Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

PART 1

Gusto ko po sana mag-share ng story through an onlooker’s perspective. Some details might not be the
real thing since perception ko po ito as the observer who is not directly involved in the scenarios.

I’d like to ask for advice, not for me, but for this lady I know. Take note lang po na ako po yung tipo na
tagamasid lang. Very meek at nagsasalita lang pag feel ko magsalita. Di ako mahilig mangealam sa buhay
ng iba… up till this point!

May ari po ako ng isang boarding house. Bale bahay lang po sya na maraming kwarto. Way back 2020,
may lalaki po na nagboard sa bahay and as time passed, naging kaibigan sya ng live-in-partner ko.
Tawagin nalang po natin syang Juan (32). Base sa kwento nya, grade 5 lang ang natapos nya, pahirapan
syang makabasa pati daig pa sya ng grade 2 magsulat. (Sorry kung nilait ko agad si Juan.)

Mahilig po si Juan sa mga social media platforms. Way back 2021 po, may ginamit syang social media
platform kung saan ang mga users ay commonly mga OFWs. (Pasintabi po sa lahat ng mga bayani nating
OFWs, for awareness na rin po ito.) Despite the fact na di sya masyadong nakakabasa at awkward mga
chat spelling nya gaya ng “komaen kna?” “domateng yong kaebegan q.” at may mga really weird
sentences na halos di mo na maintindihan (strike 2 sa panlalait kay Juan), may OFW po na nahumaling sa
kanya (cringey pero pipilitin ko ikwento.) Tawagin nalang po nating Blossom (31) si ateng OFW.

Sobrang ganda po ni Blossom. Maputi, cute size at malambing. Domestic Helper sya noon sa UAE. Dahil
nga sa magkaibigan na itong si Juan at ang LIP ko, pinapakiusap nya rin sa amin si Bloosom tuwing
magka video call sila. Halos araw-araw, oras-oras sila magkausap, kahit tulog naka-ON pa rin ang call.
Medyo mayabang rin po si Juan (medyo na may pagka-sobra). One thing na laging tumatatak sa isip ko
pag kausap nya si Blossom sa harap namin ay sinasabi nya lagi “Umuwi ka na rito. Kahit humiga ka lang
maghapon. Ako na bahala sa lahat ng gastusin at sa gawaing bahay.” Ang work po pala ni Juan ay
kargador sa fish port. Kumikita ng 300-1000 per day. Walang valid ID. Walang SSS. Walang Pagibig.
(strike 3!) plus hindi nya alam tunay nyang pangalan kase JUAN ang usual na tinatawag sa ka kanya ng
mga tao pero JHONNY pala ang nasa birthcert nya. (shocks din ang kuya mo kase sa amin pa pinabasa
kung ano ba talaga name nya.)

Their relationship went on po for about 8 months or so. During those months, nagpapadala si ate Blossom
ng pera kay Juan for business kuno. Since wala syang valid ID, si LIP ang nagki-claim ng padala ni ate
Blossom kaya nalalaman namin kung magkano. 15k lang alam kong highest amount since I don’t really
care.

Until…

Di ko sure kung kelan ito nangyare, pero nag-uwi ng babae sa boarding house si Juan! Bigla nangunot
noo ko kase just a week ago, kausap ko pa si ate Blossom through vcall. Tapos na-overheard ko lang na
break na daw sila ni ate Blossom, like.. ???? what????
Take note, wala kaming direct communication ni ate Blossom kase may kung anong messaging app sila
na gamit. Plus di pa sya nagpapakilala sa akin as Blossom (di ko alam real name nya, ang alam kong
name nya ay Starlight (like a username/ codename sa messaging app na yun.) I don’t have any way to
communicate with her. At bilang kasapi ng SNCT o Samahan ng mga Nonchalant na Tao, I did not mind
them. Who cares di ba? Busy ako sa buhay kaya wala na akong time mag-fact check kung ano man ang
kaganapan sa buhay nina Juan at Blossom.

Only to find out later on that my decision na hindi makealam would play a big role in Blossoms life. (still
an onlooker till this day but I hope you finish the story.)
PART 2

Mga tatlong beses kong naabutan sa bahay yung babae ni Juan. Minsan binabati ako pero di ko
pinapansin coz I’m confused.

Until …

A news came out na uuwi si ate Blossom (tapos biglang sila na ulit ni Juan????) tapos naoverheard ko ulit
na sinisiraan ng kuya mong Juan yung babaeng inuwi nya na napakagastador kuno at walang kagamit-
gamit sa bahay, na sya pa kuno ang inaasahang mamimili (kaya kay ate Blossom nalang sya uli). Very red
flag dito pa lang. Biniro nga ng LIP ko kung may nangyare na daw ba sa kanila, ang sagot e wala daw
(Tawa nalang kase ano, nasa kwarto sila at nagtititigan lang). Gusto ko na talaga magsumbong kay ate
Blossom pero (sorry to say this) sobrang tamad kong gumawa ng effort para sa mga bagay na di naman
ako magbi-benefit). Gusto ko syang sabihan na wag na ituloy ang pag-uwi. Na puro yabang lang si Juan.
Pero sino ba naman ako para humadlang sa kalandian nila diba? Sino ba ako para magsabi na wala syang
magiging future kay Juan. Most importantly, LIP ko nga tamad-tamad pa akong kausapin, ibang tao pa
kaya?

