QT1_PT_FILIPINO

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV– A CALABARZON
Schools Division of Lipa City
Lodlod Elementary School

TABLE OF SPECIFICATION
FIRST PERIODIC TEST
FILIPINO 6
COGNITIVE DOMAIN AND ITEM
PLACEMENT
60% 30% 10%

No. of Days Taught


Most Essential Learning Competencies (34) (12) (4)

Type of Test
% of Items
No. of Items
CODE
(MELCs)

Understanding
Remembering

Evaluating
Analyzing
Applying

Creating
F6PN-Ia-g-3.1
Nasasagot ang mga tanong tungkol sa 3
F6PN-Ia-g-3.1 8% 8
napakinggang/nabasang pabula, kuwento, 4 4 1 (F) (C)9
F6PB-Ic-e-3.1.2 (C)
tekstong pang-impormasyon at usapan (C)
F6PN-Ia-g-3.1

4
(C)
F6PB-If-3.2.1 Nasasagot ang tanong na bakit at paano 3 3 2 (F)
6% 5
(C)
11

Maramihang Pagpili
(F)
Nagagamit nang wasto ang mga pangngalan
10 12
F6WG-Ia-d-2 at panghalip sa pakikipag-usap sa iba’t ibang 4 4
8% (F) (F)
sitwasyon
13
(F)
6
Nabibigyang kahulugan ang kilos at pahayag 6% 14 (C)
F6PN-Ic-19 3 3
ng mga tauhan sa napakinggang pabula (F) 7
(C)
15
(F)
16
F6PN-Ij-28 Nabibigyang kahulugan ang sawikain 3 3
6% (F)
17
(F)
18 Pagsu
Napagsunod-sunod ang mga pangyayari sa (P) sunod-
F6PB-Ib-5.4 kuwento sa tulong ng nakalarawang 19 sunod
3 3
F6RC-IIe-5.2 balangkas at 6% (P)
pamatnubay na tanong 20
(P)
21 Mara
(C) mihan
Nakapagbibigay ng hinuha sa kalalabasan
F6PN-Id-e-12 22 g
ng mga pangyayari bago, habang at 3 3
F6PB-IIIf-24 6% (C) Pagpili
matapos ang pagbasa
23
(C)

Nagagamit ang magagalang na pananalita


24
F6PS-Id-12.22 sa iba’t ibang sitwasyon:
(F)
Tama o Mali

F6PS-IIc-12.13 • sa pagpapahayag ng saloobin/damdamin,


25
F6PS-IIIf-12.19 • pagbabahagi ng obserbasyon sa paligid 3 3 6%
(F)
F6PS-IVg-12.25 • pagpapahayag ng ideya
26
F6PS-IVh-12.19 • pagsali sa isang usapan
(F)
• pagbibigay ng reaksiyon

Address: Lodlod, Lipa City


Telephone/ Cellphone No: 09177785381
Email Address: lodlodes1946@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV– A CALABARZON
Schools Division of Lipa City
Lodlod Elementary School

27
Nagagamit nang wasto ang mga panghalip 10% 28
na panao, paari, pananong, pamatlig, 29
F6WG-Ia-d-2 5 5
pamaklaw sa pakikipag-usap sa iba’t ibang 30
sitwasyon 31
(F)
32

Maramihang Pagpili
(F)
33
Nasusuri ang mga
F6PD-If—10 (F)
kaisipan/tema/layunin/tauhan/tagpuan at
F6VC-IIe-13 3 4 8% 34
pagpapahalagang nakapaloob
F6PD-IIIh-1-6 (F)
sa napanood na maikling pelikula
35
(F)

Nakapagbibigay ng sarili at maaring 6% 36


F6PS-Ig-9 solusyon sa isang suliraning naobserbahan 3 3 37
sa paligid (C)

