EsP 3 QUARTER 2 MODULE 1 (1) - Copy - Copy

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 28

3

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Quarter 2 – Modyul 1:
Pagtulong at Pag-aalaga
sa Kapwa
Edukasyon sa Pagpapakatao-Ikatlong Baitang
Self- Learning Module
Ikalawang Markahan – Modyul 1: Pagtulong at Pag-aalaga sa Kapwa
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Development Team of the Module


Writers: Sibyl Julie S. Tacogue, Kristine Jane C. Cacdac, Lilian L. Barte,
Minchel S. Villanueva, Joyce Anne M. Sionosa
Editors: Jhun Ree M. Descartin, Myrvin C. Rollon
Reviewer: Lorelie C. Salinas, Jay Sheen A. Molina
Illustrator: Franklin E. Firmeza, Mahalia J. Carbon
Layout Artist: Maquille Angelou C. Sabano, Joyce Anne M. Sionosa
Cover Art Designer: Jay Sheen A. Molina
Management Team: Allan G. Farnazo, CESO IV- Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V- Assistant Reginal Director
Ruth L. Estacio, PhD, CESO VI- Schools Division Superintendent
Carlos G. Susarno, PhD - Special Assistant to the SDS
Gilbert B. Barrera - Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr.- REPS, LRMS
Peter Van C. Ang - ug- REPS-ADM
Cynthia G. Diaz, PhD - REPS- Subject Area Supervisor
Lalaine SJ. Manuntag, PhD- CID Chief
Nelida A. Castillo- Division EPS in Charge of LRMS
Marichu Jane R. Dela Cruz, PhD- Division ADM Coordinator
Rosmie P. Salada, PhD - EPS – Subject Area Supervisor

Printed in the Philippines by Department of Education – SOCCSKSARGEN Region


Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
3

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Quarter 2 – Modyul 1:
Pagtulong at Pag-aalaga
sa Kapwa
Paunang Salita
Para sa Tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao Ikatlong Baitang ng


Self-Learning Module (SLM) Modyul para sa Unang Aralin: Pagtulong at Pag-aalaga sa
Kapwa.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12
habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang


pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa
pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala Para sa Guro


Ito’y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-
aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung


paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito,
inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa
ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa Mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao Ikatlong Baitang ng Self-Learning


Module (SLM) Modyul ukol sa araling Kakahayan nang may Pagtulong at Pag-aalaga sa
Kapwa..

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

1
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong


matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang


kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo


sa maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin,
tula, pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa


aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan
ang bagong konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa
at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang
mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang


patlang ng pangungusap o talata upang maproseso
kung anong natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo


upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa
tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay Gawain na naglalayong matasa o masukat ang


antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang
kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong
Gawain gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.
Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga
Pagwawasto gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

2
Sanggunian Ito ay naglalaman ng mga talaan ng pinagkukunang
impormasyon ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat
ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin
lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang tanungin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay
nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na
mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya Mo Ito!

3
Alamin

Ang Modyul na ito ay inihanda para sa iyong kaalaman at


kasanayan upang higit na mapalinang ang iyong kabutihan at
malasakit sa kapwa.

TANDAAN: Maghugas ng kamay sa loob ng 20 segundo bago


gamitin ang modyul at mga gawain sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay binubuo ng mga sumusunod na aralin:


Aralin 1 - Si Lolo Rodrigo
Aralin 2 - Maalagang Anak
Aralin 3 - Si Motmot

Sa modyul na ito, inaasahang malilinang mo ang mga


sumusunod na kaalaman, kakayahan at pag-uunawa:

Pinakamahalagang Pamantayan sa Pagkatuto:


• Nakapagpapadama ng malasakit sa kapwa na may
karamdaman sa pamamagitan ng mga simpleng
gawain na pagtulong at pag-aalaga.
ESP3PKP-IIa-b-14 1.1

Subukin

4
Panuto: Bago natin umpisahan ang ating leksyon, sagutin muna
ang mga tanong tungkol sa iyong natunan o napag-aralan sa
pagsunod sa mga pamantayan o tuntunin ng mag-anak.
1. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng kapayapaan sa loob
ng tahanan?
A. Pagsunod nang maayos sa tagubilin ng magulang.
B. Gumawa lamang kung inuutusan.
C. Magreklamo palagi sa mga gawain na ibibigay.
D. Makipagsagutan sa mga kapatid.
2. Sino sa sumusunod ang nagpapakita na may kaayusan sa
loob ng kanilang tahanan?
A. Naglalaro si Jimmy ng video games sa loob ng kwarto.
B. Naglilinis si Jasmin sa loob ng bahay kahit hindi inuutusan.
C. Palihim na itinatago ni Roy ang mga basura kung saan
saan.
D. Pinabayaan ni Ellen na magkalat ang mga kapatid.

