4 Katarungang Pambarangay

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 47

KATARUNGANG

PAMBARANGAY
OBJECTIVE

• To explain the principles involved


under the Katarungang
Pambarangay Law
TOPIC OUTLINE
• Background and Scope
• Lupong Tagapamayapa
• Composition, Powers, and Duties
of Lupon Chairman and Members
• Functions of Lupon and Pangkat
• Procedures for Amicable
Settlement
• Offenses and Cases Covered
Anu ba ang Katarungang Pambarangay o
Barangay Justice System.

Ang Katarungang Pambarangay -


isang alternatibong paraan ng pag-
aayos ng mga sigalot at alitan ng
mga mamamayan ng barangay na
may layuning magkaloob ng mabilis
at makatarungang aksyon at
desisyon.
- RA 7160 o LGC of 1991 (sec 399-422)
- Presidential Decree 1508
LAYUNIN NG
KATARUNGANG PAMBARANGAY

1. Magkaroon ng mabilis na pagbabahagi ng


katarungan.
2. Maiwasan ang basta-basta pagsasampa ng
mga kaso sa hukuman.
3. Mabawasan ang pagsisikip ng mga talaan
ng hukuman at sa ganoon ay mapataas
ang kalidad ng hustisyang ibinibigay ng mga
hukuman.
4. Mapanitili at kilalanin ang pinagtibay na ng
panahon na mga tradisyon ng
pagsasaaayos ng mga di-pagkakasundo sa
isang mapayapa at makabuluhang paraan.
• Ang pangunahing tungkulin ng
Katarungang Pambarangay ay
hindi ang magdesisyon o
magpataw ng solusyon sa
problema kung hindi ang
magsilbing tagapamagitan
(mediator) at tagapagkasundo
(conciliator) ng mga nag-aaway
na partido.
Paano Binubuo ang Lupong
Tagapamayapa?

• nakasulat sa Secs. 399 & 400 ng LGC o


RA 7160
• Ang Barangay ay magkakaroon ng
Lupong Tagapamayapa na bubuuin
ng Punong Barangay bilang
Tagapangulo at hindi kukulangin sa
sampu (10) o hindi hihigit sa
dalawampu (20) bilang kagawad.
Dito pipiliin ang Pangkat
Tagapagkasundo.
• Ito ay iginagayak ng Punong
Barangay sa loob ng 15 araw buhat sa
panahon nang siya ay maupo.
Paano Binubuo ang Lupong
Tagapamayapa?

• Ang mga Pangalan ng napiling Kagawad


ng Lupon ay IPAPASKEL sa mga Hayag na
Lugar sa loob ng 21 araw.

• Makaraan ng 10 araw ng pagpapaskel, ito


ay hihirangin ng Punong Barangay at
pagtitibayin ng Kalihim ng Barangay.

• Ang mga Pangalan ng KAGAWAD na


hinirang ay mananatiling NAKAPASKEL sa
mga hayag na LUGAR sa loob ng
panahon ng kanilang panunungkulan.
Taong Dapat manungkulan bilang
kasapi ng LUPON.

1. Sinumang taon na nagtataglay ng


katapatan;(INTEGRITY)
2. Walang kinikilingan;(NEUTRALITY)
3. May malayang kaisipan;
(INDEPENDENCE OF MIND)
4. Makatarungan at kilala sa pagiging
matapat at malinis; (REPUTATION OF
PROBITY)
5. Aktuwal na naninirahan o
nagtatrabaho sa barangay.
Ano ang Termino ng mga
Kagawad ng Lupon?

• Ang mga Kagawad ng Lupon ay


manunungkulan sa loob ng tatlong (3)
taon hanggang ang isang bagong
Lupon ay matatag sa pangatlong taon
matapos na sila ay hirangin.

Maliban na lamang kung siya ay


namatay, nagbitiw, nalipat ng tirahan
o trabaho, o bawiin ng Punong
Barangay ang paghirang sa kanya na
sinangayunan ng nakararaming kasapi
ng lupon.
Ano ang mga Gawain ng Lupon?