38 Mara
Nakapagbibigay ng angkop na pamagat sa 39 mihan
F6PB-Ig-8 2 2
binasang/ napakinggang talata 40 g
4% (C) Pagpili
/Pagtu
41
Naipapahayag ang sariling opinyon o 6% koy
42
F6PS-Ij-1 reaskyon sa isang napakinggang balita isyu 3 3
43
o usapan
(C)
44 Mara
(F) mihan
Nagagamit ang pangkalahatang sanggunian 45 g
F6EP-Ib-d-6 3 3
sa pagsasaliksik 6% (F) Pagpili
46
(F)
F6PU-Id-2.2
Nakasusulat ng kuwento; talatang 8% 47 Essay
F6PU-If-2.1 4 4
nagpapaliwanag at nagsasalaysay (M)
F6PU-Ih-2.1
100
TOTAL 49 50 10 30 4 2 0 4
%
Prepared by:

ZARA JANE M. MARALIT


Teacher III

Validated by:

GLENDA R. BUBAN
Master Teacher II
Noted:

LOURDES E. DE JESUS
Principal III

PANGALAN: ISKOR: _________


BAITANG AT SEKSYON:

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 6

Address: Lodlod, Lipa City


Telephone/ Cellphone No: 09177785381
Email Address: lodlodes1946@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV– A CALABARZON
Schools Division of Lipa City
Lodlod Elementary School

