Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

D epartment of Education
R E G I O N III
SCHOOLS DIVISION OF CITY OF BALANGA
TENEJERO INTEGRATED SCHOOL
MANAHAN ST., TENEJERO, BALANGA CITY
Office of the Principal

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 5

5- MERCURY Hunyo 21, 2023


Bb. ANNA LIZA C. ABUTAR 10:00 am-10:50 am

I. Layunin
Nagagamit nang wasto ang pang- uri (lantay, pahambing,
pasukdol) sa paglalarawan ng tao, bagay, lugar at pangyayari sa
sarili, ibang tao at katulong sa pamayanan
( F5WG-IV-c-5)

II. Paksang- Aralin


Paggamit ng Wasto ng Pang- Uri
Kagamitang Panturo: MELC, Powerpoint Presentation
Values:

III. Mga Gawain sa Pagkatuto


A. Panimulang Gawain
1.  Panalangin
 Checking of Attendance

2. Balik- Aral
Ano ang pagkakaiba ng sanhi at bunga?
3. Pagganyak
 Magpapalaro ng “ Bring Me”
 Ang mga bata ay magpapa unahan sa paghahanap ng
mga bagay na sasabihin ng guro.
 Lapis, Pambura, Ruler
 Libro, Notebook, Bond Paper
- Ilarawan ang mga bagay na inyong hawak?
- Ano ang mas mahaba? Lapis? Pambura? Ruler?
- Ano ang mas malaki? Libro? Notebook? Bond paper?
- Anu- ano ang ginamit ninyong salita upang ilarawan ang mga nasa
larawan?

B. Paglalahad
- Tingnan ang mga sumusunod na larawan.
- Ilarawan ang mga ito at paghambingin.

1.
Tom Marie Mike

2. Buhok

Anna Liza Jane


PANG- URI
- Ito ay naglalarawan ng katangian ng pangngalan o panghalip.

KAANTASAN ng PANG- URI

1. Lantay- kung ang binibigyang katangian ay iisa lamang.


Halimbawa: Si Ginoong Dela Cruz ay mahusay sa asignaturang
Math.
Si Dave ay mataba.
2. Pahambing- kung ang binibigyang katangian ay dalawa na maaaring
magkatulad o hindi magkatulad.
 Sa magkakatulad na paglalarawan- gumagamit ng mga
katagang magsing, magkasing, sing, sim at sin.
 Sa di- Magkakatulad na paglalarawan- gumagamit ng mga
katagang mas, kaysa, di- gasino, lalo, higit at di- gaano.
Halimbawa: Mas matangkad si Charles kaysa kay Jarred.
Di- gaanong mahaba ang buhok ni ate kaysa kay
ate.
3. Pasukdol- kung ang binibigyang katangian ay tatlo o higit pa. Ito ay
maaaring namumukod o pinakatampok sa lahat. Ginagamitan ito ng
panlaping pinaka, napaka, ubod ng, hari/ reyna ng.
Halimbawa: Pinaka masipag si Gng. Silva sa lahat ng magulang
sa Baitang apat.
Ubod ng tamis ang cake kumpara sa lahat ng
pagkaing nakahapag.

C. Pagtalakay
 Ano ano tatlong kaantasan ng pang- uri?
 Ano- ano ang pagkakaiba ng bawat isa?
D. Pagpapahalaga
Kung ikaw ay maghahambing, paano mo paghahambingin
ang pamamaraan ng pamamalakad ng tatay at nanay mo
sa pagpapalaki sa iyo?
E. Paglalahat
Ano- ano ang tatlong antas ng pang- uri?

F. Mga Pagsasanay
1. Ginabayang Pagsasanay (Gawain 1)
A. Tukuyin kung lantay, pahambing, o pasukdol ang
kaantasan ng pang uring may salungguhit sa
pangungusap.

_____1. Si Don Carlito ang pinakamayamang tao sa bayan.


_____2. Higit na marami ang mga mag- aaral ng Cupang Integrated School
kaysa sa Tenejero Integrated School.
_____3. Ang sanggol na bagong panganak ay malusog.
_____4. Magkasinghaba ang buhok nina Ana at Lisa.
_____5. Para sa akin, si G. Gomez ang pinakamahusay kong guro.

B. Gawain 2 (Pangkatang Gawain)


Magkakaroon ng laro sa pagitan ng bawat grupo.
Papangkatin ang mga bata. Ang mga salita ay nasa
kaantasan ng pang- uri. Tukuyin ninyo sa tatlong
pagpipilian ang inilalarawan nito base sa antas nito.
Pipili ng magrerepresenta sa bawat pangkat. Ang mga
manlalaro ay ilalagay sa dibdib ang mga kamay at
ibababa kung sasagot.
1. Mabagal
pagong suso uod

2. Pinakamatamis
cherry saging cake
3. Mas malamig
yelo North pole ice cream

4. Mas mainit
kape araw apoy

5. Mas Malaki
elepante baboy dinosaur

C. Gawain 3
Piliin ang angkop na pang- uri ayon sa gamit. Isulat
ang sagot sagutang papel.
1. Si Lena ang (mahusay, mas mahusay, pinakamahusay) sa buong
klase.
2. (Malamig, Mas malamig, Pinakamalamig) ang klima sa Baguio kaysa
sa atin.
3. (Ubod ng yabang, Higit na mayabang, Mayabang) ang bago kong
kamag- aral.
4. Ang mga gulay na inani ngayon ay (pinakamarami, higit na marami,
marami) kaysa ani kahapon.
5. (Masaya, Mas masaya, Pinakamasaya) ang batang nagwagi sa
pagalingan sa pagsayaw.

IV. Pagtataya
Piliin ang angkop na pang- uri ayon sa gamit. Isulat ang sagot
sagutang papel.

1. Darating bukas ang ( sikat, mas sikat, pinakasikat) na artista sa ating


barangay.
2. Ang damit nila Caren at Carla ay (mahaba, magkasinghaba,
pinakamahaba).
3. Si Banta yang (matapang, mas matapang, pinakamatapang) na aso na
aming naalagaan.
4. ( Tahimik, Higit na tahimik, Ubod ng tahimik) si Juan sa buong klase.
5. Ang mga halaman sa hardin ni Aling Maria ay (malalago, mas
malalago, pinakamalalago).

V. Takdang- Aralin
Gamitin ang mga sumusunod na pang- uri sa pagsusulat ng mga
pangungusap.

1. Ubod ng sipag
2. Kabigha- bighani
3. Magkasingtamis
4. Masigla
5. Tahimik

You might also like