Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

PANGALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG (1939 - 1945)

MGA SANHI NG PANGALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG


• Nasyonalismo – masidhing pagmamahal sa bansa
• Pagbuo ng alyansa
• Pagsakop
• Paglabag sa kasunduan – EX: Kasunduan sa Versailles
• Pagkakaiba ng ideolohiya
Mitsa ng digmaan
1931 – Sinakop ng Japan ang Manchuria (China)
1935 – sinakop ng Italy ang Ethiopia
1936 – sinakop ng Germany ang Rhineland na buffer zone sa pagitan ng Germany at France
1937 – sinakop ng Japan ang Beijing at iba’t ibang parte ng China
1938 – sinakop ng Germany ang Sudetenland
1939 – Sinakop ng Germany ang Czechoslovakia
Holocaust -
Blitzkrieg/”lightning war” – estratehiyang militar na biglaang pagsalakay sa isang
bansa Halimbawa: Pagsalakay ng Germany sa Poland
Axis powers – Japan, Italy, Germany
Allied Forces – USA, France, Great Britain, USSR

United Nation - Naitatag noong Oktubre 24, 1945 pagkatapos ng digmaan

MGA PANGUNAHING IDEOLOHIYANG POLITIKAL AT EKONOMIKO

IDEOLOHIYA – ito ay tumutukoy sa isang sistemang pangkaisipan, paniniwala, at aksiyon. Nagsisilbi


itong huwaran o balangkas ng mga patakaran at sistemang political at ekonomiko ng isang kilusan o
bansa.

LIBERALISMO – JOHN LOCKE


Ang bawat tao ay may karapatang mabuhay, magmay-ari, at maging malaya.

KOSERBATISMO – EDMUND BURKE


Pagpapanatili ng kinagisnang kalagayan (status quo), pangkalinangan, at kaayusan ng isang bansa.
Mahalaga ang kasaysayan, mga tradisyon, at mga institusyon sa pagpapanatili ng kaayusan sa lipunan.

KAPITALISMO - ADAM SMITH


Isang sistemang pang-ekonomiya na nakabatay sa pribadong pagmamay-ari ng mga moda o paraan ng
produksyon at kaparaanan sa paglikha ng malaking tubo o kita.
Ang salik sa produksyon ay dapat pinaghahawakan ng mga pribadong indibidwal at kompanya, hindi
maaaring makialam ang pamahalaan.

PASISMO
Ito ay isang ideolohiyang umusbong sa Europe bunsod ng kahirapan at pagkadismaya sa kawalang
kakayahan ng pamahalaan na malutas ang mga suliraning pang-ekonomiko noong Great depression Higit
na nagpapahalaga sa kapakanan ng estado kaysa sa mamamayan.
Totalitaryanismno

SOSYALISMO
Ideolohiyang nagtataguyod ng kolektibong pagmamay-ari ng mga yaman at produksyon, at pagtugon sa
pangangailangan ng lahat.
KOMUNISMO – KARL MARX
Ang komunismo ay isang pilosopikal, panlipunan, politikal at pang-ekonomikong ideolohiya na
naglalayon na lumikha ng isang komunistang lipunan na kung saan ay patas na naghahati ang mga
mamamayan sa yaman ng isang bansa at sa mga paraan ng produksyon.

