Rizal Script

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

NOCHE BUENA

Scene: Basilio naglalakad sa San Diego; candle light sa floor; bahaybahay


(Lights off) Music: (footsteps, malungkot na music) Narrator: Iisang bahay lamang ang nakita ni basiliong masaya, maliwanag at maraming panauhin. Ang kay Kap Basilio (13 extras magsasaya at magtatawanan) Music: (pang pista) Ang alperes ng bayani ay naroon at nakikipagsaya kasama si simoun (music volume up)

Scene: Malaking bahay; mga kurtina; handaan; parol at palamuti;


(lights on) Kapitan Basilio: Talagang nais naming tumingin ng alahas. Alperes: Nais kong ng isang kairel sa isang relo, subalit maititingin siguro ninyo ako, Kapitan Basilio (music up) (Basilio nakatitig lang sa mga tao sa bahay ni kapitan basilio) (Lights off)

Scene: Gubat; candle light sa upuan; dahon, kahoy-kahoy, puno; krus na nakaumbok sa lupa sa gitna
Music: Tunog ng kampana (pang fiesta) Basilio: malungkot na naglalakad (music: malungkot na mahina) Narrator: tinugtog na ang kampana para sa misa sa hating gabi ng mag-ingat na talantunin ni Basilio ang daang patungo sa kagubatan ng mga Ibarra. (music: Crickets, daloy ng ilog, Gubat music) ballot ng dilim

ang paligid at namamayani ang katahimikan lalo na nang tumigil ang tugtog ng kampana. Lagitik ng mga tuoyng sanga at lagaslas ng tubig sa batis ang mauulinigan. Basilio: (nakita ang puntod ng ina) Music: (malungkot na pang patay) Basilio: (nagalis ng sombrero at taimtim na nanalangin) (long pause) Basilio: (Biglang napaluhod at umiyak) (Music down) Basilio: Labing tatlong taon nang nagdaan ngunit hindi ko pa INAAAAAAAAAAAAAAAAAY! (salubsob sa puntod ng ina; patuloy sa pag hagulgol) Music: malungkot na mabagal (lights off) rin makalimutan!

NOCHE BUENA
Scene: ingkong nagtitistis ng walis, dalawang lalaki ang naglalaro kasama si basilio.
(lights on) Basilio: (lalapit kay ingkong) Ingkong, mahigit isang buwan na po ba akong may sakit? Ingkong: Dalawang buwan na ang lumipas mula ng matagpuan ka naming walang malay. Ang akala nga namin ay patay ka na. Basilio: Pagpalain nawa kayo ng Diyos! Kami po ay mahirap lamang. Subalit ngayon po ay pasko, nais ko po sanang umuwi sa bayan upang makita ang aking ina at kapatid. Baka po kasi ay hinahanap na nila ako. Ingkong: Ngunit hindi ka pa magaling, anak. At ang iyong bayan ay malayo. Mahihirapan kang makarating doon bago maghatinggabi. Basilio: Ingkong, hindi nap o bale. Nais ko lamang po makapiling ang aking pamilya ngayong Pasko.

Ingkong: Anak, gabi na at delikado na sa daan. Dumito ka nalang muna, pagsasaluhan natin ang ang manok at tapang baboy ramo na dala ng aking mga anak. At baka hanapin ka din nila kapag umalis ka. Basilio: Baka po kasi isipin ng aking ina na ako ay patay na. Ang aking pagbabalik ay marahil ang pinakamagandang regalo na maibibigay ko sa kanya ngayong pasko. Ingkong: Ikaw talaga, kung magsalita ka, daig mo pa ang matanda. Hala, sulo, lumakad ka na at hanapin mo na ang iyong ina. Basilio: (mapangiti, yayakapin si ingkong) Salamat po, ingkong! Pangako ay babalik po ako agad at isasama ko sila sa pag balik ko dito. (kukunin ang tungkod, lalabas ng room, ika ika) (Lights off)

