Professional Documents
Culture Documents
COURSEPACKKMOMUNIKASYON
COURSEPACKKMOMUNIKASYON
COURSEPACKKMOMUNIKASYON
Kahulugan ng Komunikasyon 23
Register at Barayti ng Wika 27
Gamit ng Wika sa Lipunan (Instrumental at Regulatori) 34
Sitwasyon ng Gamit ng Wika sa Lipunan 37
Pananaw ng Iba’t ibang Awtor sa Wikang Pambansa 41
Pagsulat ng Sanaysay 46
Sitwasyong Pangwika sa Social Media 61
Sitwasyong Pangwika sa Larangan ng Edukasyon,
Pamahalaan, at Kalakalan
Pasusuri ng mga Teksto Gámit ang Social Media
Pampananaliksik: Pag-uugnay ng mga Idea
Alamin
Sa paglipas ng panahon, marami na ang nabago at mababago ng panahon.
Patuloy na umuunlad ang teknolohiya at komunikasyon. Kasabay ng mga
pagbabagong nagaganap, maging ang wika natin ay nababago din dala ng
makabagong henerasyon. Bilang isang wikang buhay, patuloy na umuunlad ang
wika dahil sa marami ang umaadap ng mga wikang banyaga na
nakakaimpluwensiya sa ating mga natutuhan sa mga ninuno natin.
Sa kasalukuyan, marami sa atin ang malaki ang naiaambag sa paggamit ng
wika. Tulad na lamang ng pagdidiskubre ng mga bagay-bagay sa tulong ng
teknolohiya. Karamihan sa mga taong nagpapakadalubhasa sa larangan ng wika ay
lumalago at naglilinang ng makabagong konsepto ng wika. Kaalinsabay nito angt
pagaaral tungo sa pananaliksik ukol sa kalikasan, katangian, pag-unlad, gamit a
paggamit ng Wikang Filipino sa mga sitwasyong komunikatibo at kultural sa lipunang
Pilipino. May mga pagkakataon na maunawaan natin ang mga konsepto,
elementong kultural, kasaysayan, at gamit ng wika sa lipunang Pilipino.
Bunga ng pag-aaral, maraming konsepto ng wika ang nakapaloob sa aklat na
ito. Layunin nitong malinang at mapayabong pa ang kaalaman ng mga estudyante
gamit ang wikang Filipino. Masuri ang kalikasan, gamit, mga kaganapang
pinagdaanan at pinagdadaanan ng Wikang Pambansa ng Pilipinas. Ang mga
impormasyong nakapaloob sa aklat na ito ay napapanahon rin. Sinadya ng mga
may-
WIKA
Paano kaya kung walang wika? Paano magkakaunawaan ang mga tao sa
isang lipunan? Paano magkakaunawaan ang bawat miyembro ng pamilya?
Mapabibilis kaya ang pag-unlad ng komunikasyon? Kung hindi ang sagot mo,
samakatwid mahalaga talaga ang wika at komunikasyon.
Wika ang pinakamahalagang sangkap at ugnayan sa pakikipagkapwa-tao.
Malaki ang tungkulin ng wika sa pakikipag-unawaan at pakikisalamuha sa tao sa
kaniyang tahanan, paaralan, pamayanan, at lipunan.
Kahit na sa anumang anyo, pasulat o pasalita , hiram o orihinal , banyaga o
katutubo, wika ang pinakamabisang sangkap sa paghahatid ng diwa , kaisipan , at
damdamin natin. Maging ang kultura ng isang panahon , pook , o bansa ay muling
naipahahayag sa pamamagitan ng wika ( Lachica, 1998 ). Naipadarama ng wika ang
sidhi ng damdamin, lalim ng lungkot o pighati , ang lawak ng galak , ang
kahalagahan ng katwiran , ang kabutihan ng layunin , ang nakapaloob sa
katotohanan sa isang layunin , ang kaibuturan ng pasasalamat, at paghanga.
Grade 11 - Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
4
DEPINISYON NG WIKA
Ang wika ay isang sistema ng mga sagisag na binubuo ng mga tunog o kaya
ay mga pasulat na letra na iniuugnay natin sa mga kahulugang nais nating ipabatid
sa ibang tao. Ayon naman kay
1. Gleason (1961) – ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog
na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit sa pakikipagtalastasan
ng mga taong nasa iisang kultura. Halimbawa : Ang wika ay sinasalitang tunog o
binubuo ng mga tunog. Gayunman hindi lahat ng tunog ay makabuluhan o may hatid
na makabuluhang kahulugan , hindi lahat ng tunog ay itinuturing na wika. Ang lahat
ng wika ng tao ay nagsimula sa tunog . Mga tunog ito na mula sa paligid , kalikasan ,
at mula mismo sa tunog na likha ng pagbigkas ng tao.
2. Finnocchiaro (1964) – ang wika ay isang sistemang arbitraryo ng simbolong
pasalita na nagbibigay pahintulot sa mga taong may kultura o ng mga taong
natutunan ang ganoong kultura upang makipagtalastasan o di kaya’y makipag-
ugnayan. Halimbawa : Ang simbulo ay binubuo ng mga biswal na larawan , guhit , o
hugis na kumakatawan sa isa o maraming kahulugan . Halimbawa nito ang simbolo
ng krus, araw , ahas , elemento ng kalikasan ( lupa , tubig , apoy , hangin ) at
marami pang iba na sumasalamin sa unibersal at iba’t ibang kahulugan mula sa
sinaunang sibilisasyon hanggang ngayon . Nangangahulugan lamang na ang
tanging layunin kung bakit may wika ay upang magamit ito sa pakikipagtalastasan.
3. Sturtevant (1968) – ang wika ay isang Sistema ng mga simbolong arbitraryo
ng mga tunog para sa komunikasyong pantao. Halimbawa: Lumutang ang
konseptong “ponosentrismo“ na nangangahulugang “ una ang bigkas bago ang sulat
“ . Ibig sabihin din nito, nakasandig sa sistema ng mga tunog ang pundasyon ng
anumang wika ng tao.
4. Hill (1976) – ang wika ay ang pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng
simbolikong pantao. Ang mga simbolong ito ay binubuo ng mga tunog na nalilikha ng
aparato sa pagsasalita at isinasaayos sa mga klase at padron na lumilikha at
simetrikal na estraktura. Halimbawa : Binibigkas na tunog at ito ay tumutukoy sa
ponema ( pinakamaliit na yunit ng tunog na nagtataglay ng kahulugan ). Maraming
uri ng tunog , maaaring ito ay galing sa kalikasan tulad ng lagaslas ng tubig s abatis,
langitngit ng kawayan , pagaspas ng mga dahoon, kulog at iba pa. Ngunit ang
binibigkas na tunog ay nabubuo sa pamamagitan ng mga sangkap sa pagbigkas ng
tao tulad ng labi , dila , ngipin , galagid , at ngalangala.
5. Brown (1980) – ang wika ay masasabing sistematiko. Set ng mga simbolikong
arbitraryo, pasalita, nagaganap sa isang kultura, pantao, at natatamo ng lahat ng
tao. Halimbawa : Ang mga ponema ( sinasalitang tunog ) ay pinili sa pamamaraang
napagkasunduan ng mga taong gumagamit ng wika o batay sa kapasyahan
sangayon sa preperensya ng grupo ng mga tao.
1. Lodi -
2. Petmalu -
3. Kalerki -
4. Chaka -
5. Waley -
Alam Mo Ba?
Ang Pilipinas ay isang kapuluan. Binubuo ito ng mahigit pitong libong pulo na
nabibilang sa tatlong malalaking pangkat ng mga pulo sa bansa: ang Luzon,
Visayas, at Mindanao. Dahil sa nasabing kalagayang heograpikal, hindi maiiwasang
magkaroon tayo ng iba’t ibang pangkat ng mga Pilipinong may kanya-kanyang wika at
diyalekto. Ito ang nagbigay-daan sa napakaraming
wika at diyalektong ginagamit sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Dito unang nagamit ang salitang Filipino bilang bagong katawagan sa wikang
Pambansa ng Pilipinas. Gayunpama’y hindi naisagawa ng Batasang Pambansa ang
pormal na Pagpapatibay tulad ng itinatadhana ng Saligang Batas.
Sa Saligang Batas ng 1987 ay pinagtibay ng Komisyong Konstitusyunal na
binuo ni dating Pangulong Cory Aquino ang implementasyon sa paggamit ng Wikang
Filipino. Nakasaad sa Artikulo XIV, Seksiyon 6 ang probisyon tungkol sa wika na
nagsasabing:
Ayon sa mga Espanyol, nasa kalagayang barbariko, di sibilisado o pagano ang mga
katutubo noon. Itinuro ng mga Kastila ang Kristiyanismo sa mga katutubo upang
maging sibilisado diumano ang mga ito. Naniniwala ang mga Espanyol noong mga
panahong iyon na mabisa ang paggamit ng katutubong wika sa pagpapatahimik sa
mamamayan kaysa sa libong sundalong Espanyol. Hinati hati sa apat na ordeng
misyonerong Espanyol ang pamayanan kaya’t ito’y nagkaroon nang malaking epekto
sa pakikipagtalastasan ng mga katutubo.
Nang lumunsad sa dalampasigan ng Pilipinas ang mga Hapon noong 1942, nabuo
ang isang grupong tinatawag na “purista” Sila ang nagnanais na gawing Tagalog na
mismo ang gawing wikang pambansa at hindi na batayan lamang.
Ayon kay Prof Leopoldo Yabes, ang pangangasiwa ng Hapon ang nag-utos na
baguhin ang probisyon sa konstitusyon at gawing Tagalog ang pambansang wika.
Sa layunin ng mga Hapon na burahin sa mga Pilipino ang anumang kaisipang
PangAmerika at mawala ang impluwensya ng mga ito kaya Tagalog ang kanilang
itinaguyod. Nang panahong iyon, Niponggo at Tagalog ang naging opisyal na mga
wika. Sa panahong ito namulaklak ang Panitikang Tagalog sapagkat maraming
manunulat sa Ingles ang gumamit ng Tagalog sa kanilang tula, maikling kuwento,
nobela at iba pa.
• Proklamasyon Blg, 12- ipinalabas noong Marso 26, 1954 ni Pang. Ramon
Magsaysay ang pagkakaroon ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika mula Marso 29-
Abril 4 (kapanganakan ni Franciso Balagtas.)
• Proklamasyon Blg. 186 (1955)- Inilahad ang paglilipat ng pagdiriwang ng
Linggo ng Wika sa Agosto 13-19 kapanganakan ni Manuel L Quezon.)
• Saligang-Batas ng 1987, Artikulo XIV, Seksyon 6- Filipino ang wikang
pambansa ng Pilipinas.
• Proklamasyon Blg. 1041 (1997) – Nilagdaan at ipinalabas ni Pangulong
Fidel V. Ramos na nagtatakda na ang buwan ng Agosto, ang buwan ng wikang
Filipino.
Ayon kay DepEd Secretary Brother Armin Luistro, FSC, “ang paggamit ng
wikang ginagamit din sa tahanan sa mga unang baytang ng pag-aaral ay
makatutulong mapaunlad ang wika at kaisipan ng mga mag-aaral a
makapagpapatibay rin sa kanilang kamalayang sosyo-kultural.”
t
Pinatunayan daw ng mga pag-aaral na local at internasyonal na ang paggamit ng
wikang kinagisnan sa mga unang taon ng pag-aaral ay nakalilinang ng mga
magaaral na mas mabilis matuto at umangkop sa pag-aaral ng pangalawang wika
(Filipino) at maging ng ikatlong wika (Ingles).
