Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 13

Filipino 8

1
Filipino – Ikawalong Baitang
Unang Markahan – Modyul 15: Pagsulat nang Mabisang Wakas ng
Maikling Kuwento
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.
Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Gina M. Bongalos, Jane M. Cureg, Normita E. Libramonte


Editor: Paul John S. Arellano at Josefina T. Salangsang, HT III
Tagasuri: Emelita S. Garcia at Melinda P. Iquin
Tagalapat: Gina M. Bongalos

Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin


OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD

Chief, School Governance and Operations Division and

OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)

Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)

Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)

Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig

2
Filipino 8
Unang Markahan
Modyul 15 para sa Sariling Pagkatuto
Pagsulat nang Mabisang Wakas ng
Maikling Kuwento
Manunulat: Gina M. Bongalos, Jane M. Cureg, Normita E. Libramonte
Tagasuri: Emelita S. Garcia at Melinda P. Iquin
Editor: Paul John S. Arellano at Josefina T. Salangsang, HT III

3
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 8 ng Modyul 15 para sa


araling Pagsulat nang Mabisang Wakas ng Maikling Kuwento!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod,
Kgg. Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

4
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Filipino 8 Modyul 15 ukol sa Pagsulat nang
Mabisang Wakas ng Maikling Kuwento!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.

5
MGA INAASAHAN

Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat matutuhan pagkatapos pag-


aralan ang modyul na ito.

KASANAYANG PAMPAGKATUTO:
1. Nakasusulat ng sariling wakas ng maikling kuwento.

MGA INAASAHANG LAYUNIN:


1. Natutukoy ang mga paraan ng pagwawakas ng isang maikling kuwento.

2. Nasusuri ang wakas ng maikling kuwentong “Paglalayag sa Puso ng Isang

Bata” ni Genoveva Edroza Matute.

3. Nakasusulat ng sariling wakas ng maikling kuwentong “Paglalayag sa Puso


ng Isang Bata” ni Genoveva Edroza Matute sa pamamagitan ng pagbubuod o
pagbibigay ng makabuluhang obserbasyon.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto : Alamin natin kung gaano na ang lawak ng iyong kaalaman sa nilalaman

ng araling ito. Isulat sa patlang ang letra ng tamang sagot.

__________1. Sa pagsulat ng isang maikling kuwento, mahalaga ang pagbuo ng


isang ________ para mapaghandaan ang isang mahusay na simulang
aakit sa mga mambabasa.

A. bahagi B. banghay C. elemento D. uri

__________2. Ang wakas sa maikling kuwento ay binubuo ng ______ at katapusan.

A. kakalasan B. simula C. tagpuan D. tauhan

__________3. Ang ___________ ang bahaging nagpapakita ng unti-unting pagbaba


ng takbo ng kuwento mula sa maigting na pangyayari sa kasukdulan.

A. kakalasan B. katapusan C. saglit na kasiglahan D. suliranin

6
__________4. Ang katapusan ay ang bahaging kababasahan ng _______________
ng kuwento. Maaring masaya o malungkot, pagkatalo o pagkapanalo.

A. pagkalas ng pangyayari C. pagsulyap sa suliranin


B. pagkilala sa tauhan D. pagbibigay resolusyon

__________5. Sa pagbibigay ng wakas, dapat ito ay hindi baba ng dalawang


______________.

A. pangungusap B. panlapi C. salita D. talata

BALIK-ARAL

Panuto: Pagsunud-sunurin ang mga pangyayari. Isulat sa patlang ang


letrang A-E, kung saan ang A ang simula at E ang huling pangyayari.

