Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 16

Filipino 2

Filipino – Ikalawang Baitang


Ikaapat na Markahan – Modyul 8: Paraan, Panahon at Lugar ng Pagsasagawa
ng Kilos o Gawain sa Paaralan.
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Niňa V. Apostle
Editor: Maria Menchie C. Moreno
Tagsuri: Maria Menchie C. Moreno
Tagaguhit: Edison P. Clet
Tagalapat: Niňa V. Apostle
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera, CESE
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors


Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)
Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Filipino 2
Ikaapat na Markahan
Modyul 8 Para sa Sariling Pagkatuto
Paraan, Panahon at Lugar ng Pagsasagawa ng Kilos o
Gawain sa Paaralan
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino sa Ikalawang Baitang ng
Modyul para sa araling Paraan, Panahon at Lugar ng Pagsasagawa ng Kilos o Gawain
sa Paaralan!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino sa Ikalawang Baitang Modyul ukol sa


Paraan, Panahon at Lugar ng Pagsasagawa ng Kilos o Gawain sa Paaralan!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.

MGA INAASAHAN
Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahang ang mag-aaral
ay:
A. masasabi ang mga paraan, panahon at lugar ng
pagsasagawa ng kilos o gawain sa paaralan; at
B. matutuhan ang magagandang gawi na dapat sundin sa
loob ng paaralan.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Sabihin kung ang nakasalungguhit sa pangungusap ay


nagsasabi ng paraan, panahon, at panlunan o lugar ng
pagsasagawa ng kilos sa paaralan. Piliin ang titik ng tamang
sagot.

1. Maagang pumapasok sa paaralan si Arnel.


A. Panlunan
B. Pamaraan
C. Pamanahon

2. Tahimik na nakikinig sa klase si Ara.


A. Panlunan
B. Pamaraan
C. Pamanahon

3. Naglilinis ng silid aralan si Ben tuwing Lunes.


A. Panlunan
B. Pamaraan
C. Pamanahon

4. Magiliw na nagtatalakay ng aralin ang kanilang guro.


A. Panlunan
B. Pamaraan
C. Pamanahon

5. Diniligan ni Mang Jose ang mga halaman sa gulayan sa


paaralan.
A. Panlunan
B. Pamaraan
C. Pamanahon

BALIK-ARAL

Panuto: Sabihin kung ang salitang may salungguhit sa


pangungusap ay nagsasabi ng pamaraan, pamanahon o
panlunan ng pagsasagawa ng kilos sa tahanan. Isulat ang iyong
sagot sa patlang.
______________ 1. Maingat kong hinugasan ang pinggan.
______________ 2. Nagluluto sa kusina si Ate Karen.
______________ 3. Nagdidilig ng halaman araw-araw si Kuya Carlo.
______________ 4. Tumutulong si Ben sa paglilinis ng bahay tuwing
Sabado.
______________ 5. Magalang na kinakausap ni Nena ang kanyang
mga magulang.

ARALIN

Bago natin simulan ang aralin sa araw na ito, may itatanong


muna ako sa iyo.
Sumusunod ka ba sa mga tuntunin ng paaralan? Ano-ano
ang tuntuning dapat sundin?
May mga tuntunin ang bawat paaralan. Ito ang nagsasabi
kung ano ang dapat gawin at hindi dapat gawin sa loob ng
paaralan. Narito ang mga hamlibawa ng tuntunin at gawain na
dapat natin sundin sa loob ng paaralan. Basahin ang mga ito.

MGA TUNTUNIN SA PAARALAN

1. Magsuot nang angkop na uniporme.

https://www.clipart.email/download/1181936.html]

2. Pumasok araw-araw sa paaralan.

https://www.123rf.com/clipartvector/elementary_school.html?
sti=nagtvzd8sv1ghmttnh|&mediapopup=41721914

3. Igalang ang mga kawani ng paaralan.

https://www.youtube.com/watch?v=IOp5KnCNF5Q

4. Pumila nang maayos sa pagpasok at paglabas.


https://ar.pinterest.com/pin/794463190503999372/

5. Huwag tapakan o sirain ang mga pananim sa paligid ng


paaralan.

https://www.youtube.com/watch?v=IOp5KnCNF5Q

6. Itapon ang basura sa tamang basurahan.

https://ph.lovepik.com/image-401402099/cartoon-girl-sorting-garbage-illustration.html

7. Tumayo nang matuwid at sumabay sa pagkanta ng


Pambansang Awit at sa pagbigkas ng Panunumpa sa
Katapatan.

https://www.clipartkey.com/view/wwTRww_transparent-singing-clip-art-singing-national-anthem-clipart/

8. Marami ang nais magbasa sa silid-aklatan.


https://www.clipart.email/download/15721853.html

9. Tumulong sa pagpapanitili ng kalinisan sa kapaligiran.

https://www.dreamstime.com/group-people-cleaning-classroom-illustration-group-people-
cleaning-classroom-image134898900

Ganito rin ba ang tuntunin sa iyong paaralan?

