Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

CHILDHOOD MEMORIES

Nung mga bata pa ako, sa may kalsada ako'y naglalaro.


Mga kaibigan kong kasama sa laro, kahit saan ay ligaya.
Mga larong puno ng saya, ang ala-ala'y kailanman di mawawala.
Ginugunita ang magagandang araw,Pagkabata'y kayamanan, alaala'y
lagi sa puso

Sa pagtakbo at tawanan, ay diyan lang sa aming bakuran.


Sa mga bawat galaw, ang puso ay puno ng kasiyahan.
Sa mga laro sa paaralan, ligaya at saya’y walang katumbas.
Bawat laro aking nagagawa, ang aking nadadaramang saya'y hindi
nauubos

Pagdating ng hapunan, kasama ang pamilya, sa harap ng hapag-kainan.


Puno ng alaala sa hapag-kainan, ramdam ang tamis ng pagkabata
Pagkabata ay naalala, sa puso ay walang hanggan na ligaya.
Mga alaala ng pamilya, puno ng mga kwento ng pagmamahalan

sa bawat kuwento na kinukuwento samin, puso’y pumupuno ng saya.


Sa mga gabi't ang kuwentuhan, sa ilalim ng mga bituin.
Mga tawanan at hagikhik namin, musika ay ang kasiyahan namin.
Sa mga bawat tawa, ang alaala ay nagbibigay ng ligaya.

Sa mga bawat pag-gunita sa ating nakaraan, ay ating pinahahalagahan


Sa sulyap sa nakaraan, ang ating saya'y bumabalik sa puso.
Bawat alaala, tulay sa ligaya't pag-asa sa ating mga puso.
Sa bawat pagala-ala ng ating pagkabata, matatandaan nating masasayang
araw.

You might also like