Professional Documents
Culture Documents
kuwentong kalye
kuwentong kalye
kuwentong kalye
(SERIES)
Bahagi na ito sa ating pang-araw-araw na pamumuhay.
Lagi nating nadadaanan, laging pinupuntahan, laging hinihintuan.
Pero ang hindi natin alam�
Sa bawat pagdaan natin sa isang lugar�
Sa bawat makasalubong natin sa daan�
Ay may iba�t ibang istorya
May sari-sariling kuwento
Ito ay tatlong kuwento
Ng tatlong nilalang
Na pinagtagpi-tagpi ng mga kalye at kalsada ng Maynila
Alamin natin ang kuwento nila
Ang kuwento ng pag-ibig, pag-asa at pananalig
Ito ang kanilang�
KUWENTONG KALYE.
Noli Me Tangere. Pumasok sa kuwarto ang Flipino teacher namin, �May bago raw
mag-aaral sa klaseng ito.�
Nagtaas ako ng kamay, �Ako po yun. Marie Serrano po.�
�Ikinagagalak kitang makilala, Marie.�
�Ako rin po.� Ang sagot ko.
�Para sa kaalaman ng inyong bagong kamag-aral, Harrison, maaari mo bang
sabihin sa amin ang ating mga napag-aralan na.�
Tumayo si Harrison, �Mam, inumpisahan na po nating pag-aralan ang kabanata 1
at 2 ng Noli me Tangere.�
Napatingin ako sa kanya, hala, eh marunong naman siyang magtagalog pala,
akala ko naman mauubusan ako ng English sa kanya.
�Okey, Ginoong Miller, maari mo bang sabihin kay Bb. Serrano kung bakit
inilatha ni Dr. Jose Rizal ang nobelang ito.�
Tumingin sa akin si Harrison, �Inilathala ni Dr. Jose Rizal ang nobelang
Noli Me Tangere dahil naniniwala siya na ang ating bayan ng mga panahon na iyon ay
may sakit na kanser�.�
Napatitig ako kay Harrison habang nag-eexplain siya sa akin. Wow, parang siya lang
ang tao na nakikita ko, mala-anghel ang mukha niya. Hay hindi na nga ako
makapakinig sa mga sinasabi niya dahil masyado akong nabibighani sa kapogian niya
at ganda ng tindig niya.
�Naiintindihan mo ba, Marie?� napatingin ako sa teacher namin. Naku sa
sobrang napatulala ako kay Harrison ay di ko na namalayan na tapos na pala siyang
magsalita, �O-opo mam. Na-getz ko po.�ang tanging naisagot ko.
Ilang araw din akong nag-iiyak, ilang araw na walang imik. Kahit magkaklase
pa kami sa ibang subjects namin ay parang hindi na kami magkakilala, hindi kami
nagkikibuan at di nagtitinginan. Sabi nila noong mga araw na iyon nawala ang Marie
na nakilala ng lahat, nawala ang maingay, masayahin at machikang Marie. Nawala
lahat dahil nawala si Harrison sa akin.
Ilang araw din akong pumasok na mugtong-mugto ang mga mata sa kakaiyak habang
itong si Harrison hindi ko man lang nakitang namula ang mga mata niya. Parang ngang
lagi pa itong nagnining-ning. Hindi ba niya napapansin ang mga mata ko, luwang-luwa
na, ang katawan ko nanunuyot na dahil di na ako makakain sa kakaisip sa kanya at
minsan pa�� nawawala na ako sa aking sarili. Pero bakit siya, habang tumatagal
parang mas gumaguwapo siya simula ng magbreak kami. It�s so unfair!
Yan ang kuwento, kung bakit ko isunusumpa ang kalye ng Harrison. Dahil
hanggang ngayon after three years na umalis na si Harrison sa Pilipinas ay di pa
rin ako maka-move on sa kanya, umaasa pa rin ako na pwede pa kaming magkabalikan.
Hay grabe ang tanga-tanga ko talaga!
Naglalakad ako sa Buendia, nang may bumisina sa akin. Napalingon ako, isang
airport taxi. Bigla akong kinabahan ng bumukas ang pintuan ng taxi at lumabas si��
Lydia.
�Hoy Marie! Kamusta ka na?�
Bigla muli akong nakahinga ng maluwag na makita ko si Lydia, akala ko kung
sino na�..
�L-lydia, heto ayos lang kagaling ko lang sa bangkong pinagtratrabahuhan ko.
Ikaw?�
�Heto, kagaling ko lang sa Australia, napauwi ako rito kasi nabalitaan ko may
Highschool Reunion daw tayo. Alam mo ba yun?�
Umiling ako.
�Hindi mo alam? Eh sina Harrison pa nga ang nag-organize non.�
Napanganga ako. Kaya pala hindi ko alam, kasi si Harrison ang nag-ayos. �Di
ba nasa Amerika na siya?�
�Nagbabakasyon siya dito sa Pilipinas para nga sa reunion.� inabot niya sa
akin ang invitation, �Hoy umattend ka ha.�
At bumalik na muli sa Airport Taxi si Lydia.
Habang hawak-hawak ko ang inivitation ay nakadama ako ng pag-asa. Baka
malapit na, katulad nila Popoy at Basha sa pelikulang One More Chance. Malapit ng
maganap ang pinapangarap ko.
Reunion, ang daming tao, panay bati pa nga sa akin ng iba kong kaklase noon.
Panay kamustahan, ngumingiti lang ako, hindi naman kasi ako interesado sa kanila
dahil isa lang ang hinahanap ng mga mata ko.
HInahanap ng mga mata ko ang lalaking bumilanggo ng puso ko ng ilang taon.
Nasaan na kaya siya?
�Aray!�napatingin ako sa taong nakabunggo ko at napanganga ako sa nakita ko�
Si Harrison. Ibang-iba na ang tindig niya ngayon, maslalo siyang gumuwapo,
maslalong tumisoy at naging mamang-mama na.
�H-Harrison?�
Nagulat siya ng makita niya ako, kasi siyempre di naman niya ako ininvite,
�M-Marie. How are you?�
�Heto�� hindi pa rin makamove- on sayo.
�Doon ka pa rin ba sa bank nagwowork?�
Tumango ako, �Ikaw?�
Ngumiti siya, �Heto, happy naman. May magandang work sa US.�napahinto siya,
�At may�.�
�At may?�
�Marie, ikakasal na ako next month.�
Biglang bumagsak ang puso ko sa sinabi niya. Naaalala ko tuloy si Basha, nang
makita niyang may iba ng kasama si Popoy. Parang damang-dama ko ngayon ang mga
eksena sa pelikulang yun.
�Ka-office mate ko siya sa Amerika. Pilipina siya. Happy naman ako sa kanya.�
�T-talaga?�nakakalumo kong sinabi sa kanya.
Tumango siya, �May sasabihin ka ba?�
�Harrison, Sana��naalala ko ang mga dialogue ni Basha, Sana ako na lang, ako
na lang, Poy.
�Sana, sana, maging masaya kayong dalawa�.. forever.�napaiyak ako sa sinabi
kong yun. Hindi ko alam kung bakit ang mga salitang iyon ang nabanggit ko.
Nakakainis, parang hindi ako si Basha!
Ngumiti siya sa akin at bigla akong niyakap at binulungan, �Thanks Marie,
kung alam mo lang kung gaano ako kasaya ngayon dahil nakita�t nakausap kita.
Binigyan mo ako ng Peace of mind. Kahit hindi tayo ang nagkatuluyan I can say na
you make my life complete.�
Napangiti na rin ako sa sinabi niya, parang naramdaman ko na rin ang peace na
binabanggit niya.
�Harrison?�
Napalingon si Harrison sa isang babaeng maliit na mas maliit pa sa akin,
kinky rin ang buhok at morena. Parang di kami nagkakalayo sa itsura, sa tingin ko
nga ay di hamak na mas maganda ako sa kanya.
Lumapit ang babae sa amin, �Harrison, honey. I�ve been looking for you.�
Inakbayan siya ni Harrison, �Im sorry honey. Ay siya nga pala honey, si
Marie.�
Ningitian ko ang babae.
�First Love ko.�
Natulala ko sa sinabing yun ni Harrison. First Love? Minahal pala niya ako.
Kaya pala niya sinabi kanina na kunumpleto ko ang buhay niya dahil nagkaroon ako ng
malaking bahagi sa buhay at puso niya.
Nagpaalam na sila sa akin at nang makita ko na si Harrison ay tahimik na
akong umalis sa reunion na iyon.
ROXAS BOULEVARD
1.
�Ate, nasa Church na ba tayo?� ang tanong ko sa nagdadrive kong ate.
�Wala pa Celine. Nasa Roxas Boulevard pa rin tayo.� Sagot niya sa akin.
Napasandal ako sa kinauupuan ko, �Ang haba pala ng Roxas Boulevard ate.�
�Ay oo. Saka medyo may traffic din kasi, pero maganda ang Roxas Boulevard.
Madadaanan mo ang Luneta at Manila Bay, nagkagandahan ang mga hotel at kapag gabi,
ang gaganda ng mga kulay ng ilaw sa kalsada.�
Sana� nakikita ko ang kagandahan na sinasabi ng ate ko. Sana nakikita ko ang
mga sinasabi niyang makukulay na ilaw sa kalsada ng Roxas Boulevard. Sana nakikita
ko kung gaano kaganda ang mundo. Sa kalagayan kong ito, hanggang sa imagination ko
na lamang ang kagandahan ng Roxas Boulevard. Hanggang sa mga kuwento na lang ni Ate
dahil isa akong bulag. Dilim lang ang nakikita ko at wala ng iba.
