Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 26

For Eternity..

(A BTCHO special chapter) -- Marriage Life

A/N: This is a story about Stephen and Naomi's life after they got married. Ito na ang pinaka last
naisusulat ko na may kinalaman about kay Stephen and Naomi dahil sa story na ito... nakasulat na "lahat
lahat lahat..."

Enjoy reading dears :)

***

At 24 years old...

"B-babes! S-stephen! Help me! Ang sakit na ng tyan ko! Sobrang sakit na!!!" pag sigaw ni Naomi habang
pababa siya ng hagdan doon sa bago nilang bahay. Mariin siyang napakapit sa may hawakan ng hagdan
habang hawak hawak naman niya ang malaki at bilog na bilog niyang tyan

Dali-dali namang napakaripas ng takbo si Stephen ng marinig niya ang sigaw ng asawa niya
"Babes what's happening?!" halos manlaki ang mata nito ng makita niyang may dugong umaagos sa hita
ni Naomi "Oh God Naomi!!!" agad niyang nilapitan ang asawa niya at pilit niya itong binuhat hanggang
sa kotse niya kahit sobrang bigat nito gawa ng pagdadalang tao niya.

Walang Sali-salita ay agad niyang pinaharurot ang kotse niya papunta sa pinakamalapit na ospital sa
bahay nila.

Ng makarating sila sa ospital, agad naman isinakay si Naomi sa isang stretcher papasok sa emergency
room. Sa labas nito ay naiwan si Stephen.

Napatingin si Stephen sa pintuan ng emergency room. Apat na taon na ang nakalipas, nandito din siya sa
labas ng emergency room dahil kasalukuyang nag-aagaw buhay noon si Naomi gawa ng isang hindi
inaasahang aksidente. Pero ngayon, nandito siya ngayon at inaantay ang pinakamamahal niyang asawa
at alam niya, na pag bumukas na ang pintuan na yan, dalawa na silang sasalubong sa kanya.

Si Naomi at ang magiging anak nila...


Ilang oras ang nakalipas. Nakaupo lang si Stephen doon habang patuloy na nagdarasal sa dyos na maging
ligtas ang panganganak ng asawa niya. Matapos ang ilang oras na paghihintay, bumukas narin ang
pintuan at sinalubong siya ng isang magandang ngiti ng doctor.

Pinapasok siya nito sa loob at nakita niya ang kanyang asawa.... Sa tabi nito ay isang sanggol.

"Stephanie Mikael Cruz" sabi ni Naomi habang ipinapakita kay Stephen ang anak nila

Nilapitan niya ang kanyang mag-ina "Baby Timi..." sabi nito at hinalikan niya ang noo nung sanggol
atsaka narin ni Naomi..
A year after their wedding, Naomi Mikael Perez-Cruz gave birth to a baby bouncing girl and they named
it "Stephanie Mikael Cruz"

At 29 years old...

Halos hindi maipinta ang saya sa mukha ni Stephen habang pinapanuod niyang binibihisan ni Naomi ng
school uniform ang anak nilang si Timi. First day nito sa school at sabay nilang ihahatid ang anak nila.

"daddy! Daddy! Maganda na ba ko?" tawag sa kanya ng anak niya

"oo naman!" sagot niya dito atsaka niya ito nilapitan "ang baby Timi ko ang pinakaaaaaaa magandang
babae sa balat ng lupa"
Biglang nag pout si Timi "hindi kaya! Si Mommy kaya ang pinaka maganda!" sabi ni Timi

Natawa naman si Naomi sa sinabi ng anak "pangalawa lang ako sayo baby. Para saamin ng daddy mo,
ikaw ang pinakamaganda"

Ngumiti sa kanila si Timi "mommy! Daddy! I love you!!!"

At 32 years old...

It's Stephen and Naomi's 11th wedding anniversary.


Nasa Palawan silang dalawa ngayon. Ipinangako kasi ni Stephen kay Naomi na babalik sila dito para sa
11th wedding anniversary nila. Dahil hindi nila pwedeng isama si Timi at may pasok sa school, iniwan
muna nila ito sa mommy nila Stephen at Naomi for a week.

