?? GS#11-Josue Tolentino

You might also like

Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 89

GENTLEMAN Series 11: Josue Tolentino

by Dehittaileen

GENTLEMAN Series 11: Josue Tolentino

Nakatali sa isang matandang tradisyon ang yaman na mamanahin ni Josue. At ang


tradisyon na 'yon ay ang pakasalan ang huling babae sa lumang kwentong panitikan
sinaunang lahi nila.

And it happened that Nikita Kim is the last Woman in old tale. The universe aligned
their fate. Mabilis na naplano ang kasal nila. Dahil ang lolo nito ay kaibigang
matalik ng lolo niya. What a great deal to have his gold!

All set are planned already. Petsa nalang ang hihintayin ang he will be the first
young Asian Billionaire in whole Korea.

Pero may problema. Nawawala ang bride niya. O mas tamang sabihing naglayas ang
bride niya.

=================

GENTLEMAN Series 11: Josue Tolentino

All right reserved. No part of this book may be reproduced, stored in a retrieval
system or transmitted in any form by any means electronics, mechanical,photo-
copying, recording or otherwise, except being extracts for the purpose of reviews
without written permission of the author.

©JosueTolentino2017

All Right Reserved

Dehittaileen

GENTLEMAN Series 11: Josue Tolentino

Nakatali sa isang matandang tradisyon ang yaman na mamanahin ni Josue. At ang


tradisyon na 'yon ay ang pakasalan ang huling babae sa lumang kwentong panitikan
sinaunang lahi nila.

And it happened that Nikita Kim is the last Woman in old tale. The universe aligned
their fate. Mabilis na naplano ang kasal nila. Dahil ang lolo nito ay kaibigang
matalik ng lolo niya. What a great deal to have his gold!
All set are planned already. Petsa nalang ang hihintayin ang he will be the first
young Asian Billionaire in whole Korea.

Pero may problema. Nawawala ang bride niya. O mas tamang sabihing naglayas ang
bride niya.

-----

Ola *kaway

Happy ako na nakaabot na tayo sa series 11. Meaning malapit nang matapos ang batch
na ito. *wink yehey! Wagi

NOTE: wag po tayong magtataka kung bakit nariyan si Nikita samantalang asawa na
siya ni Taddeos Ventura. Remember? Fiance siya ni Josue ng tumakas siya at magtago
sa pilipinas? At siya ang dahilan kung bakit mapapadpad sa ating perlas este sa
perlas ng silangan si Josue. Hehehe

Again, nasa iisang timeline parin po tayo. Maliligaw at maliligaw sa kwento si


Nikita.

Salamuch.

Ai:)

----

Find me on facebook: @Dehittaileen

Follow me on Instagram: @AileenDehitta

Join in our Group Page: @HERMOSA Señoritas

Add this to your reading list to get more updates daily.

=================
Prologue

"Damn!" Inis na naibato ni Josue ang cellphone na hawak. Hindi man lamang siya
nanghinayang na ihagis ay hayaang mabasag ang smart phone niya. Why would he be?
He's a billionaire. Oh! Yes! You'll be the first young Asian Billionaire once you
get married to your wayward bride! Asik ng isip niya.

Madali nga lang iyon. Madaling madali. But his wayward bride run away! Fuck! In a
less than a months now, he will get wed and he will have his whole wealth without
any problems.

Inis na bumangon siya sa pagkakahiga at hinagilap ang damit niya. He had a good
fucked last night. The woman he'd been with last night was---fantastic!

Dali dali niyang isinuot ang brief at pantalon saka lumabas ng silid. Wala na ang
babaing kasama niya kagabi. Nakilala niya iyon sa mismong engagement party nila ni
Nikita kagabi. The woman with luscious lips and delectable breast. Fuck! Those
tits! He even has this massive boner. He silently cursed nang maisip ang babaing
nakilala niya kagabi. Maingat pa silang lumabas kagabi sa takot na baka may
makakita sa kanilang media o makita siya ng abuelo niya na nambabae sa mismong gabi
ng engagement niya.

He smirked. Who would want to date someone like Nikita Kim? Brat-stubborn-child-
minded princess. Aaminin niyang maganda ang dalaga. Walang duda. Pero iba ang trip
nito sa buhay kaysa sa kanya. Hinagilap niya ang susi ng sasakyan at saka lumabas
ng apartment building na tinutuluyan niya. May tatlong linggo na siya dito sa
Japan. Nandito lang siya for appearance. Nikita's great grandfather Emperor wants

him to court his Great Grandchild first bago ang pormal na pagkakasundo. Napaismid
siya. Japanese still believe in foolish kinds of Romance.

Though, Nikita wasn't really a Japanese. Hindi sa hindi puro. She has a multiple
blood strings. Korean, Japanese and Filipino.

Hindi kagaya niya, na may laging Korean at Filipino. Ang ina na anak ng Prime
Minister ng South Korea ay nakapag asawa ng Isang purong tagalog. Pero hindi
ganoong mababakas sa kanya ang pagiging kalahating Filipino niya dahil mas lamang
yata ang dugong koreano sa kanya, base na rin sa kanyang hitsura.

Maputi at singkit ang mga mata niya. Marami nga ang nagsasabing kamukha daw niya si
Kim Soo Hyun isang Korean actor na lumabas na sa iba't ibang klase ng palabas sa
telebisyon.
Humarap siya sa salamin ng sasakyan niya. Kamukha ko nga siya, pero mas gwapo ako
sa kanya. Call him conceited. But go! Have some survey at isa lang ang makukuha
nilang sagot. Gwapo siya. Mas gwapo pa sa salitang gwapo.

Agad na nabaling muli ang isip niya kay Nikita. How come na nagawa pa nitong
maglayas sa pagitan ng iilang panahon nalang ay makukuha na niya ang dapat niyang
makuha? That brat!

Nagtagis ang bagang niya ng maisip si Matteo. Ito lang ang natatandaan niyang
kausap kagabi ni Nikita. He saw them seriously talking outside the party. Nagtataka
pa nga siya. Alam niyang di naman masyadong close ang

kaibigan niya sa bride niya. But looking at them last night. Hindi mo maiisip na di
sila close. Nagawa pa nga nilang lumayo pa dahil may nakikita silang dumadaan na
tao sa balkon na pinuntahan nila.

And when he followed them, nawala na ang mga ito sa paningin niya. Naiinis na
binalingan niya ang sira sirang cellphone na nagawa pa niyang pulutin kanina.
You're nuts Tolentino. Ngayon nagsisisi ka na binasag mo ang cellphone mo! Stupid!
Pati naman ang isip niya ay parang tangang inaasar pa siya.

Ilang minuto bago siya nakarating kung nasaan ang penthouse ni Matteo. May limang
minuto yata siyang nakatayo doon ng magtanong na siya sa sarili niya. May tao ba
dito?

Nagmamartsang bumaba siya sa lobby at nakigamit doon ng telepono. Mabuti nalang at


kabisado niya ang numero ni Matteo.

"Nasaan si Nikita?" Agad na tanong niya ng sagutin nito ang tawag.

"She's missing." Tipid na sagot nito. Nararamdaman niyang may alam ang kaibigan
niya sa pagkawala o mas tamang sabihing paglalayas ni Nikita.

"Answer me dimwit! Where is my bride?" Aniya sa matigas na tinig.

Bumugtong hininga si Matteo. "Tol.."

I knew it! "So nasaan siya? Alam kong alam mo dahil ikaw lang ang nakita kong
kausap niya kagabi. I know that you two have plans to escape. Do you like her?"
Deretsahang tanong niya.

Hindi maguusap ng patago ang dalawa kung walang namamagitan sa mga ito. "Hell no!"
Matigas na sabi nito. "She just.. just.. Asked my help to.. Escape."

Nagsalubong ang mga kilay niya. "At saan siya nagpunta?"

"Philippines."

To be continued...

---------

Laugh out loud pagkatapos kong mabasa ang post sa timeline ko na kung pwede ba daw
maglagay ako ng SPG sa bawat story ko. Hehehe.. Natawa talaga ko.. I kennat!
Hahaha.. Pang make out bitin lang po ako.. Di ko na keri ang super sexy..

Happy reading.

Ai:)

=================
Chapter One

"Para saan naman 'yang bugtong hininga mo?"

Gulat na napatingin sa kanya ang kaibigang si Regine. Binisita niya ito sa clinic
nito.

"F-Flor?" Tila takang taka ito ng makita siya.

Namaywang siya sa harapan nito. "The one and only. May kilala ka pa bang ibang flor
na kasing ganda ko?" She joke at herself.

Tinignan naman siya nito na akala mo'y may mali sa kanya. "And what are you
wearing? Ganyan ka na ba kapag luluwas ng maynila?" Nagtatakang tanong nito.

Niyuko niya ang sarili. Faded maong shorts n umabot lamang sa ilalim ng harapan
niya ang kanyang suot. Iyon yata ang tinatawag ng mga kababaihan na pekpek short.
Habang louse T shirt na may malaking mukha ni pooh sa bandang dibdib. Idagdag pa
ang local havaianas na suot niya."Oh! Well galing ako sa client meeting ko. Kaya
naisipan kong dalawin ka dito."

Napahawak si Regine sa sarili nitong baba habang nakatingin pa rin sa kanya.


Tinaasan lang niya ito ng kilay. "Client meeting.. Hmm? Na ganyan ang hitsura?"

Umupo siya sa upuan at saka humalukipkip. "Well, after kong imeet itong bago kong
investor natapunan ako ng isda na siyang idedeliver sa isa kong branch dito."
Pagkukwento nito.

She looks so amused. "So ikaw na rin ang delivery girl ngayon. Ayos ah! Working
girl ka nga." Tudyo nito. Bigla siyang sumimangot. Kung hindi ba naman dahil sa
hinayupak na lalaking iyon na walang modo! Hindi niya dadanasin ang mga ito! Urrgh!

"Sira ka! Mas inuna mo pa talaga ang asarin ako kaysa ang mangamusta no? What a
nice friend?" She said with full of sarcasm.

"Sino

ba naman kasi hindi magugulat sayo? Darating ka dito na ganyan ang hitsura mo..
Hello Florie.. Napakalayo ng norte sa maynila." Sabay hagalpak nito.
"May nakilala kasi akong new investor. Balak ko na kasing buksan as public
attraction ang isla na nabili ko last year. And then, dahil may sadya ako dito.
Isinakay ko na rin sa sasakyan ko ang mga isda na siyang idedeliver sa branch namin
dito. Nagkataon naman na sumala ang pagkakabuhat ko hayun! Natapon pero konti lang
naman." Sabay bungisngis niya. Kung maari ay ayaw na niyang isipin sana ang
nangyari kanina. Naiinis lang siya. "Kaya naman ipinacar wash ko muna ang kotse ko.
Maswerte na lang ako dahil may dala akong extrang damit sa kotse---."

"Kung hindi---hubad kang pupunta dito." Dugsong nito na Sinabayan pa ng malulutong


na halakhak. Sinimangutan naman niyaa nito dahil sa ginawa nito. Nagpeace sign ito
saka siya inengganyo na magkwento ulit.

"Saan mo naman nakuha yang short mo? Sigurado ako hindi sayo yan.. Di ka naman
nagsusuot ng ganyan diba?" Tukoy nito sa maikling short na suot niya.

Bumaba ang mga mata niya doon. Kanina ay napapangiwi pa siya. As if naman may
pagpipilian siya hindi ba? "Ah ito? Kay Delaney ito. Naiwan niya siguro sa kotse ko
noong minsan hiramin niya." Tukoy niya sa nakakababatang kapatid . "At ito namang
tsinelas na ito. Nabili ko doon sa tabing kalsada. Alangan namang sumakay ako ng
dyip na yapak!" Napatawa ulit ito sa kanya. Hindi niya talaga maimagine na
mangyayari sa kanya ang nangyari kanina.

"Thanks for coming sis. Napasaya mo 'ko." Sabi nito sabay tawa. She suddenly saw a
sadness in her eyes. May dahilan pa ba para maging malungkot ito?

"Your welcome." She said while rolling her eyes. Hinaplos niya ang sariling braso.
"Pakihinaan naman ng air-con. Nilalamig ako."

Nangingiting sinunod siya nito. "Kung bakit naman kasi ganyan ang isinuot mo."

"As if i have a choice? Alangan namang ibalandra ko ang katawan ko." Wika niya
dito. Wala naman siyang pagpipilian kung di ang isuot ang kapiranggot na salawal na
ito.

Dinampot niya ang tasa na may lamang kape at saka marahang hinigop iyon. "Oh ikaw?
Anong balita sayo? Sorry kung wala ako nung wedding mo ha." Hinging paumanhin niya.
Nagulat man siya sa biglaang pagpapakasal nito. Isang biglaang pagpapakasal sa
lalaking halos doble ng edad nito.
Ngumiti lang ito sa kanya. "Ok lang. Alam ko naman na busy ka simula nang magfocus
kana sa pagiging entrepreneur mo. "

Tumango tango lang siya. Matagal na rin kasi silang di nagkakaraoon ng oras na
magkasama ng matagal. "Si East kamusta? Namimiss na siya nila nanay. Lagi ngang
tinatanong nila kung kailan kayo dadalaw sa bahay." Malapit sa pamilya nila ang
anak nito. Magkakasama sila noon sa San Felipe.

"Nakakatuwa naman na unti unti nang nasasanay si East dito. Actually kasundo niya
si---." Pinutol niya ang sinasabi nito.

E ang asawa mo? Feeling ko kasi may hindi ka sinasabi sakin 'e." Putol niya sa iba
pa niyang sasabihin. At alam niyang may kakaiba dito. Kilala niya ito. Magkaibigan
sipa mula pa noon. "So tell me, anong mayroon?" Paghihikayat niya.

"He's here." Na sinabayan nito ng pagyuko.

Nangunot ang noo niya. Iisa lang naman ang kilala niyang umalis sa buhay nito bukod
sa mga magulang nito. "You mean? The love of your---."

"Anak siya ni Fernan."Nanlaki ang mga mata niya dahil sa sinabi nito.

"Oh My God!" Gulat na gulat na tanong niya. "H-How?"

"Hindi ko alam. Sa buong mga taon na nakasama ko si Fernan. Walang pagkakataon para
makilala ko ang panganay niya. It's just a quiet surprise when after the wedding
saka ko nakilala ang anak niya. " Pagkukwento pa nito. "Mahirap makasama silang mag
ama sa iisang bubong lalo pa't hindi alam ni fernan ang nakaraan namin ni job.
Pakiramdam ko nag----."

"Tataksil ka sa kanya?" Dugsong niya."Umamin ka nga sa'akin. Mahal mo pa ba 'yang


gago mong ex?" May bahid ng galit na sabi niya. Hindi pa rin kasi niya
nakakalimutan ang ginawa ni Job sa kaibigan niya.

Hindi ito makatingin sa kanya. "H-Hindi naman 'yon nawala sa nakalipas na mga taon
'e." Mahinang bulong nito.
"Sabi ko na nga ba! Ipapaalala ko lang sa'yo Regina. May asawa ka nang tao. Oo't
alam ko ang dahilan mo ng pagpapakasal sa asawa mo. Pero sana wag mong makalimutan
na nakatali kana."

To be continued...

=================

Chapter Two

Pagkagaling sa Clinic ni Regine ay bumalik din agad si Flor sa Car wash shop para
balikan ang sasakyan niya. Kung hindi ba naman nagkada-letse letse ang araw niya
kanina ay hindi sana niya mararanasan ang malaking kahihiyan sa harapan ni Mr.
Padilla na tumulong sa kanya para mabili ang isla sa Palawan. May-ari ng canning
business ito. At balak nitong mag invest sa negosyo niya.

Isa kasi sila sa supplier nito bukod sa may sarili itong barko. Pero ang kahihiyang
tinamo niya kanina ay walang papantay.

Nagpatulong siya sa gwardiya na nasa parking ng kanilang Seafood restaurant na


ibaba ang isang banyera na may lamang iba't ibang seafoods. Nasa likod ito ng
sasakyan.

Iniiwasan niyang mapalapt iyon sa puting polong suot niya dahil naghihintay sa loob
ng restaurant si Mr. Padilla, ang isa sa customer nila. Pero dahil sa biglaang
pagbusina ng isang pulang sasakyan mula sa likuran nila, aksidenteng natalapid
siya.

Dahilan para sumadsad siya sa banyera at kumapit ang lansa niyon sa kanya.

"Ma'am!" Natatarantang inalalayan siya ng gwardiya. Inis na niyuko niya ang sarili.
Amoy na amoy niya ang malansang isda doon isabay pa ang napakalamig na pakiramdam
dala ng mga yelo. She look like a filthy fish!
Nilingon niya ang sasakyan na ngayon ay nakagarahe na sa parking ng restaurant.
Nakita niyang bumaba doon ang isang bastos at walang modong lalaki. Nakasuot iyon
ng maroon na polong may mamahaling tatak at maong short. Nakakuyom ang kamao niya
na hahakbang sana ng marinig niya ang tinig ng gwardiya. "Ma'am basang basa po
kayo. Saka malansa din po. Dipo kaya nakakahiya sa mga customer natin sa

loob?" Tila nahulaan niya ang ibig sabihin ng gwardiya kaya inutusan nalang miya
itong magpatawag ng tao sa loob na siyang bubuhat sa mga isda.

Sinundan nalang niya ng tingin ang lalaking hindi man lamang siya nilingon at
tinanong kung nasaktan ba siya dahil sa ginawa nito!

Bumalik siya sa loob ng sasakyan at mula sa backseat ay sinilip niya ang maliit na
paper bag na naroroon. Tanging T-shirt lang ang naroon na kakasya sa kanya. Nahagip
din ng mga mata niya ang short na marahil ay naiwan ni Delaney sa loob ng saskayan
niya. Binitbit niya ang mga iyon ay sa backdoor ng kitchen siya dumaan.

Nilinis niyang mabuti ang sarili at inayos bago siya pumasok sa dinning at hinanap

si Mr. Padilla. Agad na tumayo ang gwapong binata ng makita siya. "Ms. Arador,
nalate ka yata."

Nahihiyang ngumiti siya. "I'm sorry Mr. Padilla, nagkaaberya lang sa labas." Bumaba
ang tingin nito sa kanya. Nahihiyang ibinaba niya ang dalawnag palad sa hita at
naunan nang maupo sa harapan nito. "A-About my proposal Mr. Padilla.. " Hindi na
siya nagpaligoy ligoy pa. Inunahan na niya ito.

"Oh! Yes! Actually napirmahan ko na." Nanlakibang mga mata niya sa sinabi nito.
Ibig sabihin matutuloy na ang balak niyang gawin sa isla? Balak niyang buksan iyon
for public. Nanghihinayang kasi siya sa ganda kung di naman niya mapapagkakitaan.
At may potensyal si Mr Padilla para

matulungan siya. May plano na siyang Hotel-Resort doon.

"Y-You.. "

Tumango ito. "Napagusapan na namin ng kaibigan ko na sososyo kami sayo. Sa


katunayan kadarating lang niya. Akala ko kasi ay pagkatapos pa ng kasal niya bago
siya pumunta dito. Kaya hindi ko pa binibigay sayo ang oo ko." Lalo siyang nagulat.
Ibig palang sabihin dalawa ang makakasosyo niya. Dalawa ang magiinvest sa kanya.
Two birds in one stone. "Well, nasaan ang kaibigan niyo Mr. Padilla?"

Nagpalinga ito. "Nagpaalam lang siya na pupunta sa Men's room. Pabalik na rin
iyon." Nasisiyahan siya na hindi na pala niya kailangan kumbinsihin ng todo ang
milyonaryong ito. Natitiyak niya na dahil sa papasukin niyang negosyo mas uunlad pa
ang kita nila.

Muling nag angat ng tingin si Mr. Padilla. "Oh! There he is! Josue!"

Nanlaki ang mga mata niya ng makilala ang lalaking naka Maroon na polo. Ang bastos
at walang modong lalaking basta nalang bumusina kanina!

Hanggng ngayon ay nanggagalaiti pa rin siya a galit. Pero iniwawaksi nalng niya
saisip niya iyon. Pagkababa ng taxi ay pumasok siya sa shop. Nakita niyang bina-
vacuum pa ang kotse niya. Mahal na mahal niya si Hercules. Regalo ng tatay niya ang
kanyang lumang Toyota corolla noong makagraduate siya sa kolehiyo. Ito ang unang
pagkakataon na pinacar wash niya si Hercules. Siya kasi palagi ang naglilinis
niyon.

"Matagal pa ba?" Tanong niya sa lalaking nagbubuffing sa labas.

"Malapit na po ma'am. Konting tuyo nalang po." Tumango siya at umupo sa lounger na
naroroon. Kasabay ng pag upo niya ay ang pag upo din ng isang lalaki.

