Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ANG MAY-AKDA Si Severino ay lalong kilala sa kanyang bansag na Lola Basyang ng mga salinlahing nasa 1930 hanggang bago

magkaroon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ito ay dahil sa kanyang mga kwento ukol sa maromansang daigdig ng mga luma at malayong kaharian, mga engkantada, mga duwende, mga manika, mga kapre, at iba pa. Ngunit noong bagong dating ang mga Amerikano, ang pangalang Severino Reyes ay naging kasingkahulugan ng Sarsuwela. Sa katunayan, may ilang tumatawag sa kanya ng Ama ng Sarsuwelang Tagalog. Naging popular sa lahat ng kanyang sarsuwela ang Walang Sugat, isang dulang may tatlong yugto ukol sa magkasintahang sina Tenong, isang katipunero at Julia, ang babaing matapat sa pag-ibig. Ang sarsuwela ay isang komedya o melodramang may kasamang awit at tugtog, may tatlong yugto at nahihinggil sa mga damdamin ng tao--- pagibig, paghihiganti, kasakiman, at iba pa. Ito ay maaari ring tungkol sa mga suliraning panlipunan o pampulitika.

WALANG SUGAT
Ang Walang Sugat ni Severino Reyes, ang dulang unang itinanghal noong 1902 ay inumaga sa lansangan ang mga tao upang pag-usapan ang bagong uri ng panonoorin ay mabisang inilalarawan ng maykatha ang kalupitan at pagkawalang-awa ng mga Kastilang nagparusa sa mga walang salang mamamayan. Ipinadama sa dulang ito ang pagtatagumpay ng mga kawal Pilipino at gayundin ang paghihiganti ng pangunahing tauhan sa kalupitan ng mga dayuhan. Bagaman sahol sa mahahalagang kailangan ng isang makabagong dula, ang Walang Sugat ay masasabing natatangi na sa kayang panahon.

Walang Sugat
Ni Severino Reyes

Narito ang buod ng walang sugat Ipinabilanggo ng mga prayle ang ama ni Tenong dahil sa maling paratang. Pinarushan ito hanggang sa mamatay sa bilangguan. Sa tindi ng poot, nanandata ang binata at hinikayat pa ang mga kanayon na sumama sa kanya upang maghiganti ang ama. Lungkot na lungkot naming naiwan ang kasintahan niyang si Julia. Sa kasamaang-palad, ipinagkasundo si Julia ng kanyang ina na ipakasal sa anak mayamang si Miguel. Naghihinagpis ang dalaga ngunit hindi naman niya masuway ang kagustuhan ng ina. Nagpasabi siya kay Tenong hinggil sa bagay na iyon- namatay ito dahil sa pagdadalamhati ni Julia sa magiging kapalaran nito. Gumawa si Tenong ng hakbang upang malutas ang kaniyang suliranin. Tinulungan naman siya ng kaniyang maunawain heneral. Sa araw ng kasal ni Julia, walang abug-abog na dumating ang heneral,dala ang nag-aagaw buhay na si Tenong. Sa harap ni Miguel ay hiniling ng batang rebelde na makasal siya kay Julia bago man lamang malagutan ng hininga. Hindi makatanggi si Miguel sa hiling sa isang malapit ng maatay. Pumayag siyang ikasal ang muling nagkitang magksintahan.Ngunit pagkatapos ng seremonya, inutusan ng heneral na magbangon si Tenong. Kahit kapiraso,si Tenong pala ay walang sugat

You might also like