Five years old lang ako noon nang unti-unting lumabo ang paningin ko hanggang
sa di na ako tuluyang makakita. Sabi ng mga doctor eye transplant lang ang solusyon
sa problema ko, pero hanggang ngayon wala pa ring tumutugmang mata para sa akin.
Kaya heto ako ngayon, nagtitiis na lang sa kadilimang nakikita ko. Nabubuhay sa mga
kuwento at description ng mga taong nakapaligid sa akin. May pagkakataon ding
nagtatampo na ako sa Diyos kung bakit pinagkait niya sa akin ang paningin ko pero
laging sinasabi ng pamilya ko na wag daw akong sumuko, may pag-asa pa, maghintay
lang ako at manalig sa Diyos.
Sa isang church sa UN Ave. kami umaattend ng Sunday Service ng Ate Celeste
ko. Si Ate Celeste, siya lagi ang kasa-kasama ko at gabay ko sa kapansanan kong
ito. Dalawa lang kaming magkapatid at may sarili na ring pamilya si Ate pero kahit
pa magkaganon ay hindi pa rin niya ako iniiwan. Lagi niya akong inaalagaan at
tinutulungan mas lalo na sa mga pang-espiritwal na bagay. College pa lang si Ate ay
sa isang Born Again Church na siya sa may UN Ave. Kasapi at hindi na siya umalis
dito, bagkus ay naging active member siya ng Church, sumali sa Usher ministry at
pinasok din ang pagiging Cell Leader (Bible Study Leader). Alam niyang sa kalagayan
kong ito ay kailangan ko ng malakas na pananampalataya kaya every Sunday ay
dinadala niya ako sa Church kasama ang pamilya niya.
Pagpasok namin sa Church ay nagsisimula nang mag praise at worship. Sabay-
sabay na masayang nagkakantahan ang mga mananampalataya, sinasabayan ang pagkanta
ng mga awitin ng Hillsongs. Pinaupo ako ni ate sa isang bakanteng upuan sa Church
at umupo naman ako at itinabi ang tungkod ko na lagi kong kasama sa tuwing lalabas
ako.
�Celine, dito ka lang ha. Ihahatid ko lang ang mga bata sa Sunday School.�ang
sabi sa akin ni Ate.
Tumango naman ako at nakinig sa Worship team sa pagkanta nila.
Nagpalakpakan ang mga tao ng matapos ang Praise and Worship.
�Purihin ang Panginoon! Ngayon naman ay batiin natin ang ating mga katabi ng
magandang umaga!� ang sabi ni Pastora.
Narinig kong na pag-good morning ng mga tao sa Church.
�Good Morning.� Sabi ng isang magandang tinig sa akin.
Napangiti ako sa magandang boses ng lalaking iyon, �Good Morning din.�
�Ngayon naman, para bigyan tayo ng special number, palakpakan natin si Bro.
Jomy Silverio.�
Nagpalakpakan ang mga tao at siyempre nakisabay na rin ako.
�Ahem. �ang sabi ng magpeperform, �Purihin ang Panginoon. Magandang umaga po
sa inyong lahat. Ito pong aawitin ko ngayon ay ang aking paboritong Christian song.
Actually bata pa lang ako kinakanta ko na ang awiting ito pero hindi ko alam sa
paglipas ng mga taon ay magkakaroon pala ng malaking impact ang awitin na ito sa
aking buhay. Sana ay magustuhan niyo ang awiting ito at sana sabayan niyo rin ako.�
Nagsimula siyang patugtugin ang kanyang gitara.
God will make a way.
When there seems to be no way.
He works in ways we cannot see.
He will make a way for me.
Sa sasakyan ay di pa rin maalis sa akin ang kantang God Will Make A Way.
Kaya patuloy ko pa ring hinihimig ito habang tinatahak namin ang kahabaan ng Roxas
Boulevard.
�Si Tita LSS.�sabi ng eight years old kong pamangkin na si Chesca.
�Anong LSS?�tanong ko sa kanya.
�Last Song Syndrome.�sagot ni ate, �Kanina mo pa kasi kinakanta yang kanta
na �an.�
Natawa ako sa sinabi ni ate, �Ang ganda kasi eh.�
�Mommy, punta tayo sa Luneta.�anyaya ng isa ko pang five years old na
pamangkin na si Chloe.
�Oh sige next time. Mamasyal tayo sa Luneta.�sabi ni Ate.
Nang sumunod na Linggo, bago kami umuwi galing ng simbahan ay dumaan muna
kami sa Luneta para ipasyal ang mga bata.
Tuwang-tuwa ang mga bata nang makarating kami roon. Habang ako, kahit di ko
nakikita ay nalalanghap ko naman ang hangin ng park na iyon. Naramdaman ko ang
damuhan na nilalakaran at naririnig ang mga bisitang foreigners na nagkakatuwaang
na nagpipicturan sa park na iyon.
�Mommy, gutom na kami.�sabi ni Chesca kay ate.
�Mommy gusto kong ice cream.�sabi naman ni Chloe.
�Oh sige, bibili tayo ng pagkain. Celine, maupo ka muna rito ha.�sabi ni ate
habang pinapaupo niya ako sa isang bangko roon. �Bibili lang kami ng makakain ng
mga bata.�
�Sige ate, ditto lang ako.�sabi ko sa kanya.
Umalis silang mag-iina at habang ako� naghihintay ay pinakikinggan kong
mabuti ang mga naririnig ko sa park nay un: ang mga ingay ng mga tao, ang mga
nagtitinda ng lobo, ang mga ibon, ang mga busina at tunog ng sasakyan at ang mga
nagtatakbuhang mga bata.
�Mommy ko��narinig ko ang isang batang umiiyak.
Tumayo ako at gamit ang tungkod ko ay hinanap ko ang batang umiiyak, �Ineng,
nawawala ka ba?�
Nagpatulog sa pag-iyak ang bata, �Nasaan ba ang mommy mo? Saan siya
nagpunta?�
�Celine!�napatigil ako nang marinig ko ang magandang boses na iyon, �Celine,
si Jomy ito. Anong ginagawa mo rito?�
�May binili lang kasi sina ate. Yung bata kasi mukhang nawawala.�
�Iha, iha, nasaan ang mommy?�tanong niya sa bata.
�Hindi ko po alam.�sagot ng bata.
�Sapphy!�sabi ng boses ng babae na parating, �Ano ka ba namang bata ka,
bakit ka kasi humihiwalay sa akin.�
�Mommy ko.�sabi ng bata, �Nawala ka kasi eh.�
�Naku, nag-iiyak nap o ang anak niyo.�sabi ni Bro. Jomy sa nanay ng bata.
�Salamat po sir ha. Makulit kasi itong anak ko. Maraming salamat sa inyo ng
girlfriend mo.�
�N-naku mam, hindi po��
Pero bago pa makapagexplain si Bro. Jomy ay tuluyan ng nagpaalam ang mag-
ina. Natawa naman ako sa sinabi ng ina sa amin at natawa rin siya nang makitang
tumatawa ako.
�Celine!� narinig ko ang boses ni ate na papalapit sa amin, �Naku ano bang
nangyari sayo?�
�Ate wala naman may narinig lang akong batang umiiyak at buti na lang
dumating si Bro. Jomy para tulungan akong patahanin yung bata.
�Naku salamat Bro. Jomy ha.� Sabi ni ate.
�Okey lang yun.� Sagot naman niya, �Namamasyal ba kayo?�
�Oo, gusto kasi nitong mga batang lumibot sa Luneta. Eh ikaw?� tanong ni ate
kay Bro. Jomy.
�Napadaan lang, papunta kasi ako ng Bible School.�
�Bible school?� tanong ko sa kanya.
�Nag-aaral kasi ako ng pagpapastor.� Sagot niya sa akin.
Napatango ako, �Wow ang galing naman.�
�Oh sige maiwan ko na kayo. May aasikasuhin kasi ako sa school eh. bye, bye
Celine.�
At ngumiti ako sa kanya.
Linggo muli, alam kong magkikita kami ni Bro. Jomy kaya todong sinabi ko kay
ate na ipili niya ako ng magandang bestida na isusuot ko sa service.
Nagsimula na ang service pero hindi ko pa rin naririnig ang mala-anghel na
boses na hinahanap ko. Nasaan na kaya ang boses na iyon?
Linggo sa church narinig kong magka-usap sina Ate Celeste at si Bro. Jomy.
�Sigurado ka ba? Mahaba ang Roxas Boulevard.�tanong ni ate kay Bro. Jomy.
�Opo.�sagot ni Bro. Jomy.
Taimtim naman akong nanalangin na sana ay pumayag si ate na mamasyal kami ni
Bro. Jomy.
�Oh sige. Basta ba wag mong pababayaan ang kapatid ko. Mabuti pa siguro kung
ihahatid ko na kayo ron at itext mo na lang ako once na susunduin ko na si Celine.�
�Sige po ate.�Pansin ko ang katuwaan sa boses ni Bro Jomy at ganon na rin
sa akin.
Katulad nga ng pinag-usapan nila ate at ni Bro Jomy ay hinatid niya nga kami sa
Roxas Boulevard. Inalalayan naman ako ni Bro Jomy sa pagbaba ng sasakyan.