Agad siyang napalingon dahil nasamyo niya ang amoy niyon. "Ikaw na naman!" Kunot
noong sai niya ng makita niya ang lalaking kaibigan ni Mr Padilla.

Ngumiti ito sa kanya. "Hi Ms. Arador. It's nice to see you again..."
To be continued...

=================

Chapter Three

"I was nearby the area when i saw you walking in here."

Walang nagtatanong. Taas kilay na bulong niya. She was holding a newspaper pero
wala doon ang mga mata niya. Props lang niya iyon. Just an excuse to make this
Arrogant Man shut his mouth up. Pero mukhang feeling close n ito dahil panay ang
daldal sa tabi niya.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nakakalimutan ang ginawa nito. And take note,
wala man lamang sorry na natatanggap siya mula dito. Ipinagpatuloy niya ang
pagiignora dito nang muli na naman itong magsalita.

"I really admire people who has a wonderful talent." Kumunot ang noo niya dahil sa
sinabi nito.

Masama ang tingin na ipinukol niya dito. Kung hindi lang talaga malaki ang
porsyentong hawak ito nungkang pumayag siya sa mga napagusapan nila ni Mr. Padilla.
"Kaya mo palang magbasa ng newspaper ng pabaliktad."Agad nawalaa ng kunot ng mga
noo niya ng marealized niya kung ano ang sinabi nito.

Bumaba ang mga mata niya deretso sa hawak na diyaryo. Halos lumubog siya sa
kinauupuan ng makitang baliktad nga iyon. "P-Pakialam mo.. S-Sa gusto kong magbasa
ng p-pabaliktad." Bawi niya sa pagkapahiya.

Lihim siyang nagngitngit sa sarili. Baka kasi kung ano na ang iniisip ng lalaking
ito sa kanya. Baka isipin nito nagpapansin lang siya na hinding hindi naman niya
gagawin.

Binitiwan nalang niya ang hawak na diyaryo at ang cellphone nalang niya ang
kinalikot niya. Nasa level twenty-six na siya sa reverse challenge ng color switch.
Inabala nalang niya ang sarili doon.

Naramdaman niya
ang pagtayo ng kausap niya. Nang mag angat siya ng tingin ay kausap na nito ang isa
sa mga helper ng shop. "Sir! Sabi ko naman sa inyo, kayang kayang gawin ang kotse
niyo e. Inuna pa namin 'yan. Alam niyo naman malakas kayo samin."

Naningkit ang mga mata niya dahil sa sinabi ng lalaki. Padaskol siyang lumapit sa
mga ito. Kanina pa ang lalaking ito s akanya. Namumuro na ito. Konti nalang
bibinggo kana!

"Ah! So, palakasan pala dito." Imik niya.

Matalim ang mga matang ipinukol niya sa helper ng shop. "M-Ma'am.. "

Ipinapat niya sa dibdib ang dalawang braso. "I check in my car, past ten kaninang
umaga. Ang sabi niyo balikan ko after an hour. Almost thirty minutes na nga akong
late at hanggang ngayon ay naghihintay pa ako. Tapos itong lalaking ito, mukhang
kadarating lang naman. Tapos na agad" Sabay duro niya kay Mr. Tolentino. "Wow ha!
SM lang ang peg niyo! My Privilege card!" Sarkastiko niyang sabi.

Nagyuko ng ulo ang helper. Mukha namang nagiguilty ito. "I'm sorry m-ma'am.. Ano po
kasi..."

"It's okay Mang Cris.. You may go Back to work." Naiinis na tinignan niya si Mr.
Tolentino. pinaalis nito ang lalaki nang di man lamang pa nagpapaliwanag sa kanya.

"Mayabang ka!" Angil niya dito. Nilinga linga niya ang paligid. All workers are
busy in their works. Ang sasakyan niya ay hindi pa tapos i-buff. Na labis naman
niyang ikinakainis. Nagpalinga linga pa siya.

"Sino ba kasing hinahanap mo?" Tanong ng binata sa tabi niya.

"Hinahanap ko 'yung may ari nitong shop. I will complain to stop tolerating this
kind of special treatment. Lalo na kung sa mga gaya mo." Naiinis na kuda niya.

His smile appeared in his face. Parang sandaling tumigil ang oras at napatitig siya
doon. She haven't seen any guy na mayroong ganitong klaseng ngiti. Pwede na itong
endorser ng isang brand ng toothpaste. His pearly white teeth flashing in front of
her. Napalunok siya ng makita niyang bahagyang kumibot ang labi nito.
"Looking for the owner?"

Tumango siya.

"I'm here. Ako ang may ari nitong shop."

To be continued...

=================

Chapter Four

Lumabas siya ng bahay at naglakad lakad sa Paligid ng bahay nila. Katatapos lang
nila maghapunan. Ang nagiisa nilang kasambahay na si Aling Marya ay kasalukuyang
may trangkaso kaya si Delaney ang nautusang magligpit ng pinagkaininan nila. Pero
katakot takot na seremonyas pa bago sumunod ang kanyang kapatid. Mula kasi ng
tumungtong ito ng high school ay naging tamad na.

Dahil aaminin niya, kahit noong maliit na grocery store palang ang kinabubuhay niya
ay feeling prinsesa na ang kapatid niya. Dalawa lang kasi silang magkapatid at
pareho pang babae. Nang makapagtrabaho siya noon sa isang Manufacturing company
bilang Managerial Officer ay mas naging spoiled sa kanya si Delaney. Kaya hindi rin
niya masisi kung bakit ganoon si Delaney.

Nang makaipon siya ay kumuha siya ng bagong kurso. BS in Entrepreneurship. Gusto


talaga niyang palaguin ang Grocery store nila. Hindi nga nagtagal, nang makatapos
siya'y nag umpisa na siyang sumugal. Una niyang pinag aralan kung paano magkakaroon
ng branch ang Grocery store. Na hindi naman siya nabigo. May apat na branch na iyon
dito sa buong San Simon.
Ang dating grocery store nila ay siyang pinatayuan niya ng four Storey building at
ginawang commercial apartelle. Dalawang establishment sa baba ay sakop ng
restaurant nila at ang dalawa pa'y computer shop at Beauty Parlor na nirerentahan
ng iba. Sa ikaapat na palapag ay ginawa niyang sariling opisina.

Nang tangkain niyang subukan ang pagpasok sa food industry. Naisip na niya na tutal
mayaman ang San Simon sa lamang dagat. Nakabili siya ng pitong bangka na siyang
ginagamit sa paghuli ng isda at ilang

lamang dagat.

Ang lumang bahay nila ay pinanatili nila sa dating anyo. Maintenance lang at
konting renovation sa likod bahay kung saan nagpadagdag sila ng extension para
dagdag silid.

Pumapit siya sa duyan na nasa punong acacia. Humiga siya doon at tinanaw ang
kadiliman ng kalangitan. Wala siyang bituin na nakikita. Pero sa pagtitig niya doon
ay iisang mukha ang gumuhit sa kalangitan at tila tuksong ngumisi sa kanya.

"Bye Ms. Nice and Round Ass!" Pinaharurot niya palayo sa Car wash shop ang
sasakyan.

Hindi lang walang modo ang Mr. Tolentino na iyon! Kung di manyakis pa!

"Damn you! Asshole!" Nanggigigil na sabi niya.

"Hoy! 'te sinong kaaaway mo d'yan? Pati ba naman lamok papatulan mo pa?" Napalingon
siya sa gilid niya. Nakatayo doon si Delaney.

Nakakunot ang kilay nito. Well, bare her kilay. Yan ang kayaman niya. Ika nga niya.
Perpekto kasi ang pagkakakorte ng kilay nito. Sa kanilang dalawa. Ito ang hindi
lalabas ng bahay na hindi nakakorte ang mga kilay. At kahit yata sa pagtulog nito
ay ganoon din. Para sa kanya, Kilay is life.

"Pumasok kana sa loob. Kung tapos kana sa pinapagawa ni nanay sayo. Mag review
kana." Sabi niya. Wala siya sa mood makipagbiruan ngayon sa kapatid. Dahil bukod sa
pagod siya ay naiinis pa rin siya.
Humalukipkip si Delaney sa harapan niya. "Nakakainis kayo ni nanay. Pinaghugas niyo
ako ng pinggan nasira tuloy ang nail art ko." Himutok nito habang nanghahaba pa ang
nguso. Tinitigan niya ito ng masama

at pinanlakihan ng mga mata.

"At sino ang aasahan mong gumawa noon? Kami nina nanay? Ano bang ginawa mo
maghapon? Lakad at magreview ka hindi yung kuko ang inaatupag mo." Sermon niya sa
kapatid.

Tinalikuran siya nito. "Tse!" Napapailing nalabg siya sa kamalditahan ni Delaney.


"May tawag ka sa telepono. Si ate niki." Pahabol pa nito.

Umahon siya mula sa pagkakahiga sa Duyan. Anong kailangan ni Nikita at tumawag pa


sa land-line nila?

Sa likod bahay siya dumaan at dumeretso sa salas kung nasaan ang telepono. "Florie!
Help me please.. " Bungad agad ni Nikita sa kanya.

"H-Ha?" Nagtatakang tanong niya. "Nasaan kaba?"

"I'm here. Manila." Halos lumuwa ang mga mata niya. Anong ginagawa nito sa Maynila?
Nasa Japan ito.

"Anong ginagawa mo d'yan? Nagbabakasyon ka ba?" Sunod sunod na tanong niya.

Bahagyang ungol lang ang narinig niya mula dito saka bago nagsalita. "Naglayas
ako."

Naglayas siya. Naglayas siya. Naglayas siya. Tatlong ulit na bulong niya sa sarili.
"Please Florie.. Help me. I don't know where to go."
To be continued...

------

For those who are asking me kung kailan maguumpisa ang HERMOSA Señoritas. After po
ng series na ito ay bagong series na tayo. At opo, anak po ng mga GENTLEMAN ang
makakapartner ng ating mga bidang babae. At para naman sa GENTLEMAN series batch
2----pagkatapos po iyon ng Hermosa. Hindi ko pagsasabay sabayin kasi baka maumay
kayo. Hehehe.. At oo din po.. Kasali si Onie.. Series 2 po siya kaya abangan! At
para naman po sa mga nagtatanong kung anong klaseng kwento ito. Hindi naman po
masyadong komplikado ito.. Light at medyo comedy na rin siguro.. Lie low muna tayo
sa iyakan. Subukan naman nating sabay sabay na tumawa, pampawala ng stress at
pagod.

P. S

Si Nikita ay Asawa na po ni Taddeos Ventura. Baka kasi isipin niyo siya ang partner
ni Josue dito. Dios me! Papatayin ni Taddy baby si Josue kapag ganoon. Hahaha

Happy reading.

Ai:)

=================

Chapter Five

"You can stay here for now."

Aniya kay Nikita ng buksan niya ang isang silid sa ikalawang palapag ng bahay nila.
Sinundo niya ito kaninang madaling araw sa Hotel kung saan ito nakacheck-in.
"Thank you." Narinig niyang sabi ni Nikita. Alas otso na ng umaga. Mabuti't hindi
sila inabutan ng trapik. Alas-cinco na kasi siya nakaalis kanina para lumuwas.

"Magpahinga ka muna. Papunt akong pantalan at hindi kita maiisama doon." Naikwento
na nito sa kanya sa biyahe palang ang nangyari dito. At natitiyak daw nito na
ipinapahanap na ito ng lolo niya. Kaya hindi na muna niya ito palalabasin.

Hinawakan nito ang dalawa niyang kamay. "Florie, thank you so much. Ikaw lang ang
matatakbuhan ko dito."

Tumango siya. Nagkakilala lang naman sila sa social media. Hanggang sa naging
madalas na rin ang pagpapadala nito ng kung ano ano sa kanila. Chocolates, imported
goods at kung ano ano pa. Minsan na niyang sinabi na papadalhan din niya ito pero
sinabi nitong wag. Iyon pala ay tatakas ito.

Nakukwento na nito ang sana'y kasal nito. At tumakas lang daw ito para hindi iyon
matuloy. Sa isang banda ay nauunawaan niya ito. Sino ba naman ang nanaising
magpakasal sa lalaking di mo naman gusto? Kahit siya hindi niya gagawin iyon.

Tinapik niya ito sa balikat. "No biggie Niki. We are friends. Kaya Wala kang dapat
ipag alala."

Iniwan na muna niya ito sa silid at hinayaan magpahinga. Siya naman ay dumeretso na
sa pantalan para tignana ng pagkikilo ng mga bagong huli doon. Ang pinsan niyang si
Walter ang siyang nakatoka doon. Pero kapag dagsaan ang tao, nahihirapan din ito
kung minsan kaya kailangan ay sumaklolo siya.

Ang tatay naman niya at ang kanyang ina ay sa Grocery store nila sa bayan abala. Sa
katunayan iyon lang ang nagiisang malaki at kompleto sa bilihin na Grocery store.
Twenty-four hours din ang operation niyon. Ginawa nila iyon dahil sa dami ng public
and private beach resorts sa lugar nila. May mga convenience store kasi na hindi
kompleto sa bilihin at labis ang patong na presyo.

Tanging ang pwesto lang nila sa bayan ang binubuksan nila twenty-four hours. Ang
tatlong branch ay hindi na.

Dagsa na ang tao sa pantalan ng dumating siya. Isinampay niya sa balikat ang puting
tuwalya at saka sinipat ang botang suot niya. Nakita niya ang bangka nila kaya sa
bagsakan na siya dumeretso. At gaya ng inaasahan ay puno na ng tao doon.
"Flor! Mabuti't dumating kana. Narito si Mrs. Trinidad kanina. Itinatanong kung
kakayanin ba natin ang pitong banyera mamayang tanghali." Bungad ni Walter sa
kanya.

Sinipat niya ang mga tanige na inililipat nito sa styrofoam container na may mga
yelo. "Kuya, maraming idideliver sa Maynila ngayon. Hindi ko masasagot 'yan."
Aniya.

Matanda ang tatay ni Walter sa kanyang ama kaya kuya ang tawag nya dito. Tumulong
siya sa pagtitimbang ng bawat bande ng alimango at alimasag. "Kausapin mo si
Marisha. Palagay ko'y sa kanya nag iwan ng tseke si Mrs. Trinidad."

Napamaang siya. Walang binabanggit si Marisha sa kanya. Ito ang assistant niya na
kapag wala siya'y siyang umaasikaso ng lahat. "Wala siyang nabanggit tungkol sa
tseke. Pero kakausapin ko si Mrs. Trinidad.

Kung ano man ang sosobra sa timbang ay iyon ang ibibigay ko sa kanya." Tumango ang
Kuya niya.

"Siya nga pala, nakita kita sa kabisera kanina. Sino 'yong kasama mong porener? "
Sandaking huminto ito sa ginagawa at tinignan siya.

"Ah 'yon? Kaibigan ko. Magbabakasyon daw dito." Bibilang muna sila ng tatlo
hanggang apat na araw. Kapag walang balita na kumakalat sa buong San Simon at
hinahanap si Nikita. Saka niya ito yayayain na mamasyal. Sayang naman ang itinakas
niya kung hindi niya mabibisita ang buong San Simon.

Ipinahila na niya sa dalawang tauhan niya ang mga nakilong isda patungo sa truck na
magdedeliver niyon ng may lumapit sa kanya.

"Hi ate Flor. Para sayo." Tinaasan niya ng kilay si Primo na inaabutan siya ng
Gumamela.

"Ikaw na naman Primo! Hanggang dito ba naman susundan mo ako?" Kamot kamot sa ulo
ang binatilyo.

"Eh ate.. Pumayag kana kasi.. Hindi ako titigil hangga't di kita napapaoo."
Pangungulit pa nito.

Pinamaywangan niya ito at hinarap. "Bata pa si Delaney. Gusto ko muna siyang


makapagtapos bago ang ligaw ligaw na 'yan. Kaya tumigil kana kakakulit sakin."

Alam niyang nasaktan ito. Maya maya'y ngumiti nman sa kanya. "Hindi po ako titigil.
Papatunayan kong karapat dapat ako kay Delaney."

Napagbugtong hininga nalang siya. Nagtatakbo na ito at iniwan sa kanya ang


gumamela.

Gustong gusto ni Primo si Delaney pero ayaw oa niyang paligawan ang kapatid niya.
Kaya kinukulit siya ng binatilyo para pumayag. Siya muna daw ang liligawan nito
bago ang nanay at tatay nila. At huli ang kapatid niya. Gusto niyang matawa sa
ginagawa nito pero naiinis siya. Akala yata ng mga bata ngayon ay biro biro lang
ang pagnonobyo. Hindi pa nila nauunawaan ang ibig sabihin niyon.

Ang sabihin mo. Naiinggit ka lang sa kapatid mo dahil siya may manliligaw eh ikaw?
Ni hindi pa nagkakaboyfriend.

To be continued...

=================

Chapter Six

Pabalik na siya ng San Simon. Inihatid niya si Nikita sa bahay ni Taddeos kanina.
Pansamantala ay doon muna siya. Nakita niya si Mr. Tolentino kanina. At nalaman
niyang ito pala ang fiancé na pinagtataguan ni Nikita.

Mas lalong hindi niya gugustuhin na makasal ang kaibigan niya lalo pa't sa isang
bastos at walang modong lalaking gaya ni Josue Tolentino. Hindi niya alam kung
paano nakarating ng San Simon ang lalaking iyon.

Pero kamakailan lang ay may dalawang lalaking nagtanong din sa kanya. Ipinakita din
nila ang picture ni Nikita kaya di muna niya isinasama si niki sa opisina niya.

Nakalampas na siya ng toll at papasok na siya sa Arko ng San Simon ng maramdaman


niya ang pagpugak ng sasakyan niya. Oh no! Not now Hercules... Bulong niya.

Mukhang bibiga na ang sasakyan niya. Hindi pa kasi niya napapachange oil ito noong
nakaraan. Nagsunod sunod kasi ang trabaho niya. Pero kabibili lang niya ng baterya
nito.

Ang sabi ng mekaniko nilang kapitbahay, kailangan na daw ioverhaul ng sasakyan


niya. Mahal na mahal niya si Hercules kaya kahit ilang beses na siyang pinipilit ng
tatay niya ba bumili ng bago ay hindi niya kaya. Ito ang unang regalo ng kanyang
ama sa kanya. Kinita ng grocery store nila ang ipinambili dito kaya mahalaga ito sa
kanya.

Kahit mukhang pambenta na sa magbabakal ang saskayan niya ay may sentimental value
naman ito. Hindi pa siya tuluyang nakakalampas sa arko ng tuluyang tumirik ang
sasakyan niya. Oh! No!

Napasandal

siya sa upuan ng sasakyan niya. Paano siya ngayon nito. Low Battery na ang
cellphone niya ng makaalis siya ng manila kanina. Sa pagmamadali nila ni Nikita
nakalimutan niyang hindi pa pala niya naiicharge muli ang cellphone niya.

"Hercules baby, ngayon mo pa talaga naisipang pahirapan si mommy.. "Himutok niya.


Paano siya magpapasundo sa tatay niya? Buti sana kung may daraan na sasakyan na
pwede siyang makisakay. Mula sa arko ay ilang kilometro pa bago ang unang bahay ang
makikita sa daan. Talahib at sugar cane ang makikita sa tabi ng daan. Kaya kahit
magsisigaw siya walang makakarinig sa kanya. Bumaba siya ng sasakyan at sinubukang
itulak iyon. Baka sakaling marerestart ang sasakyan niya kung maiitulak iyon.

Kanda-tulo tulo na ang pawis niya pero kahit isang gulong ng sasakyan ay hindi
umabante iyon. "Ganito ka ba talaga kabigat baby? Hindi ka kayang itulak ni mommy."
Pagkausap niya sa sasakyan.

Mas itinulak pa niya iyon. Pawisan na siya at malapit nang lumubog ang araw. "Kahit
mabalian ka sa kakatulak d'yan hindi aabante 'yang sasakyan mo."
Napahinto siya sa ginagawa nang may itim na sasakyan ang nakahinto sa tabi niya at
nakasungaw ang mukha ng lalaking sinusumpa niya na wag na niyang makita.

"Ikaw na naman?" Naiiritang tanong niya.

Lumabas ito ng sasakyan nito. He really look like a KPop star wearing his black
pants and white graffiti shirt. Isama pa ang singkit nitong mga mata. "Bakit ba
kung nasaan ako nandun ka rin?"

Humalukipkip

ito. "Iyon nga rin ang iniisip ko. Bakit palagi kitang nakikita? Well, San Simon is
a small town. Imagine kakakita ko palang sayo sa kapitolyo kanina tapos dito
naman."

Napaismid siya. He is kinda super annoying na hindi niya maiwasang mainis sa tuwing
makikita niya ito. Kumukulo ang dugo niya sa ulo kapag nakikita niya ang pagmumukha
ng hambog na lalaking ito.

