngayon. Ewan ko kung nag-
review na siya. Kadalasan kasi kapag narinig na niya yung teacher na nagpapasa ng
test, saka lang siya nagbubukas ng notebook."
Umalis naman na si Charlie para daw hindi niya ako maistorbo sa pagrereview.
Binuksan ko naman yung notebook niya. Talaga ngang ordinaryong guy lang din siya.
Paano ba naman kagaya nung iba, hindi rin maganda ang handwriting. Hay naku Hally!
Namintas ka pa. Nakikihiram ka na nga lang. Pero syempre, naiintindihan ko naman
yung sulat niya. It's the thought that counts yata.
Nung nag-alarm na para sa time namin, pumasok na ako dala-dala yung notebook.
Napansin pa nga ni Joyz na notebook ni Charlie yung dala ko, kaya kung ano na
namang paghihinala ang ginawa.
Pagkatapos nun... start na ng exam. At syempre, ginawa ko lahat ng kaya ko. Lahat
ng laman ng utak ko. Kung meron man!
1 Hour Lunch Break. Balak kong umuwi ng bahay at doon na lang yata kumain. Kaya
lang ganun din naman at magluluto ako. Kung sa school, bibili na lang ako at ready
yung pagkain. Dapat nga siguro sa school na ako kumain, pero ako naman na pasaway
eh uuwi pa rin.
"Uuwi ka?"
"Tara na kasi."
Hinila naman ako ni Raymond sa loob. Kinuhanan pa nga ako ng upuan eh. Naalala ko
yung notebook ni Charlie. Nilabas ko naman na at nilapag ko sa ibabaw ng table.
"Bro, alam naman namin na kaibigan mo rin siya. Alam na ni Charlie yun. Hindi mo na
kailangang problemahin yun."
Out of place naman ako. Kung ano man yung sinasabi nila kay Ayan, it is best not to
ask.
"Siguraduhin mo lang."
"Saan ka pupunta?"
"Alis na ako."
Sa katunayan, iniwan nila kami ni Charlie. Hindi ko alam kung may problema ba si
Ayan dahil hindi man lang siya nagsasalita ngayon. 'Bye' nga lang ang sinabi niya
sa akin eh.
Tinignan ko naman si Charlie. Tatanungin ko sana, 'wag na lang. Nginitian lang niya
ako.
Umorder naman siya. Naghintay lang kami saglit para doon sa pagkain. Ako naman,
nanahimik lang doon.
"Tingin ko. Wala naman yata akong gagawin.Tapos naman na yung exams. Bakit?"
"Ano yun?"
Tumingin naman siya sa mata ko. Seryoso na nakangiti si Charlie. Gulo ko!
"Aahhh..."
"Kasi..."
"Sa ibang araw na nga lang..." sabi niya tapos naghiwa na siya nung kinakain niya
Southern High
***41***
Hindi ko na lang pinansin si Charlie. Paano ba naman, hindi na rin niya tinuloy
yung sasabihin niya. Hindi rin naman ako manhid para hindi ko mapansin na may
kakaiba. Si Ayan minsan weird na nga umaarte pa ng weird ngayon. Si Charlie ganun
din. Kasama ko pang kumakain. Si Ramond naman... uhmmm... wala lang. Parang walang
nagbago. Normal pa rin yata ang mundo niya.
Si Charlie ang nagbayad nung kinain namin dahil sabi niya. Nakalibre na naman ako.
Ginawa lang namin yung dalawang test pa namin at syempre natapos din naman. Dahil
Tuesday bukas at walang test, wala akong balak magpaka- martir at mag-aral. Bukas
na lang siguro. Tiyak naman free day yun eh. As always.
Sinamahan ako ni Ren hanggang sa makarating sa bahay namin. Sabi niya in case na
mapilay na naman ako. Magaling naman na ako eh. Although may parts lang na masakit.
Tuesday. What a nice day! Paano ba naman, walang exams. Free day nga eh. Siguro
sasabihin niyo na dapat yung free day eh para sa pagrereview. Err, no. Free day is
free day. Wala kang gagawin kundi dumaldal, magpakalat-kalat sa school habang ang
mga teachers ay busy sa pagche-check at pag-grade ng test papers. Wala naman silang
pakialam sa amin eh, kami rin!
Halos pare-parehas talaga ang takbo ng pag-iisip ng mga teenagers. Kung makikita mo
ang South, karamihan eh nagpapakasaya lang. Akala mo walang mga problema sa exams
bukas. Meron din namang mga natira sa rooms para mag-aral. Syempre, ilan-ilan lang.
At ngayon, nasa field kami nila Ren. Nanonood ng walang kamatayang soccer. Amoy
damo na nga kami eh. Ayos lang. Mas masarap kasing umupo sa damuhan.
"Joyz, 'wag mong sabihing nag-aaral ka?!?" sabi ni Ren nung napansin niya na may
binabasang notebook si Joyz.
"Oo naman! Hindi mo ba alam bumaba na yung grade ko sa Physics. Malaking bagay na
yun no! Saka, wag ka ngang istorbo at busy nagbabasa yung tao eh."
Sumimangot lang si Ren. "Bumaba ng point zero five. Wow! Ang laking bagay!" tapos
tumingin siya sa akin
Nung medyo naiinip na ako sa kapapanood ng mga kabayo (kabayo dahil sipa ng sipa ng
bola), nag-paalam ako kina-Ren at sabi ko magpapakalat-kalat lang ako. Sasama nga
siya sana kaya lang ayaw rin niyang iwanan si Joyz. Sabi ko ok lang ako ng walang
company... yeah, ayos lang talaga.
Nasalubong ko naman si Ayan sa corridor. HAwak niya sa kanang kamay niya yung
cellphone niya at yung kaliwang kamay niya nasa bulsa. Syempre, hindi na naman ako
pinansin maliban sa isang napakahabang... 'Hi'.
Nakalagpas na rin ako sa kanya. May narinig akong sinabi niya sa sarili niya na
hindi ko naman naintindihan.
"Saan ka pupunta?"
Dire-diretso pa rin ako ng paglakad ko tapos kumanan na ako. Hindi ko siya nilingon
nung sinabi kong 'Sa open bleachers!'
Nung uminit na, umalis na ako doon. Pumunta na ako sa room ko. Nakita naman ako ni
Joyz.. kaya alam niyo na, ginulo na naman ang mundo ko.
Nakaupo lang kami sa classroom. BORING! Ayoko rin namang dumaldal. Kakapagod lang
yun.
Sa bench naman, hindi magandang view ang nakikita ko. Bukod sa naiirita na ako kay
Raymond kung paano makadikit doon sa babae na hindi ko naman kilala, dumagdag pa si
Ayan. May hawak kasi siyang gitara. Tapos yung isang babae na hindi ko nga kilala
at wla rin akong balak kilalanin eh mukhang tinuturuan siya. Tumutugtog din naman
siya. Hindi nga lang ganun kagaling. Drums ang talent niya kasi, hindi gitara.
Napansin ko na ngumiti si Ayan doon sa katabi niyang babae. Nilabas ko na lang yung
cellphone ko. Nakita ko na lang nakatayo siya sa harap ko.
Southern High
***42***
"Kanta?"
"Not really." tinignan niya yung gitara "But I have a better idea."
"Which is..."
Sinabi ko sa kanya yung kanta. Tapos nag-isip lang siya. Tinignan niya kung saulo
pa niya yata. Tapos tumugtog din siya. Nakangiti pa nga siya eh.
Wherever you go
Whatever you do
I will be right here waiting for you
Whatever it takes
Or how my heart breaks
I will be right here waiting for you
(chorus)
(chorus)
"Wow.."
"What?!"
"Wow ka diyan. Hindi ko lang alam baka mag-crack na yang ribs mo kakapigil lang na
'wag tumawa."
Binaba naman niya yun gitara. Napagod yata kasi kanina ko pa siya nakikita na
nandun sa tapat ng room nila na hawak yun.
"Kumusta nga pala exams mo?"
Hindi siya sigurado kung ok yung exams niya. Siguro dahil natutulog siya at hindi
nagrereview. Pwede rin namang sadya lang siyang matalino. O ang pinakahuli at
walang kwenta sa lahat, wala lang siyang pakialam kung anong result.
Nag-alarm naman na. Uwian na yata eh. Hindi ko nga rin alam na uwian na. Kanina
lang wish ko uwian na dahil bored na ako, pero ngayon parang gusto kong mag-stay sa
school.
"Uuwi... syempre."
Tinignan ko naman yung pagkakahawak niya doon sa wrist ko. Napansin din niya yata,
kaya binitawan na niya. Saka naman tumunog yung cellphone niya.
Text message yata kasi binasa lang niya. Hindi ko nga ma-explain yung expression ng
mukha niya.
"Sige pala, pupunta pa ako doon. Ingat ka na lang sa pag-uwi." sabay kinuha na niya
yung gitara."Nice voice.."
"Thanks..."
Lumakad na siya papunta doon sa room nila. Pinasok lang niya yung gitara at dala na
rin niya yung bag niya na mukhang walang laman. Nakuha ko na rin yung bag ko.
Lumapit pa nga siya ulit bago umalis...
"Kagaya nung kinanta mo kanina..." ngumiti lang siya "I will be right here waiting
for you..."
Pagkatapos niyang sinabi yun, tumakbo na siya bago ko pa na-work out yung sinabi
niya. I was stunned, but I felt different. This time, it's my turn to say...
Wow!
Southern High
***43***
Umuwi naman akong mag-isa nung araw na yun. Hindi ko kasabay sina Joyz at Ren. Nag-
iisip nga ako habang naglalakad tungkol doon sa sinabi niya, sana totoo na lang
yun.
Katulad ng mga ginagawa ko sa araw-araw kapag weekdays, ako na naman ang nagluto ng
pagkain dahil nga wla pa si Daddy. Pagkatapos nun eh naupo lang ako sa sofa at
nanood ng TV. Wala na naman akong load ngayon.
Nung wednesday naman, syempre natuloy na naman ang exam. Konti nga lang ang nabasa
ko kaya mabuti at may nasagot naman ako. Napagod na naman ang utak ko. Nakakainis
pa man din kapag ganun.
Ayan is back to normal. Siguro kung yan ang normal niya. Pinapansin na niya ako
uli, kinakausap at ngumingiti. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam yung dahilan
kung bakit nung isang araw eh nagkaganun siya. Kung ano man yun, siguro hahayaan ko
na lang muna.
Natuwa naman ako sa kanya nung dadaan ako. Tinawag pa nga ako. Dahil breaktime nun,
nakaupo yata siya sa upuan ng classmate niya malapit sa bintana. Tinawag niya ako.
Nung tinanong ko kung bakit, wala naman siyang ginawa kundi nag-wink. Dumeretso na
lang ako sa cafeteria.
Busy pa rin naman. May mga dalang notebook yung iba para siguro mag-review. Sa iba
naman, daldalan lang. Ako naman eh kakain kaya wala akong pakialam doon sa kahit
ano na yun. Kasama ko si Joyz at Ren doon. Nauna lang sila sa akin kaya wala akong
kasabay.
Wala namang masyadong mahalagang nangyari nung araw na iyon maliban na lang sa
nakasabay ko si Charlie umuwi. Actually tatlo kami, papunta kasi siya kina-Joyz.
Nung lalakad na ako simula kay Joyz, hinatid na rin niya ako hanggang sa bahay
dahil malapit naman na daw.
Thursday. Maaga akong nagising dahil gusto kong maaga dumating sa school. Walang
exams. Ewan ko ba sa sarili ko kung bakit napag-tripan ko na ganito kaaga pumasok.
Siguro may kung ano na namang pumasok dito.
"Hindi ka giniginaw?"
"Nagpunta ako sa Dance room. Pinakinggan ko yung tugtog na ilalaban namin. Hindi ko
pa kasi alam na pinalitan nila." tapos saka ko lang napansin na may arm warmer siya
sa magkabilang kamay. Medyo natatakpan yung dulo ng polo niya. Cute din tignan, red
and black ang kulay.
Hindi naman niya sinagot yung tanong ko kundi ang sinagot niya eh..
"Kung giniginaw ka, may dalawa pa akong arm warmer sa bag. New ones. Teka kukunin
ko.."
Pumasok siya doon sa room nila. Yung room kasi nila eh bukas na unlike yung sa
amin. Lumabas siya na may dalang dalawang arm warmer. White and black.
Nahihiya pa ako nung una pero dahil sa maginaw talaga, ginamit ko rin. Tinignan ko
pa nga yung nakalagay na carton doon sa plastic. Bago pa nga. Nakalagay eh.. P150.
Huh?!? Ito lang ganun na yung presyo? Tela lang? Pero syempre, cute naman.
"Hindi, isosoli ko talaga." Ayoko naman, matapos kong makita yung presyo doon sa
likod.
Kung makikipagtalo ako sa kanya, tingin ko hihinto lang kami sa conclusion na ayaw
na niyang tanggapin. Kaya nag-thank you na naman ako. First arm warmers ko. Hindi
naman kasi ako bumibili nun.
"Gusto mong manood? Doon ka muna sa room namin kaysa nag-iisa ka lang dito."
"Ok."
Pagpasok ko sa room nila, nakagilid lahat ng upuan. Aayusin na lang daw nila bago
mag-time. Ganun daw kasi ginagawa nila. Naisip ko naman, sana sa Dance Room na lang
sila nag-practice.
Nanood lang ako doon. Ang bilis na naman nung tugtog. At ano pa bang nakita kong
pinag-gagagawa niya? Syempre break dancing moves.Yung mga moves na parang mababali
na ang mga buto nila. Nag-windmill dance si Ayan. Shocking pero nakakatuwa.
"Ayoko."
"Sige na Hally..."
Syempre, hindi pa rin ako pumayag. Wala akong alam diyan. Magmumukha lang akong
ewan. Nahulog pa nga yung wallet ni Ayan.
"Oh yeah, nakalimutan kong ipakita sa 'yo 'to dati.."
"Ang alin?"
Binuksan niya yung wallet niya. May picture siyempre. Feeling ko namula yata o
biglang uminit yung mukha ko. Nanduon kasi yung picture namin nung DAnce na naka-
akbay pa siya sa akin.
"Cute no."
Dahil nga pulang-pula na yung mukha ko nun, tuwang-tuwa talaga ako nung eksakto
namang nagsidatingan yung mga classmates nila. At least hindi niya nahalata kasi
tumingin siya sa pinto. Pagkatingin ko rin sa bintana, naglalakad na papunta ng
room namin yung classmate ko na nagdadala ng susi. Ako naman, nagpaalam na ako kaya
nakaalis na rin ako doon.
Gosh, ThatWasClose!
Katulad nung Tuesday, wala namang masyadong nangyaring maganda kundi nagdaldal lang
ako ng nagdaldal dahil wala ngang klase. Last day na ng exams bukas kaya nakakatuwa
at makakaraos na rin. Sana nga matapos na talaga yan at hindi na talaga kakayanin
ng brain ko. Baka sa sobrang pagod bigla na lang maggive-up. Kawawa naman si Hally!
Friday. Nung gumising ako kaninang umaga eh parang iba yung pakiramdam ko. Medyo
kinakabahan na kung ano. Hindi ko alam kung bakit pero nung naisip ko na exams nga
pala, siguro yun na yun. Pero naisip ko lang, hindi naman normal sa akin na kabahan
sa exams. Oh well.. ewan ko.
Mahirap na naman yung exams. Idagdag mo pa na hindi ko binasa yung lessons ko doon
dahil ang dahilan ko sa sarili ko eh nareview ko na nung weekdend at bakit ko pa
uulitin. Kung bumaba man yung grades ko, e di kasalanan ko.
Hindi naman ako umuwi ng bahay nung lunch at sa school ako kumain. NAkasabay ko si
Ren at Joyz sa cafeteria. Lumapit pa nga si Charlie sa table namin nung kumakain
kami.
Binati rin namin sila. Dala niya kasi yung tray niya. Tapos na siyang kumain dahil
itatapon niya na yata at aalis din naman siya kaagad.
Napaisip naman ako. Anong meron mamaya? Napansin yata ni Charlie na puzzled ako
kaya sinabi niya na...
Saka ko naman na naintindihan. Yeah, that party thing na hindi ko naman alam para
kanino. Pero yung mga pinagsasasabi ni Charlie, hindi pa kasi diretsuhin.
"Kung gusto niyo sumama mamaya, may party kasi kami eh."
"Party? Para saan?" tapos tumingin siya kay Ren. "Ano Ren, punta tayo?"
Isa pa yun sa nakalimutan ko. May program nga pala sa school ngayon. Si Joyz at Ren
eh kasama sa mga in-charge. Hindi ako nakasama nun kasi nakausap na sila nung
injured ako. In short, hindi sila makakasama mamaya. Sayang.
"Ok. Pero kung gusto niyong sumama ayos lang. Una na pala ako.. Bye."
Nung afternoon hours na, nag-exam lang kami sa dalawa pa naming subject then
daldalan na. Naunang umalis sina Joyz at pupunta na daw sila sa Auditorium. Sabi
nila, meron daw guest speaker ang school. Bwisit. Naboring ka na nga sa exam,
ngayon naman makikinig ka pa sa isang guest speaker na magsasalita para sa 'self
respect'.
Madilim na rin nung natapos yung program. Alam ko 6 o clock something na. Sumabay
na ako sa classmates ko maglakad. Nasa room pa kasi yung mga bag namin. Dahil
pakaliwa yung room namin, kumanan muna ako sa mga locker para kunin ko yung ibang
gamit ko. Bigla namang nag-vibrate yung phone ko.
Sender:
Charlie
hally, sn k n? pnta k d2 s rum nmin
Akala ko pa man din uuwi na ako. Kumokonti na ang tao nun sa school. Nagsisiuwian
na lahat. Hinintay ko muna mag-clear yung hallway para makadaan ako. Tinext ko lang
si Charlie na hintayin lang ako at pupunta na ako sa room nila.
"SA room namin. Tinext ako ni Charlie eh. Ewan ko ba dun sa mga yun, may party
daw."
Nagulat naman ako doon sa sinabi niya. Hindi rin niya alam? Bakit... bakit ganun?
"Kasama ka rin?" sabi niya at saka ko lang napansin na hawak din niya yung phone
niya kaya mukhang nagtetext din.
"Yeah."
Kakalakad namin habang nag-uusap, saka lang namin napansin na malapit na pala kami
sa room nila. Maliban sa office ng mga teachers, room lang nila ang may ilaw. Ang
dilim na at konti na lang ang natitirang estudyante sa school. Kasama na kami doon.
"Tara.."
Sabay pa kaming pumasok doon sa room nila. Nakita ko naman si Charlie at Raymond na
nakaupo sa table. May dalawa pang babae doon sa loob. Mukhang hinihintay pa kami.
Pero nakatayo pa lang kami doon sa pintuan eh nagulat na lang ako..
"Vince!"
Tapos nakita ko na lang yung babae na tumayo at mabilis na lumapit kay Ayan sa
pinto. Yumakap pa nga siya. Mukhang mas gulat pa si Ayan sa akin. Tapos nakita ko
na tinapik din niya yung likod.
Ako naman, natanim na yata yung paa ko doon kakatayo. Umalis na lang ako doon sa
pintuan nung tinawag ako ni Charlie na umupo doon sa upuan sa tabi niya. Ano ba
'to?
"Nung Sunday lang ako dumating. Ang tangkad mo na at ang guwapo mo!" sabi nung
Rachel na tuwang-tuwa na makita si Ayan. Idagdag mo pa na Vince ang tawag niya.
"Hally, kakain lang tayo sa Hard Rock. Anim tayo. Si Raymond at Mica, ako at ikaw,
si Ayan at Rachel."
"Ooh.." wala akong masabi, kaya yun na lang ang nabanggit ko.
"O ano, alis na tayo. Nagugutom na ako. I-celebrate na natin ang pagdating ni
Rachel..." sabi ni Raymond for the first time na narinig ko siya...
Lumabas na kami ng room nila at aalis na yata. Parang ayoko ng sumama. Bakit ba
nakasali ako dito? Sana noon pa lang sinabi ko na busy ako ngayong Friday kahit
hindi. Sarado na rin yung room namin kaya hindi ko na nakuha yung bag ko.
Nasa unahan si Ayan at yung Rachel. Kami namang apat eh nasa likod.
Hindi ko alam kung tatawa o ngingiti lang si Raymond. Weird nga eh. Kaya lang sana
hindi na lang ako nagtanong kung ayoko rin naman malaman yung sagot...
"Rachel is..."
Parang may kung anong bumigat sa dibdib ko na para bang hindi ako makahinga. Hindi
ko alam kung bakit nagiging affected ako kapag tungkol kay Ayan nitong mga huling
araw. Siguro nga alam ko na rin yung sagot doon sa sarili ko at ayoko lang talagang
aminin. At ayoko rin na may magsabi sa akin, baka ma-confirm lang kung ano ba
talaga si Ayan sa akin.
Siyempre, sumakay kami ng jeep. Ang ayos namin sa pagkakaupo eh ganito: si Rachel
tapos si Ayan, then si Charlie, na katabi naman eh ako, at sa kanan ko na katabi ko
eh si Raymond then si Mica. Isa lang ang alam ko papunta pa lang kami, gusto ko ng
umuwi.
Tinext ko lang si Daddy. Ayos lang naman sa kanya dahil Friday na. Napakaluwag
naman talaga ng Daddy ko paminsan-minsan. Sana nga ngayon na lang siya naghigpit
para naman may dahilan akong umuwi. Kaya lang sa kaso ngayon, mukhang malabo.
Pagkadating namin sa Hard Rock, hindi ko pa rin alam kung ano ba ang sasabihin ko.
Ang dami nga ring tanong sa isip ko eh. Ten things na ang alam ko ngayong gabi.
Anu-ano yun? Una, yung party pala na ito eh para kay Rachel dahil sa pagdating
niya. Pangalawa, ang bigat ng pakiramdam ko. Pangatlo, Rachel is Ayan's you-know-
what. Pang-apat, ang bigat ng pakiramdam ko. Panlima, magkatabi na sila sa school
pa lang. Pang-anim, ang bigat ng pakiramdam ko. Pampito, partner thingy pala ito at
si Charlie ang kasama ko. Pang-walo, ang bigat ng pakiramdam ko. Pang-siyam, hindi
pa ako kinakausap ni Ayan simula kanina. At panghuli sa lahat... nasasaktan ako.
Nag-order lang sila. Dahil wala na rin ako sa mood, hinayaan ko na lang si Charlie
na umorder para sa akin. Sabi ko kasi kung ano yung sa kanya yun na rin ang sa
akin. Kaya parehas kami ng pagkain.
"Ayos lang. Naaalala niyo umalis ako dahil may business yung Daddy ko doon? Ayoko
nga sanang umalis noon kaya lang ayoko namang malayo rin sa kanya. Nalungkot nga
ako noon eh."
Napansin ko naman si Ayan na nakatingin lang doon sa gilid ng table. Madilim pero
napansin ko.
"Ha.. ano kasi..." kumagat ako doon sa pizza "Syempre hindi ko pa naman siya kilala
kaya wala akong masabi.. alam niyo na.. di ba.."
Parang ninenerbiyos ako na di ko maintindihan. Aircon! Ang init! Pwede bang laksan
yung aircon?!?
Nung ginawa niya yun, that's the time na tumingin si Ayan sa akin. Pero nung nakita
ko, iniwas niya yung tingin niya.
"Ooh..." sabi niya. "Hinihintay ko pa yung records ko eh. Sabi kasi sa school ko,
hindi nila ibibigay yung records. School to school request daw. Nung una gusto ko
sa North uli mag-aral..."
"Hey Raymond, kainin mo na yung pizza mo ang lamig na niyan.." buti pa si Mica,
walang problema.
Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin at biglaan na lang akong tumayo sa
pagkakaupo ko. Nagtinginan nga silang lahat sa akin eh. Naman Hally! Bakit ba hindi
mo maiwasang mag-attract ng atensiyon? O baka nama hindi mo lang gusto yung
naririnig mo?
"Hally, bakit?"
"Ano.. pupunta pala ako ng CR.." then, ginawa ko yung bagay na hindi ako
magaling... I faked a smile.
"O sige..."
Papaalis pa lang ako doon sa table namin kaya lang may narinig ako...
Binilisan ko naman yung paglakad ko papunta ng CR kahit papaano eh parang ayoko rin
naman siyang makasabay. Ang laki ng problema ko no?!? Sabagay malaki nga. Hindi ako
lumingon sa likuran ko kung gaano kalayo siya na sumusunod sa akin papunta ng CR.
Ang nakakainis lang, bakit ba kasi kailangan sa iisang side ang CR. Pwede namang
dito yung sa babae, sa kabila naman yung sa lalaki.
Sa totoo lang, wala naman talaga akong gagawin sa CR. Hindi naman ako magreretouch
ng make-up dahil hindi naman ako nakamake-up in the first place. Hindi rin naman
ako naiihi. Kaya lang naman ako pumunta rito kasi hindi ko nga gusto yung mga
naririnig ko.
Dahil mauuna yung CR ng babae sa lalaki, nauna akong pumasok doon sa amin. Lumagpas
si Ayan sa Cr ng babae. Obvious ba, lalaki siya. At feeling mo naman Hally sinundan
ko niya! Asa ka! Sinabi ngang sa CR talaga ang punta niya.
Pumasok ako doon sa isang cubicle. Tumayo lang ako doon. Sa Hard Rock, loob lang
yata ng CR ang maliwanag. Kapag lumabas ako mamaya madilim na naman. Sumandal ako
doon sa pintuan. Sana talaga nakauwi na ako. Bakit ba kasi nakasama ako dito? Kung
hindi naman ako kasama dito hindi ko naman malalaman lahat. Siguro dapat wala akong
alam at normal pa rin ang pag-iisip ko. Makikita ko lang si Rachel na darating at
wala akong clue.
Siguro dapat hindi na lang kami nagkapalit ng phone simula't simula pa lang. At
least kung hindi nangyari lahat hindi naman ako magiging involved sa kanila. Tama,
yun siguro. Kaya lang kahit anong sabihin ko nangyari pa rin eh... at nandito na.
Lumabas ako doon sa cubicle kahit na tumayo lang ako doon. Buti na lang walang tao
dito. Tumapat ako doon sa salamin at tumingin lang sa sarili ko. Hally, 'wag kang
iiyak. Huwag kang iiyak... 'wag ngayon...
Inayos ko lang yung buhok ko at lumabas na ako. Papabalik na ako sa torture table.
Kumanan na ako.
"Bakit naman?!?"
"Gusto ko lang. Kung ok sa 'yo, pwede bang 'wag ka munang bumalik doon."
"All right."
Saka ko lang napansin yung posisyon niya. Hindi naman siya nakatingin sa akin kundi
nakaupo siya doon sa upuan sa labas ng CR. Nakatingin lang siya sa sahig kaya nung
umupo ako doon sa tabi niya saka lang siya lumingon.
"I don't.Have.A.Question."
Tinignan lang niya ako na hindi ko alam kung anong ibig sabihin. Sumunod na lang na
alam ko, nagkukuwento na siya.
"Nakilala ko si Rachel since elementary. Grade 5 kung tama ako. She happened to be
my close friend back then. Siya ang kadalasan kong kasama nun. Fortunately, I never
told her that I kinda' like her. Hindi naman ako sigurado nun. At ayokong ring
sabihin sa kanya dahil baka masira nga yung friendship namin."
"Just listen."
Ok.. Master.
"Grade six na ako nung nalaman nila Charlie. Puppy love kung sabihin nga nila.
