Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 141

The Billionaire's Kryptonite [REVISED]

by greatfairy

Their love story started with a common cliché, both fell in love at first sight.
Their whirlwind romance brought them into their respective comfort zone-- which was
each other.

Shane Amethyst Cervantes has tasted life's catastrophe when both of her parents
passed away--leaving her with her younger brother, Shawn Andrei. She played both
father and mother to her brother at the age of sixteen. She learned to be more
mature than her age... well she has to.

It was never easy to be her. She has to be a parent and a sister to her brother at
the same time. Everything was catastrophic, until she met Stanley Drew Mijares.
There's no need to describe the guy, she might run out of adjectives. He's more
than a typical prince charming, anyway.

When love turns into hatred, it would be a chaos. Shane Amethyst is Stanley's
kryptonite. Her love is both strength and weakness for him.

What if lies and betrayal took over them? Would love be enough to stay in each
other's arms?

***
Mijares First Generation.

Credits to Coverymyst for the amazing cover.

Highest Rank Achieved in Wattpad:


#4 in General Fiction

♥♥♥
© 2016 by greatfairy

=================

Synopsis

The Billionaire's Kryptonite [Revised] by greatfairy.

SYNOPSIS

Their love story started with a common cliché, both fell in love at first sight.
Their whirlwind romance brought them into their respective comfort zone-- which was
each other.
Shane Amethyst Cervantes has tasted life's catastrophe when both of her parents
passed away--leaving her with her younger brother, Shawn Andrei. She played both
father and mother to her brother at the age of sixteen. She learned to be more
mature than her age... well she has to.

It was never easy to be her. She has to be a parent and a sister to her brother at
the same time. Everything was catastrophic, until she met Stanley Drew Mijares.
There's no need to describe the guy, she might run out of adjectives. He's more
than a typical prince charming, anyway.

When love turns into hatred, it would be a chaos. Shane Amethyst is Stanley's
kryptonite. Her love is both strength and weakness for him.

What if lies and betrayal took over them? Would love be enough to stay in each
other's arms?

******

DISCLAIMER:

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and


incidents are either the products of the author's imagination or used in a
fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual
events is purely coincidental.

All rights reserved. No part of this story may be distributed, or transmitted in


any form or by any means, including printing, or other electronic or mechanical
methods, without the prior written permission of the author.

PLAGIARISM IS A CRIME!

Cover by Coverymyst.

♕GreatFairy♕
=================

Chapter 1

Fairy: Nirambol ko po ito. Lols. Huwag pong mag-expect masyado ah? Charot charot
parin po 'to. ^_^

Chapter 1

"I love you and only you."

"Hindi tayo bagay, mahirap lang ako. Wala akong maipagmamalaki."

"I don't care about your social status. I only want you. Nakatatak na ang pangalan
mo dito sa dibdib ko."

"Please stop this already, Stan. Hindi tayo puwede. Magkabaliktad ang ating mundo.
Langit ka at putikan ako. Para mo na ring sinabi na hintaying kong dumaong ang
barko sa airport."

"Kung ganoon gagawa ako ng dagat patungong airport para marating kita---"

Gimme, gimme that love, I'll be waitin' for ya'...And catch my hand, I'll be
fightin' for ya'...Let me in, yeah, let me get closer...

Biglang bumalik sa realidad ang aking pag-iisip at parang literal na inuntog sa


pader ang aking ulo nang tumunog ang cellphone ko.

Stan calling...

Natigilan ako nang makita ang pangalan ng lalaking kanina pa gumugulo sa aking
utak. Atubiling pinindot ko ang answer button.

"H-Hello?"
"Hi, matutulog ka na?" Bumungad ang baritonong boses niya sa kabilang linya.
Ipinikit ko ang aking mga mata

habang kausap siya.

"M-Matutulog na sana eh. Ikaw? Hindi ka pa ba matutulog? Teka bakit parang maingay
dyan?" Para kasing may naririnig akong tugtog sa kabilang linya.

"Yeah, nandito kami sa bar, nagse-celebrate. Uuwi din kami mamaya-maya."

"Ganun ba, sige ingat ka diyan ha? Nga pala Stan, congrats nga pala ulit," sabi ko
habang humihikab.

Kaka-graduate lang niya at nagpaalam siya kaninang lalabas siya kasama ang kanyang
mga kaibigan.

"Thanks. Mukhang inaantok ka na d'yan ah, matulog ka na kaya," suhestiyon niya.

"Ah, eh. Ba't ka nga pala napatawag?" Tanong ko sa kanya. Stupid question!
Obviously, he's checking on me.

"Wala naman, I just want to hear your voice." Namula naman ako sa sinabi niya.
Though I expect he would say something like that.

"A-aah sige Stan, inaantok na ako eh." Gustuhin ko man siyang makausap nang medyo
matagal pero inaantok na talaga ako.

"Okay, magpahinga ka na. Mukhang pagod ka na talaga diyan eh."

"Oo nga eh, a-attend pa ako ng recognition program ni Shawn bukas." May award kasi
ang kapatid ko, hindi lang basta award dahil top one siya sa klase.

"Okay, sasamahan kita bukas. Susunduin ko kayo diyan."

"Naku wag na, nakakahiya naman sa'yo."

"I insist, susunduin ko kayo diyan." Mukhang wala na

talaga akong magagawa.

"Okay, ikaw ang bahala. Sige matutulog na talaga ako."

"Good night, Stan," Sabi ko na lang sa kanya.

"Good night, Sham. I love you." Pinatay ko na lang ang tawag dahil hindi ko alam
ang isasagot ko sa kanya. Hindi pa ako handa.

"Ate patulong naman dito oh." Napakamot sa ulo ang kapatid kong si Shawn na
halatang nahihirapan sa pagplantsa ng damit na susuutin niya bukas sa recognition
program nila. Grade five na siya at siya na lang ang natitirang pamilya ko mula
nang mamatay pareho ang parents namin dahil sa sakit.

"Wait lang ah, tatapusin ko lang tong mga nililigpit ko," sabi ko habang tinutupi
ang damit na nilabhan ko kanina.

Ulila na kami. Namatay ang parents namin three years ago. Unang namatay si Papa
dahil sa cancer. Sobrang dinamdam ni Mama iyon at halos hindi na sya kumakain.
Nalaman naming nagkasakit din pala si Mama sa puso dahilan para lalo siyang
nanghina. Mga limang buwan pa lang noon nang mamatay si Papa nang mamatay din si
Mama. Halos gumuho ang mundo ko nang mangyari yun pero kinailangan kong maging
matatag para sa kapatid ko. Wala ring tumulong sa amin maliban sa kapit-bahay namin
na si Aleng Nelia.

Wala din kaming masyadong kilala na mga relatives namin dahil nasa malayong
probinsya daw sila. Mula nang mamatay sina Mama at Papa, ako ang tumayong magulang
sa kapatid ko. Naaawa ako sa kanya. Walong taon pa lang siya nang mamatay ang
magulang namin at sixteen

pa lang ako nun. Mabuti na lang may konting ipon na naiwan sila Mama. Iyon ang
ginamit namin para magpatayo ng maliit na tyangge dito sa bahay namin. Scholar din
ako sa pinapasukan kong university na malaking ipinapasalamat ko dahil maliban sa
free ang tuition ko, may ibinibigay ding uniform at book allowance, at meron ding
stipend na three thousand kada buwan. Sa awa ng Diyos, nasa third year na ko ngayon
ng kurso kong Business Administration.

"Ate, katukin mo lang ako dito sa kwarto pag tapos na kayo diyan ah." Naputol ang
pag-iisip ko nang marinig ko ang sigaw ni Shawn sa kabilang kwarto.

"Sandali, matatapos na ako," balik sigaw ko sa kanya. Nagpapasalamat ako at


binigyan ako ng Diyos ng mabait at mapagmahal na kapatid. Di lang 'yon, masipag din
siyang mag-aral tulad ko. Iyon nga lang mas talented siya kesa sa'kin.

Tinapos ko na ang aking ginagawa at pinalantsa ang polo ni Shawn. 10 PM na rin pala
ako nakatapos. Kahit nasa public school lang nag-aaral si Shawn, alam kong magaling
siya. Parati rin siyang isinasali sa mga contest, magaling siyang mag-paint at
sumayaw kaya proud ate ako sa kanya. Iyon ang dahilan kung bakit doble kayod ako.

Maliban sa part time job ko sa isang restaurant ay bumebenta rin ako ng products
galing sa isang direct selling company. Malaking tulong din 'yon sa'kin dahil may
25% commission ako sa kada isang libo na mabebenta ko. Karaniwang mga kasamahan ko
sa trabaho ang mga regular customers ko, o di kaya ilan sa mga classmates ko na
mababait at malalapit sa'kin.

Bumuntong hininga ako nang masulyapan ang listahan ng mga babayarin sa ibabaw ng
tokador. May mga pagkakataong ninais kong sumuko kung hindi lang dahil sa kapatid
ko.

Tumunog muli ang aking cellphone. Message alert tone sa pagkakataong ito.
1 message received.

Binuksan ko ito at agad na tumalbog ang aking puso sa aking nabasa.

Please let me be your shoulder, Sham. I want to take care of you. I want to be part
of you. Mahal na mahal kita. Hayaan mo akong pumasok sa buhay mo. Good night. I
love you so much...

Ito na ba? Siya na nga ba ang kasagutan sa lahat ng panalangin ko? Should I take
risk of my feelings? I don't know... But before I could even think twice, I found
myself beeping a message back to him.

I love you too, Stan.

Sent.

Little did I know, those four words changed my life bit after bit...

♕GreatFairy♕

=================

Chapter 2

Chapter 2
Maaga akong nagising para ipaghanda ang lakad namin mamaya. Pagkatapos kong gawin
ang morning routine ko ay nagluto agad ako ng breakfast namin. Mga 7 na din ako
nakatapos sa lahat ng gawain. Tamang-tama naman dahil lumabas si Shawn sa kanyang
kwarto na pupungas-pungas.

"Morning ate," bati sa'kin ni Shawn na bahagyang kinukusot kusot ang kanyang mga
mata.

"Morning din little bro, maligo ka na para sabay tayong kakain. Susunduin tayo
mamaya ni Stan," sabi ko.

"Talaga ate? Susunduin tayo ni kuya Stan?" Bigla namang lumiwanag ang kanyang mukha
dahil sa sinabi ko.

"Oo nga, ang kulit. Hala, sige na maligo ka na," pagtataboy ko sa kanya sa banyo
para maligo.

Simula nang ligawan ako ni Stan ay palagi niya akong hinahatid-sundo kaya
magkasundo sila ni Shawn. Palagi niya ring dinadalhan ng pasalubong ang kapatid ko.
Akala nga ni Shawn nun ay boyfriend ko na siya, sinabi ko naman na nanliligaw
palang at ang mokong kinukulit akong sagutin na daw ang kuya Stan niya. Well he
is... I already said my answer last night.

Speaking of Stan, siya na siguro ang dumating. Dali-dali akong lumabas ng bahay ng
marinig ko ang busina ng kanyang sasakyan. Paglabas ko ng bahay ay siya ring
pagbaba niya sa kanyang BMW.

"Good morning," bati niya sa'kin na ngiting-ngiti sabay abot ng bungkos ng


bulaklak. Anak ng tibaklang, pakiramdam ko lumuwag ang panty ko sa ngiti niya.

"G-good morning, t-t-thanks." Kung isang Stanley Drew Mijares ba naman ang bubungad
sa'yo ng ganito, di ka kaya mautal at kumerengkeng sa kaba.

"Pasok ka," iginaya ko siya sa loob ng bahay. Parang

tinatambol ang aking dibdib sa kaba. Mula sa araw na ito ay hindi na normal ang
lahat para sa'min. He's my boyfriend now, and the thought of it throbs my heart.
Kinikilig ba ako?
Nilagay ko muna muna sa vase ang bulaklak at umupo sa tapat niya.

"You're so beautiful." Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya. Wala na ba talaga


'tong naisip na sabihin kundi ang purihin ako?

"Ahm, ang aga mo yata. 9:30 pa naman ang recognition program nila Shawn ah," sabi
ko na lang dahil naiilang ako sa mga titig niya na parang ayaw niya akong mawala sa
paningin niya.

"It's nothing, I can be an early bird if it's for you."

"Ah, eh-"

"Kuya!" Napalingon kami pareho kay Shawn na lumabas ng kwarto niya na bihis na
bihis. Infairness ang gwapo ng kapatid ko, parang boy version ko siya.

"Hey buddy." Nakipag fist bump naman sa kanya ang makulit kong kapatid. Close na
close talaga sila.

"Ang gwapo natin ngayon ah." Isa sa dahilan ng pagiging close nilang dalawa ay
dahil kinokonsente ni Stan si Shawn. Pareho din silang gwapong-gwapo sa sarili.
Mana daw kasi si Shawn sa kagwapuhan ni Stan, parang sila ngang magkapatid kung
magturingan eh.

"Matagal na akong gwapo, kuya. Iyon nga lang lalo akong gumwapo ngayon." Napatawa
naman kami ni Stan sa pagmamayabang ng kapatid ko.

"Kumain na nga lang tayo, hindi puro kayabangan ang pag-usapan niyo diyan. Mamaya
maabutan pa tayo ng traffic."Natawa naman ang dalawa at tumalima naman pagkatapos
kong sabihin yun.

"Well I guess, I'm just on time. I haven't eaten my breakfast yet," sabi ni

Stan. Dahil pabilog ang di kalakihang mesa namin, napagitnaan ako ng dalawa. Bale
sa left ko si Shawn at sa right side naman si Stan. Nagdasal muna kami bago kumain
habang si Stan naman ay titig na titig sa'kin.
"The best ka talaga magluto ate, pwede ka ng mag-asawa." Bigla naman ako nabilaukan
sa sinabi ni Shawn, napaubo ako ng malakas kaya lumabas ang butil ng kanin sa ilong
ko. Ang sakit! Dali-dali naman ang akong inabutan ng tubig ni Stan at hinagud hagod
ang likod ko habang pareho silang dalawa ni Shawn na nagpipigil ng tawa.

"Wag niyo na nang pigilan, baka kung saan pa lalabas yan." At dahil sa sinabi ko
bigla naman silang humagalpak ng tawa. Hawak-hawak pa ng magaling kong kapatid ang
kanyang tiyan habang tumatawa.

"Pffft! Hahahahaha." Silang dalawa. Tama ba namang magtawanan sa harap ng pagkain.

"Hindi ko alam na talented ka din pala, you could have seen your face ng lumabas
ang kanin sa ilong mo. Pffft-" Aba't nagawa pa akong asarin ng mokong na to! Bawiin
ko 'yong sinabi ko kagabi eh! Joke. Syempre sa isip ko lang 'yon.

"Anong bang masama sa sinabi ko ate, at nabilaukan ka?" Ang sarap talagang tirisin
ng kapatid kong 'to.

"Ikaw bata ka, tapusin mo nga 'yang kinakain mo. Ang bata bata mo pa ang dami mong
alam. Saan mo naman natutunan 'yon ha? Nag-aaral pa ang ate mo, wala pa sa isip ko
yan." Pinanlakihan ko naman ng mata ang kapatid ko habang sinasabi ko yun. Ke bata
bata pa, parang matanda kung mang-asar eh.

Nagpatuloy kami sa pagkain ngunit muntik na naman akong mabilaukan nang magsalita
si Shawn.

"Pffft- kuya, hindi pagkain si ate."

Nagsimula na namang uminit ang aking pisngi. Alam kong kanina pa siya titig na
titig sa'kin. Ramdam ko iyon. Is he thinking about what I said last night?

"Blame your sister, she's so captivating and I can stare at her all day." Parang
literal na naipon ang dugo sa aking pisngi. Ang landi ko!
"Ang dami niyo talagang nalalamang dalawa diyan, taposin niyo na nga ang pagkain
niyo," I blurted out, trying to hide my uneasiness. Dapat na yata akong masanay na
may boyfriend na ako.

Pagkatapos ng maingay naming almusal ay lumarga kami papuntang eskwelahan ni Shawn.


Natutuwa akong makitang masaya ang kapatid ko. He seems to like Stan for me very
much.

"Wala ka nang kawala..." I bit my lower lip to suppress my smile. He's holding my
left hand while his other hand is on the steering wheel. Nasa backseat si Shaw at
naglalaro sa cellphone ng kanyang kuya Stan.

I gave him a questioning look. Ngunit napaiwas ako ng tingin nang ngumisi siya.
He's grinning like crazy!

"Wala nang bawian 'yon, Sham. Wala na..." he said.

Wala naman talaga akong balak na bawiin 'yon...

♕GreatFairy♕

=================

Chapter 3

"Congrats buddy, ang galing mo. Mana ka talaga sa'kin." Bahagya pang ti-nap ni Stan
si Shawn pagkasabi na pagkasabi niya no'n. Nahiya naman ang hanging habagat sa
kayabangan niya.

"Thank you, kuya. Deserved naman talaga ako ng mga awards ko eh, hahaha." Napangiti
na lang ako sa usapan ng dalawa. Mukha ding nahawaan na ng kayabangan niya ang
kapatid ko. Ganoon pa man, masaya ako para sa kapatid ko. Worth it lahat ng
pagpapagod ko sa trabaho para sa aming dalawa, napakaswerte ko dahil binigyan Niya
ako ng isang kapatid na katulad ni Shawn. Mahal na mahal ko ang kapatid ko at
nakahanda akong magsakripisyo alang-alang sa ikabubuti niya.

"Dahan-dahan naman sa kayabangan ha, hindi ako prepared, baka liparin ako ng
hangin. Ang lakas eh..." singit ko sa kanilang usapan. Katatapos lang ng
recognition program nila Shawn at pagkatapos ng program ay agad kaming dinala ni
Stan dito sa restaurant na pagmamay-ari ng pamilya niya.

"Baby naman, we're just saying the truth. Deserved naman talaga ni Shawn ang awards
niya, diba little bro?" Pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo ko sa maganda kong
mukha dahil sa tinawag niya sa'kin. Ganito pala ang pakiramdam ng kinikilig, parang
gusto ko tuloy maglumpasay sa inuupuan ko. I gave him a bored look nang
mahimasmasan na ako. Sinubukan kong ikubli ang ngiting gustong kumawala sa bibig
ko.

"Ate, mukhang lalagnatin ka, ang pula-pula mo." Napatingin naman sa mukha ko si
Stan dahil sa sinabi ni Shawn. At nang magtagpo ang mga mata namin, he gave me a
lopsided smile. Alam kong alam niya ang

dahilan ng pamumula ko kaya agad kong iniwas ang tingin ko at itinuon sa kinakain
ko.

"Kinikilig ka na niyan?" Hindi pa man ako nakarecover sa pagtawag niya sa aking


'baby' ay nanindig naman ang balahibo ko sa ibinulong niya kaya naman siniko ko
siya. Buti na lang nakatuon na ulit ang atensyon ni Shawn sa pagkain niya kaya
hindi niya napansin ang pagbulong sa akin ni Stan. Pabilog pa naman ang mesang
kinakainan namin katulad ng sa bahay. Pinanlakihan ko siya ng mata na nagpatawa sa
kanya, buti na lang hindi kami napansin ng kapatid ko.

Pagkatapos naming kumain ay inihatid din kami ni Stan sa bahay. Nagbihis na din ako
ka agad dahil papasok pa ako sa trabaho, sayang din naman ang half day.

Gustuhin ko mang magpahinga ay hindi pwede, nasasayangan talaga ako. Buti na lang
inihatid din ako ni Stan sa restaurant na pinagtatrabahuhan ko.

"Thank you sa paghatid sa'kin Stan, malaki na talaga ang abala namin sa'yo."
"You don't have to thank me Sham, ayaw ko lang na masyado mong pinapagod ang sarili
mo sa trabaho." Mataman naman akong tinitigan ni Stan sa mata kaya hindi ko
napigilang umiwas ng tingin.

"Ahm, s-sige pasok na ako..." sabi ko nalang at akmang maglalakad na ako papasok ng
restaurant ay mabilis niyang akong hinila sa braso.

"Please don't stress yourself too much, I'll fetch you later." Namumungay ang mga
mata niyang nakatitig sa'kin.

"Ah, sige. Ikaw ang bahala. Thanks ulit." Mabilis akong tumalikod at naglakad
papasok sa restaurant. Pakiramdam ko kasi kunting-konti na lang ay bibigay na ako
sa kanya. Wait, kami na ba talaga? I already

said the magic words last night pero hindi manlang namin nagpag-usapan kung ano na
ba talaga meron kami.

Alam ko sa sarili ko na may nararamdaman na din ako sa kanya pero natatakot ako.
Magkaiba ang mundong ginagalawan namin, langit siya at lupa ako. Walang-wala ako sa
kalingkingan ng mga babaeng ka level niya. Nanliliit ako sa sarili ko sa tuwing
naiisip ko 'yon. Hindi sa wala akong tiwala kay Stan pero paano kung mawala ang
feelings niya sa'kin? Kung sasagutin ko siya, first boyfriend ko siya pag
nagkataon. Pero paano kung mahal niya nga talaga ako? Ewan.

Pero sinagot ko na nga siya kagabi. Hay...

Naguguluhan na talaga ako kaya ngali-ngaling binatukan ko ang sarili ko sa mga


naiisip ko. Trabaho dapat ang isipin mo Shane Ametyst.

"Uso na ba ngayon ang mambatok sa sarili? O sadyang, may saltik ka na Shane


Amethyst." Bumungad sa'kin ang natatawang mukha ni Mylene na kasama ko trabaho.

"Trip ko lang batukan ang sarili ko eh, try mo din kaya, ang sarap sa pakiramdam,"
sarkastiko kong sagot.
"Ewan ko sa'yo. Para kang timang diyan, epekto na siguro 'yann ng pagkakaroon ng
mayamang manliligaw." Napailing nalang ako sa sinabi ni Mylene. Siya lang ang medyo
ka close ko dito sa trabaho. Wala din akong matatawag na best friend pero marami
akong close friends, hindi nga lang ako palakwento ng nararamdaman ko.

"Tigilan mo nga ako, palibhasa inloved na inloved ka sa boyfriend mo eh. Yang mga
mata mong malaki, nagiging hugis puso na. Pfttt.-"

"Hay naku, hindi ko alam kung anong pwedeng itawag sa'yo. Bulag ka o sadyang tanga
ka lang. Isda na nga ang lumalapit sa'yo, hindi mo pa binibingwit. Nakow, swerte mo
nga eh, ang wafu ng papa Stan mo, may datong pa, at mukhang seryoso din naman
sa'yo, 'san ka pa." Napanganga na lang ako sa pinagsasabi ni Mylene, minsan talaga
BI din ang isang 'to.

"Ewan, naguguluhan ako at isa pa natatakot din ako. Baka kasi sa huli, marealize
niyang hindi niya naman talaga ako mahal. Na baka attracted lang siya sa'kin..."
sagot ko. I don't want to give her a hint na sinagot ko na nga si Stan kagabi.
Madaldal pa naman siya, baka mamaya kumalat sa lahat ng katrabaho namin.

"Nakow girl, hindi mo malalaman kong hindi mo susubukan noh, masarap kayang ma in
love. Siyempre hindi naman puro happiness lahat noh, pag nagmamahal ka, hindi
talaga maiwasan na masaktan ka. Kumbaga sa mga lalaki, kailangan muna nilang
pagdaanan ang sakit na dulot ng pagtutuli para maging ganap na isang lalaki. Kaya
girl, go lang ng go. Isa pa, nakikita ko naman na mahal ka naman ng papa Stan mo."
Napaisip naman ako sa sinabi niya. Sabagay may point din naman siya.

"Oo na, pag-iisipan ko. Magtrabaho na nga lang muna tayo." Sabi ko na lang at
hinarap ang mga utensils na huhugasan namin.

Sus, Shane Amethyst. Pag-iisipan pa e kumiringking ka na nga kagabi. Ay, nesfruta!


Ano ba 'tong naiisip ko?

Sabagay mukhang pasok na pasok naman si Stan sa four M. Hindi na masama. Machong
Mayamang Masarap Magmahal.

Susmaryosep! Ang landi ko!


Fairy: Completed na po itong story, nirerevise ko lang po. Nati-tempt na akong
ipost lahat ng chapters. Nakakatamad mag-edit. Busy po kasi ako. Ipost ko na lang
kaya lahat? Kaso baka sumakit ang ulo niyo sa typos. Corny din po ito. Buwahaha.
Love you!

♕GreatFairy♕

=================

Chapter 4

Chapter 4

Pagkagising ko ay naghanda agad ako para sa trabaho. Ngayong walang pasukan ay full
time ako sa trabaho. Nagluto na rin ako ng agahan pati pananghalian ni Shawn
mamaya. Ang sabi ni Stan ay susunduin niya ako at ihahatid sa trabaho kaya naman
nagluto ako ng medyo marami, baka kasi dito na naman siya magbi-breakfast.

Around 7 na nang natapos ako sa paghanda at pag-ayos ng sarili. Hanggang ngayon ay


wala pa rin si Stan. Baka na traffic lang siya. Ginising ko na lang si Shawn para
makasabay namin siyang kumain pagdating ni Stan.

7:30 na pero wala pa rin si Stan kaya napagpasyahan kong kumain na lang. 8:30 ang
pasok ko kaya kailangan ko ng magmadali.

"Susunduin ka ba ni Kuya Stan, ate?" tanong ni Shawn habang kumakain.

"Hindi ko alam, baka busy 'yon," sagot ko na lang dahil maging ako ay naguguluhan.
First time kasing na-late si Stan ng ganito. Hindi siya pumapalya sa tuwing
sinusundo niya ako, kadalasan nga maaga siyang dumadating.
Baka siguro nakalimutan niya lang akong sunduin dahil busy siya. Ang alam ko, tini-
train daw siya ng Daddy niya para maging CEO ng company nila.

Hinayaan ko na lamang si Stan. Baka nga siguro busy lang siya kaya hindi niya ako
nasundo. Pilit kong itinatanim sa isip ko iyon pero nakaramdam pa rin ako ng
lungkot. Sumakay ako ng jeep papuntang restaurant na pinagtatrabahuhan ko.

Medyo nanibago nga ako kasi mahigit tatlong buwan na din akong hinahatid sundo ni
Stan. Hindi kaya nagsawa na siya sa'kin? Hindi kaya nainip na siya sa kahihintay,
akala ko ba mahal niya ako. Ang daming

tanong na bumabagabag sa isip ko. But I already said the magic words.

Matamlay akong pumasok sa loob ng restaurant. Hindi na din ako nag-abalang tawagan
o itext si Stan. Baka kasi ispin niyang ginagawa ko lang siyang driver. Wala naman
akong karapatang magdemand na sunduin niya ako dahil hindi pa naman niya ako asawa.
Tama. Kaya wala akong kaarapatang malungkot. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko?
Ganun nga talaga siguro pag mahal mo na ang isang tao.

"Oh, bakit parang pasan mo ang daigdig?" Bungad sa'kin ni Mylene.

"Ahah! walang papa Stan pala na naghatid. Kaya pala nakasimangot yang fes mo,"
dagdag pa niya kaya napabuntong hininga ako.

"Bakit ganun Mylene. Hindi niya lang ako nasundo para akong nasasaktan? Nangako
kasi siyang susunduin niya ako.." maktol ko sa kanya.

"That means mahal mo na talaga siya girl, OMG! Ayan kasi pakipot pa. Nakow baka
naghanap na 'yon ng iba." Natigilan naman ako sa sinabi niya. Baka nga siguro
ganun, baka nagsawa na talaga siya sa'kin.

"Joke lang. Baka busy lang talaga 'yon. Pero seryosong usapan ha. Kung ako sa'yo
hindi ko na talaga pakakawalan yang si papa Stan. He's a complete package, wala ka
ng hahanapin pa. Pasalamat ka nga na-in loved sa'yo 'yon eh." Mahabang litanya niya
with matching gestures pa.

Natapos ang araw na hindi manlang nagparamdam si Stan. Wala akong natanggap ni
isang tawag o text galing sa kanya. Umuwi akong matamlay sa bahay. Sakto namanng
pagpasok ko ay bumuhos ang malakas na ulan. Wala namang napabalitang bagyo pero
malakas ito. Nakikisama ba ang panahon sa mood ko? Napabuntong hininga na lang ako,
at siguro pang labing siyam ko na tong buntong hininga sa buong araw.

Matapos naming maghapunan ni Shawn ay nag ayos ako ng sarili para matulog. Hindi pa
rin tumitila ang ulan. Akmang hihiga na ako nang marinig ang malakas na pagpalagpag
ng pinto ng bahay kaya mabilis akong tumungo dito.

Pagbukas ko ay tumambad sa'kin ang basang basa na si Stan.

"Stan! Anong ginagawa mo dito? At bakit basang-basa ka?"

"Can I get in?" Tanong niya habang nanginginig.

Pinapasok ko siya sa bahay at dali-daling kumuha ng tuwalya sa kwarto. Kinuha ko na


rin ang pinakamalaking t-shirt ko para ipampalit niya.

"Bakit ka ba nagpapabasa sa ulan, gusto mo bang magkasakit?" Sita ko sa kanya na


may halung pag-alala.

"I'm just worried about you. I'm sorry hindi kita nasundo. I wasn't really feeling
well. Pero ng umulan ay pinilit kong makabangon para puntahan ka."

Nag-init naman ang pisngi ko sa sinabi niya. How can this guy be so sweet?

Pagkatapos magpalit ay dito ko na lang din pinatulog si Stan sa bahay. Tumabi muna
ako kay Shawn at siya naman ang natulog sa kwarto ko. Nakaramdam naman ng saya ang
isang bahagi ng puso ko dahil nag-abala siyang puntahan ako kahit masama ang
pakiramdam niya. Medyo may sinat pa nga siya kanina nang hawakan ko siya kaya
pinainom ko agad siya ng gamot para hindi lumala.

♕GreatFairy♕

=================
Chapter 5

Chapter 5

Sunday ngayon at ito sana 'yung araw na palagi kaming nagba-bonding ni Shawn. Kada
linggo ay hindi namin nakakaligtaang magsimba dahil Siya na lang ang masasandalan
namin ng kapatid ko. Ngayon ay hindi muna kami magkasamang magsimba ni Shawn,
sasamahan niya raw si Aleng Nelia sa Redemptorist Retreat House na malapit dito sa
bahay namin. Tamang-tama naman dahil inaya ako ni Stan na magsimba sa simbahan na
sa loob daw ng subdivision nila at susunduin niya ako mamaya.

Sinuot ko ang flair floral dress na regalo ng boss namin no'ng Christmas. Nagsuot
din ako ng belt na blue na bumagay ang kulay sa dress ko at tinirnuhan ng dirty
white na flat sandals. Naglagay lang ako ng pulbo at strawberry lip balm dahil yun
lang naman meron ako. Hindi kasi ako bumibili ng make up dahil hindi naman kasi ako
marunong maglagay ng mga iyon at isa pa wala naman akong pambili. Tamang-tama lang
ang sweldo ko sa pangangailangan namin ni Shawn sa araw-araw.

Lumabas ako ng kwarto nang marinig kong may tumigil na sasakyan. Sinukbit ko ang
maliit kong sling bag. Hindi na ako nag-abalang magpony tail ng buhok. Naglagay
lang ako ng hair clip at hinayaang nakalugay ang mahaba kong buhok na natural na
wavy sa dulo.

Lumabas ako ng bahay at ni-locked ang pinto at humakbang papunta kay Stan. Nakita
ko siyang prenteng nakasandal sa kanyang sasakyan at nakapamulsa. Bahagyang naka-
awang ang kanyang mga bibig at nakita ko din ang paggalaw ng adams apple niya nang
lumunok siya.

Titig na titig siya sa akin habang naglalakad ako papunta sa kanya. Pero hindi ko
'yon pinansin dahil nakatuon ang atensyon ko sa suot

niya. Lalo siyang gumwapo sa suot niyang polong kulay blue na naka-fold sa bandang
siko at tinernuhan niya ng faded jeans. Hindi ko namalayang nasa harap niya na pala
ako.

"P-pangit ba?" Kinakabahang tanong ko sa kanya. Baka kasi na-disappoint siya sa


ayos ko. Napaka gwapo pa naman niya ngayon.

"Beautiful is not enough to describe you..." sabi niya na hindi inaalis ang titig
sa'kin.
"You're gorgeous." Pakiramdam ko may nagliliparang paru-paro sa tiyan ko dahil sa
sinabi niya.

"T-thanks..." sabi ko na lang at umiwas ng tingin sa kanya.

Pinagbuksan niya ako ng pinto at umikot siya sa drivers seat. After 30 minutes ay
pumasok kami sa isang magarang subdivision. Itinigil niya ang sasakyan sa di-
kalakihang simbahan. Tamang-tama naman ang dating namin dahil mag-uumpisa na pala
ang misa.

Nang lumabas na kami pagkatapos ng misa, inalalayan ako ni Stan papasok sa kanyang
sasakyan. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin, nagpati-anud na lang din ako.
Iniisip ko kasi kung pa'no ko kung paano ko siya tatanungin tungkol sa status
namin. Alangan namang tatanungin ko na lang siya bigla ng, "tayo na ba?" Hindi din
naman pwedeng sabihin ko sa kanyang, oy Stan, 'di ba sinagot na kita? E di tayo na.
Magmumukha naman akong timang no'n pag nagkataon.

"You seemed quiet, problem?"

Napabaling naman ako kay Stan. Hindi ko napansing tumigil na pala ang sasakyan sa
harap ng isang malaking bahay. Scratch that. Hindi pala basta malaking bahay lang,

mansyon pala ito.

"Wala naman, kaninong bahay 'to?" Ibinaling ko ang paningin ko sa malaking


mansyon .

Hindi naman sumagot si Stan sa halip ay bumaba na lang siya at umikot para
pagbuksan ako ng pinto.

"Shall we?" Inilahad niya ang kanyang kamay sa'kin.

"Teka-teka, papasok tayo diyan?" Sabay turo sa pinto ng malaking bahay.

"Yeap." Hinawakan niya ang kamay ko at iginaya sa loob.

"B-bahay niyo 'to?" Kinakabahang tanong ko sa kanya. First time kong pumunta dito
at hindi ako handa kaya naman parang binabayo ang dibdib ko sa sobrang kaba. Ngiti
lang naman ang isinukli niya sa tanong ko. Pagpasok namin ay tumambad ang mga
kawaksing abalang-abala.

"Son!"

Napalingon kami sa babaeng sumulpot na mukhang galing sa kusina dahil naka-apron pa


ito. Tantiya ko ay nasa early 40's na siya pero maaaninag pa rin ang angking ganda
nito. Humalik si Stan sa pisngi niya , ito siguro ang mommy niya.

"Are you my son's girlfriend? You're so beautiful!" His mom giggled. Hinawakan niya
ako sa kamay at niyakap.

"Mom, please stop it. She can't breath anymore." Hinila ako ni Stan mula sa
pagkakayakap ng mommy niya.

"Oh, sorry dear, I'm just so happy to see you..." magiliw na saad ng mommy niya.

"Mom, please?" Naiiritang sagot ni Stan.

"Fine, tara na sa komedor, andun na ang Dad mo."

Nang pumasok kami sa komedor ay napanganga naman ako sa dami ng pagkain sa mesa.
Fiesta ba dito? Namataan kong may nakaupong lalaki na nagbabasa ng diyaryo. Siguro
nasa late 40's na siya. Ganunpaman halatang kamukhang kamukha nito si Stan. Hindi
maikailang Daddy niya 'to.

"Honey, our son's special girl is here!" Masayang anunsyo ng mommy ni Stan kaya
napa angat ang tingin niya mula sa diyaryo. Umupo ang mommy ni Stan sa tabi ng
Daddy niya samantalang pinaghila niya naman ako ng upuan at tumabi siya sa'kin.

"I must say, my son has a good taste, huh. Ang ganda-ganda mo, iha. C'mon don't be
shy."
Napangiti naman ako nang alanganin sa Daddy niya. Mukha siyang intimidating sa
unang tingin pero mabait din pala siya. Asikasong asikaso naman ako ni Stan. Halos
subuan niya na nga ako, hindi niya na masyadong nagalaw ang pagkain niya sa sobrang
asikaso niya sa'kin. Siya lang naman ang naglalagay ng pagkain sa plato ko.

"You're so sweet, son. Naaalala ko tuloy no'ng kami ang sa edad niyo ngayon."
Mukhang kinikilig na sabi ng mommy niya.

Ang sarap sa pakiramdam na ganito ang pamilya ni Stan. Naalala ko tuloy sila Papa
at Mama . Kung nabubuhay pa kaya sila, ganito rin kaya kami kasaya?

Pagkatapos naming kumain, inilibot naman ako ni Stan sa buong mansyon at wala akong
masabi sa sobrang ganda nito. Marami silang antique na kagamitan pero halatang
moderno ang disenyo ng buong bahay. Napadpad kami sa garden at sa kabila ay may
malaking pool. Umupo kami sa magkabilang upuan sa gitna ng isang lamiseta.

"Ah, thank you nga pala sa pagdala sa'kin dito. Ang saya ko kasi ang babait ng
parents mo."

Ngumiti naman siya sa'kin at hinawakan niya ang dalawang kamay ko.

"You don't have to thank me, Sham. I just want them to meet the girl I chose to be
part of our family." Seryosong sabi niya at hinalikan ang kamay ko.

"I love you so much, Sham. I really do."

"I-I love you too, Stanley Drew Mijares."


♕GreatFairy♕

=================

Chapter 6

Chapter 6

Nakailang attempt na akong matulog pero hindi ko magawa. Hanggang ngayon kasi nagpa
flashback pa rin sa isip ko ang nangyari kanina. Hindi ko napigilang mapahawak sa
labi ko. I just can't believe I had my very first kiss with Stan. Kanina pa ako
nagtitili sa isip ko, baka kasi marinig ni Shawn eh mapagkamalan pa niyang takas sa
mental ang ate niya. Ang ganda ko namang baliw. Natigil ang pagmumuni muni ko nang
tumunog ang cellphone ko.

My Hunk Boyfriend calling...

Siya ang naglagay ng pangalan sa cell ko. Akala ko kanina kung ano ang gagawin niya
no'ng hiniram niya, yun pala pinalitan niya ang pangalan niya. My Gorgeous
Girlfriend naman ang pangalan ko sa cellphone niya para daw quits kami.

"Hello"

"I missed you." Uminit na naman ang mukha ko sa bungad niya.

"Loko ka talaga, halos buong araw kaya tayong magkasama..." Sabi ko habang pilit
itinatago ang kilig. Kung hindi ko lang siya kausap ngayon malamang nagtitili na
naman ang lola niyo.

"I can't help it. You keep running in my mind. Aren't you getting tired?" He said
in a husky tone, oh God! Hindi ko mapigilang mapatawa sa banat niya. Corny pero
nakakatawa pala pag ang isang kagaya niya ang bumanat ng ganon.

"Ang dami mong alam mister. Matulog na kaya tayo. Gabi na po..." natatawang sabi ko
sa kanya.
"I can't sleep. I keeping on thinking of you. I just can't believe I own you now.
If this is just a dream, I don't ever want to wake up..." he said in his serious
voice.

"Then believe it now. You're not dreaming mister, matutulog ka pa nga lang eh..."
natatawang sabi ko habang pilit pa ring

pinipigilan ang kilig na nararamdaman ko.

"I'm glad I made you laugh. I love you so much, baby."

"And I love you, too. Thank you kasi ako ang napili mong mahalin. Ang saya ko,
Stan. "

"Nope, thank you for loving me back, Sham. You just don't know how you made me
happy."

"Oo na nga po. Panalo ka na." He chuckled upon my surrender.

"Sleep now, baby. I'll fetch you tomorrow." Bigla naman akong nakaramdam ng antok.

"Okay, okay. Good night." Sabi ko sabay hikab.

"I love you. Good night and dream of me."

"I love you too. Good night ulit." Pagkasabi ko nun ay pinikit ko ang aking mga
mata.

NAGISING ako nang maramdaman ko na parang may humahaplos sa aking mukha at bumugad
sa akin ang napakagwapong mukha ng boyfriend ko.

