Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 14

Filipino 8

1
Filipino – Ikawalong Baitang
Ikalawang Markahan – Modyul 12: Iba’t Ibang Paraan ng Pagpapahayag
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Evangeline G. Morales at Criselda M. Baccay
Editor: Paul John S. Arellano at Josefina T. Salangsang, HT III
Tagasuri: Salve Regina O. Piezas
Tagalapat: Evangeline G. Morales at Criselda M. Baccay

Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin


OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
!

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig

2
Filipino 8
Ikalawang Markahan
Modyul 12 para sa Sariling Pagkatuto
Iba’t Ibang Paraan ng Pagpapahayag
Manunulat: Evangeline G. Morales at Criselda M. Baccay
Tagasuri: Salve Regina O. Piezas
Editor: Paul John S. Arellano at Josefina T. Salangsang, HT III

3
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 8 ng Modyul 12 para
sa araling Iba’t Ibang Paraan ng Pagpapahayag !

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod,
Kgg. Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

4
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 8 Modyul 12 ukol sa Iba’t Ibang


Paraan ng Pagpapahayag !

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.

5
MGA INAASAHAN
!

Matapos mong mapaga-aralan ang modyul na ito, inaasahang matatamo mo


ang sumusunod na Kasanayang Pampagkatuto: Nagagamit ang iba’t ibang
paraan ng pagpapahayag ( pag-iisa, paghahambing at iba pa) sa pagsulat ng
sanaysay.

Mga Layuning Pampagkatuto:

1. Nababatid nang malinaw ang iba’t ibang paraan ng pagpapahayag sa


pagsulat ng sanaysay
2. Nabibigyang halaga ang paggamit ng iba’t ibang paraan ng pagpapahayag
3. Nakabubuo ng sanaysay tungkol sa napapanahong isyu gamit ang iba’t
ibang paraan ng pagpapahayag

PAUNANG PAGSUBOK
!

Isang ngiti naman diyan! Kahanga-hanga ang iyong ipinakikitang


determinasyon upang matuto. Handa ka na bang alamin kung ano ang
panghuling bahagi ng modyul na ito? Tulad ng mga naunang gawain,
subukin mo ang iyong kakayahan na sagutin ang mga paunang gawain
para sa iyo.

Panuto: Buuin ang ginulong letra batay sa mga ibinigay na klu sa ibaba.

1. Hindi pagdadala-dalawa, dapat ____________


GAP-SAII-SAI
2. Huwag mong ikumpara ang saliri mo sa iba, ang _____________ ay
nakasasama rin minsan.
GAPBINGHAHAM
3. Hindi makatarungan ang ginawa nilang imbestigasyon, dapat patas ang
kanilang ______________.
GAPUSUSRI
4. Ang ____________ ng kahirapan ng lahat sa ngayon ay ang pandemyang
nararanasan ng buong mundo.
NASHI
5. Napakahirap ng proyektong ibinigay ng guro, mas madali sana kung may
ibinigay siyang mga ____________ para maparisan.
WAHALIMBA

Madali mo bang nahulaan ang mga salita? Ang mga salitang nabuo mo
ay may kaugnayan sa araling tatalakayin. Handa ka na ba?

6
BALIK-ARAL
!

Natandaan mo ba ang mga mahahalagang impormasyon sa Modyul


Blg.11? Sukatin mo nga ang iyong galing sa pamamagitan ng mga tanong
sa ibaba.

Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag sa ibaba. Isulat sa patlang ang T
kung Tama at M naman kung Mali.

____1. Ang layunin ng talumpati ay humikayat, tumugon at magbigay ng kaalaman


o impormasyon.
____2. Ang pagkakaroon ng Wikang Pambansa ay itinaguyod ni Virgilio Almario.
____3. Ayon kay Manuel Luis Quezon, ang wika ay araw-araw dapat umuunlad at
nagbabago.
____4.Ang talumpati ay isang uri ng komunikasyong pampubliko na
nagpapaliwanag sa isang paksa na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig.
____5.Naunawaan ni Manuel Luis Quezon kung gaano kahirap ang kakulangan ng
wikang pambansa noong siya ay naging Pangulo ng Pilipinas.