• Ang Lupon ay dapat na:


1. Magsagawa ng superbisyong
administratibo sa mga Pangkat
upang tignan kung may sapat na
gamit na supplies at porma na
maaaring magamit sa pagtupad
ng kanilang tungkulin ng
maibigay nila ang maayos,
madali at pantay na paglilingkod.
Ano ang mga Gawain ng Lupon?

2. Magsagawa ng Regular na
Pagpupulong minsan sa 1 buwan sa
araw, petsa at lugar na ibibigay ng
Lupon Chairman, upang magpalitan
ng kuru-kuro o opinyon ang mga
kagawad sa iba’t ibang uri ng sigalot
na napagkasundo at iba pang
obserbasyon at karanasan na
maaaring magamit upang mabilis at
mapayapang maayos ang sigalot.
Ano ang mga Gawain ng Lupon?

3. Bumawi ng Paghirang

4. Pagpapatupad (Execution) ng
Napagkasunduan o Gawad ng
Pagkakasundo sa pamamagitan
ng Lupon Chairman

5. Iba pang tungkulin at


kapangyarihan na maaaring
itakda ng batas o ordinansa.
Tungkulin ng Lupon Chairperson

• Ang Punong Barangay bilang


Chairperson ng Lupon ay dapat na
gumanap ng kapangyarihan at
tungkulin gaya ng;

a) Pagbuo ng Lupon
b) MEDIATION (Pamamagitan) at
ARBITRATION (Humatol)
c) Pagbubuo ng Pangkat
d) Iba pang Kapangyarihan at
tungkulin.
ANG KALIHIM NG LUPON

• Ang Kalihim ng Barangay ang siya ring Kalihim


ng Lupon na may mga tungkulin at gampanin
na;

• Itago at panatilihin ang mga Tala sa libro ng


lahat ng sigalot na inihabla sa Punong
Barangay at lagyan ng kaukulang sunod-
sunod na bilang; araw at oras ng pagtanggap;
pangalan ng magkabilang panig at ang uri
ng kaso na inihabla at ang mga
PAGKAKAAYOS na isinagawa.
ANG KALIHIM NG LUPON

• Itala ang lahat ng mga isinagawang


pagkakasundo sa harap ng PB at
magbigay ng Kopya na pinal na ulat sa
kinauukulang MTC;

• Irecord ang tuwirang pagbalewala o pag-


ayaw ng saksi sa mga patawag na
ibinigay ng PB;

• Irecord ang tuwirang pagbalewala o pag-


ayaw ng mga ipinagsusumbong sa mga
patawag na ibinigay ng PB at magbigay
ng Certification to Bar Action/
Counterclaim.
ANG KALIHIM NG LUPON

• Tanggapin at itago ang lahat ng mga


tala ng mga paglilitis na ibinigay ng
iba’t-ibang Pangkat;

• Ipahatid ang lahat ng KASUNDUAN/


Pag-aayos na pinagkasunduan ng 2
panig sa kinauukulang MTC ng hindi
aaga sa ika-11 araw o lalagpas ng
ika-15 araw mula sa petsa ng
pagkakasundo;
ANG KALIHIM NG LUPON

• Mag-issue ng Sertipikasyon upang


makadulog o makapaghabla sa
mataas na hukuman;

• Mag-issue ng Sertipikasyon upang


mahadlangan na makapaghain ng
reklamo/demanda o ang
ipinagsusumbong na makapaghain ng
Kontra Sumbong (Counterclaim) sa
hukuman;
ANG KALIHIM NG LUPON

• Magbigay ng kopya ng mga


Kasunduan at Gawad Paghatol sa
bawat panig at sa Punong
Barangay;

• Mag-issue ng Pinatutunayang
Kopya (Certified Copy) ng anu
mang tala na nasa kanyang pag-
iingat na hindi pinagbabawalan
ng batas o ideneklara na
Confidential ( Sec. 2 Rule III)
ANG KALIHIM NG LUPON