"Good morning, sleepy head. *tsup*" Kinintalan niya ako ng mabilis na halik sa
gilid ng labi.
Bigla naman akong na-conscious sa itsura ko kaya dali-dali kong tinakpan ang mukha
ko. Mahirap na baka may panis pang laway sa bibig ko. Minsan kasi pag masyadong
akong pagod tumutulo ang laway ko pag natutulog.

"Pano ka nakapasok dito?" Tanong ko habang tinatakpan pa rin ang mukha ko na pilit
naman niyang tinatanggal.

"Shawn let me in. Hey, why are covering your face?"

Hindi ko siya sinagot at lalo ko pang tinakpan ang mukha ko. Ngunit dahil masyado
siyang malakas ay natanggal niya ang unan.

Pasimple kong pinahid ang gilid ng bibig ko gamit ang likod ng kamay ko. Narinig ko
ang malutong niyang tawa kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"What?" Pa inosenteng tanong niya.

"Bakit

ang aga-aga mo?" Inirapan ko siya kaya lalo pa siyang napatawa.

"What's wrong with it? I just want to see my lovely girlfriend as early as this
morning. And besides, I missed you."

Hindi ko namalayang nakalapit na pala siya sa'kin. Naupo siya sa kama paharap
sa'kin at hinawakan ako sa mukha. Napapikit ako nang hinaplos niya ito gamit ang
likod ng kanyang kamay.

"I just found out that you're more beautiful when you're fresh from sleep."
Naramdaman ko naman ang pag init ng pisngi ko sa sinabi niya. He really never fail
to make me blush.

"Binobola mo naman ako eh. Bad breath kaya ako..." pagmamaktol ko at tinapik siya
sa braso. Holy cow! Ang tigas!

Napatawa siya ng mahalata niya na parang natigilan ako.


"Fix yourself. I brought something for breakfast, nagluto si mommy. C'mon."
Nagpahila naman ako sa kanya patayo.

Lumabas na siya ng kwarto ko. Dali dali naman akong kumuha ng tuwalya para maligo.
Pagkatapos kong maligo ay sinuot ko na lang agad ang uniform ko sa trabaho para
diretso nalang ang pag aayos ko ng sarili.

Gaya ng sabi ni Stan, sabay nga kaming tatlo kumain. Nabigla nga ako dahil ang dami
niyang dalang pagkain, ang sabi niya maaga daw nagising si mommy para magluto.
Kinuwento niya rin sa kapatid ko ang tungkol sa relasyon namin na kinatuwa naman ng
huli. Pagkatapos ng maingay na agahan ay hinatid din ako ni Stan sa trabaho.
Binilinan ko muna si Shawn na bantayan ang maliit naming tiyangge bago kami umalis
ng bahay.

NASA harap na kami ng restaurant pero hindi pa rin kami bumaba ni Stan sa kanyang
sasakyan. Hindi ko alam kung ano namang kapilyuhan ang naiisip ng nilalang na 'to
dahil parang ayaw

niyang bitawan ang kamay ko.

"Stan, mali-late na ako, oh." Mataman niya lang akong tinititigan. Dinala niya ang
kamay ko sa kanyang mga labi at hinalikan kaya nagpaligsahan na naman ang paru-paro
sa tiyan ko.

Bago pa man ako makapagsalita ay lumabas na siya at umikot para pagbuksan ako.

"Thanks."

"You take care of yourself for me, okay?" Hindi ko alam pero napatango na lang ako.
Ramdam kong punung-puno ng pagmamahal ang mga titig na ipinupukol niya sa'kin.

"Ingat sa pag drive ha?" Nginitian ko siya at hahakbang na sana ako papasok sa
resto nang bigla niya na lang akong hinila sa braso at hinalikan sa labi. It was a
long, passionate kiss which I responded gratefully.

Napahiwalay lang kami nang narinig naming may tumikhim. Gulat akong napatingin kay
Mylene na abot tenga ang ngiti. Saka ko na lang narealize na sa harap pala kami ng
restaurant kaya maraming nakakita, halata naman sa mapanuksong tingin ni Mylene.
Napayuko na lang ako sa kahihiyan.

"Huwag kang magpapagod, see you later," sabi ni Stan at hinalikan ako sa noo bago
bumaling kay Mylene.

"I'm Stanley Drew Mijares, Shane's boyfriend." Inilahad ni Stan ang kanyang kamay
para makipag hand shake na tinanggap naman ni Mylene.

"I-I'm Mylene."

"Alright, Mylene will you do me favor?" Napakunot naman ang noo ko sa tanong ni
Stan.

"Please take care of my girlfriend while I'm away."

Napanganga na lang ako sa kalokohan ng boyfriend ko. Kung makapagbilin naman para
akong kasisilangang na sanggol na kailangang alagaan at bantayan.

"Ah, syempre naman. No probs papa Sta- I-I mean walang problema."

Napairap na lang ako sa usapan nilang dalawa. Pero hindi ko rin mapigilang kiligin
sa mga simpleng gestures ni Stan. Ramdam ko talaga kung gaano ako kahalaga sa
kanya.

"Bye for now, baby. And please do not overwork yourself." Hinalikan niya ulit ako
sa tuktok bago pumasok sa kanyang sasakyan.

Pagkaalis ni Stan ay halos mabingi ako sa tili at panunukso ni Mylene. Tinakpan ko


naman ang tenga ko kasi baka lumabas ang mga hindi lumabas sa sobrang lakas ng
boses niya.

"O to the M to the G! Kayo na nga talaga!"


"Pakihinaan ng boses, wala tayo sa palengke. Tsk." Inirapan ko siya at hinila na
papasok.

"Kunwari ka pa, eh nangingiti ka rin naman diyan eh." Sinamaan ko siya ng tingin
kaya napatikom siya ng bibig.

"Sabi ko nga tatahimik na."

Napa buntong hininga na lang ako. Para kasing naiilang akong pag usapan ang tungkol
sa relasyon namin ni Stan lalo na sa sa mga katrabaho ko lang.

Mabilis namang lumipas ang oras. Bandang 2 pm nang mahalata kong parang abala ang
mga kasama ko. Parang ang dami nilang niluluto at ang iba naman ay abala sa pag
arrange ng mga upuan. Nagtaka naman ako kung ano ang nangyayari pero ang mas
ikinagulat ko ay nang makita kong nabaligtad na ang sign sa sliding door ng resto.
Closed. Maaga pa naman para magsara ah.

"Uy, Mylene. Anong meron?" Kinalabit ko siya na abala sa pag aayos ng mga sangkap.

"May nag-rent kasi ng resto. Galante kaya pinaayos ni boss. Kaya tulungan mo na ako
dito."

Sinunod ko naman ang sinabi ni Mylene. Ang pinagtataka ko lang eh bakit wala akong
alam?

Ipinagwalang bahala ko na lang ang mga iniisip ko at tumulong nalang. Grabe.


Sobrang yaman naman ata ng customer na to para ipasara ng mas maaga ang resto para
lang sa dinner.

Past 5pm na ng matapos ang lahat. Ginawang romantic ang theme ng resto, siguro
couple ang nagrenta nito.

"Amethyst, suotin mo yan. Bawal daw tayong mag uniform mamaya. Mukha kasi talagang
special." Inabot sa 'kin ni Mylene ang isang paper bag na may lamang dress na kulay
black.

"Teka, asan mo naman nakuha 'to? Wag mong sabihing pati susuotin natin inako ng
customer natin." She just rolled her eyes.

"Ewan, basta suotin mo nalang. Yun ang order ni boss. Hala sige na, ikaw na lang
hindi naka bihis."

Sinunod ko nalang ang sinabi ni Mylene para walang gulo. Naalala kong mag-oovertime
pala kami kaya kinuha ko muna ang cellphone ko at nagtext kay Stan para magpaalam.

Pumasok na ako ng banyo at sinuot ang damit. Ang galing naman ng pumili ng dress na
'to dahil eksakto lang sa katawan ko. Naglagay lang ako ng lip balm at pulbo at
sinuklay ang buhok. Nang satisfied na ako sa itsura ko ay lumabas na ako ng banyo.

Pero ganun na lang ang pagtataka ko na tahimik ang buong kusina. Siguro ay nandun
na sila sa dining area kaya naisipang kong pumunta doon.

Bago pa man ako makahakbang papasok ng dining area ay bigla nalang namatay ang
lahat ilaw.

Brown out ba? Anong nangyayari?

♕GreatFairy♕

=================

Chapter 7

Chapter 7

Napakapit ako sa pinto dahil wala akong makita sa sobrang dilim. Mabuti na lang
kabisado ko ang bawat parte dito kaya hindi ako natisod. Nang makahakbang na ako sa
loob ay bigla na lang nagbukas ang ilaw pero nakatuon sa kin.
Kelan pa nagka spotlight dito? At anong nangyayari?

"Guys? Asan kayo? Mylene?" Tawag ko sa kanila ngunit wala akong nakuhang sagot.
Napakislot ako nang bigla na lang akong nakarinig ng tugtog at ang pagbukas ng isa
pang spot light at doon ko lang na-realize nang mapagsino ang kumakanta habang
marahang lumalakad patungo sa kinatatayuan ko bitbit niya ang bungkos ng bulaklak
sa kaliwang kamay habang ang kabila ay hawak hawak ang microphone.

There was a time when I was never really sure

If I was ever gonna find that perfect girl

Kept thanking the day when you came my way everything changed

Kaya pala ako lang ang walang ka alam-alam na may nagrent ng resto dahil siya pala
ang may pakana.

I could tell straight from the moment that we met

You would always be the girl I can not forget

In all of my thoughts

In all of my prayers

In all of my kiss

Kaya pala hindi siya nagreply sa text ko, kaya pala pinasuot ako ng dress. How can
this guy be so sweet?

So maybe I'm falling in love

With an angel that came from above

Your something to find

One of a kind

Alam kong pagod din siya galing sa trabaho pero nagagawa pa rin niya akong
pasayahin. Hindi ko namalayang kumawala na pala ang mga butil ng kasiyahan

mula sa aking mga mata.

You were all that I can see

Yes, sometimes it's hard to believe

Your something to find

One of a kind

Angel of mine

Angel of mine

Ramdam ko ang pagmamahal niya sa akin habang kumakanta siya. Punung-puno ng emosyon
ang kanyang mga mata.

I've never been the type to go all in


You were different it was evident

You gave me your heart

I'll give you mine

All of the time

So maybe I'm falling in love

With an angel that came from above

Your something to find

One of a kind

I feel so special. Hindi ako nagsisising binigyan ko ng pagkakataon ang sarili ko


na mahalin ang isang tulad niya.

You were all that I can see

Yes, sometimes it's hard to believe

Your something to find

One of a kind

Angel of mine

Angel of mine

Parang kinikiliti ang puso ko sa ganda ng boses niya. Nakatitig lang kami sa isa't
isa habang kumakanta siya.

Where did you come from from?

Where have you been?

I have been waiting all this time

Angel of mine

Ngayon ko lang napagtanto na hindi ko lang pala siya mahal dahil sobrang mahal na
mahal ko na pala siya.

So finally I've fallen in love

With an angel from above

You're something to find

One of a kind

You are all that I can see

Yes sometimes it's hard to believe

You're something
to find

One of a kind

Angel of mine

Namalayan ko na lang na nasa harap ko na pala siya. Pagkatapos ng kanta niya ay


marahan niyang kinulong ang mukha ko sa kanyang mga palad at pinahid ang mga luha
ko.

"I thought you'll be happy with my surprise but I ended up making you cry. Hmm..."
Sabi niya pagkatapos niyang punasan ang luha ko.

"Masaya lang ako. Masaya lang ako kasi ginawa mo ang lahat ng to para lang sa'kin."

"Huwag mong i- 'lang' ang sarili mo, Sham because you're my world now."

"Thank you." Niyakap ko na lang siya sa sobrang saya ko. Nawala lahat ng pagod ko
dahil sa kanya. I feel important because of him, and I feel loved because of him
too. My love. My Stan.

"Shall we?"

Pagkalas namin sa yakap ay hinawakan niya ako sa braso at iginiya sa mesang


pangdalawahan. Nilagay ko muna sa gilid ko ang bulaklak at inayos ang pagkaupo ko.
Siya naman ay pumwesto sa kaharap na upuan. Napakaromantic ng set up ng resto sa
candle light dinner na sinet-up ng mga kasama ko.

"Pano mo nga pala nagawang ang lahat ng to? Akala ko ba nasa trabaho ka?"

"I called Mr. Tan," tukoy niya sa boss ko.

"Kilala mo si boss?"

"He's actually a family friend. C'mon let's just enjoy this moment."

Napangiti na lang ako sa kanya. Hindi ko akalaing makatagpo ako ng isang kagaya
niya.

Pagkatapos naming kumain ay bigla na lang siyang may inilabas na isang pulang box.

"Ano yan?"

"Open it." Nakangiti lang siya habang pinagmamasdan ako. Pagbukas ko ay tumambad sa
akin ang isang mamahaling kwentas na may heart-shaped

pendant.

Napatakip ako sa bibig ko sa pagkabigla, this man in front of me really love to


surprise me.

"You like it?"

"Ang ganda. Pero Stan ang mahal nito." Totoo naman eh, hindi niya naman kailangang
bigyan niya ako ng mga ganito. To be loved by someone like him is more than enough.

"The price doesn't matter if it is for the most priceless woman in my life,
baby..." he said in his most serious yet sweetest tone.
Tumalbog naman ang puso ko sa sinabi niya. Tumayo siya at pumunta sa likod ko.
Naramdaman ko na lang ang pagdampi ng malamig na bagay sa likod ko. Naisuot niya na
pala sa akin ang kwentas.

"See? This necklace is nothing if it is not worn by the most beautiful woman in my
eyes." Bulong niya nagpatindig ng balahibo ko. Hindi agad ako nakapagsalita.

"May I have this dance?" Napabalik na lang ako sa realidad nang inilahad niya ang
kamay niya sa akin. Tinanggap ko naman at inalalayan niya ako akong tumayo.

"You mean, sasayaw tayo kahit walang tugtog?" Natatawang tanong ko sa kanya. But he
just snapped his fingers at bigla na lang akong may narinig na tugtog. Inilibot ko
ang paningin ko at doon ko lang nakita ang dalawa sa kasamahan ko sa trabaho na
nasa sulok ng hall.

"I wouldn't miss this for our first dance, baby." He winked at me. Tama siya. First
dance nga pala namin to. Siya pala ang first ko sa lahat. Napangiti ako sa isiping
iyon.

"What are you thinking, hmm?" Hinawakan niya ako sa mukha habang ang isa niyang
kamay ay nasa bewang ko.

"Wala naman. Ang saya ko lang kasi nag-effort ka talaga para lang sorpresahin ako."
Isinubsob ko patagilid ang mukha ko sa dibdib niya. Siya naman ay hinigpitan ang
hawak sa bewang ko.

"I'm glad you liked my surprise. I love you so much, baby." Hinalikan niya ako sa
tuktok ng ulo ko.

"I love you too, mister." Kahit hindi ko nakikita ang mukha niya dahil nakasubsob
ko sa dibdib niya ay alam kong nakangiti siya.

"Teka bakit mo nga pala naisipan ang lahat ng 'to?" Inangat ko ang aking mukha at
tumingin sa kanya.

"Let's just say, this is our own celebration for finally being a couple, baby."

Napatawa na lang ako sa mga sinasabi niya. How I love this man.

♕GreatFairy♕

=================

Chapter 8

Chapter 8
Akala ko noon ay sa fiction lang nangyayari ang mga ganito. Hindi pala, kasi kahit
pa na ilang ulit ko pang sampalin ang sarili ko, hindi ako tulog dahil nakakaramdam
ako ng sakit. Totoo pala na nangyayari ang lahat ng ito. Totoo palang may prince
charming. Totoo palang may Stanley Drew Mijares na nabubuhay sa mundo at nagmamahal
sa isang katulad ko. Everything seems perfect about our relationship. Kung may
tampuhan man kami, hindi niya hinahayaang matapos ang araw na hindi kami
nagkakaayos.

It's been almost a year since I and Stan were in an official relationship. At wala
akong masabi sa kanya. He never let a moment slipped without making me feel loved
and special. Napamaasikaso niya kahit pa na may pagkakataong busy siya sa trabaho.
He is now the CEO of their company while Daddy Travis is the non-excutive
president. Hindi na rin ako naiilang na tawaging daddy at mommy ang parents niya,
for almost a year that we've been together ay nakasanayan ko na rin. Palagi niya
din kasi akong dinadala sa mansyon nila at pati si Shawn ay naisama na rin namin
doon.

"A penny for your thoughts?" Nilingon ko si Stan na nakangiting lumalapit sa 'kin.
Nandito kami ngayon sa opisina niya. Hinintay ko siya habang kinukuha niya ang mga
documents na kailangan niya raw para sa bahay na lang nila niya gagawin. He's
workaholic yet a responsible boyfriend to me.

"Wala naman. I'm just happy I have a loving boyfriend."

"And handsome," he said and wink at me. I rolled my eyes. The conceited Stanley
Drew never fails to ruin a moment.

"Talaga? Saang banda?" pang-aasar ko sa kanya

na nagpasalubong ng kilay niya. My boyfriend's too cute when he's frowning.

"Are you provoking me, lovely lady?" He smirk. Oh no! I think I should run for my
life now. Alam ko na kung ano ang susunod niyang gagawin. Pero bago pa man ako maka
isip ng paraan para makatakas, he already caught me.

"Hahahahaha.... Ta-ma na...hahaha... ta-hahahaha..ma na...Stan...hahaha..."


Nagpagulong gulong ako sa sofa nang bigla niya akong kilitiin.

"Hahahaha...pft! Hahaha-"

"Who's handsome, huh? I'm not gonna stop until you answer me correctly, baby." He
grinned from ear to ear at inumpasahan ulit akong kilitiin.

"Hahahaha...oo na po...hahaha... ang gwapo...hahaha ng boyfriend ko.."

"Good." Ngumiti siya ng nakakaloko at inalalayan akong makabangon mula sa sofa.

Pinakalma ko muna ang sarili ko dahil halos maubusan ako ng hininga sa katatawa.
Alam niyang malakas ang kiliti ko sa tagiliran.

"Next time, you should not forget you've got a breathtakingly handsome boyfriend,
got that?" Hindi ko alam kung tanong ba iyon o utos. Nakangisi siya habang inaayos
ang medyo nagusot kong damit.

"Yabang," bulong ko pero narinig niya.

"Who wouldn't be proud of this face?" He said in as-a-matter-of-fact tone at


sinabayan ng ngiting aso.
"Oo na po. Ikaw na ang gwapo. Nakuha mo na ba lahat ng kailangan mo?" Tanong ko sa
kanya para matapos na ang pagmamayabang niya.

"Yeah, c'mon. Let's go." Inalalayan niya akong makatayo at magkahawak kamay kaming
lumabas ng office niya.

***

"Mom, where here." Anunsyo ni Stan pagpasok namin sa bahay nila.

"I guess,

Mom's at the kitchen." Hinawakan niya ako sa kamay at dumiretso kami sa kusina.
Naabutan naming parang may niluluto si mommy.

"Smells good. Hmm."

"Son! Baby girl! You're here. Wait tatapusin ko lang to." Napailing na lang ako kay
mommy dahil pinaninindigan niya talaga ang pagtawag sa aking, baby girl.

"What's that mom?"

"Eto ba, I'm cooking steak, Andrea's favorite..." nakangiting sagot ni mommy habang
dinadaluhan ang niluluto niya.

"Wait! What? Andrea's here?" kunot noong tanong ni Stan. Wait. Sino ba si Andrea?
Ang alam ko solong anak si Stan ah.

"Yes, she called me earlier. Kakarating lang daw nila kahapon. And she said she'll
pay us a visit today." Hindi na lang ako kumibo dahil parang na-a out of place ako
sa usapan nila.

"Really?" Kitang kita ko ang pagliwanag ng mukha ni Stan na parang na e-excite.


Sino ba talaga si Andrea? Siguro relative nila. Nagkibit balikat na lang ako.

"Yes, she said she misses us." Ngiti lang ang itinugon ni Stan kay mommy.

"By the way, where's Dad?" Pag-iiba ni Stan sa usapan at pasimpleng hinapit ako sa
bewang. Sa pagkabigla ko ay napasubsob ako sa dibdib niya. Ang tigas. Hindi ko
napigilang amuyin ang bango niya.

"Nasa kwarto. Pababa na siguro yun."

"Am I that addictive, baby?"

Nanindig ang balahibo ko nang biglang na lang siyang bumulong at hinalikan ang puno
ng tenga ko. Nakakahiya! Naramdaman niya palang sinisimhot ko ang amoy niya. Buti
na lang hindi nakaharap si mommy.

"Loko ka talaga!" Hinampas ko siya sa dibdib na napahalakhak siya kaya umikot


paharap sa amin si mommy at ngumiti. Kitang kita

kong masaya siya para sa amin.

"You two really look good together!" nangingiting pahayag ni mommy.

"Of course Mom, no one suits for both of us but each other," pahayag ni Stan sabay
kintal ng mabilis na halik sa akin. Pinamulahan naman ako sa ginawa dahil sigurado
akong kitang-kita iyon ni mommy na halata naman ang amusement sa mukha niya.
"Ehem." Napalingon kaming lahat kay daddy na tumikhim mula sa likuran.

"Oh, honey you're done? C'mon let's eat first. Mamaya pa siguro si Andrea," pag
aalok ni mommy kaya umupo na kaming lahat. Inalalayan naman ako ni Stan.

"So how's the company son?" Tanong ni Daddy kay Stan habang naglalagay ng pagkain
sa kanyang plato.

"Uhuh, its fine Dad. I've already adjusted myself. And you've got good employees.
They're not that difficult to deal with,"sagot naman ni Stan.

"They're not my employees anymore, son. They're yours now. And I expect you to be a
good boss to them."

"Don't worry Dad, I know how to handle them. And besides they're all performing
well. That's why we've convinced a number of investors these past few months,"
pagmamalaki ni Stan na alam ko namang totoo dahil nakita ko kung pano siya
magtrabaho.

"That's good. Anyway I trust you with this Stan. I know you won't disappoint me,
would you?"

"Of course, Dad." Na o-op na lang kami ni mommy kaya ng magsalubong ang mga mata
namin ay nginitian namin ang isa't isa.

"Baby, you're not eating well. You're getting thinner." Nabigla naman ako nang
nilagyan ni Stan ng maraming kanin ang plato ko.

"Stan? Hindi ko mauubos to eh," pagmamaktol ko, he chuckled.

"Baby, you have to eat more. Look at you, you're getting thinner and thinner'."
Napatingin naman ako sa katawan ko. Hindi naman ako payat ah. Sadyang sexy lang
talaga ako. Joke! Nahawaan na yata ako ng kayabangan ng boyfriend ko. Ngumuso lang
ako at sinimulan ulit kumain.

"How about you, Amethyst? I heard you're graduating next month." Napaangat naman
ang tingin ko kay daddy.

"Ah, yes Dad. Kaya nga po medyo busy," sagot ko sa kanya. Naramdaman kong idinantay
ni Stan ang kanyang braso sa sandalan ng upuan ko.

"That's awesome. Puwede mo nang tulungan ang anak ko sa company, baby girl!" Mom
giggled. Napakamot naman ako sa batok kasi hindi ko alam ang isasagot. Baka isipin
nilang tini-take advantage ko ang anak nila.

"Ah, eh-"

"She'll probably work there Mom. I don't want to be away from her." Hindi talaga
nauubusan ng cheesy lines 'tong boyfriend kong 'to.

"I think you're mom's idea is good son," pagsang ayon naman ni Daddy.

"But still, its up to you iha." Ngumiti na lang ako sa kanila. Wala na akong
masabi, they're so nice to me.

Napatigil lang kami sa pag-uusap nang marinig naming may bumusina at pumasok na
sasakyan.
"That must be Andrea. Excuse me for a while."

Mabilis pa alas kuwatrong tumayo si Mommy. Mukha talaga siyang excited na makita si
Andrea.

Nacu-curious na tuloy ako. Sino kaya ang Andrea na 'to?

♕GreatFairy♕

=================

Chapter 9

Chapter 9

Nasagot ang katanungan ko nang pumasok kasama ni mommy ang isang maganda at
sopistikadang babae. She's wearing a black velvet dress na halatang-halata ang
katayuan sa buhay.

"Tito!" Nakipagbeso ito kay Daddy ng sinalubong siya nito. Nang kumalas ay bumaling
ito kay Stan.

"Tan-tan!" Walang sabi sabing niyakap niya 'to.

"I miss you, Tan-tan!" sabi pa nito habang nakayakap pa rin. Hindi ko naman alam
ang gagawin ko, it feels awkward. Really awkward.

"I miss you too, An-an. How are you?" tanong ni Stan ng pareho na silang kumalas sa
yakap ng isat't isa.

"Eto, lalong gumanda." Natawa naman silang lahat sa sinabi niya maliban sa'kin.

"You never changed," naiiling na wika ni Stan habang natatawa.

"Yeah, you too. Lalo kang gumwapo."

Gusto ko nang umalis pero hindi ko alam kong paano. Mukha kasing nakalimutan na
nila ang presensya ko.

"Who's she?" Maarteng tanong niya sabay turo sa akin. Napabaling naman ang tingin
nilang lahat sa 'kin.

"By the way, this Shane Amethyst, my girlfriend," pagpapakilala ni Stan sa 'kin.
Buti naman naalala pa niya ako.

"Baby, meet Andrea, my chilhood friend." Hinapit ako ni Stan sa bewang.

"W-What?" Nakita kong biglang umasim ang mukha niya. Parang hindi makapaniwala.

"Girlfriend? Seriously?" she asked almost hysterically.

"Yes, iha. Isn't she beautiful? They perfectly suits for each other," nakangiting
turan ni Mommy. Ako lang ba o nakita ko ang pagkainis sa mata niya?

"Ahm... Yeah..." sabi lang nito na halatang napipilitan.

"Hi." Nginitian ko siya.

"Andrea." Nakipagbeso

beso pa ito sa akin pero nakita ko ang pag-ikot ng eyeballs niya. Plastic!

"C'mon, iha. I cooked your favorite."

Pinaghila pa siya ni Mommy ng upuan. Umupo lang din ulit kami ni Stan kahit na
patapos na rin kaming kumain.

"So how's your life in New York?" Pagtatanong ni Daddy.

"It was good Tito but iba pa rin dito. And besides I want to help my Dad in our
business."

"Are you not pursuing your modelling career?" Si Mommy.

"Actually madami offers sa'kin but for now, its not my priority,Tita. Maybe kung
makakapag-adjust na ako sa company then I'll spend some time in modelling."

"Hay naku, pareho talaga kayo ni Stanley, workaholic..." naiiling na wika ni Mommy.

"Yes, Tita that's why we're perfect for each other." She smirked at me. Pinapamukha
niya talaga sa akin ang mga pinagsamhan nila ni Stan. Naramdaman kong ginagap ni
Stan ang kamay ko.

"Ikaw talaga iha, hindi ka pa rin nagbabago. Ang lakas mong makabiro," natatawang
sabi ni Mommy. Tumawa rin ang Andrea pero halatang peke. What's wrong with her?

"Ehem. So Amethyst, how are you doing?" pagtatanong niya sa akin habang pinupukol
ako ng mapanuring tingin.

"She's graduating next month. Actually she's running for magna cum laude."
Hinalikan ako ni Stan sa ulo pagkasabi niya no'n. Hindi naman nakatakas sa paningin
ko ang pagsimangot ng pagmumukha niya.

Pagkatapos ng mahabang pagkain ay dumiretso kaming lahat sa garden. Panay pa rin


ang pagkukuwento ni Andrea kay mommy. Nakita ko rin ang simpleng pag irap niya sa
tuwing hinahawakan ako ni Stan o di kaya ang pagkukuwento ni mommy tungkol

sa amin. Number one fan talaga namin ni Stan ang mommy niya. Pareho daw kasi kaming
maganda kaya natatawa nalang kami minsan sa mga pinagsasabi niya.

Everything goes smoothly about us kasi hindi naman big deal sa kanila ang katayuan
ko sa buhay. Kung may ipagpapasalamat man ako sa magulang ni Stan, yun ay ang
pagtanggap nila sa akin. Bonus pa dun ang pagiging instant magulang nila sa'kin.
They treated me like their real daughter.

"Tsup."

"Ay palaka!" Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang gulat nang bigla bigla na lang
akong hinalikan ni Stan. Nakabalik na pala siya mula sa loob ng mansyon. Nagpaalam
kasing ito kaninang magsi-cr siya.
"Stan naman! Aatekihin ako sa'yo eh." Napahalakhak naman siya na may halong
amusement sa mga mata niya.

"Sorry baby, I can't help it. You're too beautiful that's why." Naramdaman ko naman
ang pag-init ng pisngi ko.

"Kahit kelan talaga ang galing mong mambola." Ngumuso ako.

"I'm telling the truth, baby." Niyakap niya ako mula sa likuran. Sakto namang
lumingon sina mommy at Andrea na nag uusap sa round table sa gitna ng garden.
Nandito kasi ako sa harapan ng mga orchids ng lumabas si Stan. Hindi rin ako
nakisali sa pagkukuwentuhan ng dalawa kasi na a-out of place lang ako.

"Stan nakakahiya, ano ba?" Pagmamaktol ko pero mas hinigpitan pa niya lalo ang
pagkakayakap sa akin.

"What? I'm just hugging you." Bahagya pa niyang inilipat sa kanang balikat ko ang
buhok ko. Hindi kasi ako nakapag pony tail ng buhok kaya hinayaang ko nalang
nakalugay kanina.

"I love doing this to you. So just let me baby,

please?" Kahit hindi ko nakikita ang mukha niya dahil nga nakatalikod ako ay alam
kong nagpa-puppy eyes. Palagi niya yang ginagawa sa tuwing may hinihiling siya
sa'kin. Naaawa naman ako sa kanya dahil nagmumukha talaga siyang puppy kaya
pinagbibigyan ko.

"Huwag ka nga. Nakakahiya sa childhood friend mo at kay mommy." Nang tingnan ko ang
kinanaruruonan nila mommy ay ibig ko yatang matawa. Kung hindi lang ako nahihiya sa
posisyon namin ay bumulanghit na ako na tawa. Pano ba naman kasi kung gaano ka
lapad ng ngiti ni mommy ay siya ring simangot ng mukha ni Andrea. Umirap pa siya ng
magtagpo ang mga mata namin. Hindi ko talaga gusto ang ugali ng babaeng to.

"Ang bango talaga ng baby ko."

Napatayo ako ng tuwid nang maramdaman kong inaamoy ni Stan ang batok ko. Ramdam na
ramdam ko hininga niya. That gesture brings strange shivers through my spine. Holy
frog!

"Stan naman eh." Napatawa siya ng mahina. Maya maya pa ay kumalas din siya ng yakap
sa'kin at inakbayan ako. Thanks God!

Lumapit kami ni Stan sa kanila. Si daddy naman hindi pa bumabalik mula ng may
tumawag sa kanya sa cellphone kanina. Importante siguro.

"Ah Tita. I guess I have to go. I'm going to meet my friends pa. Thanks nga pala sa
niluto mo." Tumayo na si Andrea mula sa kinauupuan niya.

"Alright. Maybe your friends missed you too iha."

"That's for sure Tita. Anyway, ipapahatid ko nalang ang mga pasalubong ko sa inyo."

"Tan, I guess we have a lot of things to catch up. I miss those times when we were
still kids. Labas din kaya tayo minsan, what do you think?" Tiningnan niya naman
ako ng mapang-asar habang sinasabi yun. Kung hindi lang kaibigan to ni Stan,
iisipin kong may gusto ang isang to sa boyfriend ko.

"I'll think about it An, you know I have my priorities now." Sagot naman ni Stan
sabay tingin sa'kin.
"But don't you miss me? C'mon Tan-tan. Besides, hindi naman siguro mamasamain ni
Amethyst na hiramin ko sa kanya ang kababata ko eh, right Amethyst?" She gave me a
challenging look. The nerve of this girl!

"Ahm, sure. No big deal." I gave her a genuine smile. May tiwala naman ako sa Stan
ko eh.

"You sure?" Tanong ni Stan sa'kin.

"Oo naman. Ano ka ba pagbigyan mo naman ang KABABATA mo." Pinagdiinan ko talaga ang
kababata para ipamukha sa kanya kung san siya dapat lumugar. I smirked at her pero
binigyan niya ako ng pekeng ngiti at tinaasan pa ng kilay niyang kasingtaas ng Mt.
Apo. Tupperware ever!

"Okay, we'll see. Just call me anytime so I can update my schedules." Sagot ni Stan
sabay kibit balikat.

"Really? Thank you Tan! Ok I gotta to go."

Nagbeso beso na sila ni mommy.

"Take care iha."

"Thanks Tita."

"By the way, nice meeting you Amethyst!" she said while smirking.

"Nice meeting you too."Matisod ka sana. Gusto ko sanang idadag pero syempre mabait
pa rin naman akong tao kaya nginitian ko siya ng pagkalapad-lapad. Tinaasan niya
lang ako ng kilay.

Mga nakasampung hakbang na siguro siya palayo sa amin ng matisod siya ng bato
nakadikit sa landscape dahilan para bumagsak siya sa bermuda grass. Aw! Sapol ang
pwet!

Mabilis naman siyang dinaluhan ni Stan at ni mommy. Sigurado naman akong namumula
na ang mukha ko sa kakapigil ng tawa.

Pft! Totoo pala na nagdidilang anghel ako.

♕GreatFairy♕

=================

Chapter 11

Chapter 11

It's been a week since I had that melodramatic talk with Mommy Tamara. At hanggang
ngayon hindi ko pa rin matanggal sa isip ko ang mga pinag-usapan namin. Para bang
may mangyayaring hindi maganda.

I shrugged. Masyado na yata akong nag-iisip ng kung anu-ano. Mahal namin ni Stan
ang isa't isa. At naniniwala akong siya na talaga ang makakasama ko habang buhay. I
can't even imagine myself committed to a man other than Stan. My Stan. I love him
so much and I mean it when I made a promise to mommy Tamara that I'll never hurt
him. Because doing so is like hurting myself too.

"Shane Amethyst Cervantes!"

Natigil ang pag-iingles ko sa aking utak nang biglang sinigaw ni Mylene ang buong
pangalan ko. Kinunutan ko siya ng noo at naiiritang umupo ng maayos.

"Bakit?"

"Anong bakit? Pambihira! Kanina pa kita kinakausap pero para kang tanga. Akala ko
naman natulala ka lang sa kagandahan ko kasi hindi ka manlang natitinag sa katitig
sa'kin. Yun pala lumipad na sa ibang planeta yang utak mo!" Mahabang litanya niya
na nakanguso pa, nagmumukha tuloy siyang suso. Pfft!

"Anong ngiti-ngiti mo d'yan ha? Siguro si papa Stan na naman yan 'no? Pambihira
naman oh, umakyat ka na lang kaya sa 8th floor para hindi ka na d'yan nag-iimagine
sa pagmumukha niya."

"Excuse me, hindi noh!" Marahas na tanggi ko sabay iling.

"Deny pa more. Do you think I'll buy that huh? Kanina pa kaya kita tinatanong kung
asan na 'yung pinaprint kong transmittal ng files na to." Kinuha ko naman agad sa
ilalim ng folder ang hinihingi niya. Nandito kami ngayon sa company nila Stan. Dito
kami nag-take

ng OJT as Stan requested para daw hindi ako mahirapan which I accepted dahil hindi
ko naman siya matanggihan.

"Oh, ayan na po mahal na senyora." Inabot ko sa kanya ang transmittal at humarap


ulit sa files na ini-encode ko.

"Thanks," she answered sarcastically. Sanay na ako sa ganung klaseng pag-uusap sa


kanya.

Mylene has been a good friend to me. Kahit konting detalye lang sa buhay niya ang
nalalaman ko, alam kong mabuti siyang tao. She's a strong woman. Just like me, alam
kong mahirap rin ang mga pinagdadaanan niya sa buhay. Ang pinagkaiba nga lang ay
may mga magulang pa siya pero siya pa ang sumusuporta sa mga ito. Pareho kaming
magtatapos sa pag-aaral next month, sa ibang school nga lang si Mylene. Naging
malapit lang naman kami sa isa't isa nang pareho kaming nagpa-part time job sa
restaurant ni Mr. Tan.

"Amethyst, masarap bang humalik si papa Stan?" Muntik na akong mabilaukan ng sarili
kong laway sa tanong niyang out of the blue.

"Ano?!"

"Hehe.. Peace! Ikaw naman, nagtatanong lang eh, girls talk kumbaga. Oh, ano na?
Masarap ba? Yayks! Ang swerte-swerte mo talaga at sayo pa na in loved si Mijares."
Ngali-ngaling binatukan ko siya sa pinagsasabi niya.

"Aray! Pambihira! Ang harsh mo talaga! Battered friend na ako nito."

"Kasalanan mo yan, kung anu-anong pinagsasabi mo."

"Nagtatanong lang naman eh. Fine. Ayaw pang sabihin, gusto mo lang talagang masolo
ang moment nyu ni papa Stan, hmp!'' Inirapan ko siya at ibinalik ang atensyon ko sa
mga ginagawa. I need to finish this as soon as possible para magawa ko na ang
surprise ko kay Stan.

/>

IT'S already 5pm nang tingnan ko oras sa bisig ko. Napangiti ako habang
nakatingindito. Bumili si Stan ng couple watch no'ng 5th monthsary namin. Gusto
niyang siya palagi ang maalala ko sa lahat ng bagay kaya bumili rin siya ng couple
phone sa aming dalawa. Hindi ko maiwasang kiligin sa kasweetan niya. I'm not a type
of person dying for gifts. It's the presence not the presents that matters after
all.

Napagdesisyunan kong umakyat ng 8th floor para puntahan siya sa opisina niya. Nasa
8th floor kasi ang C.E.O's Office. Pagkalabas ko sa elevator ay bumungad sa akin
ang malawak na visitor's lounge. Namataan kung nagliligpit ng gamit ang secretary
niyang si Miss Wenalyn. Uuwi na siguro siya.

"Ahm, Miss Wens, andyan pa ba siya?" Tukoy ko sa boss niyang si Stan.

"Naku, kayo po pala Miss Amethyst. Andyan pa si Sir sa loob. Marami kasing
pinipirmahan. Pasok na lang po kayo. Paalis na po ako eh," mahabang paliwanag niya.
Ang bait talaga ng secretary ni Stan kaya minsan hindi ko maiwasang ma-insecure sa
kanya. Maliban sa mabait ay maganda rin siya at approachable.

"Salamat, Miss Wens!"

"Sure thing. Una na ako ha?'' Nakangiting tugon niya at agad kinuha ang bag niya.

Kumatok muna ako ng tatlong beses at saka dahan dahang binuksan ang pinto. Namataan
ko siyang tutok na tutok sa mga papeles niya. Tambak rin ang file tray niya ng mga
for signature na dokumento.

"I guess you're done with your work. You may go home, Miss Solinap..." deklara niya
na hindi manlang umaangat ng tingin. Akala niya siguro ay si Miss Wens ang pumasok.
Tumikhim ako dahilan para umangat

ang ulo niya.

"Baby?"

Tumayo siya mula sa swivel chair at mabilis na sumalubong sa akin. Hinalikan niya
ako ng mabilis sa labi at hinapit sa bewang.

"You should have called me para masundo kita sa baba," sabi niya at inakay ako sa
sofa. Uupo na sana ako nang walang anu-anong hinila niya ako paupo sa kanyang
kandungan.

"Stan!" Maktol ko na nagpahalakhak sa kanya. Ang sarap pakinggan ng tawa niya, para
bang may bahagi sa puso ko na kinikiliti.

"Hindi ka ba uuwi?" Pinilit kong itago ang kabang nararamdaman ko dahil sa posisyon
namin.

"Nah. I still have to review and sign those papers.''

"Ganun ba. Buti naman," sagot ko na nagpakunot ng nuo niya.


"What?" Napatampal na lang ako sa isip ko.

"I mean, mabuti na lang pinuntahan kita dito." Napabuntong hininga siya at niyakap
ako ng mahigpit mula sa likod.

"Yeah. I'm so damn tired. But I felt energized when you came here. I missed you,"
bulong niya sa puno ng tenga ko na nagpatayo ng lahat ng pwedeng tumayong balahibo
ko sa katawan.

