Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 14

Filipino 8

Filipino – Ikawalong Baitang


1
Unang Markahan – Modyul 14: Paglalayag sa Puso ng Isang Bata
ni Genoveva Edroza Matute
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.
Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Gina M. Bongalos, Jane M. Cureg, Normita E. Libramonte


Editor: Paul John S. Arellano at Josefina T. Salangsang, HT III
Tagasuri: Emelita S. Garcia, Melinda P. Iquin
Tagalapat: Gina M. Bongalos
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD

Chief, School Governance and Operations Division and

OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)

Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)

Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)

Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)

Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)


!

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig

2
Filipino 8
Unang Markahan
Modyul 14 para sa Sariling Pagkatuto
Paglalayag sa Puso ng Isang Bata
ni Genoveva Edroza Matute
Manunulat: Gina M. Bongalos, Jane M. Cureg, Normita E. Libramonte
Tagasuri: Emelita S. Garcia, Melinda P. Iquin
Editor: Paul John S. Arellano at Josefina T. Salangsang, HT III

3
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 8 ng Modyul 14 para sa


araling Paglalayag sa Puso ng Isang Bata ni Genoveva Edroza Matute!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod,
Kgg. Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

4
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 8 Modyul 14 ukol sa Paglalayag sa Puso


ng Isang Bata ni Genoveva Edroza Matute!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.

5
MGA INAASAHAN

Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat matutuhan pagkatapos pag-


aralan ang modyul na ito.

KASANAYANG PAMPAGKATUTO:
1. Naiuugnay ang mga kaisipan sa akda sa mga kaganapan sa sarili, lipunan, at
daigdig.
2. Nabibigyang-kahulugan ang mga simbolo at pahiwatig na ginamit sa akda.

MGA INAASAHANG LAYUNIN:


1. Nabibigyang kahulugan ang mga simbolo at pahiwatig na ginamit sa maikling
kuwentong Paglalayag Sa Puso ng Isang Bata ni Genoveva Edroza Matute.
2. Nakapaglalahad ng sariling kaisipan at pananaw batay sa paksa na may
kaugnayan sa sarili at sa lipunang kaniyang ginagalawan.
3. Nabibigyang katangian ang mga pangunahing tauhan sa maikling kwentong
binasa sa panahon na naisulat ito.

PAUNANG PAGSUBOK

Alamin natin kung gaano na ang lawak ng iyong kaalaman sa nilalaman ng


aralin na ito. Isulat ang letra ng tamang sagot sa linya bago ang bilang.

________1. Ang salitang paglalayag ay nangangahulugan ng _____________.


A. pag-alis B. paglalakbay C. pananatili D. pagpapaalam

________2. Ang edad ng bata sa nasabing kuwento ay __________.


A. labing- isa B. pito C. siyam D. walo

________3. Siya ang itinuturing na _________ sa klase.


A. pinakamagulo C. pinakamatalino
B. pinakamaliit D. pinakamayaman

________4. Anong kataga ang laging sinasabi ng bata sa guro bago siya umuwi.
A. Goodye, Teacher! C. Salamat po, Teacher.
B. Hanggang sa muli po, Teacher. D. Sige po, Teacher.

_________5. “Nang mga sandaling yaon siya ang aking naging __________________”
A. guro B. kaaway C. kaibigan D. kaklase

6
BALIK-ARAL
Bago tayo magsimula, sukatin muna natin ang iyong mga natutuhan sa
nakaraang aralin. Subukan mong sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat ang
titik ng tamang sagot sa patlang:

______1. Ang maikling kuwento ay mas nakilala noong panahon ng ___________.


A. Amerikano B. Hapon C.Intsik D. Kastila

______2. Siya ang kinilalang Ama ng Maikling Kuwentong Tagalog.


A. Alejandro Abadilla C. Edgar Allan Poe
B. Deogracias A. Rosario D. Hernando Ocampo

______3. Ito ang nagpapadaloy at nagbibigay ng interes sa kuwento .


A. Kasukdulan B. Saglit na kasiglahan C. Suliranin D. Wakas

______4. Ano ang ginagawang libangan ng mga Pilipino noong panahong iyon?
A. Pagbabasa ng maikling kuwento C. Panonood ng mga palabas
B. Pagguhit ng mga larawan D. Pagsusulat ng mga tula

