Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Paaralan: NAVALAN NATIONAL HIGH SCHOOL Baitang/Antas: 7

Guro: JIZZA MARIE B. ACOSTA Asignatura: FILIPINO


Petsa/Oras: Hunyo 15, 2023 / 7:45-8:45 am Markahan: IKA-APAT

Banghay-Aralin sa Filipino G-7


I. LAYUNIN
A. Pamantayang Nilalaman
 Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa Ibong Adarna bilang isang obra
maestra sa Panitikang Pilipino
B. Pamantayang Pagganap
 Naiaayos ang pagkasunod-sunod ng mga mahahalagang pangyayari batay sa
binasang akda
C. Kasanayang Pampagkatuto
1. F7PN-IVa-b-18
Natutukoy ang mahahalagang detalye at mensahe ng napakinggang bahagi ng
akda
2. F7PN-IVe-f-20
Naibabahagi ang sariling damdamin at saloobin sa damdamin ng tauhan sa
napakinggang bahagi ng akda

II. NILALAMAN: Ibong Adarna Aralin 3: Tagumpay at Kabiguan


Kagamitang Panturo:
A. Sanggunian: Ibong Adarna
B. Iba pang Kagamitang Panturo: Cue Cards, mga larawan at video clip ng Ibong Adarna

III. PAMAMARAAN:

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral


A. 1. Paghahanda
a. Panalangin
Magsitayo ang lahat para sa (Nagsitayo ang lahat para manalangin)
Panalangin
b. Pagtsek / Pagtala sa Attendance
May lumiban ba ngayon? Wala po Ma’am!
Magaling!
c. Paghahanda sa mga Mag-aaral
Handa na ba kayo sa ating bagong leksiyon? Opo Ma’am (nagsiupo ng maayos)
Sige, umupo ng maayos.
1. Balik-aral
Ano ang inyong nakaraang leksiyon? Ang aming nakaraang leksiyon ay ang
Mahusay! Aralin 2:Pamilya at Pagsubok
A. 2.Panimulang Gawain
Cue Cards Strategy: Pagkilala sa mga
pangyayaring pagtutuunan ng pansin sa aralin (Nakikinig ang mga mag-aaral)
sa tulong ng mga susing salita o detalye.

Ibong Adarna Don Juan

Ermitanyo Don Pedro

Balon Don Diego

Bundok ng Armenya
B.Paghahabi sa Layunin ng Aralin o
Pagganyak

Panonoorin ang video clip ng Ibong Adarna


pagkatapos ay magpakita ng larawan ng mga bagay na
nagsisimbolo ng tagumpay tulad ng medalya at tropeo.
Magkaroon ng malayang pagbabahaginan ng sagot sa
sumusunod na mga tanong: Ang simbolo ng mga tropeo, diploma, at plake ay
1. Ano ang sinisimbolo ng mga bagay na ito? tagumpay.
2. Kailan natatamo ang mga bagay na ito? Natatamo ito kapag may napagtagumpayan tayo.
C. Pag-uugnay ng mga Halimbawa sa Bagong
Aralin
(Mga paunang tanong bago basahin ang akda)

Sa tingin ninyo ano kaya ang kaugnayan ng larawang


iyan sa ating bagong leksiyon at ano naman kayang
magandandang aral ang maipapamalas nito?

Ang tatalakayin natin ngayon ay ang Ibong Adarna


Aralin 3: Tagumpay at Kabiguan. Bago iyon, bigyan
pansin muna natin ang mga mahihirap na salita na
matatagpuan sa akda.

