Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

1

MOVING UP CEREMONY

Emcee Script

I. Processional
Ang bawat hakbang patungo sa tagumpay ay nagsismula sa isang maliit na
pangarap. Ngayong araw na ito, ipinagdiriwang natin ang katuparan ng pangarap
na iyon.
Isang pinagpala at kapana-panabik na UMAGA sa ating lahat./Ako po ang inyong
Tagapagpadaloy ng Palatuntunan, Susan V. Magpantay at malugod kayong
binabati ng Maligayang pagdalo/ sa na Palatuntunang Pag-angat/ na may
temang/ “Kabataang Pilipino/ Para sa Matatag na Kinabukasan/ ng Bagong
Pilipinas.”

Mga Ginoo at binibini, halina’t magsitayo, at atin pong tunghayan ang


pagpasok sa bulwagan ng mga magsisipag-angat sa Paaralang Elementarya ng San
Luis, taong pampanuruan dalawang libo’t dalampu’t tatlo hanggang dalawang libo’t
dalawampu’t apat (2023-2024.) Pangungunahan ng mga batang,magsisipag-angat,
mga guro, opisyales ng barangay, administrador ng paaralan, at pansangay na
tagapamanihala ng mga paaralan.

.
II. (Pambansang Awit-Panalangin)
Sa puntong ito, inaanyayahan po ang bawat isa na manatiling nakatayo para
sa pag-awit ng Lupang Hinirang na kukumpasan ni Gng. Felipa M. Maligalig,
Master Teacher 1, Susundan naman po ito ng Panunumpa sa Watawat ng
Pilipinas sa pangunguna ni MATT RAVEN M. GUEVARRA, Batang may
karangalan, kasunod ang Panalangin na pangununahan ni ELLERY ANNE C.
VILLASIN , batang may karangalan. CALABARZON March ,, at Himno ng Sto.
Tomas na kukumpasang muli ni Gng. Felipa M. Maligalig, Master Teacher 1.

III. Bating Pagtanggap:


Magsiupo na po ang lahat. Muli maligayang pagdalo sa Palatuntunang
Pag-angat ng San Luis Elementary School na may temang “Kabataang
Pilipino Para sa Matatag na Kinabukasan ng Bagong Pilipinas.” At sa
punto pong ito mapakikinggan po natin ang mensahe ng pagtanggap ni
GUELA FELIZE C. DE CASTRO May Karangalan. Salubungin natin ng isang
masigabong palakpakan

Maraming salamat GUELA FELIZE C. DE CASTRO sa iyong mainit na pagtanggap.


2

IV. Pambungad na Pananalita

Ang mababang paaralan ng SAN LUIS ay itinatag noong taong 1959.


Sa loob ng ANIM na dekada at ANIMNAPU’T APAT taon, ito ay
nakapaghubog ng mga kabataang naging matagumpay sa iba’t-ibang larangan.
Mayroon na po tayong MGA PROPESYUNAL , at higit sa lahat ang hindi
mabilang na skilled workers na sa ngayon ay nasa abroad na o kaya naman ay
matagumpay na naghahanapbuhay sa mga kilalang industriya dito sa Pilipinas.
Tunay ngang hindi matatawaran ang galing ng mga gurong tagapagsanay sa
paaralang ito. At ngayon po, tunghayan po natin ang pambungad na pananalita,
mula sa ating minamahal na ulong guro na walang pasubaling nangangarap na
magtatagumpay din ang mga batang magsisipagtapos sa hinaharap, at
magbibigay ng karangalan sa paaralan ng SAN LUIS, palakpakan po natin Gng.
Aloha L. Arboleda, Ulong Guro Tatlo.

V. Mensahe
Maraming salamat po Gng. Arboleda sa napakaganda at nakakahikayat na pagbati
ninyo sa amin.

Mensahe mula sa ating Secretary of Department of Education , Vice


President of the Philippines, VP. ZARA Z. DUTERTE

MENSAHE NG ATING REGIONAL DIRECTOR Regional Director, ATTY.


ALBERTO T. ESCOBARTE, CESO II.

1. Ngayon naman…. Upang tayo’y busugin sa pangaral at bigyan ng


inspirasyon,tunghayan at pakinggan naman po natin ang mensahe ng ating
masigasig at mapagkalingang Pampurok Tagamasid ng KLASTER D walang
iba… G. MARVELINO NIEM. Atin po salabungin ng masigabong palakpakan

2. Sama sama po nating pakinggan ang mensahe ng ating mapagmahal at masipag


na pansangay na Tagapamanihala, DR. NIEL G. ANGELES, CESO VII na
kinakatawan ni G. EDWARD DE JESUS GARCIA, Katuwang na Pansangay na
Tagapamanihala ng mga Paaralan ng Lungsod ng Sto. Tomas. Atin po
salabungin ng masigabong palakpakan

Maraming salamat po SIR EDWARD , tunay na punong puno ng kaalaman at


kahusayan ang inyong mensahe para sa amin. Mabuhay po kayo.

3. Isang taos pusong mensahe rin po ang hatid sa atin ng ating kagalang-
galang at walang tigil sa pagbibigay serbisyo para sa kapwa Tomasino,
3

walang iba kundi si Mayor ARTH JHUN MARASIGAN na kakatawanin ni


ENGR. EARL CARLO DADO

3. Hindi kumpleto ang araw na ito kung hindi po natin mapapakinggan ang
mensahe ng ating mahusay na Punong Barangay ng San Luis Sto. Tomas City
batangas, Kgg. ROMEO LIBUIT . Atin po siyang palakpakan.