Yeah, naniniwala rin naman ako. Pero yung puppy love na sinasabi nila eh hindi
tumatagal. I noticed that I still like her even when we got to Northern High. First
year high school." he looked at me... sana nga hindi na lang niya ginawa.
Kanina lang wala akong tanong at ayoko ngang makinig... pero ngayon...
"Hindi ako gumawa ng move. Si Freelie, si Charlie, si Raymond, even my Dad told me
na mabagal daw ako. Sasabihin ko na sa kanya nun, pero inunahan niya ko. Christmas
that same year. Still, I didn't tell her about what I felt for her. Finally when I
decided to court her, she just started crying in front of me. Yun yung time na
sinabi niya sa akin na aalis na siya. I felt bad. Really bad."
"Ooh." Ngayon, hindi ko alam kung dapat ba akong masaktan para sa sarili ko.
"And then I met you. Naging kaibigan din kita." tapos huminga siya ng malalim.
Nagsimula na akong umiyak nun. Parang may kung ano siyang sinabi na nasaktan ako.
"Umiiyak ka?"
Sabi ko na sa 'yo Hally i-save mo na yung mga yan para mamaya. Kapag ikaw na lang
sa kwarto mo. Bakit hindi mo kinaya?
Hindi ko naman na tinapos yung sinabi niya. Npagod na ako sa mga nalalaman ko.
Tumunog naman yung cellphone ko. Hindi ko na nga masyadong mabasa dahil blurred na
yung paningin ko. Nakita ko yung pangalan ni Ren.
"Be Happy. She's back. Dapat 'di ka na magpakabagal." kahit umiiyak ako pinilit
kong ngumiti.
Nagsinungaling na naman ako. Pero ngayon, kailangan na talaga eh. Binilisan ko yung
lakad ko pabalik doon sa table. Narinig ko pa nga si Ayan na tumatawag nun, pero
sumunod na rin siya sa akin. Dahil madilim, hindi na rin nila siguro ako
mapapansin.
"Hindi 'wag--."
Lumabas na kami ng Hard Rock. I doubt na napansin ni Charlie na umiiyak na ako nun.
Nakasakay na nga kami ng jeep nun eh. Wala pa naman akong adalang panyo ngayon. Ang
hirap magpunas ng luha.
Nakayuko ako nung bumaba kami ng jeep. Hindi naman nagtanong si Charlie. Hindi ko
nga rin alam kung bakit hindi siya nagtanong. Siguro dahil malakas yung tugtog nung
driver. Nung nasa kanto na kami at lalakad kami pauwi ng bahay saka lang niya ako
napansin.
Lalo lang akong umiyak nun. Seryosong-seryoso kasi yung mukha niya na para bang
alalang-alala siya. Bihira ko kasi makita si Charlie na ganun.
"I know you need this..." sabi niya habang naglalakad kami. "Eto ang panyo oh..."
Umupo naman kami doon sa may bato sa tapat namin. Tumabi lang siya sa akin.
"Ok lang naman ako."
"I don't think so. Aalis lang talaga ako kapag ok ka na talaga."
Dahil hindi talaga niya gustong umalis, wala na akong gumawa. Nagtuluy-tuloy na
lang yung luha ko nung sinabi niyang...
"You can have my shoulder to cry on. I think you really need it"Binilisan ko naman
yung paglakad ko papunta ng CR kahit papaano eh parang ayoko rin naman siyang
makasabay. Ang laki ng problema ko no?!? Sabagay malaki nga. Hindi ako lumingon sa
likuran ko kung gaano kalayo siya na sumusunod sa akin papunta ng CR. Ang
nakakainis lang, bakit ba kasi kailangan sa iisang side ang CR. Pwede namang dito
yung sa babae, sa kabila naman yung sa lalaki.
Sa totoo lang, wala naman talaga akong gagawin sa CR. Hindi naman ako magreretouch
ng make-up dahil hindi naman ako nakamake-up in the first place. Hindi rin naman
ako naiihi. Kaya lang naman ako pumunta rito kasi hindi ko nga gusto yung mga
naririnig ko.
Dahil mauuna yung CR ng babae sa lalaki, nauna akong pumasok doon sa amin. Lumagpas
si Ayan sa Cr ng babae. Obvious ba, lalaki siya. At feeling mo naman Hally sinundan
ko niya! Asa ka! Sinabi ngang sa CR talaga ang punta niya.
Pumasok ako doon sa isang cubicle. Tumayo lang ako doon. Sa Hard Rock, loob lang
yata ng CR ang maliwanag. Kapag lumabas ako mamaya madilim na naman. Sumandal ako
doon sa pintuan. Sana talaga nakauwi na ako. Bakit ba kasi nakasama ako dito? Kung
hindi naman ako kasama dito hindi ko naman malalaman lahat. Siguro dapat wala akong
alam at normal pa rin ang pag-iisip ko. Makikita ko lang si Rachel na darating at
wala akong clue.
Siguro dapat hindi na lang kami nagkapalit ng phone simula't simula pa lang. At
least kung hindi nangyari lahat hindi naman ako magiging involved sa kanila. Tama,
yun siguro. Kaya lang kahit anong sabihin ko nangyari pa rin eh... at nandito na.
Lumabas ako doon sa cubicle kahit na tumayo lang ako doon. Buti na lang walang tao
dito. Tumapat ako doon sa salamin at tumingin lang sa sarili ko. Hally, 'wag kang
iiyak. Huwag kang iiyak... 'wag ngayon...
Inayos ko lang yung buhok ko at lumabas na ako. Papabalik na ako sa torture table.
Kumanan na ako.
"Bakit naman?!?"
"Gusto ko lang. Kung ok sa 'yo, pwede bang 'wag ka munang bumalik doon."
"All right."
Saka ko lang napansin yung posisyon niya. Hindi naman siya nakatingin sa akin kundi
nakaupo siya doon sa upuan sa labas ng CR. Nakatingin lang siya sa sahig kaya nung
umupo ako doon sa tabi niya saka lang siya lumingon.
"I don't.Have.A.Question."
Tinignan lang niya ako na hindi ko alam kung anong ibig sabihin. Sumunod na lang na
alam ko, nagkukuwento na siya.
"Nakilala ko si Rachel since elementary. Grade 5 kung tama ako. She happened to be
my close friend back then. Siya ang kadalasan kong kasama nun. Fortunately, I never
told her that I kinda' like her. Hindi naman ako sigurado nun. At ayokong ring
sabihin sa kanya dahil baka masira nga yung friendship namin."
"Just listen."
Ok.. Master.
"Grade six na ako nung nalaman nila Charlie. Puppy love kung sabihin nga nila.
Yeah, naniniwala rin naman ako. Pero yung puppy love na sinasabi nila eh hindi
tumatagal. I noticed that I still like her even when we got to Northern High. First
year high school." he looked at me... sana nga hindi na lang niya ginawa.
Kanina lang wala akong tanong at ayoko ngang makinig... pero ngayon...
"Hindi ako gumawa ng move. Si Freelie, si Charlie, si Raymond, even my Dad told me
na mabagal daw ako. Sasabihin ko na sa kanya nun, pero inunahan niya ko. Christmas
that same year. Still, I didn't tell her about what I felt for her. Finally when I
decided to court her, she just started crying in front of me. Yun yung time na
sinabi niya sa akin na aalis na siya. I felt bad. Really bad."
"Ooh." Ngayon, hindi ko alam kung dapat ba akong masaktan para sa sarili ko.
"And then I met you. Naging kaibigan din kita." tapos huminga siya ng malalim.
Nagsimula na akong umiyak nun. Parang may kung ano siyang sinabi na nasaktan ako.
"Umiiyak ka?"
Sabi ko na sa 'yo Hally i-save mo na yung mga yan para mamaya. Kapag ikaw na lang
sa kwarto mo. Bakit hindi mo kinaya?
"And now she's back. Siguro hindi na rin magiging mahirap para sa akin..."
Hindi ko naman na tinapos yung sinabi niya. Npagod na ako sa mga nalalaman ko.
Tumunog naman yung cellphone ko. Hindi ko na nga masyadong mabasa dahil blurred na
yung paningin ko. Nakita ko yung pangalan ni Ren.
"Be Happy. She's back. Dapat 'di ka na magpakabagal." kahit umiiyak ako pinilit
kong ngumiti.
Nagsinungaling na naman ako. Pero ngayon, kailangan na talaga eh. Binilisan ko yung
lakad ko pabalik doon sa table. Narinig ko pa nga si Ayan na tumatawag nun, pero
sumunod na rin siya sa akin. Dahil madilim, hindi na rin nila siguro ako
mapapansin.
"Hindi 'wag--."
Lumabas na kami ng Hard Rock. I doubt na napansin ni Charlie na umiiyak na ako nun.
Nakasakay na nga kami ng jeep nun eh. Wala pa naman akong adalang panyo ngayon. Ang
hirap magpunas ng luha.
Nakayuko ako nung bumaba kami ng jeep. Hindi naman nagtanong si Charlie. Hindi ko
nga rin alam kung bakit hindi siya nagtanong. Siguro dahil malakas yung tugtog nung
driver. Nung nasa kanto na kami at lalakad kami pauwi ng bahay saka lang niya ako
napansin.
Lalo lang akong umiyak nun. Seryosong-seryoso kasi yung mukha niya na para bang
alalang-alala siya. Bihira ko kasi makita si Charlie na ganun.
"I know you need this..." sabi niya habang naglalakad kami. "Eto ang panyo oh..."
Dahil kailangan ko na talaga, tinanggap ko naman. Hanggang sa makarating kami ng
tapat ng bahay namin eh umiiyak pa rin ako. Pinapanood niya ako siguro na umiiyak
sa harap niya.
Umupo naman kami doon sa may bato sa tapat namin. Tumabi lang siya sa akin.
"I don't think so. Aalis lang talaga ako kapag ok ka na talaga."
Dahil hindi talaga niya gustong umalis, wala na akong gumawa. Nagtuluy-tuloy na
lang yung luha ko nung sinabi niyang...
"You can have my shoulder to cry on. I think you really need it"
Southern High
***47***
Tinotoo nga ni Charlie yung sinabi niya. Hindi talaga siya umalis doon sa amin.
Matangkad din siya kaya lang mas matangkad lang si Ayan ng konti. Sumandal ako doon
sa balikat niya gaya ng sabi niya. Umiyak lang ako doon. Ngayong gabi lang na ito
ang dami ko ng atraso sa kanya. Binasa ko na nga yung panyo niya, binasa ko pa yung
polo niya. Hanggang ngayon kasi naka-uniform pa kasi kami parehas.
Nakabuti naman na umiyak ako. Sabi nga nila mas nakakagaan sa pakiramdam kapag
nilalabas mo. Siguro ang pula-pula na ng mata ko kakaiyak. And that is not a good
thing.
"Sorry ha, binasa ko yung polo mo." sabi ko habang nakayuko. Ayoko kasing ipakita
yung mukha ko sa kanya eh.
"Ok lang."
"Sorry din dahil basang-basa na yung panyo mo. Ibabalik ko na lang sa Monday.
Lalabhan ko."
Nakatingin pa rin ako doon sa semento. Hinarap pa nga niya ako sa kanya para
tumingin sa kanya.
"Hally, ok lang. Hindi mo kailangang mag-sorry sa kahit ano. Huwag mong intindihin
yung mga yan. Ang mahalaga, maging ayos ka."
Now I have a better reason why I like him before. Better reason than physical
appearance.
Kung tama ako, ito yung unang beses na napangiti ako ngayong gabi na totoo talaga.
"Yeah! Nasa gate na ko, kaya ko na hanggang sa pinto. Basta ingat ka ha."
Hindi ko pa madalas ginagawa ito sa mga lalaki. Maliban na lang siguro kay Daddy,
kay Ren o kaya yung mga close sa akin. At lalung-lalo na hindi ko rin talaga
planong gawin kay Charlie. Pero, he's really nice. That's why...
I hugged him.
"Sige pala, uuwi na rin ako. Huwag ka ng iiyak Hally. Kapag umiyak ka ulit ngayong
gabi i-text mo ko."
"Bakit naman?"
I woke up the next morning 9:30 am. Una kong ginawa eh tumingin sa salamin. At
least hindi na mukhang na-murder yung mga mata ko kasi napahinga. Pero dahil nandun
pa rin yung fact na umiyak ako, syempre halata pa rin.
"Anong nangyari sa 'yo?" yan ang unang tanong sa akin ni Ren nung dumating siya sa
bahay. Alam daw niya kasi may problema dahil hindi raw ako sumagot doon sa text
niya kagabi.
"Wala."
"Asus wala raw? Kung batukan kaya kita diyan Hally! Tignan mo nga yang mata mo.
Hally, bestfriend mo ko. Pwede kang mag-share."
Oo nga. Bestfriend ko si Ren. Simula pa noon dinadamayan naman na niya ako kapag
may problema. At syempre, he knows how to keep a secret. He's a bit clumsy at
times, but I would definitely trust my life to him.
"I think I like someone..." tumingin ng masama sa akin si Ren. Ok, let me rephrase
that... "Alright, I think I love someone."
"You think? Hindi ka sigurado? Well, kilala kita eh. Hindi ka pa umiiyak dahil sa
isang "guy". Teka lalaki nga ba?"
"Ren!"
Sa totoo lang, wala akong balak na labhan yun. Wala akong gagawin. I'll just keep
it.
Padalaw-dalaw din naman si Rachel lalo na kung uwian. Hindi pa kasi siya enrolled
sa South pero ang alam ko eh nirequest na yung school records niya from Australia
para i-transfer na.
"Hally!"
Lunch Break. Naglalakad ako sa corridor nun pabalik ng room kagagaling ng gym ng
narinig ko yung tumatawag sa akin. Pagkalingon ko, si Rachel.
"Ikaw pala..."
"Sorry nga pala nun umalis ako kaagad ha. Pinauwi na kasi ako nun." parang gustong
sumakit nung ulo ko sa pagsisinungaling na ginawa ko.
"Ok lang no. Nung umalis naman kayo ni Charlie hindi rin naman kami tumagal
naguwian na rin."
"Ha? Bakit?"
"Ewan ko ba. Sabi kasi ni Vince kailangan na daw niyang umalis. Si Raymond hinatid
si Mica. Ako naman nagpasundo na lang sa driver namin." wow, mayaman talaga siya.
"Nung tinanong ko si Vince kung saan siya pupunta, tumahimik lang siya. Tapos sabi
niya may pupuntahan daw siya sa Ridge.. yeah Ridge yata yung sinabi niya. Kaya
umuwi na rin ako nun."
Nagulat naman ako doon sa sinabi niya. Sabihin niyo sa akin na biro lang lahat.
Hindi totoo yun. Pero paano naman niya malalaman ang tungkol sa Ridge? Saka bakit
naman siya magloloko sa akin?
Tumingin ako doon sa kanan ko. Naglalakad papalapit sa amin si Ayan. Katulad nung
dati, sa isang kamay hawak niya yung cellphone niya at yung isa naman eh nasa
bulsa. Hindi ko malimutan yung sinabi ni Rachel. Hindi ko rin maiwasan na tignan si
Ayan. Pumunta siya sa Ridge nung gabing yun? Tell me this is a joke. This has to be
because...
Southern High
***48***
Hindi ko inalis yung pagkakaalis ng tingin ko kay Ayan. Seryoso nga yung mukha niya
habang naglalakad. Dapat ko ba siyang tanungin kung anong ginawa niya sa Ridge?
Nah, wag na lang siguro. Ito na naman ako. Feeling ko na naman ako yung pinuntahan
tapos madi-dispapoint ako kapag hindi ako. Just leave that thought in the air
Hally!
Tumingin naman si Ayan sa akin. Hay naku, akala ko hindi na naman niya napansin ang
presensya ko.
"Hi."
"Hello."
What a conversation! Can you tell that our conversation is so cool? Hi and Hello.
Syempre yung dalawang words na yun partners eh.
Wala naman siyang reaksiyon doon sa sinabi ni Rachel. Ako naman, mukhang wala nang
dahilan para tumayo pa doon. Isa pa, gutom na rin ako. Kung kakain sila, alright.
As if I care! Arrrrrggghhhhh! Yeah, I do care. Hindi ko naman na maipagkaila sa
sarili ko yun.
Heck NO! Kung kakain lang din naman ako at may makakasabay, sa mga araw na ito si
Rachel at Ayan ang huling mga taong pipiliin kong makasabay.
"Hindi na. Dito na lang ako kakain sa school. Baka makasabay ko rin naman yung
bestfriend ko."sabi ko naman kahit na sinabi na ni Ren sa akin kaninang umaga na
uuwi daw siya at si Joyz naman eh hindi pumasok. "Sige pala, babalik muna ako sa
room namin at kukunin ko pa yung gamit ko."
"Hally!"
"Huh?!?"
"Ok."
Bumalik naman ako doon sa room namin. At syempre, naupo lang ako sa upuan ko at
hindi rin naman ako kumain nung tanghalian. Nagpapakagutom?!? Hindi. Nawalan lang
talaga ako ng ganang kumain.
Nung umabot ng hapon, nawala na naman ako sa klase para sa practice ng volleyball.
Nakasali na naman ako. Pero ngayon, sinigurado ko na nakapagwarm-up ako at baka
matulad na naman sa dati. Hinanap ko pa nga yung knee pads ko. Buti na lang nadala
ko yung black.
Wala rin namang pagbabago nung mga sumunod na araw. Katulad pa rin ng dati.
Hindi naman ako natuwa doon sa adviser ko nung sinabi niyang may bago raw kaming
classmate. Ako naman kinutuban na. Yung iba excited lalo na yung mga lalaki nung
sinabing babae. At syempre nagkamali ba ako... yeah, si Rachel nga. Ang swerte no?
Bago na namang crush ng bayan.
"Hello Diana! You look good!" sabi pa niya yun habang nakangiti.
Tumingin naman ako sa kanya. Normal lang. Napansin niya yata na tumingin ako kaya
nung nakalagpas kami doon sa Diana eh may dinugtong siya sa sinabi niya na
pabulong...
Hay naku! Alam ko naman na dinugtong lang niya yun nung tumingin ako. Oh well,
dapat siguro masanay na ako kay Charlie.
"Stop that.."
Nung naglalakad kami nun, nakita ko na nakaupo si Ayan at Rachel doon sa bench ng
room nila. Magkatabi silang dalawa. Tawa pa ng tawa si Ayan. Oh God kill me. Ilang
araw na yung lumipas, ngayon ko lang uli nakita si Ayan na tumawa. Siguro nga
talagang close si Rachel kay Vince para mapatawa niya ng ganyan.
Pinilit ko na lang na iiwas yung tingin ko. Ayoko kasing makita at lalo namang
ayoko rin silang kausapin. Kaya ang ginawa ko, yumuko na lang ako. Dahil nandito na
si Rachel sa South, I think I should expect the worst.
Nakalagpas naman na ako sa room nila. Nginitian lang ako at kumaway lang si Ayan sa
akin.
Nakapasok naman na ako sa room namin. Kinuha ko yung bag ko at eksakto namang
pagkakuha ko nung cellphone ko eh may tumatawag sa akin. Si Joyz pala. Excuse kasi
siya dahil sa seminar kaya wala na naman siya.
"Hello?"
"Saan?"
"Hindi mo ba binasa yung Bulletin? May camping ah. P360 lang yung bayad. 3 days."
"Sabi nila tuturuan daw tayo doon kung paano ang primitive life. Sa forestry yata.
Sama tayo! Mukhang masaya eh."
"Anong sabi ni Ren?"
"Sama daw siya. Damit lang yata dadalhin, pera saka food. Saka ko na lang explain.
Magsisimula na kami"
"Sige."
Nung nag-uwian nun, dumaan naman ako sa Bulletin para tignan yung sinasabi ni Joyz.
Ayun, may camping nga. Para daw maranasan yata ng mga estudyante ang primitive life
at tuturuan ng bagay-bagay. Mukhang ok naman. Saturday, Sunday at Monday. Tiyak
naman excuse kami nun sa klase.
Habang nagbabasa ako doon sa Bulletin, may napansin ako na tumabi sa akin sa
pagbabasa. Nung una hindi ko pinansin. Pero napatingin na lang ako nung sinabi
niyang...
"Sasama ka ba?" sabi niya sa akin habang nakatingin pa rin siya sa Bulletin.
"Yeah. Mukhang ok naman." ngayon lang niya ako ulit kinausap ng hindi hi or hello
or bye ang sinabi.
"Ok then..."
"Riyan, bakit?" sabi ni Ms. Alvarez nung kalalabas pa lang niya ng office.
"Section 1 po ako."
"Oh ganun naman pala, parehas kayo ng teacher sa Social. Hanapin niyo na lang si
Mam niyo."
Umalis na si Mam Alvarez. Napakabusy yata kasi ang bilis lumakad eh. Ako naman eh
nagbasa pa rin doon sa Bulletin. Ito yung nakalagay:
The Social Studies Department are inviting all the students who are interested to
come and join in the Forestry Camping this coming September 20, 21, and 22. This
project aims to teach students on how to live as primitive people, expose them to
history, and also to learn how to survive in the forest, mostly in special and
unexpected cases.
A parent consent will be passed for those who will sign up and it will cost P360.00
for materials needed like the tents provided. This camping is only open for Junior
and Senior High School students of Southern High.
We are reminding the students that cellphones, disc players and other hi-tech
materials can only be used on tents, if possible. You are not allowed to bring
these materials on work during the day. If you have questions to ask, please see
you Social Studies teacher or visit the Social Department after school.
Ms. Almira alvarez
Social Studies Dept. Head
Nyikes! Bakit naman ganun?!? Cellphones are not allowed? Nagdalawang-isip naman
yata akong bigla. Parang fireworks nga na nagsunud-sunod yung tanong ko sa isip.
Saan kaya maliligo? Saka kung tent yun, ilan kaya sa isang tent? Sinu-sino kaya ang
mga sasama? Masaya kaya? Mahirap naman kaya ang gagawin?
Nung tumingin ako doon sa tabi ko, wala na si Ayan doon. Nakita kong kausap na niya
si Mam Lenny, yung teacher namin sa Social. Parehas lang kami ng teacher ng halos
lahat ng klase namin. Nakita kong sumusulat siya doon sa form, tapos may inabot sa
kanya si Mam Lenny na papel. Nung una inisip ko kung para saan, siguro para sa
consent ng parents. Ako naman eh hindi na lumapit. Hihintayin ko na lang siguro
sina Ren para sabay-sabay na kaming magpalista.
Naglakad naman na ako galing doon sa tapat ng Bulletin at uuwi na rin ako.
September 20, 21 and 22 pala yun. Saka ko lang na-realize malapit na rin pala ang
birthday ni Ren. Mag-15 na siya. Sa 26 na nga pala yun. Kailagan kong kausapin si
Joyz kung ano ang balak namin.
"Hally!"
Ano na naman? Kakalakad ko pa lang tinatawag na naman ako. Habit lang ba talaga
nila na tawagin ako?
Tumakbo naman siya sa akin. Nakalayo na rin naman na ako sa kanya kahit papaano.
Nalalapit na nga ako sa gate eh.
"Ms. Hallene Rhias, may nakalimutan ka." kailangan ba talagang kumpleto ang
pangalan ko? Saka teka lang, nakalimutan?
"Nakalimutan? Ano?"
"Your consent." tapos inabot niya sa akin yung isa pang papel. Ngayon ko lang
napansin na dalawa yung hawak niya.
"Nilista na po kita."
"Sige pala. Bye na. Ingat ka na lang." tapos tumakbo na siya. Itatanong ko pa man
din sana kung bakit niya ako nilista. Oh well, wala na siya eh.
Nung nakauwi na ako nung araw na iyon, tinext ko lang si Joyz na nakalista na ako.
Dahil Thursday ngayon at Friday bukas, last day na ng pasahan ng consent at bayad
para sa camping. Sa Saturday na kasi yun di ba?! Akala ko nga ang bilis naman ng
sign-up, pero nalaman ko kay Joyz na Last week pa pala ng August yun naka-post
doon. Hindi ko lang siguro napansin.
Pinakita ko naman kay Daddy yun. Binasa ko sa kanya yung consent.
"Sincerely yours, Ms. Almira Alvarez Dept Head ng Social. Ano Daddy sasama ba ako?"
tanong ko kay Daddy matapos ang mahaba-habang speech na ginawa ko.
"Yes!"
"--NOT."
"No."
Hay naku. Ayaw talaga nun pumayag ng Daddy ko. Iiyak na nga sana ako eh.. OA! Hindi
naman ako nagalit sa kanya. Kaya ayun, matapos ang mahaba-habang seremonyas namin
ng pagpilit ko sa kanya... finally... napapayag ko rin.
Kinabukasan, nagpalista na rin sina Joyz. Dahil nga nauna na ako, may magagawa pa
ba sila? Dinala naman nila yung consent nila nung hapon nung araw na iyon. Hinarang
nga nila si Mam Lenny nun eh.
**
Dumating din naman ang Saturday. Ang aga-agang nag-iingay ng alarm clock ko kaya
puyat na naman ako. 3:00 na yata ako nagising. Isang oras lang dapat nasa school
na. Mabagal pa man din akong kumilos.
Sinundo naman ako ni Joyz. Buti na lang naka-kotse siya dahil ihahatid siya ng
Daddy niya. Inaantok-antok pa talaga ako nun. ALmost 4 na rin kami nakarating ng
school. Napansin ko lang, wala si Rachel. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa
o ano, hindi siya kasama. Kumpleto naman yung tatlo. Si Ayan, Charlie and Raymond.
Dahil tig-4 sa isang tent, nagkanya-kanya na yung mga 3rd year at 4th year. Hindi
naman masyadong marami ang sumama. MAs marami pa nga yata ang 3rd year.
Napunta kami ni Joyz sa tent #4, ka-share namin si Joanne, yung isa rin namin
classmate. Si Ren, syempre nakisama sa mga lalaki.
Nung lumabas na ako ng tent kasama si Joyz, hinanap namin si Ren kung saan siya
napunta.
"Talaga? Oi Ren, magkwento ka ha. Sabihin mo sa akin kung anong itsura ni Raymond
kapag natutulog o kaya kuhanan mo ng picture sa cellphone mo."
"Hay naku Joyz umiiral na naman yang masasama mong mga balak. Mabuti na lang talaga
hindi pwedeng magsama ang babae at lalaki dahil kung nagkataon baka na-rape mo na
siya. Saka ano bang itsura kapag natutulog, e di nakapikit!"
"Po?"
"Yes Mam." tapos nakita ko na si Rachel na naglalakad dala-dala yung gamit niya.
Napansin ko naman na lumingon si Ayan nung dumating si Rachel. Lumapit pa nga siya
at tumulong buhatin yung bag doon sa tent. Ouch! That hurts right here!!
"Hally, saan tent niyo?" nandito pala si Charlie. Nakatingin kasi ako doon sa
dalawa.
"Number 4."
"Really? Number 9 kami. Nasa likuran kami ng tent niyo. Ayaw kasi namin yung nasa
harapan na mga tent at kitang-kita ng mga teachers."
Ngumiti na lang ako doon sa sinabi niya. Nasa likod pala namin sila.
"Oo nga."
Dahil madaling-araw pa nun, medyo malamig-lamig pa talaga. Hindi ko nga alam kung
ano ang sisimulan namin. Hindi pa kami nag-aalmusal lahat. Sa katunayan, ako yung
hindi nag-almusal sa bahay. Ewan ko lang sa kanila. Nilalahat ko kasi eh!
Dahil wala nang oras para matulog, tinawag kami ni Mam Lenny lahat at pinalabas sa
mga tent. Yung mga iba eh nag-sneak na rin para makinig sa mg MP3 players nila. Ano
ba yan, hindi pa kami nakaka-1 oras hindi na makatiis?
