Ap

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

Ap

KASAYSAYAN
PANAHONG PALEOLITIKO
LALAKE (NAGHAHANAP BUHAY)
BABAE (SA LOOB NG TAHANAN)

FEMINISMO
NAGKAROON NG MALAKING PAGBABAGO SA GAMPANIN NG MGA BABAE

LGBT
PAKSA: KONSEPTO NG SEX AT GENDER
SEX
tumutukoy sa kasarian - kung lalaki o babae.
lio rin ay maaaring tumukoy sa gawain ng babae at lalaki na ang layunin ay
reproduksiyon ng tao.
Ayon sa World Health Organization (2014), ito ay tumutukoy sa biyolohikal at
pisyolohikal na katangian na nagtatakda ng pagkakaiba ng babae sa lalaki
GENDER
umutukoy sa mga panlipunang gampanin, kilos, at ang gawain na itinatakda ng
lipunan para sa mga babae at lalaki. SA Ingles, Socially Constructed.

KATANGIAN NG SEX
(CHARACTERISTICS OF SEX)
BABAE
✓May buwanang regla
Lumalaki ang suso at ang suso nila ay may gatas
LALAKE
✓May bayag o testicle
✓ Mas Malaki ang buto ng mga lalake

Ap 1
KATANGIAN NG GENDER (CHARACTERISTICS OF GENDER)
➤Sa Vietnam, mas marami ang mga lalakeng naninigarilyo.
➤ Sa Estados Unidos, mas mababa ang kita ng mga lalake kaysa sa mga babae.
➤ Mas maraming bansa, ang gawaing bahay ay ginagawa ng mga babae.

ORYENTASYONG SEKSWAL (SEXUAL ORIENTATION)


tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na makaranas ng malalim na atraksiyong
apeksyonal, emosyonal, sekswal; at ng malalim na pakikipagrelasyon sa taong ang
kasarian ay maaaring katulad ng sa kanya, iba sa kanya, o kasariang higit sa isa.
(GALANG Yogyakarta)
➤tumutukoy sa iyong pagpili ng iyong makakatalik, kung siya ay lalaki o babae o
pareho.

PAGKAKAKILANLANG PANGKASARIAN (GENDER IDENTITY)


➤Kinikilala bilang malalim na damdamin at personal na karanasang pangkasarian
ng isang tao, na maaaring nakatugma o hindi nakatugma sa sex niya nang siya'y
ipanganak, kabilang ang personal na pagtuturing niya sa sariling katawan (na
maaaring mauwi, kung malayang pinipili, sa pagbabago ng anyo o kung ano ang
gagawin sa katawan sa pamamagitan ng pagpapaopera, gamot, o iba pang
paraan) at iba pang ekspresyon ng kasarian, kasama na ang pananamit,
pagsasalita, at pagkilos. (GALANG Yogyakarta)

GENDER EXPRESSION
tumutukoy sa paraan ng isang tao sa Pagpapahayag ng kanyang kasarian sa
pamamagitan ng kanyang kilos, pananamit at estilo ng buhok.

URI NG ORYENTASYONG SEKSWAL


HETEROSEXUAL
✓ mga taong nagkakanasang seksuwal sa miyembro ng kabilang kasarian, mga
lalaki na ang gustong makatalik ay babae at mga babaeng gusto naman ay lalaki

Ap 2
URI NG ORYENTASYONG SEKSWAL
HOMOSEXUAL
✓ mga nagkakaroon ng seksuwal na pagnanasa sa mga taong nabibilang sa
katulad na kasarian, mga lalaking mas gustong lalaki ang makakatalik at mga
babaeng mas gusto ang babae bilang sekswal na kapareha

LGBTQIPA+
LESBIAN
QUEER
GAY
INTERSEX
BISEXUAL
PANSEXUAL
TRANSGENDER
ASEXUAL

LESBIAN
✔ sila ang mga babae na ang kilos at damdamin ay panlalaki; mga babaeng may
pusong lalaki at umiibig sa kapwa babae (tinatawag sa ibang bahagi ng Pilipinas
na tibo at tomboy)

GAY
✓mga nakararamdam atraksyon lalaking ng sa kanilang kapwa lalaki; may iilang
bakla ang nagdadamit at kumikilos na parang babae (tinatawag sa ibang bahagi
ng Pilipinas na; bakla, beki, at bayot)

BISEXUAL FEMALE
BISEXUAL MALE
Bisexual

✓mga taong ng nakararamdam atraksyon sa dalawang kasarian

PANSEXUAL
✓Isang kilalang termino na tumutukoy sa pakiramdam na ang isa ay mayroon nang

Ap 3
potensyal para sa sekswal na atraksiyon, sekswal na pagnanais o romantikong
pag-ibig, patungo sa mga tao ng lahat ng mga pagkakakilanlan ng kasarian at
biyolohikal na kasarian.