Imbes na sagutin niya ito ay tinalikuran nalng niya. Ipinagpatuloy niya ang
ginagawa. Please Hercules have mercy on me. Umandar kana please. Para makalayo na
ako sa impaktong ito.

Pero sadya yatang pagod na ang sasakyan niya dahil kahit isang usad ay hindi iyon
nangyari. "Hindi talaga tatakbo yang sasakyan mo dahil umuusok na." Nakatayo na
pala ito sa harapan ng sasakyan niya at iniangat ang hood niyon. Kita niya ang usok
na lumalabas doon. "Nag over heat na."

She groaned in frustration. Ngayon pa talaga naisip ng sasakyan na magover heat.


Tumayo siya ng ayos at pinunanasan ang pawis niya. Kinuha niya ang bag sa loob ng
sasakyan at inilock iyon. Ipapahila nalang niya sa mekaniko iyon pag uwi niya. Sa
ngayon, kailangan niyang makahanap ng masasakyan. O kahit tricycle na mapapadaan
doon.

"If i were you, makikisakay na ako. See? Maluwag sa sasakyan ko. I can drop you to
your place. Hindi naman ako mukhang rapist para dalhin ka sa talahiban."
Napasimangot siya sa biglang pagsasalita nito.
Namaywang siya. "Akala ko ba nakalayas kana? Sinusundan mo ba talaga ako dahil
iniisip mo parin na baka kilala ko yang fiancé mo?" Sarkastikong sabi niya.

He stepped forward. Umatras naman siya. Wala siyang nababasa kahit na ano sa mga
mata nito. Pilit niyang iniiwas ang tingin doon. Ayw na ayaw niya ang
nakikipagtitigan kahit na kanino.

"Why it's hard to believe in you? Feeling ko may tinatago ka eh. Would you mind
kung itatanong ko kung ano 'yon?"

To be continued...

=================

Chapter Seven

"Oh My God! Oh My God!"

Flor can't help but to roll her eyes dahil sa nakakairitang reaksyon ni Delaney
nang bumaba siya sa sasakyan ni Mr. Tolentino. Wala siyang nagawa kaya sumang ayon
nalang siya sa hambog na lalaking ito upang ihatid siya. Isa pa, wala naman na si
Nikita sa bahay nila kaya hindi na niya kailangang makipagmatigasan sa lalaki. Mas
mabuting makita mismo ng mga singkit nitong mga mata na wala sa bahay nila ang
hinahanap nito.

Siniko siya si Delaney. "Hindi mo naman ate sinabi na may oppa ka palang kasama.
Ang gwapo!" Nanlalaki pa ang mga mata nito s akanya.

Pinaningkitan niya ito ng mga mata. "Pwede ba, tigilan mo yang kalantudan mong
babae ka. Anong oppa ka d'yan? Mukha kamong apa! Ang haba ng baba!"
Sumimangot si Delaney. "Ang hard mo sa kanya ate. Ang gwapo kaya. Palibhasa hindi
ka pa nakakakita ng gwapo sa buong buhay mo."

Dinedepensahan nito ang lalakibg nasa harapan nila. Umirap lang siya. Tinignan niya
si Mr. Tolentino. "Salamat nga pala sa paghatid sakin. Pwede ka nang---."

"Pwede ka nang pumasok sa loob kuya.. " Tila kinikilig na sabi ng dalagita niyang
kapatid. "Masarap ang biko ni nanay. Magugustuhan mo 'yon."

Namamanghang sinundan niya ng tingin ang mga ito. Inakay ng kapatid niya papasok sa
loob ng bahay nila ang estrangherong singkit na 'yon! Nagmamartsang pumasok siya.
Inabutan niyang nakaupo sa salas ito at nagiisa. Alam niyang nasa kusina si Delaney
kaya doon siya nagpunta. Hinila niya ito sa braso. "Ate ano ba?"

Nabitiwan nito ang tinidor na hawak. "Bakit mo pinasok dito ang lalaking 'yon?"

Umirap lang ito. "Grabe ka ate. Ikaw na ang pinagmalasakitan

na ihatid pauwi di ka man lang magte-thank you."

"Nagthank you na ako sa kanya. Sapat na 'yon. Paalusin mo na ang lalaking iyon
dito." Malamig na sabi niya. Baka madatnan pa ng ama nila ang lalaking iyon ay kung
ano pa ang isipin. Ito ang unang pagkakataon na may lalaking pumasok sa bahay nila
maliban sa ama nila.

Sabay silang nagkatinginan ni Delaney dahil sa nauulingan nilang malalakas na boses


ng kanilang ama sa salas.

Magkapanabay silang sumugod sa salas at nakita nila ang kanilang ama na hawak ang
samurai sword na nakadisplay sa dingding nila. "Tay!"

Nagngangalit ang bagang nito na nakatingin sa kanilang magkapatid. "Sino ang


lalaking ito?"

Napatingin sila kay Mr. Tolentino na nakatayo sa isang tabi. Nakatutok dito ang
samurai ng kanilang ama.
Kinakabahan na nilapitan niya ang ama. "S-Si.. Mr. Tolentino 'tay.. Yung.. Nakilala
kong investor sa manila... Ka-business partner ko na siya sa isla 'tay." Nauutal na
paliwanag niya sa ama.

"Good evening po." Magalang na sabi ng binata. Tinignan lang ito ng kanilang ama ng
masama.

"Walang maganda sa gabi. Makakaalis ka na. Hindi welcome ang mga lalaki dito aa
bahay ko!" Matigas na sabi ng kanilang ama.

Umimik naman si Delaney. "Tay! Para kang si ate. Papalayasin niyo siya agad.
Hinatid nga niya si ate kasi nadaanan niya sa Arko. Itinirik lang naman ng sasakyan
niya itong si ate flor. Swerte nya dahil may gentleman na inihatid siya. Kung
hindi.. Baka paltos na ang paa niya bago siya makarating dito." Gusto niyang
hilahin ang dila ni Delaney at ipilipit sa leeg nito.

Hindi niya alam kung saan nagmana ng kadaldalan ang kapatid niya. Hindi naman siya
madaldal noong bata siya. Tinignan siya ng ama. "Toroo ba 'yon Flor? Hinatid ka ba
talaga ng lalaking ito o baka naman lihim lang kayong nagtatagpo?"

Nanlaki ang mga mata niya. "Tay!" Ito ang dahilan kung bakit hindi niya hayaan si
Primo na manligaw kay Delaney dahil nasisiguro niya na baka hindi pa
nakakapagsimula ang binatilyo ay basted na ito sa tatay nila. "T-Totoong
nagmalasakit siyang ihatid ako.. N-Niyaya lang.. namin siyang magmerienda." Sagot
niya.

Ibinalik ng ama ang hawak na samurai sa rack at saka humakbang papalapit sa hagdan.
"Bueno, pagkatapos niyong magpasalamat sa kanya. Pauwiin niyo na. Delikado ang
daan. Baka isipin ng mga tao ay may bigatin kang nobyo." Pinamulahan siya ng pisngi
sa sinabi ng ama. Tuluyan na itong nakaakyat ng hagdan na di na sila nilingon pa.

Nang gumawi ang mga mata niya sa binata ay nakangisi ito sa kanya. Inirapan niya at
saka nagmartsa pabalik sa kusina. Naririinig pa niya ang panunukso ni Delaney na
sinabayan pa ng pagkanta.

"Kapag tumibok ang puso.. Wala ka nang magagawa kundi sundin ito. Kapag tumibok ang
puso. Lagot kana, siguradong huli ka."
To be continued...

=================

Chapter Eight

Binati siya ni Tracey ang kanilang kitchen supervisor nang makapasok siya sa
restaurant. Tinanghali kasi siya ng gising. Dapat ay nakadaan na siya dito kanina
at nasa maynila na siya para kausapin ang developer at Engineer na siyang
nirekomenda sa kanya para isla.

Balak niyang sumama sa susunod na linggo para bisitahin ang isla pero sa dami ng
trabaho niya, baka hindi na rin niya magampanan. Isa pa, nakausap naman na niya ang
kuya Walter niya. Baka ito nalang muna ang humarap doon at umasikaso.

"Blooming ka yata ngayon Madam. Anong mayroon?" Bati ni Tracey ng sundan siya nito
sa kusina.

Umirap siya. "Nagpa-dye lang ako ng buhok blooming na agad. Di ba pwedeng nag umay
lang sa black hair?" Bumungisngis ito.

"First time kasi kitang nakitang nakablonde eh! Feeling ko tuloy may
pinagpapakyutan ka." Nasiko niya ito sa dahil sa sinabi.

"Kung naririnig ka ni Tatay. Malamang may mansanas na yang bibig mo." Biro niya.
Hindi naman matabang mataba si Tracey. Curvy lang. Kaklase niya ito noong nag aral
siya sa TESDA. Kasabayan niya itong nakagraduate sa kolehiyo doon nga lang sa
kabilang bayan ito nagaral.

Hinampas siya nito sa balikat. Hindi naman ito naoffend. "Pasalamat ka, paborito ko
ang mansanas." Pasasakay nito sa biro niya. "Balak mo talagang tumandang di man
lang nagkakajowa dahil sa pagiging obedient mo. Dahil sa kakasunod mo sa tatay mo
nalilipasan kana ng panahon."
Dinampot niya ang mga clipboard. Binasa niya ang latest status ng orders nila. Sa
kitchen talaga iyon nagmumula dahil naroroon din ang stocks. "Kilala mo si Tatay.
Kaya nga hindi ko payagan na may manligaw

kay Delaney."

"Sus, ang sabihin mo ayaw mo dahil maiinggit ka lang. Ang gwapo kaya ni Primo.
Magandang lahi pa. At higit sa lahat malapad ang bulsa. Ano pang hahanapin mo sa
bagets na 'yon? Tiyak na buhay prinsesa si Delaney kapag nagkataon. Kung kaedad nga
lang natin ang batang 'yon aagawin ko na sa kapatid mo eh!" Tinawanan niya ito
dahil sa sinabi. Kung siya nga eh, madalas mapagisipan ng mga tao na manliligaw
niya ang binatilyong si Primo. Siya kasi lagi ang binibigyan nito ng gumamela.

"Ewan ko sayong babae ka. Magtrabaho ka na nga lang." Sabay labas niya ng kitchen.
Dumeretso siya sa glass counter at ininspeksyon ang mga displays doon.

May mga deserts na for take out silang nakadisplay doon. Sandaling natakam siya ng
makita niya ang choco fundae doon. Akmang hihiwa siya ng may bultong tumayo sa
harapan niya.

"Miss pakisabi naman sa kitchen cook niyo na Buttered Squid ang order ko hindi
Sweet-sauce lobster." Inihanda niya ang kanyang apologetic smile at saka nag angat
ng tingin. Madalas talagang mangyari ang mga ganitong pagkakataon.

Huminga siya ng malalim at saka umunat ng tayo. Ngunit gayon nalang ang pagsisisi
niya ng makita sa harapan niya ang lalaking ilang linggo na niyang kinakainisan.
"Ikaw na naman!"

Hindi ito nagsalita. Bagkus ibinagsak nito aa harapn niya ang pinggang may lamang
Sweet-sauce lobster. "Palita niyo ito." Matigas nitong sabi.

Nakipagmatigasan din siya. Nagkrus ang mga braso niya sa kanyang dibdib. "Hindi ako
naniniwalang bingi ang waitress namin at bulag ang cook namin dahil sa maling
pakikinig at pagbabasa. Baka ang deperensya ay nasa iyo Mr. Tolentino."

Tumiim ang mga mata nito sa kanya. "Is that how you treat your customer here? Sa
pagkakaalam ko, i have all the rights to complain dahil customer ako."

Nginisian niya ito. "Mr. Tolentino gasgas na ang kasabihang Customer is always
right at saka hindu lahat ng customer ay gaya mo. Antipatiko."

"Papalitan mo ba ito o ipupull out namin ni Raphael ang shares namin sayo. I can
easily persuade him dahil magkaibigan kami. As in matalik na magkaibigan. " He even
emphasize his last sentence.

Nagngingitngitsa galit na kinuha niya ang pinggan at tinalikuran ito. Pero ang
mapang asar na antipatiko ay may pahabol pa. "Make sure na ikaw ang magluluto niyan
at hindi ang cook niyo. Delaney told me that's your specialty. At gusto kong
matikman. So make my tummy satisfied with your own good taste. " Gusto niyang
kilabutan sa huling sinabi nito. Nahahalayan siya sa paraan ng pagsasalita nito.

The old-fashioned naive Flor meet her match. At mukhang dadanak na ang dugo sa San
Simon kung hindi siya lulubayan ng hinayupak na singkit na iyon.

Aarrgh! I hate you!

To be continued...

-------

#TheMoreYouHateTheMoreYouLike
Sa gusto ng pasilip sa Hermosa. Abangan ang Series 1 teaser na ipopost ko.

HERMOSA Señorita's 1: Mhelanie

=================

Chapter Nine

ginulantang si Flor ng balitang ikakasal na si Nikita. Iisa lang ang pumasok sa


isip niya. Na baka natagpuan na ito ni Mr. Tolentino. Noong nagkausap sila ni
Nikita sa telepono ay malinaw na sinabi nitong ikakasal na ito. Mukhang wala na
talaga itong ligtas.

Kaya pala biglang nawalan siya ng buntot at taga sunod. Kaya pala nawalan siya ng
balita kay Mr. Tolentino. Nanghihinayang ka ba na ikakasal na ang antipatikong
tinatawag mo? Bulong ng isip niya.

Napahawak siya ng mahigpit sa manibela ng saskayan niya. Hindi no! Hindi naman ako
interesado sa kanya eh... Ganting sagot ng kabilang isip niya.

Minaneobra niya iyon papasok sa tarangkahan ng bahay nila at pumasok siya sa loob.
Wala pang tao sa kanila. Marahil ay nasa grocery store pa ang mga magulang niya at
nasa eskwela pa si Delaney.

Pagal niyang inihiga ang katawan sa kama at pinilit na ipikit ang mga iyon.

Nasunod lang ang mga mata niya sa bagong kasal. Hanggang ngayon ay hindi pa rin
siya makapaniwala na ikinasal si Nikit sa kaibigan niyang si Taddeos. Buong akala
niya'y kay Mr. Tolentino ito ikakasal.

Nagtaka pa nga siya noong una kung bakit sa huwes siya pinapupunta nito. Nalate pa
ng dating si Taddeos kaya ang akala ni Nikita ay di na sisipot ang binata. Nakilala
niya rin ang lolo ni Nikita. Mukha ngang masungit at istrikto ang matanda. Sa buong
durasyon ng seremonyas ay nakasimangot iyon.

Masaya siya para sa dalawang kaibigan niya. Nakikita naman niya na magiging maayos
ang pagsasama ng

dalawa.
Sa katapusan ng kasal ay nagulat pa siya ng makita si Mr. Tolentino na binati ang
baging kasal. Obviously, kilala nito si Taddeos na hindi nga siya nagkamali dahil
magkaibigan din pala ang dalawa.

"Get out bro! Find your soon-to-be-wife bago pa maubos ang mamanahin mo." Narinig
niyang biro ni Taddeos sa kaibigan nito.

Sumunod ang nakakahawang paghagalpak ni Mr. Tolentino. "Oh! I already found her...
All i need is to pursue her." Naitirik niya ang mga mata niya ng sumulyap ito sa
kanya.

Hmp. Anong akala niya may gusto ako sa kanya? Neknek niya! Tinalikuran niya ito at
lumabas na siya ng opisina. Sa parking nalang siya maghihintay. Tutal ang sabi
naman ng bagong kasal ay may reception daw sa isang restaurant.

Nakasandal siya sa pintuan ng ni Hercules at nakayuko. Nakatingin siya sa sapatos


niya ng may isang pares ng itim na sapatos ang dumagdag doon. "Don't you
congratulate your friends?" She hadn't heard any sarcasms in his voice. Bagkus ay
para lang silang matalik na magkaibigan.

Tiningala niya ito. "Wala ka bang kayang ibang gawin kung di ang abalahin ako?"
Sabi niya.

Humalukipkip ito. Wala pa siyang lalaking hinangaan sa buong buhay niya. She never
admire any other guy in different ways. Like, their looks. The way they smile and
how fragrant are they. Pero kakaiba ang lalaking ito. Hindi man niya gustong aminin
pero palaging hinihila ng amoy nito ang pang amoy niya.

Ang mga mata niya para masilip ang nakakaloko nitong ngiti. Those are hilarious!
Those are insane! Hindi niya dapat nararamdaman ang mga iyon. "Why you always so
hard on me? Did i made a big mistake to you para kulang nalang ay itulak mo ako sa
building tuwing makikita mo?" His soft and gentle voice softened her face. Para
ngang mali. Bakit ba iritang irita lagi siya dito.

In fact, hindi naman talaga siguro nito napansin ang aksidenteng pagbusina nito
kaya sumubsob siya sa mga isda. Ipinilig niya ang ulo. Trying to figure it out kun
ano nga bang nangyayari sa kanya. Nasosobrahan na yata siya sa pagiging kulang sa
pansin kaya ganoon. "Lumayo ka sakin.. " Tipid na sabi niya. Hindi niya kasi alam
kung paano ito kausapin kapag ganitong malumanay ang boses sa kanya. Sanay siyang
niloloko siya nito. "Please.. Mr. Tolentino."
Sumingkit lalo ang mga mata nito. "May pangalan ako.."

"Alam ko." Nakayuko muli niyang sagot.

"So why don't you call me by my name. I mean first name. Not Mr. Tolentino. I feel
old." He exasperated.

Tinignan niya ang mga mata nito. Seryoso ang mga iyon. Bakit bigla ay nagbago ang
ihip ng hangin? Nag iwas siya ng tingin. "It's Mr. Tolenti---."

She has no idea how he made it close to her and gently kissing her lips.
Nanlalaking mga matang napatingala siya. Masyado itong matangkad para sa height
niya. And he is actually holding her back and pulling her close. Hindi niya
maipaliwanag ang nararamdaman. Kung itutulak ba niya ito at sasampalin o tutugunin
ang nakakalasing nitong halik.

It took ages before he let go her lips. Napatulalang napatingin siya dito. Ang
lipstick niya ay nababakas na sa labi nito. Ganoon ba ito kagaling humalik at tila
nabvacuum ang labi niya? Dama niya ang pangangapal niyon. Wala sa sariling
napahawak siya doon. Ang kamay nito sa likod niya ay humahagod papaba sa baywang
niya. "Next time na tawagin mo akong Mr. Tolentino. Hindi lang labi mo ang
mamantal."

Uminit ang pisngi niya dahil sa sinabi nito. Walang salita ang lumalabas sa labi
niya. Nakaawang lang ang mga iyon. Tila siya robot n nawalan ng baterya. Muling
dumampi ang labi nito sa noo niya pababa sa tungki ng ilong niya at pababa pa.

He slowly pulling her again and gently kissing her parted lips. Mas ibinuka pa niya
ang labi at hinayaan itong gumalugad doon. He is sucking her tongue ng huminto ito.
Gusto pa niyang maramdaman iyon pero nakalayo na ang labi nito sa kanya.

Only his ragged breathing that she only felt. Sumandal ang noo nito sa noo niya. "I
like you..."
To be continued...

#TamisNgUnangHalik

Di ko malimutan kung kailan ko natikman ang tamis ng iyong halik. Yakap na


napahigpit. Pagibig na tunay hanggang langit...

NaLSS ako sa lumang ad ng Nestle. Hahahaha. Kasalanan ni YouTube nagsesearch ako ng


mga OPM song e lumabas yan sa recommendation. Hehehe. Naalala ko kanta yan sa
commercial ng Nestle noon.

Happy reading.

Ai:)

=================

Chapter Ten

It's been a week pagkatapos ng halik na iyon. At isang linggo na ring tahimik at
walang imik si Flor. Palagi niyang naalala ang nangyaring iyon. At pagkatapos din
sabihin nitong gusto siya nito ay basta nalang siya iniwan.

Kiss and Run! Napasubsob ang mukha niya sa unan. Bakit ba ganoon ang naging epekto
niyon sakanya? Hindi na siya pinatahimik at lalong pakiramdam niya ay ang laki ng
ipinagbago niya.

Muling bumukas ang pinto ng silid niya ngunit di niya inalam kung sino. Si Delaney
lang naman ang basta basta pumapasok sa kwarto niya. "Please Delaney... Wag mo na
muna akong kulitin." Aniya habang mariing nakapikit.
"Kung ang lalaking nasa baba ang dahilan ng pagkakaganyan mo.. Mabuting harapin mo
siya bago pa siya abutan ng tatay mo." Napaigtad siya ng marinig ang malumanay na
tinig ng kanyang ina.

"Nay.." Napabangon siya sa pagkakadapa dahil sa sinabi nito. "A-Anong sinabi niyo?"