"Babes naalala mo nung pumunta tayo dito nung college tayo? Dito din yun sa snake island. Takot na
takot kang mag snorkeling. Hahahaha" sabi ni Stephen habang nakaupo sila sa isang puno sa Snake
Island at inaantay ang paglubog ng araw

"oo! Tapos sinamantala mo ang pagkakaroon ko ng phobia sa tubig para ma-chansingan mo ko!
Makakalimutan ko ba yun!"

"grabe ka hindi kita chinansingan nun no! sadyang gusto ko lang talaga ipakita sayo yung ganda ng
dagat!" =___=

"hahahaha joke lang babes" sabi niya sabay kurot sa pisngi ng asawa niya "Stephen alam mo ba sobrang
saya ko. I have a handsome and loving husband, tapos dumating pa sa buhay natin si Timi. Napaka-bait
talaga saakin ng Diyos no?"
Bigla naman niyakap ni Stephen si Naomi "hindi lang sayo babes, pati rin saakin. Sa dami ng babaeng
pinaiyak ko, napakabait parin ng diyos na ipinakilala ka niya saakin" humiwalay siya sa pagkakayakap
nito kay Naomi at hinawakan niya ang magkabila nitong pisngi "I love you very very very much babes...
hinding hindi ako magsasawang sabihin at iparamdam sayo... sa inyo ni Timi... kung gaano ko kayo
kamahal."

Ngumiti si Naomi "I love you too babes. I love you very very very much... you and our baby Timi..."

Dahan-dahang naglapit ang mukha ni Stephen at ni Naomi hanggang sa maglapat ang mga labi nila.

Ilang taon na nga ba silang magkasama? Ilang beses na nga bang nahalikan ni Stephen si Naomi? Pero
kahit na matagal na nilang ginagawa ito, hindi parin nagbabago ang nararamdaman ni Naomi kada
maglalapat parin ang mga labi nila. Kada hinahalikan siya ng asawa niya, nararamdaman niya kung gaano
siya nito kamahal.

'Thank you God for giving me a guy like him' bulong ni Naomi sa sarili.

That night, Stephen and Naomi made love.


At 36 years old...

"no Nami! Hindi ako papayag! Timi is a girl!! Wag mo namang gawing boyish ang anak natin!" sigaw ni
Stephen sa asawa niya

"ano ka ba naman!! Hindi naman magiging tomboy ang anak natin kung pagaaralin ko siya ng
taekwondo di ba?!"

"but babes! Bakit kailangan pa niya yun?! Timi is strong enough to defend herself! Nakita mo naman
kung gaano katapang yang anak natin di ba?! Kahit lalaki pinapatulan ng sigawan! Ayokong
mapapatawag ako sa school nila dahil nanggulpi ang anak ko!"
"wala ka bang tiwala kay Timi ha?! She knows what's right or wrong! Isa pa, paano kung may mambastos
sa kanya?! Paano niya ipagtatanggol ang sarili niya?!"

"t-then he better find a boyfriend!!"

Natigilan bigla si Naomi ng dahil sa sinabi ng asawa niya. Napabuntong-hininga na lang siya.

"ayokong lumaki ang anak ko na idine-depende lang ang sarili niya sa lalaki" mariing sabi ni Naomi
atsaka siya lumabas ng kwarto nila.

Agad bumaba si Naomi at dumiretso siya sa dati nilang bahay.

"oh Mika, bat nandito ka?" sabi ng daddy niya


"Si Stephen kasi eh!"

"nag-away na naman ba kayo?"

Tumango lang si Naomi atsaka siya dumiretso sa kwarto niya.

Naiinis siya kay Stephen. Gusto kasi ni Naomi na pag-aralin ng taekwondo si Timi pero ayaw pumayag ni
Stephen. Ang dahilan lang naman ni Naomi ay gusto niyang matuto ang anak niya ng mga pang self
defense kung sakaling may magtangka mang masama dito. Habang nagdadalaga si Timi, napapansin kasi
ni Naomi na madaming mga lalaki ang na-aattract dito. Maganda ang anak nila at proud na proud siya
doon. Pero bilang ina, hindi parin mai-alis ni Naomi ang takot para sa kanyang anak.

