KKCA_FILIPINO

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

ROWING MINDS TUTORIAL CENTER

KKCA_ FILIPINO 5
TH
4 QUARTERLY ASSESSMENT

Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap. Bilugan ang titik ng wastong sagot.

1. “Sina Anna at Marie ay matalik na magkaibigan”. Anong tawag sa mga salitang may salungguhit?
A. Sipi B. Paksa C. Panaguri D. Payak
2. “Mabilis na tumakbo ang mga tao para malaman ang nangyayari”. Anong bahagi ng pangungusap
ang may salungguhit?
A. Panaguri B. Sipi C. Payak D. Simuno
3. Ito ang bahaging pinag uusapan sa pangungusap?
A. Payak B. Simuno o Paksa C. Sipi D. Panaguri
4. Bahaging nagsasabi tungkol sa simuno?
A. Simuno o Paksa B. Payak C. Sipi D. Panaguri
5. “Sila ay tumutulong sa paglikas ng mga residente mula sa mapanganib na lugar”. Anong
mapapansin mo sa simuno?
A. Ito ay payak.
B. Ito ay tambalan
C. Ito ay dalawa ang pinag uusapan
D. Ito ay higit sa dalawa ang pinag uusapan
6. Paano mo masasabi na ang isang pangungusap ay payak ang simuno o paksa?
A. Kung iisa lamang ang pinag uusapan o paksa.
B. Kung isa lamang ang paglalarawan na ibinibigay nito sa pangungusap.
C. Kung dalawa ang pinag uusapan o paksa.
D. Kung dalawa ang paglalarawang ibinigay sa paksa.
7. Masasabi mo na ang payak ang panaguri kung ito ay _______?
A. Kung iisa lamang ang pinag uusapan o paksa.
B. Kung isa lamang ang paglalarawan na ibinibigay nito sa pangungusap.
C. Kung dalawa ang pinag uusapan o paksa.
D. Kung dalawa ang paglalarawang ibinigay sa paksa.
8. Paano mo masasabi na ang isang pangungusap ay may tambalang panaguri?
A. Kung iisa lamang ang pinag uusapan o paksa.
B. Kung isa lamang ang paglalarawan na ibinibigay nito sa pangungusap.
C. Kung dalawa ang pinag uusapan o paksa.
D. Kung dalawa ang paglalarawang ibinigay sa paksa.
9. Tambalan ang simuno kung ito ay _________?
A. Kung iisa lamang ang pinag uusapan o paksa.
B. Kung isa lamang ang paglalarawan na ibinibigay nito sa pangungusap.
C. Kung dalawa ang pinag uusapan o paksa.
D. Kung dalawa ang paglalarawang ibinigay sa paksa.
10. Anong mapapansin mo sa pangungusap na ito? “Naulan na”.
A. May paksa at panaguri.
B. Meron lamang paksa.
C. Walang paksa.
D. May paksa at walang panaguri.
11. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nasa Karaniwang Ayos?
A. Nakabihis at handa ng umalis ang mga anak natin.
B. Siya ay gumising ng maaga para makapagluto ng almusal.
C. Si Kuya ang maghahatid sa airport.
D. Ang mga opisyales ay abala sa gagawing proyekto.
12. Alin naman sa mga sumusunod na pangungusap ang nasa Di Karaniwang Ayos?
A. Malakas na sigaw ang narinig sa palengke.
B. Isang wallet ang inagaw sa babae.
C. Ang mabuting tao ay sumusunod sa batas.
D. Sinampahan ng reklamo ang magnanakaw.
13. Uri ng pangungusap na nag uutos at nagtatapos sa bantas na tuldok.
A. Patanong B. Pakiusap C. Pautos D. Pasalaysay
14. Uri ng pangungusap na nagtatanong o nag uusisa at nagtatapos sa bantas na tandang pananong.
A. Pasalaysay B. Patanong C. Padamdam D. Pakiusap
15. Uri ng pangungusap na nagsasalaysay o nagsasabi tungkol sa paksa at nagtatapos sa bantas na
tuldok.
A. Pautos B. Pasalaysay C. Patanong D. Padamdam
16. Uri ng pangungusap na ginagamitan ng mga salitang maaari, paki, pwede ba at iba pa.
A. Pakiusap B. Pautos C. Pasalaysay D. Patanong
17. Uri ng pangungusap na nagpapahayag ng matinding damdamin tulad ng tuwa, sakit, galit at gulat.
Ito ay gumagamit ng bantas na tandang padamdam.
A. Pasalaysay B. Patanong C. Pakiusap D. Padamdam
18. “Hindi gaanong matalino si Marie ngunit matiyaga siyang nag aaral. Anong kayarian ng
pangungusap ito?
A. Payak B. Tambalan C. Hugnayan D. Langkapan
19. Sumasayaw sila at pumapalakpak naman ang iba kapag natapos na ang isang pangkat. Anong
kayarian ng pangungusap ito?
A. Payak B. Tambalan C. Hugnayan D. Langkapan
20. Siya ang nagpapasaya sa amin. Anong kayarian ito ng pangungusap?
A. Payak B. Tambalan C. Hugnayan D. Langkapan
