Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

LEARNING ACTIVITY SHEET

IKALAWANG SEMESTRE (Quarter 4, Week 2)

Pangalan:____________________________Baitang/Seksyon: ______Iskor:______
Asignatura: FILIPINO 11: Pagbasa at Pagsusuri Guro: _____________ Petsa: _____
Pamagat ng Gawain: Pagsusuri ng ilang pananaliksik batay sa layunin, gamit, metodo,
at etika ng pananaliksik.
I. Uri ng Gawain: / Pagpapaunawa ng konsepto

Pangkalahatang Pagsusulit ( Gawaing Pasulat Gawaing Pagganap)

II. MELC: Nasusuri ang ilang halimbawang pananaliksik sa Filipino batay sa layunin,
gamit, metodo, at etika ng pananaliksik F11PB – IVab – 100

III. Layunin ng Pag-aaral:


a. Naitatala ang mahahalagang salitang may kaugnayan mga metodo ng
pananaliksik.
b. Nasusuri ang ilang pananaliksik batay sa layunin, gamit, metodo, at etika
ng pananaliksik.
IV. Sanggunian:
Para sa Print Material/s: Pinagyamang Pluma 11 (Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang
Teksto Tungo sa Pananaliksik). Alma M. Dayag at Mary Grace G. Del Rosario. p. 121-
131 at p. 134-138.
Para sa Online Resources:
Google.com/https://www.google.com/search?q=internet&sxsrf=ALeKk0004S
Google.com/https://www.coursehero.com/file/55382595
Google.com/https://www.academia.edu/31298264/
Google.com/https://joanamaevaldez.blogspot.com/2019/01/
Google.com/https://www.academia.edu/36105031/
Google.com/https://quizlet.com/250084051/
July 6, 2020

1
VI. Pagpapaunawa ng konsepto:
Etika ng Pananaliksik
Narito ang ilang paalala sa pagpapanatili ng etika sa pagbuo ng pananaliksik.
1. Bigyan ng proteksyon at igalang ang karapatan ng mga kalahok sa pag-aaral.
 Dapat itaguyod ang kaligtasan at karapatan ng mga kalahok sa pag-aaral sa
kabuuang proseso. Mahalaga na maabisuhan ang mga kalahok sa pag-aaral sa
pamamagitan ng isang pormal na sulat o pormal na pakikipag-usap.
2. Kilalanin at banggitin ang mga sangguniang ginamit sa pananaliksik.
 Ang tamang pagkilala at pagbanggit sa may-akda ng babasahin ay pamamaraan
upang ipakita ang paggalang sa intelektuwal na karapatan ng mga may-akda at
upang maiwasan din ang plagiarism na maaaring maglagay sa kanila sa
alanganin sa hinaharap.
3. Humingi ng pahintulot sa mga institusyon at organisasyon kaugnay ng ginagawang
pananaliksik.
 Kailangan ng mananaliksik na lumiham sa mga tagapamahala ng mga silid-
aklatan o museo na sa tingin niya ay nagtataglay ng mga dokumento para sa
kaniyang pag-aaral.
4. Huwag manipulahin ang mga datos at maging tapat sa paggamit nito.
 Ang mananaliksik ang pagiging tapat sa lahat ng pagkakataon. Ang pag-iimbento
ng mga kalahok o pagbabayad dito upang magpanggap ay mariing
ipinagbabawal sa etika ng pananaliksik. Mahalaga ring mapangalagaan ng
mananaliksik ang mga impormasyong nakalap buhat sa kalahok. Hindi dapat
manipulahin ang datos para lamang sumang-ayon ang sagot sa kagustuhan ng
mananaliksik
Mga Metodo ng Pananaliksik

Kwalitatibong Pananaliksik
 Ito ay metodo ng pananaliksik na inituring na nonnumerical o hindi nabibilang.
Ang mga datos ay itinatala at binibigyang-interpretasyon gaya ng open-ended
surveys, panayam, at mga detalyadong deskripsyon na kalimitang ginagawa sa
iba’t ibang disiplina o larangan.
Kwantitatibong Pananaliksik
 Ito ay metodo ng pananaliksik na nakatuon sa numerical na datos. Ayon kay
Babbie (2010), tuon nito ang obhetibong panukat, at mga numerikal na pagsusuri
ng mga nakalap na datos. Sa ganitong pananaliksik, naiiwasan ang pagkiling

