Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Pagsusuri ng Ang Ama

Ang Ama

Ni Mauro R. Avena

I.A. Ang Ama ni Mauro R. Avena

B. Panitikang Asyano Modyul ng Mag-aaral sa Filipino 9

II. Buod:

Nagsimula ang kwento sa magkahalo lagi ang takot at pananabik kapag hinihintay ng mga bata ang
kanilang ama. Ang takot sa tuwing uuwing lasing at bugbugin sila. Pananabik dahil paminsan-minsan ay
may inuuwi itong malaking supot ng mainit na pansit na iginisa sa itlog atgulay. Sa katunayan ay para
lamang iyon sa kanya, sadyang marami lang ito at hindi niya maubos, pagkatapos ay magkagulo sa tira
ang mga bata. Kundi sa pakikialaman ng ina ay mabibigyan ngkanya-

kanyang parte ang lahat kahit ito’y sansubo lang ng pagkain. Anim lahat ang mga bata. Ang

dalawang pinakamatanda ay isang lalaki, dose anyos, at isang babae, onse; matatapang ang mgaito kahit
na payat, at nagagawang sila lang lagi ang maghati sa lahat ng bagay kung wala ang ina.May dalawang
lalaki, kambal, na nuwebe anyos, isang maliit na babae, otso anyos at isang dosanyos na paslit pa.

Natatandaan pa ng mga bata ang isa o dalawang beses na sinorpresa sila ng ama na nag-uwi ng
dalawang supot ng pansit guisado para sa kanilang lahat pero hindi na naulit ito, sa katunaya’y
ipinapalagay ng mga bata na mapalad sila kung hindi ito umuuwing lasing atnanggugulpi ng kanilang ina.
Kung uuwi itong pasigaw-sigaw at padabog-dabog, tiyak na walang pagkain, at kung minsa’y maingay
ang mga bata sa kanyang pag

-uwi ay naiinis siya rito na umakitsa malaking kamay nito upang pasuntok na dumapo sa kanilang mukha.
Madalas masapok angmukha ng kanilang ina; madalas naririnig ng mga bata na humihikbi ang kanilang
ina tuwing gabiat kinabukasan ang mga pisngi at mata ay namamaga. Sa ibang gabi, hindi paghikbi ang
naririnigng mga bata mula sa kanilang ina kundi isang uri ng nagmamakaawa at ninenerbiyos
habangmalakas na bulalas ng pag-ungol mula sa kanilang ama.

Kapag uuwi ang ama ng mas gabi kaysa dati at mas lasing kaysa dati, kung may

pagkakataon ay ilayo ng mga bata si Mui Mui. Ang dahila’y si Mui Mui, otso anyos ay sakitin at
palahalinghing na parang kuting, ay madalas kainisan ng ama. Noong gabing umuwi ang ama
namasamang-masama ang timpla dahil nasisante sa trabaho, ay si Mui Mui ay nasa gitna ng
isangmahahabang halinghing at walang ano-ano, ang kamao ng ama ay bumagsak sa
nakangusongmukha ng bata na tumalsik sa kabilang kwarto, kung saan ito ay nanatiling walang kagalaw-
galaw.Pagkaraan ng dalawang araw, si Mui Mui ay namatay, at ang ina lamang ang umiyak at ang
amanaman ay buong araw na nakaupong nagmumukmok.
Nang nalaman ito ng kanyang amo, isang matigas ang loob pero mabait na tao, na noondin ay
nagdesisyong kunin siya muli, para sa kapakanan ng kanyang asawa at mga anak. Nagbigayrin ng sariling
pakikiramay, kalakip ang munting abuloy. Nang makita niya ang dati niyang amoat narinig ang maganda
nitong sinabi bilang pakikiramay sa pagkamatay ng kanyang anak aynapahagulhul siya. At doon niya
napagtanto na hindi na siya kailanman iinum at bibili ng alak attuluyang magbagong-buhay. Kumuha siya
ng pera mula sa abuloy at lumabas ng bahay. Pagkalipasng isang oras ay bumalik siya na may bitbit na
malaking supot na may tsokoleyt, ubas, biskwet atkendi. Inilapag ni iyon sa mesa. At maya-