ARALIN
!

Madali mo bang nasagutan ang mga tanong? Inaasahan ko na handa


ka nang malaman ang panghuling bahagi ng ating aralin. Upang dagdagan
pa ang iyong kaalaman, halina’t iyong alamin kung paano magiging
mabisa ang isang sanaysay. Sa pagsulat ng sanaysay, alam mo bang
gumagamit ng iba’t ibang paraan ng pagpapahayag ang sumusulat ng
sanaysay upang higit na maging mabisa ang kanyang akda?

Iba’t Ibang Paraan ng Pagpapahayag

Sa pagbibigay ng sariling opinyon o katwiran tungkol sa isang paksa,


gumagamit ng iba’t ibang paraan ng pagpapahayag ang nagsasalita o ang
sumusulat. Ang pagpapahayag na ito ay maaaring nagpapaliwanag, nagbibigay-
kaalaman o pakahulugan at nagsusuri upang mabigyang-linaw ang isang paksa o
isang katanungan.Karaniwang ginagamit ang mga sumusunod.

1. Pag-iisa-isa
Ito ay isang paraan ng pagpapahayag ng isang kalagayan o sitwasyon
na maayos na inihanay o pinagsunod-sunod ang mga tiyak na impormasyon
at datos tungkol sa isang paksa.

7
Halimbawa:
Ang walong pangunahing dayalekto ng Pilipinas
a. Tagalog
b. Ilokano
c. Hiligaynon
d. Pangasinan
e. Pampango
f. Bicol
g. Cebuano
h. Waray

2. Paghahambing at Pagsasalungatan
Ito ang pinakagamiting paraan ng pagpapahayag na kung saan
ipinagtatapat ang dalawa o higit pang magkaibang bagay at sinusuri ang
pagkakapareho at pagkakaiba ng mga ito.
Halimbawa:
Kinagigiliwan ko ang tag-init dahil nakapaglalaro ako sa labas di
tulad pag maulan na lagi lang akong nasa loob ng bahay.
3. Pagsusuri
Sa paraang ito ay masusing sinusuri o pinag-aaralan ang mga bagay
na nakaaaapekto sa isang sitwasyon at ang pagkaka-ugnay ng mga ito.
Halimbawa:
Kung higit na pagtutuunan ng pansin ng pamahalaan ang
agrikultura, hindi na tayo aangkat pa ng bigas sa ibang bansa.
4. Sanhi at Bunga
Inilalahad rito kung ano ang dahilan at kinahinatnan ng isang
pangyayari o sitwasyon. Sa pamamagitan nito, madaling natatandaan ng
mga mambabasa o nakikinig ang mga pangyayari.
Halimbawa:
Dahil sa nararanasang pandemya, maraming sektor sa ating lipunan
ang naaapektuhan at dumaraing ng kahirapan.
5. Pagbibigay ng Halimbawa
Layunin ng paraang ito na mapagtibay ang isang pahayag sa
pamamagitan ng pagbibigay ng mga halimbawang tiyak at totoo.
Halimbawa:
Tunay na kinikilala at hinahangaan maging sa ibang bansa ang mga
Pilipino, tulad na lamang ni Arnel Pineda na vocalist ng bandang Journey.

Sanggunian: Dayag, Alma G. et al., Pinagyamang Pluma 8 (K to 12)


Ikalawang Edisyon. Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc., 2017

8
MGA PAGSASANAY
!

Pagsasanay 1: Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang tinutukoy sa pahayag sa ibaba.


Isulat ang letra ng sagot sa patlang.