D-DAY. Umuwi nga si ate mong Blossom at nagvideo keneme pa sila ng first meet-up at very cringey
knowing na cheater si Juan at kala mo tuwang tuwa na nagmeet na sila finally ni Blossom. Till this day
kinikilabutan pa rin ako.

The initial plan was, 4 months lang magbabakasyon si ate Blossom tapos babalik ulit sya sa UAE. All
expense paid by her employer dahil alagang alaga sya ng amo nya.

Kaso…

Nabuntis si ate Blossom.

Syempre di sya pwedeng bumalik abroad dahil sa situation nya. At dito na magsimula ang kalbaryo ni ate
Blossom.

Flashback muna tayo sa linyahan ni Juan, “Umuwi ka na rito. Kahit humiga ka lang maghapon. Ako na
bahala sa lahat ng gastusin at sa gawaing bahay.”

Pero di yun nangyare. Naririnig ko minsan nagrireklamo si Juan sa gastusin nila. Inuutusan pa nya
maghugas at maglaba si ate mong buntis na everyday ko naririnig na sumusuka dahil sa paglilihi.

Ito ang pinakamasakit sa lahat (base sa kwento ng LIP ko)


Sinabihan daw si Juan ng mga katrabaho nya na mag-ipon na kase di nila alam, baka ma-CS si Blossom.
Ang sagot ng kuya mong Juan, “Hindi yan. Apat na nga anak nyan.” (Referring sa mga anak ni Blossom
sa una nyang asawa).

One time, nagpasama sa akin si Blossom papuntang Philhealth para mag-asikaso ng mga papeles nya para
makatipid sa pambayad sa panganganak. Di ko man gusto sumama, pero pakiramdam ko may kasalanan
ako kay ate Blossom. Yun yung time na gustong gusto ko na magkwento sa kanya pero tinatamad dila ko
plus nasa emotional phase sya ng pagbubuntis kaya naisip ko nalang, baka naman maging okay na ang
lahat sa kanila since may baby na on the way. Imbis na ako ang magkwento, inunahan nya.

“Hindi naman sa nagsisisi ako…”


The intro na choice palang ng words ramdam mo yung sobrang panghihinayang nya, sa trabaho nya, sa
buhay nya. Di ko na matandaan ang verbatim ng usapan namin pero it is more on “May mga kakilala ako
na nabuntis rin tapos pinalaglag baby nila para makabalik lang abroad. Pero di ko kaya gawin yun sa baby
ko.”

Kasabay ng pakikisimpatya ko yung awa sa kanya kase wala talaga akong nakikitang future sa kanila ni
Juan. I’m not some sort of a fortune teller pero very red flag si Juan. Hindi sya marunong mag-filter ng
mga words na sasabihin nya at mapagmataas (mayabang??) pa tono nya. Maybe because yun ang defense
mechanism nya para hindi sya i-look down ng ibang tao lalo na at sa bahay, halos lahat ng nakatira mga
college undergrad at professionals, sya lang ang bukod tangi na walang valid ID.

This time, walang choice si ate Blossom kundi tiisin ang ugali ni Juan na ngayon lang nya nakikita kase
puro yabang lang noon sa chat at vc.

Fast worward.

After manganak ni Blossom, iniwan nya ang baby sa nanay ni Juan na nasa province at nagdecide na
bumalik abroad.

Mas naging intense nga lang ang mga kaganapan at this point. Hays.

Noong makabalik na ulit si ate Blossom sa UAE, nagsimula na rin ang sunod-sunod nyang padala. Bukod
sa padala nya para sa baby nil ani Juan, binibigyan rin nya si Juan ng pangpuhunan para sa pautang kuno.

Sa una, okay naman ang pautang nila, kaso niyayabang ni Juan ang pera sa kung sinu-sino na nakakausap
nya. Dito na nagkaleche leche lahat kase may babae na kumagat sa yabang nya. Akala siguro nung babae
na mapera si Juan.
Sa mga araw na ito, napapansin ko na madalang na mag-usap sila Juan at Blossom. Di na tulad dati na
kahit tulog, nakaopen ang call. Naririnig ko minsan, pinapatulog na ni Juan si Blossom kase matutulog na
rin daw sya, pero pagka end ng call, si Juan ay naliligo, nagpapabango, at umaalis ng bahay. This went on
for weeks na napapansin kong umaga palang umaalis na sya tapos umuuwi sya pagabi na. Take note na
gabi ang work ni Juan sa fish port kaya pag umaga usually tulog talaga yan.

I am sensing another cheating issue here. Napapag-usapan na rin namin ng lip ko at dahil sanay nga sya
sa akin na usually naman walang pakealam, we just brushed it off.

Minsan may mga kasama kami sa bahay na nakikita na talaga si Juan na may kasamang babae in broad
daylight. Tapos sa gabi imbis na pumasok sa trabaho, pupunta ng bar at mag-iinom kasama ang mga tropa
kuno. Eh sa tatlong taong paninirahan nya sa amin, maliit lang ang circle of friends nila ng lip ko. Mga
kakilala ko lang din.

The biggest turn of events happened noong biglang sumulpot sa bahay si ate Blossom after 9 months lang
na pagtatrabaho abroad. As in, wala syang sinabihan na uuwi sya sa Pinas para sana nasundo sya.
Susurprise nya daw sana si Juan sa mismong araw ng birthday nya.

Ang ending, si ate mong Blossom ang nasurprise.

(to be continued…)

You might also like