Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IV - A CALABARZON
City Schools Division Office of Antipolo
Distrito I - A
PAARALANG ELEMENTARYA NG STA.CRUZ

IKA-APAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT


ARALING PANLIPUNAN IV
Taong Panuruan: 2022 – 2023

Pangalan:___________________________________ Petsa: ______________


Baitang at Pangkat:__________________________ Iskor: _______________

I. Piliin sa loob ng kahon ang pagkamamamayan ng mga taong isinasaad sa mga pangungusap.

A. Mamamayang Pilipino B. dayuhan

_____1. Si James ay anak ng isang Igorot at isang Ilokano. Naninirahan sila sa Maynila.
_____2. Nagbabakasyon sa Pilipinas tuwing mahal na araw si Niel na isang Australyano.
_____3. Si Kapitan Lito ay isang sundalong Pilipino na naninirahan sa Mindanao. Nang sumiklab ang
labanan ng Abu-Sayaf at military, siya ay tumakas kasama ang kanyang pamilya.

II. Piliin sa loob ng kahon ang tinutukoy na karapatan ng bawat pangungusap. (No. 4-8)

A. Karapatang Pangkabuhayan D. Karapatang Sibil


B. Karapatan ng Nasasakdal E. Karapatang Panlipunan
C. Karapatang Politikal F. Karapatan ng Bata

_____4. Binigyan si G. Manuel ng pampublikong abogado para ipagtanggol siya sa kanyang kaso.
_____5. Tuwing halalan, hindi nalilimutan ni Jasper na bumoto sa kanilang lalawigan.
_____6. Ibinigay ng pamilya Manreza kay Marah ang pagmamahal na kailangan niya.
_____7. Hindi pinigil ng kanyang ama si Iska na sumapi sa relihiyon ng kanyang napangasawa.
_____8. Nagtapos ng kursong Edukasyon si Jana at siya ay nagtatrabaho na bilang isang guro.
_____9. Sina Rena at Renan ay naglalaro pagkatapos nilang walisan ang kanilang bakuran.
_____10. Natupad ang pangarap ni Pedro na makapagbili ng lupa at bahay.
_____11. Si Aling Nena ay nagmamakaawa kay Don Pablo dahil hindi pa nito mababayaran ang
kaniyang utang kasi gipit pa ito sa pera.

_____12. Binigyang-halaga ang karapatan ng bawat mamamayan sa Saligang Batas ng 1987 upang
mapangalaagaan ito at makapamuhay nang maatiwasay ang mga tao sa lipunan. Ano ang
dapat na maging kaakibat nito?
A. batas B. tungkulin C. kasunduan D. alituntunin
_____13. Naihalal si Willie na alkalde sa kanilang lungsod. Anong kaakibat na tungkulin ang dapat
niyang gawin?
A. gawin nang tapat ang tungkulin C. magsabi ng katotohanan
B. gawin ang naising gawin D. maging bos a kanilang lugar
_____14. Nakita mong tumatawid ang isang matanda sa kalye. Ano ang iyong gagawin?
A. Alalayan ang matanda C. Sabihan siya na mag-ingat
B. Pabayaan siya at wag pansinin D. Maghanap ng pulis na siyang tutulong
_____15. Katatapos lamang ng malakas na bagyo. Tulong-tulong ang mga tao sa inyong pamayanan
upang mag-linis. Ano ang gagawin mo?
A. Manood sa mga taong naglilinis C. Sumali sa pag-lilinis
B. Manatili sa kuwarto D. Huwag ng pansinin ang naglilinis
Panuto: Iguhit ang masayang mukha  kung ito ay nagpapakita ng pagpapahalaga ng
kagalingang pansibiko at malungkot na mukha  kung hindi.
_____16. Paglahok sa tree planting program ng inyong paaralan.
_____17. Pagkakaroon ng tiwala sa sarili na matulungan ang mga kababayang hirap sa buhay.
_____18. Pagtulong ng may inaasahang kapalit.
_____19. Pagsawalang kibo sa utos ng magulang.
_____20. Pagboluntaryo sa paglilinis ng mga kanal sa iyong barangay.

Panuto: Piliin ang tinutukoy na gawain ng mamamayan para sa pagtataguyod ng Pambansang


kaunlaran. (21-24)

A. Pagiging produktibo C. Pagsunod sa batas


B. Pagmamahal sa bansa at kapwa Pilipino D. Pangangalaga sa kapaligiran

_____21. Pagtawid sa tamang tawiran.


_____22. Si Ruel ay nagtitinda ng mga kakanin sa kanilang lugar pagkatapos ng klase.
_____23. Itinatapon ni Luz ang kanyang mga pinagkainan sa tamang basurahan.
_____24. Ang alagang aso ni Mang Berting ay nakatali na sa kanilang bakuran.

