Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

TALAMBUHAY NI FRANCISCO BALAGTAS Isinilang si Francisco Balagtas sa Panginay, Bigaa (ngayos Balagtas), Bulacan noong Abril 12, 1788.

Ang mga magulang niya ay sina Juan Balagtas at Juana de la Cruz. Kilala rin siya sa pangalang Francisco Baltazar o Kikong Balagtas. Ang kanyang asawa ay si Juana Tiambeng taga Orion, Bataan at nagkaroon ng pitong anak. Bata pa si Kikong Balagtas as mahilig na talaga siya sa kalikasan tulad ng pagmamasid sa mga luntiang kapaligiran, pakikinig sa mga pagaspas ng mga dahon ang awit ng mga ibon. Mahilig din siyang magkumpara and mga bituin sa mga alipato at apoy na nagmumula sa pagpapanday ng kanyang ama, at ang tunog ng sapatos ng mga kabayo na para sa kanya ay inihambing niya sa musika. Sa murang idad, hindi maikaila kay Kiko ang mga pagmamalupit ng mga Espanyol sa mga kababayan niyang Pilipino. Hindi siya mapakali sa nararamdaman na may hindi magandang nangyayari sa kanyang bayan ngunit di niya ito lubos na maunawaan. Hanggang sa nasubukan niyang umibig sa pamamagitan ni Celia. Ngunit ang pag-iibigang ito ang nagbigay ng gulo sa kanyang buhay. Siya ay ipinakulong ng walang kasalanan at katarungan ng kanyang karibal na Espanyol at may mataas na katuangkulan sa bayan noong panahon ng kastila. At isa itong cacique, doon niya naunawaan ang mga nangyayari at nararamdaman ng kanyang mga kababayan. At dahil dito, isinulat niya ang kanyang tula na Florante at Laura. Ito ang kanyang obra maestro, na nagbubulgar sa mga pang-aabuso at pagmamalupit ng mga Espanyol sa mga Pilipino. Ang tulang ito ay naglalarawan kung ano ang tunay na nangyayari sa kanyang bayan, at mga aral sa pang-araw-araw ng buhay sa katarungan, sa pagmamahal, pag galang sa mga nakakatanda, sa sipag at tiyaga sa disiplina at sa kabayanihan. At dahil sa tanyag na tula, pinangalanan siyang Hari ng Makatang Pilipino. Si Francisco Balagtas ay namatay noong Pebrero 20, 1862. TALAMBUHAY NI JOSE CORAZON DE JESUS Si Jose Corazon de Jesus, na pinalayawan ng Pepito, ay isinilang sa isang bahay sa Daang Trinidad, purok ng Sta. Cruz, Maynila, noong ika-22 ng Nobyembre, 1894. Siya ay ang ikalawang anak ni Dr. Vicente de Jesus, ng Sta. Maria, Bulakan, at unang direktor na Pilipino ng Kawanihan ng Kalinisan, at ng Kapampangang si Gng. Susana Pangilinan. Ang kanyang dalawang kapatid ay sina Vicente,Jr., na siyang panganay, at si Rosa, ang bunso. Sa tatlong magkakapatid, si Pepito, Pitong sa kanyang ama't ina, ang pinakamalapit sa kanyang ina. Ang dahilan nito ay noong bata pa si Pepito ay masasakitin ito at galisin pa, kaya madalas siyang inaalagaan ng kanyang nanay. Bata pa lamang si Pepito ay namulat na siya sa mga tulang tagalog, awit at korido, sa "Florante at Laura", "San Raymundo", at iba pang aklat na tagalog na lubhang babasahin noong araw. Masasabing dito nagsimula ang pagtangkilik at pagkabihasa ni Pepito sa tulang tagalog. Mahilig rin siya sa pag-awit, pagtugtog ng piyano, at ng iba't ibang larong pampalakas. Sa bayan ng kanyang ama siya nag-aral ng unang baitang. Maligaya ang kabataan ni Pepito rito at ito marahil ang nagtulak sa kanya upang sabihin na dito siya inuluwal. Nang makatapos siya ng primarya ay inilipat siya sa Liceo de Manila, isa sa mga pinakasikat na paaralan sa Maynila noon, upang mag-hiaskul. Nang siya'y nakapagtapos ay nag-aral naman siya ng abosya sa