A. Pag-iisa-isa
B. Paghahambing at Pagsasalungatan
C. Pagsusuri
D. Sanhi at Bunga
E. Pagbibigay ng halimbawa

______1. Inilalahad rito kung ano ang dahilan at kinahinatnan ng isang pangyayari
o sitwasyon.
______2.Layunin ng paraang ito na mapagtibay ang isang pahayag sa pamamagitan
ng pagbibigay ng mga halimbawang tiyak at totoo.
______3. Paraan ng pagpapahayag ng isang kalagayan o sitwasyon na maayos na
inihanay o pinagsunod-sunod ang mga tiyak na impormasyon at datos.
______4.Sa paraang ito ay masusing pinag-aaralan ang mga bagay na
nakaaaapekto sa isang pangyayari at ang pagkaka-ugnay ng mga ito.
______5. Pagpapahayag na ipinagtatapat ang dalawa o higit pang magkaibang
bagay at sinusuri ang pagkakapareho at pagkakaiba ng mga ito.

Pagsasanay 2: Basahing mabuti ang mga pahayag. Piliin ang pahayag na Hindi
akma sa hinihingi ng bawat bilang. Isulat ang letra ng sagot sa patlang.

________1. Paghahambing at Pagsasalungatan


A. Ang pagiging tapat ay katangiang dapat taglayin ng isang lider.
B. Di hamak na masarap bigkasin ang wikang Filipino kumpara sa
wikang dayuhan.
C. Maraming nagmamahal sa taong may mabuting puso,
kabaliktaran naman sa may masamang budhi.
D. Higit na matingkad ang pagkapula ng mansanas kaysa makopa.

________2. Pagsusuri
A. Kung susuriin, hindi lamang negatibo ang naging epekto ng
pandemya sa buhay ng tao, may positibo rin.
B. Ayon sa pag-aaral, kapabayaan sa naiwang kagamitang de-
kuryente ang kadalasang dahilan ng sunog.
C. Maraming lumalabag sa curfew, bunga nito’y mas hinigpitan ng
mga awtoridad ang pagbabantay sa mga lansangan.
D. Kung aaralin ang sitwasyon, mareresolba ang problema.

9
________3. Pag-iisa-isa
A. Ang mga katangian ng mabuting mag-aaral;
a. Nag-aaral nang mabuti
b. Ginagawa ang mga gawaing pampaaralan
c. Sinusunod ang mga alituntunin ng paaralan
d. Ginagalang ang lahat maging matanda man o batang tulad
niya
B. Kung lahat ay makikiisa, lahat ng gawain ay madaling matatapos.
C. Iba’t ibang hugis
a. Bilog
b. Tatsulok
c. Parisukat
d. Parihaba
D. Mga hayop sa bukid
a. Kalabaw
b. Kambing
c. Baka

________4. Sanhi at Bunga


A. Kinakapos ng mga silid at higaan para sa mga pasyente ng COVID
ang ilang ospital kaya sinulusyunan ito ng Ahensiya sa
Kalusugan.
B. Maraming nagrereklamo sa bill na inilabas ng MERALCO kaya
naman kanila itong binawi at pinag-aralan.
C. Marami pa ring bayani sa panahon ngayon, tulad na lamang ng
mga frontliners.
D. Bumalic sa MECQ ang NCR dahil na rin sa dumaraming kaso ng
COVID.

________5. Pagbibigay ng Halimbawa


A. Sadyang binago ng pandemya ang buhay ng lahat, maging ang
buhay ng ilang mayayaman.
B. Tunay na kabayanihan ang ipinakikita ng ilan, tulad ng mga
sundalo at health workers.
C. Maraming mga tsuper ng Jeep ang namamalimos sa lansangan
gawa na rin ng di pamamasada nang ilang buwan.
D. Maraming maaamong hayop na puwedeng alagaan sa bahay,
tulad na lamang ng mga pusa at aso.

10
Pagsasanay 3: Basahin ang mga pahayag sa bawat bilang. Piliin ang angkop na
sagot mula sa kahon at isulat ito sa patlang.

Paghahambing Pagbibigay
Sanhi at
Pag-iisa-isa at Pagsusuri ng
Bunga
Pagsasalungatan Halimbawa

1. Kung walang pambansang wika, magiging magulo at mabagal ang pag-unlad ng


ng bansa.

2. Nagdagdag ng mga tauhan para umalalay ang Bureau of Custom dahil sa


dumaraming umuuwing OFW.