maya’y kinuha ang malaking supot at muling lumabasng bahay. Pumunta siya sa libingan o puntod ng
kanyang anak, lumuhod at dinukot ang mga laman ng supot at inilapag sa puntod, habang pahikbing
nagsalita, “Pinakamamahal kong anak, walangmaiilay sa iyo ang iyong ama kundi ang mga ito. Sana’y
tanggapin mo.”

III. Pagsusuri

A. Uring Pampanitikan

Ang akda ay isang maikling kwento sapagkat kakaunti ang tauhan ng akda, may maikling panahon ang
sinakop at mababasa sa isang upuan lamang. Ito ay kuwento ng tauhan sapagkat anglayunin nito ay
magsalaysay ng mahahalagang pangyayari tungkol sa pangunahing tauhan na angama.

B. Istilo ng Paglalahad

Ang maikling kwentong ito ay gumagamit ng pagsasalaysay at paglalarawan. Isinasalaysay ngmaayos ng


may-akda ang mga mahahalagang pangyayari sa kwento at inilalarawan ng malinawang kilos at galaw ng
bawat tauhan lalong-lalo na ang pangunahing tauhan. Tradisyunal din ang paglalahad ng akda dahil may
karaniwang panimula at sinundan ng saglit na kasiglahan na kungsaan nakakahikayat sa mga
mambabasa na magpatuloy sa pagbasa. Dumaan din sa kapana-panabikna sandali at mabilis ang dalos
ng mga pangyayari hanggang wakas.

C. Mga Tayutay

1.“ipinaglalamay ang wala sa panahong pagkamatay ng kanyang dugo at laman.”

2.Ito ay pagpapalit-tawag dahil ang

ibig sabigin ng dugo at laman ay “anak.”

D. Sariling Reaksyon
1. Pananalig Pampanitikan/ Teorya

a. Realismo- Inilalarawan dito ang buhay sa katunayan at walang halong idealismo.


Sapagkatinilalarawan dito ang ilan sa mga katotohanan sa buhay gaya ng pagbugbug ng ama
kanyang mgaanak at asawa sa tuwing uuwi itong lasing at walang pagkain sa mesa. Gayundin
ang pagkasunod-sunod sa gulang ng kanilang mga anak. Totoong mangyayari kapag may
namatay ay mayroongkapitbabay na magbibigay ng abuloy.

b. Romantisismo- Pananalig na higit na pinapahalagahan ay ang damdamin kaysa pag-iisip. Dahil sa

wagas na pagmamahal ng ina sa kanyang asawa ay hindi pa rin niya ito hiniwalayan kahit siya’y

binugbog o sinaktan, pati ang kanyang mga anak. Nagawa pa rin niyang mag-tiis para maging buoang
kanyang pamilya.

c. Feminismo- Teoryang nagbibigay-diin sa karanasan, katangian at kakayahan ng


kababaihan.Sapagkat inilalarawan sa akda na ang ina ay pantahanan lamang at yaong paggamit
sa kanya ngkanyang asawa at karanasang binugbog siya o sinaktan.

2. Mga Pansin at Puna

a. Mga Tauhan- Malinaw at maayos ang paglalarawan ng tauhan lalong-lalo na ang ama.
Gayundinsi Mui Mui sa paglalarawan ng kanyang kalagayan at karanasang pagpapasakit na
sinapit mulanang sinaktan siya ng kanyang ama hanggang mamatay. Mapapansin din na ang
mga anak aysusod-sunod ang edad. Magandang tularan din ang amo dahil nagbibigay siya ng
abuloy na bukalsa kanyang damdamin.

You might also like