I. Panuto: Basahin at uanwain ang pabula. Piliin ang titik ng tamang sagot.

Si Togak at ang Gintong Uwak


Noong unang panahon ay may isang ibon na nakatira sa kagubatan na ubod ng itim at may mapupulang mga mata. Ang pangalan ay
Togak. Dahil sa kaniyang anyo ay nahihiya itong lumapit at makipaglaro sa iba dahil baka pagtawanan lamang siya ng mga ito. Kaya palagi siyang
nag-iisa at nagdarasal na sana ay maging maganda ang kaniyang anyo tulad ng iba.
Isang araw, habang naghahanap ng pagkain si Togak ay may narinig siyang tumawag sa kanya. Agad na lumapit si Togak at nakita niya
ang isang magandang diwata. “Ako si Inang diwata. Ang diwata ng mga ibon. At narito ako para tuparin ang iyong kahilingan ngunit sa isang
kondisyon,” wika ng diwata Kailangan mong magpakita ng magandang asal at huwag ipagmalaki kung ano man ang iyong kaanyuan. Kung hindi,
ikaw ay babalik sa dati mong anyo,” malinaw na sabi ng diwata. At isang kumpas lang ng kamay ng diwata naging kulay ginto ang kaniyang mga
balahibo at naging maamo ang kaniyang mga mata. “Maraming salamat!” Masayang sabi ni Togak sa diwata.
Habang naglalaro sina Kalapati, Kuwago at Maya ay napansin nilang napakaliwanag at kulay ginto ang mga balahibo ni Togak. Inggit na
inggit sa kaniya ang mga ito. “Togak, puwede bang makipag-kaibigan?” Sabi nila. “Ayokong makipag-kaibigan sa mga mabababang uri,” pahambog
na sabi ni Togak. “Umalis kayo sa harapan ko, ayokong makipag-kaibigan sa mga katulad niyo!” Pagyayabang na sabi ni Togak sa mga ito.
“Talagang nagbago na nga si Togak mula ng maging ginto ang kaniyang mga balahibo.” Wika ni Kuwago. “Oo nga, talagang wala na siyang
kinikilalang kaibigan.” Sabi naman ni Maya.
Kaya isang araw habang naglalakad si Togak ay nagpakita muli sa kaniya ang diwata. “Togak, dahil sa ipinakita mong masamang pag-
uugali at pagiging hambog, ikaw ay babalik sa dati mong anyo.” Wika ng diwata. At sa isang iglap lang ay bumalik nga ang dating anyo ni Togak na
sobrang itim at mapupula ang mga mata. Kaya umuwi si Togak na luhaan at hiyang hiya sa sarili. At ng papauwi siya ay nasalubong niya sina
Kalapati, Kuwago at Maya. “Puwede bang makipagkaibigan sa iyo?” Sabi ni Kuwago. “Kahit na ganito ang anyo ko,”malumanay na sabi ni Togak.
“Hindi naman panlabas na anyo ang basihan sa pakikipagkaibigan, ang importante ay tanggap ninyo ang isa’t isa.” wika ni Kalapati. Kaya
mula noon ay masayang masaya na si Togak sa mga bago nitong kaibigan. Kahit na ubod ng itim at mapupula ang mga mata ay wala na siyang
ikinahihiya. Dahil tanggap siya ng mga ito ano man ang kaniyang anyo.
1. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?
A. diwata B. kalapati C. Togak D. Maya
2. Ano ang pamagat ng kuwento?
A. Si Togak at ang Gintong Uwak C. Ang Gintong Uwak at si Togak
B. Si Togak at ang Uwak D. Ang mga ibon
3. Bakit umiiwas si Togak sa ibang ibon?
A. ayaw niyang makipaglaro sa ibang ibon at baka masaktan lamang siya
B. nahihiya siyang lumapit sa iba dahil sa kaniyang anyong ubod ng itim at may mapupulang mata
C. ayaw niyang pagtawanan ang kaniyang anyong ubod ng itim at may malalaking paa
D. baka pagtawanan ang kaniyang maputing balahibo at malaking mata
4. Anong ugali ang ipinakita ni Togak sa unang bahagi ng kuwento?
A. mabait C. mahiyain
B. mapagpakumbaba D. hambog at mayabang
5. Bakit bumalik sa dating anyo si Togak?
A. dahil sa nagging masamang ugali ni Togak C. dahil siya ay palakaibigan
B. dahil siya ay mahiyain D. dahil ayaw niyang makilala siya nina Kalapati, Kuwago, at Maya
6. Paano binago si Togak sa kaniyang bagong anyo?
A. naging palakaibigan C. sumikat siya
B. palaaway D. hambog at mayabang
7. “Ayokong makipagkaibigan sa mabababang uri”, sabi ni Togak. Anong ugali ang ipinakita ni
Togak batay sa kanyang sinabi?
A. mapagpakumbaba C. mabait
B. masayahin D. mapagmata
8. Kung ikaw si Togak, paano mo dadalhin ang iyong sarili bilang isang batang may ubod ng itim na balat?
A. hindi ako lalapit sa iba
B. hindi ko ikakahiya at ipagmamalaki ko ang biyayang bigay ng Diyos
C. magtago at iiwas sa ibang bata baka ako ay kutyain
D. sisihin ko ang Diyos dahil ginawa niya akong iba sa lahat
9. Aling talata sa kuwento ang magbibigay inspirasyon sa iba at nagpapakita ng pagkapantay-pantay?
A. 5 B. 4 C. 3 D. 2
10. Si Togak ay isang ibong ubod ng itim at may mapupulang mga mata. Anong uri ng pangngalan ang nakasalungguhit?
A. pantangi B. basal C. pambalana D. lansakan
11. “Ako’y nabighani kay Maria dahil sa di-makabasag pinggang kilos niya.” Ano ang kahulugan ng sawikaing may salungguhit?
A. Magaslaw B. Mabait. C. Malambing D. Mahinhin

12. Naging kulay ginto ang balahibo ni Togak ngunit ito ay nagpabago sa kaniyang ugali. Tukuyin ang pangngalang ginamit sa pangungusap.
A. nito B. Togak C. kulay D. ugali
13. Habang naglalaro sina Kalapati, Kuwago at Maya ay napansin nilang napakaliwanang at kulay ginto ang mga balahibo ni Togak. Anong uri
ng pangngalan ang nakasalungguhit?