3. Paano mo maipapakita na ikaw ay tapat na sumusunod sa


mga tuntunin ng mag-anak?
A. Sumunod sa mga iniutos kung may perang ibibigay.
B. Pipiliin lamang ang tuntunin na kailangang sundin.
C. Sinusunod nang buong puso ang mga iniutos ng mga
magulang.
D. Sundin lamang ang mga tuntunin kung nakatingin ang
mga magulang.

4. Alin ang nagpapakita ng pagiging matiyaga sa pagsunod sa


mga tuntunin sa loob ng tahanan?
A. Maglalaro muna si Allan bago magwalis ng bakuran.
B. Hinayaan ni Lorna na ang kanyang ate ang maglalaba
tuwing Sabado.
C. Iniiwan ni Roger ang higaan na hindi nailigpit.

5
D. Hinuhugasan kaagad ni Danny ang mga pinggan
pagkatapos kumain.
5. Ang sumusunod ay nagpapakita ng kapayapaan at
kaayusan sa loob ng isang pamilya. Alin ang hindi?
A. Iilan lamang sa mga kasapi ng mag-anak ang
sumusunod sa mga tuntuning ipinapatupad.
B. Maagang gumising ang buong mag-anak at
nagtulungan sa mga gawain.
C. Kusang loob na ginagawa ng bawat kasapi ng
pamilya ang mga gawaing bahay.
D. Masayang ginagawa ng mag-anak ang mgagawaing
itinalaga sa bawat isa.

Aralin
Si Lolo Rodrigo
1
6
Layunin:
1. Nakapag-uunawa sa matandang may karamdaman.
2. Nakapagpapakita ng pagtulong sa matandang may
karamdaman.
3. Nakagagawa ng simpleng gawain sa pag-aalaga sa
matandang may karamdaman.
Kumusta ka? Nasa maayos ka na kalagayan? Sa panahon
ngayon na may COVID-19, marami sa kapwa natin ay
nangangailangan ng tulong. Kasali na sa kanila ang mga
matatandang lolo at lola na may karamdaman.

Balikan

Panuto: Tingnan ang larawan at sagutin ang tanong.

Ano ang nakikita mo sa larawan?


____________________________________________________

Tuklasin

Gawain 1.1
Panuto: Basahin natin ang isang tula at unawain ito nang mabuti.

7
Ang Batang Mapag-alaga
Isinulat ni Joyce Anne M. Sionosa

Mula pagkabata, si Ana ay talagang mapag-alaga.


Kaya sina inay at itay sa kanya ay natutuwa.
Nang magkasakit si Lola, tumulong si Ana sa pag-alaga.
Kaya ipinagmamalaki siya ng buong pamilya.

Suriin

Panuto: Mula sa tula, bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Sino ang bidang bata sa kwento?

A. Lala B. Ana C. Maria D. Carla

2. Ano ang nararamdaman nina inay at itay?

A. nasuya B. nalito C. natuwa D. nabigo

3. Sino ang nagkasakit?

A. Lolo B. Tita C. Tito D. Lola

4. Ano ang ginawa ni Ana? Tumulong siya sa________________.

A. pagtitinda B. pagpipinta C.pag-aalaga D. paglalaba

5. Ipinagmamalaki siya ng buong ___________________________.

A. pamilya B. bansa C. purok D. klase

Pagyamanin

Gawain 1.3
Panuto: Basahin ang kwento.

8
SI LOLO RODRIGO
Isinulat ni: Sibyl Julie S. Tacogue
May isang matandang ang pangalan ay si Lolo Rodrigo.
Siya ay isang mabait na Lolo kaya malapit sa kanya ang mga
apong sina Julian at Margo. Tinuturuan niya sila ng
mga mabubuting bagay. Isang araw ay nagkasakit
si Lolo Rodrigo.

Nang malaman ito ng kanyang mga apo,


Bawat isa sa kanila ay nagbigay ng panahon sa
pag-aalaga dito. Mabilis na gumaling si Lolo Rodrigo kaya masaya
ang pamilya Castro.