2
sapagkat ang mga datos ay nakabatay sa estadistika na ginamitan ng isang
estandardisadong numerikal na pormula.
Pagsusuri sa Abstrak ng Pananaliskik (Isang Halimbawa)
Mga Epekto ng Maagang Pagbubuntis sa Sosyo-Ekonomikong Kalagayan ng mga
batang ina sa Brgy. Conception, General Tinio, Nueva Ecija
Layunin ng pag-aaral na ito na alamin ang mga epekto ng maagang pagbubuntis
sa sosyo-ekonomikong kalagayan ng mga batang ina. Ang mananaliksik ay nagsagawa
ng panayam sa mga babaeng maagang nag-asawa sa Brgy. Concepcion, General
Tinio, Nueva Ecija. Pinag-aralan ang karanasan ng kinapanayam na naging dahilan ng
kanilang maagang pag-aasawa.
Sa pananaliksik na ito, natuklasan na magkakaiba ang dahilan ng pag-aasawa
sa murang edad ng mga kababaihan at ito ay dulot ng kani-kanilang natatanging
karanasan. Napatunayan sa pananaliksik na ang katangian ng mga babaeng maagang
nag-asawa ay maaaring magdulot ng iba’t ibang epekto sa kanilang paggawa ng
desisyon sa pagpaplano ng pamilya. Ang pananaliksik ay tinatanaw na isang ambag
para sa karagdagang kaalaman sa maagang pagpapamilya.
1. Anong uri ng pananaliksik ang angkop sa pananaliksik na ito?
 Basic Research dahil ang resulta nito ay makapagbibigay ng karagdagang
impormasyon sa isang kaalamang umiiral na sa kasalukuyan.

2. Ano ang layunin ng pananaliksik?


 Upang makatuklas ng bagong kaalaman ang layunin ng pananaliksik na ito.
Layunin ng pag-aaral na ito na matuklasan ang mga epekto ng maagang
pagbubuntis sa sosyo-ekonomikong kalagayan ng mga batang ina.

3. Ano ang metodo na ginamit sa pananaliksik?


 Ito ay isang halimbawa ng kwalitatibong pananaliksik. Ang mga datos nakalap
sa pamamagitan ng pakikipanayam. Ang pakikipanayam na ito ang binigyang-
interpretasyon sa pananaliksik upang maisa-isa ang mga epekto ng maagang
pagbubuntis.
4. Anong katangian ang nangingibabaw ng pananaliksik na binasa?
 Ang mga katangiang nangingibabaw sa pananaliksik na ito ay ang pagiging
napapanahon at empirikal nito. Napapanahon dahil ito ay may kaugnayan sa
suliraning pangkasalukuyan. Empirikal naman dahil ang kinalabasan ng
pananaliksik ay batay sa mga nakalap na datos mula sa tunay na na-obserbahan
ng mananaliksik.

3
Kaya Mo Ito
Gawain 1
Panuto: Unawain ang mga tanong at isulat ang titik ng iyong sagot.
1. Ano ang iginagalang ng mananaliksik sa pagbibigay ng tamang pagkilala at
pagbanggit sa may-akda ng babasahing ginamit bilang bahagi sa pananaliksik?
a. pangalan ng may-akda c. kredibilidad
b. Intelektuwal na karapatan d. kakayahan ng may-akda
2. Ano ang nararapat ibigay sa mga kalahok o tagatugon ng pananaliksik bago
magsimula sa pangangalap ng datos?
a. pormal na sulat o pakikipag-usap. c. kopya ng pananaliksik
b. pahintulot d. layunin ng pananaliksik
3. Anong mga datos ang binibigyang-interpretasyon sa kwantiteytib na pananaliksik?
nonnumerical o hindi nabibilang?
a. numerical c. nasusukat
b. nabibilang d. nonnumerical
4. Anong suliranin ang iniiwasan ng mananaliksik sa pagkilala at pagbanggit ng mga
may-akda ng mga ginamit na impormasyon?
a. plagiarism c. copyright
b. pagnanakaw d. kawalan ng pahintulot
3. sa kwantiteytib na pananaliksik, ano ang ginagamit sa pagbuo ng kongklusyon o sa
pagbibigay-interpretasyon?
a. numerical c. nasusukat
b. nabibilang d. nonnumerical

Gawain 2
Panuto: Isulat ang salitang Tama sa kung ang pahayag ay makatotohanan at salitang
Mali naman kung hindi makatotohanan.