Dahil marami-rami rin naman kahit papaano, dinala kami doon sa open field. Kung
anu-anong gamit ang nanduon na nakalatag sa sahig. Pinaupo kami na nakapaikot at
may allooted space sa gitna para naman makita ng lahat. Nakatayo na rin yung ibang
mga teachers. Nagbabantay yata sa amin. Pero dahil si Mam Lenny ang teacher ng
section 1 and 2, siya ang malapit sa amin. May isang hindi katangkarang lalaki ang
nakatayo doon sa gitna. Mukhang alam ko na kung ano siya sa camping na 'to.
"Magandang umaga sa lahat." sabi nung lalaki sa amin.
"Ako nga pala si Kuya Ronald. Ako nga pala ang magtuturo sa inyo ng ilan sa mga
bagay-bagay."
Dahil katabi ko si Joyz, kung anu-ano na namang side comments ang pinagsasasabi.
Mabuti na lang hindi siya naririnig.
"Tingin mo Hally mabubuhat niya yun? Ang liit-liit niya tapos ang laki nung mga
gamit niya..." tapos tumatawa siya ng mahina.
Narinig ko naman na si Kuya Ronald na nagsisimula. Yung mga nakalatag pala doon eh
gamit para sa pag-build ng tent.
"Dahil kayo eh sanay na sa mga modern materials at kung magca-camp kayo kasama ng
pamilya niyo, dapat malaman niyo muna kung paano gumawa ng tent."
Napansin ko naman na nagbabatukan yung mga 4th year, nakakadistract nga eh. Hindi
ko naman alam para saan yun.
"Kailangan maghanap kayo ng flat surface. Syempre mas madali na ito para sa inyo
dahil may gamit na kayo. Mamaya ituturo ko sa inyo kung paano gumawa ng bahay ng
wala kayong gamit. Gawa lang sa kahoy at dahon.."
"Whoa! Ganun pala yun!" sabi ni Raymond kaya napatingin ako sa direction nila.
Hindi katabi ni Rachel si Ayan pero, close enough.
"Mr. Perez! Huwag kang mag-ingay diyan at makinig ka. Ipapagawa ko sa 'yo yan
mamaya!"
Tumawa naman si Raymond. Balewala yata sa kanya yung pinagalitan siya eh.
"Yes Mam!"
Then, ilagay mo na yung "tarp", ito yung sheet na nilalagay para makinis yung
hihigaan mo. Tapos ise-set yung poles ng tent, para tumayo yung frame. Matrabaho
din kung tutuusin. Pero kung mahilig ka talaga sa adventure thing, siguro dapat mo
ring i-try. Usually daw, light tents are easier to build.
Pagkatapos nung tent building, syempre alam na namin na marami rin palang
nagpakahirap na itayo itong mga tutulugan namin. I wonder kung si Kuya Ronald
lahat. Kasi naman, nakakapagod yata yun ah!
Nag-break lang kami kasi ang tigas-tigas ng inuupuan namin. Pagkatapos, pinabalik
na kami para doon sa 'Primitive shelter making' kung saka-sakali na wala ka
talagang gamit at na-trap ka talaga sa gubat. Mas exciting ito kaysa sa ready-made
tents.
Dahil nauna akong lumabas kay Joyz sa tent at hindi ko makita nun si Ren, umupo na
ako kasama nung mga ibang 3rd year at 4th year. Unang-unang tumabi sa akin si
Charlie, nakita niya kasi na nag-iisa ako. Followed by Ayan, then sa kaliwa ni
Charlie si Raymond, at sa kanan ni Ayan eh si Rachel. Over all, pinakagitna ako.
And, I don't like it. Feeling ko kasi yung dalawang katabi ko eh Twin Tower.
"Ngayon, dahil mas matrabaho yung gagawin ko, ipapakilala ko ang aking magiging
katulong na si Kuya Arnold. Matagal na kaming magkasama at nagtuturo ng ganito sa
mga estudyante."
Pinalkpakan naman namin si Kuya Arnold. Infairness mas matangkad na siya kahit
papaano.
Napansin ko lang na ang kati-kati ng pakiramdam ko. Ang dami kasing lamok eh.
"Nilalamok ka?"
Tinanggal naman niya yung jacket niya. Sana nga di na lang niya ginawa kasi
nagsimula nang manukso si Raymond tapos nung napatingin ako kay Joyz kung ano na
namang tingin ang pinapahiwatig.
Ang bait naman talaga. Siya pa nga ang naglagay nung jacket niya sa akin.
Napatingin pa nga ako nun sa kanang balikat ko habang nilalagay niya. Muntik ko ng
nakalimutan, si Ayan pala ang katabi ko sa kanan ko. Nagkatinginan lang kami pero
wala naman siyang sinabi.
Nakinig naman na ako kay Kuya Ronald at Kuya Arnold. Mas makakabuti siguro kung yun
na lang ang gagawin ko.
"This guy is amazing. Kaya niyang gawin lahat ng mga bagay na yan samantalang
ordinary tent eh hindi ko pa nata-try i set-up."
Tumingin naman ako kay Ayan sa sinabi niya. Yeah, he's really amazing. Kaya lang
wish ko ako yung kausap niya, paano ba naman si Rachel eh.
"Dahil walang malalim na part dito sa lugar natin para gumawa ng dugout, Debris Hut
Shelter ang gagawin natin." sabi niya habang hawak yung isang kahoy. "Unang-una,
kailangan niyo ng maraming-marami na kahoy at dahon. Kahoy para sa pinaka-frame at
dahon para sa covering."
Nagtulong naman sina Kuya Arnold na gumawa ng pinaka-frame. Nakakatawa nga sila
dahil ang tagal-tagal nilang ginawa yun. Sa katunayan, lumiliwanag na nga nun dahil
umaga na.
Syempre pinakita lang nila sa amin na tatakpan ng dahon. Akala ko nga madaling
tignan eh, pero nakakapandaya talaga ang mga mata! ang hirap din nun.
Napabilis naman sila nung nakagawa na sila ng frame. Sanay na kasi sila eh. Pero
kung ako yun, naku aabutin ng 75 years. Kaya nung natapos nila yun, wow! Parang
dahon-dahon na 'di mo maintindihan. Pero para sa isang bahay sa forest, it's cool!
Pagkatapos doon, pinatayo na kami para daw kumain ng agahan. My favorite part.
Gutom na rin naman na ako kahit papaano. Kanin nga yung kinain namin. Niluto sa
apoy! Ayos nga eh. Sabi nila tuturuan din daw nila kami nun. Pero mas maganda raw
kung gabi. Campfire ito!
Kinain ko eh sausages. Yun ang dominant food eh! Tapos si Ren eh hinatak kami ni
Joyz sa tent nila. In short, doon sa tent ng boys. Sabi kasi niya may dala raw
siyang junk foods, kaya ayun... kain kami doon ng kain. Mabuti nga di kami napansin
ni Mam Lenny.
MArami rin silang gamit. Halo-halo na nga yata eh. Kanya-kanyang sleeping bags.
"Dito ako malapit sa labasan. SI Raymond ang katabi ko. Then katabi niya si Charlie
at ang pinakadulo eh si RV."
Ako naman eh natahimik na lang. Tumingin ako doon sa dulo ng tent nila. Kulay Blue
and Green yung sleeping bag niya.
Lumabas naman na kami doon. Ano ang ginawa namin nung sumunod? Syempre, exploring
the forest chuva! Pinaikot kami kung saan daw may fruit bearing trees in case na
kami daw ang pakuhanin. Kung saan daw pwedeng manguha ng kahoy para sa campfire...
at syempre bawal daw na lumayo dahil baka maligaw daw kami. Nasa supervision pa rin
naman kami kahit papaano.
Nung napagod kami nun, hinayaan kami doon sa tubigan at doon lang daw pwedeng
maligo. Naku naman, nagsisisi na yata ako at sumama ak dito. Pero napansin ko na
gumawa rin sina Kuya Ronald ng mga pantakip para pwedeng magbihis. Ok na rin kahit
papaano. Tatlong araw lang naman Hally, kaya mo yang ganyan.
Natulog lang ako sa tent nung hapon. Nakasama ko si Joyz. Yung mga teachers din eh
nagpahinga sa kakaikot namin doon sa mga pinagtututuro nila. 6:00 daw namin
sisimulan yung campfire. Mabuti na rin siguro na matulog ako at kapag nagising ako
eh eksakto naman na yun.
Tingin ko, 5:30 na ako nagising ng hapon. Antok na antok kasi ako. Si Joanne
natutulog pa. Si Joyz wala na sa tabi ko. Nung lumabas ako, yung iba mukhang
nagsasaya. Nasaan kaya yung dalawang yun?
Nagtanong ako doon sa classmate ko na isa kung nakita nila si Joyz. Sabi nila,
magkasama daw silang dalawa kanina na nag-iikot sa tent. Siguro nandun na naman
sila doon sa tent nila Ren. Gusto kasi ni Joyz tignan yung mga bagay-bagay ni
Raymond. Kaya ako naman eh pumunta sa tent nila. Nag-stay muna ako doon sa labas
dahil nga boys tent yun. Doon ako nagsisisigaw.
"Ren! Joyz!"
Kakasigaw ko doon habang nakatayo ako, may mga tumatakbo namang mga 3rd year na
hindi ko kilala kaya naitulak ako. Napadapa ako doon sa tent nila. Nagkataon naman
na bukas kaya napasubsob ako doon sa loob. ANg sakit nun ah! Bakit ba kasi dito pa
kailangang tumakbo?
Pagkaangat ko ng ulo ko... napatili na lang ako. Sobrang lakas nga eh dahil gulat
na gulat talaga ako! Sa dami naman ng makikita eto pa. Tinakpan naman niya yung
bibig ko.
"Sheesh... wag ka maingay. Baka akala nila kung anong ginagawa ko sa iyo.
Tatanggalin ko yung kamay ko sa bibig mo, 'wag kang sisigaw."
Nung narinig ko na sinabi niyang naka-shirt na siya, hindi pa rin ako nag-turn nun.
Hindi ko alam kung ako ba ang dapat mahiya o siya. Kasi naman yung mga third year
na yun! Bwisit!
"You know what Hally, you can turn around now.. really."
Umikot naman na ako. Hay salamat, naka-shirt na siya. Black yung suot niya na may
white linings.
"Kasi.." saka ko lang naalala, ang sakit pala ng chin ko. "Hinahanap ko si Ren at
Joyz. Eh tumatakbo yung mga 3rd yr, naitulak nila ako. Kaya..."
"Bakit?"
"Patingin lang..."
Pinakita ko naman sa kanya. OMG! May sugat ako! Ang alam ko lang masakit yung kamay
ko pati tuhod ko, pero hindi ko naman alam na may sugat ako. At dumudugo pa
talaga!!! Waaaaa!
"Meron akong dala na betadine, cotton at band-aid." tapos tumayo siya at pumunta sa
bag niya.
Tinignan ko naman siya. Masyado naman itong Boy Scout at handang-handa?!? Lumingon
siya sa akin at ngumiti lang. Parang nalaman niya kung ano yung iniisip ko.
"Si Freelie ang nagpilit na dalhin ko yan. Nung una ayaw ko, but now I understood
why she gave me this stuffs." tapos umupo siya uli. "Akin na, lilinisin ko muna."
Nung sinabi niyang lilinisin, parang nag-isip ako. Alcohol pala yung gagamitin
niya! Medyo mahapdi pero nung natapos siya, ayos naman. Ang cute nga nung band aid
eh, may design pa. Tingin ko nga kay Freelie 'to. Tapos nun, nilagyan niya ng
"gauze" kaya ang itsura ng kamay ko eh kulay puti dahil doon sa nilagay niya.
"There. It's done." sabi niya tapos tinabi niya ulit yung mga gamit niya.
"Thanks talaga.."
"Anytime.."
Lumabas naman na kami doon sa tent nila. Ang lamig sa labas. Medyo gabi na kasi.
Mag-6 na yata eh.
Kasabay ko si Ayan na dumating doon. Marami nang tao doon na nakapaikot. Nire-ready
na nila kuya Ronald yung mga kahoy at kung anu-anong gagamitin nila sa paggawa ng
apoy. Take note, no matches!
"Oi! Dyan ka lang pala kanina ka pa namin hinahanap! San ka nga pala nagpunta?"
sabi ni Joyz nung nakita niya kami ni Ayan.
"Kayo nga ang hinahanap ko..." sabi ko tapos napansin ko na ngumiti si Ayan. Kainis
na 'to! "saka, nadapa ako ok?"
Sumabay lang si Ayan sa amin hanggang sa nakaupo kami. Sumunod na rin naman na sina
Charlie at Raymond. Napansin ko na malayo yata si Rachel ngayon, iba kasi ang
katabi niya. Nanibago lang ako.
Nasa gitna naman ako ni Ren at Joyz ngayon. Saglit lang kami naghintay at medyo
malamig na, sinimulan na rin nila.
"Gagawa tayo ng apoy ng wala tayong posporo. Ipagkikiskis natin itong dalawang
kahoy para maging mainit. MAs mahirap ngayon dahil gabi na at malamig. Kadalasan
kasi ginagawa ito kapag maaraw para nakakatulong yung init."
May mga gamit doon sina Kuya Ronald na talagang ready na. Kung paano nila ginawa
yun, I have no idea. May malaking bato doon sa gitna. Tinaas niya yung kanang paa
niya run at nagsimulang magkiskis. Siguro hinintay lang namin siya, medyo matagal,
tapos umusok. As in Wow! Kakabilib nga eh.
Tinutulak-tulak nila si Ayan sa gitna. Parang wala lang naman sa kanya. Makulit
kasi yung dalawang kasama niya.
"Tara dito hijo." tapos napilitan na si Ayan na tumayo. May pahabol pa nga siyang
tingin kina Charllie."Anong pangalan mo?"
"RV po." hindi Ayan ang binigay niya. ANg hirap talaga niyang maintindihan. Pwede
namang Ayan na lang lahat.
Tinuruan siya ni Kuya Ronald kung paano yung tamang posisyon. Ginaya naman ni Ayan.
Alam niyo ba yung position na cute siyang tignan kahit hindi naman niya sinasadya
yun? O talaga lang na ganun lang ang tingin ko? Ewan. Basta ang alam ko tawa siya
ng tawa doon tapos hindi rin naman niya nagawa. Syempre naman mahirap yun!
Umupo na siya ulit. Binatukan pa nga niya yung dalawa. Nagkainan lang pagkatapos
nun. Hinayaan lang yung apoy. Mukhang tatagal yun kasi malaki eh.
Dahil nakaupo sina Charlie doon sa isang tabi, tinawag niya kami nila Joyz at
sumali raw kami sa kanila. Kaya ayun, nakipag-kwentuhan lang din naman sila..
masaya rin kahit papaano.
Meron kasi silang bote ng coke sa gitna. Hindi yun truth or consequence. Ipapaikot
yung bote tapos kung sino yung tinuro, ipapaikot niya ulit at kung sino ang
matapatan eh siya ang magtatanong o may gusto man siyang sabihin doon sa unang
tinuro.
Unang-unang naturo si Joyz. Nung pinaikot niya, ang naturo eh si Raymond. Kung
sinadya ba niya yun o hindi, napakaswerte naman niya.
"Dahil hindi kita masyadong nakakausap, magtatanong na lang ako." sabi niya.
Parang nahihiya yung mukha ni Joyz. Si Raymond naman akala mo seryoso na nag-iisip.
"Dalian mo na nga!"
Napansin ko na bumatok uli si Ayan kay Raymond. Natawa na lang ako doon sa reaction
ni Joyz. Pero sa totoo lang, kinikilig din yan.
"Wala."
"Uhmmm, Raymond. Matagal na rin kitang kaibigan. Basta, study hard naman bro! Lagi
ka na lang kasing study girls..." tapos mahaba pa yung sinabi niya. Hindi ko na
matandaan lahat.
Nag-spin naman si Ayan. Ang tinuro naman uli eh si Joyz. Pero dahil naturo na,
inulit. Si Charlie naman ang naturo. Naku ha, sila-sila na lang.
"Ayusin mo bro!"
"Ano yun?"
Parang nagulat si Ayan sa tanong ni Charlie. Sabagay kahit ako na wala naman
talagang kinalaman eh nagulat din. Wala nga akong kinalaman doon, pero may pakialam
ako. At syempre, gusto kong malaman yung sagot.
"Of course.."
Pinanood ko lang si Ayan habang nakaupo siya doon. Nakatingin lang siya doon sa
bote na nilalaro niya habang pinapaikot. Seryoso na rin siya. Talagang nagulat ko
nung tumingin siya sa akin. Tapos bumalik doon sa bote. Napaatras pa nga ako kaya
iniwas ko na lang yung tingin ko.
Tahimik lang kami lahat doon. Alam na rin naman nila Joyz yung tungkol kay Rachel.
So, nakakarelate naman na sila. Napansin ko nga si Ren na tumingin sa akin. Ok lang
naman sa akin kung anong isagot niya... siguro nga... ok lang.
"RV, kausap ko sa phone yung mama mo. Nakasarado daw yung cellphone mo kaya di ka
ma-contact. Kakausapin ka daw."
Tumayo naman si Ayan at pinagpag yung pants niya. Kinuha niya yung cellphone ni Mam
Lenny. Sayang naman... sasagot na siya.
Kinuha na ni Charlie yung bote. Naglakad si Ayan ng medyo malayo para tahimik. Kaya
lang lumingon siya uli.
"Charlie.."
"Yeah?"
"Oi kayo, gabi na. Matulog na kayo. Pumasok na kayo sa mga tent niyo at maaga kayo
dapat gumising bukas. Gumising kayo ng 5."
"5? Ang aga naman Mam Lenny!" sabi ni Ren na nagulat pa sa sinabi ni Mam Lenny..
"Yeah Mr. Telles. Kapag hindi ka maagang nagising bukas tiyak marami nang naliligo
nun. Kaya agahan niyo."
"Ok. Thanks."
Tumayo lang ako doon hanggang sa nawala na si Rachel sa harap ko. Pinanood ko pa
nga siya na lumapit kay Ayan. Mukhang katatapos lang ni Ayan na makipag-usap sa
phone. Tapos nagtiptoe si Rachel dahil may binulong si Ayan.
Naglakad na ako kasabay ni Joyz. Ang huli kong nakita eh magkasabay na si Rachel at
Ayan na naglalakad. Hindi ko alam kung saan sila papunta nun.
Nauna kaming pumasok ni Joyz sa tent namin. Sinara namin yung zipper dahil
magbibihis kami ng pantulog. Kinuha ko yung pajama ko pati na rin yung naka-off ko
na cellphone sa bag ko. Nung nakapagbihis na kami, narinig na namin si Rachel na
tumatawag sa labas. Nakasara pa kasi yung zipper eh. Dahil ako yung malapit sa
bukasan, ako na yung lumapit.
Napatingala naman ako kung sino yung sinabihan niya ng good night. Oh yeah, hinatid
pala siya ni Ayan. Nakatayo siya doon sa labas ng tent namin.
Pumasok na si Rachel sa loob. Ako na naman ang magsasara nung zipper. Naman!
Tinignan ko lang siya, pero wala akong sinabi. Nahihirapan na nga ako doon dahil
nakayuko ako tapos hawak ko pa yung cellphone ko sa kanang kamay ko.
Pagkatapos niyang sinabi yun, umalis na siya. Sinabi ko bang mag-goodnight ka? Ewan
ko ba, parang nainis ako doon sa sinabi niya.
Sinarado ko naman na yung zipper. Hindi ko masyadong inayos yung pagsasara ko kasi
nabwi-bwisit ako sa kanya. Ano bang problema niya?
Humiga na ako doon sa sleeping bag. Binuksan ko naman na yung phone ko. Buti na
lang full bars pa dahil chinarge ko to sa bahay bago ako umalis. Tapos maghapon
pang naka-off. May mga messages din ako. Kadalasan galing kay Daddy. Kahit na gabi
na, tinext ko pa rin si Daddy. Baka kasi naghihintay na rin siya ng sagot. May
natanggap din akong text kay Freelie, nangungumusta lang naman siya at kinuwento
niya sa text na sinabi raw ni Justin yung pangalan ko nung makita niya yung picture
ko. Kung anong picture yun, hindi ko alam.
Hindi ako makatulog. Paano ba naman simula nung hapon hanggang 5:30 tulog ako.
Tapos nag-campfire lang, kumain at nakipagkwentuhan lang ang ginawa ko. Ngayon
matutulog na naman. Sina Joyz mukhang pagod kasi nakatulog na rin kaagad. Ako na
lang ang gising sa tent namin. Naramdaman kong nag-vibrate yung phone ko. Text
message.
Sender:
Ayan
'gcng k p b?'
>alam k lng n mghpon kng na2log knina. hndi ako ng-gudnyt dhil gsto ktng kauspin..
Tinignan ko yung oras sa phone ko. Mag-10 na yata. Matagal-tagal na rin pala akong
nagmumuni-muni.
Hindi ko pa natatapos yung reply ko dun sa text niya, may kasunod na naman.
Nagdalawang-isip naman ako. Lalakad eh gabing-gabi na? Mamaya may ahas pa diyan.
Yung mga trip nito hindi maintindihan.
Magrereply na sana ako ng hindi kaya lang parang limampu yata ang daliri eh may
text na naman.
Napalapit naman ako doon sa zipper ng tent. Dahil hindi ko nga nasarado ng maayos,
may butas doon sa baba. Nakita ko yung sapatos niya. Hindi nga siya nagbibiro.
Binuksan ko naman, at nakatayo siya doon.
"Gabi na kaya..."
"Does it matter? Hindi kasi ako makatulog. Mukhang ikaw rin naman. Tara na."
Dahil hindi rin naman talaga ako makatulog, mukhang wala namang masama na maglakad.
Iniwan ko na yung phone ko kasi wala naman ng point para dalhin ko pa. Yung katext
ko naman kaharap ko na. Nakamedyas lang ako. Kinuha ko yung tsinelas ko at lumabas
na rin.
Sumabay lang ako na maglakad sa kanya. Napansin namin yung apoy na ginawa nila Kuya
Ronald kanina eh namamatay na kaya medyo madilim na rin.
"Nasaan yung phone mo?" sabi ko nung napansin kong wala siyang dala.
Kakalakad namin, nagpunta kami doon sa medyo mapuno. Basta hindi lang lalayo. Ayos
lang.
Lakad pa rin kami ng lakad dahil nakikita pa rin naman namin yung nilalakaran
namin. Nalagpasan na nga namin yung ilog eh.
Nag-usap lang kami habang naglalakad. Sari-saring puno na rin yung nalagpasan
namin. Iba't ibang klaseng bato na rin yung nakita ko. Hindi naman pala masyadong
nakakahiya kahit papaano. Kung mahuli kami ni Mam Lenny o kung sinong teacher,
tiyak patay na kami. Napansin ko na lang na hindi ko na makita yung dinadaanan ko.
Madilim na. Tumalikod ako dahil siya yung nauuna at sinusundan ko lang siya. Wala
na talaga akong makita.
"Ayan.."
"Yeah?"
"Alam mo pa bang bumalik? Kasi ako hindi na ako masyadong makakita. Ang dilim-dilim
na."
"Basta nakita mo yung liwanang nung apoy nila Kuya Ronald, alam na natin kung saan
babalik."
"Kasi... wala na akong nakikitang liwanag eh."
"What?"
Naramdaman ko na tumalikod din siya. Tinamaan pa nga niya ako eh. Madilim na kasi
kaya hindi na rin niya siguro ako nakita na nakatayo ako doon.
"Paano tayo babalik?" medyo kinabahan na ako nun. Naku naman, kapag minamalas
talaga.
"No. Ikaw?"
"Tara pala lumakad na lang tayo pabalik... baka sakaling makabalik pa tayo.."
"Maybe."
Maybe he's not kidding. Bakit ba iniwan ko pa yung phone ko? E di sana tatawagan ko
lang si Joyz ok na. Pero malabo rin. Baka sarado yung phone niya.
"Hally.."
Narinig kong tumawa siya. Bukas ko na lang talaga siya sisisihin. Lalo na kung
mahuli kami ni Mam Lenny o kung sinong teacher. Ngayon kasi kahit sisihin ko siya,
wala rin akong magagawa.
Umupo na ako doon sa isang puno. Sana mag-umaga na para lumiwanag at makabalik na
kami. Kapag minamalas naman talaga.. ngayon pa...
Dahil mukhang hopeless na talaga, siguro nga doon na kami matutulog. Ang alam ko eh
katabi ko si Ayan, pero tahimik na siya kaya hindi ko alam kung tulog na ba siya o
ano. Ako naman ganun pa rin, gising na gising at walang sign na inaantok.
Dahil medyo giniginaw ako, tiniklop ko yung mga paa ko at sinandal ko yung ulo ko
sa tuhod ko. Hindi naman malamok masyado, siguro hindi ko lang nararamdaman dahil
naka-pajama ako. Narinig ko na lang nung mahina akong tinawag ni Ayan. Akala ko
natutulog na siya... gising pa pala.
"Hally..."
"Yeah?"
"Akala ko tulog ka na. Hindi ako makatulog eh. Ikaw?" sabi niya sa akin.
Tumahimik lang kami saglit. Humangin naman kaya lalo akong gininaw.
"Giniginaw ka?"
"Medyo." sabi ko kahit sa totoo lang eh ginaw na ginaw na ako. "Pero ok lang."
Tinanggal naman niya yung kung ano yung suot niya at nilagay niya sa balikat ko.
"Ano 'to?"
"Jacket."
Ay ang tanga mo Hally! Jacket nga eh no! Hindi ko kasi napansin kanina yung jacket
niya. Basta ang alam ko yung suot niya eh may hood. Gabi na kasi para pansinin ko
pa kung ano yung suot niya.
"Naalala ko lang, nagtext kasi sa akin si Freelie kanina. Sabi niya nakilala raw
yata ako ni Justin sa isang picture. Alam mo ba kung ano yun?" sinabi ko sa kanya
habang sinusuot ko yung hood niya... wow... ang bango naman.
"Ah, siguro yung sinend niyang picture mo galing sa phone ko nung nasa park tayo...
o kaya yung picture nung Dance. Nakita niya kasi yung picture mo nun sa wallet ko
nung dinala ko sa bahay niya si Rachel."
"Aah.. ok."
May umilaw naman doon sa kanya. Yung relo pala niya. Tinignan niya lang din.
Hindi pa rin ako inaantok. Ano bang nangyayari sa akin? Ewan ko. Siguro epekto lang
na alam ko na wala akong magandang hihigaan ngayon. Nagtataka nga lang ako dahil
kahit nakaupo lang kami doon, hindi talaga boring. Siguro dahil nag-uusap kami.
Kung saan-saan na nga napunta eh. Nung una tinanong niya ako kung anong favorite
movie ko, tapos siya rin. Nabanggit pa nga niya nung bata daw siya ang favorite
niya panoorin eh Mojacko. Natawa nga ako doon eh. Hindi kasi bagay sa kanya.
Nalaman ko naman ang favorite color niya. Black, red, blue, and white. Sana nga
nilahat na lang niya! Tinanong ko rin siya kung bakit hindi siya sa North nag-aral
ng high school eh samantalang doon siya nag-first year. Ang sagot lang niya sa akin
eh..
"Ayoko lang sa North. Hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil nandun si Freelie.
Sumama lang si Raymond at Charlie sa akin. Pero sa totoo lang, mas gusto ko sa
South."
