Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 14

1

Filipino 8
2

Filipino – Ikawalong Baitang


Ikalawang Markahan – Modyul 11: Wikang Pambansa ni Manuel Luis Quezon
(Sanaysay)

Unang Edisyon, 2020


Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.
Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Criselda M. Baccay at Evangeline G. Morales
Editor: Paul John S. Arellano at Josefina T. Salangsang, HT III
Tagasuri: Salve Regina O. Piezas
Tagalapat: Criselda M. Baccay at Evangeline G. Morales
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
3

Filipino 8
Ikalawang Markahan
Modyul 11 para sa Sariling Pagkatuto
Wikang Pambansa
ni Manuel Luis Quezon (Sanaysay)
Manunulat: Criselda M. Baccay at Evangeline G. Morales
Tagasuri: Salve Regina O. Piezas
Editor: Paul John S. Arellano at Josefina T. Salangsang, HT III
4

Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino Baitang 8 ng Modyul
11 para sa araling Wikang Pambansa ni Manuel Luis Quezon (Sanaysay) !

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod,
Kgg. Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

!4
5

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino Baitang 8 Modyul 11 ukol sa


Wikang Pambansa ni Manuel Luis Quezon (Sanaysay) !

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
6

MGA INAASAHAN

Matapos mong mapag-aralan ang modyul na ito, inaasahang matatamo mo


ang sumusunod na Kasanayang Pampagkatuto:

1. Naiuugnay ang tema ng napanood na programang pantelebisyon sa


akdang tinalakay
2. Naipaliliwanag nang maayos ang pansariling kaisipan, pananaw,
opinyon, at saloobin kaugnay ng akdang tinalakay

Mga Layuning Pampagkatuto:

• Naihahambing ang mensaheng hatid ng napanood na programang


pantelebisyon sa akdang binasa/tinalakay
• Nahihinuha ang aral o mensaheng ipinababatid ng akda
• Nailalahad nang may kaayusan ang pansariling kaisipan, pananaw,
opinyon at saloobin kaugnay ng akdang tinalakay

PAUNANG PAGSUBOK

Magandang araw! Sa nakaraang aralin, nalaman natin ang


kasaysayan, bahagi at dalawang uri sanaysay. Ngayon, subukin natin ang
dating kaalaman sa susunod na aralin.

PANUTO: Magbigay ng ilang salita na nagpapakilala kay Manuel Luis Quezon.

http://kwf.gov.ph/kasaysayan-at-mandato/
7

BALIK-ARAL

Naalala mo pa ba ang mahahalagang impormasyon mula sa


nakaraang aralin. Subukin mo nga ang iyong sarili. Huwag kang mag-alala,
kaya mo iyan!

PANUTO: Isulat sa patlang kung TAMA o MALI ang sumusunod na pahayag


tungkol sa kabuoang nilalaman ng nakaraang aralin.

________1. Ipinakilala ng tinaguriang “Ama ng Sanaysay” na si Michael de


Montaigne noong 1580 ang sanaysay.
________2. Ayon kay Confucius ang salitang sanaysay ay nangangahulugang
nakasulat na karanasan ng isang sanay sa pagsasalaysay.
________3. Ang Panahon ng Komonwelt ay panahon ng paghahanda sa pagsasarili
sa pamamahala ng Pilipinas matapos ang panahon ng Amerikano.
________4. Ang Pormal na sanaysay ay subhektibo sapagkat pumapanig sa
damdamin at paniniwala ng may-akda.
________5. Ang Di-pormal na sanaysay ay obhektibo o di kumikiling sa damdamin
ng may-akda.

ARALIN

Nalaman na natin sa nakaraang aralin ang kahulugan, kasaysayan at


uri ng sanaysay. Ngayon naman ay alamin natin ang nilalaman ng isang
sanaysay na nasa anyong Talumpati.
Ang talumpati ay tumutukoy sa kaisipan o opinyon ng isang tao na
ipinababatid sa pamamagitan ng masining na pagpapahayag at layunin
nitong humikayat, tumugon, mangatuwiran, magbigay ng kaalaman o
impormasyon at maglahad ng isang paniniwala.
Sanggunian: Tiongson, Pat C. et al., Batikan 8 . Quezon City: Educational Resources Corporation,
2014

Wikang Pambansa
Manuel L. Quezon

Hindi ko nais na Kastila o Ingles ang maging wika ng Pamahalaan.