Sinamsam nito ang maruruming damit niya na nasa loob ng banyo saka muli siyanh
hinarap. "May lalaki sa baba. Josue daw ang pangalan. Kilala ng kapatid mo kaya
pinapasok, nakasalubong niya sa daan. Ikaw ang hinahanap." Ani nito.

Tinambol ng mabilis ang puso niya. Anong ginagawa ni Josue dito sa bahay nila?
Pagkalabas ng kanyang ina ay nanatiling tulala siya. Ano ba ang gagawin niya?
Magpapanggap siyang may sakit o lalabasin niya ang binata? Ano't biglang nawala ang
mga sungay niya?

Dahan dahan siyang lumabas ng silid at bumaba ng hagdan. May bahagi niya ang
nagsasabing bilisan niya.

Bakante ang sofa sa loob ng salas nila pero may mga kahon na nakapatong sa center
table.

Napuna din niya ang mga sariwang bulaklak na nasa plorera nila.

Tinambol lalo ng kaba ang puso niya. Luabas siua sa may sliding door patungo sa
lawn. Nakita niyang nakaupo si Josue doon. Mabilis itong tumayo ng makita siya.

"Hi." Bati agad nito. Hindi niya malaman kung ngingiti ba siya o sisimangutan ito.

He sweetly smiling at her. Gwapong gwapo ito sa suot na maong pants at Giordano
shirt. Sandaling huminto ang oras sa kanya at nanatili siyang nakatitig dito.

"Hey!" He snapped.

Saka lang siya tila natauhan. "A-Anong ginagawa mo dito?" Gadgad na sabi niya.
Nauumid ang dila niya dahil sa mabangong amoy na nagmumula dito. Hindi niya
maipaliwanag pero mas lalong nagrambulan ang tila mga paru paro sa tiyan niya dahil
sa ilang dipang layo nito sakanya.
"Visiting you." Simpleng tugon nito na mas kinalito niya.

"Wala akong sakit para bisitahin mo." Nanulas nalang sa labi niya. Huli na ng
malaman niya.

He chuckled softly. "I know. Pero ang may sakit lang ba ang pwedeng bisitahin?"

May inabot itong bulaklak sa kanya. Kamukha ng mga bulaklak na nakita niya sa loob
ng bahay. "I'm sorry kung ngayon lang ako nagpakita sayo. After the wedding ay
bumalik ako ng Japan para makausap si lolo." Paliwanag nito.

Bakit siya nagpapaliwanag? "Ayokong isipin mo na hindi ako seryoso sa sinabi ko


kaya bigla akong nawala."

Kumunot ang noo niya. Tila nahuhulaan na niya ang ibig nitong sabihin. "A-Anong
sinasabi mo?" Sandaling naitanong niya.

Kinuha nito ang isa niyang palad. Dinampian nito ng halik ang kamay niya. "That i
like you. Totoo 'yon. It's not my joke para inisin ka. Gusto talaga kita."

Natuyo ang lalamunan niya sa mga sinasabi nito. Hindi siya sanay na ganito ito
kaseryoso. "A-Are you saying all of these dahil wala ka nang bride?" Hindi niya
napigilang itanong. Totoo naman hindi ba? Kailangan nito ng bride para makuha ang
mana nito. Iyon ang sabi ni Nikita sa kanya.

Sumeryoso ang mukha nito. Mas humigpit ang hawak sa kamay niya. "May bride o wala
hindi magbabago ang katotohanang gusto kita."

Uminit ang pisngi niya dahil sa sinabi nito. Napayuko siya ng bumaba ang dalawang
daliri nito sa baba niya itinaas iyon at tinitigan siya sa mga mata.

"Puputulin ko 'yang kamay mo kapag hindi mo binitiwan ang anak ko!"

Sabay silang napalingon sa sliding door at mukha ng tila leon niyang ama ang
naroroon. Hawak ang itak na ginagamit nito sa pagtadtad ng karne.

Patay.

To be continued...

=================

Chapter Eleven

Mabilis na binawi ni Flor ang kamay na hawak ni Josue. Nanlilisik ang mga matang
nakatingin ang kanyang ama sa binata.

"Sinong nagsabi sayong pwede mong hawakan ang kamay ng anak ko?" Ito na nga ba ang
sinasabi niya. Hawak ng tatay niya ang itak nito. Dumistansya siya sa binata at
hinarap ang ama.

"A-Ah.. Tay.. Napadaan lang si M-Mr. Tolenti---."

Pinutol ng tatay niya ang sinasabi niya. "Napadaan at aksidenteng hinawakan ang
kamay mo? Hoy! Florentina! Hindi ako ipinanganak kahapon alam ko ang pagtitig titig
sayo ng dayuhan na yan!" Napatiklop siya.

Tila naman nangtutukso talaga si Josue dahil mas dumikit pa ito sa kanya at
hinawakan ang kamay niya. Nanlaki ang mga mata niya. "Bagong hasa ang itak ni
tatay. Gusto mi ba talagang maputulan ng kamay?" Bulong niya sa binata. Pero imbes
na maapektuhan sa sinabi niya ay ngumiti lang ito sa kanya.
Humigpit lalo ang pagkakahawak nito doon. Ang kanyang ama naman ay mas naningkit
ang mga mata. "Good morning Sir. I'm sorry kung nadatnan niyo po kami ng anak niyo
sa ganoong ayos. But I'm here para po personal na sabihin sa inyong girlfriend ko
po ang anak niyo."

Nanlalaking mga mata na tinignan niya si josue. "A-Anong--!"

Gumawi ang mga mata niya sa amang galit na nakatitig sa kanila. "Sinasabi ko na nga
ba! Unang kita ko palang sa inyong dalawa na magkasama ay may napapansin na akong
kakaiba." Nahihiyang napayuko siya ng ulo. Kung bakit ba naman kasi naisipan ng
damuhong lalaking ito na magpakilalang boyfriend niya.

Lihim niyang inapakan

ang paa ni Josue. "Humanda ka saking lalaki ka. Mapapatay kita." Bulong niya.

Ibinaba ng ama niya ang Itak. "Sumabay ka samin mananghalian. Doon kita gigisahin."
Ani nito kay Josue at saka tumalikod sa kanila.

Hinarap niya ang lalaki at inihampas niya sa dibdib nito ang bulaklak na iniabot
nito sa kanya kanina. "Aww! What's that for?" Kunot noong tanong nito.

Pinaningkitan niya ito ng mga mata. "Bakit mo sinabi kay tatay ang ganoon? Alam mo
bang maliit nalang ang tsansa mong makalabas ng buhay dito sa San Simon?" Nagagalit
na sabi niya.

Hinapit siya nito sa baywang. "Eh anong gusto mong isagot ko sa Tatay mo? Your mom
assumed that i am your boyfriend, even Delaney. Edi kapag hindi ganoon ang sinabi
ko sa tatay mo baka mas lalong magalit 'yon."

Bahagya niyang itinulak ang dibdib nito. "Bakit ka ba yakap ng yakap?" Pero hindi
ito natinag. "Hindi mo dapat sinabi ang bagay na iyon kay tatay. Hindi mo siya
kilala."

Nagkibit balikat ito. "Edi kikilalanin ko. How can i have you kung di ko kilalanin
ang pamilya mo. He seem so nice yet dangerous. At alam kong magkakasundo kami."
She released a deep sigh. "You're crazy!" She groaned.

"Yes, i am." Napatitig siya dito. Ano bang nangyari at naging ganito kagulo ang
buhay niya sa isang iglap lang? Hindi niya alam kung paano sumulpot sa buhay niya
ang lalaking ito. Kung paano nagagawa nitong guluhin ang tahimik at natutulog
niyang puso.

"Paano mo nakilala ang anak ko?" Halos mahirinan siya sa paraan ng pagtatanong ng
ama niya kay Josue. Nasa kabisera ito. Nasa kanan nito ang kanyang ina at katabi
naman siya. Sa kaliwa naman nakaupos

si Josue. Sabay sabay silang nananghalian.

Mabuti nalang at wala si Delaney. Mabuting hindi nito naririnig ang pang gigisang
ginagawa sa kanila ng kanyang ama.

Nakangiting humarap si Josue pagkatapos nguyain ang pagkain sa bibig nito.


Nakatingin ito sa kanya. "I can't forget how i met her. Sa labas ng restaurant,
she's so pretty. Nakita ko siyang bumaba sa sasakyan niya. Nakita kong tinulungan
siya ng gwardiyang ibaba ang mga dala niyang isda. Inisip ko noon na idedeliver
niya ang mga iyon sa restaurant. Hindi sinabi ng kaibigan ko na siya pala ang
kameeting naming that day. And when he called para sabihing bilisan ko. Aksidente
akong nakapagbusina ng malakas."

She gritted her teeth. Alam pala ng demuhong ito ang nangyari sa kanya ng araw na
iyon pero wala man lang itong sorry na sinabi sa kanya. Naikuyom niya ang kamao.
Napabaling siya sa amang tahimik na nakikinig. Maya maya'y tumingin ito sa kanya.
"At paano ka naman napasagot ng lalaking ito?" Seryosong saad niya.

Nalunol niya bigla ang kinakain. Ano bang isasagot niya. Sasabihin ba niyang, He
kissed me. And he said that he likes me. And it's all started. Gigilitan sila ng
buhay ng kanyang ama kapag ganoon ang sinabi niya. Natitiyak niyang di lang kamay
ni Josue ang mapuputol. Baka pati dila nito ay maputol din. "H-He.. He.. Court me.
Yes.. Nanligaw siya."

Mukhang di kombinsido ang tatay niya. "At paano ka niligawan? Sa tawag? Text?
Internet? Florentina.. Niligawan ko rin ang nanay mo noong kabataan namin pero
hindi sa ganoong paraan. Pinagsisibak ko siya ng kahoy. Pinagiigib ng tubig na
pampaligo. Dinadalhan ng kampupot at puto."

Namula ang pisngi ng kanyang ina. Gusto niyang kiligin pero walang oras para doon.
Nasa Roasting sila. At ano mang oras ay matutusta na sila.

Bumaling ito kay Josue na tahimik din. "Mula ngayon, hindi ka pwedeng lumapit sa
anak ko sa loob ng isang daang araw."

Nanlaki ang mga mata ng binata. "One hundred?"

Ngumuya ang ama niya. "Tama ang narinig mo. Pormal kang manliligaw sa anak ko at
kasama doon ang isang daang gabing pagtulog mo sa harapan ng bahay namin. Kapag
nagawa mo iyon. Doon pa lamang ako magpapasya kung karapat dapat ka sa anak ko."

Por Dios Por Santo. Ano ba itong napasukan nila?

To be continued...

=================

Chapter Twelve

Pasado alas otso na ng gabi. Kanina pang alas siyete ay nasa kanya kanya na silang
silid. Ganito naman talaga ang buhay dito sa San Simon. Maaga palang ay nasa loob
na ng bahay ang mga tao.

Lumapit siya sa Bintana. Medyo malamig ang hangin ngayon kaya naisip niyang hindi
nalang siya magbubuhay ng air-con. Pampababawas expenses din nila. Akma siyang
tatalikod sa bintana ng bahagya niyang hawiin ang makakapal na kurtina doon ng may
mapansin siya.

She saw a Man silhouette. Napuno ng pagtataka ang isip niya. Nakaharap sa tapat ng
duyan ang bintana niya. Sa ilalim ng mayabong puno ng madre cacao.
Nang gumalaw ang tao. Sinundan niya ang kilos nito. Nakita niyang inayos nito ang
unan sa duyan. Unan? Saka lang niya mas nakilala kung sino ang lalaki sa labas ng
bahay nila.

"Josue..." Mahinang bulong niya. Talaga palang seseryosohin nito ang sinabi ng ama
niya na kailangan nitong matulog sa labas ng bahay nila. "Nababaliw na ba talaga
siya?" Muling bulong niya.

Nagtagal siya ng ilang minuto mula sa lihim na pagmamasid sa binata. Humiga ito sa
duyan habang nakatakip sa mga mata ang isang braso. Maya-maya pa'y sunod sunod na
ang paghampas nito sa mga braso. Kinakagat na marahil ng lamok. Sino ba naman
kasing baliw na lalaki ng tutulog sa labas ng bahay ng isang babae para lang
magpaimpress? Si Josue lang. She groaned again.

Lumabas siya ng silid at saka maingat na bumaba ng hagdan. Madilim na ang buong
kabahayanan. Konting kaluskos lang ay maaaring magising ang nanay at tatay niya.
Pagdating sa kusina ay binuksan niya

ang mga cabinet doon. Naghahanap siya ng Mosquito Coil.

Pagkakita'y binuksan niya ang back door at saka namaybay doon patungo sa duyan.
"Pssttt... " Twag niya sa binatang abala sa pakikipaglaban sa mga lamok.

"Flor... " Mabilis na bumangon ito sa pagkakahiga. "Malamok na. Bakit lumabas
kapa?"

Inikutan niya ito ng mga mata. "Hindi bagay sayo ang pagpapaka-martir. Sino ba
naman kasi ang nagsabi sayong matulog ka d'yan? I'm sure

you can afford to spend your night to some five star hotel dito sa San Simon." Sabi
niya.

"Sinabi ng tatay mo na kailangan kong matulog ng isang daang gabi dito. So i will."
Simpleng sagot nito.

"Pero hindi mo dapat seryosohin 'yon. It's just a challenge na sinusubok niya kung
kaya mo. I'm sure bukas aayaw kana."
"At sinong nagsabing aayaw na ako? Damn! It's just a mosquito! Kapag nagsawa na
sila sa lasa ng dugo lulubayan din nila ako." Tumirik nalang ang mga mata niya
dahil sa kakulitan nito. Padaskol niyang inabot dito ang katol at posporo na kinuha
niya sa kusina. "Ayan! Sindihan mo para hindi ka ubusin ng lamok. Baka kasi bukas
paggising mo kalansay ka nalang." Aniya sabay talikod dito.

Bubuksan niya ang screen door nang hawakan nito ang braso niya. "Makikiinom sana
ako ng tubig. Hindi kasi ako makatulog ng hindi nainom ng tubig."

Tinanguan niya ito senyales na sundan siya. Kumuha siya ng baso sa cupboard at saka
binuksan ang ref. Ipinagsalin niya ito ng tubig sa baso at saka inabot dito.

Nakaharap ito sa kanya habang nilalagok ang malamig na tubig. Sinadya o hindi but
he look so damn sexy sa paraan ng paglagok nito ng tubig. May maliliit at pinong
butil sa lalamunan nito na umaagos sa kada galaw ng Adams apple nito.

Sunod sunod siyang napalunok. Hindi niya alam na ang simpleng paginom ng tubig ay
nakakasexy palang tignan lalo na kung sa lalaki.

"Ang sarap." He stuck out his tongue at saka pinaikot iyon sa paligid ng labi nito
habang nakatingin sa kanya. Napakagat labi siya dahil sa ginawa nito. May mga tulo
rin ng tubig ang nasa baba nito pababa pa sa leeg. Hinabol iyon ng mga mata niya.

At halos matuyuan siya ng lalamunan ng gumapang ang mumunting tubig pababa sa suot
nitong puting kamiseta. Get a grip Flor!

Napahawak siya sa edge ng marmol kitchen counter. Namamasa ang mga palad niya dahil
doon. At higit sa lahat, biglang sumikip at uminit ang paligid dahil ang distansya
nila kanina ay mas lumiit pa. "A-Anong ginagawa mo?"

It's too late, because Josue lips captured her. At wala nang tinig na lumabas sa
mga labi niya dahil nakulong na ang mga iyon sa bibig ng binata.
To be continued...

-------

#MatakotSaKagatNgLamok

Matuloy o hindi.. Magingat sa mga lamok. Hahaha! Nakaakbuntis este nakakamatay yan!
Hahaha

Happy reading.

Ai:)

P. S

May 01 (Labors day) ang huling pasahan ng entries para sa cover making contest.
Good luck.

=================

Chapter Thirteen

Pigil pigil ni Flor ang wag isatinig ang bawat ungol niya sanhi ng bawat paghagod
ng dila ni Josue sa loob ng bibig niya. Mahigpit siyang napakapit sa balikat nito.
His lips are addicting. Na hindi niya matanggihan. From sweet peck kiss ay mas
lumalim iyon. Lumalim ng lumalim dahil sa bawat pagtugon niya.

"Ohhh!" Napasabunot siya sa buhok nito ng bumaba ang labi nito sa leeg niya at
nanatili doon ng matagal. "P-Please... "

Umangat ang ulo ni Josue at tumitig sa kanya. "Please what baby?" She heard him
say.
Pikit matang binuka niya ang labi. "No h-hickeys please.." Kapag nakita ng ama niya
iyon bukas ay baka tuluyan nang maputol ang kamay ni Josue.

Bumalik sa pagkakayuko ang binata at gumapang na muli ang labi nito. Ang isang
palad nitong humahaplos sa likod niya ay bumababa sa maliit niyang baywang. Her
sensitive spot react immediately. Kakaibang kiliti ang dulot niyon sa kanya.

Hindi na niya alam kung paano nito nagawang kalasin ang butones ng suot niyang
pajama top. Basta ang alam lang niya ay nakalislis na iyon sa balikat niya at buong
suyong sinubo nito ang kabiyak na dibdib niya. "Oohh! Jos..!" Pinigil niyang h'wag
mapaungol ng malakas.

Sandaling huminto ang binata at tumitig muli sa mga mata niya. "I like it." Na
sinamahan ng kakakilig na pagngiti.

Dala ng sensual anticipation, nagawa pa niyang alamin ang ibig nitong sabihin. "M-
My breast?" Walang-hiya hiyang tanong niya. Nakikita't nahahawakan na nito ano pang
ikakahiya niya?

Tumango ito. "Hindi lang 'yon. Gusto ko yung tinawag mo akong Jos it's feel
special."

Uminit ang pisngi niya dahil sa sinabi nito.

She shut her eyes closed again. At hinayaan ang palad nito. Those are doing wonders
in every inch of her skin. Pumaloob naman ang dalawa niyang kamay sa kamiseta nito
at tinulungan itong hubarin iyon. She can't resist the heat. She can't imagined
that she's doing these such things sa isang lalaking may nakakaakit na halik. Buong
laya niyang hinaplos ang matigas nitong dibdib while his palm are working with her
tits.

"It's perfectly fit to my hands." Bulong ng binata. Then he sucked her once breast
and he massaged the other.

"Aahh.. Jos..!" Patuloy ang pigil ungol niya upang wag lumikha ng ingay sa tahimik
na kusina. Wala nang tsansang makalayo pa siya dito dahil natutupok na siya ng
apoy. Apoy ng pagnanasa.
Nang bumaba ang isang kamay nito sa garter ng pajama niya ay tinulungan na niya
ito. He help him removing her remaining dress and let it fell on the floor.

Binuhat siya nito at pinaupo sa kitchen counter. Muling gumapang paakyat ang labi
nito sa labi niya. She responding to his kisses. He gently squeeze her breast and
bite her lower lip. "Lets go somewhere private."

Without any why's. Hinayaan niyang ibaba siya nito at tangayin palabas ng kusina.
Magkahugpong ang mga labi nila at binaybay ang daan patungong hagdan. Her inner
self are throbbing in so much desire. Nawawalan na siya ng pakialam sa paligid. At
ang gusto lang niya ay makulong siya sa bisig ng binata at angkinin siya nito sa
paraang kinasasabik niya.

She has no idea how will it be pero hindi siya ignorante para hindi maintindihan
kung ano ang namamagitan sa kanila ngayon ng binata. Isinandal siya nito sa gilid
ng hagdan at patuloy na pinapak ang leeg niya. Mabuti nalang at patay ang ilaw sa
paligid at hindi nito nakikita ang namumula niyang pisngi at nagaapoy na mga mata.

"Kainaman na itong si Flor. Dito pa talaga nagkalat ng damit ang batang iyon. At
pati panty niya'y narine." Tila binuhusan siya ng malamig na tubig nang marinig ang
tinig ni Aling Marya sa kusina. Kung saan sila galing kanina.

Malakas na itinulak niya si Josuena agad din niyang pinagsisihan dahil yumakap sa
buong katawan niya ang lamig ng paligid. "Hey!" Pabulong na sabi ni Josue sa kanya.

Nagpalinga linga siya sa paligid. Piping ipinagdasal niya na wag na sanang lumabas
ng kusina ang matanda. Bakit ba nakalimutan niyang nasa likod lang ng kusina ang
silid nito?

"Ssshh.. Si nanay marya." Itinapat niya sa labi ang isang daliri. Agad naman itong
lumapit sa kanya at niyakap siya. Para tabunan ang katawan niya.

Narinig pa nila ang mga kaluskos doon. "At pati damit ng lalake eh mayroon dine.
Balak bang maglaba ng batang iyon?" Napahilamos siya sa mukha. Lagot siya kapag
nagtanong ito kinabukasan lalo na kapag sa harapan pa ng mga magulang niya.
To be continued...