Noong mga unang taon ng pagpapatupad ng K to 12 ay nagtadhana ang
DepEd ng labindalawang lokal o pangrehiyon na wika at diyalekto para magamit sa
MTB-MLE subalit sa taong 2015 ay nadagdagan pa ito ng pito kaya’t sa kasalukuyan
ay labinsiyam na wika at diyalekto na ang ginagamit tulad ng sumusunod: Tagalog,
Gawain 1
Makikilala mo ba ang bagay o taong tinutukoy sa bawat pahayag? Isulat ang sagot
sa patlang.
__________________1. Siya ang lingguwista at propesor na nagbigay
pagpapakahulugan sa wika bilang masistemang balangkas ng mga tunog na napili at
isinaayos sa pamaraang arbitraryo upang magamit ng mga taong nabibilang sa
isang kultura.
__________________ 2. Siya naman ay naniniwalang ang wika ay hindi tunay na
likas sapagkat ang bawat wika raw ay kailangan munang pag-aralan bago
matutuhan.
__________________ 3. Siya ang pangulo ng bansang sumusog sa mungkahing
ibatay ang wikang Pambansa sa isa sa mga umiiral na wika o wikain sa ating bansa.
__________________ 4. Siya ay namuno sa pangkat na sumuri at nagsagawa ng
pag-aaral hinggil sa wikang pagbabatayan ng wikang Pambansa.
__________________ 5. Siya ang dating Kalihim ng Edukasyon na nagpalabas ng
kautusang pangkagawarang nagsasaad n amula Tagalog ay magiging Pilipino ang
tawag sa ating wikang Pambansa.
__________________ 6. Sa probisyong pangwika ng Saligang Batas na suporta sa
paggamit ng wikang Filipino sa pamahalaan.
__________________ 7. Siya ang pangulong nagpakita nang lubos na suporta sa
paggamit ng wikang Filipino sa pamahalaan.
__________________ 8. Ito ang Atas Tagapagpaganap na naglalayong magamit
ang Filipino sa opisyal na mga transaksiyon, komunikasyon, at korespondensiya sa
pamahalaan.
__________________ 9. Siya ang kalihim ng DepEd na nangunguna sa
pagtataguyod ng mga pagbabagong dala ng K to 12 Kurikulum.
__________________ 10. Ito ang bilang ng mga unang wika at diyalektong
pinangalanan ng DepEd upang gamitin sa pagtuturo ng mga mag-aaral mula
kindergarten hanggang Grade 3.
Gawain 2
Basahin at unawaing Mabuti ang bawat pahayag. Kung ito ay tama, isulat ang
salitang TAMA sa patlang. Kung mali naman ay isulat sa patlang ang salitang
magpapatama sa pahayag.
__________________ 1. Ang wikang opisyal ng ating bansa ay Filipino lang ayon sa
itinatadhana ng Saligang Batas ng 1987.
__________________ 2. Alinsunod pa rin sa Saligang Batas ng 1987, itinuturing na
pantulong na wikang opisyal at pantulong na wikang panturo ang mga wikang
panheriyon.
__________________ 3. Sa K to 12 Kurikulum, ang unang wika o kinagisnang wika
ng mga mag-aaral sa kinder hanggang ikatlong baytang ang gagamiting wikang
panturo sa mga paaralan.
__________________ 4. Hindi na gagamitin at ituturo sa mga mag-aaral sa kinder
hanggang ikatlong baytang ang mga wikang Filipino at Ingles.
__________________ 5. Ang mga wika at diyalektong kabilang sa MTB-MLE ay
gagamitin sa dalawang paraan: bilang hiwalay na asignatura at bilang wikang
panturo.
Gawain 3
Iugnay ang mga natutuhang konseptong pangwika sa iyong sariling kaalaman.
Pananaw, at mga karanasan sa pamamagitan ng pagsasagawa sa sumusunod:
1. Sa mga binasang tala ay nabatid mo ang masalimuot at mahabang proseso ng
paghahanap ng wikang magiging batayan ng ating wikang Pambansa. Nang
mapili ang wikang Tagalog ay maraming hadlang at maraming taon ang
lumipas bago ito napagtibay. Baon ang kaisipang ito, sa paanong paraan mo
maipakikita ang iyong pagpapahalaga at pagmamalaki sa ating wikang
Pambansang Filipino? Maglahad ng limang paraang sadyang nagagawa mo
at kaya ring gawin ng mga kabataang tulad mo.
-
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
Gawain 3
Hunyo 4,
Kahulugan ng Homogenous at Heterogenous na Wika
Ang salitang homogenous ay nanggaling sa salitang Griyego na "homo" na ang ibig
sabihin ay pareho at salitang "genos" na ang ibig sabihin ay uri o yari. Ang
homogenous na wika ay ang pagkakatulad ng mga salita. Bagaman magkakatulad,
nag-iiba ang kahulugan dahil sa pagbigkas at intonasyon. Ang wika ay midyum ng
pakikipagtalastasan. Ginagamit ito upang epektibong makapagpahayag ng
damdamin at kaisipan. Kakambal ng wika ang kulturang pinagmulan nito, kung kaya
mahalaga rin ang papel na ginagampanan ng wika sa pagpapalaganap at
pagpapayabong ng kulturang pinanggalingan nito. Ang wika ay nahahati sa dalawa
ang homogeneous na kalikasan nito at ang heterogenous na kalikasan nito.
HETEROGENEOUS NA KATANGIAN NG WIKA
1. Ang heterogeneous na kalikasan ng wika ay tumutukoy sa pagkakaiba-iba ng
wikang ginagamit ng mga pangkat ng tao dahil sa pagkakaiba nila ng edad,
kasarian, tirahan, gawain, at iba pang salik.
Kahulugan ng Komunikasyon
Napabibilis at napababagal ang daloy ng komunikasyon depende sa
paghahatid at pagtanggap ng mensahe. May iba’t ibang sangkap at proseso ang
komunikasyon sang-ayon sa nilalayon nito. Nakasalalay sa bawat sangkap at
proseso ng komunikasyon ang pagtatagumpay at pagkabigo ng paghahatid ng
mensahe. May mga sitwasyon na ang iniisip ng tagapaghatid ng mensahe ay may
ibang kahulugan sa tagatanggap nito na siyang nagiging dahilan nang hindi
pagkakaunawaan. Pagsilang ng bata at umuha ay nagsimula na siyang makipag-
ugnayan sa mundo. Kapag narinig ito ng ina ay siguradong tutugunan dahil
nauunawaan niyang kailangan siya ng anak. Ito ang komunikasyon. Nagaganap ito
sa pang-araw-araw na buhay ng isang tao. Ang komunikasyon ay pagpapahayag ,
paghahatid , o pagbibigay ng impormasyon sa mabisang paraan .
Isa itong pakikipag-ugnayan, pakikipagpalagayan, o pakikipag-unawaan . Ito rin
ang proseso ng pagbibigay at pagtanggap, nagpapalipat-lipat sa mga indibidwal ang
mga impormasyon, kaalaman, kaisipan, impresyon, at damdamin.
Ayon sa pag-aaral ng tagapangulo ng De La Salle University na si Josepina
Mangahis, et al. ang komunikasyon ay proseso ng pagpapahiwatig at pagpapahayag
ng mensahe tungo sa pagkaunawa at pakikipagdiskurso ng isa o higit pang kalahok
gamit ang mga makrong kasanayan – pakikinig, pagbasa, pagsasalita, pagsulat, at
panonood. ( Ayon kay Sikhay, et.al. at sa kanilang aklat noong 2003 )
Komunikasyon o pakikipagtalastasan ang pundasyon ng personal na relasyon ng
isang tao sa kanyang kapwa ( E. L. Pena, et al. at sa kanilang aklat na Kanlungan ).
Isang proseso ito ng paglikha at pagbabahagi ng impormasyon at kaalaman ng isang
tao sa pormal o impormal na paraan. Mga Simulain ng Komunikasyon
➢ Ang komunikasyon ay nagsisimula sa sarili
➢ Ang komunikasyon ay nangangailangan ng ibang tao
➢ Ang komunikasyon ay binubuo ng dimensyong pangnilalaman at relasyonal
➢ Ang komunikasyon ay komplikado
➢ Ang komunikasyon ay gumagamit ng simbolo
➢ Ang komunikasyon ay nangangailangan ng kahulugan o Ang komunikasyon
ay isang proseso
Mga Modelo ng Komunikasyon
1. Komunikasyon bilang aksyon – ang pinagmulan ng mensahe (sender) ay
naghahatid ng mensahe tungo sa tagatanggap (receiver).
2. Komunikasyon bilang interaksyon – nagkakaroon ng pagpapalitan ng impormasyon
sa dalawang tao.
3. Komunikasyon bilang transaksyon – pagbabahaginan ng kahulugan at unawaan sa
pagitan ng isa o higit pang tao.
Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ito sa iyong sagutang papel o isulat
ang sagot bago ang bilang.
BARAYTI NG WIKA
Ang Filipino bilang isang buhay na wika ay nagtatataglay ng iba’t ibang
barayti. Batay nga sa kasabihang Ingles, “Variety is the spice of life.” Ibig sabihin,
ang pagkakaroon ng pagkakaiba-iba sa wika ay hindi nagangahulugang negatibo.
Maaari itong tingnan bilang isang positibo, isang penomenong pangwika o
magandang pangyayari sa wika. Ayon pa kay Constantino (2002), pagkakaisa at
pagkakaiba. Pagkakaisa sa pagkakaiba. Pagkakaiba tungo sa pagkakaisa. Dito ay
hayagan niyang iniugnay ang malaking kinalaman o ugnayan ng wika sa lipunan at
ang lipunang ito ay kinasasangkutan ng isang masining na kultura. Dagdag pa niya,
“Ang kultura ay hango sa mga tao at ang wika ay nagpapahayag ng espiritu/kaluluwa
ng mga tao na bumubuo sa lipunan o komunidad.”
Dahil sa ang mga tao ang siyang bumubuo sa lipunan at tao rin ang siyang
dumidivelop ng kani-kanilang mga kultura, hindi ngayon maiiwasang magkaroon ng
pagkakaiba-iba sa paniniwala, gawi, kaalaman pati na rin sa wika. Kung kaya, ayon
kay Zosky, mayroong tinatawag na barayti ng wika o sub languages na maaaring
iklasipika higit sa isang paraan. Tulad na lamang ng kanyang tinatawag na Idyolek,
Dayalek, Sosoyolek, Register, Estilo at Moda, Rehiyon, Edukasyon, Midya, Atityud at
iba pa. Lahat ng nabanggit ay ilan lamang sa mga kaparaanan ng pagkaklasipika ng
wika ayon sa mga gumagamit nito.
Sa pag-aaral sa barayti ng wika, mahalagang matutunan rin ang
accommodation theory ni Howard Giles. Sa paliwanag ni Constanstino mula kay
Giles, may malaking epekto ang pagkatuto ng pangalawang wika sa development ng
varayti ng isang wika. Sa teoryang ito pumapaloob ang tinatawag na linggwistik
konverjens at linggwistik dayverjens. Ang linggwistik konverjens ay nagangahulugan
na ang tao sa kanyang pagnanais na makipag-interak sa iba ay maaaring gumaya o
bumagay sa
pagsasalita ng kausap upang bigyang pakikiisa, pakikilahok,
pakikipagpalagayang loob, pakikisama o kaya ay pagmamalaki sa pagiging kabilang
sa grupo. Sa kabilang banda, ang linggwistik dayverjens naman ay
nangangahulugang pagiging iba sa gamit ng wika ng isang tao tungo sa pagbuo o
pagkilala sa kanyang kaakuhan o aydentiti.