Kailangan magkaroon ng sariling wika ang Pilipinas, isang wikang nakabatay sa
isa sa mga katutubong wika.
8

Nagmula ang karamihan ng mga suliranin o pagkukulang na kasalukuyang


nararanasan dito sa kawalan ng ating sariling wikang pambansa. Ang pagnanais
gayahin ang lahat ng kilos banyaga kahit hindi alam kung ito'y mabuti o masama
ay dahil sa isang kahinaan—ang kakulangan ng isang tunay na pambansang
kamalayan. Hindi maaring magkaroon ng pambansang kamalayan kung saan
walang wikang ginagamit ng lahat.
Naunawaan ko lamang kung gaano kahirap ang kakulangan ng wikang
pambansa noong naging Pangulo ako. Ako ang Pangulo ng Pilipinas; ako ang
kumakatawan sa bayang Pilipinas at sa mga Pilipino. Ngunit kapag ako'y
naglalakbay sa mga lalawigan at kinakausap ang aking mga kapwa mamamayan,
kailangan ko ng tagapagsalin. Nakakahiya, hindi ba?
Sang-ayon ako sa patuloy na pagtuturo sa Ingles sa mga paaralan at
itataguyod ko rin ang pagpapatuloy ng Kastila. Subalit dumating na ang panahon
upang magkaroon tayo ng isang wikang pambansa. Ang suliranin ay gusto ng mga
Ilokano na Ilokano ang wikang pambansa; ang mga Tagalog, Tagalog; ang mga
Bisaya, Bisaya.
Ako ay Tagalog. Kung sasabihin ng mga dalubhasa sa iba't ibang wikang
Pilipino na Mangyan ang katutubong wikang pinakamainam gamitin, Mangyan ang
tatangkilikin ko higit sa ibang wika. Tagalog ang ginagamit namin sa pamilya. Pero
handa akong mag-aral ng Ilokano, Bisaya o anupamang ibang katutubong wika
para lamang magkaroon tayo ng wikang ginagamit ng lahat.

Sanggunian: Dayag, Alma G. et al., Pinagyamang Pluma 8 (K to 12) Ikalawang Edisyon. Quezon City:
Phoenix Publishing House, Inc., 2017

Sa pamamagitan ng isang sanaysay/talumpati noong Panahon ng


Komonwelt, naipahayag ni Pangulong Manuel Luis Quezon na dapat
pahalagahan ang sarili wika na mag-uugnay sa mga Pilipino noon
hanggang sa ngayon.

MGA PAGSASANAY
!
Pagsasanay 1: Basahin at unawain ang tanong. Piliin ang letra ng tamang sagot.

1. Ang pambansang wika ay kailangang nakabatay sa _______.


A. ingles B. kastila C. katutubong wika D. iba pa

2. Ayon kay Pangulong Manuel Quezon, kinakailangang magkaroon ng wikang


pambansa ang Pilipinas upang __________.

A. magkaroon ng pambansang kamalayan


B. magkaunawaan ang lahat
C. magkaroon ng pagkakaisa
D. maipagmalaki sa iba
9

3. Naunawaan ni Pangulong Manuel Luis Quezon ang kakulangan ng wikang


pambansa noong _______.
A. tagalog ang ginamit niya sa pamilya.
B. siya ay naging pangulo.
C. noong siya’y naglakbay sa mga lalawigan.
D. kinausap ang kapwa mamamayan.

4. Ang naging suliranin ni Pangulong Manuel Luis Quezon sa pagtataguyod ng


isang wikang pambansa ay ______.
A. nais ng ibang pangkat na ang kanilang diyalekto ang gamiting
pambansang wika
B. nahihirapan silang unawain ang ibang diyalekto.
C. walang pagkakaisa ang bawat Pilipino.
D. nais ng nakararami na gamtin na lamang ang wikang ingles.

5. Ayon sa talata 4, anong damdamin ang nangingibabaw sa pahayag?


a. nagmamalaki b. nanghihinayang c. nanliliit d. nagagalit

Pagsasanay 2: Lagyan ng kung ang isinasaad ng pahayag ay tama at


kung hindi.