_____5. Uri ng maikling kuwento na ang binibigyang diin ang kapaligiran,


pananamit ng mga tauhan, uri ng pamumuhay at hanapbuhay ng mga tao
sa nasabing pook.
A. Kuwento ng Kapaligiran C. Kuwento ng Pag-ibig
B. Kuwento ng Katutubong Kulay D. Kuwento ng Tauhan

ARALIN

Natutuwa ako at nagawa mong masagutan ang balik-aral. Ngayon, alam


kong handa ka na sa pagkilala sa bagong aralin.
Sa susunod na bahagi ng ating pag-aaral, makababasa ka ng isang
halimbawa ng maikling kuwento. Suriin mo kung ano ang mga simbolo at
pahiwatig na ginamit sa akdang Paglalayag sa Puso ng Isang Bata nang sa gayo’y
maunawaan mo ang kaugnayan ng nilalaman at maikintal sa iyong isipan at sa
iyong lipunang ginagalawan ang may kaugnayan sa maikling kuwento.
Suriin ang sumusunod na larawan, at pagnilayan ang tanong ukol dito.

https://bit.ly/3eh85KO https://bit.ly/2W3msft https://bit.ly/3fhnoDJ

7
Ano ang sinisimbolo ng mga larawan? Batay sa mga larawang iyong nakita,
ano sa iyong palagay kaya ang maaaring angkop na pamagat ng kuwentong
babasahin?