"Ahm... Ano kasi eh. Magpapaalam sana ako eh," sabi ko at bahagyang niluwagan niya
ang pagkakayap sa akin at pinaharap sa kanya.

"What is it, baby?"

"Uuwi kasi ako ng maaga, may pupuntahan lang kami ni mommy. Ahm, you know,
hmmm...girl stuff."

"I see. Then I'll drive you home first," sagot niya na mabilis ko namang
tinanggihan.

"No need. Ipapasundo lang kasi ako ni mommy."

"Alright. Be careful, okay?"

"O-Okay..." nauutal kong sagot dahil sa sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa.

Namalayan ko na lang nagkalapat na ang aming mga

labi. I was so stunned at first but when he bit my lower lip, I moaned. He made
that chance to enter my mouth. His tongue explored my mouth as if it's looking for
something there. Heavens! I can't get enough of his soft lips. We both moan in the
middle of our kisses.

Habol-habol namin pareho ang aming hininga nang maghiwalay ang aming mga labi. Ewan
ko ba, kahit ilang beses na niya akong nahalikan, pakiramdam ko its still my first
time to be kissed by him.

"You better go now before I lose my control, baby." Kinindatan niya ako. Namula
agad ang mukha ko.

"O-okay..." sagot ko at bahagyang yumuko. I heard him chuckled behind my ears.

MABILIS ang naging takbo ng oras. Nakabihis na ako ng turtle neck na red dress na
binili ni mommy Tamara para sa akin. Ngayong gabi namin susorpresahin si Stan.
Kaarawan naming pareho ngayon. Stan's turning 23 while I'm turning 20. Kinuntsaba
ko si mommy Tamara para sa sorpresa na 'to. Medyo nagtatampo nga ako kasi parang
hindi naaalala ni Stan na birthday ko rin ngayon pero hinayaan ko na lang.
Naiintindihan ko naman kasi busy siya. Isa pa, it's my time to make efforts for
him.

Nang nasigurado ko ng nakarating na si Stan according kay mommy ay sinimulan ko


nang sabayan ang saliw ng tugtog. Napapatawa ako kasi first time kong kumanta sa
harap ng iba.
You know I'd fall apart without you

I don't know how you do what you do

'Cause everything that don't make sense about me

Makes sense when I'm with you

Kakantahin ko na sana ang ang next line ng biglang bumukas ang isang spot light.

And there standing the man I ever wanted to be with. My Stanley Drew Mijares.

Like everything that's green, girl, I need you

But it's more than one and one makes two

Put aside the math and the logic of it

You gotta know you're wanted too

Pagdating ng chorus ay sabay naming kinanta ang lyrics. I never thought he knows
this song.

'Cause I wanna wrap you up

Wanna kiss your lips

I wanna make you feel wanted

And I wanna call you mine

Wanna hold your hand forever

And never let you forget it

Yeah, I, I wanna make you feel wanted

Anyone can tell you you're pretty, yeah

And you get that all the time, I know you do

But your beauty's deeper than the make-up

And I wanna show you what I see tonight...

When I wrap you up

When I kiss your lips.

I wanna make you feel wanted

And I wanna call you mine

Wanna hold your hand forever

And never let you forget it

'Cause, baby, I, I wanna make you feel wanted


Nang matapos ang kanta ay mabilis na hinalikan niya ako sa labi. Narinig ko ang
palakpakan ng mga tao sa paligid.

"Happy birthday baby!" He winked at me. Hinampas ko siya sa braso. Tumawa naman
siya ng mapang-asar.

"So all this time alam mong isusorpresa kita?" Nakasimangot kong tanong sa kanya.
Kaya pala magkaterno ang gown ko sa tuxedo niya.

"It's more like it baby. How could I forget the special day of the most important
woman of my life?" seryosong saad niya at niyakap niya ako ng mahigpit.

"Happy birthday to both of you!"

Nilingon namin sina mommy at daddy na papalapit sa amin. Mommy Tamara is grinning
from ear to ear.

"You're so funny. Both of you wanted to surprise each other, that's why..." litanya
niya na nagpatawa sa lahat.

Well, this the most happiest birthday ever...

♕GreatFairy♕

=================

Chapter 14

Chapter 14

"...Life is an indefinite journey. It has no particular direction to take. We maybe


given different options to consider and different circumstances to think about,
either way, it's still up to us to which path we should go..."

"The four years we've spent in this university maybe trained and prepared us to
become stronger and well-rounded individuals in facing the life that awaits us. To
my parents, who are not here with me today, thank you for giving me the chance to
experience all these things by giving me my life. To the parents who are here today
to witness the fruits of their investments, congratulations! You were the reason
behind the success of these graduates. As for my co-graduates, graduation is not
yet the end, in fact, we are just about to start the real journey. We got to find
our own place outside the huge gates of this university. I do hope we could apply
all the things we've learned for the whole four years. We may all learned the very
essence of each lesson we used to study in each corner of this institution. Each of
us may take different paths but always remember that in every decision that we
make, we should follow our hearts. I do hope in several years to come, each of us
may have been successful in the field we have chosen. Again, congratulations!"

Bumaba ako ng stage matapos ng aking maikling speech, ako kasi ang naatasang
magbigay ng speech matapos kong matanggap ang pinakamataas na award.

"Congratulations, baby girl!"

"Congratulations, iha."

"Congrats Amethyst!"

"Congrats Miss Beautiful!"

"Congrats

ate!"

Pagkababa ko ay iyon agad ang bumungad sa akin. Sobrang saya ko ngayon kasi sa
wakas nahawakan ko na ang diploma na tanda ng pagtatapos ko sa kolehiyo.

"Thank you Mommy at Daddy." Niyakap naman ako ni mommy Tamara at ngumiti naman si
daddy Travis.

"Thank you din sa inyo, Caleb at Brent." Nakangiting saad ko sa dalawang kaibigan
ni Stan.

"Thank you din 'lil bro." Ginulo ko naman ng bahagya ang buhok ng kapatid ko.

Hindi ko man kasama ngayon sila Mama at Papa ay ramdam ko pa rin na may mga
magulang pa rin ako. Mommy Tamara and Daddy Travis stood as my parents. Sayang nga
lang at wala si Stan ngayon, nasa Thailand siya to deal with the investors in their
business. Ika-cancel pa nga sana niya iyon kung hindi ko lang siya pinilit na
ituloy yun. Gusto niya talagang umattend ng graduation ko.

Pagkatapos ng graduation ceremony ay nakipagbatian ako sa mga ka-blockmates ko.


Binati rin ako ng mga naging teachers ko noon.

"So, this calls for a celebration!" nakangiting turan ni Daddy Travis.

"That's right, baby girl! Come on!" Hindi naman ako nakahuma nang hinatak na agad
ako ni mommy Tamara kaya sumunod nalang ako.

Dahil may kanya kanyang sasakyan naman sila Brent at Caleb ay nag convoy nalang
kami papunta sa sinasabing pupuntahan daw namin. Ewan. Hindi na ako nag-abalang
magtanong. Panay lang kasi ang tingin ko sa cellphone ko, naghihintay sa tawag o
text mula kay Stan. Si Shawn naman ay kay Caleb na sumabay. Ewan ko sa kapatid kong
'yon, masyadong close sa kanila, palibhasa gustong-gusto niya talagang magkaroon ng
kuya.

Tumigil kami sa isang

magarang restaurant. Naunang bumaba si daddy Trav at pinagbuksan niya si mommy


Tamara at saka niya din ako pinagbuksan sa backseat.

Bago ako bumaba ay tiningnan ko muna ang cellphone ko. Wala pa ring message galing
kay Stan. Sobrang nami-miss ko na siya. Apat na araw na kaming hindi nagkikita.
Masyado ba talaga siyang busy na hindi manlang niya nagawang tumawag o magtext
sa'kin?

Pagkapasok namin sa loob ay bumungad sa amin ang nakakamanghang interior design ng


restaurant. Mula sa kumikinang na chandeliers, abstract paintings na nakasabit sa
dingding, everything shouts for elegance. Hindi lang mahalata sa labas kanina kasi
tinted ang glass door. Mayroong mini fountain sa gitna na napapalibutan ng mga nag
gagandahang bulaklak na dumagdag sa kagandahan nito. Malamig din dito sa loob,
halatang exclusive for elites ang lugar na ito. Pero kahit gaano kaganda ang
kabubuan nito ay wala manlang akong napansin na mga customers. May mga waiters
naman sa paligid na halatang busy pero kami lng naman ang pumasok na customers.

Umupo kami sa pahabang upuan na magkakasya yata ang walong tao. Pagkaupo namin ay
siya ring paglabas ng iba pang waiter bitbit ang mga pagkain. Nakapagreserve na
yata sila tita.

Naagaw ang pansin ko ng isang malaking tarpaulin katabi ng mesang inuupuan namin.
Nanlaki ang mga mata ko sa nakasulat doon.

"Happy Graduation Amethyst. Congratulations!"

"Mommy, Daddy, sobra-sobra naman po ito eh. Kelangan talaga may tarpaulin?"
Natatawa ngunit naluluha kong turan sa kanila.

"You deserve more than all of these, baby girl..." nakangiting sagot ni Mommy
Tamara.

"Di

ko alam kung paano ko kayo pasasalamatan pero thank you talaga sa inyo Mommy,
Daddy." Ngumiti naman sila sa akin.

"Aba, may sorpresa din naman kami ah!" Ani Brent na bahagyang nakangiti ng
nakakaloko.

"Sigurado magugustuhan mo talaga ang surprise namin, ate..." sabi naman ni Shawn na
nakangiting aso tulad ni Caleb.

"At ano naman yun aber?"

Ngunit tumahimik silang lahat nang may nagtakip ng mga mata ko. At hindi ko na rin
kailangang hulaan kung sino ito. Amoy pa lang ay kilalang kilala ko na. Hinawakan
ko ang dalawang kamay na nakatakip sa magkabilang mata ko at tinanggal.

"Stan!"

Mabilis akong tumayo mula sa kinauupuan ko at walang patumpik-tumpik na sinunggaban


siya ng yakap. Isinubsub ko ang mukha ko sa kanyang dibdib dahil masyado siyang
matangkad.

"It's not that obvious you really miss me huh..." he said chuckling.

Hinampas ko naman siya dibdib na ikinatawa niya lalo.

"Ang duga mo naman eh! Hindi ka man lang nagtext o tumawag ng apat na araw."
Napanguso nalang ako habang nakayakap pa rin sa kanya. God! I miss him so much.

Hinigpitan niya lalo ang pagyakap at naramdaman ko ang paghalik niya tuktok ng ulo
ko.
Nang kumalas kaming pareho sa yakap ay hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi.

"Believe me, it was so damn torturing me not texting nor calling you for four days
just not to spoil this surprise..." anito na seryosong nakatitig sa mga mata ko.

"I-i missed you..." sabi ko at hinawakan ang mga kamay niyang nakahawak pa rin sa
magkabilang pisngi ko.

"Damn it! I miss you even more baby!" Hindi na ako nakapagsalita nang mabilis
niyang sinakop ang mga labi ko.

I miss everything about him. Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ko
namiss ang halik niya. Napapikit ako ng tuluyang nang pinalalim niya lalo ang
paghalik.

Mabilis akong humiwalay sa kanya nang marinig ko ang pag-click ng camera. At parang
gusto ko nang lumubog sa kinatatayuan ko nang ma-realized kong nasa loob pala kami
ng restaurant. Nag-iinit ang mga pisngi ko at siguradong pulang-pula ang mukha ko
lalo na't kitang kita ko ang mga ngiti nilang nakakaloko.

"Hanep! Hindi halatang na miss niyo ang isa't isa!" Ani Brent na nanunudyo.

"Manang mana ka talaga sa Daddy mo anak." Natatawang turan naman ni Mommy Tamara.

"You owe me a gift for kissing my ate, kuya Stan!"ani Shawn ni ikinatawa ng lahat.

Nang tingnan ko si Stan ay parang balewala lang sa kanya ang panunudyo sa amin.
Hinapit niya ako sa bewang at ngumisi sa kanilang lima na animo'y naka jackpot sa
lotto.

I love you so much Stan.

♕GreatFairy♕

=================

Chapter 16

Chapter 16

"GOOD MORNING, AMETHYST." Nakangiting tumayo ito at pumunta sa harapan namin ni


Mrs. Rosales.

"Magkakilala kayo?" Naguguluhang tanong ni Mrs. Rosales.

"Yes, I know her. I know her very well..." Makahulugang wika nito at ngumiti. Yung
ngiting hindi ko mawari kung totoo o nang-uuyam.

"Eh, mabuti kung ganun. Kaya pala tinanggap niyo siya agad. Anyways maganda naman
talaga ang credentials mo, Miss Cervantes and you deserve this job..." nakangiting
saad ni Mrs. Rosales.

"Thank you po Mrs. Rosales..." nahihiyang sagot ko sa kanya.

"Hmm... drop that Mrs. Rosales thing. Just call me Tita Amanda from now on, okay?"

"Okay po Tita Amanda. Salamat po. Amethyst na lang din po ang itawag niyo sa'kin.
Hindi po kasi ako sanay eh."

"Alright, Amethyst. Maiwan na kita kay Mr. Solinap. Siya na ang bahalang mag
explain sa'yo ng job description mo since he will be your head. Hindi na rin pala
kayo mahihirapan pakitunguhan ang isa't isa since magkakilala naman kayo." Turan pa
nito bago umalis. Nagpasalamat muna ulit ako sa kanya at nginitian.

Mahabang katahimikan ang bumalot sa amin pagkalabas ni Mrs. Rosales.

"Welcome to the company Miss Cervantes. And oh, have a seat first," pagbasag nito
sa katahimikan. Umupo naman ako sa upuang kaharap ng table niya at siya naman ay
umikot patungo sa kanyang swivel chair.

"T-thanks..." nauutal kong sagot sa kanya. Hindi ko alam kung paano ko siya
pakikitunguhan ngayong dadalawa lang kami sa loob ng opisina niya.

May kinuha siya sa kanyang filing cabinet sa tabi ng office table

niya at nilapag niya ito sa aking harapan.

"Open it," he commanded kaya marahan kong binuksan ang folder.

"That's your job description. If you have questions, you can ask your teammates
here, or you can ask me anytime." Sabi pa nito sa casual na tono na para bang
ngayon lang kami nagkakilala. Hindi ko alam kung ang tumatakbo sa utak niya.

"O-okay. Thank you S-sir." Nauutal kong sagot sa kanya at ngumiti ng tipid. Tatayo
na sana ako ng bigla siyang nagsalita.

"So, how are you?" deretsang tanong niya sa mga mata ko kaya umiwas ako ng tingin.

"O-okay naman..." sagot ko na pilit pinatatag ang pananalita at umupo ng maayos.

"Good..." sagot niya habang tumatango. Tinukod niya ang kanyang kanang kamay sa
mesa at hinawakan niya kanyang baba na waring nag-iisip.

"Ako ba hindi mo manlang kakamustahin?" Tanong nito sa nanunuyang tingin.

"H-ha? I mean kumusta ka na?"

"Eto naghihintay pa rin... Naghihintay pa rin sa'yo." Tumayo siya mula sa kanyang
swivel chair at umupo sa upuang katapat ko.

"Justine-"

"Alam mong minahal at mahal pa rin kita Amethyst. Pero bakit mo nagawang
makipagrelasyon sa Mijares na yun ha?" Hinawakan niya ang kamay ko kaya mabilis ko
siyang tinabig.

"Justine! Matagal na panahon na 'yon!" I tried to composed myself. Pilit kong


pinapakalma ang boses ko. Siguro ito na rin ang tamang panahon para makipag-ayos sa
kanya.
"Mga bata pa tayo noon, Justine. At alam mo naman sigurong hindi ko kayang suklian
ang pagmamahal mo 'di ba? At isa pa...mahal ko si Stan." Bigla nagdilim ang kanyang
mukha at marahas niya akong hinawakan sa

braso.

"You told me na bibigyan mo ako ng chance 'di ba? Na ipakita ko sa'yo kung gaano
kita kamahal pero nawala lang ako ng ilang taon, may Mijares ka na!" kalmado ngunit
mariing sabi niya.

"Akala ko ba hihintayin mo ako? Diba sinabi ko naman sa'yo na tatapusin ko lang ang
pag-aaral ko sa abroad!"

"Justine."

"Akala ko pagbalik ko may naghihintay pa sa'kin pero t*ngina may iba ka na pala!"

"Justine hindi kita pinaasa noon! Sinabi ko sa'yong puwede kang humanap ng iba! Na
hindi mo ko kailangang hintayin kung kelan ako handa. Puwde ba kalimutan na natin
'yon? Mga bata pa tayo no'n. Please Justine? "

Napabuntong hininga siya pero hindi pa rin niya binibitawan ang braso ko.

"Tell me Amethyst. Kung hindi ba ako pumayag na sumama kay papa sa abroad at doon
at mag-aral, may pag-asa ba talaga ako?" seryosong tanong niya nagpagulo sa utak
ko.

"Tell me!" Mariing sabi niya.

"Hindi ko alam! Hindi ko alam, Justine! Please kalimutan na natin 'yon. Marami nang
nagbago. May kanya-kanya na tayong buhay ngayon. At... at masaya na ako kung anung
meron ako ngayon." Napabitaw siya sa pagkakahawak sa akin dahil sa sinabi ko.

Napahilamos sa kanyang mukha. I'm sorry Justine pero sa tingin ko kahit sa ibang
panahon tayo nagkakilala hindi ko pa rin magawang suklian ang pagmamahal mo. You
deserve someone else.... someone better.

"Masaya ka? Puwes ako hindi! Dahil hanggang ngayon ikaw pa rin! Ikaw pa rin
Amethyst!"

Nabigla ako nang kinabig niya ako at sinakop ang mga labi. Hindi ako nakagalaw.
Parang na estatwa ang buong sistema ko. Biglang pumasok sa isip

ko ang mukha ni Stan kaya mabilis ko siyang naitulak at nasampal.

Tumabingi ang kanyang mukha dahil sa sampal ko. Kahit nanginginig ang tuhod ko ay
mabilis kong tinungo ang pintuan at lumabas. Mabuti na lang at medyo mataas ang
cubicles kaya walang nakapansin sa akin. Dumeretso ako sa comfort room at pumasok
sa isang cubicle.

Nanginginig ang tuhod kong umupo sa cubicle. Napahawak ako sa pisngi ko nang
maramdaman ko ang mainit na likido na dumaloy. I'm crying. Pakiramdam ko niloko ko
si Stan sa halik na 'yon. I'm sorry Stan. I'm very, very sorry.

Natigil ang pagpahid ko ng mga luha ko nang tumunog ang cellphone ko. Nalagay ko
pala sa bulsa ng blaser ko. Mabilis kong kinuha at nang makita ko ang tumatawag ay
mas lalo akong naiyak.
Pinakalma ko ang aking sarili bago sagutin ngunit hindi ko pa napipindot ang answer
button ay tumigil na ito sa pag ring. Itatago ko na sana ulit sa bulsa ng blaser ko
nang tumunog itong muli.

"H-hello?" Pilit kong pinasigla ang boses ko.

"Baby?"

"Hey... hmm? Napatawag ka?" Tanong ko sa pilit na pinakaswal na boses.

"I just wanna check on you. Are you okay? What took you so long to pick up my
call?" Tanong nito na puno ng pag-alala ang boses kaya lalo ako naguilty.

"S-siyempre naman. Kinakabahan lang ako, baby. Sorry ha? Naka-silent kasi ang phone
ko, hindi ko agad napansin," pagsisinungaling ko. Lord patawarin niyo po ako!

I heard him chuckled.

"Don't be nervous, okay? Trust your self, alright? Your not Shane Amethyst
Cervantes for nothing. Cheer up baby!" Sabi nito na puno ng paglalambing. Oh God!
How stupid I am to lie from this man?! But I had no choice.

"Thank you, baby."

"Damn! You're giving me a hard on everytime you call me 'baby'." Pinamulahan naman
ako sa sinabi niya.

"Stan naman eh! Ayan ka na naman!" Narinig ko ang malutong niyang tawa sa kabilang
linya.

"Sorry, baby. I just can't help it. Damn! I'm missing you already."

"Naku! Ayan ka na naman. Kakakita lang natin kanina. Magtrabaho ka na po diyan kasi
maraming umaasa sa'yong empleyado."

"Alright. As you wish my love! Just call me if there's a problem, okay?"

"Ok po tay!" Natatawang sagot ko sa kanya.

"I love you baby!"

"I love you too, Stan."

Kumunot ang noo ko nang hindi pa rin niya ibinababa ang tawag. At nang maalala ko
ay mabilis kung pinindot ang end button. Ayaw nga pala ni Stan na siya ang bumababa
ng tawag, it's a sign of his respect daw sa'kin. Kaya ako palagi ang bumababa ng
tawag sa tuwing magkausap kami sa telepono.

Lumabas ako ng cubicle nang mailagay ko sa bag ang cellphone ko. Hinarap ko ang
malaking salamin at nakita kong may tuyong luha sa pisngi ko.

Huminga ako ng malalim at inayos ang sarili ko. Trabaho ang pinunta ko dito at iyon
dapat ang isaisip ko. Bahala na mamaya at sa mga susunod na araw. Siguro dapat
iwasan ko munang makausap si Justine. Na imposible namang mangyari dahil head ko
siya.

Bakit ba kasi sa lawak ng mundo dito pa kami magkikita?


♕GreatFairy♕

=================

Chapter 20

Chapter 20

Nakakasilaw na liwanag ng ilaw ang gumising sa diwa ko. Nasaan ako? Inilibot ko ang
aking paniningin at puro puti lang ang nakikita ko. Nasa hospital pala ako.

Bigla kong naala ang mga nangyari kanina. Pumunta ako ng bahay nila Stan, nagalit
siya sa mga pinadalang pictures kaya umalis siya, hinabol ko siya pero hindi ko
naabutan. Pinaalis din ako ni mommy Tamara, naglakad ako sa daan nang biglang may
nakita akong ilaw na paparating. Diyos ko!

Kinapa ko ang katawan ko pero wala naman ako may nararamdamang sakit maliban sa ulo
ko na medyo nahihilo. Napahinga naman ako ng maluwag. Bumukas ang pinto at pumasok
ang isang babaeng doktor na medyo may edad na.

"Gising ka na pala."

"Ahm... Doc? Pa'no po ako napunta dito?"

"Pauwi na ako kanina nang makita kitang tumatawid sa gitna ng daan na parang wala
sa sarili. Mabuti na lang at nakapagpreno agad ako. Bago pa man ako makababa para
lapitan ka, nahimatay ka kaya humingi ako ng tulong para madala kita dito,"
mahabang paliwanag nito sa'kin'

"S-salamat po, doc. Pasensya na din po at naabala ko pa kayo..." nahihiyang sagot


ko sa kanya.

"Wala na 'yon. Basta sa susunod mag-iingat ka. Ano bang ginagawa mo do'n sa daan?"

"W-wala naman ho. May pinuntahan lang ho ako malapit dun. Pasensya na ho talaga sa
abala. Pero kailangan ko na ho sigurong umalis."

"Magpahinga ka na lang kaya siguro muna. Kaya mo na ba? By the way I'm Dr.
Salmonte. At wala ka sa ospital ngayon. Dinala lang kita sa clinic ko."

"Ganun ho ba? Amethyst po pala. Pasensya ho talaga ulit. Kailangan

na talagang umuwi eh." Bumangon ako ng bahagya para makipagkamay sa kanya na


tinanggap naman niya.
"Teka, sigurado ka bang kaya mo na? Wala ka bang nararamdamang pagkahilo o ano?"

"Medyo nahihilo pa nga ho ako pero kailangan ko ho talagang umuwi eh baka kasi nag-
aalala na ang kapatid ko sa'kin."

"Kung ganun pala wala na akong magagawa. Pero bago ka umuwi, gamitin mo muna 'to.
Malakas kasi ang kutob ko na meron nga base sa pulse rate mo kanina."

Nabigla ako ng may inilahad siya sa aking puting bagay.

"D-doc?"

"Go ahead iha. Wala namang mawawala kung susubukan mo diba?" Nakangiting
pangungumbinsi nito sa'kin.

Wala na akong nagawa kaya tinanggap ko na lang. Magkahalong kaba at excitement ang
naramdaman ko pagpasok ko ng private restroom dito sa clinic ni

Dr. Salmonte. Hindi ko na muna tiningnan pagkatapos kong gamitin. Nilagay ko nalang
muna sa bulsa ko at saka lumabas.

"So, how was it?" Tanong ni doktora na naghihintay pala sa'kin.

"A-aah.. Hindi ko pa po natingnan eh."

Ngumiti naman si doktora at inilahad ang kanyang palad. Nakatungung inilagay ko


naman ito sa kamay niya.

"Oh! I was right!" Masayang pahayag nito.

"H-ho?"

"I told you! Buntis ka nga iha, it's positive! Here, look at this."

Two lines.

I'm pregnant!

Oh God!

Napaluha ako sa magkahalong kaba at saya. Masaya ako na magkakaroon ako ng anghel
pero kinakabahan ako. Kaya ko ba?

"I think you better lie down again iha para matingnan natin ang kalagayan ng baby
mo."

Nakangiting tumango naman ako kay doktora. Nilagyan niya ng parang gel

ang tiyan ko at saka itinuloy ang pag ultrasound. Nagkataon na OB Gyne din pala sa
doktora.

"Hear that? That's your child's heartbeat. Ang lakas din ng kapit nito sa tiyan
mo." Namamanghang turan ni doktora. Parang dinuduyan naman ako nang marinig ko ang
heartbeat ng anghel ko.

Matapos ang ultrasound ay binigyan ako ni doktora ng reseta na vitamins. Madami din
siyang ibinilin na does and dont's.

***
"MARAMING salamat po talaga doktora at pasensya po ulit sa abala." Hindi na rin
tinanggap ni doktora ang bayad ko. Tulong na lang daw niya sa'kin. Ang swerte ko
naman at siya pa ang nakatagpo sa'kin.

"Don't mention it, iha. Wait, are you sure na hindi ka na magpapahatid? Aba'y
delikado sa kalagayan mo ah."

"Hindi na ho. Malapit lang naman po yung bahay namin dito. Nakakahiya na po kasi
talaga sa inyo. Sobra-sobra ko na kayong naabala. Maraming salamat po ulit."

Ngumiti naman si doktora sa'kin. Binigyan niya rin ako ng calling card niya para
daw makontak ko siya kung mga katanungan pa ako. Sumakay naman ako ng taxi pero
dumaan muna ako ng fast food. Siguradong gutom na si Shawn dahil maging ako ay
nakaramdam na ng pagkalam ng sikmura.

Naabutan kong nanunuod ng t.v si Shawn na bahagyang humihikab pa.

"Bunso!" Agaw pansin ko sa atensyon niya.

"Ate! Bakit ang tagal mo?"

"P-pasensya na bunso. May pinuntahan pa kasi ako eh."

"Sa'n ka ba pumunta ate? Gutom na talaga ako. Pagkain ba yan ate?" Tukoy nito sa
supot na dala dala ko.

Tumango naman ako at sinimulan niya nang ayusin sa mesa ang pagkaing dala ko. Ako
naman ay nagbihis

muna bago kami sabay na kumain.

Matapos naming magligpit ay nagkanya-kanya na kaming pumasok ni Shawn sa kwarto.


Nagpasya akong huwag munang sabihin sa kanya ang kalagayan ko.

Makailang beses ko nang ibinaling sa iba't ibang direksyon ang ulo ko pero hindi
ako makatulog. Nakapikit nga ang mata ko pero gising na gising naman ang diwa ko.

It was a long day for me. It was a long day for us. Kumusta na kaya si Stan? Sa'n
kaya siya pumunta kanina? Bigla namang bumalik sa'kin ang lahat ng mga nangyari
kanina. Ang sakit ng mga binitawan niyang salita. Kitang kita ko rin sa mga mata
niya ang galit niya sa'kin. Kung sasabihin ko kaya sa kanyang magkakaanak na kami,
makipag ayos na kaya siya sa'kin?

Stan ano bang nangyayari ito sa'tin? Please huwag ka namang bumitaw oh, dahil hindi
ko kakayanin na magkasira tayo dahil lang sa mga hindi sinasadyang pangyayari.
Mahal na mahal kita.

Napabuntong hininga ako. Naramdaman ko naman ang pag init ng sulok ng mga mata ko.
Hindi ko lubos maisip na mahantong kami sa ganito. Mahal na mahal ko si Stan pero
bakit parang ayaw yata ng tadhana na tuluyan kaming maging masaya?

Mama, Papa, ang dami pong nangyari sa araw na ito. Magkaka-anak na po kami ni Stan.
Magkaka apo na po kayo. Gabayan nyu po ako Ma, Pa. Natatakot po kasi ako, baka
hindi ko magampanang mabuti ang maging ina.

Baby, kapit ka lang diyan ha? Huwag kang mag-alala kakayanin natin 'to lahat. Sana
magkaayos na kami ng daddy mo pag malaman niyang dumating ka.
Hinawakan ko ang aking tiyan at hinaplos haplos. Hindi talaga siya halatang may
laman

dahil flat pa ito. Sinubukan ko ulit pumikit. Kailangan kong magpahinga para sa
anghel ko. Bukas ko nalang iisipin ang mga problema ko.

Naalimpungatan ako nang marinig kong nag iingay ang cellphone ko. Pikit matang
kinuha ko ito sa katabing table at walang tingin tingin na sinagot.

"Hello?"

"Amethyst!"

Napabalikwas ako ng marinig ko kung sinong tumawag.

"Brent?"

"Ako nga 'to."

"Teka, bakit parang ang ingay diyan? At bakit ka napatawag?" Bumangon ako at
binuksan ang ilaw sa kwarto at tiningnan ang oras sa orasan, mag-aalas onse na pala
ng gabi.

"Dito ako sa bar. Kailangan kasi namin ang tulong mo eh. Pasensya na kung nagising
kita. Si Stan kasi eh."

"Bakit anong nangyari kay Stan?" Kinabahang tanong ko.

"Ayun inaawat na ni Caleb na tumigil na sa pag-inom pero ayaw magpapigil. Lasing na


lasing na siya. Nang-aya pa ng away dito sa bar kanina. Paulit ulit niya ring
tinatawag ang pangalan mo."

Diyos ko!

"S-sige pupunta ako diyan. Saan ba yan?"

"Susunduin nalang kita diyan, delikado sa'yo."

"S-sige Brent. S-salamat."

Pinatay ko na ang tawag at hinintay si Brent. Nagpalit na rin muna ako ng damit
habang hinihintay siya.

MAINGAY at magulo ang bumungad sa amin pagpasok namin ng bar. Dinala ako ni Brent
sa isang VIP room sa second floor. Kinakabahang pinihit ko ang pinto.

Napatakip ako sa bibig nANg makita ko ang kalagayan ni Stan. Naka upo ito sa sahig
habang nakapatong ang isang kamay niya sa isang tuhod niya at isang paa nito ay
nakadantay sa sahig. May bitbit na alak at nakayuko.

"F*ck! I *huk love her damn much *huk!"

Nagkatinginan naman kaming tatlo nina Caleb at Brent.

"Stan tama na. Umuwi na tayo!" Malumanay na saad ko. Umangat ito ng tingin ng
hawakan ko siya sa kamay at kinuha ang alak.

"Ba*huk by? *huk baby?" Hinaplos nito ang pisngi ko.

"I miss *huk you my baby!"

Kusang tumulo ang mga luha ko sa mga sinabi niya.

♕GreatFairy♕

=================

Chapter 21

Fairy: Grabe! Napagtiisan mong makarating ng chapter 21? Wahahahaha

Chapter 21

Dahan-dahan kong pinunasan ang kanyang mukha pababa sa kanyang dibdib. Napalunok
ako nang bumaba ang tingin ko sa kanyang gitna. Hindi ko alam kung ano nag udyok sa
kamay ko para haplusin ang mga umbok sa kanyang tiyan. Parang biglang gumaan ang
pakiramdam ko nang mahawakan ko ang nag-uumbukang abs ni Stan.

Ipinilig ko ang aking ulo. Bakit ko ba pinagnanasaan ang taong tulog. Nababaliw na
siguro ako.

Pagkatapos kong mapunasan ang kanyang mga bisig ay binihisan ko siya ng t-shirt na
pinasuot ko sa kanya noon. Hindi manlang ito nagising nang bihisan ko.

Naupo ako sa gilid niya at marahang hinaplos ang kanyang pisngi.

I'm so sorry, Stan. I'm sorry for hurting you like this. Maniwala ka sanang mahal
na mahal kita. Kayo ng magiging baby natin.

"Baby."

Napapitlag ako nang biglang itong magsalita. Gising na ba siya? Pinagmasdan ko


siyang muli at hindi muna gumalaw pero hindi na ito muling nagsalita.

Hanggang sa panaginip ba naman nasasaktan pa rin kita? I love you very much Stan.
Huwag kang mag-alala hindi ako galit sa'yo kahit pinagsabihan mo ako ng hindi
magagandang salita. Alam ko namang nadala ka lang ng galit mo. Nandito na kami ni
baby at hinding hindi ka namin ipagpapalit sa kahit sinong lalaki. Sana pag gising
mo kausapin mo na ako at pakinggan ang mga paliwanag ko.

Dinampian ko siya ng halik sa labi at pinagsawa ang sarili ko sa pagtitig sa


kanyang mukha. Mabuti na lang nagkasya kami sa higaan ko dito sa bahay. Pagkatapos
niya kasing sabihin

na namiss niya ako ay bigla itong nagsuka at nakatulog. Sobrang lasing na lasing
siya kaya napagdesisyunan kong dito nalang siya ipahatid sa bahay. Mabuti na lang
din at hindi masyong nakainom sila Brent at Caleb.

Hinalikan ko ulit siya ng mabilis sa labi at yumakap sa kanya bago ipinikit ang
aking mga mata.

NAGISING ako sa malakas na tunog ng alarm clock sa gilid ng aking higaan.


Napabalikwas ako nang maalala ko si Stan.

Nanlumo ako nang matagpuang wala na siya sa tabi ko. Umalis na ba siya? Mabilis
akong bumangon at niligpit ang higaan bago lumabas ng kwarto. Alas sais palang pala
ng umaga. Tulog pa rin si Shawn nang silipin ko ito.

Napakapit ako sa pinto nang bigla akong nahilo. Pinikit ko ng mariin ang aking mga
mata at huminga ng malalim. Naramdaman ko naman na parang bumaliktad ang sikmura ko
kaya mabilis pa sa alas kwatrong tumalilis ako patungo sa lababo. Wala namang
lumabas pero puro laway lang. Hinawakan ko ang tiyan ko at marahang hinaplos.

Baby huwag mo namang pahirapan si mommy oh.

Kahit medyo nahihilo pa ako ay napagpasyahan kong magluto na lang at gumayak para
sa trabaho. Tatawagan ko na lang si Stan mamaya.

Alas siyete na nang matapos ko lahat ng ginagawa ko kaya naligo na ako at gumayak
ng damit pangtrabaho. Nang matapos na lahat ay tinawagan ko si Stan.

Nakatatlong dial na ako pero hindi pa rin niya sinasagot. Sinubukan ko ulit
hanggang sa naka-labingtatlong ring na ito pero hindi niya pa rin sinasagot.
Biglang kumirot ang dibdib ko nang maalalang galit nga pala siya sa'kin.
Napagpasiyahan kong magpadala nalang ng mensahe

sa kanya.

To: My hunk boyfriend

Baby pupuntahan kita diyan mamaya. May sasabihin ako sa'yong mahalaga. Please
kausapin mo'ko..😢

Pagkatapos kong ma sent ay naglakad na ako papuntang kanto para mag abang ng
sasakyan papuntang Garnet Corp.

PUMASOK ako ng office ni Justine kahit wala pa siya. Allowed naman kaming pumasok
sa office ng mga supervisors kahit walang paalam dahil work related naman.
Nakalimutan ko kasing kunin ang pinapirma kong summary of purchases.

Kinuha ko ito sa outgoing niya nang makita ko ito. Tatalikod na sana ako nang
mapasulyap ako sa gilid ng swivel chair niya. Umikot ako para damputin ang nakita
ko.

Biglang nanginig ang katawan ko ng makita ko ito nang malapitan.


Litrato.

Ito yung kopya ng isa sa mga litratong natanggap kahapon ni Stan.

Paanong-?

Biglang bumalik sa isip ko ang narinig ko kahapon...

Hindi ko namalayan ang oras ng pangalumbaba ko. Siguradong wala ring nakakakita
sa'kin dito dahil medyo may kataasan ang cubicle. Natauhan lang ako ng may marinig
akong boses na parang may kausap sa cellphone.

"Yeah. Naipadala ko na sa bahay niya mismo. Sigurado akong siya na mismo ang
makikipaghiwalay pag nakita nya yun."

"Oo naman. Dadalawin kita diyan mamaya."

Nanginginig ang mga kamay at tuhod ko kasabay ng pagbagsak ng mga luha ko. Parang
pinipiga rin ang kaloob-ooban ko sa sobrang sakit.

Pinagtaksilan niya ako.

Pinagtaksilan ako ng taong inakala kong mapagkakatiwalaan ko. Marahas kong pinahid
ang luha ko at tinungo ang pinto.

Ngunit hindi ko pa man ito nabubuksan nang may pumihit na dito mula sa labas.

Bumungad sa akin ang mukha ni Justine na nakangisi habang nasa tenga ang kanyang
cellphone. Pero biglang nawala ang ngisi niya nang makita niya ako. Kumunot ang
kanyang noo at mabilis niyang pinatay ang kanyang cellphone.

"Ameth-"

*PAK

Tumabingi ang kanyang mukha sa malakas na sampal na iginawad ko sa kanya.

"MASAYA KA NA BA? HA?! MASAYA KA NA BANG NASIRA MO KAMI NI STAN?! MASAYA KA NA BA


DAHIL GALIT NA GALIT SIYA SA'KIN NGAYON?!"

*PAK

Sinampal ko siya ulit sa kabilang pisngi. Ang sakit-sakit isiping pinagtaksilan


niya ako. Hindi ito nakakilos sa ikalawang sampal ko. Marahil ay hindi niya
inaasahang mahuhuli ko ang kawalang hiyaan niya.

"KULANG PA 'YAN SA GINAWA MONG PANINIRA SA AMIN! PINAGKATIWALAAN KITA JUSTINE!


PINAGKATIWALAAN KITA! PERO ANONG GINAWA MO HA? SINAKTAN MO 'KO!"

"Amethyst. I-"

Hindi ko siya pinatapos na magsalita. Buong lakas ko siyang tinabig at mabilis na


tinungo ang cubicle ko at nilapag ang dokumentong kinuha ko sa office niya.
Dinampot ko ang bag ko at lakad takbong tinungo ang elevator. Naramdaman kong
hinabol ako ni Justine pero naunahan siya ng pagsara nito.
Mabibigat ang mga hakbang ko pagkarating ko sa lobby. Nakasalubong ko pa si tita
Amanda na nagtatanong kung anong nangyayari sa'kin pero hindi ko siya pinansin.

Kailangan kong makausap si Stan.

Yun lang ang mahalaga ngayon sa'kin. Kailangan kong sabihin sa kanya na wala talaga
akong kasalanan.

Mabilis akong nakasakay ng taxi papuntang Mijares building.

***

/>"Amethyst?"

"Wens kailangan kong makausap si Stan. Papasok na 'ko ha?"

"Wait! Amethyst wala diyan si Sir eh. Hindi pumasok." Napahakbang ako pabalik sa
sinabi ng sekretarya niyang si Wenalyn.

"Nasa ospital daw siya ngayon. Susunduin daw yata si Ma'am Andrea."

Biglang kumirot ang dibdib ko. Hindi niya sinagot ang mga tawag ko pero na kay
Andrea lang pala siya. Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang pagpatak ng mga
butil sa mata ko.

"S-sige. T-thanks. Pupuntahan ko nalang siya."

"Okay ka lang ba Amethyst?"

"O-oo naman."

"Namumutla ka eh."

"Wala 'to. Sige salamat ulit..." pagsisinungaling ko at mabilis na tumalikod.