Panuto: Sagutin ang mga tanong. Bilugan ang titk ng tamang


sagot.
1. Sino ang pinakabida sa kwento?
A. Margo B. Julian C. Lolo Rodrigo D. Castro
2. Bakit malapit sa kanya ang mga bata. Dahil siya ay _______.
A. mabait B. makulit C. mapilit D. masungit
3. Ano ang nangyari isang araw?
A. naloko ang pamilya Castro C. nagkasakit si Lolo Rodrigo
B. nasaktan si Julian D. nahilo si Margo

4. Alin sa sa mga ito ang ginawa ng mga apo?


A. nagpabaya B. nag-alaga C. nagreklamo D.nag-usyoso
5. Paano nagtapos ang kwento?
A. galit ang pamilya Castro C. pagod ang pamilya Castro
B. malungkot sila D. masaya ang pamilya Castro

9
Isaisip

Panuto:Ano-ano ang mga nakamit o natunan mo mula sa ating


leksyon ngayong araw?

Isagawa

Panuto: Iguhit ang sarili na nag-aalaga ng lolo o lola na may sakit.

Aralin
Maalagang Anak
2
Layunin

10
1. Nakapagpapadama ng pagtulong sa may sakit.
2. Nakapagpapakita ng pagtulong at pag-aalaga sa may
sakit.
3. Nakapagpapasalamat sa Diyos sa ibinigay na kalusugan.
Sa tulong ng aralin na ito, ating maipakita at maipadama ang
pagmamahal sa pamamagitan ng simpleng pagbibigay
halaga at pagtugon sa pangangailangan sa may sakit.
Pasalamatan natin ang Diyos sa ibinigay na kalusugan.

Balikan

Kahapon, ang leksyon natin ay tungkol sa pangangalaga at


pagtulong sa mga matatanda.
Panuto: Tingnan ang mga larawan at paghambingin ang mga ito.

Larawan A LarawanB
Anong larawan ang nagpapakita ng pagtulong sa matanda?
Larawan A o B?.__________ Bakit?____

____________________________________________________

Tuklasin

Gawain 2.1
Panuto: Suriin ang larawan. Sagutin ang mga tanong sa ibaba.

11
Naranasan mo na bang mag-alaga ng taong may sakit?
________________________________________________________________

Suriin

Gawain 2.2
Panuto: Base sa larawang nasa Gawain 2.1, Sabihin mo kung
paano ipinapakita ang simpleng pagtulong sa batang may sakit.

________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________

Pagyamanin

Gawain 2.3
Panuto: Basahin ang kwento.

12
Maalagang Anak
Isinulat ni: Lilian L. Barte

Ang pamilyang Nayacil ay nakatira sa probinsya.


Lian at Joy ang pangalan ng kanilang mga anak.
Masayahin at nagtutulungan silang pamilya.
Isang araw, nagkasakit ang kanilang ina. Nalungkot si
Lian dahil nasa bukid ang kanyang ama, nag-aararo sa
kanilang lupain.

Subalit, naalala ni Lian kung paano siya inialagaan ng


kanyang ina sa tuwing nagkaroon siya ng sinat, kaya
sinunod niya ang mga ito: pinapainom ng gamot at
pinapakain ng masarap at masustansiyang pagkain.

Kinahapunan dumating ang kanyang ama at masayang


masaya sa ginawa ng kanyang anak.

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.


1.Sino-sino ang mga tauhan sa kwento?
A. Ina, Ama, Lian at Joy C. lolo, lola, ama, Lian
B. Lian, Nayacil, Joy at ina D. ama, ina,Shayne, Allan
2. Saan nakatira ang pamilyang Nayacil?
A. Manila B. Probinsya C. Polomolok D. Amerika
3.Bakit malungkot si Lian?
A. Iniwan ng kanyang ina. C. Nawala ang kanyang pera.
B. Nahuli sa klase. D. Nagkasakit ang kanyang ina.

13
4. Paano inaalagan ni Lian ang kanyang ina?
A. Iniwan niya na mag-isa C. Pinainum ng gamot
B. Sinisigawan tuwing may iniutos D. Wala siyang ginawa
5.Tama ba ang ginawa ni Lian?
A. Oo B. Hindi C. Hindi Sigurado D. lahat ng nabanggit
Gawain 2.4
Panuto: Isulat ang Tama kung ang pangungusap ay nagpapakita
ng pagtulong sa taong may sakit at Mali naman kung ito ay hindi.
__________1. Painumin ng gamot sa tamang oras ang isang
taong may sakit.
__________2. Hayaang hindi pumunta sa ospital ang isang taong
may matinding sakit.
__________3. Dalawin ng buong sigla at galak ang isang taong
nagka- sakit sa ospital.
_________4. Ang isang taong may sakit ay kailangang bigyan ng
pansin at panahon upang maalagaan ng mabuti.