Paglalayag Sa Puso Ng Isang Bata


Ni Genoveva Edroza Matute

Binata na siya marahil ngayon. O baka ama na ng isang mag-anak. Ito ay kung
nakaligtas siya sa nakaraang digmaan…nguni’t ayaw kong isiping baka hindi. Sa
akin, siya’y hindi magiging isang binatang di-kilala, isang ama, o isang alaala kaya
ng Bataan. Sa akin, siya’y mananatiling isang batang lalaking may kaliitan, may-
kaitiman at may walong taong gulang.
Pagkaraan ng daan-daang tinuruan, mga sumipot, nanatiling saglit, at lumisan
pagkatapos, pagkaraan ng mga taong ang ila’y nagdumali, ang ila’y nagmabagal at
ang ila’y nakintal sa gunita, buhay na buhay pa sa aking isipan ang kaniyang
mukha at ang kaniyang pangalan. Nguni’t ang buhay sa lahat ay ang isang bagay
na itinuro niya sa akin, isang araw, nang siya ang aking maging guro, at ako ang
kanyang tinuruan.
Isa siya sa pinakamaliliit sa klase. At isa rin sa pinakapangit. Ang bilog at pipis
niyang ilong ay lubhang kapansin-pansin at tingnan lamang iyo’y mahahabag na
sa kanya ang tumitingin. Kahit ang paraan niya ng pagsasalita ay laban din sa
kanya. Mayroon siyang kakatuwang “punto” na nagpapakilalang siya’y taga-ibang
pook.
Nguni’t may isang bagay na kaibig-ibig sa munti’t pangit na batang ito, kahit sa
simula pa lamang. Nagpapaiwan siya tuwing hapon kahit hindi na siya hilingan
nang gayon. Tumutulong siya sa mga tagalinis at siya ang pinakamasipag sa lahat.
Siya rin ang pinakahuling umaalis: naglilibot muna sa buong silid upang pulutin
ang mga naiiwang panlinis. Lihim ko siyang pinamamasdan habang inaayos niya
ang mga ito sa lalagyan, ipinipinid, at pagkatapos ay magtutungo sa likod ng mga
hanay ng upuan upang tingnan kung tuwid ang bawa’t isa. At sa pintuan, lagi
siyang lumilingon sa pagsasabi ng, “Goodbye, Teacher!”
Sa simula, pinagtakhan ko ang kaniyang pagiging mahihiyain. Nakikita ko
siyang gumagawa nang tahimik at nag-iisa—umiiwas sa iba. Paminsan-minsa’y
nahuhuli ko siyang sumusulyap sa akin upang bawiin lamang agad ang kanyang
paningin. Habang tinatanaw ko siya tuwing hapon, pinakahuli sa kaniyang mga
kasamahan, ay naiisip kong alam na alam niya ang kaniyang kapangitan, ang
kakatuwang paraan ng kanyang pagsasalita.
Unti-unti kong napagdugtung-dugtong ang mga katotohanan tungkol sa
kanyang buhay. Payak ang mga katotohanan: siya’y isang munting ulilang galing
sa lalawigan, lumuwas sa malaking lungsod bilang utusan. At kalahating araw
siyang pumapasok sa paaralan upang may makasama sa pagpasok at pag-uwi ang
anak ng kanyang panginoon.
Isang mabagal na paraan: ang pag-akit na iyon sa kaniya at ang pagtiyak na
siya’y mahalaga at sa kaniya’y may nagmamahal. Napasuot na siya sa mga
kaguluhang bahagi ng buhay ng bawa’t bata. Nanukso na siya sa mga batang
babae. Lalo siyang naging malapit sa akin. Lalo siyang naging maalala at
mapagmahal. Maligaya na siya.
Isang araw, nangyari ang hindi inaasahan. Sa paglingon ko sa mga taong
nagdaa’y naaamin ko sa sariling ang lahat nang iyo’y aking kasalanan.
8
Mainit noon ang aking ulo,umagang-umaga pa. At ang hindi dapat gawin ay
aking ginawa— napatangay ako sa bugso ng damdamin. Hindi ko na magunita
ngayon kung ano ang ginawa ng batang iyon na aking ikinagalit. Ang nagugunita
ko lamang ngayon ay ang matindi kong galit sa kanya, ang pagsasalita ko sa
kaniyang ipinanliit niya sa kanyang upuan. Nalimutan ko ang kanyang pag-iisa,
ang kaniyang kalumbayan, ang mabagal na paraan ng pag-akit at pagtiyak sa
kanyang siya’y mahalaga at minamahal.
Nang hapong iyo’y hindi siya nagpadulas sa pagitan ng mga hanay ng upuan.
Nguni’t siya’y nagtungo sa huling upuan upang kunin ang aking tsinelas, upang
paghiwalayin ang mga iyon at upang itapat sa aking mga paa. Nagtungo siya sa
tindahang katapat upang ibili ako ng minindal at nagpaiwan siya upang likumin
ang mga kagamitan sa paglinis at upang ayusin ang mga iyon sa lalagyan sa sulok.
Pinagpantay-pantay rin niya ang mga upuan sa bawa’t hanay, gaya nang
kanyang kinamishasnan. Nguni’t hindi siya tumingin sa akin minsan man lamang
nang hapong iyon.
Naisip ko: Napopoot siya sa akin. Sa munti niyang puso’y kinapopootan niya
ako ng pagkapoot na kasintibay ng pagmamahal na iniukol niya sa akin nitong
mga huling buwan. Ang isa mang batang namulat sa pag-iisa at sa kalumbayan ng
pag-iisa’t kawalan ng pagmamahal ay makadarama rin sa kawalan ko ng
katarungan. Ngayo’y paalis na siya, ang naisip ko nang may kapaitan sa puso.
Tumagal siya sa pagpapantay sa mga upuan. Na tila may binubuong
kapasiyahan sa kaniyang loob.
Nagtungo siya sa pintuan at ang kaniyang mga yabag ay mabibigat na tila sa
isang matandang pagod. Sa loob ng maraming buwan, ngayon lamang siya hindi
lumingon upang magsabi ng, “Goodbye, Teacher.” Lumabas siya nang tahimik at
ang kaniyang mabibigat na yabag ay lumayo nang lumayo.
Ano ang ginawa kong ito? Ano ang ginawa kong ito? Ito ang itinanong ko nang
paulit-ulit sa aking sarili. Napopoot siya sa akin. At ito’y sinabi ko rin nang paulit-
ulit sa aking sarili.
Bukas… Marahil, kung pagpipilitan ko bukas…
Biglang-bigla, ang maitim at pipis na mukha ng bata’y nakita ko sa pintuan.
Ang mga mata niyang nakipag-salubungan sa aki’y may nagugulumihanang tingin.
“Goodbye, Teacher,” aniya. Pagkatapos ay umalis na siya. Nagbalik siya upang
sabihin iyon sa akin.
Kung gaano katagal ako noon sa pagkakaupo ay hindi ko na magunita ngayon.