---------

#KapagKinagatKaKagatinMoRin

=================

Chapter Fourteen

Nang magising si Flor ay wala na si Josue. Ipinuslit niya kagabi ang binata palabas
ng kusina nila nang maramdaman nila parehong wala na si aling marya.

Kinulit pa siya ng binata na doon nalang daw ito matutulog sa kwarto niya pero
mariin siyang tumanggi. Baka hindi na sila makaligtas sa susunod kapag nagkagayon.

Pagdating niya sa komedor ay maagang nag aalmusal ang kanyang ina kasama si
Delaney. Nakabihis na ito ng uniporme. "Good morning ate. Tinanghali ka yata?"

"Good morning 'nay. Good morning bunso." Umupo siya sa upuan niya at hinigop ang
kapeng naroon. "Napasarap ako ng tulog. Malamig kasi kagabi."

"Sayang hindi mo inabutan si Kuya Josue kanina. Sa labas pala siya natulog." Sabi
ng kapatid habang nakain.
Tinignan niya ito. "Kasama na siya ng tatay mo. Isinama sa bodega. Babagsak ngayon
ang mga bigas kailangan naroroon ang ama mo." Ang ina niya ang sumagot.

May deliver pala ng bigas ngayon. Napalunok siya. Natitiyak niyang pagbubuhatin ng
ama niya ang binata ng kaban kabang bigas.

Ibinaba ni aling marya ang mga tinapay sa mesa. "Marya sumabay kana ng kain para
tuloy tuloy ang trabaho mo." Ani ng kanyang ina sa kasambahay. Hindi niya magawang
mag angat ng tingin sa matanda lalo pa ng umupo ito sa tabi niya.

"A-Ah Nay.. Aalis na ho ako." Sabi niya sabay tayo.

"Aalis kana? Hindi ka pa nga nakakakain eh." Gusto niyang dukitin ang mata ni
Delaney dahil tila gusto na naman nitong mang asar.

Tumingin

siya sa ina. Nagpalipat lipat ang mga mata niya sa mga ito. "Oo nga naman hija.
Ano't kumain ka muna. Ang sarap ng tapang niluto ni Marya."

Hindi niya magawang kumain. Naiisip niya ang nangyari kagabi. Kahit pa ba walang
nakakaalam maliban sa kanila ni Josue ay kinakabahan pa rin siya. "S-Sa opisina
nalang 'Nay. Magkikita kami ni Kuya Walter dahil siya ang sasama sa isla." Totoo
'yon pero maaga pa. Mamayang makatanghali pa sila magkikita ng pinsan niya.

Tumango ang kanyang ina. "Oh siya.. Sige na nga. Ay sya nga pala flor. Saan ka ba
galing kagabi at nagkalat ang damit mo dito sa labas?"

Sandaling natigilan siya. Pinanlamigan siya ng mga kamay. Patuloy ang ina niya sa
pagiinterrogate sa kanya. Bakit ba kasi naisip pa niyang magpatanghali ng bangon?
"Sabi niyang si Marya ay nakita daw niya kagabi ang mga damit mo sa kusina."

Naghagilap siya ng isasagot. Mabuti na lamang at wala ang ama niya. Mas mahihirapan
siyang humabi ng kasinungalingan kung kaharap ang ama niya. "A-Ah.. Ano po kasi..
Nauhaw ako.. T-Tapos natapunan ng tubig. Kaya.. Kaya nagpalit ako at iniwan ko na
doon."
"Ang samlang mo naman ate. Pati panty mo sa kusina mo pa iniwan. Buti nalang wala
kang kapatid na lalaki. Kung di nakakahiya." Komento ni Delaney.

"N-Natakot kasi ako kagabi.. Dadalhin ko dapat sa labahan sa likod.. K-Kaya lang
nakakita ako ng.. ng m-malaking aso. Tumakbo ako papasok kasi b-baka kagatin ako."
Nakagat niya ang pang ibabang labi. Sana ay bumenta ang kwento niya.

Pero duda

siya. Baka nga kahit paslit ay hindi sasakay sa kwento niya. Humalik na siya sa
ina. "Oh siya mag iingat ka. Ang sasakyan mo nariyan na nga pala. Inihatid ni
carding kanina." Si mang Carding ang mekaniko sa bayan na suki ng kanyang ama.

"Sige po 'Nay." Patalikod na siya ng humabol si Delaney.

"Sasabay na ako ate. Ihatid mo ako sa school ha." Tumango siya. Kinuha nito ang bag
at sumunod sa kanya.

Pagdating sa harap ng bahay ay sumakay siya agad. "Good morning Hercules. Miss me?"
Bati niya sa auto.

"Di ka naman na siguro ititirik niyang si Hercules diba ate? Sayang naman kung
titirik. Nakakabitin sa biyahe." Nagsalubong ang kilay niya. Bakit iba anv dating
sa kanya ng mga sinabi nito. Parang may ibig sabihin.

Kinabit ni Delaney ang seatbelt nito at humarap sa kanya. "Masarap ba ate?"

Doon siya napatingin dito. "A-Alin? Yung tapa? Edi ba ikaw ang kumain? Bakit sakin
mo tinatanong?" Nagsisismula na siyang mairita. Sabi na nga ba niya't nabwelo lanv
ito para asarin siya.

Humawak ito sa noo. "Hindi iyon ang ibig kong sabihin. Tayo nalang dalawa dito.
You're free tp share it to me." Ngumisi ito sa kanya. "Masarap bang humalik si kuya
Josue? Masarap ba siya?"

Halos lumuwa ang mga mata niya dahil sa sinabi nito. Alam niya? "asus! Maang
maangan ang peg. Hoy ate! Tigilan mo na yang kaetchosan mo. Nakita ko kayo kagabi
kaya wag ka nang tumanggi. Ikaw ha! Ang aggressive mo." Na sinabayan niya ng
malulutong na tawa.
Sabi na nga ba niya at may nalalaman ito. Humarap siya dito na nanlikisik ang mga
mata. "Baba!"

"Ha?" Nagtatakang tanong nito.

"Sabi ko baba! Mamasahe ka magisa." angil niya sa kapatid niya.

Imbes na simangutan siya. Nakangiti pa itong bumaba ng sasakyan niya at nang aasar
na tinignan siya. "Mamayang gabi may malaking aso ulit sa duyan. Kaya wag kang
lalabas ng dis oras ng gabi. Baka matakot ka na naman ate ha! Sige ka! Kakagatin ka
nun." At sinabayan ng malulutong na halakhak.

Urgh! Gigilitan kita ng buhay na bata ka!

To be continued...

--------

#MagIngatSaKagatNgAso

#LawayNgAsoNakakabuntis

=================

Chapter Fifteen

She went back to her car and drove it away. Pabalik na siya sa opisina niya. Galing
siyang timbangan. Mamaya na ang alis ng kuya Walter niya. Nakausap na rin niya si
Raphael tungkol sa pagbisita ng land developer sa isla.

Sinabi nitong nakaschedule na rin ang pagpunta nito doon. She can't joined them
dahil sa tambak na trabaho. Naconfine ang auditor nila kaya pansamantalang
tumutulong siya sa auditing. May konting kaalaman siya sa accounting kaya tingin
niya'y makakatulong siya. Ang book keeper naman na nila ang bahala sa finalizing
niyon.

She parked her car along the Black Ford and went out. Pero hindi pa siya
nakakahakbang ng may tila bakal na kamay ang humablot sa braso niya.

"Josue!" Gulat na sabi niya. She was frantically surprised. Seeing him at the
parking lot, looking so dark and shimmering by the rays coming from the sunlight.
Ay totoong nakakagulat. Basa rin ng pawis ang T-shirt nito. Bakas doon ang pagod.
"Papatayin mo ba ako sa gulat?" She asked with a bored voice.

Bumugtong hininga ito. "I'm worn out." Daing nito.

She knew what he mean. Nasisiguro niyang pinagtrabaho ito ng ama niya ng kulang
kulang walong oras, dahil pasado alas kwatro na. May awang tinitigan niya ito.
"Sinabi ko naman sayong hindi mo kailangang gawin ang lahat ng 'to. You can go back
to manila, now. At kalimutan mo ang lugar na ito."

"And you know i can't do that." Biglang sabi nito. "How can i have you kung susuko
na agad ako dito. Nagulat lang ako that your father was really a terror soldier!"
Sinamahan pa nito ng pagak na tawa.

"He hold the employees duty para lang ibigay sakin and he told me that i should
accomplished my tasks before the sun gets down. Mabuti nalang at malakas ang braso
ko." Sabi nito habang ipinapakita sa kanya ang braso nitong may muscle.

Inikutan lang niya ito ng mga mata. "Fine! Ayaw mong umalis sige, sakyan mo yang
kalokohan ni tatay. Tignan ko kung di ka tubuan ng ugat."

Matamis itong ngumiti sa kanya. "What a thoughtful girlfriend." Akmang hahalik ito
sa kanya ng awatin niya.

"Hindi mo pa ako girlfriend kaya tigilan mo yang kakaasta mo na parang boyfriend


ko." Saway niya.
Nanunuksong humalukipkip ito sa harapan niya. "Hindi kita girlfriend at hindi mo
ako boyfriend. So anong tawag mo sa ginawa natin kagabi?"

"Josue!" Nanlalaking mga matang tinitigan niya ito. "K-Kailangan mo pa bang


ipaalala 'yon? Diba pwedeng ka-kalimutan nalang?"

"And why would i forget it? Importante sakin 'yon kahit pa nga naabala tayo. God!
That's the sweetest thing i ever done in my life. And you're the sweetest person
I've done that with." Ang kaninang distansya nila ay kakapiraso na. Hinayaan niyang
humawak sa baywang niya ang isang kamay nito.

"Dikit ka ng dikit basa ka naman ng pawis." She teased.

He doesn't look offended instead he look---stupid while smiling like crazy. "Bakit
hindi ba ako mabango dahil basa ng pawis?"

She leaned down at kunwa'y inamoy ito. Pero talagang hindi nakaligtas sa pang amoy
niya ang natural scent nito. Mabango iyon na akala mo'y hinahalina siya. "Mabango.
Mabango kaya." Aniya. Nainit ang pisngi niya dahil sa simpleng tuksuhan nila. "Eh
ako? Mabango ba ako?" She bit her lip at sa ka tinitigan ito.

He look amused. "You really asking me that?" Bahagyang dumikit ang ilong nito sa
punong tenga niya. "Kahit ikaw pa ang pinakamabahong babae dito sa buong San Simon.
Ikaw pa rin ang pinakamabango sakin. Your smell doesn't less your beauty."

Kulang ang salitang kilig para isigaw niya kung ano ang nararamdaman niya ngayon.
It's more than just a kilig it's more on---kinikilig?

"Bolero ka talaga." Aniya. Nanatiling nakalapat ang hininga nito doon. And it's
send her a chill that run through her spine down to the center of thighs. Parang
biglang nanginig din ang tuhod niya.

"I would love to spend our afternoon in bed. Pero kinakabahan ako sa tatay mo. Baka
hindi pa ako nakakapasok may itak na sa ulo ko."

Napahagalpak siya sa sinabi nito. "Tinubuan kana pala ng takot." Buska niya.
"Hindi naman ako natatakot dahil iitakin niya ako. Natatakot ako baka dahil doon,
ayawan na niya ako lalo para sayo." Pumapalakpak na ang tenga niya dahil sa sinabi
nito.

Ngumiti siya at hinawakan ito sa pisngi. "Jos mabait naman si tatay min---."

"Arf! Arf! Arf! Awwww! Awww!" Nakuyom niya ang mga kamao at saka tumagilid.

"Delaney!"

Magigilitan na talaga kita ng leeg.

To be continued...

--------

#KapagWalaAngPusaNakikipaglaroAngAso

=================

Chapter Sixteen
Sa sampung linggong panliligaw ni Josue kay Flor. Mukha naman naepektibo na.
Madalas ay nakikita na niyang normal na naguusap ang tatay niya at ang binata.
Hindi niya masasabing aprub na ang binata sa tatay niya, but at least hindi na ito
palaging may bitbit na itak tuwing umaga.

Kasa-kasama nito si josue sa umaga. Ginawa nitong helper ang binata sa Store. Uuwi
lang ang mga ito para mananghalian sa bahay. At sa hapon naman ay regular siyang
sinusundo ng binata sa opisina.

Ganoon ang naging takbo ng mga nakaraang buwan sa kanila. Hindi iisang beses siyang
natutukso kapag may nakakakitang kasama niya si Josue. May pagkakataon pang
lumalabas sila para manuod ng sine. Pero kasama ang tatay at nanay niya. At hindi
rin mawawala ang mapabg asar niyang kapatid na si Delaney.

Kagaya nalang noong nakaraang linggo. May kliyente siyang nagregalo sa kanya ng
limang VIP tickets for local concert ng isang sikat na celebrity. Akala nila ni
Josue ay magkakatabi sila pero hindi nangyari, dahil nasa gitna nila ang tatay,
nanay niya at si Delaney. Nagkasya nalang sila sa paligaw-ligaw tingin.

"Estimahin mo Flor ang bisita doon sa kabilang lamesa." Utos ng nanay niya.
Birthday ng tatay niya ngayon. May kaunting salo salo sa bahay nila. Dumating ang
mga kaibigan at ilan nilang kamag anak. Inimbita rin niya ang mag asawang Nikita at
Taddeos. Pero nagpasabi silang mahuhuli daw ng dating. Si Regine naman ay nagsabing
hindi makakarating dahil wala si Fernan. Isa pa may sakit din daw si East.

Hinayaan nalang niya.

"Flor 'yon bang kainuman ng tatay mo ang nobyo mo?" Natigilan si Flor sa tanong ng
tiya ester niya. Kapatid ng kanyang ina.

Ngumiti siya. "Naku hindi ho. Nanliligaw palang ho siya tiyang."

Bahagyang binangga nito ang braso niya. "Aba bilisan mo. Bali-balita sa kabisera na
hindi lang dalawa o tatlong babae ang napapagusto d'yan sa manliligaw mo. Baka pag
pinatagal mo ng pinatagal ang pagsagot dyan maghanap yan ng iba." Nginitian lang
niya ang payo ng tiyahin niya.

Isang daang araw? Nakakapitongpung araw palang ang binata. May tatlompung araw pa
ito. Kakayanin pa ba niyang maghintay ng thirty days? Baka mainip na ito at
maghanap na ng iba. Napapraning kana flor. Diba sinabi niyang ikaw lang ang gusto
niya.
"Oo nga." wala sa sariling naisatinig niya.

Nagtatakang tinignan siya ng tiyahin. "Ano kamo hija?"

"Ah.. Wala ho. Sige kain lang ho kayo ng kain." Aniya saka tumalikod.

Dumaan siya sa back garden papasok sa loob ng bahay. Nasa pinto na siya ng harangin
siya ni Primo.

"Susmaryosep na bata ka! Ano bang ginagawa mo't pasulpot sulpot ka." Napahawak siya
sa dibdib niya.

Nagkamot ito ng ulo. "Sorry ate. May ipapabigay lang sana ako sayo." May inabot ito
sa kanyang isang bungkos ng pulang rosas.

"Para saan ang mga ito?" Nagtatakang tanong niya.

"Galit po yata sakin si Delaney. Hindi kasi niya ako pinapansin kahapon." Pinayagan
na niya itong makalapit sa kapatid niya. Kinausap siya ni Delaney. Wala daw itong
ikukwento sa tatay nila kung hahayaan niya si Primo na kausapin at makalapit sa
kanya. Naghihimagsik ang loob niya dahil alam niyang binablackmail siya ng kapatid
niya. Bawal pa talaga kasi itong ligawan. Kung siya nga pahirapan. Ito pa kaya na
teenager palang?

"Sige. Pero huling bulaklak na ito primo. Kapag nakita ito ni tatay. Malalagot tayo
pareho." Tumango ang binatilyo.

Yumakap ito sa kanya. "Salamat talaga ate. Da best ka talaga. Kaya mahal na mahal
kita e." Tinapik niya ang balikat nito.

"Sus bolero." Nakangiting umalis ito sa harapan niya.

Sinamyo niya ang bulaklak na ipinabibigay nito sa kapatid niya. Ang bango ng mga
rosas. Bakit ang swerte ng kapatid niya kay Primo. Napakabait na bata. Kung di nga
lang masagwa ang edad niya sa edad ng binatilyo. Malamang magkacrush nga siya doon.

Pumasok siya sa loob ng bahay. May mga bisita rin doon. Kanya kanyang pwesto. Akma
siyang paakyat ng hagdang ng maaninag niya si Josue sa hamba ng pinto papasok sa
basement.

"Primo pala ha. Kaya pala hindi mo ako masagot sagot agad. May primo pa pala bukod
sakin." Nanlaki ang mga mata niya dahil sa sinabi nito.

Narinig ba sila nito? Nakita ba nito ng yakapin siya ni Primo? Sabagay magrereact
ba ito ng ganoon kung wala itong narinig o nakita.

Kinakabahang humakbang siya papalapit dito. "At may paflowers flowers pa." Sabi
muli nito.

"M-Mali ang inii---."

Napatanga siya ng pumasok ito sa loob ng basement. Mabilis naman siyang humabol
dito. Mukhang siya naman ang manliligaw ngayon.

To be continued...
------

#SaBasementNakakulongAngAso

off to kusina tayo. baka mahuli na naman. Sa basement naman tayo. Hahaha

=================

Chapter Seventeen

She showered him with her little perky kisses all over his face. "Sorry na. Mali
naman kasi ang interpretation mo dun sa nakita mo eh." He just shoved her arms na
nakayakap dito. Pagkatapos ay may dinukot sa bulsa ng suot nitong pantalon.

"You're smoking." She said with full of shock in her face. She saw him puffing out
his cigarette.

Tumango ito. "Occasionally. Especially when im frustrated."

There's nothing wrong about smoking. Every guy does. Pero hindi niya lubos maisip
na ang clean-looking-guy na nakilala niya ay marunong pala manigarilyo. Umiling
iling siya at binalikan ang sinabi nito. "So kasama ako sa frustration mo ganoon
ba? Kaya di mo ako kinakausap and puffing your cigarette instead?" May halong tampo
sa tinig niya.

"How would i react? Binigyan lang naman ng isang teenager mg bulaklak ang babaing
nililigawan niya, considering that he was totally announced it to the whole
community that he likes the girl." Natameme siya.

Napapadyak siya ng paa. "Eh! Mali nga kasi ang iniisip mo." Napahawak siya sa
sentido niya. Napakaliit na bagay ay lumalaki dahil sa pagtatalong ito. "Buti pa
lalabas na ako. Hindi ko kailangang makipagtalo sa taong makitid ang utak." Nakita
niyang idinutdot nito ang sigarilyo sa ashtray na nakita nito sa isang tabi.

Tuluyan na niya itong tinalikuran. "Why it's so hard for you to see that i am
jealous?"
Nahinto siya ng paghakbang. Nagseselos siya? "I'm jealous. Before i saw

you with that kid. Nakausap ng tatay mo ang tatay niya. And I was also there. The
old man as your father kung pwedeng manligaw ang anak niya. I suspected that it was
Delaney. And your father agreed. Kaya nagiba ang tingin ko kanina because i saw him
giving you flowers. Gusto kong sapakin ang batang 'yon at ibalik sa sinapupunan ng
nanay niya. And i became more jealous when you smelled the flowers at mukhang
masayang masaya ka pa. I swear kung nagtagal pa ang pagkakayakap ng batang 'yon
sayo baka lumpo na siya ngayon." She don't know what to say. There's a part of her
na nagagalit dito but the same time ay kinikilig. He acting weird because he is
jealous. And the kilig na nararamdaman niya ay tagos hanggang bone marrow.

"You're J-Jealous?" Nagtataka paring tanong niya. Naramdaman niya ang malalaking
kamay nito na dumantay sa balikat niya.

"Porke't hindi pa kita girlfriend wala pa akong karapatang magselos? Damn! Araw
araw nagseselos ako, especially everyday that you are out of my sight." Pigil pigil
niya ang wag mangiti ng sobra. Pero sobra din magpakilig ang mokong na ito.

"Lasing kalang kaya nasasabi mo 'yan." Alam niyang hindi ito lasing. Binibiro lang
niya ito. Para lang mapagtakpan niya ang kilig na nadarama.

He narrowed his eyes. "I'm not that drunk! At saka lasing man o hindi alam ko ang
sinasabi ko. Because this.." Itinapat nito ang palad niya sa sarili nitong dibdib.
Nadama niya ang mabilis n pintig ng puso nito. "...speaks for me."

Alam niyang namula ang pisngi niya dahil sa sinabi nito alright, kinikilig siya at
walang makakapagsabi kung hanggang kailan siya kikiligin. Hinampas niya ito sa
dibdib. "Baliw, nasisiraan ka na talaga ng bait." Nagyuko siya ng ulo.