__________1. Isang tahimik na pakikipagkaibigan ang nag-ugnay sa munti’t


pangit na batang ito sa akin.
__________2. Isang araw, nangyari ang hindi inaasahan. Sa paglingon ko sa
mga taong nagdaa’y naaamin ko sa sariling ang lahat nang iyo’y aking
kasalanan. Mainit noon ang aking ulo, umagang-umaga pa.
_________3. Sa simula, pinagtakhan ko ang kaniyang pagiging mahihiyain.
Nakikita ko siyang gumagawa nang tahimik at nag-iisa—umiiwas sa
iba.
_________4. Biglang-bigla, ang maitim at pipis na mukha ng bata’y nakita ko sa
pintuan. Ang mga mata niyang nakipag-salubungan sa aki’y may
nagugulumihanang tingin. “Goodbye, Teacher,” aniya. Pagkatapos ay
umalis na siya. Nagbalik siya upang sabihin iyon sa akin.
_________ 5. Unti-unti kong napagdugtong-dugtong ang mga katotohanan
tungkol sa kanyang buhay. Payak ang mga katotohanan: siya’y isang
munting ulilang galing sa lalawigan, lumuwas sa malaking lungsod
bilang utusan.

ARALIN
Natutuwa ako at nagawa mong masagutan ang balik-aral. Ngayon, alam
kong handa ka na sa pagkilala ng bagong aralin. Subalit bago mo ito pag-aralan,
balikan muna ang naging wakas ng maikling kuwentong “Paglalayag sa Puso ng
Isang Bata” ni Genoveva Edroza Matute. Ano ang naging wakas nito? Kung ikaw ay
bibigyan ng pagkakataong baguhin ang wakas nito, sa paanong paraan mo ito
wawakasan? Ang mga tanong na ito ay may kinalaman sa ating aralin.

7
PAGSULAT NANG MABISANG WAKAS NG AKDA

Ang wakas ay binubuo ng kakalasan at katapusan. Ang kakalasan ang


bahaging nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kuwento mula sa
maigting na pangyayari sa kasukdulan at ang katapusan ang bahaging
kababasahan ng magiging resolusyon ng kuwento. Maaaring masaya o malungkot,
pagkatalo o pagkapanalo. May maikling kuwento na walang katapusan, kung saan
iniiwan ng manunulat sa mambabasa ang kaisipan ng pagbibigay ng sariling
wakas sa akdang kaniyang sinulat.

Bago pa man simulan ang kuwento ay isipin na kung saang bahagi ito
magwawakas.

1. Basahin nang basahin at saka ayusin.

2. Isipin ang pinakatamang panahon kung kailan wawakasan ang kuwento.

3. Hingin ang opinyon ng iba tungkol sa isinulat na wakas.

Mga Dapat Tandaan sa Pagbibigay ng Wakas

1. Dapat ay may kinalaman ang wakas sa kuwentong binasa.

2. Ang gagawing wakas ay dapat hindi bababa ng dalawang pangungusap.

3. Alamin kung maganda o angkop ba ang ibibigay nating wakas sa kuwentong


binasa.

MGA PAGSASANAY

Pagsasanay 1.
Panuto: Bumuo ng sariling pagwawakas sa sumusunod na sitwasyon. Isulat ang
sagot sa linya.

1. May pagsusulit sa susunod na araw si Arnold. Kinagabihan siya ay


nagpuyat dahil sa paglalaro ng Mobile Legends.

Wakas : ____________________________________________________________.

2. Mahuhuli na sa kaniyang pinapasukang trabaho si Gina kaya mabilis ang


kaniyang paglalakad nang biglang sumulpot ang rumaragasang motorsiklo.

Wakas: ________________________________________________.
8
3. Sumakay si Jane sa jeep na siksikan ang mga tao, magbabayad na siya ng
pamasahe, binuksan ang bag at hinanap ang pitaka.

Wakas: _______________________________________________________.

4. Pinaghandaan ni Arnel ang araw ng pagkikita nila ni Jenny. Nagsuot siya


ng pinakamaganda niyang “polo shirt”, nagpabango at hinanda ang
kaniyang munting regalo para kay Jenny. Alas tres ng hapon ang kanilang
pagkikita. Dumating siya sa tamang oras, naghihintay sa pagdating ni
Jenny.

Wakas: ____________________________________________________.