Scene: Kapitan Basilio and Don Filipo freeze, nag uusap. Other side, Sinang, Victoria at Iday nag uusap.
(lights on) Kap. Basilio: Tignan mo nga naman ang suwerte! Napawalang sala na kayo sa sumbong laban sa inyo. (Sisa papasok sa loob ng pintuan. Takot) Don Filipo: Si sisa! (lahat mapapatingin sa kanya) Don Filipo: Hindi ba t siya ay nakatira sa bahay ng isang medico? Magaling na ba siya? (Sisa patuloy na magbabaliw baliwan) Kap Basilio: (matatawa) Natakot ang mediko na siya ay pagbintangang kaibigan ni Don Crisostomo Ibarra kaya t pinaalis niya sa kanyang tahanan si Sisa. (Sisa lalapit kay Don Filipo) Don Filipo: H-h-hindi ba siya nananakit? (sisa biglang aalis, magbabaliw baliwan somewhere else) Don Filipo: Hindi siya nananakit, sa katunayan ay ang hilig niya lang ay kumanta kanta. ngunit siya ay isang palaboy na naninirahan sa gubat. (Sisa kakanta) (Don Felipe at Kap Basilio maguusap ng walang salita)

Iday: Alam mo ba kung kalian ikakasal si Maria Clara? Nakatanggap ako ng sulat ngunit ayaw ko itong buksan. Sinang: Bakit naman? Iday: Natatakot ako sa pwede kong malaman. Kaawa-awang Crisostomo. Victoria at sinang: kaawa awing maria clara. (iiling iling) (Lights off)

Scene: (forest background, sisa sa kabilang dulo ng room)


(lights on) (Basilo pasok sa room) (Basilio makikita si sisa) (sisa kakanta) Basilio: NANAY! (with feelings) (sisa magugulat, kakaripas ng takbo) (takbuhan scene) (mabilis na tugtog) (sisa papasok sa pinto, pilit isasara para di makapasok si basilio) (stop music) Basilio: Nanay, ako po si Basilio, ang inyong anak! (Umiiyak habang nakikipag tulakan sa pinto) (Basilio matutulak paloob ang pinto, mahuhulog kay sisa) (Basilio mahihimatay, mamasdan ni sisa. ) Sisa: Ang anak ko! (iyak ) (Lights off)

Scene: (Same, Elias sa kabilang dulo ng room)


(lights on) (sisa patay na) (lights on) (Basilio babalik ang malay)

(Papakinggan ang tibok ng puso, kukuha ng tubig para iwisik sa mukha, etc) (malungkot na music) (Iyak si Basilio dahil sa kamatayan ng kanyang ina) (elias nakatayo sa kabilang dulo ng room) (basilio makikita si Elias) Elias: Ako y hinang hina na. (naglalakad patungo kay basilio hanggang sa matumba) Dalawang araw na akong hindi nakakakain at hindi nakakainom. Elias: Makinig ka sa akin. Bago sumikat ang araw, patay na rin ako. Kumuha ka ng maraming kahoy sa kabila ng ilug-ilugan. Dalhin mo iyon dito at sunugin mo ang aming mga bangkay. (hirap na hirap sa pagsasalita) Elias: At pagkatapos, kung walang sinumang darating, humukay ka at makakakita ka ng ginto. Gamitin mo iyon sa inyong pag aaral (gagapang para maabot ang kaamay ni basilio) Elias: Lumakad ka na. Mamamatay akong hindi nasisilayan ang bukang liwayway ng aking Inang Bayan. Ngunit kayong makakakita, batiin niyo ito at huwag kalimutan ang mga nalugmok sa gabi. (dead) (lights off)

SI SIMOUN
Scene: Gubat (candle light sa mga upuan)
Narrator: Pauwi na si Basilio ng makakita ng sinag sa kakahuyan at makarinig ng mga yabag at kaluskos. (Footsteps sa gubat) Basilio: (Nagtataka sa aninong papalapit) Simoun: (Papalapit sa isang puno ng balite) (sisindihan ang isang parol na magbibigay liwanag sa kapaligiran) Simoun: (kinuha ang asarol at humukay sa lupa)