Hinawakan nito ang pisngi niya at iniharap sa kanya. "Look at my eyes and tell me
na hindi mo ako gusto." Oh! Mas mahirap 'yon!

Kagat labing sinalubong niya ang mga mata nito. Parang hindi niya kaya. Hindi niya
kayang sabihing hindi niya ito gusto. Because, honestly she like him. At alam
niyang hindi lang simpleng pagkakagusto dito ang nararamdaman niya. Malalim pa
doon.

Humaplos sa malabot niyang pisngi ang mga daliri nito. "See.. Hindi ka makasagot.
Alam kong gusto mo rin ako."
Napapahiyang inirapan niya ito. "Conceited!" Humalakhak lang ito.

"Well at least, magyabang man ako eh yung totoo." Niyakap siya nito. Isiniksik niya
ang mukha sa dibdib nito at saka gumanti ng yakap. Wala mang salitaan pero alam
niyang nagkakaintindihan na sila. Hihintayin nalang nila ang pasya ng kinauukulan.
Pero kung ano man 'yon sana ay pabor sa kanila. "I promised you that i will never
ever make you cry."

Pumikit siya. "Thank you..."

"Flor? Flor? Nan'dyan kaba? Anak? Narito na sina Mr. At Mrs. Ventura kanina ka pa
hinahanap."

Mabilis silang naghiwalay ni Josue nang marinig nila ang tinig ng ina sa labas ng
pintuan. Saka lang niya narealized na nailock niya pala ang pinto.

To be continued...

--------

Oh! Ano? Umasa kayo no? Hahaha.. Ayan nalabas ang mga berde dito. Hahaha.. Nakabasa
lang ng basement akala may SPG na. Di ba pwedeng maguusap lang? Hehehehe.

Happy reading.

Ai:)

=================

Chapter Eighteen

"Kapag sinaktan mo ang anak ko. Tandaan mo, mata mo lang ang walang latay."

She just smile. From how her tatay threatened Josue. Nakaisang daang gabi ito ng
pagtulog sa bahay nila. Nakaisang daang beses itong nagtiis sa labas. Mabuti nalang
at hindi ito nadengue. Siguro ay nasaid na ng mga lamok ang dugo nito.

And now, it's official. May label na sila. Hindi na sila mga tila batang paslit na
magtatago. Mahigpit na hinawakan Ni Josue ang palad niya. "Makakaasa ho kayo 'tay.
Hinding hindi ko ho sasaktan ang anak niyo."

Kinikilig siya sa paraan ng pagtingin nito sa kanya. The way how their eyes are
locked together. Kaakibang kiliti sa puso niya.

"Aba dapat lang! Dahil kapag sinaktan mo 'yan. Tatamaan ka talaga sakin. Araw araw
bagong hasa ang itak ko. Ipupukol ko 'yon sayo." Seryosong sabi ng ama niya ngunit
kapagkuwan ay ngumiti rin.

Nagpaalam sila lalabas lang. Sinabihan ng tatay niya si Josue na bago dapat mag
alas otso ng gabi ay naihatid na siya nito sa bahay nila. Napakaluma ng mga
magulang niya. Moderno na ang panahon pero ang pananaw at paniniwala ng mga
magulang niya lalo ng kanyang ama ay lumang luma.

"Saan ba kasi tayo pupunta?" Aniya habang nakatingin sa daan.

Kinuha ni Josue ang isang kamay niya at dinampian ng halik iyon. "Basta! Mamasyal
lang tayo."
Bumugtong hininga nalang siya. Mukhang di naman talaga nito sasabihin sa kanya kung
saan nga ba sila pupunta.

Bumiyahe sila patungong maynila. Nakatulugan niya ang pagbiyahe kaya nang magising
siya ay nakahinto na pala sila. "N-Nandito na tayo?" She asked in her husky voice.

Umiling ang binata. "Papunta

palang tayo." Sabay ngiti sa kanya. Alas-diyes na ang umaga. Kung saan man sila
pupunta, naubos na ang oras nila sa kakabiyahe.

Inakay siya nito palabas ng sasakyan. "A-Airport? Anong gagawin natin dito?"
Nagtatakang tanong niya.

Mula sa di kalayuan ay nakahimpil ang private plane nito. Sinalubong sila ng


mestisong lalaking di niya alam ang pangalan dahil hindi na siya nag abala pang
magtanong. Nalaman lang niya na iyon ang piloto nila.

When he piloted the plane. Doon na siya mas nakaipon ng maraming tanong. "Hoy!
Lalaki saan ba talaga tayo pupunta? Mapapatay ka ni tatay kapag hindi tayo nakauwi
agad."

Ginapgap ni Josue ang palad niya. "Relax. Makakauwi tayo before eight in the
evening. Okay?"

Isinandig siya nito sa dibdib nito. Nagtataka talaga siya. Ang akala niya kasi ay
sa Manila lang sila. Maybe mall, amusement park o kaya ay sports center.

Welcome to Surigao. Yan ang bumungad sa kanya habang sakay sila sa sasakyan
makababa ng eroplano. "I'm telling you Josue. Lagot tayo pareho kay tatay." Paulit
ulit niyang sabi.

Mula sa kabisera ay huminto sila sa bayan Rodriguez. Pasado ala una ng hapon.
"Gutom ka na ba? Kakain muna tayo kung gusto mo." Tila narinig iyon ng tiyan niya
dahil biglang kumulo iyon. Bumaba sila sa palengke. Tila alam na alam nito ang
lugar na ito. Pagpasok nila sa prutasan ay dumeretso pa sila papasok sa mga
magkakatabing kainan. "Sir!" Mula sa isang mataong tindahan ay may matabang ginang
ang
mabilis na sumalubong sa Kanila. "Naku sir! Kayo ho pala talaga iyong natatanaw ko
sa malayuan."

"Good afternoon Manang Tes. Napadaan ho kami kasi gutom na gutom na po itong
girlfriend ko." Bahagya niyang siniko ito. Siya pa talaga ang sinangkalan. Baka
isipin ng ginang ay baboy siya.

Ngumiti ang ginang sakanya. "Tamang tama. Luto na ang tapang kalabaw. Alam kong
iyon ang hahanapin mo." Excited na sabi ng ginang. Tinalikuran sila nito at
inihanda ang lamesa nila.

"Anong ginagawa natin dito?" Pabulong na tanong niya. Sanay siyang kumain sa mga
turo turo pero itong si Josue ang iniisip niya.

"Kakain. Diba nagugutom kana?" Ipinaghila siya nito ng upuan. Para silang mga taong
gala sa pagsulpot nila dito. "Masarapa ang tapa dito. Magugustuhan mo."

Umikot ang mga mat niya. "Nang dahil lang sa Tapa dumayo pa tayo dito?"

Muli nitong pinisil ang kamay niya. "Relax. Madalas ako dito kapag may business out
of town trip ako. Nakilala ko ang may ari nito dahil minsan akong nasiraan ng
sasakyan sa bayan. Asawa ni aling tes ang nagmekaniko ng sasakyan ko." Paliwanag ng
nobyo niya sa kanya.

Nakakatuwang isipin na ang ganitong klaseng lalaki ay mahilig kumain sa palengke.

Maya maya'y may serbidorang naglapag sa lamesa nila ng umuusok na sabaw. "Ano ito?"
Tanong niya sa nakangiting dalagita. "Sinampalukang paa ng kambing po ma'am.
Masarap po yan pansabaw sa kanin." Ito ang unang beses na titikim siya ng kambing.

Kinuha niya ang kutsara at hinalo halo ang laman ng sabaw. Tadtad na ang buto niyon
at may maninipis na goat meat din siyang nakikita. Nang tignan niya ang katabi ay
para itong marino kung makasisid

sa sabaw. Sarap na sarap ito. Natutuwang ginaya niya ang ginagawa nito. Totoong
masarap nga ang sabaw.

Kasunod na inihain sa kanila ay ang umuusok na fried rice na may tostadong bawang
sa ibabaw. Kasama ang tapang kalabaw na may maanghang na suka. Hindi na siya
nagulat nang magkamay ito at kamayin ang kanin. Malambot ang tapa at masarap. Sabay
pa silang napapatawa sa isa't isa kapag napupuna nilang may kanin ang mukha nila.

"Salamat ho aling tes. Mauna na ho kami." Paalam nila nang makatapos silang kumain.

"Balik ho kayo ulit dito ma'am at sir. Para sa susunod po eh makatikim po kayo ulit
ng tapa." Tumango sila sa ginang at sabay na lumabas ng palengke.

Ilang minuto pa ang biniyahe nila bago sila nakarating sa Poblacion. Pagdating doon
ay sumakay sila ng pedicab. Dalawang barangay ang dinaanan bago sila huminto.
"Liblib na dito. Saan ba talaga tayo pupunta?"

"Malapit na tayo." May tour guide na kasmaa sila. Mula sa bukana ng mapunong lugar
ay higit trenta minutos na trek bago sila huminto. "D-Dagat.. " Manghang sabi niya
habang nakatapak sa mataas na limestone. Ngayon niya ipinagpapasalamat na
nakarubber shoes siya. Hindi siya nahirapang maglakad. My iniabot na life vest sa
kanila at isinuot iyon. "six feet deep po ang babaan natin. Mula po dito sa itaas
ay ay mga bato pong pwedeng apakan pababa." Ani ng tour guide.

"Wala bang harness?" Natatakot na tanong niya.

Umiling ang guide. "Mahihirapan pong magrapelling dito kapag ganitong high tide.
Usually po kasi ay umaabot dito ang tubig dagat kapag malakas ang hampas ng alon.
Delikado po."

ngunit nakita niya sa mga mata ni Josue na hindi siya pababayaan. Inalalayan siya
nito pababa. Di naman pala mahirap dahil para lang hagdan ang binababaan nila. Nang
makababa sila ay may mga lantsa ang nasa paligid. May mangilan ngilang tao ang
naroroon. Mga turista marahil. Pero ano ang dinarayo nila dito? Tanong ng isip
niya. Mga limestone lang ang nakikita niya at ang malawak na karagatan.

Mula sa kinatatayuan nila ay mga malalakas na tinig ang mga naririnig nila. Tila
mga batang naglalaro. Nagtungo sila doon at bumuka ang bibig niya sa pagkamangha.

"Wow! Beautiful!" Bulaslas niya.


Tila isang malaking bathtub ang napapalibutan ng mga limestone at hinahampas ng
malakas na alon sanhi para magkaroon ng shower. Umaalon ang tubig sa lagoon kapag
nabanlawan ng panibagong tubig dagat. Nakakatakot na adventure pero masaya.

"Laswitan lagoon ang tawag d'yan. At ang dagat na 'yan ay ang Pacific Ocean."
Namamanghang nakangiting tinanaw niya magagandang alon na tila tinatawag siya.

To be continued...

---------

Note: fiction lamang po ang mga lugar na dinaanan patungong Laswitan. Pero totoong
nageexist sa surigao ang laswitan lagoon. I never been there, pero pangarap ko. I
love risky adventures. At ang laswitan lagoon ang nasa top list ko sa risky
destination. (Hindi siya resort or anuman. Hindi rin beach. Dinarayo lang siya
dahil sa mga limestone at sa lagoon. Malamig ang tubig na galing sa pacific sea. At
kapag high tide daw. Mas malalaki ang alon.mas risky pero mas maganda.)

Happy reading.

ai:)
=================

Chapter Nineteen

What they have in Surigao stays forever. Wala pa sa kalahating oras ang nilagi nila
sa lagoon. Kinailangan na nilang umalis agad para bago pumatak ng alas otso ay nasa
San Simon na sila.

Espesyal ang naging araw nila. Hindi man nila nakuhang magtagal sa paglublob sa
lagoon at pakikipaglaro sa mahaharot na alon ay ayos lang. Kasama naman niya ang
pinakamaharot na lalaking nakilala niya.

"Nag enjoy kaba?" Tanong ng binata habang nagmamaneho pabaliknng San Simon. Pasado
alas siyete na ng gabi.

Sumandal siya dito. "Sobra. Mas masaya sana kung mas nagtagal pa tayo." Tumingala
siya sa binata. "Pero baka itakin kana ng tuluyan ni Tatay kung hindi ka tutupad sa
usapan."

Naramdaman niya ang paghalik nito sa noo niya. "Kung pwede nga lang di muna tayo
umuwi. Kaya lang naisip ko rin 'yan." Sabay tawa nito.

Nag angat siya ng tingin. "Ba't bigla kang natawa?"

"Para kasi tayong si Ibarra at Maria Clara." Sabay tawa nitong muli. "At ang tatay
mo si Padre Damaso."

"Para sa isang korean na gaya mo. Nakakapagtakang kilala mo sila." She amusingly
said.

He shrugged his shoulder. "I went in UP-Manila when i was in college."

"So matagal ka na palang nagstay dito?" Sabi niya.

Bahagyang tumango ito. "Dito ako sa pilipinas nakagraduate ng college at bumalik


lang ako ng Korea para tulungan sa business ang pamilya ko."
Napaisip siya. "So, kung hindi ka pala naging kaibigan ni Raphael at naging
kaibigan ko si niki malamang hindi pala tayo nagkakilala at hindi ako ang
girlfriend mo ngayon." Aniya. Nakaramdam siya ng

konting hapdi. Paano nga kaya kung ganoon ang nangyari? Hindi siguro siya masaya
ngayon.

"Hey, anong klaseng Theory yan? Of course not, kahit hindi ako naging kaibigay ni
Raffy at hindi ko naging Fiancé si Niki. I'm sure magkikita at magkikita pa rin
tayo. Ako kaya ang icing sa ibabaw ng cupcake mo. " Pinamulahan siya ng mukha.

"Bastos!" Napapahiyang sabi niya. Natabunan tuloy yung kilig na nararamdaman niya.
Paano ba naman, ang MP3 stereo sa loob ng sasakyan nito ay biglang nagpalit ng
tugtog.

At ang kantang 'yon nga ang narinig nila.

Ikaw na ba si Mr. Right?

Ikaw na ba love of my life?

Ikaw ang icing sa ibabaw ng cupcake ko...

"Hindi na mabiro itong baby ko." Sabay halik nito sa noo niya. Hinampas niya ito sa
balikat. "Eh kasi naman. Parang ang berde naman kasi nung sinabi mo." Aniya habang
nakanguso.

Kumindat ito sa kanya bago huminto ang sasakyan sa harapan ng bahay nila. "Bakit?
Ayaw mo bang maging icing ako sa ibabaw ng cupcake mo?" Muli na namang uminit ang
pisngi niya. Bakit ba parang ang halay ng linya na 'yon? Siya lang ba ang
nakakapuna niyon?

"Ay nako! Ayan ka na naman." aniya saka hinawakan ang bag at nagpaalam dito. "So,
paano?Papasok na ko sa loob."

Bahagyang lumapit ito sa kanya at kinuha ang palad niya. "I'll be gone for one or
two weeks.. I guess." Bahagya siyang nagulat.

"A-Aalis ka?" Ulit niya. Bakit ngayon lang nito sinabi?


Humaplos sa mukha niya ang palad nito. "Sandali lang naman ako. Babalik ako ng
Seoul. May aayusin lang ako doon. Hindi naman kasi kita maiisama, unang una hindi
papayag ang tatay mo. Pangalawa, masyado kang maraming inaasikaso dito."

"Pero matagal ang isang linggo." Apela niya dito. Dumampi ang labi nito sa tungki
ng ilong niya.

"Baby, mabilis lang 'yon. Magugulat ka nalang nandito na ako ulit." Hindi niya
maiwasang malungkot. Sa loob ng mahigit isang daang araw na kasama niya ito. Ngayon
lang ulit ito mawawala sa paningin niya.

Marahil ay naninibago lang siya. At aaminin niya mamimiss niya ito. "Mamimiss
kita." Pabulong na sabi niya.

Ngumiti ito sa kanya. "Mamimiss din kita." When he leaned down at lumapat ang labi
sakanya ay agad niyang tinugon. He gently brushes his lips to her. Banayad at puno
ng pagiingat.

Nang maghiwalay ang labi nila ay ngumiti ito sa kanya. "Wag kang titingin sa iba
habang wala ako ha! Tatawagan kita palagi. Pero ipangako mong walang lalaking
makakalapit sayo." Natawa siya sa tonong ginamit nito habang binibilinan siya.

Hinaplos niya ang pisngi nito. "Possessive lang ang peg?" Tatawa tawa paring sabi
niya.

Sumimangot ito. "Ayoko lang na may nakikialam ng bagay na sakin lang habang wala
ako." Imbes na mainis sa klase ng pananalita nito ay tila teenager na kinikilig pa
siya.

"Opo. Pangako po." She said while she cupping his face. "As if naman may
makakalapit pa. Edi initak na sila ni tatay. May boyfriend na ko tapos papaligaw pa
sa iba."

"Very good. That's my girl." Ani nito bago muli siyang hinalikan sa labi. Sandali
lang 'yon at agad na silang naghiwalay.
To be continued...

=================

Chapter Twenty

"I'm glad that you asked me out!"

Huminga ng malalim si Nikita habang nakasandal sa headrest ng sasakyan. Siya naman


ay nagmamaheno. Two days ago, she texted her na kung pwede naman silang mag girl
bonding. And she immediately say yes. "Kung bakit ba naman kasi itong si Taddy ay
hindi ako payagan." Natawa nalang siya sa sentimyento ng kaibigan niya.

She knew her friend---Taddeos. Over-protective at extra possessive ito sa asawa


niya. Apat na buwang buntis na kasi si nikita. "Intindihin mo nalang ang asawa mo.
After what happened to you, nagiging paranoid na siya lalo na kapag wala ka sa
paningin niya." She said. Maswerteng nakaligtas si Nikita sa mga kamay ni rad noon.
Taddeos adoptive brother.

Likas na matigas ang ulo ni Nikita. Pinamilugan lang siya nito ng mga mata at saka
bumalik sa pagsusurf sa phone niya. She was searching for some food restaurant na
may mga authentic dishes. Namimiss na raw kasi nitong kumain ng mga paborito nitong
pagkain. At siya naman ay nabuburyo na sa San Simon kaya niyaya niya ito.

"Siya nga pala. Have you talked to Josue again?" Umalis sa daan ang mga mata niya
bago gumawi sa kaibigan.
Nakayuko pa rin ito sa cellphone habang nasa tiyan ang isang kamay. "Hindi pa." Na
sinabayan niya ng iling. "Nag aalala na nga ako. Last week noong mag usap kami,
feeling ko may problema siya."

Humarap ito sa kanya. "Bakit di mo siya subukang tawagan ulit? Maybe busy lang siya
nitong mga nakakaraang araw." Payo ni Nikita sa kanya.

Tumango siya. "Tatawagan ko siya mamaya. Baka makakausap

ko na siya." Nagtatanong na nga rin ang mga magulang niya kung ano na raw ang
balita sa Boyfriend niya. Kung ano daw ang problema. Natanong pa nga siya ng tatay
niya kung may problema sila ni Josue.

Hindi daw maglalaho ang isang lalaki ng ganoon ganoon lang kung walang problema at
dahilan. Pero nasisiguro niyang wala silang problema. Dahil maayos na nagpaalam ang
binata sa kanya. Maayos silang nakakapagusap sa telepono noong unang linggo na
umalis siya.

Inabala nalang niya ang sarili sa pamamasyal nila ni Nikita. Pagkatapos nilang
magFood trip ay sinamahan niya itong mamili ng mga gamit nito para sa baby nito.
"Excited na ko sa paglabas ng inaanak ko." Natutuwang sambit niya habang naglalakad
sila sa infant section sa loob ng isang kilalang Department Store.

Hinaplos ni Nikita ang maumbok na tiyan. "Sabi namin ni Taddy na hindi ako
magpapautrasound. Gusto naming masupresa sa paglabas ng baby namin." Love and
happiness are visible in her eyes. Halatang masayang masaya ito.

Sabay nilang itinulak ang may kalakihang push cart. "Ah! Basta lalaki o babae,
ninang ako." Pagbubulontaryo niya.

"As if naman makakahanap pa ako ng ibang gaya mo. Natural number one ka sa
listahan." Na sinabayan nito ng tawa.

Pagkatapos nilang mamili ay tinanong niya ito kung saan niya ito ihahatid. "Ibaba
mo nalang ako sa opisina ni Taddy. Sabay na kaming uuwi."

Ani nito habang papikit pikit.


"Okay ka lang ba? Napagod ka yata ng husto." Pansin niya. Kanina pa kasi ito parang
di mapakali.

"Medyo nahihilo lang ako. Doon mo nalang ako ihatid." Tumango siya at nagdrive
patungo sa opisina ng asawa nito.

Pagdating doon ay agad silang inalalayan ng gwardiya hanggang sa elevator. "Kung


gsto mo wag mo na akong samahan. Malayo pa ang biyahe mo." Sabi ng kaibigan niya.