5. Sa wakas ay umulan na, ang mainit na panahon ay unti-unting lumamig.


Palabas na ng opisina si Annie, ngunit walang siyang dalang payong. Maya-
maya ay nakita siya ni Ramer na kaniyang katrabaho.

Wakas: ____________________________________________________.

Pagsasanay 2.
Panuto: Bigyan ng sariling wakas ang maikling kuwentong “Paglalayag sa Puso ng
Isang Bata”ni Genoveva Edroza Matute (10 puntos)

Pamantayan sa pagwawakas:

May kaangkupan ang wakas sa nilalaman ng kuwento -3


Nagkaroon ng kakalasan patungo sa katapusan -3
Nakasusulat ng sariling wakas sa pamamagitan ng
pagbubuod o pagbibigay ng makabuluhang obserbasyon -4
KABUUAN =10 puntos

Pagsasanay 3.
Panuto: Suriin ang pahayag kung ito ay tama o mali. Isulat sa patlang ang T kung
tama ang pahayag at M kung mali.

_________1. Basahin nang isang beses lamang ang kuwento.

_________ 2. Isipin ang pinakatamang panahon kung kailan wawakasan ang

kuwento.

_________3. Ang wakas na gagawin ay dapat hindi bababa sa limang

pangungusap.

9
__________4. Maaaring walang kinalaman sa simula ang pagwawakas sa kuwento.

__________5. Ang wakas ay kadalasang makikita sa unang bahagi ng talata.

PAGLALAHAT

Panuto: Punan ang mga patlang upang mabuo ang kaisipan ng aralin:

Natutunan ko na ang Maikling Kuwento ay


___________________________________________.

Ang wakas ng maikling kuwento ay binubuo ng


_____________ at _____________. Sa pagwawakas
ng maikling kuwento, isa sa mga dapat tandaan
ay _____________________________________.

PAGPAPAHALAGA
May pagkakataon na nagkakaroon ng di pagkakaunawaan ang mga mag-aaral
at guro dala marahil ng magkaibang henerasyon at iba’t ibang sitwasyon. Kung ito
ay nangyari sa iyo, bilang mag-aaral ano ang maaari mong gawin upang ang
pusong nasa ibaba ay mabuo nang sa gayon ay parehong magkaunawaan at
magkaroon ng magandang samahan ang guro at mag-aaral.

https://bit.ly/2XdJ5OM

10
PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Kumpletuhin ang letra sa patlang upang matamo ang sagot sa bawat
bilang.

1. Basahin nang basahin ang nilalaman ng kuwento at saka


(a ___ u s ___ n) ang wakas.

2. Hingin ang (o p___ ___ y ___ n) ng iba tungkol sa isinulat na wakas.

3. Alamin kung maayos at (a n g ___ ___ p) sa nilalaman ng kuwento ang


gagawing wakas.

4. Isipin ang pinakatamang (p___ ___ a ___ o ___) kung kailan wawakasan
ang kuwento.

5. Tandaan sa pagwawakas ng kuwento dapat bigyan ito ng


(k a k a __ __ s a n) mula sa kasukdulan patungo sa katapusan.

11
SUSI SA PAGWAWASTO

12
Sanggunian

Modyul sa Filipino 8-Gabay ng mga Guro, Kagawaran ng Edukasyon pahina


341-354.

Moratilla-Recorba, Arabejo-Nacin, Sunga-Tanawan, Kibla-Lartec, Pagbasa at


Pagsulat sa iba’t ibang Disiplina, Trinitas Publishing, Inc., pahina 54.

Panitikang Filipino Baitang Walo, Kagawaran ng Edukasyon, Dibisyon ng Lungsod


Pasig, pahina 62-66.

