WIKA

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

WEEK 1-wikang-pambansa-opisyal-at-panturo.

ppt

Introduksyon sa Wikang Pambansa, Opisyal at Panturo

1. Wikang Pambansa Isang wikang magiging daan ng pagkakaisa at pag-unlad bilang simbolo ng
kaunlaran ng isang bansa.
2. Wikang Pambansa Kinikilalang pangkalahatang midyum ng komunikasyon sa isang bansa.
Kadalasan, ito ang wikang ginagamit sa pang-araw- araw na pamumuhay ng lahat ng
mamamayan ng isang bansa.
3. Wikang Pambansa  Ayon sa Saligang Batas ng Biak na Bato -Ang Tagalog ang magiging opisyal
na Wika ng Pilipinas.
4. Pagpili  Konstitusyon ng 1935, Artikulo XIV, Sek. 3 • “Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang
tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa mga na
umiiral na katutubong wika. Hanggang hindi nag tatadhana ng iba ang batas, ang Ingles at Kastila
ang patuloy ng gagamiting mga wikang opisyal”.
5. Walong Pangunahing Wika sa Bansa Tagalog Cebuano Ilokano Hiligaynon Bikol Samar-
Leyte o Waray Pampango o Kapampangan Pangasinan o Pangalatok
6. Pagpili  Suriang Wikang Pambansa (SWP) • itinatag noong Nobyembre 13, 1936 ng Batas
Pambansa Blg. 184 (binuo ng Saligang Batas Pambansang Asamblea) • Pinili ang Tagalog bilang
batayan ng bagong pambansang wika.
7. Pagpili Disyembre 30, 1937 • Pinili at ipirinoklama ng Pangulong Quezon ang Tagalog bilang
batayan ng bagong pambansang wika.
8. Manuel L. Quezon Ama ng Wikang Filipino Unang Presidente ng Komonwelt ng Pilipinas “Walang
pinakamahalaga sa sinumang tao kundi ang pagkakaroon ng kamalayan tungkol sa pagkakaisa ng
bansa, at bilang bayan, hindi tayo magkakaroon ng higit na kamalayan kung walang sinasalitang
wikang panlahat” – halaw mula sa kanyang talumpati sa Malakanyang.
9. Pagpili 1940 • Ipinag-utos ang pagtuturo ng Wikang Pambansa sa lahat ng pampubliko at
pribadong paaralan sa buong bansa.
10. Bakit pinili ang Tagalog bilang Wikang Pambansa?  Ang Tagalog ay malawak na ginagamit sa
mga pag-uusap ng mga Pilipino at marami din sa bansa ang nakakaintindi ng wikang ito.
11. Bakit pinili ang Tagalog bilang Wikang Pambansa?  Hindi ito nahahati sa mga mas maliliit at
hiwa-hiwalay na wika, tulad ng Bisaya.
12. Bakit pinili ang Tagalog bilang Wikang Pambansa? Ang tradisyong pampanitikan nito ang pinaka
mayaman at ang pinaka maunlad at malawak. Higit na mararaming aklat ang nakasulat sa
Tagalog kaysa iba pang mga katutubong wikang Awstronesyo.
13. Ito ang wika ng Maynila – ang kabiserang pampulitika at pang ekonomiya sa buong bansa.
14. At pinakahuli ay ang Tagalog din ang wikang ginamit noong rebolusyon at ng mga katipunero
kung saan ang salik na ito ay mahalagang elemento sa kasaysayan ng Pilipinas.
15. Hunyo 4, 1946 – Ipinagkaloob ng mga Amerikano ang ating kalayaan, ang Araw ng Pagsasarili ng
Pilipinas. Ipinahayag din na ang wikang opisyal ng bansa ay Tagalog at Ingles sa bisa ng Batas
Komonwelt Blg. 570.
16. 1959 – Ibinaba ni Kalihim Jose B. Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ang KAUTUSANG
PANGKAGAWARAN BILANG 7.
17. Nagsasaad na kailanma’t tutukuyin ang Wikang Pambansa, ang salitang PILIPINO ang gagamitin.
18. Saligang Batas ng 1973 – Ang Batasang Pambansa ay dapat magsagawa ng mga hakbang tungo
sa paglinang at pormal na adapsyon ng Wikang Pambansa na tatawaging FILIPINO.
19. 1987 -Pinalabas ni Lourdes Quisumbing ng Departamento ng Edukasyon, Kultura at Isports ang
Kautusan Blg 52 na nag-uutos sa paggamit ng Filipino bilang panturo sa lahat ng antas ng
paaralan kaalinsabay ng Ingles na nakatakda sa patakaran ng edukasyong bilinggwal.
20. Saligang Batas ng 1987 – FILIPINO ang ngalan ng Wikang Pambansa ng Pilipinas.