Address: Lodlod, Lipa City


Telephone/ Cellphone No: 09177785381
Email Address: lodlodes1946@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV– A CALABARZON
Schools Division of Lipa City
Lodlod Elementary School

A. lansakan B. tahas C. pambalana D. pantangi


14. “Hindi naman panlabas na anyo ang basihan sa pakikipagkaibigan. Ang importante ay tanggap ninyo ang isa’t isa.” wika ni Kalapati. Ano
ang ipinahihiwatig ng katagang sinabi ni Kalapati?
A. Huwag husgahan ang kapwa. C. Maging mapanuri sa lahat ng oras.
B. Magtiwala sa sarili. D. Ipagmalaki ang kakayahan sa iba.
15. “Ako’y nabighani kay Maria dahil sa di-makabasag pinggang kilos niya.” Ano ang kahulugan ng sawikaing may salungguhit?
A. Magaslaw B. Mabait. C. Malambing D. Mahinhin
16. Aling sawikain ang bubuo sa ideya ng pangungusap, “Nalulungkot si Ema. Dalawang taon na niyang pinag-iipunan ang pinapangarap na
washing machine subalit hindi pa rin niya mabili dahil talagang _______________ pa rin sila.”
A. suntok sa buwan C. kapit-bisig
B. bantay-salakay D. isang kahig, isang tuka
17. Sabi ni Julia sa asawa, “Itaga mo sa bato, kahit hindi nila ako tulungan aangat ang ating kabuhayan.” Ano ang ibig sabihin ng sawikain na
ginamit sa pangungusap?
A. mananaga si Julia C. pupukpukin ni Julia ang bato
B. tutuparin ni Julia nang walang sala ang kanyang sinabi D. tatagain ni Julia ang bato

II. Pagsunud-sunurin ang mga pangyayari sa tulong ng nakalarawang balangkas. Isulat ang bilang 1, 2 at 3 sa patlang.
18. Unang-una, ito ay nagmula sa isang itlog. Pangalawa, ito ay nagiging higad na kumakain ng
mga dahon ng halaman.
19. Ang isang paruparo ay dumaraan sa isang paghali-halili.
20. Pagkatapos, ito ay nagiging pupa na nagkukuibli sa isang bahay nakung tawagin ay “cocoon”.
Sa wakas, matapos ang mahimbing na pagkakatulog ay lalabas ito sa kanyang bahay at
Nagiging isang napakagandang paru-paro.

III. Suriin ang mga sumusunod na pangyayari/sitwasyon. Piliin ang angkop na hinuha sa bawat pangyayari.
21. Patuloy ang pagtatapon ng tao ng basura sa ilog
A. Dudumi ito at mamatay lahat ang isda rito
B. Magiging malinis ang kapaligiran dahil sa pagtapon ng basura sa ilog.
C. Magiging malusog ang isda sa ilog
D. Maging sariwa ang hangin ng mga taong nakatira malapit sa ilog.
22. Paglanghap ng makapal at maitim na usok na ibinubuga ng tambutso ng sasakyan.
A. Ito ay nakapagdudulot ng kaginhawaan sa mga tao
B. Maraming magkakasakit sa baga.
C. Magiging maliksi ang mga tao dahil sa usok na kanilang nilalanghap
D. Ang mga puno sa paligid ay magiging malusog.
23. Dala-dala ang baong pagkain at ilawan, sumakay sa bangka at pumalaot na ang mag-ama.
A. Ang mag-ama ay mangingisda sa dagat C. Ang mag-ama ay maliligo sa dagat
B. Ang mag-ama ay magliwaliw sa dagat D. Ang mag-ama ay nagkayayaan tingnan ang dagat.

IV. Tama o Mali. Isulat ang TAMA kung ang sitwasyon ay nagpapahayag ng magalang na pananalita at MALI naman kung hindi.
24. Magsitigil na kayo, magtatawag ako ng pulis dahil nakakagulo na kayo eh.
25. Tuloy po kayo sa aming munting tahanan.
26. Nabutas yata ang gulong ivulcanize mo nga.

V. Basahin ang mga pangungusap at piliin ang panghalip na ginamit.


27. Ang aking pangalan ay si Mary Joy.
28. Mahalin natin ang wikang Filipino.
29. Ito ang paboritong pagkain ng bata.
30. Hayun sa sanga ng kahoy ang pugad ng ibon.
31. Ito pala ang sinasabing pinakamalinis na paaralan.