______1. Hindi makakamit ng bansa ang pagkakaroon ng pambansang


kamalayan kung walang wikang ginagamit ng lahat.
______2. Kinakailangan nakabatay sa katutubong wika ang pambansang
wika ng Pilipinas.
______3. Ninanais ni Pangulong Quezon na ang maging wika ng pamahalaan
ay Kastila o Ingles.
______4. Naunawaan lamang ni Pangulong Quezon kung gaano kahirap ang
kakulangan ng wikang pambansa noong siya ay naging pangulo.
______5. Ninanais ni Pangulo Quezon na Tagalog ang maging pambansang
wika.
10

Pagsasanay 3: Ihambing ang mensaheng hatid ng napanood na programang


pantelebisyon sa akdang binasa/tinalakay.
Estado ng Wikang Filipino
Panayam ng Rappler kay Virgilio Almario (Tagapangulo ng Komisyon sa
Wikang Filipino, Agosto, 2014, Rappler Philippines)
(https://www.youtube.com/watch?v=K36PKvcEpVQ)
Hinalaw at Isinalin ni Criselda M. Baccay

Tanong: Bakit “Filipino” Wika ng Pagkakaisa” ang tema ng Buwan ng Wika ngayon
taon”?
Almario: Una, gusto naming gunitain, na isa sa mga layunin, nang iproklama ang
pagkakaroon ng isang wikang pambansa, batay sa katutubong wika, ay lunggati
(aspiration), na itong wikang ito ay maging sagisag para magbuklod ng mga
Pilipino.
Ikalawa, naisip namin ito noong nagkaroon kami ng tinatawag naming
Summit Conference for Peace na ginawa sa Bukidnon, at inimbita namin ang
pangkating etniko. Lumabas na malaking problema ng mga Lumad natin, na ang
lahat daw ng dokumento tungkol sa kapayapaan, tungkol sa kanilang kapakanan,
nasa Ingles, kahit form lamang ng pag-register sa kanila ay nasa Ingles. Kaya’t ang
hiling nila ay dapat Filipino ang gamitin sa halip na Ingles, lalo na ngayon
nagkakaroon ng kasunduang pangkapayapaan sa Mindanao. Ang ganoong
kahilingan para sa amin ay bahagi na rin ng diwa na hindi tayo nagkakaisa kasi
‘yung ating wika, hindi magkakamukha, hindi magkakatulad.
Tanong: Ano po ang estado ng wikang Filipino ngayon?
Almario: Kung ang pag-uusapan ay ito ba ay ginagamit ng mamamayan, natitiyak
ko na ginagamit na ito ng lahat ng tao sa Pilipinas, magmula Batanes hanggang
Tawi-Tawi. Nalibot ko na ang lahat halos ng pook sa Pilipinas at hindi ako
kailanman gumamit ng Ingles. Ang tawag sa liguistics nito ay lingua franca. Ibig
sabihin, wika na ng bayan ang Wikang Filipino, kahit na ang isang Ilokano, isang
Bisaya ang nagtatagpo, mag-uusap sila sa pamamagitan ng Wikang Filipino.
Tanong: Paano naman po pagdating sa mga bagong salita?
Almario: Iyong bagong salita ay hindi masama, ang wika ay araw-araw dapat
umuunlad at nagbabago. Kaya kung may pumapasok na bagong salita, iyun ay
palatandaan na aktibo at buhay ang wika.
Tanong: Ano-ano po kaya ang mga bagong salitang iyon?
Almario: Iyon ang isang hindi maganda, kasi ang pangunahing atas ng 1987
Konstitusyon ay pagyamanin ang wikang Filipino sa pamamagitan ng mga wikang
katutubo ng Pilipinas. Hindi masyadong nangyayari ‘yun dahil dominante ang
Ingles, mas pumapasok sa ating bokabularyo ang salitang mula sa Ingles. Ang
aming ginawang re-orientation ay kung paano mapalalakas ang paglahok ng mga
wikang katutubo ng Pilipinas sa ating Wikang Filipino.
Tanong: Nasaan na po ang Komisyon ng Wikang Filipino (KWF) sa pagpapaunlad
ng wikang Filipino?
Almario: Hindi kami ang magpapaunlad, ang bayan ang gumagamit, ang
nagpapaunlad ng Wikang Filipino. Ang ginagawa namin ay pangangasiwa kung
11

may nakalilimutan, tulad ng pagkalimot sa pagpapasok ng wikang katutubo.