Samantala, nadedevelop pa rin ang barayti ng wika sa tinatawag na
interferens fenomenon at interlanguage. Tuon naman sa pag-aaral na ito ang
pagiging kalahok ng unang wikang sinasalita ng isang tao o lipunan kaugnay sa
impluwensiya sa pagkatuto sa pangalawang wika. Ang interferens fenomenon ay
tumutukoy sa impluwensiya sa bigkas, leksikon, morpolohiya gayundin sa sintaktika
sa pagkatuto sa pangalawang wika. Ang interlanguage naman ay tumutukoy sa
mental grammar na nabubuo ng tao pagdating ng panahon sa proseso ng pagkatuto
niya ng pangalawang
Tukuyin at isulat sa bago ang bilang kung TAMA o MALI ang pahayag.
____________1. Ang komunikasyon ay nagsisimula sa sarili .
____________2. Ang hanapbuhay ay isang salik na tumutukoy sa saang lugar,
pook, o bayan na ginagamit ang wika.
____________3. Ang homogenous at heterogenous na wika ay iisa.
____________4. Komunikasyon ang pundasyon ng personal na relasyon ng isang
tao sa kanyang kapwa.
____________5. Ang komunikasyon ay hindi nangangailangan ng proseso.
Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ito sa iyong sagutang papel o isulat
ang sagot bago ang bilang.
1. Sa komersyal ng Bear Brand Adult Plus, ipinakita ang mga kagamitan ng mga
kawani tulad ng laptop, autocad, T-square, blueprint at miniature. Sa anong larangan
nabibilang ito?
a. Accountancy b. Engineer
c. Arkitektura d. Medisina
a. Dayalek b. Etnolek
c. Idyolek d. Ekolek
11.Barayti ng wika na sinasalita ng mga tao sa heograpikong komunidad
a. Idyolek b. Etnolek
c. Dayalek d. Sosyolek
12.Ito ay pinauso at ginamit ng isang sangay ng lipunan natin na nakaugat sa
kulturang popular ng kabataang gumagamit ng text messaging sa kanilang
pakikipagkomunikasyon
a. Rehistro b. Jejemon
c. Homogenous d. Heterogenous
13.Ang paraan ng pagsasalita ni Kris Aquino sa programang “The Buzz “ay nakilala
natin at naging marka ito ng kanyang pagkakakilanlan sa larangan ng Telebisyon.
Anong barayti ng wika ito?
a. Etnolek b. Taglish
c. Idyolek d. Dayalek
14.Iisang anyo at uri o barayti ang wikang ginagamit sa isang lingguwistikong
Komunidad.
a. Homogenous b. Bilingguwal
c. Heterogenous d. Monolingguwal
15.Ang wikang Filipino ay binubuo ng maraming kasalong wika, nananatili pa rin ang
barayti at baryasyon nito kahit pa sabihing mayroong Pambansang wika.
a. Multilingguwalismo b. Bilingguwalismo
c. Heterogenous d. Homogenous
· Raliyista: Let’s make baka, don’t be takot! Don’t be sossy, join the rally!
· Newscaster: Oh my gosh, I have hot balita to everyone!
· Pasahero: Sir, payment!
· Pasahero 2: Manong, faster please! I’m nagmama-hurry!
· Customer: Pa-buy ng water, yung naka shachet! (ice
tubig) · Karpintero: Can I hammer na the pokpok?
· Pornstar: Ay grabe so cold naman here! Standing ovation na my boobs!
· Pari: You’re so bad, see ka ni God!
Halimbawa: Regulatori
• Bawal pumitas ng bulaklak.
• Huwag gumamit ng ballpen sa pagsagot, gumamit ng lapis.
• Basahing mabuti ang pangungusap bago mangatuwiran.
• Bawal manigarilyo.
Panuto: Tukuyin kung anong gamit ng wika sa lipunan ang mga sumusunod.
Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel o isulat bago ang
bilang.
1. “Bawal umihi dito”
A. Imahinasyon B. Interaksyunal
C. Personal D. Regulatori
2. Pakiabot mo naman ang folder na nasa ibabaw ng mesa.
A. Heuristiko B. Instrumental
C. Personal D. Regulatori
3. Maaari ko bang malaman kung gaano katagal bago matapos ang proyektong ito?
A. Impormatibo B. Instrumental
C. Heuristiko D. Personal
4. Smoking Area
A. Impormatibo B. Heuristiko
C. Personal D. Regulatori
5. Slow Down School Zone
A. Impormatibo B. Instrumental
C. Personal D. Regulatori
KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO
➢ SPEAKING - Salik-panlipunan na dapat isaalang-alang sa paggamit ng wika
ayon kay Hymes.
➢ SETTING - Ang lugar ay may malaking impluwensiya sa komunikasyon
➢ PARTICIPANTS - Mahalagang isaalang-alang din kung sino ang kausap o
kinakausap. Dapat ding magbago-bago ang paraan n gating
pakikipagtalastasan depende sa kung sino ang taong nasa ating harapan o di
kay’y sinusulatan.
➢ ENDS - Sa paggamit ng wika kailangan munang isaalang-alang ang layunin
sa pakikipag-usap.
➢ ACT SEQUENCE - Isinasaalang-alang nito ang daloy o takbo ng usapan.
➢ KEYS - paggamit ng pormal at di-pormal sa pakikipag-usap.
➢ INSTRUMENTALITIES - Paggamit ng midyum sa pakikipagkomunikasyon.
Lenggwaheng ginagamit o ang instrumenting ginamit upang
makipagkomunikasyon
➢ NORMS - Mahalagang maisaalang-alang ng isang tao ang paksa ng
pinaguusapan.
➢ GENRE - Batid dapat ng tao kung ano ang genreng ginagamit ng kanyang
kausap, nang sa gayo’y aalam din ng kausap nang genre na kanyang
gagamitin.
Suriin
Basahin ang sumusunod na pangungusap. Suriin ang may salungguhitan na
cohesive device na ginamit sa bawat pangungusap at ipaliwanag kung paano ito
ginamit.
1. Hindi lamang ang direktor ang dumating, pati na rin ang producer ng pelikula.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
__________________________________________________________________
Suriin
Basahin at unawain ang bawat sitwasyon. Tugunan ito. Isulat ito sa paraan ng
paggamit ng wika sa lipunan.
❖ May dumating na bisita sa inyong bahay. Kilala mo ito dahil alam mong
katrabaho ito ng iyong magulang. Ano ang sasabihin mo sa kanya? Paano
mo ito kakausapin? Isulat ito sa paraan ng paggamit ng wika sa lipunan.
❖ Nasa palengke ka nang biglang bumuhos ang ulan kaya binuksan mo ang
iyong payong. Di kalayuan ay nkita mong may isang matandang naglalakad at
basa na dahil sa ulan. Ano ang iyong gagawin? Ano ang sasabihin mo sa
kanya
Tanong:
• Mula sa sitwasyong nasa itaas, masasabi mo bang maaaring gamitin ang wika sa
iba’t ibang sitwasyon upang makipagkomunikasyon? Paano?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
__________________________________________________________________
_ __________________________________________________ • Mas epektibo ba
ang paggamit ng wika sa paraang pasulat o pasalita? Ipaliwanag.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
_____________________________________________________
➢ PALENGKE
1.
2.
3.
4.
5.
➢ PASYALAN
1.
2.
3.
4.
5.
➢ MALL
1.
2.
3.
4.
5.
➢ PALARUAN
1.
2.
3.
4.
5.
ng ito'y
ANG DEPINISYON NG WIKANG FILIPINO: Tagalog,
Ang Katawan at Kaluluwa.... sa wika
(Bahagi ng pagtalakay ni Efren R. Abueg) ng mga
pambans
Ang ating wikang pambansa ay napag-uusapan. Sasabihi a natin,
Pilipino o Filipino. Makikilala sa mga sagot na ito ang oryentasyon mamamayang
Pilipino. At kung masagot namang Filipino ang wikang hindi naman ito mabigyan ng
angkop na depinisyon. (Concom
)
Tatlong komisyoner ng Komisyong Konstitusyonal . Sa
nagbigay linaw sa katangian ng Filipino bilang wikang pambansa katitikan
ng
pulong ng subkomite sa wika ng Concom noong Setyembre 10, 1987, ganito ang
salin ng kanilang palitan ng mga pangungusap:
Ayon kay Komisyoner Wilfredo Villacorta: Ito ang isang umiiral na wikang
pambansa, at ang nukleo nito ay Pilipino...sapagkat ito ay isa nang malaganap na
umiiral na wika, na Pilipino na P. Sinabi rin natin na mayroong isang wikang umiiral
na pinalawak at pinaunlad na tinatawag na Filipino at ang pormalisasyon nito ay
kailangang isagawa sa sistemang pang-edukasyon at iba pa, subalit hindi
nangangahulugan na dahil hindi pa ito pormalisado ay hindi umiiral. Ito ay isang
lingua franca."
Tinalakay ni Ponciano Bennagen: Kailangan nating magkaroon ng isang midyum ng
komunikasyong magbibigkis sa atin at iyon ay ang Filipino, na binigyangkahulugan
ng isang pangkat ng mga pantas sa wika at mga organisasyong pangwika bilang
isang lumalawak na bersyon ng Pilipino."
Nilinaw ni Komisyoner Francisco Rodrigo: Itong Filipino ay hindi isang bagong
kinatha o kakathaing lenggwahe. Ito ay batay sa Pilipino. Palalawakin lamang ang
saklaw ng Pilipino. Kaya nga't ang Pilipino ay batay sa Tagalog, at ang Filipino ay
batay sa Pilipino."
Binigyan din nila ng historikal na perspektibo ang Filipino. Binanggit ni Rodrigo na
"ang Pilipino ay batay sa Tagalog", samantalang sinabi naman ni Bennagen na " ang
Pilipino....bilang isang lumalawak na bersyon ng Filipino." Mula kay Rodrigo na
sinabing "Itong Filipino ay hindi isang bagong kinatha o kakathaing lenggwahe"
hanggang sa winika ni Villacorta na "subalit hindi nangangahulugan na dahil hindi pa
ito pormalisado ay hindi ito umiiral." At ipinanghuli niya: "Ito ay isang lingua franca."
Kaya mula sa Tagalog (sa panahon ng Pangulong Quezon) hanggang sa Pilipino (sa
panahon ni Kalihim Romero ng Edukasyon) hanggang sa Filipino (sa panahon ni
Presidente Aquino), nakompleto ang ebolusyon ng wikang pambansa.
A. Katotohanan B. Di-katotohanan
6. Binanggit ni Kom. Francisco Rodrigo na ang Pilipino ay batay sa Tagalog at ang
Filipino ay batay sa Pilipino.
A. Katotohanan B. Di-katotohanan
7. Ang Wikang Filipino ay pinatutunayang hindi isang bagong kinatha o kakathaing
lenggwahe.
A. Katotohanan B. Di-katotohanan
8. Mas gagamitin at makilala ang Wikang Filipino kung ito ay ibabatay sa Pilipino.
A. Katotohanan B. Di-katotohanan
9. Hindi maituturing na isang umiiral na wika ang Wikang Filipino ng isang bansa
kung ito ay hindi pa pormalisado.
A. Katotohanan B. Di-katotohanan
10.Ang Wikang Filipino ay pinalawak na bersiyon ng Pilipino.
A. Katotohanan B. Di-katotohanan
11.Ang Filipino ay lumalaganap at umiiral na wika kung kaya’t kinakailangang
paunlarin ito ng sistema ng edukasyon ayon sa pagtalakay ni Kom. Wilfrido Villacorta.
