Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

Mala-Masusing Banghay Aralin

Sa
Pagpapakitang-turo
Sa
Araling Panlipunan 10 – Mga Kontemporaryong Isyu

Paksa: Patakarang Pang-edukasyon

Inihanda ni:

MARK KENNETH C. ORIS


Gurong Nagsasanay

Inihanda kay:

JUDE ANGELO B. GEMINO


Gurong Tagapagsanay
I. LAYUNIN
Pagkatapos ng animnapung minutong talakayan, ang 75 bahagdan ng mga mag-
aaral ay inaasahang:
a. Naipapaliwanag ang iba’t-ibang patakarang pang-edukasyon;
b. napapahalagahan ang layunin ng pandaigdigan at pambansang patakaran sa
edukasyon; at
c. Nailalahad ang kanilang sariling pananaw para sa karapatang makapag-aral kalalip
ng mga patakarang pang-edukasyon.
II. NILALAMAN
Paksa: Mga Patakarang Pang-edukasyon
Sanggunian: Siglo: Kontemporaryong Isyu 354-356.
Mga Kagamitan: Laptop, PowerPoint Presentation, Larawan, Whiteboard, Marker
Pagpapahalaga: Pagkakaroon ng malalim na pagkilala (deep recognition) sa
kahalagahan ng de-kalidad na edukasyon bilang instrument sa pagpapabuti ng ating
Lipunan.

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagtatala ng lumiban
4. Balik-aral

Gawain 1: (MMK) Mga Misteryosong Kahon


Ang guro ay pipili ng tatlong estudyante na siyang magbibigay ng kanilang
natutunan sa nakaraang naging talakayan sa pamamagitan ng mga misteryosong kahon.
Ang mga mag-aaral ay inaasahang masagot ang mga katanungang kanilang makukuha sa
bawat kahon.
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang sistema ng edukasyon meron ang ating bansa sa kasalukuyan?
2. Ano ang ibig sabihin ng Trifocal Education System?
3. Sino-sino ang tinutukoy nating mga Thomasites?
5. Pagganyak
Gawain 2: Bezzz, Pabulong!
Ang susunod na gawain ay pangkatan. Hahatiin ang klase sa dalawang grupo at
inaasahang sila ay makapagpapadala ng limang sasali sa gawain. Ang guro ay
magpapakita ng mga salita na siyang pagpapasa-pasahan ng dalawang pangkat, ang
sinumang mauna at makarami ng puntos hanggang sa matapos ang aktibidad ay silang
hihiranging panalo.
Pamprosesong tanong:
1. Ano-ano ang mga salitang inyong nabuo?
2. Ano ang kinalaman ng mga salitang inyong nabuo sa ating huling tinalakay?
3. Ano ang paksa na ating tatalakayin sa araw na ito?

B. Paglinang ng Gawain

a. Pagkilala sa UNESCO
1. Ano ang kahulugan ng UNESCO at ang gampanin nito?
b. Pandaigdigang Patakaran
1. Ano ang UDHR?
2. Ano ang nilalaman ng Article 26 ng Universal Declaration of Human Rights?
c. Pambansang Patakaran
1. Ano ang 1987 Saligang Batas?
2. Ano ang nakasulat sa Article II: Section 17 ng 1987 Saligang Batas?
3. Ano naman ang nakapaloob sa Article XIV: Section 1?

4. Ano ang dapat isaalang-alang ng bansa para sa edukasyon ng bansa na siyang


nakasulat sa Article XIV: Section 2?

C. Pangwakas na Gawain
a. Paglalahat
Ibuod ang lahat ng ating mga tinalakay. Ano ang inyong natutunan sa ating pinag-
aralan? Ano ang pagkakaiba ng Pandaigdigang patakaran sa Pambansang patakaran?
b. Paglalapat
Gawain 2: Libro ng Katanungan
Ang guro ay magpapakita ng tatlong libro na may nakapaloob na mga tanong. Ang
matatawag na estudyante ay inaasahang masagot ang mga tanong upang masukat ng
guro ang aplikasyon ng kanilang natutunan sa pang araw-araw nilang pamumuhay.
Pamprosesong Tanong:
1. Bilang isang estudyante, bakit mahalagang pag-aralan ang Patakarang pang
edukasyon?
2. Paano at kailan mo masasabi na ikaw ay malayang nakakamit ang iyong karapatang
upang makapag-aral?
3. Ano-anong mga hakbang ang iyong magagawa upang pahalagahan ang mga
patakarang nagbibigay sa’yo ng karapatan?

IV. PAGTATAYA
Maramihang Pagpili. Panuto: Isulat sa patlang ang titik ng iyong napiling sagot.
______1. Ano ang kahulugan ng UNESCO?
a. United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization
b. United Nations Educational, Science and Culture Organization
c. United Nations Educational, Scientific and Curriculum Organization
d. United Nations Education, Science and Culture Organization
______2. Makasaysayang dokumento na inilatag ng United Nations General Assembly
noong Disyembre 10, 1948.
a. Universal Declaration of Human Rights
b. 1987 Saligang Batas
c. United Nations Constitution
d. Convention on the rights of Child
______3. Nakasaad sa UDHR Article 26 na, “everyone has the right to _____”.
a. life
b. work
c. education
d. technology
______4. Ito ay tumutukoy sa pinakamataas na saligang batas ng Republika ng Pilipinas.
a. UDHR
b. 1987 Saligang Batas
c. Convention on the Rights of Child
d. United Nations Constitution
_____5. “The state shall give priority to education, science and technology, cultures, arts,
boards to foster patriotism and nationalism”.
a. Article XIV: Section 2
b. Article XIV: Section 1
c. Article II: Section 17
d. UDHR Article 26
______6. “The state shall promote and protect the right to quality education at all levels.”
a. Article XIV: Section 2
b. Article XIV: Section 1
c. Article II: Section 17
d. UDHR Article 26
_____7. “Everyone has the right to education.”
a. Article XIV: Section 2
b. Article XIV: Section 1
c. Article II: Section 17
d. UDHR Article 26
_____8. Ilang artikulo ang nilalaman ng UDHR para sa karapatang pantao?
a. 27 artikulo
b. 28 artikulo
c. 29 artikulo
d. 30 artikulo
____9. A. “Parents have a prior right to choose the kind of education that shall be given to
their children.”.
B. “The state shall promote and protect the right to quality education at all levels.”.
a. Ang A ay tama, ang B ay mali.
b. Ang A ay mali, ang B ay tama.
c. Parehong tama.
d. Parehong mali.
_____10. Kailan ipinagtibay ang 1987 Saligang Batas?
a. Enero 2, 1987
b. Pebrero 2, 1987
c. Marso 2, 1987
d. Abril 2, 1987

V. KASUNDUAN
Magsaliksik at pag-aralan kung ano-ano ang mga hamon at suliraning kinahaharap
ng sektor ng Edukasyon. Isulat ang inyong mga nakalap na mahahalagang impormasyon
sa isang malinis na papel.

You might also like