�At andito tayo sa CCP.�sabi niya sa akin, �Sa tabi naman no�n ay ang Star
City.�
Tumango ako, �Oo, namasyal na riyan ang mga bata. Nag-enjoy nga raw sila riyan eh.�
�Katapat naman natin ang Bangko Sentral ng Pilipinas.�
Natatawa ako, para kasing tourist guide si Bro Jomy. Dinidescribe niya ang
mga sites sa Roxas Boulevard na dinadaanan naming katulad ng US Embassy, mga Yacht,
Museong Pambata pati na rin ang mga hotel na dinadaanan naming. Nagkukuwento pa
siya tungkol sa history ng mga lugar na iyon, kung paano siya ginawa at anong
itsura niya.
�Bro. Jomy? Talaga bang nagmememorize ka ng History books para ikuwento sa
akin ang mga yan?�
�Ahem, hindi naman. Pinaghandaan ko lang. Naku mahirap na noh, ipapasyal
kita rito ng wala akong kaalam-alam.�at natawa ako sa sinabi niya.
Ilang sandali pa ay nakarinig ako ng tunog ng dagat at napahinto ako, �Nasa
Manila Bay na ba tayo?�
�Bakit naririnig mo na ba ang agos ng tubig?�
Tumango ako sa kanya, �Gusto ko munang umupo rito.�
�Ay sus, napagod ka rin noh. Sige na nga maupo muna tayo.� At inalalayan
niya ako sa pag-upo.
�Tamang-tamang magsasunset na.�sabi niya sa akin, �Alam mo ba kung ano ang
main attraction ditto sa Baywalk? Hindi ang makukulay na ilaw nito at hindi rin ang
mga hotel at kung ano bang gimikan rito. Kundi ang kagandahan ng pagsikat at
paglubog ng araw.�
�Talaga? Ganon siya kaganda? �
�Oo. Kasing ganda mo.� Sabi niya sa akin.
�Hay naku, nagsisimula ka ng mambola.� Sagot ko sa kanya.
�Papalubog na ang araw.�
�Anong kulay niya? �
�Nagiging orange ang araw kapag lumulubog ito. Unti-unti siyang bumababa at
tinatakpan ng mga ulap. Ang ganda.�
Napangiti ako at napahawak ako sa braso niya.
Sandali kaming nanahimik habang pinagmamasdan ang Sunset. Hindi ko man
nakikita ang ganda nito pero nararamdaman ko pa rin habang hawak ko ang braso niya
at tahimik niyang tinitigan ito. Hindi ko alam kung gaano kaganda ang paglubog
ng araw ngunit ang sandaling katahimikan ni Bro. Jomy ay sapat na sa akin upang
masukat kung gaano nga kaganda ito.
Sumapit na ang dilim at nagpatuloy kami sa paglalakad ni Bro Jomy sa Roxas
Boulevard.
�Sabi ni ate maganda raw ang Roxas Boulevard kapag gabi.�
�Oo, makulay ang mga ilaw. May kulay green, may kulay blue, yellow, white,
red, violet at marami pang ibang kulay.�
�Alam mo ba noong bata ako, kabisadong kabisado ko ang mga kulay, kabisado ko
nga rin kung anong colors ng rainbow eh. Pero malay ko ba na darating ang panahon
na hindi ko pala magagamit ang galing ko sa pag-identify ng kulay.�
�Pero at least alam mo, madali na lang sayong i-imagine kung anong itsura ng
paligid mo.� Huminto kami sa paglalakad at pinahawakan niya sa akin ang isang
poste, �Katulad ng ilaw na ito. May kulaw blue, green, yellow at white.�
Napangiti ako parang nakikita ko nga kung anong itsura ng poste na iyon based
sa description niya.
�Ang ganda di ba?�
Tumango ako, �Maganda nga.�
�Celine, lahat ng bagay may dahilan.�sabi niya sa akin, �May dahilan kung
bakit ginawa ng Diyos na magaling ka sa kulay noon dahil darating ng araw na
maaappreciate mo ang mga bagay hindi dahil sa nakikita kundi dahil sa kung anong
kayang abutin ng imagination mo.�
Tumango ako, �Bro. Jomy? Ilang taon ka ng Christian?� natanong ko sa kanya.
�Two years.�ang sagot niya, �After akong maaksidente.�
�Naaksidente ka? �
�Car racer ako noon tapos minsang nag-trip ang barkada nagkarerahan kami sa
kalye at dahil sa sobrang bilis ko ay hindi ko na namalayan na may dumaan pa lang
isang sasakyan sa harapan ko hanggang say un, nadala ako sa hospital at doon ko
nakilala sila Pastor. Nagpripreaching sila non sa hospital kung saan ako
nakaconfine, pinakilala sila sa akin ng doctor ko at doon nila ako sinumulang
share-an ng word of God, that time nadama ko kung gaano ako kamahal ng Diyos, kung
gaano ako kasuwerte dahil buhay ako ngayon at nakilala ko Siya.�
�Hindi mo pa talaga oras noon.�
�Siguro nga.�sabi niya, �Kaya ang lesson don wag ka laging mawawalan ng pag-
asa.�
Isang simpleng ngiti lang ang nasagot sa sinabi niyang iyon. Sa lagay kong
ito, iisipin ko pa kaya ang salitang pag-asa? Mula ng mabulag ako umaasa ako na may
mabuting puso ang magdodonate ng kanyang mga mata para sa akin, pero walang
nangyari. May mga nagdonate nga pero hindi naman compatible ang mga matang iyon sa
akin.
�Nakakapagod na.�sabi ko, �Nakakapagod ng umasa, laging hindi pwede, laging
wala.�
Naramdaman ko ang tapik niya sa akin balikat, �Habang may buhay may pag-asa. God
will make a way if there seems to be no way, hindi ba?�
�Ang sabi ng kanta��
�Ang sabi ng Diyos.�sagot niya sa akin.
Nakarinig ako ng isang magandang tunog na palapit sa amin kaya tinanong ko
siya, �Ano yun? Ang ganda ng tunog nay un? Parang musika.�
�Yung chimes? Gusto mo ang tunog ng chimes?�
�Chimes ba yun?�
�Teka ha..�sandali siyang nawala at narinig ko mula sa di kalayuan na parang
may kausap niya na lalaki.
�Ito ba.�lumakas na ang tunog ng chimes, kinuha niya ang kamay ko at
pinahawak ang chimes na dala niya.
Napangiti ako, �Ang ganda ng tunog niya. Nakakarelax.�
�Alam ko na. Kapag narinig mo ang tunog na ito ang ibig sabihin no�n andito
ako.� Sabi niya sa akin.
At tumango ako. Kahit di ako nakikita malalaman kong andiyan dahil sa
magandang tunog na iyon.
Kaya tuloy every Sunday kapag naririnig ko ang tunog ng chimes nay un ay
napapangiti ako dahil alam kong andiyan siya. Agad ko ng tinatawag ang pangalan
niya at nararamdaman ko namang natutuwa siya kapag naririnig niya na ako ang unang
tumatawag sa kanya.
After service ay naglalakad lakad kami sa Roxas Boulevard. Minsan sa Luneta,
minsan sa Baywalk at minsan sa CCP. Doon niya ako kinakantahan ng mga Christian
Songs, bina-bible study at matiyaga niyang binabasa sa akin ang Bible at Masaya
naman akong nakikinig sa akin.
Masasabi ko na sa bawat Linggo na pinagsasasamahan namin ay hindi natatapos
yun na hindi niya ako naiinspire. Ini-encourage niya akong maging matatag maslalo
na sa akin pananampalataya at lagi niya akong binibigyan ng pag-asa sa buhay.
�Alam mo, Celine. Maniwala ka lang na makakakita ka at mangyayari yun.�
Minsang sabi niya sa akin.
�Naniniwala na ako, Jomy. Makakakita ako. Makikita ko rin ang Roxas
Boulevard, kung gaano kaganda ito, kung gaano kahaba ito, makikita ko rin ang mga
pamangkin ko, sina ate at kuya ang mga magulang ko, ang buong church, sina Pastor
at Pastora, ang buong Pilipinas, ang buong mundo at siyempre makikita na rin kita.�
Dumaan ang mga araw, naging masa madalas pa ang pagsasama naming ni Jomy.
Kung dati ay hinahatid sundo pa ako ni ate, ngayon ay si Jomy na ang mismong
naghahatid sa akin sa bahay sakay ng taxi.
Habang tumatagal ay lalong tumitindi ang feelings ko kay Jomy. Nagsimula sa
simpleng crush, na sa naging inafatuation hanggang sa maramdaman ko ang isang
kaiibang feeling sa kanya. Hindi ko alam pero ito na rin siguro ang tinatawag
nilang love. Hindi ko alam kung pareho lang kami ng nararamdaman ni Jomy sa isa�t
isa, pero nafifeel ko naman ang pag-aalaga at affection niya sa akin. Lagi niya
akong tinutulungan at sinusuportahan sa lahat ng bagay. Lagi niya din akong
sinasamahan sa pagdarasal, pinagdarasal naming n asana dumating ang araw na may
magmatch na na eye donor sa akin.
Naglalakad kami sa Baywalk, napansin kong parang may nag-iba, ang parang
dating mapagbiro at madaldal na Jomy ay naging tahimik at walang kibo.
3.