1.Paghahawan ng Balakid

Panuto: Hanapin sa kahon ang tamang kahulugan ng


sinasalungguhitang salita sa bawat pangungusap at
idikit ito sa katabi.

nakaiwas napakaganda
bumaba kaawa-awa
mahigpit na hinawakan

1.Mabuti at nakailag si Joy sa batong inihagis sa ulo Nakaiwas


niya.
2.Lumusong si Roy sa ilalim ng balon. Bumaba
3. Sinunggaban ng pusa ang daga. Mahigpit na hinawakan
4. Nakakita si John ng isang babaeng napakarikit. Napakaganda
5. Kahabag-habag ang mga batang palaboy. Kaawa-awa

D.Pagtatalakay ng bagong konsepto at


paglalahad ng bagong kasanayan (1) Ang mga tauhan sa akda ay sina Don Juan, Don
Pedro, Don Diego, Ermitanyo, Haring Fernando,
(Mga patnubay na tanong upang masagot ang Donya Juana at Donya Leonora.
kasanayan ng pagkatuto 1) Nang makatulog ang Ibong Adarna ay agad
inakyat ng prinsipe ang puno ng Piedras Platas at
1.Sino-sino ang mga tauhan sa akda? sinunggaban sa mga paa ang ibon. Ang dala niyang
sintas na balot sa ginto ang kaniyang ipinantali sa mga
2.Paano nahuli ni Don Juan ang Ibong Adarna? paa nito.
Nakaranas siya ng matindin hirap at sakit mula sa
3.Ano ang naging karanasan ni Don Juan sa kamay ng panggugulpi ng dalawang kapatid.
dalawang kapatid? Hindi nagtagumpay ang dalawang magkapatid sa
kanilang balak dahil umuwing buhay si Don Juan sa
4.Naging matagumpay ba ang dalawang magkapatid kaharian na labis ikinagulat ng dalawa.
sa masamang balak nila laban kay Don Juan?Bakit?
Ang pangunahing mensahe ng akda ay hindi natin
5.Ano ang pangunahing mensahe ng akda? kailangang gumawa ng masama para purihin ng
kapwa.
E.Pagtatalakay ng bagong konsepto at
paglalahad ng bagong kasanayan (2)

(Mga patnubay na tanong upang masagot ang


kasanayan ng pagkatuto 2)

1.Kung ikaw si Don Juan, ano ang damdaming Kung ako si Don Juan, hindi rin ako maghihiganti
mangingibabaw sa’yo, maghihiganti ka ba?Bakit? dahil mas masarap mabuhay ng walang kaaway.
2. May mga sitwasyon bang kinaiinggitan mo ang May mga pagkakataong hindi natin maiiwasang
iyong kapatid? Magbigay ng isang sitwasyon. mainggit sa ating kapatid. Halimbawa, binilhan ng
bagong laruan ang kapatid ko samantalang ako wala.
Sa bandang huli, alam kong mali iyon dahil maaari
namang paglaruan namin iyon ng sabay.

F. Paglinang ng Kabihasaan
Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga mahahalagang
pangyayari ayon sa binasang napakinggan. Ilagay ang
bilang 1-10 sa patlang.

___Nakawala sa hawla ang ibon at ito’y hinanap ni 1.Nagtungo si Don Juan sa pook na tinutuluyan ng
Don Juan hanggang sa makarating siya sa Bundok ng mahiwagang ibon.
Armenya. 2. Nahuli ni Don Juan ang Ibong Adarna.
___Nagkaroon muli ng masamang balak si Don Pedro 3. Umuwi ang tatlong prinsipe upang maihatid ang
kay Don Juan. mahiwagang lunas sa amang maysakit.
___Pinarusahan ng Amang Hari sina Don Pedro at 4. Ginulpi si Don Juan sa kaniyang dalawang kapatid.
Don Diego. 5. Isang matanda ang nakatagpo at nakakita sa
___Nakita ng Ibong Adarna si Don Juan at dali-dali kahabag-habag na prinsipe at siya’y tinulungan.
itong umawit ng pagkatamis-tamis. 6. Nakauwing buhay si Don Juan sa kanilang
___Nakauwing buhay si Don Juan sa kanilang kaharian.
kaharian. 7. Nakita ng Ibong Adarna si Don Juan at dali-dali
___Isang matanda ang nakatagpo at nakakita sa itong umawit ng pagkatamis-tamis.
kahabag-habag na prinsipe at siya’y tinulungan. 8. Pinarusahan ng Amang Hari sina Don Pedro at Don
___Ginulpi si Don Juan sa kaniyang dalawang Diego.
kapatid. 9. Nagkaroon muli ng masamang balak si Don Pedro
___Umuwi ang tatlong prinsipe upang maihatid ang kay Don Juan.
mahiwagang lunas sa amang maysakit. 10. Nakawala sa hawla ang ibon at ito’y hinanap ni
___Nahuli ni Don Juan ang Ibong Adarna. Don Juan hanggang sa makarating siya sa Bundok ng
___Nagtungo si Don Juan sa pook na tinutuluyan ng Armenya.
mahiwagang ibon.