Ininda ko na lang ang biglang paghihilo ng ulo ko. Naramdaman ko na ito kanina pa
nang nasa loob pa lang ako ng taxi. Pero mas mahalaga sa'kin ngayon ang makausap si
Stan.

***

"Room 208 po."

Nagpasalamat muna ako sa nurse bago pumunta sa sinabi nitong room ni Andrea. Bigla
akong kinabahan habang papunta ako duon. Natatakot ako. Alam kong galit din sa'kin
si Andrea dahil sa nangyari pero ito na rin siguro ang tamang pagkakataon para
makahingi ako ng dispensa sa kanya kahit pa na may kasalanan din siya sa sinapit
niya.

Huminga ako ng nasa harap na ako ng pinto.

Kaya mo 'yan Amethyst. Magkakaayos din kayo ni Stan.

Huminga ulit ako ng malalim dahil parang tinatambol ang dibdib ko sa sobrang kaba.
Bumuga ako ng hangin at pikit matang binuksan ang pinto.

Pero parang tinulos ako sa nakita kong ginagawa ng dalawang tao sa harapan ko.
Namalayan ko na lang na nag uunahan na palang tumulo

ang mga luha ko. Parang pinagsasaksak din ang dibdib ko ng paulit ulit at dinukot
mula sa loob ang puso ko. Kung kanina nanginginig pa ang katawan ko sa nalaman kong
pangloloko ni Justine ngayon ay biglang nawala. Biglang namanhid ang mga kalamnan
ko.

Stan and Andrea are kissing.

Torridly kissing.

I was supposed to shout and comfront them for betraying me but I did the opposite.
Dahan-dahang sinarado ko ang pinto para hindi makalikha ng anumang ingay.

Naglakad ako na parang hangin lang ang nasa sa paligid ko. Paulit-ulit na
umuukilkil sa utak ko ang imahe ng paghahalikan ng dalawa. Nakapikit pa si Andrea
na parang sarap na sarap sa labi ni Stan.

Posible palang makaramdam ng pag gaan sa kabila ng sakit. Nahihilo ako pero
nakakaya ko. Ganun din ang dibdib ko.

Blank. That is how I describe what I feel right now. I feel like an invisible
creature walking in a crowd. Pain made me untouchable and the lightest thing that
ever exist.

Ang daming tanong na tumatakbo sa utak ko. Iyon bang bawat butil ng luha ko ay may
kasamang katanungan. Hobby na yata ng mata ko na umulan ng luha. Ang init-init na
ng kasulok-sulukan ng mata ko pero ayaw pa rin tumigil sa pagtulo ng mga luha ko.

Hindi ko alam kong paano ako nakarating ng bahay na walang nangyaring masama sa'kin
sa kabila dinadala ko. Ang alam ko lang gusto kong magkulong. Gusto kong mapag isa.
Yung walang kakausap sa'kin. Hindi ko din pinansin si Shawn na nag-alala sa'kin.

Manhid na nga siguro ako. Pero wala akong pakialam. Gusto ko lang ngayon na mapag
isa.

Humiga agad ako pagkapasok ko ng kwarto at pumikit. Tumutulo pa rin ang mga luha ko
pero walang tunog o hikbi na lumabas sa bibig ko.

Mama, Papa, ano bang nangyayari sa'kin? Bakit pakiramdam ko hangin lang ako. Pero
ang bigat bigat ng kalooban ko. Hindi ko alam kung paano ko ito ilalabas. Ganito
pala kasakit ang magmahal. Pakiramdam ko binalot ng yelo ang buong puso ko. Ayaw ko
na nito Ma, Pa, ang sakit sakit na.

Bakit mo nagawa sa'kin 'to Stan?

Ang huling tanong sa isip ko bago nagdilim ang paligid ko.

*****
Namatay si Amethyst at nagkatuluyan sila Stan at Andrea.

The End.

Fairy: Hindi ko na talaga siya kayang dugtungan. Hate me all you want, but this is
what I want. Salamat po ng marami sa pagbabasa, Sana may natutunan kayong leksyon
sa corny'ng story na 'to. There is no happy ending. Walang poreber....
J O K E!!!

Hahahahaha. Bukas ulit. Kbye.

♕GreatFairy♕

=================

Chapter 22

Chapter 22

Love and pain are inseparable twins. When you choose to love, you choose to embrace
the possibility to be hurt. And you will only understand that you truly love when
you get hurt.

Minsan ang tadhana masyadong paasa. Kung kailang nasa tuktok ka ng kaligayan ay
hihilahin ka niya pababa. Ang masaklap pa ay masyadong masakit ang pagkakahulog
niya sa'yo. Yung tipong hindi mo alam kung papaano ka babangon at kung makakaya mo
pa ba.

Dalawang araw na ang nakalipas simula nang nangyari ang bagay na nagpapahirap
ngayon sa kalooban ko. Pero sa loob ng dalawang araw na iyon ay hindi ko pinabayaan
ang sarili ko. Kumakain ako sa tamang oras at umiinom ng mga gamot na nireseta
sa'kin ni doc. Tinatanong din ako ni Shawn pero sinasabi ko na lang na huwag akong
pansinin. Ayaw ko munang magsalita. Pakiramdam ko kasi may bumibikig sa lalamunan
ko sa tuwing magsasalita ako. Hindi ko kaya.

Hindi na rin ako nagreport sa trabaho sa loob ng dalawang araw na pagmukmok ko. Isa
sa dahilan ay ayaw kong makita ang taong dahilan ng paghihirap ko ngayon.
Sinigurado kong walang nakapansin sa'kin pagpunta ko ng Garnet Corp para ipasa ang
resignation letter ko sa HR. Hindi pa sana ako papayagan ni tita Amanda dahil wala
pa akong isang buwan ay aalis na agad ako. Walang akong nagawa kaya kinuwento ko
nalang sa kanya ang lahat ng nangyari. Napaiyak pa ito ng marinig ang lahat ng
sinabi ko. Awang-awa raw siya sa'kin pero nginitian ko nalang siya at sinabing kaya
kong lagpasan ang lahat ng 'to. Siya na lang daw bahala na mag-inform kay Brent
tungkol sa resignation ko.

"Ate

nandyan na raw ang susundo sa'tin sabi ni Manang Nelia." Napalingon ako kay Shawn
na kakapasok lang ng bahay.

"Sige bunso ayusin mo na yung gamit mo. Check mo ulit kong may nakalimutan ka pa."

"Opo ate."

Tumalima naman si Shawn. Naaawa na ako sa kapatid ko. Alam kong malungkot din para
sa kanya na iwan ang bahay na ito dahil puno ito ng mga ala-ala nila mama at papa
pero wala naman kaming magagawa. Ibinenta na ng may ari ng lupang tinitirikan ng
bahay sa mayamang negosyante para pagtayuan ng mall. Binigyan lang kami ng isang
buwan para makakita ng malilipatan. Blessing in disguise rin pala ang pagkapasa ni
bunso sa scholarship sa Cebu dahil doon din nakatira ang malayong kamag-anak ni
Manang Nelia. Tinulungan din ako ni tita Amanda dahil may kamag-anak daw ang asawa
niya na may-ari ng barko kaya hindi na namin kelangan pang bumili ng ticket.

Sinipat ko ang cellphone na bigay ni Stan. Wala manlang tawag o text mula sa kanya.
Siguro ay masaya na talaga siya sa kandungan ni Andrea kaya hindi na niya ako
naalala.

Gustong-gusto ko siyang puntahan at komprontahin. Gusto kong ipaglaban ang


karapatan namin ng anak ko pero palagi akong umuurong. Wala nga pala akong
pinanghahawakan kay Stan. Hindi kami kasal. Gustuhin ko mang ipaglaban ang
pagmamahal ko sa kanya ay hindi ko magawa, dahil pakiramdam ko sa umpisa palang ay
talo na ako. Nasaktan ko siya nang hindi sinasadya.

Napagdesisyunan kong ilagay sa isang kahon na binigay ni Stan liban sa cellphone.


Pinalitan ko na lang ang simcard nito dahil gustong-gusto kong titigan ang mga
pictures niya. Pinaglilihian ko yata ang mukha ni Stan.

Huminga ako ng malalim at inilibot ang tingin ko sa buong kwarto. Mamimiss ko 'to.

Mama, Papa, I'm sorry pero kailangan naming iwan ang bahay na puno ng masasayang
alala natin nung nabubuhay pa kayo. Huwag kayong mag-alala hinding-hindi ko
pababayaan ang kapatid ko at ang magiging apo niyo. Gabayan niyo sana kami ni
Shawn.

Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang pagtulo ng luha ko pero bigo ako dahil nag-
uunahan na ang mga itong lumabas sa mga mata ko. Hindi ko na yata mabilang kung
pang ilang iyak ko na 'to. Dala rin ito siguro ng hormonal imbalance dahil sa
pagbubuntis ko.

"Ate tara na?"

Pinahid ko ang mga luha ko at lumabas ng kwarto. Pag-alis namin paniguradong ide-
demolish na ang mga bahay dito.

"Wala na ba kayong nakalimutan?" Tanong ni Manang Nelia ang bumungad sa amin


pagkalabas namin ng bahay.
"Wala na ho Manang. Yun na ho ang nasa sala."

"Sige andyan na ang van na susundo daw sa atin. Mabuti naman at mabait yung naging
kasama mo sa trabaho iha at tinulungan pa tayo sa paglilipat natin. Sila na daw
bahalang maghakot ng mga gamit papuntang pier."

Nginitian ko nalang si manang at tuluyan ng pumasok ng van bago pa ako tumalikod ay


binalingan ko muna ng huling tingin ang maliit naming bahay. Kasabay ng pagtulo ng
luhang kanina pa nagbabadya sa mga mata ko. Wala na yatang katapusan ang pag iyak
ko.

"A-ate."

Binalingan ko si Shawn na nasa tabi ko na pala. Naiiyak na rin ito kagaya ko. Ang
pinagkaiba nga lang ay mas malalim ang dahilan ng pag iyak ko. Halo halo na kasi
ang bigat ng dinadala ko. Niyakap ko nalang siya ng mahigpit.

"Huwag kang mag-alala bunso kakayanin natin 'to."

Tinatapik tapik ko ang likod niya bago kinalas sa pagkayakap ko.

"A-ate. P-paano po s-si Kuya Stan?"

Napatahimik naman ako sa tanong niya. Wala nga pala siyang ideya sa mga nangyayari
sa amin ni Stan nitong mga nakaraang araw.

"H-huwag na muna natin pag-usapan ang kuya Stan mo, bunso. Matulog ka na lang muna
ha? Gigisingin na lang kita pag nakarating na tayo ng pier."

Tumango naman ito at kusang pumikit. Alam kong pagod ito sa kakaligpit ng gamit
mula pa kahapon. Napa buntong hininga ako ng malalim.

Nagmahal ako at nasaktan at natutunan kong mahalaga nga talaga ang papel ng
pagtitiwala sa isang relasyon. Hindi ko maiwasang itanong sa sarili ko kung may
tiwala ba sa'kin si Stan. Pero sinasagot ng mga nangyari ang tanong na iyon. Parang
tinatarakan ang puso ko at naninikip ito sa ideyang walang tiwala sa'kin si Stan.
Dahil kung may tiwala siya sa'kin hindi niya hahayaan magkaganito kami. Hindi niya
manlang ako pinakinggan. Mas pinaniwalaan niya ang mga taong sumira sa amin.
Pakiramdam ko hindi sapat ang pagmamahal namin sa isa't isa para pagkatiwalaan niya
ako.

Minahal mo nga ba talaga ako Stanley?

Iiwan na namin ang bahay. Iiwan ko ang trabaho at ang naging kaibigan ko.
Tatalikuran ko na rin ang mga taong nagtaksil at naging dahilan para masaktan ako.
Baon ko ang lahat ng mga sakit na dinanas ko.

Iwan ko man ang lahat para sa panibagong buhay ay alam kong hindi na ako buo kahit
talikuran ko man lahat lahat.

Dahil sa pag-alis ko ay kusang nagpaiwan ang puso ko.


♕GreatFairy♕

=================

Chapter 23

When everything else goes wrong, you have the option to ran away. -greatfairy

Chapter 23

"Triangle."

"Rectangle."

"Square."

"Circle."

"Star."

"Diamond."

Napangiti akong minamasdan ang anghel ko na nag-aayos ng mga shapes na pina cut-
outs niya sa'kin kanina. Mahilig talaga siya sa mga geometrical figures kahit na
ang batang-bata pa niya. He's only four years old pero ang taas ng IQ niya. Palagi
akong kinakabahan sa tuwing nadidiskrube kong may bago na naman siyang nalalaman.

Minsang na rin siyang pinaghinalaan na may Asperger's Sydrome dahil masyado siyang
matalino. Hindi rin siya tumitingin sa kinakausap niya, dagdag pa na ang hirap i-
predict ng mood niya dahil palaging blangko ang ekspresyon ng kanyang mukha lalo na
pag hindi niya masyadong close ang kausap niya.

"Parallelogram."

"Kite."

"Trapezium."

Napatingnan ko na rin siya sa doktor kung may mali sa kanya pero wala naman daw. My
son is a genius, at hindi daw dapat matakot kung masyado siyang curious sa mga
bagay-bagay. Pero minsan hindi ko maiiwasang matakot lalo na pag nagtatanong siya
ng mga bagay na gusto niyang malaman.

Hindi ko alam kong ano ang sasabihin ko pag magtatanong siya tungkol sa kanyang
ama. Alam kong darating ang araw na magtatanong siya kung nasaan at kung may daddy
ba siya.

"Mom? Have you seen the rhombus?"

Natigilan ako sa pag-iisip nang bigla itong nagtanong habang nakatingin sa mga
shapes na ina-arrange niya sa lapag. Hindi ko siya pinansin at nagkunwaring hindi
ko siya narinig.

"Mom, I can't find the rhombus!"

Hindi

ko pa rin siya pinansin dahil hindi naman siya nakatingin sa'kin habang
nagtatanong.

"Mom!"

Napangiti ako nang bigla itong lumapit sa'kin at kinalabit ako.

"Yes, honey?"

"I can't find the rhombus, mom!" nakangusong saad nito kaya lumabas tuloy ang
dalawang biloy niya sa mukha. Naalala ko na naman tuloy siya.

"It's under your bag, honey."

"Thanks, mom!"

"You're welcome. And honey? Can you do me a favor?"

"What is it mom?"

"Next time when you talk to elders, you look at them, alright?"

"Why mom?"

"Because it's rude when you're talking with them but you're not looking at them."

"Why does it become rude, mom?"

"Because you're being impolite with them."

"Why would I become impolite mom?"

"Because it means you're not paying attention."

"Why do I need to pay attention mom?"

"Skeet Alvan!"

"Alright mom!"

Napabuntong hininga ako nang tumakbo na ito pabalik sa kanyang ginagawa. Isang
bagay na nahihirapan ko sa kanya ay kailangan magaling kang magpaliwanag ng mga
bagay-bagay. Hindi mo siya mauutusan o mapagsasabihan kung hindi mo muna
ipapaliwanag sa kanya ang dahilan kung bakit kailangan niyang gawin ang isang
bagay.

"Honey, maliligo lang ako. Huwag kang lalabas ha?"

"Okay mom." Sagot nito na hindi na naman nakatingin sa'kin.

"Honey!"
"Okay. Okay. Go on mom, I won't go out of the house, promise!" Sumusukong sagot
niya habang nakataas ang kanang kamay.

"Di ba kasasabi ko lang na tumingin ka sa kausap mo kung kinakausap ka! Honey naman
eh, pinapasakit mo naman ang ulo ng mommy

mo." Naglulungkutang sabi ko sa kanya kaya bigla itong tumayo at lumapit sa'kin.

"I'm sorry mom. I won't do that again, I promise. Does your head still hurts?"

Lumuhod ako para magpantay ang aming mukha. Hinawakan ko siya sa mukha at masuyo
itong hinaplos.

"Promise me, you will always listen to you mom, okay?"

"I promise mom. I'm sorry and I love you mom!"

Napangiti ako nang hinalikan niya ako sa pisngi at yumakap sa'kin.

"Hmmm! Nakakagigil talaga ng honey ko." Nanggigigil na pinaghahalikan ko siya mukha


at sinimhot simhot.

"Hahahaha...mom! Hahahaha."

Napatigil ako nang bigla itong tumawa. Biglang parang hinaplos ang puso ko ng
marinig ko ang tawa niya na may tunog talaga.

"Did you just laughed honey?!"

"Why mom?" Napatigil ito sa pagtawa at kunot nuong tumingin sa'kin.

"Nothing honey. It's just my first time to hear you laugh like that." Sa apat na
taong pag-aalaga ko sa kanya ay ngayon ko lang siyang narinig na tumawa. Palagi
lang siyang straight face at minsan lang din ngumiti.

"I'm just happy mom."

"Really? You're happy?"

"Yes because I have the prettiest mommy in the world!"

"Asus marunong ng mambola ang napakagwapo kong anghel."

"Really mom? I'm your angel?"

"Yes you are, honey." Nakangiting sagot ko sa kanya.

"But I have no wings mom." Ito na nga ang sinasabi ko, magtatanong na naman siya
kaya napailing nalang ako.

"You don't need to have wings to be an angel, honey. Now, go at tapusin mo na ang
ginagawa mo okay? Maliligo lang ako."

"But mom-"

"No buts honey. Sige na."

Wala
na itong nagawa nang iginaya ko siya sa kanyang ginagawa. Pumasok naman ako sa
banyo para maligo na. Sabado ngayon at walang pasok sa trabaho kaya napagdesisyunan
kong mag-stay dito sa bahay at alagaan si Skeet.

It's been five years since I left Manila. Wala na rin akong balita sa kanya. At
wala na rin akong planong magpakita pa sa kanya. Sa laki ng Pilipinas imposible rin
namang magkukrus pa ang landas namin. Hindi ko na rin alam kong tama ang naging
desisyon kong lumayo at itinago sa kanya na may anak kami.

Nasaktan ako. Sobra sobrang nasaktan, dahilan kaya naduwag akong ipaglaban ang
pagmamahal ko sa kanya. Alam kong hanggang ngayon ay may espasyo pa rin siya sa
puso ko pero mas nangingibabaw sa'kin ang damdaming hindi ko mawari kung galit o
sadyang nasasaktan lang ako.

Hanggang ngayon sariwa pa rin sa isip ko ang mga nangyari. Hindi ko makakalimutan
ang mga araw na nagdurusa ako sa sakit na idinulot ng pangyayaring iyon. Ang anak
at kapatid ko ang naging dahilan para magpatuloy ako sa aking buhay. At ang
pagdating ni Skeet Alvan ang pinakamagandang pangyayari sa buhay ko.

Noong unang tapak namin dito sa Cebu ay nahirapan ako lalo na't buntis ako at nag-
aaral pa si Shawn. Mabuti na lang at sagot lahat ang school fees niya ng
scholarship na nakuha niya at sa eskwelahan din siya tumira kasama ng mga madre.
Sagot lahat ng babayarin niya sa buong apat na taon niya sa high school. Si Manang
Nelia na lang ang tumulong sa'king makahanap ng trabaho kahit buntis ako. Sa awa ng
Diyos ay natanggap ako dahil immediate hiring noon ang PME Residences na bumebenta
ng mga high-classed condominium units.

Maganda din naman ang pasahod sa PME Res, 'yon nga lang masyadong maraming
pinagkakagastuhan nang lumaki na si Skeet at kahit scholar naman si Shawn ngayon sa
University of Cebu, kelangan ko pa ring suportahan ang pangangailan niya. First
year college na siya ngayon.

Lumabas na ako ng kwarto pagkatapos kong maligo at magbihis. Naabutan ko si Skeet


na nasa harapan ng piano na iniregalo sa kanya ng general manager ko sa PME. Natuwa
kasi siya kay Skeet nang minsang dinala ko siya duon. Nang tinanong niya ang anak
ko kung anong gusto niyang regalo ay ang piano ang sinabi nito. Nabigla nga kami
nang ganun ang sinagot ni Skeet dahil iniexpect naming magpapabili ito ng laruan.
Yun din minsan ang ipinagtataka ko kay Skeet dahil hindi ito mahilig sa pambatang
laruan na nilalaro ng mga kaedad niya. He is a music lover. Nahiya pa ako noon sa
boss ko dahil masyadong mahal ang request ng anak ko pero pinagbigyan niya ito.

Minamasdan ko lang siya pumindot ng keyboard. Ang gandang pakinggan ng tugtog niya
na parang pamilyar sa pandinig ko. Wala namang nagturo sa kanya pero ang galing
niya. Madali niyang natutunan ang mga videos na pinapanuod sa kanya ni Shawn
tungkol sa pagtutugtog ng piano.

Pumindot pindot ito ng ilang keys at pagkatapos ay biglang nagsalita.

"Efficascent oil."

Tumugtog itong muli at pagkatapos ay uulitin niya ang pagbigkas ng efficascent oil.
Natawa ako nang maalalang commercial pala yun sa tv. Kaya pala pamilyar sa pandinig
ko ang tinutugtog niya.
♕GreatFairy♕

=================

Chapter 24

Chapter 24

"Honey, behave ka do'n ha? Huwag bigyan ng sakit ng ulo si teacher Yvonne mo."

"Yes mommy," humihikab na sagot ni Skeet sa'kin.

"Oh, bakit parang inaantok pa ang anghel ko, hmm?"

"Mom, I think I'm not feeling well. Can I just stay here with Lola Nelia and I'll
sleep?" Nakangusong saad nito.

"Ayan ka na namang bata ka. Huwag kang maniwala d'yan Amethyst, nagdadrama na naman
'yan para hindi makapasok." Biglang sumabat naman si manang na kagagaling lang ng
kusina.

"No Lola! I'm not really feeling well. My head is dizzy," nakalabing sagot ni
Skeet.

"Naku, pamangkin masama ang magsinungaling. Yung totoo? Masama ang pakiramdam mo o
tinatamad ka na namang pumasok?" Singit naman ni Shawn na kakalabas lang din ng
kwarto na nakabihis na rin ng school uniform niya.

Nakatingin lang ako sa kanilang tatlo na parang nagsusukatan ng tingin.

"Mom? Can I just stay here? I don't like to go to school," nagpapaawang saad nito
at hinawakan ako sa kamay.

"Why is that so?" Tumunghay ako sa kanya at lumuhod para magpantay ang aming mukha.
Pigil na pigil ko ang pagngiti ko dahil alam ko namang nagdadahilan na naman siya
para hindi makapasok ng eskwela. He is studying in pre-school na pinagtuturuan ng
bestfriend kong si Yvonne. Sa limang taong panirahan namin dito sa Cebu ay
nagkaroon ako ng matalik na kaibigan sa katauhan ni Yvonne, siya rin ang tumulong
sa'kin no'ng ipinagbubuntis ko pa lang si Skeet at naging ninang na rin.

Tumungo ang anak ko at parang nagpapaawa na naman. Ayaw niya daw kasing pumasok
dahil nabo-bored siya sa

klase. Yun ang palagi niyang sinasabi, kasi ang tinuturo ay alam na daw niya. Sa
sobrang talino ng anak ko ay ayaw niya ng pinapaulit ulit sa kanya ang mga bagay na
alam na niya. Minsan na ring nag-suggest si Yvonne na ipa-accelerate na siya pero
hindi ako pumayag. Gusto kong maranasan ni Skeet ang normal na stages sa pag-aaral.

"Honey, 'di ba napag-usapan na natin 'to? Na dapat palagi mong susundin si mommy?"

"But mom, I really don't like the lessons because I already know it."
"But your classmates don't know it yet that's why you have to listen too. Okay?"

"Okay mom. But can I have new shapes later?"

"Shapes? Alright, magpi-print ako mamaya ng shapes. Ano namang shapes ang gusto
mo?" Nagliwanag naman ang mukha nito sa sinabi ko.

"Tito Shawn, can I borrow your phone? I'll just show to mommy the shapes I saved
last night."

"Ito nga pala ate. May si-nave siyang screen shots diyan kagabi." Binigay naman ni
Shawn ang cellphone nito kaya kumuha na ako copy.

"Sige na honey. Let's go outside na. Ihahatid na kita ng school okay?"

"Okay mom."

"Shawn, Manang Nelia, mauna na kami."

"Sige ate, aalis na rin naman ako mamaya-maya."

"Ingat kayo." -Manang

"Salamat po manang."

Dumiretso kami agad ng school ni Skeet. Araw-araw ay hinahatid ko siya bago pumasok
sa trabaho. Kung maluwag naman ang schedule ng klase ni Shawn ay siya ang
naghahatid sa pamangkin niya.

"Bestie!" Masayang bungad sa'kin ni Yvonne. Nagbeso agad ito pagkalapit niya sa
amin ni Skeet.

"Good morning teacher Yvonne!" Sabay naming bati ni Skeet sa kanya. Natawa

ako nang biglang nawala ang ngiti nito at napalitan ng pagsimangot.

"Mag-ina talaga kayong dalawa eh no? Ang aga aga nang-aasar na naman kayo, hmmp!"
Humalakipkip ito sa harapan namin. Hawak ko naman sa kanang kamay si Skeet.

"Ikaw bata ka! Nakow! Kung hindi ka lang cute! Sinabi ng ninang ang itawag mo
sa'kin eh!" Parang batang pagmamaktol nito kay Skeet.

"But mommy told me I'll call you teacher when we are inside the school," sagot
naman ng anak ko na nakanguso.

"Aw! Ang cute cute mo talagang bata ka. Sige na nga payag na akong tawaging mong
teacher. Basta behave ka mamaya ha? Baka mamaya magdadahilan ka na namang magsi-CR
tapos hindi ka naman lalabas at magkukulong duon para lang takasan ang klase ko."

Nang marealize ni Bestie ang sinabi niya ay pareho kaming sabay natawa. Nasa
trabaho ako noon nang bigla siyang tumawag dahil ayaw daw lumabas ni Skeet sa
banyo. At ang dahilan, nabobored daw siya sa klase.

"I'll behave teacher Yvonne, promise!" Nakangiting sagot ni Skeet at nag-puppy


eyes.

"Ang gwapo-gwapo talaga ng inaanak ko. Sana pag magkaanak ako kayo ang
magkakatuluyan para malahian naman ang lahi ko."
Hinampas ko naman si bestie sa braso. Kung anu-ano na naman ang sinasabi sa anak
ko.

"Sige na bestie papasok na ako."

"Okay. Ingat ka best."

"Honey, behave okay?"

"Okay mom."

Pagkatapos kong humalik sa anak ko ay umalis na ako papuntang trabaho. Wala naman
akong po-problemahin sa pagsundo sa kanya dahil sinasabay naman siya ni bestie sa
pag-uwi.

Pagkarating ko sa office ay sinabi ng officemate kong si Allan na ipinapatawag

daw ako ng boss kaya agad akong tumalima papasok ng office ng general manager.

"Good morning Ma'am. Pinapatawag niyo daw ho ako?" Kinakabahan tanong ko. Wala
naman kasi akong naaalalang may nagawa akong mali sa trabaho ko.

"Good morning din sa'yo Amethyst. Have a seat first." Umupo naman ako sa upuang
kaharap ng mesa ni Ma'am Suarez.

"Marahil ay nagtataka ka kung bakit kita pinatawag. Well, gusto ko lang sabihin na
magre-resign na ang marketing head natin dito dahil pupunta ng States kasama ang
pamilya niya."

"Ho? Magreresign na si Mrs. Marasigan?"

"Yes, and nag-evaluate kami ng mga performances niyo together with the HR at ikaw
ang napiling pumalit sa kanya."

"Po?" Di makapaniwalang sagot ko sa kanya.

"Yes, Amethyst. You are our only option dahil ikaw ang pinaka qualified sa
posisyon," nakangiting saad ni Ma'am Suarez. Napatutop naman ako sa bibig ko sa
sobrang tuwa.

"Talaga ho?"

"Definitely Amethyst! Congrats iha, you deserve it!" Maluha-luhang tinanggap ko ang
kamay ni Ma'am.

"Di ako makapaniwala pero maraming salamat po sa inyo. Hindi ko po kayo bibiguin."

"Alam naming hindi mo kami bibiguin, iha. Nakita namin ang galing mo sa trabaho at
alam naming kayang-kaya mong maging head ng marketing."

"Salamat po."

"Pero alam mo naman siguro ang patakaran natin dito 'di ba? Na lahat ng mga pino-
promote ay tini-train sa head office natin sa Manila." Bigla naman akong napaayos
ng upo sa sinabi ng boss ko. Oo nga pala, lahat ng mga higher positions dito tini-
train sa Manila for two months.

"Pero pa'no po ang-" I trailed off.


"Don't

worry. Wala kang gagastusin, sagot lahat ng kompanya. May apartel na kayong
tutuluyan doon. Actually kasama mo pa ang iba pang trainees for managerial position
galing sa iba't ibang affiliates ng kompanya. Free rin pati ang pagkain mo at iba
pang pangangailangan."

"Ano po kasi eh. Eh Ma'am kasi hindi ko po maiwan ang anak ko dito."

"Oh! Oo nga pala. Don't worry iha, pwede mong dalhin si Skeet doon."

"Pero nag -aaral po ang anak ko."

"Two months lang naman eh. Isa pa matalino naman ang anak mo. Pwede mo naman
sigurong pakiusapan ang eskwelahan niya. Tutulongan kita dahik kilala ko naman ang
principal doon. Yun ay kung gusto mo talagang dalhin si Skeet."

"S-sige ho. Pag-iisipan ko po. Maraming salamat po ulit."

"Walang anuman iha. Basta pag-isipan mong mabuti. Puntahan mo lang ako kung may
maitutulong ako sa'yo."

"Sige po."

Lumabas ako sa office ni Ma'am Suarez na malalim ang iniisip. Bakit parang nag-
aalinlangan akong tumuloy ng Manila? Kinakabahan ako. Posible kayang magkita kami
'don? Ipinilig ko ang ulo ko. Hindi naman siguro. Isa pa trabaho at apartel lang
siguro ang routine ko 'don.

Parang gusto kong umurong na lang pero nakakahiya naman kay Ma'am Suarez dahil
tinanggap ko na ang promotion. Isa pa malaki ang utang na loob ko sa kanilang lahat
dito. Napabuntong hininga ako.

"Ang lalim ah." Napapitlag ako sa biglang pagsulpot ni Allan sa harapan ko. Hindi
ko namalayang napatulala pala ako.

"Ginulat mo naman ako Allan!" Natawa naman siya sa sinabi ko.

"Huwag kang mag-alala ikaw pa rin pa rin ang pinakamagandang magugulatin

sa paningin ko." Pinamulahan naman ako sa banat niya lalo na't dinugtungan naman
ito ng kantiyaw ng officemates namin.

"Sagutin mo na kasi 'yan, Amethyst. Kawawa naman, dalawang taon nang nanliligaw
sa'yo." Kantiyaw ng ni Cynthia na hawak hawak pa ang bagong timplang kape.

Allan is my suitor for two years. Ilang beses ko na siyang sinabihan na wala siyang
mapapala sa'kin pero hindi pa rin ito tumigil sa panunuyo. Dinala ko na nga minsan
dito si Skeet para makita niyang may anak na ako pero walang epekto. Nadagdagan pa
nga dahil pati si Skeet ay parang nililigawan niya rin.

"Tumigil na nga kayo. May anak na ako baka nakakalimutan niyo!" Pagbabara ko sa
kanila. Mababait naman ang mga kasamahan ko sa trabaho yun nga lang ang kukulit
nila. Kung makakantiyaw 'kala nila mga teenager pa sila.

"Handa namang magpakatatay sa anak mo 'yan eh, diba Allan?" Tumango naman si Allan
sa sinabi ni Jira at kumindat pa ang loko sa'kin kaya inirapan ko siya. Natawa
naman silang lahat.
"Hindi naman namin masisisi si Allan kung patay na patay 'yan sa'yo. Ang ganda
ganda mo kaya, hindi nga kami makapaniwalang may anak ka na, eh ang sexy mo kahit
naka slacks ka pa. Para talagang pamangkin mo lang si Skeet kung titingnan kayong
na magkasama." Sulsol pa ni Cynthia.

"Ay! Agree ako dyan! Grabe Amethyst inubos mo na lahat ng ganda. Wala ka manlang
tinira 'te!" Napatawa naman ang lahat sa sinabi ng baklang si Jessie.

"Magtrabaho na lang kaya tayo no?! Sayang naman po ang pinapasweldo sa atin no?
Nahiya naman ang PME sa'tin!" Sabi ko naman.

"Umiiwas ka lang eh. Pero wait guys ha, maiba tayo. Hanggang ngayon nagtataka pa
rin ako sa pangalan ng company natin. Sino kaya talaga ang may-ari nito noh? Hindi
manlang siya nagawi dito. Masyadong pa showbiz," pag-iiba ni Jira sa usapan.

Noon pa man nagtataka na kami sa kompanya, Para Mi Esposa o PME. Nagtataka kami sa
pangalan dahil ang ibig sabihin nun ay for my wife.

"Nakita at nakausap na daw ni boss ang may-ari talaga nito. Pero masyado daw
private at hindi nagpapakita sa empleyado. Yun ang sabi nila lalo na ng mga taga
head office." Si Jessie.

"Tama na nga yan. Magtrabaho na lang tayo. Pasalamat na lang tayo at malaki ang
pasuweldo sa atin dito," putol ko sa usapan nila.

Pero bakit nga kaya hindi manlang nagpapakita ang big boss namin?

♕GreatFairy♕

=================

Chapter 25

Chapter 25

"Ano kamo ang sasabihin mo Bestie?" Tanong ko kay Yvonne na kasalukuyang nakaharap
sa akin.

"Kasi bestie ano eh. Bestie alam mo namang palagi na lang nagkakasakit ang tatay ko
'di ba? At bestie kelangan ko ng pera para pangdagdag gastos."

"B-bestie pasensya ka na ha? Mukhang hindi kita matutulungan sa ngayon. Kakabigay


ko lang kasi ng allowance ni Shawn at saka alam mo naman, ang daming
pangangailangan sa bahay." Kawawa naman ng bestfriend ko. Ang hirap talaga ng
buhay. Mahirap ka na nga pero pinapahirapan ka pa ng kahirapan. Yung mahirap ka na
nga magkakasakit ka pa.

"Hindi naman 'yon ang ibig kong sabihin bestie eh."

"Huh?"
"Nakapasa kasi ako sa trabahong inapplyan ko online. Immediate hiring sila ng grade
school teacher. Twenty-five thousand ang simula at free lodging pa kasi may staff
house doon sa school. Malaki na 'yon Best, alam mo naman, maliit ang ang kinikita
ko sa pagtuturo dito."

"Ganun naman pala bestie eh! Ang laki pala ng suweldo. Ano pang inaarte mo?
Sunggaban mo na!"

"Eh kasi bestie malayo eh."

"Huh? Gaano ba kalayo?"

"Malayung-malayo bestie."

"Bakit? Sa'n ba?"

"Sa Maynila."

"Sa Maynila?" Di makapaniwalang tanong ko sa kanya.

"Sigurado ka na ba diyan Best?"

"Oo naman, ang inaalala ko lang kasi wala ng maghahatid kay Skeet pauwi."

"Bestie huwag mo na ngang alalahanin si Skeet. Andito naman kami ni Shawn eh. At
isa pa dadalhin ko rin si Skeet sa Maynila."

"Ano?"

"Ang sabi ko, isasama ko si Skeet sa Maynila." Pag-uulit ko.

"What do you mean?"

"Na

promote kasi ako eh pero kailangan kong mag undergo ng training sa main office
namin sa Maynila for two months."

"Wait! Na-promote ka? Oh my! Oh my God bestie! Congrats!" Napailing na lang ako ng
niyugyog ako ng bahagya ni Bestie.

"Thanks, best. Siguro next week na alis ko, namin. Isasama ko na lang siguro si
Skeet. Papakiusapan ko nalang siguro ang principal nila."

"Sa'n ka ba sa Maynila pupunta best?" Tanong niya sa'kin.

"Sa Makati."

"Tamang-tama! Doon din ako bestie!" Pumalakpak pa ito na parang bata na nae-excite.

"Pwede rin namang isisit-in ko na lang muna ang inaanak ko sa klase ko habang
nagtatrabaho ka. Wait, perfect! Perfect idea!"

"Sabagay. Puwede na rin siguro 'yon, Best, para hindi ko na kailangan pang dalhin
si Manang Nelia. Wala rin naman kasing makakasama si Shawn dito sa bahay eh."

"Huwag kang mag-alala, Bestie, hindi ko naman pababayaan ang inaanak ko habang nasa
trabaho ka eh."
"Salamat Bestie ha? Salamat kasi hindi mo kami pinapabayaan kahit hirap ka rin sa
sitwasyon mo." Seryosong sabi ko sa kanya.

"Hay ang drama! Ano ka ba! Ano naman ang silbi ng pagiging magbestfriends natin
kung hindi tayo magtutulungan diba?" Napapalatak na saad nito.

"Pero bestie para kasing kinakabahan ako. Pa'no nalang kung magkita kami 'don?"
Tukoy ko sa kanya. Alam na rin ni Bestie ang tungkol sa nakaraan ko dahil naikwento
ko sa kanya.

"Bestie alam mo, kahit saang bahagi ka man ng mundo magsususuot kung tadhana na
mismo ang gagawa ng paraan para magtagpo ang landas niyo, magkikita at magkikita
rin kayo. At isa pa karapatan nilang pareho na makilala

ang isa't isa." Napabuntong hininga nalang ako. Alam ko namang kailangan kong
sabihin sa kanya ang tungkol sa anak namin pero hindi pa siguro sa ngayon.

"Sasabihin ko na naman sa kanya ang tungkol sa anak namin eh, hindi nga lang sa
ngayon Bestie. Hindi pa ako handang harapin siya."

"At kailan ka naman magiging handa aber? Limang taon na ang ipinagkait mo sa anak
niya Bestie, baka kasuhan ka pa no'nn pag nagkataon. At isa pa, isipin mo naman ang
anak mo, hindi lang ang ama niya ang masasaktan mo. Masasaktan mo rin Skeet, pag-
isipan mong mabuti Bestie."

Napatingin naman ako kay Yvonne. Ganun na ba ako kasamang ina? Ganun na ba ako ka
selfish para ipagkait kay Skeet ang magkaroon ng isang ama?

"Bestie mali bang tinakasan ko ang lahat dahil nasaktan ako? Mali bang inisip ko
muna ang sarili ko? Natatakot din naman ako Bestie eh. Pa'no kung hindi siya
maniwalang anak niya si Skeet? Pa'no kung tanggihan niya anak ko? Ayaw ko nun
Bestie. Ayaw kong masaktan ang ang anak ko."

"Di ba ang sabi mo sa'kin carbon copy ng ama niya si Skeet?" Oo, kamukhang kamukha
nga ni Skeet ang kanyang ama at kahit sino ang makakakita aakalain talagang mag-ama
nga sila.

"Sabihin na natin tatanggapin niya si Skeet pero.... pero Bestie pa'no kung kukunin
niya sa'kin ang anak ko?" Bigla naman akong natakot sa ideyang kukuhanin sa'kin si
Skeet. Hindi. Hindi ko makakaya 'yon. Ang anak ko na ang buhay ko ngayon at hindi
ko kakayaning malayo sa kanya.

"Hindi naman niya siguro gagawin 'yon sa'yo, Bestie. Kailangan mo na lang
magpakatatag para sa sarili mo at sa anak mo. Hindi mo

maiiwasan ang iyong nakaraan habang buhay. Siguro kailangan mo nang harapin ang
consequences ng mga naging desisyon mo five years ago..." mahabang paliwanag ni
Bestie at niyakap ako. God! Tulungan Niyo po akong harapin ang lahat ng maaaring
mangyari. Kayo na po ang bahala sa tadhana. Gabayan Niyo po kami ng anak ko.

"Thank you talaga Bestie ha?"

"Hay naku! Huwag ka ngang iiyak-iyak diyan! Basta ang tandaan mo nandito lang ako,
Bestie. Susuportahan ko ang anumang magiging desisyon mo." Napahigpit naman ang
yakap ko kay Yvonne. God! Thank you for giving me a bestfriend like her!
***

"Sigurado ka bang hindi mo ako kailangan isama iha? Baka naman mahirapan ka 'don."
Nag-aalalang pahayag ni Manang Nelia.