Ang tangi kong nagugunita’y ang pagpapakumbaba ko sa kalakhan ng puso ng


munting batang yaon, sa nakatitinag na kariktan ng kanyang kaluluwa. Nang
sandaling yaon, siya ang aking naging guro.

Ang akdang iyong binasa ay isang halimbawa ng maikling kuwento kung saan
ipinakita ang samahan ng isang guro at kanyang mag-aaral. Ito ay sinulat ni
Genoveva Edroza Matute.

9
Si Genoveva Edroza-Matute (3 Enero 1915 – 21 Marso
2009) ay isang bantog kuwentistang Pilipino. Isa rin siyang guro
at may-akda ng aklat sa Balarilang Tagalog, na nagturo ng mga
asignaturang Filipino at mga asignaturang pang-edukasyon.

Nagturo siya ng apatnapu’t anim na taon sa elementarya,


sekundarya at kolehiyo, at nagretiro bilang Dekana ng Pagtuturo
sa Dalubhasaang Normal ng Pilipinas (ngayon ay Pamantasang
https://bit.ly/39QVP3e
Normal ng Pilipinas) noong 1980. Pinarangalan siya ng Sentrong
Pangkultura ng Pilipinas ng Gawad CCP Para sa Sining (Panitikan)

MGA PAGSASANAY
Pagsasanay 1
TALASALITAAN: Bigyang-kahulugan ang mga salita sa Hanay A at piliin ang
letra ng tamang sagot sa Hanay B.

HANAY A HANAY B
__________1. mumunti A. maalala
__________2. magunita B. maawa
__________3. lumisan C. maliit
__________4. nakintal D. umalis
__________5. mahabag E. tumanim sa isipan

Pagsasanay 2
PAGLALARAWAN. Suriin ang dalawang pangunahing tauhan sa kuwento.
Ibigay ang mga katangiang taglay nila batay sa pagsasalaysay sa akda.

https://bit.ly/3fhnoDJ

https://bit.ly/39LPMww

10
Pagsasanay 3

Panuto: Tukuyin ang nilalaman ng teksto sa pamamagitan ng pagpapaliwanag ng


mga kaisipan mula sa sumusunod na pahayag. Isulat ang paliwanag sa
kahon.
1. Sa akin, siya’y mananatiling isang batang lalaking may kaliitan, may-
kaitiman at may walong taong gulang.

2. Unti-unti kong napagdugtung-dugtong ang mga katotohanan tungkol sa


kanyang buhay. Payak ang mga katotohanan: siya’y isang munting ulilang
galing sa lalawigan, lumuwas sa malaking lungsod bilang utusan.

3. Isang tahimik na pagkakaibigan ang nag-ugnay sa munti’t pangit na


batang ito sa akin.

4. Isang araw, nangyari ang hindi inaasahan. Mainit noon ang aking ulo,
umagang-umaga pa. At ang hindi dapat gawin ay aking ginawa—
nagpatangay ako sa bugso ng damdamin. Ano ang ginawa kong ito? Ano ang
ginawa kong ito? Ito ang itinanong ko nang paulit-ulit sa aking sarili.
Napopoot siya sa akin.

5. Ang tangi kong nagugunita’y ang pagpapakumbaba ko sa kalakhan ng


puso ng munting batang yaon, sa nakatitinag na kariktan ng kanyang
kaluluwa. Nang sandaling yaon, siya ang aking naging guro.

PAGLALAHAT

Sagutin ang sumusunod na tanong:


Sa iyong palagay, bakit paglalayag sa puso ng isang bata ang pamagat ng
kuwento?
Sa katapusan ng kuwento, bakit nasabi ng guro na sa sandaling yaon,
ang bata ay kaniyang naging guro?

11
PAGPAPAHALAGA
Ibigay ang pangkalahatang mensaheng nais ipahatid ng kuwento sa
sarili, lipunan at daigdig.

PAG- UUGNAY SA SARILI

PAG-UUGNAY SA LIPUNAN

PAG-UUGNAY SA DAIGDIG

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat sa patlang ang sagot.

________________1. Sinong G ang sumulat ng maikling kuwentong “Paglalayag sa


Puso ng Isang bata”?

________________2. Anong M ang akdang pampanitikan na naglalaman ng maikling


salaysay?

________________3. Sinong B ang pinakamaliit sa klase, may walong taong gulang at


nananatili pa rin sa alaala ng guro?