_________5. Huwag alalayan ang isang taong may mataas ang


lagnat sa pagpasok sa banyo o palikuran.

Isaisip

Panuto: Sagutin ang tanong.

Paano mo maipakita ang iyong pagtulong sa may sakit?


Sagot: _________________________________________________________

14
Isagawa

Panuto: Basahin ang pangungusap at bilugan ang titik ng

tamang sagot.
1. Nalaman mo na may sakit ang iyong guro. Ano ang iyong
gagawin?
A. matutuwa dahil walang pasok

B. hihintayin nalang makabalik sa klase

C. ipagdasal ko ang aking guro

D. wala akong gagawin

2. Dapat bang ipagdasal ang may sakit para sa maagarang


paggaling?

A. Oo B.Hindi C. Siguro D. Ewan

3. Nakita mo na namimilipit ang iyong kaklase sa sakit ng kanyang


tiyan. Ano ang iyong gagawin?
A. tatawanan siya C. titingnan lamang
B. dadalhin sa klinika D. hihintayin na makita ng iba
4. Anong larawan ang nagpapakita ng pag-aalaga sa taong
may sakit?

A. C.

B. D.

15
5. Ang pamilya ay dapat_____________ sa pagdasal at

magpasalamat sa kalusugan na ibinigay ng Diyos.

A. isa-isa C. kanya - kanya


B. sama-sama D. lahat ng nabanggit

Aralin
Si Motmot
3
Layunin
1. Nakatutukoy ng mga simpleng gawain ng pagtulong sa
panahon ng kalamidad
2. Nakapagpapakita ng pagmamalasakit sa kapwa sa
panahon ng kalamidad
3. Nakapagpapasalamat sa Diyos sa mga tulong na natanggap.

Bilang isang mabuting mamamayan, tayo ay may damdamin na


naipapamalas at pag- uunawa sa kahalagahan ng ating kapwa-
tao. Lagi nating isaisip ang pagtutulong sa ating kapwa sa
anumang panahon. Buksan natin ang ating mga puso at isipan sa
pag-unawa ng ating mga nakikita at nararamdaman.

Balikan

Balikan natin kung ano ang natunan mo sa nakaraang leksyon.

16
Panuto: Tingnan ang mga larawan. Ano ang masasabi mo sa mga
larawan?

1. ______________________________________

2. ______________________________________

3. ______________________________________

Tuklasin

Gawain 3.1

Panuto: Pagmasdan ang mga larawan. Sabihin kung anong


kalamidad ang ipinapakita.

1. ______________________________________

17
2. ______________________________________

3. ______________________________________

Suriin

Gawain 3.2
Panuto: Base sa larawan na ipinakita sa Gawain 3.1, Paano natin
maipapakita ang pagtulong sa mga biktima ng mga kalamidad?

Pagyamanin

Gawain 3.3
Panuto: Basahin ang kwento.

Si Motmot
Isinulat ni : Minchel S. Villanueva

Si Motmot ay isang matulungin at mabait na bata.


Sa silid-aralan ay napansin ni Teacher Maria na
palagi niyang binibigyan nang pagkain ang
kanyang kaklase na walang baon.

18
Isang araw, may naganap na lindol sa isang
bayan. Agad na namigay ang barangay ng
sulat para sa donasyon sa mga paaralan
upang humingi ng tulong.
“Mga bata magdala po tayo ng
donasyon tulad nang de lata, damit at bigas
para sa mga biktima ng lindol”, sabi ni Teacher
Maria. “Ako po teacher, magdadala po ako
ng bigas dahil marami kaming bigas galing sa
bukirin ng aking lolo”sagot ni Motmot. “Wow! Motmot napakabuti
mo naman” bulalas ni Teacher Maria.
Agad ding nagbigay ng tulong ang ibang
mga kaklase ni Motmot.