Basilio: Ang mag-aalahas na si Simoun? (taking taka) Narrator: Habang minamasdan ni Basilio ang paghuhukay ng mag aalahas, nakita ng binata na hindi na nito taglay ang dating lakas. Simoun: (maghuhukay, hihingalin) Basilio: (tumayo sa tunataguan at nagpakita) Maari ko po ba kayong matulungan, Ginoo? Simoun: (Napalundag at nilagay ang isang kamay sa bulsa. Nagtaka) Basilio: Sa lugar na ito labintatlong taon na ang nakakaraan, dinamayan ninyo ako sa paglilibing ng bangkay ng sawing-palad kong ina, hayaan niyo naman akong masuklian kayo kahit na papaano. Simoun (Kinasa ang baril) At sino ako sa iyong palagay? (2 steps backward) Basilio: Isang tao pong dakila na akala ng Marami ay patay na, bagamat hindi ako naniniwala at ang kasawian niya ay labis ko ring dinaramdam. Simoun: (Binaba ang baril) (lumapit kay basilio, hawak balikat) Nasa mga kamay mo ngayon Basilio ang buhay ko. Batid mo na ang lihim na maaring ikapahamak ko at ikasira ng dakilang layunin. Alam mong madali kong mapapatahimik ang iyong bibig. May armas ako at ikaw ay wala. At higit akong kapani paniwala kaysa sa iyo. Subalit bubuhayin kita na inaasahan kong hindi ko pagsisisihan. Kapwa tayo biktima ng lipunan. Kapwa tayo uhaw sa katarungan kaya t sa halip na tayo ay magpatayan, tayo ay dapat na magtulungan. Simoun: (buntong hininga) Tama ka. Naririto ako noon at may sakit, kahabag habag dulot ng mga taong alipin ng mga pansariling pagnanasa. Nangibang bansa ako at ang pamahalaang iyan sa kaniyang sariling kasamaan, mamadaliin ko ang kanyang pagkabulok. Hindi ako mamamatay hanggang hindi ko nakikitang lasug-lasog ang pamahalaang iyan sa ilalim ng bangin na siya na rin ang nagpalalim. (sumusubsob sa lupa para bang nanunumpa) Basilio: (kinikilabutan) Simoun: Nagbalik ako at nagbalatkayong mangangalakal upang ang lahat ng bayani ay aking marating malibot. Sa lahat ng dako, iba t ibang uri ng kasakiman ang lumalantad sa aking paningin. Hinadlangan ko ang pangangalakal ipang lalong maghirap ang tao. Uudyukan ko ang pangangamkam at pamamalagi ng ligdig ipang ang mga tao ay wala nang matakbuha.. at nang sa kagipitan, makaisip sila maghimagsik. (nagmamayabang) Simoun: (maglalakad papalayo na parang di mapakali, pailing iling) ngunit nang halos magaganap na ang aking nilalayon ay siya namang paglitaw ninyong kabataang nagpupuri sa mga kastila, binibigay ang tiwala sa pamahalaan. Para kayong mga sariwang laman, may buhay, malusog at masigla. Aong pagkain na handog sa ganid na maninila.