Naglalakad kami sa Baywalk, napansin kong parang may nag-iba, ang parang
dating mapagbiro at madaldal na Jomy ay naging tahimik at walang kibo.
�Jomy? May problema ba?� pinaupo niya ako sa isang bench sa baywalk at tumabi
siya sa akin.
Hinawakan niya ang kamay ko, ngayon ko lang naramdaman ang mahigpit na hawak
niya na iyon.
�Aalis na kasi ako.� Ang sabi niya, �Pupunta muna ako sa Mindanao para may-
mission.�
�Ha? Paano ang pagpapastor mo?�
�Baka doon ko na lang ipagpatuloy.� Sabi niya.
�Ganon ba? Kailan ka ba aalis?�
�Sa isang Linggo na.�
�Ha? Ang bilis naman.�
Hindi siya sumagot sa akin.
�Gaano ka ba katagal don?�
�Hindi ko alam eh. pero baka umabot ng mga taon.�
� Wow, ang tagal nun ha. Mamimiss pala kita.�
�Ikaw din.� Ang muli siyang tumahimik.
�Jomy, pwede ko bang hawakan ang iyong mukha?�
Natawa si Jomy sa request ko, �Bakit naman?�
�Remembrance mo na lang sa akin. Gusto ko kasing malaman kung talaga hindi
nga ako jinojoke ng ate ko nong sinabi niyang guwapo ka.�
Kinuha niya ang kamay ko at inilagay yun sa pisngi niya, �Ito ang pisngi ko,
heto naman ang dimples ko.�
Napangiti ako, parang ang kinis-kinis niya, parang nakaganda ng skin niya.
� Heto naman ang ilong ko at heto naman ang mga mata ko. Oh ano ang
naiimagine mo?� inalis na ni Jomy ang kamay niya sa kamay ko pero hindi ko pa rin
inaalis ang mga kamay ko sa kanyang mukha. Gusto kong maramdaman ang matangos
niyang ilong, ang maganda niyang labi, ang kanyang mga dimples, ang magandang hugis
ng kanyang mga mata at kinis ng kanyang balat.
Napapangiti ako sa tuwing iniisip ko kung gaano siya kagandang lalaki, �Mas
guwapo ka pa sa inaakala ko.� Ang sabi ko sa kanya.
Kinuha niya ang kamay ko sa kanyang mukha at inilagay niya iyon sa kanyang
labi saka ito hinalikan.
Natulala ako, isang simpleng halik sa aking kamay pero parang huminto ang
pag-inog ng aking mundo.
Binitbit niya ang aking kamay at naramdaman ko na inilagay niya iyon sa
kanyang dibdib at niyakap, �May gusto akong sabihin sayo. Hindi mo siguro ma-
iimagine ito dahil bulag ka pero once na makakita ka na at nakita mo na ako ay
maiintidihan mo rin kung ano ang ibig kong sabihin.�
�A-ano bang gusto mong sabihin?�
�Celine, nong una pa lang kitang nakita sa church, nong binati kita ng good
morning alam ko na sa sarili ko na gusto kita. At sobrang natutuwa ako dahil
nakilala kita, naging close tayo at habang tumatagal ay maslalo kitang nagugustuhan
at maslalo tuloy tumitindi ang nararamdaman ko sayo.�
Napangiti ako sa mga sinabi niya, � Ako rin naman eh. nong una kong marinig ang
boses na nang sinabi mo sa akin na good morning, hindi ko alam sa sarili ko pero
parang may kaiiba akong naramdaman. At sobrang natutuwa rin ako na nagkakilala
tayo, naging close tayo at habang tumatagal ay maslalo rin kitang nagugustuhan at
maslalong tumtindi ang nararamdaman ko sayo.�
�Pero�� sabi niya, �Pero aalis na ako.�
�Oo nga.� Malungkot kung naisagot sa kanya.
�Pero mananatili ka sa puso ko Celine kahit nasa malayo ako.�
�Kapag nakakakita na ako, Jomy. Asahan mo, kahit nasaan ka pa, ikaw ang
unang hahanapin ng mga mata ko.� Ang pangako ko naman sa kanya.
Niyakap niya ako. At sa pagyakap niya sa akin ay naramdaman ko ang init ng
pagmamahal niya sa akin. at doon ko maslalong narealize na hindi kailangan ng
paningin upang Makita mo kung mahal ka ng tao minsan mararamdaman mo na lang ito sa
kaibuturan ng iyong puso.
Isang pagpapala sa Panginoon, nagmatch ang mga mata sa akin. kaya walang
inaksayang oras si Dr. Jimenez, agad niyang sinumulan ang eye transplant.
�Okey, Celine, dahan-dahan mong buksan ang iyong mga mata.�
Sinunod ko si Doc. Dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata.
Naaninag ko ang ilaw ang mga kulay, sa una�y Malabo pero unti-unting
nabibigyang liwanag ang lahat hanggang sa ang nakakita ako ng isang mukha na nasa
harapan ko.
Isang magandang mukha, may kaputian, maganda ang ilong, maganda ang mga mata at may
mapulang labi.
�Ang ganda niya di b a?� sabi ni Ate Celeste sa akin, �Nakita mo na rin
Celine kung gaano ka kaganda.�
Napatingin ako kay ate na nasa tabi ko, �Ate!� hindi ko mapigilan ang
mapaiyak, �Ate nakakakita na ako.� Tumayo ako at yumakap sa aking kapatid.
Nagyakapan naman ang aking mga magulang dahil sa katuwaan.
�Mommy? Daddy?� niyakap ko sila, �Nakikita ko na muli kayo.�
Napangiti ako ng makita ko ang mga pamangkin ko. Ang gaganda nilang mga
bata, �Chesca, Chloe.� Niyakap ko sila ng mahigpit.
�Wow, tita, nakakakita ka na.�
�Celine, praise God!� sabi ng isang matandang lalaki na medyo nakakalbo na.
Natawa ako, �Pastor kayo ba y an?�
�Naku, nakita na rin ni Celine ang kapogian ko.�
Hinawakan ko ang ulo ni Pastor, �Pastor, kahit pala nakakalbo ka na, pogi ka
pa rin.�
Lumapit ako kay Dr. Jimenez at nagpasalamat sa kanya, �Marami pong salamat
talaga doc.�
Tinapik ng doctor ang balikat ko, � Di ba, sabi ko naman sayo, maniwala ka
lang.�
Naalala ko muli si Jomy. Nasaan na kaya siya, alam kaya niyang nakakakita na
ako.
�Sayang, hindi ko man lang siya nakita.�
�Si Bro. Jomy ba?� sabi ni pastor. �Paniguradong isa siya sa magiging masaya
once na malaman niyang nakakakita ka na.�
Umupo muli ako sa kama, �Isang taon na rin kaming di nagkikita. Ilang araw
lang naman yun, sana naabutan niya ito.�
NIyakap ako ni ate, �Magkikita rin kayo non, maniwala ka lang.�
Ngumiti ako at gumanti ako ng yakap kay ate.
Nang makarecover na ako mula sa operasyon ang una naming pinuntahan ay ang
Church upang icelebrate ang matagumpay kong operation. Nagpahanda ang aking pamilya
at ang buong church. Tuwang-tuwa ako at nakikita ko ang aking mga ka-churchmates.
Nakikita ko na ang mga ngiti sa kanilang mukha na waring ipinapakita nila sa akin
kung gaano sila kasaya para sa akin.
Natapos ang handaan at busy ang aking pamilya sa pakikipagkuwentuhan sa mga
ibang members. Nagpaalam lang ako sa kanila upang magpahangin sa labas ng church at
pumayag sila.
Paglabas ko ng church ay nakita ko ang makukulay na jeep at mga taong
tumatawid sa kalsada ng UN Ave. Nakita ko ang isang jeep na may nakalagay na
Mabini. Naalala ko tuloy ang sinabi sa akin ni Jomy, kapag sumakay ako ng Mabini at
bumaba ng Harrison Plaza, lalakarin ko lang daw para makarating ako ng Roxas
Boulevard.
Hindi ko napigilan ang sarili ko. Nangako ako kay Jomy na sa pagbalik ng
paningin ko ay siya ang una kong hahanapin. Magbabakasakali ako na baka nakabalik
na rito sa Maynila at nasa Roxas Boulevard siya ngayon. Pinara ko ang jeep at
sumakay ako ron.
�Mama, malapit na po ba tayo sa Harrison Plaza?� tanong ko sa driver, �Miss,
nasa Manila Zoo na tayo, katabi na niyan ang Harrison Plaza.�
Hininto ako ng mamang driver sa Harrison Plaza at saka naman biglang bumuhos
ang malakas na ulan, wala pa naman akong dalang paying kaya agad akong sumulong sa
isang shed ron at naghintay ng paghina ng ulan.
�Asan na kaya rito ang Roxas Boulevard?� ang sabi ko sa aking sarili. Humina
ang ulan at tumawid ako sa kalsada nang biglang may dumaan na jeep.
�Miss, ano ba, bulag ka ba!� pasigaw na sinabi sa akin ng driver.
�Sorry po.� Kung pwede ko lang ipaliwanag sa driver na dati talaga akong
bulag at hindi ako sanay tumawid.
Lumapit sa akin ang isang babaeng may kaliitan, morena at kulot ang buhok.
May kasama siyang lalaki na may hawak na paying na matangkad at may kaputian.
�Miss okey ka lang?� Ang tanong niya sa akin. Naramdaman ko ang concern nila
sa akin.