Nabanggit din niya yung tungkol sa parents niya. Dati palang nagtratrabaho yung
mama niya. Pero hindi na raw ngayon. MAs gusto na raw yata ng Mama niya na mag-stay
sa bahay. Ang daddy naman niya daw eh Manager sa isang telephone company. Nice ha!
Tumunog nga yung relo niya ulit. Nung nakita ko nun, 12 midnight na.
Nagulat pa nga ako nung yumakap siya sa akin. For no single reason at all.
"Masaya lang ako. Kahit na nandito tayo, mahalaga kasama pa rin kita. Best day
ever."
Hindi ko na rin itatanggi, pero ngumiti rin ako nung sinabi niya yun.
Siguro nga hindi namin napansin parehas yung oras. Tumayo pa nga kami parehas doon
at nagbabato ng kung anu-anong mga bagay-bagay doon sa mga puno. May dahon pa nga
siya na pinaglaruan eh. Ako naman eh medyo nagwala nung may tumalon na palaka sa
tsinelas ko. Kaya siya, tinawanan lang ako. Siguro nga ang dumi-dumi ko na. Ikaw ba
naman eh maupo sa lupa. Syempre, wala na akong magagawa. Hihintayin na lang namin
na mag-umaga.
Ang alam ko lang, 2am na kami parehas natulog. Umaga na nga at ang alam ko na puyat
kami parehas kanina. Madilim pa rin.
Natulog na rin siya. Hindi ko na rin alam nun pero dahil sa pagod... nakatulog na
rin ako.
Nagising na lang ako nung may naririnig akong ingay. Antok na antok pa rin ako.
Pakiramdam ko nga hindi pa ako natutulog. Madilim pa rin nung dinilat ko yung mata
ko. Pero syempre... nakita mo na may liwanang doon sa lugar na medyo malayo sa
amin. OMG. Mukhang gising na rin sila at gumawa na ng apoy sina Kuya Ronald.
"Ayan..."
Nakikita ko na yung mukha niya. Nung una nagdalawang-isip ako na gisingin siya at
kahit papaano eh nagkaroon ako ng pagkakataon na titigan siya. Ang cute din niya
matulog. Napansin ko yung relo niya, mag 4 am pa lang. Wala pang dalawang oras yung
tulog ko. Kapag nagtagal kami rito, baka mahuli kami na wala kami sa tent.
"Ayan.. Ayan.."
Dinilat din naman niya yung mata niya. Katulad ko, puyat din siya tiyak. sino
namang matino ang matutulog ng dalawang oras lang?
"Tingin ko gising na sila. Tignan mo, may liwanang na galing doon. Kailangan na
nating bumalik bago pa nila malaman na wala tayo doon."
"Yeah. Tara na." tumingin siya sa relo niya "Dalawang oras lang tayo natulog."
Dahil alam na namin kung saan kami pabalik, naglakad na kami at sinundan namin kung
saan yung liwanag. Nakita ko na hindi pa naman ganun karami yung mga gising.
Kadalasan yata eh 4th year. Nagtago pa kami para dahil nandun yung mga teacher at
baka mapansin na nanggaling kami doon sa mapuno.
Mukhang pagod din si Ayan. Nung nakarating na kami malapit sa tent namin, nakita ko
na nasa labas si Rachel, si Charlie at Raymond.
"Huwag niyo na akong tanungin, maaga lang akong nagising. Si Hally rin maagang
nagising.." ay defensive ito!
Pero nakangiti pa rin si Raymond doon. Si Charlie rin at Rachel. Ano bang meron at
parang ang saya nilang tatlo?
"Vince, Happy Birthday." nagulat na lang ako doon sa sinabi ni Rachel. Tama ba yung
narinig ko?
"Tumatanda ka na..."
"Thanks." tumigin naman si Ayan doon sa tatlo tapos tumingin din sa akin.
Hindi ko naman talaga alam... sana lang talaga di ba may clue ako?
Southern High
***54***
Birthday niya? Hindi ko alam. Sana lang sinabi niya sa akin di ba? Mas ok yata kung
ganun. At least naman hindi ako mukhang walang kaalam-alam. Sabagay totoo naman.
Pero sana nakapaghanda namana ako. Mukhang ewan talaga.
Humiwalay na yung tatlong lalaki sa amin ni Rachel. Paano ba naman eh maliligo na
kami ng ganito kaaga. Siguro napakalamig nun tiyak. Dahil malapit na kami sa tent,
kasabay ko na si Rachel. Buti pa siya alam niya... samantalang ako... Kung sabagay,
mas matagal na silang magkakilala kaysa sa amin.
Siguro dahil inaantok ako kaya wala ako sa mood sagutin si Rachel.
"Binilihan ko nga siya ng regalo eh. Nasa bag ko nga. Mamaya ko na lang sguro
ibibigay."
"Hmmm?"
Nung tinanong ni Rachel yun, feeling ko nabuhusan ako ng malamig na tubig kaya
pakiramdam ko gising na gising ang diwa ko. Hindi na nga kayo nahuli, nalimutan mo
pa isoli yung jacket niya.
"Ahh... ano kasi... kaninang umaga, ano.. napansin niya giniginaw ako. Kaya ayun.."
Yung expression ng mukha ni Rachel eh mukhang nagtataka sa akin. Ok, hindi ako
magaling sa pagtatakip ng mga ganitong bagay.
"Err.. yeah."
Tumingin ako sa likuran ko. Nandun pala si Joyz sa amin. Kasunod namin. Kailan ba
siya nandiyan?
"Ei, una na ko ha. Kukuha na ako ng damit para makaligo na rin. Mamaya kasi marami
na eh." tapos pumasok na si Rachel sa loob ng tent namin.
"What?!"
"Nothing. Masama bang tumingin?" tapos ngumingiti si Joyz. "Phone mo nga pala,
nakuha ko yan doon sa sleeping bag mo. Ikaw iniiwan mo kung saan-saan. Kapag ikaw
nanakawan... bukas pa man din yung tent kanina. Kaya pala nilalamig ako. AKo pa nga
nagsara eh! Sige Hally, kumuha ka na ng damit mo! Ang dumi mo kaya."
Dahil wala pa rin ako masyado sa sarili ko, hindi ko pinansin si Joyz.
Anong sumunod naming ginawa? Ano pa nga ba kundi naligo, kumain, nag-toothbrush at
syempre alam niyo na yung iba pa run. Sinabi ni Mam Lenny sa amin na tuturuan daw
kaming manghuli ng isda gamit yung matulis na kahoy, kaya lang inaantok ako. Naupo
ako doon sa batuhan sa gilid at sinandal ko yung ulo ko. Ang alam ko nga lang
nakatulog ako doon. Ok na sana kaya lang may gumulo sa akin at nabasa ako.
"Oist!" si Ren lang ngayon. Pero dahil nanlalabo pa yung mata ko nun, napansin ko
na paparating din si Joyz.
"Mamaya mo na ako guluhin Ren, inaantok talaga ako. Galingan mo na lang manghuli ng
isda." tapos yumuko na talaga ako. Ang hirap pala kapag dalawang oras lang ang
tulog mo.
"Wala pa nga akong nahuhuli eh. Si Charlie nga nakakatatlo na. Si Raymong isa. Alam
mo ba, birthday pala ni RV ngayon. Magluluto nga daw sila sa nahuli nila.
Icecelebrate daw nila dito. Sinasama nga tayo eh. Hindi pa nga niya alam dahil
tulog din siya doon..."
Inangat ko naman yung ulo ko. Napansin ko rin si Ayan na nandun sa kabilang side at
natutulog doon mag-isa. Nasa tabi ko pa rin yung jacket niya. Mamaya ko na lang
siguro isosoli at nakakahiya namang gisingin pa siya.
"Oi bruha!"
"Ano?"
"Wala."
Nakayuko pa rin ako nun pero naririnig ko pa rin yung pinag-uusapan nila.
Ginulo naman ako ni Joyz nun. Nakisama rin si Ren nung sinabi ni Joyz yung mga
nakakapagtaka sa akin. Magkasama kami ni Ayan na naglalakad kaninang umaga, suot ko
yung jacket niya, madumi yung pajama ko, parehas kaming natutulog at mukhang puyat
na mukhang normal naman sa kanya at sa akin lang hindi, at syempre... nagising daw
si Joyz kaninang umaga at wala ako.
Pagkatapos nung panghuhuli ng isda na hindi naman ako nagparticipate, tinawag kami
para turuan gumawa ng tools gawa sa kahoy. Ako naman kahit nakaupo ako doon, hindi
ko naintindihan lahat kasi tinulugan ko lang. Hindi naman ako napansin kasi nasa
likod kami nila Ren.
Nung araw na iyon, wala naman kaming masyadong ginawa. Well, siguro marami rin kaya
lang hindi ko alam dahil tulog nga ako. Ginising nga nila ako nung kakain kami,
pero isang subo lang nakatulog na ulit ako.
Gabi naman nung medyo ayos na ang diwa ko. Hindi na ako masyadong inaantok. Si Ayan
naman, ginising pa nila. Panay isda yung nilagay sa harapan niya. Sabi nila yun daw
ang handa niya dahil nga nasa forestry kami. Tawa lang ng tawa si Ayan. Inabot
naman na ni Rachel yung regalo niya. Kung ano ang laman nun, hindi ko alam. Basta
ang alam ko nung inabot niya yun kay Ayan, yumakap lang si Ayan sa kanya.
Kain lang kami ng kain. Ayun, natinik pa nga yata nun si Charlie. Medyo nauubo pa
nga eh. Kaya kumuha ako nung kanin at sinubo ko sa kanya.
"Thanks.''
At ang masaya na part, inulit uli nila yung bote. Sabi kasi nila mas ok daw ngayon
dahil mas marami kami. Ayos lang naman sa lahat. Parang game na rin namin para sa
birthday ni Ayan.
Nung nag-spin si Raymond, ang naturo eh ako. Ako ang magtatanong sa kanya. Ano nga
ba?
"Hmmmm... Raymond, I know you love girls. Dahil curious lang ako, ilan na ang
naging girlfriend mo?"
Tumawa lang si Raymond. Tapos nagbilang sa daliri. Ang cute nga niya tignan nun
kasi parang bata na nagma-math sa daliri.
Whoa! That's alot. Pero at least wala pang one dozen. Kung nagulat ako, syempre
ganun din si Joyz at Rachel. Panay girls lang yata ang nagulat.
Dahil ako yung nagtanong, ako naman ang mag-spin kung sino ang magtatanong sa akin.
Si Raymond nga ulit ang naturo. Inulit ko uli. Tapos si Charlie. Ang natatapat kay
Charlie parati eh tagatanong, pero hindi pa siya natatanong. Nakaramdam ako na
parang kinakabahan kasi kapag si Charlie ang natapatan, deretsahan. Sana nga mag-
message na lang sya.
"Hally.." tapos pinipilit niya na gawing seryoso yung mukha niya kahit na natatawa
siya. "Ilang taon ka na?"
"Ahhh... totohanan na 'to." tapos humawak siya doon sa buhok niya. "May chance ba
ko sa 'yo?"
Hindi ko talaga alam yung isasagot ko. Tumingin si Joyz at Ren sa akin na para bang
gulat na di mo maintindihan. Iniisip na naman nila may tinatago ako sa kanila.
Hello? Hindi ko alam.
"No bro.. I'm serious. I'm courting Hally for about 2 months now..."
"What?!?"
Southern High
***55***
Nung sinabi ni Ayan yun, tinignan ko siya. Bakit naman ganun siya mag-react?
Nagulat ako. That's right. Hindi naman ako tinanong ni Charlie eh. Hindi pa naman
ako ulyanin para makalimutan ko kung nagtanong siya. Kahit anong taktak ang gawin
ko sa utak ko... wala talaga.
"Kailan nga bro? Ang natatandaan kong sinabi mo sa akin eh you... well, I'll talk
to you later. Pero hindi mo sa akin sinabi na nanliligaw ka."
Yan yung sinabi ni Raymond. Hindi ko nga makalimutan. How I wish naiintindihan ko
kung ano yung mga kulang. Pinapanood ko lang sila nun mag-usap, tapos tumingin si
Charlie kay Ayan na tahimik lang dun sa side niya. Mukhang nalimutan na yata niya
kung paanong magsalita.
Kagabi yun nangyari, and the thought still haunts me! Err, yup. Nasa bahay na ako
ngayon. Mukhang ewan dahil sa sobrang puyat. Hindi ko kasi makalimutan yung
nangyari kagabi. At kung anong sinagot ko...
Ang naaalala kong sinabi ko sa sarili ko nun kagabi, 'ano ba yan Hally, wala bang
maayos na tanong?'
Mabuti na lang nasa kwarto na ako ngayon. Parang kanina lang nasa forestry pa ako
at nagre-ready na pauwi. Naaalala ko pa nung kinausap ako ni Charlie. Nothing much.
Basta sinabi lang niya na totoong nanliligaw siya at hindi siya nagbibiro nun.
Sinabi niya na nagsimula yun nung nag-isip siya sa sinabi ni Joyz sa kotse nung
araw Dance.
Hay... siguro nga dapat matulog na lang ako. Bukas papasok na naman. Parang ayoko
pa. Hindi dahil pagod ako. I just need a break. Mentally... and emotionally. OA!
Pinikit ko naman na yung mata ko nun. My God! Kailangan ko na talaga ng tulog. Kasi
naman kakapikit ko pa lang nun, nagtuluy-tuloy na. Ang sarap din ng tulog ko.
Maganda pa nga yung napanaginipan ko eh. Kaya lang nung nagising ako... nakalimutan
ko na.
Maaga rin akong nagising kinabukasan. Hindi na ako nagising ni Daddy dahil tulog pa
siya. Siguro past-6 yata ako natapos at umalis na ako ng bahay papunta ng school.
Balak ko nga sanang sunduin nun si Joyz, kaya lang nagbago yung isip ko dahil maaga
pa at baka kagigising pa lang nun. Mabagal pa man din kumilos yun.
Pagkadating ko nun sa school, nagulat nga ako at nakita kong may ilaw na sa room
namin. Ang aga yata nung nagdadala ng susi ngayon. Pagpasok ko sa loob, may mga
mangilan-ngilan na bag. Pero ang ikinagulat ko, nandun si Rachel at si Ayan sa
loob.
"Ooh. Sorry."
Lumabas na ako nun. Makaistorbo pa ako sa kanila. Kasi naman... pero sabagay,
parang nakakapanghina pala kapag ganun ang nakikita mo. Ewan ko kung anong pinag-
uusapan nila. At kung talagang meron man, ayoko ng malaman.
Lumayo ako doon sa room namin. Hindi ako naupo sa bench. Sa Math Garden ako naupo.
Nung una akala ko mas ok dito, hindi rin pala. Tambayan nga pala ito nung tatlo.
Kaya ayun... nakita ko si Charlie at Raymond. Syempre, papaalis na rin sana ako
kunwari, kaya lang hinarangan ako ni Raymond sa gate at hindi ako pinalabas.
"Yeah."
Dumarami na rin yung tao sa South. Naghihintay na lang kami pare-parehas na mag-
alarm para sa time. Ito namang si Raymond, alam ko namang sinadya niya eh lumabas
at tinawag yung isang classmate niya. Sabi niya mangongopya daw siya ng homework.
Kaya kami na lang ni Charlie ang naiwan doon. Pero hinangaan ko lang ang sarili ko,
kasi hindi ako naiilang kay Charlie.
"Ang tahimik natin ah.." pambungad ko naman na sinabi. Hay, walang 'wenta.
"Pasensya ka na kay Raymond kahapon saka kanina, ganyan lang yan. Naninibago pa
kasi yan. Hindi yata sanay na kaibigan namin ang.. alam mo na."
"Ooh. Honestly, nagulat din ako nung Sunday." sabi ko naman. Kasi nung Sunday
night, hindi kami masyadong nakapag-usap.
"Sorry kung nagulat kita. Usually kasi, nagtatanong ako bago manligaw. Ikaw nga
lang ang hindi ko tinanong. Ewan ko ba, lahat kasi ng niligawan ko pumayag nung
unang beses kong tinanong, which means may chance ako. Sa 'yo naman... sinadya kong
hindi magtanong... para hindi ko alam."
Sabi nga nila sa akin, mahirap daw magtiwala sa playboy. Hindi mo alam kung seryoso
ba siya o ano. Pero sa kaso ni Charlie, tinanong ko na yan sa sarili ko. Maniniwala
ba ako o ano? Finally last night I end up trusting him. Bahala na.
"Kakaiba ha.."
"Yeah."
Tumunog naman yung cellphone ko. Nag-excuse lang ako saglit at tinignan ko. Text
message. Si Freelie pala.
Syempre, pumayag naman ako. Wala namang masama. Isa pa, natutuwa rin naman ako kay
Freelie. Trip lang niya. Sabagay ako rin paminsan-minsan iniimbitahan ko sina Joyz
sa bahay. Wala ring reason.
"Freelie."
"Oh, nakilala mo na pala siya?" tanong ni Charlie sa akin at binuksan ko yung bag
ko. Nakita ko doon yung panyo ni Charlie dati.
"Yup. Sa North ko siya nakilala. Nung may laban na hindi ako nakalaro."
"She's really nice. Ibang klase mag-isip yan si Freelie. Sanay na rin ako."
"Oo nga eh. Natutuwa rin ako sa kanya. Iniimbitahan niya nga ako sa bahay niya
ngayon... kaya lang nalimutan ko na pumunta sa bahay niya. Naka-kotse kasi kami nun
eh."
Pumayag naman ako. Nagtext si Charlie kay Freelie tapos si Freelie eh nagtext sa
akin. Alam na niya na kasama ko si Charlie mamaya.
Nag-alarm naman na pagkatapos nun. Magkalapit naman yung room namin kaya nagsabay
na kami pero naghiwalay din naman. Sa pintuan nga nun, nakasalubong ko pa si Ayan.
Tinignan lang niya ako, pero walang sinabi. Hay naku! Bumalik na naman siya sa
ganun.
Buong maghapon, nasa klase ako. Nakakapanibago na naman. Wala kasing activity eh.
Umuwi lang ako ng tanghali sa bahay para kumain. Nakasabay ko si Ren at Joyz nung
kumain sa cafeteria na hindi naman ako tinantanan na tuksuhin tuwing nakikita si
Charlie. Kay Charlie naman eh wala lang yun, dinadaan na lang sa tawa.
Sinabi ko na kay Ren at Joyz na hindi ako makakasabay sa kanila umuwi. Nung sinabi
kong kasama ko si Charlie, iba na naman ang inisip. Kaya ako naman, dinipensahan
ang sarili.
"Joyz, Ren, may pupuntahan ako. Nakwento ko na si Freelie di ba? Hindi ko alam kung
paano pumunta sa bahay niya, kaya siya ang maghahatid sa akin."
Umalis na kami ni Charlie sa school. Iniwan ko yung book bag ko sa locker dahil
wala akong homowork at ang dinala ko lang eh yung purse ko. Wallet lang naman at
cellphone ang dadalhin ko.
Dahil medyo malayo nga yung bahay ni Freelie, ang tagal namin ni Charlie sa jeep.
Ang sikip nga sa jeep eh, ang daming tao. Kaya ako naman, masyadong nasiksik kay
Charlie. Pero kapag may tiyaga, naglakad lang kami eh nakita na naman yung cute na
pink na bahay ni Freelie. Nandun na naman sa garden si Justin.
Tawa ng tawa si Charlie. Binuhat pa nga niya si Justin eh. Mahilig rin pala siya sa
bata. Bakit ba ganun?
Naka-shorts lang si Freelie. She's really pretty. No denying on that. Para ngang
single pa lang siya eh.
"Charlie! Long time no see! Lalong gumagwapo ha. Bakit ikaw ang naghatid kay
Hally?" sabi niya habang pumapasok kami ng pinto.
Nung naunang pumasok si Charlie, dumila lang si Freelie.
"Kumusta ka na?"
"Eto, ganun pa rin." tapos napansin ko hawak niya yung phone niya. "Nagtext si Ayan
sa akin eh... pupunta yun dito at kukunin yung damit niya para sa laban yata nila.
Iniwan kasi niya yun dito nung ginabi na siyang umuwi. Kasama na naman yata niya
yung Rachel-girl na yun. Parehas kayong ok for Ayan."
Naku Freelie, si Rachel na tiyak ang para kay Ayan. Pero parang nasamid yata ako
nung sinabi niyang..
Pero hindi pa yun yung nakapagpasamid sa akin ng sobra. Hindi ako makakilos nung
may nagsabing...
"Oh Ayan.. nandiyan ka pala." sabi ni Freelie na mukhang normal pa rin at ako lang
naman ang nagulat.
"Yep."
"How long have you been there?" yeah, yun din ang gusto kong tanungin.
"Long enough..."
Long enough?!? Ibig sabihin narinig niya yung sinabi ni Freelie kanina? Kasi
naman...
"Narinig mo?"
"Right."
Pumasok naman si Freelie sa loob. Sumunod ako, tapos si Ayan. Narinig ko pa nga
siyang bumulong sa akin:
Kung totoo nga yung sinasabi ni Ayan tungkol kay Freelie, I'm afraid it's working.
"Oh Hi Bro!" sabi ni Charlie nung nakita niya si Ayan. "Darating ka pala?"
"I invited Hally. Kaya lang nalilmutan niya kung paano pumunta dito kaya hinatid
siya ni Charlie..."sabi niya habang binubuksan yung Fridge "Bakit may problema ka
dun Ayan?"
"Wala."
"Nasaan nga pala si Rachel?" tinanong ko naman dahil ang alam ko eh magkasama sila.
"Aaah.."
Maya-maya lang, dumating na si Rachel. Pink nga yung bag niya ngayon. Paiba-iba nga
eh. Naaalala ko dati white yung bag niya, tapos naging blue.
"Oh hey Charlie.. hey Hally." sabi niya nung nakapasok na siya sa pinto.
"Hello."
"Hey Freels, akyat na ako sa taas. Kukunin ko na yung costume ko tapos aalis na rin
kami."
"Aalis na kayo kaagad? Hindi pwede, kadarating niyo lang eh. Sina Hally rin
kadarating lang naman."
Ang alam ko lang, umakyat si Ayan sa taas. Kami namang apat nila Freelie ang naiwan
doon. Nakangiti pa nga si Freelie sa 'di naman namin alam na dahilan. Ang kulit nga
eh.
"Oo nga pala hindi ko pa natatanong sa inyo, anong nangyari sa camping? Hindi pa
nagku-kwento yang si Ayan sa akin. Kumusta ang birthday ng mokong na yun?"
Narinig naman naming bumababa si Ayan nun. Akala mo napakabigat ng paa kasi ang
lakas nung yabag niya. Huminto pa nga siya doon sa hagdan.
"Para saan 'to Freelie?" sabi niya habang hawak yung bola. "Nasa ibabaw ng costume
ko."
"Regalo ko po Ayan! Para naman mag-sports ka hindi puro sayaw at drums ang alam mo.
Mabuti pa noon mahilig ka sa basketball."
"Thanks alot."
"Maglalaro tayo?" sabini Charlie at nilapag na niya si Justin. Tulog na nga talaga.
"Kailangan ko bang ulitin yung sinabi ko? Maglalaro nga tayo! Bilis, tayo na.
Pupunta tayo doon sa half court dyan sa labas."
Pero dahil nagpipilit si Freelie, tumayo na rin kami. Ang kulit talaga nun, hindi
ka mananalo. Nilabas niya yung silver niya na whistle. Meron siya nun kasi, asst.
coach nga siya ng volleyball team ng North.
Syempre, hindi na nakaalis sina Ayan. Sabi n Freelie, two on two raw. Siya daw ang
referee. Papalabas pa lang kami nung sinabi ni Freelie sa amin na...
"I'm trying to help you guys. Si Charlie alam ko magaling na sa basketball kasi
player siya. Si Rachel matututo. Tumutulong lang ako.. right Hally?" tapos tumingin
siya sa akin na para bang may sinasabi siya sa akin na hindi ko naman ma-gets.
Malapit lang yung half court sa kanila. Kakampi ko si Charlie, at syempre si Ayan
at Rachel. Hindi talaga ako marunong nito. Mabuti na lang si Charlie player. Dahil
kung hindi, talunan na talaga kami.
Si Ayan, hindi ko pa nakikitang maglaro. Mas matangkad siya kay Charlie, hindi nga
lang masyado. Si Rachel, ayun nakatayo lang.
"O sige, first to make twenty points ang panalo. 1 point lang kada-shoot. So, I
want a clean, nice game..."
"Drop it Freelie! This is not a professional game. Ikaw lang nagpilit nito." tapos
ngumiti si Ayan.
Pagkatapos nun... let the game begin. Syempre, may rebound thingy pa nga. Si Ayan
pa ang unang nakakuha ng bola. Nakatayo lang si Freelie doon. Nakalagay yung
whistle sa bibig niya. Binabantayan naman ako ni Rachel, kaya ako naman eh hindi
makaalis doon sa kinatatayuan ko.
Then... shoot.
Tapos nun, sa amin na yung bola. Syempre, hinaharangan ni Ayan si Charlie. Natatawa
nga ako doon sa dalawang yun, masyadong kina-career ang basketball. Ayan's not that
bad. Yun nga lang, nakakaangat nga lang siguro si Charlie kasi nga player siya.
Naka-shoot din naman kami. Ayos nga eh. Nung kalagitnaan ng game, napunta kay
Rachel yung bola. Pumito pa nga si Freelie. Travelling daw! Naku ha! Kapag ako yun
ganun din naman tiyak.
Nung team na naman namin ang may hawak ng bola, hindi makasingit si Charlie kay
Ayan. Pinasa ba naman sa akin yung bola. Balak pa nga sana ni Ayan na bantayan ako,
pero syempre para fair, girl to girl, guy to guy. Nag-shoot na lang ako dahil
sinabi ni Charlie. Kaya lang sorry.. 'di umabot.
"Ooh.. sayang yun ah! Nice one Hally!" sabi ni Freelie tapos pumito na naman siya.
"O sige break muna kayo. Mag-usap muna ang bawat team kung anong technique."
This is so stupid. Pero nakakatuwa din. Pare-parehas pa kaming naka-uniform tapos
naglalaro kami ng basketball. May meeting pa daw kunwari! Nakakatawa talaga.
"Ok Hally, ganito ang gagawin natin." sabi ni Charlie na mukhang pagod na rin.
Tawa ako ng tawa nun. Si Charlie kasi, ang haba-haba ng sinabi eh ang naintindihan
ko lang naman eh bantayan ko raw si Rachel, yung word na 'ipasa' at yung word na
'shoot'.
Dahil sumasakit yung tiyan ko nun kakatawa, umupo ako doon sa gilid. Napaka-
abnormal ko naman. Ganito kasi ako minsan, may pagkamamabaw ang kaligayahan.
Dumagdag pa si Freelie. Pero nung naupo ako, that's the time na napatingin ako doon
kina-Ayan. Nag-uusap silang dalawa. Magkatabi sila doon sa kabilang side ng daan.
Yun din yung time na nawala yung tawa ko. Nawalan yata ako ng gana nun.
Katabi ko naman si Charlie nun. Dahil kanina nga eh tawa ako ng tawa, napansin niya
na huminto ako. Ang alam ko tumingin din siya sa tinitignan ko. Nalaman niya yata
na sina Ayan at Rachel yun. Saka naman siya tumayo. Nag-offer pa nga ng kamay eh...
Aabutin ko na sana yung kamay kaya lang nagulat ako. Narinig ko pa nga si Ayan na
sinabing'Freelie, 'di pa ba magsisimula?!' Hindi ko naabot yung kamay ni Charlie
kaya ako, natumba. So far, di naman masyadong nakakahiya.