32. Ito ay tumutukoy ito sa pangkalahatang konsepto ng palabas at ang inaasahang epekto nito sa manood gaya ng pag-ibig, pag-asa at
karahasan.
A. Tema B. Layunin C. Tauhan D. Tagpuan
33. Ito ay ang tunog habang may eksena at nabibigay- buhay sa bawat eksena.
A. Musika B. Iskrip C. Tagpuan D. Pagpapahalaga
34. Sila ang nagbibgay- buhay o gumaganap sa karakter sa pelikula.
A. Kaisipan B. Layunin C. Tauhan D. Sinematograpiya
35. Anong elemento ng maikling pelikula ang tumutukoy sa pagbabago ng kulay at anggulo ng kuha ng kamera na mas lalong nagpapatingkad
sa masining na takbo ng istorya?
A. Tema B. Musika C. Tagpuan D. Sinematograpiya

Address: Lodlod, Lipa City


Telephone/ Cellphone No: 09177785381
Email Address: lodlodes1946@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV– A CALABARZON
Schools Division of Lipa City
Lodlod Elementary School

VI. Basahin ang bawat sitwasyon. Ibigay ang maaaring solusyon dito.
36. Nakagawian na ng mga tao sa barangay ang pagsunog ng basura na siya pa lang dahilan ng pagkakasakit ng mga bata ng asthma. Ano
ang maaaring solusyon mo sa ganitong suliranin.
A. Ilagay sa loob ng buho at sunugin ang mga basura.
B. Iwanan lang sa daanan ang mga basura.
C. Itapon ang mga basura sa ilog, sapa, at dagat.
D. Ipunin at i-segregate ang mga basura at itapon sa tamang tapunan.

37. Maraming namamatay sa kabilang barangay dahil sa sakit na Dengue. Ano ang maaaring solusyon nito?
A. Tumulong sa paglilinis ng sambayanan.
B. Huwag ng tumulong dahil marami naman ang gumagawa ng paglilinis.
C. Ipaubaya na lang ang lahat sa mga opisyal ng barangay.
D. Gumamit ng pesticides napamatay sa lamok.

38. Umiigib kayo ng tubig sabalon. Isangumaga kukuha ka na sana ng tubig nang maamoy mong may amoy gasolina pala ito. Ano ang iyong
gagawin?
A. Manahimik na lamang.
B. Umuwi agad at huwag na lang umigib ng tubig.
C. Humingi ng tulong para malinisan ang balon.
D. Ipatuloy ang pagkuha kahit na alam mong amoy gasolina ang tubig.

VII. Basahin at unawain ang bawat talata at piliin ang angkop na pamagat.
39. Sakay ng isang malaking bus ay tinungo ni Rita at ng kaniyang ina ang Capiz. Dumiretso sila sa isa sa mga kilalang lugar doon upang
mamasyal at kumain. Pagkatapos ay binisita nila ang tanyag na simbahan sa Panay na kung saan makikita ang pinakamalaking kampana
sa buong Asya. Tinungo rin ng mag-ina ang isang tanyag na restoran upang doon maghapunan. Tuwang-tuwa si Rita dahil sa wakas ay
nakapamasyal na rin siya ng Capiz.
A. Ang Capiz C. Pagsakay ni Rita sa Bus
B. Si Rita at ang Ina D. Ang Pamamasyal ni Rita sa Capiz

40. Mahal na mahal ni Lowela ang kaniyang ama. Simula nang magkasakit ito ay siya na ang nag-aalaga. Ipinagluluto niya ng pagkain at
sinusubuan. Siya na rin ang naglilinis sa kaniya dahil hindi na ito makagalaw. Nagbabasa rin siya ng kuwento sa ama upang malibang.
A. Ang Kuwento ng Anak C. Kaligayahan ng Ama sa Anak
B. Ang Galit na Lowela sa Ama D. Ang Pagmamahal ng Anak sa Ama

VIII. Piliin ang letra ng angkop na reaksiyon sa sumusunod na mga isyu o pangyayari.
41. Magkaroon nang sapat na tulog at pahinga upang maging handa sa mga Gawain.
A. Walang pakialam sa kalusugan.
B. Minsan, hindi natin iniintindi ang ating kalusugan.
C. Ang ehersisyo ay walang mabuting idudulot sa ating katawan.
D. Ang sapat na tulog at pahinga ay may mabuting naidudulot sa ating katawan.

