Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

Pangrehiyong Pagtataya sa Natamong Kasayanan sa MAPEH 4


S.Y. 2023-2024
Pangalan: __________________________________ Petsa:_____________
Baitang at Seksyon:__________________________ Marka o Iskor: ______

Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Isulat sa sagutang papel ang
letra na may tamang sagot.

1. Anong uri ng nota ang nasa loob ng kahon?


A. eighth note C. quarter note
B. half note D. whole note

2. Ano ang meter ng rhythmic pattern na ito?

A. compound meter C. quadruple meter


B. duple meter D. triple meter

Para sa bilang 3-5

I II III IV V
3. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa notation I?
A. pababang palaktaw
B. paakyat na palaktaw
C. pababang pahakbang
D. paakyat na pahakbang

2. Alin sa sumusunod ang mayroong melodiya na walang paggalaw?


C. II B. III C. I D. IV

3. Ano ang pitch name ng ikalawang linya ng G Clef staff?


C. G B. B C. B D. A

4. Alin sa mga instrumentong ito ang may bum bum bum na tunog?
C. Xylophone B. drum C. marimba D. flute
5. Ano ang katawagan para sa mabilis na tempo?
A. piano B. forte C. presto D. largo

6. Alin sa mga sumusunod ang mga instrumentong hinihipan?


A. violin, viola, cello C. flute, trumpet, saxophone
B. drum, maracas, xylophone D. violin, flute, drum

7. Ano ang ibig sabihin ng simbolong p sa isang musical score?


A. presto B. piano C. percussion D. prestissimo

8. Paano awitin ang bahagi ng awit na may simbolong largo?


A. Mas mabagal kung ikukumpara sa andante
B. Mas mabilis at malakas kung ikukumpara sa presto
C. Mas mabagal kung ikukumpara sa presto
D. Mas mabilis kung ikukumpara sa andante

9. Alin sa sumusunod ang katangian ng kasuotan ng mga katutubo sa Luzon?


A. paggamit ng dagta ng dahon bilang pangkulay
B. madetalyeng paraan ng pagbuburda
C. kakikitaan ng disenyo ng dagat, dahon, o manok
D. kakikitaan ng disenyo ng kidlat, ahas, butiki, o puno

10. Saang lugar sa Mindanao naninirahan ang karamihan ng mga Maranao?


A. Lawa ng Lanao C. Lungsod ng Iligan
B. Lungsod ng Cotabato D. Basilan

13. Alin sa mga sumusunod ang itinatampok sa Panagbenga Festival ng


Lungsod ng Baguio tuwing Pebrero?
A. mga pinatuyong palay C. mga makukulay na maskara
B. mga sariwang bulaklak D. mga inaning prutas at gulay

14. Ano ang pangunahing hakbang sa tie-dyeing?


A. pagtatali ng tela C. pagpapatuyo
B. paglubog ng solusyon ng tela D. paglalagay ng kulay

15. Aling dibuhong araw na disenyo ang nagmula sa Ifugao?


16. Anong tekstura mayroon ang Hollow blocks?
A. magaspang C. matigas
B. mabuhangint D. marupok

17. Maraming mga produktong gawa sa Pilipinas gaya ng mg basket, banig, at


bag na yari sa yantok ang ikinakalakal sa ibang bansa dahil sa tibay at
kakaibang ganda ng mga ito. Ano ang tekstura ng mga bagay na ito?
A. matigas at makinis
B. makinis at madulas
C. malambot at makinis
D. magaspang at matigas

18. Alin sa sumusunod ang tawag sa larawan na nakapatayo kung


kukuhanan at ipiprint sa photopaper?
A. abstract C. portrait
B. landscape D. still life

19. Si Czelly ay nagpinta ng kanyang likhang-sining na ginamitan niya ng kulay


asul, lila, at berde. Bukod dito, nagpakita rin ito ng iba’t-ibang dibuho tulad ng
paalon-alon na linya, at paulit-ulit na hugis upang maging kaakit-akit ang
kanyang nilikha. Ano ang katangian ng mga kulay na kanyang ginamit?
A. mainit na kulay C. malamig na kulay
B. masaya na kulay D. malungkot na kulay

20. Isa sa pinagawa ni G. Ferrer ang disenyong etniko sa kanyang klase sa Sining 4.
Ipinamalas naman ng kanyang mga mag-aaral ang mga ito. Ano sa palagay mo
ang uri ng motif na ipinakita sa kanyang halimbawa ng sining na makikita mong
larawan sa ibaba?

A. radyal C. pasalit-salit
B. paulit-ulit D. pakurba-kurba

21. Naglalaro ng tumbang preso ang magkakaibigan na sina Zoey, Zion,


Kian, at Noah. Malugod na tinanggap ni Noah ang kaniyang pagkatalo.
Ano ang ipinapakitang pag-uugali ni Noah?
A. paggalang at kagalakan sa laro
B. pakikiisa sa panahon ng pakikilahok
C. pagpapakita ng tatag at pagsusumikap
D. patas na laro sa panahon ng pakikilahok
22. Anong hakbang sayaw ang ipinapakita ng nasa larawan.
A
. brush step C. point step
B. close step D. waltz step

23. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa kahalagahan ng palagiang


pag- indak?
A. Nakatutulong sa paglinang ng balanse.
B. Nakatutulong sa pag-unlad ng koordinasyon.
C. Nakatutulong sa mabilisang pagtugon o reaction time.
D. Nakatutulong upang ikaw ay matulog nang mahimbing.