Sinimulan uli namin yung game. Napansin ko nga nung game, parang hinaharangan ako
ni Charlie. Sabi niya sa akin, para daw hindi ako matamaan ng bola lalo na kung si
Ayan ang titira. Kasi raw, malakas daw tumira ang mga lalaki.
Dahil kadalasan nung laro eh one-on-one si Charlie at Ayan, parang wala na lang
kami doon ni Rachel. Seryoso nga silang dalawa eh, hindi naman sila ganyan kanina.
Maganda rin yung game. Shoot, score. Nagta-tie... then shoot. Foul.. at kung anu-
ano pa.
"Whoa! Nanalo tayo!" hindi na rin nakakapagtaka, magaling naman talaga siya.
"Nice game!"
"Ikaw kaya ang maganda ang laro! Wala naman akong naitulong.."
Nakayakap pa rin si Charlie nun. Dahil nakatalikod si Charlie, hindi niya nakita na
kinuha ni Ayan yung bola at binato niya sa ring. Shocking nga eh! Pero na-shoot.
Saka lang lumingon si Charlie.
Tinignan ko nun si Freelie. Nakangiti lang siya dun. Hindi kaya may lahi yung
magkapatid na 'weird' paminsan-minsan?
Napakunot-noo naman ako. Narinig ko kasi yung sinabi niya. Malayo-layo yung tatlo
kaya tingin ko hindi na rin nila narinig.
"See Hally, I'm helping you and Ayan." sabi niya sa akin kaya hindi ko na naman
siya naintindihan ngayon.
"What?!?"
"Work it out Hally. Pinag-partner ko kayo ni Charlie, si Ayan and Rachel. Don't you
get it? I'm trying to help"
Umingay naman nun. May dumaan kasing sasakyan. Malaking truck nga eh kaya naging
maalikabok. Dalawa kami ni Freelie sa kabilag side ng daan, yung tatlo sa kabila
kaya hindi na namin sila nakita.
Pagkadaan nung truck, nakita kong malapit na malapit yung mukha ni Ayan sa mukha ni
Rachel. I don't like it. Hindi ko alam kung bakit ganun.
"Napuwing ka ba Rachel?"
"Saan ba Rachel?"
Nakaramdam na naman ako na gusto kong umuwi. Siguro nga nag-iba na naman ang
expression ng mukha ko. Naging ok na nga kahit papaano kanina dahil nakaka-recover
na sa nakita ko kanina na magkatabi sila, ngayon eto na naman. At ang masaklap pa,
nagkakataon na nakikita ako ni Charlie na ganun. Buti nga hindi naman niya
napapansin.
Tumingin ako kay Freelie nun. Nakatingin din siya doon sa dalawa kahit na
maalikabok. Tahimik lang at walang sinabi...
Parang naluluha na ako nun sa nakikita ko. Kaya lang, hindi ako pwedeng umiyak
ngayon dahil ayokong ipakita lalung-lalo na kay Freelie. Mas mabillis kasing gumana
yung utak niya sa ganitong bagay kaysa kay Ayan. Si Ayan kasi, hindi naman
nakakapansin.
Binaling ko naman sa iba yung tingin ko. Kaya lang, nung iniwas ko, si Charlie
naman ang nakita kong nakatingin sa akin. Ewan ko nga lang, kung may napapansin
siya. Pero ngayon, mukhang wala naman.
Hindi ko rin alam kung sinasadya ba ni Charlie pero ang ganda nung timing niya.
Tama. Dapat siguro umuwi na rin ako. Baka maya-maya lang eh hindi ko na makayanan
at mag-breakdown pa ako dito.
Kaya kami, umalis na kami doon. Hindi ko naman na nakausap si Freelie maliban na
lang nung nagpaalam kami. Ok pa naman siya, kaya lang mukhang tumahimik kaysa nung
dumating kami.
"Hally, ok ka lang ba? Kanina ka pa tahimik simula nung natapos yung game ha..."
tapos yung mukha niya, seryoso na parang nag-aalala.
"Ok lang ako. Napagod lang ako doon sa game. Hindi kasi ako sanay ng ganun..."
Tinignan lang niya ako. Pero hanggang sa nakarating na kami ng bahay, hindi na siya
nagtanong.
Hinatid niya ako hanggang sa pinto namin. Nagpaalam ako sa kanya, at ganun din siya
sa akin. Isasara ko na sana yung pinto namin nung hinarangan niya ng kamay niya.
Pero yung sinagot niya, hindi ko rin maintindihan. Naiintindihan ko din naman
siguro pero hindi ko lang talaga inaasahan na manggagaling sa isang CHARLES OROSCO.
"Don't think too much Hally... it's not good for you."
Sinara ko na yung pinto nun. Tumingin pa nga ako sa bintana. Nakita kong naglakad
na siya paalis.
Don't think too much.. don't think too much... paulit-ulit kong sinasabi sa sarili
ko yun buong gabi. Nakatulong din naman kahit papaano. Tama si Charlie. Bakit ba
masyado kong pinoproblema si Ayan? Si Rachel?
"Ano ka ba? Kanina pa kita hinihintay. Maghahanap pa kaya tayo." sermon ni Joyz sa
akin kalalabas ko pa lang.
"Nawala kasi yung wallet ko eh... hinanap ko pa." tapos pinakita ko yung blue ko na
wallet na nahanap ko pa sa kadulu-duluhan ng drawer ko.
Naglakad naman na kami ni Joyz nun. Walang dapat sayangin na oras. Hapon na kasi
eh. Lalo pa't baka gabihin kami.
Pero syempre, hindi ko naman yun sinabi sa kanya. Sinabi ko na ganun na talaga yun
nagising pa lang ako. Buti nga naniwala, dahil kung hindi... matinding pag-iisip na
naman ang gagawin ko.
Pupunta kami ng mall ngayon. Bibili kasi kami ng regalo. Remember, malapit na yung
birthday ni Ren. Sa Friday na nga yun eh. At hanggang ngayon, wala pa rin kaming
regalo sa kanya.
Kanina nga, sasama dapat si Ren sa amin ni Joyz. Kaya lang sinabi namin sa kanya na
pupunta kami ng parlor, kaya ayun.. hindi na raw siya sasama. Tiyak daw girl stuff
na naman daw yun.
Syempre nung nakrating na kami sa mall, ikot dito at ikot doon ang ginawa namin.
Mahirap ding regaluhan si Ren. Paano ba naman kasi eh lalaki. Kaibigan naman namin
siya, dapat nga siguro madali na sa amin dahil tiyak tatanggapin niya kahit ano.
Hindi naman kasi siya mapili. Yun nga lang, mas gusto namin ni Joyz yung
magugustuhan niya talaga. Kaya lang eh... ANO?
Kaka-ikot namin sa mall, wala pa rin kaming nakikita. Kukuha kami ng cd, sa unang
tingin mukhang ok tapos kapag tumagal.. dumarami yung reasons namin parehas ni Joyz
kung bakit hindi dapat bilihin. Ganun din yung nangyari sa PS2 games, soccer ball
at kung anu-ano pang nakita namin. Siguro nga naiinis na rin sa amin yung mga
nagtitinda dahil tingin kami ng tingin nung paninda nila, tapos hindi naman namin
bibilihin. Yung isa nga, sinigawan pa kami. Kaya kami ni Joyz eh tumakbo na lang.
Nakakahiya talaga.
"Bili tayo ng ice cream. Meron yata diyang drumstick, P10 lang yata."
"Ok na yun.."
Pumunta kami doon sa bilihan ng ice cream. Nakahanap naman kami ng bench kung saan
pwedeng umupo at magpahinga. Ang hindi lang maganda, may naalala ako. Yun kasi yung
bench na inupuan namin ni Ayan nung kasama namin si Justin na nadumihan yung damit
niya. Ang masaklap pa, ice cream din ang kinain niya nun. Parang sinadya no?
"Syempre, ice cream... uupo ng bench kapag pagod..." tapos tumawa siya ng malakas
"Bakit ganyan yang itsura mo? 'Wag mong sabihin sa akin na tama ako?"
"Of course not..." tapos lumingon ako sa kanan ko, at doon ako ngumiti.
Dahil ginabi na kami parehas sa mall at wala pang nabibili maliban sa ice cream at
gulaman, syempre.. kailangan na talaga naming bumili.
"Oh, ano na..." sabi ko sa kanya nung naubos na niya yung iniinom niya.
Lumingon-lingon ako, nakita ko yung RRJ. Siguro nga, doon na lang kami dapat
bumili.
Hinatak ko si Joyz doon. Ayos lang din naman sa kanya. Kung anu-anong tinignan
namin sa mall eh sa shirt lang pala ng RRJ ang babagsakan namin. Syempre dadagdagan
namin ng arm warmers. Nung nakita namin yung presyo, inabot ng P450 lahat.
"P200."
Kukunin na sana namin at babalikan na lang yung isang arm warmer kaya lang sabi ni
Joyz eh balikan na lang daw kinabukasan at bilihin. Hindi namin nabili yung regalo
ni Ren. Pero at least, alam na namin kung ano at saan babalikan.
Nakauwi rin naman kami ng kanya-kanyang bahay. Pagkadating ko sa bahay, naligo lang
ako at nagsuot ng pantulog... bagsak na ako. Goodnight Hallene Rhias. Ang bilis ko
ngang nakatulog eh.
Nag-ring yung alarm clock ko ng maaga. Inaantok pa nga ako nun. Pero syempre,
kailangang pumasok. Nag-ready lang ako, at yung mga kadalasan kong ginagawa, kinuha
yung bag at umalis ng bahay. Tulog pa si Daddy at mamaya pa yung pasok niya.
Napag-usapan na namin ni Joyz na lunch break bumalik ng mall at bilihin na nga yun.
Kumpleto na yung pera namin. Kaya lang, ako lang ang makakabalik dahil uuwi si Joyz
ng bahay nila.
Nag-lesson lang kami. Na-boring na naman ako. Yun naman ang madalas mangyari eh.
Break naman nung kasama kong lumabas si Ren at kumain ng cafeteria. Nagtaka pa nga
kami parehas kung ano yung maingay na mga nagsisisigaw. Napatingin kami sa
corridor, may mga naka-costume. Mga dancers. Syempre maraming nakatingin. Ganun ba
naman ang mga suot nila!
Dinaanan lang kami ni Ren. Hindi niya kami napansin. Nandun pa nga sa gitna si
Ayan. May kausap. Nakalayo na sila ng kaunti tapos lumingon si Ayan. Kumaway sa
amin.
Si Ren naman, nung nawala na yung mga dancers na iba, inimbitahan niya yung apat na
yun sa birthday niya. Pumayag naman sila. Ngayon, dumami na naman kami.
Lunch break naman nung nagmamadali ako nung umalis. Syempre, pupunta na ako ng
mall. Nagpaalam na si Joyz sa akin at mag-ingat daw ako. Sumakay ako ng jeep mag-
isa.
Unang dinaanan ko ang RRJ syempre. Tinignan ko nga yung mga shirts. Pumili rin ako
ng arm warmers. Kaya lang nung naglalakad na ako at magbabayad eh may tumawag sa
akin.
It's Rachel.
"Oh, nandito ka rin?"
"Yeah. Pumipili ako ng cap eh. Ano ba sa tingin mo ang maganda dito sa dalawa?"
tapos pinakita niya yung blue and red na cap.
"Kung ako papapiliin, mas maganda sa akin yung blue. Hindi loud, hindi naman
boring. Just right. Cute pang tignan. Yung red ok din naman. Matingkad lang ang
kulay niya. Mas prefer ko yung blue although, prehas namang ok."
"Hindi kasi ako magaling sa ganyan. Buti ka pa. Kukunin ko na 'tong dalawa."
Ay! Tama ba yun? Pinapili ako doon sa dalawa tapos kukunin din naman pala niya
parehas. Napandin niya yung dala-dala ko.
Pagkatapos nun, nalaman ko na yung binibili pala niyang cap eh para kay Ren din.
Dahil nga invited din siya at baka raw hindi na siya makabili ng regalo.
Sabay na kaming bumalik ng school. Yun nga lang, hindi jeep kundi naka-kotse na
kami. SInabay niya ako eh. Tinago ko sa bag ko yung mga pinagbibibili ko. Nalukot
nga yata eh. Tapos, dinaan ko sa locker para doon ko na mailagay.
Dapat nga sabay kaming kumain ni Rachel sa school. Kaya lang, hindi pa ako
nagugutom nun kaya siya na yung nauna.
"Vince!"
"Bakit?"
Nasa kabilang room lang ako, pero syempre naririnig ko pa rin. Hindi ko na lang
tinignan, para hindi halatang nakikinig ako sa kanila.
Sumunod namang dumating si Charlie. Tinanggal niya yung polo niya. Nakita niya ako,
kaya umupo doon sa bench sa room namin.
"Kumain ka na?"
"Hindi pa."
"Hindi kasi ako nagugutom eh." tapos nakita kong hawa pa rin niya yung polo niya.
"Bakit tinanggal mo yung polo mo?"
"Nabangga kasi ako nung babae kanina. Natapunan niya ng ice tea. Kaya tinanggal ko
na lang.."
"Really?"
"Wow Bro! Di ba yan yung gusto mong bilihin, hindi mo na pala kailangang bilihin
eh, binigay na ni Rachel sa 'yo."
Tinignan ko naman kung ano yun. Napansin ko naman yun yung blue na cap sa RRJ na
pinili ko kanina. Gusto pala niyang bilihin yun...
"Paano mo nalaman na gusto ko 'tong bilihin?" sabi niya habang nilalagay uli doon
sa plastic.
Papasok na sana ako nun sa loob dahil tinatawag ako nung isa kong classmate. Kaya
lang 'di ko maiwasan na may marinig...
"I guessed."
Pagkatapos kong narinig yung sinabi ni Rachel, syempre tinuloy ko na lang yung
pagpasok ko sa room namin. Ano namang magagawa ko? Hindi ko naman kaya siyang
awayin. Hindi ko kasi gawain yun. Alam ko sa sarili ko na sa akin nanggaling yun.
At least ang mahalaga sa akin eh alam ko na nagustuhan ni Ayan yung pinili ko,
hindi naman niya alam. Pero hindi ko rin naman maiwasan na malungkot, pakiramdam ko
kasi may nawala sa akin.
Lessons, lessons, and lessons ang ginawa namin sa klase. Nagkaroon pa nga ng
reporting sa Filipino. Natanong pa nga ako tungkol kay Padre Damaso at Maria Clara.
Lumilipad kasi yung isip ko nun at wala ako sa mood, kaya kulang yung naging sagot
ko tungkol kay Padre Damaso. Mabuti na lang tama yung kay Maria Clara.
Hindi naman kadalasang naghahanda si Ren tuwing birthday niya. Tuwing birthday niya
kasi, lumalabas lang kami at nililibre niya para kumain. Kaya lang ngayon kung
bakit siya naghanda, ibang kaso naman yun. Umuwi kasi yung Daddy niya from US, at
minsan lang mangyari yun. Huli ko ngang nakita yung Daddy niya grade 5 pa yata ako.
So, naging dalawa ang celebration.
Wala naman kaming ginawa masyado dahil nga last day of the week. Para ngang
nakisama yung mga teachers kasi naging pa-birthday na rin nila kay Ren. Pauwi na
sana ako nun kasabay si Joyz kaya lang may narinig akong tumawag sa amin.
"Hally! Joyz!"
Nung lumingon kami, si Charlie pala. Tumatakbo pa nga siya papalapit sa amin kaya
huminto naman kami.
"Bakit?"
Hinihingal pa nga nun si Charlie kaya hinintay muna namin na makahinga siya ng
maayos dahil hindi na siya makapagsalita ng maayos.
"Oo."
"Kasi, hindi namin alam yung bahay nila..." tapos tinuro niya yung tatlo na nakaupo
doon sa bench sa tapat ng room nila.
"Hay naku Charlie, basta may nakita kayong bahay na may pink na lobo at may design
na Power Rangers, tapos ang nakalagay eh 'Happy Christening Ren'.. yun na yun."
Tinawanan lang siya ni Charlie. Paminsan-minsan yung mga idea ni Joyz may pagka-
wild.
Tinawag naman ni Charlie yung tatlo, sina Ayan, Raymond, at Rachel para lumapit.
Nagusap-usap lang kami. Finally, naging ok din naman. Susunduin ako ni Charlie at
Raymond, tapos makikipagkita na lang kami kina-Ayan at Rachel sa school. Siya daw
kasi ang susundo kay Rachel.
Umuwi na rin ako nun. Syempre nagbihis lang ako. Sinuot ko lang eh pants saka white
shirt na ang print eh 'kamiseta'. Hindi naman kailangan ng magandang damit.
Siguro 5:00 yata nung narinig kong may kumakatok sa pintuan namin.
"Tao po! Pwede po ba kay Hallene Orosco!" narinig ko sa labas. "Tao po! Hallene
Orosco! Nandito na po yung sundo mo!"
"Sasakay lang tayo ng tricycle. Medyo marami kasing paliko-liko yung bahay nila
eh."
Dalawang tricycle kami. Hindi naman kasi kami kasya sa isa lang. Kinausap ko yung
isang driver na sundan na lang kami since si Charlie at Raymond ang sasakay doon sa
isa. Sa isang tricycle naman, kaming tatlo ni Ayan at Rachel ang sasakay.
"O sige manong, sundan mo yung tricycle nila. Gutom na ko.." narinig kong sinabi ni
Raymond doon sa tricycle driver nung nakasakay na sila.
Dahil ako ang magbibigay ng direction, balak ko namang umupo doon sa likuran ng
driver at sa loob na lang si Ayan at Rachel.
Si Rachel naman eh pumasok na sa loob. Ako naman eh nakita kong nakatayo doon si
Ayan sa labas.
"Pumasok ka na doon, ako na dito." tapos tinuro ko yung upuan sa likod ng driver.
"No. Delikado dito. Kayong dalawang babae ang umupo doon sa loob."
"Pero..."
"Go inside Hally. Kung gusto mo rito, uupo rin ako dito."
Naku ha! Uupo rin siya sa labas?!? Ok fine, sabi ko nga Hally eh sa loob ka na.
Sa loob naman ng tricycle, ako yung umupo doon malapit sa driver para marinig niya
kung saan yung ituturo ko. Napansin ko naman si Ayan na nakatingin sa akin nun kaya
medyo nahiya ako kaya iniwas ko na lang yung tingin ko. Suot niya yung blue na cap
na binigay ni Rachel, ang yeah... bagay nga sa kanya.
Umalis na kami doon. Medyo malayo-layo pa dito yung bahay nila Ren. Si Rachel naman
eh kinausap lang ako.
What?!?
"Bakit naman?"
"Kasi gusto kong maging kagaya mo. Alam mo ba yung pinili mo na cap, nagustuhan
talaga ni Ayan..."
That's weird.
"Rachel, magkaiba tayo. Hindi mo naman kailangang gayahin ako. Just be yourself."
Nagulat na lang ako nung tinawag ako nung driver kung saan daw liliko. Kaya tinuro
ko naman.
Kaya lang ang hindi ko inaasahan eh may kumalabit sa akin sa likod. Si Ayan lang
naman ang nandun. Lumingon ako sa kanya...
Hindi ko masyadong ma-explain yung expression ng mukha niya. Pero ang alam ko eh
ngumiti siya sa akin tapos hinawakan niya yung cap niya na blue...
"Good choice..."
Nung nakarating kami sa tapat ng bahay nila Ren, mukhang marami na rin namang tao
kasi ang daming sasakyan sa labas. Naririnig ko nga din yung tugtog galing sa loob
ng bahay nila. Naunang bumaba si Rachel ng tricycle, at ako naman eh naiwan pa rin
doon sa loob at kumukuha ako ng pera sa wallet ko. Kaya lang nung babayaran ko na,
naunahan naman ako ni Ayan.
Pagpasok namin sa loob, sinalubong lang kami ng Mommy ni Ren. Maraming tao na hindi
namin kilala, pero syempre may area doon sa kanila na walang tao at pinapunta
kaming lahat doon.
Narinig ko namang tinawag si Ren ng Mommy niya at nasa taas pa yata siya. Dahil
sinigaw yung pangalan ko sa hagdan nila, narinig yata ng Daddy ni Ren. Kaya hindi
na ako nagtaka nung may pumasok sa pinto.
"Si Hally nandito na? Nasaan na si Hally?" narinig kong sabi ni Tito Ray habang
nasa pinto siya at may hawak pa yata na baso.
"Hally! Halika dito! Ang tagal na kitang 'di nakikita ah! Na-miss na kitang bata
ka!" sabi niya sa akin kaya naman nung tumayo ako eh niyakap ako ng mahigpit.
Feeling ko nga na-miss niya ako eh!!!
"Eto, lumalaki na ang tiyan!" tapos hinawakan niya yung tiyan niya. "Nung huli
kitang nakita ang liit mo pa. Tumangkad ka yata ng mabilis"
"May daya po yang si Hally, sampu po yung medyas niya sa sapatos niya.."
Tumingin naman ako kay Raymond. Nakaflip-flops kaya ako! Nakita kong tinuro ni Ayan
yung paa ko, kaya kumamot lang sa ulo si Raymond. Nakakatwa talaga yung mukha niya.
"Nasaan na ba si Ren at hindi pa niya pinapakilala yung mga kaibigan niya sa akin?"
Kakasabi pa lang yun ni Tito Ray eh nasa likod na niya si Ren kasama si Joyz.
Galing yata sila sa kwarto niya eh.
Naupo na ako nun kasabay si Joyz. Hindi nga lang kami magkatabi kasi umupo siya
doon sa carpet. Si Ren naman, pinakilala kami isa-isa. Simula doon sa malapit sa
pinto hanggang doon sa mga nakaupo sa carpet.
"Daddy, this is George, Kath, John, Neil at Lisa... mga classmates po namin. Ito
naman po si Raymond.."
"Naku Raymond ang pangalan mo? Kaya pala magkaasundo tayo parehas Ray ang simula ng
pangalan natin!" oo nga no! 'di ko narealize yun. Si Tito Ray kasi, maloko rin yan.
Mukhang parehas nga sila ni Raymond.
"Si Charlie, tapos si Joyz, kanina mo pa siya nakilala, then si Rachel, si Hally na
hindi mo kilala sa lahat, and RV."
Mukhang nagsasaulo nga pangalan si Tito Ray. Kaya lang, tinawag na kami para kumain
na raw. Syempre, nandun na naman yung kantahan.
Kumuha lang ako ng pinggan, yung binigay sa akin ni Charlie at kumain na rin kami.
Sa sobrang dami ng pagkain at gusto ko lahat, hindi ko alam kung anong uunahin ko.
Pero syempre, I managed to eat naman! Kakabusog nga lang kaya ang hirap gumalaw.
Naupo na nga lang ako doon eh.
Nauna akong natapos kumain sa kanila. Akala nga nila diet ako kasi hindi na raw
kasi ako bumalik. Tinutulak pa nga ako ni Tito Ray na kumuha pa raw ako, kaya lang
busog na talaga ako.
Nagtingin ako ng DVD doon sa TV nila. Ganun kasi ang ginagawa ko lagi kapag nasa
bahay ako nila Ren. Humarap pa nga ako at pinanood ko silang kumain. Nakaka-enjoy
pala yung ganito. Busy lahat kumain tapos nakikita mo kung paano sila ngumuya ng
pagkain.
Syempre nung natapos na kami, nilabas ni Tito Ray yung 'Magic Sing' nila, yun yung
microphone na maraming kanta at may scoring pa pagkatapos. Dahil lahat eh nahihiya
at walang gusto magsimula, nauna si Tito Ray na kumanta. Ang favorite niyang.. 'All
My Life' ng America. Naka-92 nga siya doon eh. Kaya lang pagkatapos niyang kumanta
eh lumabas na siya para daw hindi daw mahiya ang mga teenagers.
Tawa kami ng tawa kay Raymond. Mukhang pinaglaluan lang niya yung kanta. Closer you
and I yung kinanta niya. Naka-89 nga siya eh. Nag-bow pa nga ang loko.
Syempre dahil nagro-rotate yung mic at wala raw daya at kumanta lahat, nagsimula
yung mga classmate namin. Sina George. Nung natapos sila, sumunod na si Joyz. Naka-
93 ang bruha!!
Kumanta rin si Charlie. Hindi naman ganun kagaling pero may boses din. Hindi ko nga
lang nakita yung score kasi lumabas ako nun.
Kaya lang sabi nga nila marami pa akong dapat matuklasan. ISa na nga siguro 'to:
"Sinong kakanta? Hoy Ayan! Ikaw nga itong nasa banda! Dalian mo.."
"Ako?"
Tumingin siya sa amin ni Rachel. Kami na lang naman ang hindi na kumakanta. Ok lang
naman kung si Rachel, ayoko ng duet.
Tatayo na sana ako dahil kukuha ako ng inumin ko. Kaya lang...
"What?!?" narinig ko kasi yung sinabi ni Ayan. Nabitawan ko pa nga yung hawak kong
baso eh. "B-bakit ako?"
Tinulak naman ako ni Ren nun. Inabot naman sa akin ni Raymond yung mic. Ayoko nga
sana. Hindi naman masyadong nakakahiya kumanta, pero duet? No. Definetly not.
Wala naman akong magawa nun. Si Ayan naman mukhang wala lang. Sinelect na yung
song. Syempre ano bang ginagawa sa kanta? E di kinakanta!
Nagulat nga ako nung nagsimula si Ayan. OH-MY-GOD. Ngayon ko lang sya narinig
kumanta. No wonder member siya ng banda.
Dapat ko pa bang sabihin kung paano yung kinanta namin? Nakakailang lang. Paano ba
naman kasi habang kumakanta kami, nakatingin lahat sa amin. Idagdag mo pa si Ayan.
Hindi kasi siya tumitingin doon sa lyrics. Nung kumakanta siya, diretso lang siyang
tumingin sa akin. Seryoso nga yata siya eh. Ewan ko ba, parang wala siyang pakialam
doon sa mga nanonood sa amin.
Pagkatapos naming kumanta, hiyang-hiya na ako nun. Nakita kong nakatayo doon sa
pintuan si Tito Ray at nakikipalakpak. Panay pa nga ang sabi niya ng 'ang galing ni
Hally at RV'... asus parang totoo!!
Syempre nung gabing yun, wala naman kaming ginawa kundi kumain, kumanta, manood ng
horror movie at maglaro ng board game. Nakisali pa nga yung iba sa amin.
Over all, masaya talaga yung birthday ni Ren.
Dahil gabi na nun at kailangan na naming umuwi, nagsabay-sabay na kami. Ako kasi
yung unang nagpaalam dahil nga ayokong masyadong gagabihin. Natatakot kasi akong
maglakad.
"Wow, thanks."
Nung papauwi na, binigyan ako ng take-out para daw iuwi ko kay Daddy. Kilala kasi
ng DAddy ko yung family nila Ren. Malamang lang! Ang tagal na naming magkaibigan.
Naglakad lang kami saglit tapos nung nasa kanto na kami eh kanya-kanya na kaming
sakay. Ihahatid yata dapat ni Ayan si Rachel kaya lang dumating yung sundo niya. So
ang nangyari, sasama na lang daw siya sa amin maghatid sa amin ni Joyz. Narinig ko
pa ngang sinabihan niya si Rachel ng 'ingat sa pag-uwi.'
Naunang hinatid si Joyz. Mas malapit kasi yung bahay niya. Ako naman, nakasama ko
yung tatlo. Kung sinundo ako ni Charlie at Raymond sa pintuan namin kanina,
hanggang pintuan din nila ako hinatid. Mukhang tulog na nun si Daddy kasi madilim
na sa loob.