G. Paglalapat ng Aralin sa Pang-araw-araw na


Buhay
Pangkatang Gawain
Pamantayan:
Pagkakaisa…………5pts
Nilalaman………….10pts
Presentasyon……….5pts
Pangkatin sa (4) na grupo ang klase.
Ano ang masasabi ninyo kaugnay sa bersong ito?

“Mahalin mo ang iyong mga kaaway, gawan sila


Ang masasabi ko ay sa halip na kamuhian natin
ng kabutihan, at tulungan sila nang walang inaasam na
ang ating kaaway, mahalin natin sila na parang tunay
kapalit. Sa gayon ay gagantimpalaan ka nang labis…”
na kaibigan.
(Luke 6:31)
H. Paglalahat ng Aralin Pinamagatang Tagumpay at Kabiguan ang akda
(Pagpapalalim ng Konsepto) dahil matagumpay na nalampasan ni Don Juan ang
Bakit pinamagatang “Tagumpay at Kabiguan” ? lahat at pagkabigo naman sa dalawang magkapatid sa
kanilang mga masamang balak laban kay Don Juan.
Input ng Guro/Paglilinaw sa Aralin:
(Nakikinig ang mga mag-aaral)
Napatunayan sa akdang ito na kailan ma’y hindi
mananaig ang kasamaan sa kabutihan. Nagpapaalala
rin ito sa atin na huwag gumawa ng masama sa ating
kapuwa-tao.

I. Pagtataya ng Aralin

Panuto: Pumili ng tamang sagot sa kahon at isulat ang


titik sa patlang bago ang bilang.

a.Piedras Platas f.Pitong ulo


b.Higante g.Don Pedro
c.Serpyente h.Don Diego
d.Matanda i.Don Juan
e.Walong ulo j.Donya Juana
k.Donya Leonora

__1.Sino ang tunay na nakahuli ng IbongAdarna?


1.Don Juan
__2.Ano ang pangalan ng punong dinadapuan ng 2.Piedras Platas
Ibong Adarna?
3.Don Pedro
__3.Sino ang may pakana sa lahat ng masamang
4.matanda
balak?
5.Don Pedro
__4.Sino ang tumulong kay Don Juan matapos siyang
6.Don Juan
gulpihin ng dalawang kapatid?
7.Donya Juana
__5.Sino ang unang lumusong sa mahiwagang balon?
8.Higante
__6.Sino ang nagtagumpay sa paglusong sa ilalim ng
9.Pitong ulo
balon?
10.Tagumpay at Kabiguan
__7.Sino ang unang babaeng nakita ni Don Juan sa
ilalim ng balon?
__8.Sino ang unang nakalaban ni Don Juan sa ilalim
ng balon?
__9.Ilang ulo mayroon ang serpyente?
__10.Isulat ang pamagat ng akdang binasa.

Takdang-Aralin:
Panuto: Sa isang kalahating papel, sumulat ng
gintong aral na inyong napulot mula sa akdang
Tagumpay at Kabiguan.
IV.MGA TALA
V.PAGNINILAY

Inihanda ni: Binigyang pansin nina:

Bb. Jizza Marie B. Acosta G. Raul A. Albaracin


Teacher Principal 1

Gng. Rewanjie Pilota


Master Teacher 1

You might also like