TRANSGENDER
kung ang isang tao ay nakararamdam na siya ay nabubuhay sa maling katawan,
ang kaniyang pag-iisip at ang pangangatawan ay hindi magkatugma

QUEER
✔Ito ay katawagan na ginagamit ng ilang tao para ilarawan ang kanilang kasarian.
Sila ay hindi ekslusibong heterosexual. Kadalasan kaya nila ginagamit ang salitang
queer upang ilarawan ang kanilang kasarian ay dahil pakiramdam nila ay hindi
maaaring maikategorya ang kanilang sarili sa pagiging lesbian, gay o bisexual.

ASEXUAL
✓mga taong nararamdamang walang atraksiyong seksuwal sa anumang kasarian

INTERSEX
✔Tumutukoy sa iba't ibang kondisyon kung saan mayroong anumang hindi
pagkakatugma sa pagitan ng panlabas at panloob na sex organs ng isang
indibidwal, katulad ng mga testes at mga ovary.

HERMAPHRODITE

✔Kilala mas karaniwan bilang hermaphroditism/pseudohermaphroditism


ito ay hindi pambihira. Mahigit 1.7% ng populasyon.

APAT NA KATEGORYA NG INTERSEX


1. 46,XX intersex
Maaaring magmukhang lalaki sa panlabas at nagtataglay ng external genitals.
Subalit, may mga chromosome o mga ovary ng isang babae. Madalas itong
nangyayari kapag ang fetus ay naexpose sa labis na male hormones bago

Ap 4
ipanganak. Ang labia o ang mga tuli ng external female genitals ay nagsasama.
Lumalaki at nag-iiba ang iniaakalang klitoris na parang ari ng lalake. Maari pa ring
mapanatili ng isang tao ang kanyang matres at ang fallopian tubes sa
kapanganakan.

2. 46, XY intersex
➤Maaraing mayroong chromosome ng isang lalaki, ngunit nagtataglay ng
panlabas na ari ng babae, malinaw man to o hindi. Sa loob, ang mga testes ay
maaaring magmukhang normal, malformed o ganap na wala. Ang pagbuo ng
panlabas na ari ng lalaki ay nakasalalay sa balance sa pagitan ng mga hormone ng
lalake at babae

3. True gonadal intersex


May parehong ovarian at testicular tissues. Maaaring mayroon silang isang ovary
at isang testis, o bumubuo sila ng isang parehong gonad na tinatawag na
"ovotestis". Maaaring mayroon silang XX chromosome, XY chromosome o pareho.
Samanatala, ang panlabas na ari ay maaaring hindi maliwanag kung panlalaki ba
ito o pambabae o mukhang pareho.

4. Complex o undetermined intersex


Maaring magkaroon ng ilang chromosome maliban sa simpleng 46,XX o 46,XY.
Ilan sa mga ito ay kinabibilangan ng 45,XO; 47,XXY;47,XXX at iba pa. sa mga
kasong ito, ang mga indibidwal ay maaaring magkaroon ng dagdag na sex
chromosome, alinman sa dalawa, isang X man o Y.

TRADISYONAL NA PAGTINGIN
✓SEXISMO
Pagtinging ang isang kasarian ay nangingibabaw sa iba.
✔HETEROSEXISMO
Ang pag-aakalang ang lahat ng tao ay heterosekswal at pagtalaga dito na likas at
normal na sekswalidad ng lahat.
HOMOPHOBIA/

BIPHOBIA/

Ap 5
TRANSPHOBIA
Pagturing o pagtingin sa mga taong ICBT n masama

✓Gender Bias
Nagkakaroon nh hindi pagkakapantay sa kasarian at umiiral ang isa at hindi gusto
ang isa.

Gender Equality
Nangangahulugan na ang mga kababaihan, kalalakihan at maging ang LGBTQIPA+
ay may pantay-pantay na Karapatan at responsibilidad sa lipunang kinabibilangan

✓Gender Sensitivity
Maaring magkaroon ng iba't ibang manipestasyon. Ito ay maaaring ipakita sa
pamamagitan ng pagbibigay respeto, compassion at pag-unawa.
Tayo ay inaasahang maging bukas ang isip at unawain ang pagkakaiba-iba ng
ating kapwa at kasama na rito ang gender.

Ap 6

You might also like