"Huwag po kayong mag-alala Manang. Andun naman po si Bestie eh. Siya na po ang
bahala kay Skeet habang nasa training ako."

"Sige, mabuti naman at hindi ka na mahihirapan. Basta mag-iingat kayo 'don."

"Salamat po talaga, Manang. Mag-iingat din kayo ni Shawn dito."

Ngayong araw ang alis namin ni Skeet. Mabuti naman at mabilis naming napapayag ang
principal nila na pansamantala munang titigil si Skeet. Todo bilin din siya sa akin
na mag-ingat. Si Bestie naman ay nauna nang umalis nuong nakaraang araw dahil may
aayusin pa raw siyang papeles.

"Ingat ka 'don pamangkin ha? At huwag mong bibigyan ng sakit ng ulo si Ate."

"Of course, Tito Shawn I won't let my mom's head hurt because I love her."

Napangiti ako nang marinig ko ang man to man talk 'kuno' ng kapatid at ng anak ko.
Nagkataong walang pasok si Shawn kaya inihatid niya

kami dito sa airport. Nandito na rin ang boss kong si Ma'am Suarez. Kahit papa'no
ay magaan ang pakiramdam ko sa suportang ibinibigay nila.

"Everything is set there, iha, may susundo sa inyo sa airport. Hanapin mo lang ang
may hawak na placard na SDM Empire. Iyon na ang susundo sa inyo, got it?" -Ma'am
Suarez

"Okay po, Ma'am. Salamat po."

"Alright. Mag-ingat kayo do'n."

Binitbit ko na ang maleta sa kaliwang kamay at hinawakan ko naman sa kabilang kamay


ko si Skeet nang tinawag na ang flight namin.

"Alis na po kami. Bunso, ikaw na muna ang bahala kay Manang Nelia ha? Tawagan mo
agad ako pag magkaproblema." Bilin ko kay Shawn.

"Opo ate, ako nang bahala. Mag-ingat kayo."

Tumango naman si Ma'am Suarez sa'kin at nagwave ng goodbye. Ganoon din kay Skeet na
abala sa kakaikot ng kanyang mata na parang naa-amaze. Siguradong uulanin na naman
ako nito ng mga tanong mamaya.

***

Eksaktong alas diyes ng umaga nang lumapag ang eroplanong sinakyan namin. Hindi na
rin ako nahirapang maghanap ng sinasabi ni Ma'am Suarez na may hawak ng placard
dahil sa laki nito. May nakasabay din kaming mga trainees galing Iloilo at Davao.
Isang van ang naghatid sa'min sa apartel na tutuluyan.

Akala ko ay simpleng apartel lang ang tutuluyan namin pero namangha ako nang
makitang parang condominium na sa laki ang bawat kwarto. Kompleto din ito sa gamit
at malaki ang higaan. May flat screen tv rin sa mini sala. Punung puno rin ng
pagkain ang refrigerator sa kusina.
Seriously?

Ganun na ba kayaman ang may ari nito. Napag-alaman ko ring ang dami pala talagang
affiliates ng SDM Empire sa iba't

ibang panig ng Pilipinas. Isa na 'don ang PME Residences, buhat pa doon ay may
kompanya din sa Iloilo at Davao na nagpapatakbo ng restaurant at hotels at marami
pang iba.

"Is this our new house mom? It's so big!" Si Skeet na manghang mangha sa kanya
nakikita.

"No honey. This is not our house. Dito lang muna tayo while mom is working okay?
Uuwi din tayo after two months." Tumango tango naman ito na parang matanda.

"Mom I'm hungry." Oh! Ang anak ko nagugutom na. Mabilis kong tinawagan sa telepono
ang reception para magpahatid ng pagkain. Hindi din nagtagal ay may kumatok sa
pinto na may dalang pagkain. Pagkatapos kong ayusin sa mesa ay pinakain ko muna si
Skeet.

Tinawagan ko muna si Bestie habang kumakain si Skeet. Napagpasiyahan kong mamaya


nalang kakain dahil hindi pa naman ako nagugutom. Mamaya nalang siguro pagkatapos
kong ayusin ang mga gamit namin.

"Kakarating lang namin, Bestie."

"Ganun ba? Pupuntahan ko kayo diyan mamaya. Ibigay mo ang address niyang Apartel na
sinasabi mong tinutuluyan niyo."

"Okay. Itetext ko nalang pagkatapos ng tawag."

"Yung inaanak ko nga pala?"

"Kumakain pa eh. Nagutom sa biyahe."

"Sige Bestie ibababa ko na muna 'to. Kakausapin ko pa yung principal."

"Okay Best. Ingat. Bye."

"Bye Best."

Inumpisahin ko nang ayusin ang mga gamit sa cabinet sa kwarto habang kumakain pa si
Skeet. Nagpapasalamat nalang ako na hindi dependent ang anak ko pagdating sa
pagkain. Hindi na siya kailangang subuan pa dahil marunong na ito.

Pasado alas dose na nang matapos kong ayusin ang

lahat. Si Skeet naman ay nakatulog sa harap ng tv. Napagod siguro sa biyahe kaya
binuhat ko na lang papuntang kwarto.

***

"Hindi naman pala mahirap hanapin 'tong Apartel niyo Bestie. Ang lapit lapit lang
sa school na pinagtatrabahuhan ko." Si Bestie na inilibot ang paningin sa buong
kwarto.

"In fairness ang lakit nito Bestie. Parang bahay niyo na 'to sa Cebu eh. Ang yaman
yaman siguro ng may-ari nito!" Namamanghang sabi pa nito.
"Siguro. Anyways, kamusta naman ang unang araw mo sa pagtuturo Bestie?" Pag-iiba ko
ng usapan. Nabigla ako ng nag-iba ang expression ng kanyang mukha. Sumimangot na
ito kaya lalo tuloy lumiit ang singkit niyang mata.

"Oh? Anyare? Akala ko ba maganda 'don? Don't tell me nahihirapan ka Bestie?" Kunot-
nuong tanong ko sa kanya.

"Hindi no. Naiinis lang ako. Arrrgh! Naalala ko na naman ang antipatikong may-ari
ng eskwelahan na 'yon. Kung hindi lang talaga malaki ang pa sweldo doon nilayasan
ko na 'yon! Kaasar!"

"Bakit?"

"Ay naku huwag ka na nga magtanong tungkol sa antipakong guwapong kumag na 'yon!"

"Wow! Sinabi mo bang gwapo Bestie?" I smell something fishy!

"What the? No! Ang pangit ng nilalang na 'yon. Antipako, mayabang, ang sama ng
ugali! Akala mo kung sino kung umasta! Argh! Bwisit!"

"Excuse me Teacher Yvonne? Natutulog po ang inaanak mo sa loob. Watch your mouth!"
Napatutop naman ito sa kanyang bibig at nag sign ng zipper sa bibig.

"Maiba nga lang tayo Bestie. Diba sa SDM Empire ka kamo magte-train?"

"Yup. Bukas nga mag-uumpisa na siguro."

"Alam mo Bestie yun yung building sa harapan ng school eh."

"Huh?"

"Oo. Ang laki-laki ba naman ng pangalan ng building na 'yon. SDM Empire, iyon ang
nakasulat sa labas na puro gold na letra. Glass wall pa nga eh. Sosyalin. Kaya
siguro sosyalin pati ang tinutuluyan ng mga trainees."

"Eh di mabuti na rin pala kung ganun. Hindi na ako mahihirapang sunduin si Skeet."

"Sabagay."

Pagkaalis ni Bestie ay napagpasyahan kong tawagan si Ma'am Suarez para ipaalam na


nakarating kami ng maayos. Binigyan na lang din niya ako ng instructions ng mga
gagawin ko bukas sa SDM Empire.

SDM Empire.

Hindi ko alam pero pakiramdam ko parang bumibilis ang tibok ng puso ko sa tuwing
sasabihin ko 'yon.

Napapraning na yata ako.


****

Fairy: Corny nito. Huhuhuhu. Hayyyyy.

♕GreatFairy♕

=================

Chapter 26

Chapter 26

"Bestie, tawagan mo agad ako pag magkaproblema ha? Alam mo naman 'yang inaanak mo
kung anu ano ang pumapasok sa utak," Bilin ko kay Bestie. Nandito kami ngayon sa
private university na pinagtatrabahuhan niya. Hindi na ako nagtataka kung bakit
malaki rin ang pasahod dahil mukhang mayaman nga talaga ang may-ari nitong
eskwelahan. Kompleto ito mula grade school hanggang college level kaya masyadong
malaki ang eskwelahan.

"Oo naman Best, huwag kang mag-alala ako nang bahala sa kanya. Isa pa andyan ka
lang naman sa kabilang kalye eh. Hindi rin naman gaano karami ang subjects na load
ko kaya mababantayan ko talaga siya." Si Bestie.

"Kahit na 'no, baka kasi masyado ka na naming naaabala ni Skeet."

"Bestie naman! Ayan ka na naman eh. Sinabi nang wala sa'kin 'yon. Isa pa pamilya na
ang turing ko sa inyo ng inaanak ko."

"Salamat, Bestie. Sige na papasok na ako."

Binalingan ko naman si Skeet na abala sa kakatingin sa fountain sa harap ng admin


building ng eskwelahan.

"Honey, papasok na si mommy ha? Huwag kang magpasaway dito, okay?"

"Where are you going, mom?"

"Kita mo 'yon?" turo ko sa kanya sa mataas na building ng SDM Empire na abot tanaw
mula dito sa university.

"Diyan magwo-work si mommy kaya behave ka muna dito sa ninang Yvonne mo okay?"
Tumango naman ito at nag-umpisa na namang maglikot ang mga mata.

"Pasok na ako Bestie."


"Okay Best, ingat ka."

Humalik muna ako sa kanilang dalawa bago tuluyang umalis patungong SDM Empire.

Pinapasok naman agad ako ng mga guard ng ipinakita

kong trainee ako galing sa PME.

Napakalawak at eleganteng reception ang bumungad sa'kin pagkapasok ko sa loob.


Napangiwi pa ako nang mapansing nakatuon sa'kin ang lahat ng atensyon pagkapasok
ko. Simpleng royal blue corporate dress lang naman ang suot ko na pinatungan ko ng
blazer na itim at pinarisan ng black pumps. Sinubukan kong ngumiti kahit pa
naaasiwa ako sa tinging ipinupukol nila. Lumapit ako sa receptionist na kasalukuyan
pa ring nakatingin sa'kin na parang isa akong alien.

"Ahm, G-good morning...Ako po yung trainee galing sa PME Residences sa Cebu."


Ipinakita ko naman agad sa kanya ang ID ko. Napansin kong bigla itong umismid.

"You're 15 minutes late, Miss. Were you not informed na lahat ng trainees ay dapat
8:15 pa lang narito na? Hindi ka empleyado dito para pumasok ng 8:30." Napayuko
naman ako sa hiya. Wala namang sinabi si Ma'am Suarez na mas maaga pa pala dapat
pumasok ang mga trainees. Ang sinabi lang niya 8:30 nag-uumpisa ang office hours
dito.

"P-pasensya na Miss. Hindi ko kasi alam na ma-"

"Never mind. Pumunta ka na lang sa third floor. Andun lahat ng trainees sa HR


Department pinapapunta for orientation. Good luck sa'yo kung hindi ka pagagalitan,"
mataray na sabi pa nito at bigla akong tinalikuran kaya dali-dali na rin akong
tumungo sa public elevator paakyat ng third floor.

Pagkarating ko ng third floor ay halos lahat din ng mga mata nakatutok sa akin.

"You must be Shane Amethyst Cervantes of PME Cebu, aren't you?" Pagkuwa'y tanong ng
nakaunipormeng medyo may edad na babae habang nakatingin sa folder na marahil ay
may pangalan ko. Naalala

ko tuloy si Tita Amanda sa Garnet Corp.

"Y-yes Ma'am. I'm sorry I'm late."

"It's alright. Magsisimula pa lang naman sana kami but next time don't be late.
Ayaw na ayaw ng boss natin ang late."

"O-okay po. P-pasensya na po."

Umupo na ako sa bakanteng upuan sa bandang likod. Eighteen kami lahat ng trainees
for promotion na galing din sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas. Hindi lang pala
condominiums at hotels ang line of business ng SDM Empire. May mga subdivisions din
pala sila at mga resorts na nakakalat sa exclusive places ng iba't ibang lungsod
dito sa bansa. May mga trainees ring galing sa tatlong mall na affiliates din daw
ng SDM, ang yaman pala talaga ng may-ari nito. Ito na siguro ang ibig sabihin ni
Ma'am Suarez na ang SDM Empire ay nangunguna sa chain of real estates.

"Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa. Lahat ng mga rules and policies ay nakasulat na
diyan sa papel na hawak niyo. But the very first thing na dapat malaman niyo ay ang
observance ng rule na no late policy. Our boss is very particular when it comes to
tardiness. You all know that you will be the future heads of your departments, and
as a head, you should be aware of your performance. Higit sa lahat ayaw ni boss ng
mga kukupad-kupad sa trabaho. Bawat patak ng oras natin sa kompanya ay may bayad.
He spends his millions to pay our services so we should give our best to our
respective jobs."

Lahat kami ay nakikinig ng mabuti sa sinasabi ng head ng HR. Nagsa-scan rin ako ng
papel na ibinigay sa amin habang nakikinig.

"Our boss is a very private person. Minsan lang siya nagpapakita sa mga ordinaryong
empleyado. He seldom

visits the other companies he handles. Malaki ang tiwala niya sa mga heads and
managers kaya dapat pulido tayo sa trabaho. He is a very busy person at wala siyang
oras sa mga walang kabuluhang bagay. Pag oras ng trabaho dapat trabaho lang."

Hindi na rin ako nagtaka kung iyon ang naririnig ko. Expected naman na ganun talaga
ang mga mayayaman. Masyadong istrikto pagdating sa trabaho. They always wanted
everything to be perfect.

Marami pang in-orient sa amin ang HR Head. Pinakinggan ko iyon lahat at nag-take
down notes din ako ng mga importanteng detalye. Puro orientation lang pala ang
nangyari buong umaga. Ipinakita rin sa amin sa slide show ang iba't ibang negosyo
na hinahawakan ng SDM Empire, kasama na d'on ang PME Residences na
pinagtatrabahuhan ko sa Cebu.

Pagkatapos ng mahabang orientation ay binigyan kami ng personal data blank form


para i-fill up. Binigyan din kami ng naka styro na pagkain for lunch break.

Mabilis kong tinapos ang pagkain ko at tumungo sa comfort room para makatawag kay
Bestie at kumustahin. Nakatatlong ring pa ito bago niya sinagot.

"Bestie? Kamusta kayo diyan? Si Skeet?"

"Bestie! Naku sorry kung matagal kong nasagot. Hindi ko napansin eh. Nagkakatuwaan
kasi kami dito sa faculty office eh."

"Okay lang Best, ichi-check ko lang sana si Skeet. Naglunch na ba kayo?"

"Kakatapos lang namin actually. Ayun mukhang nagustuhan naman dito ng inaanak ko.
Pinagkakaguluhan nga lang ng mga co-teachers ko. Nag-aagawan ba naman sa bata kasi
gusto siyang isit-in ng lahat sa kani-kanilang klase." Pareho naman kaming natawa
ni Bestie. Hindi ko naman sila masisisi.

Madali naman kasing mahuhulog ang loob kay Skeet ng kahit na sinong makakasalamuha
niya. My son is adorable and beyond smart at his age.

"Sana lang talaga hindi sumakit ang ulo nila sa kalokohan ng inaanak mong yan."

"Huwag kang mag-alala Bestie, keber na sa kanila basta daw makasama lang nila ang
anak mo. Ay teka, gusto mo ba siyang makausap?"

"Hindi na siguro Bestie, baka mamaya niyan hahanapin pa niya ako at papuntahin
diyan. Hindi pa naman ako pwede lumabas dito. Alam mo naman yang inaanak mo, kung
aatekihin ng topak ayaw ng humiwalay sa blusa ko!" Natawa naman si Bestie sa sinabi
ko.

"Kaya nga hindi na ako magtataka kung lalaking mama's boy ang batang 'yun. Baka nga
hindi na 'yon maghanap pa ng ama." Napatahimik naman ako sa sinabi ni Bestie.
Maging siya ay natahimik rin sa kabilang linya.
Narinig ko naman ang pagtikhim at paghinga niya ng malalim sa kabilang linya.

"Nga pala Bestie, may program dito mamaya dahil teacher's day," pag-iiba nito sa
usapan.

"Tutugtog daw si Skeet mamaya. Pinakialaman niya kasi ang piano kanina sa music
room. Ayun nalaman nila na marunong at magaling pala magtugtog ang anak mo,
pinagkaguluhan. Sa huli napagkasunduang patugtugin nalang siya mamaya. Pupunta rin
kasi ang dalawa pang may-ari nitong university."

"Akala ko ba 'yong mayabang na lalaki na nakaaway mo ang may-ari ng school na


'yan?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Hindi Bestie. Tatlo raw silang magkakaibigan ang may-ari nito. Sigurado puro yun
mayayabang katulad ng isang pangit na 'yon!" Napahagikgik naman ako sa narinig ko.
Siguradong umuusok na naman ang ilong ng bestfriend ko.

"Ikaw na ang bahala, Bestie. Basta huwag mong kalimutang tawagan ako pag tinopak
yang inaanak mo."

"Sure thing. Sige Bestie ibababa ko na 'to. Mag-aayos pa ako para sa program
mamaya."

"Sige. Happy teacher's day nga pala best!"

"Thanks Bestie!"

Pagkababa ko ng tawag ay inayos ko ang sarili ko dahil medyo nagusot ang damit ko
sa kakaupo kanina. Sinuklay ko na rin ang buhok ko at nag-apply ng face powder.
Hindi na rin ako naglagay ng lipstick dahil allergic ang bibig ko. Ewan. Siguro
depende din sa brand ng lipstick.

Nang makontento na ako sa ayos ko ay lumabas na ako ng comfort room. Naabutan ko


rin ang mga co-trainees ko na parang dinaanan ng tension. Napansin ko rin ang
pagsarado ng private elevator pero hindi ko naaninag ang mukha ng sakay nito dahil
malapit na malapit ng magdikit ang magkabilang pinto nito pagtingin ko.

"Ay, Miss sayang hindi mo na meet yung big boss. Kakaalis lang niya..." bulalas ng
babaeng isa rin sa mga co-trainees ko.

"Talaga?" Interesadong tanong ko sa kanya. Bigla kasing parang nakaramdam ako ng


galak. May bahagi sa aking gustong ma meet ang big boss. Naku-curious kasi ako sa
itsura niya.

"Oo. At alam mo ba, shit! Ang gwapo niya. At ang hot, hot pa!" Parang teenager na
bulalas nito na animo'y kinikilig nang makita ang crush.

"Akala ko matandang panot ang big boss natin..." wala sa sariling sagot ko sa
kanya.

"Anong matanda eh ang gwapo-gwapo niya kaya! Siguro mga 27 or 28 pa lang ang edad
nun."

"Ah. Ganun ba? Siguradong may girlfriend na yun o asawa base sa description mo..."
sabi ko na lang pero hindi ko maintindihan ang sarili ko.

Bakit parang tinatambol ang dibdib ko sa kaba?


***

Fairy: Pinagtatiyagaan mo parin ang story na 'to? hehehehehe... Sorry talaga.

♕GreatFairy♕

=================

Chapter 27

Fairy: E kasi ang drama ni Amethyst, kaya kay Stan munang POV. lol. Anyway, salamat
sa pagtitiyaga nitong story. Lab you!

****

I sat immediately on my executive chair as soon as I entered my office. I rested my


back on it and closed my eyes exhaustively.

Being the president of my own empire demands a lot of my time and hard work. I had
attended several meetings this morning. I also had to check on the trainees from
different companies I'm handling. Remind me to increase the HR Manager's salary for
doing her job well.

I immediately opened my eyes and sit properly when my phone rang.

"Speakk," I told him.

"Boss. Me-"

"Make sure you f*cking got something good this time!" I said as I cut him off.

"Yun nga boss. May magandang balita ako sa'yo. Nakahanap na kami ng lead sa isang
unibersidad."

"F*ck! Just tell me your goddam news!" I shouted impatiently.

"Y-yung k-kapatid niya boss... S-sa University of Cebu nag-aaral."


"Cebu?" So all these f*cking years? I calmed myself from breathing heavily.

"Yes, boss. Nakuha namin ang pangalan ng kapatid niya sa listahan ng pangalan ng
mga estudyante."

"Make sure you got their exact address the next time you f*cking call me. And I
want the address as as possible!"

"Areglado bo-" I ended the call before he could finish his goodbyes. I'm not
interested anyway. All I want is his update of his job.

I've been spending millions for five years just to find the woman I hate the most.
Scratch that, I loathe her. I loathe her for hurting me and

leaving me without any word. I'll make sure she'll pay for what she'd done to me.
And I'll make sure she'll taste hell like what she did to me when she left me
hanging.

I leaned on my table and started to massage my temple. I felt the sudden urge to
rush to Cebu to catch her. But I can't do that without knowing her whereabouts and
address. I can't believe all these times she's in Cebu. I wonder how she was able
to get there. I even tried to break that Justine Solinap's neck just to find her
but I failed. I also got him investigated but I found out he knows nothing about
her disappearance.

Everything that happened five years ago is still fresh in my mind. I was fuming mad
when I saw her hugging that Solinap guy, that I wasn't able to control myself from
punching him. I was ready to talk and hear her explanations when I saw that f*cking
pictures of her with that guy. I felt betrayed and I can't accept the fact that she
was able to cheat on me.

I did not talk to her and showed to her for I was afraid to lose her. I was afraid
she might leave me and choose that bastard over me. So I decided not to show
myself. But when Andrea kissed me at the hospital, I realized how much I love her.
I even thought she was the one I was kissing but when I got to my senses and find
out that it was Andrea, I pushed her and walked away.

I was covered with guilt for kissing Andrea. I shouldn't have done that. I love
her, and Andrea is just a mere childhood friend to me. I composed myself and tried
to regain my senses for two days. I was ready to talk to her and forgive her for
cheating on

me but when I went to her place, I found nothing but an empty small house. She left
me without any trace of her. She left me hanging and devastated. She broke even the
tiniest piece of my heart for leaving me. And I loathe her for that. I don't feel
anything right now but hatred and anger towards her. Yeah, I don't love her
anymore.

I got back to my senses when my phone rang again. It's Caleb.

"What do you want?" I asked in a bored tone. Tss.

"Relax! Palagi na lang mainitin ang ulo mo. Nakalimutan mo na ba? Teacher's day
ngayon. Syempre kailangan ang kagwapuhan natin do'n.." He said humorously but I did
not find it funny or anything else.

"I can't. I'm busy. Your presence and Brent's is enough for that program," I said
annoyingly. I have a lot of papers to sign and I've got no time for that kind of
shit.
"Baka nakakalimutan mo dude, ito ang kauna-unahang teacher's day na isi-celebrate
ng school at kelangan ang presensya natin para mapakilala sa lahat ng guro." I
heaved out a sigh.

"Just-"

"Mijares dude, abot tanaw mo na ang eskwelahan hindi ka pa makakapunta. Pambihira


ka naman. Lumabas ka naman d'yan sa lungga mo at maghanap ng chicks!" He said while
laughing teasingly.

"Give me a f*cking reason why should I attend that shit..." I said. I am not really
interested.

"Dahil gwapo ako!" He answered.

"F*ck you!"

"I love you too dude. Basta pupunta ka. See you!" I wasn't able to talk back when
he ended the call. Insane. Tss.

I fixed my tie and went out of my office. I stopped in front of Miss Solinap, my
secretary. She's still my secretary

until now. I could have fired her when I found out she's Justine Solinap's cousin
but I didn't. She's efficient in her work and the best secretary so far. And for
sure she has nothing to do with her cousin's whereabouts.

"Cancel all my appointments this afternoon and leave all important documents for
signature on my table," I said and made my way to my private lift.

"Yes, Sir." I heard her answered behind my back. That's what I like about her. She
knows how to follow my orders without any questions.

I decided to use my car even if the university we owned is just across the street.
I don't want to walk to the cultural center where the program will be held. The
school is quite big and it takes minutes to walk from one building to another.

The program has already started when I arrived. I saw Caleb and Brent in their
signature attires sitting in front like mighty kings. I decided to walk to their
direction wearing my authoritative look.

"We acknowledge the presence of Mr. Stanley Drew Mijares. Good afternoon Sir, and
welcome to our teacher's day program." I just nod at the emcee and took the seat
beside Brent. I heard the teachers greeted me but I just nod at them.

The program continued and Caleb gave a speech. Students from colleges had their
presentation for their teachers as well as the high school students. I tried to
make myself interested but I get more and more bored. I don't want to give a damn
about those presentation. Tss. I've seen a lot of shits like that when I was a
schooler anyway.

"Thank you students for your wonderful performances. Let us now proceed

to our grade schoolers. They also prepared presentation for their teachers. But
before that, let us hear and witness the surprise presentation from a four-year old
kid to our beloved teachers. Ladies and gentlemen, Skeet Alvan in his piece,
Ballade Pour Adeline." I focused my eyes on stage when the other teachers set a
piano and a microphone in front. I sighed. I'm getting sleepy. Maybe I'll just
watch this and go back to the office.

"Skeet Alvan." The emcee called once again. A kid in checkered red polo appeared on
stage and sat in front of the piano.

Seriously? That kid will play the piano? I don't know why but my heart skipped a
beat when he look to our direction.

He started to play the instrument but after a second, he stopped and stood up. He
approached a teacher and whispered something. I can see the shock and hesitation on
the teacher's face but the she gave her cellular phone to the kid.

We were surprised when he came down from the stage and walk to our direction, more
likely in my direction. He stopped right in front of me and handed me the phone he
got from the teacher. I felt something touched my heart when I got to see him
closely. He's face is too familiar to me. I think I already saw him, I just can't
remember where and when.

"Hey big man, can you get a video of me while I'm playing the piano? Please?" He
asked almost pleadingly. I don't know what came on my mind but I teased him.

"Why would I? You're a stranger," I said trying to hide the smile that formed on my
lips. I find this kid adorable.

"My name is Skeet Alvan, four years old. Now, you know me, I'm not a stranger
anymore. My mom's not here because she's working that's why she will going to miss
my concert. So big man, can you now take a video of me?" I shook my head in
disbelief while smiling. This kid is too smart.

"Does your mom knows about this concert of yours?" I asked him still smiling and
emphasizing the word concert as what he call with his performance.

"No. Mom doesn't know about this. And this is supposed to be a surprised for her.
Can you do that for me big man?" He asked as if talking like a business man. This
kid got lucky parents to have him.

"Alright, kiddo. But can I just use my phone instead?" I asked showing him my
phone.

"Okay big man. But you give a copy to my ninang Yvonne, okay?" I just nod at him
not even realizing that I don't know that ninang Yvonne of him he was talking
about.

He returned the teacher's phone and came up the stage then sat again in front of
the instrument. I opened my phone and started to record a video of him. I was damn
surprise because he's good! He performs like a well-trained musician. He's not even
looking on the keyboard while he plays. Genius! I can't believe a four year old boy
can perform that way. He's too good to be true!

My eyes focused on him the entire time of his performance, not even blinking once.
I don't know why, but I can't get enough the sight of him, playing that instrument.
Brent and Caleb even looked stunned.

I just got back to my senses when I heard a loud applause from the audience. The
teachers also looked teary-eyed. But I don't give a damn about them because my mind
is occupied with questions.

Who is this kid ? And what's happening to me?


♕GreatFairy♕

=================

Chapter 28

Chapter 28

"Kumusta? Hindi ka ba nahirapan sa inaanak mo?" tanong ko kay Bestie. Napagod si


Skeet kaya nakatulog agad ito pagkatapos ko siyang bihisan.

"Hindi naman Best. Hindi ko nga 'yan masyadong nakakasama kasi nilibang ng mga co-
teachers ko ng kung anu-anong pakulo."

"Salamat Bestie ha?"

"Ayan ka na naman sa walang katapusang pasasalamat na 'yan Bestie. Ay siya nga


pala, may video ako dito ng tugtog ni Skeet kanina."

Inabot sa akin ni Bestie ang cellphone nito. Namangha naman ako sa ginawa ng anak
ko. Pa'no naman kaya niya natutunang tugtugin 'yon? Hindi ko maiwasang mapatakip sa
sariling bibig at mapaluha.

"Si Skeet ba talaga 'to, Bestie?"

"Walang duda! Ano? Hindi ka makapinawala no? Pati nga raw ang tatlong may-ari ng
university napanganga sa ginawa niya. Hindi lang akong masyadong nakapanuod kasi
busy ako sa kakaasikaso ng mga bata. Buti na nga lang kinuhanan ng video ng co-
teacher ko."

My son is really something. Hindi ko naman siya tinuturuan kasi wala naman akong
alam sa mga instrumento. Kadalasang pinapapanuod lang siya ni Shawn ng mga tugtog
sa youtube nung nasa Cebu kami. Hindi ko akalaing na master niya kaagad ang mga
iyon.

"At ito pa, Bestie. Kaloka 'yang anak mo, nagrequest ba naman sa isa sa mga may-ari
ng school na kuhanan siya ng video. Ayon mukhang natuwa naman sa kanya,
pinagbigyan. Kakaiba talaga ang karisma ng inaanak ko!"

Nag-bluetooth ako ng sarili kong kopya ng video at ipinagpatuloy ang panunood.


Nakakaaliw panuorin ang anak ko na parang isa talaga siyang batikang musikero.

"Eh

ikaw, Best? Kamusta naman ang unang araw mo sa training?" Tanong ni Bestie habang
ibinabalik nito cellphone sa kanyang bag.

"Okay lang. Puro orientation lang naman kami ngayong araw eh."
"Mabuti naman pala Bestie at magkatapat lang ang pinagtatrabahuhan natin. Alam mo
ba na isa daw sa may ari ng school ang big boss sa pinagtatrabuhan mo?"

"You mean, iisa lang big boss natin?"

"Yun ang sabi sabi sa eskwelahan. Grabe, sobrang yaman pala talaga ng boss natin
Bestie! Hindi ka ba nagtataka? Parang coincidence talaga."

Coincidence.

Napahawak naman ako sa aking dibdib. Parang biglang kumabog ito sa salitang
binitawan ni Bestie. Anong bang nangyayari sa'kin? Bakit palagi na lang akong
kinakabahan?

"Bestie?" Natauhan ako nang kinalabit ako ni Bestie. Nawala pala ako sa sarili ko.

"Baka nga Bestie. Baka coincidence lang talaga."

Nawiwirduhang nakatingin lang sa'kin si Bestie pero hindi naman ito nagtanong pa.

"Anong oras ka ba uuwi Bestie?" Pagda-divert ko sa usapan.

"Mamaya na lang siguro, Best. Boring kasi sa dorm. Wala pa naman akong masyadong
gagawin kasi natapos lahat kanina. At isa pa baka andun na naman ang impaktong
pangit para guluhin ako." Natawa ako nang bigla na naman itong sumimangot. Ang
ganda talaga ng Bestie ko kahit nakasimangot. Lumiliit ang kanyang mga mata.

"Baka naman ma in loved ka na do'n Bestie ha? The more you hate the more you love
ika nga." Lalo akong humalakhak nang umusok na naman ang ilong nito sa inis.

"Tigilan mo ako Bestie ha! Eew! Ako? Mai-in love sa impaktong 'yon? Goodness
gracious! Wag na uy. Sa ganda

kong 'to?" Mataray na untag nito.

"Teacher ka ba talaga Bestie?" Pang aasar ko pero tiningnan niya ako ng masama kaya
tumigil na lang ako.

"Puwde ka namang matulog dito Bestie eh. Malaki naman itong kwarto namin."
Suhestiyon ko pero umiling lang ito.

"Huwag na 'no. Nakakahiya. Hindi mo naman bahay to baka nakakalimutan mo."

Huminga ako ng malalim. Oo nga pala.

"Oh? Lalim 'non ah? Ano iniisip mo?" Untag ni Bestie.

"W-wala naman, Best..." pagsisinungaling ko.

"Huwag mo nang subukang magsinungaling Bestie. Kilalang kilala kita. Iniisip mo na


naman ang ama ng anak mo no?" Minsan mahirap din talagang magkaroon ng psychic na
kaibigan. Hindi ka makakapagsinungaling. Napabuntong hininga na lang ako.

"Ayan! Sinasabi ko na nga ba!" Bulalas nito.

"Bestie kasi-"

"Ano? Namimiss mo siya no? Bestie, mahal mo pa ba siya?" I was caught off guard.
Kinapa ko naman ang dibdib ko.

"H-hindi ko alam Bestie eh."

Hindi nga ba? Ewan. Naguguluhan ako. Para kasing nasasaktan pa rin ako hanggang
ngayon.

"Sorry Bestie ha? Pero palagay ko mahal mo pa rin siya. Kasi kung hindi na, hindi
ka mahihirapang sagutin ang tanong ko."

Oo nga naman. Pero bakit masakit pa rin? Masakit pa rin isipin na binaliwala ka ng
taong minahal mo. Nasasaktan pa rin ako. Ganoon nga talaga siguro pag nasaktan ka.
Hindi nawawala. Nasanay lang ang puso mo sa sakit. Sabi nila, time heals the pain.
Pero bakit kahit limang taon na ang nakalipas parang kahapon lang nangyari ang
lahat?

Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Bestie. Naramdaman ko na lang na yakap yakap

na niya ako.

"Alam mo, Bestie, hindi mo naman kailangang ikulong sa dibdib mo ang nararamdaman
mo. Kung nasasaktan ka pa rin, iiyak mo. Hindi mawawala pero atleast naiibsan ang
sakit."

As if on cue, my tears started to fall. Ang akala ko naubos na ang luha ko limang
taong na ang nakaraan. Mali pala. Kasi habang tumatagal lalo akong nasasaktan.

NAGISING ako na parang mabigat ang aking ulo. Inumaga na nga pala ako nakatulog sa
kakaiiyak. Bakit ba pasaway 'tong puso ko? Nasaktan na nga pero namimiss pa rin ang
taong nanakit dito.

Alas sais na pala nang tingnan ko ang oras sa cellphone ko. Bumangon na ako kahit
gustong-gusto ko pang ipikit ang mga mata ko. Mahimbing pa rin ang tulog ngm aking
anak. Umupo ako sa gilid ng kama at hinaplos-haplos ang kanyang mukha. Napangiti
ako nang mapait. Wala manlang minana sa'kin ang anak ko. Para siyang young version
ng kanyang ama.

Kung hindi ba ako umalis noon at hinarap ang lahat, masaya kaya tayo ngayon? Buo
kaya tayong pamilya?

Tumayo na ako pagkatapos kong pinagsawa ang sarili ko sa katitig sa anak ko.
Hinding-hindi ko na maibabalik pa ang lahat. Ang mahalaga sa akin ngayon ay ang
anak ko. Bahagi na lang ng nakaraan ko kanyang ama.

Nakaraang dapat ng ibaon sa limot.

Eksakto alas siyete nang matapos ko ang lahat. Parang bahay pala itong apartel na
'to. Kompleto sa lahat ng pangangailan, pati ang mga lulutuin. Pagkatapos kong
maligo ay hinanda ko na lang muna ang mga niluto ko sa maliit na bilog na mesa
dahil tulog pa rin si Skeet. Bigla ko namang naalala ang bahay namin noon. Tinapon
kaya nila ang mesa namin doon?

Siguradong nakatirik na doon ang mall na ipinatayo nila. Wala na akong balak na
bumalik pa roon. Baka kasi lalo lang akong masasaktan. Masakit kasing umasa ka sa
mga bagay na hinding-hindi na magiging buo kahit kailan.

"Good morning Mom." Napabalik ako sa realidad nang may pumulupot sa aking binti.
Gising na pala ang anak ko.

''Good morning honey. How's your sleep?'' Pagkuway tanong nang magkapantay ang
aming mukha.

''I had a dream, Mom. We were eating spaghetti with a big man''

''Big man?''

''Yes mom. We were really happy with my dad.'' Biglang tinambol sa kaba ang aking
dibdib. Parang biglang umurong at nagkabuhol-buhol ang aking dila. Akala ko wala sa
isip ng anak ko ang magkaroon ng ama.

Gustong-gusto niya ba talaga magkaroon ng isang ama na pati ang subconscious niya
ay naghahangad nito? Sumikdo ang dibdib ko sa sakit. Nasasaktan ako. Nasasaktan ako
hindi para sa sarili ko kundi para sa anak ko.

''I'm sorry Mom. Please don't be sad anymore.'' Nagitla ako nang pinahid ni Skeet
ang mga luha ko. Umiiyak na pala ako. Niyakap ko siya ng mahigpit. Yung parang
humuhugot ako ng lakas mula sa yakap niya.

Mahal na mahal kita, anak ko.

AGAD kong tinapos ang ang pinakahuling papel na ini-encode ko. Nag-workshop kami
buong araw kaya medyo nakakapagod.

''That's all for today, guys. Bukas magto-tour tayo sa buong building ng SDM
Empire...'' anunsyo ng head ng HR.

Nagsipag ayos naman ang mga kasamahan ko. Mukha rin silang mga pagod katulad ko.
Buong araw ba naman kaming pinaggawa

ng business proposal.

Sabay sabay kaming lahat na pumasok ng public elevator pababa ng lobby. Hindi ko
pinansin ang pagtilian ng mga babae na animo'y nakakita ng artista. Mabilis din
akong lumabas para mag-abang ng taxi. Tumawag kasi kanina si Bestie na dadalhin
niya si Skeet sa mall kasama ang iba pa niyang co-teachers.

''Mommy!'' Mabilis na dumamba ng yakap sa'kin ang anak ko pagkakita nito sa'kin.
Pinugpok ko naman ito ng halik na ikinahagikgik niya. Parang musika naman sa
pandinig ko ang tawa niya. Just like it. Parang bulang nawala ang pagod ko.

''Kayo talagang mag-ina kung maglambingan parang ilang taong hindi


nagkita...''bulalas ni Bestie na nakangiti. Katabi nito ang isang lalaki at isang
babae.

''Nga pala Bestie, si Marisse, co-teacher ko.'' Nagbeso naman sa'kin agad ito.

''Nice meeting you.'' Ngumiti naman ito.

''Eto naman si Angelo na Angela pag gabi.'' Napatawa naman kami sa walang preno-
prenong sabi ni Bestie.

''Nice meeting you too, Angelo na Angela pag gabi.'' Sagot ko naman na lalo nilang
ikinatawa.

''Kaloka ka talaga, Yvonne. Anyways nice meeting you too, Amethyst. Palagi kang
ikinukuwento ng lokaret na 'to sa amin.'' Inginuso pa nito si Yvonne na siyang
tinutukoy nitong lokaret.

''Infairness ang ganda mo nga pala talaga sa personal. Pero siguro limang ligo lang
naman ang lamang mo sa beauty ko.'' Ani Angelo.

''Ambisyosang froglet! Kahit kuko ng bestfriend ko hindi mo mapapantayan no! Dream


on!'' Pangbabara ng bestfriend ko na animo'y close na close na sila kahit na ilang
araw palang naman silang nagkakilala at nagkasama.

''Tama na nga

yan. Ikaw Angelo huwag ka nang mag-ambisyom dahil kahit ang ganda ko hindi mo
matatalbogan, kay Amethyst pa kaya!'' Singit naman ni Marisse na may kalog rin pala
sa utak.

''Tse!'' Umismid naman si Angelo at sumimangot.

''Anyways, tara na nga. Kakain na lang kaya muna tayo. Nagugutom na ako eh.'' Si
Bestie.

''Honey anong gusto mong kain-'' Bigla akong nataranta nang hindi ko na makita si
Skeet sa tabi ko.

''Bestie si Skeet!'' Nataranta naman agad si Besti pati ang dalawa. Biglang binalot
ng kaba ang aking dibdib. Napakalaki ng mall na 'to.

''Oh my! Hindi natin lahat napansin!'' Untag ni Marisse na lalong ikinatakot ko.
Nanginginig ang buong katawan ko. Ramdam ko rin ang biglang pag-iinit ng aking mga
mata dahil sa nagbabadyang luha. Napakahina ko talaga pagdating sa anak ko.