Tumango ako, �Pwede bang magtanong? Paano bang magpunta ng Roxas Blvd.�
�Ah Roxas Blvd. tumawid ka lang tapos maglakad ka sa gilid ng BSP, labas mo
na non CCP, kahabaan na ng Roxas BLvd yun.� Sagot ng lalaki sa akin.
�Miss magbibaywalk ka ba? Sumakay ka na lang taxi, medyo matagal ring
lakarin ang baywalk eh.� sabi ng babae sa akin.
Umiling ako sa kanila, gusto kong masaksihan ang kahabaang ng Roxas
Boulevard. Gusto kong Makita ang bawat lugar na sinasabi sa akin non ni Jomy sa
tuwing mamasyal kami. �Sige maglalakad na lang ako. Thank you ha.�
Nang naghintuan na ang mga sasakyan ay tumawid na ako. Napatingin ako sa
building na pinatawiran ko, Bangko Sentral ng Pilipinas, nabanggit ito ni Jomy sa
akin.
Naglakad ako sa gilid non at natanaw ko ang isang structure na wari ko ay
CCP at katabi non ang Star City. Tama ang pagkakadescribe sa akin ni Jomy, hugis
inidoro nga ang gusali ng CCP at may fountain sa harapan nito. Ang Star City naman
ay napakamakulay at parang ang saya-saya sa loob non.
Natagpuan ko rin ang iba pang nabanggit na lugar ni Jomy, ang mga yate sa
Manila Bay, ang mga hotel, ang mga ilaw sa Roxas Boulevard. Tama nga ang
pagkadescribe sa akin ni Jomy sa mga lugar na iyon.
Nakaramdaman ako ng pagod sa aking paglalakad. Tama pala yung babae kanina,
mahaba ang Roxas Boulevard. Hindi ko maimaimagine non pero ang haba pala ng
nilalakaran namin non ni Jomy. Mula CCP hanggang Luneta. Eh heto nga lang sa
Baywalk ay hinihingal na ako. Nakakapagtaka, bakit kaya kapag ang kasama ko si Jomy
ay hindi ko nararamdaman ang pagod na ito.
Naupo ako sa isang bangko sa may Bay walk dahil sa pagod din sa paglalakad.
Pinagmasdan ko ang mga batang naglalaro at mga magkasintahan na sabay na
namamasyal. Napangiti ako, ganyan kaya ang itsura namin non ni Jomy.
Napahinto sa paglalaro ang mga bata at napahinto rin sa paglalakad ang mga
namamasyal. Tinignan nila ang Manila Bay.
�Ayan na, magsasunset na.� sabi ng isang bata.
Napatayo ako at lumapit sa dagat. Nakita ko ang araw, kulay orange nga ito,
unti-unting bumaba sa dagat at natatakpan ng mga ulap.
Napanganga ako sa aking nakita. Ang ganda pala talaga nito, tama si Jomy.
Ilang sandal pa ay may tumunog ang celphone sa bulsa ko at agad kong kinuha
ito, �Hello ate. Sorry ha, naexcite lang kasi ako. Andito ako sa Roxas Boulevard,
sa Baywalk.�
Lumipas ang mga araw at buwan. Sa tuwing dadaan an gaming sasakyan sa Roxas
Boulevard ay pinagmamasdan ko iyon ng mabuti. Hindi ko alam kung paano ko malalaman
pero umaasa ako na doon ko makikita si Jomy. Baka naglalakad-lakad lang siya sa
Baywalk, o di kaya sa Luneta, o di kaya nakaupo sa may fountain ng CCP.
Ilang araw rin akong bigo na Makita siya. Ang totoo hindi ko alam kung paano
ko siya makikita, o paano ko siya makikilala. Umaasa na lang ako n asana kapag
nakita niya ako ay magpakilala siya ng kusa sa akin.
Namasyal ako sa Luneta ng mag-isa after ng Service. Hinayaan na rin ako nila
ate na mag-isa tutal nakailang pasyal na rin kami sa Luneta na pamilya simula ng
makakita ako.
Naupo ako sa isang upuan don at napatingin sa paligid. Nakakita ako ng isang
batang bulag na lalaki na akay-akay ang kanyang kapatid. Napangiti ako, siguro
ganyang kami tignan ni Ate Celeste non.
Sumama ang magkapatid sa isang grupo ng mga tao na kumakanta ng �Ang Buhay ng
Krisiyano ay Masayang Tunay.� Napansin ko ang mga itsura ng grupo ng mga taong
iyon, may mga bulag, may mga nakawheel chair at nakasaklay, may mga walang kamay,
puro may mga kapansanan. Nakakatuwa, sa kabila ng kanilang mga kapansanan ay di pa
rin nila nakaliligtaan na magpuri sa Diyos. Siguro katulad ko rin non, umaasa sila
na bibiyayaan sila ng Diyos.
Napapikit habang pinakikinggan ang pagkanta ng mga may kapansanan. Naaalal ko
tuloy ang kantang �God Will Make A Way�
�God will make a way.� Nasabi ko sa sarili ko, �Kung hindi kita mahahanap sa
pamamagitan ng aking mga mata ay pipikit na lang ako at baka sa pagpikit ko ay
mahanap kita.�
Natapos ang pag-awit ng mga may kapansanan at nagpalakpakan sila.
�Salamat po.� Ang narinig kong sabi ng iba, �Next Sunday po uli.�
Patuloy kong pinakaramdaman ang paligid hanggang sa may narinig akong
pamilyar na tunog. Tumaas ang mga balahibo ko nang marinig ko ang tunog ng chimes
na iyon, napabukas ako ng aking mga mata at hinanap ang tunog ng chimes hanggang sa
nakita ko ang isang lalaki na kausap ang bulag na bata at ang kanyang kapatid.
Napangiti ako nang Makita ko ang lalaki, ang ganda ng kanyang mga mata,
matangos ang kanyang ilong, mapula ang kanyang labi at may dimples siya sa
magkabilang pisngi. Mula nang makakita ako ay siya na yata ng pinakamagandang
lalaki na nakita ko.
�Oh, kulit.� Sabi niya sa batang lalaki.
�Makakakita pa kaya ako.�
�Kulit, habang may buhay may pag-asa, basta maniwala ka lang na makakakita
ka.� Ang sabi niya sa bata.
�Salamat po Pastor Jomy.� Napatayo ako nang marinig ko yun na sinabi ng bata.
Lumapit ako sa lalaki, �Jomy?�
Napatingin siya sa akin, halatang nagulat siya nang Makita niya ako.
�J-jomy ikaw ba yan?�
Hindi siya nakasagot at tumunog muli ang chimes. Hinanap ko ang chimes at
nakita ko yun na nakasabit sa isang kahoy�
Sa isang kahoy na saklay.
Kinuha ni Jomy ang saklay at dahan-dahan siyang tumayo.
Napangaga ako sa nakita ko�
Isa lang ang paa ni Jomy, putol ang isa niyang binti.
�Celine. I�m sorry, hindi ko nagawang ipagtapat sayo. Ilang taon na ang
nakakaraan, noong na-car accident ako. Naipit ang kanang binti ko kaya naputol
ito.�
Napatango ako. Siya pala si Jomy at isa lang ang binti niya pero sa kabila ng
kapansanan niya ay di siya napagod na samahan akong mamasyal, sa kahabaan ng Roxas
Boulevard. Kahit mahirap sa kanya ang maglakad gamit ang isang paa ay pinasyal pa
rin niya ako at walang sawang idinescribe sa akin ang kagandahan ng Roxas
Boulevard. Ngayon naiintindihan ko na ang sinabi niya sa akin non na: Hindi mo
siguro ma-iimagine ito dahil bulag ka pero once na makakita ka na at nakita mo na
ako ay maiintidihan mo rin kung ano ang ibig kong sabihin.
�Sabi ko naman sayo di ba? Baka madisappoint ka lang once na makita mo ako,
kasi may kulang.�
Umiling ako at lumapit ako sa kanya, �Wala Jomy.� Hindi ko napigilan ang
pagtulo ng luha ko, �Walang kulang. Dahil mula�t sapol pa ay ibinigay ka ng buong-
buo sa akin ng Diyos at sobra pa.�
�Celine��
�Dahil noong mga panahon na wala akong paningin ay binuo mo ang pagkatao ko
na daig ko pa ang nakakakita dahil sa pag-akay mo sa akin ng walang kapagod-pagod
sa kahabaan ng kalasadang ito.�
Hinawakan ko ng dalawa kong kamay ang kamay ni Jomy, �Jomy, kung may kulang
man sayo ngayon wala yun sa pag-ibig na ipinadama mo sa akin. Bahil buong-buo mong
ipinadama sa akin ang pagmamahal mo na parang walang kulang sayo.�
Hindi rin napigilan ni Jomy ang pagtulo ng luha niya, �Tatanggapin mo pa rin
ako sa kabila ng kalagayan.�
Tumango ako, �Hindi Jomy. Hindi lang kita tatanggapin, kundi mamahalin kita
ng sobra-sobra, katulad ng pagmamahal na ipinadama mo sa akin.�
Niyakap ako ng mahigpit ni Jomy, �Matagal ko ng gustong sabihin sayo ito,
Celine. Mahal na mahal kita.�
�Alam ko, Jomy. At mahal na mahal din kita.�
Tinignan ni Jomy ang mukha ko at hinawi ang buhok , �God is good.�
�God made a way para sa ating dalawa, Jomy.� Ang sagot ko naman sa kanya.