A. Katotohanan B. Di-katotohanan
12.Magkakaroon na ng sapat na pagkakaunawaan ang mga mamamayan sa isang
bansa kahit na isang wika lamang ang umiiral.
A. Katotohanan B. Di-katotohanan
13.Sa pamumuno ni Pangulong Manuel Luis Quezon namayagpag ang paggamit ng
dayalektong Tagalog.
A. Katotohanan B. Di-katotohanan
14.Maaaring lumikha ng panibagong wika ng sinuman nang walang pinagbabatayan
na kahit na anong batas.
A. Katotohanan B. Di-katotohanan
15.Hindi nagtataglay ng historikal na perspektiba ang Wikang Filipino.
A. Katotohanan B. Di-katotohanan
Pagsasanay
May iba’t ibang mukha ang wika na ipinakita ang mga awtor: Ang wika bilang
instrumento sa kapangyarihan (De Quiros 1996), Ang wika bilang susi sa
pagbubuklod ng sambayanan (Arao, 2010), ang wika bilang instrumento sa
pagpapayaman ng edukasyon at kaalaman (Constantino 1996), ang wika bilang
instrumento sa pamamahayag (Arao, 2007), at sa kabuuan, ang wika bilang isang
tagapag-unlad at tagapagpalaya (Geronimo, 2012). Nakakatawang isipin na ang
wika – na pangunahing instrumento sa komunikasyon, ang siya pang nagiging
1.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
2.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
3.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
Pagsulat ng Sanaysay
Katulad ng ibang anyo ng panitikan, ang sanaysay ay may uri rin. Ito ay ang
pormal at impormal. Ito ay nagpapahayag ng kuro-kuro ng may akda hinggil sa isang
bagay. Naghahatid din ito ng mahahalagang kaalaman o impormasyon, kaisipang
makaagham, at lohikal na pagkakasunod-sunod ng mga ideya. Maingat na pinipili
ang mga salita at maanyo ang pagkakasulat. Maaari itong maging makahulugan,
matalinhaga at matayutay. Ang tono ng pormal na sanaysay ay seryoso at
dinagbibiro. .
Samantalang sa impormal na sanaysay, nagbibigay ito ng kasiyahan sa
pamamagitan ng pagtalakay sa mga karaniwan at pang-araw-araw na paksa
Gumagamit din ng mga salitang sinasambit sa araw-araw na pakikipag-usap sa
kapwa. Palakaibigan ang tono sapagkat pumapanig sa damdamin at paniniwala ng
may akda ang pananaw dito.
Elemento ng Sanaysay
➢ Tema/Paksa – Sa bahaging ito ipinapahayag ng may-akda ang layunin ng
kanyang pagsulat ng sanaysay.
➢ Anyo at Istruktura- Ito ay isang mahalagang sangkap sapagkat
nakakaapekto ito sa pagkaunawa ng mambabasa, ang maayos na
pagkakasunod-sunod ng ideya o pangyayari ay makakatulong sa mambabasa
sa pag-unawa sa sanaysay.
➢ Wika at Istilo- Elemento ng sanaysay na higit na nagpapayaman sa kaisipan
ng mga mambabasa kung kaya`t higit na mas mabuting gumamit ng simple,
natural at matapat na mga pahayag.
➢ Kaisipan – Mga ideyang nagpapalinaw sa tema. Nailalarawan ang buhay sa
isang makatotohanang salaysay. May masining na paglalahad na
ginagamitan ng sariling himig ng may-akda.
➢ Damdamin – Naipapahayag ng isang magaling na may-akda ang kanyang
damdamin nang may kaangkupan at kawastuhan sa paraang may kalawakan
at kaganapan.
A. palakaibigan B. maanyo
C. maligoy D. seryoso
4. Ang maayos na pagkakasunod-sunod ng ideya o pangyayari ay makatutulong sa
mambabasa sa pag-unawa ng isang sanaysay. Anong elemento ito ng
sanaysay?
A. paksa/Tema B. kaisipan
C. anyo at istruktura D. damdamin
5. Isang akdang pampanitikan na nagpapahayag ng kuro-kuro ng may akda hinggil
sa isang bagay.
A. kuwento B. sanaysay
C. nobela D. tula
6. Ang paksa ay hindi karaniwan at nangangailangan ng matiyagang pag-aaral at
pananaliksik.
A. nilalaman B. impormal
C. banghay D. pormal
7. Nailalarawan ang buhay sa isang makatotohanang salaysay, masining ang
paglalahad na ginagamitan ng sariling himig ng may- akda Anong elemento ito
ng sanaysay?
A. larawan ng buhay B. kaisipan
C. damdamin D. paksa/Tema
8. Ang mga sumusunod ay katangian ng isang mahusay mananaysay. maliban
sa__________
A. mabilis mag-isip B. sensitibo sa kapaligiran
C. may pinapanigan D. malikhain
9. Nakapaloob sa bahaging ito ang nais iparating ng manunulat sa mambabasa.
A. damdamin B. wika at istilo
C. kaisipan D. tema/paksa
10. Elemento ng sanaysay na naglalahad na mas mabuting gumamit ng simple,
natural at matapat na pahayag.
A. wika at istilo B. kaisipan
C. damdamin D. anyo at istruktura
11. Alin ang hindi kapangkat ng mga salita na nasa pagpipilian sa ibaba?
A. impormal B. paksa/tema
C. damdamin D. damdamin
12. Bahagi ng sanaysay na makikita ang pagtalakay sa mahahalagang ideya o
puntoukol sa tema at nilalaman nito.
A. simula B. wakas
C. gitna D. tema
13. Tinuturing na pinakamahalagang bahagi ng sanaysay, sapagkat ito ang
unangtitingnan ng mambabasa at dapat nakapupukaw ng atensyon.
A. simula B. gitna
C. tema D.wakas
14. Bahagi ng sanaysay na maaaring magsulat ng konklusyon, buod o mensaheng
habilin ng manunulat sa mambabasa.
A. gitna B. tema
C. wakas D. simula
15. Elemento ng sanaysay na karaniwang sumasagot sa tanong na “tungkol saan
ang akda?”
A. wika at istilo B. tema/paksa
C. kaisipan D. larawan ng buhay
ni Randolf S. David
Pikit-mata kong tinanggap ang imbitasyong ito sapagkat naakit ako sa pamagat ng ating
kumperensiya: Politika ng Wika, Wika ng Politika. Akala ko alam ko na ang kahulugan ng mga
katagang ito, hanggang sa mapag-isipan kong mabuti. Ngayon, nagsisisi ako kung bakit ako pumasok
sa masalimuot na lunggang ito. Pero, bahala na.
Politika ng Wika
Kailanma’y hindi naging neutral o inosenteng larangan ang wika... Ang politika ng wika ay isang
perspektiba na sumusuri sa mga epekto sa wika ng tagisan ng kapangyarihan. Angkop na angkop ang
ganitong perspektiba sa pag-unawa ng patakaran ng wika sa sitwasyong kolonyal. Ipinakikita nito,
halimbawa, ang malalalalim na motibong politikal na nakakubli sa mga pinaka-inosenteng desisyon
tungkol sa mga patakarang pangwika. Na ang mga ito’y hindi lamang simpleng pagsunod sa lohika ng
mabisang komunikasyon, kundi manipestasyon ng isang malawak na estratehiya ng paglupig o
dominasyon.
Marami nang pag-aaral ang naisulat ayon sa pananaw na ito. At marahil kalabisan nang ulitin ang
mga ito sa pagkakataong ito. Mas gusto kong bigyang pansin ang mga kahulugang ipinahihiwatig ng
mga salitang “Wika ng Politika”, ang kabilang pisngi ng ating tema.
Wika ng Politika
Sa aking palagay ang sitwasyong pangwika sa ating lipunan sa kasalukuyan ay maaari nating tingnan
mula sa ganitong punto de bista. Bagama’t hindi maitatanggi na nagkaroon ng sistematikong
programa
para mangibabaw at palaganapin ang wikang Ingles sa ating lipunan, hindi ito ganap na ipinaliliwanag
kung bakit nabusabos nang ganyan ang ating sariling mga wika, at kung bakit nahihirapang
maigpawan ng Filipino ang mga sagka sa pag-unlad nito. Larangan pa rin ito ng politika, subalit
mabibigo tayo marahil kung ang ating hahanapin ay isang indibidwal, grupo, o uri na may pakana sa
lahat ng ito. At marahil, kung nais nating mabago ang sitwasyon sa isang mapagpasiyang paraan, ang
hinahanap natin ay higit pa sa isang bagong opisyal na patakarang pangwika kundi isang bagong
praktis na ginagabayan ng isang malakas na hangaring makapangyari. Upang ganap na maunawaan
ang aking sinasabi, hayaan niyong banggitin ko ang aking karanasan sa telebisyon.
Wala sa aking plano o pinirmahang kontrata na maging kampeon ng paggamit ng Filipino sa mass
media. Katunayan, ang pamagat ng aking programa, hanggang ngayon, ay sa wikang Ingles. Truth
Forum noong una, Public Forum ngayon. Kung alam ko lang mula sa umpisa na magiging talk show
pala ito sa wikang Filipino, hindi siguro ako pumayag maging host ng programang ito, at wala sana
ako sa harap ninyo bilang isang masugid na tagapagtaguyod ng wikang Filipino. Totoo nga na kung
minsan, ang isang maliit na hakbang sa buhay natin ay nagbubukas para sa atin ng isang buong
larangang hindi natin inaasahan. Mahirap sabihin kung minsan kung tayo nga ba ang may akda ng
ating pagkilos, o tayo lamang ang epekto ng iba’t ibang pagkilos o nagkasunod-sunod, mga pagkilos
na walang iisang intensiyon.
Halos buong buhay ko bilang isang estudyante at bilang propesor ay aking inilaan sa pagbabasa,
pagsusulat at pagsasalita sa wikang Ingles. Sapul sa pagkabata, ang wika ng aming pamilya ay
Kapampangan. Nakakaintindi kami ng Tagalog, nagbabasa kami ng komiks sa Tagalog, nanonood ng
pelikulang Tagalog, at nakikinig sa programang Tagalog sa radyo. Subali’t Kapampangan ang salitang
gamit namin, hindi Tagalog at lalong hindi Ingles. Ang Ingles ay pang-declamation lamang,
pangdispley kumbaga, isang bandera ng iyong pagkaedukado. At ang Tagalog ang wikang ginagamit
sa mga love letter.
Sa probinsiya, kung saan ako nag-elementarya at naghay-iskul, nahilig ako sa pagbabasa ng mga
komiks at mga magasing tulad ng Liwayway at Bulaklak. Wala itong kinalaman sa pagiging
makabansa o pagka-Filipino sapagkat hindi ko natatandaan na ito’y naging isang punto ng
pagpapasiya para sa akin. Bahagi lang talaga ng aking mundo sa pangaraw-araw.
Ang sabi ko nga, ang talagang pinagsadyaan ko ay ang wikang Ingles. Nagbasa ako ng maraming libro
sa Ingles upang matutunan ang lengguwaheng ito; pangalawa na lamang siguro ang anumang
kasiyahang maidudulot ng aking pagbabasa. Pag-aaral para sa akin ang pagbabasa ng Ingles, hindi
bahagi ng aliw o pamamahinga.
