Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 45

Teacher Ai

Guro sa Filipino
Panuto: Pagtapatin ninyo ang mga salita sa nandito sa harap
sa kanilang mga kahulugan.

a. sa salita ng Ifugao nangangahulugang


IGAT
babae

b. sa salita ng Ifugao nangangahulugang


RITWAL
lalaki

c. isang ritwal na ginagawa upang magkaroon


BU-AD
ng anak

BUGAN d. isang uri ng isda na napakadulas

e. sinaunag paraan sa pag-aalay sa mga


WIGAN
diyos at diyosa
SAGOT:

IGAT d. isang uri ng isda na napakadulas

e. sinaunang paraan sa pag-aalay sa mga


RITWAL
diyos at diyosa

c. isang ritwal na ginagawa upang magkaroon


BU-AD
ng anak

a. sa salita ng Ifugao nangangahulugang


BUGAN
babae

b. sa salita ng Ifugao nangangahulugang


WIGAN
lalaki
Panuto: Suriing mabuti ang mga larawan. Ano ang kanilang
pagkakatulad? Anong salita ang pwedeng gamiting
paglalarawan sa mga ito?
KAGANDAHANG
ASAL
Ang unang
larawan ay
nagpapakita ng
paggalang sa mga
matatanda sa
pamamagitan ng
pagmamano.
Ang pangalawa at pang-apat na larawan ay parehong
nagpapakita ng kabutihang pagtulong sa kapwa. Tinutulungan
ng bata ang matanda na tumawid sa kalsada at tinutulugan
naman ng lalaki ang kaibigan niya na nasugatan dahil sa
pagbibisekleta.
Sa huling larawan makikita ang
pagkukusang–loob ng batang babae na
tupiin ang kanilang mga gamit.
TANONG #1:

Mula sa mga ipinakitang


larawan, ano kaya ang
mensahing nais ipabatid
nito sa atin?
Ipinababatid nito ang
iba’t ibang paraan sa
pagpapakita ng
KAGANDAHANG ASAL.
Tanong #2:

Paano makakatulong ang


mga mensaheng nakapaloob
sa larawan sa pag-uugali ng
isang tao?
Kayo ay inaasahang:
1. Nasusuri ang tiyak na bahagi ng nabasang
parabula na naglalahad ng katotohanan,
kabutihan at kagandahang asal.

2. Nasusuri ang nilalaman, elemento at


kakanyahan ng binasang akda gamit ang ibinigay
na tanong.

3. Nabibigyang puna ang estilo ng may akda


batay sa mga salita at ekspresyong ginamit sa
akda.
TUSO:
♣ mapanlinlang
♣ mapanglamanag

Halimbawa:

Talagang masama itong si Tasyo


tuso kung makipagkalakalan sa ibang
tao.
¹ Sinabi rin niya sa mga
alagad, “May isang mayaman
na may katiwala.
Isinusumbong sa kanya na
nilulustay nito ang kanyang
mga kayamanan.

2Tinawag niya ito at tinanong,


‘Ano itong narinig ko tungkol
sa iyo? Magbigay-sulit ka ng
ipinagkatiwala sa iyo,
sapagkat hindi ka na
maaaring maging katiwala
pa.’
3Sinabi ng katiwala sa sarili,
‘Ano ang gagawin ko
ngayong tinanggal na sa akin
ang pangangasiwa? Hindi ko
kayang magbungkal ng lupa
at nahihiya naman akong
mamalimos.
4Alam ko na ang gagawin ko!
Maalis man ako sa
pangangasiwa, may
tatanggap naman sa akin sa
kanilang tahanan.’
5 Kaya't
isa-isa niyang tinawag
ang mga may utang sa
kanyang panginoon. Sinabi
niya sa una, ‘Magkano ang
utang mo sa aking
panginoon?’
6 At sinabi nito, ‘Sandaang
tapayan ng langis.’ Sinabi niya
naman dito, ‘Kunin mo ang
katibayan ng iyong
pagkakautang, maupo ka at
isulat mo agad na limampu.’
7 Pagkatapos ay sinabi
naman niya sa isa pa,
‘Magkano ang utang
mo?’ At sinabi nitong,
‘Sandaang kabang trigo.’
Sinabi niya rito, ‘Kunin
mo ang katibayan ng
iyong pagkakautang at
isulat mo na walumpu.’
8 Pinuri ng panginoon ang madayang katiwala dahil sa
katusuhan nito. Sapagkat ang mga anak ng sanlibutang
ito ay mas tuso sa pamamahala ng kanilang pamumuhay
kaysa mga anak ng liwanag.
9 Sinasabi ko sa inyo, makipagkaibigan kayo gamit ang
kayamanan ng sanlibutan upang kung maubos na ito ay
tatanggapin kayo sa walang hanggang mga tahanan.