21. Artikulo 14 Seksiyon 6 ng Saligang Batas ng 1987 “ Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay
FILIPINO. Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa sa salig sa umiiral
na mga wika sa Pilipinas at iba pang wika’’.
22. Wikang Opisyal Itinadhana ng batas na maging wika sa opisyal na talastasan ng pamahalaan.
23. Wikang Opisyal Ginagamit sa opisyal na komunikasyon ng estado sa kanyang mga mamamayan
at ibang bansa sa daigdig.
24. Wikang Opisyal  Bago maging opisyal ang isang wika, maraming pag aaral ang isinagawa upang
malaman kung ano ang pinaka karapat dapat na wika para sa bansa. Tiniyak ng gobyerno na
tama ang pagpili ng wika para sa buong kapuluan at at nagbigyan daan ito sa pamamagitan ng
pagsaalang- alang ng ibat’ ibang salik.
25. Wikang Opisyal • Ayon kay Virgilio Almario ang wikang opisyal ay ang itinadhana ng batas na
maging wika sa opisyal na talastasan ng pamahalaan.
26. Paano naging wikang opisyal ang Wikang Pambansa?  Batas Komonwelt blg. 570 • Ang wikang
pambansa ay ipinahayag bilang opisyal na wika simula Hulyo 4, 1946  Konstitusyon ng 1973
(Artikulo XV, Sek. 3) • “Hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, ang Ingles at Filipino ang
magiging opisyal na wika.”
27. Paano naging wikang opisyal ang Wikang Pambansa?  Kasalukuyang Konstitusyon (Konstitusyon
ng 1987, Artikulo XIV, Seksyon 6 & 7) • “Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino.
Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na Wika sa
Pilipinas at sa iba pang mga wika. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga
wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino, at hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles…”
28. Wikang Panturo Ang wikang panturo ang opisyal na wikang ginagamit sa pormal na edukasyon.
29. Wikang Panturo  Ito ang wika ng talakayang guro-mag-aaral na may kinalaman sa mabisang
pagkatuto dahil dito nakalulan ang kaalamang matututuhan sa klase.
30. Wikang Panturo  Ito ang wika sa pagsulat ng mga aklat at kagamitang panturo sa mga silid
aralan.
31. Wikang Panturo Sa pangkalahatan ay FILIPINO at INGLES ang mga opisyal na wika at wikang
panturo sa mga paaralan.
32. Mother Tongue- Based Multi-Lingual Education  Sa K to 12 Curriculum, ang mother tongue o
unang wika ng mga mag-aaral ay naging opisyal na wikang panturo mula Kindergarten hanggang
Grade 3.
33. Wikang Panturo 19 na Wika Tagalog Kapampangan Pangasinense Iloko Bikol Chavacano
Cebuano Ybanag Ivatan Sambal Aklanon Kinaray-a Yakan Surigaonon Hiligaynon Waray Tausug
Maguindanaoan Maranaw
34. Wikang Panturo Ang mga wika at dayalektong ito ay ginagamit sa dalawang paraan: A) Bilang
hiwalay na asignatura B) Bilang wikang panturo
35. Wikang Panturo Ayon kay DepED Secretary Brother Armin Luistro, FSC “Ang paggamit ng
wikang ginagamit din sa tahanan sa mga unang baitang ng pag-aaral ay makatutulong
mapaunlad ang wika at kaisipan ng mga mag-aaral at makapagpapatibay rin sa kanilang
kamalayang sosyo-kultural”
36. Ilan pang mahahalagang batas tungkol sa Wika  Proklamasyon Blg. 19 (Agosto1988) •
Idineklara ang pagdiriwang ng Linggo ng Wika mula ika-13 hanggang 19 ng Agosto kada taon. 
Proklamasyon Blg. 1041 (Enero 1957) idineklara naman ni Pangulong Fidel V. Ramos ang buong
buwan ng Agosto bilang Pambansang Buwan ng Wika
37. Ilan pang mahahalagang batas tungkol sa Wika  Memorandum Sirkular Blg. 59 (Disyembre
1996) • Nagtatadhana na ang Filipino ay bahagi na ng kurikulum na pangkolehiyo, ayon sa CHED.
Nag atas ito ng pagsasasama sa mga kurikulum ng siyam (9) na yunit ng Filipino sa mga kolehiyo
at pamantasan.

About

Support

Terms

Privacy

Copyright

Cookie Preferences

Do not sell or share my personal information

© 2023 SlideShare from Scribd

You might also like