3. Isa sa panlipunang sakit ng mga Pilipino ay ang pagkakaroon ng kaisipang


kolonyal.

4.Ang pag-unlad ng isang bansa ay nakasalalay sa mga sumusunod:


a. Mamamayan
b. Pamahalaan
c. Likas na Yaman

5. Kahanga-hanga ang mga Pilipinong nagmamahal sa kanyang wika habang


kahiya-hiya naman ang ilang nagwawaksi nito.

11
PAGLALAHAT
!

Panuto: Pumili ng isa sa mga sumusunod na isyung panlipunan at sumulat


ng Di-pormal na sanaysay ukol dito. Gamiting gabay ang pamantayang inihanda
para sa pagsulat at pagbigay ng puntos.

Mga Paksa:

1. Ang Epekto ng Pandemya sa Bansa


2. Ang Kalagayan ng Edukasyon sa Gitna ng Pandemya
3. Ang Positibong Epekto ng COVID-19
4. Ang Mga Bayaning Frontliner

Mga Pamantayan

Ang kabuoan ng sanaysay ay may kaisahan. 3


Gumamit ng iba’t ibang paraan ng pagpapahayag 3

Naglalaman ng mga opinyon at saloobin tungkol sa paksa 2


Wasto ang gamit ng wika at mga bantas 2

Kabuoang Puntos 10

____________________________________

Pamagat

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

12
PAGPAPAHALAGA
!

Matapos mong malaman ang iba’t ibang paraan ng pagpapahayag, naisip


mo ba kung gaano ito kahalaga sa pakikipagkomunikasyon? Bigyan mo ng
puntos kung gaano kahalaga ang mga paraan ng pagpapahayag mula 5-10.
Sampu ang pinakamataas habang 5 naman ang pinakamababa. Isulat mo sa
ibaba kung bakit ito ang puntos na iyong ibinigay.

Puntos_______

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

PANAPOS NA PAGSUSULIT
!

Panuto: Lagyan ng tsek (√ ) kung ito’y nagpapakita ng katangian ng isang


nagpapahayag at ekis (X) kung hindi. Ilagay ang sagot sa loob ng kahon.

1. Maaaring makasulat ng isang magandang pagpapahayag ang isang taong


may limitadong kaalaman sa paksang nais sulatin.

2. Ang pagpapaliwang, pagbibigay-kaalaman o pakahulugan ay katangian ng


isang pagpapahayag.

3. Mahalaga ang pagpapanig sa isang proposisyon kapag nagpapahayag.

4. Mas magiging epektibo ang pagpapahayag sa pamamagitan ng pagibigay


ng mga tiyak at makatotohanang halimbawa.

5. Madaling maikintal sa isip ng mambabasa o tagapakinig ang


pagpapahayag sa pamamamagitan ng sanhi at bunga.

13
14
Makati City: DIWA Innovation in Education. 2016
2. Reyes, Alvin Ringgo C.et al., Pinagyamang Wika at Panitikan 8(Kto12)
Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc., 2017
1. Dayag, Alma G. et al., Pinagyamang Pluma 8 (K to 12) Ikalawang Edisyon.
Mga Aklat:
Sanggunian
PAUNANG PAGSUBOK BALIK-ARAL PAGSASANAY 1
1.PAG-IISA-ISA 1. T 1. D
2.PAGHAHAMBING 2. M 2. E
3. PAGSUSURI 3. M 3. A
4. SANHI 4. T 4. C
5. HALIMBAWA 5. T 5. B
PAGLALAHAT/
PAGSASANAY 2 PAGSASANAY 3 PAGPAPAHALAGA
1. A 1.PAGSUSURI Nasa guro na ang
2. C 2. SANHI AT BUNGA kapasyahan sa
3. B 3. PAGBIBIGAY NG pagbibigay ng
4. C HALIMBAWA puntos.
5. C 4. PAG-IISA-ISA
5. PAGBIBIGAY NG
HALIMBAWA
PANAPOS NA PAGSUSULIT
1. X
2. √
3. X
4. √
5. √
!
SUSI SA PAGWAWASTO

You might also like