Isang bagay na hindi maintindihan ni Stephen.

Buong maghapong nag stay si Naomi sa bahay ng parents niya dahil narin sa inis niya kay Stephen. Pero
ang mas ikinaiinis pa niya, ni hindi manlang ito tumawag or mag text manlang sa kanya para kamustahin
man lang siya kung buhay pa ba siya o hindi. Nung mga panahon nay un, parang gustong manapak ni
Naomi para mailabas lahat ng galit niya kaya pinagdiskitahan na lang niya yung dart board ng daddy niya
at dinikitan ito ng litrato ni Kim bum, ang artistang kamukha ni Stephen, atsaka niya ito pinagbababato
ng dart.

Mga bandang alas-sais, naisipan naring umuwi ni Naomi dahil parating narin galing ng school si Timi.
Pero nagulat siya ng pag dating niya sa bahay, patay lahat ang ilaw nito at tila nagmistulang isang hunted
house ang itsura ng bahay nila. Hindi din niya makita kung saan nagpunta ang mga maid nila.

Dahan-dahan niyang binuksan yung pintuan ng bahay nila at nagulat na lang siya ng makita niyang
madaming scented candles ang nakabukas sa paligid nito. May nagkalat pang rose petals sa sahig. Maya-
maya lang, may narinig siya na biglang kumanta

"I'm sorry my love...

Kung ikaw ay nasaktan ko.."

Napalingon siya dito at nakita niya si Stephen na papalapit sa kanya habang may dala-dalang bouquet ng
roses
"Ang puso ko'y suma-samo

Mahal ko patawad..."

Natawa naman bigla si Naomi

"mag so-sorry ka na nga lang yung lumang kanta pa yang naisipan mong gamitin!" sabi ni Naomi

"eh sorry na babes wala na talaga akong maisip na kanta. Pero napatawa naman kita di ba?"

Inirapan ni Naomi si Stephen pero hindi parin niya maitago ang ngiti sa labi niya

"for you" sabi ni Stephen sabay abot ng bouquet ng roses sa kanya "sorry na babes kung hindi ko
inintindi ang mga sinabi mo kanina. Ngayon ko lang narealize na tama ka. Sorry kung naging baluktot ang
pananaw ko ha? Kanina nag punta na ako sa Prince Academy para kumuha ng application form ng
taekwondo lessons para kay Timi. Bati na tayo ha?"
Nginitian ni Naomi si Stephen "matitiis ba kita?" then niyakap niya ito

"I love you very much Nami" bulong ni Stephen sa kanya

"I love you too... I love you very very much..."

At 39 years old...

"Timi! Bakit ngayon ka lang umuwi?! Madaling araw na!!" sigaw ni Naomi sa anak na halos kararating pa
lang
"mommy! Galing nga po ako sa party! Tsaka hinatid naman ako nung boyfriend ko eh!"

Lumapit si Naomi sa anak niya "uminom ka ba? Amoy alcohol ka.."

Umiwas ng tingin si Timi "i-it's a party! Syempre may inuman! Hindi naman ako masyadong uminom eh."

"but still you're a minor Timi! For pete's sake! 15 years old ka palang and umiinom ka na?!"

"bakit ba mommy! Sa panahon natin ngayon normal nang uminom ang mga 15 years old!"

*slaps*
Napahinto bigla si Naomi. Ayun ang unang beses niyang napagbuhatan ng kamay ang anak niya.

"I hate you mommy..." bulong ni Timi dito atsaka siya kumaripas ng takbo papunta sa kwarto niya
habang umiiyak siya..

Napaupo si Naomi sa sofa ng living room nila at napahilamos na lang siya sa mukha niya. Hindi niya
ginustong pagbuhatan ng kamay ang anak niya. Pero hindi niya napigilan ito dahil sinagot-sagot siya
nung bata.