Narito ang ilang pangungusap na mula sa mga tuntunin sa


paaralan. Basahin at suriin natin ito.
a. Pumasok araw-araw sa paaralan.
b. Pumila nang maayos sa pagpasok at paglabas.
c. Tumahimik sa loob ng silid-aklatan.

Sa unang pangungusap, tuwing kailan dapat pumasok sa


paaralan?

Sa ikalawang pangungusap, paano ang pagpila sa pagpasok


o paglabas sa paaralan?

Sa huling pangungusap, saan dapat tumahimik kapag nasa


paaralan na?

Pansinin ang mga salitang may salungguhit sa bawat


pangungusap. Ano ang tawag sa mga salitang ito?
Ang mga salitang nakasalungguhit ay tinatawag nating mga
pang-abay. Ang pang-abay ay salitang naglalarawan sa
pandiwa, pang-uri at kapwa pang-abay.

Sa unang pangungusap, ano ang inilalarawan ng salitang araw-


araw? Ang inilalarawan nito ay ang salitang pumasok. Ang salitang
araw-araw sa unang pangungusap ay halimbawa ng pang-abay
na pamanahon na sumasagot sa tanong na kailan gagawin o
ginawa ang kilos.

Sa ikalawang pangungusap, ano naman ang inilalarawan ng


salitang maayos? Ang inilalarawan nito ay ang salitang pumila.
Ang salitang maayos sa ikalawang pangungusap ay halimbawa
ng pang-abay na pamamaraan na sumasagot sa tanong na
paano ginawa ang kilos.

At sa huling pangungusap, anong pook o lugar ang


pangyayarihan ng kilos? Ang pangyayarihan ng kilos ng pandiwa
sa pangungusap ay ang salitang sa silid-aklatan. Ang salitang sa
silid-aklatan sa huling pangungusap ay halimbawa ng pang-abay
na panlunan o lugar na sumasagot sa tanong na saan. Ibig sabihin
ang sagot ay mga pook.

Nauunawaan mo na ba ang ating aralin sa araw na ito? Kung


gayon, susubukan ko naman ang iyong kakayahan sa mga
susunod na pagsasanay kung may natutuhan ka sa ating aralin sa
araw na ito.

MGA PAGSASANAY

PAGSASANAY 1
Panuto: Batay sa larawan, isulat sa patlang ang salitang panlunan
na angkop sa pangungusap.

1. Dumalaw kami sa___________ ng kaklase


naming may sakit.

https://www.netclipart.com/isee/wmxJRo_clipart-of-
house-call-and-suitable-cartoon-image/

2. Itinapon ko ang balat ng saging


sa __________________.

https://saraangela30.wordpress.com/2015/07/23/p
angangalaga-sa-ating-kapaligiran/

3. Bumibili kami ng pagkain sa _____________.

https://4e2012gruponiunana.wordpress.com/2012/0
2/28/tindahan-ni-aling-nena/

4. Magbabasa kami mamaya sa ___________.

https://clipartstation.com/clipart-library-3/

https://clipartstation.
com/clipart-library-
3/ 5. Maraming bata ang kumakain
sa _________________.

https://www.dreamstime.com/kids-eating-lunch-
canteen-illustration-kids-eating-lunch-canteen-

PAGSASANAY 2
image108581667

Panuto: Bilugan ang pang-abay na pamaraan sa bawat


pangungusap.
1. Mahusay tumugtog ng gitara si Alex.
2. Lumabas sa silid na nakapila ang mga mag-aaral.
3. Si David ay masipag mag-aral.
4. Mahinahon magsalita ang kanilang guro.
5. Ang mga bata ay taimtim na nagdarasal.
PAGSASANAY 3
Panuto: Lagyan ng tsek ( ̸ ) kung may pang-abay na
pamanahon na ginamit sa pangungusap at ekis ( X ) kung wala.
_____ 1. Sa buwan ng Hunyo ang simula ng klase.
_____ 2. Ibaon ang mga basura sa lupa.
_____ 3. Ang pasukan ay nagtatapos sa buwan ng Marso.
_____ 4. Kumakain ako ng almusal tuwing umaga.
_____ 5. Masayang naglalaro ang magkakaklase.

PAGLALAHAT

Panuto: Tukuyin kung ano ang inilalarawan ng bawat


pangungusap. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

pamanahon panlunan
pang-abay pamaraan

_____________1. Ito ay bahagi ng pananalita na naglalarawan sa


pandiwa, pang-uri at kapwa nito pang-abay.
_____________2. Ang pang-bay na ito ay nagsasabi kung paano
ginawa o ginagawa ang kilos. Sumasagot ito sa tanong na paano.
_____________3. Ang pang-abay na ito ay nagsasabi ng oras o
panahon na ginaganap ang kilos. Sumasagot ito sa tanong na
kailan.
_____________4. Ang pang-abay na ito ay nagsasabi ng lugar na
pinangyarihan ng kilos. Sumasagot ito sa tanong na saan.