Hinintay ko lang silang umalis nun. Naglakad na nga sila paalis. Pinakahuling
naglakad si Ayan. Ang bagal nga eh.
Ngumiti lang siya sa akin bago tumalikod. Ako naman din nung nakalayo na sila,
tumalikod na rin ako.
Pumasok na ako sa loob. Nilagay ko lang yung pagkain ni Daddy da fridge, naligo ako
at nagtoothbrush.. at syempre nagpalit ng pantulog.
Siguro nga madaling araw na eh gising pa rin ako nun. Hindi kasi ako makatulog.
Basta ang alam ko, kinuha ko yung cellphone ko. Nakasarado pala yung phone ko.
Nung binuksan ko, ang daming messages. Babasahin ko na nga sana isa-isa. Kaya lang
napansin ko may message galing sa hindi ko kilalang number..
>Hi...
Nag-reply naman ako. Tiyak naman tulog na 'to. Bukas na niya siguro mababasa...
>hello!
Binura ko na yung message niya. Na-save ko naman na yung number. Tapos nagbasa na
lang ako nung mga pinadala sa akin ng classmates ko.
>gcng k p pala?
Nyikes?!? Nag-reply???
>Hu r--
Tatapusin ko na lang sana yung text ko kaya lang hindi na natuloy. Naramdaman ko
kasi na nag-vibrate yung phone ko at tumatawag yung number na hindi ko kilala.
Southern High
***61***
Si Ayan?!? Teka lang, gising pa siya? At, bakit iba yung number niya?
"Ayan?"
"Naisipan ko lang gamitin 'to. May mga number kasi ito na wala doon sa isa kong sim
card."
Bigla kong naalala yung sinabi ni Freelie sa akin dati nung unang beses akong nasa
bahay niya:
"... Yung unang sim card niya pinalitan niya kasi ang daming nagtetext na hindi
niya kilala..."
"Never mind.." sabi ko nung naisip ko yun.. "Bakit gising ka pa pala? Madaling-araw
na ah..."
"Wala lang, nag-iisip ng bagay-bagay. Nasa terrace nga ako ng kwarto ko ngayon,
naisipan kong i-text ka..."
"Aaah... ganun ba?" tapos may na-realize ako.. "Nasa terrace ka? E di ang lamig..."
"Hindi naman masyado. Maganda lang talagang tumingin dito kapag gabi. Nakikita mo
yung mga bahay sa ibaba, nakikita mo rin yung langit..."
"Wow. Mukhang ang maganda yung view ha. Sana may terrace din kami..."
"Ooh.. really?" tapos narinig ko siyang tumawa pero saglit lang, "Parehas lang pala
tayo..."
"Pero medyo inaantok-antok na rin ako, matutulog na rin siguro ako maya-maya..."
"Sorry..."
"For what?"
"Naistorbo pa kita..."
"Nah, it's ok." sabi ko na lang.. "O sige pala, matulog ka na rin..."
"Bye, good night.." teka, mali yata yun?!? "Good morning pala..."
Tumawa lang din siya, nag-goodmorning din bago binaba yung phone. Nahiga na ako
doon sa unan ko. Kaka-lagay ko lang nun phone ko sa side table ko.
"Bakit?"
"I'll bring you here some other time... you'll know." sabi niya sa akin. "Bye."
Siguro, mga limang minuto na niyang naibaba yung phone, nasa tenga ko pa rin.
Naisipan ko na rin namang ilapag na uli sa phone ko.
Nasa classroom ako ngayon. Free periods kasi namin kaya walang klase. Nasa labas na
si Ren at Joyz. Kumain yata sila sa cafeteria. Ako na nga lang ang tao dito sa room
namin. Hindi kasi ako nagugutom eh. Nagiging kamukha ko na nga si Ninoy Aquino sa
pag-upo ko rito.
Dahil napakatahimik at ako lang ang nandito sa room, naisipan ko rin namang lumabas
para naman masinagan ako ng araw. Hindi ko nga alam na paparating na rin pala si
Ren at Joyz.
"Sa wakas, lumabas rin ang bruha!" sabi ni Joyz sa akin na may dala pang
softdrinks.
"Nandun kasi yung mga dancers, nagpe-perform ng sayaw nila. Actually, practice lang
nila yun. Kasali kasi sila sa Dance Competition sa Mardi Gras" ('m�r-dE-"gr�)
Naglakad naman na ako mag-isa. Umakyat lang din ng hagdan, kaya lang doon pa lang
kapansin-pansin na nga na maraming tao. May narinig pa nga ako na nag-uusap na mga
babae nung pababa na sila..
Lumingon ako doon sa kanan ko. Si Raymond pala. Katabi niya rin si Charlie. Nakaupo
sila doon sa gilid pero walang masyadong tao. Ako naman eh, lumapit din.
"Nasa baba. Kagagaling lang nila dito, ang dami raw kasing tao eh."
Tama naman si Raymond. Kitang-kita nga doon. Hindi naman nagtagal eh nakita ko na
si Ayan. Mukhang pagod na rin kasi pinagpapawisan na siya. Napansin ko rin na hindi
siya nakauniform, naka-navy blue siya na shirt samantalang yung iba eh naka-red.
Hindi na talaga nakakapag-taka kung bakit madali mo siyang makikita.
"Kanina pa sila nagpa-practice dito. Hindi pa nga yata sila nagbe-break eh." sabi
ni Charlie kaya napatingin naman ako sa kanya.
Tinignan ko naman yung lalaki doon sa gilid na mukhang nag-oobserve din. Nakaupo
lang siya doon at painom-inom. The nerve of him!!
"Ok."
Umalis naman na si Raymond nun. Naiwan kami ni Charlie doon at nakaupo. Nanood lang
kami. Ayun na naman yung mga breakdancing moves nila. KAya naman buhay na buhay ang
audience kahit na practice pa lang.
"Hindi niya kasi alam na may practice sila, kaya naiwan niya."
Kinausap ko lang si Charlie doon. Niloloko nga niya ako at kaya daw niyang
magfortune-telling gamit yung palad.
Hinanap ko naman na yung orasan sa little theater, mag-5 na rin pala. Maya-maya
lang, mag-uuwian na rin.
Tama naman ako. Saglit lang din, nag-alarm na. Nag-alisan na yung mga estudyante.
Naku dapat lang no! Hindi pa sila nagbe-break, tiyak pagod na sila.
Hindi namin napansin na papalapit na rin pala si Ayan sa amin. Hindi pa ako
natatapos tumawa doon sa mga pinag-gagagawa ni Charlie sa akin.
Nagyaya naman na silang bumaba. Ako naman eh hindi na dapat sasama at uuwi na rin
ako, pinilit lang nila ako. Kaya ako naman, sumama sa kanila maglakad.
"Nasaan na si Raymond?" sabi ni Ayan habang hawak niya yung panyo niya.
"Teka hahanapin ko, dito lang kayo ha"sabi ni Charlie sa amin ni Ayan "Hally, akin
na nga yung bag mo... ako na ang magdadala. Mukhang mabigat eh."
"Hindi ok lang, kaya ko." sa totoo lang, may kabigatan talaga yung bag ko
Pero nagpilit si Charlie. Kinuha niya yung bag ko sa akin. Tumakbo na siya at
hinanap si Raymond. Kami naman ni Ayan eh nakatayo lang doon. Parehas pa nga kaming
nakatingin kay Charlie nun eh. Tinignan ko pa nga siya, seryoso yung mukha niya.
"What?!?"
Seryoso pa rin yung mukha niya. Kailangan ba talagang ganun?!? Iba tuloy sa
pakiramdam...
Si Rachel na naman...
"Hello Raymond? Hindi na ako makakakain. Kainin niyo na lang yung pagkain ko.
Ihahatid ko pa si Rachel..." tapos binaba na niya yung phone.
Papaalis na sana siya nun, kaya lang bago niya ginawa eh humawak pa siya sa kamay
ko.
"I just noticed that the two of you will make a very good couple..."
Dapat siguro matuwa ako, pero hindi eh. Naramdaman ko na naman na iiyak ako. Nakita
ko kasing umakbay siya kay Rachel nung paalis na sila.
Napaatras ako nun. Kailangan ko ng umalis dito bago pa may makakita sa akin. Kaya
lang pagtalikod ko... nabangga ako doon sa tao sa likod ko.
Magso-sorry sana ako kung sino man yung nabangga ko. Umiral na naman kasi yung
pagkaewan ko. Yumuko pa ko nun. Tinignan ko naman kung sino yun.
Sana nga...
Umalis ako nun sa pagkakayakap niya. Tumingin ako uli kay Ayan at Rachel. Malayo na
sila. Ako naman, hindi ko na lang tinignan.
"Uuwi na ko..." sabi ko kaya nung naglakad na ako paalis, hinila ako ni Charlie.
"Sandali lang..." kaya ako naman eh napahinto, hindi kasi niya binitawan yung
braso ko.
Hindi naman ako umalis dun. Hindi ko alam kung bakit niya ginawa yun, pero mukhang
nakabuti. Hinayaan niyang mawala muna si Ayan at Rachel sa dadaanan namin kaya mas
ok. Saka kami naglakad nun. Tahimik lang din si Charlie.
Probably not.
Habang naglalakad kami, nakasalubong namin si Aya. Tinignan lang niya kami...
"Kayo na?"
Tinignan lang siya ni Charlie. Akala ko nga walang sasabihin pero sumagot eh..
Naglakad na kami nun pauwi. Dala-dala pa rin niya yung bag ko. Hindi nga bagay sa
kanya eh. Lalaki siya tapos yung bag ko, pink.
Hindi ko alam kung anong nangyari sa pagkain nila na binili ni Raymond. Nakain na
kaya nila? Inubos kaya ni Raymond? Hindi ko talaga alam.
Basta pagkatapos nun, hinatid niya na ako. Wala ngang nagsalita sa amin hanggang sa
nakauwi kami ng bahay.
"Hally..." sabi ni Charlie for the first time nung nasa bahay na kami.
"Hmmmm?!?"
Pinipigilan ko yung sarili ko nun. Gusto ko ngang umiyak, pero hindi sa harap ni
Charlie. Lagi na lang siya...
Nung sinasabi ko yun, hindi ko na napigilan yung sarili ko. Napasandal na lang ako
sa kanya. Pakiramdam ko, gusto kong ibato lahat ng bagay na nakikita ko.
Bakit ba kasi hindi na lang si Charlie? Kailangan pang maging kumplikado? Dati
naman siya yung gusto ko, sana nga hindi na lang nagbago.
Pumasok kami sa bahay nun. Dahil wala pa si Daddy, kami lang yung tao sa loob.
Umupo kami sa sofa, at doon ako nag-iiiyak. Siguro nga napapagod na rin siya sa
akin, lagi na lang siya yung nagiging iyakan ko. Wala naman siyang sinasabi sa akin
nun, tahimik lang siya.
Gabi na yata nung narinig kong dumating si Daddy. Nagulat ako doon sa ingay.
Nakahiga ako doon sa kama ko, naka-uniform pa rin, at nakakumot.
Nagbihis lang ako nun. Humiga lang ako sa kama ko. Kinuha ko yung phone ko at
nagtext..
***
***
Exams. Exams naman parati. Hindi naman yun nawawala sa sirkulasyon ng mga school
dito sa Pilipinas. Sana nga wala na lang... para hindi dumadagdag sa problema.
Ok naman na ako. Hindi pa nga lang buong-buo. Kadalasan ang ginagawa ko tuwing
nakikita ko si Ayan, hindi ko na siya tinitignan. Bihira ko na lang din siyang
makausap. Usually pa, tungkol sa school stuff.
Kapag nagtetext siya naman, hindi ko sinasagot lalo na kung nagtatanong siya. Kapag
school related, nagrereply ako.
Ang pasaway ko no! Ilang araw ko na ring ginagawa yun. Ang hirap din pala. Pero
kahit papaano, kinakaya ko naman.
Lumabas ako ng room namin. Umupo ako doon sa bench. Pinakinggan ko yung cd na
dinala ni Ren. Ayos pala yung ganito.
Binabasa ko yung lyrics doon sa cover. Medyo kinakanta-kanta ko pa nga. Kaya lang
nakita ko na may pares ng rubber shoes sa harapan ko. Nakilala ko naman. Hindi
naman ako lumingon pataas at tinuloy ko lang yung pagbasa ko.
Just... ignore.
Tinignan ko lang siya katulad nung normal na facial expression ko. Ano na namang
kailangan nito sa akin?
Sinenyasan nya ako na tanggalin ko yung earphone para marinig ko siya. Hindi ko
ginawa. Nakita lang niyang hininaan ko yung volume. Hindi yata nakatiis, siya na
yung nagtanggal.
"Bakit?"
"May problema ba Hally?" sabi niya sa akin habang nakaluhod pa rin doon. "Kasi
parang..."
"Wala." sabi ko tapos binalik ko yung earphone sa tenga ko, kaya lang inalis niya
uli. "May problema ba Ayan?"
Hindi naman siya umalis doon sa pagkakaluhod niya. Saka naman dumating si Charlie
nun. Isa pa yun, hindi mo maintindihan ang expression ng mukha. Kaya lang nakita
ko, ngumiti siya. Umupo siya sa tabi ko.
Nagulat na lang ako nung... uamkbay si Charlie sa akin. Sabay pa nga kaming
tumingin ni Ayan doon sa kanang balikat ko.
"Are the both of you--?"
What the heck is he talking about? I don't understand. At kailan ko siya sinagot?
"Oooh, great."
Nakangiti pa rin si Charlie nun. Nakakailang na. Nung umalis na si Ayan, saka lang
niya inalis yung kamay niya sa pagkaka-akbay sa akin.
Medyo shock pa rin ako nung umaga na yun. Si Joyz naman, nakita kami. Nasa bintana
pala siya nun. Tinignan siya ni Charlie bago umalis, tapos tumango lang siya.
That's weird...
Tinuloy lang namin yung exams. Infairness, mas madali na yung ngayon. Nag-aral kasi
ako kahapon. Kaya eto, hanep sa pakiramdam. Feeling ko ang talino ko.
Tinawag na naman ang volleyball players nun. Malapit na rin matapos ang season.
Malapit na ang championship. Private school yata ang makakalaban namin. Sana lang
manalo kami.
"Please lang Hallene, sana naman mag-ingat ka para naman hindi ka na ma-injured.
Kapag nangyari yun, baka matalo tayo." sabi ni Coach Gonia sa akin.
Nyikes, kaka-flatter naman. Parang ang laking bagay ko naman at matatalo ang team
kapag wala ako.
"Ok po coach!"
Naglakad na ako papalabas ng gym. Kaya lang natalisod ako. Yung sintas ko pala eh
hindi ko natali. Nagtinginan pa nga sila sa akin. Ngumiti lang ako tapos nag-sign
na ok lang ako. Haay Hally! Pahiya ng konti!
"Kasasabi ko pa lang!"
Papabalik na ako nun sa room. Malapit na rin kasi akong umuwi. Kaya lang sa
corridor, makakasalubong ko si Charlie and Raymond.
Tatakbo pa lang sana ako kaya lang may humila sa akin doon sa gilid..
Hinila niya ako doon sa gilid ng auditorium. Nagtinginan na nga yung mga babae sa
gilid namin.
"Ano..." naisip kong sabihin na nagugutom na ako, kaya lang nakita ko si Charlie at
Raymond na lumiko papuntang cafeteria, 'wag na lang yata... "Hindi pa naman..."
"Bakit?"
Napansin niya na tumingin ako doon sa mga babae sa gilid. Nakakahiya na nakakailang
ang pakiramdam ko. Tinignan niya lang din.
"Pwede ba?!?" malakas yung pagkakasabi niya kaya napaatras yung mga babae at umalis
na rin.
Hindi naman ako makatingin sa kanya ng diretso nun. Seryoso kasi siya masyado.
Kakaiba tuloy sa pakiramdam.
"Anong nangyari sa shoe lace mo?" sabi niya tapos tinuro niya yung paa ko. "Bakit
hindi mo itali?"
Oo nga pala. Natisod na nga ako sa gym kanina dahil dito, matali na nga at baka
maulit uli. Mamaya maging sanhi pa ito ng ikapipilay ko hindi pa ako makalaro sa
Championship ng volleyball.
Umupo naman ako para itali ko. Kaya lang lumuhod din si Ayan. Tinali ko naman. Kaya
lang pagka-angat ko ng ulo ko, ang lapit ng mukha niya.
Napaatras naman ako kaya natumba ako. Buti na lag natukod ko yung kamay ko sa
likod.
"Ok ka lang?" sabi niya na parang natatawa pa sa akin. Sinadya niya kaya yun? Kung
oo, hindi maganda yun. Nakakagulat.
"Privately?"
Private na nga yung ngayon di ba? Kami lang ang nag-uusap. Maliban na nga lang sa
fact na maraming lumalakad na estudyante sa corridor.
Hindi naman niya ako pinansin. Akala ko naman kung saan kami pupunta, uupo lang
pala kami doon sa hagdan papasok sa auditorium. Wala namang tao doon, kaya sinara
lang nya yung pinakagate.
"Tungkol saan?" sabi niya nung tumingin siya sa akin. "Hindi ko rin alam."
Tama ba yun? Nagyaya makipag-usap tapos hindi niya alam kung tungkol saan? Kung
sakalin ko kaya ito, baka matauhan.
"Pasensya ka na ha, kahit ako minsan hindi ko na rin maintindihan yung sarili ko.
Parents ko sinasabi sa akin yan, si Freelie, sina Raymond at Charlie... ngayon
naman... ikaw. Ewan ko ba."
"Well, normal lang yan. Ako rin naman minsan magulo rin."
Naupo lang kami doon sa hagdan. Pinagmasdan ko pa nga yung kamay niya. May black
ring siya na nakalagay sa thumb finger niya.
"Galit ka ba sa akin?"
Nagulat naman ako sa tanong niya. Galit ba ako sa kanya? Hindi. Naiinis lang.
Magkaibang bagay naman yun. Mas malalim masyado kung galit.
"Hindi."
Whatever!
Bigla na lang siya humarap sa akin. Humawak pa nga sa dalawang balikat ko.
"Oo naman. Nanloloko lang yun kanina, sineryoso mo naman." sabi ko tapos tinignan
ko yung pagkakahawak niya sa akin.
"Ok lang..."
"Akala ko talaga..." pagkatapos nun may sinabi siya ng mahina kaya lang hindi ko
narinig...
Ang gulo ng tone ng boses niya. Kanina malakas, ngayon humihina. Mamaya siguro
malakas na naman.
Syempre hindi. Hindi naman ako manghuhula, paano ko namang malalaman? At sa dinami-
dami naman ng huhulaan, si Ayan pa. Paiba-iba ang direksiyon ng utak.
"No."
"Pakiramdam ko, may dapat akong sabihin na hindi ko masabi sa isang tao."
Tinignan lang niya ako. Hindi nga masabi di ba? Sabi ko nga eh, hindi na ako
magsasalita.
"Sure." sabi ko na lang. "Pero sa tingin ko hindi muna. Hindi kasi ako sigurado sa
ngayon."
Medyo ngumiti lang siya nun. Ang cute nga niyang tignan nun eh.
"Eh ikaw, bakit wala ka pang girlfriend?" nakakapagtaka naman kasi siya...
"Ako?"
"Ahh..."
"Pero alam mo Hally, kung magkakagirlfriend ako one of these days na alam kong
malabo sa ngayon..."
Ako ang unang makakaalam? Parang ayoko yata. Baka nga hindi ko rin naman gustong
marinig yun, tapos sa akin pa niya unang sasabihin? Gosh Ayan, you're such a pain.
"Ako?" sabi ko habnag tinuturo ko yung sarili ko. "Hindi naman kailangang ako di
ba?"
Nginitian lang naman niya ako. Binigyan pa nga niya ako ng slight tap sa balikat.
Umalis naman kami doon. Syempre, pumunta kami sa cafeteria. Ang pinagtataka ko
lang, wala na doon si Charlie at Raymond. Siguro, kanina pa sila natapos kumain.
Katulad ng sinabi ni Ayan, tinupad naman niya at nalibre na naman ako ng pagkain.
Sinuswerte na akong masyado. Matagal-tagal na rin nung hulo ko siyang nakasabay
kumian. Nakakamiss din pala yun kahit papaano.
Saglit lang din nung nag-alarm na para sa uwian. Balak ko na nung umuwi, siya naman
eh pupunta pa sa Dance Room dahil may practice na naman daw sila. Nagpaalam na rin
ako sa kanya at naghiwalay na kami sa daan. Si Ren naman eh hinihintay ako nun sa
room.
"Tara na, kanina pa kita hinihintay. San ka ba nanggaling? Pinuntahan kita sa gym,
ang sabi sa akin ni Coach Gonia eh kanina ka pa daw umalis."
"Asus, gusto mo rin naman." sabi niya sa akin. "Nasaan na nga pala yun at hindi mo
kasabay?"
"Oh yeah, meron talaga. Malapit na kasi mag-opening yung Mardi Gras. Syempre kasali
sila."
Nakalimutan ko na naman yun. Usually sa amin, one week or 5 days lang tumatagal
kapag may Mardi Gras.
***
***
October 30, Thursday. Wala naman kaming ginagawa sa school. Busy nga ang mga
teachers sa 'di mo malamang dahilan. Nagsimula na ang Mardi Gras. So far, 'di pa
naman kami nakakapunta nila Ren. Nung 25 pa nga nagsimula yun, ika-6th day na yung
ngayon. Bukas ang last day. Nag-desisyon na kaming pumunta ngayong araw na ito.
Competition na kasi nila Ayan.
Si Raymond naman eh maagang nagbakasyon at pumunta ng Vigan. Doon yata siya mag-
spent ng Halloween vacation kaya si Charlie naman ehsasama sa aming tatlo nila Joyz
sa Mardi Gras.
Saglit lang, nagsimula na rin. Ang nakakainis na part, numbers lang ang tinatawag.
Syempre, dahil katabi ko si Charlie, nagtinginan pa nga kaming dalwa. Hindi kasi
namin alam kung saan sila dito. Unang-unang sumayaw yung mga naka-blue, then yung
mga naka-yellow. Ginamit nga din nila yung mga lights. Pwede kasi gamitin yung
technical stuff.
Buhay na buhay naman yung audience. Siguro ang pinakaboring lang na sumayaw sa mga
napanood ko, yung mga nakapang-primitive na damit. Ang kapal ng mukha, sumali pa.
Tapos, yung mga dancers na yun eh umikot sa audience. Nanakot yata. Syempre yung
ibang audience eh nagsigawan. Mga naka-mask sila. Yung isa nga nakakadiri kasi may
tumutulo doon sa mukha niya. Haay! Mantsa lang yun sa damit.
Syempre sa side namin, may nanakot din. Nagkataon namang dalawa yun tumayo sa side
namin. Yung isa sa kabila nakalingon, tapos nagpalit sila. Kaya lang nung tumapat
sa akin...
UMATRAS SIYA???
Pumunta na sila sa gitna. Tapos sumayaw. Siguro yung masks nila, dahil sa reason na
malapit na ang Halloween. Pero infairness yung mga yun, isa sa pinakamagaling.
Umalis naman ako nun sa upuan ko at sinabi kong bibili ako ng kakainin. Nagpabili
na lang sina Ren. Sinamahan ako ni Charlie. Kaya lang dun sa hotdog stand, nagsama-
sama na naman doon yung mga naka-itim.
Tapos may isang lumapit sa amin... familiar yung mask niya ah!
Obvious naman na eh.. si Ayan. Ako lang naman yung hindi mabagal ang pick-up.
"Sabi ko na ikaw yun eh..." sabi ni Charlie.
Dahil kinain namin yung hotdog namin doon at natagalan kami, lumapit na si Ayan
doon sa mga kasama niya nung sinabing iaanounce na raw yung winners.
Kaya lang kakatalon niya... pumunta siya doon sa gilid. Si Rachel? Nandito siya?
Seryosong-seryoso naman na si Charlie nun. Mukhang.. alam nga niya. Naman, bakit
ngayon pa?
"I... do."
"Gusto mong malaman kung anong nararamdaman niya?" sabi ni Charlie sa akin ng
mahina.. di ko alam kung malungkot ba siya o ano...
"Don't worry..."
"You'll know..."
Southern High
***65***
Uminom lang si Charlie nun sa binili niya tapos naglakad na siya. Ako naman eh
humabol na lang sa nung nakuha ko na yung sukli niya na mukhang wala na siyang
balak kunin.
"Teka lang Charlie... anong ibig mong sabihin?" nahihirapan pa ako nun dahil dala-
dala ko yung inumin nung dalawa na nagpabili. "Sukli mo nga pala, iniwan mo doon."
Hindi naman nagsalita si Charlie hanggang sa niyaya namin sina Ren at Joyz na
umuwi. Nag-ikot lang kami saglit doon at nagtingin pero umuwi din naman kami. Pero
bago pa yun, nakita pa namin si Ayan at yung ibang dancers kasama si Rachel.
Ang alam ko lang, si Rachel an nagtanggal nung hood ni Ayan. Nakita ko na naman
yun, kaya si Charlie eh hinila ako at umalis na kami doon pagkatapos niyang
magpaalam doon sa dalawa. Siguro nga ginawa niya yun para hindi ko makita yun.
Kahit naman hindi na niya gawin, nakita ko naman na.
Si Ren naman eh nakatanggap ng tawag sa mommy niya at pinapauwi na siya. Kaya naman
nung nasa bahay na kami nila Joyz, nagpaalam na siya na uuwi na at hindi na raw
niya ako maihahatid. Sinabi naman ni Charlie na walang problema yun, dahil siya na
lang daw ang maghahatid sa akin.
Ang bait naman nito sa akin masyado. Parang mali yata na sinabi ko sa kanya yung
kanina...
"Ooh, bye."
"Just be open to stuffs around you Hally.." pagkatapos niyang sinabi yun, talagang
umalis na siya. Yung boses pa niya, nakaka-kaba.
Isa lang naman yun sa mga sinabi ni Charlie sa akin na hindi ko nawork-out hanggang
sa nakatulog na ako.
8:00 na yata ng umaga ako nagising kinabukasan. Ok lang naman kahit tanghaliin ako
ng gising at magpa-late dahil sinabihan na kami ni Coach Gonia na maghapon daw
kaming magpa-practice. Isa pa, tiyak naman na wala masyading gagawin dahil last day
of the month na. Mag-November na kasi at may 4 days vacation.
Nakakapagod naman nun. Pakalat-kalat nga ang varsity volleyball players sa school
dahil nanggagaling kung saan-saan kapag breaks. Yung championship eh sa November 4,
eksaktong 1st day ng return sa school. Ang sabi pa sa amin, may last practice daw
ng November 3. Eh kung wag na lang kaya nila kaming pagbakasyunin?!?
3:30 naman ng hapon nung nag-break kami uli. Dinala ko na yung bago namin uniform
na gagamitin sa championship at balak kong iuwi para labhan. Naglalakad na ako sa
corridor malapit sa room eh narinig kong may tumawag sa akin.
"Hally!"
Lumingon naman ako. Wala. Walang tao sa corridor. Tinuloy ko na lang uli yung lakad
ko.
"Pssst! Hally!"
Lumingon uli ako. Wala pa rin. Balak ko ngang ituloy yung paglakad ko at hindi na
lang pansinin kung sino man yung nanloloko na yun. Baka kasi galing yun sa loob ng
classroom at pinagtritripan na naman ako ng mga sophomores.
Tumingin naman ako doon sa katapat na building namin doon sa taas. Napansin ko
naman kung sino yung kumakaway sa akin.