"babes..." lumapit sa kanya si Stephen then inakbayan siya nito "it's alright.."

"Stephen, I'm scared. Hindi ko alam kung anong nangyayari kay Timi. Tama naman ang pagpapalaki natin
sa kanya di ba? Pero bakit ganun? Kung sinu-sino ang nagiging boyfriend niya? Ang hilig niyang
gumimik.. tapos ngayon umiinom narin siya? Paano kung mapahamak siya? Paano kung masaktan siya
sa mga ginagawa niya?"

"babes, anak natin si Timi at tayo ang mas nakakakilala sa kanya. Alam ko na hindi gagawin ni Timi ang
mga bagay na ikapapahamak niya. At doon sa mga nagiging boyfriend niya, siguro wala tayong
magagawa kundi hayaan lang siya. Ganyan din naman ako dati di ba? Pero dumating ka sa buhay ko at
natuto ako. Alam ko Nami, may dadating din sa buhay ng anak natin at tuturuan siya kung gaano
kasarap magmahal ng totoo. Oo dadating ang panahon na masasaktan din si Timi, pero kung hindi
mangyayari yun, hindi siya tatatag, hindi siya matututo" hinawakan ni Stephen ang kamay ng asawa niya
"magulang niya tayo pero hindi sa lahat ng bagay, kaya natin siyang protektahan. May mga bagay din na
dapat, si Timi mismo ang tumayo sa sarili niyang paa. Ang magagawa lang natin ay dapat palagi tayong
nandiyan para sa kanya..."

Kinabukasan, pagbaba ni Stephen at ni Naomi sa may dining area, nagulat na lang sila ng makita nilang
may nakahanda ng almusal para sa kanila. Sa may dulo ng lamesa, nakaupo si Timi at iniintay niya ang
kanyang mga magulang. Ng makita niyang parating na ang mga ito, sinalubong niya ito agad.

"mommy, nagluto ako ng breakfast natin..." napuno ng luha ang mata ni Timi "I-I'm sorry about last
night. It's my fault. I don't hate you mommy. I love you very much..."

Napangiti si Naomi ng dahil sa sinabi ng anak niya. Pinunasan niya ang luha sa mata ni Timi atsaka niya
ito niyakap.

"I love you too baby.. mommy loves you very much..."
Ilang taon pa ang nakalipas. Ilang wedding anniversary ang dumaan. May mga panahong nagaaway sina
Naomi at Stephen katulad ng mga normal na mag-asawa pero ang isang bagay na nakakapagpatatag ng
pagsasama nila ay pareho silang marunong magbaba ng pride kung kinakailangan.

Habang tumatagal ang pagsasama nila, nakikita rin nila kung paano unti-unting lumaki ang nagiisa nilang
anak. Nandun sila ng mga panahong umiyak si Timi ng dahil sa pagibig. Nandun din sila ng mga
panahong makita nila ang anak nilang masaya ng dahil din sa pag-ibig. Hindi sila nawala sa tabi nito ng
grumaduate siya ng highschool.. pati narin ng college. Sobrang proud nila sa anak nila ng makakuha ito
ng isang magandang trabaho.. lalo na nung araw na naglalakad na sila papunta sa altar, this time, para
ihatid ang anak nila sa lalaking pakakasalan nito.

Tumanda ng magkasama si Stephen at si Naomi. Nandun parin ang asaran, ang alitan, pati narin ang
lambingan.

Isang gabi, pinagmamasdan ni Stephen matulog si Naomi. Medyo kumukulubot na ang mukha ng asawa
niya gawa ng katandaan. Medyo nagiging puti narin ang buhok nito. Pero para sa kanya, hindi parin
nagbabago ang ganda ng asawa niya. Pag tinitignan niya ito sa mata, kada makikita niya itong
ngumingiti, he still can't help to fall for her over and over again.

At 65 years old...
May hindi inaasahang pangyayari ang naganap sa buhay ni Stephen at Naomi. Napagalaman nila na may
malalang sakit si Stephen. Leukemia.