• Gumawa at magpasa ng Quarterly


Reports sa kinauukulang ahensiya ng
pamahalaan ukol sa pagpapatupad
ng KP;

• Gumanap na iba pang tungkulin at


gampanin na maaaring itakda ng
batas o ordinansa.
Pangkat Chairperson

• Ang Chairperson ng Pangkat ay


pipiliin ng mas nakakaraming kasapi
mula sa 3 napili at may mga
gampanin at kapangyarihan tulad
ng;

• Manguna sa lahat ng pagdinig na


pangangasiwaan ng Pangkat at
mag administer ng Panunumpa sa
lahat ng mga bagay na may
kinalaman sa pagpapatupad ng KP;
Pangkat Chairperson

• Magbigay/mag-issue ng mga patawag


para sa personal na pagharap ng bawat
panig at a mga saksi sa harap ng Pangkat;

• Patunayan ang katotohanan at pairalin


ang lahat ng pagkakasunduan na
nagawa ng magkabilang panig sa harap
ng Pangkat;

• Patunayan ang Sertipikasyon na ibinigay


ng Kalihim ng Pangkat upang makadulog
sa mataas na hukuman.
Pangkat Chairperson

• Mag-issue ng mga Patawag ukol sa


pagdinig sa harap ng Pangkat at
ipadala ito sa magkabilang panig at
kanilang mga saksi;

• Magtago ng mga katitikan at mga


hakbang ng pagkakasundo at paghatol
ng ginawa ng Pangkat at ito ay
patutunayan ng Pangkat Chairman
Pangkat Chairperson

• Madaling ipadala sa KALIHIM NG LUPON ang


lahat ng pinagkasunduan ng magkabilang
panig at Gawad Paghatol na ginawa ng
Pangkat;

• Magsumite ng kopya ng katitikan sa KALIHIM


NG LUPON at sa kinauukulang Korte;

• Mag-issue ng kaukulang Sertipikasyon upang


madala sa kaukulang korte o Tanggapan
upang matuloy na madinig.
Mga Kasong Sakop (Scope) ng
Katarungang Pambarangay

• Lahat ng hidwaan ay dapat dumaan sa


Katarungang Pambarangay at kung hindi ito
masusunod, hindi maaaring isampa sa korte
ang kasong hindi pa dumaan sa
Katarungang Pambarangay.

• Gayunpaman, may ilang uri ng kaso na hindi


sakop ng ganitong patakaran at hindi na
kinakailangang dumaan sa Katarungang
Pambarangay.
Mga Kasong Hindi Sakop

• Kung ang isang partido ay ang pamahalaan o ano


mang ahensiya o opisina nito

• Kapag ang isang partido ay pampublikong opisyal


at ang usapin o hidwaan ay tungkol sa
pagsasagawa niya ng kanyang opisyal na tungkulin.

Halimbawa:
Pag-aresto kay Pedro ay siya ay ginamitan ng dahas at
naghain siya ng kaso ng illegal arrest laban sa pulis
na umaresto. Ang kaso ay di na daraan sa barangay.
Mga Kasong Hindi Sakop

• Mga krimen na ang parusa ay higit sa isang taong


(1 yr) pagkabilanggo o multa na higit sa limang
libong piso (P5,000.00)

Halimbawa: Ang rape o panggagahasa, at ang


mga kasong pagpatay. Ang kaso ng bouncing
check na nagkakahalaga ng P100,000.00 ay di na
kailangang dumaan sa barangay sapagkat at parusa
ay mahigit sa isang (1) taon at ang multa ay mahigit
sa P5,000.