24. Alin sa sumusunod na kasanayan ang nililinang sa paglalaro ng syato?


A. paglukso C. pagtalon
B. pagpalo D. pagtambling

25. Sa larong syato, ang pagpukol o pagpalo sa patpat ay kasanayang


nangangailangan ng__________
A. bilis ng mga mata C. lakas at kakayahan
B. tatag ng kalamnan D. alisto at lakas ng pagpalo

26. Sino ang tatanghaling panalo sa larong syato?


A. ang may pinakamalayong patpat
B. ang pinakamabilis pumukol o pumalo
C. ang may pinakamataas na lipad ng patpat
D. ang may pinakamalakas na pagpukol o pagpalo

27. Mahilig magsayaw si Norham sa saliw ng mga paborito niyang awitin na


Korean Pop na talaga namang sinusunod niya ang physical activity pyramid.
Gaano kadalas niya ito dapat gawin bilang isang batang Pilipino?
A. araw-araw C. 2-3 beses sa isang linggo
B. 1 beses sa isang linggo D. 3-5 beses sa isang linggo

28. Si Kenjie ay araw-araw na nagbibisikleta sa kanilang lugar na


nagsisilbing ehersisyo niya upang mapanatili niya ang pagiging
malusog at physically fit body. Bilang batang kagaya niya, ano ang
maipapayo mo sa kanya na dalas ng pagbibisikleta?
A. araw-araw C. 2-3 beses sa isang linggo
B. 1 beses sa isang linggo D. 4-6 beses sa isang linggo
29. Ang pagkuha ng body mass index o BMI ay isang paraan upang malaman mo
ang kondisyon ng iyong katawan kung ito ay nangangailangn nang sapat na
pagkain, pagtulog, at ehersisyo. Ano ang tawag sa dami ng taba at parte na
walang taba sa katawan na napapaloob sa BMI?
A. body composition C. coordination
B. cardiovascular endurance D. flexibility

30. Aralin ang limang istasyon ng mga pagsubok na nasa flow chart sa
ibaba?Paano mo maisasagawa ang mga paggamit ng Safety precautions.
Piliin ang angkop na hakbang sa ibaba.

A. Gawin nang mabilisan ang mga kasanayan sa bawat istasyon ng mga


pagsubok.
B. Tumakbo nang matulin upang maisagawa mo ang mga ito sa mabilis na
oras at panahon.
C. Ituon ang isip sa bawat istasyon ng mga pagsubok upang maiwasan
ang pagkapahamak at pagkaaksidente.
D. Hindi na dapat pag-isipan pa bagkus isakripisyo ang sarili sa kung
anoman ang mangyayari na kapamahakan.

31. Masakit ang ngipin ni Nimpa, alin sa sumusunod na gamot ang maaari
niyang inumin upang maibsan ang sakit na kanyang nararamdaman?
A. Analgesic C. Antibiotic
B. Antacid D. Antihistamine

32. May iba’t ibang uri ng gamot para sa iba’t ibang uri ng sakit o karamdaman,
saan ginagamit na panlunas ang gamot na antihistamine?
A. allergy B. ubo C. sakit ng ulo D. sugat

33. Ito ay uri ng kalamidad na may dalang malakas na hangin at ulan.


A. baha B. bagyo C. lindol D. pagputok ng bulkan

34. Ito ay sakuna na maaaring maranasan dahil sa pagyanig ng lupa.


A. bagyo B. lindol C. landslide D. pagputok ng bulkan
35. Alin-alin ang dapat ilagay sa isang survival kit na naglalaman ng mga
pangunahingkailangan sa oras ng sakuna?
A. lapis, papel, libro C. flashlight, radio, pagkain
B. pagkain, pulbo, tsinelas D. laruan, charger, cellphone

36. Paano natin mapupuksa ang iba’t-ibang organismo tulad ng bacteria, virus, at
parasites na nagdudulot ng karamdaman?
A. paglilinis ng bahay at kapaligiran araw-araw
B. paglilinis ng katawan tuwing makalawang araw
C. paggamit ng mga pamatay sa insekto araw-araw
D. pagsisipilyo ng mga ngipin isang beses sa isang araw

37. Alin sa sumusunod na impormasyon ang makikita sa label o pabalat ng iba’t-


ibang pagkain na kailangan nating mabasa o makita upang mapangalagaan
nang wasto ang ating kalusugan?
A. kung kailan ginawa ang pagkain o inumin
B. kung hanggang kailan masarap ang lasa ng mga pagkain o inumin
C. kung kailan ginawa at magsisimulang masira o mapanis
ang pagkain o inumin
D. kung hanggang kailan mananatili sa pinakasariwang kalidad
ang pagkain o inumin

38. Ito ang tawag sa ibinibigay na dokumento ng doktor kung saan nakasulat ang
mga tagubilin sa wastong pag inom, sukat, at dalas ng paggamit ng gamot.
A. kodigo C. reseta
B. B. listahan D. resibo

39. Si Charissa ay bumili ng tinapay sa tindahan para sa kanyang almusal. Nang


buksan niya ito ay napansin niyang may kulay abo na nakadikit dito. Ano ang
ibig sabihin nito?
A. masarap ang tinapay C. bagong luto ang tinapay
B. maasim na ang tinapay D. inaamag na ang tinapay

40. Habang nakikipag-usap si Jane sa kaniyang kapatid ay hindi niya


naiwasang bumahing sa harap nito. Ano ang maaaring mangyari sa
kaniyang kapatid?
A. Magdurugo ang ilong nito.
B. Mamamantal ang balat nito.
C. Mahahawa ito ng sipon sa kanya.
D. Magkakaroon ito ng trangkaso kinabukasan.

You might also like