Halos mabingi si Naomi sa balitang nakarating sa kanya. Ayaw niyang paniwalaan ang doctor.

May leukemia ang pinakamamahal niyang asawa? Bakit si Stephen pa ang nagkaroon ng ganung sakit?
Bakit hindi na lang siya?

Ayan ang paulit ulit na tanong niya sa sarili niya.

Pinilit magpakatatag ni Naomi para kay Stephen. Sinuportahan niya ito sa pakikipaglaban sa sakit niya.

Nakita niya kung paanong unti-unting malagas ang buhok ng pinakamamahal niyang asawa. Nakita niya
kung paanong unti-unting manghina ito at mawalan ng sigla sa katawan.
Ilang beses ng sinubukan ni Stephen na labanan ang sakit niya sa pamamagitan ng cemotheraphy pero
dala narin siguro ng katandaan, hindi na ito kinakaya ng katawan niya.

May mga panahong suka na lang ng suka si Stephen. May mga panahon ding halos hindi na siya
makapag salita dala ng sobrang panghihina. Halos madurog ang puso ni Naomi habang nakikita niya ang
asawa niya na nagdurusa.

Isang gabi, pinagmamasdan niyang matulog si Stephen habang naka-confine ito sa ospital. Sobrang putla
na ng kulay ng balat nito. Kulay papel narin ang labi ni Stephen na dating pulang pula.

Napaluha na lang siya sa sinapit ng asawa niya. Hindi niya alam kung hanggang kelan na lang niya ito
makakasama. Isipin pa lang niya na mawawala na si Stephen, halos mabaliw na siya sa sobrang sakit.
Paano pa kaya pag nangyari yun?

Patuloy ang pagpatak ng luha ni Naomi habang tahimik siyang humahagulgol sa tabi ng asawa niyang
may sakit. Nagulat na lang siya ng biglang may daliring nagpunas ng luha sa mata niya.
"S-stephen?" dali-dali niyang pinunasan ang luha sa mata niya "nagising ba kita? Do you need anything?
Nagugutom ka ba? Gusto mo ba ng pagkain?"

"N-nami.."

Napalingon si Naomi kay Stephen at nakita niyang nakangiti ito sa kanya

"I love you v-very very much" marahang sabi ni Stephen "tatandaan mo yan ha? P-pati si Timi.. m-mahal
na mahal ko kayo.."

Bigla ulit bumuhos ang luha ni Naomi

"I love you too babes.. I love you very very much..."
"w-wag ka na iiyak.. t-tahan ka na.. mas maganda ka pag nakangiti ka.."

Pilit na pinakalma ni Naomi ang sarili niya at pinunasan niya ang luha sa mata niya atsaka niya binigyan
ng isang ngiti si Stephen.

Stephen smiled back then pumikit siya "babes I'm tired.. matutulog lang muna ako ha?" sabi ni Stephen
sa kanya

Tumango si Naomi "sige babes, matulog ka na. Bukas pagkagising mo, papakainin kita nung favorite
mong pagkain" sabi ni Naomi at hinalikan niya si Stephen sa noo "I love you Stephen... good night.."

"I love you too babes, good night..."


The next morning, hindi na tuluyang nagising si Stephen. At the aged of 66 years old, Stephen died
because of leukemia.

Ilang taon na ang nakalipas simula ng mamatay si Stephen. Naomi is now 70 years old at doon narin siya
nakatira sa bahay ng anak niyang si Timi at ng asawa nito. Simula ng mamatay ang kabiyak niya, naging
mahirap na para kay Naomi ang mabuhay. Pero pinilit niyang magpakatatag para kay Timi. Pinilit niyang
mabuhay dahil alam niya, hindi parin siya nagiisa dahil nandiyan parin ang anak niya para sakanya.
Masaya siya na kahit sobrang tanda na niya, patuloy parin siyang inaalagaan ng anak niya pati narin ng
asawa nito. Minsan, pag naiiwan siya sa bahay, nakikipaglaro siya sa mga apo niya.