Tinitigan niya ako at saka niya hinalikan ang aking labi. Napapikit ako,
maslalo kong naramdaman ang saya at pag-ibig ni Jomy sa akin sa pamamagitan ng
halik na iyon.
Sa pagkakataong ito ay ako naman ang umalalay sa kanya. Hawak kamay kaming
naglakad sa Luneta.
�Magpunta tayo ng church Jomy. Namimiss ka na nila Pastor.� Ang sabi ko sa
kanya.
�Sige, more than one year na rin akong hindi nakadalaw sa church.�
Pinara ko ang isang taxi na may nakasulat na �Mahal Ko� at saka ko inalalayan
si Jomy sa pagpasok nito sa likuran ng taxi.
�Saan po tayo?� tanong sa amin ng driver. Napangiti ako nang makitang babae
ang nagmamaneho ng taxi.
�Miss, sa UN Ave po tayo.� Sagot ko sa kanya.
�Tamang-tama UN Ave. makakaparada na rin ako.�
�Taga saan po ba kayo?� tanong ni Jomy sa driver.
�Sa Moriones.� Sagot ng lady driver at ningitian kami nito.
�Ah, oo nga po, malapit na lang yun.� Sagot naman ni Jomy.
Sa loob ng taxi ay yumakap ako ng mahigpit kay Jomy at hinalikan naman niya
ako sa ulo ko.
Napapikit ako at nagdasal, Thank you Lord. Thank you Lord at ibinigay niyo po
sa akin si Jomy.
Abangan� Moriones �
MORIONES
1
Anong oras na ba? Alas singko na ng hapon, kailangan ko na palang umuwi pero
mukhang kulang pa rin ang kinita ko sa maghapon ngayon. Siguro� kailangan pa ng isa
pang pasahero bago ako umuwi. Sana na lang one way yun pauwi sa amin.
Dumaan ako ng Roxas Boulevard, pero mukhang wala naman akong magiging
pasahero ditto. Linggo kasi at madalang talaga ang pasahero kapag Linggo.
Isang magandang babae ang pumara sa akin. Salamat naman at nakakuha ako ng
pasahero bago pa man ako umuwi, sana na lang ay di sa malayo pupunta ang mga ito.
Pinasakay ng babae ang kasama niyang lalaki na putol ang isang kanan binti at saka
siya sumakay din.
�Saan po tayo?�
Ngumiti sa akin ang babae.
�Miss sa UN Avenue tayo.�sagot niya sa akin.
Hay buti naman para diretso na rin ako pag-uwi sa amin. �Tamang-tama UN Ave.
makakaparada na rin ako.�
�Taga saan po ba kayo?�tanong sa akin ng lalaki.
�Sa Moriones.�
�Ah, oo nga po, malapit na lang yun.� Sagot niya sa akin.
Sa front mirror ay pasimple kong tinitignan ang dalawa. Sa isip-isip ko ang
sweet naman ng dalawang ito. Ang swerte naman ng lalaki, dahil sa kabila ng
kapansanan niya ay mahal na mahal siya ng babae, obvious naman dahil yakap-yakap ng
babae ang kasama niyang lalaki.
Marcus, nakikita mo ba sila? Ang sweet nila di ba?
Naalala ko tuloy, ilang taon na rin ang nakakaraan, ganyan kami ni Marcus.
Kapag magkasabay kami sa jeep laging magkahawak ang aming mga kamay, nagpapalita ng
mga magagandang salita sa isa�t isa.
Para tuloy gusto kong maiyak sa tuwing naiisip ko si Marcus. Sa tuwing
naiisip ko ang magagandang ala-ala naming dalawa.
�Ay dito lang po kami sa tabi.� Sabi ng babae, kaya inihinto ko ang aking
taxi sa tabi ng UN Ave.
Inabot sa akin ng babae ang bayad, �Thank you po ha.�
At saka sila lumabas ng aking taxi.
Nang makalabas na sila aya saka ko hindi napigilan ang aking sarili sa
pagluha. Kinuha ko ang aking tissue ay pinunasan ang mga mata ko.
Kailangan ko ng umuwi, marami pa akong gagawin.
Binusina ko ang aking taxi dahil sa may mga batang naglalaro sa kalyeng
dinadaan ko. Pero kahit ilang beses akong bumusina ay parang bingi ang mga batang
ito sa kakalaro. Binuksan ko ang bintana ng sasakyan ko at sinabihan ang mga bata
na tumabi, �Hoy! Mga bata, tumabi nga kayo riyan! Kanina pa ako bumubisina rito ha!
�
Huminto rin sa paglalaro ang mga bata at tumabi.
Hininto ko ang aking taxi sa tapat ng bahay namin dito sa isang looban sa
Moriones, Tondo.
Sa Moriones, kung saan una naming binuo ang aming mga pangarap ni Marcus:
magkaroon ng magandang bahay, magkaroon ng mga anak makabili ng taxi upang
maging negosyo naming dito sa Pilipnas.
Nagkaroon nga kami ng anak, si Junior, pitong taon na siya ngayon pero
sakitin, lagi siyang sinusumpong ng asthma niya kaya lagi kong isinusugod ng
hospital.
Nakapundar din kami ng taxi, pero ako naman pala ang magdadrive.
Bahay, andito pa rin kami sa dati naming bahay saTondo, maliit at maingay ang
paligid.
Pinangako niya sa akin no�n na bibigyan niya kami ng maginhawang buhay na
mag-ina pero nawala rin ang lahat, nawala rin kasabay niya.
Sa mga panahong ito wala akong choice: kailangan kong kumayod, at magdoble
ng kayod para kay Junior. Ala-una pa lang ng umaga ay bumabiyahe na ako sa taxi,
natatapos ako ng alas-singko. Pagdating naman sa bahay ay si Junior naman ang
aasikasuhin ko, tumatanggap din ako ng service sa pagmamanicure at pagpepedicure sa
may lugar naming para pangdagdag kita. Kailangan kong gawin ang lahat na ito dahil
ako na lang mag-isa ang gagawa nito.
�Ate ubos na p ala yung gamot ni Junior.�sabi sa akin ng kapating kong bakla
na si Gemini na siya munang nag-aasikaso kay Junior habang nasa biyahe ako.
Tinignan ko ang perang kinita ko maghapon sa pagtataxi, tamang-tama lang ito
sa pang ilang araw na gamot ni Junior. Inabot ang pera kay Gemini, �Ito, bumili ka
sa botika.�
�Okey ate.�at lumabas ng bahay si Gemini.
Kasabay naman non ay dumating ang akin ina, na sa una palang ay tutol na
siya sa amin ni Marcus.
�Kamusta naman yang anak mo?� tanong niya sa akin.
�Awa ng Diyos nay napagkakasiya ko naman yung kinikita k okay Marcus.� Sagot
ko sa kanya.
�Kung nakinig ka lang sa akin non..�
�Nay, please.�sabi ko sa kanya.
�Ano nagsisisi ka na at sumama-sama ka riyan sa lalaking yan.�
�Nay pwede ba? �
Umupo siya at umiling, �Kung nakinig ka lang talaga sa akin.�
Promo girl ako noon sa isang supermarket. Nakasuot ako ng costume ng isang
bubuyog habang nagpapamigay ng mga free taste na biscuits sa mga namimili.
�ISama po natin sa ating mga pinamimili, Bumble Bee Biscuits. Tamang-tamang
pambaon ng mga bata ngayong pasukan.�
Marami-rami rin ang kumukuha ng free taste, kasi siyempre free taste, madami
ang umuulit ang madami ang nambubulsa ng mga biscuits. Hinahayaan ko lang sila,
free taste naman ito eh kailangan ko ring maubos ang mga biscuits pagkatapos ng
araw.
Habang nakatayo at nagpapamigay ng biscuits ay naramdaman kong may pumapalo
sa likuran ko at napalingon ko.
Nagtatawanan ang mga bata, �Tignan mo oh ang laki ng puwet ng bubuyog.�
Bwisit na mga bata ito, pinagtritripan pati ang puwet ng costume ko.
Hinarap ko ang mga bata at inabutan ng biscuit, �Mga bata gusto niyo ba ng
Bumble Bee Biscuits.�
Umiling ang mga bata, �Ayaw naming niyan, hindi yan chocolate!�
�Pero kasing sarap din ito ng chocolate.�
�Hindi totoo yan, natikman na namin yan, hindi siya masarap.�
Salbaheng mga bata ito, sa loob-loob ko. Wag sana akong bigyan ng ganitong
anak ng Diyos pagdating ng araw.
Kesa kunin ang biscuit ay nagpunta uli ang mga bata sa likuran ko at pinalo-
palo ang pwet ng costume ko.
Sinusuway ko ang mga bata pero ayaw nilang tumigil.
�Boy, boy, masamang awayin ang mga hayop di ba.�sabi ng isang lalaki na
nakasuot ng uniporme ng supermarket at may dalang cart.
Tumingin lang sa kanya ang mga bata.
�Maawa ka naman kay Bumble Bee, gusto mo ba paluin ka rin sa pwet ng mommy
mo?�
Umiling ang mga bata sa kanya.
Ilang sandali pa ay dumating ang ina ng mga bata, �Mga bata kayo, andiyan
lang pala kayo kanina ko pa kayo hinahanap.�at kinuha sila ng kanilang ina.