1. Ang ilang instrumento na ginagamit sa kwantitatibong pananaliksik ay open-ended


surveys at panayam.
2. Maiiwasan ang pagkiling o pagiging subhetibo sa pananaliksik sa pamamagitan ng
paggamit ng estadistika sa pagbibigay-interpretasyon ng mga datos.
3. Mahalaga na maabisuhan ang mga kalahok sa pag-aaral sa pamamagitan ng isang
pormal na sulat o pormal na pakikipag-usap.
4. Sa pagpapanatili ng etika, nararapat humingi ng gabay sa mga institusyon at
organisasyon kaugnay ng ginagawang pananaliksik.
5. Ang mananaliksik ay nararapat maging tapat sa lahat ng bahagi ng pananaliksik.

4
GAWAIN 3
Panuto: Magtala ng tatlong susing salita o keyword na may kaugnayan sa dalawang
metodo ng pananaliksik.
Kwalitatibong Pananaliksik Kwantitatibong Pananaliksik
1. 1.
2. 2.
3. 3.

Marami Ka Pang Magagawa


Gawain 4
Panuto: Unawain ang teksto at sagutin ang katanungan pagkatapos nito.
Espasyo ng Wikang Filipino sa Pagtuturo ng Matematika

Pangkalahatang layunin ng pag-aaral na malaman kung may espasyo ang


Filipino sa klase ng Matematika. Ginawa ang sumusunod na hakbang upang
maisakatuparan ang pag-aaral: pagmamasid sa mga klase; pagsasagawa ng focus
group discussion at pakikipanayam sa mga guro at mag-aaral; at mula rito ay
makabubuo ng mungkahing patakarang pangwika. Sa isinagawang pagmamasid ng
mananaliksik, lumabas na may mga pagkakataong gumagamit pa rin ang mga mag-
aaral at guro (malay o di-malay) ng Filipino sa asignaturang Matematika. Maituturing ito
bilang wikang pantulong sa iba’t ibang yugto ng klase sa Matematika.
Pinatunayan ng pananaliksik na ito na may espasyo ang Filipino sa Matematika
bilang wikang pantulong; napadadali ang pagtalakay sa Matematika sa tulong ng
Filipino; at ang pagpapairal ng patakarang pangwika ay kailangan upang
maisakatuparan ang ganap na espasyo ng Filipino sa paaralan. Iminumungkahi na
ipatupad ang mungkahing patakarang pangwika na nabuo batay sa resulta ng
pananaliksik.
1. Sa anong uri ng pananaliksik nabibilang ang binasang teksto?
2. Ano ang layunin ng pananaliksik?
3-5. Ano-anong katangian ang nangingibabaw sa pananaliksik na binasa?

Gawain 5
Panuto: Ano ang metodo ng pananaliksik na angkop sa binasang Espasyo ng Wikang
Filipino sa Pagtuturo ng Matematika? Pangatwiranan ang sagot.

5
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

Gawain 6
Panuto: Suriin ang abstrak ng pananaliksik sa ibaba at sagutin ang mga katanungan
pagkatapos nito.
Mga Paraan ng Pagkatuto ng Mga Mag-aaral

Gamit ang isang survey kung saan sumagot ang 250 na lalake at 270 na
babaeng estudyante, nais naming ipakita ang mga iba’t-ibang teknik at metolohiyang
ginagamit ng mga mag-aaral sa Pilipinas upang makapag-aral nang husto. Ang aming
pananaliksik ay tumagal ng isang buwan.
Ang mananaliksik ay gumamit ng software gaya ng SPSS upang masuri at
maintindihan nang maigi ang mga datos na nakalap. Batay sa aming mga nakalap na
datos, karamihan sa mga estudyanteng mas nagtatagumpay sa
sekondaryang edukasyon ay hindi gumagamit ng teknik na kung tawagin ay “rote
learning”. Karamihan sa kanila ay gumagamit ng kanya-kanyang proseso upang
makalap ng impormasyon at matandaan ang mga aralin.
1. Sa anong uri ng pananaliksik nabibilang ang binasang teksto?
2. Ano ang layunin ng pananaliksik?
3-5. Ano-anong katangian ang nangingibabaw sa pananaliksik na binasa?