21. Ako ang nagtatanim at nagdidilig. Anong kayarian ng pangungusap ito?
A. Payak B. Tambalan C. Hugnayan D. Langkapan
22. Mababasa rito ang mga pangunahing balita na mula sa iba’t ibang bansa sa mundo.
A. Balitang Pandaigdig C. Pahinang Panlibangan
B. Balitang Panlalawigan D. Pangmukhang Pahina
23. May takdang aralin ka para malaman ang pangunahin o malaking balita sa ating bansang Pilipinas.
Anong bahagi ng pahayagan ang gagamitin mo?
A. Balitang Pandaigdig C. Pamukhang Pahina
B. Anunsiyo Klasipikado D. Lathalain
24. Mababasa sa mga bahaging ito ang mga artikulong may kaugnayan sa pamumuhay, tahanan,
pagkain, paghahalaman, paglalakbay, at iba pang aspekto ng buhay sa lipunan.
A. Pitak Pantahanan C. Obitwaryo
B. Editoryal/ Pangulong Tudling D. Libangan
25. Ito ay paglalahad ng sariling saloobin at paninindigan tungkol sa isyu.
A. Opinyon C. Libangan
B. Lathalain D. Obitwaryo
26. Sa pahinang ito ng pahayagan inilalahad ang mga balitang nakalap mula sa lalawigan ng bansa.
A. Paglalarawang Tudling C. Balitang Pampalakasan
B. Balitang Komersyal D. Balitang Panlalawigan
27. Ito ay malikhaing pagguhit na tumatalakay sa iba’t-ibang napapanahong isyung panlipunan.
A. Balitang Komersiyo C. Paglalarawang Tudling
B. Anunsiyo Klasipikado D. Balitang Pandaigdig
28. Nakalaan ang pahinang ito para sa anunsiyo tungkol sa mga namayapa na.
A. Libangan C. Lathalain
B. Obitwaryo D. Opinyon
29. Sa bahaging ito mababasa ang mga kaganapan sa iba’t ibang larong pampalakasan sa loob at labas
ng bansa.
A. Balitang Pandaigdig C. Balitang Panlalawigan
B. Pangmukhang Pahina D. Balitang Pampalakasan
30. Ito ay sulatin o artikulo sa isang pahayagan na naglalayong tumuon sa isang natatanging isyu sa
paraang hindi nagbabalita.
A. Libangan C. Balitang Komersiyo
B. Lathalain D. Anunsiyo Klasipikado
31. Ang pahinang ito ay naglalaman ng kuro-kuro o puna na isinulat ng punong patnugot at iba pang
kapita-pitagang patnugot hinggil sa isang napapanahong paksa o isyu. Naglalaman ito ng opinion o
pananaw ng buong patnugutan ng pahayagan.
A. Pangulong Tudling/ Editoryal C. Pangmukhang Pahina
B. Paglalarawang Tudling D. Pitak Pantahanan
32. Ang pahinang ito sa pahayagan ay higit na nakalaan para sa mga mambabasang naghahanap ng
trabaho at naghahanap ng mabibiling ari- arian.
A. Libangan C. Anunsiyo Klasipikado
B. Balitang Pampalakasan D. Opinyon
33. Mababasa dito ang mga ulat na may kaugnayan sa kalakalan, industriya, at komersiyo. Dito rin
nalalaman ang kasalukuyang estado ng Philippine Stock Exchange at ang palitan ng piso kontra sa
salapi ng ibang mga bansa.
A. Anunsiyo Klasipikado C. Lathalain
B. Balitang Komersiyo D. Pangulong Tudling/ Editoryal
34. Ito ay isa sa makulay na bahagi ng pahayagan na naglalaman ng mga balita tungkol sa artista,
pelikula, telebisyon, at iba pang sining. Mababasa rin dito ang mga paparating na mga konsiyerto ng
mga iba’t-ibang mang await sa ating bansa maging ang mga kilala sa naturang sining sa ibang
bansa.
A. Libangan C. Obitwaryo
B. Pitak Pantahanan D. Balitang Komersiyo
35. Ito ay gamit sa pagpapakita ng pisikal na representasyon ng mga lugar. Maaaring maging tuon nito
ang ekonomiya, teritoryo, turismo, mga produkto ng mga lugar sa bansa at iba pa.
A. globo B. mapa C. tsart D. graph
36. Ito ay gamit sa pagpapakita ng relasyon ng mga datos sa isa’t- isa.
A. globo B. mapa C. tsart D. graph
37. Ginagamit ito upang ipakita ang lohikal na pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
A. globo B. mapa C. tsart D. graph
38. Uri ng graph na ginagamit ang baha-bahagi ng isang bilog upang kumakatawan sa mga datos.
A. pie graph B. line graph C. bar graph D. pictograph
39. Gumagamit ng mga bar bilang representasyon ng mga datos.
A. pie graph B. line graph C. bar graph D. pictograph
40. Linya naman ang pinakamahalagang element sa grap na ito.
A. pie graph B. line graph C. bar graph D. pictograph

You might also like