�Ayos ka lang ba?�tanong sa akin ng lalaki.
Tumango ako.
�Ayos lang ba yung puwet mo?�
Napatingin ako ng masama sa kanya.
Ngumiti siya, �Ayos lang ba yung costume mo?�
�Oo, oo naman. Salamat sa pagsuway mo sa mga bata.� Sabi niya.
�Yun ba, okey lang yun. Sige, ingat Bumble bee.�
Hinila niya ang cart na dala niya at nagpatuloy sa pagtratrabaho niya.
Napaupo ako sa sofa. Bakit ba ganon si inay? Ba�t ba puro pera na lang ang
nasa isip niya? Hindi niya na ako inintindi, hindi man lang niya tinanong sa akin
kung kamusta na ako? Kung pagod ba ako? Kung nagugutom na ako? Sinalubungan niya
agad ako ng sermon tungkol sa pangangailangan namin ng pera. Kahit kailangan hindi
ko narinig na tinanong niya sa akin kung Masaya ba ako? Madalas ang tanong niya sa
akin ay �Anak may pera ka ba? �, �Anak sumuweldo ka ba?�
Hindi kaya nararamdaman ni nanay na napapagod na ako? Parang gusto ko ng
sumuko at umalis sa bahay na ito pero iniisip ko ang mga kapatid ko, mga bata pa
sila at kailangan nila ako.
Pinagdarasal ko na lang sa Diyos na sana dumating ang araw na guminhawa ang
buhay ko, yung hindi ko na kailangang magtrabaho ng sobra-sobra para buhayin ang
pamilyang ito. Yung buhay na hindi ako mapapagod, Masaya kahit simple.
Sana dumating ang araw na iyon�
Naging palagi ang pagsasama naming ni Marcus. Lagi niya akong sinusundo mula
sa pinatratrabahuhang kong restaurant. Madaling araw na rin daw kasi ang delikado
sa daan. Lagi namang napapansin ni nanay yun at lagi ko na rin siyang hindi
pinapansin sa tuwing sesermunan niya ako tungkol kay Marcus.
Masaya ako kay Marcus, lagi niyang pinagignhawa ang pakiramdam ko sa tuwing
napapagod ako. Lagi niya akong pinangingiti sa tuwing iiyak ako sa harapan niya at
sinasangguni ko ang problema ko sa pamilya. Kaya siguro habang tumatagal ay maslalo
ko pa siyang nagugustuhan at mas lumalalim ang pagkagusto ko sa kanya.
Isang araw na sinundo ako ni Marcus sa bahay ay nagulat na lang kami nang
makita naming si nanay na nag-aabang na sa harap ng bahay naming.
�Nay, ano ka ba? Madaling araw na andito ka pa sa labas.�
�Hoy lalaki, mag-usap nga tayo.� Sabi niya kay Marcus.
�Nay ano ba namang,.,�
�Layuan mo ang anak ko! Hindi ikaw ang karapatdapat na lalaki para sa kanya!�
Pinigilan ko si nanay, �Nay sobra ka naman! Sobra naman yang sinasabi mo kay
Marcus! Mabait siya at inaalagaan niya ako.�
�Bakit ha Yna! Mapapakain ba niya sa mga kapatid mo yang sinasabi mong
kabaitan at pag-aalaga niya.�
�Nay hindi. Hindi niya nga mapapakain sa inyo ang kabaitan at pag-aalaga niya
sa akin. Hindi niya kayang ibigay sa atin ang lahat ng luho natin sa buhay. Pero
alam niyo nay, yung kaligayahan at kaginhawaan na binibigay niya sa akin, walang
kapantay yun kumpara sa mga perang ibinibigay ko sa inyo at sa pamilyang ito!� at
isang malakas na sampal ang ibinigay sa akin ni nanay dahil sa sinabi kong yun.
�Walang hiya ka! Suwail kang anak!�
�Sana nga nay, sana nga nay naging suwail na lang akong anak para hindi na
lang ako naghihirap ng ganito.�
�Sa akala mo ba magmamanik luhod ako sayo babae ka.� Pumasok siya sa bahay
naming at kinuha ang mga gamit at saka niya itinapon yun sa akin. �Lumayas ka babae
ka! Magsama kayo ng lalaking yan.�
At saka siya muling pumasok ng bahay naming at saka ibinalibag ang pintuan.
3
Wala kaming nagawa ni Marcus, nang oras na iyon ay sumama ako sa kanya sa
Moriones. Kahit medaling araw pa lang ay madami pa ring tao sa looban na iyon.
Meron pang nag-iinuman sa mga kalsada at mga tambay sa paligid.
�Marcus.� Sabi ng isang kapitbahay niya na mukhang lasing at umiinom, �Isang
shots tayo riyan oh para diyan sa miss na kasama mo.�
Nakaramdam ako ng takot kaya napahawak ako ng mahigpit sa braso ni Marcus.
Ngumiti si Marcus sa kanila, �Saka na lang tol, kahit taya ko pa.�
Ngumiti rin ang lalaki sa kanya at nagtuloy kami sa paglalakad.
�Wag kang matakot sa mga yun, mga sunog baga lang yang mga yan pero mababait
naman, maasahan din naman.� Sabi niya sa akin.
�Sigurado ka ba?�
�Oo naman. Close kami non noh.�
Natawa ako sa sinabi niya at saka ko siya pinalo sa braso.
Maliit na 2 storey ang bahay nila Marcus, kasya lang siguro ang apat hanggang
lima na miyembro ng pamilya sa bahay nila. Ang kuwento ni Marcus, five years old
siya ng nabili ng tatay niya ang bahay na iyon, dati kasi silang nangungupahan sa
Tondo. Doon na sila lumaki kaya kilala na sila ng mga taga-roon, kaya rin wala na
siyang takot sa lugar na iyon. nang mag-asawa ang mga kapatid niya ay lumipat na
ang mga ito sa probinsya kaya naiwan na sa kanya ang bahay.
Pinakita sa akin ni Marcus ang kuwarto niya sa bahay, �Dito ka muna matulog
ha.�
�Saan ka?�tanong ko sa kanya.
�Kahit doon muna ako sa sofa, okey lang naman ako ron.�
�Sigurado ka ba?�
Ngumiti siya sa akin, �Wag mo akong alalahanin.�
�mupo ako sa kama at napayuko, �Salamat ha. Nakakahiya na talaga sayo.�
Tumabi siya sa akin at tinapik ang balikat, �Naku, okey lang yun. Eh, ano
bang balak mo?�
Umiling ako, �Hindi ko nga alam kung makakabalik pa ako sa amin.�
�Siguro naman. Alam mo naman ang nanay mo, kailangan ka rin non.�
�Pero baka sa pagbalik ko pamiliin niya ako.�
�Eh kung kailangan mong mamili eh di mamili ka. Ano bang pipiliin mo?�
Tumingin ako sa kanya, �Ikaw.�
Napanganga siya at sandaling di nakapagsalita, �Teka, p-paano ang mga kapatid
mo?�
�Ayoko na talaga sa amin, Marcus. Dito na lang ako sayo. Mas masaya ako rito.
Gusto mo magpakasal na tayo kahit sa huwes lang.�
�Alam mo kasi Yna��
�Bakit ayaw mo ba?�nakaramdam ako ng hiya sa puso ako. Kababae kong tao ay
ako pa ang nagpropropose ng kasal sa lalaki.
�Siyempre hindi noh. Alam mo namang mahal na mahal kita at saka sobrang gusto
talaga kitang pakasalan pero iniisip ko rin ang mga kapatid mo.�napag-isip siya,
�Sige ganito lang. Magpapakasal tayo, pero ako muna ang gagastos para sa pamilya
natin at susuportahan mo pa rin ang mga kapatid mo. Iniisip ko rin kasi na sayang
naman kung hindi makakapagtapos ang mga kapatid mo, importante rin naman ang
makapagtapos sila ng pag-aaral.�
Natuwa ako sa sinabi ni Marcus, nakita ko sa kanya ang hindi lang ang
pagmamahal niya sa akin kundi ang pagmamahal din niya sa mga kapatid. Sa kabila ng
masasakit na salita na natanggap niyamula sa nanay ko ay naalala pa rin niya ang
pamilya ko. Naiyak ako sa katuwaan at napayakap ako sa kanya, �Salamat talaga
Marcus. Salamat sa lahat.�
Ikalimang taon na naming non sa Japan nang mapansin kong bumabagsak ang
katawan ni Marcus, nagiging sakitin na rin ito at napansin ko ang mga pasa sa
kanyang katawan. Lagi naman niyang sinasabi sa akin na dahil lang yun sa pagod at
siguro dahil sa bigat rin ng trabaho kaya nagkakapasa siya. Nabahala na lang ako
nang mapansin kong madalas na siyang mahilo at talagang mahina na ang kanyang
resistensya.
Dinala naming siya sa hospital at doon ko natuklasan ang isang malaking
pagsubok sa aming mag-asawa.
May Leukemia si Marcus at malala na ito. Wala kaming magawa ni Marcus kundi
iwan ang maayos-ayos na buhay naming sa Japan at bumalik ng Pilipinas, bumalik sa
looban ng Moriones kung saan kami nagsimula.
4
Naging mahirap sa akin ang mga panahong iyon. Nagging masakit dahil hindi ko
kayang Makita ang asawa kong naghihirap dahil sa karamdaman niya, sa tuwing
napapansin ko na tinitiis niya lang ang sakit na nararamdaman niya para lang di ako
mag-alala sa kanya.