''Relax, Bestie. Mahahanap din natin siya.'' Pagpapakalma sa'kin ni Bestie pero
hindi din nakatulong.

"Ayon! Parang nakita ko siyang dumaan doon banda..." turo ni Angelo sa bilihan ng
mga gamit para sa mga engineers.

Mabilis naming tinunton ang bahaging iyon ng department store. Maagap kong inilibot
ang paningin ko.

''Ayon!'' Mabilis naming pinuntahan si Skeet na kausap ang parang dalawang may edad
na mag asawa na nakatalikod sa direksyon namin at ang saleslady na nakaharap naman.
Pero hindi ko na pinansin dahil na kay Skeet lang ang atensyon ko.

''Mommy!'' Mabilis kong niyakap ang anak ko para maibsan ang takot na bumalot sa
buong sistema ko nang mawala siya sa paningin ko kanina.

''Honey naman eh. Pinag-alala mo naman si mommy. Akala ko nawawala ka na,'' untag
ko habang hindi pa rin kumakalas sa yakap.

''I'm sorry, Mommy. I'm sorry if I made you worry. Please don't cry Mom.'' Pinahid
naman nito ang mga luha ko gamit ang maliit niyang kamay.

''Bakit ka ba lumayo, honey? Huwag mo nang uulitin 'yon ha?'' Tumango naman ito.

''What are you doing here anyway?'' Pagkuway tanong ko nang mahimasmasan na rin
ako.

''I was just asking from-'' Pumaling ang kanyang ulo at lumingon sa likod namin.

-them.'' Pagtatapos ni Skeet sa kanyang sinasabi at may itinuro sa bandang likod


namin kaya dahan dahang tumayo ako at lumingon.

Na sana ay hindi ko na ginawa.

Kitang-kita ko ang pag-awang ng kanilang mga bibig at ang panlalaki ng kanilang mga
mata habang pareho nilang pinaglilipat-lipat ang kani-kanilang paningin sa amin ni
Skeet.

''Amethyst?''

Parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Pakiramdam ko tinakasan ako ng dugo sa


buong katawan.

Biglang akong na estatwa sa kinatatayuan ko.

Why of all places dito pa kami magkikita?

Why of all people, sila pa ang nakausap ng anak ko?

Si Daddy Travis at Mommy Tamara.

Ito na ba ang sinasabi ni Bestie na hinding hindi ko matatakasan ang nakaraan ko?

♕GreatFairy♕

=================

Chapter 29

Chapter 29

''Kamukhang-kamukha niya talaga si Stanley. Oh God! Wala manlang kaming kamuwang-


muwang na may apo na pala kami,'' maluha luhang saad ni Mommy Tamara habang
sinisipat ng tingin si Skeet. Hawak-hawak niya ito sa magkabilang pisngi.
Nakatingin lang sa kanya si Skeet na parang naguguluhan.
Napatungo ako. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanila. Titig na titig
din si Daddy Travis kay Skeet. Hindi ko na rin alam kung dapat ko pa ba silang
tawaging daddy at mommy gayong wala na kami ng anak nila.

Nagi-guilty ako at nahihiya sa kanila. Nagi-guilty ako na ipinagkait ko sa kanila


ang mga panahong nakilala at nakasama sana nila ang kanilang apo. Pero higit sa ano
pa man, nangingibabaw ang takot sa dibdib ko ngayon. Natatakot ako sa mga maaaring
mangyayari pagkatapos nilang matuklasan ang tungkol sa kanilang apo.

Nakatingin lang ako sa kanilang tatlo na nag-uusap. Alam kong malaki ang
pinagtataka ni Skeet kung sino sila. Lumaki siya na si Manang Nelia lang ang
kinikilala niyang lola.

"Honey, ang mabuti pa ilibot mo muna dito sa mall ang apo natin. Mag-uusap lang
kami ni Amethyst." Tumango naman si daddy Travis sa sinabi ni mommy Tami. Gusto ko
sanang tumanggi pero naunahan ako ng hiya.

''Mommmy?'' Naguguluhang untag ni Skeet. Bigla ay parang kinurot ang puso ko na


makitang nalilito ang anak ko. Alam kong marami na itong katanungan sa isip niya.
Masyado pa namang palatanong ang anak ko.

''H-Honey. A-ano kasi. Sila ang lolo at lola mo.''

''Lolo at Lola?''

''Yes honey. Lola at Lola mo sila. Sumama ka nalang muna sa lolo

mo ha? Mag-uusap lang kami ng lola mo.''

"But mom-"

''Please honey?''

Napatungo ang anak ko at tila nag-aalinlangang sumama kay daddy Trav. Pero ng
nginitian siya ni daddy at kinarga, hindi na ito nagprotesta pa.

Nang makaalis sila tumungo nalang ako sa harap ng dessert na inihain sa amin ng
waitress. Pagkatapos ng insidenteng pagkikita namin kanina sa department store ay
dinala kami nila mommy sa mamahaling restaurant sa loob ng mall. Kahit na puno ng
pagtataka sila Bestie at ang mga co-teachers niya ay napilitan silang maunang
umuwi. Alam kong pag magkita kami bukas o mamaya ay tatadtarin ako 'non ng
katanungan.

Napaayos ako ng upo nang bigla na lang tumikhim si mommy Tamara.

''Sa totoo lang iha, I'm disappointed with you.'' Napayuko ako at hindi malaman ang
gagawin. Kaya pinili ko na lang manahimik at pakinggan ang mga susunod niyang
sasabihin.

''How old is he?'' pagkuwa'y tanong niya.

''F-four years old na po.'' Napabuntong hininga siya pero nakita ko ang pagngiti
niya. Ngiti na puno ng lungkot at paghihinayang.

''He's so adorable. Alam mo ba na para siyang matanda kung kausap? Nagtatanong siya
kanina kung para saan ginagamit ang mga T-squares. Balak niya raw magpabili sa
mommy niya.''

Napakagat ako ng labi nang biglang gumaralgal ang boses niya.


''Alam mo ba, unang kita ko palang sa kanya kanina parang na-magnet ang puso ko.
Lalo na nung mapagmasdan ko ang kanyang mukha. Para lang akong nakatingin sa life
sized na litrato ni Stanley 'nong bata pa siya.''

Hindi pa rin ako kumibo. Pero hindi ko rin napigilan ang pagtulo ng

luha ko sa bandang huli.

''Napakatalinong bata.''

''Kaya ang sabi ko sa sarili ko, napakaswerte naman ng mga magulang ng batang ito.
Sana magka apo ako ng kagaya niya. Pero hindi ko inakalang apo ko nga talaga
siya.'' Ngumiti siya ng mapait.

''Tita Tama-''

''Mommy.'' Putol niya sa sasabihin ko.

''You can always call me mommy, iha. Walang nagbago sa pagtrato ko sa'yo kahit
limang taon na ang nakaraan.'' Hinawakan ni mommy ang dalawang kamay ko na
nakapatong sa ibabaw na mesa.

''M-mommy.''

''Alam mo ba iha, gusto kitang sumbatan at magalit sa'yo. Limang taon kang nawala
na parang bula. Pagkatapos ay malalaman ko na lang na may apo na pala kami ng daddy
Trav mo. Sayang. Sayang ang mga panahon na dapat ay nakasama namin sana siya. Pero
ayaw ko namang husgahan ka. Isa rin akong ina, iha. At alam kong ginawa mong ang
inakala mong tama para sa anak mo. Pero hindi tamang itinago mo siya iha.''

''S-sorry po.'' Napabuntong hiningang kumalas siya sa pagkakahawak sa kamay ko.

''Kelan mo naman siya balak ipakilala sa ama niya?'' Bigla akong kinabahan sa
tanong na 'yon. Ito ang bagay na hindi ko napaghandaan.

''M-mommy. Please h-huwag niyo po munang sabihin sa kanya. A-ako na po ang


magsasabi. Kukuha lang ako ng tiyempo. H-hindi pa po ako handa sa ngayon.''

''At kelan ka naman magiging handa? Hindi biro ang bagay na ito.''

''Alam ko po 'yon mommy. Pero hindi ko pa po alam kung papano ko siya haharapin.''
Huminga ng malalim si mommy at hinawakan muli ang kamay ko at pinisil.

''Nire-respeto ko ang desisyon mo iha. Ano man ang nangyari sa inyo

ni Stanley noon ay wala na kaming alam do'n. You're old enough to settle your own
issues. Narito lang kami ng daddy Travis mo kung sakaling magkaproblema.''

''S-salamat po.''

''Alam mo ba baby girl, namiss kita. Namiss ka namin.''

Baby girl. Na-miss ko rin ang mga panahong tinatawag nila ako ng ganun. Para ko na
silang mga magulang. At nahihiya akong itinago ko sa kanila ang lahat sa kabila ng
kabutihang ipinakita nila sa'kin nuon.

''Namiss ko rin po kayo mommy.'' Nakangiti ngunit lumuluhang sagot ko. Tumayo ito
at lumapit sa akin. Naramdaman ko nalang na yakap na ako ni mommy kaya niyakap ko
rin siya pabalik.

''Kung sakaling handa ka na. Sabihin mo agad sa akin para matulungan kita. Alam mo
ba na kahit limang taon kang hindi nagpakita, umasa pa rin ako na ikaw ang magiging
daughter-in-law ko.'' Parang biglang sumikip ang dibdib ko sa sinabi ni mommy.

Hindi na ako umaasa ngayon na magkabalikan pa kami. Masyado ng marami ang nagbago.
Kahit aminin ko pa sa sarili ko na mahal ko pa rin siya hanggang ngayon, alam kong
hindi ko na maibabalik ang dati. Nasaktan ko siya pero nasaktan niya rin ako.

Pagkatapos naming mag usap ni mommy ay pinuntahan namin sila daddy at Skeet sa
National Bookstore. Natawa kaming pareho nang puro 3-D shapes ang pinabili niya
imbis na laruan. Hindi naman sila makapaniwala na hindi mahilig sa pambatang laruan
ang kanilang apo. Nang makita ni Skeet ang piano ng bumalik kami sa department
store ay parang ayaw niya nang alisin ang paningin niya doon. Namimiss niya siguro
ang piano sa bahay namin 'don sa Cebu. Kaya sa huli ay binili nalang

din ni daddy Trav ang piano. Hindi na lang ako nagprotestatpa kahit alam kong may
kamahalan iyon. I get it. Gusto nilang ibigay ang lahat ng gusto ng apo nila.

''Wala na ka bang gustong bilhin apo?'' Tanong ni daddy sa anak ko habang karga
karga niya ito.

''Nothing, Lolo. These are all enough. Thank you Lolo.'' Mabuti na lang at matalino
ang anak ko ng sabihin kong lolo at lola niya sila. Nagpasalamat na lang din ako at
hindi na ito nagtanong pa tungkol sa ama niya. Hindi pa ako handa sa bagay na iyon.

''It's nothing, apo. Just tell us kung may gusto ka pang ipabili ha? Bibilhin natin
'yon.''

''Really Lola?''

''Of course apo. Basta para sa napakagwapo kong apo!''

''Then, can we buy spaghetti? Please? I want to eat spaghetti. Mommy can't cook me
pasta anymore because she's busy...'' nakangusong sabi ng anak ko. Napatawa naman
pareho ang lolo at lola niya.

''Okay apo. Maghahanap tayo ng pwedeng bilhan ng spaghetti.''

''I want jollibee spaghetti!''

Parang hinaplos ang puso ko na makitang masaya ang anak ko. Ngayon lang siya
nagpakita ng facial expression niyang natutuwa sa harap ng ibang tao. Tuwang tuwa
ito ng pumasok na kami sa jollibee. Tinuro agad nito ang gusto niyang ipabili.
Palibhasa ay paborito niya ang pasta ay nagrequest pa ng take out.

Umuwi kami sa apartel na maraming dala. Hinatid na rin nila kami sa apartel na
tinutuluyan namin. Saglit pang natulala si mommy ng malamang sa apartel na yon kami
tumutuloy. Sinabi ko nalang sa kanila ang tungkol sa training ko. Nagitla lang ako
ng magtinginan sila ni daddy at ngumiti ng makahulugan pero hindi ko nalang
pinansin. Masyadong ng maraming nangyari sa araw na ito.

''Salamat po mommy, daddy. Salamat at pinasaya niyo ang anak ko...'' seryosong sabi
ko sa kanilang dalawa.

''Anything for our grandson iha.'' Si daddy Trav.

Ngumiti na lang ako sa kanila. Nagpaalam na rin silang pareho sa kanilang apo.
Nagbigayan rin kami ng contact numbers at binigyan rin ako ni mommy ng address ng
penthouse niya. Hanggang ngayon hindi ko pa rin matukoy kung bakit hindi ko pa
mabigkas ang pangalan niya.

Nakatingin lang ako sa papel na may nakasulat na address ng penthouse niya nang
biglang tumunog ang cellphone ko.

''Best?'' Untag ko.

''Ikaw na babae ka, marami kang dapat ipaliwanag sa'kin!'' Bungad agad nito na
animo'y sinisindihan ang puwet sa kabilang linya.

''Bukas na lang tayo mag usap, Bestie. Pagod na ako...'' humihikad na sagot ko.
Tulog na rin si Skeet sa tabi ko.

''Basta ha?''

''Oo na Best. Matulog ka nalang din diyan.''

Napilitang ibinaba na lang ni Bestie ang tawag. Batid kong hindi niya ako lulubayan
ng mga katanungan bukas.

Humiga na lang ako sa tabi ng anak ko na hawak hawak pa rin ang papel na may lamang
address. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

♕GreatFairy♕

=================

Chapter 30

Chapter 30

"So ibig mong sabihin Bestie, madatong pala yung ex mo na ama ng anak mo?!"
Naghihysterical na untag ni Bestie matapos kong ikuwento sa kanya ang lahat.
Naikwento ko na sa kanya dati ang tungkol sa nakaraan ko pero wala siyang ideya
kung sino ang lalaking minahal ko.

''Hinaan mo nga ang boses mo Bestie baka magising yang inaanak mo.'' Nag-sign naman
ito na isi-zipper ang kanyang labi.

''Pasensya na, bestfriend! Nawindang lang naman po ang kadiyosahan ko sa nasaksihan


ko kahapon no'ng makita mo 'yong kinausap ni Skeet sa mall. Mukha kang natatae na
walang mahanap na kubeta!'' sabi pa nito na parang hindi pa rin makapaniwala.

''Bestie naman eh. Wag mo nga ipaulit ulit sa'kin yung nangyari kahapon kasi dahil
'do'n, sumasakit ang ulo ko ngayon. Magulo Bestie! Hindi ko na alam ang gagawin ko
ngayong alam na ng mga magulang niya ang tungkol kay Skeet.'' Napabuntong hininga
naman si Bestie at tiningnan ako na puno ng simpatya.
''Bestie wala na tayong magagawa ro'n. Tadhana na ang gumawa ng paraan para
makilala ni Skeet ang pamilya ng kanyang ama. Hindi habang buhay maitatago mo ang
existence ng anak mo.''

''Pero bakit ang aga naman yata, Bestie? Hindi pa ako handa. Hindi pa ako handang
makaharap siya. Dahil hanggang ngayon... hanggang ngayon-'' I trailed off.

''Dahil hanggang ngayon mahal mo pa rin siya pero nasasaktan ka pa rin sa mga
nangyari limang taon na ang nakaraan...'' pagtatapos ni Bestie sa sasabihin ko.

Huminga ako ng malalim at mariing ipinikit ang mga mata ko. Napahilot ako sa
sentido ko sa sobrang

gulo ng utak ko. Bakit ba kasi nangyayari ang lahat ng ito?

"H-hindi ko na siya siguro mahal," mahinang wika ko kay Bestie, or more likely sa
sarili ko.

"Eh di wow!" Bulalas ni Bestie.

''Alam mo Bestie, uso nga talaga ngayon ang magpabebe dahil pabebe din ako. Pero
hindi bagay sa'yo eh. Promise!'' Nakaismid na sabi pa nito at inirapan ako.
Naguguluhang tiningnan ko naman siya.

''Sarili mo lang ang niloloko mo. Alam nating pareho kung ano talaga ang laman
niyan. Or more likely, sino talaga ang laman niyan...'' turo nito sa dibdib ko.

"Bes-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang pareho kaming napatingin sa


cellphone ko na nakapatong sa maliit na center table nang tumunog ito. Sino naman
ang tatawag sa ganitong kaaga? Alas sais palang kasi ng umaga narito na si Bestie
para magkausap kami bago pumasok sa trabaho at para sunduin na rin niya si Skeet.

Dinampot ko ito at tiningnan ang caller.

Si Mommy Tamara.

Sumenyas ako kay Bestie na sasagutin ko muna ang tawag.

''H-hello.''

"Good morning iha, pasensya na. Naabala ba kita?"

''G-good morning din po. H-hindi naman po m-mommy. Bakit po kayo napatawag?''
Napataas naman ang kilay ni Bestie at humalakipkip sa harapan ko habang nakikinig.

"May hihilingin sana kaming pabor sa'yo eh."

''Ano ho 'yon?''

"Tutal papasok ka naman sa trabaho. Kung pwede sana kami na muna ang mag alaga sa
apo namin ngayong araw. At para na rin makabonding namin siya. Please iha?"

''A-ahm... O-okay po.''

"Salamat iha. Salamat! Susunduin namin siya mamaya maya diyan. Ihahatid ka na lang

din namin sa trabaho."

''S-sige p, m-mommy.''
"That's it. Sige iha ibaba ko na 'to ha? Mag -ayos pa ako eh. Bye iha." Excited na
saad nito sa kabilang linya.

''Bye po.''

Bumaling ako kay Bestie nang maibaba ko na ang tawag. Nakakunot ang nuo nito habang
naghihintay ng sasabihin ko.

''Pasensya na Bestie kung naabala pa kita ha? Susunduin kasi nila mamaya si Skeet
eh. Ipapasyal lang nila.'' Ngumuso naman ito na parang nalugi.

''Ibig sabihin hindi ko makakasama ngayong araw ang napakagwapo kong inaanak?''

''Bestie kasi-''

''Alright,'' putol nito sa sasabihin ko sana.

''Hayaan na nga Bestie. Alam naman nating sabik na sabik ang mga 'yon sa nag-iisang
apo nila.'' Napatahimik naman ako. Minsan hindi ko maiwasang itanong sa sarili ko
kung tama ba ang mga naging desisyon ko nuon. Hahantong kaya kami sa ganitong
sitwasyon ngayon?

****

''Where are we going lola?'' Tanong ni Skeet kay mommy Tamara habang pasakay kami
ng kotse nila.

''Mamasyal tayo apo. Bibili tayo ng maraming shapes. Gusto mo ba 'yon apo?''
Nakangiting lumingon si mommy kay Skeet dito sa backseat. Napagitnaan namin siya ni
Bestie. Si mommy naman nasa passenger seat at si daddy Travis ang nagdadrive.

''Really?'' Excited na tanong ni Skeet. Tiningnan naman ako ni Bestie ng


makahulugan.

''Yes apo!''

''Will mommy go with us?''

''Sorry honey ha? May work si mommy diba? Magba-bonding muna kayo ng lolo at lola
mo.'' Sabi ko at hinaplos siya sa ulo.

''It's alright mom. I love you mommy.'' Napalingon naman ulit si mommy sa amin.
Naa-amuse na ngumiti ito.

''I love you too honey. Basta behave ka 'don ha?''

''Yes mommy. I will.''

Nauna akong bumaba ng tumapat na kami sa SDM Empire. Naiwan naman si Bestie sa loob
dahil ihahatid siya hanggang sa building nila sa loob ng school.

"Bye mom!"

Kumaway lang ako nang maisara ko na ang pinto ng kotse. Sumilip pa muna sa si mommy
at tumango naman si daddy bago nito pinaandar ulit ang kotse at umalis. Hinintay ko
munang mawala sa paningin ko ang papalayong kotse bago pumihit papasok ng SDM
Empire.
Nagtaka naman ako nang tingnan ako ng mga kuya guard ng kakaiba. Parang takot ang
mga ito at yumuko pa. Hindi tulad kahapon na parang natural lang.

"Good morning mga kuya..." nakangiting bati ko sa kanila.

"G-good morning din po Ma'am," puno ng pag galang na tugon nila.

"Okay lang po ba kayo mga kuya?"

"O-oo naman, Ma'am."

Ngumiti na lang ako sa kanila at tuluyang pumasok sa lobby. Pero ramdam ko na


parang may nag iba talaga sa kanila.

***

"Guys hindi muna matutuloy ang tour natin sa buong building ngayon. Hihintayin
nalang natin ang pagbabalik ni Mr. President mula sa Cebu. Kakaalis niya lang
actually. Pupuntahan niya siguro ang PME 'do'n. Pero gusto niya kayong lahat
makausap kaya hihintayin na lang natin siya. For now, gagawa muna tayo ng
feasibility study ng mga ginawa n'yong business proposal. Ipapasa rin natin lahat
yan kay Mr. President at pag-aaralan niya," mahabang anunsyo ng head na tumutulong
sa amin sa training.

Ilang araw na ako dito pero hindi ko pa rin nakikita ang Mr. President na 'yon.
Sabagay. Ganun nga talaga siguro ang buhay ng isang tycoon. Palaging habol ang
oras.

Pero bakit parang bumibilis ang tibok ng puso ko?

♕GreatFairy♕

=================

Chapter 31

Chapter 31

Mahigit isang linggo na ang nakalipas mula nang magsimula ako sa training ko dito
sa SDM Empire. Dalawang buwan lang naman ang pananatili ko dito pero parang kay
tagal matapos ng dalawang buwan.

Marami nang nangyari sa isang linggong pananatili ko dito. Hindi ko na alam kung
kaya ko pang harapin ang mga maaaring mangyari sa mga susunod na araw. Isang linggo
na rin sa'kin ang address ng penthouse niya na bigay ni Mommy Tamara. Pero hanggang
ngayon wala pa rin akong lakas ng loob na pumunta doon.

Ano naman ang sasabihin ko pag pumunta ako don'n bigla-bigla pagkatapos ng limang
taong hindi kami nagkita? Isa pa hindi ko rin alam kung paano ko sasabihin sa kanya
na may anak kami. Marahil ay masaya na sila ni Andrea ngayon at ayaw kong makasira
ng relasyon.

Every other day din kinukuha nila Mommy Tamara si Skeet para ipasyal. Natuwa naman
ang bata dahil may lolo at lola daw siya na mabait. Palibhasa kasi binigay lahat ng
gusto niyang bagay. Nagtambakan nga ang mga binili nilang kung anu ano sa apartel
na tinutuluyan namin. Puro mga 3-D shapes lang naman ang mga iyon na iba't ibang
kulay. Walang nahalo na kahit anong pambatang laruan dahil ibang iba naman ang trip
ng anak ko. Hindi ko nga maintindihan kung bakit ganoon ang trip ng anak ko. Ganun
pa man natutuwa ako dahil ngumingiti na siya ngayon sa harap ng ibang tao. Pili nga
lang. Minsan ko na ring naisip na epekto lang iyon ng paglilihi ko noong
ipinagbubuntis ko palang siya. Masama kasi ang loob ko noon dahil sa nangyari.

Marami na rin akong natutunan sa training namin. Medyo komportable na nga

rin ako sa trabaho ko.

"Guys darating siguro mamaya si Mr. President kaya tuloy ang tour natin sa buong
building ng SDM Empire," pahayag ng supervising officer namin.

"Yes Ma'am," sabay sabay naming sagot.

"Siya nga pala, iready n'yo na lahat ng ginawa niyong business proposal at FS nito.
Ichi-check lahat yan ni Sir. Baka sakaling may magustuhan siya."

Bigla naman akong nataranta nang maalalang hindi ko pa pala natapos i-edit ang
executive summary ng proposal na ginawa ko. Dali-dali akong bumaling sa desktop na
ginagamit ko dito at nagsimulang magtype.

Shoot! Bakit ko ba nakalimutan to?

Naalala kong pre-occupied nga pala ako nitong mga nakaraang araw. Napabuntong
hininga ako.

Nakahinga ako ng maluwag nang matapos ko nang ma-print ang ginawa ko. Inayos ko ang
mga ito at inilagay sa isang white folder.

Naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko sa loob ng bag na katabi ko.

Text galing kay Shawn.

Ate tawagan mo ako pag libre ka na. May kailangan akong sabihin sa'yong importante.

Napakunot naman ang noo ko sa minsahe ng kapatid ko. Bigla akong kinabahan na
parang hindi ko maintindihan.

Tiningnan ko ang mga kasama ko na abala sa pagre-review ng mga ginawa nilang


business proposal. Wala na rin lang akong ibang gagawin kaya tatawagan ko nalang
siguro si Shawn. Natapos ko na ring ireview ang ginawa kong proposal kanina yun nga
lang hindi ko agad na edit ang mga corrections ko kaya ngayon lang natapos.

Naglakad ako sa veranda ng third floor na kinaruruonan namin. Twenty-one floors


lahat dito at sa pinakamataas ang

okupado ng executive officer.

Sinagot naman agad ni Shawn ang tawag ko sa unang ring palang.

"A-ate," kabadong saad nito sa kabilang linya.


"Bunso? May problema ba kayo ni Manang Nelia diyan?"

"Wala naman ate. Ayos lang kami dito."

"Mabuti kung ganoon. Pinakaba mo ako eh. Ano palang sasabihin mo kung ganun?"
Narinig ko ang paghinga nito ng malalim na halatang kabado.

"Ayaw ko sana 'tong sabihin sa'yo kaya lang..."

"Kaya lang?" Naguguluhang tanong ko.

"Kaya lang ate..."

"Shawn ano ba? Sabihin mo na. May problema nga diyan sa bahay?!" Hindi ko na
napigilang magtaas ng boses.

"A-ayaw kong sabihin sa'yo kasi ayaw kong mag-alala ka. Kaya lang gusto kitang
balaan ate."

"Huh?"

"P-pumunta kasi dito sa bahay s-si.... si K-kuya Stan nung nakaraang linggo."

"ANO?!"

Biglang akong kinabahan.

Hinanap niya ako?

May alam na kaya siya?

Sinabi na ba sa kanya nila mommy at daddy ang tungkol kay Skeet?

Malabo.

Alam kong hindi nila magagawa yun sa'kin kahit anak pa nila si-

Napabuntong hininga nalang ako. Hindi ko pa rin kayang banggitin ang pangalan niya.

"Ate? Andyan ka pa ba?" Si Shawn.

"O-oo. Pasensya na kung nasigawan kita bunso. Ano pa lang sinabi niya?"

"Hinahanap ka niya ate. Ilang beses na nga siyang nagpabalik balik dito sa loob ng
isang linggo. Hindi kasi naniniwalang wala ka dito. Hindi namin sinabing nasa
Maynila ka.'"Napahinga ako ng maluwag ng malamang wala pa siyang alam kay Skeet.
Hindi sinabi sa kanya nila mommy.

"S-sige

salamat sa pagpapaalam sa akin bunso. Mag-iingat kayo diyan. At... At kung sakaling
bumalik siya ulit diyan. Huwag na huwag mong sasabihin kung nasaan ako."

"Okay, ate. Mag-iingat din kayo diyan ni pamangkin."

Nanghihinang ibinaba ko ang tawag. Napahawak ako sa ulo ko nang bigla itong
sumakit. Ang dami ko na ngang iniisip, may dumagdag pa.

Kabadong bumalik ulit ako sa loob. Hindi ko na alam kung ano ang uunahin ko ngayon
sa kakaisip.

"Guys kailangan niyong pumanhik lahat sa function hall sa 18th floor. Gusto na
kayong makausap ni Mr. President. Dalian niyo dahil mainit daw ang ulo niya at
galit na galit. Baka mapagbuntonan pa kayo ng galit niya."

Natauhan naman ako at dali daling sumunod sa mga kasama kong pumasok sa elevator
bitbit ang bag at ang folder na may lamang business proposal. Naramdaman kong
parang naiihi ako pero dinedma ko na lang. May restroom naman siguro sa 18th floor.

Napahinga kaming lahat ng maluwag dahil wala pa ang boss pagkarating namin sa 18th
floor. Hindi ko na muna pinansin ang kagandahan ng function hall dahil sobrang
naiihi na ako.

Nakahanap naman ako ng restroom sa connecting room ng function hall kaya agad akong
pumasok na bitbit pa rin ang mga dala dala ko.

Parang narating ko ang langit nang napalabas ko na ang tubig sa katawan ko. Lumabas
ako ng cubicle at humarap sa malaking salamin. Napansin kong medyo magulo ang buhok
ko kaya sinuklay ko ito. Nakakahiya namang humarap sa boss na ganito ang itsura ko.

Napatigil ako nang bigla namang tumunog ang cellphone ko. Sinagot ko naman agad ito
dahil alam kong hindi tatawag

si Bestie kung hindi importante lalo na sa ganitong oras na sa trabaho kaming


pareho.

"Bestie? Napatawag ka? May problema ba?"

"Si Skeet kasi Bestie eh, nagkulong sa CR. Ayaw nang lumabas."

"Ano?! Bakit? Anong bang nangyari?"

"Sinet-in kasi ni Marisse sa klase niya. Nagkataong nagdi-discuss siya tungkol sa


vegetable. May picture kasi ng onions sa chart kaya nagpaalam na magbabanyo.
Nataranta si Marisse nang hindi na ito bumalik. Nagkulong pala sa CR dahil ayaw
niyang makita ang sibuyas."

Napailing naman ako nang wala sa oras. Ayaw na ayaw ni Skeet ang sibuyas dahil
hindi niya gusto ang amoy nito. Kaya masyado siyang pihikan pagdating sa mga
pagkaing nilagyan ng sibuyas. Minsan nga gumamit ako ng white onions para hindi
niya maamoy pero sadyang malakas ang radar niya, ayaw niyang kainin ang pagkain.
Kaya palaging kong sinisigurado na wala siyang makikitang sibuyas bago ko siya
pinapakain.

"Teka andyan ka pa sa CR na pinagkukulungan niya Best?"

"Oo Bestie, kaya lang matigas talaga ang bungo ng anak mo. Ayaw lumabas.
Pinatanggal ko na nga kay Marisse ang chart para hindi niya makita."

"Pakitawag naman Bestie oh, sabihin mong kakausapin ko siya." Narinig ko namang
tinawag ito ni Bestie. Inayos ko naman ang folder at bag ko habang naghihintay.

"M-mommy." Napaayos ako nang marinig ko ang boses ni Skeet na sisinghot singhot.

"Honey? Nagkulong ka raw sa restroom?"

"No Mom. I didn't," tanggi nito na sumisinghot pa rin.


"Honey, your ninang Yvonne is worried of you already. You're disturbing her class.
Bakit ayaw mo raw lumabas

ng CR?"

"I don't want to see onions, Mom. They put onions in their chalkboard and I don't
like it," pagmamaktol nito.

"Honey, listen. Bad yung ginawa mo okay? Picture lang naman ng onions 'yon eh.
Hindi naman ipapakain yun sa'yo anak."

"But still I don't like it Mom."

"Pinatanggal na ng ninang Yvonne mo yung chart. Hindi mo na makikita yun, okay?"

"But Mom-"

"No buts honey. Nagtatrabaho si mommy. Gusto mo bang pagalitan si mommy ng boss
niya dahil iniistorbo mo 'ko sa gitna ng trabaho?" Binitbit ko na lang ang bag ko
at folder palabas ng restroom ng maalalang medyo matagal na ako dito sa loob.

"No Mom."

"Then lumabas ka na diyan, anak. Huwag matigas ang ulo. Tinanggal na ang chart
do'n. Wala nang onions, okay?"

Pumihit ako palabas ng restroom para bumalik sa function hall. Bitbit ko ang folder
at handbag habang nasa tenga ko pa rin ang cellphone ko.

"Okay Mom. I'll get out of the restroom. I'm sorry for disturbing you."

"It's alright, honey. Just behave okay?"

Tuluyan na akong nakalabas ng restroom at naglakad sa loob ng function. Medyo


nakayuko pa ako sa paglalakad dahil sa binibitbit ko.

"Okay Mom. I love you. Bye Mom."

"I love you too honey. Bye."

Umayos ako ng tayo para maglakad sa loob ng tahimik na function hall.

Tahimik?

Inilibot ko ang paningin ko sa loob.

Na pinagsisihan kong ginawa ko pa.

Biglang nanlambot ang mga buto ko sa katawan.

Halos mabitawan ko ang cellphone at folder na hawak hawak ko.

Ramdam ko ang pagkabog ng dibdib ko at halos marinig ko ang tibok nito.

Pakiramdam ko tumigil ang oras at naging estatwa ang mga nasa paligid. Literal na
estatwa dahil hindi ko magawang gumalaw sa kinatatayuan ko.

Nanginginig ang buong katawan ko habang nakatingin sa taong limang taong kong
pinilit limutin pero hindi ko nagawa.
He's holding his tie with his right hand habang ang isa naman ay nasa bulsa niya.

He's standing firm and emotionless while staring at me intently.

From his perfect shaped jaw, pointed nose, perfectly curved red lips, piercing gray
eyes, well toned masculine body. Everything about him is beautiful yet full of
authority.

Napatampal ako sa aking noo sa isip ko nang ma-realize kong hindi ko siya dapat
pinupuri.

Hindi ko alam kong ano ang gagawin ko.

Umawang ang mga labi ko at walang namutawing salita.

Kumurap kurap pa ako ng ilang beses para masiguradong hindi ako nanaginip.

Pero totoo siya.

Nakatayo ngayon sa harapan ko.

Nandito nga ang nag-iisang Stanley Drew Mijares na minahal ko. At hindi ito isang
panaginip.

Parang hinahalukay niya ang buong pagkatao ko sa paraan ng pagtitig niya.

Pakiramdam ko bigla akong naubusan ng enerhiya lalo na ng magsalita siya.

"We meet again, baby."

Holy sh*t!

***

Fairy: Next update on Monday. Bleh!

♕GreatFairy♕

=================

Chapter 32
Fairy: Na-delay kasi inataki ako ng palpitation. Tsaka ang bagal ng net sa bahay.
Pasensya na.

Chapter 32

"We meet again, baby."

"We meet again, baby."

"We meet again, baby."

Hindi ko na mabilang kung ilang beses nagreplay sa utak ko ang unang mga salitang
namutawi niya pagkatapos ng limang taong hindi kami nagkita.

Mahabang katahimikan ang bumalot sa buong function hall. Kahit ang paghinga ko ay
hindi ko naririnig dahil pigil na pigil ko ito.

Nakanganga naman ang mga kasama ko. Puno ng pagkalito at pagkabigla ang kanilang
mga mukha at parang hindi rin makapinawala.

Bumuka ang bibig ko pero isinarado ko ulit nang walang lumabas na salita.

Palalim ng palalim ang pagtitig niya sa'kin pero walang emosyon ang kanyang mukha.
Hindi ko mawari kung galit siya o natutuwa na nagkita kaming muli dahil diretso
lang ang kanyang tingin.

Kinapa ko ang dibdib ko dahil biglang bumalik sa akin lahat. Ang lahat lahat.

Bumalik sa isip ko ang mga panahong masaya kami. Masayang-masaya sa piling ng isa't
isa. Ang lahat ng mga sandaling pinakilig, pinangiti, at pinatawa niya ako. Ang mga
panahong pinakita niya sa akin kung gaano niya ako kamahal at kung paano niya ako
tingnan.

Pero parang libro ang utak ko pati ang puso ko. Sa paglipat ko ng pahina ay bigla
ring bumalik ang sakit. Ang lahat ng sakit na idinulot niya sa'kin. Ang akala ko
naka-moved on na ako pero hindi pala. Pakiramdam ko kahapon lang nangyari ang lahat
dahil pakiramdam ko presko pa ang sugat sa

dibdib ko.

Oo, nagkamali ako ng taong pinagkatawalaan at nasaktan ko siya nang hindi


sinasadya. Pero hindi matanggap ng puso ko na winasak niya ito sa pamamagitan ng
isa ring pagkakamali. Sinaktan ko siya pero mas nasaktan ako.

Buong tapang kong sinalubong ang titig niya at ngumiti. Yung totoong ngiti.

"Good morning, Sir."

Gusto kong palakpakan at bigyan ng trophy ang sarili ko ng masabi ko iyon ng


diretso at hindi nabuhol ang dila ko. Ipapakita ko sa kanyang hindi ako apektado sa
sinabi niya.

Tumaas ang kilay niya pero nananatiling walang emosyon ang kanyang mukha.

"As I was saying, I will review all your business proposals," p[agkuwa'y sabi nito
na bumaling sa mga kasama ko na nakatulala pa rin.

"I want you to work responsively and productively. I don't want a pig in my
company. I am giving just compensation to your services but I expect you to give
your best in your respective jobs. I assume you clearly understand that," sabi pa
nito na parang balewala ang tensyong naganap.

"Yes Sir..." sabay -sabay na sagot ng mga kasamahan ko na animo'y natauhan bigla sa
pagkatulala.

"You may leave now..." he said with full of authority.

Dali-daling pumasok sa elevator ang mga kasamahan ko kaya dali-dali rin akong
tumalikod papasok.

Pero hindi pa ako nakakahakbang ng dumagundong sa buong function hall ang kanyang
boses.

"Except you, Miss Cervantes."

Napatigil ako sa akmang paghakbang. Parang tinatambol sa kaba ang dibdib ko.
Napaurong ang katawan ko. Pero hindi. Hindi ako dapat magpa-apekto sa kanya.

Lakad takbo takbo kong tinungo ang elevator pero hindi

pa ako nakakalapit nang magsara na ito kaya binalingan ko ang private elevator na
katabi nito at pinindot pero hindi ito bumukas. Pindot pa rin ako ng pindot. Wala
na akong pakialam kung private elevator ito. Gusto kong tumakas sa paningin niya.
Gusto kong lumayo. Ayaw ko siyang makausap. Ayaw ko. Hindi ko kaya.

Nanlambot ang tuhod ko nang hindi bumukas ang elevator. Parang gusto kong hilingin
na bumukas ang sahig at kainin ako. I sighed frustratedly.

"Trying to escape again? No baby. You can't escape my grip this time." Nanindig ang
balahibo ko sa batok nang bigla siyang bumulong mula sa likod ko. Hindi ko napansin
na nakalapit na pala siya.

"You can't escape me," he said huskily. Ramdam ko ang hininga niya sa batok ko.
Parang kinukuryente ako sa init nito.

Pinihit niya ako paharap sa kanya nang walang kahirap-hirap kaya nabitawan ko ang
hawak kong bag, cellphone, at folder.

Kinulong niya ako sa magkabilang braso kaya napasandig ako sa pinto ng elevator.
Ang lapit-lapit ng mukha niya at titig na titig sa'kin pero wala pa rin akong
maapuhap na emosyon sa kanyang mukha.

"E-excuse me Sir?" I said trying hard not to meet his gaze.

"I hate you..." he said firmly.

The next thing I knew, he's kissing me intensely.

Mapusok.
Marahas.

At puno ng pagpaparusa ang kanyang halik.

Bumuka ang labi ko sa pagkatulala na sinamantala niya para ipasok ang kanyang dila.
Ginalugad nito ang loob na parang hinahanap.

Bahagya rin niyang kinagat kagat ang labi ko. Halos mawalan ako ng hininga sa
ginagawa niyang paghalik. I tried to suppress a moan pero

nabigo ako.

Nanlambot ang tuhod ko at namalayan ko na lang na tumutugon na pala ako sa halik


niya.

Napagtanto ko sarili ko na miss na miss ko pala siya.

God!

I miss him.

I miss his lips.

I miss everything about him!

Hindi ko alam kung gaano nagtagal ang halikan namin. Ramdam ko na pareho kaming
sabik sa isa't isa.

Hinapit niya sa ako bewang at nilaliman ang halik. Lunod na lunod na ako kaya
kusang pumulupot sa batok niya ang mga braso ko. Tumagal ang halik nang hindi ko
mabilang kung ilang minuto. Humiwalay lang kami nang pareho kaming hinihingal.

Natauhan lang ako nang biglang bumukas ang private lift sa likod ko. Muntik pa
akong nawalan ng balanse pero maagap niya akong nahawakan at hinatak sa loob.

