3rd-Grading-FILIPINO

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 10

Department of Education

Region III – Central Luzon


Schools Division of Pampanga
STA. CRUZ MAIN ELEMENTARY SCHOOL
Sta. Cruz, Masantol, Pampanga

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT sa FILIPINO 3


PT 2019-2020

PANGALAN: ______________________________________ ISKOR:____________


GURO: ___________________________________________ ANTAS: ___________

PANUTO: Basahing mabuti ang bawat aytem. Piliin ang titik ng tamang sagot at
itiman ang katumbas na bilog sa sagutang papel.

1. Basurang
Huwag ilalagay sa sulok.

Alin sa mga pares ng salita ang magkatugma?

A. basura-nabubulok
B. huwag-basura
C. ilalagay – sulok
D. nabubulok - sulok

2. Alin ang tambalang salita sa loob ng pangungusap?

Nagpunta ang mga bata sa silid-aklatan upang magbasa ng aklat na gusto nilang
basahin.

A. basahin
B. magbasa
C. nagpunta
D. silid-aklatan

3. Aling pangkat ng mga salita ang naglalarawan ng lugar?

A. maliit, bago, pula, makintab


B. malayo, makipot, maluwang, maliit
C. maamo, mabilis, mabalahibo, maliit
D. palaaral, mabait, maganda, masunurin

4. Matulis na kutsilyo ang dala niya.

A. dala
B. kutsilyo
C. matulis
D. niya

5. Nakakatakot na krimen ang naganap kanina sa palengke. Alin sa mga salita


ang may klaster?

A. kanina
B. krimen
C. nakakatakot
D. naganap

6. Naligaw ang bata kaya siya ay iyak nang iyak. Alin ang salitang may diptonggo?

A. bata
B. iyak
C. kaya
D. naligaw

7. Isang mahiwagang gilingan ang pinangggalingan ng asin. Ano ang


kasingkahulugan ng salitang nakasalungguhit?

A. dambuhala
B. misteryoso
C. pangkaraniwan
D. tradisyunal

8. Madali lamang puntahan mula sa inyong bahay ang ating bagong pamilihan. Ang
salitang kasalungat ng salitang nakasalungguhit ay______

A. mabilis
B. mahirap
C. maganda
D. masarap

9. Maamo ang pusa. Ano ang kasalungat na kahulugan ng salitang nakasalungguhit?

A. mabangis
B. mabilis
C. mahirap
D. tahimik

10. Umalis kahapon si Aling Delya na dala-dala ang mga masasarap na prutas na
kanyang piñatas sa kanilang bukirin. Alin ang salitang sumasagot sa tanong kung
saan pinitas ni Aling Delya ang mga masasarap na prutas?

A. bukirin
B. kahapon
C. masasarap
D. prutas
11. Sipiin at iwasto ang talata.

Si rodrigo duterte ay ang pangulo ng Pilipinas.Siya ay matapang at handang


harapin ang mga problema ng kanyang bansang pinamumunuan.mahal niya ang
kanyang mga kababayan.

12. Sipiin at iwasto ang pangungusap.

Ang Luzon ay isa sa mga tatlong malalaking pulo ng pilipinas..

_________________________________________________________________

13. Gumuhit ng isang parihaba.Sa loob nito, isulat ang salitang Manigong Bagong
Taon!

Kulayan ito ng kahel. Alin sa mga sumusunod ang sumunod sa panuto?

Manigong Bagong Taon!


A.

B. Manigong Bagong Taon!

Manigong Bagong Taon!


C.

Manigong Bagong Taon!


D.

14. Ginawang maayos ni Elsa ang kanyang proyekto kaya naman nakakakuha siya ng
mataas na marka kahapon. Ang salitang kahapon ay sumasagot sa tanong na____

A. Ano
B. Kailan
C. Paano
D. Saan

15. Nahirapan sa biyahe ang mga magkakapatid dahil sa lakas ng ulan at hangin.
Ano ang angkop na tanong ang masasagot ng pangungusap?

A. Ilan ang magkakapatid?


B. Gaano kalakas ang hangin at ulan ?
C. Bakit nahirapan sa biyahe ang magkakapatid?
D. Kailan nahirapan sa biyahe ang magkakapatid?
16. _________sa Bundok Arayat ang mga mag-aaral para mapag-aralan kung paano
namumuhay ang mga tao rito. Alin ang nararapat na pandiwa para makumpleto
ang pangungusap?

A. akyat
B. aakyat
C. umakyat
D. umaakyat

17. Alin sa mga sumusunod na salita ang hango sa nakabigay na mahabang salita na
kapayapaan na ang ibig sabihin ay ang tahimik.

A. kapa
B. kapay
C. paan
D. payapa

18. Ang pagkasira ng gripo ay ang dahilan ng pagbaha ng bahay nina Aling Nena
Alin sa pangungusap ang salitang may klaster?

A. bahay
B. gripo
C. Nena
D. pagbaha

19. Anong pantig ang angkop sa ___ yola upang makabuo ng salitang may klaster na
ang ibig sabihin ay ang pangkulay ng mga bata sa kanilang mga gawain sa
paaralan?