PAGPAPAHALAGA

Iguhit ang masayang mukha kung sumusunod sa


tuntunin o gawain ang mag-aaral at malungkot na mukha
naman kung hindi.
________1. Inilalagay ko ang basura sa tamang basurahan.
________2. Sumusunod sa pila kapag bumibili ng pagkain sa
kantina.
________3. Nagsusulat sa pader ng silid-aralan.
________4. Namimitas ng bulaklak sa hardin ng paaralan.
________5. Tumutulong sa pagdidilig ng mga halaman sa
paaralan.

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Tukuyin kung anong pang-abay ang ang may


salungguhit sa pangungusap. Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Mag-aaral akong tumugtog ng gitara sa bakasyon.


A. pamanahon B. panlunan C. pamaraan
2. Mahusay magturo si Gng. Reyes.
A. pamanahon B. panlunan C. pamaraan
3. Naglilinis ang mga bata sa silid-aralan.
A. pamanahon B. panlunan C. pamaraan
4. Masipag magsulat si Elena.
A. pamanahon B. panlunan C. pamaraan
5. Hinahanap ka ni Gng. Rivera kanina.
A. pamanahon B. panlunan C. pamaraan
School Uniform. Clipart. August, 2018
Mga Tuntunin sa Paaralan. Camitan Jaclyn Sherie. Nov.24, 2014. htttps://prezi.com
Avenue, Pasig City, Philippines
Monterozo-Gonzales. Edukasyon sa Pagpapakatao 2. 2013. DepEd Complex Meralco
Victoria Guia-Biglete, Maria Carla Mabulay-Caraan, Rolan Baldonado Catapang, Isabel
Sanggunian
Paunang Pagsubok Paglalahat
1. A 1. Pang-abay
2. B 2. pamaraan
3. C 3. pamanahon
4. B 4. panlunan
5. A
Balik-Aral Pagpapahalaga
1. pamaraan 1.
2. panlunan 2.
3. pamanahon 3.
4. pamanahon 4.
5. pamaraan 5.
Mga pagsasanay
Gawain 1 Gawain 3
1. bahay 1. √
2. basurahan 2. X
3. tindahan 3. √
4. silid-aklatan 4. √
5. kantina 5. X
Gawain 2
1. mahusay Panapos na Pagsusulit
2. nakapila 1. A
3. masipag 2. C
4. mahinahon 3. B
5. taimtim 4. C
5. A
SUSI SA PAGWAWASTO
https://www.clipart.email/download/1181936.html][IMG]https://cdn.clipart.email/a4
ae3c0b3362f4a607c58eb9f8a3a23f_clipart-school-uniform-littlereasonstosmileme_525-
612.jpeg[/IMG][/URL]

Little boy going to school. Muhammad Desta Laksana. Clipart. September 14, 2020
https://www.123rf.com/clipart-
vector/elementary_school.html?sti=nagtvzd8sv1ghmttnh|&mediapopup=41721914

Tuntunin sa Paaralan. Lalaine Sacluti. Youtube. August 28, 2018


https://www.youtube.com/watch?v=IOp5KnCNF5Q

Kids with arms up standing in line in front. Victor Stock. Pinterest. September 14, 2020
https://ar.pinterest.com/pin/794463190503999372/

Cartoon girl sorting garbage illustration. LovePik. September 14, 2020


https://ph.lovepik.com/image-401402099/cartoon-girl-sorting-garbage-
illustration.html

Transparent Singing Clip Art - Singing National Anthem Clipart. Cliparkey. September 14, 2020
https://www.clipartkey.com/view/wwTRww_transparent-singing-clip-art-singing-
national-anthem-clipart/

Quiet Library Clipart. Clipart. September 14, 2020


https://www.clipart.email/download/15721853.html

Group of people cleaning classroom. Dreamstime. September 14, 2020


https://www.dreamstime.com/group-people-cleaning-classroom-illustration-group-
people-cleaning-classroom-image134898900

Clipart Of Logging, Cute Home And Bahay - Cabin Clipart. Netclipart. September 14, 2020
https://www.netclipart.com/isee/hTmxoT_clipart-of-logging-cute-home-and-bahay-
cabin/

Pangangalaga sa Ating Kapaligiran. Sara Angela. Wordpress. July 23, 2015


https://saraangela30.wordpress.com/2015/07/23/pangangalaga-sa-ating-
kapaligiran/

Tindahan ni Aleng Nina. Johndel Deuna. WordPress. February 28, 2012


https://4e2012gruponiunana.wordpress.com/2012/02/28/tindahan-ni-aling-nena/

CLIPART LIBRARY 3
https://clipartstation.com/clipart-library-3/

Kids eating lunch at the canteen. Dreamstime. September 14, 2020


https://www.dreamstime.com/kids-eating-lunch-canteen-illustration-kids-eating-
lunch-canteen-image108581667

You might also like