Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan IV

Ikalawang Markahan
Aralin 10 – Ikalawang Araw

I. Layunin
Natutukoy ang mga oportunidad kaugnay ng mga gawaing pangkabuhayan.
II. Nilalaman
A. Paksa
Pagtukoy sa Oportunidad ng mga Gawaing Pangkabuhayan
B. Sanggunian
Yunit 2, Aralin 10
TG, pp. 79-82, LM, pp. 164-170
K to 12 AP4LKE-IIa-1
C. Kagamitan
Cartolina, panulat
III. Pamamaraan
A. Aktibiti
1. Balitaan
2. Balik-aral
Ano-ano ang mga hamon kaugnay ng mga gawaing pangkabuhayan?
3. Pangganyak
Pangkatang Gawain: Ayusin ang jumbled letters.
MONAH DADOPROUTNIU
B. Paglinang ng Aralin
1. Paglalahad
Suriin ang nilalaman ng bawat biluhaba. Ilarawan ang pagkakaugnay ng mga
datus.

Oportunidad
Hamon
Pagpapatayo ng
Sakuna sa dagat Kabuhayan
bagong pantalan

Climate change Pangingisda Makabagong


teknlohiya sa
El Niño Pagsasaka pagsasaka
phenomenon Bagong pag-aaral
tungkol sa

Pangkatang Gawain: “Search the Area”


Mag-uunahan ang bawat pangkat na mahanap ang mga istrip ng papel na
may nakasulat na hamon at oportunidad. Ilagay sa envelop ang mga istrip ng
papel na may nakasulat na hamon at idikit sa mla. paper ang mga istrip na may
nakasulat na oportunidad.
2. Analisis
Ano kaya ang kaugnayan ng bawat isa?
3. Abstraksyon/Paghahalaw
a. Ano-ano ang mga oportunidad sa mga gawaing pagsasaka?
b. Ano-ano ang mga oportunidad sa mga gawaing pangingisda?
c. Ano ang dapat gawin sa mga oportunidad na ito?
4. Paglalahat
Ano-ano ang mga oportunidad sa pangkabuhayan mayroon sa ating bansa?
5. Aplikasyon
Matagal mo nang pangarap ang maging “Engineer” , subalit walang
kakayahan ang iyong mga magulang na tustusan ang iyong pag-aaral. May isang
organisasyon sa inyong lugar na nag-aalok ng libreng pag-aaral. Ito ay ang
pagbibigay ng pagkakataon para makapag-aral ng tamang paraan ng pagsasaka.
Tatanggapin mo ba? Bakit?
6. Ebalwasyon/Pagtataya
Panuto: Isulat ang O kung tumutukoy ito sa oportunidad at H kung hindi.
1. Pagbili ng mga modernong kagamitan sa pangingisda tulad ng underwater
sonars at radar.
2. Pagkasira ng kalikasan at pagbabago ng panahon tulad ng EL NIŇO at LA
NIŇA.
3. Paggamit ng mga makabagong teknolohiya para mapabilis ang produksyon.
4. Pagkasira ng mga tahanan ng mga isda sa ilalim ng dagat at hindi
epektibong pangangalaga sa mga yamang dagat lalo na sa mga protektadong
lugar.
5. Pagkakaroon ng mga kooperatibang naglalayong masuportahan ang maliit na
mangingisda.
IV. Kasunduan

Kopyahin ang talahanayan sa sagutang papel. Punan ng tamang datos.


Gawaing Hamon Oportunidad
Pangkabuhayan

You might also like