Sa kabilang banda, ang Kapampangan sa akin ay wikang sinasalita lamang o midyum ng pang-
arawaraw na komunikasyon; hindi binabasa at minsan lamang ginagamit sa sulat. Noong ako’y nag-
aaral sa
England, madalas akong sulatan ng aking ina kalahati sa Ingles, kalahati sa wikang Kapampangan; pero
Kailanma’y hindi ko pinroblema ang alinman sa ating mga wika; ang sadyang pinroblema ko ay ang
wikang Ingles–sapagkat wari’y napakahirap i-master ito, at iilan lang ang may talentong humawak sa
wikang ito. Lumaki ako sa paniniwala na ang Ingles ang wika ng mga edukado, ng mayayaman, ng
makapangyarihan at ng mga respetado sa mataas na lipunan. At sino ang ayaw maging bahagi ng
mga hanay na iyon?
lahat ng wking mga kapatid ay pawang sa wikang Ingles nakikipag-ugnayan sa akin. Sa palagay ko
walang kinalaman ito sa anumang likas na kahinaan ng Kapampangan. Bagkus, resulta ito ng
untiunting paglalaho ng mga babasahin sa wikang ito. Bukod sa mga matatandang sarsuwelista at
makata, wala nang masipag na nagsusulat sa Kapampangan kahit noong bata pa ako. Nanatili itong
simpleng oral na lengguwahe lamang. Pero bakit hindi Tagalog? Palagay ko ang dahilan ay una
kaming tinuruan at natututong magsulat sa wikang Ingles, hindi sa Tagalog.
Kaiba ang naging papel ng Tagalog, na mabilis kumalat dahil sa komiks, pelikula, magasin, at radyo.
Ang mundong binuksan nito ang nagbigay ng mga modelo sa mga Filipino sa lahat ng sulok ng
kapuluan kung paano umibig, mangarap, at mabuhay. Hindi ipagtataka kung ganoon na hindi lamang
sa Pampanga kundi sa maraming lalawigan ng bansa, ang mga love letter ay sa Tagalog isinusulat,
hindi sa Ingles o Kapampangan at marahil hindi rin sa Cebuano o Ilokano. Hindi dahil sa kulang sa
damdamin ang ating pangrehiyong wika, kundi dahil Tagalog ang nagkataong naitampok ng pang
masang kultura. Wala tayong dapat ipagpasalamat sa gobyerno sa pagkakaroon ng ganitong
sitwasyon.
Noong ako’y nasa elementarya pa, nariyan na rin ang Ingles noon – sa Reader’s Digest, sa mga
pelikula, sa mga textbuk sa eskuwelahan, at sa mga pocketbook. Subali’t hindi pa ito kasing laganap
ng Tagalog. Wala ito sa karaniwang pang-abot ng Filipino, kahit high school graduate pa, puwera na
lang kung nagtapos ka noong peace time.
Bukod dito, ang wikang Ingles – tulad ng wikang Filipino na pormal na itinuturo bilang asignatura
noon – ay wikang hindi natural, o bahagi ng pang-araw-araw na mundo ng karaniwang Filipino.
Nag-iba ang sitwasyong ito para sa akin nang pumasok ako sa UP noong 1961. Sa pamantasan,
Tagalog – o marahil ang tinatawag nating Filipino ngayon – ang wika sa dormitoryo. Subali’t marami-
rami rin ang mas bihasa sa paggamit ng wikang Ingles kahit sa pamng-araw-araw lang. Sa loob ng
klase, halos wala nang naririnig na ibang wika kundi Ingles. Ang wikang ito ang masasabi nating
humati sa mga probinsiyano at sa mga taga-siyudad. Pawang pelikulang Ingles ang pinag-uusapan sa
pamantasan; sa kontekstong ito’y naging bakya ang komiks at pelikulang Tagalog. Mga nobelang
Ingles ang pinagpasapasahan, hindi Bulaklak at Liwayway. Wala, ni isang subject na itinuturo noon sa
katutubong wika. Mga awiting Ingles ang patok, sa loob at sa labas ng pamantasan.
Ang modelo ng makabago at edukadong Filipino ay nilikha mula sa laganap na mga elemento ng
Kanluraning sibilisasyon. Ang wikang Ingles ang nagsisilbing pinakamabisang behikulo ng kulturang
ito. Sa aking paningin, dito nagsimula ang unti-unting paglubog ng kaluluwang Filipino.
Amerikano ay mas madaling nasakyan nang ito’y naging pagtutol din sa wika ng imperyalista.
Sinasadya, may pagkapormal, self-conscious ang paggamit sa wikang Filipino sa panahong ito. Ang
katutubong lengguwaheng gamit ang siya na ring pinakadiwa ng mensahe ng paglaya. Pagkatapos ng
maraming dekada ng pagkabusabos, noon lang natin inangking muli ang sariling wika bilang
mahalagang sagisag ng ating identidad.
Sa isang iglap, ang pinatulog na diwa ng katutubong lengguwahe ay nagising. Ginamit ito bilang
sandata sa pakikibaka; puno ng puwersa, galit, at angkop na pananalita. Walang ibang wikang
ginamit kundi Filipino para isulat ang ideolohiya ng pagtutol – sa mga dula, awiting makabayan, mga
tula, mga manipesto at mga islogan. Sa panahong ito, muling nagsama ang bakya at intelektuwal.
Sapagkat mga kabataan ang nanguna sa muling pagsibol na ito ng wikang katutubo, pinakamalalim
ang epekto sa kultura, lalo na sa mga awitin. Hanggang ngayon, patuloy nating inaani ang mga bunga
Nagsimula lamang ang pagtutol sa ganitong kalakaran bandang dekada sitenta na. Sa panahong ito,
muling natuklasan ang katutubong wika bilang sandata ng pagtutol. Ang pagtutol sa imperyalismong
ng pagyabong ng wika sa dekada sitenta – mapapansin ito sa mga awiting rock-protest ng mga banda
ng mga kabataang mang-aawit ngayon. Subalit sa ibang larangan, mapapansin din natin na wari’y
paatras na naman ang katutubong wika. Ang Ingles, ang wikang tinutulan ng henerasyon ng dekada
sitenta, ay tila ganap nang nakabawi, at ngayo’y higit pang malakas at arogante.
Anong mga kaisipan ang nais kong halawin mula sa ganitong karanasan? At ano ang kinalaman nito
sa politika ng wika?
Una, ating mapapansin na ang pag-usbong at paglaho, ang pamumukadkad at pagtiklop ng isang
wika, ay resulta ng isang masalimuot na proseso. Maraming puwersa ang naglalaro sa larangang ito,
subali’t mahirap sabihing may iisang makapangyarihang may akda sa naging kalagayan ng isang wika.
Ang isang sitwasyong pangwika ay produkto lamang ng interaksiyon ng marami at iba’t ibang
proyekto. Ang ilan dito ay sadyang tumutukoy sa isang patakaran sa wika. Subali’t karamihan ay
bahagi lamang ng mga maniobra sa negosyo at politika at hindi tuwirang nakatuon sa
pagpapalaganap ng alinmang wika...
Lahat ng public affairs talkshows noon ay sa wikang Ingles lamang ginagawa. Ang Filipino ay
ginagamit lamang sa mga movie at celebrity gossip. Ang dahilan nito – ang sabi sa akin – ay sapagkat
ang mga talkshows na pang-alas diyes y media ay sadyang para sa middle class at opinion leaders
nakatuon. Sila umano ang gising pa sa mga oras na ito, at sila lamang umano ang may interes na
makinig sa tipo ng mga isyung pinagtatalunan. Sa kabilang banda naman daw, ang public affairs radio
mula sa madaling araw – habang tulog pa ang middle class at elite – hanggang sa pagpasok sa
trabaho ay sadyang laan lamang para sa masa.
Mahirap baguhin ang ganitong mga tradisyon sa telebisyon. Kaya natural lamang na sumunod kami
sa ganitong kalakaran. Bukod dito, talagang mababa ang aking kakayahang gumamit ng Filipino.
Walang kuwestiyon na Ingles ang dapat naming gamiting wika sa Public Forum.
Datapwa’t nangyari ito sa unang palabas lamang noong Nobyembre 1986. Sa aming unang
pagtatanghal na iyon na ayaw ko nang maulit, lumabas akong isang malaking tanga. Panauhin ko
noon si Kumander Dante na kalalabas pa lamang sa bilangguan. Sa bawat tanong ko sa kanya sa
Ingles, wala siyang pangingiming sumagot sa Filipino. Bagama’t Kapampangan siyang katulad ko,
magaan at magandang pakinggan ang kanyang Filipino. Lubha akong napahiya sapagkat nakita ko’t
nadama ang malaking kahangalan ng pagpipilit magsalita ng Ingles gayong ang kausap mo ay kapwa
Filipino at ang pinag-uusapan ninyo ay mga isyung Filipino at ang mga nakikinig ay pawang mga
Filipino.
naisip na kung gusto mong marinig ang nais sabihin ng isang Filipino, ang una mong dapat gawin ay
igalang ang kanyang wika at hayaan mo siyang mangusap sa tanging wikang kanyang ginagamit sa
pang-araw-araw. Aking natuklasan na kapag pinuwersa mo ang karaniwang mamamayan na
makipagtalastasan sa isang wikang dayuhan na bagama’t naiintindihan niya’y hindi naman siya
nasasalita, lalabas siyang mangmang o walang nalalaman. Subalit kapag ibinalik mo sa karaniwang
mamamayan ang kanyang sariling wika, kahit pa diputado o pangulo ay handa siyang makipagtalo.
Dito sa parehas na larangang ito ng katutubong wika, liyamado pa siya, sapagkat iyong mga opisyal.
ng gobyerno at teknokrat na nakalimot na sa sariling wika ang siya ngayong lalabas na uutal-utal at
tanga Akin ding natuklasan na walang matayog, mahirap, o abstraktong kaisipan na hindi maaaring
ihayag sa sariling wika. Sa katunayan, nang matuklasan kong muli ang sigla ng ating wika,
pinagsikapan ko ring hanapin ang likas na musika nito. At hindi ako nabigo. Ako mismo’y
namamangha sa mga kahulugang iniaalay ng ating wika sa sinumang may tiyagang maghanap.
Sa madaling salita, ang aking proyekto sa simula’t simula ay ang demokratisasyon lamang ng
telebisyon sa pamamagitan ng pagbibigay puwang at tinig sa karaniwang Filipino. Hindi ko kaagad
Depende sa reglamento ng laro, kung ganon, ang wika ay kagyat na nagpapalakas o nagpapahina.
Kung paano sa telebisyon, ganoon din sa iba pang larangan ng lipunan.
Kapag ang lengguwahe ng ating mga batas at ng paglilitis ay wikang dayuhan, ang gumagamit ng
wikang katutubo’y dehado kaagad. Ang kanyang minimithing katarungan ay nakasalalay sa kapritso
ng pagsasalin. Isang dating estudyante ko ang kasalukuyang nagsasagawa ng isang pag-aaral tungkol
sa sitwasyon ng mga Filipino sa Japan at Amerika na kailangang humarap sa korte. Nais niyang
makita kung paanong nasasagasaan ang katarungan dahil sa pagsasalin ng mga court-appointed
interpreter. Ang sabi ko sa kaniya ay hindi na niya kailangan pang lumayo sapagkat maski dito sa
Pilipinas ay arawaraw nagaganap ang katawatawang sitwasyon ng pagsasalin ng mga testimonya ng
mga saksi mula sa wikang Filipino patungo sa Ingles. Mga dayuhan sa sariling bansa!
Kung sabagay, bakit natin ipagtataka ito gayong mismong mga pangulo ng ating bansa’y sa wikang
dayuhan nag-uulat sa bayan tuwing pagbukas ng Kongreso. Para na rin nilang sinasabing ang
karaniwang mamamayan ay hindi kasali sa bayan. Ito’y pagpapakita lamang na ang sadyang
kinakausap ng pangulo at ng matataas na opisyal ng bayan ay yaong iilan lamang na may kakayahang
humubog sa kinabukasan ng bayan.