Panuto: Sagutin ang mga tanong. Bilugan ang titik ng tamang


sagot.
1. Sino ang batang bida sa kuwento?
A. Maria B. Trina C. Motmot D. Dino
2. Anong kalamidad ang nangyari sa isang bayan?
A. baha B. lindol C. sunog D. tsunami
3. Ano-ano ang mga pinapadala ng guro?
A. mga damit, gulay at prutas
B. mga tanim, gulay at pagkain
C. mga de lata, damit at bigas
D. mga pera, damit at alahas
4. Alin sa mga nakatala ang gustong dalhin in Motmot?
A. bigas B. de lata C. prutas D. damit

19
5. May mabuti bang naipakita si Motmot sa kanyang mga
kaklase?
A. Oo B. Hindi C. Siguro D. Lahat ng nabanggit

Gawain 3.4

Panuto: Gawin ito sa tulong ng iyong mga magulang o


nakatatandang kapatid.

Sumulat ng isang maikling dasal o “sambit” para sa mga

nasalanta ng lindol sa iyong sagutang papel.

_____________________________________________________________

Isaisip

Panuto: Sagutin ang tanong.


Ano-ano ang iyong gagawin upang maipakita mo ang
pagtulong sa mga taong naging biktima ng kalamidad?

Isagawa

Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang patlang kung tama ang


ipinapakitang pagmamalasakit sa kapwa sa pangungusap at ekis
(x) kung mali.

20
_______1. Natutuwa si Roy sa lakas ng daloy ng tubig na dala ng
baha sa sapa.
_______2. Nagtulong- tulong ang mga kababayan ni Sara sa pag-
apula ng apoy.
_______3. Hindi nagbigay ng tulong si Ara kasi ayaw niya
mabawasan ang kanyang baon.
_______4. Ang pamilya ni Emma ay naghatid ng pagkain sa mga
taong nabiktima ng lindol.
_______5. Nagbigay ng mga damit si Pedro sa mga biktima ng
sunog.

Tayahin

Panuto: Basahin nang mabuti ang mga katanungan. Bilugan ang


titik ng tamang sagot.
1. Dapat ka bang tumulong sa kapwa?
A. Siguro B. Oo C. Hindi D. Posible
2. Alin sa kanila ang dapat tulungan?
A. may kapansanan
B. may sakit
C. may karamdaman
D. lahat ng mga nabanggit
3. Piliin ang nagpapakita ng pagtulong at pag-aalaga.
A. pagkakaroon ng alagang aso
B. pagpapakain sa mga nagugutom
C. pagtatanim sa bakuran
D.pagpapahinga sa bahay

21
4. Masakit ang ulo ni Nico. Ano ang gagawin mo?
A. sasamahan sa klinika
B. pabayaan siya
C. pagalitan siya
D. sisihin siya
5. Tatawid si Lolo sa kabilang daan. Nakita mo ito. Ano ang
gagawin mo?
A. Tulungan siya sa pagtawid.
B. Sabihan ko na huwag siyang tumawid.
C. Tingnan ko lang si Lolo.
D. Pabayaan ko si Lolo.

Karagdagang Gawain

Panuto: Iguhit sa loob ng kahon ang iyong sarili na tumutulong at


nag-aalaga sa maysakit.

22
23
Panapos na Isagawa Pagyamanin
Pagsusulit
1. x 1. C
1. B 2. / 2. B
2. D 3. x 3. C
3. B 4. / 4. A
4. A 5. / 5. A
5. A
Aralin 3
Isagawa 2.4 Pagyamanin
1. C 1. Tama 2.3
2. A 2. Mali 1. A
3. B 3. Tama 2. B
4. D 4. Tama 3. D
5. B 5. Mali 4. C
5. A
Aralin 2
Pagyamanin Suriin Subukin
1. C 1. B 1. A
2. A 2. C 2. B
3. C 3. D 3. C
4. B 4. C 4. D
5. D 5. A 5. B
Aralin 1
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Agunoy, T., Alcantara, G., Golloso, R. and Peralta, G., 2000.


Magandang Asal, Magandang Buhay-Ikatlong Baitang. 5th ed.
Quezon City: Vibal Publishing House, Inc., pp.61-85.

24
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng
Edukasyon, Rehiyon Dose, na may pangunahing layunin na ihanda at
tugunan ang pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman ng modyul
na ito ay batay sa Most Essential Learning Competencies (MELC) ng
Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin ng
bawat mag-aaral ng SOCCSKSARGEN Region simula sa taong panuruan
2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay sinunod sa paglimbag ng modyul sa
ito. Ito ay Bersyong 1.0. Malugod naming hinihimok ang pagbibigay ng puna,
komento at rekomendasyon.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:


Department of Education – SOCCSKSARGEN
Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax No.: (083) 228 8825 / (083) 228 1893
Email Address: region12@deped.gov.ph

You might also like