Subukin ang Iyong Sarili


Gawain 7
Panuto: Ano ang metodo ng pananaliksik na angkop sa binasang Mga Paraan ng
Pagkatuto ng Mga Mag-aaral? Pangatwiranan ang sagot.
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

Gawain 8
Panuto: Unawain ang teksto at sagutin ang katanungan pagkatapos nito.
Kakulangan ng Kaalaman Tungkol sa Batas Laban sa Child Abuse
Kung tatanungin ang isang bata ukol sa kaniyang mga karapatan, siguradong
may mga batang hindi alam kung ano ang isasagot. Kung tatanungin naman ang mga

6
karaniwang teenager, may mga magsasabi na hindi sapat ang batas na inilathala para
sa child abuse, dahil marami pa rin ang patuloy na inaabuso.
Ayon kay Tanner C. (2014), hindi sapat ang mga batas kung hindi rin naman
alam ng mga mamamayan, dahil hindi rin naman nila ito masusunod. Araw-araw,
parami nang parami ang mga batang naaabuso na hindi nabibigyan ng sapat na tulong
at hustisya. Ayon sa isang pag-aaral, sa 2400 na mga nabibiktima ng iba’t ibang klase
ng abuso, 57 sa mga biktima ng abuso ay mga menor de edad. Dahil sa kakulangan ng
kaalaman tungkol sa batas laban sa child abuse, hindi alam ng nakararami kung paano
umaksyon at ano ang mga kailangang ebidensya na magpapatunay sa abuso na
nangyayari.Upang malaman ang lebel ng kaalaaman ng mga tagatugon, ginamit ang
mean score batay sa tseklis na ginamit sa pagkuha ng mga datos.

1. Sa anong uri ng pananaliksik nabibilang ang binasang teksto?


2. Ano ang layunin ng pananaliksik?
3-5. Ano-anong katangian ang nangingibabaw sa pananaliksik na binasa?

Gawain 9
Panuto: Ano ang metodo ng pananaliksik na angkop sa binasang Kakulangan ng
Kaalaman Tungkol sa Batas Laban sa Child Abuse? Pangatwiranan ang sagot.
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

Dagdagan Mo Pa
Gawain 10
Panuto: Unawain ang teksto at sagutin ang katanungan pagkatapos nito.
Pagdebelop ng Aklat sa Pagtuturo ng Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik
Ang pag-aaral na ito ay mayroong layuning bumuo ng aklat sa Pagbasa at
Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Batay sa naging ebalwasyon
ng tatlong ebalweytor, mayroong mataas na baliditi ang nabuong aklat. Ang nilalaman
na mayroong overall mean na 4.85 (Lubos na Katanggap-tanggap); pormat na 4.65
(Lubos na Katanggap-tanggap); presentasyon at kaayusan na 4.64 (Lubos na
Katanggap-tanggap); at kawastuhan ng mga impormasyon na maryoong overall mean
na 4.53 (Lubos na Katanggap-tanggap). Sa kabuuan, ang gabay sa pagtuturo ay
mayroong grand mean na 4.66 at ito ay nangangahulugang ang aklat nabuo ay
mayroong mataaas na baliditi o lubos na katanggap-tanggap.
Batay sa resulta ng ebalwasyon, ang aklat na nabuo ay angkop at maaaring
ipagamit sa mga guro bilang bahagi ng susunod na isasagawang pag-aaral at ito ay
ang pag-alam sa epekto at pakinabang nito sa aktuwal na pagtuturo at pagkatuto.

7
1. Sa anong uri ng pananaliksik nabibilang ang binasang teksto?
2. Ano ang layunin ng pananaliksik?
3-5. Ano-anong katangian ang nangingibabaw sa pananaliksik na binasa?

Gawain 11
Panuto: Ano ang metodo ng pananaliksik na angkop sa binasang Pagdebelop ng
Aklat sa Pagtuturo ng Pagbasa at Pagsusuri? Pangatwiranan ang sagot.
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

Gawain 12
Panuto: Sa iyong sariling pananaw, bakit mahalagang mapag-aralan ang layunin, etika,
metodo, at katangian ng pananaliksik bago sumabak sa pagbuo ng sulating
pananaliksik? Sagutin ang tanong na ito gamit ang lima o higit pang pangungusap.
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

8
9

You might also like