Kapag ang wikang katutubo ay nagagamit lamang kaugnay ng maliliit na bagay na pinag-uusapan, at
ang wikang dayuhan ang nakakasanayang gamitin upang ipahayag ang mas mataas na uri ng
talastasan – ang wikang katutubo ay nabubusabos habang ang dayuhang wika’y namumukod. Sa
kalaunan, ang karamihan ay mag-iisip na nasa wika natin ang depekto, wala sa anupamang
patakarang unang ipinairal.
Kapag ang mga iginagalang at mga sikat na intelektuwal ay naririnig at nababasa lamang sa wikang
dayuhan at walang ingklinasyon na gumamit ng sariling wika, umaangat sa paningin ang wikang
dayuhan, habang bumababa sa estimasyon ang sariling wika. Kuna walang magpupunyaging isalin sa
katutubong wika ang mahahalagang literatura at produktong intelektuwal ng mga banyagang
kultura, iisipin ng marami na may likas na kakapusan ang ating sariling wika, at walang ibang lunas
kundi pagsikapang pag-aralan ang wikang dayuhan.
Walang wikang umuunlad kung hindi ito nababasa’t naisusulat. Walang wikang umuunlad kung ito’y
hindi sinasanay na maglulan ng mga kaisipang bago sa ibang mga kultura. Kailangang makipag-usap
ang ating katutubong wika sa mga wika ng ibang bansa, sa halip na isantabi ito sa muling pag-
aakalang hindi na ito angkop sa nagbabagong panahon.
Subali’t ang isang lipunan na sa simula pa lamang ng kasaysayan nito bilang isang nagsasariling bansa
ay nagpatangay na sa dinamismo ng isang pandaigdigang kultura at kabihasnan, ay mahihirapan
nang gumamit ng awtoritaryong pamamaraan para magpataw ng isang programang pangwika na
hayagang sasalungat sa lohika ng modernisasyon at globalisasyong nakabatay sa Ingles. Mahigpit
itong tututulan sa ngalan ng demokrasya’t katarungan. Sa kabilang banda naman, ang isang
bilingguwal na patakaran
Halos lahat ng mga bansang nakapagpundar sa sariling pambansang wika, isang wikang ginagamit sa
negosyo, politika, pagtuturo, batas at gobyerno, kultura, at pang-arawaraw na komunikasyon, ay ang
ay nauuwi sa konsuwelo de bobo lamang – kung walang utak na manggagaling mula sa hanay ng mga
guro, intelektuwal at mga taong mass media.
Ito ang aking konklusyon: huli na para mangarap tayo ng isang pambansang pamunuang
magtatampok sa katutubong wika bilang sagisag ng pagsasarili, at handang itumba ang kaharian ng
wikang Ingles sa ating lipunan. Subalit hindi pa huli upang gumising tayo’t magkusa – sa bawat maliit
na larangang ating kinikilusan – na ipalutang sa himpapawid ang himig ng ating pambansang wika,
nang walang pagaatubili, pag-aalinlangan o pangingimi. Sa madaling salita, kung gusto nating lumaya
ang ating wika, gamitin natin itong sandata – ngayon at sa bawat okasyon.
Basahin at Unawain nang Mabuti ang talumpati-sanaysay ni Dr. Ricardo Ma. Nolasco hinggil sa
multilinggwalismo.
Kamakailan lamang ay nagkasundo ang pamunuan ng KWF na baguhin ang aming bisyon. Ang
pangarap namin ay: “maging sentro ng kapantasan sa mga wika at literatura ng mga Pilipino.”
Umaalinsunod ang pangarap na ito sa aming mandato na paunlarin, palaganapin at panatilihin ang
mga wikang ginagamit ng mga Pilipino sa iba’t ibang larangan.
Ang ganitong bisyon at misyon ay pag-amin na bagamat ang KWF ay siyang opisyal na
ahensyang pangwika ay malayo pa rin ito sa pagiging tunay na sentro ng kapantasan at kaalaman sa
mga wika at panitikan ng mga Pilipino. Ang itinatayo namin ay isang sentro ng impormasyon,
dokumentasyon at pananaliksik; na may kuwerpo (corps) ng mga mananaliksik na may mataas na
kakayahan sa
linggwistika at applied na linggwistika (hal. pagtuturo ng wika) at pagsasaling-wika; isang sentro na
katatagpuan at naglalaman ng lahat ng mga pag-aaral at akda tungkol sa mga wika ng Pilipinas;
isang sentro na may kamalig ng mga datos sa ibat ibang wika, at sa ibat ibang genre, kasama na ang
audio at video recording ng mga pangyayaring komunikatibong may mga anotasyon at komentaryo;
isang sentro na lumilikha ng mga orihinal at huwarang mga diksyunaryo, gramatika, ortograpiya,
iskolarli na mga babasahin, materyales sa literasiya at reperensya sa pagtuturo sa magkakaibang
disiplina; at isang sentro na dalubhasa rin sa teknolohiyang pang-impormasyon at
pangkomunikasyon upang magampanan ang gawain ng pagpapaunlad, pagpapalaganap at
pagpapanatili ng mga wika sa
Pilipinas.
Ang katwiran para sa pangarap naming ito ay nagmumula sa aming pagkilala sa kahalagahan
ng mga wikang ginagamit ng mga Pilipino—ang wikang pambansa, ang mga wikang panglokal at
mga wika na pang-ibayong dagat--- para sa magkakaibang mga layunin: para sa literasiya at
edukasyon ng ating mamamayan; para sa layuning pangkultura at intelektuwal; para sa
pagkakakilanlan at
Grade 11 - Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
54
Gusto naming isipin na lipas na ang panahon na ang mga gawain ng komisyon—sa
katotohanan o sa karaniwang pagkakaalam-- ay eksklusibong nakatuon sa wikang pambansa, sa
kapabayaan ng mahigit na 170ng wika ng ating bansa at nang walang makatotohanang pagsasaalang-
alang sa isa pang opisyal na wika ng bansa, ang Ingles, o sa mas eksaktong pormulasyon, ang
Philippine English.
Ito ang landas o linya ng “isang bansa, maraming wika”, na siyang simulain ng kasalukuyang
tema ng buwan ng wika 2007, na “maraming wika, matatag na bansa.”
Gayunpaman, mayroon tayong wikang pambansa. Ito ang wikang Tagalog na nang dahil sa
kumbinasyon ng mga sirkumstansyang historikal, pang-ekonomiya at sosyopulitikal ay naging komon
na wika ng magkakaibang etnolinggwistikong grupo ng ating bayan. Ang kasalukuyang Filipino ay ang
dating wika ng Katagalugan na naging pambansa. Ang Filipino, kung gayon, ay ang pambansang
linggwa prangka.
Kung batayang panglinggwistika ang pag-uusapan, ang wikang pambansa at ang Tagalog ay
nabibilang sa iisang wika. Ang unang batayan sa pagsabi nito ay ang tinatawag na mutual
intelligibility. Ang isang nagsasalita ng “Filipino” at ang isang nagsasalita ng Tagalog ay
magkakaunawaan. Kung gayon, nagsasalita sila ng isang wika.
Ang ikalawang batayan ay ang gramatika. Ang gramatika ng umiiral na “Filipino” ay walang
kailangan ding alalahanin na hindi panghihiram ng dayuhang leksikon o leksikon buhat sa iba pang
wika ng Pilipinas ang batayan sa pagklasipika ng dalawa o mahigit pang barayti na magkakaibang
wika. (Maging ang mga Tagalog sa Batangas at Bulakan ay nanghihiram din at nagko- codeswitch.)
Gaya ng nabanggit sa itaas, ang pagkakaunawaan at ang gramatika ay higit na mapagpasyang
batayan. Idagdag pa rito ang katotohanan na karamihan ng mga Pilipino ay tumatawag pa rin sa
wikang pambansa na “Tagalog”. at madaling maintindihan kung bakit kakaunti lamang, maliban sa
kakarampot sa akademya, ang naniniwala na ang “Tagalog” at ang “Filipino” ay “magkaibang wika.”
Pero may isang malaki at hindi matatawarang pagkakaiba ang wikang Tagalog noon at ang
wikang pambansa ngayon. Ang kasalukuyang wikang pambansa ay ang pangalawang wika ng
nakararaming Pilipino. Mas marami nang Pilipino ngayon na marunong mag-Tagalog pero hindi ito
ang kanilang kinagisnan o unang wika. Ito ang pangalawang wika nila. Ito ang isa sa tampok na
dahilan sa pagtawag dito ng ibang pangalan—Filipino. Ito rin ang panlipunang batayan sa paglitaw
ng mga pasalitang barayti ng “Filipino”; mga barayti na hindi lamang limitado sa Katagalugan at
Kamaynilaan, kundi sumasaklaw sa Davao, Iloilo, Cebu, Baguio, Angeles, Cagayan de Oro, Zamboanga
City at sa ibang punong sentrong lungsod kung saan nagtatagpo ang magkakaibang grupong etniko.
Sa ngayon, ang barayting pinakaprestihiyoso ay ang barayti sa Metro Manila at kanugnog na mga
lugar, na siyang itinuturo ngayon sa mga paaralan at pinalagaganap ng masmidya. Pero hindi
maipupuwing na ang wikang Tagalog ay naging pambansa na.
Ang ganitong mga katotohanan, sa aking palagay, ay hindi nalingid sa mga gumawa ng mga
probisyong pangwika sa ating konstitusyon. Nanalig sila na habang nalilinang, ang wikang pambansa
ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika sa Pilipinas at sa iba pang wika.
Idineklara din nila ang wikang Filipino at ang wikang Ingles bilang wikang opisyal, pero hindi nila
kinaligtaan na ipahayag din na ang mga wikang pangrehiyon ay pantulong na wikang opisyal at
midyum ng pagtuturo. Higit sa lahat, tiniyak nila ang pagtatayo ng isang komisyon na
“magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod” ng mga pananaliksik hindi lamang sa wikang
pambansa, kundi sa iba pang mga wika ng mga Pilipino. Ang ganitong mga probisyong
pangkonstitusyon ay nagkaroon ng katuparan sa pagkakapagtibay ng RA 7104 na siyang lumikha sa
Komisyon sa Wikang Filipino.
➢ para sa Grade 1 hanggang 3, ang paggamit ng wika ng bata bilang midyum ng pagkakatuto
para sa lahat ng subject. Gagamitin ang Filipino at English (at Arabic) bilang magkahiwalay
na subject para sa oral language development;
➢ para sa Grade 4 pataas, Filipino bilang midyum ng pagtuturo para sa Makabayan at subject
na Filipino at/o panitikan at English bilang midyum sa Math at Science. Gagamitin ang wika
ng bata bilang pantulong na wika;
➢ samantala, sa sekundarya, magtuturo ng mga language elective sa wika ng bata, wikang
pangrehiyon, Arabic at anumang wika sa ibayong dagat;
Ayon sa nasabing dokumento: “(c)ontrary to being a hindrance, the languages of children must
be considered as enabling factors on which student learning and achievement can be based. The
use of the mother tongue in learning has been found to be the most effective way to bridge learning
in all subject areas including the development of future languages. This is a generalization based on
➢ para sa ECCD (3-5ng taon), ang paggamit ng wika ng bata sa day care center. Gagamitin ang
Filipino at English (at Arabic) sa mga istorya at panitikan;
numerous experiences of other multilingual countries as well as empirical studies conducted in the
Philippines.”