Pero nang araw na yun, magisa lang siya sa bahay nila. Parehong may pasok si Timi at ang asawa niya sa
trabaho at nasa school naman ang mga apo niya. Para malibang ang sarili, naisipan na lang niyang
magtingin-tingin ng mga litrato.

Nung kukunin niya na ang isang album, may napansin siya doon na isang pamilyar na notebook.
Binuksan niya ang notebook na to at halos madurog ang puso niya ng makita niya ang nasa loob nito.
Ang contract. Ang dahilan kung paano sila nagkakilala ni Stephen. Ang naging tulay para sa kanilang
dalawa.

Biglang nagbalik lahat ng ala-ala ni Naomi sa nakaraan. Ang unang beses siyang mahalikan ni Stephen,
ang una nilang pag-aaway, ang unang beses na sinabihan siya nito kung gaano siya nito kamahal... at
unang beses na maamin niya sa sarili niyang mahal din niya ito. Naalala niya nung mga panahong
inaantay niya ang pagbabalik ni Stephen... yung proposal ni Stephen sa kanya.. pati narin ang panahong
naglalakad na siya sa altar papalapit sa lalaking pinakamamahal niya.

Napahagulgol na lang bigla ng iyak si Naomi at napayakap doon sa notebook. Nagulat siya ng biglang
may nalaglag na litrato dito at nakita niya yung wedding picture nila ni Stephen. Mas lalo siyang
nangulila sa asawa niya. Miss na miss na niya ito at gusto niyang makasama ulit si Stephen. Nanabik siya
sa boses nito, sa mga ngiti nito. Gusto ulit marinig ni Naomi na sabihin ni Stephen kung gaano siya
kamahal nito.

"babes miss na miss na kita" sabi ni Naomi...

Mas lalong napalakas ang hagulgol niya at bigla na lang siyang napahawak sa dibdib niya dahil unti-unti
itong naninikip. Napakagat si Naomi sa labi niya dahil sa sakit na nararamdaman niya gawa ng paninikip
ng dibdib niya hanggang sa tuluyan na lang siyang mawalan ng malay.
At the age of 70, Naomi died because of heart attack.

Sabi nga nila, kamatayan ang tanging makakakapagpahiwalay sa dalawang taong nagmamahalan.

Pero ang hindi alam ng lahat, kamatayan din ang susi para mag sama ulit ang dalawang nagmamahalan.

Naomi woke up for a start pero wala na siya sa bahay nila o sa ospital kung hindi, nandito na siya sa
isang mala-paraisong lugar.

Tahimik ang lugar na ito at masarap ang simoy ng hangin. Parang naninibago si Naomi sa pakiramdam
niya dahil parang bigla ulit nanumbalik ang lakas niya. Napahinto siya sa may sapa at tinignan niya ang
sarili niya sa tubig. Nagulat siya ng makita niyang nanumbalik sa pagiging bata ang itsura niya. Wala na
ang kulubot na balat, wala na ang puting buhok. Para bang bumalik siya sa pagiging labing walong taong
gulang.

"babes..."
Agad siyang napalingon ng marinig niya ang pamilyar na boses na yun. Sa may puno malapit sa sapa,
nakita niya si Stephen na nakatayo at nakangiti sa kanya.

Hindi tulad ng huli nilang pagkikita, masigla na ulit ang itsura ni Stephen. Wala din ang kulubot na balat,
nanumbalik na ang itim na itim niyang buhok, ang kulay sa balat niya, pati ang pagkapula ng labi nito.
Katulad ni Naomi, parang bumalik din sa pagiging labing walong taong gulang si Stephen.

Dahan-dahang lumapit si Stephen sa kinatatayuan ng asawa niya

"Nami, I've been waiting for you..." sabi niya dito

Nginitian siya ni Naomi "I'm already here Stephen... you don't have to wait for me now.."
And again, Stephen and Naomi met again in a place where pain, hatred and suffering couldn't reach
them. In that place, they will live together...

...for eternity...

You might also like