Escuela de Derecho. Nang magtapos siya ng batas noong 1919 ay hindi siya kumuha ng iksamen upang maging tunay na abogado. Sa halip ay ipinagpatuloy ang kanyang matagal ng hilig, ang pagtula. Noong Oktubre ng 1918 ay itinanan ni Jose Corazon ang binibining si Asuncion Lakdan. Sa kanilang pagsasama ay nagkaroon sila ng tatlong anak. Ang mga ito ay sina Teresa, Jose at Rogelio. Si Jose Corazon ay hindi lamang makata at manunulat kundi isa rin namang mamamahayag. Naging manunulat siya sa mga pahayagang "Demokrasya", "Pagkakaisa", "Taliba", "Mabuhay", at "Sampagita". Pero higit siyang kilala sa larangan ng "Balagtasan" at pagbigkas. Hanggang ngayon ay siya pa rin ang hinihirang na pinakamagaling sa dalawang larangang ito. Si Jose Corazon de Jesus, o Huseng Batute, ay binawian ng buhay ng ganap na ika-12:02 ng tanghali, noong Mayo 26, 1932 sa Ospital Heneral dahil sa isang sakit sa bituka. BALAGTASAN Ang balagtasan ay ang sagutan mula sa magkaibang panig na may iisang paksa. Ang ilan dito ay tungkol sa paghihiwalay ng mag-asawa, paglipat sa ibang bansa at marami pang iba. Ang balagtasan ay hinango sa pangalan ni Francisco Balagtas ( Fancisco Baltazar y dela Cruz na kinikilala ding "Kiko" ). ang balagtasan ay isang sining kung saan inilalahad sa isang uri ng panitikan ang mga saloobin o mga gustong ipahayag ng isang tao sa pamamagitan ng pananalitang may mga tugma sa huli (rhyme). Isa itong uri ng pagtatalo ng dalawang magkaibang panig ukol sa isang paksa. Isa itong pagtatalo sa patulang pamamaraan. Kadalasan itong binubuo ng tatlong magtatanghal: -dalawang magtatalo na magkasalungat ang pananaw -isang tagapamagitan na tinatawag na lakandiwa (lalaki) o lakambini (babae) Nabuo ang konseptong ito sa isang pagpupulong nang mga nangungunang manunulat noong Marso 28, 1924, Linggo, sa tanggapan ni Rosa Sevilla sa Instituto de Mujeres (Women's Institute), Tondo, Maynila. Ito ay naganap bilang paghahanda sa pagdiriwang ng kaarawan ng dakilang makata na si Francisco Balagtas o Balagtas Day sa darating na Abril 2. Ang unang balagtasan ay nangyari noon 6 Abril 1924. Tatlong pares ng makata ang nagtalo na gumamit ng iskrip. Ang pinakamagaling sa mga nagbalagtasan ay sina Jos Corazn de Jess at Florentino Collantes, kaya naisipan ng mga nag-organisa na magkaroon ng isa pang balagtsan para sa dalawang kagalang-galang na makatang ito, ngayon naman na walang iskrip. Ginawa ito noong 18 October 1925, sa Olympic Stadium sa Maynila. Si De Jesus ang nagwagi bilang unang Hari ng Balagtasan.Nakilala si Jose Corazon de Jesus bilang si "Huseng Batute" dahilan sa kanyang angking kahusayan sa balagtasan noong 1920. Mula noon hanggang ilang taong makalipas ang Ika-2 Digmaang Pandaigdig, naging paboritong aliwan ang balagtasan. Gumawa pati ang mga makata sa ibang mga wika sa Pilipinas ng sarili nilang bersyon, gaya ng bukanegan ng mga Ilokano (mula sa apelyido ng makatang Ilokanong si Pedro Bukaneg at ng crisotan ng mga Pampango (mula sa pangalan ng Pampangong makata na si Juan Crisostomo Soto.

You might also like