________________4. Sinong G ang naglayag sa puso ng isang bata?

________________5. Anong G ang madalas na sinasambit sa guro bago siya umuwi?

12
SUSI SA PAGWAWASTO

13
Sanggunian
Modyul sa Filipino 8-Gabay ng mga Guro, Kagawaran ng Edukasyon pahina
341-354.

Moratilla-Recorba, Arabejo-Nacin, Sunga-Tanawan, Kibla-Lartec, Pagbasa at


Pagsulat sa iba’t ibang Disiplina, Trinitas Publishing, Inc., pahina 54.

Panitikang Filipino Modyul, Baitang Walo, Kagawaran ng Edukasyon, Dibisyon ng


Lungsod Pasig, pahina 62-66.

14

You might also like

  • Filipino
    Filipino
    Document19 pages
    Filipino
    Wes
    No ratings yet
  • FIL8 Q2 M15
    FIL8 Q2 M15
    Document13 pages
    FIL8 Q2 M15
    Sun Josephine
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Alyssa rubayan
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Alyssa rubayan
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document17 pages
    Filipino
    suerte zaragosa
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Gladys Angela Valdemoro
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Alyssa rubayan
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document17 pages
    Filipino
    Aisa Galmac Bansil-Solaiman
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Rafael De Vera
    No ratings yet
  • Filipino - Ikawalong Baitang
    Filipino - Ikawalong Baitang
    Document15 pages
    Filipino - Ikawalong Baitang
    Maricel Tayaban
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Pepeng Maghapon
    No ratings yet
  • MTB Mle 2 Q1 M1 1 PDF
    MTB Mle 2 Q1 M1 1 PDF
    Document18 pages
    MTB Mle 2 Q1 M1 1 PDF
    carmell channel
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    jan lawrence panganiban
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    jan lawrence panganiban
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Gladys Angela Valdemoro
    No ratings yet
  • FIL8 Q2 M10
    FIL8 Q2 M10
    Document14 pages
    FIL8 Q2 M10
    Sun Josephine
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Maria Carmela Arellano
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Pepeng Maghapon
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Klaris Reyes
    67% (3)
  • Science 3 Q2 M15 LAYOUT
    Science 3 Q2 M15 LAYOUT
    Document16 pages
    Science 3 Q2 M15 LAYOUT
    Angel Ricafrente
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Alyssa rubayan
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Cresanto Mullet
    No ratings yet
  • Filipino: Modyul 15
    Filipino: Modyul 15
    Document15 pages
    Filipino: Modyul 15
    Camille Castrence Caranay
    No ratings yet
  • FIL8 Q2 M16
    FIL8 Q2 M16
    Document15 pages
    FIL8 Q2 M16
    Sun Josephine
    No ratings yet
  • Fil 9
    Fil 9
    Document15 pages
    Fil 9
    Charles Carullo
    No ratings yet
  • FIL8 Q2 M3
    FIL8 Q2 M3
    Document15 pages
    FIL8 Q2 M3
    Sun Josephine
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Gladys Angela Valdemoro
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Gladys Angela Valdemoro
    100% (1)
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Josephine Gonzaga
    No ratings yet
  • Ap1 Q1 M8 Final - SLM
    Ap1 Q1 M8 Final - SLM
    Document15 pages
    Ap1 Q1 M8 Final - SLM
    Pocholo Funtanilla
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document17 pages
    Filipino
    Paul Lee
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document17 pages
    Filipino
    Wes
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document16 pages
    Filipino
    Che Creencia Montenegro
    75% (4)
  • MTB-MLE 2 - Q3 - Module 10
    MTB-MLE 2 - Q3 - Module 10
    Document14 pages
    MTB-MLE 2 - Q3 - Module 10
    Gladie Faye Balbalosa
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document16 pages
    Filipino
    yajope8262
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    RONALYN MODESTO
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Che Creencia Montenegro
    100% (2)
  • Filipino
    Filipino
    Document18 pages
    Filipino
    Elisa Acojedo
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Aisa Galmac Bansil-Solaiman