Umiling siya. "No, ihahatid kita hanggang sa loob. Saka kakauspin ko rin ang asawa
mo. Itatanong ko sa kanya kung nakapagusap na ba sila ni Josue."

Tumango tango ang kaibigan niya. Pagdating sa bukana ng opisina ni Taddeos ay agad
na tumayo ang sekretarya nito pagkakita sakanila. "Mrs. Ventura!"

"Hi! Issa. Si Taddy nariyan ba?" Tanong ni nikita. Agad na ngumiti ang babae.

"Yes! Ma'am. Nasa loob po. Kausap si Mr. Tolentino." Nagkatinginan sila ni Nikita.

"Tolentino? Josue Tolentino?" Pagkukumpirma ni Nikita. Tumango ang babae.

Kusa siyang humakbang patungo sa Executive Door at bahagyang binuksan iyon. Tama
ang babae. Naroroon si Josue. Nakatayo ang dalawa at parehong nakaharap sa Glass
wall na nakatanaw sa buong siyudad. Nakahalukipkip si Taddeos habang may hawak na
sigarilyo si Josue.

Napangiti siya. Dumating na pala ito. Akma siyang hahakbang ng pagalit na magsalita
di Taddeos sa nobyo niya.

"You have no right to hurt her!" Napahinto siya. "Hindi mo lang siya basta
sasaktan. Wawasakin mo siya! Sinabihan na kita noon. Tigilan mo na! Alam mong hindi
papayag ang pamilya mo sa kanya."

Napahawak si Nikita sa balikat niya. It seems that they're talking about her. "So,
paano mo aalisin sa buhay mo si Flor? Siguraduhin mo lang na hindi siya iiyak and i
swear, una akong pupugot sa ulo mo!" Galit na sabi ni Taddy. Nanlambot ang tuhod
niya.

"I d-don't know." Sa wakas ay nagsalita rin si Josue.

Namamanghang humarap si Taddeos dito. "Hindi mo alam? You're unbelievable! Dalawang


linggo ka na dito sa pilipinas ay hindi mo parin alam ang gagawin mo! Ano ba talaga
si Flor sayo?"

Tila pinangangapusan siya ng hininga. Ayaw na niyang marinig ang lahat pero parang
may magnet ang tenga niya na nakatutok lang doon. "S-She's.. She is m-my----."

"Your toy! Damn you! Josue! Hindi ko lubos maisip na kaibigan kita. Sana una palang
sinabi mo na sa kanya na kaya mo siya niligawan ay dahil gusto mong iharap siya sa
pamilya mo! Para hindi ka na nila piliting magpakasal sa iba! Pathetic!"

Nanlalambot ang tuhod niya. Nanlalabo rin ang mga mata niya dahil sa mga luhang
namumuo doon. Pakiramdam niya ay papanawan siya ng ulirat.

Tuluyan nang bumagsak ang mga luha sa mga mata niya. "Kung hindi naging matigas ang
ulo ko. Kung nagpakasal lang sana ako s akanya. Hindi ka siguro masasaktan ng
ganito. I'm sorry florie." Narinig niyang sabi ni nikita.

Humarap siya sa kaibigan. "Wala kang kasalanan. Kung hindi mo ginawa 'yon hindi ka
sana masaya ngayon." Mapait niyang tugon.

Muli niyang sinulyapan ang lalaking nasa loob ng opisina na siyang dumurog sa pusp
niya ngayon. Pagkatapos ay nagmamadaling tumakbo siya paalis.

"F-Flor!"
To be continued...

-------

#LoveTasteSweetAtFirstBite

=================

Chapter Twenty One

Hapon na ng dumating siya. Nasa Grocery pa ang tatay niya pero nasa bahay na ang
kanyang ina. Masama daw ang pakiramdam nito kaya umuwi na. Si Delaney naman ay wala
pa.

Mabilis siyang pumanhik sa silid niya at nagkulong doon. Muntik na siyang mabangga
kanina dahil sa matinding emosyon niya. Kinailangan muna niyang kalamayin ang loob
niya bago siya nagpatuloy sa pagmamaneho.

Hindi niya akalain na umabit sila sa ganitong punto. Una palang tinanong na niya si
josue kung kaya ba siya nito gusto ay dahil naghahanap ito ng mapapangasawa. Pero
hindi ito nagsabi ng totoo sa kanya. Hinintay pa nito na tuluyan siyang mahulog.

"Ang tanga tanga mo!" Bulyaw niya sa sarili habang nakasiksik sa isang sulok at
nakatukod ang mukha sa tuhod. "Ang tanga mo!"

Noon bumukas ang pinto. "Ate!" Mabilis na nilapitan siya ni Delaney. "Ano bang
nangyayari sayo? Nakita ko ang sasakyan mo kanina sa poblacion. Kakawayan sana kita
kaya lang muntik ka nang mabangga!"

"Lumabas ka na muna." Mariing utos niya sa kapatid. Nakayuko pa rin siya at patuloy
na umiiyak.

"Ate ano ba? Natatakot naman ako sa ginagawa mo eh. May problema ba?" Pangungulit
nito.

Hilam ng mga luhang humarap siya dito. "Ang sabi ko lumabas ka muna! Labas!"
Napakislot ito sa ginawa niyang pagsigaw. Nangilid ang luha sa mga mata nito.
Nakakasakit na siya ng iba nang dahil lang sa nasasaktan siya.

Lumabas ito ng silid at iniwan siya. Napahagulgol na namang muli siya. Magiging
okay ka rin Flor. Magiging okay ka rin.

Kinapalan

niya ang pagkakaguhit ng eyeliner sa ilalim ng mga mata niya. Baka sakaling maitago
niyon ang pangangalumata niya. Pagbaba sa hapag ay si Delaney nalang ang inabutan
niya.

Nakaalis na ang mga magulang nila. Hindi siya nito pinansin at patuloy lang sa
pagkain. Alam niyang masama ang loob nito dahil sa ginawa niyang pagsigaw at
pagtataboy dito kahapon.

Hindi nalang niya pinuna. Wala siyang gaba kumain. Kagabi ay nakatanggap siya ng
missed call mula kay Josue pero hindi niya sinagot. Hinayaan lang niyang tumunog ng
tumunog ang cellphone niya. Sa huli ay mukhang nagsawa naman dahil kusang huminto
iyon.

Naunang tumayo sa hapag si delaney at naiwan siya. Tinitigan lang niya ang mga
pagkain at saka lumabas na rin. Pagdating sa gate ng bahay nila ay may humintong
sasakyan. May bumabang Nakaputing polo na lalaki sa Driver seat at saka binuksan
ang likurang pinto. Hindi niya kilala ang babaing bumaba doon.

Nakapulang Summer dress iyon na litaw na litaw dahil sa maputi at makinis niyang
balat. Simple pero napakasopistikada ng hitsura. Lalo lang siyang naguluhan ng
hubarin nito ang aviator sunglasses nito. Tumambad sa kanya ang singkit nitong mga
mata. Doon niya nahinuha na foreigner ang nasa harapan niya.

"Hi!" Ani nito. Kumunot ang noo niya. Siya ba ang kinakausap ng babae? Nilingon
niya ang gilid at likuran niya. Wala namang tao doon maliban sa kanya. "Yes! You!"
Sabay turo sa kanya.

Nagtatakang tinignan niya ito. Hindi niya ito kilala. "M-Me?"

Tumaas lang ang kilay nito. Pagakatapos ay unti unting humakbang papalapit sa
kanya. Pati ang klase ng paglalakad nito ay kakaiba. Full of grace and
sophistication. Malayong malayo sa kanya na palaging nakamaong pants at rubber
shoes. Na normal na sa kanya ang tumakbo at maglakad ng mabilis.

Samantalang ang babaing nasa harapan niya ay naglalakad na para bang hawak nito ang
lahat ng oras. That she has all the time in the world. "I came here to see you.
Flor Arador." Bahagya siyang nagulat ng banggitin nito ang pangalan niya. Kilala
siya nito pero hindi niya ito kilala.

"Who are you?" Naitanong niya.

Inilahad nito ang kamay sa kanya. "I'm Sung Hye Yoon." Alanganin niyang tinanggap
ang palad nitong nakalahad. Pero nagulat niya dahil ng bumitaw siya ay sa pisngi
niya sunod na lumapat iyon. "And i am your boyfriend fiancé! So stay away from
him!"

Saka lang nag sink in sa isip niya ang lahat. Nawala ang malambot na expression sa
mukha nito. Nahalihinan iyon ng inis at galit. Bago ito humakbang papalayo ay
ibinato nito sa dibdib niya ang isang magazine. At nang buklatin niya iyon ay
tumambad sa kanya ang litrato nito na kasama si Josue.

The Socialite Sung Hye Yoon is finally engaged to Prime Minister Grandson. Josue
Tolentino. They're spotted in...

hiniling niya na sana ay hindi na niya binasa iyon. na hindi na niya


pinagkaabalahang tignan. nawala na ang sasakyan sa harapan niya pero nanatiling
nakapako siya doon. para siyang inaanod na papel.
"A-Ate... " Dinaluhan siya ni Delaney. Napayakap siya sa mga balikat nito. "Sshh..
Tahan na.."

To be continued...

=================

Chapter Twenty Two

"Wag na wag na magpapakita ang hayop na 'yon dito! Mapapatay ko talaga siya!"

Nanggagalaiti sa galit ang kanyang ama ng gabing 'yon. Niyakap siya ng kanyang ina.
"Sshh. Tahan na. Palagay ko'y may maayos na paliwanag si Josue sayo. Kung bakit ka
sinugod dito ng babaing 'yon."

Hindi na niya napigilan ang bibig ni Delaney ng magsumbong ito sa nanay at tatay
niya. "At anong paliwanag ang ipapaliwanag ng demonyong 'yon?" Galit na tanong ng
kanyang ama. Nagbabaga sa galit ang mga mata nito. "Tao natin siyang pinatuloy dito
sa bahay natin pero ganoon lang ang igaganti niya?"

"Florencio! Ano ka bang tao ka? Imbes na pagaanin mo ang loob ng anak mo nagatong
ka pa!" Saway ng ina niya sa asawa.

Nagpalakad lakad sa salas ang ama niya. "At bakit hindi? Akala ko tao siyang
kausap! 'yon pala ganyan lang ang gagawin sa anak natin! Kung alam ko lang sana
noon pa! Edi hindi ako pumayag na maging nobyo ng anak ko ang hinayupak na iyon!"

Mariin na lamang siyang napapikit. Masakit para sa kanya na malamang ganoon pala
ang tingin ni Josue sa relasyon nila. Siguro kung nagsabi lang ito ng mas maaga
baka mas naintindihan niya ito.
Ano bang mas kinasasama ng loob mo? Ang katotohanan na tinago niya sayo ang totoong
motibo niya o ang masakit na reyalidad na mag aasawa na pala siya. At hindi ikaw?
Pareho siguro. Parehong masakit. Parehong nakakadurog. Kahit

sino naman sigurong babae ang tumayo sa sitwasyon niya ay kapareho ng mararamdaman
niya. Masakita ng lokohin at saktan. Pero mas masakit umasa na pwede kayo hanggang
sa huli.

"At ang mapapangasawa ng lalaking iyon! Ang kapal ng mukha na pumarito para ano?
Saktan ang anak ko? Kung ako ang narito kanina ng gawin niya iyon! Hindi lang
sampal ang aabutin niya sakin." Tumalislis na siya paakyat sa silid niya. Hindi
naman niya makokontrol ang bibig ng ama niya. Galit ito at nasisiguro niyang ang
galit nito ay hindi magagamot ng kahit ano.

Pagkaakyat sa kwarto niya at saka siya namaluktot sa pagkakahiga. Pilit na niyang


iwinawaglit sa isip ang lahat. Baka kasi kapag nagawa niyang mabura iyon ay
magigising siya kinabukasan na panaginip lang pala. Na walang Josue ang dumating sa
buhay niya. Josue na ginulo ang isip at puso niya. Tinuruan siya ng maraming bagay
at itinuring na tila pinakamagandang babae sa buong mundo.

Pinilit niyang pagaanin ang isip. Tunog ng nagwawalang cellphone niya ang
nagpamulat muli sa mga mata niya. Hindi nakasave ang number ng tumatawag. Inisip
niyang tungkol sa trabaho iyon kaya sinagot niya. "Hello?" Pinapormal niya ang
tinig.

"Baby... " Anas ng nasa kabilang linya. Tila napako siya. "Let us talk. Please...
I'm here.. Outside. Hindi ako aalis dito hangga't hindi mo ako kinakausap." Mabilis
siyang bumaba sa kama at patakbong lumapit sa bintana na nakaharap sa labas ng
bahay nila. Mula sa kabilang kalye sa harapan ng gate nila ay may nakaparadang
sasakyan na hindi niya malaman kung pula ba o itim. Sa labas niyon ay may lalaking
nakasandal at nakatingala sa bintana niya. "J-Josue..." Bulong niya.

"yes.. Baby it's me.. Please magusap tayo. Alam kong galit ka sakin." Isa isa na
namang tumulo ang luha niya. Tapos na sila.

"Umalis kana." Malamig niyang sabi. "Bumalik kana sa k-kanya."

"No! Maguusap tayo. Please hayaan mo naman muna akong magpaliwanag." Umiling siya.
Patuloy niyang itinatanggi sa sarili niya na hindi na niya kailangan na makaharap
ito. Tama na nasaktan siya nito. Tama na 'yon.

"T-Tapos na tayo. Kaya umalis kana." Pagtataboy niya. Nakatanaw pa rin siya dito
mula sa bintana niya. Nakatingal ito at nakaluhod doon. Nagmamakaawa na lumabas
siya at kausapin ito. Pero ipinako na niya ang mga paa niya upang wag tumakbo dito.

"Cecilia! Ilabas mo ang itak ko! Narito ang hayop na ito. Iitakin kita!" Noon siya
nakakilos ng marinig ang ama na tumatakbo palabas ng bahay nila.

Diyos ko! Binitawan niya ang cellphone at patakbong lumabas ng silid. "Tay!"

To be continued...

=================

Chapter Twenty Three

Inabutan niya ang amang hawak hawak ng kanyang ina sa braso. "Florencio! Ano ka
ba?"

"Bitiwan mo ako. Kukunin ko ang itak ko at iitakin ko ang lalaking ito!"


Naguumalpas itong pilit sa pagkakahawak ng kanyang ina.

"Tay nandito po ako para---." Naputol ang sinasabi ni Josue dahil sa pagsigaw ng
kanyang ama.

"Wag mo ako matawag tawag na tatay. Hindi kita anak!" Galit na idinuro ito ng ama
niya.

Tumingin si Josue sa kanya. Bakas dito ang sakit at lungkot. "B-Baby.." Bulong nito
na umabot sa pandinig niya.
"Lumayas ka nang hayop ka dito! Hindi ka kailangan ng anak ko!" Ipinikit niya ang
mga mata. Ayaw niyang makita ang pagmamakaawa ng binata.

"Baby.. Sandali lang naman ito. Hayaan mo na muna akong magpaliwanag..."


Pagmamakaawa pa nito. Nang tignan niya ang kanyang ina ay puno ng panguunawa ang
mga mata nito.

"Hayop talaga ang animal na ito! Sinabi nang lumayas kana! Layas!" Bakat sa leeg ng
ama ang ugat nito. Nabubulahaw na ang ilang malapit na bahay sa kanila. Pawang
nakatingin ang mga ito sa kanila.

"Florencio! Tumigil kana! Pinagtitinginan na tayo ng mga kapitbahay. Bigyan mo


naman ng kahihiyan ang sarili mo!"Saway ng ina niya.

Matalim ang mga tinging ipinukol nito kay Josue bago tinignan silang mag ina.
"Titigil lang ako kung lalayas ang lalaking yan dito at titigilan ang anak ko!"
Mariing sabi ng ama niya. Ito nga talaga siguro ang dahilan kung bakit hindi siya
magkanobyo noon. Alam niyang pagdadaanan niya ito. At lalong ng ama niya.

Bumugtong hininga siya. "Sige na 'tay pumasok na kayo sa loob. Maguusap lang kami."
Aniya sa ama. Josue is a bullheaded man. Hindi ito makikinig sa

ama niya kahit itakin pa ito. Kaya walang mas magaling kung di ang kausapin ito.
Besides, he owe her a explanation.

Naningkit ang mga mata ng ama niya. "Nababaliw kana ba talagang bata ka? Pagkatapos
kang gaguhin ng lalaking yan ay kakausapin mo pa?"

"Florencio! Hayaan mo na muna silang mag usap! Panay ka tapang tapang. Bakit? Noong
itanan mo ako. Di ba natakot ka sa sibat ni tatay?" Sa ibang pagkakataon ay
tatawanan niya marahil ang sinabi ng ina. Pero iba ang sitwasyon ngayon. Natahimik
panandalian ang ama niya.

"Iba noon, mahal na mahal kita kaya kita naitanan. Eh itong mokong na ito niloko
ang anak natin!" Napabugtong hininga nalang siya. Tinapik nalang siya ng ina sa
balikat at pakaladkad nitong ipinasok sa loob ng bahay ang tatay niyang nagwawala
pa.
"B-Baby..." Nag iwas siya ng tingin. Bahagya itong naglakad papalapit sa kanya.
Hindi naman siya kumilos mula sa kinatatayuan.

"Hindi ka na sana pumunta pa dito. Tignan mo tuloy ang nangyari." Walang emosyon
niyang sabi. Nang lumiit ang distansya nila. Mabilis nitong kinuha ang mga kamay
niya.

"Listen, alam kong nagkamali ako sayo. I admit it! Mali na itinago ko sayo ang
lahat. I.. I was planning to tell it to you pagbalik ko sana mula Seoul but----."

"Pero naunahan kita?" Doon niya ito tinignan. "Bakit ang tagal? Bakit hindi mo agad
naisip kung ano ang mararamdaman ko sakaling mangyari ang lahat ng 'to? Bakit?
Dahil umasa kang tatanggapin ako ng pamilya mo? Josue! Magkaiba tayo ng mundo."
Mapait niyang sumbat. Siguro tama lang na sabihin niya ang mga ito. Baka sakaling
maiibsan ang sakit na nararamdaman niya kung masasabi niya ang mga ito.

"I'm sorry. I'm such a fool! Tanga ako na hindi ko naisip agad na mas masasaktan
kita. But believe me, when i say i love you. I mean it." Dinala nito sa mga labi
nito ang kamay niya. Namuo ang luha sa mga mata niya.

Pumasok sa isip niya ang fiancee nito. "Hindi na mahalaga kung mahal mo ako.
Pakasalan mo na ang babaing pakakasalan mo." Tila minamartilyo ang puso niya sa
sakit. Parang may libo libong karayom ang tumutusok doon. "Tapos na tayo."

Pinigilan niyang wag tumulo ang mga luha niya. Sabi niya, tama na ang pag iyak.
Hindi siya iiyak sa harapan nito. Hindi niya ipapakitang nanghihina na siya dahil
sa desisyon niya para sa kanilang dalawa. Ito namana ng tama. Ang layuan ito. Hindi
niya gustong makaharap pang muli ang babaing napili ng pamilya nito para sa kanya.
Tama nang minsan nitong ipi namukha sa kanya na hindi sila karapat dapat ni Josue
sa isa't isa.

Binawi niya ang mga kamay na mahigpit na hawak ni Josue. May makikinang na luhang
naglandas sa mga mata nito. "N-No.. Please.. Baby.. Wag mo naman gawin sakin ito...
"

Tumingala siya para ibalik ang luha. "When i say we're over.. I mean it. Tapos na
tayo." Umiling ito ng maraming beses. Lumuhod ito sa harapan niya.
"Goodbye Mr. Tolentino."

To be continued...

---------

Si flor ang example ng mga babaing madaling sumuko at bumigay. Siya ang karakter na
isang baguo lang tumba agad. Well, di naman lahat kasi ng babae ay gaya ni Wonder
Woman. Kung siya nga nasasaktan din. Si flor pa kaya.

Happy reading.

Ai:)

=================

Chapter Twenty Four

"Sung Hye Yoon and the sought-after bachelor Josue Tolentino are now revealed the
date of their wedding. First week of spring. Josue----."
"Hindi mo ba titigilan 'yan? Naririndi na ko sa kakabasa mo!" Pairap na sabi niya
sa kapatid. Nakatambay ito sa opisina niya dahil may hinihinging tulong sa kanya.
At mula pa kanina ng dumating ito ay nagbabasa na ng magazine na hindi niya
napansing dala pala nito.

"Talaga bang hindi kana affected?" Nangalumbaba ito sa harapan niya. Abala siya sa
pagbabasa ng Income summary nila nitong last quarter.

Binitawan niya ang hawak na folder at hinarap ito. "Hindi. Na. Ako. Affected!"
Pagdidiin niya. "At saka saan na namn ba papunta itong usapang ito? My God! It's
been six months! Ako palang ba ang nakakamove on?" Na sinabayan niya ng pagtirik ng
mga mata.