A. kra
B. mra
C. pra
D. tra

20. Nakita mong umiiyak ang isang bata at siya ay gutom na gutom. Ano ang wastong
pangngusap para sa iyong reaksiyon?

A. Nakakaawa naman ang bata.


B. Nakakaawa naman ang bata?
C. Nakakaawa naman ang bata!
D. Nakakaawa naman ang bata,

21. Ang Baguio ay tinaguriang Summer Capital of the Philippines. Maraming mga tao
ang dumarayo rito dahil sa malamig na klima. Mayroon din doong magagandang
pasyalan na nagdudulot ng kasiyahan sa mga bakasyonista. Ang makukulay na
bulaklak at sarisaring gulay ang malimit na sadya ng mga umaakyat sa Baguio.

Saang pangungusap matatagpuan ang paksang pangungusap?

A. Ikaapat na Pangungusap
B. Pangalawang pangungusap
C. Pangatlong Pangungusap
D. Unang pangungusap

22. Magaspang na ang kamay ni Nanay


Buhok niya’y pumuputi na rin ang kulay
Subalit tanggap niya lahat ng bagay
Wala siyang reklamo sa mga gawain niya sa bahay

Ano ang paksa ng saknong ng tula?

A. Ang nanay ay malusog


B. Ang nanay ay maganda.
C. Ang nanay ay nagrereklamo na
D. Mahirap ang gawain ng isang nanay.

Mahal ng magkapatid na Joel at Ira ang kanilang alagang pagong.Marami


rin silang tanim na halaman. Hindi nila ito pinapabayaang magutom. Linggo-linggo
ay pinapalitan nila ng tubig ang aquarium na pinaglalagyan nito.

23. Alin ang pangungusap ang hindi sumusuporta sa kaisipan ng talata?

A. Marami silang tanim na halaman.


B. Hindi nila pinapabayaang magutom ang kanilang alaga.
C Mahal ng magkapatid na Joel at Ira ang kanilang alagang pagong.
D. Lingo-linggo ay pinapalitan nila ng tubig ang aquarium na pinaglalagyan nila.

24. Si Bruno ay maraming masamang bisyo. Araw-araw siya naninigarilyo.


Pagsapit ng gabi walang tigil sa kakainom ng alak. Wala siyang ganang kumain
dahil pagkainom ng alak ay nakakatulog na lamang siya sa sobrang kalasingan.
Alin ang magiging bunga ng pangyayari?

A. Si Bruno ay tataba.
B. Si Bruno ay lalakas.
C. Si Bruno ay magkakasakit.
D. Si Bruno ay magiging malusog at hindi sakitin

25. Isang hapon,pagkauwi ni Jena galing sa klase ay nakipag-laro na siya sa


kanyang mga kaklse. Nawili siya sa kakalaro hindi niya namalayan gumabi na pala
at hindi pa siya nakauwi sa kanilang bahay. Ano ang maaring kalabasan ng
pangyayari?

A. Hindi siya hahanapin sa kanila.


B. Makikitulug na lang siya sa kanyang mga kaklse .
C. Ipagpapatuloy pa rin niya ang kanyang pakikipaglaro.
D. Hahanapin at susunduin na siya ng kanyang mga magulang

Basahin ang seleksiyon at sagutin ang mga tanong

Hindi Makatulog
Malalaim na ang gabi hindi pa rin makatulog si Nena. Pabiling-biling siya sa
kanyang higaan. Pinalitan na niya ng manipis na damit pantulog ang kanyang suot
na pranelang padyama bago siya humigang muli.
Ngunit hindi pa rin siya makatulog. Ang ginawa niya ay bumangong muli at
nagbukas ng isang bintana. Inalis na niya ang kanyang kulambo at kumuha ng
pamaypay. Pinatay din niya ang ilaw bago siya ulit humiga sa kama.

26. Bakit hindi makatulog si Nena??

A. dahil maiinit
B. dahil maiingay
C. dahol malamig
D. dahil maysakit siya

27. Bakit nagbukas ng isang bintana si Nena?

A. upang lumiwanag ang kanyang silid


B. upang makita ang mga bituin sa labas
C. upang may hanging pumasok sa kanya silid
D. upang dumaaan sa bintana pagkagising niya.

Malinis na kapaligiran
Ay napakagandang pagmasdan
Ihip ng sariwang hangin
Ay kaysarap nitong damhin.

Ibat-ibang halaman sa bukirin


Kaaya-ayang pansinin
Isdang palanguy-langoy sa ilog
Sa kakatingin mata mo’y bubusog

28. Ano angkop na pamagat para sa tula?

A. Ang mga Isda


B. Ang mga Hayop
C. Ang mga Halaman
D. Ang mga Nakikita sa Paligid

Makinig nang mabuti sa babasahing seleksiyon ng guro at sagutin ang bilang


(#29-#30)
(Isang Kahilingan)

29. Bakit malimit nauunang dumating sa bahay si Nilo?

A. Nauuna siyang lumabas.


B. Sumasakay siya ng dyip.
C. Mabilis siyang maglakad.
D. Hindi niya tinatapos ang kanyang klase.

30. Bakit naglalakad lamang si Ninoy sa pag-uwi?

A. Nagtitipid siya
B. Wala siyang baon
C. Natatakot siyang sumakay ng dyip
D. Inuubos niya ang kanyang baon sa pagbili ng sitsirya
31. Alin ang wastong pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari?