Simoun: (tinuturo si basilio na may galit) ah! Kayong mga kabataan sa kawalan ng karanasan at pagiging mapangarapin, para kayong mga paru parong sumusunod sa bulaklak. Humihingi kayo ng pantay pantay na karapatan. Pinipilit niyong itulad ang sariling pag uugali sa mga kastila. Hindi ba ninyo naisip na pagtangkilik iyan sa mga mambubusabos at pagwasak ng sariling lahi? Inaral niyo pa ang Wikang kasila para lalong di kayo magkaintindihan! Basilio: (malumanay) hindi po sapagkat inaakala naming hindi lang tayo mapalalapit sa pamahalaang kundi magiging daan ito upang magkalapit-lapit ang ating mga pulo. Simoun: Isang malaking pagkakamali (galit) Simoun: Kay dali ninyong magpadala sa matatamis na salita nang hindi sinusuri ang maaring ibunga ng inyong ginagawa. Hindi kailanman magiging Wikang panlahi ang kastila! Bawat bayani ay may sariling wika, kaugalian at damdamin na dapat alagaan at pag ingatan. Alam mo bang wika ang diwa ng bayani at habang angkin niya ang sariling wika, taglay niya ang sariling pagkukuro? Simoun: nakita ko kayong nagsisikap na itaguyod ang kilusang itan. Ilang gabing hindi ako makatulog sa pag iisip kung paano ko maipamamata sa iyong isang malaking pagkakamali. Iniisip ko ring pagkakitaan kayo at pakiusapan nat minsan pagpalayin. (unti unting lumalapit) Simoun: (talikod) iyan ang dahilan, Basilio kung bakit kita bubuhayin. Kailangan ko ang iyong tulong. Gagamitin mo ang iyong lakas sa kabataan upang ituwid ang nalilihis nilang landas. Basilio: (short pause) salamat po sa inyo, ginoo, sa inyong napakalaking tiwala subalit hindi ko iyan kaya. Hindi ako pulitiko t kung nakalagsa man ako sa kasulatan sa kahilingan para sa Wikang kastila iyan ay isang paniniwalang malaki ang maitutulong nito sa aming pag aaral. Iba po ang aking landasin. Tungkulin kop o ang magpagaling ng karamdaman. Simoun: (lokong pagtawa) may hihigit pa ba sa kasamaan ng pag uugali sa kamatayan ng isang lipunan? Darating ang araw, mangagamot ka at maaring maging sikat kapag binigyang laya ka manggamot. Subalit higit na kadakilaan ang mabigyang lunas mo ang sawing bayang ito. Walang kabuluhan ang buhay na hindi iniukol sa isang dakilang layunnin. Basilio: (malumbay) ginoo. Hindi po ako nagwawalang bahala. Kailangan dip o ang pagkakahati hati ng mga Gawain pinili ko po ang karunungan. Simoun: hindi karunungan ang hantungan ng tao! (kinuwelyuhan si Basilio) Basilio: Subalit itan po ang adhikain bihasa ng bansa. (malumanay) Simoun: totoo.. upang kasangkapanin laman sa pagtuklas ng kaligayahan. Basilio: gayon pa man, walang pagkatapos ang karunungan at siyang kailangan ng sanlibutan walang laganap sa daigdig.

Simoun: (Unti unting bitaw, nalungkot) Ano ang ginagawa mo sa alaala ng iyong ina at kapatid? Ang manangins ng parang babae sa ibabaw ng kanilang puntod? Basilio: (utal utal, hirap sumagot) may magagawa pa ako? Ako na walang salapi ni pangalan. Masasawai lamang akong tulad nila. Simoun: At kung tulungan kita? Basilio: Anong mapapala ko kung ako ay maghihiganti? Hindi na mabubuhay ni isang hibla ng buhok ng ina ko at kapatid. Marami pang madadamay na walang kinalaman. Simoun: maiiwasam mo namang mangyari sa iba ang naganap sa iyo. Mabibigyang katarungan ang mga inaping katulad natin pati ang kamatayan ng mga mahal natin sa buhay. Mapuputol din ang kanilang kasamaan. Hindi laging kabaitan ang pagpapapaumanhin. Walang mang aalipin kung walang magpapaalipin. Basilio: ako matapos nilang gawan ng kasamaan? Simoun: likas sa mga nagn aapi na kamuhian ang kanilang inapi. Basilio: subalit malaki ang daigdig. Hindi pa maaring pabayaan na lamang akong mabuhay nang tahimik na ipinauubaya na lamang na lamang sa kanilang mga kapangyarihan. Simoun: at magkaroon ng mga anak na ilalaan sa mga pahirap? Hangad ninyo ang isang munting tahanan at kaunting kaluwagan sa buhay, isang asawa, mga anak at kaunting bigas..kung ipagkaloob sa inyo ang mga iyan, ituturing na ba ninyo kayo y mapalad? Basilio: (hindi mapakali) Simoun: Basilio, nasa iyo kung ilalago mo ang aking lihim. Subalit sa sandaling magbago ka ng pasiya, puntahan mo ako sa aking tinutulutan sa Escolta at paglilingkuran kita ng buong puso. Basilio: Salamat. (Yumuko at tuloy-tuloy ng lumayo) Simoun: (napaisip ng malalim)

You might also like