Sa tuwing tinitigan ko siya sa pagtulog hindi ko maiwasan ang lumuha, hindi
ito ang lalaking una kong nakilala. Ang Marcus na nakilala ko, malakas, masayahin,
punongpuno ng sigla at lagi akong pinapangiti sa kabila ng mga sakit na
nararamdaman ko. Hindi ko akalain na kaya rin pala akong paiyakin ni Marcus, kaya
niya rin akong saktan at kayang pahirapan kahit hindi niya intensyon yun. Sa gitna
nang pagluha ako ay hindi ko namalayang nagising ko si Marcus kaya agad kong
pinahid ang aking mga luha.
� Nahihirapan ka nab a?� tanong niya sa akin.
Hindi ako sumagot.
�Mahal ko, Sorry ha.� Ang sabi niyang muli, �Pinahihirapan kita.�
Umiling ako, �H-hindi. Okey lang ako Marcus.�
Hinawakan niya ang kamay ko, �Di ba sabi ng doctor sandali na lang matatapos
na rin ito.�
Natahimik ako. Alam ko ang ibig niyang sabihin. Nagtapat ang doctor sa tunay
na kalagayan ni Marcus, may taning na ang buhay nito.
Umiyak ako at hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya, � Hindi mangyayari yun
Marcus. Hindi mo kami iiwan. Hindi mo kami iiwan ni Junior. Hindi pwede Marcus, may
utang ka pa sa akin. naaalala mo pa ba yung mga pangako mo sa akin non, dib a sabi
mo aalis din tayo rito sa Moriones at lilipat tayo sa malaking bahay.�
Ngumiti si Marcus sa akin, �Wala akong pangakong hindi nakalimutan, Mahal
ko.�
�Marcus, ipangako mo naman sa akin na di mo kami iiwan.�
�Yun ang hindi ko kayang ipangako, Yna. �
�Marcus naman�� nagsimula akong humagulgol sa pag-iyak.
�Patawarin mo ako ha. Gustuhin ko man tuparin lahat ng ipinangako ko sayo
pero hanggang doon na lang ang makakaya ko. Pero pangako Yna, kahit ganito ang
kalagayan ko pipilitin ko pa ring tuparin ang mga pangako ko sayo.�
Tama si Marcus, hindi niya nga kayang ipangako ang buhay niya dahil after two
years ng pakikipaglaban niya sa Leukemia ay natalo rin siya ng sakit na ito.
Iniwan kami ni Marcus, kasabay na rin don ang mga pangako niya.
Never will I leave you, never will I forsake you. Ang sabi sa isang brochure
na nakita ko sa likuran ng taxi. Siguro�y naiwan ito nong pilay na sumakay sa taxi
ko noong isang araw kasama ang girlfriend niya. Mukhang nahulog ito sa Bible na
dala-dala niya.
Never will I leave you, never will I forsake you. Parang si Marcus, parang
mga pangako ni Marcus noon sa akin. sabi niya hindi niya ako iiwan, sabi niya hindi
niya ako pababayaan, sabi niya giginhawa ang buhay naming pero anong nangyari? Heto
iniwan niya kami.
�Miss, ditto lang kami.� Inihinto ko ang taxi sa tapat ng airport. Lumabas
ako ng sasakyan upang tulungan ang matandang babae na kunin ang maleta niya sa
likod ng akong taxi.
� Naku, miss thanks ha.� Inabot sa akin ng matanda ang bayad at kinuha ang
maleta niya. Bago ko isara ang compartment ng taxi ay nakita ko ang isang plastic
envelope na nakaipit sa carpet ng compartment. Kinuha ko yun at hinabol ko ang
pasahero, � Ma�m naiwan niyo po yata ito.�
Umiling ang matanda, � Naku miss, hindi sa akin yan. Hindi ko dala yan.�
�Ah ganon ba?�
�Tignan mo na lang yung loob baka may address ng may-ari yan.�
At tuluyan ng pumasok ng airport ang pasahero.
Sinilip ko ang laman ng envelope upang tignan kung anong nakalagay ditto.
Mrs. Yna Nolasco.
Bigla akong kinabahan nang mabasa ko ang pangalan ko sa isang papel sa
envelope agad akong pumasok ng taxi upang basahin ito.
Nilabas ko ang laman ng envelope na iyon.
May isang passbook ron na nakapangalan kay Marcus Nolasco ITF Marcus Nolasco
Junior binuksan ko ito at nagulat ako sa laki ng balanse nito. Tamang-tama sa pag-
aaral ni Junior hanggang kolehiyo. Tinignan ko kung kailan ito nabuksan, nabuksan
ito limang taon na ang nakakaraan ay buwan-buwang may deposito ang account,
hanggang sa huling buwan ni Marcus sa mundong ito.
Binuklat ko pa ang ibang nakalagay sa envelope, nakakita ako ng Life
Insurance Plan na nakapangalan kay Marcus at nakalagay ang pangalan ko bilang
beneficiary.
May mga isa pang passbook roon na kapangalan kay Marcus na naglalaman ng
malaking halaga.
At isang maliit na envelope kung saan nakalagay ang pangalan ko. Binuksan ko
ang envelope na iyon at kinilabutan ako ng Makita ko ang sulat kamay ni Marcus.
Tinignan ko ang petsa ng sulat na iyon, ito ang petsa ng huling dalawang linggo ni
Marcus.
Yna, Mahal ko:
Una sa lahat ay gusto kong humingi ng tawad sayo, dahil alam kong wala na
ako sa tabi mo ngayon.
Nabigo ako Yna. Nabigo akong ibigay sayo ang lahat ng ipinangako ko, pero
kahit sa mga huling sandal I ko katulad ng ipinangako ko sayo sa abot ng aking
makakaya ay gusto kong tuparin yun.
Kung may bintana ang langit Yna, gusto kong masilayan ka ron, gusto kong
Makita ang iyong mga ngiti. Ayokong makitang nahihirapan ka kaya bago pa man ako
maglaho ay inihanda ko na ang lahat.Gusto ko sanang gawing supresa sa inyo ni
Junior ang mga naipon ko sa matagal ng panahon pero dahil sa nangyari sa akin ay
hindi ko na magagawang itago pa ito dahil alam kong kakailanganin niyo ito.
Ang lahat ng laman ng envelope na ito, Mahal ko. Ang lahat ng lamang yan ay
para sa inyong mag-ina ko. Para sa kinabukasan ng Junior ko at sa kinabukasan mo
rin. Siguro�y kasya na rin yan upang magpagawa ka ng maayos na bahay tulad ng
ipinangako ko.
Maniwala ka sa akin Yna, gusto kong tuparin lahat ng ipinangako ko pero heto
lang ang kinaya ko.
Mahal na mahal kita Yna, mahal na mahal ko kayo ni Junior.
Marcus.
Sandali akong dumaan sa Sta. Cruz Church upang ipagpasalamat sa Diyos ang mga
bagay na natuklasan ko, ipinagpasalamat ko rin sa Diyos ang mga taong pinagsamahan
naming ni Marcus, ang pinakamasasayang araw ng buhay ko. Tama ang brochure na iyon,
hindi nga ako pinabayaan ng Diyos at isa ng patunay diyan ay ang pagpapahiram niya
kay Marcus sa akin.
Hindi ko alam kung gagamitin ko ang pera ni Marcus sa pagpapatayo ng bahay sa
ibang lugar, nagbago na ang isip ko. Mananatili ako sa Tondo, mananatili kami ni ni
Junior sa looban sa may Moriones, dahil ayokong mabura ang masasayang alaala naming
ni Marcus. At sa Moriones nabuo ang mga pangako at pangarap naming ni Marcus sa
isa�t isa.
Maliit ang bahay namin sa Moriones, maingay at minsan may gulo. Pero nandoon
ang mga masasayang alaala ko, ang mga panahong kasama ko si Marcus. Wala man siya
rito sa tabi ko alam kong sa maliit na bahay na iyon ay mararamdaman ko ang
pagmamahal niya.
Mula sa simbahan ay pumara sa akin ang isang maliit na babae na kulot ang
buhok na nakasuot ng panguniporme ng bangko ay may kasamang isang matangkad at
mestisuhin na lalaki na nakapangopisina rin.
Huminto ako at pinasakay ko sila.
�Miss saan po tayo?�
Ngumiti ang babae sa akin, �Sa Harrison po muna.�
� Oh saan tayo magkikita mamaya?� tanong ng kasama niyang lalaki sa kanya.
�Doon na lang tayo magdinner date sa loob ng Harrison Plaza. � sagot ng
babae.
�Sige, magkita na lang tayo sa loob ng Harrison.� Inakbayan siya ng lalaki at
saka siya hinalikan sa noo, �I love you, bebe. Happy monthsary!�
Niyakap siya ng babae, �I love you rin bebe ko.�
Napapangiti ako sa kanilang dalawa. Ang sweet nilang tignan, parang kami ni
Marcus noon. Sa tuwing makakakita na lang ako ng mga sweet na couple ay naaalala ko
palagi siya.
Nakikita mo ba sila Marcus? Ang sweet nila di ba, parang tayo. Kahit nasaan
ka man Marcus gusto kong sabihin sayo na mahal na mahal kita at maraming salamat
Marcus, dahil hindi mo ako binigo sa pagtupad ng mga pangako mo.