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Rachel Felipe
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Pepeng Maghapon
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Alyssa rubayan
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    AVEGAIL GOMEZ
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Alyssa rubayan
    No ratings yet
  • Ibong Adarna-Ikaapat Na Linggo
    Ibong Adarna-Ikaapat Na Linggo
    Document14 pages
    Ibong Adarna-Ikaapat Na Linggo
    Joan Makiling
    100% (1)
  • FIL8 Q2 M12
    FIL8 Q2 M12
    Document14 pages
    FIL8 Q2 M12
    Sun Josephine
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document16 pages
    Filipino
    Josephine Gonzaga
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Maria Carmela Arellano
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document17 pages
    Filipino
    manilamidwest26
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Raymond Destua
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Mary Grace Fahimno
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document12 pages
    Filipino
    Alyssa rubayan
    No ratings yet
  • FIL8 Q2 M7
    FIL8 Q2 M7
    Document15 pages
    FIL8 Q2 M7
    Sun Josephine
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Aisa Galmac Bansil-Solaiman
    No ratings yet
  • Ap1 Q1 M9 Final - SLM
    Ap1 Q1 M9 Final - SLM
    Document15 pages
    Ap1 Q1 M9 Final - SLM
    Pocholo Funtanilla
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Maricel Tayaban
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Harlene Arabia
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Cresanto Mullet
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document22 pages
    Filipino
    manilamidwest26
    No ratings yet
  • Ugaling Pinoy (Unang Aklat) Usaping Propesyunal ng mga Pilipino
    Ugaling Pinoy (Unang Aklat) Usaping Propesyunal ng mga Pilipino
    From Everand
    Ugaling Pinoy (Unang Aklat) Usaping Propesyunal ng mga Pilipino
    No ratings yet
  • F9-Q4-L4.1
    F9-Q4-L4.1
    Document45 pages
    F9-Q4-L4.1
    Sun Josephine
    No ratings yet
  • FIL8 Q2 M3
    FIL8 Q2 M3
    Document15 pages
    FIL8 Q2 M3
    Sun Josephine
    No ratings yet
  • F9 U24 L1
    F9 U24 L1
    Document20 pages
    F9 U24 L1
    Sun Josephine
    No ratings yet
  • Mga Pagsasanay
    Mga Pagsasanay
    Document3 pages
    Mga Pagsasanay
    Sun Josephine
    No ratings yet
  • FIL8-Q1-W1
    FIL8-Q1-W1
    Document3 pages
    FIL8-Q1-W1
    Sun Josephine
    No ratings yet
  • Filipino 9: Unang Markahan
    Filipino 9: Unang Markahan
    Document2 pages
    Filipino 9: Unang Markahan
    Sun Josephine
    No ratings yet
  • Filipino 9: Unang Markahan
    Filipino 9: Unang Markahan
    Document2 pages
    Filipino 9: Unang Markahan
    Sun Josephine
    No ratings yet
  • Filipino 9: Unang Markahan
    Filipino 9: Unang Markahan
    Document3 pages
    Filipino 9: Unang Markahan
    Sun Josephine
    No ratings yet
  • Filipino 9: Unang Markahan
    Filipino 9: Unang Markahan
    Document2 pages
    Filipino 9: Unang Markahan
    Sun Josephine
    No ratings yet
  • Filipino 9: Unang Markahan
    Filipino 9: Unang Markahan
    Document4 pages
    Filipino 9: Unang Markahan
    Sun Josephine
    No ratings yet
  • Filipino 9: Unang Markahan
    Filipino 9: Unang Markahan
    Document5 pages
    Filipino 9: Unang Markahan
    Sun Josephine
    No ratings yet
  • Lesson Exemplar in Filipino WK 1
    Lesson Exemplar in Filipino WK 1
    Document4 pages
    Lesson Exemplar in Filipino WK 1
    Sun Josephine
    No ratings yet
  • How Great Is Our God!
    How Great Is Our God!
    Document4 pages
    How Great Is Our God!
    Sun Josephine
    No ratings yet
  • Filipino 9: Unang Markahan
    Filipino 9: Unang Markahan
    Document3 pages
    Filipino 9: Unang Markahan
    Sun Josephine
    No ratings yet
  • LE Template - Filipino
    LE Template - Filipino
    Document2 pages
    LE Template - Filipino
    Sun Josephine
    No ratings yet
  • Course Guide-Fil8-Q1
    Course Guide-Fil8-Q1
    Document37 pages
    Course Guide-Fil8-Q1
    Sun Josephine
    No ratings yet