Ang ganitong mga ebidensya ay nagpapatotoo na maaaring gawing tulay ang lokal na wika
upang matutuhan ang English at Filipino. Ang totoo’y maraming mga pag-aaral ang nagpapakita na
ang paggamit ng wikang hindi-sa- bata ay hindi makatutulong manapa’y makasasama pa nga sa
pangakademikong performance ng bata. Mahalagang banggitin muli ang mga napatunayan sa
pananaliksik ni Taufeulangaki (2004):
➢ ang mga bata ay nangangailangan ng pinakamababa na 12ng taon upang matutuhan ang
kanilang unang wika;
➢ ang mga bata ay hindi natututo ng pangalawang wika nang mas mabilis kaysa mga
matanda;
➢ ang may edad na bata ay may higit na kasanayan sa pagkatuto ng pangalawang wika;
➢ mas importante ang pag-unlad pangkognitibo ng bata kaysa paghantad sa ikalawang wika;
Ang komitment ng KWF sa “isang bansa, maraming wika” ay makikita sa tema at saklaw ng
nakaraang patimpalak na idinaos noong Buwan ng Wika 2006. Sa simula’t sapul ay nakasanayan na
namin na magdaos nang taunan ng isang patimpalak lamang, ang tradisyunal na Gantimpalang
Collantes sa sanaysay sa wikang Filipino. Noong 2006, sa kauna-unahang pagkakataon ay nagdaos
Sinusuportahan ng KWF ang anumang kampanya na papaghusayin ang kasanayan sa Ingles ng ating
mga estudyante. Pero kailangang linawin na ang pinakamabisang paraan ay ang pagturo dito bilang
pangalawang wika. Ibig sabihin nito, magsimula sa kinagisnang wika sa unang mga grado. Kapag
ang KWF ng magkakahiwalay na mga timpalak sa pormal na pagsulat sa Sebwano (tula at maikling
kuwento), Iloko (tula at maikling kuwento), Hiligaynon (maikling kuwento) at Pangasinan (tula).
Ang nagwaging mga akda ay nakatipon ngayon sa isang akda na pinamagatang Ani ng Wika 2006.
Ang tema ng buwan ng wika 2006 ay: “Ang buwan ng wikang pambansa ay buwan ng mga wika ng
Pilipinas.”
Ngayong taong 2007, pinalawak namin ang saklaw ng patimpalak para makasama ang Bikol
(maikling kuwento at sanaysay), Samar-Leyte (tula at maikling kuwento), Kapampangan (tula),
Meranaw (sanaysay), Maguindanao (sanaysay) at Tausug (sanaysay). Ang tema ng buwan ng wika
2007 ay: “Maraming wika, matatag na bansa.”
Ang mga programa’t proyektong ito ay naglalayon na makamit ang sumusunod na pagbabago
sa ating kapaligiran: ang pagpabor ng opinyong publiko sa multilinggwalismo. Hanggang ngayon,
marami pa rin ang naniniwala na hindi na kailangang pag-aralan ang wikang pambansa o ang ating
mga lokal na wika sapagkat “alam na natin ito.” Laganap pa rin ang maling pag-iisip na ang
pagkakaroon ng isang wika ay mapagpasya sa pagbubuo ng isang bansa.
Gusto rin naming lumikha ng bagong mga kaalamang pangwika at pampanitikan. Nais naming
palakasin ang: Philippine Lexicography program, Philippine Grammars Program, ang National
Translation Program, ang Phonology, Phonetics and Ortography Program, mga proyekto sa literasiya
at pagtuturo ng wika; Philippine Language Mapping Project; Bibliography of Philippine Languages
project; Endangered Languages Program; Philippine corpus;
Sa pagwawakas, nais kong ibilin sa inyo ang sinabi ng isang katutubong Amerikano, isang
American Indian, tungkol sa relasyon ng wika at ng buhay. Aniya, kailangan natin ang wikang
dayuhan para mabuhay sa kasalukuyang panahon. Pero kailangan natin ang wikang sarili, para
mabuhay nang habampanahon.
Marka Pamantayan
4 Nakagawa ng isang malinaw na sanaysay na may kaisahan. Batay ito sa
isinagawang panayam. Masusing tinalakay ng sanaysay ang aspektong
kultural at lingguwistiko ng napiling komunidad. Nagbigay rin ng mga
halimbawang nakapagpatunay at nagbigay-linaw sa inilahad
3 Nakagawa ng isang malinaw na sanaysay batay sa isinagawang
panayam. Tinalakay ng sanaysay ang aspektong kultural o lingguwistiko
ng napiling komunidad. Nagbigay rin ng halimbawang nakapagpatunay
sa inilahad.
2 Nakagawa ng isang sanaysay batay sa isinagawang panayam. Hindi
gaanong natalakay ng sanaysay ang aspektong kultural o lingguwistiko
ng napiling komunidad. Nagbigay ng mga halimbawa ngunit hindi
nakapagpatunay sa inilahad
1 Nakagawa ng isang sanaysay ngunit hindi ibinatay sa isinagawang
panayam. Hindi gaanong natalakay ang aspektong kultural o
lingguwistiko ng napiling komunidad.
Pagsulat ng Sanaysay
Suriin Panuto: Basahin at unawain mong mabuti ang mga nakasulat sa loob
ng kahon. Pagkatapos, tukuyin ang impormasyon na iyong nakuha at sa
paanong paraan nila ibinahagi ito partikular sa pagkakagamit ng wika. Isulat
ang sagot sa sagutang papel
Ang likhang ito ay isang paglalahad ng mga karanasan sa aming muling pagdalaw
sa probinsya ng aking ina. Hindi direkta, ngunit sinusubukan kong engganyuhin
kayong mambabasa na bisitahin at pasyalan ang napakagandang bayan ng Lobo.
Ang aking adventure ngayong araw (April 30, 2017) ay nagsimula sa paulit-ulit na
mga katagang “Darl! Bangon na, aalis na tayo?!” Ang boses ni mommy ay kinilala
na ng sistema ng aking katawan bilang alarm clock. Sa tuwing maririnig ko ang
kaniyang very firm voice ay siguradong gising ang diwa ko hanggang talampakan.
At dahil ako ay sadyang suwail (sa edad kong eto, pinipilit ko pa rin pong
magbago) nagawa ko pang mangatwiran.
“Mabilis naman akong mag-ayos ng gamit. Si Crystal nga maliligo pa!”
Tinapay ang bumubuhay sa akin sa almusal ngunit wala s’ya sa lamesa! Hindi na
lang ako kumain. Naligo lang ako pagkatapos kong magligpit ng bahay (aba mabait!).
Isa ang paliligo sa pinakapaborito kong thinking time. Andami kong narerealize
habang dumadausdos ang mga tubig sa aking katawan. Naalala ko na kailangang
dalhin si Niky, face towel, at pamalit ear plug ng ear phones ko. My original plan is
mag sandals, kaya lang nung isang araw, sinabihan ako ni daddy na baka ako ang
mag drive ng sasakyan. Nagsapatos ako. To my disappointment, sa likod ako
pinapwesto, sa gitna ng dalawa kong kapatid. WHUT?! Di na ako nagreklamo, baka
maging sanhi pa ako ng maaksyong sagutan ala familia.
Pagsusuri:
-
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
__________________________________________________________________
_
__________________________________________________________________
_
__________________________________________________________________
_
__________________________________________________________________
_
__________________________________________________________________
_
__________________________________________________________________
_
__________________________________________________________________
_
__________________________________________________________________
_
___________________________________________________________________
Panuto: Kilalanin kung ano’ng uri ng social media ang inilalarawan sa bawat
bílang. Isulat ang sagot bago ang bilang.
a. Skype b. Twitter
c. Tumblr d. You Tube
3. Pinakapopular na social media sa mga kabataan na bawat kilos ay mababása mo
rito at malayang nakagagamit ng wikang nais nila.
a. Facebook b. Internet
c. Viber d. Yahoo
4. Ito ay isang platform sa internet na karaniwang sa salitang Ingles
nagkakaintindihan ang lahat.
a. Pahayagan b. Radyo
c. Social Media d. Telebisyon
5. Malaki ang naitulong nitó para sa mga táong nawalay sa pamilya dahil sa
pagtatrabaho lalo na sa mga mag-aaral na kailangan nang agarang kasagutan sa
kanilang mga asignatura.
a. Internet b. Microsoft
c. Netllix d. YouTube
6. Saan ginagamit ang salitang “netizen”?
a. diyaryo b. radyo
c. social media d. telebisyon
7. Ito ang kalagayan ng wikang Filipino sa social media, MALIBAN sa:
a. Gumagamit ng iba’t ibang simbolo ng wika
b. Gumagamit ng iba’t ibang barayti ng wika
c. Laganap ang pagpapaikli ng mga salita
d. Laganap ang code switching
8. Paano ka makatutulong sa pagpalalaganap at pag-unlad ng wikang Filipino sa
internet?
a. Paggawa ng blogs na nasusulat sa ating wika
b. Paglalagay ng akdang pampanitikan sa internet
c. Paglalagay ng diksiyonaryong Filipino
d. Lahat ng nabanggit
9. Bakit kinagigiliwan sa social media ang code switching at pagpapalit ng salita sa
ating wika?
a. madaling basahin b. madaling maisulat
c. madaling maunawaan d. madaling maisulat at maunawaan 10.Tinawag
na Texting Capital of the World ang Pilipinas dahil sa:
a. Marami ang may iba’t ibang unit ng cellphone
b. Maraming text ang ipinadadala at natatanggap sa ating bansa araw araw
c. Marami ang gumagamit nito sa paghahanapbuhay
d. Marami sa mga Filipino ang walang hanapbuhay
11.Bakit tinangkilik ng mga Filipino ang paggamit ng social media?
a. dahil sa mga aplikasyon nito b. dahil sa mga larawan nito
c. dahil sa ito’y nása Internet d. dahil sa kagandahan nitó.
12.Kung malayo ka sa pamilya o mahal mo sa búhay at nais mo ang agarang
komunikasyon na walang kaukulang halaga ay may mga aplikasyon na magagamit,
maliban sa;
a. Messenger b. Skype
c. Twitter d. Viber
13.Sa mundo ng social media, ito ang kahulugan ng pinaikling salita na ILY.
a. I Leave You b. I Like You
c. I Lose You d. I Love You.
14.Ang mga nauusong salita na tinangkilik ng mga Filipino sa social media tulad ng
lol, sml, skl ay tinatawag na:
a. code switching ng mga salita b. Pagpapaikli ng mga salita
c. Pagpapaliit ng mga salita d. Pagmamali ng mga salita
15.Ang mga makabuluhang bagay na naidudulot ng internet sa mga mamamayan ay
ang sumusunod, MALIBAN sa:
a. Napapabilis ang komunikasyon b. Napapadali ang pag-aaral.
c. Napapagaan ang hanapbuhay. d. Napapauso ang fake news
Pelikula at Dulâ
Bagaman mas maraming banyaga kaysa lokal na pelikula ang naipalalabas sa ating
bansa taon-taon, ang mga lokal na pelikulang gumagamit ng midyum na Filipino at
mga barayti nitó ay mainit ding tinatangkilik ng mga manonood. Katunayan, sa
dalawampung nangungunang pelikulang ipinalabas noong 2014, batay sa kinita,
lima
sa mga ito ang lokal na tinatampukan din ng mga lokal na artista. Iyon nga lang,
Ingles ang karaniwang pamagat ng mga pelikulang Pilipino tulad ng One More
Chance,
Starting Over Again, It Takes A Man and A Woman, Bride for Rent, You’re My Boss,
You’re Still the One, at iba pa. Ang wikang ginagamit ay Filipino, Taglish, at iba pang
barayti ng wika.
