Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

1. Ang bawat pamilya ay ginagabayan ng batas ng malayang pagbibigay (law of free giving).

Alin sa
sumusunod na pahayag ang naglalarawan sa nasabing batas?
a. Pinag-aaral ng mga magulang ang kanilang anak upang sa pagdating ng panahon sila
naman ang maghahanapbuhay sa pamilya.
b. Naging masipag ang anak sa paglilinis ng bahay dahil nais niyang mabigyan ng
karagdagang baon sa eskwela.
c. Isang ama na naghahanapbuhay upang maibigay ang pangangailangan ng kaniyang
pamilya.
d. Nais ng magulang na may mag-aaruga sa kanila sa kanilang pagtanda kung kaya’t
inaaruga nila nang mabuti ang kanilang mga anak.
2. Sinasabi na ang mabuting pakikipagkapwa ay nagmumula sa pamilya. Alin sa sumusunod na
pahayag ang hindi nagpapatunay nito?
a. Sa pamilya unang natututuhan ang kagandahang-asal at maayos na pakikitungo sa
kapwa.
b. Kung paano nakikitungo ang magulang sa kaniyang anak, gayundin ang magiging
pakikitungo nito sa iba.
c. Kapag wala ang magulang, ang paaralan ang siyang pangalawang tahanan na gagabay sa
mga bata.
d. Ang pamilya ang unang nagtuturo ng mabubuting paraan ng pakikipagkapwa tao.
3. Sinasabi na ang pamilya ay isang natural na institusyon. Alin sa sumusunod na pahayag ang
dahilan?
a. Ang bawat pamilya ay kasapi ng iba’t ibang institusyon ng lipunan.
b. Sa pamilya nahuhubog ang mabuting pakikipag-ugnayan at pagpapahalaga sa kapwa.
c. Ang mga institusyon sa lipunan ay naitatag dahil sa pagdami ng pamilya.
d. Nabuo ang pamilya dahil sa pagmamahalan ng dalawang taong nagpasiyang magpakasal
at magsama nang habambuhay.
4. Alin sa sumusunod ang una at pinakapangunahing pamantayan sa paghubog ng isang maayos na
pamilya?
a. mga patakaran sa pamilya
b. Pagkakaroon ng mga anak
c. Pinagsama ng kasal ang magulang
d. pagtatanggol ng pamilya sa kanilang karapatan
5. Ang mga sumusunod ay naglalarawan sa isang pamilya, maliban sa isa, alin ito.
a. Ang pagiging natural ng pamilya ay ayon sa kalikasan ng taong maghanap ng kasama
b. Mula sa pagmamahalan at pakikipagtulungan sa pamilya, nakatatanggap ng aral sa
pakikipagkapwa ang mga anak
c. Ang pamilya ang isa sa pinakamaliit na institusyon sa lipunan, subalit, pangunahin at
pundasyon ito ng lahat ng institusyon
d. Likas na sa mga anak ang magmahal at makipagtulungan sa mga kapatid
6. Ang ating lipunan ay binubuo ng iba’t ibang institusyon o sektor. Alin sa mga institusyon sa
lipunan ang itinuturing na pinakamaliit at pangunahing yunit ng lipunan?
a. Pamilya
b. Pamahalaan
c. Barangay
d. Paaralan
7. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapaliwanag na ang pamilya ang una at patuloy na
pundasyon ng edukasyon para sa panlipunang buhay (social life)?
a. Ang pamilya ang unang kapwa at madalas na kausap o nakakahalubilo sa loob ng
tahanan.
b. Ang mga magulang ang pinagmulan at huling kahahantungan ng ating buhay.
c. Ang pamilya ang siyang may katungkulan na pag-aralin ang mga anak.
d. Ang mga magulang ang unang naging guro, gumagabay, at nagtuturo ng pakikitungo sa
kapwa.
8. Ano ang dahilan kung bakit ang pagtutulungan ay natural sa pamilya?
a. Sapagkat kusang tumutulong ang bawat miyembro ng pamilya sa abot ng kanilang
makakaya.
b. Dahil wala nang iba pang magtutulungan kundi ang magkakapamilya.
c. Sapagkat natural lang na magtulungan sa pamilya upang maipakita ang suporta ng
bawat isa.
d. Dahil kaligayahan ng bawat kasapi na makitang mabuti ang kalagayan ng buong pamilya.

Para sa bilang 9-11, suriin ang mga sumusunod at tukuyin kung ito ay:

a. Tungkulin ng pamilya; b. Tungkulin bilang ate/kuya; c. Tungkulin ng mga anak; o d. Mga angkop
na kilos
9. Sumunod sa magulang
a. Tungkulin bilang ate/kuya
b. Tungkulin ng mga anak
c. Mga angkop na kilos
d. Tungkulin ng pamilya
10. Paaralin ang mga anak
a. Tungkulin bilang ate/kuya
b. Tungkulin ng pamilya
c. Mga angkop na kilos
d. Tungkulin ng mga anak
11. Ipagdasal ang bawat isa
a. Tungkulin bilang ate/kuya
b. Tungkulin ng mga anak
c. Tungkulin ng pamilya
d. Mga angkop na kilos

Hindi nakakaligtaan ng pamilyang Santos ang manalangin nang sama-sama higit sa lahat ang pagsisimba
ng magkakasama tuwing Linggo. Ano ang ipinakikita ng pamilyang ito na dapat mong tularan?