Maraming salamat po Kapitan.

4. Tunay na busog na busog napo tayo sa mensahe ng ating mga panauhing


pandangal, subalit sa mga oras pong ito ay nais ko pong ipakilala sa inyo ang
ating ever-supportive at napakabait na GPTA President upang bigyan po tayo ng
isang magandang mensahe. Tinatawag ko napo ang ating GPTA PRESIDENT,
GINANG MARY ANN ARCILLAS. Bigyan po natin siya ng isang masigabong
palakpakan.

VI. Paglalahad ng Mga Magsisipagtapos/ Pagpapatunay ng Mga Magsisipagtapos/


pagpapatibay ng Mga Magsisipagtapos.

Sa puntong ito, upang ILAHAD ANG MGA BATANG MAGSISIPAGTAPOS,


Tinatawag ko po si Gng. Jessiebel V. Libot AT G. RODEL M. LLARENAS
,Gurong Tagapayo Sa pagpapatunay ng mga Magsisipagtapos, Aloha L.
Arboleda, Ulong Guro Tatlo. At upang pagtibayain ang inyong pagtatapos sa
mababang paaralan ng San Luis ay narito si, DR, NEIL G. ANGELES CESO VI_,
Pansangay na Tagapamanihala . Na kakatawanin ni G. EDUARD DE JESUS
katuwang na Pansangay na Tagapamanihala ng mga paaralan ng Lungsod ng
Sto Tomas at Purok Tagamasid ng Klaster D, G.MARVELINO NIEM.

VII. Pagaabot ng Sertipiko ng Katibayan ng Pagtatapos

Sinabi ni Arnold Glasgow, isang sikat na manunulat, na simple lamang ang


dapat gawin para magtagumpay. Gawin mo ang nararapat, sa tamang paraan, at
sa tamang panahon.
Narito po ang mga batang mag aaral na maluwalhating nakatapos sa
elementarya. Mga batang nagtagumpay sa kani-kanilang larangan, nagpursige
sa pag-aaral, nakilahok at nagtagumpay sa mga patimpalak sa loob at labas ng
paaralan, at higit sa lahat ay nakibahagi sa mga programa na may layuning
mapabuti ang kapakanan ng buong paaralan. Kaya naman, akin pong
inaanyayahan ang ating Gurong tagapayo sa Ika anim na baitang upang igawad
ang Sertipiko ng katibayan ng Pagtatapos, Gng. Jessiebel V. Libot.

VIII. Pagaabot ng Sertipiko ng Katibayan ng Pagtatapos


4

Ngayon naman ay dadako tayo sa Paggawad ng Medalya sa mga batang


nagkamit ng karangala na pangungunahan ng Gurong Tagapayo sa Ikaanim na
Baitang, Gng. Jessibel V. Libot

Maraming Salamat po Mam Jess, at binabati namin ang lahat ng mga batang
nagkamit ng natatanging karangalan.

IX. Pananalita ng Batang May Karangalan.

Bilang mag-aaral ay hindi biro ang magkamit ng may karangalan, sapagkat sa likod
ng napakagandang titulo na ito ay ang pagod, hirap, luha, maging pagsusunog ng kilay, kaya
ngayon, upang mapakinggan ang kwento ng kanyang pagsisikap, at mensahe ng
pagpapasalamat ay salubungin po natin ng masigabong palakpakan ang batang may
karangalan, VENIZ REIGN L. MAGPANTAY!!!

Maraming salamat VENIZ, Binabati ka naming sa iyong nakamit na tagumpay.!

X. Panunumpa ng mga Batang Nagsipagtapos


inaanyayahan ko po si DERCK HARRIS Q. CATAPANG, Batang May Karangalan
upang pangunahan ang Panunumpa ng mga nagsipagtapos.

XI. Pangwakas na Pananalita

Ngayon naman ay tinatawagan ko po si YOSHE KIAO BEATRIZ G. MUHALLIN,


batang may karangalan upang magbigay ng pangwakas na pananalita. Atin po syang
palakpakan.

Maraming salamat _____________ sa magandang mensahe na Iniwan mo sa amin.

XII. Awit ng pagtatapos

Sa punto pong ito mga magulang at mga panauhin, atin pong saksihan ang mga batang
nagsipagtapos sa kanilang natatanging awit. Ang musika ay nagdudulot ng kapanatagan
sa ating mga kaluluwa sa panahon ng pagkabalisa, kalungkutan, at pag-aalala. Ito rin ay
maaaring suminbolo sa pagmamahal, pasasalamat sa mga taong naging kaagapay sap ag-
abot ng kanilang tagumpay. Kung kaya, ating damhin ang mensahe ng awit mula sa ating
mga magsisipagtapos na pinamagatang Patuloy ang Pangarap ni Angeline Quinto.

Exit
5

Maraming salamat po mahal naming mga mag-aaral. . Ngayon naman po ay


saksihan natin ang paglabas sa bulwagan ng palatuntunan ng guro, na susundan
ng mga guro, mga magulang at mga nagsipagtapos.

Sa pagtatapos ng ating palatuntunan. Sa muli ay binabati kop o kayong lahat


mga bata, mga magulang. Maraming salamat sa lahat ng mga guro, sa aming
ulong-guro, at sa atin pong mga panauhin sa araw na ito.

Ito po ang inyong lingkod, _________________________________________


Magandang umaga po at mabuhay ang paaralan ng San Luis.

You might also like