May anim na buwan na ang nakakalipas mula ng maghiwalay sila ni Josue. Simula noon
ay hindi na sila nagkitang muli. Iniwasan na rin niyang makibalita tungkol dito. At
ang nalalapit na kasal nito ay ngayon lamang niya muling narinig.

Delaney swivelled her chair backward at saka ipinatong ang paa sa lamesa niya. "At
bakit hindi ganoon ang nakikita ko sa mga mata mo? Nang marinig mo ang pangalan ni
Kuya Josue kanina habang binabasa ko ang column na 'yon. Halata sayong interesado
kang malaman eh!" Natahimik siya. "Umamin ka nga ate.. Nakamove on ka nga ba talaga
o nagpapanggap ka lang sa harapan namin?"

Tumayo siya at binuksan ang filling cabinet. Naghahalungkat siya doon kahit wala
naman siyang hinahanap. Gusto niyang iwasan ang tanong ni Delaney.

Siya ang nagtaboy kay Josue. Siya ang dahilan

kung bakit sumuko ang binata. Itinaboy niya ito dahil nasaktan siya. Tapos ano?
Kapag ba inamin niyang nasasaktan pa rin siya may mababago ba? Babalik ba ang
binata sa kanya? Siya pa rin ba ang pipiliin nito? Paano kapag sinabi niyang handa
na siya? Pero ito'y pagod na maghintay? May magagawa pa ba siya?

Naramdaman niya ang kamay ni Delaney sa braso niya. "Ano ate? Dahil mahal mo pa rin
siya? Umaasa ka pa rin na sana ikaw at siya ang nakasulat sa peryodiko at
inaanunsiyo ang pagpapakasal niyo at hindi ang kung sino sinong babae."

Marahas siyang napahawak sa buhok. "Tama na Delaney! Tama na!" Nangilid ang luha sa
mga mata niya. Mas masakit pala talaga ang katotohanan. Ang katotohanang umaasa pa
rin siya kahit alam niyang wala nang pag asa. "Oo! Mahal ko pa rin siya. Oo umaasa
pa rin ako. Masaya kana?" Aniya at tinalikuran ito.
"Till when Pare?" Tinungga ni Josue ang hawak na basong may alak bago humarap kay
Raphael.

Nagkibit balikat siya. "I don't know." Napailing ang kaibigan niya.

"Alalahanin mo galit pa rin sayo si Taddeos dahil sa ginawa mo sa best friend ng


misis niya." Alam niya iyon. Walang kapatawaran ang ginawa niya kay flor.
Naiintindihan niya kung bakit galit na galit ang babae sa kanya. Miski ang buong
pamilya nito.

"Nagsisisi ako kung bakit nasaktan ko siya. Inakala ko kasi na kapag iniharap ko
siya sa pamilya ko. They won't arranged me to someone i don't love." Aniya at
uminom ulit.

"Exactly. You. Don't. Love. So, what about her? Do you really love her?" Nagpalipat
lipat ang tingin niya dito at sa basong hawak.

Humarap siya ng matiim s abaso. Na para bang mukha ng babaing mahal niya ang
makikita niya doon. "I love her. So much.. That i can't even breathe without
thinking her."

"Poor boy. Cheers to your broken heart!" Itinaas nito ang basong hawak. Parang
tangang ginaya niya ito. Tinungga niya ang alak niya. Anim na buwan na. Ilang
linggo nalang at ikakasal na siya. Matatali na siya sa wakas. Mawawalan na siya ng
dahilan humanap ng iba. At makukuha na niya ang karapat dapat na para sa kanya.

Muli siyang ipinagsalin ni Raphael ng alak sa baso. "Curious lang ako. Bakit ka
magpapakasal sa kanya?"

Maraming dahilan ang pagpapakasal niya. At ang lahat ng dahilan na 'yon ay


mahalaga. Higit na mahalaga sa ano pa man.

Tinungga niya ang alak na sinalin nito. "Because, this is what flor wants.. Marry
the woman i want to marry."

Naalala niya ang huling sinabi ni Flor sa kanya. Wala itong kaideideya na sobra
siyang nasasaktan. Na hindi nito alam ay para siyang pinapatay.

Hindi na mahalaga kung mahal mo ako. Pakasalan mo na ang babaing pakakasalan mo.

Tinapik siya ni Raphael. "Good luck sa kasal mo. Don't worry I'll be there. It's
such an honor to witness your life sentence." Na sinamahan nito ng pagtawa.

Mapait siyang ngumiti. Sana lang sa gagawin niyang pagpapakasal ay maging simula na
ito ng bago niyang buhay. Buhay na bubuuin niya kasama ang magiging pamilya niya.
Kasama ang babaing papangakuan niya ng habambuhay na pagsasama at ang mga magiging
anak nila.

To be continued...

------

Naririnig ko na ang wedding bells.. Tsik! Poor Josue..


No UD for a couple of months?

Kaya? Hahaha

=================

Chapter Twenty Five

"Hindi ko maintindihan kung bakit mo 'ko napapayag sa kalokohan mong ito Delaney. I
swear huli na ito." Inis na pinukol niya ang kapatid bago isinuot ang strappy high
heels shoes na binigay nito sa kanya.

Lumapit si Delaney sa kanya at inayos ang buhok niya. "Sorry talaga ate. Kung di
lang naman nagback out yung isang model ay hindi kita pipilitin. Wala na talaga
kaming oras."

Rumaraket bilang freelance model si Delaney. Kung saan saang event ito napapasuot.
Ito ang dahilan kung bakit panay ang kumbinsi nitong mga nakakaraang buwan sa
kanya. Gusto nitong tulungan niya itong magsabi sa mga magulang nila. Pumayag naman
siya. Para kahit papaano ay may pinagkakaabalahan ito. Pero kahapon lang ay dali
dali siya nitong ginising para sabihing bumack-up siya sa trabaho nito. This day
was supposed to be her rest day. Balak niyang di pumasok sa opisina at wag
magapakita doon. Guato niyang ubusin ang maghapon niya sa paghilata at pagtulog.
Pero ang magaling niyang kapatid ay pinakiusapan siya.

"At saka bakit ganitong damit pa ang suot ko?" Tukoy niya sa white gown na hindi
nalalayo sa wedding gown ang hitsura.

Tumaas ang kilay ni Delaney. "You should be flattered ate. Yan ang exclusive and
expensive gown sa Zamora." Ang Zamora Figure ang tinutukoy nito. Sikat na bilihan
at patahian ng mga gowns and dresses.

"Kahit ito pa ang pinakaginto. Ayoko nito!" May naalala lang siya sa damit na suot
niya---kasal. Dahil pinangarap niyang makasal sa lalaking gusto at mahal niya.

Inakay na siya nito. Coding

ang sasakyan niya kaya wala silang pagpilian kung di ang sumakay ng pedicab
patungong poblacion at sasakay ng dyip doon. Kung may makakakita marahil sa kanya.
Iisipin na bride siya.
Pagdating sa Garden Restaurant kung saan gaganapin ang photoshoot. Napahinto siya
sa paglalakad. "Big time ang production niyo ha. Sa sikat na restaurant pa talaga
ginanap ang photoshoot." Gadgad niya. May-ari siya ng sikat na seafood restaurant
pero kahit minsan sa buhay niya ay hindi niya napasok ito. Although afford naman
niyang kumain dito pero iba pa rin kasi. Unang una, pangarap niya ang magkaroon ng
ganito kalaking restaurant. Pangalawa, masyadong gwapo ang may ari nito.

Hindi nalang nagsalita si Delaney at inakay na siya papasok sa loob. Namangha siya
sa set up ng garden lawn. May mga sariwang bulaklak ang naroroon. "Dito ka tatayo
ate. Kapag binigyan ka ng go signal saka kalang maglalakad ng marahan."

Itinaas niya ang dalawang kamay para pahintuin ito sa pagsasalita. "Teka nga! Anong
klaseng photoshoot ba ito? At saka bakit ako lang?"

Imbes na sagutin siya ay ngumiti lang ito sa kanya. Hinawakan ang dalawang kamay
niya. "Kahit palagi tayong nagtatarayan at inaapi mo ako. Mahal na mahal kita ate.
And all i want is to see you happy." Nagtataka siya sa biglang pagyakap nito sa
kanya. Naglakad ito papalayo sa kanya. Sa carpeted center kung saan naglakad ito ay
saka lang niya napuna ang paligid. There's a vase of flowers na nakapalibot sa
pulang carpet. And from the row of pews ay ang mga taong di

niya inaasahan na naroroon din. Nay, tay. Bulong niya ng makita ang mga ito. Gaya
ni Delaney ay nakabihis din sila. Naguguluhan siya.

May babaing lumapit sa kanya. "Dito po tayo ma'am. Maguumpisa na ang entourage."

Entourage? Doon pumailang ang isang kanta. Hugyat na nagsisimula nang maglakad ang
mga taong nasa unahan niya.

Even though it's been so long, my love for you keeps going strong.

I remember the things that we used to do

A kiss in the rain till the sun shined through.

I tried to deny it, but I'm still in love with you.

Nangilid ang luha sa mga mata niya lalo na ng lumapit ang mga magulang niya sa
kanya. "Nay, tay.. Ano ito?" Naiiyak niyang tanong.

Pinahid ng ina ang luha niya. "Ang ganda ganda mo anak. Sabi ko naman sayo diba...
Wag kang mainip na maghintay."
Ang ama niya ay tahimik lang. "Tay?" Nang tumingin ito sa kanya ay lumuluha ito.
Bagay na una niyang nakita sa buong buhay niya. "Ang makita ka lang namang masaya
ang gusto namin ng nanay mo. Hindi naman namin kayo pinalaking mayaman pero mayaman
naman tayo sa pagmamahal. Kaya patawarin mo si tatay kung nakalimutan ko na mas
importante ang matuto kang magmahal." Naiyak siya sa sinabi ng mga magulang niya.

Niyakap niya ang mga ito. Wala siyang naiintindihan sa mga nangyayari pero nang
mahawi ang daan ay saka lang niya nakita ang lalaking naghihintay sa harapan ng
altar. "Josue... " Bulong niya.

Nagpalipat lipat ang tingin niya sa mga magulang niya.

Tumango sila sa kanya. Ikakasal na siya? Ikakasal sila? Kung panaginip ito ayaw na
niyang magising.

I miss you like crazy, I miss you like crazy,

Ever since you went away, every hour of every day.

I miss you like crazy, I miss you, baby.

Love like ours will never end, just touch me and we're there again.

Ang gwapo nito sa suot na barong tagalog. Sa tabi nito ay isang pares ng lalaki at
babae na sa tingin niya ay mga magulang nito. Sa isang hilid niya ay si Raphael
naman. Mas namukal ang luha sa mga mata niya ng sa wakas ay makalapit siya dito.

Hinawakan nito ang kamay niya. Totoo nga. Hindi siya nanaginip lang. Totoong nasa
tabi niya ito. "I miss you baby..."

"Mamaya mo hawakan ang kamay ng anak ko. Hindi pa kayo kasal." Sabay silang
napalingon sa amang matalim ang tingin kay Josue. Tumawa lang ang binata. Binati
siya ng mga magulang nito.

"Hindi kami nagkamaling magdesisyon na suportahan ang anak namin sa pagpapakasal


niya sayo. You're a wonderful woman." Pahayag ng ama nito. Pati ang ina nito ay
nakangiti sa kanya.

"Welcome to the family Flor." Nang humarap siya kay Josue ay nakangiting lumuluha
ito sa kanya.
"Akala ko hindi na darating ang araw na ito." Pinahid nito ang luha sa mga mata.
"I'm sorry sa mga maling nagawa ko. At sorry kung nasaktan kita. Hindi ko
sinasadya."

Natunaw ang lahat ng galit at sama ng loob niya sa isang iglap lang. Love is a
cure. Ang puso niyang sinira ng bagyo ay para lang hinipan ng hangin. Nagkaroon
muli ng buhay. "Hindi ako perpektong lalaki. I made some troubles and

mistakes pero alam ko, na sa kabila ng mga pagkakamali ko. May tatanggap pa sakin."
Matiim itong tumitig sa kanya. "Papakasalan mo ba ako Flor? Handa ka bang Tanggapin
muli ako? Kahit dalawnag daang gabi akong matulog sa labas ng bahay niyo
maghihintay ako. Magpakasal ka lang sakin."

Natawa siya sa sinabi nito. "Narito na nga tayo sa shotgun wedding tapos tatanungin
mo pa ako ng ganyan. Aba! Bakit pa ako tatanggi?" Niyakap siya nito ng mahigpit.
Pero agad din siyang humiwalay ng may maalala. "P-Paano si---."

"Pinaglaban kita. Wala silang nagawa kung di suportahan ako dahil mahal nila ako."
Tumitig ito sa mga mata niya.

I can see the love shining in your eyes,

And it comes as such a sweet surprise.

It seems believing is worth the wait,

So hold me and tell me it's not too late.

We're so good together, we're starting forever now.

"Nang sabihin mo na pakasalan ko ang gusto kong pakasalan. Buo na sa sarili kong
ikaw 'yon. Kaya ginawa ko ang lahat. Nilampasan ko ang mga pagpapahirap ng tatay
mo. Hinarap ko ang galit ng pamilya ko. Because it's all worth it kung ikaw na ang
nasa harapan ko." Tumulong muli ang mga luha sa mata niya. Hindi siya nito iniwan.
Hindi ito ang sumuko.

I miss you like crazy, I miss you like crazy,

Ever since you went away, every hour of every day.

I miss you like crazy, I miss you like crazy.

No matter what I say or do, there's just no getting over you.


"I'm sorry.. I'm sorry kung itinaboy kita. Nasaktan lang ako I'm sorry ----."
Hinalikan nito ang tuktok ng ulo niya.

"Tapos na 'yon. Ang mahalaga ay ang ngayon at ang mga susunod pang araw. I love you
flor." Nagkatitigan sila. Tikhim ng paring nasa harapan nila ang nagpahiwalay sa
mga mata nilang magkahugpong.

"I guessed, hindi na natin kailangan ng misa. Nakapagpalitan na pala kayo ng


sumpaan sa isa't isa. So, Mr. Tolentino.. You may now kiss your wife." Nagtatawang
nagakatinginan muli sila. Isinuot nito ang singsing sa kanya at ganoon din siya.

Just one night, and we'll have to find the feelings like we used to do.

Hold on tight, and whatever comes our way, we're gonna make it through.

It seems to believing is worth the wait,

So hold me and tell me it's not too late.

We're so good together, we're starting forever now.

And I miss you like crazy, I miss you like crazy.

No matter what I say or do, there's just no getting over you.

And I miss you like crazy, I miss you like crazy.

"Sandali lang Father! Misahan niyo muna ang anak ko. Baka binabangungot 'yan.
Parang awa niyo na." Nagtawanan ang mga tao dahil sa biglang pagtayo ng ama niya.

"Florencio tumigil ka! Naikasal na ang anak natin." Natatawang saway ng kanyang
ina.

Tumingin siya kay Josue. "Si tatay talaga. Pero salamat.. Salamat sa paghihintay at
hindi pag suko."

humaplos sa pisngi niya ang palad nito. "Masyado kitang mahal para gawin ko ang mga
iyon. Hindi naman nakakapagod ang maghintay lalo pa't alam mong hinihintay ka rin
ng hinihintay mo. Time is just a measure. What we learned is time.. Time to love
and forgive."
The End.

--------

Who wants Epilogue?

=================

Epilogue

"Aaahhh!"

Mabilis siyang tumakbo sa lababo at binuksan ang gripo. Isinahod niya ang bibig
doon at nagmumog. "Jos!" Mabilis namang dumalo ang Misis niya sa kanya. "What
happened?"

He pulled the table napkin from the rack at pinahiran ang bibig. "I'm glad you
asked." Sarkastikong sabi niya.

Vanilla was laughing so hard at the corner of the dining room. Namaywang ang misis
niya sa maldita nilang panganay. "What you did this time Florence Vanilla?"

Pinigil nito ang pagtawa at tumingin sa kanya. He sighed. How can he get mad to his
own daughter? Kahit pa palagi siya nitong pinagpapratisan ng mga pranks nito. "I
put some ground pepper in tatay's hot coffee." She confessed while biting her lower
lip.

His wife groaned again. Maselan ang kondisyon nito ngayon. Pagkatapos ng apat na
taong paghihintay ay masusundan na si Vanilla. And they're expecting a bouncing
baby boy now! "It's okay.. Magpahinga ka na muna." Inakay niya ang asawa paupo sa
sofa.

Lumapit naman sa kanya si Vanilla. "Are you mad at me tatay?" Kinarga niya si
Vanilla at hinalikan sa noo.

"Ang ginawa mo ay hindi tama. Kapag sa iba mo ginawa iyon ay magagalit sila sayo.
So don't do it again honey." Nakikinig naman si Vanilla. May mga pagkakataon
talagang lumalabas ang kamalditahan at kapilyahan nito. Kagaya nalang ng ginawa
nito kani-kanina lang. Iniwan niya ito sa dining table dahil humihingi ito ng
gatas. At nang bumalik siya at hinigop niya ang mainit na kape ay halos umusok ang
bumbunan niya dahil sa daming paminta!

She frowned. "But tita laney said it's okay

to have some jokes. It's fun!" Nagpakawala siya ng bugtong hininga. Si Delaney na
naman ang nagturo sa anak nila.

Tinignan niya ang asawang nakatingin din pala sa kanya. "I want to wring your
sister neck dahil sa mga itinuturo sa anak natin. Sa kanya natututo ng kapilyhan
itong si Vanilla."

Natawa ang asawa niya. "Hindi ka pa nasanay. They're like a birds. Parehong
pareho."

"Dapat ba kitang sisihin dahil doon?" Dalawang taon pagkatapos ng kasal nila ay mas
pinili nilang dito manirahan sa San Simon. Nakabili silang mag asawa ng bahay. At
paminsan minsan ay nadalaw sila sa mga biyenan niya. Ang mga magulang naman niya ay
nalulungkot parin sa pagalis nila ng Seoul pero sinabi naman nilang mag asawa na
pwedeng magbakasyon ang mga ito dito sa bahay nila. Mas pinili na kasi nila dito
dahil sa pagbubuntis noon ni Flor kay vanilla.

At walang gabi na hindi nito katabing matulog di Delaney. Pinaglihihan ng asawa


niya anv kapatid nito. Kaya ng lumabas si vanilla ay mini-delaney. "Ako na naman?"
Kumunot na namana ng noo nito.
"Oo ikaw. Dahil itong si vanilla ay pinagsamang ikaw at si Delaney." Doon ito
ngumiti. Naghalo ang kamalditahan nito at ni Delaney kaya ganito ang behavior ng
anak nila. Nasobrahan na yata. "I just wished our second baby ay hindi maging gaya
ng ate niya. My God! I can't imagine myself seeing my son doing some dirty tricks
over me!" Tumawa ang asawa niya.

Kahit buntis ito napakaganda pa rin. Maraming nagsasabing lalaki talaga ang anak
nila. "Kaya mister, masanay kana. Lalo na kapag lumabas si bunso."

Sumabat si Vanilla. "Hindi na ako bunso?" Na sinabayan ng hikbi.

Nagkatinginan silang mag asawa. "Of course not! Baby ka parin namin ni nanay. Pero
bawas bawasan mo ang kamalditahan anak."

Hinalikan niya ito sa noo. Maldita lang ang anak nila pero malambing at mabait
naman. "Siya nga pala, narito si tatay mamaya. Nakiusap ako sa kanya na dito muna
siya. Namimiss ko na kasi si tatay. Noong isang araw ko pa siya gustong makita eh."

Natigilan siya. "Naglilihi ka parin?" Wala sa sariling naitanong niya. Wag naman
sanang makaugali ng biyenan niya ang junior niya. Baka atakihin na siya sa puso.

Sumandal ang misis niya sa kanya. "Sige na mahal, magbabait naman daw si tatay. Di
ka raw niya aawayin."

"I doubt it!" Bulong niya. Okay naman sila ng biyenan niya. Sadya lang talagang
istrikto ito at masyadong old fashioned.

He groaned in defeat. "Fine. Dalawang araw lang. Tama nang naglihi ka kay Delaney.
Utang na loob wag sa tatay mo! Baka lumabas ang anak nating may hawak nang itak!"

"What's itak tatay?" Sabay ilang nagkatinginan kay Vanilla. Curiosity written in
her eyes.

Kinarga niya ito at inakay naman ang asawa sa kusina. "Wala 'yon anak. Tara mag
almusal na tayo."
Inakbayan niya si Flor at sabay sabay silang nagtungo sa hapag.

--------

Maraming salamuch po sa lahat ng walang sawang sumubaybay sa kwentong ito. Sana


suportahan niyo rin si Raphael.

Love lots,

Ai:)

You might also like