Sayang!

1. Tinawag niya si Lito sa kanyang silid para gisingin.


2. Inutusan si Lito na isilong ang kahoy na nakabilad sa labas dahil paalis siya.
3. Napansin niya na mukhang uulan.
4. Papunta sa palengke ang nanay ni Lito.
5. Nakaalis na ang nanay hindi pa rin siya nagising.
6. Biglang bumuhos ang ulan at nabasa ang kahoy.

A. 1-2-3-4-5-6
B. 1-5-4-3-2-6
C. 2-4-1-5-3-6
D. 4-3-1-2-5-6

32. Binigyan kayo ng takdang–aralin ng iyong guro para sa susunod na araw


Maraming teleserye ang pinapanood sa T.V. Ano ang gagawin mo?

A. Bahala na kinabukasan kahit walang takdang-aralin.


B. Ipapagawa na lang sa nanay at ikaw ay manonood.
C. Manood na lang at hindi na gagawin ang takdang-aralin.
D. Pagkauwi, gagawin na kaagad ang takdang – aralin upang makapanood din.

Ang kasipagan at pagtitiyaga ay mahalaga sa buhay. Bawat naisin natin kung


tayo ay masipag at matiyaga ay makakamtan natin ang mga ito. Walang hindi
magagawa sa buhay kung nanaisin na gawin ang mga bagay bagay. Hindi
humihinto sa paggawa ang taong masipag hanggang sa matapos ang kanyang
mga ginagawa.

33. Bakit mahalaga ang kasipagan at pagtitiyaga sa buhay?

A. Para yumaman.
B. Dahil gusto mo lang magtrabaho.
C. Dahil kailangan sumunod sa utos ng magulang.
D. Dahil ang mga ito ay magiging daan tungo sa tagumpay.

Pakikinig: Pakinggan ang isyu at sagutin ang tanong tungkol dito.

34. Bakit lumulubha na ang kalagayan ng ating Inang Mundo?

A. Dahil sa malasakit ng mga tao.


B. Dahil sa kapabayaan ng mga tao.
C. Dahil sa pagtutulungan ng mga tao.
D. Dahil sa pag-aalaga ng mga tao dito.

35. Pakinggan ang anunsyo. Sagutin ang tanong tungkol dito.


Ano ang nais iparating ng anunsyo?

A. Magkakaroon ng Patimpalak sa Pag-awit.


B Magkakaroon ng Patimpalak sa Sayawan.
C. Magkakaroon ng Patimpalak sa Pag-guhit
D. Magkakaroon ng Quiz Bee tungkol sa mga nabasang tula at kwento.
36. Ano ang maaring wakas ng kwento?

A. Nabasag ang pitsel .


B. Natuwa si Aling Mameng.
C. Bumili si Sonya ng bagong pitsel.
D. Masaya si Sonya dahil nabasag niya ang pitsel
37. Sumulat ng isang ulat tungkol sa larawan.

38-40. Sumulat ng tatlo hanggang apat na pangungusap na nagsasalaysay sa


pamagat na” Ang Aking Paboritong Laruan”
FILIPINO 3: IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA PT 2019-2020
PAKIKINIG

(Seleksiyon para sa Bilang #29 at # 30)

Sa Oras ng Pangangailangan

Magkasing dami ang bigay na pera ng ina ng magkapatid na Nilo at Ninoy sa


kanila. Labis iyan kung kayo ay magtitipid,” wika ni Aling Isiang.”Titingnan ko kung sino
sa inyo ang makakaipon.”
Malimit dumating ng bahay si Lino. Karaniwan may uwi siyang sitsirya. Si Ninoy
naman ay malimit na nahuhuli sa pag-uwi.”Naglalakad lamang ako Inay,” sabi niya.
Isang araw nagkaroon ng iskursyon ang paaralan.Dalawang daang piso ang
kailangan ng isang bata upang makasama. Masaya si Ninoy, ngunit si Nilo ay
malungkot, sapagkat hindi siya makakasama.

(Isyu para sa Bilang #34)

Dahil sa ating kapabayaan, lumulubha ang kalagayan ng Inang Mundo.


Habang may panahon, bigyan natin ng lunas ang karamdamdaman ng Inang Mundo.
Magtulungan tayo. Matuto tayong magpahalaga sa ating kaisa-isang tahanan. Iligtas
natin si Inang Mundo.

(Anunsyo para sa Bilang #35)

(Seleksyon para sa Bilang #36)

Bakit Umiyak si Sonya

Nakaramdam ng uhaw si Aling Mameng habang siya ay namamalantsa ng kanilang


damit. Tinawag niya si Sonya para utusan na magdala ng baso at pitsel na may tubig
para makainom siya.Biglang sumigaw si Sonya.Nang makita ni Aling Mameng si
Sonya ay umiiy ak at walang dalang pitsel.

You might also like