13

You might also like

  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Cresanto Mullet
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document17 pages
    Filipino
    Wes
    No ratings yet
  • FIL8 Q2 M14
    FIL8 Q2 M14
    Document14 pages
    FIL8 Q2 M14
    Sun Josephine
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document17 pages
    Filipino
    Wes
    No ratings yet
  • Filipino: Modyul 15
    Filipino: Modyul 15
    Document15 pages
    Filipino: Modyul 15
    Camille Castrence Caranay
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Alyssa rubayan
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document16 pages
    Filipino
    yajope8262
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document17 pages
    Filipino
    suerte zaragosa
    No ratings yet
  • FIL8 Q2 M16
    FIL8 Q2 M16
    Document15 pages
    FIL8 Q2 M16
    Sun Josephine
    No ratings yet
  • FIL8 Q2 M12
    FIL8 Q2 M12
    Document14 pages
    FIL8 Q2 M12
    Sun Josephine
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Gladys Angela Valdemoro
    No ratings yet
  • Fil8 Q3 M15 PDF
    Fil8 Q3 M15 PDF
    Document15 pages
    Fil8 Q3 M15 PDF
    Arnulfo Obias
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Cresanto Mullet
    No ratings yet
  • MTB Mle 2 Q1 M1 1 PDF
    MTB Mle 2 Q1 M1 1 PDF
    Document18 pages
    MTB Mle 2 Q1 M1 1 PDF
    carmell channel
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Alyssa rubayan
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document17 pages
    Filipino
    Josephine Gonzaga
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document16 pages
    Filipino
    Josephine Gonzaga
    No ratings yet
  • Filipino - Ikawalong Baitang
    Filipino - Ikawalong Baitang
    Document15 pages
    Filipino - Ikawalong Baitang
    Maricel Tayaban
    No ratings yet
  • Filipino: Modyul 3
    Filipino: Modyul 3
    Document13 pages
    Filipino: Modyul 3
    Rielle Dela Merced
    No ratings yet
  • Filipino: Modyul 8
    Filipino: Modyul 8
    Document20 pages
    Filipino: Modyul 8
    Wes
    No ratings yet
  • FIL8 Q2 M10
    FIL8 Q2 M10
    Document14 pages
    FIL8 Q2 M10
    Sun Josephine
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Rafael De Vera
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Alyssa rubayan
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    jan lawrence panganiban
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document17 pages
    Filipino
    Paul Lee
    No ratings yet
  • Filipino: Modyul 15
    Filipino: Modyul 15
    Document14 pages
    Filipino: Modyul 15
    gaigpl77
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Pepeng Maghapon
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Alyssa rubayan
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Harlene Arabia
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document17 pages
    Filipino
    Aisa Galmac Bansil-Solaiman
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Camille Caacbay
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Pepeng Maghapon
    No ratings yet
  • EsP 9-Q3-Module-16
    EsP 9-Q3-Module-16
    Document15 pages
    EsP 9-Q3-Module-16
    peterjo ravelo
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Cresanto Mullet
    No ratings yet
  • Ap1 Q1 M8 Final - SLM
    Ap1 Q1 M8 Final - SLM
    Document15 pages
    Ap1 Q1 M8 Final - SLM
    Pocholo Funtanilla
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Gladys Angela Valdemoro
    100% (1)
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Gladys Angela Valdemoro
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Gladys Angela Valdemoro
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Alyssa rubayan
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Roan Arnega
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Gesa Marie Larang
    No ratings yet
  • SLM Byb1 Fil3 Q4 Aralin6 - Edited
    SLM Byb1 Fil3 Q4 Aralin6 - Edited
    Document15 pages
    SLM Byb1 Fil3 Q4 Aralin6 - Edited
    christineroseferrer