"Freelie?!"
Nakita ko naman na bumaba siya. Hanggang doon nga sa hagdan eh ang bilis-bilis ng
lakad niya. Ang cute talaga niya. Nakatayo lang naman ako doon, medyo pawis at
naka-PE uniform pa galing ng practice.
"Buti na lang nakita kita..." sabi niya sa akin nung nakasabay ko na siya maglakad.
"Oo nga eh. Nakipag-usap kasi ang North sa Sports Council niyo. Since hindi naman
kami umabot ng Championship, tutulong na lang kami sa South. Wala yung coach namin,
kaya ako ang nagpunta. Ok naman sa akin, at least nakabisita ako rito."
Sinamahan lang ako ni Freelie sa room namin at nilagay ko sa bag ko yung gamit ko.
Dahil nagka-klase yata sila nun at tahimik silang lahat, nagtinginan pa nga sila
nung dumating kami.
Pabalik na sana kami doon sa gym nung nadaanan namin yung room nila Ayan. Narinig
pa nga namin siyang nagsalita sa bintana nila.
Dumila lang si Freelie kay Ayan habang naglalakad kami. Si Ayan naman, kumaway lang
sa akin.
Syempre si Freelie, pinakilala ko kay Coach Gonia. Naupo lang siya doon sa gilid at
nanood kung paano kami mag-spike, block, serve, at kung anu-ano pang mahiwagang
volleyball stuff.
"Saan nga pala kayo pupunta bukas?" tanong ko nung naka-order na kami at kumakain
na.
"Yeah, matagal na rin. Ok naman na ako. Sasamahan naman ako ng Daddy ko eh."
Hapon naman na nun. Dahil medyo madilim na at balak ko na ring umuwi. Kukunin ko na
lang yung bag ko sa room namin at sinabi ni Freelie na ihahatid daw niya ako sa
amin dahil dala niya yung kotse niya.
Dahil bag ko na lang yata ang natitira sa room, kinuha ko na para hindi na rin
maghintay si Freelie ng matagal.
Kaya lang nung naglalakad na kami, may narinig kaming ingay doon sa kabilang room.
Nagtinginan kami ni Freelie dahil parehas kaming nagulat. Nasa labas pa lang kami
nun nung makita namin si Charlie at si Ayan sa loob.
Hawak-hawak ni Ayan si Charlie sa leeg niya na para bang gusto niya siyang sakalin
gamit yung isang kamay niya.
"DATI NA AKONG GANITO AYAN! ANO BANG PROBLEMA MO?!? HA! KILALA MO NAMAN NA KO!!
WALA NG BAGO NGAYON!"
Sumisigaw si Charlie nun kay Ayan. Pero dahil nakatalikod si Ayan sa amin, hindi
namin makita yung mukha niya galing doon sa bintana.
Nag-aaway nga sila. Sigawan, tapos ganyan pa yung posisyon nila parehas. Kailangan
ko silang awatin.
Papasok na sana ako sa loob kaya lang hinawakan ako ni Freelie sa braso ko. Umiling
siya sa akin. Para bang sinasabi niya sa akin na 'wag akong pumasok at hayaan ko
daw sila. Kaya ako naman... hindi ko tinuloy.
Ang pinagtataka ko lang... ano namang nangyari at bakit nag-aaway sila ng ganito?
"YUN NA NGA EH! KAYA NGA NAG-MOVE NA AKO! BAKIT MAY PAKIALAM KA BA KUNG GAGAWIN KO
RIN YUN SA KANYA?!? KAGAYA DOON SA MGA DATI!!! HA? DATI NAMAN PAGDATING SA GANITONG
BAGAY WALA TAYONG PAKIALAM! ANO NAMANG KAIBAHAN NGAYON? BAKIT BA MASYADO KANG
APEKTADO?!!"
Sa wakas eh tumalikod si Ayan at nakita namin yung mukha niya. Pulang-pula na siya
sa sobrang galit. Sinipa pa nga niya yung mga desk sa harapan niya kaya nagtumbahan
lahat.
"NO YOU WON'T. HINDI KO NA PAPAYAGAN!!! KUNG PWEDE LANG SASABIHIN KO NA SA KANYA
NGAYON!"
"SABIHIN MO, SA TINGIN MO PANINIWALAAN KA NIYA?!?"
Sinuntok naman ni Ayan ng malakas yung board. Parehas kami ni Freelie na nakatayo
lang doon at nanonood sa kanila parehas...
"DANG CHARLIE! I WON'T LET YOU INCLUDE HALLY IN YOUR FREAKING COLLECTION!"
Southern High
***66***
Collection?! Ako?!?
Naramdaman ko na lang sa sarili ko nun na umiiyak na ako. Bakit naman ganun? Ang
sakit-sakit naman nun sa part ko. Napaka-unfair.
Medyo yumakap na si Freelie sa akin nun. Tinutulungan niya yata akong i-comfort ang
sarili ko. Ako naman, nakatayo lang dun. Gusto ko na sanang tumakbo, pero parang
natanim yung paa ko doon at hindi ako makaalis.
"CHARLIE NAMAN!! 'WAG SI HALLY!" sabi niya nung humarap siya kay Charlie
"ANO BANG GAGAWIN MO SA AKIN KUNG SAKALING GAWIN KO?! ALAM KO INIISIP NIYA NA
SERYOSO AKO!" tapos tumawa siya na kahit minsan eh hindi ko pa narinig. Kakaiba
talaga.
"Kahit di ko sabihin kay Raymond, Ayan, I know he's not against me! UNLIKE YOU!"
Umupo nun si Ayan. Yung kanang kamay niya eh natatakpan yung mukha niya.
"EWAN KO BA SA 'YO AYAN KUNG BAKIT ANG LAKI-LAKI NG PROBLEMA MO!! DATI KAPAG MAY
NILILIGAWAN AKO, KANYA-KANYA TAYO! YOU HAVE YOUR OWN BUSINESS, AND I HAVE MY OWN!"
Umupo si Charlie at nilabas yung phone niya. Naiinis ako sa kanya. Hindi ko na nga
siya kayang tignan kung kakayanin ko lang. Tapos ngayon, parang wala lang sa kanya
lahat. Nilalaro lang niya yung phone niya.
"TAMA NA NGA, WALA NAMAN 'TONG PATUTUNGUHAN! HAHANAPIN KO SI HALLY, MANIWALA MAN
SIYA O HINDI..."
Ngumiti si Charlie nun. Ngiti na para bang, nakakaloko. Hininaan niya lang yung
boses niya.
"Teka nga, 'wag mong sabihin sa akin na may gusto ka sa kanya kaya ganito mo na
lang siya protektahan? Sabihin mo lang Ayan.."
Tumayo na si Ayan.
"Sabihin mo lang sa akin kung gusto mo siya. Huwag kang mag-alala, ibibigay ko
naman siya sa 'yo. Yun ay kung, apektado ka talaga."
"YOU THINK SO?!? FOR ME, SHE IS... JUST LIKE MY GIRLFRIENDS BEFORE!!"
Tumalikod na si Ayan kay Charlie. Aalis na yata siya. Nakayakap pa rin sa akin si
Freelie.
"ANO?!?" sabi niya nung lumingon siya... "PWEDE BANG BILISAN MO?"
"Hindi ko itutuloy yung plano ko kung talagang apektado ka. Sabi ko naman sa 'yo,
ibibigay ko siya sa 'yo kung gusto mo talaga siya." sabi ni Charlie ng mahina...
"So... do you like her?"
Nakatayo pa rin si Charlie dun. Naka-fold yung dalawang kamay niya hawak yung phone
niya...
Southern High
***67***
"Hally!" narinig kong sumisigaw nun si Freelie nung tumatakbo na ako. I heard
enough.
Malapit na ako nung makalabas sa gate, nung marinig kong sumigaw si Ayan..
"Hally!" lumingon ako saglit, nakita kong tumatakbo rin si Ayan.
Dahil mabilis siyang tumakbo, malapit na niya akong maabutan nun. Kaya ang ginawa
ko, sumakay ako dun sa unang jeep na nakita ko. Hindi na siya umabot. Nakita kong
lumabas din siya ng gate...
Mabuti na lang na umalis kaagad yung sinasakyan ko nun. Dahil kung hindi, baka
umabot si Ayan at nakasakay pa.
Hindi naman ito yung jeep pauwi ng bahay namin. Hindi ko nga alam kung saan ako
pupunta. Mabuti na lang konti lang yung tao sa jeep, kasi ngayon kahit kokonti sila
nakatingin pa sila sa akin.
Habang nasa jeep ako nun, naramdaman kong nag-vibrate yung phone ko galing sa bag
ko. Tumatawag si Ayan. Hindi ko sinagot. Text ni Charlie, hindi ko binasa.
"Hey dad. Baka gabihin po ko ng uwi. Sorry po ha.." pagkatapos kong sinabi yun,
wala naman siyang sinabi.
Basang-basa na yung panyo ko nun. Hindi ko nga rin alam kung ano ng itsura ko. Nung
nakita ko na yung lugar, bumaba na ako doon.
Naglakad lang ako saglit, hindi na rin ako masyadong umiiyak nun. Nakakapagod na
rin kasi. Tapos nung nakita ko na, naupo ako doon. Tahimik ang ako, wala man lang
sa sarili ko.
"Hi Mommy..."
Yeah, nandito ako ngayon. Medyo dumidilim na rin, at ako na lang ang tao rito.
"Ang tagal na kitang 'di napupuntahan... sorry ha." sabi ko doon habang hinahawakan
ko yung angel doon sa puntod niya.
"I really need you. Lalo pa ngayon. I miss you alot Mom. Sana nga nandito ka eh...
kahit papaano may kausap ako." tapos huminga ako ng malalim... "Ang dami na po
kasing nangyayari sa akin... ngayon pa."
"Kasi po, may mga bagay-bagay lang talaga na nangyayari sa akin ngayon na sadya
lang sigurong 'di pabor sa akin. Kayo ba ni Dady ganun din?! Siguro. Parte na nga
siguro 'to ng teenage life. Ang hirap pala..."
Dahil nakaupo ako doon sa damo, binaluktot ko yung dalawang paa ko at sinandal ko
yung ulo ko doon. Hindi ko alam kung gaano ako katagal nagkwento sa kanya. Alam ko
namang nandito lang siya, binabantayan ako. Sana lang naririnig niya ako.
Pagkatapos nun, sa sobrang pagod na rin siguro... hindi ko alam na rin alam...
Nanaginip pa nga ako. Bihira lang ako managinip. Kapag nangyari yun... masarap yung
tulog ko.
Nakaramdam ako ng lamig. Ang lamig talaga. Nagising ako at ang dilim-dilim na.
Natitira na lang na ilaw eh yung mga nandun sa poste. Nakita ko yung pangalan ni
Mommy... tama... nandito nga ako.
Naisipan kong buksan yung phone ko, miss calls... text messages... lahat, di ko
tinignan. Oras lang ang pinakelaman ko. 10:30... 10:30 p.m.
Patayo na sana ako nun, kaya lang may narinig ako sa likod ko...
Lumingon ako. Nakatayo doon si Ayan at bukas yung polo niya at shirt na white lang
ang nakikita. Anong ginagawa nito dito?
"3 Hours? Tatlong oras na tayong nandito..." sabi niya sa akin habang papalapit
siya..
"Tayo?!? Anong tayo? Ako lang yung nandito. Kadarating mo lang... umuwi ka na
nga... uuwi na rin ako."
"Kaya ko ng umuwi..."
"Uuwi na ko... kung mag-stay ka rito, ok lang. Basta ako, uuwi na."
Naglakad na ako nun, kaya lang nakalimutan kong nasa kanya yung bag ko..
Kaya lang nung nakita ko siya, nakatayo siya doon sa harap ng puntod ng Mommy ko.
Nakatingin siya pababa.
Nung inaagaw ko yung bag ko sa kanya na mukha namang ayaw niyang ibigay, nakita
kong nakangiti siya doon. Narinig kong kinakausap niya yung Mommy ko...
Ano bang--?
"Ei..."
"Sige po Mrs. Rhias... nice meeting you po..." sabi niya nung tinitignan ko siya...
tapos dinagdag pa niya yung..
"It's been a great time talking to you..." tapos nun, hinila na niya ako...
Southern High
***68***
"Ano bang sinasabi mo? Pwede ba, akin na nga yang bag ko..." dahil kinukuha ko yung
bag ko sa kanya, lalo lang niyang itinaas at hindi ko maabot.
Dahil hindi ko na makuha sa kanya yun, tinulak ko na lang siya. Naiinis na kasi
ako. Tapos, naglakad na ako na phone lang ang hawak ko. Ayaw niyang ibigay, e di
'wag.
Naglakad ako ng mabilis, kaya lang syempre nakatayo pa rin siya sa pagkakatulak ko
at humabol sa akin. Sinukbit na niya sa balikat niya yung bag ko, tapos humawak
siya sa braso ko.
"Ako galit?!? Ha? Hindi ako galit! Hayaan mo na lang ako pwede?! Mas magiging ok
yung pakiramdam ko kung sakaling... mag-isa muna ako." sabi ko sa kanya nung
humarap ako at hindi pa rin niya binitawan yung braso ko. "Hindi ako galit. Naiinis
ako! Sa lahat-lahat ng bagay na nangyayari!"
"Pwede ba makinig ka muna?" nakita kong seryoso na rin siya nung sinabi niya yun.
"Ako makikinig? Bakit?! Sabihin mo nga kung bakit?!? Ayoko ng makinig." tapos nun,
umiyak na naman ako dahil naalala ko na naman yung kanina. "Pagod na pagod na akong
makinig sa inyo! Gusto ko ako naman yung pakinggan niyo!" sabi ko habang sinusuntok
ko siya nun. "Wala naman kayong pakialam kung anong iniisip at nararamdaman ko eh!"
"Hindi totoo yan Hally. Kaya nga kita hinanap, dahil gusto kitang kausapin. Alam
kong narinig mo kami ni Charlie na nag-aaway kanina, kaya alam ko yung pakiramdam
mo. Kaya lang nung tinawag kita kanina, lalo kang tumakbo. Hindi ko alam kung saan
kita hahanapin. Naghintay ako sa inyo kaya lang mahigit isang oras na akong
naghihintay doon hindi ka pa rin umuuwi. Tapos sinabi ng Daddy mo na baka dadalaw
kayo dito bukas... kaya naisip kong.. puntahan ka dito."
Ayaw pa rin niya akong bitawan nun. Sana lang di ba, alisin na niya yung kamay niya
sa akin.
"Ok, Thank You!!" kaya lang kahita nong talikod ang gawin ko, hindi pa rin ako
makaalis nun.
"Alam kong may problema ka. Yung kay Charlie, naiintindihan ko kung anong
nararamdaman mo."
"Alam mo kung may problema ako?!? Naiintindihan mo kung anong nararamdamam ko?!?
Paano namang mangyayari yun? Manhid ka 'di ba! Yung mga manhid, hindi marunong
makaramdam!"
Tinignan niya ako na para bang nagulat siya sa mga pinagsasasabi ko. Hindi ko na
kasi mapigilan yung sarili ko, nakakapagod na talaga.
"Si Charlie?!? Pinagkatiwalaan ko nga siya eh. Pero anong ginawa nya?
Collection?!?" tapos nun nagtuluy-tuloy na talaga yung pag-iyak ko. "Siguro nga
mali na nagkapalit tayo ng phone simula't simula pa lang. Kung hindi naman nangyari
yun, hindi ako mapapalapit sa inyo... hindi rin ako nasasaktan! Nakakapagod na
Ayan! Napapagod akong matuklasan kung ano pa yung mga bagay na makakapag-pasakit pa
sa akin. Lalung-lalo na pagod na akong umiyak at masaktan dahil sa 'yo!"
Talagang sinabi ko na sa kanya yun. Wala na akong pakialam kung anong sasabihin
niya...
"Ha?!"
Pagkatapos kong sinabi yun... saka lang niya binitawan yung kamay ko...
***
***
9:00 am. Kanina pa naman ako nagising. Nag-iisip lang naman ako ng bagay-bagay.
Hindi ko nga alam kung paano ako nakauwi mag-isa.
Ang sakit-sakit ng ulo ko. Si Daddy, kinausap lang ako kagabi pero hindi naman ako
pinagalitan nung gabi na akong nakauwi. Sinabi ko sa kanya yung totoo na nagpunta
ako kay Mommy at nakatulog ako doon, pero ang sinabi niya sa akin eh sana man lang
daw eh iniwan kong bukas yung phone ko kasi nag-aalala rin naman daw siya kahit
papaano. Isa lang naman ang hindi ko inaasahan na sinabi niya sa akin kagabi:
'Ang tagal na nandito ni Ayan at hinintay ka, kaya lang umalis din at sabi niya
hahanapin ka niya daw...'
November 1st. Wala si Daddy dito sa bahay kasi siya naman ang pumunta kay Mommy.
Dapat nga eh kasama ako kaya lang dahil masakit nga yung ulo ko, mas makakabuti raw
na maiwan na lang ako. Kaya ako naman eh eto, nasa bahay na naman.
Binuksan ko yung TV ko nun. Siguro nga nakailang lipat ako ng channel at may
hinahanap akong palabas na hindi ko naman malaman kung ano. Wala kasi yung isip ko
sa isang bagay. Isa lang naman talaga ang totoo... wala talaga ako sa sarili ko.
Lumabas ako ng kwarto ko. Kumain lang saglit, nanguha ng libro kahit hindi k naman
binasa at sa pinakahuli, pinansin ko rin yung phone ko. Nakasarado pa rin.
14 Missed Calls
Silang tatlo lang yung nasa missed calls ko. Pagkatapos nung 4, pare-parehas na
pangalan na yung lumabas...
Sender:
Charlie
Hally, klngn ktang kausapin..
Sender:
Ayan
San k b pu2nta?
Tapos tinuloy ko na lang hanngang sa mabasa ko yung sari-saring text nila. 'Sagutin
m nmn ung phone m..', 'Nasaan k n b Hally?', 'ok, nag-aala2 n tlg ako, san k n b?
reply k nmn..', '....', hanggang sa sobrang dami ko na talagang nabsa. Pinakahuli
eh... 'Pupunta ako sa bahay niyo...'
Tinignan ko yung oras nung text.. teka... kanina lang 'to ah?!? Kailangan kong
umalis. Ayoko siyang kausapin. Kahit naman sana... 'wag ngayon.
Kinuha ko yung susi ng bahay, phone ko, yung wallet ko tapos aalis na sana ako.
Kaya lang nung pagkabukas ko ng pinto, eksakto namang may nakaupo na dun. Lumingon
pa nga siya. Isasara ko na yung pinto kaya lang... hinarangan niya.
"Hally..."
Tinignan ko naman siya. Kahit na nakita ko siya kahapon na sinasabi yung masasakit
na bagay sa akin, siya pa rin si Charlie na kahit papaano eh naging mabait sa akin.
Ang hirap din palang... magalit sa kanya. Kahit na yun naman talaga yung dapat.
Naupo naman ako doon sa hagdan sa pintuan namin kung saan siya naupo. Nakatingin
lang siya doon sa kamay niya hawak yung phone niya.
"Alam kong galit ka sa akin..."
Hindi ko alam kung sasabihin ko bang OO dahil dapat naman, o Hindi dahil hindi ko
magawa. Pinili ko na lang na tumahimik nun.
Tinignan ko naman siya, at napansin naman niya na nakikinig ako sa kanya. Siguro
nga kapag natapos na ito, tama na yun.
"Ano yun?"
"Hindi ko sinasadya na iparinig sayo yung kahapon. Ang gusto ko lang sana, sa amin
lang yun ni Ayan. Totoo yung mga narinig mo. Collection lang ang habol ko sa mga
nagiging girlfriend ko. Wala akong planong magseryoso."
"Hindi. Hindi ganun yun. Maniwala ka man o hindi Hally... kahit minsan hindi ko
naisip gawin sa 'yo yun." sinabi niya sa akin yun nung humarap na siya.
"What?!?"
"Sabihin na lang nating ganito..." sabi niya nung yumuko siya "Simula nung naging
kaibigan namin si Ayan, he's such a mystery pagdating sa ganitong bagay. Sa aming
tatlo, siya yung 'di mahilig mag-share kung ano yung nararamdaman niya, kung sino
yung nagugustuhan niya. Kaya nga nung nalaman namin yung tungkol kay Rachel nun,
ganun na lang namin siya kung itulak na manligaw... kaya lang, umalis naman si
Rachel."
Hindi ko alam kung bakit inuulit na naman niya sa akin 'to. Pero siguro, dapat na
rin akong makinig kung ano ba dapat ang sasabihin niya.
"Tapos, nakilala ka namin. I courted you, hindi dahl gusto kong maging parte ka ng
collection ko. Matagal ko ng kinalimutan yun, at lalung-lalo ng hindi ko na gagawin
ulit. Seryoso ako sa 'yo Hally, kaya lang dahil alam kong kaibigan ko ang gusto mo,
ayoko namang ako yung dahilan kung bakit ang nagiging kumplikado yung sitwasyon.
Kaya ko ginawa yung kahapon. Sa kinikilos kasi ni Ayan, para bang nakikita ka niya
higit pa sa isang kaibigan."
Hindi naman ako umiyak nun. Pero kahit papaano, nasasaktan pa rin ako. Nasasaktan
para kay Charlie. Ginawa niya yun para sa akin? Sana lang hindi na.
"Sorry Charlie.. sorry talaga. Sa totoo lang, nagalit talaga ako sa 'yo. Pero sana
hindi mo na lang ginawa yun... wala namang nangyari. Narinig naman natin yung
sinabi niya kahapon..."
"Yun nga eh.. yun yung pinunta ko dito. Sa tingin ko ngayon pa, mukhang magiging
ayos na rin kahit papaano."
"Magiging ayos? Paano namang magiging maayos lahat? Sa kanya nanggaling di ba,
kaibigan niya lang ako. At hanggang doon lang."
"Hally!"
Hindi ko alam kung bakit ba pinaparinig sa akin ni Charlie 'to. Mukhang wala rin
namang patutunguhan.
"Yeah! Kanina pa kami nandito! Ano pang hinihintay mo, habulin mo na!"
Narinig kong maingay gawa nung mga desk. Hindi ko alam kung anong nangyari tapos
narinig ko na lang uli si Ayan...
"Charlie... you're my bestfriend, but I really do... I love her..." narinig ko yung
yapak niya nun... "Hally!"
Dahil nga napakaiyakin ko nun... nagsimula na namang tumulo yung luha ko.
"Naiintindihan ko na lahat. He stepped aside dahil nga nililigawan kita. Kung kaya
ni Ayan na magparaya para sa akin..."
Niyakap ko lang ng mahigpit si Charlie nun. Mahigpit na mahigpit. Ganun din naman
siya sa akin. Pakiramdam ko, nawala lahat ng iniisip ko simula kahapon pa. Lalung-
lalo naman ng nabawasan yung bigat na nararamdaman ko. Hindi naman nawala lahat eh,
kahit papaano, I felt sorry for Charlie.
Nag-stay lang kami doon. Nag-usap. Ngayon, naiintindihan ko na kung bakit kahapon
ang tingin ko kay Charlie eh naglalaro sa phone niya. Nagrerecord pala. Hindi ko
rin naman maiwasang humanga sa kanya... este... sa kanila pala.
"Charlie, alam na ba ni Ayan yung tungkol sa sinabi mo sa akin o galit pa rin siya
sa 'yo?"
Tumayo na si Charlie nun. Aalis na rin yata siya. Naglakad na siya papuntang gate
tapos lumingon.
"Kung magiging masaya yung bestfriend ko pati na rin yung taong mahal ko, tama na
yun para maging masaya na rin ako..."
Nung sinabi niya yun, wala naman akong maisip na isagot sa kanya. Kaya naman nung
nakalayo na siya eh tumakbo na ako at tinawag ko siya.
"Charlie!"
Ngumiti lang siya nun. Tinuloy na niya uli yung paglalakad niya. Ako naman,
pinanood ko lang siya hanggang sa hindi ko na siya nakikita.
Pumasok na ako sa loob ng bahay namin nun, at sumunod na rin kay Daddy. Sasabihin
ko 'to kay Mommy.
***
***
November 3. Last day o vacation. Nandito ako sa school. May last minute practice
kasi dahil nga bukas na yung championship. Medyo ok na ako, kaya lang hindi ko pa
rin nakakausap si Ayan. Siguro nga nahihiya pa rin ako dun sa huli kong sinabi sa
kanya na pinagsisisihan ko na nakilala ko sila. Mali nga siguro yun.
Habang inaayos ko yung mga protection ko, tumayo na ako nun at magsisimula na kami.
Syempre, hinati yung team namin. Kung anu-ano lang naman ang ginawa namin. Sumali
pa nga si Coach Gonia sa practice.
Nung nagone-on-one kami ni Coach Gonia, at syempre, close fight. Dahil nga magaling
siya, obvious naman na mas nakakalamang siya sa akin. Kaya nga nung nag-spike ako
at hindi natira ni Coach Gonia, narinig kong may nagpalakpakan. Sinisigaw pa nila
yung 'Hally!!' . Tinignan ko yung mga nakaupo sa bleachers at syempre inaasahan ko
yung mga ka-team ko.
"Way to go Hally!"
"Raymond?"
"Go Hally!"
"Talunin mo si Coach!"
Si Ren at Joyz? Himala yata at nandito sila. Paano nila nalamang may...
Tinuloy lang namin yung practice dun. Grabe, ang gandang excercise nito kung
talagang desperado ka ng magbawas ng timbang! Pawis na pawis kasi ako nung
nataposkami eh. Pumunta ako dun sa gilid kung nasaan yung tatlo. Si Freelie naman,
kausap si Coach. As usual, katulong siya.
Bigla na lang may bumatok ng malakas kay Raymond. Si Freelie pala, tapos ng
makipag-usap kay Coach Gonia.
"Hindi no."
Hindi ko alam ang sasabihin ko. Wala naman talaga kasi akong dapat sabihin. Hindi
ko rin alam ang plano ko. Naman!
"Kausapin mo nga yung kapatid mo, pinuntahan ko yun kahapon sa bahay ng Mommy niyo,
nasa kwarto lang. Nanonood ng Tv."
"Hindi naman ako ang dapat kumausap eh..."
"Oo nga.."
Pagkatapos nun, nilibre lang kami ni Freelie at siya rin ang naghatid sa amin sa
kanya-kanya naming bahay. Ako naman, wala pa rin sa sarili ko dahil kung anu-ano na
namang pumapasok sa isip ko. Siguro nga bukas dapat ko na siyang kausapin, mas
mahirap kasi kapag lalo pa itong tumagal.
Dahil nga hinatid kami ni Freelie, unang bumaba si Raymond sa Sealey, then si Ren
sa Zalea, si Joyz tapos ang pinakahuli eh ako. Syempre, nagpaalam na rin ako kay
Freelie nun at sinabihan ko siya na mag-ingat sa pag-drive pauwi. Kaya lang ito
naman yung sinabi niya sa akin:
"Pumunta ka na lang sa Foxmoore bukas kung gusto mo siyang kausapin. Ang alam ko,
hindi na naman yun lumabas maghapon."
Umalis na siya nun at nag-drive paalis. Ako naman, nakatayo pa dun ng mga ilang
minuto bago ko naisipang pumasok ng bahay.
Ginawa ko yung ritwal ko kapag gabi, nag-isip ng kaunti, at nakatulog na rin ako.
Championship na bukas.
Siguro nga dahil sa sobrang dami ng iniisip ko eh ang aga kong nagising
kinabukasan. Hindi naman puyat ang pakiramdam ko, hindi lang talaga ako makatulog.