12. Ito ang itinuturing na pinaka-orihinal at pangunahing karapatan na dapat ay tinataglay ng isang
bata.
a. Karapatan sa Buhay
b. Karapatan sa Pagkain at Tahanan
c. Karapatan sa Edukasyon
d. Karapatan sa Kalusugan
13. “Ang mabuting pakikitungo sa pamilya ay daan sa mabuting pakikipagkapwa tao.” Ano ang
ibubunga nito sa isang tao kung ito ang kaniyang isasabuhay?
a. Ang maayos na samahan sa pamilya ay nagtuturo sa tao na maging mabuti sa
pakikipagkapwa
b. Higit na nagiging popular ang isang tao kung maayos ang kaniyang pakikipagkapwa tao.
c. Nakatutulong ito sa kaniyang suliranin sa buhay upang masolusyunan ang problema.
d. Madaling matanggap ng kapwa ang isang tao na maayos ang pamilyang kinabibilangan
14. Bakit itinuturing na una at pangunahing guro ng mga anak ang mga magulang?
a. Dahil ang kanilang mga ipinakikitang kilos at gawi ang tutularan ng mga bata.
b. Dahil sa kanila nakasalalay ang pundasyon ng mga bata sa kaalamang kanilang
makukuha sa paaralan.
c. Dahil kasabay ng pagkakaroon ng karapatan ng mga bata sa edukasyon ang pagkakaroon
ng karapatan ng magulang na sila ay turuan.
d. Dahil sila ang magsasanay sa mga bata sa pagmamahal sa pag-aaral at kaalaman.
15. Ang sumusunod ay nagpapakita ng tunay na pagiging mapanagutan ng magulang maliban sa:
a. pagkakaroon ng pananagutan sa Diyos, sa kanilang konsensiya at sa lahat ng mga taong
ibinigay sa kanila ng Diyos upang paglingkuran at alagaan
b. malayang pagganap sa kanilang mga tungkulin kakambal ang pagtanggap sa anumang
kahihinatnan ng kanilang mga pagganap at hindi pagganap sa mga ito
c. pag-agapay sa mga anak sa lahat ng pagkakataon lalo na sa panahon ng mga hamon
upang ang mga ito ay matagumpay na malampasan
d. pagharap sa anumang hamon sa lahat ng pagkakataon na ginagabayan ng prinsipyong
moral
16. Sino sa sumusunod na magulang ang tunay na gumaganap ng kanilang tungkulin sa kanilang mga
anak?
a. Sina Edith at Jojo na pinag-aaral ang kanilang mga anak sa mamahaling unibersidad
upang matiyak ang magandang buhay para sa kanilang hinaharap
b. Si Mario at Andrea na namumuhay nang simple kasama ang mga anak, katuwang ng
mga ito sa kanilang mga gawain, pangangailangan, at gumagabay sa kanila sa mundong
kanilang gagalawan lalo na sa hinaharap.
c. Sina Anita at Melduard na parehong nagsasakripisyo na magtrabaho sa ibang bansa
upang matugunan ang mga pangangailangan ng kanilang mga anak, tinitiis ang hirap ng
kalooban dahil malayo sila sa kanilang pamilya.
d. Si Leonardo at Rose na nagpapaplano at nagpapasiya para sa katiyakan ng magandang
buhay para sa kanilang mga anak.
17. Bahagi ng buhay ng isang lalaki at babae na nagpasiyang magpakasal ang magkaroon ng mga
anak. Ito ay ____________
a. makapagpapatatag sa ugnayan ng mag-asawa.
b. pagtugon sa kagustuhan ng Diyos na maparami ang tao sa mundo.
c. susubok sa kanilang kakayahan na ipakita ang kanilang pananagutan bilang magulang.
d. bunga ng kanilang pagtugon sa tawag ng Diyos na magmahal.
18. Hindi nakakaligtaan ng pamilyang Santos ang manalangin nang sama-sama higit sa lahat ang
pagsisimba ng magkakasama tuwing Linggo. Ano ang ipinakikita ng pamilyang ito na dapat mong
tularan?
a. May disiplina ang bawat isa
b. Buo at matatag
c. Hindi nagkakaroon ng alitan kailanman
d. Nagkakaisa sa paraan ng pagsamba sa Diyos
19. “Kapag matatag ang pamilya matatag din ang isang bansa.” Ano ang ibig sabihin nito?
a. Ang pamilya ang salamin ng isang bansa, kung ano ang nakikita sa loob ng pamilya
ganoon din sa lipunan.
b. Ang pamilya ang pundasyon ng lipunan.
c. Kapag matatag ang pamilya, matatag din ang bansa, dahil ito ang bumubuo sa lipunan.
d. Kung ano ang puno siya rin ang bunga. Kung ano ang pamilya siya rin ang lipunan.
20. Bakit mahalagang maturuan ang mga anak na mamuhay nang simple?
a. Upang masanay sila na maging masaya at kuntento sa mga munting biyaya
b. Upang maisapuso ng mga anak na mas mahalaga ang tao sa kung ano siya at hindi sa
kung ano ang mayroon siya
c. Upang maisabuhay nila ang pagiging mapagkumbaba
d. Upang hindi sila lumaking hindi marunong magpahalaga sa perang kanilang
pinaghirapan

You might also like