Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Pagpapalawak ng istorya ng “Trese”

Ang “Trese” ay isang komik na ginawa ni Budjette Tan noong Oktubre 22, 2005.
Pinagsasama ng serye ang mga elemento ng Philippine mythical creatures, horror, at
crime noir, at ito ay makikita sa mga lansangan ng Maynila mula sa Pilipinas. Sinusundan
ng kwento ang mga pakikipagsapalaran ni Alexandra Trese, isang matigas at bihasang
detective na dalubhasa sa paglutas ng mga supernatural na krimen at misteryo.
Ang aking napiling teoryang pampanitikan para sa pagpapalawak ng istorya na
ito ay ang “teoryang feminismo”. Dito sa “Trese” pinapahalagaan ang mga kakayanan
ng babae hindi lamang sa labanan pati na din sa mga hilig nila sa mga karinwang
bagay na lalaki lamang ang nagkaka gusto. Mayroon akong halimbawa na diyalekto
na nag mula sa paksang “Trese” na sumusuporta sa aking mga pahayag. Ang una ay
ang ang pagkakapantay-pantay sa pagitan ng kasarian ay ipinapakita sa
pamamagitan ng Trese sa pamamagitan ng pagpapakita ng pangingibabaw. Sinabi ni
Trese sa lalaking aswang habang hawak ang kinatay niyang ulo “ano ang kaniyang
istura”, pinag-loko pa si Trese naunit sinabi ng lalaking aswang na “Hindi lang siya
Maganda, mukha din siyang masarap” at pagtapos tinusok ni Trese ang kanyang kustilio
sa mata ng lalaking aswang.
Pangalawang diyalekto pagpapalit ng “gender roles” sa pamamagitan ng
estereotipo na ipinapakita ni Trese na karaniwang lalaki lang ang mayroon. Sinabi ng
lalaking tikbalan kung gusto daw mag karera ni Trese. Si trese ay hindi nagalilangan at
siya ay nagpatuloy sa karera at siya ay nanalo. Pinapakita dito na si Trese ay
nagpapakita ng hilig sa mga kosteng pang karera. Ito ay hadlang lamang sa mga
kalalakihan na kagustuhan. Ang pangatlo ay ang pagagamit sa babae sa pagnanasa,
pinapakita dito na ang babae ay instrumento na ginagamit ng lalaki para sakanilang
bisyo. Pero si Trese ay pinaglaban ang mga kababaihan sa pagpapatay ng mga
aswang na nasa strip club.
Sa makatuwid, hindi lamang ang istroyang Trese ay inihandog para sa kaalaman
ng mga “Mythical Creatures ng Pilipinas, kundi dahil din sa pagpapahalaga ng posisyon
ng babae sa ating Lipunan. Binigyan ni Trese ang kahalagaan ng babae sa ating
daigdig sa pamamagitan ng pagiging malakas at matapang sa mga lalaking aswang.
Bigyan din dapat ng pantay na Karapatan ang mga babae at huwag natin sila maliitin
dahil sila ay “babae”. Magkaroon din tayo ng kamalayan patungkol sa mga kanilang
paghihirap sa pagkakaisa sa lipunan. Ituring natin silang pantay at bigyan hustisya sa
mga karapat dapat na babae.

You might also like