Mabibigat ang kanyang hininga. Hawak-hawak niya ako sa siko at parang wala akong
kawala. Hindi ako makaimik. Bumukas ang elevator at bumungad sa akin ang
napakalawak na visitor's lounge. Namataan ko rin ang dati niyang sekretaryang si
Miss Wenalyn na nanlaki ang mga mata nang makita ako.

Pinihit niya ang pinto ng magarang opisina na marahil sa kanya. Hinatak niya ako
papasok at ini-locked ang pinto.

"Now tell me..." Naguguluhang napatingin ako sa kanya.

"TELL ME WHY YOU F*CKING LEFT ME FIVE YEARS AGO!"

Napapiksi ako sa pagkagulat ng sumigaw siya.

"Seriously? Tinatanong mo talaga sa'kin 'yan? Ha Stan?" Buong tapang kong sagot sa
kanya. This is it. Panahon na siguro para malaman niya.

"You didn't tell me the truth. You didn't tell me that bastard Solinap was the one
who sent those f*cking pictures! You just left

me without a word!" He said in despair.

"Ang lakas naman ng loob mong itanong sa'kin 'yan! Bakit Stan? Tinanong ba kita
kung bakit ka nakipaghalikan kay Andrea sa ospital? Hindi 'di ba? Nanahimik ako!"
sigaw ko pabalik. There, I said it. Natigalgal naman ito at umawang ang kanyang mga
labi.

"Y-you were there?" Pagkuwa'y tanong nito. Bigla ring lumambot ang kanyang mukha na
animo'y naging maamong tupa.

"Oo! Kitang-kita ko kung paano niyo kainin ang labi ng isa't isa!" Gumaralgal ang
boses ko. Napapikit naman siya at hinilamos ang kanyang mukha.

"Pinagkait mo sa akin ang katotohanan Amethyst. All these time I suffered a lot. I
suffered a lot for nothing! Damn it!"

"Wag mong isumbat sa'kin ang bagay na ikaw mismo ang nagtulak sa'kin para gawin
'yon. Baka nakakalimutan mo Mr. Mijares, pinagkait mo rin sa akin ang pagkakataong
magpaliwanag. Mas pinili mong mag bulag-bulagan at magbingi bingihan sa mga nakita
at narinig mo. Hindi mo ako pinakinggan!"

"I-I'm sorry Sham, I didn't mean to hurt you. Please come back to me, I need you."

Hindi ko malaman ang magiging reaksyon ko sa mga sinabi ni Stan. All these years,
itinago ko ang aking nararamdaman. Ayaw kong ipakita sa kanya ang weak side ko. I
have to be strong dahil wala na akong maasahan pa. Kung magpapadala ako sa bugso ng
aking damdamin ay maaring masasaktan lang ulit ako. At hindi ko na iyon kakayanin
pa.

"I'm sorry Mr. Mijares, but not all apologies are meant to be accepted. Will you
excuse me." I plunged the door closed and left him dumbfounded.

Hindi ko alam pero biglang bumalik sa akin ang sakit nung mga panahong hindi niya
pinakinggan ang paliwanag ko. Nasaktan ako ng inakusahan niya ako ng kasalanang
hindi ko naman nagawa. Hindi ko pinansin si Miss Wenalyn na nakatulala ng makitang
lumabas akong luhaan sa office ng kanyang boss.

Dire-diretso lang akong pumasok sa elevator at bumaba sa functional hall para kunin
ang bag ko.

Hinayaan kong tumulo ang luha ko habang nasa elevator ako. Hindi na rin ako nag
abalang ayusin ang sarili ko ng tuluyan na akong lumabas ng SDM Empire. Bakit ba
hindi pumasok sa utak ko na initials pala niya ang SDM. Ang tanga ko talaga. Kaya
pala ganun ang reaksyon nila mommy at daddy ng malamang sa apartel na yun kami
tumutuloy.

Destiny really played its role.

Wala sa sariling tumawid ako sa kalsada patungo sa eskwelahan. Kailangan ko ang


anak ko.

Kailangan ko ang yakap ng anak ko...

♕GreatFairy♕

=================
Chapter 33

Chapter 33

"Tama na 'yan, Bestie. Baka marinig ka ni Skeet."

Pinilit kung pigilan ang hikbing kumakawala sa'kin. Nandito kami ngayon sa apartel.
Hinatid kami ni Bestie pagkatapos ko silang puntahan ni Skeet sa eskwelahan.

"Masakit pa rin pala, Bestie. Ang akala ko wala na akong nararamdaman sa kanya. Ang
akala ko nakalimutan na siya ng puso ko pero hindi pa pala, isang halik lang niya
bumigay ako. Bumigay ako Bestie!"

"Shh. Tahan na Bestie. Kailangan mo lang aminin sa sarili mo na mahal mo pa rin


pala siya. Diba nagsorry naman siya sa'yo at gusto niyang bumalik ka sa kanya?"

Umiling-iling ako kay Bestie. Hindi. Hindi ko siya hahayaang tibagin ang pader na
ipinalibot ko sa puso ko. Pagkatapos niya itong wasakin at gawing pira-piraso ay
ganoon lang ang sasabihin niya?

He wants me back!

"Hindi, Bestie. Sinabi niya lang 'yon dahil nagi-guilty siya."

"Bestie naman eh. Huwag ka naman munang mag-conclude, sinasaktan mo lang ang sarili
mo. Malay mo mahal ka nga talaga niya at ikaw ang the one that got away niya."

"Bestie may Andrea na siya. Papan'o ako magtitiwala sa kanya kung una palang ay
hindi ko alam kung saan ako lugar sa buhay niya?''

"Pero may anak kayo Best, isipin mo naman si Skeet."

Napatahimik naman ako. Selfish ba akong ina na hindi ko siya kayang ipakilala sa
sarili niyang ama?

"Ayaw kong magkabutihan ulit kami dahil lang sa may anak kami."

"Pero hindi pa naman niya alam na may anak kayo 'di ba? Binabalikan ka niya kasi
siguro nga mahal ka niya, Best." Umiling ako.

"Hindi ko alam Bestie.

Hindi ko alam."

Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Bestie. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko
ngayong lumiit ang mundo namin. Ang bilis ng pangyayari. Hindi ko inakalang sa
mahigit isang linggong pananatili ko dito magkikita ulit kami. Parang inukit talaga
ng tadhana na magkita kami sa ganitong pagkakataon.

"Bestie, hindi mo naman malalaman kung mahal ka pa nga talaga niya kung hindi ka
susugal eh."

"Pero paano kung matalo ako Bestie? Hindi ko na kakayanin pa yun. Masakit na kasi."

"Alam mo Bestie, sa tingin ko hindi naman issue pag matalo ka o hindi kung susugal
ka eh. Ang mahalaga naman gumawa ka ng paraan para ayusin ang kung ano man meron
kayo. Ang isipin mo nalang gagawin 'to para sa anak mo. Hindi lang sarili mo ang
ipaglalaban mo, pati na rin Skeet. Mabuti na yung sumugal at matalo kaysa namang
manahimik ka at pagsisihan mo sa bandang huli."

Napaisip naman ako.

Handa ba akong papasukin siya ulit sa buhay ko?

Handa ba akong isugal ang puso ko at may posibilidad na masaktan sa bandang huli?

Pero kung kapalit noon ang pagkabuo ng magulang ng anak ko, kakayanin ko.

Kakayanin ko kahit masugatan pa uli ako.

"Salamat, Bestie. Salamat sa lahat ng tulong mo."

"Bestie, paulit-ulit nalang tayo sa pasasalamat mong yan. Naku! Ilang beses ko bang
dapat sabihin sa'yo na sisteret na kita? Andito lang ako palagi ano man ang maging
desisyon mo. Susuportahan pa rin kita kahit magpakatanga ka!" Hinampas ko naman si
Yvonne sa braso. Kahit kelan talaga ang babaeng to.

"Oh ano? Natauhan ka na? Kasi kung natauhan ka na, babalik na ako sa school. Naiwan
ko

don ang mga bata."

"Ayos lang ako Bestie. Bumalik ka na ng school. Baka pagalitan ka ng principal na


basta basta ka na lang umalis na walang paalam."

"Sigurado ka? Dadalhin ko na lang siguro pabalik ang inaanak ko."

"Huwag na Best, ako na lang bahala sa anak ko. Sobra-sobra ka nang naaabala. Mabuti
na rin naman siguro para makasama ko siya. Ilang araw na kasing hindi kami
nakapagbonding, alam mo na."

"Oh siya sige. Magbonding na muna kayong mag-ina. Basta tawagan mo lang ako pag may
kailangan ka. Una na 'ko."

"Ingat ka, Best."

Tinanaw ko na lang si Yvonne na lumabas ng pinto pagkatapos nitong puntahan si


Skeet sa kwarto at humalik sa nuo nito. Abala naman ang anak ko sa kakapindot ng
keyboard na binili sa kanya ng lolo at lola niya.

Pumainlang sa pandinig ko ang instrumental na kanta sa sikat na disney character na


si Elsa.

Let it go.

Namangha ako.

Pa'no kaya natutunan ng anak ko ang tugtog na 'yon? Ang galing galing niya.
Pinuntahan ko siya loob ng kwarto.

Napangiti ako nang mapagmasdan ko ang anak ko na animo'y matanda na kung tumugtog.
God! I'm so lucky to have a son like him.

Hindi ko maiwasang mahabag sa anak ko.

God knows how much I love my son. Pero alam kong kahit gaano ko pa siya ka mahal,
hindi pa rin sapat 'yon. Kahit mahal ko pa siya ng higit pa sa buhay ko, kailanman
ay hindi magiging sapat 'yon.

Dahil iba pa rin ang pagmamahal ng isang ama.

At 'yon ang pinagkait ko sa anak ko. God! How can I be so selfish?

Napaluha ako ng tahimik habang nakatingin sa anak ko na tutok na tutok pa rin

sa keyboard.

I'm so sorry Skeet.

I'm so sorry.

"Mommy?" Mabilis kong pinahid ang luha ko ng lumingon ito sa'kin.

"Are you crying Mom?" tanong nito na puno ng pag-alala. My son is so adorable and
sweet.

"I'm not, honey. Mommy is just happy to see you playing the keyboard. You're so
brilliant!" Ngumiti ako at pinantay ang aming mukha.

"You sure Mom? You're happy?"

''Beyond happy, honey.''

''Then why did you cry Mom if you were happy? You're supposed to laugh or smile
right?'' Nakakunot noong tanong nito na parang naguguluhan.

"Tears of joy ang tawag 'don honey."

"Tears of joy?"

"Yeap." Ngumiti ako at hinalikan siya sa ulo nang may biglang kumatok mula labas.

May nakalimutan ba si Bestie?

"Honey, ipagpatuloy mo muna ang pag-play ng keyboard mo ha? Bubuksan ko lang ang
pinto."

"Yes Mom."

Tiningnan ko muna ng bahagya si Skeet saka pinihit pasarado ang pinto. Soundproof
ang kwarto kaya hindi mo maririnig ang ingay sa labas kapag nakasarado ang pinto.

Baka may nakalimutan si Bestie.

Napakunot ang noo ko dahil wala naman akong naalalang may dala pa siyang iba
maliban sa shoulder bag niyang dala niya rin kanina pag-alis niya. Pagkatapat ko sa
pinto ay pinihit ko kaagad ito.

"May nakalimuta-"

Para akong tatakasan ng ulirat nang bumungad sa akin ang pinakahuling tao na
gugustuhin kong makita sa araw na ito. Nakatingin ito sa'kin na puno ng
pagsusumamo.

"A-anong ginagawa mo dito?"


"I'm here to get back what is mine." Bigla akong sinalakay ng kaba.

Is he referring to Skeet?

May alam na ba siya?

Pakiramdam ko bigla

akong pinagsakluban ng langit at lupa.

"W-wala kang pagmamay-ari dito," puno ng determinasyon kong sagot sa kanya.

"You sure?" He stared at me intently.

"Kung ang tinutukoy mo ay itong apartel mo, huwag kang mag-aalala ngayon mismo
aalis ako dito. Isaksak mo sa baga mo 'tong apartel mo!" singhal ko sa kanya pero
napaurong ako nang biglang nagdilim ang kanyang mukha at tumiim ang kanyang bagang.

"Don't you dare, Sham! Don't you dare leave me again."

''I dare to leave this place! At puwede ba? Umalis ka na!''

"I'm sorry, baby. But I won't. Like I said, I'm here to take back what is truly
mine," sabi niya sa ma-awtoridad na tono.

"Wala ka ngang pagmamay-ari dito!"

"Are you sure of that, baby? Cause the last time I checked, we didn't break up five
years ago. You just left me without a word. Damn!" Napatihimik ako at hindi alam
ang sasabihin. Parang biglang umurong dila ko.

"You're still mine, Shane Amethyst! You were, you are, and you will always be mine!
Got that? You are mine!"

Napatigalgal ako sa aking kinatatayuan at hindi makapaniwala. Naghahalu-halo na ang


emosyon sa aking dibdib at hindi ko na alam kung ano'ng dapat kong sabihin.
Pakiramdam ko nauubusan na ako ng hangin lalo na at ang lapit lapit ng mukha niya
sa'kin.

He's staring at me like I'm the most precious thing on earth.

"You are mine, baby..." he said possessively and claimed my lips.

Nagpotresta ako pero masyado siyang malakas. He pinned me on the door and held my
hands upwards using his left hand while the other held my face.

Tinikom ko ang aking bibig at hinayaan siya sa kanyang ginagawa. I am too weak to
restrain from his grip.

Ramdam ko ang pangungulila nito sa mga halik niya. I fought the urge not to respond
to his kisses but I failed. Para akong nahihipnotismo sa bawat pagdampi ng labi
niya sa labi ko.

"I miss this. I miss you so much, baby..." he said in between our kisses.

Parang naging blangko na rin ang utak ko dahil sa halik niya. We were kissing like
our lives depend on each other.
"M-mommy?"

Bigla kong naitulak si Stan palayo sa'kin nang marinig ko si Skeet. Bigla ring
nanlamig ang buong katawan ko. Pakiramdam ko ibinitin ako patiwarik at tinakasan ng
lahat ng dugo. Nanginginig kahit ang kaliit-liitang bahagi ng kalamnan ko. Pakiwari
ko'y lalabas ang puso ko sa dibdib sa sobrang kaba.

"Big man?" baling nito kay Stan na ngayon ay nakatutula sa kanya.

Wala na bang may ikasasama ang araw na ito?

* * *

Fairy: My story, The Untouchable Beast (Skeet's story) will soon to be published.
Please see book details at the last part of the said story.

And oh, please support pedrongcare for his story, His Words. Thank you very much!

♕GreatFairy♕

=================

Chapter 34

Chapter 34

Napaawang ang kanyang bibig at parang hindi makapaniwala. Kumurap-kurap pa ito ng


ilang beses na parang naniniguradong hindi siya nanaginip. Pero mas nabigla ako
nang sabihin nito ang pangalan ng anak ko.

"S-Skeet Alvan?"

"How did you know we live here, big man?"

Kilala nila ang isa't isa?

"Mommy? He called you mommy?" Naguguluhang tanong nito na hindi tinatanggal ang
tingin kay Skeet.

"Jesus! H-he's my...He's my son!" Hindi patanong at may pinalidad niyang sabi na
animo'y siguradong sigurado siya.
"Are you alright, big man?" Pagkuwa'y tanong ni Skeet. Natauhan ito at biglang
lumuhod at pinantay ang kanilang mukha.

"I knew it! You really have something, kiddo."

"What are you talking about big man?" nakakunot noong tanong ni Skeet.

Pakiramdam ko biglang tumigil ang pagdaloy ng dugo sa katawan ko. Ang lakas lakas
ng tibok ng puso ko. Halos hindi na rin ako makahinga. Kinagat ko ang ibabang labi
ko para mapigilan ang pag-impit ng hikbi ko pero hindi ko nagawa kaya napalingon
silang dalawa sa'kin.

"M-mommy? W-what's wrong Mom?" Puno ng pag-alala na tanong ni Skeet kaya mas lalo
akong napahagulgol.

"I'm so sorry, honey. I'm really, really sorry. I'm sorry!" paulit-ulit kong untag
at niyakap ang anak ko.

"Mom? Why do you keep on saying sorry? You haven't done something wrong right?"

Umiling lang ako at mas hinigpitan ang yakap sa kanya. Pakiramdam ko ang sama-sama
kong ina.

Ang sama-sama ko.

"He's mine. Isn't he?"

Hindi ako nakasagot sa turan ni Stan. Pakiramdam ko nasa harap ako ng husgado at

ako ang nasasakdal.

And I plead to be guilty.

"Why am I asking? It's pretty obvious. I can feel it. Even the first time I saw
him." Untag niya sa nang-uuyam na tono.

Nakita ko ang pagdaan ng sakit sa kanyang mga mata habang nakaharap sa amin ni
Skeet na magkayakap. Kumuyom ang kanyang kamao pero halatang pinipigilan niya ang
kanyang sarili.

"I-i'm s-sorry..." I said almost whispering.

Gumalaw ang kanyang panga at hinilamos ang sariling mukha. He looks desperately
frustrated. Kuminang ang kanyang mata at hindi nakatakas sa paningin ko ang pagtulo
ng kanyang luha mula doon. He's crying!

And it melted my heart.

My frozen heart.

Naramdaman ko ang unti-unting pagtibag ng pader na nakapalibot sa dibdib ko. And


slowly, a new emotion conquers it.

Guilt.

That's what I feel right now. I feel guilty because I chose to ran away instead of
fighting our love back then. I feel guilty because I kept his son's existence.

I feel guilty because I kept their existence with each other.


I feel guilty.

I feel guilty about everything.

"H-honey? Doon ka muna sa kwarto natin ha? Mag-uusap lang kami ng...ng b-bisita
natin..." untag ko kay Skeet pagkakalas ko sa yakap.

"No, Mom. I'll just stay here and hug you if that's what make you stop crying."
Sagot nito na lalong ikinakirot ng dibdib ko.

"Mommy will stop crying na honey. Just please go to our room first okay? Taposin mo
nalang muna 'yong tinugtog mo kanina, okay ba 'yon honey?" Tila nag-isip naman muna
ito bago dahan-dahang tumango.

"But, promise

me first you'll stop crying Mom because I don't like seeing you cry. It makes me
sad." Hindi ko naman napigilan ang pagtakas ng butil sa mata ko dahil sa sinabi
niya. How lucky I am to have this child. If I'm not mistaken, I saw Stan's eyes
filled with amusement while watching us.

"O-ok honey. P-promise."

Nagitla ako nang pinahid nito ang luha ko gamit ang maliliit niyang kamay.

''I love you, Mom.''

''I love you too honey, go.''

Ngunit humalik muna ito sa pisngi ko bago tuluyang pumasok sa kwarto.

Tumayo na ako sa kinaluluhuran ko at umupo sa sofa dito sa maliit na sala. Ramdam


ko na tinititigan niya ako. At para akong matutunaw sa mga titig niya.

"I...... I-i'm s-sorry..." panimula ko at nakayuko.

"Sorry? After you kept him from me for fvcking five years, sorry?! Damn it Sham!"

Hindi ako nakaimik. Tanggap ko na kasalanan ko ang lahat. Naging duwag ako. Naging
duwag na ipaglaban ang pagmamahal ko.

"H-hindi k-ko sinasadya. N-naduwag ako. I-i'm sorry, Stan. Sorry!"

Napalunok ito at huminga ng malalim. Hindi niya pa rin inaalis ang titig niya
sa'kin.

"I want to get mad at you. I want to blame you for making me suffer for f*cking
how? For damn five years! I want to blame you for everything I've been through! You
left me f*cking devasted! Damn!"

Lalo akong naiyak. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Naging tanga ako at naging
dakilang duwag. Nabigla ako nang umupo siya sa tabi ko at hinawakan ako sa
magkabilang pisngi.

"I want to desperately blame you for messing me up for f*cking five years, but I
can't. I really can't."

Napapikit ako nang hinagod ng hinlalaki niya ang kabilang pisngi ko.
"You are my strength. But damn it Amethyst! You are my weakness as well! I thought
I could stay mad at you forever but, I was wrong. I was damn wrong because when I
saw you after five years, you melt my heart effortlessly. I missed you so much that
I can't stay mad at you. It sounds gay but damn! You are my kryptonite."

Napadilat ako sa mga sinabi niya. Ramdam ko pa rin ang pagtulo ng luha ko na
pinahid niya gamit ang kanyang daliri.

"I-I'm sorry. I'm sorry..." I uttered.

"Shh. It's fine now, baby. And I 'm sorry. I'm sorry for not being there for you
when you needed me the most. I'm sorry about Andrea. I'm sorry about the kiss. I
did not mean it all along, I thought it was you. She was the one who kissed me. I'm
sorry, baby." Masuyo nitong hinalikan ang noo ko pagkatapos niyang sabihin 'yon.

"Y-you mean, hindi kayo ni Andrea? W-wala kayong r-relasyon?" nauutal na tanong ko
but he just chuckled.

"Andrea is just a childhood friend to me. And I did not intend to have another
woman in my life. I only intend to keep you, baby. You captured my heart and I
can't find any way to free myself. Loving you was the most beautiful thing that
happened to me. And now, having an adorable son with you is the best gift I ever
received..." mahabang litanya niya na lalong nagpatibok ng puso ko. Napaiyak ako
dahil hindi ako makapaniwala.

"I-I'm sorry."

"Shh. Enough about apologizing, baby. It's fine now. Let's just make it up."

Tuluyan nang natibag ang harang sa dibdib ko dahil sa mga sinabi niya.

The

things I knew, he was hugging me. He's hugging me like he longed to do it for a
long time.

And the feeling hit me.

It feels like home in his arms.

And I'm home.

"Mommy? Why are you hugging Mr. Big man?"

Pareho kaming napakalas ni Stan sa isa't isa at napatingin sa pinto. Nakadungaw


doon ang anak ko.

Narinig niya kaya lahat?

"Come here, honey," sabi ko. Hinawakan ni Stan ang kaliwang kamay ko at naramdaman
ko ang panlalamig nito.

Kinakabahan siya.

Pinisil ko ang kanyang kamay at ngumiti sa kanya ng lumapit na si Skeet. Umusod ako
para mabigyan siya ng distansya sa gitna namin ni Stan.
"Honey, may sasabihin sana si mommy sa'yo eh." Hinawakan ko ang kamay nito dahil
bigla akong kinabahan sa magiging reaksyon niya.

"What is it mom?"

"It's about... It's about your dad honey."

"What about dad?" nakakunot nuong tanong nito.

"I--I am your daddy, kiddo..." singit ni Stan sa usapan. Nagkatinginan naman kami
habang hinintay ang reaksyon ng anak namin.

Anak namin.

I don't know but, it sounds good.

"I know," walang kagatol gatol na sagot ni Skeet na pareho naming ikinabigla.

"Y--You knew? H-how?" Naguguluhang tanong ko.

"I saw his picture inside the box under our bed, Mom." Napaawang ako at hindi
makapaniwala. Nanlaki rin ang mga mata ko at parang gusto kong lumubog sa
kinauupuan ko. Lalo na at nakangisi na si Stan nang tingnan ko ito.

"Then how did you know it was your dad's picture?" tanong ko nang mahimasmasan na
ako. I never thought that telling him about his dad would be easy as this.

"Because he looks like me. He's handsome too..." bored na sagot nito.

The next thing happened, the room was filled with our laughters.

"SA'N ba tayo pupunta? 'Di ba may trabaho ka pa?" Nakangusong tanong ko kay Stan.
Bigla na lang kasi nitong kinarga si Skeet kanina at hinawakan ako sa kamay palabas
ng apartel. Nakanganga pa ang mga staff kanina habang naglalakad ito. Hindi sila
makapaniwala na lumabas ng apartel ang kanilang big boss na karga-karga ang bata at
hatak-hatak ako. Halatang masayang masaya siya.

"Say's who? You ditch your work after you walked away from me. Then let's ditch
together...'' walang ka abog-abog na sagot nito at kinindatan pa ako. Abala naman
si Skeet sa backseat. Nanunood ng videos sa cellphone ng daddy niya. As usual, nag-
search na naman ng mga keyboard techniques.

"Seriously, Mr. Mijares?! Sa'n mo nga kami dadalhin ng anak mo?"

"Anak natin..." pagtatama nito.

"Sa'n nga?" Pagmamaktol ko.

"Psh. I just want to have a decent lunch with my family. Is that wrong?" Masungit
na sagot nito kaya nanahimik nalang ako.

Bumaba kami sa isang mall na pinuntahan din namin no'ng isang linggo. Inalalayan
ako ni Stan bago binuksan si Skeet sa likod. Mukhang excited naman ito dahil
magpapabili daw siya ng shapes. Shapes na naman.

Papasok na sana kami sa isang restaurant nang may mabangga ako.

Sadyang kay liit nga talaga ng mundo. Hindi ko inaasahan na sa lahat ng puwedeng
makabangga ay siya pa.

Pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo sa ulo ko.

****

Fairy: Malapit na ang maluwalhating ending:) Join our facebook group, FAIRYNATICS.
Thank you!

♕GreatFairy♕

=================

Chapter 35

Chapter 35

Biglang nabuhay ang lahat ng sakit sa aking dibdib. Bumalik lahat sa akin ang mga
nangyari at lahat ng hirap na pinagdaanan ko sa loob ng limang taon.

Pumulupot ang kamay ni Stan sa bewang ko pero hindi ko iyon alintana. Nanginginig
ang kalamnan ko. Yung pakiramdam na gusto mong manampal, manuntok, at magmura pero
hindi puwede dahil nasa maling pagkakataon at lugar kayo nagkita.

Ang akala ko nakalimutan ko na siya pero hindi pa rin pala.

Dahil nabuhay lahat ng galit sa dibdib ko nang magtama ang aming mga mata.

Nagulat pa ito ng makita niya ako. At lalong nanlaki ang kanyang mga mata nang
makilala ang lalaking kasama ko.

Limang taon na ang nakaraan pero hinding-hindi ko pa rin makalimutan ang ginawa ng
taong naging dahilan ng pagkasira ko. Ng pagkasira namin ng ama ng anak ko. Limang
taon ang nasayang nang dahil sa kawalang hiyaan niya.

Justine Solinap.
Papa'no ko ba makakalimutan ang taong 'to? Ang taong nanloko at nagpamukha sa aking
tanga.

"A--Amethyst?" hindi makapaniwalang untag niya na animo'y ngayon lang natauhan sa


pagkatulala.

"Kilala mo pa pala ako!" nang-uuyam kong sagot sa kanya. Kinagat ko ang ibabang
labi ko para pigilan ang pagtakas ng luha mula sa mga mata ko.

"Mom? Who is he?" Natauhan ako ng biglang sumingit si Skeet na karga karga pa rin
ng daddy niya.

"Calm down, baby..." bulong ni Stan sa tenga ko at hinalikan ako sa tuktok.

"I will let you pass for now, Solinap. But we're not yet done. Remember that...''
madiing saad ni Stan at marahan akong hinatak papasok sa restaurant.

Naiwan naman ang gulat na gulat pa ring si Justine.

Agad kaming inasikaso ng mga waiters at waitress ng restaurant pagkapasok namin.


Nataranta pa ang mga ito nang makita si Stan. Napag-alaman kong isa pala ito sa mga
branches ng restaurant nila.

"Can we have fries and spaghetti, Daddy?" biglang tanong ni Skeet. Nanlaki naman
ang mga mata ni Stan na animo'y nasorpresa sa pagkapanalo sa lotto. Bahagya itong
natulala sa pagkabigla. Natauhan lang ito ng kalabitin ko.

"What did you say, son?"

"I want spaghetti and fries, Dad. And I also want sundae..." nakangusong saad ng
anghel ko.

"Jesus! Y-you called me d-daddy? You just called me daddy?!" 'di makapaniwalang
saad ng daddy niya. Kumislap ang mga mata nito at halos maiyak sa sobrang tuwa.
Bigla namang parang nanlambot ang puso ko.

"You don't like it? You want me to call you big man?" Malungkot na tanong ni Skeet.

"No. No. No. Of course I like it, son. No, I love it!" Lumiwanag naman ang mukha
nito. Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa na parang tuwang-tuwa sa isat't isa.

Pilit ko pa ring pinapasok sa utak ko ang mga nangyayari. Pagsasampalin ko man ang
sarili ko ay alam kong hindi ako nananaginip. Hindi ko rin aakalaing magkakaayos
agad kami ni Stan. Ganoon nga talaga siguro pag nagmamahal ka. Handa kang sumugal
sa kahit anong pagkakataon para lang maging masaya ka.

At hindi ako nagsisisi na binigyan ko ng isa pang pagkakataon ang sarili ko para
tanggapin uli ang taong naging parte ng nakaraan ko.

"Are you alright?" Napatigil ako sa pag-iisip nang biglang pinisil ni Stan ang
kamay ko at nag-aalalang

tiningnan ako.

"O-oo naman. O-okay lang ako. May iniisip lang."

"Stop thinking about that bastard..." tukoy nito kay Justine.


"I won't let him get near you again. Not ever. Trust me."

Tumango ako at pinisil rin ang kanyang kamay.

"Let's go?"

"Ha? Akala ko ba kakain tayo?" Naguguluhang tanong ko dahil tumayo ito na karga-
karga na ulit si Skeet. Nilalahad niya rin sa'kin ang kanyang mga kamay para
makatayo.

"Mom let's go find Jollibee. He's not here so we're not going to eat here. Come
on."

Wala na akong nagawa at nagpatianod na lang. Sa totoo lang parang wala na rin akong
lakas para magprotesta dahil masyadong naalog ang utak ko sa sobrang bilis ng mga
pangyayari.

Nakakita kami ng Jollibee dito rin mismo sa loob ng mall. Pinagtitinginan pa ng mga
tao ang mag-ama ko dahil mukha silang model. Panay rin ang pagngawa ng anak ko at
nag-e-english pa. Napagkamalan tuloy na anak ng foreigner. Sumimangot nga si Stan
nang marinig niya 'to. Ang bubulag daw nilang tumingin na magkamukha sila ng anak
niya.

Agad namang nag-order si Stan ng mga ni-request ng anak niya kahit na halatang
hindi siya sanay kumain sa isang fastfood. Halata ko ring medyo naasiwa siyang nung
una pero nang makita niyang masayang-masaya si Skeet ay parang balewala nalang rin
sa kanya. Nagpapa-impress yata sa anak niya.

"He's so adorable and I'm so lucky..." mahina ngunit may bahid ng galak at tuwang
untag ni Stan sa tabi ko. Kaharap namin si Skeet na kumakain ng pasta.

"Paborito niya kasi ang pasta. Halos lahat nga ng alam kong luto ng pasta ay naluto
ko na para lang pagbigyan siya."

Napangiti naman si Stan ng malungkot kaya napatungo ako.

"I--I'm sorry..." pabulong na saad ko.

"Hey, I did not mean about that. I'm just pissed with myself. If I just listened
and talked to you back then, things could have turned different. Maybe we were able
to raise him together."

Napabuntong hininga na lang ako.

Kung pinili ko bang manatili nuon naging masaya nga kaya kami?

Hindi ko na alam. Ang alam ko lang nasaktan ako.

"Nonetheless, you raised him well, baby. And I'm one of a hell lucky to have you --
to have you both." Nginitian ko si Stan ng hinawakan nito ang kamay ko at pinisil
ito.

"Siguro may rason kung bakit nangyari ang lahat ng iyon Stan. Ang importante
magkakasama na tayo ngayon."

Pagkatapos naming kumain ay inilalayan ako ulit ni Stan palabas habang karga karga
niya na naman si Skeet na ikinatuwa naman ng huli.

"Are we going home, Dad?" tanong ni Skeet pagkatapos siyang ilagay ng daddy niya sa
backseat at nakapasok na rin ito sa driver seat.

"Nah. We're going to your lolo and lola," masayang sagot ni Stan. It feels like
we're a happy family right now.

"I have other lolo and lola other than lolo Travis and lola Tamara Dad?" Nabigla
naman si Stan sa tanong ni Skeet kaya bigla akong kinabahan.

"Y-you knew them?" nakakunot nitong tanong.

"A-aksidente kasing nagkita at nagkausap kami no'ng isang linggo sa mall na


pinuntahan rin natin kanina," kinakabahang sagot ko.

Nakita ko ang pagdaan ng sakit sa kanyang mga mata at pagtaas baba ng dibdib niya
kaya napatungo ako.

"P-pinakiusapan ko kasi silang huwag

munang sasabihin sa'yo. N-natakot kasi ako. I'm sorry."

Narinig ko ang paghinga nito ng malalim. Pagkuwa'y kinuha nito ang kaliwang kamay
ko at dinala sa kanyang bibig at hinalikan.

"It's alright. I just thought I could surprise them but it turned out I was the one
who was surprised. And please stop saying sorry. It's all my fault. I'm sorry
baby."

"Tapos na 'yon. At napatawad na kita kaya tara na ho kasi inaantok na ang anghel
natin sa kakangawa kanina." Napalingon naman ito sa backseat at pareho kaming
natawa nang pipikit-pikit na humikab si Skeet ng pagkalaki laki.

Hawak-hawak ni Stan ang kabilang kamay ko habang nagda-drive. Nakatulog na si Skeet


sa backseat sa sobrang tagal naming na-stuck sa traffic jam.

"Tell me more about our angel at the back," sabi nito pagkatapos akong tapunan ng
tingin at tumingin ulit sa daan.

"Marunong siyang magkeyboard."

"I know. He's actually excellent in keyboard." Sagot nito.

"Pa--"

"How did I know? Like I said, I already met him in the university I partially own.
I am referring to the school in front of SDM Empire. Brent, Caleb and I owned it."
Napaupo naman ako ng maayos. Destiny is really good in creating coincidence.

"I wonder how he got there. He actually asked me to get a video of him while he
performs." Napatingin naman ako kay Skeet na natutulog sa likod. Nakilala niya kaya
ang daddy niya sa unang tingin pa lang?

Posible. Sa sobrang galing niya hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa utak niya.
Alam kong masyadong matalas ang memorya niya at marahil ay naalala niya ang picture
na nakita niya sa gamit ko ng makita niya si

Stan.

"Nandun kasi ang bestfriend ko nagtuturo. Bagong teacher nga lang siya 'don."
Tumatango tango naman si Stan at tila naa-amaze din sa coincidence. Pagkuwa'y
nagtanong ulit ito ng kung anu-ano tungkol kay Skeet.

"Hindi siya mahilig sa pambatang laruan pero mahilig siyang magkolekta ng mga
hugis. Unang salita na nabigkas niya ay dada. Ang unang salita namang nabasa niya
ay ooops. Nabasa niya yun sa isang kanta, 1 year and 2 months old palang siya 'non.
Ayaw niyang kumain ng sibuyas dahil hindi niya gusto ang amoy."

Patuloy lang ako sa pagkukuwento at maigi namang nakikinig si Stan. Manghang-mangha


siya sa bawat bagay na sinasabi ko tungkol kay Skeet. Panaka-naka niya itong
tinitingnan sa side mirror at ngumingiti.

Pagkarating namin sa harap ng mansyon nila Stan ay inalalayan niya muna akong
bumaba bago kinuha si Skeet sa likod na natutulog pa rin.

Sinalubong kami ng mga katulong na gulat na gulat pagkakita sa'kin. Lalung lalo na
kay Skeet na buhat-buhat ni Stan.

"Baby girl?!" Mabilis na lumapit sa amin sa mommy Tamara na gulat na gulat rin pero
halatang masaya ito.

"Good afternoon po."

"Aba'y kay ganda talaga ng hapon ko ngayon dahil nakita ko kayo ng apo ko dito. Sa
wakas nakikita kong maayos na ulit kayo!" Masayang untag ni mommy at niyakap ako.

"Aw! Ang himbing naman ng tulog ng nag-iisang apo ko!"

"Napagod po kasi eh."

"Anyway, Minda pakihanda ng kwarto ng apo ko."

"M-may kwarto po dito si Skeet?" Gulat na tanong ko.

"Oo naman! Nung isang linggo ko pa pinaayos yun pagkatapos naming malam-" Napatigil
ito sa pagsasalita at mabilis na iniba ang usapan.

"By the way, mabuti na rin at narito kayo, iha. Hindi na kasi umuuwi dito si Stan.
Nung nakaraang buwan pa ang huling punta niya rito."

"Mom, you know I'm busy." Singit naman ni Stan.

"Busy? Puro ka na lang negosyo. Hindi mo naman madadala yan sa kabilan buhay."
Pagmamaktol ni mommy. Napailing na napabuntong hininga nalang si Stan.

Pagkatapos mailagay si Skeet sa kwarto nito ay walang ka anu-anong hinatak ako ni


Stan sa kwarto niya. Mabilis nitong ni-locked ang pinto pagkapasok namin.

"Stan ano-"

Hindi na ako nakapagsalita nang mabilis nitong sinakop ang mga labi ko. Mariin at
nanghahanap na halik.

"S-stan." Hindi ko napigilang mapaungol lalo na nang gumalaw ang mga kamay nito.
Binuhat niya ako pahiga sa kama at mabilis na kumaibabaw sa'kin.

"I miss you damn much baby." He said intently before claiming my lips.

Bumaba ang halik niya leeg ko at patungo sa dibdib.


"I--Imiss you too." Hirap na hirap na sagot ko dahil sa sensasyong dulot ng mga
halik niya.

"Damn! I can't take this anymore!"

Mabilis itong tumayo at walang ka-anong hinubad ang kanyang mga damit.

And the rest is history.

HIMBING na himbing ang tulog ni Stan sa tabi ko. Napatingin ako sa side table. Alas
kwatro na pala ng hapon. Nakailang beses naming ginawa ni Stan iyon. Hindi ko naman
siya masisi dahil maging ako ay miss na miss na rin siya.

Mabilis akong nagdamit at lumabas. Tulog pa rin si Skeet ng sinilip ko ito kaya
bumaba na muna ako.

Pero isang nagbabagang tingin ang sumalubong sa akin pagkababa ko. Hindi agad ako
nakagalaw sa naglalagablab nitong tanong.

"Anong ginagawa mo dito'ng mamatay tao ka?!"

♕GreatFairy♕

=================

Chapter 36

Chapter 36

"Anong ginagawa mo dito'ng mamatay tao ka?!"

Napapiksi ako sa paglakas ng kanyang boses. Para niya akong pinapatay sa pinupukol
niyang tingin.

"Anong pinagsasabi mong babae ka?" buong tapang kong tugon at sinalubong ang
kanyang tingin.

"Anong pinagsasabi ko? Ikaw! Ikaw pumatay sa anak ko!"

"Wala akong pinatay. At hindi ko kasalanan kung bakit namatay ang anak mo. Baka
nakakalimutan mo kung ano talaga ang nangyari noon, Andrea..." mahinahon ngunit
madiing sabi ko.
Lalong dumilim ang kanyang mukha at sasampalin na sana ako ngunit napigilan ko ang
braso niya.

"Kasalanan mo kung bakit namatay ang sarili mong anak." Mabilis ko siyang tinulak
pagkatapos kong sabihin 'yon.

Lalo itong nagalit at susugudin na sana ako nang dumagundong ang baritonong boses
mula sa hagdan.

"STOP!"

Nagsilabasan ang mga katulong pati na rin si mommy Tamara na kasunod si daddy
Travis na mukhang kakarating lang.

"Bakit narito ang babaeng 'yan? Tita? Tito?" Nanggagalaiting sigaw ni Andrea.

"Stop it, Andrea. Baka magising ang apo ko..." saad ni mommy.

"Apo?"

"Yes, we have a son. Now, f*ck off and stop bitching Amethyst or else, you wouldn't
like what I can do to you," pagbabanta ni Stan.

"I can't believe you!" desperadang saad niya at mabilis na tumalikod. Binangga pa
nito ang isang katulong na nakasalubong niya kaya natumba ito. Mabilis naman itong
dinaluhan ng ibang katulong.

"Are you alright?" nag-aalalang tanong ni Stan at hinawakan ako sa pisngi.

Tumango tango lang ako at walang namutawing salita

sa bibig ko. Tila nawiwindang pa rin ang utak ko sa nangyayari. Hinilig ni Stan ang
aking ulo sa kanyang balikat at niyakap ako.