Hindi na nga maitatatwang Filipino ang wika o lingua franca ng telebisyon, radio,
diyaryo, at pelikula. Maaaring sabihing ang pangunahing layunin ng mga ito sa
paggamit ng Filipino bilang midyum ay upang makaakit nang mas maraming
manonood, tagapakinig, o mambabasáng makauunawa at malilibang sa kanilang
palabas, programa, at babasahin upang kumita sila nang mas malaki. Subalit, hindi
rin mapasusubalian ang katotohanang mas dahil sa malawak na impluwensiya ng
wikang ginagamit sa mass media ay mas maraming mamamayan sa bansa ngayon
ang nakapagsasalita, nakauunawa, at gumagamit ng wikang Filipino. Isang mabuting
senyales para sa lalong pag-unlad at paglago ng ating wikang pambansa.
Bagaman laganap na sa mass media, mapapansin pa rin na ang wikang
Filipino ay madalas na ginagamit sa mga programa sa radyo at telebisyon, sa
tabloid, at sa pelikula kung saan ang nananaig na tono ay impormal, at waring hindi
gaanong estrikto sa pamantayan ng propesyonalismo. Sa maraming babasahin at
palabas na Filipino, ang tila nangingibabaw na layunin ay mang-aliw, manlibang, at
lumikha ng ugong o ingay ng kasayahan (Tiongson, 2012). Isang pag-asam at
hámon para sa mga táong nasá likod ng mass media at mga táong tumatangkilik sa
mga ito na hindi lang basta lumaganap ang Filipino kundi magamit din ito ng mga
nasabing midyum upang higit na maitaas ang antas ng ating wika.
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga diyalogo sa pelikulang Filipino. Isulat
mo sa patlang ang pamagat nito. Sagutin din ang tanong sa ibabang bahagi at
ipaliwanag. Gawin ito sa sagutang papel.
1. “Ginamit lang naman ako ng tadhana para pagtagpuin kayo. Im’Just a piece
of your puzzle” (Gara)
2. “I deserve an explanation! I need an acceptable reason” (Marco)
3. “Mas pipiliin ko ang isang bukas na nandoon ka kaysa sa isang bukas na wala
ka” (Gab)
Lawigin
6. Ang mga seryeng tulad ng Be Careful with my Heart, Till I Met You, at Sahaya ay
mga programa sa telebisyon na tinatawag na;
a. dulâ b. nobela
c. noontime show d. telenobela
7. Ang sumusunod ay mensahe sa pelikulang Hello, Love, Goodbye, MALIBAN sa;
a. Ang nawawasak na pamilya at gumuguhong pangarap.
b. Ang kumita nang malaki upang maging masagana ang búhay.
Puntos Pamantayan
5 Nabigkas ko nang maayos sa isang estasyon ng radyo o nai-post ko sa FB
ang aking nagawang tula na nagpapaliwanag sa kahalagahan ng wika
sa kalakalan, pamahalaan, at edukasyon at nakatanggap ako ng 3
(tatlo) na positibong komento ukol dito.
4 Nabigkas ko nang maayos sa isang estasyon ng radyo o nai-post ko sa FB
ang aking nagawang tula na nagpapaliwanag sa kahalagahan ng wika
sa kalakalan, pamahalaan, at edukasyon at nakatanggap ako ng 2
(dalawa) na positibong komento ukol dito.
3 Nabigkas ko sa isang estasyon ng radyo o nai-post ko sa FB ang aking
nagawang tula na nagpapaliwanag sa kahalagahan ng wika sa
kalakalan, pamahalaan, at edukasyon at nakatanggap ako ng 1 (isa) na
positibong komento ukol dito. .
2 Hindi ko nabigkas sa isang estasyon ng radyo o di ko nai-post sa FB ang
aking nagawang tula na nagpapaliwanag sa kahalagahan ng wika sa
kalakalan, pamahalaan, at edukasyon subalit ipinarinig ko ito sa ilang
mga kaibigan at kakilala.
1 Hindi ko nabigkas sa isang estasyon ng radyo o di ko nai-post sa FB o sa
kaibigan ang aking nagawang tula na nagpapaliwanag sa kahalagahan
ng wika sa kalakalan, pamahalaan, at edukasyon.
1. Bakit higit na gamitin ang wikang Ingles sa mga Business Process Outsourcing
(BPO) o mga call center?
a. Dayuhan ang binibigyan ng serbisyo ng mga call center agent.
b. Ingles ang isa sa opisyal na wika sa bansa.
b. Paggamit ng akronim:
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
______
c. Paggamit ng mga slang word:
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
______
Napakalaki ang naitutulong ng social media sa mga tao ngayon, dahil dito
napapadali ang mga nais nating sabihin sa ating kaibigan at mahal sa búhay lalo
na kung sila ay nása malalayong lugar. Pinapadali nitó ang pagtanggap at
pagpapakalat ng balita. Dahil sa patuloy at aktibong paggamit ng mga Filipino sa
iba’t ibang social networking sites, tinagurian ang Pilipinas na Social Media
Capital of the World noong taóng 2015.
Bukod sa pamamaraan ng estilo ng pagsusulat sa social media, mapapansin
din dito ang pagiging iresponsable sa pagpapakalat nang maling impormasyon o
balita, maging ang hindi maingat na pagbibigay ng mga pahayag at komentong
walang sapat na batayan.
Dahil sa social media, maraming mga bágong salita ang umusbong at nauso
na patuloy na ginagamit at tinatangkilik ng mga tao katulad ng mga wika ng mga
beki o tinatawag na gay lingo, jejemon ang tinatawag na Millennial Word.
Ngunit dahil sa social media, maraming kabataan ang nagagawang baguhin
ang wika sa pamamagitan ng pagpapaikli, pinaghahalo ang Ingles at Filipino,
pagbabago ng spelling at pagbabago ng termino, kahulugan ng mga salita,
pinaghalo-halong numero, mga simbolo, mga magkasamang malalaki at maliliit
na letra.
Halimbawa:
1. Pagpapaikli at pagkakaltas ng mga salita sa txt
Always A Pleasure- AAP
God Bless You-GBU
2. Pinaghahalo ang Ingles at Filipino d 2 na me
MuZtaH
Wr u na?
3. Pinaghahalo-halong numero, malalaki at maliliit na
titik aQcKuHh iT2h
iMiszqcKyuH
Wika sa Teknolohiya ni
Obero, Callaman, Razonad
Panuto: Sagutin ang sumusunod na pahayag. Isulat ang sagot bago ang
bilang.
1. Kadalasang nababanggit ang salitang ito sa mga inuman. Nagmula ito sa mga
salitang “walang pakialam,” “walang pangarap,” at “walang kinabukasan.”
a. Hokage b. Ninja moves
c. Pabebe d. Walwal
2. Ito raw ay salitang beki na pamalit sa mga termino na hindi masabi o maalala.
Noong dekada 80, ibig sabihin nito ay “any-any” o kung ano-ano lang. At nung
dekada 90 naman, naging “anik-anik” at ngayon, eme-eme na!
a. Bae b. Beast mode
c. Edi wow! d. Eme-eme
3. Ito na nga raw ang bágong termino para sa mga kalalakihan na pasimpleng
dumidiskarte sa napupusuang babae.
a. Bae b. Hokage
c. Ninja Moves d. Pabebe
4. Ang salitang ito ay ginagamit ngayon ng mga millennial upang ipahiwatig na sila
ay galít na o naiinis.
a. Bae b. Beast mode
c. Ninja Moves d. Pabebe
5. Nagmula raw ito sa mga “ninja” o mga warrior na mayroong kakaibang galing, bilis
kumilos, at deskarte na maisakatuparan ang kanilang misyon nang hindi
masyadong napapansin.
a. Bae b. Beast mode
c. Ninja Moves d. Pabebe
6. Ito ang mga wikang tinaguriang gay lingo.
a. bekimon b. eme-eme
c. hokage d. jejemon
7. Ito ang ginagawa pagkatapos magbigay ng pahayag o reaksiyon sa nabása sa
internet.
a. message b. post
c. react d. text
8. Pinakamodernong gadget na ginagamit halos nang lahat ng tao para sa pakikipag-
ugnayan sa kapuwa na puwedeng dalhin kahit saan.
a. cell phone b. internet
c. radyo d. telephone
9. Paraan ng mga texter sa pagsulat ng salita sa kanilang mensahe.
a. all caps b. code
c. halong litra at bilang d. lahat italisado
Subalit ano nga ba ang kwento sa likod ng debosyon ng mga taga Rosario sa
mahal na patron? Paano napunta ang birhen sa nasabing bayan at naging kanilang
patrona? Ayon sa kwento, noong panahon ng mga kastila, isa sa pangunahing uri ng
transportasyon ay ang pagbabangka. Ito ang paraan sa paghahatid ng mga kalakal
ng mga mamamayan mula Cavite hanggang Maynila sa Manila Bay. Isang gabi,
isang malakas na bagyo ang tumama sa kamaynilaan at karatig probinsiya nito na
nag-iwan ng pagkasira ng mga buhay at ari-arian. Hindi mabilang na tripulante ang
naabutan ng bagyo sa laot. Isa sa mga bangka ay galing Mindoro na lulan ay mga
kargamento. sila sa dalampasigan ng Mojon (ngayon ay Muzon) isang sitio sa noo’y
baryo pa lamang na Salinas-Marsella. Bunga nito, nagpatayo nga ng maliit na
kapilya ang mga sakay ng nasabing bangka nang may pasasalamat at tuwa sa
kanilang puso. Inihabilin nila ang imahe ng mahal na birhen sa mga taga-Mojon.
Umalis ang mga tripulante iwan ang pamanang tradisyon- ang kapistahan ng
nasabing patron.
Sa paglipas ng panahon, ang masayang pagdiriwang na ito, ay nakagawian
na din ng iba’t-ibang bayan sa Cavite bilang pagpupugay na din sa patron ng
kanilang lugar. Samakatuwid ang tradisyong ito ay lumawak pa at ngayo’y isa na
ding aktibidad ng kapistahan sa iba’t-ibang lugar sa karatig probinsiya.
3. Ano kayâ ang maaaring mangyari sa daloy ng idea sa teksto kung wala ang mga
salitang may salungguhit na ito?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
__________________
Basahin ang mga pangungusap sa Hanay A. Piliin ang tamang sagot sa Hanay
B upang makabuo ng pangungusap gámit ang angkop na pang-ugnay. Isulat
ang sagot sa patlang.
Hanay A Hanay B
4. Sa suliraning gagawan ng
pag-aaral _________ na lutasin ang
mga dapat gawin upang mabigyan
ng angkop na rekomendasyon.
5. Isang rekomendasyon ng
pag-aaral na gawin pang mas
malakas ang pagaaral _______
magiging mas makatotohanan ito.
Mahalagang magkakaugnay ang mga idea sa pananaliksik upang maayos ang daloy
ng mga kaisipan at mga salita sa bawat pangungusap, talata, at sa lahat ng bahagi
ng pananaliksik.
idea
sapagkat
pangunahing kaisipan
upang
pag-ugnayin
Sagutin ang sumusunod na katanungan. Isulat ang titik ng tamang sagot bago
ang bilang.
kung kayâ tákot ang bumalot sa lahat ng mga sakay nito. Sa lakas ng hagupit ng
bagyo, naglalakihang alon, halos lumubog ang bangka
Binabati kita!
at natapos mo na ang Module sa Asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik
sa Wika at Kulturang Pilipino.
Ipagbigay alam agad ito kay Sir Rey upang mabigyan ka ng link para sa
Examination!