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Cresanto Mullet
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document16 pages
    Filipino
    Florian Leks C. Embodo
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document18 pages
    Filipino
    Elisa Acojedo
    No ratings yet
  • MTB-MLE 2 - Q3 - Module 10
    MTB-MLE 2 - Q3 - Module 10
    Document14 pages
    MTB-MLE 2 - Q3 - Module 10
    Gladie Faye Balbalosa
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document16 pages
    Filipino
    Che Creencia Montenegro
    75% (4)
  • B FILIPINO 10 Q3M5 Learner Copy Final Layout
    B FILIPINO 10 Q3M5 Learner Copy Final Layout
    Document24 pages
    B FILIPINO 10 Q3M5 Learner Copy Final Layout
    Glenville Belarmino Genaniban
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document19 pages
    Filipino
    Joel Calubia
    No ratings yet
  • Ap1 Q1 M7 Final - SLM
    Ap1 Q1 M7 Final - SLM
    Document18 pages
    Ap1 Q1 M7 Final - SLM
    Pocholo Funtanilla
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Ariane Leynes
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Mary Grace Fahimno
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document18 pages
    Filipino
    Wes
    No ratings yet
  • Filipino: Modyul 9
    Filipino: Modyul 9
    Document20 pages
    Filipino: Modyul 9
    Wes
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Klaris Reyes
    67% (3)
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Kryzel Ann Gatoc
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Pepeng Maghapon
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document17 pages
    Filipino
    manilamidwest26
    No ratings yet
  • Science 3 q2 m1 Layout
    Science 3 q2 m1 Layout
    Document18 pages
    Science 3 q2 m1 Layout
    Angel Ricafrente
    No ratings yet
  • Pssst! Kabayan, Gising!
    Pssst! Kabayan, Gising!
    From Everand
    Pssst! Kabayan, Gising!
    Rating: 5 out of 5 stars
    5/5 (1)
  • F9-Q4-L4.1
    F9-Q4-L4.1
    Document45 pages
    F9-Q4-L4.1
    Sun Josephine
    No ratings yet
  • FIL8 Q2 M3
    FIL8 Q2 M3
    Document15 pages
    FIL8 Q2 M3
    Sun Josephine
    No ratings yet
  • F9 U24 L1
    F9 U24 L1
    Document20 pages
    F9 U24 L1
    Sun Josephine
    No ratings yet
  • Mga Pagsasanay
    Mga Pagsasanay
    Document3 pages
    Mga Pagsasanay
    Sun Josephine
    No ratings yet
  • FIL8-Q1-W1
    FIL8-Q1-W1
    Document3 pages
    FIL8-Q1-W1
    Sun Josephine
    No ratings yet
  • Filipino 9: Unang Markahan
    Filipino 9: Unang Markahan
    Document2 pages
    Filipino 9: Unang Markahan
    Sun Josephine
    No ratings yet
  • Filipino 9: Unang Markahan
    Filipino 9: Unang Markahan
    Document2 pages
    Filipino 9: Unang Markahan
    Sun Josephine
    No ratings yet
  • Filipino 9: Unang Markahan
    Filipino 9: Unang Markahan
    Document3 pages
    Filipino 9: Unang Markahan
    Sun Josephine
    No ratings yet
  • Filipino 9: Unang Markahan
    Filipino 9: Unang Markahan
    Document2 pages
    Filipino 9: Unang Markahan
    Sun Josephine
    No ratings yet
  • Filipino 9: Unang Markahan
    Filipino 9: Unang Markahan
    Document4 pages
    Filipino 9: Unang Markahan
    Sun Josephine
    No ratings yet
  • Filipino 9: Unang Markahan
    Filipino 9: Unang Markahan
    Document5 pages
    Filipino 9: Unang Markahan
    Sun Josephine
    No ratings yet
  • Lesson Exemplar in Filipino WK 1
    Lesson Exemplar in Filipino WK 1
    Document4 pages
    Lesson Exemplar in Filipino WK 1
    Sun Josephine
    No ratings yet
  • How Great Is Our God!
    How Great Is Our God!
    Document4 pages
    How Great Is Our God!
    Sun Josephine
    No ratings yet
  • Filipino 9: Unang Markahan
    Filipino 9: Unang Markahan
    Document3 pages
    Filipino 9: Unang Markahan
    Sun Josephine
    No ratings yet
  • LE Template - Filipino
    LE Template - Filipino
    Document2 pages
    LE Template - Filipino
    Sun Josephine
    No ratings yet
  • Course Guide-Fil8-Q1
    Course Guide-Fil8-Q1
    Document37 pages
    Course Guide-Fil8-Q1
    Sun Josephine
    No ratings yet