Kailangan gumawa kami ng plano para mas maging aktibo ang wikang katutubo.
Tanong: Paano magagamit ng mas maraming Pilipino ang ortograpiyang
pambansa?
Almario: Matagal nang may ortograpiya, pero hindi puspusan ang pagkakalat.
Simula last year ng pag-upo, iyon ang aming inayos dahil mahalaga ang
ortograpiyang pambansa para sa isang istandardisadong paggamit ng wika. Ang
istandardisasyon ay kailangan para sa tinatawag na intellectualization o cultivation
ng National Language. Hindi magaganap ‘yung mas mataas na yugto kapag hindi
naging istandardisado ang Wikang Filipino.
Tanong: Paano po makatutulong ang ordinaryong Pilipino sa pagpapaunlad ng
wikang Filipino?
Almario: Ang unang maitutulong ay gamitin ng gamitin dahil sa pamamagitan ng
paggamit ng Wikang Filipino mas naisasaloob nila ang diwa na naroon sa mga
salita na may Wikang Filipino. Ikalawa, nagkakaroon sila ng consiousness kung
paano ba pagyayamanin o pauunlarin ang kanilang wikang ginagamit. Sila ay
magkakaroon ng consciousness, kamalayan para ang wika ginagamit ay higit na
maging episyente para sa kanilang pangangailangan. Kapag hindi nila ito ginamit,
hindi nila makikita ang pangangailangan.
Tanong: Ano po ang paborito ninyong salita sa Filipino?
Almario: Ang paborito kong salita ay “kultibasyon” (cultivation). Bakit? Dahil iyon
ang aking next step para sa language planning.

Wikang Pambansa Estado ng Wikang Filipino


12

PAGLALAHAT

PANUTO: Isulat sa loob ng kahon ang nangibabaw na damdamin gamit


ang emoticon matapos maunawaan ang nilalaman ng aralin.

https://emojipedia.org/facebook/

PAGPAPAHALAGA

Share Mo Lang!
Matapos mabasa ang aralin, ibahagi ang iyong sariling, opinyon, saloobin sa
kalagayan ng Wikang Pambansa sa kasalukuyan.
13

PANAPOS NA PAGSUSULIT

PANUTO: Pagsunud-sunurin ang mga pahayag batay sa binasang akda.


Gamitin ang bilang 1-5.
____ Kapag naglalakbay ang pangulo sa mga lalawiganin at kinakausap ang kapwa
mamamayan, kailangan pa niya ng tagapagsalin.
___ Kinakailangang magkaroon ng pambansang ng sariling wika ang Pilipinas na
nakabatay wikang katutubo.
____ Hindi maaring magkaroon ng pambansasng kamalayan kung walang wikang
ginagamit ng lahat.
_____ Kung sasabihin ng mga dalubhasa sa iba’t ibang wikang Pilipino na Mangyan
ang katutubong pinakamainam gamitin, ito ay kanyang tatangkilin.
____ Sang-ayon ang pangulo sa pagtuturo ng Ingles sa paaralan, at itataguyod din
niya ang pagpapatuloy ng Kastila.

SUSI SA PAGWAWASTO

5. TAMA puntos)
4. MALI pagbibigay ng
3. TAMA puntos)
na ng guro ang 5. 4
2. MALI (Nasa kapasyahan pagbibigay ng
4. 5
1. TAMA Pagsasanay 3 na ng guro ang
BALIK-ARAL 3. 2
5. ! (Nasa kapasyahan
2. 1
AARAL PAGPAPAHALAGA
4. ! 1. 3
MGA MAG-
SAGOT NG 3. ! PAGSUSULIT
puntos)
PANAPOS NA
SARILING 2. ! pagbibigay ng
PAGSUBOK na ng guro ang
PAUNANG 1. ! (Nasa kapasyahan
Pagsasanay 2 PAGLALAHAT
5. C
4. A
3. B
2. A
1. C
Pagsasanay 1
PAGSASANAY
MGA
14

Sanggunian
Aklat:

Dayag, Alma G. et al., Pinagyamang Pluma 8 (K to 12) Ikalawang Edisyon.


Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc., 2017
Tiongson, Pat C. et al., Batikan 8 . Quezon City: Educational Resources
Corporation, 2014

Website:
https://www.youtube.com/watch?v=K36PKvcEpVQ
https://emojipedia.org/facebook/
http://kwf.gov.ph/kasaysayan-at-mandato/

You might also like