COLD WAR
- Ito ang tunggalian na may kinalaman sa magkakaibang ideolohiya sa pagitan ng dalawang panig na
walang nagaganap na komprontasyon
Dalawang Ideolohoyang nag-uumpugan:
• Komunismo/Sosyalismo - Lahat ng mamamayan ay may pantay-pantay na antas sa lipunan kung
saan ang awtoridad lamang ang tanging may kapangyarihan.
• Kapitalismo - Ang mga pribadong ari-arian ay pinamumunuan o pagmamay-ari ng isang tao kung
saan ang mga mamamayan ay nakadepende sa dami ng kanilang kayamanan.
Ugat ng Suliranin sa pagitan ng US at USSR
➢ Pagpapadala ng Red Army sa panahon ng digmaan
➢ Paghihinala ng US
➢ Pagkakaroon ng magkasalungat na opinion (komunismo vs. kapitalismo)
Iron Curtain - Isa sa mga simbolo ng Cold War na nagsisilbing barrier sa Europe sa dalawang panig
(EASTERN AT WESTEN BLOC)
- Naging taguri ni British Prime Minister Winston Churchill sa paghahadlang na isinigawa ng USSR
mula sa mga kanlurang bansa na kaugnay sa US
Truman Doctrine - Ang pagbibigay ng US ng suportang pinansiyal, politikal at militar sa mga bansang
nakakaranas ng banta ng komunismo
Domino Theory - Ang pagbagsak ng isang bansa sa komunismo ay magsusunod na ang mga karatig
bansa nito Berlin Wall - Isang malaking pader na naghahati sa East at West Berlin na siyang inudyok ng
USSR

Mga Paraang Ginamit sa Cold War o Manipestasyon


1. Pagbuo ng alyansa
BANSA ALYSANA MEANING
NATO
USA SEATO
CENTO
USSR Warsaw Pact
2. Paggamit ng Propaganda – Parehong gumamit ng propaganda ang US at USSR upang
palaganapin ang kanilang sariling ideolohiya
3. Pagpapadala ng Espiya – Layuning makakuha ng impormasyon Halimbawa:
- Isang kilalang insidente ang nangyare noong 1960 nang pabagsakin ng USSR ang isang spy plane
ng US na siyang ikinuhuli ng pilotong si Gary Powers
- Dahil din sa pag-eespiya noong 1962, natuklasan ng US ang ilang missile sites sa Cuba na
ipinatayo ng pangulong si Fidel Castro na isang masugid na tagasuporta ng USSR. Tinawag
itong“Cuban Missile
Crisis”
4. Pagpapalakas ng Armas – “ARMS RACE” “Mutually Assured Destruction”
5. Space race – Kapuwa nag-unahan ang dalawang panig na marating ang kalawakan at
maipakita ang kanilang husay sa daigdig
6. Proxy war - Lumahok ang US at USSR sa mga iba pang digmaan kung saan tila sila na rin
mismo ang nagtutunggalian ngunit hindi sa direktang paraan Halimbawa:
Korean War (1950-1953) - Nag-ugat ito mula sa paghahating politikal ng Korea sa 38th parallel ng
Allied Forces matapos ang kalawang Digmaang Pandaigdig. Nagtapos ito sa isang armistice noong ika-27
ng Hulyo 1953 Vietnam War (1959-1975) - Sumiklab ito dahil sa pagkaantala ng pag-bubuklod ng
North at South Vietnam na nahati sa 17th parallel. Ito ang labanan sa pagitan ng US at mga
nasyonalistang Vietnamese na siyang ikinatalo naman US.
NEOKOLONYALISMO
- Makabagong paraan ng kolonyalismo kung saan hindi tuwirang sinasakop ng isang
makapangyarihang bansa ang isang teritoryo
Hegemony – tawag sa pagkontrol, pag-impluwensya sa mga papaunlad na bansa
Hegemon – tawag sa mga makapangyarihang bansa
Core Nation – Mauunlad na bansa
Periphery – Papaunlad na bansa

UNITED NATIONS
- Ito ay isang pandaigdigang organisayon na kinabibilangan ng mga bansa na layuning mapanatili
ang kapayapaan, magkaisa, at para sa kaunlaran ng mga bansa.
- Organisasyong binubuo ng maraming kagawaran, ahensya na layuning resulbahin ang bawat
isyung panlipunan depende sa ginagampanan nitong tungkulin.
Halimbawa:
WHO o World Health Organization – Para sa kalusugan (paglutas sa pandemya)
World Bank – Nagpapautang sa mga bansang nangangailangan ng tulong
pinansyal

You might also like