42. Madalas, ang pagsisinungaling ay nagdudulot ng kawalan ng tiwala.


A. Masaya kapag nakalusot sa pagsisinungaling.
B. Ang pagsisinungaling ay nakapagdagdag ng tiwala sa sarili.
C. Sa pagsisinungaling, marami kang kaibigang maniniwala sa iyo.
D. Iwasan ang pagsisinungaling upang makuha ang tiwala ng kapuwa.

43. Ang ating karanasan sa buhay ay nagbibigay sa atin ng inspirasyon. Malungkot man o masayang karanasan ay magsisilbing instrumento
sa ating pag-angat sa buhay.
A. Talagang umangat ang tao dahil sa sariling pagsisikap.
B. Magandang karanasan lamang ang dapat maranasan sa buhay
C. Malungkot man o masayang karanasan ay magbibigay ito ng aral sa ating buhay.
D. Masama ang aking loob sa mga taong nagbibigay sa akin ng malungkot na karanasan.

IX. Alin sa mga pangkalahatang sanggunian ang magagamit mo kung nais mong malaman ang sumusunod na mga impormasyon?
A. diksyunaryo B. atlas C. peryodiko D. almanac

44. kahulugan ng salita

Address: Lodlod, Lipa City


Telephone/ Cellphone No: 09177785381
Email Address: lodlodes1946@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV– A CALABARZON
Schools Division of Lipa City
Lodlod Elementary School

45. balitang “sports”


46. mapa sa buong Asya

X. Buuin ang talata tungkol sa iyong tungkol sa iyong sarili.


47- 50.

Ako'y isinilang noong _____________________, at ako ay kasalukuyang _______________ gulang. Ang mga mapagmahal kong
magulang na sina _____________________ at _____________________ ay patuloy na nagmamahal at nag-aalaga sa akin sa aming tahanan sa
_____________________.

Sa aming munting pamilya, ako ay ____________ anak, at may ___________________ mga kapatid. Ngunit sa paaralan, ako ay
kasalukuyang nasa baitang ______________, at aking guro ay si _____________________. Siya ang aking tagapagturo na patuloy na nagtuturo sa
akin ng mga bagong kaalaman at kasanayan.

Sa hinaharap, ang pangarap ko sa buhay ay maging isang _____________________ para ____________________________________.


Ang pag-aaral at determinasyon ay aking isinusumpa upang maabot ang pangarap na ito.

Sa kabuuan, ang aking pamilya, edukasyon, pangarap sa buhay, at pagmamahal sa pagkain ay mga bahagi ng aking buhay na nagbibigay
saysay at direksyon sa aking paglalakbay. Sa bawat araw, patuloy akong nagpapasalamat sa mga pagkakataon na aking natatanggap.

Address: Lodlod, Lipa City


Telephone/ Cellphone No: 09177785381
Email Address: lodlodes1946@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV– A CALABARZON
Schools Division of Lipa City
Lodlod Elementary School

FILIPINO 6

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT


SY 2022-2023

SUSI SA PAGWAWASTO
1. C
2. B
3. D
4. B
5. A
6. D
7. D
8. B
9. A
10. A
11. B
12. D
13. B
14. A
15. D
16. D
17. B
18. 2
19. 1
20. 3
21. A
22. B
23. A
24. MALI
25. TAMA
26. MALI
27. aking
28. natin
29. Ito
30. Hayun
31. Ito
32. A
33. A
34. C
35. D
36. D
37. A
38. C
39. D
40. D
41. D
42. D
43. C
44. A
45. C
46. B
47- 50. Iba’t iba ang sagot ng mga bata

Address: Lodlod, Lipa City


Telephone/ Cellphone No: 09177785381
Email Address: lodlodes1946@gmail.com

You might also like