• Krimen na walang pribadong naperhuwisyong partido


(halimbawa, jaywalking)
Mga Kasong Hindi Sakop

• Mga hidwaan na tungkol sa real


property (lupa, gusali, at iba pa) na
matatagpuan sa iba-ibang bayan o
lungsod maliban kung may pagpayag
ang mga partido na magharap at
isampa ang kaso sa isang lupon.
Mga Kasong Hindi Sakop

• Mga hidwaan sa pagitan ng mga


partido na naninirahan sa mga barangay
ng magkaibang lungsod o bayan
maliban na lamang kung ang mga
barangay ng mga partido ay magkaratig
o magkatabi at sumang-ayon ang mga
partido na isumite ang kaso sa isang
lupon
• Kung hindi magkababayan ang dalawang panig, maaaring ihanin ang kaso
nang tuwiran sa hukuman.

• Kasong kriminal kung saan ang akusado


ay nakakulong
Mga Kasong Hindi Sakop

• Kung ang taong sangkot ay


nakakulong at nangangailangan ng
aksiyong habeas corpus
• Kasong may kasamang provisional
remedies gaya ng preliminary
injunction, support pendente lite,
attachment, delivery of personal
property
• Kasong maaaring mapaso ang
pagsasampa dahil sa statute of
limitations
Mga Kasong Hindi Sakop

• Kung ang isang partido ay korporasyon,


partnership, kooperatiba o iba pang
juridical o hindi natural na tao.
• Hidwaan tungkol sa ugnayang
employer-employee.
• Hidwaang nagmumula sa relasyong
pang-agraryo
• Reklamo upang ipawalambisa ang
desisyon ng korte batay sa isang
kasunduan
Mga Kasong Sakop ng KP

1. ALARM AND SCANDAL (Art. 155 Revised Penal Code w/


private offended party)
(Pagagambala sa Katahimikan ng Bayan o Pagiiskandalo na may taong
napinsala na nagsusumbong).

(a) Pagpapaputok ng baril, rebendator, o iba pang pagsabog na


nakagugulat o nagdudulot ng panganib sa balana;

(b) Ang sinumang lumalahok sa magulong pagtitipon na


nakakagambala sa iba o sa bayan;

(c) Sinumang gumagala sa gabi na nakakaistorbo sa balana;

(d) Sinumang lasing man o hindi ay makagawa ng iskandalo o


panggugulo na di kalubhaan sa anumang pook pambayan.
Mga Kasong Hindi Sakop

2. USE OF FALSE CERTIFICATE (Art. 175)


(Paggamit ng Huwad Sertipiko)

3. USING FICTITIOUS AND CONCEALING TRU NAME (Art. 178)


(Paggamit ng Di Tunay na Pangalan)

4. PHYSICAL INJURIES COMMITTED IN A TUMULTUOUS


AFFRAY ( Art. 252)
(Pananakit na Bunga Rambulan)

5. SLIGHT PHYSICAL INJURIES AND MALTREATMENT (Art. 266)


(Bahagyang Pananakit at Pagmamaltrato)
Mga Kasong Hindi Sakop
6. OTHER FORMS OF TRESPASS (Art. 281)
(Walang Pahintulot na Pamamasok ng Silid na Walang
Tumitira o sa Bodega o Bakuran ng iba).

7. OTHER LIGHT COERCIONS OR UNJUST VEXATIONS (Art. 267)


(Sapilitang Pagkuha ng Ari-Arian ng May-Utang upang
ibayad sa utang at Walang Matuwid na Pang-iinis)

8. THEFT (Art. 306 and Art. 309 par. 6)


(Pagnanakaw na ang Halaga ng Ninakaw ay Di Hihigit sa
P50.00)

9. ALTERING BOUNDARIES OR LANDMARKS


(Labag sa Batas na Paglilipat ng Mohon o Uriyahan)
Mga Kasong Hindi Sakop

10. OTHER FORMS OF SWINDLING (Art. 316)


Iba pang Uri ng Panlilinlang tulad ng –

a) Pagbibili o pagsasanla ng lupa o bahay na pag-


aari ng iba;

b) Pagbebenta ng lupang nakasanla na;

c) Walang matuwid na pagkuha ng may-ari ng


kagamitang isinulit niya sa iba;

d) Sinumang tumanggap ng pabayad sa trabaho na


di naman ginawa;
Mga Kasong Hindi Sakop

11. OTHER DECEITS (Art. 318)


(Iba Pang Panlilinlang)
- Ang sinumang nanghuhula o nanlilinlang o nagsasamantala
upang makinabang.