"Pagpasensyahan mo na si Andrea, baby girl. Simula kasi nang mawala ang anak niya
lumala na siya. Minsan nagiging suicidal siya." Bigla naman akong nahabag kay
Andrea. Ina rin ako at alam kong masakit talaga ang mawalan ng anak. Pero kasalanan
niya rin naman iyon.

"Ayos lang ho ako, mommy. Naiintidihan ko naman ho ang kalagayan ni Andrea."

Napapikit ako nang maramdaman kong hinalikan ako ni Stan sa ulo at hinaplos-haplos
nito ang buhok ko.

"Mom? Dad?"

Natigilan kaming lahat at lumingon sa hagdan. Bahagyang kinusot-kusot ni Skeet ang


kanyang mga mata habang pababa.

"Stop rubbing your eyes, anak. Baka mahulog ka..." nag-aalang sambit ko at bumitaw
sa yakap ni Stan. Umakyat naman ito para salubungin si Skeet. Binuhat niya na lang
din ito pababa.

"How's your sleep, kiddo?" nakangiting tanong ni daddy Travis.

"It's really good, lolo. I like your room here. It's big and there were a lot of
shapes."

"That was your room, apo. Iyon ang magiging kuwarto mo sa tuwing naririto ka."
Masiglang sambit ni mommy. Nagningning naman ang mga mata nito at tila manghang-
mangha.

"Really? That was mine, lola? All the shapes there are mine too?"

"Yes apo, sa'yo lahat iyon."

"How about mom? Does she has room too?" Nagkatinginan naman kami ni Stan. Bahagya
nitong pinisil ang bewang ko at ngumiti ng nakakaloko.

"She will stay in my room, son."

Tila nag-isip naman ang anak ko.

"It means I'll sleep alone my room, dad?

But my room is too big and... and Mom and I always share a room when we're in Cebu.
And we sleep together."

Bigla namang namutla si Stan. Para siyang natatae sa gitna ng maraming tao.

"B-but y-you're a big boy now son, right? You can sleep in your room alone."

"Right dad, I'm a big boy now. But mommy needs me because she can't sleep without
hugging me."

Halos maluha naman ako sa kakapigil ng tawa. Nakangiti naman sina mommy at daddy na
iiling-iling pa habang nakatingin sa dalawa.

"Don't worry son, I'll be hugging your mom when we sleep. And besides we need to
sleep together so can make your broth-asfdghjkl."

Mabilis kung tinakpan ang bibig ni Stan nang akmang sasabihin nito ang kaberdehan
ng utak niya sa kanyang anak.

"Bata yang kausap mo, Stanley." Pinanlakihan ko siya ng mata at binantaan ng


tingin.

"Honey, pinagawa talaga ni lolo at lola ang room na 'yon para sa'yo. At isa pa,
pambata kasi ang room na 'yon, okay?"

"Alright mom. I'll sleep alone in my room. But can we tell it to tito Shawn too?"

"Of course honey. Tatawagan natin siya mamaya."

***

"GRABE, hindi pa rin talaga ako makapaniwala na ang big boss natin ang tatay ni
Skeet. Ang galante pala ng nasungkit mo, Bestie!" napapalatak na saad ni Bestie.
Pinuntahan ko siya dito sa university kasama si Skeet dahil wala naman akong
gagawin. Hindi kasi muna ako pinayagang pumasok ni Stan ng ilang araw para daw
makapagpahinga ako. Pinakuha niya na lang din ang mga gamit namin sa apartel at
inilipat sa mansyon. Doon na rin siya umuuwi at hindi sa penthouse niya para daw
hindi malayo

si Skeet kina mommy at daddy.

Galing kami kanina sa opisina ni Stan. Nagulat naman ang lahat ng empleyado nang
makita akong kasama ng boss at may kasama pang bata. Dahil marami namang
pinipirmahan si Stan ay nagpaalam na muna akong dalawin dito si Bestie kasama ni
Skeet.

"Hay naku Best, kung anu-ano na naman yang pinagsasabi mo. Wala naman sa'kin kung
mayaman si Stan o hindi. Ang importante mahal niya kami ng anak niya. At mahal ko
rin siya."

"Kuh! Iba nga talaga pag in loved!"

"Heh! Ang dami mong alam Best!"

Inirapan ko si Yvonne pero hindi ko pa rin napigilan ang pagguhit ng ngiti sa labi
ko. Magdadalawang linggo na kaming umuuwi sa mansyon pagkatapos naming pag-usapan
na magpahinga muna ako sa training. Natawagan ko na rin si Shawn at si Manang Nelia
sa Cebu pero hindi ko na muna idinitalye. Pero ipinaasikaso agad sila ni Stan doon.
Kinuhanan niya ng isang condo unit sa PME ang dalawa. Uuwi rin kami doon pag maayos
na ang lahat.

"Amethyst? Is that you?"

Napatingin kaming pareho ni Bestie sa dumating. Nandito kami ngayon sa malawak na


pantry ng mga guro. Si Skeet naman ay hiniram muna ng mga kasama niyang guro.

"Brent?"

"The one and only! Ikaw na nga talaga yan?"

"Ay hindi. Isa siyang ispiritu na nagkatawang lupa para balatan ka ng buhay at
ipatapon sa bermuda triangle!" maanghang na sambit ni Yvonne pero namumula.

"I'm not talking to you, Miss Promdi..." ganti naman ni Brent.

"Whatever Unknown Specie!" nakairap na saad ni Bestie.

Isa lang ang napapansin ko sa dalawang 'to.

Pareho silang napana ni kupido.

Nagsusukatan

silang dalawa ng tingin kaya tumikhim ako para makuha ang kanilang atensyon.

"Diyan nagsisimula ang pag-ibig."

''What?/Ano?!'' magkasabay nilang bigkas kaya natawa ako.

"Oh see? Meant to--" Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang dumating ang kasamang
guro ni Yvonne na si Marisse. Humahangos na lumapit ito sa amin at tila namumutla.

"Yvonne, A-amethyst."

"Ano 'yon, Marisse?"

"H-hindi namin mahanap si Skeet. Nawawala y-yata. U-umalis lang ako saglit para
bumili ng pagkain. Bigla na lang nawala."

"ANO?!" naghihysterical na saad ko.

Diyos ko! Sa'n na naman nagsusuot ang anak ko? Malaki pa naman ang eskwelahang 'to.
"Marisse naman! Sana ibinilin mo na lang muna siya dito. Alam mo namang may pagka
adventurer ang inaanak kong 'yon!" Untag ni Bestie. Lalo naman akong kinabahan.

"Let's check the CCTV para hindi tayo mahihirapan sa kakahanap." Suhestiyon ni
Brent.

"Ay pak na pak. Minsan pala may silbi rin yang utang mo unknown specie."

Hindi ko na pinansin ang pagsimula ng iringan ng dalawa dahil parang tinatambol ang
dibdib ko sa sobrang kaba. Pakiramdam ko may hindi magandang mangyayari.

Hindi ko alam kung paano kami nakarating sa audio room sa sobrang lutang ko. Mabuti
na lang inalalayan nila ako ni Bestie.

Mabilis na inutusan ni Brent ang tauhan na nagbabantay sa CCTV para i-open ang
recorded video.

"Ayon siya!"

"Paki zoom nito. Kasi parang pamilyar eh..." ani Brent.

Nagitla ako at nagkatinginan kami ni Brent sabay bigkas ng pangalan na pareho


naming kilala.

"Si Andrea!/Andrea."

Kinuha ni Andrea ang anak ko! Biglang bumalik sa akin ang sinabi ni mommy.

May pagka-suicidal siya.

Nanginginig ang kamay kong denial ang numero ni Stan.

"Baby?"

"S--Stan."

"Hey! What's wrong? Why are you crying?" nag-aalalang tanong nito sa kabilang
linya.

"S-si Skeet."

[Why? What happened to our son? Is everything okay?]

"Si Skeet, kinuha siya. Kinuha siya ni Andrea."

"What?!"

"Kinuha siya ni Andrea. Nakita namin sa CCTV. Stan natatakot ako. Baka kung anong
gawin niya sa anak natin!"

"Baby, calm down. I won't let that happen, okay? Calm down. Pupuntahan kita diyan."

Tumango-tango na lang ako kahit alam kong hindi niya ako nakikita. Doble-dobleng
kaba ang nararamdaman ko ngayon para akong naghihintay na kakatayin sa ilang
sandali.

Mabilis kong binuksan ang cellphone ko sa pag-aakalang nagtext si Stan. Pero parang
tumigil ang pag-ikot ng mundo ko sa mensaheng nabasa ko.
Pinatay mo ang anak ko kaya hindi kita hahayaang maging masaya.

***

Plugging: Skeet Alvan's story: The Untouchable Beast. Hihi.

See more stories on these profiles: GatcheYonbe, Kynana, manrvinm, Gianna1014.


Thank you and enjoy!

♕GreatFairy♕

=================

Chapter 37

Fairy: Mahilig po ako sa fast-paced na story, so here it is. Nyahahaha. Spoiler na


po ito sa story ng The Untouchable Beast.

Chapter 37

Kamatayan.

Isang traidor at makamandag na salita na kailanma'y hindi gugustuhin ng sinuman.


Isang simpleng salita ngunit nakakasira ng pagkatao. Isang salitang nakakabuwag ng
pamilya dahil kaya nitong tapusin ang isang napakasayang sandali ng buhay. Salitang
nakakapanghina ng kahit sa pinakapangyarihang tao. Kaya nitong durugin ang puso at
gawing pira-piraso. Na kahit lumipas man ang panahon ay hindi nawawala ang sugat.
Humihilom ngunit nando'n pa rin ang marka. Kaya nitong kunin ang lahat sa'yo at
walang tinitira. Kaya nitong sirain ang lahat. Ang lahat lahat sa'yo.

Pero masasabi mo bang maganda ang naidudulot ng kamatayan kung sa pagkawala ng isa
ay may kapalit na buhay?

Pagpapatawad.

Madaling sabihin at mas madaling intindihin ngunit mahirap gawin. Lalung-lalo na


kung ang hinihingaan nito ay durog na durog. Yung tipong wala sa bokabularyo niya
ang pagpapatawad. Isa itong simpleng salita ngunit nakakapaghilom ng sugat.
Nakakapaglimot ng masalimoot na nakaraan. Higit sa lahat, nakakapagpalaya ng
nakulong na damdamin.

Nakatingin lang ako kay Miss Wenalyn na tahimik na umiiyak sa harap ng burol ng
kanyang pinsan. Nasa gilid naman niya si Caleb na sinusuyo ng haplos ang kanyang
likod. Hindi ko alam kung anong meron sa kanila pero nararamdaman ko na may
pagkakaintindihan sila.

Tahimik akong lumapit sa kanyang kabaong kasunod si Stan. Sa tuwing naaalala ko ang
nangyari ay hindi ko mapigilang

mapaiyak.

Salamat, Justine. Maraming salamat sa pagligtas mo sa anak ko. Alam kong hindi
naging maganda ang huli nating pagkikita pero sana kung saan ka man ngayon, makita
at maramdaman mong napatawad na kita. Hindi ko kailanman makakalimutan ang ginawa
mong pagsasakripisyo ng buhay mo para mailigtas ang anak ko. Sana masaya ka na sa
kinaruruonan mo ngayon.

Nag-usal ako ng maikling dasal bago tuluyang tumalikod. Nakaalalay pa rin sa akin
si Stan dahil parang nauubusan na ako ng lakas. Si Stan na lang din ang nagpaalam
sa pamilya ni Justine na aalis na kami. We owe them a lot. Nakakahiya naman kung
basta-basta nalang kaming umalis.

"Do you already want to go home?" Tanong ni Stan na puno ng pag-alala. Umiling lang
ako.

"Dadaan muna tayo ng ospital. Gusto kong makita ang anak natin. Baka hanapin niya
ako pag nagising siya."

"But baby, you look tired and you should rest. I'll handle him, don't worry.
Besides, mom and dad are there to take care of him. Your bestfriend, Yvonne, is
also there to look after him."

Umiling lang ulit ako na ikinabuntong hininga ni Stan. Pumasok akong wala sa sarili
pagkatapos niya akong pagbuksan ng pinto ng kotse.

Hangga't maaari ayaw kong malayo ako sa anak ko. Pakiramdam ko kasi may masama na
namang mangyayari.

Nahuli na si Andrea pagkatapos nitong kunin saka iniwan si Skeet sa kalsada at


pinagtangkaang sagasaan ng kotse pero naagapan ni Justine kaya naitulak niya ang
anak ko bago pa ito nabangga. Sa kasamaang palad hindi siya nakaligtas dahil
nabagok ang ulo nito pagkatapos magpagulong gulong ng katawan niya. Hindi na rin

namin alam kung paano napunta si Justine sa eksena, ang mahalaga ligtas ang anak
ko, ang anak namin, kahit pa ang kapalit nuon ay ang pagkawala niya.

Parang dinurog ang puso ko nang matagpuan namin si Skeet sa tabi na kalsada na puno
ng sugat. Halos liparin naman ni Stan ang kotse papuntang ospital ng isinugod namin
siya. Para akong pinagbagsakan ng langit ng masilayan ko ang itsura ng anak namin.

Hindi ko namalayang nakarating na pala kami ng ospital. Natauhan lang ako nang
bumaba si Stan at umikot para pagbuksan ako. Pinupulupot niya ang kanyang kamay sa
bewang ko nang papasok na kami sa loob ng pribadong ospital.

"Kumusta siya?" tanong ko kay Bestie pagkapasok namin sa pribadong silid na


pinaglagyan kay Skeet. Mahimbing itong natutulog sa kanyang hospital bed.

"Nagwala siya kanina Bestie, eh. Hinahanap ka niya. Ayaw na ayaw niya sa iba, takot
rin siya sa nurse."

Parang hiniwa ang dibdib ko na malamang nagkaganito ang anak ko. Ang sabi ng doktor
kahapon, na-trauma raw ito sa nangyari sa kanya. Takot itong lapitan ng iba,
lalung-lalo na ng mga babae. Hindi namin alam ang buong detalye kung paano siya
naisama ni Andrea at iwinala ito pagkatapos ay tinangkang sagasaan. Masyadong
masama ang epekto ng nangyari sa kanya.
"Ipapaayos na namin ang papers niya para makalabas. Pero kailangan niya pa ring
mag-undergo ng therapy ayon sa doktor..." ani mommy Tamara.

Napabuntong hininga ako ng malalim. Hindi ko namalayang tumulo na naman ulit ang
mga luha ko. Awang-awa ako sa anak ko. Masyado pa siyang bata para maranasan ang
lahat ng ito.

"Don't worry, baby. We'll all get through

with this, please stop stressing yourself. Our son will get through this." Tumango
ako at tinugon ang yakap ni Stan. Sa ngayon kailangan kong tatagan ang loob ko para
sa anak ko.

"M-mommy." Mabilis akong lumapit sa anak ko ng magsalita ito.

"Yes honey? Narito na si mommy. May masakit ba sa'yo anak? Alin ang masakit?
Nagugutom ka ba?" sunod-sunod kong tanong ngunit umiling lang ito. Parang kinurot
ang dibdib na makitang parang nawalan ng kulay ang kanyang mga mata.

"I don't want anything. Can I hug you instead mom?" Napangiti ako at niyakap siya.

"I love you honey."

"I love you too mom. Please don't leave me..." nagsusumamong saad nito na
ikinasikdo ng dibdib ko.

"I won't honey. Mommy will always be here," sabi ko at hinalikan siya sa sentido.

***

"SIGURADO ka bang ayaw mo nang lumipat ng school, bunso?" tanong ko kay Shawn.
Umuwi kami saglit dito sa Cebu para maasikaso ang paglilipat namin sa Maynila.
Minamadali na kasi ni Stan ang lahat.

"Tatapusin ko na lang siguro ang unang taon ko dito ate saka na lilipat. Sayang din
naman."

"Ikaw ang bahala. Basta palagi kang tatawag pag magkaproblema ha?"

"Ate naman. Huwag mo na akong alalahanin. Kaya ko ang sarili ko. At isa pa, malapit
lang naman dito sa condo ang eskwelahan. May sarili pa akong driver na kinuha ni
Kuya Stan."

Napabuntong hininga na lang ako. Stanley will always be Stanley. Palagi itong
gumagawa ng mga bagay na hinding-hindi mo na matatanggihan. Hindi ko alam kung
anong pinag-usapan nila ng pumunta si Stan noon sa bahay para hanapin ako pero
nasisigurado kong may itinatago

sila na sila lang ang nakakaalam. Man to man talk ika nga. Malaki na nga talaga ang
kapatid ko at nagbibinata na.

Napatigil ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. Si Stan.

"Hello."

"Mommy?" Si Skeet pala.

"Yes honey?"
"I miss you already, mom. Can you go here right away?"

Napangiti ako sa paglalambing ng anak ko. Nagpapasalamat ako at unti-unti na rin


siyang bumabalik sa dati. Mailap nga lang sa mga babaeng nakakasalamuha niya
maliban sa aming malalapit sa kanya. Ang sabi ng doktor, epekto raw iyon ng
pangyayari sa kanya.

Mahigit dalawang buwan na rin ang nagdaan pagkatapos ng pangyayaring iyon na


ikinawala ni Justine pero pang kahapon pa rin nangyari ang lahat. Lalo na sa tuwing
nakikita ang pagbabagong idinulot nito sa anak ko. Sa dalawang buwang iyon ay
iginugol ko ang panahon ko ang panahon ko sa pag-aalaga kay Skeet. Nag-undergo siya
ng napakaraming psychological therapy na unti-unting nakapagpabalik sa kanya sa
dati, hindi nga lang masyadong gaya ng dati.

"Alright honey, sandali na lang ha? Papunta na rin ako diyan, nag-uusap lang kami
ng Tito Shawn mo."

"Hurry up Mom. I'm excited!"

"Alright honey, papunta na ako diyan okay? Magkasama lang tayo kanina eh excited ka
na naman."

"It's just...it's just.."

"It's just what, anak?"

"Nothing Mom. Just come here right away."

"Oo na, sige na anak. Ibalik mo na yang cellphone ng daddy mo."

"Okay, see you mom. I love you!"

"I love you too, honey."

Napatingin ako kay Shawn na kakalabas ng kwarto niya na bihis na bihis na parang
pupunta sa isang

party. Ang bilis naman niya.

"Anong meron? Ba't ganyan ang bihis mo? At sa'n ka pupunta?" Bigla naman itong
nataranta at tila nangangapa ng sasabihin.

"S-sa e-eskwelahan ate. Tama. Sa eskwelahan... May...may mock interview kami


ngayon." Tinaasan ko siya ng kilay dahil hindi ako kumbinsido.

"Umamin ka nga, bunso. May pinopormahan ka na 'no?"

"Ate naman. Wala ah. May mock interview nga lang kami."

"Asus! Maniwala ako sa'yo. Uy bunso ah, sabihin mo agad sa'kin pag magkagusto ka na
sa isang babae ah?" Napakamot naman ito sa ulo.

"Ate talaga, 16 pa lang ako. Wala pa sa isip ko 'yan."

"Wala naman akong ibang ibig sabihin ah. Ang akin lang baka nagka-crush ka na."

"Ang corny mo ate. Umalis ka na nga baka mamuti ang mga mata ni Kuya sa kahihintay
sa'yo." Pagtataboy nito sa'kin.
"Oh siya. Aalis na ako. Namimiss na ako ng anak ko."

"Wait ate! Sama na ako, sa akin ka nalang sumabay. Ida-drop ka na lang namin sa
PME." Kumunot ang noo ko pero pumayag nalang din ako.

Malapit lang naman ang condominium ni Shawn sa PME building kaya nakarating agad
kami. Iniwan ko kasi sandali si Skeet sa daddy niya kanina para makausap ko si
Shawn. Gusto rin kasing tingnan ni Stan ang kalagayan ng kompanya at para ipaalam
na rin sa general manager na kumuha nalang ng bagong trainee para sa posisyong
iniwanan ko.

Napamaang ko nang pagkapasok namin ay parang ang tahimik pero kakaiba ang ngiting
ibinibigay ng mga empleyado sa'kin. Siguro alam na nila ang tungkol sa amin ni
Stan.

Mas lalong kumunot ang noo ko nang walang ilaw sa buong lobby pagkapasok ko. Pero
biglang

may suminding dim light na nakatutok kay Skeet nang tuluyan na akong nakapasok.
Nasa harapan siya ng keyboard.

https://youtu.be/2LitWD9n65E

Biglang pumainlang sa pandinig ko ang kantang All of Me na tinugtog ng anak ko.


Alam kong magaling ang anak ko sa keyboard pero hindi ko pa rin naiwasang magulat
at mamangha.

When I first saw you I already knew. There was something inside of you. Something I
thought that I would never find, angel of mine.

Na estatwa ako ng marinig ko ang pamilyar na boses na biglang nagsalita pero hindi
ko makita dahil madilim. Patuloy pa rin sa pagtugtog ang anak ko pero tinapunan
niya ako ng ngiti.

I look at you looking at me. Now I know why they say the best things are free. I'll
gonna love you girl, you are so fine, my angel.

Nagsimulang uminit ang pisngi ko kahit alam kong lyrics iyon ng isang kanta. Ramdam
ko ang pagmamahal sa bawat sa salitang sinasabi niya.

How you changed my world you'll never know. I'm different now, you helped me grow.

You came into my life, sent from above. When I lost all hope, you showed me love,
I'm checkin' for you. Girl you're right on time.

Tuluyan na akong napaiyak nang biglang bumukas ang isa pang ilaw na nakatutok sa
kanya. He's wearing a black tuxedo nakapadagdag sa kagwapuhan niya. Bitbit ang
isang bungkos ng bulaklak ay lumapit ito sa akin dahil hindi ako natinag. Inabot
nito sa akin ang bulaklak at pinunasan ang luha ko.

"Stan-"

Nabigla ako nang lumuhod ito sa harapan ko. Kasabay ng pagbukas ng bawat letra na
nakailaw sa paligid. Halos literal na tumalon ang dibdib ko at napatakip ako sa
bibig ko nang mabasa ang mga salitang bumubuo niyon.

Please be my better half, Shane Amethyst Cervantes.

It can't be?
♕GreatFairy♕

=================

Chapter 38

Chapter 38

I stared lovingly at her as she walks graciously towards where I am standing. Damn!
She looks like an hour-glass shaped goddess in her wedding gown. She's perfect and
I can't find the exact words to describe her. I even tried to blink several times
to prove that I'm not dreaming but this is so damn real!

Not sure if you know this

But when we first met

I got so nervous, I couldn't speak

In that very moment

I found the one and

My life had found its missing peace

I never thought we would end up together after messing everything up, five years
ago. I judged her and chose not to hear her explanations. And that was the
stupidest thing I've ever done in my entire existence. I even loathe her for a
f*cking nonsense reason, not realizing that I'm such a dumbass for doing that to
her.

But I'm one of a hell lucky because she chose to forgive and accept me again. I
adore her for the way she is. She's just too good to be true. She's the type of a
woman whom you would never let go. She's way too different from any woman I've
known. She's independent and amazing. She's a critical thinker and can decide
firmly for herself. She think of others before herself too. She's a totally
complete woman.

I felt my heart skipped a beat when she finally got in front of me. And my whole
system shut down when she smiled at me. A beautiful, perfect, genuine smile.

I lovingly held her hand and led her to the altar, not minding the people present
in our wedding. My eyes only set unto her.

"I

love you..." I whispered to her ear when we finally took our seats in front of the
priest.
Her cheeks turned red but she mouthed 'I love you too' and smiled, that made me
forget about the people around.

"We gathered here today to witness the unity of this man and woman in holy
matrimony...."

I didn't able to decipher everything that the priest said for I was busy staring at
her angelic face. She looks stunningly ravishing and I can't wait to kiss her and
make love to her but I know I should wait for it.

"Humarap ka naman kay father, huwag ako ang titigan mo..." she whispered just
enough for me to hear it clearly. I chuckled and winked at her that made her blush
even more. Beautiful!

"I can't help it, you're too addictive." She bit her lip to restrain herself from
smiling, that made me turned on. Damn those kissable lips!

I came back to my senses when the priest cleared his throat to catch our attention.
Sham just smiled at him awkwardly while I remained my bored look.

It took a while until we reached to the part where we have to exchange our vows.
Suddenly I felt like I lost everything that I have stored in my mind last night.
All I know is, this woman in front of me is totally occupying my senses. I cleared
my throat and inhaled deeply.

"Six years ago was the best thing time I've recorded in my heart. I met the woman
that unconsciously stole my heart and never gave it back to me. The first time I
laid my eyes on her, I unconscioulsy told myself, 'she's the one. Starting that
day, I stalked you. It sounds creepy but, I gotta to find out all your favorites,

even your favorite hangouts." She blinked twice upon hearing it.

"From then, I started to get near and I wooed you. And I'm the happiest man alive
when you said yes. Everytime I am with you, it feels like I can do everything. You
were my strength. But the biggest mistake I made five years ago was letting you go.
I know I'm such an asshole for hurting you but, I promise I won't spill the chance
you gave me, Sham. I can't promise to give you the world but I promise to give you
my everything. You own me now. Please wear this ring as a symbol of my love,
warmth, and respect and faithfulness. I promise to love you, share smiles and
laughs with you. I promise to be with you through tough times. I promise to cherish
you and even death can't do us part. I love you very much,Sham." I slid the diamond
wedding ring in her finger and it fits perfectly. Her eyes are crying with so much
happiness. Damn! She's beautiful even she's crying.

"Wala akong kayang ibigay sa'yo dahil na sa'yo na ang lahat pero nangangako akong
ibigay ang lahat ng pagmamahal ko sa'yo. Kung anuman ang nangyari sa atin limang
taon na ang nakaraan, ay ipinagpasalamat ko. Dahil doon, marami tayong natutunan.
Mga bagay na mas nagpatibay sa pagmamahal natin sa isa't isa. Please wear thing as
a symbol of my love, warmth, and respect, and faithfulness. I love you so much,
Stan."

"For as much as this man and woman cast their vows in presence of the Lord and in
this holy matrimony, ladies and gentlemen I present to you, Mr. and Mrs. Mijares.
You may now kiss the bride."

Just on cue, I lifted her veil and kissed her. Our very first kiss as husband and
wife. I kissed her like its the first time. Her lips are so soft and sweet and I
can't get enough of it.
"Dude, magtira ka naman para mamaya!" Brent shouted followed by laughter from the
crowd. Damn! I really wanted to ditch the reception and make love to her right now.
But I know I have to wait.

***

"Congratulations Mr. Mijares. Finally you tied the knot!" Mr. Tan, one of our
business partners greeted us.

I just thanked them all displaying my all smiles but at the back of my mind, I want
to get the hell out of here and be with Sham alone.

"Daddy? Mommy? Are you both happy?" our son asked out of the sudden.

"Extremely happy kiddo..." I smiled and patted his head.

"Bakit mo naman natanong honey?" Sham asked.

"Because I saw dad wiped his tears while staring at you. Is it tears of joy, like
what you said Mom?" He asked innocently that made Sham look at me and smiled. At
that moment, my heart literally dropped.

I have an adorable son and a gorgeous wife. I couldn't ask for more. They're my
life now and our future kids.

The moment we stepped in our own house. I didn't wasted anytime. I carried her
leading to our room. Finally!

"I've been waiting for this., I said and claimed her lips.

"I love you so much wife," I said in the middle of our kisses.

"I love you too hubby,"

That made me f*cking turned on! How I love this woman. She's my strength as well as
my weakness. And I can't live without her.

I don't believe in forever but damn, I believe in LIFETIME. And Sham is my


lifetime.

***

Fairy: Whatever! Ang cooooooorny!

♕GreatFairy♕

=================

Chapter 39
Forever is just a word that manifests your own definition of it. -greatfairy

Chapter 39

"Triangular prism."

"Rectangular prism."

"Sphere."

"Honey diba sinabi ko naman sa'yong huwag na huwag kang mang-aaway. Bakit mo inaway
si Carizza? That's bullying anak, masama 'yon..." untag ko kay Skeet na ngayo'y
kaharap na naman ang mga hugis. Kakatawag lang ni Yvonne na inaway niya na naman
daw ang kaklase niyang babae kanina.

"Cylinder."

"Cone."

"Elipse."

Parang bingi lang ito na walang naririnig. Patuloy lang ito sa pag-aayos ng laruan
niyang mga hugis sa lalagyan. Parang museo na itong kwarto niya dahil puno ito ng
iba't ibang klase at kulay ng hugis.

"Dihedral."

"Tetrahedral."

Napabuntong hininga na lang ako. Nagbago na nga talaga ang anak ko simula no'ng
muntik na siyang mapahamak sa kagagawan ni Andrea. "Honey please! Huwag ng pasaway,
nahihirapan na ang mommy."

Napatigil naman ito at humarap.

"I didn't bullied her, Mom. It was her fault, she keeps on talking to me and I
didn't like it. She's too noisy."

"She's just being nice to you honey, and she just wanted to be your friend."

"No Mom. She's annoying, and I don't like her," walang gana nitong sagot.

Napahilot ako sa aking noo at napahawak sa malaking tiyan ko isa kong kamay.
Mahirap palang masyadong matalino anak mo. Ang hirap niyang ispelingin.

"What's going on here?"

Napatingin naman ako sa pinto ng kuwarto ni Skeet nang bumungad mula doon ang asawa
ko.

Asawa ko.

Hanggang ngayon parang naninibago

pa rin ako na mag-asawa na kami kahit mahigit walong buwan na kaming kasal.
Lumapit ito sa akin at mabilis akong hinalikan sa labi at sa tiyan, na palagi
niyang ginagawa sa tuwing aalis at dadating siya. Hindi ko manlang naramdaman ang
pagdating ng sasakyan niya ngayon.

"'Yang panganay mo kasi nang-away na naman ng kaklase niyang babae."

Napailing naman si Stan at bahagya akong hinaplos sa likod habang ang kabilang
kamay niya ay humahaplos sa aking tiyan.

"Hey, I told you to avoid stressing yourself baby. It's not good for you. I'll take
care of our son. Come on, let's go to our room." Nagpatianod na lang ako ng inakay
niya ako palabas ng kwarto ni Skeet.

Pumasok kami sa master's bedroom na todo alalay sa akin si Stan. Para akong
babasaging crystal kung alagaan niya. Pinaupo niya ako sa kama at umupo sa tabi ko.
Naamoy ko na naman ang mamahaling pabango niya na kinaadikan ko noong naglilihi
palang ako.

Napapikit ako nang hinalikan niya ako sa noo.

"I miss you so much, Wife..." paglalambing nito at hinalik-halikan ako sa buong
mukha.

"I miss you too hub-." Napapikit na naman ako ng sinakop nito ang mga labi ko.

Kahit walong oras lang kaming hindi nagkita, miss na miss namin ang isa't isa.
Ganyan nga talaga siguro pag mahal na mahal mo ang isang tao. Ang bawat minuto na
hindi mo siya kasama ay katumbas ng isang araw.

Ramdam ko ang pangungulila niya sa akin sa paraan ng halik niya na para bang kay
tagal naming hindi nagkita, samantalang panay ang tawag niya sa'kin habang nasa
trabaho siya.

"Damn! I can't get enough of you Wife." Napangiti ako

sa gitna ng halikan namin.

I can't get enough of him too. I want him bad as much as he wants me. Pero-

"Kausapin mo muna 'yang panganay natin, ang tigas na ng ulo." Napanguso ito na
parang nalugi nang pigilan ko kanyang labi gamit ang aking hintuturo. Kinagat-kagat
naman nito ang daliri ko na animo'y nang-aakit pero hindi ako natinag.

Napabuntong hininga ito at hinalikan ako sa tungki bago dahan-dahang tumayo.

"Alright, leave him to me. But, don't stress yourself too much okay? I'll be back."
Ginawaran niya na naman ako ng halik sa tuktok bago tinungo ang pinto ng master's
bedroom.

Walang araw na pinalagpas si Stan para alagaan ako simula nang maging mag-asawa na
kami. May sarili na rin kaming bahay dito mismo sa loob ng subdivision nila. Si
Skeet naman ay nag-aaral na rin BCS University na pagmamay-ari nilang tatlong
magkakaibigan. Lumapit na rin doon si Shawn pagkatapos ng isang semester niya sa
University of Cebu.

Gustuhin ko mang makasama ang kapatid ko ay wala akong magagawa. Ayon kay Stan
kailangan daw namin ng privacy bilang mag-asawa kaya napagdesisyonan naming doon na
lang siya tumira sa mansyon kasama sila Mommy Tamara at Daddy Travis. Malapit
nalang din sa mansyon ang bahay kaya lagi rin siyang pumupunta dito. Si Manang
Nelia ay kasama namin dito sa bahay. Siya ang tumutulong sa akin habang nasa
trabaho si Stan. Hindi na rin ako nakabalik sa trabaho dahil nabuntis agad ako kaya
doble alaga si Stan sa'kin. Dito na rin niya pansamantala pinatira si Shawn dahil
kabuwanan ko na.

Araw-araw ay sinisigurado muna ni Stan na nakakain at nakainom ako ng vitamins bago


ito

pumasok sa trabaho. Kadalasan nga ay siya rin ang naghahanda ng almusal ko. He's so
sweet and a perfect husband. I couldn't ask for more.

****

NAALIMPUNGATAN ako nang maramdaman kong parang naiihi ako. Alas sais pa lang ng
umaga pagtingin ko sa malaking gintong orasan dito sa kwarto. Napatingin ako sa
tiyan ko dahil nakapatong doon ang palad ni Stan na parang pinoprotektahan niya ito
kahit natutulog siya.

Dahan-dahan kong inalis ang kamay niya at bumangon para pumunta ng banyo. Pero
hindi pa man ako nakatayo ay biglang sumakit ang aking tiyan kaya napahawak ako sa
balakang ko. Napapikit ako ng maramdaman ko ang bigla nitong paghilab.

"H-hubby..." hirap na hirap na saad ko at walang kalakas-lakas ng niyugyog si Stan.


Good thing, nagising agad ito.

"Baby? What's wrong?" Napabalikwas ito ng bangun at sinipat ang kabuuoan ko.

"Manganganak na yata ako." Bigla itong nataranta at tumayo sa kama. Walang ka anu-
anong binuhat niya ako palabas.

"Manang ihanda niyo ang gamit ng asawa ko at sumunod kayo agad sa ospital." Kahit
sobrang sakit na ng paghilab ng tiyan ko ay hindi ko napigilang mapangiti ng
marinig ko ang diretsong tagalog ni Stan. Ganyan 'yan pag natataranta.

"Just hold on baby, okay?" anito at pinaharurot ang sasakyan.

Mabilis naman kaming nakarating ng ospital dahil malapit lang naman ito.

"One last push Misis, andyan na ang baby."

"Aaaaaaahhhh."

Ramdam ko ang pagtagatak ng pawis ko habang hawak hawak ako ni Stan sa kamay.

"A healthy baby boy," ani Dr. Salmonte na OB-Gyne ko na siya ring tumulong sa'kin
noon.

Naramdaman ko ang paghalik ni

Stan sa noo ko habang nakatingin kami sa anak namin.

"Alright, isa pa."

Huminga ako ng malalim at umiri. Humigpit din ang hawak ni Stan sa kamay ko.

"Aaaaaahhhhh."

"Konti na lang Misis, nakikita ko na ang ulo."


"Aaaaaaahhhhhh."

"Okay one last push Misis."

"Aaaaaaaaaahhhhhhhh!."

"A healthy baby girl."

Naramdaman ko pa ang pagtulo ng luha ko nang marinig ko ang iyak ng mga anak ko
bago kinain ng dilim ang paningin ko.

Nagising ako na puting kisame ang bumungad sa paningin ko.

"You're awake. How are you feeling Wife?" Napatingin ako sa aking gilid nang
maramdaman ko ang pagpisil ni Stan sa kamay ko.

"Ayos lang ako, medyo nanghihina lang. Where are they?"

"I told the nurse to bring them here once you're awake. Mom and Dad are already
there, they're to excited to see the twins. Thank you Wife, thank you for making me
this happy." Napangiti naman ako nang marinig ko iyon.

Sinusubuan ako ni Stan ng sabaw nang biglang pumasok si Bestie kasama si Brent.
Mukhang nagkakaintindihan na nga sila.

"Bestie! Congrats! Ang ganda at guwapo ng mga bagong anghel natin!"

Napatawa naman kaming lahat sa pagiging hyper ni Bestie.

"Congrats Dude, sharp shooter. Caleb's on his way." Si Brent.

Maya-maya'y pumasok sila Mommy at Daddy kasunod ang dalawang nurse na bitbit ang
aming kambal.

"Kumusta na ang pakiramdam mo, iha?."

"Okay na ho ako mommy."

"Pa'no ba 'yan may papalit na sa trono mo bilang baby girl namin?"

Natawa naman kami sa turan ni mommy. I feel so delightful to be part of their


family.

"They're so adorable just like you." Napaluha ako ng makarga ko na ang unica hija
namin. Si Stan naman ang kumarga sa kambal nito.

"May naisip ka na bang pangalan nila Best?." Tanong ni Bestie.

"Silver and Gold."

"Silver Rain Mijares for my son."

"Gold Reign Mijares for my daughter."


--THE END--

♕GreatFairy♕

=================

THANK YOU!

Thank you for reading my very first story. Salamat din sa mga nag-vote at comment.
Though revised version na ito, I know hindi gano'n kaganda. Wala na po kasi akong
time na i-revise talaga ang mga major scenes dito. I have four on-going stories,
plus TUB self-publishing, plus work loads. I am restless.

Anyway, this story will be published. Self-published din po tulad ng TUB, pero
limited copies lang. Yung epilogue nito sa book version na talaga ilalagay. So
there will be 2 added chapters in the book version. Bakit ko ipa-publish kung hindi
ako gano'n ka confident sa plot ng story ko? Wala naman, gusto ko kasing may "legal
copyright" lahat ng mga stories ko. At magagawa ko lang 'yun kung maisasalibro ko
sila, and I also want to have hard copies of my works. Remembrance kumbaga.

Sa mga may gusto ng copy nitong libro, mag-comment lamang sa ibaba para malaman ko
kung sino ang gustong kumuha, at maireserve ko na rin. Please don't ask for the
price yet, I will be consulting the publisher first. Maraming salamat sa
pagtangkilik ng aking mga gawa. You have helped me grow along the way. Marami na
akong natutunan sa pagsusulat, hindi gaano karami pero paunti-unti kong ina-apply
iyon sa mga on-going at future stories ko.

Isang taon na rin itong TBK sa Wattpad. Haha. One year na pala akong nag-e-exist
dito. Amazing!

God bless everyone!

greatfairy

=================

Book Details

Hello,

Ito na po costing ng book:

P278 + shipping fee.

Schedule of shipping fees:

*For Manila, Luzon and Mindanao area: P130

*For Visayas area: P120


--ORDER FORM--

Complete name:

Complete mailing address:

Contact no.:

# of book/s:

HOW TO ORDER:

1. Send a private message to my WATTPAD account (not facebook).

Note: Payment maybe made thru the following remittance centers: LBC, Palawan
Express, Cebuana and M Lhuillier.

2. If payment made, send your proof of payment together with your order form to the
following FB account: Yufa Li Taylor.

3. Pagkatapos mai-send ang bayad, hintayin ang confirmation from Yufa.

4. Relax and enjoy life. Cross your legs and wait for your book to be shipped.
*winks*

DATE TO REMEMBER:

February 16, 2017- last day of pre-ordering and payment.

*Book shipping period starts last week of Feb.

Other Book Details:

*Free bookmark

*With my sign and dedic

*Two added chapters na wala sa Wattpad version.

*Mega-edited version

*with love and kisses (Hehe)

Thank you for ordering TBK! The first ever novel na nagawa ko.

Salamat, salamat po... from the core of my hypothalamus gland!

P.S. Hindi po ito sapilitan. Haha. Nagco-collect lang ako ng hard copies ng stories
ko. *winks*

Basta iyon na po 'yon. Hindi ko na alam kung pa'no ko kayo pasasalamatan lalo na sa
suporta n'yo sa TUB. It's overwhelming at sobrang nakakagulat.

Thanks a lot! I love you all!

Tagging those confirmed:

insentive23

normaleen

RedTwinkleStar

myboo2806

greylanz1985

greatfairy hahahaha.

GREATFAIRY

You might also like