Feeling ko nga, gising na gising na yung diwa ko alas-4 pa lang ng madaling araw.
Dahil gising naman na ako, naghanda na ako para sa school. Hindi naman ako aattend
ng klase ngayon dahil yun din ang sinabi ni Coach Gonia. Sabi niya, pahinga daw
kami ngayon. Kailangan relax ang isip pati ang katawan. Sa kaso ko ngayon, mukhang
hindi eh. Hindi ko rin makita yung point kung bakit maaga pa akong papasok eh
samantalang pwede namang pumasok ng tanghali na ang volleyball players.
Habang naliligo ako nung umaga, nabuo na yung desisyon kong pumunta ng Foxmoore.
Ewan ko ba sa sarili ko, bakit ganito pa kaaga. Pwede namang mamaya di ba?!
Basta...
Syempre, 6:00 pa lang yata eh umalis na ako ng bahay namin. Tulog na tulog pa nun
si Daddy. May note pa nga siya sa akin na hindi raw siya makakanood ng laban mamaya
dahil may trabaho siya kya sinabihan na lang niya ako ng good luck.
Kalalabas ko pa lang ng pinto ng may pumasok na naman sa isip ko. Paano ko namang
kakausapin si Ayan kung hindi ko alam sa Foxmoore ang bahay nila?
Kaya ako naman, sa school bumagsak. Isa ako sa pinakamaaga. Mabuti na lang eh bukas
na yung gym nun. Humiga ako doon sa gym pad na nakalatag sa sahig. Pinikit ko rin
yung mata ko. Ang sarap sa pakiramdam. Walang kang iniisip, walang problema,
relax... WOW!
Hindi ko nga alam kung nakatulog ako doon pero ang alam ko dahil sa sobrang
tahimik, na-relax talaga yung pakiramdam ko. Kaya lang may narinig akong tumawag sa
akin.
"Hally.."
Napatayo naman akong bigla. Ang labo pa nga ng paningin ko nun dahil kadidilat lang
ng mata ko. Tapos nakita ko doon si Rachel. Tama, si Rachel nga.
"Ooh... Hi."
"Sure."
"Hindi naman ako magtatagal. Gusto ko lang sanang i-congratulate ka." sabi niya sa
akin habang pinakita niya yung kamay niya na parang nakikipagshake hands.
"Para saan?"
Kinuha niya yung kamay ko at nakipagshake hands din ako. This is weird. Tumayo na
siya nun. Mukhang paalis na kaagad.
"Yeah. Hindi na rin ako nagulat. Gusto ko lang sabihin Hally, he really loves you.
That's the truth."pagkatapo niyang sabihin yun, umalis na siya.
Saglit lang din at nagdatingan na yung mga ka-team ko. Nag-discuss pa nga si Coach
Gonia kung ano daw ang dapat naming gawin mamaya, kaya lang hindi rin naman ako
nakinig. Ang bilis ko ngang naglakad palabas nung nag-alarm para sa break. Pabalik
ako nun sa room at yayayain ko si Ren at Joyz na kumain sa cafeteria. Kaya lang
nung pabalik ako, nakasalubong ko si Ayan. Wala siyang sinabi sa akin...
Tinignan lang niya ako. Kanina lang gusto ko siyang kausapin. Ngayon naman, parang
wala akong lakas gawin. Ano ba talaga?
Hindi ko naman na siya nakita nun hanggang sa nagbihis na kami nung hapon at aalis
na kami sa school. Syempre, 4:00 pa lang yata nun umalis kami kahit na 5:30 pa yung
laban. Sina Ren, susunod na lang daw after school.
Dumating kami sa city gym 4:23 na ng hapon. Naupo lang kami. Hindi pa masyadong
maraming tao nun. Pero syempre, inalis namin yung mga bag namin at nagwarm-up kami.
Nakatali na yung buhok oko nun para hindi humarang sa mukha ko.
Mabilis din namang dumami yung tao. Siguro dahil after school na rin. Nakita ko na
rin yung mga supporters ng Southern High dahil sa uniform. Pero syempre, isa talaga
yung pinakanapansin ko... si Raymond.
May hawak kasi siyang placard na ang nakalagay eh 'Go Hally! Para kay Ayan!' tapos
panay pa ang tawag niya sa akin. Nakakahiya talaga. Pero syempre kahit na nakaka-
cheer si Raymond, hindi ko pa nun nakikita si Ayan. Hindi ko alam kung aattend ba
siya ng game.
Hanggang sa nagsimula na yung program. May national anthem, prayer, opening speech
at syempre kung anu-ano pa. Nagsimula na yung mga game. Ang tatangkad nung mga
kalaban namin. Nanalo nga kami nung first set, pero close fight.
Tumingin ako nun sa bleachers. Hawak pa rin ni Raymond yung placard niya. Si
Charlie, nagthumbs up sa akin. Si Ren at Joyz eh nakatingin kung saan. Wala pa ring
sign ni Ayan. Sana naman 'di ba... nanood man lang siya.
Nag change court na nun. Nasa tapat ako ng net nun kaya naman nung nag-spike yung
babae, natamaan ako sa dibdib. Hindi naman masyadong masakit, pero narinig mo yung
audience na nagsabing 'ooowww'. Syempre dahil nga bigatin yung kalaban namin, ilang
beses din akong nadapa, natamaan ng bola, nag-serve at nag-spike para lang humabol
yung score. Tumingin uli ako sa bleachers. Wala talaga.
Natalo kami ng second set. Nakakapanghina talaga. Pagod na rin ako nun. Hindi ako
nilabas ni Coach Gonia simula kanina pa. Ngayon lang nangyari sa akin na sumakit
yung kamay ko.
Syempre, nagkaroon ng break. Saglit lang naman yun at sinimulan yung thirds set.
Kailangan naming manalo dito dahil kung hindi, sila ang magcha-champion. Kailangang
manalo ng Southern High.
Kaya lang kalahati na nung third set, nadulas ako. Kaya naman tumawag ng time-out
si Coach Gonia. Hindi na niya ako pumasok sa buong game. Nanalo naman. 23-25. Nung
una medyo tagilid pa, pero syempre, hindi naman talaga malaking kawalan si Hallene
Rhias.
Lalapit na sana ako kina-Charlie nung natapos yung game kaya lang nagkaroon pa ng
awarding. May picture taking pa nga. Syempre, sa stage kasama pa yung Mayor. May
mga video at kung anu-ano. Nung nakaalis na ako dun, pumunta na ako sa kanila.
Hawak-hawak ko na naman yung towel ko, at inayos ko yung knee pad ko.
"Good game!"
"Congratulations."
"Thanks."
Pinilit kong ngumiti nun. Sa totoo lang, may hinahanap ako. Kaya lang dahil nga
hindi ko masabi, ginala ko na lang yung paningin ko. Pati naman si Raymond wala.
"Hinahanap mo ba siya?"
"Err.. si Raymond? Nandito siya kanina ah. Bakit nawala?" palusot ko na lang. Per
sa totoo lang, wala talaga si Raymond.
"Huwag kang mag-alala, nandito siya kanina. Second set lang ang inabot. Umupo pa
nga diyan, ayaw daw niyang tumayo eh. Umalis din. Sinundan nga siya ni Raymond kasi
umalis, hindi na bumalik."
Parang nag-lift yung spirit ko nung sinabi ni Ren na nanood siya. Talaga lang ha?
Hindi ko naman siya nakita. Tapos umalis pa nung second set. Hindi rin pala niya
natapos yung game. Hindi rin nila alam ni Raymond kung anong naging result.
"Hindi nga nila sinabi kung saan sila pupunta."
Nag-aalisan na yung mga tao nun. Yung mga ka-team ko naman, dinala sa akin yung bag
ko at tinanong ako kung sasabay daw ba ako dun sa service namin. Sinabi ko namang,
hindi na at sasabay na lang ako kina-Joyz na umuwi.
Madilim na rin. Siguro nga, 7:00 na. Naisipan ko naman ng magbihis doon sa CR ng
gym. Suot ko pa kasi yung pinanglaro ko. Shorts pa yun.
Sasamahan na sana ako ni Joyz kaya lang nag-ring yung phone ni Charlie. Sabay-sabay
pa kaming tatlo na tumingin sa kanya.
"Hello?" nagulat na lang kami nung biglaan na lang nilayo ni Charlie sa tenga niya
yung phone niya. Binalik din naman niya. "Raymond ano ba yan? Huwag ka ngang
sumigaw at hindi ako bingi. Ano ba yun?"
Pare-parehas kaming hindi maintindihan kung ano yung pinag-uusapan nila. Narinig ko
na nga lang na sinabi ni Charlie na...
Inabot naman sa akin yung phone ni Charlie. Pinakinggan ko rin naman. Nagsasalita
doon si Raymond. Nabibingi na talaga ako sa sobrang ingay sa kabilang linya.
"Huh?!?"
Inagaw naman ni Charlie yung phone sa akin. Tapos kinausap niya si Raymond. Ano ba
yan?
Wala rin akong idea kung saan yun. Tumingin ako kay Charlie. Pagkatapos nun,
humawak na lang siya sa akin.
"Alam ko na!" tapos humarap siya kay Joyz at Ren. "I'm sorry, tingin ko hindi muna
sasabay si Hally sa pag-uwi sa inyo."
Parehas puzzled si Joyz at Ren. Hindi rin naman ako makapagsalita. Basta ang alam
ko, hinila na lang ako ni Charlie.
"How can you be so stupid Charlie? Nakalimutan ko yun. Alam ko na kung nasaan si
Raymond at Ayan..."
Pero dire-diretso lang akong hinila ni Charlie. Hindi yata ako narinig eh. Tapos
nagulat na lang ako nung sinabi niyang...
"Just a place..."
"Teka lang Charlie! Saglit lang!" hinihila pa rin niya ako nun hanggang sa
nakasakay na kami ng jeep. Hindi ko alam kung bakit kailangan ba naming magmadali.
Hindi tuloy ako nakapagbihis, kaya nga nung nakasakay na kami eh saka ko lang
natanggal yung knee at elbow pads ko. Sana lang di ba, hindi ako nakashorts. Medyo
malamig pa naman dahil madilim na.
Hindi naman nagsalita si Charlie. Kahit naman magtanong ako, hindi rin niya
naririnig. So, nanahimik na lang din ako. Hindi naman ako nainip. Siguro nga, dapat
maghintay na lang ako kung saan kami pupunta. Marami pa talagang dapat malaman kay
Ayan. Bakit nga ba natutulog siya sa school? Alam ko puyat. Pero ang akala ko ang
dahilan eh yung practice nila ng breakdancing. Hindi pala?
Sumandal na lang ako doon sa hawakan nung jeep. Nagulat na lang ako nung sinabi ni
Charlie na.
"Para po!" tapos bumaba na rin kami. Ang daming ilaw sa daan.
Ok, ano naman kayang ginagawa namin dito? Casino? Anong ginagawa namin sa Casino?
"Charlie?" sabi ko sa kanya dahil hindi ko naman maalis yung tingin ko doon sa
tapat ng casino.
"Hally!"
Nakatayo pa rin ako doon. Ano naman kayang ginagawa ni Ayan at Raymond sa Casino?
Sinasabi ko na nga ba.. there's something fishy in here.
"Bakit dito? Anong namang ginagawa nila? 'Di ba bawal dito yung below 18?"
"Hally?!?"
"What?!?"
Nilingon ko si Charlie. Wala naman pala siya doon sa tabi ko. Nasa kabilang daan na
siya, nakatawid na yata.
"Hindi dyan.. dito!" tapos tinuro niya yung pintuan ng 'Bluegrass Restaurant'...
"Ooh.. akala ko--" napakamot na lang ako doon sa ulo ko. Ano ba yan Hally!
Nakakahiya ka!
Nginitian lang ako ni Charlie nun. Tumawid na rin ako. Buti na lang hindi ako
niloko. Nakakahiya talaga.
Pagpasok namin doon sa loob, ang dilim pero maingay. Sobrang ingay. Hindi pa ako
nakakapunta rito, pero sabi nung mga classmates ko... ok daw dito.
"Hi Mam, Hi Sir. Table for two?" sabi nung babae na kulay orange ang suot.
"Ahh ganun po ba. Diretso lang po kayo doon, nakaupo po doon yung cute na guy na
kaibigan din ni RV."
Tumingin din sa akin si Charlie nun. Kilala na namin kung sino yun. Si Raymond
talaga, kahit saan ba naman eh walang pinapalagpas?
Nabibingi na naman ako. Sigawan ng sigawan yung mga tao sa 'di mo namang malamang
dahilan. May tumutugtog. Nung nakapasok na kami ng diretso, nakita ko na kung ano.
May banda pala na nasa stage. Isang babae at isang lalaki yung kumakanta, dalawang
lalaki sa electric guitar, isang keyboardist. Ano naman ngayon kung nandito kami.
"Oi! Charlie! Hally! Dito!" tapos nakita namin si Raymond na nakaupo na at nag-sign
sa amin na dun kami pumunta.
Naglakad naman na ako doon kasunod si Charlie. Nakahiwalay kasi yung table kung
saan siya nakaupo, sa bandang unahan.
"Salamat." napatingin naman ako doon sa suot ko. Out of place talaga ako. Yung suot
ko ba naman eh yellow shirt and white shorts.
"Buti na lang talaga umabot na kayo. Pagkatapos niyan, isang kanta na lang yung
banda nila..." tapos tumingin sa akin si Raymond "Hally.."
Tumingin naman ako doon sa tinuturo niya. May cubicle nga doon sa likod ng stage.
Drums pala yung nandun. May tao pa nga sa loob eh. Teka lang... si Ayan yun ah!
"2010?"
"Name nung band nila. Since second year pa siya kasali. Eh kadalasang gabi na yung
pagtugtog nila, kaya ginagabi siya ng uwi. Madalas napupuyat. Kadalasan kasi 10:00
sila natatapat."
Hindi ko alam yun. Oh well, alam kong marunong siyang mag-drums, at kailan ko lang
din naman nalaman na member siya ng banda, pero hindi ko alam na late na ng gabi
yung pagtugtog nila. Kaya pala...
"Thank You Very Much!" sabi nung lead vocalist nung banda. Tapos bumaba na yung iba
at umupo doon sa table kung saan din kami nakaupo. "Ito nga po pala ang aming
drummer, sometimes sa vocals and guitar, si RV."
Lumabas naman si Ayan. Hindi naman siya naka-school uniform. Nagpalit na siguro.
Tumingin pa nga siya doon sa table namin.
Hindi na rin siguro ako dapat nagtaka nung may mga taong mga nagsigawan.
"We only have one song left. And, I want to dedicate this to my one and only..
Hallene Rhias.."
Kinutuban na talaga ako nun na kakanta siya. Hinawakan niya yung microphone at
humarap sa table namin.
Ohh Ohhhhh
Nagpalakpakan naman na yung mga tao nun. Gusto kong umiyak. Pero syempre, hindi ko
ginawa. Ang lakas nga ng tama ni Raymond, ang lakas pumalakpak eh.
Dapat nga last song na nga yun eh. Bigla na lang may inabot na dedication paper si
Raymond. Tapos nung nasa stage si Ayan, binasa naman niya.
Tumayo ba naman siya at tinulak ako doon sa stage. Inabot sa akin yung mic. Yung
isa sa guitarist nila eh patawa-tawa lang dun. Nakakahiya. Ayoko naman sana. Tapos
yung mga audience pa eh parang nakakita ng showbizz eh sinabing, 'Sige na'...
Nakangiti naman si Ayan nung ini-offer niya yung kamay niya. Nagsimula namang
tumugtog yung lalaki doon sa likod. Bumulong naman si Ayan sa akin ng.. "Hi.."
Humarap naman si Ayan sa akin... hinawakan pa niya yung kamay ko. Namumula kaya
yung mukha ko?
Pagkatapos nun, syempre, sabay na kaming kumanta. Tumahimik nga yung audience,
tapos nung natapos kami.. Nakangiti pa rin si Ayan hanggang sa natapos. Hindi ko pa
siya nakitang ganun. Kaya lang hindi ko rin inaasahan na, yumakap siya sa akin. Sa
stage pa.
Nagpalakpakan pa nga nun. Sabay pa nga kaming bumaba doon pabalik sa table. Kapag
nakakalimot ka nga naman, yung suot ko eh yung pinanlaro ko pa!
"That's great!"
"Bye bro.."
Napansin ko rin yung kamay ni Ayan sa likod ko. Hindi naman siya nakaakbay sa akin
pero nakalagay kasi yung kamay niya sa railings. Ang alam ko lang mukhang masaya
siya. Ewan ko ba. Hindi talaga ito maintindihan.
Matagal-tagal din kaming nakasakay doon. Lumipat pa kami ng isa pang jeep. May
kalayuan talaga ang Foxmoore. Tapos sa tagal namin, sa wakas bumaba na rin kami.
Sigurado na akong doon yun, nakalagay kasi sa sign 'Foxmoore'.
Hinawakan naman niya yung kamay ko nun. Parang nanlamig ako nun. Hindi naman niya
kasi madalas ginagawa yun. Naglakad kami hanggang sa umabot kami sa bahay na light
blue ang kulay. Up, and down.
"Nandito na tayo.."
Tumingin ako doon sa bahay nila. Wow. Medyo malaki, pero cute. Nakalagay doon sa
gate nila eh, '410 Hetzer'. Siguro nga, bahay na nila ito.
Siya na rin yung unang nagbukas ng gate nila. Pinapauna pa nga niya akong pumasok
kaya lang ayoko pa nung una dahil baka may aso sila eh makagat pa ako. Pero sinabi
naman niya eh wala naman daw. Aquarium lang daw meron ang Mommy niya.
Pagpasok namin doon sa loob, may isang may-edad na babae yung sumilip sa amin at
mukhang pinupunasan pa niya yung baso.
"Oh Ayan, nakauwi ka na. Ang aga mo yata ngayon, at may kasama ka pa pala.."
"Hally, siya si Ate Linda. Siya ang nag-alaga kay Freelie saka sa akin nung bata pa
kami, pero hindi siya mainstay dito." sabi ni Ayan nung pinapakilala niya "Si Mama
at Papa nga po pala?"
"Hindi pa dumarating. Nagpunta sa mall. Tapos dadaan yata sila sa kaibigan ng mama
mo."
Pinilit ko na lang ngumiti nun kay Ate Linda. Hinila na naman kasi ako ni Ayan sa
taas nila. Tapos maya-maya lang. binuksan niya yung isang kwarto. May nakadikit sa
gilid na 'breakdancing moves' ... hindi na maipapagkaila, kwarto nga niya ito.
May TV rin sa loob, mga dvd, at computer. Kaya lang ang napansin ng tingin ko eh
yung tinaggal niya yung kurtina. May glass door pala dun palabas sa terrace....
Mukhang alam ko na lalamigin ako doon. Naka-shorts kasi ako, tapos naman ang lakas
ng hangin sa labas.
"Ayan.. kasi baka malamig. Alam mo na.." tapos napansin niyang tinignan ko yung
shorts ko..
"Ooh.. yeah. Nakita mo yung pinto na yan, bathroom yan. Pwede ka diyang magpalit."
"Thanks."
Dinala ko na yung bag ko at bago pa lang ako pumsok doon sa banyo eh narinig kong
tinawag niya ako.
"Salamat." itinuloy ko na yung pagpasok ko kaya lang tinawag na naman niya ako.
"Hally.."
"A-huh?"
"Hey.."
"Tapos ka na pala?" sabi niya nung humarap siya. "Tara nga dito.."
Lumapit naman ako doon sa kanya. Hindi naman kami magkatabi kasi umupo siya doon sa
terrace mismo.
"Naalala mo yung sinabi ko sa 'yo dati na gusto kitang dalhin dito? Yeah. This is
the night. Gusto ko rito, dahil nga relax, marami kang nakikita.. lalung-lalo na..
nakikita mo yung langit."
"Wow!"
"Since nandito naman na tayo, binibigyan kita ng permission na magtanong kung ano
man ang gusto mong itanong. Pagkatapos kong sagutin lahat... ako naman." sabi niya
sa akin.
"Kahit... ano?"
"Kahit ano."
Nag-isip naman ako. Pilit kong inalala lahat ng mga naging tanong sa isip ko nun sa
kanya. Ok.. hindi naman lahat. Hindi ko na kasi masyadong matandaan yung iba eh.
"Bakit kung minsan hindi ka maintindihan? I mean, yung mga kinikilos mo.. weird.
Lalung-lalo na nung.. araw na sinabihan ako ni Charlie para sa party ni Rachel."
Mukhang hindi siya nag-iisip nun. Alam na yata niya kung anong isasagot niya.
"Bakit ako weird? For one single reason. Sinabi na ni Charlie sa akin na may gusto
siya sa 'yo nung araw na iyon. Medyo badtrip ako nung araw na iyon dahil baka kung
ano na namang gawin ni charlie."
"Siguro rin naalala mo nung kinausap kita nung dumating si Rachel. Gusto ko lang
liwanagin nung araw na iyon, may sinabi ako na hindi ko natuloy dahil paalis ka na
nun. Ang gusto ko lang sabihin sana sa 'yo nun eh dahil bumalik na si Rachel, hindi
na mahirap para sa akin na layuan ka."
"Unang-una, dahil kay Charlie. Pangalawa, kapag lumayo ako sa 'yo, baka mahalin ko
uli si Rachel."sabi niya habang magkahawak yung dalawang kamay niya.
"So, hindi mo siya minahal uli? Yun yung sinabi mo sa camping 'di ba?"
"Exactly. Hindi naman talaga ako sasama sa camping in the first place, kaya lang
sinabi mong sasama ka. Gusto kong i-celebrate yung birthday ko kasama ka, kaya alam
mo na kung ano yung mga sumunod na nangyari nun."
Naalala ko pa nga nun.. naligaw pa kami. Niyakap niya ako ng midnight, dahil
birthday niya na wala pa akong kaalam-alam nun.
"Akala ko kapag nilayuan kita, mas magiging maayos lahat. Kaya lang mas lalong
naging mahirap. Ayoko kasi ng competition sa amin ni Charlie. Lalung-lalo na kung
iisang tao yung mahal namin. Ang hirap nun para sa amin. And yeah, you heard it
right. Iisa ang mahal namin, which means.. pati ako."
"No. Hindi mo kasalanan. Walang may kasalanan. Hindi rin naman namin alam na ikaw
yun Hally..."
May bigla na naman akong naalala na sinabi niya sa akin na napaisip ako.
"Oo nga pala, naalala kong sinabi mo sa akin sa auditorium na ako ang unang
makakaalam kung magkakagirlfriend ka. Bakit... bakit ako?"
Ang ikinagulat ko naman, tumawa siya ng malakas. May nakakatawa ba dun sa tanong
ko?
"Yeah, ikaw ang unang makakaalam. Kung tatanungin mo namana ko, ikaw ang gusto kong
maging girlfriend. Ikaw ang unang makakaalam kung saka-sakali man.. dahil ikaw
yun."
"Matagal na ito. As in, nung mga days pa na nagkakilala pa lang tayo. Sa Sealey,
nung unang beses ko kayong nakitang mag-practice. Tinanong mo ko tungkol sa kung
ano yung gusto ko. Something like.. potato chips.. cheeseburger at kung ano pa yun.
Why does it matter?"
"Tinanong pala kita nun. Hindi ko na rin maalala kung ano yung sinagot mo. But
gusto ko kasi sa babae ang kumakain kung gusto. Yun bang... hindi 'on-diet'."
"Isa pang tanong... bakit Ayan na ang gusto mong itawag ko sa 'yo nun eh
samantalang hindi pa naman tayo close? Di ba sa mga ka-close mo lang ginagamit yun?
Kakakilala pa lang natin nun."
"Oo nga naman. Bakit nga ba Ayan na ang gusto kong itawag mo sa akin eh hindi pa
kita close? Walang espesyal na dahilan nun. I just like the way you talk on the
phone.. that's all."
Noon pa lang kasi, Ayan na yung ginamit niyang name sa phone kahit hindi pa naman
niya ako kakilala.
Pinilit kong isipin kung ano pa ba. Yun lang naman ang importanteng mga bagay na
gusto kong itanong. Wala na.
"Wala na siguro.."
Ngumiti si Ayan nun. Yumakap siya sa akin ng mahigpit. Grabe, parang ayaw akong
paalisin. Pero iba sa pakiramdam. Hindi ko alam, kakaiba talaga.
Nakatayo lang kami doon parehas. Tahimik lang siya, ganun din naman ako. Tapos
tumingin siya sa akin.
Hindi ako sumagot kaagad. Siguro dapat pag-isipan ko pa no? Kaso hindi yun ang
ginawa ko. Iba rin naman yung lumabas sa bibig ko.
"Yeah.."
"Sorry Hally ha, nakalimutan kong may pangatlo pala akong tanong.."
"Huh?!?"
"Remember the eight things I told you nung nasa Dance tayo?"
"Oo naman..."
"We'll follow..."
Para kaming mga baliw doon na sumayaw. Walang tugtog. Hindi naman talaga kailangan
ng tugtog. You just have to.. 'Dance by heart'. Yun lang naman talaga ang mahalaga.
Ang tagal nga naming nakatayo parehas doon. Maya-maya lang, umulan na at parehas na
kaming nabasa. Parang wala kaming pakialam parehas, hindi pa rin kami umalis doon.
Tapos tumingin siya sa akin.. sobrang lapit ng mukha niya..
Na-frozen na yata ako. Pero yun yung pinakakakaiba sa lahat ng naramdaman ko. Hindi
dahil sa ulan...
"Akin na yung phone mo.."
Oo nga pala, yung phone ko nasa bag ko pa. Kinuha ko naman at mabuti na lang din eh
hindi naman basa.
Nilabas din niya yung phone niya. Nasa bulsa pala niya nakalagay. Inabot niya sa
akin, pero hindi na niya sinoli yung phone ko.
Tumingin kami doon sa baba at nakita naming may mga nakapayong doon sa baba. Sinabi
pa ngang:'Ayan! Anong ginagawa niyo at nagpapaulan kayo?
"Si Mama nga pala yun.. saka si Papa. Nga pala, gusto ka rin nilang makilala. Ayaw
nga ni Mama na nagbabasa ako sa loob ng bahay, pero kapag nalaman niya na kasama
kita, hindi na yun magagalit."hindi pa rin niya inaalis yung kamay niya sa phone
ko.
"What?!?"
Southern High
(Certain pages from the Yearbook)
Katatapos ko lang basahin yung Year Book namin. After so much time... ok na rin
lahat para sa amin. Still, third year pa rin nangyari lahat. Joyz and Ren are dong
great. Nakakasama ko pa rin sila pero hindi naman na masyado. Kasi, pare-parehas na
rin kaming busy.
Si Raymond, playboy pa rin. As usual. Sana nga may nagturo ng lesson eh. Mukhang
walang pagbabago. Pero syempre, joker pa rin siya.
Si Charlie, ayun.. wala pa ring girlfriend. Mag-1 year na rin. Nung tinanong ko
nga siya, no comment eh. Pero I remember him mentioning about Aya. Isn't that
something?
'Dancer of the year.. Riyan Vincel Hetzer!' nagpalakpakan naman yung mga tao.
"Ha?!?Tinawag ako?"
"Umakyat ka na dun."
Well... sabi nga nila, lahat daw eh may 'Ending'.. Pero para sa akin, isa lang
naman talaga ang natutunan ko sa high school life. For me, the word 'ending'
doesn't mean ending after all...
<PIXTEL_MMI_EBOOK_2005>2###########################################################
</PIXTEL_MMI_EBOOK_2005>