Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Juan Paulo Arellano Macasaet B-9 Year III - Saint Francis de Sales

(Pag-uugnay ng mga Pangyayari sa Kasalukuyang Pangyayari)

Canal de la Reina

Ang nobelang Canal de la Reina sa panulat ni Liwayway A. Arceo ay isang akda na sumasalamin sa mga istoryang pumapailanlan sa ating lipunan na alam nating tunay na nagaganap kahit pa hindi natin kilala ang mga espisikong taong nakakaranas ng ganito. Makikita rin sa istoryang ito ang pag-asa na marahil ay hindi pa rin nawawaglit sa kahit sino man sa atin. Ang Canal de la Reina ay sumasagisag sa ating bansa, ang Pilipinas. Puno ito ng yumi at ganda. Tunay na nag-iiwan ng magagandang alaala at nagkakanlong sa masasayang kaganapan sa mga buhay na nakatira dito. Ngunit tulad sa nobela, ito ay naging marumi, puno ng burak at naging masangsang ang amoy ng hanging malalanghap mula rito sa kadahilanang itoy nakaligtaan at may ibang nagmagaling at magreyna-reynahan sa lugar na siyang ikinasama ng sitwasyon ng Canal de la Reina. Ito ay may pararelismo sa kalagayan ng ating bansa. Ang Pilipinas ay marapat na para sa mga Pilipinong tulad natin, para ito sa tunay na nagmamay- ari, sa sambayan at hindi sa kapakinabangan lamang ng iilan. Ngayon sa ating lipunan, makikitang ang kapakinabangan ng ating bansa ay nasa kamay ng mga may kapangyarihan, ang mga may puwesto sa gobyerno at ang mga nagmamay-ari ng malalaking kumpanya na may malakas na kontrol sa ating ekonomiya. Sila ang may hawak sa mga yaman ng bansa at maging sa kaban ng bayan na hindi na napupunta sa ikabubuti ng mga simpleng Pilipino. Gaya ng sa nobela, ang iilang may kapangyarihan na sinisimbolo ni Nyora Tentay lamang ang umaasenso at ang mga taong nakapaligid sa kanya ay patuloy na maghihirap at nauupos tulad ng kandila dahil wala silang magawa dahil sa mga taong ganid nakasalalay ang kanilang ikabubuhay sa pang- araw-araw. Sa kabilang banda ang pamilya naman ng mga Reynantes-Delos Angeles ang sumasagisag sa mga Pilipinong nakaaalam sa tunay na kalagayan ng bansa at hindi nagdadalawang isip na ipaglaban ang tama. Sila ay may kabutihangloob at naniniwala pa rin sa tama at matuwid na pamamaraan ng pamumuhay. Hindi gumagamit ng iba upang makamit ang mga pangarap at hustisya bagkus ay lumalaban ng patas at harapan. Ito naman ang katayuan ng mga Pilipinong may kakayanang mabuhay sa sariling paa, yung mga may sariling kabuhayan at natutustusan ang pamumuhay nang hindi umaasa sa iba. Maaaring ibilang dito ang mga middle class na uri ng tao. Sila ang nakakakita sa kalugmukan ng mga

mahihirap at labis na katiwasayan ng buhay ng mga mayayaman. Sila ang nakakaintindi sa mga dapat gawing hakbang at para sa akin sila ang magsisimula ng pagkilos patungo sa bagong bukas. Ang mga karakter naman nila Doro at Asyang ay ang mga linta tulad ng pamagat ng isang kabanata ng nobela. Sila ang mga sumisipsip sa mga may kapangyarihan upang mapaganda rin ang estado ng kanilang buhay. Wala silang pakialam kung ikasasama ito ng ibang mga tao basta ang importante ay magkaroon sila ng kapakinabangan. Ang mga tauhan naman tulad nila Victor at Ingga ay ang mga taong napapaikot at nakokontrol ng mga makapangyarihan. Sila ang pinagmamanipestuhan ng kapit at pang-aabuso ng mga may awtoridad. At sila ang mga dapat magisingan ng diwa upang magkalakas ng loob na tumayo sa sarili nilang paa at lumaban para sa kanilang karapatan. Sininsimbolo nila ang mga Pilipinong nanatiling kimi at tahimik sa kabila ng mga pasakit na dinaranas nila dahil sa pagmamalabis ng iba. Sila Gracia at Geronimo naman ay mga biktima ng palabas na ginawa ng mga may kapangyarihan. Sila ang dumanas ng emosyonal na pagdurusa gawa ng mga awtoridad at mga taong walang magawa kundi sumunod na parang aso. Sa pagdaan ng panahon, naging matigas ang kanilang damdamin at pinili ang landas ng paghihiganti ngunit ang kalooban nilay mabuti na naghahangad lang ng kapahamakan para sa mga taong sumira sa kanilang buhay. Normal ang ganitong karakter sa ating lipunan. Paghihiganti sa mga dinanas ang unang hinahangad ngunit sa pagbabago ng ibang tao ay mamumulat sila sa tunay na dapat gawin para sa ikabubuti ng nakararami. Sa kabuuan, ang Canal de la Reina ay naging masalimuot na lugar na taliwas sa ala-alang iniukit nito sa mga taong dating nanirahan dito. Nagkaroon ng malakas na bagyo at matinding pagbaha na nakapagpabago sa kamunduhan ng lugar na iyon. Tila nawalis ang lugar pati na rin ang mga taong naninirahan roon. Mapapansin sa nobela na ang baha ay simbolismo ng isang rebulusyon na naghudyat sa pagbabago ng lipunan. Ito ang ginamit na instrumento upang ipakita ang pag-asang nananaghoy at pumipiglas. Para sa akin, ang baha ay sagisag ng sama-samang paglikos sa diwa, isip at at layunin ng mga Pilipino. Tulad ng adhika ni Andres Bonifacio, ito ang kasagutan sa kanser na pumapatay sa ating lipunan. Kung tayoy magsasama-sama at magiging isa, walang mapang-abusong awtoridad ang sa atin ay makakagapi. Ang baha sa nobela ay isang pagsubok sa atin, kaya ba natin itong isakatuparan para sa pagbabago ng bulok na sistema ng lipunan. Nagustuhan ko ang nobela dahil sa mga katotohanang nakapaloob rito at sa liwanag na mababanaag sa pagwawakas ng istorya. Nabatid ko ang mensahe ng may-akda at ang wakas ng kanyang nobela ay magsilbi sanang simulain para sa mga Pilipino upang gampanan ang tungkulin bilang Pilipino hindi lamang

para sa sarili, sa kapwa Pilipino at higit sa lahat ay para sa Inang Bayan, ang Pilipinas.

You might also like