12. SPECIAL CASES OF MALISCIOUS MISCHIEF


(Ilang Kasong Malisyosong Pamiminsala ng ari-arian ng iba
na ang halaga ay di lagpas ng P 1,000).

13. OTHER MISCHIEFS (Art. 329)


(Iba pang Pamimerwisyo)

14. SLIGHT SLANDER ( Art. 356)


(Di malubhang Paninirang-Puri sa Salita)
Mga Kasong Hindi Sakop

15. SLANDER BY DEED NOT OF A SERIOUS NATURE (Art.


359)
(Di Malubhang Paninirang-Puri sa Gawa)

16. INTRIGUING AGAINST HONOR (Art. 359)


(Pang-iintriga na Nakasisirang-Puri)

17. IMPRUDENCE AND NEGLIGENCE (Art. 365)


(Kawalang-Ingat na Di kalubhaan na nakapinsala sa
tao o sa Ari-arian ng Iba)
Lugar ng Pagkakasundo (venue)

• Ang venue ng isang kaso ay ang lugar (barangay)


kung saan dapat itong dalhin para sa pagkakasundo
sa ilalim ng Katarungang Pambarangay. Madaling
malaman ang venue kung ang magkabilang partido
ay nakatira sa iisang barangay, Sa ganitong
pagkakataon ang barangay na kapwa nila tirahan
ang siyang tamang venue para sa kanilang hidwaan.
Lugar ng Pagkakasundo (venue)

• Anumang pagtutol sa venue ay maaaring sabihin


sa Punong Barangay sa panahon ng paghaharap
sa kaniya. Kung hindi ipinahayag ang pagtutol sa
panahong ito, hindi na ito maaari pang gawin.
Ang Punong Barangay ang magdedesisyon kung
tama ba ang venue ng reklamo.
Lugar ng Pagkakasundo (venue)

• Kung ang mga partido ay naninirahan sa


magkaibang barangay, ang kaso ay isasampa sa
barangay kung saan naninirahan ang inirereklamo
o respondent o alinman sa mga inirereklamo.

• Kung maraming inirereklamo at nakatira sila sa iba-


ibang barangay, ang nagrereklamo o complainant
ang pipili kung alin sa mga barangay na tirahan ng
mga inirereklamo ang pagdadalhan sa kaso.
Lugar ng Pagkakasundo (venue)

• Ang hidwaan na tungkol sa real property ay


dadalhin sa barangay kung saan matatagpuan
ang nasabing ari-arian.

• Ang hidwaang nagsimula sa lugar ng trabaho,


kung saan ang magkabilang partido ay
nagtatrabaho, o institusyon kung saan ang mga
partido ay nag-aaral, ay kailangang dalhin sa
barangay kung saan matatagpuan ang nasabing
lugar ng trabaho o institusyon.
PROCEDURE FOR
AMICABLE SETTLEMENT
(Secs. 410-419, LGC; Rule
6-8, KPR)
Paraan ng Mapayapang Pag-
aayos
(Mediation Proceedings)

PUNONG BARANGAY

Complainant
• Files a complaint (KP Form 7)
• Pays the filing fee
• Notice of Hearing (KP Form 8; Initial Hearing
should be within 5 days from service of summons
to respondent)
(Mediation Proceedings)

(Next Working Day)


PUNONG BARANGAY

• SUMMON THE RESPONDENT


(KP Form 9)

• ATTACHES A COPY OF COMPLAINT

• SUBPOENA THE WITNESSES


(KP Form 13)
(Mediation Proceedings)

Hearing for Amicable Settlement


within 15 days

PUNONG BARANGAY
BARANGAY SECRETARY

COMPLAINANT
RESPONDENT

WITNESSES
WITNESSES
Thank
you!

You might also like