_____25. Sino sino ang mamamayang Pilipino ayon sa Saligang Batas?


A. Ang ama o ina ay mamamayang Pilipino.
B. Mamamayan ng Pilipinas nang pinagtibay ang Saligang Batas ng 1987 noong Pebrero 2,1987.
C. Mga dayuhang nagpasiyang maging mamamayang Pilipino ayon sa batas ng
naturalisasyon.
D. lahat ng mga nabanggit
_____26. Nakita mong may kodigo ang iyong kaklase habang kayo ay may pagsusulit. Ano ang iyong
gagawin?
A. Magsasawalang kibo na lang ako
B. Makikikopya na rin ako para mataas ang makuha kong marka
C. Sasabihan ko s’ya na di tamang magkaroon ng kodigo.
D. Magagalit ako sa kanya kapag hindi niya ako pinakopya.
27. Nagdudulot ng mabahong amoy at usok ang pagawaan ng plastic sa inyong pamayanan.
Kung isaka sa mga opisyal ng inyong pamayanan, ano ang gagawin mo?
A. Huwag na lang pansinin dahil hindi naman umaabot ang amoy sa bahay mo.
B. Ipaalam ito sa tanggapan ng punong lungsod.
C. Pagalitan ang may-ari ng pagawan.
D. Pulungin ang mga tao sa pamayanan para magrali sa tapat ng pagawaan.
_____28. Masayang nagkukwentuhan sina Ana at Luis. Sa kabilang silid ay natutulog ang may sakit
nilang kapatid. Ano ang pinakamabuti nilang gawin?
A. Itigil na nila ang kanilang kwentuhan
B. Ituloy ang kasayahan dahil karapatan nilang maging masaya
C. Hinaan ang kanilang mga boses upang di makaabala sa may sakit
D. Ituloy ang kwentuhan dahil karapatan nilang ipahayag ang kanilang damdamin
_____29. Madalas na walang pambili ng pagkain si G. Santos para sa kanyang pamilya dahil wala
siyang trabaho. Ano ang dapat niyang gawin?
A. Magpalimos sa daan C. Mangutang sa tindahan
B. Manghingi sa magulang D. Maghanap ng pagkakakitaan
_____30. Ibinili si Daniel ng kanyang tatay ng bagong gadyet. Dahil sa kasabikan ay araw-araw niya
itong nilalaro. Tama ba ang ginagawa ni Daniel?
A. Oo, dahil karapatan niyang maglaro.
B. Hindi, dahil baka masira kaagad ang laruan.
C. Oo, dahil ngaun lang siya nagkaroon ng gadyet.
D. Hindi, dahil kailangan din niyang mag-aral at tumulong sa gawaing bahay.
_____31. Madalas na walang pambili ng pagkain si Mang Luis para sa kaniyang pamilya dahil wala
siyang trabaho. Ano ang dapat niyang gawin?
A. magpalimos sa daan C. mangutang sa tindahan
B. manghingi sa magulang D. maghanap ng pagkakakitaan
_____32. Pumunta sina Alonah sa Disneyland paraa makapamasyal. Anong kaakibat na tungkulin
ang dapat nilang gawin pagkarating nila sa Disneyland?
A. Magkalat kung saan-saan C. Gawin ang naising gawin
B. Sundin ang mga batas D. Magpalimos sa daan
_____33. Pagsasagawa ng libreng operasyon para sa mga may biyak na labi. Anong gawaing
pansibiko ang inilarawan?
A. Pangkalikasan C. Pampalakasan
B. Pangkalusugan D. Pang-edukasyon
_____34. Paano mo mapapanatiling malusog ang iyong katawan upang makatulong sa pag-unlad ng
bansa?
A. Gumamit ng ipinagbabawal na gamot. C. Mag-ehersisyo kung kailan nais gawin ito.
B. Kumain ng masustansyang pagkain. D. Manood ng telebisyon hanggang hatinggabi.
_____35. Sino sa mga sumusunod ang makatutulong sa pag-unlad?
A. Laging huli kung oumasok sa trabaho si Juan.
B. palaging tinutuos ni Pedro ang bilang ng oras ng kaniyang ipinagtatrabaho.
C. Pinagbubuti ni Eva ang kaniyang trabaho sa opisina kahit walang nakakakita.
D. kapag binibigyan ng manedyer si Roy ng dagdag na gawain, hindi niya ito ginagawa agad.
_____36. Isa pa sa magandang katangian ng isang mamamayan ay ang paglinang ng sariling
kakayahan. Paano mo malilinang ang iyong sariling kakayahan?
A. makipagsapalaran sa ibang bansa.
B. Sumali sa mga paligsahan sa pagandahan.
C. Magkaroon ng mayayamang kaibigan.
D. Huwag huminto sa pag-aaral ng makabagong teknolohiya at maging produktibo.
_____37. Pilit na pinagpapalimos ng kanilang ina sa lansangan ang magkapatid na Jeremy at Symon
dahil may sakit ang kanilang ama.Anong karapatan ang nilabag dito?
A. karapatang mgkaroon ng tirahan at ari-arian
B. karapatan sa pantay na proteksiyon ng batas
C. karapatang magsalita at ipahayang ang srili
D. karapatan laban sa sapilitang paglilingkod.
_____38. Paano mo mapapaunlad ang iyong sariling kakayahan?
A. Maging tamad at mandaya sa mga aralin sa paaralan.
B. Mag-aral nang mabuti at magsanay upang mapaunlad ang talento.
C. Iasa sa iba ang iyong gawain.
D. Magpatulong palagi para hindi mahirapan sa paggawa.

Panuto: Sagutin ang mga tanong sa isa o dalawang pangungusap upang mabuo ang mga
konseptong iyong pinag-aralan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

39. Ano ang naiintindihan mo sa pahayag na “Ang pag-unlad ng mamamayan ay pag-unlad din ng
bansa.” Paano ito naisasakatuparan?

40. Bakit mahalaga na pangalagaan ang sariling kalusugan? Paano ito naktutulong sa pag-unlad ng
isang bansa?

You might also like