10Ang tapat sa kaunti ay tapat din sa marami at ang hindi


tapat sa kaunti ay hindi rin tapat sa marami.
11 Kayakung hindi kayo
naging tapat sa
kayamanan ng
sanlibutan, sino ang
magtitiwala sa inyo sa
tunay na kayamanan?
12At kung hindi kayo
naging tapat sa
kayamanan ng iba, sino
ang magbibigay sa inyo
ng sarili ninyong
kayamanan?
13 Walang aliping
makapaglilingkod sa
dalawang panginoon.
Sapagkat kapopootan
niya ang isa ngunit
iibigin ang isa pa. O
kaya naman ay
magiging tapat siya sa
isa ngunit kamumuhian
ang isa pa. Hindi kayo
maaaring maglingkod
sa Diyos at sa salapi.”
PARABULA
► ay maikling salaysay na nagtuturo
ng kinikilalang pamantayang
moral na karaniwang batayan ng
gma kuwento ay nasa Banal na
Kasulatan. Realistiko ang banghay
at ang mga tauhan ay tao. Ang
mga parabola ay may tonong
mapagmungkahi at maaaring may
sangkap ng misteryo.
PARABLES
► ito sa wikang Ingles

PARABLE
► ito sa wikang griyego
ELEMENTO
ng
1. Tauhan
2. Tagpuan
3. Banghay
4. Aral o magandang
Kaisipan
1. TAUHAN
► ito ang mga
karakter na
hango sa Bibliya
na maaaring
makapagbibigay
aral.
TANONG:
► Sino-sino ang mga tauhan
sa binasa nating akda?
SAGOT:
► Ang mga tauhan ay sina
Hesus, mga Alagad ni Hesus,
mayayamang tao na may
katiwala, katiwala, mga may
utang sa amo ng may katiwala
at mga Pariseo.
2. TAGPUAN
► ito ang lugar at
panahon na pinang-
yarihan ng kuwento.
TANONG:
► Saan naman ang tagpuan
sa kuwentong “Ang Tusong
Katiwala?
SAGOT:
► Tahanan ng kaniyang
amo
►Tahanan ng may utang
sa kaniyang amo.
3. BANGHAY
► Ito ang pagka-
sunod-sunod ng mga
pangyayari sa
kuwento. Ito ay
binubuo ng simula,
gitna at wakas.
TANONG:
► Ayusin ang wastong
pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari sa parabulang “Ang
Tusong Katiwala”
___► Natuwa ang amo ng matuklasan ang
ginawang katusuhan ng kaniyang
katiwala.
___ ► Ikinagalit ng amo ang balita tungkol
sa paglulustay ng kaniyang katiwala sa
kaniyang ari-arian.
___ ► Nilapitan niya lahat ng nagkautang
sa kaniyang amo at pinapirma ng
bagong kasulatan kung saan mas maliit
na ang utang nito kesa dati.
3
___► Natuwa ang amo ng matuklasan ang
ginawang katusuhan ng kaniyang
katiwala.
1 ► Ikinagalit ng amo ang balita tungkol
___
sa paglulustay ng kaniyang katiwala sa
kaniyang ari-arian.
2 ► Nilapitan niya lahat ng nagkautang
___
sa kaniyang amo at pinapirma ng
bagong kasulatan kung saan mas maliit
na ang utang nito kesa dati.
4. ARAL o MAGANDANG
KAISIPAN
► Ito ay ang makabuluhang
mensaheng matutuhan mula sa
akdang binasa.
TANONG:
► Anong aral ang inyong
natutunan sa akdang “Ang
Tusong Katiwala?”
SAGOT:
► Ang kuwento ay nagpapakita ng
pagpapahalaga sa tiwalang
ipinagkaloob sa iyo.
► Dapat maging tapat ka sa mga taong
nagtitiwala sayo sa maliit man o
malaking bagay.
Panuto: Tukuyin ang mga pangyayari sa
akda na nagpapakita ng
KATOTOHANAN, KABUTIHAN,
KAGANDAHANG ASAL

KATOTOHANAN KABUTIHAN KAGANDAHANG - ASAL


TANDAAN:

“ANG MAPAGKAKATIWALAAN SA
MALIIT NA BAGAY,
MAPAGKAKATIWALAAN SA
MALAKING BAGAY.”
Teacher Ai
Guro sa Filipino

You might also like